AGOSTO 2019
VOLYUM XLIII ISYU 2
PAHINA 3
Pista ng Pelikulang Pilipino
PAHINA 4
PAHINA 6
PAHINA 5
Pagkilala sa Wikang Katutubo, tampok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019
Eksibisyon: Dokumento ng kahapon, kasaysayan at ngayon
Pagkalimot sa asignaturang Filipino
Quezon’s Game: Hangganan ng makakaya para sa higit na kasaysayan NINA RAINE CEPEDA AT ANDREA ANDRES
“MAY MAAARI pa ba akong magawa?” Ang tanong ni Manuel Luis Quezon, ang ikalawang Pangulo ng Pilipinas at ang kauna-unahang Pangulo ng Kommonwelt, sa kaniyang may-bahay na si Aurora habang pinapanood nila ang balita ukol sa mga kalupitan ng rehimeng Nazi noong ikalawang digmaang pandaigdig. Taong 1938, sinumulan ni Hitler at ng Nazi ng Alemanya ang paglilipat ng mga Hudyo sa Alemanya at Austria sa maliliit na pook. May isang pagkakataon na ang mga Hudyo ay naglalayag mula Hamsburg patungong Havana na kung saan ay tinanggihan silang papasukin, walang ibang opsyon kundi ang bumalik sa Alemanya. » BASAHIN SA PAHINA 2
Solidaridad: Sa hindi magkamayaw na lungsod NI ANDREA ANDRES
Buwan ng Wikang Pambansa Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino
Para sa mga esklusibong nilalaman sundan ang The LANCE sa:
I-like kami sa Facebook fb.com/thelanceletran
Sundan kami sa Twitter @thelanceletran
LIKHA NI ELDRICK NOLASCO
Sundan kami sa Instagram @thelanceletran
KASABAY ng pagsasara ng huling pahina ng isang libro ay lagi itong mayroong kasunod na tanong na “anong isusunod ko?” Madaling mag-basa kahit gaano man kanipis o kakapal ang isang libro, ang mahirap ay kung paano ka makakahanap ng kasing ganda at kaabang-abang na istorya na gaya lamang ng iyong nabasa. Sa panahon ngayon iilan na lamang ang nag nanais na humawak ng libro at tuklasin ang mundo ng pantasya at kathang isip na ginawa ng isang manunulat. Isang dahilan na rito ay ang pag-usbong ng makabagong teknolohiya. Tila ba nanganganib ang mga nakalimbag na mga publikasyon dahil dito. Ngunit sa kabila ng pangangamba ng iilan ay matayog pa rin na » BASAHIN SA PAHINA 7
Bisitahin ang aming Opisyal website www.thelance.letran.edu.ph
2
LATHALAIN
Makatang pagmumuni-muni
Sining sa loob ng Letran
PATNUGOT NG LATHALAIN: MEILINDA MALACAT TAGAPAGLAPAT NG DISENYO: ELDRICK NOLASCO
» BASAHIN SA PAHINA 7
» BASAHIN SA PAHINA 8
Quezon’s Game: Hangganan ng makakaya para sa higit na kasaysayan MULA SA PAHINA 1 Sa mga sandaling iyon, ikinakaila ng kanlurang Europa ang katotohan sa likod ng mga pangyayaring iyon at iginigiit na ito ay panloob na isyu lamang sa loob ng Alemanya. Maging ang Estados Unidos ay ayaw magbigay ng pahayag. Ang karahasan ng mga banyagang bansa na ito ay salungat sa inukit na kasaysayan ng dating Pangulo. Ang pelikulang Quezon’s Game ay inilalarawan kung paano ginawa ni Quezon ang pag-deklara sa Pilipinas bilang isang ligtas na kanlungan para sa mga Hudyo. Sa tulong nina; Kataas-taasang Komisyonado Paul McNutt at ang dating Kolonel na si Dwight Eisenhower, ang mga kaibigan ni Quezon na Hudyo-Amerikano, na naninirahan at nagtatrabaho sa Pilipinas. Tinutulan niya ang mga kota ng imigrasyon na inilaan ng Kagawaran ng Estados Unidos, at gumawa ng sariling paraan upang magkaroon ng higit sa isang libong eskapo ang makahanap ng bagong tirahan dito sa bansa. Noong oras na tumakas ang mga Hudyo sa Nazi ng Alemanya, may dalang takot para sa kanilang buhay sapagkat ilang bansa na ang tumalikod upang magbigay ng tulong. Ibabalik ng mga gobyerno sa kanilang mangaapi, tulad ng Estados Unidos na nagsasabing wala silang lugar sa lupa ng Amerika. Ang mga Hudyo ay laging “problema ng ibang tao”, na tila ang kanilang etniko ay isang kapansanan; walang sinuman ang handang dalhin sila papalayo sa kanilang mapang-abuso na tahanan. Habang ang buong mundo ay
nagbubulag-bulagan sa kalupitan na dinaranas ng mga Hudyo, tinanggap sila ng Pilipinas na may buong tapang at puso, dahil ito ang dapat.
MAHUSAY NA PAG-GANAP Sa pelikulang Quezon’s Game, ibinida ni Raymond Bagatsing ang kaniyang natatanging pagganap bilang si Pangulong Manuel Quezon. Ginampanan niya si Quezon bilang isang Pangulo na maraming pag-aalinlangan, ngunit hindi sumuko sa paghahanap ng hustisya upang matulungan ang mga nangangailangan. May isang tagpo sa pelikula kung saan ay abala si Quezon sa kaniyang opisina nang ibalita ng kaniyang kawani na ang pagsisikap niya upang magdala ng mas maraming eskapo sa bansa ay walang mapatutunguhan. Hinintay niyang lumabas ng opisina ang kawani- eleganteng tumayo at mahinahong isinara ang pinto at naghintay ng ilang sandali. Pagkaraan, dahil sa bugso ng emosyon, marahas niyang inalis ang mga papeles sa kaniyang mesa, may pagpipigil ngunit malinaw ang kaniyang pagkasiphayo. Ipinakita ni Bagatsing na ang kaniyang karakter ay karaniwang tao lang rin na may pagkukulang. Sa direksyon ni Matthew Rosen at sa panunulat nina Janice Perez at Dean Rosen, nilalayon ng pelikulang ito na maipakita ang pagiging magiting at hindi makasarili ni Quezon, bagay na maipagmamalaki at nararapat lamang na hangaan ng bawat Pilipino. HIGIT PA SA KASAYSAYAN Walang pag-aatubiling binigyang pahayag ni Manuel Luis Quezon
MGA LARAWAN KUHA SA INTERNET
III ang makasaysayang pelikula na ibinibida ang kaniyang lolo at ang dating Pangulong Manuel Luis Quezon tungkol sa pagtulong nito sa mga Hudyo mula sa mga Nazi ng Alemanya noong kasagsagan ng ikalawang digmaang pandaigdig. Inilahad niya ang masusing pagpapahayag tungkol sa pelikula na Quezon’s Game na inilabas noong ika-29 ng Mayo taong 2019. Ibinahagi niya sa kaniyang isinulat na pantukoy “bagaman may mga detalye na nagkamali sa pelikula, ang mga pangunahing isyu ay malinaw na nakalantad sa pelikulang ito, tulad ng mga iba’tibang pagganyak ng mga taong kasangkot: nalalaman kung ano ang nakataya.”
Ang komentaryong ito, gayunpaman, ay maliit na bagay lamang kung ihahambing ang kaugnayan ng pelikula sa modernong lipunan. Higit pa kaysa sa tapat na pagkakatulad sa krisis na kinakaharap ng mga eskapo ngayon, ang mensahe hinggil sa moral na responsibilidad sa harap ng pang-aapi ay mahalagang maibahagi. “Sulit ang iyong oras at pera, ngunit huwag itong panoorin upang malaman ang kasaysayan. Maging naaaliw sa isang kwento na sumusubok sa pinakamainam na makarating sa puso ng katotohanan sa pamamagitan ng paggawa ng paniniwala; dahil ang mga bagay na hindi mahalaga sa tuyong talaan
ng mga katotohanan ngunit sa pagunawa sa kung ano ang gumagalaw at nag-uudyok sa mga tao, mula sa sikat hanggang sa malabo.” (Salin mula sa Ingles na pagkakasulat ni Quezon III) Masasabi nating ginawa Quezon ang lahat, na nilagpasan ang hangganan ng kaniyang makakaya- hindi dahil sa isa itong katungkulan bilang isang may mataas na posisyon sa gobyerno, kundi ay dahil sa pagkahabag. Sa kasalukuyan na kung saan ang naghahari sa lipunan ay kawalan ng pagkakaunawa at patuloy ang pamamahalaan sa paniniil, marahil ang kailangan natin ay higit pa kaysa sa tao na nakakaramdam ng awa at habag sa kanyang kapwa.
Lathalain
VO LYU M X L I I I - I S YU 2
3
Pista ng Pelikulang Pilipino
MGA LARAWAN KUHA SA INTERNET
NINA PATRICIA LARA AT GEORGINA SANTIAGO
NGAYONG 2019 ang ikatatlong taon ng Pista ng Pelikulang Pilipino. Simula noong taong 2017 ay ginaganap na ito upang magbigay pugay sa mga natatanging pelikula na purong ginawa ng mga Pilipino para sa kapwa Pilipino. Mapapanood ito ng isang buong linggo sa lahat ng sinehan sa buong bansa, mula sa ikalabing tatlo hanggang ikalabing siyam ng Setyembre. Tampok dito ang sampung iba’t ibang de kalibre at natatanging pelikula na pinaghandaan ng iba’t ibang produksyon. Ang mga sumusunod na nakasaad ay ang mga pelikulang kalahok para sa taong ito.
CUDDLE WEATHER Mula sa Direksyon ni Rod Marmol. Pinangungunahan nina RK Bagatsing at Sue Ramirez. Ito ay tungkol sa dalawang magkaibang tao na napagkasunduan na gumawa o magkaroon ng isang kakaibang “set up” sa kanilang relasyon kung saan sila ay magiging mag “cuddle partners” at sa kinalaunan ay may kakaiba silang mararamdaman sa isa’t isa, na mas hihigit pa sa kanilang mga ninanais.
LAST SONG SYNDROME Mula sa Direksyon ni Jade Castro. Pinangungunahan nina Khalil Ramos at Gabbi Garcia. Si Sara ay isang kabataan na nangangarap na maging musikero at nasa kalagitnaan ng pagdiskubre kung ano ba talaga ang kanyang lugar dito sa mundo. Hanggang sa nakilala niya si Zak na naghahanap ng pagmamahal. Matututunan ng dalawa sa kanilang karanasan ang iba’t ibang bagay kung saan mas lalalim ang pagtingin nila at mararamdaman kung paano ba ang magmahal, sumaya, at masaktan.
THE PANTI SISTERS Mula sa Direksyon ni Jun Robles Lana. Pinangungunahan nina Paolo Ballesteros, Christian Bables, at Martin Del Rosario. Mayroong tatlong magkakapatid na “bakla” kung saan isang araw ay bigla silang pinatawag ng kanilang ama na may sakit upang hilingin kung puwede ba na bigyan nila ito ng apo, kapalit ng tatlong milyong piso. I’M ELLENYA L. Mula sa Direksyon ni Boy 2 Quizon. Pinangungunahan nina Iñigo Pascual at Maris Racal.
Ang buhay ni Ellenya ay umiikot sa “social media” katulad ng isang pangkaraniwan na kabataan. Siya rin ay nangangarap na maging isang sikat na “social media influencer.” Magtatagumpay ba si Ellenya o hindi siya papalarin ng kanyang mga pangarap? G! Mula sa Direksyon ni Dondon Santos. Pinangungunahan nina McCoy De Leon, Jameson Blake, Paulo Angeles, Mark Oblea, at Kira Balinger. Isang grupo ng football players na magkakaibigan kung saan sama-sama nilang mararanasan na magkaroon ng magaganda at mapapait na karanasan, na tila matututunan nila ang tunay na kahalagahan ng pagibig, pagkakaibigan, pamilya at buhay.
OPEN Mula sa Direksyon ni Andoy Ranay. Pinangungunahan nina Arci Muñoz at JC Santos. Si Rome at si Ethan ay nagsasama na ng labing apat na taon, ngunit parang may nawawala sa kanilang relasyon. Napagkasunduan ng dalawa na maaari silang makipagkita sa ibang tao, ngunit ay hindi sila maaaring magmahal ng iba bukod sa kanilang dalawa.
WATCH ME KILL Mula sa Direksyon ni Tyrone Acierto. Pinangungunahan nina Jean Garcia at Jay Manalo. Pagkatapos malaman ng isang mamamatay tao na ang lalaking dapat niyang patayin ay may itinatago na batang babae, ang buong plano niya ay nabago. Habang ipinagpapatuloy niya ang kanyang madugong trabaho, inaalagaan at pinoprotektahan niya rin ang bata. Ngunit, tila may istorya pa ang batang babae na hindi niya ibinabahagi.
CIRCA Mula sa Direksyon ni Adolf Alix Jr. Pinangungunahan nina Anita Linda, Gina Alajar, Laurice Guillen, Jacklyn Jose, Elizabeth Oropeza, Ricky Davao, Enchong Dee, at may natatanging pagganap ni Mr. Eddie Garcia. Ang isang direktor ay ipagdiriwang ang kanyang sandaang kaarawan. Ang tanging kahilingan niya ay ang lahat ng mga tao na gumanap at tumulong sa kanyang mga pelikula ay imbitado sa kanyang kaarawan. Isa rin sa kahilingan niya ay ang mahanap ang pelikula na hindi niya natapos. Ang kanyang apo, na ang pangalan ay Michael, ang nagtiyaga na hanapin ito. Ang mga pelikula na isinagawa
ng direktor ay nagpapakita ng kagandahan ng mga sine noong unang panahon.
LOLA IGNA Mula sa Direksyon ni Eduardo Roy Jr. Pinangungunahan nina Ms. Angie Ferro, Yves Flores, Meryll Soriano at Maria Isabel Lopez. Si Lola Igna ay isang masungit na lola. Binansagan siya bilang pinakamatandang lola sa Pilipinas. Hindi niya tinutugunan ng pansin ang pagkilala sa kanya ng mga tao, hanggang sa nakilala niya si Tim ang kanyang apo sa tuhod. Sa pagsasama nila ay unti-unting nabigyang kulay at halaga muli ang buhay ni Lola Igna.
PAGBALIK Mula sa Direksyon ni Hubert Tibi at Maria S. Ranillo. Pinangungunahan nina Ms. Gloria Sevilla, Vince Ranillo, Suzette Ranillo at Alora Sasam. Isang ina na bumalik sa Pilipinas pagkatapos masisante sa trabaho niya sa ibang bansa. Upang matustusan ang pamilya ay kinakailangan niyang iwanan muli sila. Ngunit, hindi niya alam kung alin ang tama sa dalawa, kung siya ba ay mananatili sa kanyang pamilya o umalis para sila’y buhayin.
4
LATHALAIN
VO LYU M X L I I I - I S YU 2
Pagkilala sa Wikang Katutubo, tampok sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2019 NI RAILON DENIEGA
BILANG pagtugon sa itinakdang Pampanguluhang Proklamasyon Big. 1041, s. 1997, pinangunahan ng Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ang pagdiriwang ng Buwan ng Wikang Pambansa ngayong taon. Alinsunod ito sa pagkikibahagi ng komisyon sa Pandaigdigang Taon ng mga Katutubong Wika na proklamasyon naman ng UNESCO. Ang pagdiriwang ay sumusunod sa temang Wikang Katutubo: Tungo sa Isang Bansang Filipino na pinagtibay ng KWF sa Kapasiyahan ng Kalupunan Big. 18-31 na naglalayong makilahok ang komisyon sa pagdiriwang, at ilaan ang buwan sa pagbibigay pugay sa pamamagitan ng paglulunsad ng mga programa para sa mga katutubong wika ng bansa tungo sa bansang nagkakaunawaan. LAYUNIN Isa sa mga pagdiriwang ay
layunin ng maiparating
sa mga mamamayang Pilipino ang kahalagahan ng multilingguwalismong kasanayan na maaaring magbigay daan sa paghubog ng bansang may pagkakaunawaan. Bukod pa rito ay ang mahikayat ang mga nagmamay-ari ng mga katutubong wika na makiisa sa gawaing pangwika ng KWF, at pagpapatupad ng mga programang pangwika na magbibigay pansin sa pangangailangan ng kanilang komunidad. Karagdagan, ang KWF ay naglalayong mabigyan ng seguridad sa wika ang bawat mamamayan at makapagpatupad ng mga patakaran laban sa diskriminasyong pangwika. Kaugnay nito ay ang maipakilala ang KWF bilang kaisa ng pamahalaan sa pagpapanatili at pangangalaga ng mga katutubong wika ng Pilipinas. BNW 2019 LOGO Ipinakikita sa logo ng BNW 2019 ang malapangkating katutubong abstraksiyon na tumutugon sa kahalagahan ng
KOMIKS NI RUMIEL CASANOVA
mga aspetong pang kultural at kasaysayan, at ang baybaying “ka� na matatagpuan sa gitna naman ng logo. Ito ay isa sa mga paraan ng KWF bilang pagkilala at pagbigay pugay sa mga katutubong wika bilang bahagi ng kulturang Pilipino. Malaking bahagi ng logo ay ang disensyong sumasagisag sa mga katutubo na kung saan ang sarikulay ng parol ay nagpapahayag ng pagkakaisa tungo sa pagkakaunawaan ng bansa. Ayon sa tala ng KWF, may isang daan at tatlumpu ang bilang ng mga wikang katutubo sa ating bansa na dapat ay patuloy na bigyang halaga sapagkat ito ay pamanang kultural. Inaanyayahan naman ng komisyon ang mga sektor ng pamahalaan katulad ng DepEd, CHED, DILG, CSC, at NCIP, na makiisa sa kanilang mithiin. Inaanyayahan din ang bawat Pilipino na makibahagi sa paggamit at pagpapalawig ng wikang pambansang nagsisilbing hininga ng ating inang bayan.
Lathalain
AG O S TO 2 0 1 9
5
Eksibisyon: Dokumento ng kahapon, kasaysayan at ngayon
MGA LARAWAN KUHA SA INTERNET
MGA PAHINA NG KASAYSAYAN. Ang pambasang aklatan ng Pilipinas. NINA ANDREA ANDRES AT RONI MAE SERRANO
LARAWAN KUHA SA INTERNET
TAONG 1887, nang maitayo ang Museo-Biblioteca de Filipinas alinsunod sa mataas na patakaraan o royal order mula sa gobyerno ng Espanya. Ngayon ito ay kilala bilang Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Ipinagdiriwang nila ang pagkakatatag ng aklatan sa pagsapit nila ng ika-isang daan at tatlumpu’t dalawang taon. Bilang bahagi ng selebrasyon, binuksan sa publiko ang: “Ang Mga Natatanging Koleksyon ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas: Eksibisyon.” Nilalaman ng eksibisyong ito ang mga orihinal na dokumento nina Dr. Jose Rizal, Juan Luna at mga papeles noong panahon ng Komonwelt. Maingat itong nakalahad sa isang salamin na sisidlan. Hindi tulad ngayon, ang mga papeles noon ay sulat kamay o ginamitan ng isang typewriter. Nasa wikang Espanyol at Filipino ang iba’t ibang dokumento na mula
pa sa dating Pangulong Manuel Luis Quezon. Makikita rin dito ang regalong Philippine Pavilion para sa presidente, ang pressbook at The Philippine Incunabula. Nakahilera naman ang mga dokumentadong larawan ng mga lugar sa siyudad ng Maynila at Quezon. Maging ang iba’t ibang mga kaganapan o pagdiriwang sa panahon na ‘yon ay may mga kaakibat na mga litrato tulad na lamang ng ikadalawampu’t isang kaarawan ni Aurora Quezon, ang kanyang kabiyak, at mga pagpupulong sa loob ng Palacio. Karagdagan, napanatili rin ang dating mesang ginamit ng Pangulong Quezon sa kanyang opisina noon sa palasyo ng Malacañang. Isa sa pinagmamalaki ng Pambansang Aklatan ng Pilipinas ay ang mga orihinal na manuskrito ng mga tanyag na nobela ni Jose Rizal, ang Noli Me Tangre at El Filibusterismo. Kasama rito ang mga iginuhit ni Juan Luna para sana sa ikalawang edisyon ng Noli Me
Tangere. Mayroon itong orihinal na dalawampu’t isang larawan ngunit labing pito lamang ang naroon dahil nasira ang iilan sa mga ito noong panahon ng ikalawang digmaang pandaigdig. Sa kabilang banda, ay isang malaking mapa ng Plano de La Ciudad de Manila Y de sus Arrabales. Ang eksibisyon na ito ay hindi lamang sinasakop ang selebrasyon ng pagkakatatag ng aklatan, sumasalamin din ito sa Pagdiriwang ng Buwan ng Kasaysayan. Sa pangunguna ng National Historical Commission of the Philippines at Pambansang Aklatan ng Pilipinas. Iniimbitahan ang publiko upang bisitahin ang establisyemento at makita ang mga natatanging dokumento nang mabigyangsulyap muli ang kasaysayan ng Pilipinas. Bukas ang eksibisyon mula ikalabing tatlo ng Agosto hanggang ikatatlumpu sa Pambansang Aklatan ng Pilipinas, sa ikalawang palapag.
