1 minute read

Pagtanggap

Sa mundong walang kasiguraduhan at pabago-bago, may mga bagay na magdudulot ng pagkalito, Tila ba para kang nakasilid sa masikip na kwarto walang alam kung saan ito patungo.

Advertisement

Hindi mawari sa isipan, animo’y naglalakad sa kawalan, hindi lubos na maunawaan, Saan nga ba nagkulang?

Kasabay ng pagpatak ng ulan ang patuloy na pag-agos ng mga luha.

Paulit-ulit na nagtataka–mga katanungang daig pa ang sirang plaka

Saan ba nagkamali?

Hanggang kailan kaya iisipin? Siguro nga’y tama sila, may mga bagay na hindi na kailangan ungkatin, At panahon na para umusad din.

May mga bagay na nagdala ng kalungkutan at walang kasig uraduhan, Panahon na para ito’y suungin at harapin. Mabibigyang linaw ang kasalukuyan, at hayaang magbigay ng aral ang nakaraan

Lahat ng bagay ay may rason Kailangan lamang sumabay sa ikot ng panahon, Sa pait ng nakaraan ay ‘di na lilingon,

This article is from: