2 minute read

Tangis

Magsisimula ang araw ni Vito na papasok sa paaralan na walang almusal dahil hindi pa siya nakakapagkayod na magtinda ng kalamay dahil ‘yun ang hanapbuhay na naipamana sa kanya ng kanyang mga magulang. Ang mga magulang ni Pablo ay parehas namatay dala ng COVID-19 virus kaya naulila siyang lubos sa murang edad. Si Vito ay walang kapatid at nag iisa lamang sa kanyang bahay na barong-barong.

Mahigpit ang implementasyon ng lockdown dahil sa pesteng dulot ng COVID-19. Marami ang takot dahil maraming buhay na ang binawian dahil sa virus na ito.

Advertisement

Naglalako si Vito sa kanilang barangay simula 5:30 AM hanggang 6:30 AM upang sa maghapon ay may pangtustos siya sa pagkain. May mga suki na rin siya pero napansin niya na sa bawat bahay ay iba’t iba ang suliranin. May mga nag-aaway na mag-asawa. may mga manginginom na ginawang umagahan ang alak kahit ‘di pa kumakain ang kanilang pamilya at meron din namang pamilya na matiwasay ang buhay. Isa na ro’n ang pamilya ni Teresa.

Si Teresa at Vito ay magkaibigan pero ang kanilang estado sa buhay ay langit at lupa ang pagitan. Si Teresa ay mula sa pamilya ng mga abogado at negosyante habang si Vito ay mahirap at isang ganap na ulila. Pero hindi naging balakid ang estado nila sa parehas sa buhay. Mababait ang mga magulang ni Teresa kaya kadalasan ‘pag walang pang internet para maresearch para sa kanyang mga takdang aralin si Vito ay natutulungan siya ni Teresa.

Isang gabi habang papauwi si Teresa kasama si Vito galing sa pamilihan sa bayan ay may mga nakasalubong silang lalaki na mga lasing at lulong sa droga. Pinagnasahan ng mga lalaki si Teresa kahit pa ito parang madre manamit dahil laki sa konserbatibong pamilya. Binugbog si Vito hanggang sa ito’y tuluyang mawalan ng malay at si Teresa naman ay patuloy na sinakal at ginahasa ng mga kalalakihan. Nagkamalay si Vito na nanghihina at nasaksihan ang pag gagahasa sa kanyang matalik na kaibigan. Wala nagawa si Vito at patuloy siyang tumatangis sa galit at awa hanggang sa magsi-alisan ang mga kriminal.

Natagpuan sila ng mga residente sa lugar ng krimen at agad naman rumesponde ang mga otoridad subalit patuloy pa rin sa pag-iyak si Vito dahil sa wala siyang nagawa sa kanyang kaibigan.

Buhay si Teresa pero nagkaroon na ito ng problema sa pag-iisip dahil sa trauma na dulot ng karumal-dumal na pangyayari sa buhay niya. Ang mga magulang ni Teresa ay masigasig na hinanap ang hustisya para sa kanilang anak. Lumipas ang panahon kahit na pamilya sila ng mga abogado at mayaman walang naarestong suspek sa krimen.

Si Vito ay patuloy namuhay at ang pamilya naman ni Teresa ay patuloy sa paghanap ng hustisya. Habang lumilipas ang panahon lalong lumalala ang sakit sa pag-iisip ni Teresa at isang umaga nakita na lamang ng pamilya nito na wala ng buhay at nakabitin sa lubid ang leeg.

Labis na pagtangis ang naramdaman ni Vito dahil sa pagkamatay ni Teresa. Hindi niya maiisip kung papaano nangyari ito sa kanyang mabuting kaibigan. Natutulala at labis na umiiyak si Vito sa mga nangyari at hindi pa rin makapaniwala.

Si Vito ay isa lamang sa maraming saksi ng malupit na realidad sa mundo kahit sa murang edad. Nagsumikap siya sa pag-aaral hanggang sa naging abogado si Vito. Ito ang naging inspirasyon ni Vito sa pagkamit ng pangarap na maging abogado at maging mabuti sa kanyang propesyon para sa mga biktima ng krimen at naaapi.

Guhit Ni

E-Jay Borjal

Debuho Ng Pahina Ni

Christian Reganit

This article is from: