The Leaf Vol. 55 No. 1

Page 16

F E AT U R E S

Horr

Hell W

Pagsapit

22:00 Ipinaling ko ang aking mga mata mula sa orasan at muling tinitigan ang aking laptop. Nakatitig naman pabalik ang sanaysay na itinakda noong nakaraang linggo. Sa wakas, bukas na ang pasahan nito.

Ah, wala pa akong nasisimulan.

Paano ba naman, nagkasabay-sabay ang gawain ng tatlong asignatura, at pangkatan pa ang isa. Magkakasunod rin ang araw ng pasahan nila. Higit pa, nagkaroon ng mahabang pagsusulit sa Agham at Araling Panlipunan noong Sabado, kaya hindi ko na naintindihan kung alin ang unang aasikasuhin. ‘Yung pangkatan nga pala, natapos na kaya ni Lynne ang pag-eedit ng awtput namin? Matawagan nga.

“Huy, Lynne, kumusta na ‘yung bidyo?”

“Ito, nangangalahati pa lang. Sabihin mo pala kay Sam na ulitin ‘yung recording niya, magulo kasi ‘yung audio.”

“Panong magulo?”

“Kasing gulo ng love life mo.” Aba.

“Hoy, may kapuyatan na ‘ko!”

“Eh bakit ako ang kausap mo ngayon?” Syempre, sinagot ko siya. Alangan namang aminin kong takdang aralin lamang ang dahilan ko sa pagpupuyat. Pabalik-balik kaming nag-asaran hanggang sa nagkataong tumama ang aking paningin sa mapanghusgang mukha ng orasan.

22:30

Dali-dali kong pinutol ang usapan at binalikan si kapuyatan. Kailangan ko ng paksa. Ano bang kasalukuyang pangyayari ang pasok sa tema ng panlilinlang? Tiyak na maraming balita ngayon tungkol sa pulitika. Tingnan ko nga sa Twitter.

16 3

Artwork by: Amavel Hannah Atip

Bumungad sa akin ang sunod-sunod na daing ng aking mga kaklase. May pagod na raw magbuhat ng pangkat; may wala nang maintindihan sa mga araling tinalakay; may mauutas na sa pag-aayos ng Kabanata II– hala, may pananaliksik nga pala. Sa palagay ko ay ngayong linggo na hihingin sa bawat pangkat ang sintesis, pero hindi pa rin kumpleto ang aming kaugnay na pag-aaral. Buti na lang talaga may Google Scholar. Sinimulan kong isa-isahin ang panimulang bahagi ng mga lumabas na pag-aaral sa pagbabasakaling may mai-aambag ako sa aming papel. Unti-unting tumulin ang a k i n g pagbabasa hanggang sa makapagdagdag ako ng anim na pag-aaral sa aming gawa bago ko namalayan ang aking pagkauhaw. Hay, kahit gaano katagal na naming pinag-aaralan ang katangian ng Kabanata II ay hindi pa rin ako nasasanay...sanay... sanay– ay, ‘yung


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.