6
OPINYON
AGOSTO 2019
EDITORYAL Pagkalimot sa asignaturang Filipino TAONG 2014 noong umusbong ang isyu patungkol sa paghain ng CHED (Commission on Higher Education) na tanggalin ang asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng mataas na antas ng edukasyon (kolehiyo at unibersidad) sa kadahilanang tapos na itong talakayin ng mga mag-aaral sa Elementarya hanggang Senior High School. Dahil sa malawakang isyu na ito, nakonsolida at itinaguyod ang Tanggol Wika; isang organisasyon na binubuo ng mga guro at propesor na tumututol at lumalaban upang matuldukan ang pagpasa sa bill na ito. Ngunit, ngayong taong 2019, tuluyan na ngang nagpasya ang Korte Suprema na hindi na gawing mandatorya ang pagkuha ng asignaturang Filipino at Panitikan sa kurikulum ng kolehiyo na ikinabahala ng nakararami. Maliban sa libu-libong guro o propesor ang mawawalan ng trabaho sa pagtatanggal ng mga nasabing asignatura, unti-unting tatamlay ang pagpapahalaga ng mga kabataan sa sarili nating wika. Imbes na mas mapayabong at lumalim ang kaalaman sa wikang Filipino—isang wikang pahinog pa lamang—isinantabi ito para sa mga asignaturang mas pabor sa interes ng mga dayuhan. Isa itong patunay na mas pinagtutuunan ng pansin ng kagawaran ang kulturang dayuhan kaysa Filipino. Hindi maikukubli na binalewala ng CHED ang esensya ng pag-aaral ng Filipino at ng Panitikan, at hindi man lang isinaisip ang kawalan ng trabaho ng mga propesor. Ang wika at panitikan ay dalawang mahalagang kasangkapan sa pagbubuklod ng isang bansang mayroong samu’t saring tradisyon at kultura. Ito ang nagsisilbing tulay na siyang nagkokonekta at naghahatid ng pambansang pagkakaunawaan sa iba’t ibang dayalekto na mayroon sa ating bansa. Ang pagwaksi sa pagaaral ng Panitikan at Filipino ay ang umpisa ng paglimot sa ating sariling pagkakakilanlan. Hindi man natin namamalayan ang kabuluhan at importansya ng wika sapagkat nasa likas na natin ang pakikipagtalastasan sa bawat isa, ngunit ito ay ang salik na nagpapatibay sa ating mga pagkakaiba bilang Pilipino. Ito ang humuhubog sa ating sariling kaisipan, nagpapatibay ng tradisyon, kultura at mga haraya. Tila isang kamangmangan ang pagtanggal ng asignaturang Filipino at Panitikan sa mataas na antas ng edukasyon. Hindi nila maaaring idaan sa mababaw na diskurso at ipasawalang bahala ang mga ito na para bang hindi sila epektibo sa pagpapalawig ng sariling wika. Ang desisyon sa pagsupil na ito ay isang sampal sa mukha nating lahat. Isang akto ng pagtatraydor ng tao sa kanyang lupang sinilangan. Dahil sa lantarang pagbalikwas ng CHED sa pagpapahalaga ng dalawang nabanggit na asignatura, paano na lamang mas mahihikayat ang mga kabataan na unahin ang sariling wika kaysa wikang banyaga kung walang suportang natatanggap mula sa mga nakatataas? Kung sila rin ang humahadlang, ang umaapela sa pagyabong ng sarili nating wika? Lagi’t lagi nating tandaan kung saan tayo nagmula. Tayo’y mga Pilipino na may tungkuling ipaglaban ang sarili nating pagkakakilanlan. Huwag nating hayaang kupitin sa atin ang sarili nating wika—isang mahalagang elemento na nagpapatibay sa ating kasarinlan.
