Rodas, lumahok sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature:
“IGBA” : nagkamit ng ikatlong gantimpala ni : Patricia Adora G. Alcala
G
[Reuel Aguila]
KARANGALAN AT TAGUMPAY. Si G. Marco Antonio Rodas (nasa kaliwa) habang malugod na tinatamo ang kanyang sertipiko ng parangal mula kay G. Carl Anthony Palanca (VP, UP Carlos Palanca Foundation, Inc.) (nasa kanan) sa Carlos Palanca Awards for Literature Awarding Ceremony, Rigodon Hall of Peninsula, Setyembre 1.
inawaran ng natatanging pagkilala sa Carlos Palanca Memorial Awards for Literature ang guro na si G. Marco Antonio Rodas mula sa Kolehiyo ng Sining at Agham sa The Rigodon Ballroom of The Peninsula , ika-1 ng Setyembre. “Ganito, kung hindi lang sa pang-eenganyo ng mentor ko sa panulat na si Dr. Reuel M. Aguila, ni sa isip, hindi ako sasali sa Palanca.”, bagama’t may pag-aalinlangang sumali ay itinanghal na ikatlong parangal ang kanyang akdang IGBA para sa Filipino One-act Play Category. Ito ang kaunahang parangal na kanyang nasungkit sa prestihiyosong patimpalak para sa mga manunulat. Sa pagsulat ng mga ganitong akda ay nangingibabaw ang kanyang magandang adhikain para sa mga Quezon-- “Pangarap kong sila namang taga-Maynila at taga-ibang lugar ang dumayo rito sa Quezon, para masaksihan ang yaman ng ating kultura at husay ng ating sining.” Sa kasalukuyan ay nailimbag na ang nasabing akda sa isang librong Filipino para sa sekundarya na syang tumatalakay tungkol sa lalawigan ng Quezon. Kilala si G. Marco bilang miyembro ng KATAGA LUCENA at bilang direktor sa ilang mga dulang ipinalabas tulad ng Ang Bayani, Lambanog, Ang Saya-Saya at marami pang iba.
Luzonian
The
Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral sa Antas ng Kolehiyo ng Manuel S. Enverga University Foundation-Lucena City
TOMO 68 BILANG 3 HULYO - SETYEMBRE 2015
theluzonianmseuf@gmail.com
The Luzonian MSEUF Lucena
Buwan ng Wika, ipinagdiwang;
Envergans, nagtagisan ng talino ni: Manellin Nuera
I
pinagdiwang ng mga mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation ang Buwan ng Wika noong ika-28 ng Agosto.
Anim na patimpalak ang isinagawa upang gunitain ang okasyon na may temang “Filipino: Wika ng Pambansang Kaunlaran” ang mga ito ay ang paligsahan sa pagsulat ng tula at sanaysay, talumpati (handa), dagliang talumpati at isahan at dalawahang pag-awit. Nagkamit ng unang gantimpala para sa pagsulat ng sanaysay si Micke Jabola, pangalawang gantimpala naman si Alfred Marutan Jr. at pangatlong gantimpala naman si Christan Lagaras. Sa pagsulat naman ng tula ang mga nagwagi ay sina John Fajarito, unang pwesto; Jhon Angelo
Virtucio, pangalawang pwesto; at Margarette Caguioa, pangatlong pwesto. Sina Romeo M. Salayo III at Mary Ann B. Magnaye naman ang nakakuha ng una at ikawalang pwesto para sa handang talumpati habang sina John Rover Sinag at Duane Jasper Cabriga naman ang nagkampyon sa dagliang talumpati sa una at ikalawang pwesto. Sa isahang pag-awit, nanguna si Kimverly Mercado, pumangalawa si Jhofet D. Denver at pumangatlo si Joseph Stephen Valencia. Samantala ang mga nagwagi naman sa
Sariling wika MGA SALITANG ang sandata Lucenahin ating alamin LATHALAIN
EDITORYAL
WIKA NG KAMPEON. Si Romeo Salayo III habang matiim na pinakakawalan ang kanyang ipinanalong piyesa sa Talumpating Handa, Agosto 28 sa EMRC Main .
[Keanu Rairata]
dalawahang tinig ay ang mga pares nina Daisy Ann Pasinom at Zyrille Contado para sa unang pwesto; Gerard Christian Punzalan at Glydel Martinez para sa pangalawang pwesto; at Roxanne Samonte at Angelie Marie Garcia para sa pangatlong pwesto. Pinangunahan ng departamento ng Wika at Humanidades ng Kolehiyo ng Sining at Agham ang pagsasagagwa ng mga aktibidad na ito.
PAMAYANAN
basahin ang artikulo sa
Kilala ang mga taga Quezon sa kanilang pagiging makata sa paggamit ng mga Tagalog na salitang matatalinhaga sa tainga ng mga taga ibang lugar.
alamin ang istorya sa pahina 8
Nakakalungkot isipin na kahit ang mga napakasimpleng mga salita sa pakikipagtalastasan ay hindi natin maggamit ang wika natin nang maayos.
pahina 4-5
ang buong detalye sa pahina 17
2
balita
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
‘Top 10 Orgs’ kinilala; pista ni San Buenabentura, kasabay ng pagdiwarang ni: Lindsay Dela Rosa
I
pinagdiwang ang Pista ni San Buenabentura kasabay ng pagbibigay parangal sa sampung natatanging organisasyon sa unibersidad noong ika-5 ng Hulyo sa St. Bonaventure Student Center. Pinangunahan ni Fr. Ramil Esplana ang misang gumunita sa patron ng unibersidad matapos ang prusisyon na nagmula sa gym. Dinaluhan ito nina Atty. Wilfrido L. Enverga (tagapangulo) at Gng. Naila E. Leveriza (presidente). Kasama nilang dumalo ang mga pinuno, tagapangasiwa, direktor at guro mula sa iba’t-ibang kolehiyo at departamento ng unibersidad. Makalipas ang misa, pinamahalaan ni Bb. Maria Isabel D. Granada at OSA direktor, Gng Rosario M. Rago ang paggagawad ng sertipiko ng pagkilala sa mga sumusunod na natatanging organisasyon:
1
Kappa Sigma Beta Fraternity
2
CAS Mass Communication Society
3
Kappa Delta Omega Sorority
4
Honor Society of Lambda Sigma
5
MSEUF Academic Club
6
Council of English Enthusiasts
7
Honor Society of Lambda Kappa Phi
8
LIB.COM
9
Junior Phil. Institute of Manage ment Accountants
10
Enverga University Bahanaw
Ang taunang pagkilala sa 10 pinakamahusay na mga organisasyon ay naging tradisyon hindi lang para parangalan ang mga ito, kundi kasabay na ipagdiwang ng pista ng patron ng unibersidad. Bukod sa 10 nabanggit na organisasyon, muling binigyan ng akreditasyon ang mga bagong grupo na BREAD Soc., Zeta Theta Gamma at Fine Arts Society. Sa suma-total 61 na organisasyon ang kinilala at binigyang akreditasyon ngayon taon.
TUMINGIN AT MAKINIG. Buong pagmamalaki na ipinaliwanag ni G. Alfredo Felizco ang paksa habang matiim na nakinig ang mga estudyante, QNHS, Setyembre 4. [kuha ni:Francis Bolala]
Tunay na kahulugan ng ‘Frat’: Inihayag ng LKP sa Awareness Seminar
I
ni: Kenneth Kier Reyes
sinagawa ng Honor Society of the Lambda Kappa Phi ang kanilang kauna-unahang Fraternity Awareness Seminar na dinaluhan ng mga mag-aaral sa Quezon National High School noong Setyembre 4.
Pinangunahan ng punong abala na si Rafael Mindanao at iba pang regular na miyembro ng nasabing grupo ang seminar sa pamamagitan ng paglalagay ng ‘freedom wall’ na may katanungang ‘Anong nalalaman mo sa FRAT?’. Dito isinulat ng ilang kabataan ang halu-halong opinyon nila ukol sa kung ano ba talaga ang nalalaman nila sa frat at sa miyembro nito. Ilang ‘video presentation’ ang isinagawa at nagkaroon ng maiksing panimula si Romeo Salayo III, myembro at historian ng grupo bilang hudyat ng panimula ng programa. Nagsilbing tagapagsalita sina Ginoong Alfredo Felizco na isang Alumni ng Phian at Bb. Keeshia Mae Valdepeña na nagmula sa sorority. Layunin ng grupo ang pagbabahagi ng sapat na kaalaman
tungkol sa frat sa mga kabataan na nasa high school. Mainit din na tinalakay ang iba’t-ibang isyu na kinakaharap ng mga fraternity katulad ng ‘hazing’, ‘frat war’, ‘gang war’ at marami pang iba. Kasama rin sa napagusapan ang ilang personalidad na kilalang miyembro ng frat at ang kalamayan sa pagiging ‘fratman’. Malaya namang nakapagtanong ang mga estudyante sa ‘open forum’. Nag-iwan ng mensahe ang presidente ng grupo na si Kenneth Kier Reyes sa mga dumalo at nagpasalamat sa mga ito bilang pagtatapos ng programa. Sa huli, nagpasalamat ang mga mag-aaral ng QNHS sa kanilang natututuhan.
Talento ng JPIANS, ipinamalas sa Accountancy Week B
ni: Patricia Adora Alcala
ilang pakikiisa sa taunang selebrasyon ng Accountancy Week ay idinaos ng Junior Philippine Institute of Accountants-Enverga Chapter angJPIA days sa RBA Hall, CET Bldg. MSEUF, Lucena, Hulyo 24-25.
Ang aktibidad na ito ay nagbigay daan sa mga natatanging talento at kakayahan ng mga mag-aaral sa ‘accountancy program’ tulad ng declamation, extemporaneous speaking, essay writing at poster making contest. Mayroon ding cultural competition kung saan naglabanlaban ang mga estudyante sa pagsayaw at pagkanta. Sa kinagabihan ng Hulyo 24 ay nagtagisan ang mga pambato ng bawat seksyon sa Mr. & Ms JPIA 2015.Kinabukasan, Hulyo 25 ay naganap ang amazing race at pagpaparangal sa mga nagwagi sa mga nasabing kompetisyon. Nagbigay daan rin ang pagdiriwang upang kilalanin at parangalan ang mga bagong Certified Public Accountants sa nagdaang MAY 2015 CPA Board Exams na tinawag na Tribute to CPAs. Nagbigay inspirasyon ang mga CPA sa mga estudyante at nagkaroon ng salu-salo kinalaunan. Ang mga nanalong kalahok sa iba’t ibang paligsahan ang s’yang magrerepresinta sa panlalawigan, at panrehiyong paligsahan ng JPIA.
NGITING TAGUMPAY. Sina Ranielle Ivy Barrios (nasa kaliwa) at John Carlo Rabe (nasa kanan) na masayang tinanggap ang titulo bilang Mr. and Ms. JPIA-Enverga Chapter 2015, RBA hall, Hulyo 25. [kuha ni: Alexis Paul Rodriguez]
balita
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
CLQ, pinangunahan ang malawakang Mangrove Planting;
3
122 mag-aaral, nakilahok ni: Sophia Caagbay
I
sinagawa ng CAS League of Quizzers (CLQ) ang ikaapat na taon ng Tree Planting na may temang “He that plants trees loves others besides himself” sa Ransohan, Lucena City, Agosto 15.
Kasama ng CLQ sa pag-oorganisa ang YES-O ng Ransohan Integrated School na pinangunahan nina G. Medel Huerto at G. Rodolfo “Dong” Sena. Ito ay isinasagawa taun-taon na may mithiing pagbabagong-tatag, pangangalaga at pagpapanatili ng mangrove forest ng lugar. Naging posible ang proyekto kalahok ang iba’t ibang kinatawan mula sa College of Maritime Education, College of Arts and Sciences, College of Criminology and Law Enforcement, College of Education, College of Computer Studies, at College of Architecture and Fine Arts. Bukod
sa iba’t ibang departamento ng unibersidad ay nakiisa rin ang mga organisasyong Upsilon Epsilon Phi, Upsilon Epsilon Sigma, Marine Exclusive Society (MES) at Philippine Society of Information Technology Education (PSITES). Sa kabuuan, 122 mga mag-aaral ang nakiisa sa malawakang pagtatanim ng puno. Nagkaroon din ng pagkakataon ang mga nagkilahok na ipangalan sa kani-kanilang organisasyon ang mga punong kanilang tinanim na umabot sa 450 puno ng mangrove.
Mga obra ng Fine Arts Soc.,
ibinandera
[ Kinalap ni: Jericho Salvatierra]
pinakita ng Fine Arts Society ang kanilang sining sa pagpinta sa Philippine National Oil Company para sa malawakang paligsahan sa Luzon at mga piling lugar noong ika-30 ng Hulyo.
Ang paligsahan ay nagkaroon ng temang “Ang Pinay.” Sa kabuuan, walo sa Fine Arts Society ang lumahok sa paligsahan tulad nga mga sumusunod: dalawang mag-aaral sa unang taon na sina Patrick Gurango at Marvin Valencia; isang mag-aaral sa ikalawang taon na si Ronette Maranca; dalawang mag-aaral sa ikatlong taon na sina Maria Azyren Ciara Enopia at Irish Faye Galizdo; at tatlo sa mga mag-aaral sa ikaapat
A
[ Larawan mula kay: G. Gilbert Garcia]
‘Steering Committee’ tinalaga ng UCSC ni: John Rover Sinag
ni: Jericho Salvatierra
NGITI NG SINING. Ang magagandang ngiti ng ‘Pinay‘ ang naging atraksyon sa isinagawang exhibit ng mga pinta ng Fine Arts Society, Hulyo 30.
I
WILLIAM P. ARJONA. Inialay ng CLQ ang halamang mangrove na ito para sa yumaong magiting na guro ng unibersidad Brgy. Ransohan, Lucena city, Agosto 15.
na taon na sina Krisha Moscardon, Rommel Mendoza, at Julius Mendoza. Si Benedicto Cabrera, isang National Artist of the Philippines for Visual Artist noong taong 2006 ang naghatol ng mga pinta noong ika-28 ng Agosto. Labindalalawa (12) ang idineklarang nanalo kasama ng Php 25,000 na premyo at ang pagkakasama ng kanilang ipininta para sa kalendaryo ng PNOC sa 2016.
Envergans, nakiisa sa Blood Letting Activity ni: John Rover Sinag
ng Philippine Red Cross (PRC) sa pakikipagtulungan ng Community Relations Department (CRD) ng Unibersidad ng Manuel S. Enverga ay nagdaos ng Blood Letting Activity sa covered court ng unibersidad noong Agosto 29 ng umaga. Sa pamumuno ng direktor ng CRD na si Gng. Milagrosa Lawas at siya ring tagapag-ugnay ng NSTP ay naging posible ang nasabing aktibidad na dinaluhan ng mga guro at mag-aaral ng NSTP. Karamihan ng donor ay mga mag-aaral ng NSTP, mula sa Civic Welfare Training Service (CWTS) at Naval Reserve Officer Training Corps (NROTC). Kabilang din ang ilang mga mag-aaral
mula sa College of Maritime Education (CME) at ilang mga guro ng unibersidad ay naglaan ng dugo. Upang malaman kung sino ang maaaring maglaan ng dugo ay kinuha ang timbang at blood pressure ng mga boluntaryo bago sila sumabak sa blood test at sa mismong paglalaan ng dugo. Ang mga mag-aaral na may edad 16-17 ay kinakailangang may pahintulot ng magulang. Ang aktibidad ay isinagawa sa tulong ng mga guro ng NSTP at mga opisyales ng NROTC. Namahagi rin sila ng pagkain sa mga boluntaryong naglaan ng dugo.
N
agtakda na ang University Collegiate Student Council (UCSC) ng mga bagong lupon o komite para sa taoong panunuran 2015-2016. Nilagdaan ang resolusyon ukol dito noong Agosto 3. Ang mga mag-aaral na piniling maging kasapi ng bawat lupon ay nagmula sa iba’t ibang suhestiyon ng mga nahalal na opisyales ng UCSC na sina Dan Diamante (Tagapangulo), Lorenell Ella (Pangalawang Tagapangulo), Joanne T. Paguio (Kalihim), Dinara Gajo (IngatYaman), Jessa Flor (Tagapagsuri), at Nhiel Borja, Shanamarie Erica Cooper, Rachelle Epino, Julius Pineda, Christine Portinto, Donabel Rivera (mga konsehal) . Nagkasundo sila sa iisang desisyon upang mabuo ang kasapi ng ‘UCSC Steering Committee’ ngayon taon na ito. UCSC Steering Committe 2015-2016 Publicity and Information:
Keanu Rairata, Romeo Salayo III, Ace Rodson Igloria Education and Research:
Jueann Magsino, Alyssa Vasquez, Casiopea Santiago, Joana Soriano Student Rights and Welfare:
Mark Steven Enriquez, Bryan James Baccay, Keeshia Mae Valdepena Liason:
Chrisjan Depusoy, Marie Jelly Pornasdoro, Christian Malaborbor, Clyde Dominic Palma Creative:
Charmaine Esguerra, Elzer Medina, John Rover Sinag Logistics:
Kelvin Amiel Valdepena, Ericka Joy Orig, Clinton Marlinga
Ang bawat isa sa mga naitalang miyembro ng kanya-kanyang komite ay magiging katuwang ng mga ‘elected officers‘ upang maglingkod sa mga mag-aarang ng Enverga University sa pamamagitan ng mga programang kanilang ipatutupad.
4
opinyon
Sariling wika ang sandata
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
“
T
aong 2013 nang inilabas ng CHED ang Memorandum (CMO) No. 20. series of 2013 na syang nagtataganggal ng Filipino subject sa General Education Curriculum (GEC) para sa kolehiyo. Ikinatuwiran ni Patricia Licuanan, CHED officer, na hindi dapat ituro ang Filipino bilang isang asignatura bagkus ay gamitin ito bilang medium of instruction sa ating edukasyon. Hmmm. Talaga? Paano ba naman gagamiting medium of instruction ang Filipino kung hindi lubos ang kaalaman ng mga estudyante ukol rito? Paano magiging epektibo ang komunikasyon sa wikang ito? Patuloy tayong nagpapaalipin sa wika ng ibang lahi. natin magamit ang wika natin nang maayos. Halimbawa na Hindi ang katalinungan sa pagsasalita ng iba lengguwahe lamang, ‘kumusta’ hindi ‘kamusta’, at ang simpleng ‘nang’ at ang mag-aangat sa atin sa kahirapan. Naging Rank 1 English ‘ng’ Juice colored! Kadalasan makikita mo pa ito sa Pilipinong speaking country tayo sa buong mundo ngunit nasaan na nakatapos ng kolehiyo. Biruin mo yun. Paano sya nakatapos ba tayo ngayon? Ang Japan na lang halimbawa, ang China ng kolehiyo na hindi man lang nalalaman ang tamang baluktot ang mga dila sa Ingles ngunit sila ang namamayagpag paggamit ng mga salitang iyon. Tsk tsk tsk. Ang salarin-sa kaunlaran ng kanilang ekonomiya. sistema ng edukasyon natin. Ang hakbang na ito ng CHED ay magsisilbing mitsa Kailangan nating pagtibayin ang paggamit ng wikang ng tuluyang pagka-upos ng wika natin. Kung hindi natin Filipino maging sa kalakalan at industriya nang sa gayon kahit isasabuhay ang pinanumpaan nating panatang makabayan ang mga simpleng manggagawa ay kakayahing maunawaan ay mananatili na lamang itong pangako.. Pangako na napako. at makialam sa mga diskursong nangangailangan ng kanilang Baka tuluyan na tayong mawalan ng dangal, katarungan at pagsangguni. Bakit ba hindi natin pasimplehin ang ating mga kalayaan kaya’t tayo yaong pinakikilos ng mga dayuhan sa talastasan-- hasain ang ating isip at mga dila sa pagbikas ng sarili nating bayan. Aba ay teka lang., papayag ba kayo na sariling wika at gamitin itong sandata sa pagsupil ng mga hanggang ngayon maging sunod-sunuran pa rin tayo? suliraning ating kinakaharap. Marami nang sumubok sa tikas ng ating wika. Nagdaan Kung patuloy nating ituturo at imumulat ang ating mga estudyante sa kultura ng pagpapasakop sa wikang Ingles ang jeje generation. Nakakalungkot isipin na kahit ang mga ay gumagawa lamang tayo ng manggagawang Pilipinong napakasimpleng mga salita sa pakikipagtalastasan ay hindi
Nakakalungkot isipin na kahit ang mga napakasimpleng mga salita sa pakikipagtalastasan ay hindi natin magamit ang wika natin nang maayos.
ESKEM
DIPLOMATIKO
Kenneth Kier Reyes
Patricia Adora G. Alcala
S
Halina sa bagong kantina!
a wakas, hindi na natin kailangan magtiis sa madilim at mabanas na main canteen na mayroon tayo noon. Nang una kong masilayan ang bagong central canteen ay bigla akong naging proud na sabihin na, (Imik ng naka-braces.) “Sha Enverga ako nag-aaral! Look at our cafeteria kashe it’s sho sosyal.” (Syempre, proud na naman talaga ako noon pa. Peksman.) May sapat na espasyo, lamesa at mga upuan para sa ating lahat. Napakaaliwalas. May maayos na lighting ang bagong canteen. Para nga naman mas madali nating makita kung may langaw ba o buhok (Yung kulot. Joke!) yung kinakain natin di ba. Pati na rin ang bentilasyon na kahit tanghaling tapat e di ka pagpapawisan. Sandamakmak ba naman ang electric fan sa paligid. Pero mas maganda sana kung airconditioned parang sa library lang. Akala ko nung una, mabubutas ang bulsa ko sa presyo ng mga tinda sa bagong “cafeteria”. Madalas kasi ganun. Masyado lang siguro akong naging judgemental. Sa katunayan, matutuwa ka sa dami ng kainan na mapagpipilian. Mayroong Papa Aps, Big Boy’s Chibugan, Benj’s Diner, Ouan’s, Nitz’ delights, Meal de meal at Burleth’s na abot kaya ang mga pagkain. Umaasenso na rin tayo kasi hindi na natin kailangang dumayo kung saan para matikman ang Samuelitos, Mr. Softy at Chowking. Tapos mayroon pa nung pangsosyalan na La Migliore kung gusto mong ma-experience ang Starbucks kahit kunwarian lang. (Inindorse ko yung mga kainan. Sana may freebie ako sa kanila. Joke ulit. Hehe.)
Ayos din yung mga drinking faucet kasi di ka na mabibilaukan kahit wala kang pambili ng soft drinks. Malas mo lang kapag malayo table mo kasi mahaba-haba lalakarin mo para kumuha ng tubig. Mabuti rin na may sariling washing area at disenteng rest room ang canteen para mga lalaki at babae. Maganda na may mga signages na CLAYGO (Clean As You Go) policy na nakapaskil sa mga dingding pero tila nawalan na ito ng silbi dahil may mga trabahador naman ng RMK na nagliligpit. Akala ko kasi para sa ating mga estudyante yun e—na dapat nating ligpitin ang pinagkainan natin. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Mas mabuti na naman ‘yung ganun.
May sapat na espasyo, lamesa at mga upuan para sa ating lahat. O di ba, ang ganda ng central canteen natin. Kung hindi mo pa ito napupuntahan o nasisilip man lang, naku! Hindi mo masusulit ang pagiging Envergan mo. Nawa lamang ay mapanatili natin ang kaayusan at kalinisan nito. Sa kasalukuyan ay maraming mga imprastraktura ang ipinapatayo ng ating unibersidad na nababagay lamang sa lawak ng lupain nito at upang matamasa nating lahat ang dekalidad na mga pasilidad na nararapat sa ibinabayad natin sa kanila.
A
ng Enverga ay isa lamang sa mga unibersidad sa bansa na kumikilala pa rin sa mga organisasyong kinabibilangan ng mga fraternity o sorority sa loob ng paaralan. Sa katanuyan, umabot sa 60 ang grupong ito para sa taong panunuran 2015-2016. Mas napapanatili ng bawat grupo ang maayos at organisadong aktibidad na naaayon sa batas ng eskwelahan dahil na rin sa paggabay ng Office of Student Affairs. Bagama’t maganda, nakakalungkot lang na mayroong ilang patakaran ang naipatupad na tila magiging mitsa ng unti-unting pagkaubos ng mga aktibong organisasyon sa loob ng unibersidad.
Hindi ba’t mas maganda kung mas maagap silang nagkakaroon ng pagsasanay patungo sa magandang pamumuno o abilidad na humawak ng organisadong aktibidad.
opinyon
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
5
EDITORYAL
nakatadhana na ang kapalaran na maging alipin sa ibang bansa sa salita ng mga dayuhan.Paano natin mapapaigting ang dignidad at pagkilala sa ating sariling wika kung ipag-iisantabi natin ito sa pinaka kritikal na parte ng edukasyon natin. Ang kolehiyo ang syang maghahanda sa Pilipino upang sila’y maging ganap na mga propesyunal. Kung ang katuwiran ay dapat itong alisin sapagkat naituro na sa elementarya at sekundarya ay marapat lamang na alisin na rin natin ang iba pang subjects tulad ng English sa parehong dahilan. Ang wika ang magbubuklod sa bawat Pilipino kaya nararapat lamang na mapanatili ang masugid nating pag-aaral at paggamit nito.
The
Luzonian
MATIKO
Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral sa Antas ng Kolehiyo ng Manuel S. Enverga University Foundation-Lucena City
Ibalik ang dating recruitment process’ Taun-taon nagkakaroon ng kanya-kanyang proseso ng pangangalap ng mga bagong myembro ang bawat organisasyon upang maging kwalipikado sa OSO o Office of Student Organization. Labinlimang miyembro ang minimum na kailangan upang marekognisa ng paaralan ang isang organisasyon. Sa madaling salita, hindi maaaring magpa-accredit ang isang grupo kung bababa sa 15 ang myembro nito. Bilang kasapi at presidente ng isang fraternity, masasabi kong apektado din ang aming grupo sa isyung ito. Hindi man kami nanganganib na maubos ngayong taon, posible namang problemahin din namin ang pangangalap ng mga bagong myembro sa mga susunod pang taon na kinakaharap dinn ng ibang organisasyon. Bunsod ito ng pag-unti ng bilang ng mga interesadong mga mag-aaral. Noong unang taon ko sa unibersidad, malayang sumali ang mga first year noon kung saang organisasyon sila aanib. Nnunit nang lumaon ay ipinatupad ng OSO ang batas na bawal sumali ang mga first year student sa ilang mga organisasyon. Malaki ang epekto ng patakarang ito sapagkat ang karamihan ng mga estudyanteng interesado sa pagsali ng mga organisasyon ay ang mga nasa unang taon pa lamang. Sapagkat di pa sila gaanong abala sa mga gawain na magbibigay sa kanila ng sapat na oras upang sumailalim sa initiation process. Wala akong nakikitang mali kung hahayaan nating sumali ang isang first year sa isang organisasyon. Hindi ba’t mas maganda kung
mas maagap silang nagkakaroon ng pagsasanay patungo sa magandang pamumuno o abilidad na humawak ng organisadong aktibidad. Isa pang batas na ipinatupad ay ang pagbabawal sa recruitment process tuwing ikalawang semestre. Napakasaklap. Habang tumatagal ako dito sa unibersidad unti-unti kong nasasaksihan ang ilang organisasyong unti-unting nalalagasan ng mga miyembro at tuluyang di narerekognisa. Kung hindi pwedeng magpasali ng estudyanteng nasa unang taon at mangalap ng mga bagong myembro kada ikalawang semestre, paano kami kukuha ng mga bagong myembro? Hindi ba’t sa susunod na taon din tuluyang mawawalan ng first year enrolees sa kolehiyo dahil sa K-12 ng DEPed? Hindi ko naman kinokondena ang desisyon na ito ng eskwelahan, subalit maintindihan din sana nila na ang tungkulin namin bilang miyembro ng isang organisasyon ay pangalagaan at mapanatiling matatag ang pangalan ng aming organisasyon sa loob ng unibersidad. Kung ako ang tatanungin, mas mainam nang ibalik ang dating kalayaan ng mga organisasyon na magsagawa ng recruitment process sa mga first year at sa tuwing ikalawang semestre. Kung hindi man payagan at tila magiging imposible maaari naman sigurong kahit isa man lang sa mga ito ay mabigyan ng resolusyon o kaya ay mas makaisip pa ang OSO ng mas maganda at katanggap-tanggap na ideya na hindi makakaapekto sa kung ano ang esensya ng pagsali sa isang organisasyon.
PATNUGUTAN PATRICIA ADORA ALCALA Punong Patnugot
CLAUDINE RED AT SOPHIA CAAGBAY
Katuwang ng Patnugot
MANELLIN NUERA
Tagapamahalang Patnugot
ALEXANDIA PACALDA at KENNETH KIER REYES Tagapamahala sa Pangangalakal
CHRISTIAN CAMPANA at LISA MARIE LUSTERIO Patnugot sa Panitikan KYLE JOSHUA CADAVEZ Patnugot sa Sining FRANCIS BOLALA at JUDE MICHAEL GRAPANI Mga Kartunista JOHN ROVER SINAG at MARK NEL INOJOSA Dibuhista MONIQUE EBALLA, THEA DE GUZMAN, JASPER ACE ESCOBIÑAS at WYEANNE NICHOLE GAMBOA Litratista JANNELA PERALTA JERICHO SALVATIERRA ALMIRA PORTA MARY GRACE MERCA ALLELIE MAY MAMORE Manunulat (Senior) CELSO JABALLA RAYMOND BERMUDEZ Tagapayong Teknikal
LINDSAY DELA ROSA JAMIE LEE BONGAY Manunulat (Junior) JOSHUA VILLASIN ANDREW PACALDA CARMELA MIRANDA JOBEGALE REGODON Manunulat (Apprentices)
Ang opisina ng ‘The Luzonian‘ ay matatagpuan sa Room 2 ng Office of Student Affairs (OSA) Building, MSEUF.
Liwanag atDilim
6
Bulag
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
ni: Sophia Caagbay
Saya at pagpupunyagi ng kagalakan ang iyong liwanag Ito ang mga sandaling Ika’y nasa alapaap at nangangarap Ngunit ang mundo’y mapaglaro, gusto kang masaktan. Mapanakit, mapanghamak at mapag- hamon ang kapalaran. Kakayahan mo’y masusukat, lakas mo’y mauubos, Masaklap, iyo’y hindi pa dulo, hindi pa natatapos. Ika’y lulunurin at ililigaw sa dilim, Mithii’y ika’y ibaon sa kakaibang lagim.
ni: Jasper Ace Escobiñas
Lungkot ko’y aking napawi, Mukhang di na ko magiging sawi. Pagkat sa aking damdamin, Ako’t ikaw na masiyahin. Ako’y naririto lumalapit sayo, Sana ako’y matanggap mo. Pag-ibig sayo’y totoong talaga. Ngunit ikaw nama’y saki’y mahalaga. ‘Wag kang mag-alala sinta, Pagkat di ko kayang magpinta. Hindi ko kayang mawalay ka, Kaya’t pinilit kong itago ka. Iniibig kita pero di mo makikita, Uuwi pa lang ako’y iniisip kita. Mahirap mahulog sayo aking sinta, Ngayon pa lang, Marami nang pinta.
Pupunuin ka ng pagod, takot at galit Nanaisin mong lisanin ang mundong malupit Pag-asa at solusyon ay hindi mo maiisip Liwanag, sa iyong paniniwala’y di ka sinagip. Salitang tapos ang nasa balintanaw Ayaw mo ng bumangon, makinig at tumanaw Sakit ang nanaig, hindi maiisip na pagsukat at pagsubok Sa nakakabulag na dilim. Liwanag, dapat umusok. Dapat isipiin, hindi ka nag-iisa Ikonsidera ang mas mabigat na pinagdaraanan ng iba Isaalang-alang din na ika’y mahal at mahalaga `Pagkat eksistensya mo’y bukod-tangi sa mga mata Buhay mo’y walang kapantay, walang katapat na halaga Mahal kang lubos, sana’y sa puso’t isip at damdami’y magmarka Malamang rin ay hindi mo alam, ika’y liwanag ng iba Humayo’t ipagpatuloy ang laban, huwag susuko sa hamon ni Bathala. Ika’y suportado sa iyong pakikibaka Sasamahan ka sa kahit na anong trahedya Ika’y kakaibang kayamanan na dapat ingatan Kaya palaging tatandaan, hindi ka iiwanan.
Paglisan ni: Monique Eballa
Biyernes ng gabi, naalala mo pa ‘yun? Kasabay ng pag-ugong ng makina ng kotse mo Hinalikan mo ko sa noo, niyakap ng mahigpit At sinabing, “Hindi pa ito ang huli..” Kaya gabi-gabi, magmula noong umalis ka Hinding hindi ka nawala sa isip ko Tila ay pinaglaruan ako ng tadhana At lahat ng nakikita ko, ikaw naaalala ko Dinaramdam, pinapasan Iniisip, dinidibdib Hindi ko makontrol Sariwain lahat ng ibinaon mo sa akin
At hinding hindi ko malilimutan Ang pinakamasakit paalam, Na kahit kailan Hindi mo ipinaalam sa akin
Konti nalang ang natitirang oras ni Ronald. ni: Alimira Porta
Sa loob ng dalawa’t kalahating oras ay kailangan na niyang pumasok sa Engineering Drawing class. Noong biyernes binigay ang gawain at binigyan lamang sila ng apat na araw para tapusin ang limang outlines. Hindi pinaliwanag sa mga estudyante ang gagawin bagama’t binigyan lang sila ng halimbawa sa idinikit sa backboard. Kanyakanya daw gawa. Lalagyan ng leterring ang bawat isang mala-higanteng tracing paper habang uulitin muli sa blue-printed draft. Maraming nagwawala na at halos hindi namakahinga. Nakatulog naman si Ronald. Sa library nila, punong-puno ng tao. Examination week kasi—no questions asked. Kanya-kanyang hanap ng mauupuan at mapaglalagyan ng bag. Sa panahong ganito, walang kwenta ang aircon. Tagaktak ng pawis parin dahil sa sobrang siksikan ng tao. Walang nag-uusap ngunit maingay ang lahat. Iba’t-ibang tinig na ang lumalabas sa bunganga nila na maaring paghinga, mura, at pagmememorya ng paulit-ulit na pangungusap sa libro. Tulog pa rin si Ronald.
Makikita ang hanay ng mga aspiring engineers sa isang sulok ng silid-aklatan. Nakabuklat ang kanilang mga guidelines at kanya-kanyang gamit ng T-Square. Ang iba naman ay
nagcocompute ng mga measurements. Lahat ay busy sa kani-kanilang buhay. Mapapansin mo ang tulo ng pawis nila sa noo, mga dumi galing sa pambura, mga kinuyumus na papel at tinapon sa sahig, at kung ano pang mga teknik nila sa pagsusulat. Medyo napapahilik na si Ronald. Oras ay lumipas. Tumunog na ang bell. Pasahan na ng mga draft at exam nang karamihan. Nagising si Ronald sa lakas ng boses ng mga estudyante sa silid. Nagkamot muna ng ulo bago tumingin sa paligid niya. Marami nang nag-iimpake at nagsisi-alisan para sa kanilang susunod na klase. Nag-ayos muna siya ng itsura. Kailangan ay presentable siya dahil panahon na. Sa faculty malapit sa library, nagsipasukan ang mga estudyante upang magsusumite ng kanilang Engineering Drawing. Kagulo sila para makalapit sa desk ng kanilang professor. Siksikan at naging sobrang ingay ng faculty room. Tumayo si Ronald at nagsalita. “Nakakapagod na ngang mag-grade, ang iingay niyo pa! Minus 10 lahat!”
panitikan
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
7
ni: G. Marco Antonio Rodas kinalap ni: Sofia Caagbay
P
robinsyano akong proud Envergan, kaya’t hanggang ngayon, nagtuturo ako sa pinagtapusang pamantasan. Kaakibat nito, malinaw sa akin na ang pananatili sa ating lalawigan ang nararapat na paraan upang tunay akong makapaglingkod sa pamamagitan ng kakayahan ko sa larangan ng sining.
Pagod na ako sa global standards na nagsisilbi lang sa mayayamang bansa. Pagod na rin ako na palaging Metro Manila lang ang mahusay sa ganitong adhikain. Pangarap kong sila namang taga-Maynila at taga-ibang lugar ang dumayo rito sa Quezon, para masaksihan ang yaman ng ating kultura at husay ng ating sining. Naniniwala ako na ang tunay na sining ay nililikha ng isang alagad ng sining na may pagmamahal sa kanyang lupang tinubuan. ‘Yong pagmamahal na aktibo. ‘Yong pagmamahal na magkakabahagi sa buhay sa isang komunidad, at hindi lang basta pakiramdam at ideyolohiyang nasa isip lamang. Pinili ko ang dulâ bilang masining na midyum ng aking pagpapahayag. Pero hindi para ilimbag lang ito at maghintay na mapansin ng isang direktor o producer. Siyempre, kailangan itong maitanghal at mapanood ng mas nakararami. Swerte; hindi ako nahirapang makakita ng mga katuwang— mga aktor, visual artists, choreographers at manggagawa sa produksyon—sadyang maraming mahuhusay na alagad ng sining sa ating lugar. Naging kaagapay ko ang Ang Sining Pleyhaws, at, sa kasalukuyang panahon, ang Kataga-Tanghal. Pero hindi pala nagiging simple ang lahat sa sandaling may makasama ka na sa pag-ugit ng pangarap na nabanggit. Kusang mabubuksan ang isipan kapag umiiral na ito kasama ang iba pang kapuwa alagad ng sining. Gano’n pala ‘yon. Kapag kabahagi ang komunidad sa gawain at adhikain, ang pangarap na kadalasang pauli-uli lang sa guniguni at pinaglalaruan sa pag-iisa ay nagiging reyalidad; nagiging isang ambisyon—nagiging hangarin na makapagpatayo ng sariling gusali para sa mga pagtatanghal na nilikha sa lalawigan ng Quezon—manapa’y isang monumento na magtataguyod ng galing at yaman ng sining at kulturang Quezon. Kung may ganito nang hamon, alam kong hindi na pwede na basta alam lang ng mga manonood na matino ang mga isinusulat kong dula para sa pagtatanghal. Kaya’t nag-apply ako, at sa kabutihang palad, natanggap sa mga writer’s workshop sa Ateneo at Palihang Rogelio Sicat sa Pamantasan ng Pilipinas. Nakatulong ang mga workshops para mas makita ko ang mga lakas at kakulangan ng aking panulat. Masuwerte ang taga-Quezon, anila, dahil likas daw ang timyas at musika ng ating mga salita. Tama, maswerte tayo. Maswerte ako. Lalong sumidhi ang aking pagnanais na mapahusay ang isinusulat na akdâ sa pamamagitan nang lalo pang pagbabasa at madalas na pakikipagdiskurso at pakikipagpalihan sa mga manunulat sa Katagâ. Teka, ang tema dapat ng aking paglalahad ay kung paano ako napadpad sa mundo ng Palanca Memorial Awards for Literature.
Ganito, kung hindi lang sa pang-eenganyo ng mentor ko sa panulat na si Dr. Reuel M. Aguila, ni sa isip, hindi ako sasali sa Palanca. Ang sabi niya, mainam daw na credential ang award na ito para masabi na kaya kong makipagsabayan sa mga established at published nang mga manunulat at sa mga manunulat na ang kurso ay pagsulat. Mainam din daw ito para ang mga hindi naniniwala sa akin, finally, maniwala na. Ayon pa sa internet, katumbas daw nito ang Pulitzer. Wow, nakakapogi. ‘Di ko na kailangan eh. Hehehe. Baka nga nagpapa-cute lang ako dahil tila idinidistansya ko ang sarili ko sa award
Naniniwala ako na ang tunay na sining ay nililikha ng isang alagad ng sining na may pagmamahal sa kanyang lupang tinubuan. na aking natanggap. Ikatlong gantimpala ang aking dulang “Igba” (siyempre, tungkol sa Quezon ito). Maraming pagbati: espesyal ang pagbati ng aking asawa at mga anak dahil sa aking pagkakapanalo; pinapalakpakan din pala ang isang manunulat sa loob ng klase; tunay na tunay ang yakap at pagbati ng Tropa, mga kasamahan sa pamantasan, Kuta ng Sining, Ka-tagâ at mga kaibigan, sa wakas, nadale mo rin!; bumaha rin ang ng mga pagbati sa aking cellphone at facebook. Pero may isang pagbati na tumagos sa pinakaubod ng aking pagkatao: ‘yon ay ang pagbati ni Dr. Benilda N. Villenas. Malalim ang dating sa akin. Hindi ko kayang ipaliwang. Pero sigurado ako, may nabuo sa aking diwa at niloloob . Salamat po, Mam Nilds. Ano’t anuman, bago pa malunod sa sentimiyento ang paglalahad na ito, mahalagang mabatid na lang siguro kung bakit ko ginagawa ang lahat ng ito. Obviously, hindi para sa karangalang natanggap ko. Siyempre, para sa Lalawigan ng Quezon. Teka, bakit ba paulit-ulit ako?
Paalam
Dahan dahan na hinahabi ng mga bathala ang paglukob sa dakilang liwanag kasabay ng pagsulyap ng mga mumunting kislap Ang pagwaksi ng ating mga sarili sa pangakong makamundo Ang pagpikit ng mga mata ang hudyat sa tipan ng ating mga damdaming natiim na naniniig sa kasakiman ng dilim
Alimpuyos ng mga kamay ang ating tugunan sa paanyaya ng katauhan na mapaunlak na daraop sa bawat kurbang animo’y iskultor sa sariling obra sa kasarinlang hindi maabot ng mata Katahimikan, ang tangi nating balangkasan ng
ni: Christtian Campana
katotohanan sa kapwa paglilok ng sapantahang mapanlinlang Katahimikan, sa walang hanggang katahimikan lamang tayo nagkakaintindihan na s’yang sa ati’y lulunod maging sa katotohanan na kapwa lamang tayo nagpaampon sa alon ng panahon na napalalo ng pagkakataon Katahimikan. Tanging ang ating pasya lang ang malinaw na naaninag, ang banaag ng ating pagiisa. At sa bukang liwayway kapwa magpapaalam sa panaghoy ng damdamin. Salamat sa maikling pinagsamahan
8
lathalain
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
MGA SALITANG
Lucenahin ating alamin ni: Patricia Adora Alcala
Kilala ang mga taga Quezon sa kanilang pagiging makata sa paggamit ng mga Tagalog na salitang matatalinhaga sa tainga ng mga taga ibang lugar. Di lingid sa ating kaalaman na si Manuel L. Quezon na syang ibinansag sa ating lalawigan (dati ay Tayabas) ay s’ya ring tinaguriang “Ama ng Wikang Pambansa”. Bagama’t wikang Filipino ang sinasalita ng mga Quezonin ay nabuo pa rin ang mga kakaibang salitang Tagalog na natatangi bilang isang dayalekto natin.
Kadalasan, sa tuwing lumuluwas tayo ng Maynila ay nagugulumihanan sa atin ang tao roon kapag sinabi nating, “Grabe! Ang banas naman dito.” dahil hindi sila pamilyar sa salitang “banas” na kasingkahulugan lamang ng init/mainit. Sa bilis ng teknolohiya ay matindi tayong naiimpluwensyahan ng mga banyaga at mga salitang conyo na s’yang ginagamit natin sa pang-araw-araw na pakikipagtalastasan. Ito rin ang nagsilbing mitsa ng unti-unti pagkalimot natin sa mga salitang nagmula pa sa ating mga ninuno. Nakababahala na ang mga nakatatanda nating mga kababayan na lamang ang tanging nakakaalam nito. Pasalamat na lang tayo at mayroon tayong mga tala nang sa gayon ay hindi tuluyang mababaon sa limot ang mga salitang ito. Kaya narito ang mga salitang Lucenahin na kadalasan lang nating maririnig sa mga lola at lolo natin. Source: Balagtas, A. O. (2002) Diksyunaryo ng mga Salitang Lucenahin, Lucena City
“Halika ka apo at maglaro ka sa aluyan.” ”Nawa naman ay ‘wag kang magmana sa ama mong bag-as.” “Lumayo ka nga sa akin at ako’y naalibadbaran sa’yo.” “’Yan talaga itong si kumpare, napakabuslog.” “Tila nahihipa na yata ang mga tao ngayon.” Kung parang dumudugo na ang ilong mo sa mga kakaibang salita sa mga pangungusap sa itaas ay dapat kang magpatuloy sa pagbabasa nito. ‘Wag kang mag-alala dahil ang paggamit ng mga salitang ito ay hindi kabawasan sa iyong pagiging “in”. Kung sandali nating hahalungkatin ang mga salitang ito na tila matagal na sa baul ay madadagdagan ang ating kaalaman. Mas makikilala natin ang ating kultura at mas magkakaroon tayo ng kumpiyansa sa ating wika upang gamitin ito sa pagpapatibay ng komunikasyon sa ating bayan.
A
ongmga S alitangL uc y r a n u y enahi D iks n
Abyad – asikaso o lakad Adyo – akyat Akit – yaya o imbitasyon Alibadbad – pagkairita o masamang pakiramdam Ayuoy – hinagpis
Ba
Bag-as – pandak Bagaybay – buwig ng niyog Bahog – pagkain sa baboy Bang-aw – sira-ulo Barino – inis galit
Ka
Kadlo – igib Kampo santo – sementeryo Kasilyas – kubeta Kawasa – dahil Kwitib – langgam
Da
Mga Piling Salita mula sa
Damak – kumuha ng pagkain Danggil – nasagi o tanig Dasig – usod, isod Dayap – lemon
Pa
Ga
Gagaud – magtratrabaho Gamay – sanay Ginanga – sinaing na isda Guop – takip ng kaldero Guyabnan – hawakan sa hagdan
Ha
Hahagutin – papaluin Hambog – mayabang Hawong – mangkok Hipa – wala sa katinuan Hitad - kiri, malandi
Ma
Mabanas – mainit Maron – gallon Marusing – madumi Masiba – matakaw Muskitero – kulambo
Pahat – pandak, kapos Palisan – walisan Panghiso - sepilyo Paya/napayahan – napag-trip nakursunadahan
Sa
Sambalilo – sombrero Sambot - salo Sikad – sipa
Ta
Talusaling – mainitin ang u Tampipi – lalagyan ng mg Tindagan – pantuhog
U
Uklab – Tuklap Uyo – bunot na pangg pagluluto
Ya
Yakagin – yayain Yano – sobra
lathalain
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
9
Samakatuwid ay dapat hindi na mag-appear ang pulang mga linya sa tuwing ita-type natin sa computer ang mga salitang ito. Kung noon ay kahit baliktarin mo ang kahit anong diksyunaryo ay wala kang matatagpuang ganitong mga salita ay subukan mo ngayon at hindi ka na mabibigo.
Kung dati tinatawanan tayo ng mga kano dahil tila nag-iimbento ang mga Pinoyng mga salita, aba, umangal ka. Sarap na sarap yata sila buko juice natin. Major-major suki nga natin sila e.
Ayan nga’t malapit na naman ang eleksyon. Iilan pa lang ang lumilitaw na mga presidentiables. Paano ba naman kaliwa’t kanan ang nakasuhan ng estafa. Kasi naman ang mga tao sa gobyerno mahilig gumawa ng gimmick. Isa pa yang random inspection ng Customs sa balikbayan boxes. Nakaka-high blood naman e.
Teka nga at masyado na akong napapalayo sa topic. Nasaan nga ba ako?
ni: Patricia Adora Alcala
Ang mga Pilipino ay nasa iba’t ibang panig ng mundo at marami rin tayong mga lengguwaheng nalalaman dahil sa impluwensya ng ibang lahi. Sa pagiging malikhain nating mga Pinoy ay hindi na nakapagtataka kung makaimbento tayo ng mga bagong salita. Bukod pa rito ang lingo ng gay community na talaga namang nakakaaliw. Charot! Nito lamang taong ito ay isinama ang 40 mga salitang Pinoy sa Oxford English Dictionary. Naks! Lumelevel-up na tayo!
pan,
ulo ga damit
gatong sa
Ayun! Yung Filipino-coined words na naisama sa Oxford English Dictionary.
Sadyang karugtong na nga ng pusod ng mga Pinoy ang mga kano kaya nga nagkaroon na ng tinatawag na “Philippine English” na tumutukoy sa kakaibang paggamit ng mga Pilipino sa English words ika-nga ay Filipinized words. Hindi na ito haka-haka o basta gawa-gawa lang sapagkat kinikilala na ito ng mga banyaga bilang lehitimong mga salita na nabuod nating mga Pinoy. Ang kilalanin ng isang pang-internasyunal na diksyunaryo ang mga salitang Pinoy ay isang karalangan. Nagpapakita ito ng kahalagahan ng ating wika sa gampanin at naiiambag nito sa ebolusyon ng lengguwahe sa buong mundo.
Malay nyo yung ‘Unkabogable’ ni Vice Ganda, ‘Kalyeserye’ ng Eat Bulaga mapasama na rin sa English dictionary. Ayiiieee! kaway sa AlDub fans.
baro’t saya advanced balikbayan batchmate barong bahala na balikbayan box buko barong barangay talgalog buko water baon despedida kitchen buko juice barkada KKBgodirty down Kuya estafa kikay kit carnap halo-halo
comfort room gimmick
carnapper ate presidentiable kikay mabuhay high blood salvage suki sinigang pandesal utang na sari-sari store mani-pedi loob
40 OXFORD
na mga salita Pinoy
na napabilang sa
Dictionary
10
opinyon
KOMENTARYO
Ang sa amin lang
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
PEhintulutan naman!
N
itong taon lamang ay ipinagbawal na ang pagsusuot ng P.E. uniform sa loob ng university main compound. Tama ba ang pagkakarinig natin? Bawal isuot ang P.E. “UNIFORM” sa loob ng paaralan? Ayon sa patakaran ay kailangang isuot ang regular uniform na polo at pantalon (para sa mga lalaki) at blusa at palda (para sa mga babae). Ang sinasabing dahilan ay ang mga estudyanteng patuloy na nagsusuot ng P.E. uniform bagamat hindi naman enrolled sa P.E. class. Paano naman ang libu-libong mga estudyante na talagang may P.E. classes hanggang sa kasalukuyan? Isipin nyo na lamang ang kalbaryong pinagdadaanan ng mga estudyanteng may klase sa main campus pagkatapos may P.E. class sa gym at may klase ulit sa main campus. Katakot-takot na pagpapalit ng damit ang kanilang ginagawa. Isa pa, kakailanganin mo pang umuwi para magpalit at kung napalayo ang bahay mo ay mapipilitan kang bitbitin ang uniform mo. Sino ba naman ang di mapipikon doon? Bakit natin kailangan isakripisyo ang kaalwanan ng karamihan para sa mga ilang pasaway na lumalabag sa patakaran? Bakit hindi ang mga pasaway na ito lamang ang paghigpitan natin ng sinturon? Bakit kailangang madamay ang iba? Kamakailan lamang ay binigyang pansin ito ng ilan sa mga dating kandidato ng UCSC elections kung saan nais nilang ipabawi o baguhin ang bagong patakarang ito. Isa sa mga naihain nilang solusyon ay ang paglalagay ng mga color coded stickers o marka sa mga ID ng mga estudyante. Ito ang magsasaad ng schedule ng kanilang P.E. class na s’yang magsasabi kung pwede nilang suotin ang kanilang PE uniforms sa loob ng main campus sa anumang nakatakdang araw. Ito ang s’yang magiging batayan ng mga security guards kung papayagan nila ang nasabing mga estudyante na pumasok sa loob ng campus at kung bibigyan ng violation ticket. Umaasa ang mga mag-aaral na mabigyan sila ng pansin sa tulong ng mga opisyal ng UCSC at kung maaari ay maisakatuparan sa susunod na semestre nang sa gayon ay matigil na ang kalbaryo ng aming mga kamag-aaral. Wala namang masama sa mga ganitong patakaran. Mainam nga na mapairal ang disiplina sa mga mag-aaral sa pamamagitan ng ganitong sistema ngunit dapat nating isaalang-alang ang ikabubuti ng mas nakararami... para mas happy!
Tutukan!
Envergans, abangan ang mga ilang publikasyon na ilalabas ngayong taong ito.
P ORUM PUBLIKO Mga opinyon na kinalap mula sa publiko hinggil sa isyung napapanahon.
Sang-ayon ka ba sa pagbabawal sa pagsuot ng P.E. uniform sa loob ng unibersidad?
opinyon
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
11
KAHILYAWAN Alexandea P. Pacalda
ndamyo
L
The
A
mga obrang tula, sanaysay, maikling kwento at iba pa sa
MAGAZINE
Actually hindi. Naiinis ako dahil bawal na ang magsuot ng P.E. uniform sa llob ng pamantasan. Alam mo bang trip na trip kong mag PE dahil nakikita nila ang initials at last name ko sa likod at ang gwapo ko pag naka PE. Tapos, mag-p-PE na sana ako no’ng kinabukasan tapos bigla kong nabasa na bawal na pala. – M, 3rd Yr BSPsych, CAS Hindi ako sang-ayon. Parang wala naman akong nakikitang sapat na rason para ipagabawal ito sa loob ng campus. At isa pa, dagdag abala pa. Pano naman yung iba na after PE eh may klase pa sa campus? Tsaka dagdag dalahin pa, dagdag kusutin. Imbis na makatulong eh mas nakakaabala lang. Yung ba ang gusto nila? Magmukhang mga hagas ang estudyante ng Enverga? Nagtatatakbo sa loob ng campus makaabot lang sa kasunod na klase, tapos AEC pa room. Ay grabe. –F, 2nd Yr BSPsych, CAS
Hindi talaga. Kasi abala sa akin yun lalo na yung estudyanteng pabalik-balik sa campus. Di ba UNIFORM din naman yan so ibig sabihin dapat acceptable yan suotin saan mang part ng school dahil may logo naman ng Enverga. – M, 2nd Yr, BSA, CBA Dagdag pa sa bitbitin sa school, tapos pag sinuot mo gusot-gusot na yung pe uniform. Nakakaabala pati lalo na kung pupunta ka lang naman sa loob ng campus para may kunin o balikan, kailangan pa talagang magpalit ng uniform uli. Dapat ang pinagbabawal nila ay yung pagsusuot ng freestyle na pangtaas kapag may PE subject sila sa araw na yun. Kung PE, PE ang isusuot.. `Tsaka kawawa naman yung mga taga malayong lugar. Ang dami nilang bitbitin. – F, 2nd Yr BSBA-MA, CBA Hindi ako sang ayon sapagkat nagdudulot lamang ito ng sagabal sa mga estudyante. Dagdag oras sa pagpapapalit ng uniform. Dagdag bitbitin din sa aming mga estudyante. - M, 2nd Yr, BSIT, CCS Hindi ako sang-ayon. Kasi nakakaabala sa schedule, katulad ko na lamang na PE ang first period sa hapon tapos may kasunod pa na subject sa campus. Ang hirap nang papalit-palit naranasan ko nang pumasok ng gusot ang school uniform kasi nagusot sa bag. Magdala ng hanger para di magusot kaso nakakahiyang papasok ka ng may hawak ng hanger na may school uniform mukhang di magandang tingnan. Dagdag dalahin rin, pampabigat sa bag. Isa pa ay kapag may meeting pero PE lang ang klase imbis na hindi magpalit ng uniform eh magpapalit ka pa makapasok lang sa campus dagdag labahin pa yun kung baga. – F, 2nd Yr BSCE, CETD No, kase sa katulad kong HRM student, marami kaming uniform na ginagamit. Nahihirapan kami lalo na kapag araw ng P.E. namin tapos may klase kami sa main campus. Ang dami-dami naming dala, imbes na madalian kami naoobliga kaming magdala ng uniform at isa pa pag-culinary namin ganon din kaya hindi ako sang-ayon na ipagbawal ang pagsusuot ng PE sa loob ng unibersidad. – F, 3rd Yr BSHRM, CTHRM Hindi ako sang-ayon, kasi bilang OFFICIAL PE UNIFORM ng school, hindi tama na ipagbawal ito sa loob ng campus. – M, 3rd Yr BSPolSci, CAS Hindi, dahil magiging mahirap para sa aming mga estudyante ang magpalit-palit ng uniform. Ang PE uniform ay ginawa upang maging pare-parehas ang suot o uniform ng mga estudyante kaya dapat huwag ipagbawal sa loob ng campus. – F, 4th Yr BS Architecture, CAFA
Tara na, Pili na!
M
iniminimaynimo… sino kaya ang pipiliin ko? Kanino ba sa mga ito pipiliin nating magpauto? Sabi ng isa, “Tanging paglilingkod sa mamamayan ang nais kong gawin. Hindi nasusukat ang lahi sa isang kapirasong papel lamang kundi sa nagawa nito para sa kanyang mamamayan”. So, pakilahad po ng mga nagawa. Hindi pa raw handa ang mga pilipino sa kanyang pamumuno - “Kaya hindi na muna ako tatakbo.” (Sayang, baka pag sya ang nanalo, lalaban na ang Pilipinas upang mabawi ang Iskarburowshowl). Laban lang ng laban hanggang sa mapatumba ang mga kalaban. Ilantad ang kabulukan na ginawa ng Presidente habang sya ay nanunungkulan – teka, may ginawa nga ba? Ilantad na walang nagawa Presidente habang sya ay nanunungkulan. Maging matatag sa mga batikos na ibinabato sa iyo at sa iyong pamilya. Alalahanin na kung may mga anomalya sa iyong ariarian na kanilang ibinibintang, hindi ka nag-iisa – kung kurap ka, mas kurap sila. Kaya Laban! Ayan na… ayan na ang ating Boss – ay este ang ating isa pang empleyado. Ano naman kaya ang balak nya sa ating bansa? Siguro kung dati ay ‘Noynoying’, sa kanya naman ay ‘KoringKoring’ (korni!). Maririndi sya sa kanyang asawa kaya hindi na sya makakagawa para sa bayan o pwede naman na ang mangyari ay asawa na lang nya ang magiging presidente ng bansa – ghost president. Wag naman kayong manghusga kung dati ay hindi sya palabati at mukha syang katulad ng asawa nya na masungit. Kahit elitista at mula sa angkan ng mga pulitiko at malalaking negosyante sa Pilipinas, malay nyo… alam nya ang nararanasan ng mga mahihirap at mga nasa panggitnang uri na kinabibilangan ng higit-kumulang 99% ng populasyon.
Ang kailangan natin ay tunay na pagbabago ng konseho o yung 360 degree transitional government. Malapit na ang eleksyon, sino na ang nais nyong maging Ferdinand Marcos (I declared martial law), Corazon Aquino (I declared massacres), Fidel Ramos (I declared massacres too thru counter-insurgency), Erap Estrada (I declared gambling and corruption), Gloria Macapagal-Arroyo (I declared total graft and corruption in the Philippines at I’m sorry) at Benigno Aquino III (I declared nothing but failed changes and cowardness)? Kahit hindi pa boboto pwedeng makialam at umaksyon – kaya wag maging manhid. Ang kailangan natin ay tunay na pagbabago ng konseho o yung 360 degree transitional government. Sa huli, nasa atin pa rin naman ang desisyon at wala sa mga kandidato-- kung pipiliin natin na maging maayos ang buhay. Mangyayari iyon ayon kay Jose Rizal, (na di umano, hindi sya ang nagsulat ng isa nyang akda noong bata pa sya) ‘Kabataan ang Pag-asa ng Bayan’. Si Rizal talaga, nag-atang ng responsibilidad na hindi man lang kinilatis ang mga batang kanyang pinagkatiwalaan. Paano kung puro pabebe at paselfie na lang ang alam namin, edi mabibigo pa namin si Andres Bonifacio na nakipaglaban para sa bayan?! Isang malaking pagsubok ito para sa aming mga kabataan na maiahon ang ating bansa mula sa kumunoy ng katiwalian.
