The Luzonian Tabloid

Page 1

Opisyal na Pahayagan ng mga Kolehiyong Mag-aaral ng Pamantasang Enverga, Lungsod ng Lucena

Luzonian The

theluzonian.com

@daelmseuf

Tomo LXX | Bilang 1 Hulyo - Agosto 2018

theluzonianmseuf@gmail.com

Patuloy ang pamamayagpag at pag-usbong ng tatak-Envergista dahil sa mga nakamit na parangal at pagkilala ng mga mag-aaral, alumni, at maging ng Tagapangasiwa nito. Mill Angelo Prado

Tunghayan ang mga istorya ng tagumpay sa susunod na pahina...


2

Luzonian The

BALITA

Tomo LXX | Bilang 1

Pangulo ng Unibersidad, kinilalang 'Education Leadership Awardee' Karen Yvonne Daleon

M

uling pinatunayan ng Pamantasang Enverga na nangunguna ito sa Lalawigan ng Quezon pagdating sa paghahatid ng mataas na kalidad ng edukasyon sa bawat mag-aaral matapos makamit ni Madame Naila Leveriza, pangulo ng Pamantasang Enverga, ang parangal na "Education Leadership Award" na iginawad ng The Philippine Education Leadership Awards sa Dusit Thani Manila, Hunyo 8. Sumailalim sa pananaliksik ang mga organisasyon na naghain ng maikling listahan ng mga kwalipikadong indibidwal. Sina Dr. Arun Arora, dating pangulo/CEO ng dyaryong The Economic Times; Dr. Harish Mehta, Chairman ng Onward Technologies Ltd.; Propesor Indira Parikh, pangulo ng Antardisha, India’s Iconic HR Leader; Nina Woodard, konsultant ng Human Resource; Dr. C. M. Dwivedi, Group Chief Human Resource Officer ng Fazlani Group of Companies ang mga bumuo ng panelist na silang naggawad ng nasabing parangal. Kabilang din sa nasabing panelist sina Dr. Saugata Mitra, Chief People Officer; Dr. R L Bhatia, nagtatag ng World CSR Congress; Dr. Sanjay Muthal, Executive Director ng INSIST

Malugod na tinatanggap ni Pangulong Naila Leveriza ng Pamantasang Enverga ang Education Leadership Award mula sa World Education Congress CMO Council.

CMO Asia

Executive Search; at Edward Smith, Chairman ng Awards at Academic Committee, gayundin, ng World Education Congress. Ibinabahagi ang ganitong pagkilala sa mga indibidwal at institusyon na naglilinang ng kakayahan ng mga mag-aaral sa larangan ng inobasyon, akademiks, positibong obhektibo, pananaw at epektibong pamumuno. Simbolo rin ito ng patuloy na pagtitiwala sa Pamantasang Enverga na maghatid ng positibo at pangkalahatang pagbabago sa pamamagitan ng edukasyon. Inilahad ito ng World Education Congress, CMO Asia (CMO Council) na binubuo ng mga propesyonal at top marketing executives sa Asya, at Stars of the Industry Group.

De Guzman ng CBA, nanguna sa CET; 14 iba pa, kabilang sa topnotchers Ysabelle Abriana Aranas

P

inangunahan ni Charlene De Guzman mula sa College of Business and Accountancy (CBA) na kumukuha ng programang BS Accountancy ang listahan ng mga topnotchers ng College Entrance Test (CET) para sa taong ito kung saan nagkamit siya ng stanine 9 upang maungusan ang 14 na iba pang kabilang sa topnotchers.

Ayon kay De Guzman, naghahalo ang kanyang nararamdaman dahil sa saya mula sa kanyang natanggap na parangal at sa lungkot naman na dulot ng pressure dahil sa expectation ng mga tao sa kanya. “Ang naramdaman ko ay mixed emotions. Masaya, kasi ako 'yong pinakamataas, kumbaga kahit 'di naman ako masyadong nag-iintindi sa acads e hindi pa rin naman pala ako 'yong to the point na wala ng ibubuga." "And I know na natuwa naman ang parents ko dahil dito and that is enough for me. On the other hand, malungkot, kasi tumaas na naman ang expectation sa 'kin ng mga tao, e ayaw ko pa naman nang may mga taong nadi-disappoint sa akin,” pahayag ni De Guzman. “Actually, 'yun 'yong ayaw ko sa part na 'to. 'Yung I have to carry the big and high expectations of others. 'Yung pressure. It's what reminds me to keep on working hard to achieve my goal." "I need to be persevering and I need to focus to get to where I set out to be. This recognition serves not just as a reminder but also a wake up call," dagdag pa ng topnotcher May payo naman si De Guzman para sa kanyang mga kapwa magaaral na nagnanais ring magkamit ng

parangal tuld ng natanggap niya. “I think you just have to take it seriously and not just because you need a school to attend for college. Also, give your best kasi it's not something na pwede mong i-retake o ulitin. Sinasabi ko nga rin sa sarili ko lagi na if you know that it'll just happen once in your life, then have no regrets about it," wika pa niya. "Do what you have to do. But don't pressure yourself, if it is really meant for you, then it is yours. Just chill, and expect the unexpected for real," payo ni De Guzman. Samantala, kabilang sa 14 na iba pang topnotchers sina Charles Joshua Ayala (8.67), Liu Chi Cheng Bibit (8.67 Eugene Merle (8.33), Anne Johnette Aguilar (8.0), Xena Mariz Fernandez (8.0), Jennelyn Obal (8.0), Juan Paulo Mari Velasco (8.0), Jane Carla Garbida (7.67), Sean Andrei Marasigan (7.67), Franco Lorenzo Serrano (7.67), Clint Joshua Constantino (7.33), Angela Araya (7.0), Crissa Mae Base (7.0), at Engelette Jan Cabuyao (7.0), ). Matatandaang nagmula rin sa CBA ang nanguna sa CET noong paturuang 2015 na si Charlene Salazar. Si Salazar ay kasalukuyang nasa ikaapat na taon na ng programang, BS Accountancy.

Ada Loreen De Castro

Bilang ng mga bagong nagsipagtapos, umabot sa 1,672 BALITANG NUMERO

Ang imahen ni San Buenaventura habang ipinuprusisyon bilang pagdiriwang ng kanyang piyesta, simbolo ng isa na namang mapagpalang taong panuruan para sa lahat.

sa 1,672 ang bilang ng mga nagsipagtapos sa kani-kanilang programang pang-akademiko mula sa 13 Umabot departamento ngayong taon,

478

ETEEAP 215

CBA 186

Ceng

Insitutional Marketing and Promotions

Piyesta ni San Buenaventura, ipinagdiwang Ivan Chris Mabilangan

S

Malugod na tinatanggap ni Charlene De Guzman (kaliwa) ang kanyang sertipiko ng pagkilala bilang Top 1 sa College Entrance Test mula kay Celso Jaballa, Vice President for External Relations (gitna), at isang regalo mula naman kay Evelyn Abeja, Vice President for Administration, sa ginanap sa Freshmen General Orientation sa himnasyo ng Pamantasan.

aint Bonaventure is a doctor of education, a learned man," iyan ang saad ni Dr. Rosario Rago, direktor ng Office of Student Affairs, nang tanungin kung bakit si San Buenaventura ang patron ng Pamantasan. "Siya ang napiling patron ng ating ng mga student organizations. Founder-President, Dr. Manuel S. Iprinusisyon ang imahen ni San Enverga, sapagkat maganda siyang Buenaventura na pinalamutian ng halimbawa ng mga mag-aaral sa iba’t ibang bulaklak mula University sipag at tiyagang magpalawak ng Gymnasium hanggang St. Bonaventure karunungan," paliwanag pa ni Dr. Rago. Student Center na dinaluhan din ng Ipinagdiwang ng Pamantasan, mga kasapi ng iba't ibang organisasyon sa pangunguna ng OSA, ang pista ng ng mga mag-aaral. patrong si San Buenaventura sa Student Matapos ang prusisyon, nagmisa Center na mismong ipinangalan sa si Rev. Fr. Ramil Esplana, kapelyan kanya, ang St. Bonaventure Student ng Pamantasan. Nagkaroon din ng Center, Hulyo 13. kaunting salu-salo matapos magsindi Dumalo ang mga propesor, ng fireworks bilang simbolo ng dekano at dekana ng bawat kolehiyo, selebrasyon ng piyesta ng patron. mga empleyado ng Pamantasan, at Ito ang huling pagkakataon ng mga mag-aaral, partikular na ang mga OSA na pangunahan ang pagdiriwang maritime students at mga miyembro ng nasabing okasyon.

CIHTM

137

CED

112

CCLE

111

IGSR

110

Datos mula sa opisina ng Vice President for Academics & Research

885

910

2014

2015

865

102

CME CCMS

77

CAS

59

CAFA

59

LAW CNAHS

Makikita ang breakdown ng bilang ng mga graduates ngayong taon sa iba't ibang kolehiyo. Sa kabuuan, umabot ito ng 1,672. Mapapansing pinakamalaki ang bilang ng mga graduates mula sa ETEEAP na may 478. Pinakamaunti naman ang CNAHS na mayroon lamang walong graduates.

18 8

833

863

Makikita rin ang kabuuang bilang ng mga graduates sa loob ng limang taon. Hindi naman kabilang dito ang IGSR at ETEAAP. Datos mula sa opisina ng Registrar

2016

2017

2018


Luzonian

BALITA

The

Hulyo - Agosto 2018

Alcala, sasabak sa TOSP national search

M

Kyle Joshua Cadavez

agpapakitang gilas si Patricia Adora Alcala, most outstanding female student of the year mula sa College of Business and Accountancy, sa national search ng 57th Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) 2018 matapos tanghaling isa sa limang finalists sa katatapos na TOSP Calabarzon Search sa Pamantasang Enverga.

Inilahad ni Alcala ang kanyang naramdaman matapos makamit ang nasabing parangal. "Ito ay isang malaking karangalan na alay ko bilang pasasalamat sa mga taong naniwala at sumuporta sa akin, lalung-lalo na ang Pamantasang Enverga na luminang ng aking kakayahan. Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang higit ko pang pag-ibayuhin ang pagbabahagi ng aking sarili sa ating pamayanan. Tulad ng ating University motto, ang pagkahirang ko bilang outstanding student ay para sa Diyos at sa bayan," wika ni Alcala. Mula sa labinlimang regional finalists ng TOSP Calabarzon Search, tanging si Alcala lamang ang nakapasok mula sa lalawigan ng Quezon. Bukod sa pagiging student leader, itinataguyod niya ang pagsusulong sa kanyang napiling adbokasiya para sa kapaligiran.

"Nais kong mapaigting pa ang pakikipagtulungan sa mga student organizations sa pagsasagawa ng aking adbokasiyang BAKAWAN project (BAntay KAlikasan, WAgayway kabuhayaN) na naglalayong mapalawig ang kamalayan ng mga mamamayan sa pangangalaga ng kalikasakan kasabay ng pagbibigay-kabuhayan sa pamamagitan ng eco-tourism sa pagtuturo ng tour guiding sa mga residente ng Brgy. Palsabangon, Pagbilao, Quezon," ayon kay Alcala. "Ninanais ng proyektong ito na makapagtaguyod tayo ng isang modelo sa mga komunidad na may bakawanan sapagkat napakahalaga nito sa ating ecosystem, bilang pananggalang natin sa malalakas na bagyo at daluyong. Mayroon na tayong nasimulan sa Pagbilao at sa tulong nating lahat maipagpapatuloy pa natin ito," dagdag pa niya.

3

Inilalahad ni Patricia Adora Alcala ang ilang problema sa komunidad at kung anu-ano ang konkretong solusyon para sa mga ito bilang output ng kanyang grupo sa isang situationer activity na isinagawa bilang bahagi ng mga formation activities ng TOSP.

Nagtipun-tipon ang mga Calabarzon Outstanding Students (CalabarzonOS) sa Pamantasan kung saan ginanap ang formation, team building at screening, Agosto 16-21. Kasama ni Alcala sa regional awardees ang apat pang mga magaaral mula sa iba't ibang bahagi ng rehiyon. Sila ay sina Frances Ann Marie S. Gumapac ng De La Salle Lipa, Glenn Christopher J. Lambino ng Lyceum of the Philippines University-Laguna, John Emmanuel S. Magtibay ng First Asia Institute of Technology and Humanities at Georjhia Czarinah Q. Malaluan ng Lyceum of the Philippines UniversityBatangas. Naglalayong imulat ng TOSP ang mga youth leaders upang gamitin ang kanilang kakayahan sa pagsusulong ng kaunlaran sa bansa.

TOSP-ACC Calabarzon

Anibersaryo ng pagpanaw ng Pundador, ginunita

Anjelyn Jalla

B

ilang pag-alaala sa anibersaryo ng pagyao ni Dr. Manuel S. Enverga, Pundador-Pangulo ng Pamantasan, pinangunahan ng Office of Student Affairs ang mga kaganapan sa okasyon. Ginunita ang ika-37 taong pagpanaw ni Dr. Enverga, Hunyo 4, na ayon kay Dr. Rosario Rago ay tauntaong isinasagawa. "Taun-taon idinaraos natin ang pag-alaala sa pagpanaw ng tagapagtatag ng Pamantasan upang manatili ang kanyang mga aral, pangarap at layunin para sa Pamantasang kanyang sinimulan noong 1947," ayon kay Dr. Rago. Sinimulan ang araw ng pag-alaala sa pagdaraos ng misang pinamunuan ni Rev. Fr. Ramil Esplana, kapelyan ng Pamantasan, na isinagawa sa Holy Face of Jesus Parish. Sinundan ito ng wreath laying sa rebulto ni Dr. Enverga sa harap ng University Gymnasium sa pangunguna ng mga kasapi ng Lupon ng Pabahalaan na sina CEO Wilfrido Enverga, President/COO Naila Leveriza, Atty. Carlito Enverga, VPAR Benilda Villenas, executive officers, mga academic at non-academic department heads at mga mag-aaral, guro at kawani.

Nagpalipad si Pangulong Naila Leveriza at mga kawani ng Pamantasan ng mga puting lobo bilang pagalaala sa ika-37 taong pagyao ni Dr. Manuel S. Enverga, tagapagtatag ng Pamantasan, na nangarap na mabigyan ng edukasyon ang kanyang mga kababayan.

Insitutional Marketing and Promotions

4,180 Envergistang kolehiyo, naitalang bilang ng enrollment BALITANG NUMERO

N

asa kabuuang 4,180 mag-aaral ang nag-enroll ngayong semestre mula sa 11 academic departments kung saan dumagsang muli ang bilang ng mga freshmen dahil katatapos lamang ng unang batch ng Senior High School Program. Hindi kasama sa nasabing bilang ang mga nagpatala sa Graduate School at ETEEAP.

897

CEng

625

CBA

520 Makikita ang breakdown ng bilang ng mga enrolled students sa bawat kolehiyo ngayong semestre. Pinakamarami ang bilang mula sa College of Engineering samantalang pinakamaunti ang mula sa Enverga Law School.

CCLE

419 416

CIHTM Ced

290 270 259 252

1,943

1,380

409 1st Year

2nd Year

3rd Year

4th Year

CAS CAFA CCMS

130 102

CNAHS LAW

Makikita rin ang bilang ng enrollment sa bawat year level. Mapapansing kakaunti ang bilang mula sa ikalawa at ikatlong taon dahil sa implementasyon ng SHS.

279

169

CME

5th Year

Datos mula sa Opisina ng Registrar

The L punong patnugot, ginawaran ng Medalya ng Karangalan John Rover Sinag

K

abilang ang dating patnugot ng The Luzonian na si Engr. Raynell Inojosa sa 11 Quezonians na ginawaran ng ‘Quezon Medalya ng Karangalan’ (QMK) bilang pagkilala sa kanyang kontribusyon sa larangan ng Agham at Teknolohiya.

Matatandaang si Engr. Inojosa ang punong patnugot ng ‘The L’ noong 2012 na kumuha ng programang electronics engineering at sa kasalukuyan ay tagapagsulong ng programang Technical and Vocational Training (TVET). Dahil sa kanyang patuloy na ambag sa nasabing larangan sa loob at labas ng bansa, isinumite ni Criselda David, tagapag-ugnay ng Lucena Manpower Skills Training Center (LMSTC) ang pangalan ni Engr. Inijosa sa QMK Search Committee, upang parangalan bilang tagapagtaguyod ng mga community projects nila para sa TVET students. Bilang isa sa mga pinakabatang nagawaran ng nasabing pagkilala, may mensahe si Engr. Inojosa para sa mga kapwa niya Quezonians. “Para sa mga kapwa ko Quezonians, lalo na sa mga kabataaan, nais kong ibahagi sa inyo na hindi hadlang ang edad upang limitahan ang ating sarili na makatulong at makapaglingkod sa ating lipunan. Maraming bagay, tulad ng kakayahan, edukasyon o tulong ang maaari nating gamitin upang mas makagawa tayo ng kapakipakinabang na gawain para sa ating kapwa lalo na sa mga taong nangangailangan,” pahayag ni Engr. Inojosa. Iginiit din niya ang kahalagahan ng edukasyon matapos makamit ang nasabing parangal. Aniya, mahalagang maibahagi ito sa ibang tao. “Kagaya ko, nag-aaral ako nang mabuti at ang mga bagay na natutuhan ko dito sa aking pag-aaral ay siyang ibinabahagi ko sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga proyekto at ng

Tila hindi pa rin makapaniwala si Engr. Raynell Inojosa, dating punong patnugot ng The Luzonian, (kanan) sa kanyang natamong parangal nang umakyat siya sa entablado ng Queen Margarette Hotel upang tanggapin ang Quezon Medalya ng Karangalan mula kay Gobernador David Suarez.

Quezon Public Information Office

mga seminars o workshop hindi lamang sa mga mamamayan ng Quezon kundi pati na rin sa mga karatig nating lalawigan,” idinagdag pa niya. Si Engr. Inojosa ay katatapos lamang ng kanyang Master of Science in Engineering major in Electrical and Electronic Engineering sa Doshisha University bilang iskolar ng bansang Hapon. Sa kasalukuyan, kumukuha na siya ng Doctor of Science/Engineering in Global Engineering for Development, Environment, and Society major in Antenna Propagation and Wireless

Communication sa Tokyo Institute of Technology. Bukod sa kanyang pag-aaral sa ibang bansa, ang mga resulta ng kanyang science researches ay naibahagi na niya sa Amerika at sa Hapon sa mga ginanap na iba’t ibang research conference. Samantala, si Engr. Inojosa ay nahalal na Vice President for External Affairs ng Institute of Electronics Engineers of the Philippines (IECEP)Japan Chapter habang nag-aaral ng kanyang masters..


4

Luzonian The

BALITA

Tomo LXX | Bilang 1

SHS Envergistas, nagtagisan ng husay sa Buwan ng Wika Ivan Chris Mabilangan

N

agtagisan ng husay at talino ang mga mag-aaral mula sa Senior High School (SHS) bilang pakikiisa ng Pamantasang Enverga sa pagdiriwang ng Buwan Ng Wika, Agosto 10.

Nagkaroon ng Isahan at Dalawahang Pag-awit, at Madulang Sabayang Pagbigkas na kapwa idinaos sa AEC Little Theater. Ginanap naman ang Pagsulat ng Tula at Sanaysay na sinundan ng Dagliang Talumpati sa EMRC Main. Sa Isahang Pag-awit, nakamit ni John Joseph Husan, AD 1A1, ang unang pwesto. Pumangalawa naman si Hannah Solares, ABM 1A4, at sinundan ni Julius Ceszar Oxina, HUMSS 1A7, sa ikatlong puwesto. Samantala, nagkampeon ang tandem nina Allysa Coline Alamodin at Charles John Heinrich Roxas, HUMSS 1A3, sa Dalawahang Pagawit. Nakamit naman nina Nicole Morales at Jean Francine Cada, ICT 1A1 ang pangalawang puwesto, at sina Iriane Nicole Lagrason at Jacqueline Driz ang itinanghal sa pangatlong puwesto. Napasakamay naman ng grupo ng STEM 1A5 ang kampeonato sa Madulang Sabayang Pagbigkas samantalang pumangalawa ang mga pambato

ng HUMSS 1A5. Sinundan sila sa pangatlong puwesto ng pinagsama-samang mag-aaral mula sa STEM 11A4, STEM 1A3 at STEM 1A8. Para sa mga nagwagi sa Pagsulat ng Tula, nanguna si Shaira Ocan na pinangalawahan ni Brian Floyd Andrewmer Albitos. Pumangatlo naman si Ricelde Marilu Mirafuente. Nanaig naman sa unang karangalan si Trizha Jovelle Rendiza sa Pagsulat ng Sanaysay, pumangalawa si Hannah Ira Cueto at pumangatlo si Dan Dexter Ramos. Sa Dagliang Talumpati, nagkampeon si Christian Mijares at sinundan siya nina Marylie Teresita Vergara sa ikalawang puwesto. Samantala, pumangatlo si Sheena Lou Hilario. Buhat sa temang "Filipino: Wika ng Saliksik," isinagawa ang mga nasabing patimpalak ng Kolehiyo ng Sining at Agham na pinangunahan ng Departamento ng Wika at Humanidades.

Buong pusong gumaganap ang mga magaaral mula sa STEM 11A5 sa kanilang Madulang Sabayang Pagbigkas upang tanghaling kampeon sa pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Pamantasan.

Michael Joshua Saul

Enverga, Ha Long University, lumagda ng MOU

John Rover Sinag

L

umagda sina Gng. Naila Leveriza, pangulo ng Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF), at si G. Phan Thi Hue, pangulo ng Ha Long University (HLU) sa Quang Ninh Vietnam, ng Memorandum of Understanding (MOU) upang mapaunlad at maisulong ang pagtutulungan ng dalawang Pamantasan sa mga pang-akademikong gawain. Saklaw ng nasabing mga programang instructional Leveriza na sina Atty. Wilfrido MoU ang pakikipagpalitan at kultural, gaya ng publication Enverga, tagapangulo ng Board ng mga tagapangasiwa, activities na parehong interes of Trustees, Dr. Benilda Villenas, propesor at mga mag-aaral; ng mga mag-aaral sa parehong Vice President for Academics & ang pagtutulungan sa larangan Pamantasan, at iba pang Research, Prof. Celso Jaballa, ng education and scientific programa na pinahintulutan ng Vice President for External research; palitan ng mga parehong Unibersidad Relations, Dr. Flormando academic materials, scientific Ang MOU ay epektibo nang Baldovino, IGSR Coordinator, publications, at scientific lagdaan ito noong Agosto 30 Gng. Mary Grace Mc. Enverga at information. at may limang taong bisa na G. Dennis R. Leveriza Sr. Magkakaroon din ng magwawakas sa Agosto 29, Samantala, si Tran Trung pagsasaaayos ng joint 2023. Vy, Vice President ng Ha Long academic at scientific Dumalo sa nasabing University at ilang department activities, gaya ng mga kurso, seremonya ang ilang mga heads ng kanilang Pamantasan komperensya, pagsasanay, tagapangasiwa mula sa ang kaagapay ni G. Hue sa at panayam; kolaborasyon sa MSEUF bilang kaagapay ni Gng. naganap na pangyayari.

Handa na ang mga kinatawan ng Enverga at Ha Long University sa lagdaan ng Memorandum of Understanding upang lalong mapaunlad at maisulong ang pagtutulungan ng dalawang Pamantasan sa mga pangakademikong gawain.

VPER

15 CalabarzonOS, nagbuklod sa Pamantasang Enverga Kyle Joshua Cadavez

S

a kauna-unahang pagkakataon ay ginanap ang ikawalong Formation and Awarding of the Search for the Ten Outstanding Students of the Philippines (TOSP) Calabarzon sa Manuel S. Enverga University Foundation (MSEUF) at sa probinsya ng Quezon, Agosto 16-21.

Labinlimang mag-aaral mula sa iba't ibang dako ng Rehiyon IV-A ang nagbuklod para sa regional formation at search ng Calabarzon Outstanding Students (CalabarzonOS) sa Unibersidad. Maliban sa pambato ng MSEUF na si Patricia Adora Alcala, ang 14 pang CalabarzonOS ay sina John Carlo Borja (University of Rizal SystemBinangonan), Ckiana Oprah Calaycay (Sacred Heart College), Alyssa De Torres (Batangas State UniversityMain), Erlyn Joyce Gamil at Glenn Christopher Lambino (Lyceum of the Philippines University-Laguna), Frances Ann Marie Gumapac at Enrico Marco Vergara (De La Salle Lipa), Darla Mae Hasan at Darren Zamudio (University of the PhilippinesLos Baños), John Emmanuel Magtibay at Kristel Jade Miranda (First Asia Institute of Technology

and Humanities), Georjhia Czarinah Malaluan at Steven Torralba (Lyceum of the Philippines University-Batangas) at Ramon Santiago (University of Rizal System-Angono). Sumailalim ang mga napiling finalists sa tatlong araw na formation at screening na naglalayong talakayin ang kanilang mga adbokasiya at ipakilala ang kanilang mga sarili bilang isang student leader. "MSEUF was really accomodating. Sobrang grabe 'yung nakita kong support ng Enverga University. From the dormitory to the guards. I've been hearing about the University since 1st year college, so it's really good to see it in person. Nakita ko 'yung support nila sa students at kung paano sila sumuporta sa ganitong causes. Good job," pagpuri ni John Carlo Borja, isang finalist mula sa University of Rizal System-Binangonan.

BALI-IKLI 13 bagong arkitekto, sinalubong ng College of Architecture at Fine Arts

I

Karen Yvonne Daleon

pinakilala at sinalubong ng College of Architecture and Fine Arts (CAFA) ang mga bagong lisensyadong arkitektong kumuha ng pagsusulit na ibinigay ng Professional Regulation Commission (PRC) at Professional Regulatory Board of Architecture, Hunyo 28 at 30.

Ang 13 arkitektong nagpamalas ng galing sa pagsusulit ay sina Markmar Ancheta, John Feliciano Argales, Shanamarie Erica Cooper, Kriscelle Cristobal, Michael De Villa, Erwin B. Dudas, Dan Vincent IV Diamante, Warren Christopher Empleo, Charmaine Esguerra,

Louise Reinalyn Hidalgo, Ian Dexter Ilao, Bryan Magubat, at Monaliza Sevilla. May kabuuang 1, 778 sa 3,177 nagsipagtapos sa programa sa buong bansa ang nakapasa. Nagtala ang MSEUF ng 52% passing percentage sa pagsusulit.

Nasaksihan ng mga CalabarzonOS ang Wreath Laying Ceremony para kay Manuel L. Quezon noong Araw ng Quezon, Agosto 19. Nagkaroon din sila ng pagkakataong makisaya sa Niyogyugan Festival at makapasyal sa ilang mga museo at tourist spots ng lalawigan. "Not all provinces have that culture or festival, 'di ba? Amazed na amazed ako sa Niyogyugan Festival. Sobrang gastos, ngunit magandang maisulong ang kultura ng lalawigan. Sobrang technology-driven na tayo ngayon, ngunit mahalaga ring gastusan ang ganitong proyekto, wow," muling ibinahagi ni Borja. Ang TOSP ay taunang paghahanap at pagbibigay-gawad sa sampung natatanging mag-aaral sa buong bansa na nangunguna sa akademiks at leadership na may social responsibility.

Naranasan ng 15 pinakamahuhusay na mag-aaral mula sa iba't ibang panig ng Rehiyon IV-A ang mainit na pagtanggap ng Pamantasang Enverga sa kanilang pananatili sa Unibersidad.

EU, lumikha ng mga bagong inhinyero; 29 mechanical, 25 electrical engineers Franchette Subaan

N

agtala ang Pamantasan ng 75% first takers' passing percentage sa nakalipas na Mechanical Engineer Board Exam at 68.97% first takers' passing percentage naman sa Electrical Engineer Board Exam.

Dalawampu sa 32 first takers na kumuha ng nasabing pagsusulit noong Agosto 25-26 ang ganap at lisensyado nang mechanical engineers at ang iba pang siyam ay nakamit ang pagkainhinyero sa pangalawang subok. Samantala, 20 sa 29 first takers na kumuha ng pagsusulit sa pagiging REE

noong Setyembre 1-2 ang nakapasa, at dalawa pang umulit. Samantala, tatlong ETEEAP graduates naman ang nakapasa sa Special Professional Licensure Examination for Electrical Engineers na isinagawa ng PRC noong Agosto 24-25 sa Abu Dhabi, UAE; Al Khobar, Jeddah at Riyadh, KSA.

Patricia Adora Alcala

Tatlong alumni, Enverga Forever Global Awardees’ sa graduation rites

K

Carmelo Eduardo Mesa

inilala sina Dominador C. Alegre Jr., Dr. Benedicto C. Baronia at si Ysmael V. Baysa bilang ‘Enverga Forever Global Awardees’ para sa taong 2018.

Ang pagkilala ay iginagawad sa mga nagsipagtapos na magaaral sa Pamantasang Enverga at nagkaroon ng malaking ambag sa loob ng bansang Pilipinas o maging sa ibang panig ng daigdig Si Alegre ay nagtapos ng kursong AB Masscom noong taong 1986 at kasalukuyang guro ng English at Arts sa Yokosuka City, Japan Samantala, si Baronia naman ay nagtapos ng elementarya noong 1970 at

hayskul noong 1974. Isa na siya ngayong neurosurgeon at researcher sa Texas Tech University sa Estados Unidos at nakaimbento ng gadget para sa neurosurgery. Si Baysa naman ay nagtapos ng BS Business Administration major in Accounting noong 1976 at kasalukuyang Chief Financial Officer ng Jollibee Foods Corporation. Kinikilala siyang mahusay na CFO sa buong Asya.


Luzonian

BALITA

The

Hulyo - Agosto 2018

5

Implementasyon ng online enrollment, sinimulan Marinella Francia

S

inimulan na ngayong taon ang online enrollment kung saan ang mga bagong mag-aaral sa kolehiyo, kabilang ang mga freshmen at transferees, ang unang nakagamit ng bagong sistema.

John Andrew Jeremiah Pacalda

Naninibago pa ang ilang enrollees kung paano gagamitin ang online enrollment system ngunit hatid naman nito ang mas pinabilis na proseso ng pagpapatala at ilang transaksyon, nasa loob man o sa labas ng Pamantasan ang mag-aaral.

Hindi gaya ng naunang sistema ng enrollment kung saan may ipinipasa lamang na 'filled out form' ang mga mag-aaral sa Office of Student Affairs, sa pagkakataong ito, ang mga magaaral mismo ang nagtala ng kanilang mga datos na kinakailangan sa online enrollment at sa iba pang transaksyon sa Pamantasan. Kung dati, ang proseso ng enrollment ay manu-manong paglilista ng mga kurso, ngayon, ipapasok lamang ang student number sa computer at makikita na ang magiging schedule at ang babayaran para sa buong unang semestre. Ayon kay Dr. Jose Tan Jr., direktor ng Information and Communications Technology Department at siya ring data privacy officer, mas napabilis ng online enrollment ang proseso at nadoble ang bilang ng mga mag-aaral na nakapagpatala noong unang araw ng enrollment ngayong taon. “Mas napabilis ang enrollment nitong taon dahil sa online encoding ng mga estudyante. Sila na rin ang nagencode ng kanilang mga schedule at tinitingnan lang ng admin kung tama ang kanilang inilagay," pahayag ni Dr. Tan.

Aniya, kahit pa nagkaaberya noong unang araw ng enrollment, maaga itong naayos at nalampasan pa rin ang bilang ng enrollees noong nakaraang taon, kung saan nakapagtala ngayon ng 700 mag-aaral sa unang buong araw ng enrollment kumpara sa 300 lamang noon. Idinagdag din ng Direktor na maaaring makapagbayad ang mga magaaral ng matrikula kahit na wala sila sa loob ng Pamantasan sa sangay ng Union Bank sa Lungsod ng Lucena. “Sa ngayon, mayroon na tayong online enrollment na kung saan maaari ng magbayad ang mga mag-aaral kahit nasa labas pa ng Pamantasan." "May dalawang pamamaraan ng pagbabayad sa Union Bank. Una, 'over the counter,' para sa mga walang back account at pangalawa, online," paliwanag ni Dr. Tan. Inaasahang sa susunod na semestre ay magagamit na ng lahat ng mga mag-aaral ng Pamantasan ang bagong sistema upang higit na mapahusay at mapabilis ang enrollment. Kaugnay nito, nagtalaga ang Pamantasan ng bagong Admission Officer, si Gng. Joana Panganiban.

Bagong aral, bitbit ng mga Envergista mula Malaysia Ada Loreen De Castro

B

itbit ang mga bagong aral at kaalaman, nakabalik na sa Pilipinas ang 13 Envergistang ipinadala sa Universiti Tunku Abdul Rahman (UTAR) sa Malaysia para sa kanilang Cultural Learning and Exploration Trip, Hulyo 22-29. Namalagi ang 13 mag-aaral sa Naranasan nila ang kultura naming mga bagong kaibigan UTAR ng walong araw. Sila ay sina ng mga mamamayan, tulad ng sa Malaysia," pagsasalaysay ni Melvin Alas-as at Nicole Gargantos pagkain, nabisita ang mga pook Villapando. mula sa College of Engineering, pangkasaysayan, at namasid ang "Palakaibigan sila tulad natin Holden Andrew Villapando, mula sa pamamaraan ng edukasyon. at nakapalitan namin sila ng mga College of International Hospitality Nagbahagi ng kanyang kaisipan ukol sa pagbabago at & Tourism Management, Ada karanasan si Holden Andrew mabuting pagkamamamayan," Loreen De Castro, mula sa College Villapando na kabilang sa mga idinagdag pa niya. of Computing & Multimedia ipinadalang mag-aaral sa nasabing Gayundin, iba't ibang lahi ang Studies, at sina Hazel Clave, Kristine programa. nakasalamuha ng mga Envergista Claudette Inciong, Kharla Reign "Makahulugan ang aming doon gaya ng mga mag-aaral na Reyes, Margarita Ann Constantino, mga karanasan. Maraming Intsik, Indian, Malay, at Hapon. Dan Adrian Camaligan, Precious 'first' ang nagawa namin doon. Ito ang ika-anim taong Shanel Menez, Kaye Marie Cueto, Natikman namin ang Malaysian nagpadala ang Pamantasan ng Justine Joyce Gabia at Maegan cuisine, pinatuloy kami sa kanilang mga mag-aaral sa UTAR na binuo Mendoza naman mula sa College dormitoryo at hindi namin ng mga kinatawan mula sa iba't of Business & Accountancy. malilimutan ang mga nakilala ibang kolehiyo.

Dumalo ang 13 Envergista at ang kanilang dalawang tagapayo sa isang seminar na inihanda ng pamunuan ng Universiti Tunku Abdul Rahman bilang bahagi ng Cultural Learning and Exploration Trip ng mga ipinadalang magaaral doon.

Margarita Ann Constantino

Bagong gusali ng CAFA, magagamit na

Kimberly Mae Argosino

S

a loob ng halos isang taong paggawa ay nalalapit na ang pagbubukas ng bagong gusali ng College of Architecture and Fine Arts (CAFA). Inaasahan na bago magsimula ang pangalawang semestre ngayong taong panuruan ay magagamit na ito.

Kaunting tiis na lamang at malapit nang mapakinabangan ang bagong gusali ng CAFA na magsisilbing bagong ikalawang tahanan ng mga susunod na mga Envergistang arkitekto at mga sinasanay na visual artists.

Sinimulang itayo ang P19.5Mgusali noong Oktubre 2 nang nakaraang taon. Nagtataglay ito ng mga pasilidad na angkop sa pangakademikong pangangailangan ng mga estudyante: sapat na bilang ng mga silid na kumpleto sa mga makabagong instrumento ng pagtuturo at mga laboratoryong idinesenyo upang mahasa ang kakayahang teknikal ng mga nagsasanay sa arkitektura at pinong sining. "Malaki at malawak ang espasyo ng bagong gusali, may exhibit areas at mga nakalaang lugar upang higit na mabigyang laya ang creativity ng ating mga mag-aaral," wika ni Ar. Jennifer Sanchez, dekana ng CAFA.

Simon Romuel Uy

Sa lumang gusali ay kahati ng CAFA ang College of Computing & Multimedia Studies (CCMS). Kahalintulad din ang pisikal na disenyo ng gusali ng iba pang istrukturang nakatayo na sa kampus tulad ng ladrilyo at paggamit ng bricks sa dingding. Upang masiguro ang kaligtasan ng bawat mag-aaral, ang pundasyon ng gusali ay may 700 PSI na hollow blocks na madalas gamitin sa konstruksyon ng mga malalaking proyekto, pantahanan man o komersyal. Ang mga kagamitan at materyales sa pagbuo ng gusali ay mula sa Jack Built. Ayon kay Engr. Ramelito Calupig ng General Services

Department, isa sa mga dahilan kung bakit pinagbigyan ang CAFA na magkaroon ng sariling gusali ay upang makaakit pa ng mas maraming mag-aaral. Ang MSEUF ang nag-iisang pamantasang may programa sa arkitektura sa Lalawigan ng Quezon. Si Ar. Raul M. Villanueva, alumnus ng CAFA, ang nagdisenyo ng gusali habang si Engr. Rafael Peter Villadiego, alumnus din ng Pamantasan, ang structural engineer. Sina Engrs. Isidro Morales at Lourdes Quevada ang electrical at sanitary engineers ng proyekto. Samantala, si Engr. Lourdito Abelar naman ang namahala sa konstruksyon.

CCMS, 'Acer Academy' na rin Marinella Francia

ng 'Acer Academy' ang College of Computing & Multimedia Studies (CCMS) na epektibo ngayong taong Ganap panuruan. Ayon kay G. Rodrigo Belleza Jr., dekano ng nasabing kolehiyo, ang pagiging 'Acer Academy' ng CCMS ay isang katiyakan na sunod sa mga pinakabagong uso ang ating pamantasan. Aniya, bahagi ito ng kanilang responsibilidad. "Bilang bahagi ng aming pangako na magbigay ng de-kalidad na edukasyon sa IT, responsibilidad naming tiyaking nasa track kami ng mga pinakabagong trend na kailangan sa mga industriya. Ang isang paraan upang gawin ito ay upang palakasin ang aming mga ugnayan sa mga kompanyang gaya ng Acer," paliwanag ni G. Belleza.

Ayon pa kay G. Raymond Bermudez Propesor ng CCMS, bukod sa pagiging Acer Academy nito lamang nakaraang Mayo, tinagurian din ang MSEUF bilang Platinum Member ng Acer. Bilang Platinum member ng Acer, magbibigay sila ng 30,000 piso para sa mga pang-akademikong gawain sa paaralan, internship sa mga magaaral, pagsasanay para sa mga makakapasang aplikante, at isang Information Kiosk sa mga kampus ng Acer Academy na may libreng Acer Veriton All-in-one sa mga PC. “Ang pagiging Acer Academy [ng CCMS] ay isang karagdagan sa

kasalukuyang apat na kompanyang katuwang ng CCMS tulad ng Cisco Networking Academy, SAP Business One Academy, Microsoft Academy at Oracle Academy. Pangunahing kaakibat nito ay ang pag-aambag sa pag-unlad at tagubilin sa kurikulum," pahayag ni G. Bermudez. Nagkaroon na rin ng 41 bagong 'Acer' computer units ang kolehiyo na nakalagak ngayon sa CL-01 bilang patunay na 'Acer Academy' na ito. Prayoridad umano ng mga bagong computer units ang paggamit ng mga high-end intensive software para sa computing tulad ng graphics at multimedia.

Jorge Resurreccion

Nagbabahagi ng kanyang kaalaman si G. Rodrigo Belleza Jr. , dekano ng CCMS, sa 'Training on Predictive Analytics' na idinaos sa CL-01, kung saan nakalagak ang mga bagong Acer computers.


6

Luzonian The

OPINYON

Paubos na sila

T

PANGULONG TUDLING

ila isang pagpilay sa mga accredited fraternities at sororities ang ipinatutupad na freshman recruitment ban sa Pamantasang Enverga lalo pa at sumailalim at apektado ito sa implementasyon ng Senior High School Program. Dahilan sa kawalan ng freshman enrollees, nahirapan ang bawat kapatiran at samahan sa pagpapasali ng mga mag-aaral bilang mga bagong kasapi ng kani-kanilang mga organisasyon.

Sa kasalakuyan, mayroon nang freshmen students sa Pamantasan na kumakatawan sa unang batch ng mga nagsipagtapos sa programang SHS ngunit pinagbabawalan pa rin ng Office of Student Organizations ang pag-aanyaya sa kanila ngayong semestre. Sa halip, pagbibigyan ang mga kapatiran sa pagaaanyaya ng mga bagong kasapi sa darating na ikalawang semestre subalit nabanggit din na pagsapit ng panibagong taong panuruan ay hindi na naman ito mapagbibigyan. Ibinaba rin ang bilang ng minimum na bilang ng mga kasapi mula 15 sa 10 dahil sa nabanggit na dahilan. Ito ang ilan sa mga mga napagkasunduan nang magkaroon ng pagpupulong ang mga opisyal ng mga organisasyon kasama ang dati noong tagapag-ugnay ng OSO nito lamang buwan ng Hunyo. Ngunit bakit tila hindi kongkreto ang mga patakaran ukol sa panghihikayat sa mga mag-aaral na maging mga bagong kaanib ng mga organisasyon? Bakit hanggang sa ngayon ay patuloy na ipinagkakait sa mga organisasyong ito ang magkaroon ng mga bagong miyembro mula sa unang taon? Bilang patunay, nakuwestiyon ang mga organisasyong mayroong mas mababa sa 15 ang kasapi sa katatapos lamang na accreditation ng mga samahan. Panahon na upang pahintulutan ng Office of Student Affairs ang mga samahan at mga kapatiran na manghikayat at magkaroon ng mga kasapi mula sa unang taon. Una, patuloy na bumababa ang bilang ng mga samahang ginawaran ng pagkilala ng OSA. Bilang patunay, mula sa bilang na 27 at 23 mga accredited organizations noong 2017 at 2016, bumaba na ito sa 16 ngayong 2018. Hindi rito kabilang ang mga probationary recognized organizations. Kung ito ay magpapatuloy, darating tayong lahat sa puntong mawawalan na ng mga samahang mag-aaral sa ating Pamantasan na malaki ang naiaambag para sa pag-unlad nito at sa pagsusulong sa kapakanan ng mga magaaral. Tanging ang mga mag-aaral na freshmen lamang ang pinakaangkop na hikayatin sa mga accredited fraternities at sororities dahil bukod sa sila ang magsasalba at magpapatuloy sa mga samahang halos lahat ng miyembro ay magsisipagtapos na sa kolehiyo, mas mahahasa rin ang kanilang iba’t ibang kakayahan dahil mabibigyan sila ng mas mahabang panahon ng pagsasanay sa pamamagitan ng iba’t ibang programang ipinatutupad sa Pamantasan. Bilang mga mag-aaral sa unang taon, ang mga accredited organizations ang

Opisyal na Pahayagan ng mga Kolehiyong Mag-aaral ng Manuel S. Enverga University Foundation, Lungsod ng Lucena

Tunay ang tamang panahon

IVAN CHRIS MABILANGAN Tagapamahalang Patnugot KYLE JOSHUA CADAVEZ Patnugot sa Dibuho ADA LOREEN DE CASTRO Tagapamahala sa Kalakalan

ARIANA JULIA TADIOSA Patnugot sa Lathalain at Panitikan

YSABELLA ABRIANA ARANAS MARINELLA FRANCIA FRANCHETTE SUBAAN ANJIELYN MAE JALLA Mga Baguhang Manunulat

ROSARIO RAGO, ED.D. Kasangguni

John Rover Sinag

...hindi ko maaaring iwan na lamang ang isa sa mga bagay na labis ang aking pagpapahalaga...

SOPHIA MARGARETTE CAAGBAY Katuwang na Patnugot

JAYSON JAVIER ADRIAN CARLO VILLANERA HAMFREY SANIEL NIŃO JOEVIL ESTINOR JARA MAIAH VILLARUEL MILL ANGELO PRADO Mga Kartunista at Litratista

EXCOGIGATORIS

'18-'19

JOHN ROVER SINAG Punong Patnugot

JHON ANGELO VIRTUCIO Patnugot sa Balita at Isports

Panahon na upang pahintulutan ng Office of Student Affairs ang mga samahan at mga kapatiran na magkaroon ng mga kasapi mula sa unang taon...

magsisilbing katuwang nila sa kanilang pagaaral at tutulong sa kanila sa kanilang mga gawaing akademiko at sa pagsasagawa ng mga gawaing makalilinang sa kanilang pagkatao. Mainam lamang na iparamdam sa kanila na sa unang taon pa lamang nila sa kolehiyo ay tanggap na sila ng iba’t ibang organisasyon gayong nasa sapat na gulang na rin naman sila matapos ang dalawang taong inilaan sa SHS. Hindi lamang ang mga organisayon at mga kapatiran ang pinagdaramutan na magkaroon ng mga bagong kasapi. Pinagkakaitan din ang mga freshmen na magkaroon ng mga bagong katuwang na magsisilbing gabay nila sa pananatili sa Pamantasan upang malinang pa lalo ang kanilang mga kakayahan. Ang isa pang nakapagtataka ay kung bakit hindi pinahihintulutan ang mga accredited fraternities at sororities na magkaroon ng kasaping freshmen subalit ang mga organisasyong institusyunal tulad ng Banyuhay Dance Troupe, Chamberwinds, MSEUF Concert Singers, at The Luzonian ay pinapayagan. Ang mga academic organizations din ay pinapayagang mangalap ng kasapi mula sa freshmen. Hindi ito makatarungan para sa mga accredited organizations gayong iisa naman ang hangarin ng lahat: ang mapayabong ang kakayahan ng mga mag-aaral. Ang patnugutan ng The Luzonian ay walang nakikitang mali sa pagkakaroon ng mga freshmen bilang mga bagong kasapi sa mga accredited fraternities at sororities sa ating Pamantasan. Napakalinaw na kapag pinagbawalan ang mga organisasyong patuloy na manatili sa kampus ay para na ring pinigil ang pagyabong ng sining, ng kultura, ng pamumuno at ng pagbuo ng kakayahang mag-isip, makipagtalastasan at iba pa. Mahihirapan ang mga itong maging matatag kahit na nais lang nilang ipagpatuloy ang kanilang nasimulang legasiya at maibahagi sa mga freshmen ang iba’t ibang paniniwala at mga aral na maaaring makaambag sa paglinang ng kanilang pagkatao. Kaya naman buong galang naming pinakiuusapan ang kinauukulan na pahintulutan na ang lahat ng accredited fraternities at sororities na mag-anyaya ng mga freshmen upang patuloy na mapayabong at malinang ang iba't ibang kakayahan ng mga mag-aaral sa buong Pamantasan.

