7 minute read

Pahayagang Bilangguan: Ang Kapalaran ng Malayang Pamamahayag

Mga Salita ANGELI QUEEN D. DEVELOS at CZARELLE F. LUCES

Higit isang dekada na nang maganap ang isa sa pinaka-karumal-dumal na krimen sa bansa at sa industriya ng medya—ang Maguindanao massacre. Limampu’t walo ang pinatay na kinabibilangan ng 32 mamamahayag at tinatayang umabot naman sa 112 tao ang sangkot sa malabangungot na tagpo sa kasaysayan ng Pilipinas. Pangunahing suspek ang pamilya Ampatuan na kalaunan ay nahatulang guilty sa salang limampu’t walong bilang ng murder. Nangyari ang masaker sa panahon ng pagpa-file ng kandidatura para sa halalan 2010. Ika-5 ng Mayo nang maghain naman ang National Telecommunications Commission (NTC) ng cease and desist order laban sa ABS-

Advertisement

CBN matapos mapaso ang prangkisa nito.

Inulan ng batikos at pagkondena ang naging hakbang ng NTC na ipatigil ang operasyon ng

ABS-CBN, ang pinakamalaking kompanya ng media entertainment sa bansa, sa panahong kinakailangan ng mga Pilipino ang lehitimong impormasyon sa gitna ng kinakaharap na pandemya (COVID-19). Hulyo 10 nang tanggihan ang apela ng ABS-CBN sa pagrenew ng kanilang prangkisa matapos ang 12 pagdinig sa Kamara. Nag-ugat naman ang kasong cyber libel laban kay Maria Ressa at sa dating mananaliksik ng Rappler na si Reynaldo Santos Jr. sa isang ulat patungkol sa reklamo ng negosyanteng si Wilfredo D. Keng, na pinangalanan noon ng Rappler bilang sangkot sa mga iligal na gawain at may-ari ng SUV na ginamit ni dating Chief Justice Renato Corona sa impeachment trial nito. Hinatulang guilty si Ressa at Santos sa kasong cyber libel noong ika-15 ng Hunyo taong 2020.

Iilan lang ito sa mga “di umano’y” paniniil sa karapatan ng malayang pamamahayag. Kaliwa’t kanang mga haka-haka na maaaring ikabit sa walang humpay na pakikipaglaban para sa malayang pamamahayag na maaaring maging banta sa bawat “kritiko”, pahayagan, mga manunulat at maging karaniwan.

Anong kapalaran ang naghihintay para sa malayang pamamahayag? Yakap ng rehas, habag ng kasalukuyan o tulay ng katwiran?

MALAYANG PAMAMAHAYAG, KALAYAAN AT KARAPATAN

Ang kalayaan ng mga mamahayag ay ang kalayaan ng pakikipagtalastasan at pamamahayag sa iba’t ibang pamamaraan kasama ang ilang medyang elektronik at mga naiilathalang materyal. Kahit na ang ganitong kalayaan ay nagpapahiwatig ng kawalang hadlang mula sa mas mataas na estado, ang pagpreserba nito ay maaaring makamit sa pamamagitan ng konstitusiyonal o ibang legal na proteksyon.

Artikulo III, Seksyon 3, Ikatlong talata ng 1987 Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas na nagsasabing, “Hindi dapat labagin ang pagiging lihim ng komunikasyon at korespondensya maliban sa legal na utos ng hukuman, o kapag hinihingi ang naiiba ng kaligtasan o kaayusan ng bayan ayon sa itinatakda ng batas.”

TANIKALA NG KASARINLAN

niya. Ang bawat artikulo ni Jake na pinopost online ay hindi “basta” lamang artikulong napapanahon, ito’y naglalaman ng pangangatwiran, kamalayan, kaalaman at tapang na maaaring ikatuwa o ikagalit ng iba. “If the government complains about people complaining, can they be considered terrorists, too?”

Matatawag bang kalayaan kung madamdamin niyang tanong. Ayon ikaw na mamamayan na dapat rin sa kanya, ang mamamayan ay pinaglilingkuran ay magiging kalaban? inaasahang makilahok sa pambayan Katanggap- at pampolitikong tanggap pa ba aspeto ng bansa. ang mga dahilang “ Activists pilit na lang Press freedom is essential. forward the causes ibinibintang? Ang kasarinlan ay hindi Kung wala ito, ang and plight of the dispossessed and lamang sa talim ng sandata at mensaheng ito ay malamang marginalized sectors,” usal pagdanak ng dugo ang basehan— ‘di makakaabot sa iyo. ni Jake. “We all want what is best papel, panulat for the country. at mga kataga —JAKE BUENVENIDA Ang pananahimik ay maaaring sa gitna ng makapagbibigay- kabaluktutan daan sa pagbabagong inaasam ng bawat tao. ay siyang magtutulak daan para sa opresyon,”

“Press freedom is essential. Kung wala ito, ang makatuwiran niyang tinuran. mensaheng ito ay malamang ‘di makakaabot sa iyo,” bungad ni Jake Buenvenida, estudyante sa SALITA AT BILANGGUAN kursong AB Political Science. Makapangyarihan ang bawat salita, nasa

Kilala siya hindi lamang sa angking-talino tama man o wala, kahit sino, aasintahin niya. kundi maging ang kanyang malawak at masigasig Ito ang tunay na pangamba—salita katumbas na pag-aaral ng batas ng Pilipinas at ng ibang ay malamig at madilim na bilangguan. Takot na bansa ay kapuri-puri. sa kanino man, manunulat o ordinaryong tao,