Pagmulat sa kabataan NI ETHAÑA RAMONES
IBUKAS mo ang iyong mga mata. Simulan mong magsalita. Subukan mong magsulat. Tsaka ka magbasa. Tangan ko ang isang blankong papel. Nang simulan kong magsulat, biglang sumagi sa isip ko ang PILIPINAS - Isang bansang arkipelago na may pitong libo’t sandaan at pitong pulo na may kabuuang sukat na tatlong daang libong parisukat. Isang tropikal na paraisong pinamamahayan ng mahigit kumulang isang daan at apat na milyong mamamayang tinatawag na PILIPINO, na may nag- iisang wikang pambansa- ANG FILIPINO. Tayo’y magbalik- tanaw kay Pangulong Manuel Luis Quezon; kapita- pitagang Letranista na siyang naging instrumento upang mapagtanto na kinakailangan ng bansa ang iisang wika. Kaya naman, matapos niyang hirangin ang Surian ng Wikang Pambansa, ang pagkakaroon ng nag- iisang wikang Filipino’y naisakatuparan. Mahigit kumulang pitumpu’t tatlong taon na ring nagdiriwang ang Pilipinas ng Buwan ng Wika simula pa noong 1946. Sa hinabahabang kasaysayan nito, nagkaroon na ng iba’t ibang mga tema patungkol sa nakaparaming paraan kung paano pagyayamanin ang
PUNONG PATNUGOT KAWAKSING PATNUGOT TAGAPAMAHALANG PATNUGOT PATNUGOT NG BALITA PATNUGOT NG LATHALAIN PATNUGOT SA ONLAYN PATNUGOT NG MGA MEDYA PATNUGOT NG DISENYO
ALYSSA KATHRYN AQUINO LIAM ANDREI EON MARCELINO ETHAÑA LLARENA RAMONES RAILON DOMINIC DENIEGA MEILINDA MARIE MALACAT CHANTAL MACARAEG MARIA KARA ALEXIR CALAMBA ELDRICK ANGELO NOLASCO
MGA MANUNULAT Andrea Andres Roni Mae Serrano Patricia Lara Raine Cepeda Georgina Santiago KARTUNISTA Rumiel Casanova ANTON VINCENZ L. TANTOCO TAGAPAYO Buwanang inilalathala, ang THE LANCE ay may tanggapan sa 3F Student Center Building ng, Colegio de San Juan de Letran, Intramuros Manila. Para sa komento, suhestyon, at sulat sa mga patnugot, makipag-uganayan sa thelance@letran.edu.ph
ating wika. Marahil, marami sa mga kabataang kagaya ko na nagdaan na sa paulit- ulit na selebrasyon ay nakararamdam na ng bagot at pananawa, sapagkat heto na naman tayo’t mapagkunwaring nagkakaisa para sa wikang pambansa. Sa panahon ngayon kung saan umiikot na ang mundo sa teknolohiya at social media, naging malabo na ang kahulugan ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa ating bayan. Nariya’t naging isa na lamang porma ng batian ang “Maligayang Buwan ng Wika!”, ang pagsuot ng mga barong at baro’t saya’y naging isang fashion statement na lamang sa Instagram, at higit sa lahat ang tunay na pagpupunyagi ng ating wika’y nawala na sa direksyon ng liwanag. Marami sa atin hinayaang magpadala sa agos ng pagbabago at hindi natin namamalayang iniiba tayo ng mundong ginagalawan natin. Napapanahon na para pag- usapan ang talamak na pagbabago sa ating paligid. Mga panahong diretso pa ang bawat salita na pinasikut- sikot na ngayon ng malilikot na isipan ng mga kabataan, kasabay ng baluktot na paglipas ng panahon at paglimot sa esensiya ng wika. Isabay mo pa ang pinal na desisyon ng Korte Suprema sa pagtanggal ng asignaturang Filipino sa Kolehiyo, matapos na
maglabas ng resolusyon noong Marso upang kumpirmahin ang nauna na nilang desisyon noong Oktubre na nagbabasura sa mga inihaing petisyon ng Tanggol Wika. Hindi ba’t nakapanlulumong isipin? Tila nakakaligtaan ng karamihan ng ating mga kaibigan ang tunay na pagpapahalaga sa ating identidad at heto gumagawa na naman ng bagong pagkakakilanlan tungo sa inaasahan nilang kaunlaran. Isang hindi rin kanais- nais na ugali ang simpleng pagbalewala natin sa Buwan ng Wika dahil ito’y nakasanayan na, sapagkat tatandaang sa pagbalewala sa wika’y pagbalewala rin sa iyong pagkatao bilang Pilipino. Idagdag pa natin ang mga nauusong salitang na tila walang saysay spagkat maraming likes, retweets at heart. Wala namang masama sa kung paano natin sinasabayan ang pagbabago huwag lang kalimutan ang pagbibigay respeto at importansta sa ating wika. Huwag mo hahayaang lunukin ka ng pagbabago, mapag- iwanan ang wika at mangyaring ipagpalit ang wika para sa pinapangakong kaunlaran ng makabanyagang wika. Sa halip, isulong at pagyamanin natin ang ating wika at ikauunlad ng ating kultura at kasarilan. Tayo ay Pilipino at Filipino ang ating wika!
maikakaila ang pagkahalintulad ng kanyang pamamaraan sa bagong alkalde ng Maynila na si Yorme [Mayor] Isko Moreno, na siya ring kinahuhumalingan ng masa sa kaniyang maangas na pananalita buhat na rin ng kaniyang paglaki sa Tondo. “Lasma sa gedli, bandang wakali dehins pa makahalata,” ika nga ni Isko na para bang isang linya na mababasa sa likha ni Bob Ong. Masaklap na lamang kung hindi ka sanay makarinig ng salitang-kalye at marahil ay mapapanganga ka na lang sa pag-unawa sa mga ito. Ano ba ang nakakahikayat sa paglipat ng mga titik at paghalohalo ng mga salita? Maaaring parte na ito ng kultura na ibinubunyi ng mga taong may nais humiwalay sa mga nakasanayan na. Maraming mga salitang Filipino ang tuluyan nang nakalimutan ng kasalukuyang henerasyon dahil na rin marahil sa kakulangan ng nararapat na edukasyon lalo na sa asignaturang Filipino, o mas-masaklap, ang pagiging ignorante mismo ng tao sa sarili niyang wika. Hindi naman masama, ngunit hindi
nga rin naman tama, lalo’t kung lagi na lang baliktad ang bokabularyo na naisasantabi na ang orihinal nitong pagkakakilanlan at kahulugan. Iba na nga ang pamamaraan ng pagdiskurso, at mapapansin na kolokyal na ang panibagong pangkaraniwan kahit sa mga pananalumpati. Ang pambansang wikang Filipino ay patuloy na nagbabago. Tila maraming naglaho, napalitan, at nadagdag sa ating pang-araw-araw na diksyunaryo. Maswerte ka kung bukas ang iyong isip sa moda ng pakikipag-usap na baliktad ang paggamit dahil matatag ang iyong damdamin sa tinatawag ngang ‘pagbabago’. Mas-maswerte ka nga lang kung pinahahalagahan mo ang pinagmulan ng mga terminolohiyang iyong ginagamit. Para sa akin, kailanman ay ‘di naging sapat na sabihing naiintindahan mo lang ang isang wika, dapat ay alam at mahal mo rin ang ugat at lubusan mong ipinagmamalaki ang kultura sa likod ng mga ito. Sabi nga ni Bob Ong sa kaniyang akdang aking binanggit, “Kung hindi mo alam kung sino ka, paano mo maipagmamalaki ang sarili mo?”
Bakit baliktad magsalita ang mga Pilipino? NI MEILINDA MALACAT
L U P O N G PAT N U G U TA N S Y. 2 0 1 9 - 2 0 2 0
IGINUHIT NI RUMIEL CASANOVA
SINONG hindi mapupukaw sa mga masisigla at nakakatawang akda ni Bob Ong? Mula sa pinakakilalang “ABNKKBSNPLAko?!” hanggang sa iba pang niyang mga nobela tulad ng“Macarthur”, “Kapitan Sino”, at “Stainless Longganisa”, talaga ngang halakhak ang puhunan lalo na para sa kabataan. Masasabing isa si Ong sa mga nagbigay buhay sa literaturang Pilipino sa ating dekada sapagka’t kwela, madaling intindihin, at nakakaakit ang pamamaraan ng pananalita na kaniyang ginagamit. Tila patok na patok sa madla ang kaniyang makabagong konteksto. Marahil isa sa mga dahilan din kung bakit sumagi sa aking isip ang katha niyang “Bakit Baliktad Magbasa ng Libro ang mga Pilipino?” (2002), isang libro na hindi lang puro katatawanan kung hindi’y tumutukoy rin sa ilang ugaling Pilipino na hindi naman masama ngunit hindi rin masasabing tama. Bakit nga ba tadbalik (baliktad) din magsalita ang mga Pilipino? Kung tutuusin, ay hindi
Lathalain
VO LYU M X L I I I - I S YU 2
7
Solidaridad: Sa hindi magkamayaw na lungsod MULA SA PAHINA 1 nakatayo ang 53 taong gulang na tindahan ng mga libro na Solidaridad Bookstore.
PADRE FAURA Sa kabila ng nagsisitayugan at nag tataasang mga gusali, mga taong dumaraan at humihinto, at matumal na daloy ng trapiko sa kalye ng Padre Faura ay tahimik na nananahan ang Solidaridad. Isa itong saglit na biyahe papunta sa nakaraan sa hindi magkamayaw na lungsod. Unang makikita ang isang malaking salamin na siyang magbibigay sulyap sa loob ng tindahan, kulay pula ang mga ladrilyo maging ang pangalang Solidaridad. Ito ang munting Paraiso ng mga manunulat, magbabasa at maging ang mga Pilipino. Tago man sa puso ng lungsod ngunit ito ang pamana at kayamanan na iniwan ni Franciso Sionil José. Mga
literaturatura ng Pilipinas, Asia at maging ng mundoman.
FRANCISCO SIONIL JOSÉ Isang tanyag na periodista at manunulat si F. Sionil Jose, mayroon siyang 35 na librong nagawa at naisalin na ito sa 20 wika sa iba’t-ibang bansa. Kilala ang kanyang limang nobela na The Rosales Saga na siyang tumalakay at nagkwento sa 100 kasaysayan ng Pilipinas. Ilan na rin ang naiuwi niyang parangal sa ngalan nang pagsusulat. Noon ay nasa Sri Lanka si Jose bilang isang opisyal sa Colombo Plan at nagbigyan nang pagkakataon na magkaroon ng dyornal para sa Kongreso sa Kultura at Kalayaan ng Estados Unidos sa halagang 10,000 dolyar. Bagkus malaking halaga ang inalok sa kaniya ay hindi siya naging masaya sa trabahong gagawin. Naisipan nalamang niya umuwi sa bansa at magtayo ng sariling publikasyon.
Sa paghahanap ng lugar ay isinuhestyon ng kaniyang mga manugang ang lumang bahay ng Jovellano sa may Ermita. Malaki at malawak ang lugar na iyon para sa gagawing opisina kaya naman ang kaniyang kabiyak na si Teresita Jose ay nagmungkahi na gawin itong tindahan ng aklat.
SOLIDARIDAD Taong 1965, buwan ng Hunyo ay naitayong magkasabay ang publikasyon at tindahan ng Solidaridad na pag mamay-ari ni F. Sionil Jose. Noong maitayo ito ay pang-apat ito sa Metro Manila na naitayong tindahan ng aklat. Naglalaman ito ng iba’t-ibang klase ng mga libro at literatura na bihirang mahanap sa ibang mga aklatan. Ang sektong ng FIlipiniana ay tila nga naman isang kaban ng ginto sa dulo ng bahaghari, naririto ang iba’t-ibang mga libro nila Jose Rizal, Nick Joaquin, F. Sionil Jose, Paz Marquez,
N.V.M. Gonzalez, Gilda CorderoFernando, Bienvenido Santos, Lualhati Bautista at iilan pa sa mga primyadong manunulat. Maayos itong nakasalansan, mapa-tula man o dula ay madaling matatagpuan. Hindi lamang doon mayaman ang Solidaridad dahil ang mga literatura iba’t-ibang mga bansa sa Asya ay maari ring makita gaya nalamang ng mga gawa ni Haruki Murakami, isang sikat Manunulat ng mga Hapon. Mayroon ding mula sa Europa at Estados Unidos at mga librong magagamit pang akademiko gaya na lamang ng mga sikolohiya at iba pa. Ibinahagi rin nila ang mga librong inirerekomenda, ang limang pinakamataas ay ang: A Question of Heroes (Nick Joaquin), A Shropshire Lad (A.E Housman), A Study of History (Arnold Toynbee), America is in the Heart (Carlos Bulosan), at ang An Area of Darkness (V.S Naipaul). Iilan lamang yan sa
daang rekomendasyon ni Jose. Ang Solidaridad ay naging punong tanggapan ng mga manunulat ang Philippine Center of International PEN (Poets and playwrites, essayists, novelists). Hindi lamang iyon ang dahilan kung bakit dapat bigyang pansin ang aklatan kung hindi dahil ito lamang ang lugar na kung saan malaki ang binibigay suporta para sa mga lokal na manunulat ng bansa. Isa ring dahilan kung bakit naitatag at tumagal ang Solidaridad ay nalalaman ni Jose kung ano ang mga bagong labas na libro ng mga manunulat. Sa simpleng suhestyon ay nagtagal ang tindahan ng aklat na ito sa loob ng 53 na taon. Naalagaan at nabantayan maigi sa kabila man ng malawak na globalisasyon. Ito ang patunay na mag bago man ang lahat, lumipas man ang iba at makalimutan ng iilan ay hinding hindi mawawala ang bagay na binigyan ng pagmamahal at iningatan sa pagdaan ng panahon.
ng awiting ito na sa kabila ng lahat ng pagmamahal na kaya mong ibigay sa isang tao, darating ang araw ng kapaguran at hangganan. Sikat na obra rin ng banda ang awiting “Tahanan” na isinulat naman ng miyembrong si Owen Castro. Ibinahagi niya sa isang panayam na ang inspirasyon niya sa awiting ito ay ang sarili niyang karanasan, bilang isang tao na may sikolohikal na kalagayan, naisip niya na sa bawat pagsubok na kinahaharap niya sa buhay ay mayroong pag-asa. Katulad ng mensaheng ipinahihiwatig ng awiting “Tahanan”, sa lahat ng pait at pagdurusa sa buhay, tayo ay mayroon pa ring pag-asa at patuloy pa rin ang agos ng buhay.
sariling wika. Sa isang panayam, tinanong ang grupo kung kinakailangan bang gamitin ng mga local artists ang ating sariling wika sa pagbuo ng isang awitin. Ayon din sa kanila, hindi kinakailangan na Filipino lamang ang gamiting sa pagsulat ng mga awit. Sinabi rin ng kanilang bokalistang si Adj Jiao, ang wikang Filipino ay isa sa pinakamagandang wika, may mga bagay tayong masasabi na mas masarap sabihin sa wikang Filipino at walang katumbas na kahit anong wika. Isang bagay na makukuha sa bandang ito maliban sa kanilang musika ay ang pagpapahalaga sa wikang Filipino. Mula sa mga nabanggit, maraming salik pa ang dapat isaalang-alang upang tangkilikin at magbigaypugay sa ating sariling musika, at kung humahanap ka ng senyales upang simulan ang pakikinig sa indie music, ang Munimuni ay isang magandang simula upang patuloy na tangkilikin ang OPM.