The Luzonian PATNUGUTAN

Tomo LXX | Bilang 1

MC KINLY REVILLA JOHN ANDREW JEREMIAH PACALDA KIMBERLY MAE ARGOSINO KAREN YVONNE DALEON CARMELO EDUARDO MESA DANIEL DAVID TAN ANDREI CHRISTIAN CUARIO Mga Manunulat

RONALD SARDONA SIMON ROMUEL UY MICHAEL JOSHUA SAUL Mga Baguhang Kartunista at Litratista

RAYMOND BERMUDEZ DEXTER VILLAMIN Mga Tagapayong Teknikal

taon na rin ang nakalilipas nang magtangka akong maging punong patnugot ng The Luzonian ngunit hindi ko Isang nagawang makakuha ng pinakamataas na iskor sa aming ginanap na pagsusulit. Mula noon, sinabi ko sa aking sarili na hindi na ako muling magtatangka dahil naniwala akong hindi ito para sa akin kaya naisip kong mag-pokus na lamang sa mga akademikong gawain. Subalit iba ang ihip ng tadhana. Tila ba ipinamukha nito sa akin na mali ako. Mali na napagtanto ko noon na ang pagiging punong patnugot ng 'The L' ay hindi para sa akin. Kung ako lang ang tatanungin, malaki ang naiambag ko noong nakaraang taon upang muling bumangon ang The L mula sa hukay ng paglimot. Malaki ang aking naiambag para sa resureksyon nito at saksi ang apat na sulok ng aming opisina sa lahat ng aking pagsisikap at pagbubuhos ng panahon para sa pagbangon ng The L. Mula sa simpleng pagsunod sa mga nakaatang na gawain sa akin, sa pag-aasikaso ng napakaraming kinakailangang mga dokumento sa paglilimbag at maging sa mga timpalak na aming sinalihan, sa mga naiambag kong kakayahan at husay sa aming mga layunin, sa pagbibigay ng karangalan sa Pamantasan mula

sa mga patimpalak kung saan ako nagwagi, at sa loob ng isang taon ng pagiging patnugot sa dibuho at disenyo ng pahina, alam kong higit na kailangan ako ng publikasyon. Nariyan ang aking pakiramdam na hindi ko maaaring iwan na lamang ang isa sa mga bagay na labis kong pinag-ukulan ng pagpapahalaga, ang campus journalism. Kaya naman kinain ko ang lahat ng aking sinabi noong nakaraang taon at nagtangkang muling sungkitin ang pinakamataas na posisyon sa aming publikasyon, ang pagiging punong patnugot. Para paikliin, ako na nga ang tinanghal na punong patnugot mula sa pitong sumubok kamtin ang nasabing posisyon. Labis ang aking pasasalamat sa Poong Maykapal dahil sa biyayang ito kung saan ibinigay niya sa akin ang isang panibagong pamilya, ang 'The Luzonian Family.' Labis akong nagagalak dahil ako ang napagbigyang pamunuan at gabayan ang bagong patnugutan ng 'The L' na binubuo ng mahuhusay na mga manunulat

at artist. Isang pamilyang mabilis na napamahal sa aking puso at isipan at isang samahang hindi mahirap gabayan. Sa loob ng dalawang taong pagiging bahagi ng aming publikasyon, sinusiguro kong sa ikatlong taon ng aming muling pagbangon higit pang ‘commitment’ at husay mula sa pagsusulit, teambuilding, at maging sa pagsusulat ng mga artikulo sa pagbubuo at pagpapalimbag ng pahayagang ito ang ipamamalas namin. Maaaring hiniling ko noon na maging punong patnugot ngunit hindi Niya muna ito ibinigay dahil isang mas maayos, mas masaya, at mas mahusay na samahan at pamilya ang ipinagkaloob Niya sa akin. Isa itong patunay na may tamang panahon para sa lahat ng bagay. Maaaring hindi Niya ibigay ang mga bagay na ninanais natin ngunit kapag ito ay para sa atin talaga, mapasasakamay natin ito kahit ano man ang mangyari sa pinakaangkop at pinakatamang panahon.


Luzonian

Hulyo - Agosto 2018

Tagu-taguan

OPINYON

The

Jayson Javier

7

Natagalang tagumpay ng mga babaeng manggagawa PANANAW

M

John Andrew Jeremiah Pacalda

alaking bahagi ng ating ekonomiya ang ginagampanan ng pantaong kapital, sapagkat kung wala ito, walang magagawang produkto o serbisyo ang mga malalaki at maliliit na negosyo upang maibigay ang pangangailangan ng tao, gayundin ng mapagkukunan ng hanapbuhay ng ating mga mamamayan.

Nasaan na?

Sa ating makabagong panahon, hindi lamang ang ating mga kalalakihan ang nagtatrabaho, pati na rin ang ating mga kababaihan. Dahil na rin sa hirap ng buhay kaya napipilitan ang parehong magulang na maglaan ng panahon upang maragdagan ang pinagkukunan ng kanilang kabuhayan. Nararapat lamang nating pangalagaan ang kalusugan ng ating mga manggagawang babae at lalaki, ngunit tila hindi ito napapansin ng ating mga mambabatas. Sa tinagal-tagal ng panahong nakalipas, bakit ngayon lang? Makalipas ang isang taon at 11 buwan, naipasa na sa Kamara ang HB No. 4113, o ang "An Act Increasing the Maternity Leave Period to One Hundred Days for Female Workers in the Government Service and in the Private Sector, and Granting an Option to Extend for an Additional Thirty Days Without Pay." Tanging ang Pilipinas lamang ang may pinakamaikling maternity leave benefits na tumatagal lamang ng 60 araw, kumpara sa Malaysia at Mongolia na nagkakaloob ng 119 araw. Nagpapakita lamang ito kung paano iwinawalang-bahala ng ating gobyerno ang kalusugan ng ating mga manggagawang babae. Halos limampung bahagdan (49.3%) sa mga manggagawa sa Pilipinas ay babae, at karamihan sa kanila ay nasa larangan ng pagtuturo. Nakalulungkot isipin na sa tuwing magdadalang-tao sila at manganganak ay mayroon lamang silang 60 araw upang mapanumbalik ang kanilang lakas at maisaayos ang kalagayan ng kanilang sanggol, malayo sa international labor standard na 98 araw. Madalas ang nagiging resulta nito ay ang pagliban sa klase ng ating mga guro dahil sa kalusugan ng kanilang mga anak. Naaapektuhan din ang kalidad ng edukasyon na natatanggap ng kanilang mga mag-aaral. Magkaiba rin ang bersyon

Jayson Javier

ng Kamara sa Senado ukol sa panukalang bakas na ito, dahil ayon sa Senate Bill No. 1305, ang ating mga manggagawang babae ay bibigyan ng 120 araw at madaragdagan din ang paternity leave, na mula pito ay gagawing 30 araw. Magkaiba siguro ito dahil kailangang masiguro na maibibigay ng Social Security System ang nararapat na benepisyo ng mga manggagawang nasa pribadong sektor. Pag-uusapan naman ito ng bicameral committee, na binubuo ng mga kinatawan mula sa Kamara at sa Senado, upang magkaroon ng pinagsamang bersyon ang panukalang batas na ito para mapapirmahan na rin kay Pangulong Rodrigo Duterte. Naniniwala ako na upang magkaroon ng pagkakasundo sa pagitan ng gobyerno at ng mga taong nasasakupan nito, kailangan nating pakinggan ang panig ng bawat isa. Maaaring may pangangailangan ang tao na sa tingin nila ay kailangan ng sambayanan, pero kailangan rin nating pakinggan ang gobyerno tungkol sa mga bagay na ito, lalo na kung maaari talagang maisakatuparan ang kanilang mga hinaing, lalo na sa isyu ng maternal health. Naniniwala rin ako na dapat nakasentro ang ating gobyerno sa pangangailangan ng kanyang mga nasasakupan at hindi magbibigay ng panukala na hindi naman makalulutas sa mga pangunahing suliranin ng ating bayan (ang mamatay nang walang nagtatanong). Napakinggan na ang isa sa mga hinaing ng madla, ang karagdagang proteksyon at pag-aalaga sa ating manggagawang babae, ngunit kung ako ang tatanungin ay kulang ito. Dapat ding maipatupad ang 30day paternity leave para sa mga kalalakihan, upang matugunan nila ang pangangailangan ng kanilang maybahay at anak. Sa panahon ng nuclear families, walang maaasahan ang mag-asawa kundi silang dalawa.

PAGSISIYASAT Ysabelle Aranas

KAHILYAWAN Sophia Margarette Caagbay

N

agkaroon ng pagsisiyat ang The Luzonian sa mga Envergista ukol sa SONA ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Kinapanayam namin ang 55 mag-aaral at narito ang aming mga tinanong at bilang ng kanilang mga sagot. “Ilan sa inyo ang nakapanood ng SONA ng Pangulo noong Hulyo 23?”

Maaaring isipin din na gustong magpabibo ng mga guro sa kanilang itinuro sa tanghalan ng social media...

