
10 minute read
4 Koronang Tinik: Paghahari
the
Hillside Echo
Advertisement
THE OFFICIAL STUDENT PUBLICATION OF FILAMER CHRISTIAN UNIVERSITY INFORM . INSPIRE . EMPOWER
EDITOR-IN-CHIEF Angeli Queen D. Develos
ASSOCIATE EDITORS
Ysabelle Ann B. Besorio Michael Jay A. Demingoy
NEWS EDITORS
LITERARY EDITOR SPORTS EDITOR PHOTOJOURNALIST
ADVISER MANAGING EDITORS
Alyza V. Pamillaran Joshua B. Solis
Thoen Ann S. Socobos Jimil Faith P. Caputero Vanessa Glenise B. Usison Czarelle F. Luces Kexia Jill P. Señerez
Leo Art Diosep E. Borres
CONTRIBUTORS
Alma M. Olay Nick Andrei Desales Daren Xyra P. Silubrico
COVER MODEL COVER PHOTO CREDITS
Ken John B. Casabon EFE Jane D. Panaguiton Joshua B. Solis
Marko2311 from pngtree.com Bagir Bahana from unsplash.com
OFFICE ADDRESS
2/F Suman Bldg., Filamer Christian University, Roxas Ave., Roxas City, Capiz, Phil. 5800
CONNECT WITH US
/The Hillside Echo Publication @hseoffpen thehillsideecho@gmail.com
PRINTED AT
Makinaugalingon Printer & Bookbinder
The Hillside Echo is the official student publication of Filamer Christian University and is publishing thrice every academic year. For more information and comments, please contact our editors or simply email us at thehillsideecho@gmail.com. Copyright © 2020
No part of this magazine may be reproduced without written permission from the publication.
from the editor
Sa hardin ng halimuyak at kariktan, inagaw ang aking tingin ng bulaklak na maladugo ang talulot at tila lumiliwanag at nang-aakit. Nang lapitan at haplusin, ako’y nasugatan ng nakakubling tinik na binalot sa huwad na ganda.
Sa mga nagdaang taon, maligaya pa nating sinalubong ang bagong taon, buo ang pamilya’t sama-sama sa hapag-kainan, maayos ang paligid at tanging ingay ng mga paputok ang bumubulabog sa tahimik na gabi. Pagpasok ng taong 2020, nagbago ang lahat. Ang dating siksikan ngayon ay limitadong upuan ang maaring upahan, maging ang mga lansangan ay naging bakanteng daanan. Ang mga platapormang hinaluan ng mabulaklak na salita ay nalalanta na, idagdag pa ang mga problemang mas pinasidhi ng COVID-19. Naglantaran din ang bulok na sistema ng pamamalakad, umalingasaw ang mga pinakatago-tago at napapanis na ang ‘puro pangakong’ solusyon.
Ang magasin na ito ay naglalaman ng mga kuwentong gumulantang sa mundo—higit na nakakatakot kaysa sa pandemyang kinakaharap. Ang mga nakapaloob na mga pangyayari ay nagpabagabag sa himbing ng pagkakatulog at nagtanim ng alinlangan at pangamba sa tao at lipunan.
Angeli Queen D. Develos
Editor-in-Chief
about the cover
The COVID-19 pandemic gave rise to a series of problems that come one after another while leaving traces of damage and distress. These problems are being endured and fought with by the man in the cover. Behind every mask are the pandemic’s consequences which are impossible to cover. Although his battle is not yet over, his strength remains unconquered by the challenges he was forced to face.
04

25 08 CONTENTS

04 Koronang Tinik: Paghahari ng Delubyo
Hindi inaasahan ng lahat ang kanyang pagdating. Mistulang panauhin sa isang pagdiriwang na pinagkaitang mabigyan ng paunlak. Nang dahil sa nakagigimbal niyang presensya, dagliang naputol ang kasiyahan at ito’y napalitan ng alinlangan.
08 Lingkod at Karangalan: Pagpupugay sa Frontliners
Isang nakakamatay na virus ang mabilis na kumalat sa buong mundo, ang kumitil ng maraming buhay, nagdala ng pangamba sa bawat pamilya at naging banta sa komunidad ng mga frontliners.
11 Pahayagang Bilangguan: Ang Kapalaran ng Malayang Pamamahayag
Anong kapalaran ang naghihintay para sa malayang pamamahayag? Yakap ng rehas, habag ng kasalukuyan o tulay ng katwiran?
14 Putik at Pag-asa: Binhi ng Kinabukasan
Sa pagdating ng pandemya sa ating bansa, nabungkal ang katotohanan na kung sino pa ang nagtanim ay siya pa ang walang aanihin at kakainin—tila nalubog ang mga paang hinatak ng realidad.
16 New Normal: Dalangpan kag Kabalaka
Ang virus wala lang naglapnag bilang pandemya kundi bilang isa man ka realidad nga nangin repleksyon sang kadam-an.
20 Mental Health

The pandemic and its associated stress and anxiety have negative impacts on our mental health. As fears and changes become more overwhelming, so does the mental health consequences that affect people in all walks of life.
22 #BlackLivesMatter: A Tragic Pattern of Injustice

With countless lives whose dreams were put to sleep by racism, Breonna, George, and Jacob shared the same tragedy. Racist hands made these tragic patterns that the #BlackLivesMatter is trying to end. 25 Red Lipstick: Ready-To-Wear Rights
Red attacks wait not so far ahead once silence is peeled. The courage and freedom that were put on by brave men and women were painted red by baseless accusations.
28 BL Domination: Are we really doing it right?
The issue with how media depicts the struggles of the LGBTQIA+ community boils down to how it is created.
32 Galeria
34 Roundtable
The Hillsiders shared their thoughts and opinions about this statement: The COVID-19 Pandemic has stirred a lot of issues worldwide. State one current issue and explain your stand about it.
36 Paradigm
KORONANG TINIK: PAGHAHARI NG DELUBYO
Tuluyan nang napasailalim sa monarkiya ng isang estrangherong nilalang ang santinakpan. Nakapatong ang koronang sagisag ng kapangyarihan habang taglay ang hindi pangkaraniwang anyo na sadyang ikinubli sa mata ng kanyang mga nasasakupan. Tunog pa lamang ng kanyang pangalan ay nakakapanindig-balahibo. Sa halip na bigyangpuri, ang naturang estranghero ay kinasisindakan at pilit
iniiwasan ninuman. Mga Salita THOEN ANN S. SOCOBOS

Nang maging hudyat ang paglaganap ng kanyang impluwensya, unti-unting nagbago ang sistema ng pamamalakad sa mga lupaing kanyang nagagapi. Habang nilalamon ng katahimikan ang bawat bakanteng eskinita at mga lansangan, napuno naman ng hagulhol at pangungulila ang mga tahanang nawalan ng mga minamahal sa buhay. Natakpan na ng plastik at tela ang mga mukhang dati’y naaaninag kahit nasa kalayuan. Dala ng pangamba sa monarko, napilitang magsara ang ilang sektor ng negosyo at industriya, marami ang nawalan ng hanapbuhay at idagdag na rin ang ingay ng mga sikmurang kumakalam.
PAGBABALAT-KAYO NG DINASTIYA
Hindi inaasahan ng lahat ang kanyang pagdating. Mistulang panauhin sa isang pagdiriwang na pinagkaitang mabigyan ng paunlak. Nang dahil sa nakagigimbal niyang presensya, dagliang naputol ang kasiyahan at ito’y napalitan ng alinlangan.
Nagmula ang bisita sa Wuhan, Tsina at unang nakilala noong Disyembre 2019. Kakaibang panauhin na puwersahang sumasakop sa bawat lupain, nagpapalawak ng teritoryo at buhay ang kapalit kapag nagpadaig. Hindi dapat pagkatiwalaan at patuluyin sa tahanan ang hindi nakikitang kalaban—ang COVID-19.
Ganap na ika-11 ng Pebrero, ipinahayag ng World Health Organization (WHO) na ang kasalukuyang sakit na kumakalat ay opisyal na pinangalanang coronavirus disease o kilala sa tawag na COVID-19. Ang sakit ay pinananiniwalaang nakuha sa mga hayop na ibinebenta sa pamilihan ng Tsina.
Ito ay nagdulot ng malalang pneumonia sa ilang tao sa bansang China at tuluyang kumalat sa iba pang mga bansa. Samantala, ang pinagmulan ng naturang coronavirus ay patuloy pang inaalam at pinag-aaralan at maging ang lunas nito’y nasa kalagitnaan pa rin ng pakikipagsapalaran.
Sa loob ng maikling panahon, tinatayang umaabot na sa higit 100 na bansa ang nalusob hanggang sa tuluyan nang idineklara ng WHO na “pandemic” ang COVID-19 dahil sa malawakang pagkalat nito sa iba’t ibang bahagi ng daigdig.
ANG EMPERYO NG KALABAN
Sa pagpapatibay ng kanyang kaharian, animo’y isa siyang maninira na dahan-dahang pupunteryahin ang kanyang walang kamalay-malay na biktima. Patalikod at tahimik lamang ang kaniyang pagkilos upang hindi maramdaman ng sinuman. Maaari niyang gamitin ang naunang biktima upang maghasik ng kanyang lagim.
Halos hindi magkamayaw at mahulugan ng karayom ang mga pagamutan sa kaliwa’t kanang pag-aasikaso sa tumataas na bilang ng nabibiktima. Kung sinuman man ang hindi mag-iingat ay unti-unting manghihina hanggang sa maubusan ng hininga. Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagkukubli ng bawat indibidwal upang makaligtas sa bagsik ng estrangherong nilalang na dulot ay kapahamakan at kamatayan.
“Once ka lang magtanggal ng mask, once ka lang magpabaya, ang dami mong pwedeng maapektuhan,” pahayag ng isang sikat na YouTube vlogger at artista na si Alex Gonzaga matapos nagpositibo ito sa COVID-19.
Ayon sa Department of Health, naipapasa ang COVID-19 ng tao-sa-tao sa pamamagitan ng pagsagap ng mga maliliit na talsik ng laway mula sa pagsasalita, pagbahing, o pag-ubo ng isang taong positibo sa naturang sakit. Matapos malantad sa nasabing virus, ayon sa WHO, ang mga karaniwang sintomas na dulot nito’y lagnat, pagkapagod, at ubong walang plema. Ilan sa mga pasyente ay nakararanas ng sipon at baradong ilong, pananakit ng lalamunan, o pagtatae. Habang isa lamang sa anim na pasyente ang nagkakaroon ng hirap sa paghinga at nagiging malubha ang kalagayan. Gayunpaman, may ilang mga indibidwal ang hindi nakikitaan ng sintomas o walang nararamdamang sakit.
Kadalasan ang mga may mahihinang resistensya ang madaling kapitan ng nasabing coronavirus. Nagiging mabilis naman ang paglubha ng karamdaman lalo na ng mga matatanda o taong mayroon ng kondisyong medikal tulad ng high blood pressure, problema sa puso, o diabetes.
ANG DAGOK AT PANSAMANTALANG LUNAS
Habang tumatagal, lumalawak at lumalaki ang epekto ng pagdating ng malupit na estranghero. Napuno na ang silid sa mga bahay-pagamutan at bawat indibidwal na dumarating ay walang kasiguraduhan kung muli pa bang makakauwi sa kanilang mga pamilya. Ang mga doktor at nars ay unti-unting nabalot ng telang pananggalang upang protektahan ang kanilang mga sarili at matugunan ang bawat pangangailangan ng bayang pinangakuan.
Hindi natatapos sa mga pasyenteng napupunta sa mga ospital ang pananamantala ng sakit. Ito ay makikita rin sa kabuhayan ng mga bansang kanyang ginagapi. Sa lupain ng Pilipinas, tinatayang umabot sa limang milyong Pilipino ang nawalan ng trabaho, ayon sa Department of Labor and Employment (DOLE), ang industriya ng kalakalan ay humina at bumagsak ang ekonomiya hindi lamang ng nasabing bansa, pati na rin ang ibang panig ng mundo.
Upang maibsan ang bilang ng mga nasasawing buhay, may mga pangkalusugang protokol at regulasyon na ipinapatupad ang pamahalaan. Pinapayuhan ng Kagawaran ng Kalusugan ang publiko na gawin ang mga panukalang proteksiyon gaya ng madalas na paghuhugas ng mga kamay, pag-iwas sa paghawak sa mata, ilong, at bibig, pagtatakip ng tela o tisyu sa tuwing umuubo at bumabahing. Kasama rin dito ang pag-iwas sa mga matataong lugar, pagpapanatili ng isang metrong distansya at pag-iwas sa pakikipagsalamuha sa taong may lagnat o ubo. Pinapayo rin ng kagawaran ang pananatili sa bahay at kung may nararamdamang lagnat, ubo, at hirap sa paghinga ay kailangang magpakonsulta agad— ngunit tawagan muna ang health facility at siguraduhing ang impormasyon na ating naririnig o nababasa ay totoo at mapagkakatiwalaan.
Ito ay ilan lamang sa mga pinakamabisang paraan upang maprotektahan ang sarili mula sa COVID-19 lalo na’t hanggang sa kasalukuyan, wala pa ring gamot o bakunang natutuklasan. Gayunpaman, marami sa mga sintomas ang maaaring magamot base sa kondisyon ng pasyente. Ang suportang pangangalaga para sa mga taong nahawaan ay lubos na epektibo sapagkat maraming pasyente na rin ang naitalang gumaling dahil dito. HSE


Ang coronavirus ay pamilya ng mga virus na nagdudulot ng iba’t ibang klaseng sakit, mula sa karaniwang ubo’t sipon hanggang sa mas malulubhang impeksyon.
SINTOMAS NG



LAGNAT UBO’T SIPON PAGIKSI NG PAGHINGA
PAANO MAIIWASAN ANG SAKIT DULOT NG
UGALIING MAGHUGAS LAGI NG MGA KAMAY IWASAN ANG CONTACT SA MGA HAYOP
LUMAYO AT TAKPAN ANG BIBIG AT ILONG SA TUWING UUBO O BABAHING





Sa mga malubhang kaso, maari itong maging sanhi ng Pneumonia, Acute Respiratory Syndrome, problema sa bato, at pagkamatay.


SINTOMAS NG SAKIT
PAGIKSI NG PAGHINGA
PAMAMAGA NG LALAMUNAN PANANAKIT NG ULO


PAANO MAIIWASAN ANG SAKIT DULOT NG CORONAVIRUS?




UMIWAS SA MGA TAONG MAY SINTOMAS NG UBO AT SIPON UMINOM NG MARAMING TUBIG AT SIGURADUHING LUTO ANG MGA PAGKAIN AGARANG KUMONSULTA SA HEALTH FACILITY KUNG MAY SINTOMAS NG UBO’T SIPON