Makatang pagmumuni-muni NI RONI MAE SERRANO
ISA ka ba sa mga may natatanging pag-idolo sa dyanra ng malayang musika o indie music? Sa mundo ng musika sa Pilipinas, patuloy ang pag-usbong at pagtangkilik muli ng masa sa mga lokal na musika na may dyanrang indie. Marami ring mga nangangarap na mang-aawit at mga kompositor ang nagkaroon ng malaking oportunidad upang ipamahagi ang kanilang mga talento, at isa na rito ang bandang Munimuni. Ang Munimuni ay isa sa mga sumisikat na bandang Pilipino na nagsimula pa noong 2012 at patuloy na gumagawa ng pangalan sa mundo ng OPM o “Original Pinoy Music” magpahanggang ngayon. Ang bandang ito ay binubuo ng limang miyembro na sina Adj Jiao, TJ De Ocampo, sa gitara at vocals, Owen Castro sa plauta at vocals, si Jolo Ferrer na kanilang bahista, at si Josh Tumaliuan sa drums. Ayon sa kanila, nagkakilala-kilala ang mga bawat miyembro sa Unibersidad ng Pilipinas, kung saan sila ay pare-parehong mag-aaral. Ang pangalang Munimuni ay nabuo mula lamang sa isang ordinaryong araw na pagsakay ng isa sa mga miyembro sa isang pampublikong sasakyan, habang nag-iisip ng ipapangalan sa kanilang banda, napagtanto niyang siya ay literal nang nagmumuni-muni, na isang pinalalim na salitang ang ibig sabihin ay “pag –iisip-isip”. Hindi lingid sa kaalaman ng lahat na ang musikang ibinibigay ng bandang ito ay nakatitindig balahibo sa bawat tipa ng gitara, sa bawat pag-ihip ng plauta, at sa bawat bagsak ng tyempo ay mararamdaman mo ang mensaheng ipinahihiwatig ng kanilang mga musika. Maliban sa mga nasabi ay marami pa ring dahilan upang patuloy na mahalin at tangkilin ang Munimuni at kanilang mga obra, at ilan na rito ang mga sumusunod:
ANG “MAKATA POP” Indie-folk ang dyanrang kinabibilangan nila na bibihira nang tinutugtog ng mga mangaawit at kompositor sa panahon ngayon, ngunit binansagan din ng mismong banda ang kanilang mga sarili na ang dyanrang kanilang tinutugtog ay “makata pop”, mula sa salitang makata na ang ibig sabihin ay manunula. Kagaya ng isang manunula, ang bandang ito ay gumagamit ng mga salitang Filipino na hindi na gaanong nagagamit sa kasalukuyang panahon. Inilalatag nila ang kanilang mga makabagbag damdaming liriko at nilapatan ng musikang may himig ng diwa at pinagsamahang moderno at makanayong tunog.
ANG KAPANGYARIHAN NG SINING AT MUSIKA Mula sa nakaaantig damdaming liriko hanggang sa kilabot na ibinibigay ng kanilang himig, ang mensaheng ipinahihiwatig ng bawat
awit na kanilang binubuo ay isang bagay upang lalo nating mahalin ang OPM. Kilala ang Himig Pinoy dahil sa mga awiting tungkol sa iba’t ibang uri ng pag–ibig. Ang bandang Munimuni, bukod sa mga awiting ukol sa pagibig, handog rin nila’y mga awiting nakaakibat sa mga karanasan ang bawat nilalang sa daigdig gaya ng “Bukang Liwayway” na patungkol sa mga galimlim na pangyayari sa ating buhay. Ayon sa isa sa mga miyembro, ang inspirasyon niya sa pagsulat ng awiting ito ay mula sa mga alaalang nananangis pa rin sa kanyang isipan noong siya’y musmos pa. Kapag narinig ang awiting ito, tila’y bumabalik ang mga alaalang tumitimo sa ating puso’t isipan simula nang iyong pagkabata. Isa rin sa tanyag nilang awitin ang “Sa Hindi Pag-alala” na patungkol naman sa pagdadalamhati. Ang awiting ito ay isa sa mga dahilan kung bakit nakilala ang banda. Ipinararamdam
PAGMAMAHAL AT PAGPAPAHALAGA SA SARILING WIKA Isang dahilan para mahalin ang Munimuni ay dahil sa kanilang matibay na pagmamahal sa ating
8
LATHALAIN
VO LYU M X L I I I - I S YU 2
MGA LAWARAN MULA SA TEATRO DE LETRAN AT LETRAN FILIPINIANA DANCE COMPANY
SINING. Mga miyembro ng Letran Filipiniana Dance Company suot ang kanilang makukulay na kasuotan at mga aktor ng Teatro de Letran.
Sining sa loob ng Letran
NINA RAILON DENIEGA AT CHANTAL MACARAEG
SA UNANG araw bilang isang Letranista, hindi maiiwasan na sa apat na sulok ng Colegio de San Juan de Letran ay mapapansin o makikita ang mga taong mayroong mga makukulay na kasuotan, umiindak sa galak na hatid ng kultura at kasaysayan. Sila ang LFDC o kilala sa ngalang Letran Filipiniana Dance Company. Siguro ay nadadala ka rin ng mga himig na nagmumula sa umpukan ng mga tinig. Ang nagmamay-ari ng mga ito ay walang iba kung ‘di ang LSA o Letran Singing Ambassadors. Kung naghahanap ka naman ng drama at nahihilig sa pag-arte, saksihan ang pagbubukas ng telon at kilalanin ang Teatro de Letran (TDL). Bagama’t ang kanilang pagtatanghal ay madali sa ating mga paningin, sa likod nito ay ang kanilang paghihirap na hindi lang basta maitawid kung ‘di ay mag-iwan ng marka sa puso ng mga manonood. Kung sila ay makalimot ng linya, galaw, liriko o maging ang mga palatandaan sa entablado, hindi nila ito ipinahahalata sa mga manonood. Sa halip ay buong puso nang may sigasig nilang itinutuloy ang pagtatanghal na para bang walang pagkakamaling nangyari. Ilan lamang ito sa mga dahilan kung bakit isa ang Kultural na Organisasyon ng Letran ang magbibigay sa ‘yo nang makulay na paglalakbay sa apat na sulok ng ating mahal na paaralan. Walang sinasayang na panahon ang mga
miyembro ng mga organisasyong ito. Maging ang mga page-ensayo at pagsasanay ay umaabot ng gabi. Dagdag pa rito ang kanilang sakripisyong walang maayos na tulog. Mga bahagi na ng kanilang buhay bilang mga manananghal. Mapapansin mo ang mga ito sa entablado kung saan sila ay kumikinang na kabigha-bighani oras na magsimula ang kanilang pagtatanghal. Hindi lamang sila nasa entablado upang magbigay saya, kung ‘di ay siguradong madadala ka sa mundong kanilang ginagalawan. Mapasayaw, mapakanta at mapadula, sa bawat tindig, kanta at linya, mayroong mga kuwentong nakatago’t naghihintay na marinig. Ngunit, paano na ang mga kultural na organisasyon ay nananatili sa gitna ng hirap at dami ng dapat isakripisyo? Malamang ay ang kanilang puso sa pagtatanghal. Bukod pa rito ay ang kanilang hangarin na higit na magpakita ng maganda sa huli nilang naitanghal at ang hindi pagiging kuntento sa kung anong mayroon sila. Bihira ka lamang makaririnig ng mga daing mula sa kanila kahit na ang sitwasyon ay siksik na sa problema. Kahit ang bagyo ay maging banta at hadlang man, hinaharap nila ito nang may ngiti at matibay na paninindigan para sa kanilang organisasyon maging sa Letran. TULOY ANG LABAN Tila motibasyon na ituloy ang laban sa pagpupunyagi ng untiunting nakakalimutan na sining sa pagsasayaw at pag-arte.
“Laban lang,” ang araw-araw na kanilang isinasambit laban sa mapanghamong buhay bilang isang manananghal. Sa simula ng kanilang paglalakbay ay talaga nga namang naging mahirap ngunit nasanay na ang mga organisasyon sa “aral-practice-tulog” na naging kanilang karaniwang gawain. Ang oras ay kanilang naging kaibigan at kaaway dahil sa pagsasanay at pagpapahinga. May mga bagay din silang hindi nasusunod na ayon sa kanilang nais. Minsan pa nga ay may mga pagkakamali sa kanilang pagtatanghal na hindi nila napansin habang sila’y nagtatanghal ngunit pagkatapos, napagtanto nila ang mga ito at nag-iwan ng aral para sa kanila. May mga aberya rin naman na nangyayari katulad ng nawawalang kagamitan sa entablado, teknikal at minsan pa nga ay nawawalang miyembro. Ngunit, katulad na lamang ng naririnig natin sa mga tumatapak sa entablado, may aberya man o wala, magpapatuloy ang pagtatanghal.
ANG HAMON NG ENTABLADO Si Aya Delaguiado, miyembro ng LFDC, hindi iniisip ang mga ito bilang isang pasakit kung ‘di ay pagsubok sa kanya bilang manananghal. Bilang isa namang estudyante na nag-aaral ng Sikolohiya sa ikalawang taon, mayroon siyang pinapanatiling grado at kasabay nito ay ang pagsasayaw. Inamin niya na umuuwi siyang pagod ngunit hindi ito naging hadlang upang mapahinto siya sa nagpapasaya sa
kanya—ang pagsasayaw. “Hindi biro ang maging isang student dancer, at mag-aaral na gusto pa mag-excel sa piniling field,” bunyag ni Aya sa panayam ng The LANCE. Dagdag pa ni Aya, mas nagiging masaya siya sa tuwing nagagamit ang talento sa pagsasayaw. Para sa kanya, isang paraan upang maipakita na ang isang Pilipina ay may angking galing sa larangan ng pagsasayaw. Si Pauline Lalog naman na miyembro ng LSA, ibinihagi ang kanyang sentimyento kung paano na siya ay nananatili sa organisasyon kahit na mahirap at sinusubok. Ang pakikipagkapit bisig daw sa iba pang mga miyembro ay mahalaga sapagkat ito ay magsisilbing sandigan ng bawat isa sa kanila. Para naman kay Christian Quitorio, sumali siya sa LSA nang walang kaalam-alam sa musika ngunit kanyang naaalala kung paanong kumanta nang walang kasiningang pamamaraan. Ang mga aral na kanyang natutunan sa loob ng LSA ay tiyak na madadala niya sa mundong kalauna’y kanyang papasukin. Ang mga aral na ito ay kanyang magiging alas upang maabot nang buong-buo at walang alinlangan ang tagumpay bilang manananghal. Ang Teatro de Letran naman ay naniniwala na ang mabugbog ng mga pagsasanay ay higit pa sa mga aral ng buhay. Ayon kay Carlo Buan, ang walang katapusang pagkakabisa ng mga dayalogo na nakalahad sa iskrip ay talaga nga namang
nagbibigay hirap sa kanya, lalo na’t may inaasahang mataas ang mga Letranista sa aktor at aktres ng Teatro. “Temporary lang ‘yon,” aniya patungkol sa hirap ng pageensayo. Mayroon din siyang mga pangarap sa organisasyon na kung saan ay umaasa siya na sana’y bigyang pansin ng mga Letranista. Nang matanong ang bawat organisasyon kung ano ang kanilang magiging ambag sa pagpapaunlad sa kultura ng Pilipino, ang kanilang naging sagot ay: “Itaguyod ang sining.” Ang mga kultural na organisasyon ng Letran ay mayroong iisang hangarin, ito ay ang mapanatili ang kulturang Pilipino na buhay at nagniningning sa apat na sulok ng Colegio. Anila’y ang pagtungtong sa entablado at makita ang mga ngiti sa mga labi ng manonood ay sapat na bilang kanilang maipagmamalaki. Para sa kanila, ang pagiging bahagi ng organisasyon ay higit pa sa pagiging miyembro lamang. Nakatagpo sila ng isang pamilya na may iisang hangarin, pangarap at silakbo ng pag-ibig para sa kultura ng bayan. Naniniwala sila na gaano man kahirap ang daan patungo sa tagumpay, gaano man katarik ang bawat hakbang, mayroong isang bagay na bahagi na ng kanilang kultura ang hindi mamamatay, at ito ay ang kanilang mga pangarap. Kung mayroon silang tanging maihahandog sa Diyos, bayan, at Letran, ang kanilang makakayang ibigay ay kanilang mga pangarap at pagmamahal sa sining at kultura.