12
komiks
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
SA KASALUKUYAN AT HINAHARAP ni: Alexandrea Pacalda
:
lathalain
13
Ano nga ba ang tunay na esensya ng kalayaan? Ito ba ay ang malayang gawin ang lahat kahit pa masakop ng dayuhang kolonyal ang ating mga kaisipan? Sa wika… tunay na pa tayong malaya? Sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika ang the Luzonian na opisyal na publikasyon ng mga estudyante sa Manuel S. Enverga University Foundation ay naglunsad ng programang “Silip at Sulyap” mula ika-24 hanggang 29 ng Agosto. Ang Silip at Sulyap na may temang “Nasaan angs Wika na Minana?” ay isang aktibidad upang bigyang halaga ang wikang Filipino ngayong buwan ng wika, at paalalahanan ang mga kabataan sa kanilang papel bilang pag-asa ng bayan. Ang tema na “Nasaan ang Wika na Minana?” ay sinadyang maliin ang balarila sapagkat bukod sa kahulugan nito na hinahanap natin ang wikang Filipino na wari’y napapabayaan na, ay isang pagsubok din sa mga estudyanste kung alam nila ang tamang paggamit ng wika natin kahit sa simpleng balarila nito. Isa rin sa nais ipatampok ng aktibidad ay ang pagdiskurso sa pag-aalis ng asignaturang Filipino sa curriculum ng mga kolehiyo at unibersidad. Ito ang tinatawag na CHED Memorandum No. 20, Series of 2013, na nagsasabi na tatanggalin ang Filipino subject sa mga pamantasan sa Pilipinas dahil ang nasabing asignatura ay sa primarya at sekundaryang paaralan na lamang ituturo. Ang dahilan ay nalinang na raw ng mga estudyante ang kanilang galing sa wika sa panahon na nag-aral sila ng elementarya at hayskul. Pinagdiriwang ng marami – pati holiday ay sinasabing malaya na ang bansa natin – ngunit saang aspeto? Kung hindi tunay na pinahahalagahan ang wika hindi tunay na malaya ang bansa. *** Ika-28 ng Agosto ay nagkaroon naman ng pagtatalakay sa literatura at iba pang mahahalagang paksa tungkol sa wika at lipunan. Ang unang naging paksa ay ang kasaysayan ng wikang Filipino at kung paano na ito ginagamit ng mga kabataan sa kasalukuyang lipunan. Samantala, sumunod naman ang pagtatalakay sa pagsulat ng tula na itinuro ni Rogene Gonzales, isang makata mula sa University of the Philippines Los Banos. May ilan ding nagsalita katulad ng mga bakwet mula Atimonan na inilahad ang kanilang kasalukuyang kalagayan dahil sa naranasan nilang karahasan mula sa mga sundalo. Nagtanghal naman ang ilang indibidwal at organisasyon sa pamantasan. Natapos ang aktibidad ng mga panalo mula sa patimpalak ng pagsulat ng sanaysay at tula. Nanalo sa pagsulat ng tula sina Denzelle T. De los Reyes, Mariejelly P. Pornasdoro mula sa Kolehiyo ng Edukasyon; at si Veigi Diane N. Almacen mula sa Kolehiyo ng Pamamahala at Turismo (?). Napili ding mapasama ang kanilang mga akda sa ANDAMYO 12. Napili naman ang akda ni Joanna Ortega (CTHRM) sa pagsulat ng sanaysay, nakatakda rin itong mapasama sa ANDAMYO 12. SILIP at SULYAP sa hinaharap Sa kabilang banda, ang temang ‘Nasaan ang Wika na Minana’ o sa mas angkop na balarila ay ‘Nasaan ang Wikang Minana?’ ay salita lamang na ginawang tema ng aktibidad sapagkat ang tunay na tanong para sa lahat ng kabataan – nasaan na ang pag-asa ng bayan? Marahil hindi lahat ng estudyante ay bihasa sa salita upang masabi kung ano ang dapat gawin sa wika natin, pero base sa nakaatang na reponsibilidad sa mga kabataan – tayo ang pag-asa ng bayan upang magampanan ang nararapat, hindi lamang para sa ating sarilng wika kundi sa sariling bansa.
14
balita
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
‘Java Programming Tutorial’, nagsilibing tulong sa CCS Freshmen
CLQ, aktibo sa Pang-akademikong Layunin:
Buwanang Quezonian Quiz Night, inilunsad ni: Sophia Caagbay
ni: John Rover Sinag
Inilunsad ng Philippine Society of Information Technology Education Students (PSITES) ang Intensive Tutorial in Basic Java Programming (IBJP) sa kanilang departamento, ang College of Computer Studies (CCS) noong ika-1 ng Agosto. Ang nasabing programa ay dinaluhan ng 59 na kalahok mula sa apat na pangkat ng mga mag-aaral sa unang antas na kung saan isinagawa ito sa apat na computer laboratories sa CCS (CL01-CL04) Upang maging matagumpay ang naturang programa ay naroon ang ilang kasapi ng Programmer’s League, isang samahan ng mga mag-aaral sa CCS sa pamumuno ni G. Raymond Bermudez na silang nagsilbing mga tagapagpaliwanag ng mga aktibidad na nauukol sa Java Programming. Sila rin ay tumutok sa mga mag-aaral na nakilahok. Sa pagtatapos ng kalahating araw na programa ay nakatanggap ng mga sertipiko ng pakikilahok ang mga dumalo at inasahan naman ng PSITES na may natutunan sila sa isinagawang aktibidad.
Paghahanda sa trabaho, tinalakay ng JPAMA ni: Monique Eballa
Pinasinayaan ng Junior Philippine Association of Management Accountants (JPAMA) ang isang seminar na may temang: “Now Hiring, are you the best fit?” noong ika-25 ng Agosto sa RBA Hall, MSEUF, bayan ng Lucena. Isa sa mga naging tagapagsalita ay si Bb. Mayra Nicolas, HR Manager ng Team Energy. At si Dr. Henry Buzar na taga-HR Department ng Kapitolyo, bayan ng Lucena. Ang kaganapan ay pinangunahan ni Bb. Anthonette Batocabe, tagapangulo ng aktibidad. Habang ang huling-kataga naman ay nagmula sa pangulo ng JPAMA na si Bb. Pamela Ligas. Ang mga dumalong mag-aaral ay nagmula sa iba’t ibang antas ng College of Business and Accountancy (CBA). Ang aktibidad ay may layon na mas mapalawak pa ang kaalaman ng mga magaaral lalo na ng mga magtatapos na galing sa departamento ng CBA tungkol sa tamang pamamaraan ng pakikipag-usap, pagkilos at sa pagsumite ng mga dokumento, o résumé na may tamang ayos.
PATALASAN. Ang mga kalahok sa 2nd Quezonian’s Quiz Night habang nagkikipagtagisan sa bawat isa upang makamit ang mataas na puntos at magwagi sa patimpalak. Foodmix Restobar, Agosto 28. [kuha ni:Jasper Ace Escobiñas]
B
inuo ng CAS League of Quizzers’ (CLQ) angpanunurang Quezonian Quiz Night na ginaganap tuwing ika-huling biyernes ng buwan kalahok ang mga quiz bee enthusiasts sa FoodMix Resto Bar, Lucena City.
Ang Quezonian Quiz Night ay hango sa Pub Quiz mula sa ibang bansa na pinasimulan ng CLQ na magiging buwanang quiz challenge. Hinahangad ng organisasyon na maging daan ang kompetisyon upang mabuklod ang mga quiz bee enthusiasts ng probinsya ng Quezon sa maka-ademikong layunin mula sa pampubliko hanggang pribadong paaralan, hayskul hanggang alumni ng kolehiyo na mahilig sa magiliw ngunit makayaman-utak na aktibidades. Ang kauna-unahang Quezonian Quiz Night ay naganap noong Hulyo 31. Ang pagsusulit ay may limang kategorya na nahahati sa larangan ng Sciences, History, General Information, World Geography, and Quezon and Pinoy Trivia na mayroong tigla-labinlimang katanungan. Ang mga nagkampeon ay sina Alexander G. Bukid, Galileo G. Albitos at Alexander T. Bakar mula sa Team Akatsuki; ang ikalawang gawad ay mula sa guro ng Sta. Catalina National High School na sina Victor N. Disilio, Edgardo M. Benitez at Norman M. Venerable ng Team Candelaria; at ang ikatlong gawad ay mula sa MSEUF Lucena na sina Mark Joseph Montera,
EU Banahaw nagtala ng kasaysayan:
Kayzeline Daleon at Judy Anne Lim na nasa grupong QNHS Alumni 2015. Tagumpay rin ang ikalawang panunurang “2nd Quezonian Quiz Night” na naganap noong Agosto 28. Ang mga pagsusulit ay katulad nang naunang quiz night na may labinlimang katanungan sa bawat kategorya sa Science (Earth Science, Biology, Chemistry, Physics and Astronomy); Philippine, Asian, and World History; Philippines and World Geography (Capital, Flag and Landmark); Gen. Knowledge (Arts, Literature, Entertainment (Music and Movies), Sports, Nature, Food and Drinks, Human Interest, etc.); Quezon and Pinoy Trivia. Nanatili sa Team Akatsuki ang titulong kampeon, samantala ang unang-gawad ay nagmula sa Team Triple M, at ang ikalawanggawad ay mula sa Team QNHS Alumni Batch 2015 na noong nakaraan ay natanggap ang ikatlong-gawad. MSEUF Academic Club, Acacia Boys, at TeamMawa ang iba pang mga grupong nakilahok sa ikalawang Quiz Night.
ni: Sophia Caagbay
Ika-2 dekada ng Quezon Quiz Bee, isinagawa P agpupugay sa Kasaysayan, Pagkakaisa Tungo sa Kaunlaran, at Bagong Kamalayan.”
Ito ang naging tema sa idinaos na “Quezon Historian of the Year: Mind Encounter XX” na taun-taong pagsusulit na inorganisa ng Enverga University Banahaw (EU Banahaw) sa Rodolfo B. Abadilla Hall kalahok ang mga kinatawan ng iba’t ibang organisasyon, Agosto 29.
PARA SA KARANGALAN. Ibinandera ng CAS Leage of Quizzers ang kanilang mga medalya at tropeo nang tanghalin sa ikatlong pwesto sa Quezon Quiz Bee, RBA hall, Agosto 29. [kuha ni: G. Gilbert Garcia]
Ang paligsahan ay hinggil sa maka-Quezon na kamalayan na isinabay sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika upang mas mabigyan ito ng malalim na pag-unawa. Ang pagsusulit ay nahahati sa tatlong kabigatan ng kategorya: easy, average at difficult. Ang nag-kampeon sa dalawang oras na pagsusulit ay ang mga kinatawan ng Nhiel Molder’s Scholarship Foundation (NMSF), ang unang-gawad ay mula sa Christian Brotherhood International (CBI), ikalawang-gawad ay mga kinatawan ng CAS League of Quizzers (CLQ), at ang ikatlong-gawad ay natanggap ng MSEUF Academic Club. Siyam na organisasyon ang lumahok sa naganap na palatuntunan.
balita
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
Teknik sa paggamit ng ‘calculator’, tampok sa CalTech
25th Psychological Fair, isinagawa
ni: Mary Grace Merca
I
dinaos ng Technology Math Club (TMC) ang kanilang ika-3 taunang Calculator Technique (CalTech) seminar kasama ang Institute of Electronics and Communications Engineers of the Philippines (IECEP), Philippine Society of Mechanical Engineers (PSME), Institute of Computer Engineers of the Philippines (ICpEP), at ang Geodetic Engineers of the Philippines (GEP) sa RBA Hall, Setyembre 4. Pinamunuan ito ni Ms. Betany Grace Castillo, ang TMC chairperson. Nilayon ng seminar na mabigyang kaalaman ang mga estudyante tungkol sa mga paraang puwede nilang gamitin sa kani-kanilang calculator kapag sumasagot sila ng mga alituntunin sa matematika. Tumayo bilang guest speaker na isa ring graduate ng Enverga si Ms. Alyssa Lagrama, isang lisensyadong Electronics and Communications Engineer at Electronics Technician. Ang TMC ay isang organisasyon na binubuo ng mga estudyanteng enhinyero ng MSEUF
na bukal sa loob na turuan at hiyakatin ang ibang estudyante na makita ang kahalagahan ng matematika. Ito din ang naging rason kung bakit nila idinaos ang nasabing seminar. Hindi lamang mga estudyante sa departamento ng engineering nanggaling ang mga lumahok sa seminar kundi pati narin galing sa iba’t-ibang mga departamento na may aralin sa matematika. Idinaos ng TMC ang nasabing seminar upang matulungan ang kanilang mga kapwa mag-aaral sa kanilang mga leksyon sa matematika at upang mas mapadali ang mga ito.
The Luzonian, nakiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika;
Silip at Sulyap, inilunsad
ni: Patricia Adora Alcala
MALAYANG SINING. Masugid na tinitingnan ng ilang mga mag-aaral ang mga gawang sining na nakatanghal sa Bulwagan ng San Buenabentura, Agosto 27. [ Kuha ni: Monique Eballa]
M
uling binuhay ng The Luzonian ang Silip at Sulyap: Nasaan ang Wika na Minana? bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika. Ginanap ang nasabing aktibidad sa St. Bonaventure Student Center, Agosto 24-29.
Nagsimula ang pagligsahan sa isang exhibit ng mga tula at likhang sining sa St. Bonaventure Student Center. Nagkaroon din ng freedom wall kung saan malayang nakapagsulat ang mga estudyante sa pagtugon sa tanong na “Nasaan ang wika na minana?”. Tumagal ang nasabing exhibit mula Agosto 22-29. Ginanap rin ang isang Poet’s talk kung saan inimbita ang mga mananalita na sina Rogene Gonzalez at NJ Pavino kung saan ay tinalakay ang kahalagahan ng paggamait ng wikang Filipino. Nabigyang pagkakataon rin na ang mga akdang tula ay maitanghal sa entablado ng mga piling estudyante. Nagkaroon ng sayawan at kantahan sa pangunguna ng KBA (Kulura Baile at Awit) at ni Bryan James Baccay na humarana sa mga manonood ng programa.
Ganap na ika-29 ng Agosto ay inilunsad naman ang paligsahan sa pagulat ng tula at ng sanaysay na kung saan ang mga napiling akda ay mailalahad sa ANDAMYO XII (literary folio) ng The Luzonian. Nasungkit ni Joanna Ortega (CTHRM) ang unang pwesto para sa pagsulat ng sanaysay. Nagkamit si Denzelle T. De los Reyes ng unang karangalan habang si Mariejelly P. Pornasdoro mula sa Kolehiyo ng Edukasyon ay tinanghal sa ikalawang pwesto; at si Veigi Diane N. Almacen mula sa Kolehiyo ng Pamamahala at Turismo ay nakuha ang ikatlong pwesto. Ito
15
ni: Sophia Caagbay
I
pinagdiwang ng Psychological Society (PsychSoc) ang ika-25th Psychological Fair na may temang “Social Psychology” sa Manuel S. Enverga University Foundation Lucena City, Set. 15-17. Mula sa mga napapanahong isyu sa social networking sites na ‘hugot lines’, ‘cyber bullying’ at kung ano-anong posts ay nagsagawa ng dalawang araw na seminar ang organisasyon hinggil sa mga nabanggit na may temang “Post pa more! Aware ka pa ba? #mema” na ginanap sa MSEUF University Gymnasium kasabay ang Psychological Fair sa St. Bonaventure Student Center ng tatlong araw. Ang Hugot-Linesay tinalakay ni G. Ramon Bautista na isang kilalang manunulat at may-akda ng “Bakit hindi ka crush ng crush mo”, at ang Psychological Impact of Social Media ay pinangunahan naman ni Bb. Joana Panganiban na Guidance Counselor ng Basic Education ng MSEUF na tinalakay nang unang araw, Set. 15. Naging panauhin rin si Paula Salvosa na kilala sa bansag na “Amalayer” mula sa kumalat na viral video at biktima ng Cyber-bullying na siyang paksa ng kanyang diskusyon. Samantala, isang sikayatris na si G. Dario Flores naman ang tumalakay sa Psychosocial Repercussion of Social Media sa ikalawang araw, Set.16. Katulad ng taun-taong kinasanayan at tinatangkilik ng mga Envergans ay hindi nawala ang Psychological Fair sa selebrasyon na nagbibigay ng mga serbisyo sa Kokology, Color Analysis, Dream Analysis, Signature Analysis, Archetypal at Counseling na ginanap sa St. Bonaventure Student Area mula Set.15-17. Dumalo at nakilahok ang Holy Rosary Catholic School, Sacred Heart College, Calayan Educational Foundation Inc., MSEUF Candelaria, St. Augustine School of Nursing, Christ the Lord Instititue at iba’t ibang paaralan mula sa Lungsod ng Lucena sa selebrasyon.
na ang ikatlong beses na inilunsad ng The Luzonian ang pagdiriwang na ito para sa Buwan ng Wika. Hangad ng pahayagan na mas mapalawig pa ang gawaing ito sa mga susunod pang mga taon.
HUGOT LINES. Masiglang nagsasaad ang manunulat/aktor na si Ramon Bautista ukol sa Hugot Lines sa mga lumahok sa Psych Fair, University Gymnasium, September 16. [kuha ni: Jasper Ace Escobiñas]
16
pamayanan
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
LARAWANG PANGKOMUNIDAD
mga kuha sa lente ng mapagmasid na periyodista
mga larawang kuha ni: Monique Eballa
Perwisyo o Benepisyo? S
ng Road a kasalukuya lika ect sa Mahar oj Widening Pr ay an at Enverg Highway, baw nagiging sa yo trapik na nagsasakripis YO ang IS ngayon, PERW dulot nito. Sa ang araw na na dumating turing dito. Sa aman na d am upang mar o, it os ap at na m BENEPISYO. ang tunay na
MGA BALITANG PANG-PAMAYANAN
ni: Patricia Adora Alcala
Mga mag-aaral sa Quezon, nagpasiklaban sa “Tagisan ng Talino”
P
inangunahan ng CBA Academic Circle (CAC) ang taunang Tagisan ng Talino sa Filipino na dinaluhan ng mag-aaral sa iba’t ibang panig ng lalawigan. Ginanap ang nasabing paligsahan sa RBA Hall, CET Bldg. MSEUF, bayan ng Lucena, Agosto 25 at 27.
Nahati ang nasabing paligsahan sa dalawang araw para sa primarya at sekundaryang kategorya. Naunang ginanap ang para sa primarya noong Agosto 25 kung saan dumalo ang mga kalahok mula sa Paaralang Elementarya ng Timog Lucena I, Paaralang Elementarya ng Silangan Lucena II, Paaralang Elementarya ng Silangan Lucena VIII, Magill Memorial School, Paaralang Elementarya ng Mayao Crossing, Calayan Educational Foundation Inc., Paaralang Elementarya ng Talipan, Paaralang Elementarya ng Silangan Pagbilao at Holy Rosary Catholic School. Napapaloob sa kumpetisyon ang mga sumusunod: ang pagsulat ng tula, sanaysay, poster making, sabayang pagbigkas, deklamasyon at ang pinaka-inabangang tunggalian kung saan naglaban-laban ang mga kalahok sa kanilang mga nalalaman sa wikang Filipino. Parehong mga kumpetisyon naman ang pinaglabanan ng mga mag-aaral sa sekundarya na sinalihan ng mga magaaral mula sa Pambansang Mataas ng Paaralan ng Quezon, Pambansang Mataas ng Paaralan ng Lungsod ng Lucena, Pambansang Mataas ng Paaralan ng Lutucan, Pambansang
Mataas ng Paaralan ng Luis Palad, Pambansang Mataas ng Paaralan ng Gulang-Gulang, Pambansang Mataas ng Paaralan ng Talipan, Pambansang Mataas ng Paaralan ng Mayao Parada, Holy Rosary Catholic School at Pagbilao Academy. Tinanghal na pangkalahatang kampeon sa elementarya ang Holy Rosary Catholic School at ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Lungsod ng Lucena naman ang para sa sekundarya. Ang Tagisan ng Talino ay ika-4 na taon sa elementarya at ika-8 taon na sa sekundarya. Isinasagawa ng CAC ang aktibidad na ito sa pagnanais na mas mapaigting ang kanilang pang-akademikong layuning mapalawig at mahasa ang kaalaman ng mga mag-aaral WIKA ANG TANGLAW. Madamdaming ipinahayag ng mga kalahok sa sabayang pagbikas ang sa Filipino. kahalagahan ng wikang Filipino, RBA hall, Agosto 27. [ Kuha ni: Charmaine de Guzman]
pamayanan
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
17
Mga Larawan kinalap mula sa facebook accounts ng mga Quezonians at ng Quezon Provincial Information Office
ni: Christian Campana
N
iyog: ang puno ng buhay” kaugnay sa ibat ibang gamit mula sa ugat hanggang bunga, walang itulak kabigin sa maaaring pagamitan ng mga parte nito, at nagkataon din naman na ang niyog din ang isa mga pangunahing pinagkukunang yaman at pinagmamalaking produkto ng Quezon. Nito ay ipinagdiwang ang Niyogyugan Festival bilang pasasalamat sa masaganang ani sa buong taon at pagpapalakas ng agri-turismo ng Quezon. Ngayong taon, napuno muli ng makukulay na dekorasyon, badiritas at kabi-kabilang mga bahay-kubong yari sa niyog at parte nito ang kapitolyo ng Lucena (Perez Park) bilang kinatawan ng tatlumpu’t siyam na bayan at dalawang lungsod sa apat na distrito ng lalawigan. Ika-sampu ng Agosto, ang opisyal na unang araw ng pagdiriwang na nakatakdang tumagal hanggang sa ika-labingsiyam, siyam na araw ng kasiyahan at pagdiriwang ang nakatakda para sa mga Quezonian. Sa unang araw, pormal na pinasinayaan ang okasyon, dalwamput-isang naggagandahang mga binibini mula sa kinakatawan nilang mga bayan ng Quezon ang ipinasilip at nagpakilala, nag-anyaya sa kung ano ang mga aabangan sa pagdiriwang bilang opisyal na unang bahagi ng kompetisyon para sa
Envergans, nakilahok sa 39th Milo Marathon;
pinakamaraming delegado, nakamit
D
M ga sa Lara fa w ng ceb an PI oo kin O k al Lu ac ap ce cou m na n ul t a
titulong Bb. Niyugyogan 2015 na sa pagtatapos ay nasungkit ni Bb. Sariaya, Carolin Resurrecion. Samut-saring mga produkto din na mula sa niyog ang itinampok ng bawat kalahok sa trade expo, mula sa mga makakain, pangaraw-araw na gamit, pagamot hanggang sa mga pangdekorasyon na hindi mo aakalaing nagmula sa parte ng puno ng niyog, ang produkto ng Quezon. Produkto ng pagkamalikhain ng mga taga Quezon na talaga namang nagsasabing imahinasyon lang limitasyon sa mga posibilidad na paggamitan sa niyog. Indak at yugyugan ang pumuno at pumarada sa mga kasada ng lucena dahil sa Street dancing competition na isa din sa mga pinakainaabangan taun-taon at kasabay din ng tagisan ng pagkamalikhain ng mga bayan. Ang parade ng mga Floats na dinisenyohan at dinekorasyonan upang magpahanga sa mga matyagang naghintay. Lalo namang pinasaya ang kinulayan ng iba’t-ibang mga personalidad ang pagdiriwang sa pagtatanghal ng mga sikat na bandang Rocksteddy at Silent Sanctuary kasama n gating mga lokal na talento na lalong nagpayugyog sa mga manunuod sa Cocojam. Isang linggo at kalahati na purong kasiyahan at pagdiriwang, isang linggo at kalahati din pagsasama-sama nang buong lalawigan ang ating natunghayan at bagamat
umagsa ang mga estudyante at guro mula sa iba’t ibang antas at departamento ng Enverga sa 39th Milo Marathon, Agosto 30. Dahil rito ay binigyang gantimpala ang MSEUF ng pinakamaraming delegado na may kalakip na gantimpalang P 10,000 na napunta sa pondo ng Enverga NSTP. Kamakailan lamang ay nagkaroon ng registration booth ang MILO sa loob ng unibersidad sa OSA building na nagbigay daan sa maraming Envergans na makibahagi sa takbuhan. Nilalayon ng marathon na madetermina ang mga mananakbong magrerepresinta sa mga Lucenahin sa pambansang kumpetisyong gaganapin sa Lungsod ng Angeles sa Disyembre 6. Ginanagap ang qualifying races sa iba’t ibang panig ng bansa. Higit sa anim na libong mga mananakbo mula sa Lucena at mga karatig bayan ang nakilahok sa marathon. Nagsimula ang nasabing takbuhan mula sa SM City Lucena ganap na 4:30 ng umaga. Nahahati sa apat na kategorya ang marathon 3k, 5k, 10k at 21k na s’yang pinagpilian ng mga lumahok. Pinasimulan ang programa sa isang warm up exercise at matapos ang takbuhan ay nagkaroon ng cheerdance competition na pinaglabanan ng mga estudyante mula sa iba’t ibang paaralan. Namataan sa marathon ang ating kagalang-galang na punong bayan, Dondon Alcala. Naroon din ang ilan sa mga artista tulad ni Joross Gambao at Katya Santos na nakitakbo rin kasama ang mga kalahok.
TAKBO NG PURSIGIDO. Masigasig na tumatakbo ang mga kalahok ng marathon upang matapos ang kanya-kanyang napiling kategorya na ginanap sa SM City Lucena, Agosto 30. [Larawan mula kay: Vincent Valdepeña]
18
isports
the Luzonian | hulyo-setyembre 2015
isports editoryal nga namang kasawian para sa mga lumaban mula sa sa unang mga laro para Ipasamatalo lang sa huli ng mga fresh at relaks na relaks pang mga kalahok na wala man lang nilalabanan kahit isa. Nasaan ang hustisya? May iba’t ibang sistema ng pagdetermina ng mga panalo sa mga larong palakasan. Nariyan ang knock out system, round robin at iba pa. Nito lamang sa kagaganap na intramural games ay ginamit ang nakasanayang double elimination system ng ball games kung saan ay kapag odd ang bilang ng mga grupo at nagkakaroon ng tinatagawag na “by” (stand by) na hindi maglalaro at maghihintay ng kalaban mula sa mananalo sa unang mga laban. Napakaswerte ng mga “by” na ito sapagkat hindi sila mapapagod kung ikukumpara sa mga grupong maglalaro mula sa simula. Syempre, pagod na ang kung sinumang makakalaban ng mga “by” na ito at ito’y kanilang kalamangan sa kanilang mga kalaban. Mayroon din namang mga nanalo laban sa mga “by” ngunit ito ay kung talagang magaling ka at parang superman na hindi nakakaramdam ng pagod ngunit hindi ito ang pinupunto ng argumentong ito. Kung ikaw man ang nasa kalagayan sa panig ng mga walang pahinga sa pakikipaglaban ay talagang aalburoto ka lalo na kung ninanais nyong maging kampeon. Ang kapalarang ito ay nakasalalay sa bunutan kaya iaasa mo na lang ito sa swerte. Kaya dapat alisin sa grupo kung sinuman ang may balat sa pwet! (Joke yun. Tumawa ka.)
Iskedyul, patas sana! Kung hindi mabibigyan ng sapat na oras para makapagpahinga ang mga kalahok at pasasabakin agad ay hindi mapapanatili ang patas na laban.
Kung hindi mabibigyan ng sapat na oras para makapagpahinga ang mga kalahok at pasasabakin agad ay hindi mapapanatili ang patas na laban. Lalo na kung gaya natin na may limitadong oras lamang at pinepwersang matapos ang mga match sa ilang araw lamang. Bunsod ito ng limitadong budget na nailalaan para sa intramurals sapagkat napipilitan ang mga nag-oorganisa na madaliin ang mga laban dahil sa kakailanganing karagdagang bayad sa mga opisyales ng laro. Isa pa ang kakulangan sa lugar tulad sa basketball kung saan maraming mga kalahok at kung idadaos sa labas ay nangangailangan din ng pera. Taun-taon ay nagbabago ang mga gastusin sa ganitong mga paganap kaya’t kinakakailangan ang pang-unawa at suporta mula sa nakatataas upang hindi malagay sa alanganin ang mga taong kaisa sa mga palatuntunang tulad nito. Ang sa amin lang naman ay maremedyuhan ito sa pamamagitan ng pagkakaroon na sapat na pasilidad at pondo nang sa gayon ay mapanatili ang kaayusan ng bawat laro. Magiging patas ang mga laban at hindi makakaagrabyado sa bawat panig maging pinansyal, emosyonal at pisikal na aspeto. Matalo man o manalo, uuwi ang bawat isa na taas-noo at nakangiti sa isang kamalayang naganampanang mabuti ng bawat isa ang kani-kanilang mga tungkulin.
CCLE, namayani sa Athletics ni : Patricia Adora G. Alcala
L
akas at Liksi ang pinamalas ng mga atleta ng College of Criminology and Law Enforcement (CCLE) upang madomina ang Athletics Competition na ginanap sa Alcala Sports Complex, Setyembre 27. Sa kabuuan, nagkamit ang CCLE ng 18 ginto, 4 sa Mens, 14 sa Womens; 5 na pilak, 3 sa Mens, at sa Womens; 14 na tanso, 11 sa Mens, 3 sa Womens.
18 5 ginto
4-lalaki
14-babae
pilak
3-lalaki
2-babae
14
tanso
11-lalaki
3-babae
isports
hulyo-setyembre 2015 | the Luzonian
19
Beach Volleyball Girls championship, ginanap:
CCLE, naidepensa ang kampeonato ni: Sophia Caagbay at Jasper Ace Esobiñas
KAMPEON ULI. Ang mga manlalaro ng Beach Volleyball mula CCLE matapos maidepensa ang kampeonato, Setyembre 27, MJD Farm, Lucena City
kuha ni: [Monique Eballa]
Napanatili at naidepensa ng Kolehiyo ng Kriminolohiya at Pagpapatupad ng Batas (CCLE) ang titulong kampeon sa pagdomina sa Kolehiyo ng Inhenyeriya at Bokasyong pang-teknikal (CETD) sa Beach Volleyball Championship Knock-out Round sa dibisyon ng mga kababaihan sa puntos na 21-11, 21-11 noong Septyembre 27 sa MJD Farm, Brgy. Bocohan, Lucena City. Pinangunahan ng CCLE ang pagpalo ng bola at tinanggap ito ng CETD. Nanguna ang CCLE sa iskor na 3-2 hanggang sa tambakan ng puntos na 10-4. Tuloy-tuloy na pagpapalitan ng tira ng bola ang naganap sa pagitan ng dalawang koponan na may malakas na pwersa’t depensa ng CCLE ngunit ang score ay naibigay sa CETD sa puntos na 13-6. Sa kabila ng makulimlim na panahon at biglang
CTHRM, naghari sa Cultural Competition
65 ginto, 19 pilak, 25 tanso, hinakot ng Criminology
ni : Patricia Adora G. Alcala
N
amukod tangi ang College of Tourism and Hotel & Restaurant Management (CTHRM) sa pagsungkit ng pinakamaraming medalya sa isa sa pinakainabangang paligsahan; ang kultural na kumpetisyon. Sinungkit nina Jiselle Roces at Lovely Tabi ang dalawang ginto sa dalawahang pag-awit at ang dalawa pa sa modern standard dance sport category na nakuha nina Kriska Quizon at Adriano Gaudencio. Nakuha naman ni Julia del Fierro ang ikalawang pwesto sa isahang pag-awit, Setyembre 24, University Covered Court.
Hindi naman nagpahuli ang College of Education (CED) na syang nagkamit ng unang pwesto sa isahang pag-awit na nasungkit nina Dianne Solares at kung saan nakuha ni John Isaac Campos ng College of Architecture and Fine Arts (CAFA) ang ikatlong pwesto. Nakamit nina Kimverly Mercado at Zyrille Contado ng College of Business & Accountancy (CBA) ang ikalawang pwesto sa dalawahang pag-awit at ang ikatlong pwesto nina Keren Kiscia Jemimah Gonzales at Unique Petit Abastillas mula ulit sa CED. Nagpaligsahan naman sa pag-indak ang mga pambato ng CBA, CETD, CED, CTHRM at College of Computer Studies (CCS) na syang nagpadala ng kanilang mga kalahok. Sa Latin American dance sport category ay itinanghal na kampeon sina Kenneth Orinday at Charlene Pacheco ng CBA, pumangalawa sina Edward Ryan Ayala at Liezl D. Villadiego ng CED habang sina Fernan Remojo at Althessa Kaela Robles ng CETD naman ang nakasungkit ng ikatlong pwesto. Pumangalawa sa CTHRM sina Mark Cruz at Lazelle Jane Sante ng CETD sa modern standard dance sport category kung saan nagtapos sa ikatlong pwesto sina Iseah Pabellano at Chiara Virtucio ng CCS.
pag-ganda nito, humabol ang CETD at umiskor ng limang beses sa isang hanay ng matagumpay at nagtala ng puntos na 17-11 ngunit sa lakas ng pwersa ng CCLE, humantong ang pagtatapos ng unang set sa iskor na 21-11. Sa unang quarter ng ikalawang set, naging mahigpit ang CCLE at dinomina ang CETD sa iskor na 12-4. Kinalahati naman ng CETD ang puntos sa pagmamarka ng dalawang puntos 12-6. Mula sa 16-10, muling pinaulanan ng CCLE ng puntos at dinomina ang CETD ng matagumpay at naging 2010 hanggang sa kanilang masungkit ang pagiging kampeon sa puntos na 21-11. Samatala, naiuwi naman ng CETD ang ikalawang pwesto at pumangatlo naman sa pwesto ang CAFA.
Pangkabuuang Kampeonato, binawi
P
ni: Sophia Caagbay at Jasper Ace Esobiñas
inatunayan ng College of Criminology and Law Enforcement (CCLE) na sila ang ang hari ng taunang Intramurals ng MSEUF matapos humakot ng maraming panalo, dahilan upang mabawi ang Pangkabuuang Kampeonato na dating hawak ng College of Maritme Education (CME). Samantala, sumunod naman ang College of Engineering and Technical Department (CETD) at CME bilang pangalawa at pangatlo sa talaan.
INTRAMURALS 2015
SAYAW AT KANTA NG TAGUMPAY. Ang mga kahanga-hangang tanghal ng CTHRM na naging dahilan ng kanilang pamamayagpag sa Cultural Competition.
Talaan ng Medalya
kuha ni:
[Jasper Ace Escobiñas]
1 2 3 4 5 6 7 8 9
10
CCLE
65
19
25
CETD
32
47
21
CME
23
25
22
CBA
16
20
12
CTHRM
8
23
22
CEd
8
15
14
CCS
6
4
9
CAFA
4
5
10
CAS
0
5
15
CNAHS
1
0
0
Datos mula sa PE Department
CCLE, namayani sa Athletics Luzonian
L
akas at Liksi ang pinamalas ng mga atleta ng College of Criminology and Law Enforcement (CCLE) upang madomina ang Athletics Competition na ginanap sa Alcala Sports Complex, Setyembre 27.
Talaan ng Medalya
sundan ang detalye sa pahina 18 TUNGHAYAN SA PAHINA 19
SPORTS The
INTRAMURALS 2015
Opisyal na Publikasyon ng mga Mag-aaral sa Antas ng Kolehiyo ng Manuel S. Enverga University Foundation-Lucena City
TOMO 68 BILANG 3 HULYO - SETYEMBRE 2015
[Jasper Ace Escobiñas]
ROCK AND ROLL. Ang CETD Tigers Pep Squad sa kanilang ‘Rock and Roll‘ na routine, isa sa mga dahilan ng kanilang pagkapanalo ng kampeonato.
ISPORTS EDITORYAL sundan ang artikulo sa pahina 18
Iskedyul, patas sana! “Kung hindi mabibigyan ng sapat na oras para makapagpahinga ang mga kalahok at pasasabakin agad ay hindi mapapanatili ang patas na laban”.
Tigers, niyanig ang madla; Kampeonato sa Cheer Dance, nakamit
M
ni : Patricia Adora G. Alcala
ga linya ng Itim, puti at kahel na kumbinasyon ng CETD Tigers sa temang ‘Rock and Roll’ kasabay ng mga makapigil hiningang mga stunts at nakakaindak na sayaw ang naging susi upang makamit ang kampeonato sa Cheer Dance Competition 2015.
Hindi pinalampas ng College of Engineering and Technical Department (CETD) na ipakitang may ibubuga sila sa cheer dance competition. Hindi maikakailang isa ito sa kumpetisyon ng intramurals na may pinakamahigpit na labanan kung saan ang bawat departamento ay matindi itong pinaghahandaan at pinaglalaanan ng malaking pera. Itinanghal sa ikalawang pwesto ang mga leon ng College of Business and Accountancy (CBA) sa nagliliwanag nilang mapuputing kasuotan na may temang pangkasal. Pinukaw ng malinis at matikas na galaw ng CBA ang mga manonood.
Pinamangha naman ng mga kalahok mula sa College of Computer Studies (CCS) sa kanilang kakaiba ang makapukaw-matang kasuotan na inihawig sa pamosong Spiderman. Lalo pang nabighani ang lahat nang ibinukadkad nila ang malaking Spiderman at sapot at saka ginawa ang kanilang mga eksibisyon. Matatandaan sa nakaraang taon na gumuhit ng kasaysayan ang CME (College of Maritime Education) kung saan sa kauna-unahang pagkakataon ay sila ang tinanghal na kampeonato sa nasabing paligsahan.
Pambato ng CTHRM, tinanghal na Mutya ng Palaro ni : Patricia Adora G. Alcala
B
inighani ni Princess Envangelista ng College of Tourism, Hotel and Restaurant Management (CTHRM) ang mga hurado sa kanyang pagrampa kung saan nasungkit niya ang korona at sya ring tinanghal na best in sportwear sa kanyang lawn tennis attire, Setyembre 23, MSEUF Gymnasium.
Nagpatalbugan ang mga naggagandahang mga dilag mula sa iba’t ibang departamento para sa Mutya ng Palaro 2015 na sya namang nagkamal ng hiyawan at palakpakan mula sa mga manonood. Lalo pang dumagundong ang Enverga Gymnasium nang isa-isang rumampa sa gitna ang mga kandidata. Sigaw ng bawat departamento ang pangalan ng kanilang mga pambato.
Itinanghal sa ikalawang pwesto ang morenang prinsesa ng College of Business and Accountancy (CBA) na si Diane Lacuarin habang nasungkit naman ni Julienne Redor ng College of Engineering and Technical Department (CETD) and ikatlong pwesto. Sa hanay ng 8 mga kandidata ay nangibabaw ang karikitan ng 3 mga Binibini na lalong nagpahigpit ng labanan para sa pangkalahatang kampeonato ng intramurals ngayong taon.
HAKOT AWARD. Si Bb. Princess Evangelista ng CTHRM, suot ang korona ng Mutya ng Palaro 2015 at mga Special Awards na kanyang nakamit, Setyembre 23.
[Jasper Ace Escobiñas]