4 minute read

Lingkod at Karangalan

LINGKOD AT KARANGALAN: PAGPUPUGAY SA MGA FRONTLINERS

Nakakubling panganib ang nakaambang ngunit walang kasiguruhan kung sino ang matatamaan. Nababalisa sa posibleng mangyari at bawat isa’y nakatutok sa bawat balitang makapagbibigay ng kaunting lunas sa kabang nararamdaman. Sa bawat pagdaan ng mga araw, nadadagdagan ang mga kaso, kapalit nito’y bigkas ng mga panalangin na kusang namumutawi sa mga bibig. Ang daing ng mga pusong humihingi ng kapatawaran sakaling maibsan at marinig sa kaitaasan ang usal ng naghihingalong mundo mula sa sakit ng katawan, sikmurang kumakalam at hindi pagkapantay-pantay ng karapatan. Mga Salita ALYZA V. PAMILLARAN

Advertisement

Isang nakakamatay na virus ang mabilis na kumalat sa buong mundo, ang kumitil ng maraming buhay, nagdala ng pangamba sa bawat pamilya at naging banta sa komunidad ng mga frontliners. Para sa mga taong nakakulong man sa responsibilidad at sinumpaang tungkulin para sa bayan, ang makapagbigay ng ligtas na pamayanan at makalapat ng lunas para sa may karamdaman ang siyang una nilang isinasaalang-alang kahit buhay man nila ang nakataya. Ang bawat laban, kapalit ng buhay na kanilang maisasalba.

TAGASURI NG MGA PASYENTE

Hindi biro ang kaba sa bawat pagsalang sa harap ng mga hinihinalang pasyente kasabay ng pagkuha ng dugo at pagkokolekta ng oropharyngeal at nasopharyngeal swabs para sa gagawing pagsusuri ng SARS-CoV-2 o “severe acute respiratory syndrome coronavirus 2” na kadalasang sanhi ng COVID-19.

“It’s really hard for us since we are in the frontline. We need to be extra vigilant in our work because we’re facing an unseen enemy that spreads rapidly and thus require extra caution on every procedure that we do or perform,” pagsasalaysay ni Jane D. Panaguiton, isang Medical Technologist sa Roxas Memorial Provincial Hospital.

“Para sa mga taong nakakulong man sa responsibilidad at sinumpaang tungkulin para sa bayan, ang makapagbigay ng ligtas na pamayanan at makalapat ng lunas para sa may karamdaman ang siyang una nilang isinasaalang-alang kahit buhay man nila ang nakataya. Ang bawat laban, kapalit ay buhay na kanilang maisasalba.”

May iilang pasyente ang may nakitaan o nararamdamang sintomas ng COVID-19 ang dinadala sa nasabing ospital kung saan may naitala ring kaso ng mga nagpositibo. Sa walang kapagurang pag-aalaga sa mga pasyente, sila’y gumagaling mula sa virus. Bilang isang medical technologist, sila ang nagsasagawa ng Reverse Transcription Polymerase Chain Reaction o RT-PCR sa mga indibidwal upang malaman kung ito ba ay positibo o hindi sa COVID-19.

“Being in the medical field during this pandemic is also more of a privilege because you get to practice being selfless and you get to serve other people which is really the core purpose of our profession and being,” dagdag pa niya.

Sa kabila ng init mula sa pagsusuot ng personal protective equipment, pagod sa palagiang pagantabay sa mga pasyente, samahan pa ng pangungulila sa pamilya, hindi matatawaran ang kanilang tapang at puso sa pagbibigay-serbisyo.

TAGAPAGTAGUYOD NG KALIGTASAN

Sa dagok na hindi alam kung kailan makakaahon, walang sinuman ang pinili upang maghari. Ang pagsupil sa kalaban ay hindi sa isa nakasalalay, kundi sa lahat na nagiging isa.

Kung ang iba ay nakakatulog ng maayos at mahimbing sa lalim ng gabi, ang sa kanila ay tanging idlip ang siyang pahinga. Ang bawat umagang inaabangan at pupunuin ng hindi maisip na gagawin hanggang abutan ng dilim na muling babalikan ang kamang tila kani-kanina lang iniwanan. Ito ang kalimitang sitwasyon ng iilan subalit ang bawat paghigop ng kape sa umaga hanggang gabi ay isang lakas na bubuo sa sinumpaang tungkulin ng ating mga frontliners.

Makikita sila sa bawat kanto, sa bawat checkpoint at nagpapatrol para sa ligtas na pamayanan at nagpapatupad ng kautusan at panuntunang pangkalusugan.

“Adlaw-gab-i kami dira sa crossing sang Hermano, may ara kami checkpoint kag guinsarhan man namon ang San Lorenzo kag Casandra kag ang gasulod-guwa nga tawo guinapangayuan namon sang quarantine pass kag guinapangitaan sang face mask,” paglalahad ni Ronaldo Bartolo Jr., isa sa mga barangay tanod ng Punta Tabuc, Roxas City.

Marahil ang lahat ay nakakaranas ng takot lalong-lalo na kung mawalay sa pamilya sa ganitong sitwasyon ngunit kakaiba ang pangamba kung saan ang proteksiyon na dapat ay para sa iyong pamilya ay sa iba mo nagagawa.

“Homesick talaga ang mahirap kapag malayo ka sa pamilya mo lalo na’t buntis ang asawa ko at maliit pa ang isang anak ko. Nakaranas din ako ng depresyon dahilan sa iniisip kung paano na lang sila kung magkakasakit ako,” pagsasalayay ni Patrolman Perfecto F. Cabrera Jr., isang pulis na naka destino sa Malay Police Station.

Ayon pa sa kanya, naging doble ang kanilang pag-iingat sapagkat hindi nila alam kung sino ang unang aatake, ang virus ba o ang tao.

IISANG KAHILINGAN, IISANG PANANAMPALATAYA

Ang kanilang paglilingkod ay may kaakibat na hangarin. Sa panahong ito, paghahanda at patuloy na pagsunod sa mga abiso at alituntunin ng mga awtoridad ang tanging maiaambag ng mamamayan.

“Most important of all is your spiritual care–do not lose the devotionals, the reading of God’s words and prayers. May ara loving purpose ni tanan, so take heart ah, these temporary sufferings are achieving for us an eternal glory that far outweighs them all. Keep praying,” dagdag pa ni Panaguiton.

Ang laban na ito ay hindi lamang sa aspetong medikal, lakas at armas kundi pati na rin ng mga dyanitor, kahera, parmasyutiko, tindera, gobyerno at maging ikaw—kasama ka sa bawat laban. HSE

PERFECTO F. CABRERA JR. JANE D. PANAGUITON

This article is from: