
1 minute read
Kung Paano Maghasa ng Dyamante
Salamin sa kagalingan at katanyagan ang dyamanteng kumu-kutitap sa mata ng bawat bata, kung sila’y bigyan man ng pagkakataon na sumilay sa kaniyang kagandahan ay tiyak na hindi nila ito tatantanan.
Battle of the Bands
Advertisement
Pinasiklab ng mga Scilinians ang damdaming musika sa muling pagdaraos ng Battle of the Bands: Marahuyo, Abril 24.
Umarangkada ang iba’t ibang mga banda sa naturang kaganapan, kabilang ang Synéchise, MightyBand, Ecclesia, Sir John and The Lonely Researchers Club, After School Hours at Adaline.
Language Week
Nakipagtalastasan sa debate ang mga mag-aaral mula baitang sampu sa idinaos na Language Week 2023, Abril 26.
Lumahok din ang mga Scilinians sa tagisan ng talino sa Heograpiya at sabayang pagbikas.
Family Day
Lumahok ang mga pangkat ng Baitang 10 sa mga palaro kaugnay ng pakikiisa sa pagdiriwang ng Family Day, Hulyo 3.
Hinirang na Community Champion ang Pangkat Berzelius samantalang nasungkit ng Pangkat Moseley ang Best in Attendance.