1 minute read

Pahuyaw

Marahil ang pinakamaalam ay naranasan na ring malito; bitbit ang desperasyong matuto, sa takot na ang kanyang talino ay hindi totoo.

Marahil ang pinakamaganda ay naranasan na ring mainggit; inggit sa pag ibig na mas malalim pa sa itsura, bagay na kahit kailan ay hindi niya nadama.

Advertisement

Marahil ang pinakamalakas ay natalo rin sa kanyang mga laban; mga labang hindi nya sinabi kahit kanino, dahil hindi lahat ay makakaintindi nito.

Marahil ang pinakamagaling na makata ay naubusan na rin ng mga salita; kimkim ang bigat ng damdamin dahil hindi niya alam kung paano ito sasabihin.

Marahil ang pinaka masaya ay naranasan na ring umiyak sa dilim ng gabi; Kung kailan walang makakakita sa kanya, walang mata, walang mang huhusga.

Marahil panahon na para matanggap mong nauubos ka rin; walang magagalit kung mag papahinga ka, at ipagpapatuloy ang laban kapag puno ka na.

Guhit Ni Brandon Jon Delos Santos

Debuho Ng Pahina Ni Christian Reganit

This article is from: