NILALAMAN
03 04 06 08 10 12 14
AGOSTO: BUWAN NG PAGKA-PILIPINO
ASIGNATURANG FILIPINO: MULA SA PLANONG PAGWAWAKSI HANGGANG SA PANANATILI
UNANG WIKA NG AMA NG WIKANG PAMBANSA
PISTA NG PELIKULANG PILIPINO
ANG HULING EL BIMBO: PAGPUGAY SA WALANG HANGGANG MUSIKA NG ERASERHEADS
KAHALAGAHAN NG WIKANG FILIPINO SA MGA PELIKULANG BANYAGA
LETRAN FILIPINIANA: TANGKILIKING ANG SARILING ATIN
Teejay Obsequio EDITOR-IN-CHIEF
Louise Nicole Lizan FEATURES EDITOR
Louie Faizal Baharom ASSOCIATE EDITOR
Jonash Dannug SPORTS EDITOR
Danielle Macadangdang MANAGING EDITOR
Paul Sugano PHOTO EDITOR
Teejay Obsequio ACTING NEWS EDITOR
Xamantha Joy Asdisen DESIGN EDITOR
ART DIRECTOR Jeremy Guinid
SPORTS WRITERS Carl Danielle Argarin Hannah Heramia Miguel La Torre
SOCIAL MEDIA MANAGER Liam Mercellino NEWS WRITERS Reynalin Sanchez Angel Grace Untalan Katlyn Ventura Etha Ramones Railon Deniega FEATURES WRITERS Dylan Afuang Jullian Desales Patricia Ramos Meilinda Malacat Angelica Mendoza Alyssa Aguino Chantal Macaraeg VIDEO EDITORS Jeissa Maryce Domingo Aaron Salem
PHOTOGRAPHERS Miguel La Torre Enrique Agcaoili Isiah Beltrano Ma. Kara Calamba Miguel Garra Angela Davocol Michael Estupigan Ashley Paringit Lance Yabut PHOTOGRAPHER TRAINEES Abegail Granado NEWS TRAINEE Angelo Gamalindo GRAPHIC ARTISTS MaGell Tan Avery Lomiteng
Asst. Prof. Louie Benedict Ignacio, PhD. PUBLICATION ADVISER
Published monthly, THE LANCE has its office at 3F Student Center Building, Colegio de San Juan de Letran, Intramuros Manila FOR COMMENTS, SUGGESTIONS, AND LETTERS TO THE EDITOR Email us at thelance@letran.edu.ph
3
Agosto: Buwan ng pagka-Pilipino Isinulat ni jullian desales
Proklamasyon bilang 1041 serye ng 1997 na pinirmahan ng dating Pangulong Fidel V. Ramos na nagdedeklara na ang selebrasyon ng okasyon ng Buwan ng Wika ay tuwing Agosto, marahil din na ang napiling Buwan ay Agosto sapagkat ito ang buwan ng kapanganakan ng dating Pangulo na si Manuel L. Quezon na kilala bilang “Ama ng Wikang Pambansa.”
A
OPISYAL NA POSTER NGBUWAN NG WIKA MULA SA KOMISYON NG WIKANG FILIPINO
ng Agosto ay kilala sa mga Pilipino bilang Buwan ng Wikang Pambansa, kung saan ating idinaraos ang ating kasanayan, pagmamahal at pagpahahalaga sa sariling wikang Filipino. Taun-taon ay may makabago tayong tema kung saan ang sariling wika ay napagtitibay at mas lalong napagbubuti. Ang pagdiriwang ay ipinapatupad sa kabuwanan ng Agosto daihil sa
WIKA NG SALIKSIK Ngayong Buwan ng Wika 2018 ang Kagawaran ng Edukasyon, kasama ng Komisyon sa Wikang Filipino o kilala bilang KWF ay nagpahayag na ang tema para sa pagdiriwang ngayong taon ay “Filipino: Wika ng Saliksik.” Ayon sa pahayag ng KWF “Ang tema ay kumikilala sa wikang Filipino bilang midyum sa paglikha at pagpapalaganap ng pambansang karunungan at kaunlaran. Sa pamamagitan ng tema, layon ng KWF na palaganapin ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan ng karunungan, lalo na sa agham at matematika.” Kasabay din nito ang mga layunin ng pagdiriwang upang lalong mapagtibay ang Wikang Filipino. Isa na dito ang paghimok sa mga Pilipino na bigyang halaga ang pambansang wika sa pamamagitan ng aktibong paglahok sa mga gawaing
alinsunod sa selebrasyon. Kasabay din nito ang paghihimok sa mga pampubliko at pribadong ahensya na makilahok sa mga aktibidad na nakakapagpabuti ng kamalayan sa sariling Wika. Ang Komisyon ng Wikang Filipino ay nagtalaga ng mga aktibidad tulad ng mga talakayan, usapin, at mga palabas sa iba’t ibang paraalan sa Pilipinas upang mas lalo pang mapagtibay ang kaalaman at mas lalong mapahalagahan ang sariling wika kasabay sa paraang pagsasatupad ng tema nito. Ang mga aktibidad ng KWF tungkol sa Buwan ng Wika 2018: Filipino ang Wika ng Saliksik! ay nagumpisa noong unang araw ng Agosto at magtatapos sa huling araw ng buwan. Sa mga nakaraang selebrasyon, nagkakaroon ng iba’t ibang tema na nagbibigay kulay sa buwan ng ating sariling Wika – mga paraan upang mas maintindihan, mas tangkilikin, mas ipagtibay ng bawat Pilipino ang sariling atin. Ito ay para lamang sa ikagaganda at ikapagtitibay ng Wikang Filipino sa panahon ngayon. Sa kabuuan, dapat na makihalok ang ating kapwa Filipino sa taunang selebrasyon ng Buwan ng Wika - sapagkat ito’y isang pagpapatunay sa pagmamahal ng sariling atin. ‘Di lamang nito pinagtitibay ang ating kaalaman, ito rin ay nagsisilbing ating pagkakakilanlan bilang isang tunay na Filipino. Sapagkat ayon nga kay Dr. Jose Rizal, ang ating pambansang bayani “Ang hindi magmahal sa sariling Wika ay higit sa hayop at malansang isda kaya ating pagyamaning kusa, gaya ng inang sa atin ay nagpala”
4
Asignaturang Filipino:
Mula sa Planong Pagwawaksi Hanggang sa Pananatili Isinulat ni Angelica Joy Mendoza
"Paano uunlad ang sarili nating wika kung tayo na rin mismo ang nagwawaksi at nagpapabaya dito?"
5
S
a mga nagdaang taon, hindi maikakaila na mas pinapahalagahan at pinapayabong ang wikang Ingles kaysa sa sarili nating wika. Nagkakaroon ng isang malaking basehan ang pagkabihasa sa wikang Ingles kumpara sa Filipino – at isa sa mga nagpapatunay ay sa kung anong lengguwahe na ang ginagamit sa sa loob ng paaralan. Bakit nga ba unti-unting kumukupas ang wikang dating mariwasa? Sa tuwing nakaririnig ang karamihan sa mga Pilipino ng kapwa nila Pilipino na dalubhasa sa pagsasalita ng wikang Ingles, pinauulanan sila ng papuri, hinahangaan, at nagiging superyor ang tingin ng mga ito sa kanila. Sa kabila nito, kapag may mga Pilipino namang hirap sa paggamit ng nabanggit na wikang banyaga, madalas na minamaliit at bumababa ang tingin ng mga tao sa kanila. Tila dumudulas sa ating isipan na hindi Ingles ang wikang ating nakagisnan kundi Filipino, ang wikang nagbubuklod sa ating mga pagkakaiba. Kung kaya’t imbis na husgahan natin ang mga Pilipinong hindi pamilyar sa paggamit ng wikang Ingles, mas payabungin at pahalagahan na lang natin ang sariling wika at lalong hubugin ang ating pagka-Pilipino. Taong 2014 noong nagkaroon ng malalim na diskusyon patungkol sa posibleng pagkaltas sa asignaturang Filipino sa mataas na antas ng edukasyon (mga kolehiyo at unibersidad) sapagkat tatahakin naman daw ito sa dagdag na dalawang taon sa senior high school dulot ng K-12. Dahil sa planong ito, marami ang nangamba lalo na ang mga propesor ng asignaturang Filipino na tiyak na mawawalan ng trabaho nang dahil sa biglaang pagbabago sa general kurikilum. 10,000 guro o mahigit ang posibleng manakawan ng
trabaho ayon sa Tanggol Wika, isang grupong binubuo ng mga gurong nagtuturo ng Filipino. Sa introspeksyon, hindi lang kawalan ng trabaho ang dulot nito kundi ang pagbaba ng kalidad ng wikang Filipino dahil imbis na mas lumalim at mapagtibay ang pagkakaunawa ng mga estudyante dito, matutuldukan ang pagpapabuti sa kasanayan nila sa paggamit ng sariling wika. Kaagapay ng mga guro ang mga mag-aaral na sumusuporta din sa pagpapanatili ng asignaturang Filipino. “Kung gaano kahalaga ang Agham at Matematika, pantay din dapat ang trato sa asignaturang Filipino dahil dito nahahasa ang intelektwal na kapasidad at kabihasaan sa pakikipagtalastasan ng mga estudyanteng katulad ko.” Panayam ni Nina Dollete, isang estudyante sa Institusyon ng Komunikasyon ng Colegio de San Juan de Letran. “Paano uunlad ang sarili nating wika kung tayo na rin mismo ang nagwawaksi at nagpapabaya dito?” dagdag nito. Kalaunan, noong buwan ng Hunyo 2017, nagpasya ang korte na panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo. Naging matagumpay ang walang batid na pagsulong ng mga guro sa kanilang ipinaglalaban at prinsipyo. Sa kasalukuyan, ang unang grupo ng mga estudyanteng nakapagtapos sa senior high school ay patuloy na pinag-aaralan at pinagninilaynilayan ang wikang Filipino. Mahalaga ang wika. Nagagamit natin ito sa araw-araw, sa pakikipag-usap sa iba, sa pagresolba ng mga problema, sa pagbitaw ng mga sariling opinyon. At higit sa lahat, ito ang nagbubuklod sa atin. Ang nagkokonekta at nagtutulad sa bawat Pilipino sa likod ng ating mga pagkakaiba.
6
Unang Wika ng
Ama ng Wikang
Pambansa
Isinulat ni Chantal Macaraeg
7
“Ang hindi marunong magmahal sa sariling wika, daig pa ang hayop at malansang isda.” Iyan ay mga salitang nagmula sa dakilang tinta ni Gat Jose Rizal. At ito ay totoo sa lahat ng pagkakataon. Isa sa mga nanguna sa pagpapalaya ng Pilipinas mula sa mga kamay ng mga Amerikano si Manuel Luis Quezon bago pa man siya mailukok sa posisyon ng pagkapangulo. Higit pa rito, siya ay kinikilala hanggang ngayon bilang Ama ng Wikang Pambansa. Marahil ay ikagugulat ito ng marami, ang kagila-gilalas na Ama ng Wikang Pambansa ay wikang banyaga pala ang unang natutunan. Si Manuel ay anak ng dalawang may-kayang guro na sina Lucio Quezon at Maria Molina. Mula sa murang edad ay tinuruan na kaagad siya ng kanyang mga magulang, ngunit ang paaralang Espanyol sa kanilang bayan ang una niyang sabak sa edukasyong pormal. Dahil dito, ang una niyang natutunang wika ay ang wika ng mga mananakop— ang Wikang Kastila. Naging tanyag pa siya sa kahusayan niya sa wikang ito, at ang sumunod na wikang kanyang pinag-aralan ay Ingles, kung saan nangibabaw rin siya. Sa totoong buhay, mas sanay siya gamitin ang wika ng mga mananakop kaysa sa sariling wika. Naniniwala siyang mas mapapakinggan ang kanyang boses kaysa sa ating satiling wika. Gayunpaman, hindi maipagkakaila na ang sitwasyon ng karamihan sa mga kabataan o tinatawag na milenyal ngayon ay kapareho ng kay Quezon. Dahil malaki pa rin ang impluwensya ng makabagong panahon at mga kolonyal na konsepto sa bansang Pilipinas, mas nagiging matatas ang mga kabataan sa Ingles kaysa sa sarili nilang wika. Ang Filipino ay wikang mayaman sa kasaysayan at kalinangan; isang bagay na mula pa noon ay sumasalamin na sa pambihira at walang kawangis na kultura ng mga Pilipino at sumisimbulo sa pagkakaisang matagal nang hinahangad ng lahat. Dahil dito, sa unang tingin ay maituturing na kahihiyan ang katotohanan na maraming Pilipino sa kanilang kasariwaan ang mahina sa pagsasaboses nito. Datapuwat sa katunayan hindi sa katatasan o fluency masusukat ang pagmamahal ng isang indibidwal sa kanyang sariling wika. Isang dakilang ehemplo at uliran si Pangulong Manuel Quezon pagdating sa pagmamahal sa Wikang Filipino. Hindi man ito ang wikang una niyang natutunan, naipakita niya na minamahal niya ito sa isang mabuting paraan: ang pagsasaopisyal nito. Kaya’t kahit pa hindi ka matatas sa Filipino, huwag dibdibin ang mga mabibigat na salita ni Rizal. Ang mahalaga ay alam mong mahal mo ang iyong wikang pambansa. Hindi ka isang malansang isda.
MGA LITRATO MULA SA INTERNET
8
Pista ng I Pelikulang Pilipino
Isinulat ni Louie Baharom
sa sa mga pinakaa-abangan ng lahat ng mga Pilipinong manunuod ay ang isang pista na naglalabas ng mga tunay at kalidad na gawang pelikula ng mga alagad ng sining – ang ‘Pista Ng Pelikulang Pilipino’ na nagaganap tuwing Agosto – ang Buwan ng Wika. Pinapalabas ng Pista ng Pelikulang Pilipino ang walong pangunahing mga palabas sa mga sinehan at bukas hindi lang sa mga gustong mapanuod ang mga pelikula kung hindi na din para sa mga gusto lamang magpahalaga sa mga pelikulang gawa ng isang Pilipino. Ngunit bukod sa walong pelikula ngayong taon, ito ay dalawa sa mga nabibilang sa PPP na pinakatatangi at pinakamahuhusay na pelikula sa pista.
LITRATO MULA SA INTERNET
Signal Rock — isang pelikulang Chito S. Roño Si Chito S. Roño ay isa sa mga pinakamahusay na manggagawa ng pelikula, at siya’y nakilala ng masa sa kanyang horror movie na ‘Feng Shui’ noong taong 2004, at ang ‘The Healing’ noong 2012. Sapagka’t ‘yun ang mga pelikulang nagpasikat sa kanya sa masa, una siyang nakilala ng mga tunay na tagapagtangkilik ng mga pelikula sa kanyang mga pelikulang drama gaya ng ‘Curacha, ang Babaeng Walang Pahinga’ noong 1998, at ang
Gawad Urian Best Picture noong 2002 na ‘Dekada ‘70’. Ngunit hindi naman talaga siya nawala sa industriya o nagpahinga sa paggawa ng mga pelikula, ngayong 2018, siya’y nagbabalik, at dala-dala niya para sa atin ang isang pelikulang kumikinang dahil sa pagiging dekalidad nito. Ang Signal Rock ay isang drama film na kinunan sa isla ng Biri, Samar, at makikita nga naman natin na ginawa ni Roño ang pelikulang ito na may lumalagblab na pagmamahal. Sa kabila ng mga problemang teknikal, hindi niya hinayaang mawala ang ating interes
sa kaniyang pelikula. Iyong mararamdaman na nakikita niya ang kapangyirahan ng istorya na isinulat ni Rody Vera. Itunuturing niya itong sentro ng atensiyon, at ang pinakamalakas na aspeto ng buong pelikula. Sa una, makikita ng mga manonood na ito’y simple lamang. Ngunit kapag hinubaran na ni Roño ang pagiging simple nito, ating makikita na mas malalim pa ang pinaghuhugutan nito. Doon natin malalaman na ito’y isang pelikulang pinagaaralan ang at ipinapakita ang dalawang pagkakakilanlan natin sa ating pagka-Pilipino,
at ang pagdiriwang ng tinatawag na “Filipino spirit” gamit ang dramang hindi mala-teleserye ang dating. Sa pamamaraan na ito, hindi lamang ipanapakitang-gilas ni Chito S. Roño ang malapainting na isla ng Biri, Samar, sapagka’t siya nakahanap ng mas malalim na ideya sa mga naninirahan doon na may kinalaman sa ating pagkaPilipino. Ang mga tinatalakay ni Chito S. Roño sa pelikula ay malapit sa puso ng ating mga Pilipino, at ang mga itinatatak nito sa ating mga isipan ay talaga namang nag-iiwan ng marka.
9
LITRATO MULA SA INTERNET
Bakwit Boys — isang pelikula ni Jason Paul Laxamana Si Jason Paul Laxamana ay kilala bilang isa sa mga pinaka-interesanteng manggagawa ng pelikula sa henerasyong ito. Sa bawat pelikula na kaniyang ginagawa at ipinapalabas, binibigyan niya tayo ng mga gawang humigitkumulang, kakaiba. Oo, may mga pagkakataon na minsan siya’y pumapalya, pero sa mga ito, kaniyang ipinapakita pa rin ang kaniyang talento sa paggawa ng mga pelikula kung saan siya’y nahahasa sa bawat obra. Bakwit Boys,
ang kaniyang pinakabagong pelikula, ay masasabing ang kaniyang pinakamagandang gawa sa ngayon. Sa pelikulang ito, tayo’y binibigyan niya ng isang kwentong ating ikatutuwa, at yayakapin nang may pagmamahal at paghanga, at napakasarap nga namang maramdaman kung ano ang nadarama nito. Tubong Pampanga, ipinapisilip ni Jason Paul Laxamana ang kulturang Kapampangan sa kaniyang bawat pelikula. Ngunit sa Bakwit Boys, ang kaniyang pagmamahal sa Pampanga ay nananalaytay sa dugo ng pelikulang ito. Gayunpaman,
lahat ng mararamdaman natin mula dito ay dinadala tayo sa isang lugar na nagbibigay buhay sa ating mga kaluluwa, at tumatapik sa ating pagkatao. Kahit pa man hindi gano’n karami ang mga kanta sa pelikula, pinupunuan ng pelikula ang mga pagkukulang nito sapagka’t ang mga kanta nito’y puno ng puso at inspirasyon. Hindi lang sila tumatatak sa ating mga puso, sila ri’y makabuluhan at may kinalaman sa pinagdadaanan ng mga tauhan sa kwento. Dito, makikita na maayos ang pagkakasulat ni Jason Paul Laxamana sa mga karakter,
pagka’t sila’y makatototohanan. Ang Bakwit Boys ay maihahantulad sa pelikulang Hollywood na ‘Sing Street’. Ito’y hinulma para sa mga nangangarap, at sinasabing huwag tumigil sa pag-abot ng ating mga tinatamasa sa buhay. Ito’y isang napakagandang bagay tungkol sa pelikula na hindi mapagkakaila, at tiyak nama’y ika’y maakit sa puso nito na umaapaw sa galak. Ika’y maraming matutunan dito at ito ang pelikulang hindi mo inakalang kakailanganin mo lalo na sa mga panahon ng pagkabigo at pagkasawi sa buhay.
naging tema ng pelikula ni Jay Abello. Dahil sa kagustuhang maging isang karakter na si Snow White, ginusto ni Annie na maging katulad ng itsura nito – at dahil dito’y nagkandagulo ang buhay nilang dalawa, kasama ng kaniyang nobyo, dahil sa nanakaw na pera para sa kaniyang plastic surgery. Nagsilbing co-producer ng pelikulang ito, isang matapang at mapangahas na Erich Gonzales ang mapapanood sa ‘We Will Not Die Tonight.’ Si Kray (Erich) ay isang babaeng nagnanais na maging artista at may kaliwa’t kanang raket. At sa hindi inaasahang pagkakataon, naging magulo ang kanyang pinasukan
na trabaho. Ang pelikula ni Richard Somes ang hahamon sa kanyang prinsipyo at kakayahan. Kasunod ng pagkabigo ng kanyang pinakamamahal, ang isang binata ay sa pangalawang pagkakataon ay may kakayahang baguhin ang agos ng kanyang buhay, sa pag balik sa nakaraan upang makuha muli ang loob na kanyang sinisinta. Sa direksyon ni Miko Livelo, ang ‘Unli Life’ ay nagbibigay simbolismo sa “whiskey” na ibinigay sa kanya na nagbigay sa kanya ng kakayahan upang mabalikan ang kanyang mga nakaaraang buhay sa isang komedyang pelikula, hanggang saan ang kaya mong gawin para sa iyong pag ibig?
Bukod sa dalawang pelikula na ito, ito pa ang iba: ‘Ang Babaeng Allergic sa Wifi’ ni Jun Robles Lana ay isang pelikula na nagpapahayag ng pagkakabuhay ng tao mula sa nakagisnan na internet dahil sa isang sakit, ang electromagnetic hypersensitivity syndrome (EHS) – ito ay puno ng totoong pagibig, ang realidad ng buhay, at pamilya. Isang nakamumulat na mensahe ang hatid ng ‘Madilim Ang Gabi (Dark is the Night)’ tungkol sa nagiging problema ng ating bansa dahil sa droga. Hustisya at kurapsyon ang naging senaryo ng pelikula ni Adolfo Felix Jr. Ang pagkawala ni Alan ang naging kadiliminan ng namumuong problema sa
pelikula at ang extrajudicial killings. Si Lani (Bella Padilla) ay sinalamin ang mga pangyayari sa kanyang buhay kung saan ang mga hindi magagandang bagay ay parehas na magreresulta sa maganda at hindi magandang kalalabasan. Sa Direksyon ni Paul Laxmana, nagbabalik sina Bella Padilla at JC Santos para sa isang pelikulang “The Day After Valentine’s.” na puno ng halong poot at pag ibig. Paano nga ba matutulungan ng isang taong sawi sa pagibig ang isa pang taong hindi buo ang puso? Ang problema ng mga Pilipina na hindi makuntento sa kaniyang kagandahan ay ang
10
'Ang Huling El BimbO:: Pagpugay sa Walang Hanggang Musika ng Eraserheads Isinulat ni Meilinda Marie Malacat
“Kamukha mo / si / Paraluman…” Sino nga ba ang hindi mapapakanta sa mga unang salita ng kilalang awitin ng pinaka-makasaysayang bandang Pinoy na Eraserheads? –Isa sa mga pinakata-tanging banda na nagpahayag ng talento ng mga Pinoy sa musika at ang isa sa mga kinagigiliwan ng lahat. Ang grupong ibinuo nina Ely Buendia, Marcus Adoro, Buddy Zabala, at Raimund Marasigan ay maituturing ngang isa sa mga naghandog ng matinding impluwensiya sa musikang Pilipino, ganun na rin sa buhay ng maraming tao. Hindi maikakaila kung bakit nagtipon-tipon muli ang masa para sa isa na namang nakakaindak, nakakaaliw, at nakakatindigbalahibong karanasang musikal na siguradong nakapagdadala sa mga manonood pabalik sa nostalhik na mga araw dalawang dekada na ang nakalilipas. Itinatampok sa musikal na ito ang higit sa 40 na mga klasikong tugtugin ng banda na tunay ngang tumatak sa puso’t-isipan ng lahat. Inilalahad ng musikal na ‘Ang Huling El Bimbo’ ang kwento mula sa pananaw ng tatlong pangunahing mga karakter na sina Hector (Gian Magdangal), Emman (OJ Mariano), at Anthony (Jon Santos) na may kani-kaniyang natatanging katauhan at mga problema sa kanilang sariling mga buhay, hango na rin sa kantang may kaparehas na pamagat. Ang tatlo ay ipinatawag sa presinto dulot ng isang aksidente na nagtungo sa dating magkakaibigan na gunitain ang kanilang buhay-kolehiyo kung kailan sila’y ‘di pa natitibag biglang isang grupo. Ito ang naghudyat sa istorya na magbalik-tanaw sa simple nilang pamumuhay noon. Sa mga panahon din na iyon ay nakilala nila si Joy (Tanya Manalang) na naging layunin bilang isang karakter ay ang bigyan ng lalim ang kwento sa pagsisilbing instrument ng paglago ng tatlong lalaki. Hindi lamang ito nagpapahiwatig ng pagtuturing sa sakit na nararamdanaman ng babae nang walang kapatasan, ngunit ito ay tunay na sumasalamin sa estado ng lipunan ngayon. Bukod sa isyung iyon, marami pang suliranin ang nangingibabaw dito, kasama na ang problema sa pamilya,
buhay may-asawa, pinansiyal, at higit sa lahat ay ang pangaabuso na lubos na sensitibo para sa ibang manonood. Dahil nga inihango rin sa mga kanta ng Eraserheads ang tema at mga diyalogo rito, masasabi nga na nanganganinag ang mga suliraning-panlipunan sa walang-kasawaang mga tugtog ng banda. Ibinubukas nito ang mga mata ng bawat-isa na lalong ipanalalawak ng mga tao sa likod ng musikal na ito. Tila eksakto nga ang mga kanta at linyang ginagamit sa bawat eksena na tugma sa kalagayan at kapaligiran. Mahusay rin ang koreograpia na nakikisabay sa bawat angat at bagsak ng musika mula sa orkestra. Ilan sa mga tumatak na eksena ay ang hindi pangkaraniwang pagkanta sa ‘Pare Ko’ na mas-binigyang buhay nang ito ay itinanghal sa dyanrang rock, habang ang natatanging ‘Ligaya’ ay ikinanta ni Joy sa pamamaraang kabaliktaran ng titulo nito. ‘Di lamang iyon dahil maituturing na bihasa si Tanya Manalang sa kahusayan at kapangyarihan ng kanyang boses. Kahit ang mga manonood ay napakakanta at napagigiling ng mga musikang itinugtog nang walang anumang palya. Masasabi na may mga bahagyang pagkukulang ang balangkas nito, ngunit dahil sa magarbo nitong produksiyon, entablado, transisyon, at diyalogo, sulit ang paglalaan nang panahon at bayad upang masilayan ito. Kung tutuusin, hindi lahat nang manonood ay uuwing ‘With A Smile.’ Sadya ngang kakaiba ang paraan ng kwento ng musikal na ito na tiyak na makakapag-panatili nito sa isipan ng mga manonood. Natapos naman ang pagtatanghal sa isang masigabong palakpakan at pagtayo ng mga natuwa sa isa na namang matagumpay na musikal na siya ngang magpapanatili ng kagandahan at kahusayan ng musika at maimpluwensiyang mensahe ng Eraserheads para sa masa. Isa ito sa mga memoryang nagpapatinag ng OPM o Original Pilipino Music sa kalagitnaan ng mga iba’t ibang lengguwahe ng musikang pinakikinggan ng mga kabataan at ng mga Pilipino ngayon. Isa ang Eraserheads na patuloy padin na nagbubuhay, at nagpapasa ng mga talento at musikang galing at gawa sa mga Pinoy, at ito ay nagsisilbing isa sa mga haligi ng ating industriya.
11
ANG IMAHE AY MULA SA ANG HULING EL BIMBO THE MUSICAL
12
Kahalagahan ng Wikang Filipino sa mga Pelikulang Banyaga Insinulat ni Patricia Ramos
13
T
ayo ay nasa panahon kung saan ang lahat ng ating makita o marinig sa kahit na anong uri ng media ay madalas na nakasalin sa wikang banyaga. Marami sa ating mga Pilipino ang mas nanaising magkunwaring nakakaintindi ng Ingles imbes na magsalita o magbasa gamit ang ating sariling wika. Madalas ay pinagtatawanan natin ang ating kapwa Pilipino sa tuwing hindi nila naiintindihan ang ating pagi-Ingles. Ngunit, ano nga ba ang mas tama? Ang gumamit ng wika ng ibang lahi sapagkat ito’y mas maganda sa pandinig o gumamit ng wikang Filipino sapagkat ito’y mas naiintindihan ng nakararami? Unang Paggamit Sa pag-usbong ng teknolohiya ay unti-unti na ring naiimpluwensiyahan ng ugaling banyaga ang ating lahi. Mula sa pananamit, pagkain, pananalita at maging sa pananaw sa buhay, lahat ng ito ay hindi atin. Dahil sa malawak na impluwesiya ng Amerika at iba pang malalaking bansa, pati ang kanilang mga pelikula ay patok sa ating mga Pilipino. May mga pelikula o teleseryeng banyaga na sadyang hindi nauunawaan ng ilan sa atin ngunit patuloy pa rin sa
panonood. Isa dito ay ang mga teleserye na galing sa bansang Korea na sikat sa ating mga millennials bilang “kdrama”. Dahil sa dami ng mga Pilipinong nahuhumaling sa mga ito, nagsimulang magpalabas ng “Korean drama” sa Pilipinas noong taong 2003 sa pangunguna ng GMA Network kung saan ang mga dramang ito ay dumadaan sa maraming proseso bago isinasalin sa wikang Filipino upang mas maintindihan ng ating mga kababayan. Mula noon ay nagumpisa na ding magpalabas ng Koreanovela ang ABSCBN at TV5 dahil sa patuloy na pagtaas ng dami ng mga Pilipinong nanonood nito. PAGSALIN SA WIKANG FILIPINO Bukod sa mga drama mula sa bansang Korea, isa din ang mga pelikulang Ingles sa ating mga hinahangaan pagdating sa istorya at paraan ng pagsasadula. Hindi man aminin ng ilan ngunit mas madaling maintindihan ang bawat pag-uusap at eksena sa isang pelikulang banyaga kapag ito ay nasa wikang Filipino. Mas nauunawaan din ito ng ating mga kapwa Pilipino na hindi sapat ang kaalaman sa mga wikang banyaga.
Magkaiba man ang wika ngunit tugma naman sa mensaheng nais ipaabot sa mga manonood ng pelikula. Ito ang pinatunayan ng ABS-CBN subsidiary Creative Programs Inc. nang ilunsad ang TAG, isang cable channel na nagpapalabas sa telebisyon ng mga pelikulang banyaga na isinalin sa wikang Fiipino, noong 2016. Ipinakilala naman ng Viva Entertainment ang Tagalized Movie Channel o TMC, isang 24 oras na channel sa telebisyon kung saan binabayaran upang mapanood ang kanilang mga paboritong mga banyagang pelikula nang walang anumang abala at kung ano pa man. Ang mga ito ay parehas na may layuning maabot ang ating mga kababayan na walang sapat na edukasyon sa pamamagitan ng pagsasalin sa ating wika ng mga pelikulang sumikat sa ibang bansa. Kaakibat ng ating kagustuhan na pagyamanin ang ating katutubong wika sa paraan ng paggamit nito sa mga banyagang pelikula ay ang paalala na hindi dapat tayo makuntento bilang mga Pilipino sa iisang wika. Dapat din nating pagyamanin ang ating kaalaman pagdating sa wika at kultura ng ibang bansa.
14
Letran Filipiniana:
Tangkilikin ang sariling atin Isinulat ni Raine Cepeda
N
apakayaman ng kultura ng Pilipinas, lalo na’t kilala ang galing ng mga Pilipino sa iba’t ibang larangan tulad ng sining, panitikan, musika, palakasan, at maging sa pagsayaw. Ngunit nakakalungkot mang isipin, ang mga katutubong sayaw na isa sa mga sikat na uri ng pagpapakilala ng kultura ay unti-unti nang nawawala. Dala na rin ng impluwensya ng mga dayuhan, napamahal na sa kultura sa kanlauran na para bang ito ang kinagisnan. Unti-unting umusbong ang makabagong sayaw na siyang kinagigiliwan ngayon ng mga kabataan na dahilan ng tuluyan nang paglimot sa sariling atin. Iilan na lamang ang mga paaralan na mayroong grupong kultural habang patuloy ang pagrami at pagtangkilik sa mga modernong grupo. Subalit, sa kabila ng pagrami ng mga modernong grupo, may natitira pa ring mga grupong kultural. Isa na dito ang ipinagmamalaki ng Colegio, ang Letran Filipiniana Dance Company (LFDC). Sa pangunguna ni G. Randy A. Lero, itinatag ang grupo noong Pebrero 17, 2007. Naipamalas na rin ng grupo ang husay sa pagsayaw ng kultural sa mga karatig bansa dahil sa kanilang paglahok sa mga isinasagawang patimpalak at dahil sa angking talento ay naguwi rin ng mga parangal. Ang Letran Filipiniana ay isang patunay kung bakit kailangang pangalagaan ang mga tradisyunal na sayaw dahil ito ay sumasalamin kung gaano kayaman ang kultura ng mga Pilipino at bilang isa sa pinakamatandang paaralan, dapat nating ipagmalaki, palaganapin, at isabuhay ang mga kayamanang sayaw noon dahil sa bawat sayaw ay mayroong nakakubling kwento na may malaking ambag sa kamalayan
ng henerasyon ngayon. “Ang Letran Filipiniana Dance Company ay ang nagpapa-alala sa bawat Letranista ng ating kultura at kung saan tayo nagmula. Gusto namin (LFDC) ipamahagi, ikalat, palawakin pa ang kaalaman ng bawat Letranista upang mapanatili ang mga katutubong sayaw ng mga Filipino,” isinaad ni Luis Lorenzo, isang mananayaw ng Letran Filipiniana Dance Company. Nagsisilbi ring instrumento ang Letran Filipiniana Dance Company upang mas madama ng mga Letranista tuwing Agosto ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika kung saan binibigyang pansin hindi lamang ang Wika kundi pati na rin ang ating pagiging Pilipino. Ngunit hindi lamang dapat tuwing Buwan ng Wika natin ginugunita ang sining at kultura ng bansa bagkus, nararapat lang na pagyamanin at isulong ito sapagkat napapanatili nito ang kaugnayan sa mga ninuno. Ang mga natatanging sayaw na ito ay malaking parte sa paghulma ng ating kasaysayan, kultura, at pagka-Pilipino. “Ang LFDC ay isang instrumento sa ating mga katutubong Pilipino upang ipamahagi ang kanilang pinagmulan,” dagdag nito. Bukod sa paggamit ng sariling wika sa pakikipagtalastasan, isa ring paraan ng pagigign makabayan ay ang pagtangkilik ng sariling atin- pakikinig ng lumang musika, pag papayabong ng panitikan, at ang pagsulong sa mga katutubong sayaw. “Layunin din namin (LFDC) ipamalas ang galing ng tunay na Pilipino sa pamamagitan ng aming pagsasayaw hindi lang sa loob ng Letran pero maging sa labas ng Colegio.” At sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa kultura, kasama ang Letran Filipiniana Dance Company na maging tulay sa pagkakaisa ng mga mamamayang Pilipino.
15
LITRATO MULA LETRAN MEDIA CENTER PHOTOGRAPHY
thelance.letran.edu.ph /thelanceletran @thelanceletran @thelanceletran