
2 minute read
Your Science High School Canon Event
Kumusta ang hilata?
Nakapaglinis na ba lahat ng files? Nakapagdelete na ba ng mga screenshots at pictures sa iPhone 14 fully paid? Pwes, dahil ang lahat ay nakaupo na’t sinusulit ang kanilang mga panahon sa pagkakahimlay, panahon na ‘rin upang balikan ang mga pagkakataong lumagapak sa tawa, gumulong-gulong sa iyak, at niyakap ang pagiging scilinians.
Advertisement
Kaya bago pa man tayo salubungin ng taong-panuruang 2023-2024, sulitin na natin ‘to!
Lato-Lato (Not the Jungkook Song)
Aba Maria, punuin niyo po ako ng grasya!
Time check, 7:00 AM na pasukan, 6:30 AM, may nag tatak-tak-tak na sa kahabaan ng Perez, sa ikalawang palapag ng SHS building, at malapit sa puno ng Talisay, maniwala ka, naririnig ko rin.
Akalain mong pamwiset lang o pampalipas oras, ngunit ito pala ay pampalubag loob sa mahirap na aralin at pampalakas ng pisikal na kakayahan ng mga scilinians na pagtagpuin ang mga lato-lato.
Book and Bind Us Together

Kung katulad kita na hindi pinalad magpabook bind dahil sa mga kasabayan mong uhaw na uhaw nang makagraduate, dapat handa na ang inyong pagmamakaawa Gawad-Uriang aktingan dahil minsan mas may awa pa si ateng nagpapabookbind kaysa sa Thesis ninyo na umaabot ng libo-libo.
Sa pagpatak ng huling semestriya manalangin ka na lang na maagang natapos ang inyong papel kung hindi iba’t-ibang bihis ng mag-aaral ang kasama mong hahamakin ang lahat maibigay lang ang bookbind ng thesis ninyo.
Uhaw (Sa Kape at Ang Kanta) Tanging ikaw, sa’yong-sayo, tanging ikaw.

Naging tugtugan ng masa, naging himno ng alumna – siglo ng mga scilinian.
Habang nag-aaral sa kanilang mga susunod na exam, kasabay ng kanilang pagsasaulo ng mga Periodic table elements, kasama mo ang Uhaw na tugtugan ng tropa – naalayan na noong Valentines kasama ng Pasilyo, malala na talaga kapag Uhaw ang naialay sa’yo.
Eka nga nila, basta SciHi, mahusay (magmahal)!
Ang Alamat ni Freddie Mercury Salmong tugunan, we will rock you! Kasabay ng salonpas at alas-otsong gabing uwian, partida hininga siguro o buong diskorgapiya ni Freddie Mercury ay kabisado mo na, hindi ba?
Naging tugtugan ng buong paaralan pagpatak ng Enero, pati mga kaguruan ay hindi na naninibago, siguro pagkatapos ng kanilang mga paboritong mga kanta noong kanilang panahon – ay pumapangalawa na ang mga tugtugan ni Freddie Mercury dahil ilang linggo mo siyang maririnig kada taong panuruan.

Daig pa niya ata ang himno ng Honorato sa pagkakabisado.
Gagawin ko ang lahat pati ang the - sis mo!
Daig mo pa ata ang Eraserheads kung hindi mo nagawa ito, sa ngalan ng pag-ibig – nabuhat mo na ba siya sa thesis ninyo?
Heart react kung totoo.
Char! Dahil sa kulturang Science High School mas malala pa ata ang combeack ng thesis kaysa sa comeback ninyo. Habang tumatagal, mas kumakapal – habang nagtatagal, mas dumarami, kamusta, kaya pa?
SHABU (Salamat Hesus at Biyernes Muli)
O ano, miss mo na ‘no?
Sa pagsasara natin ng isa na namang kabanata ng buhay nating bilang magaaral ng Honorato, alam kong sa mga canon event na naranasan – at mararanasan pa natin, dala-dala natin, hindi lamang ang mga alaalang maibabalita natin o maikwekwento sa mga susunod pang mag-aaral, kundi ang dangal at ang paniniwala, na ang mga alaala na ito ang humubog sa’tin para tawirin at abutin ang alapaap, dahil minsan, tayo’y naging tunay na magkaibigan.