“Ang malayang pamamahayag ay ang bumabalot sa bugso ng damdamin na sana’y m a l a y a n g magbibigay ng lakas, ay siyang gagapos sa iyong paghahatid ng mithiin. impormasyon, “Freedom is the life blood, of a liberal and katotohanan para democratic country, in all phases and facets. This sa sambayanan include Freedom of the Press,” pahayag ni Andrea at walang Nicole Parce, kasalukuyang estudyante ng Doctor kinikilingang of Jurisprudence. pagbabalita Nagsimula si Andrea Nicole sa pagsabak sa na maaaring mundo ng malayang pamamahayag noong siya’y patungkol sa nasa ika-limang baitang pa lamang hanggang pang-aabuso ng makapagtapos ng kanyang bachelor’s degree, na kapangyarihan, kung sa kabuuan ay mahigit sampung taon na korupsyon at iba pakikipagsapalaran sa larangan ng pahayagang pa,” pahayag niya. pampaaralan. “Government is a “The issue of the press freedom is not limited core element of a to journalists or the media alone. It is an issue that pluralistic and free affects all of us precisely because our rights hang by media,” giit pa the rope that is, press freedom,” dagdag ni Andrea.

Sa sampung alaala na iyong nabuo, dalawa lamang ang tatatak sa iyong isipan. Muling ginunita ni Andrea ang mga karanasan na sa kaniya’y nagpabatid na ang bawat salita ay maaaring maglagay sa’yo sa bingit ng kamatayan lalo na kung ang tinutuligsang paksa ay may kapangyarihan.

Isa na rito ang artikulong patungkol sa administrasyon ng kanilang paaralan na naglalaman ng paglalantad “umano” ng katiwalian sa pamamalakad nito. Kaniya ring sinariwa na ang kagaya nilang manunulat, muntikan nang makasuhan ng libel dahil sa pagsusulat ng ‘di umano’y paninirang-puri sa isang indibidwal na kalauna’y naareglo at naiwasto ang nasabing artikulo.

ESTADO NG KALAYAAN

Ganap nang naisabatas ang Anti-Terrorism Law sa bansa at ito’y mainit na sinalungat ng karamihan. Itinuturing ito na magiging malaking balakid sa malayang pamamahayag at sa mga mamamahayag.

“Ang press freedom ay karapatang pampahayagan na nagsisilbing haligi ng bawat media outlets sa bansa,” ayon kay Jonar Dorado, isang mag-aaral at student journalist. “Ito ay nararapat na isabuhay sapagkat dito nabubuhay ang ating kalinangang-isip na magkaroon ng tama at sapat na impormasyon ukol sa nagaganap sa ating paligid,” pagpapaliwanag pa niya.

Miyembro ng isang pahayagang pangkampus si Jonar. Ang kanyang hilig ang nagtulak sa kanya upang tahakin ang landas ng dyurnalismo. Hindi man niya batid ang kaganapan sa hinaharap, ang hangad na maging tapat at makapanglingkod ang kaniyang tanging sandata. “Simula’t sapol pa ng aking pagiging journalist, nasa isip ko na na malalagay sa panganib ang aking buhay—lalo’t kung magpupuna ako laban sa gobyerno,” malungkot niyang sabi. “ K a h i t pa sabihin na mayroong daandaang mga radyo, pahayagan, o network sa ating bansa na magsabuhay ng press freedom, ang pagpapatahimik sa isang kumpanya ng medya ay itinuturing pa ring media oppression,” marahan ngunit malaman niyang pagsasabulalas.

KALAYAAN ANG KANLUNGAN

“I call for the government to be held liable for waging a war on the Filipino poor—for abandoning its moral responsibility to protect and serve the best interest of its people, and delimiting its policies for the welfare of the few,” pakiusap ni Jake.

Para kay Jake, ang malayang pamamahayag ay karapatan. Binigyang-diin din niya ang mga katagang, “It is not whether these rights are important or absolute or not, it is whether people can freely exercise these without being gunned down.”

Napabuntong-hininga naman si Andrea, tila pagpapakawala sa nakadagang hangin dulot ng mabibigat na katanungan. Kalmado siyang napangiti at binitawan ang mga salitang, “Limiting press freedom will have a definite impact on me as a Filipino citizen. With the continued suppression of this freedom, we are left with bad governance that we do not deserve. Today as we speak, the government has billions of debt without a clear and efficient plan or disbursement. This debt is now carried by billions of unborn Filipinos.”

“Kung nanaisin natin, tayo’y may mga pansariling karapatan upang ipaglaban ang nararapat sa bayan. Tayo’y mga Pilipino kaya’t ‘wag dapat nating hayaang malugmok ang ating bansa dahil sa bulok na serbisyo at pamamahala,” makabuluhang sambit ni Jonar.

Maituturing mang makapangyarihan ang salita, kapag ito’y sumobra o kumulang—masama ang epekto. Lahat tayo ay may karapatan, kasama na ang karapatan sa malayang pamamahayag. Kung para sa iba ito’y trabaho lamang, sa mga taong sumugal na ng sarili sa larangan ng medya, dugo’t buhay nila ito. HSE

JONAR DORADO

This article is from: