1 minute read
Walang Siguro
Ian Khem G. Juntilla
Sa panahong hindi natin inaasahan May mga taong naging daan upang sakit at pangamba natin ay maibsan Mga taong buhay ay inilagay sa kapahamakan Mga taong habang buhay nating igagalang at pasasalamatan. Mga taong piniling paglingkuran ang sariling bayan Upang pandemya’y matuldukan at pamilya’y muling maalagaan Mga dakilang front liners kung sila’y tawagin Kamataya’y kanilang susuungin upang mundo’y muling paghilumin. Araw-araw nilang dinadala ang responsibilidad at pasakit Gabi-gabi silang di makatulog dahil sa trabahong sa kanila ay nakakabit Walang minutong hindi sumagi sa kanilang isip ang mahawaan Dahil sa bawat segundong lumilipas alam nilang wala silang kasiguruhan. Bantay doon, bantay dito Dakip doon, dakip dito Lakad takbo, yan lang ang kanilang naging araw-araw na ehersisyo At sa maling hakbang na kanilang gagawin, buhay ay mapipiligro.
Advertisement
Maswerte ang iba dahil nasa bahay lang sila Maswerte ang iba dahil makakapiling nila ang kani-kanilang pamilya Maswerte sila dahil hindi mataas ang tyansang mahawaan sila ng pandemya Ngunit ang mga dakilang ito, mataas na nga ang tyansya, di pa nila makakasama ang pamilya. Marami sa kanila ay nahawaan na, yung iba patay na Ngunit di sila tumitigil na magbigay lunas kahit buhay nilay maaganas na Marami sa kanila’y nawawalan na ng pag-asa Ngunit pamilya ang naging sandalan nila upang magpatuloy at sugpuin ang pandemya. Buhay nila’y di madali Sumusuong sila sa butas ng karayom upang mundo’y muling makabawi Katawan at kalusugan nila’y pilit ring pinapalakas Dahil ito lang ang kanilang puhunan upang makalikha ng totong lunas. Itong pandemya ang nagbigay sa kanila ng kakaibang lakas at panghuhugutan Itong pandemya ang naging daan upang sila ay mas maging mahusay sa kanilang larangan Itong pandemya ay isang hamon na nagpabago sa buhay na kanilang kinagisnan Itong pandemya ay naging buhay nila kung saan kaayusan at pag-asa ang pinanghahawakan.