11 Nakapanood

Mas maraming likes, mas pasa: Sad reacts

F

44

ollow. Share. Like. Love. Haha. Wow. Sad. ANGRY. Tila isang kapalarang nakatadhana sa roleta ang grado nating mga mag-aaral tuwing ginagamit ang dami ng reaksyon, shares at follow sa social media bilang batayan ng marka. Hindi ko nga rin ba mawari kung bakit dito ito nasusukat. May hustisya ba ang batayang ito? Isang malaking katanungan kung ano nga ba ang mga isinasaalang-alang na batayan ng grado o marka sa klase.

Sukatan ba ang pagsang-ayon ng mga estrangherong netizens sa mga numerong nararapat igrado o imarka sa isang mag-aaral? Nakapagtataka dahil wala namang kinalaman ang mga netizens sa paksa ng proyekto kung hindi magbigay ng reaksyon na hindi rin malinaw ang batayan. Nakapaloob dito’y ang damdamin ng mga mag-aaral; kahandaang magbahagi ng mga personal na bagay sa pampublikong entablado ng teknolohiya katulad ng Facebook, Twitter, Instagram, atbp. Nakalulungkot isiping napipilitan ang mga mag-aaral na hindi nakahanda para rito na gawin ito alang-alang sa grado. Sa puntong ito, mapapatanong ka na lang “Diyos ba ang grado?” Hindi rin naman kasi malinaw kung bakit nga ba ipinagagawa ito ng mga instruktor at propesor sa mga mag-aaral nila. Sa gawaing ito, maaaring magdulot ng mga isiping:

tinatamad ba silang magbigay ng grado? Nagpapabaya ba sila? Lumalamang? O nakikiuso sa ibang tao na nagpapagawa nito? Maaaring isipin din na gustong magpabibo ng mga guro sa kanilang itinuro sa tanghalan ng social media. Nakalulungkot na ito ang umuukit sa isip ng mga mag-aaral tuwing ganito ang ipinagagawa sa kanila ng kanilang mga guro; lalung-lalo na’t nagiging alipin ng mga grado ang mga estudyanteng ito at maaring ma-victimblame kapag narinig sa kanila ang mga katanungan gayong hindi malinaw ang lahat sa kanila. Gayunpaman, umaasa tayong mababago ito lalo na kapag wala namang malinaw na batayan at dahilan kung bakit ipinagagawa dahil nauuwi lamang sa mga maling kuru-kuro. Sana ay magkaroon ng mas mga makabuluhang proyekto at dahilan ang mga out-of-the-classroom context

learning hindi gamit ang social media lamang sa pagtaya ng grado o marka. Marami namang iba’t ibang paraan upang maipamalas ang angking husay at galing ng mga estudyante na hindi makasasagasa sa kanilang 'morale' lalo na iyong may mga isyung sikolohikal, mga may sugat na dinadala na minsa’y nakaangkla rin sa mga proyektong ipino-post sa social media. Sa kabilang banda, kung ito’y magpapatuloy, sana ay mas maging malinaw sa mga mag-aaral ang dahilan ng pagpapasagawa nito at higit sa lahat ay maging sensitibo rin sa damdamin ng mga estudyanteng hindi handa na magbahagi ng kanilang sarili mula sa punto ng sikolohikal na aspeto. Dahil sabi nga nila, “Lahat ng bagay ay may dahilan” ngunit sana ay mas maging malinaw ang sagot sa tanong na “Bakit?” Ang aral: huwag magbigay ng asignatura o gawaing di maiidepensa sa Plaza Miranda.

Hindi nakapanood

“Para sa mga nakapanood, kayo ba ay nasiyahan o hindi?”

2

Hindi sigurado

0

Nasiyahan

9

Hindi nasiyahan Batay sa isinagawang pagsisiyasat, tila walang pakialam ang mga Envergista sa mga kaganapan sa bansa. Patunay ang kakaunting bilang ng mga nanood ng SONA ng Pangulo. Maaari ring isipin na hindi suportado ng mga Envergista si Pangulong Duterte kaya hindi nila ito pinanood o kaya naman ay hindi sila nasiyahan sa pinagsasasabi nito.


8

Luzonian The

OPINYON

Sa pelikulang Pilipino, mahina ang panlasa ni Juan

T

PAGSUSURI

Sophia Margarette Caaagbay

aun-taon ay idinaraos ang malalaking festival ng mga mainstream na pelikulang Pilipino sa Kamaynilaan, tulad ng Star Cinema, Viva Films, atbp. Walang banyagang pelikulang ipinalalabas sa mga sinehan. Kaalinsabay nito ang Pista ng Pelikulang Pilipino (PPP) sa pangunguna ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival. Ang layunin ng PPP ay itaas nakararaming Pinoy; sa makatuwid, at suportahan ang pagyabong at mas kakaunting pagkilala. Sa kabila ng pagpapahalaga sa industriya ng mga kakaiba at mas may mga kabuluhang lokal na palabas at mas malalim na palabas, hindi ito nakikilala ng masa. pagkilala sa talino ng mga gumagawa Nakapanghihinayang ang mga ng pelikulang Pilipino. Kapansin- palabas na nagpapakita ng mga pansin na marami ring tumatangkilik reyalistikong pangyayari na nakikita sa mga produksyon ng PPP. Kilala rito sa lipunan na madalas ay hindi ang love team nila Bella Padilla at JC ipinakikita ng Star Magic at Viva Santos sa mga palabas nilang '100 Films na halos escapist fare ang Tula para kay Stella' at 'The Day After ipinalalabas. Valentine’s.' Bukod pa rito, mas may malaking Kapuna-puna rin na tinatangkilik puhunan ang mga malalaking ito ng henerasyon ng, mga kabataan kumpanya kaya't natutugunan nila ngayon lalo na kapag ang paksa ang paglikha ng mas magagandang ay tungkol sa pag-ibig at relasyon. visual effects at sinematograpiya. Masasabing 'fresh' ang mga ideyang Natutugunan din nila ang mas ipinalalabas sa takilya. Gayunpaman, mainam na produksyon dahil sa tila wala pa ring makapapantay malaking puhunang nakalaan. sa produksyong ginagawa ng Dahil dito, mas kapansinmga naglalakihang kumpanya ng pansing tinatangkilik ito ng mga pelikula na nagtata-top grosser sa Pinoy – mga bigating artista at kabila ng mas makabagong ideya at pagkakagawa sa mga pelikula – imahinasyon ng mga sineng indie. kahit minsan ay napakababaw ng Mag-iisip ka tuloy kung bakit ganito mensaheng ipinaabot kumpara ang panlasa ng mga manonood ng sa mga ipinalalabas sa PPP at sa pelikula sa Pilipinas. Cinemalaya. Kung oobserbahan, Sa kabilang banda, ang halos impluwensyado ng ibang bansa Cinemalaya Philippine Independent ang mga palabas ng mainstream Film Festival ay isa ring pagdiriwang local movies, malayung-malayo ng mga malalayang pelikula taun-taon sa adhikain ng mga indie films na tuwing buwan ng Hulyo at Agosto magbukas ng kaisipan at magpakilala sa Cultural Center of the Philippines sa kasarinlang Pinoy. Complex at mga sinehang katulad ng Gayunpaman, maaari ring Greenbelt, Glorietta, atbp. Bukod dito, isipin na kaya ganito ang siste ng sumusuporta rin ang Cinemalaya pagtingkilik sa mga palabas ay dahil Foundation at ang Econolink siguro nasanay na ang mga Pinoy sa Investments, Inc. Nagbibigay sila ng produksyon ng malalaking kompanya puhunan sa sampung piling-piling na madalas namang walang saysay independent filmmakers matapos o kabuluhan, kaya ang pagtanggap ang mahabang pagsasala sa daan- sa mga papausbong pang mga daang nagsumite ng lahok mula pelikula ay hindi na rin matugunan o sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. mabigyang pagkakataon. Ang napipili ay ipinalalabas sa mga Marahil totoong mahina ang sinehan at kasali rin sa patimpalak. panlasa ni Juan sa mga palabas o Ginagawaran ng parangal ang mga pelikula ngayon, ngunit daynamiko palabas pati na ang mga aktor at ang mga tao. Maiiba ang kanilang aktres na gumanap. Nitong taon ay panlasa sa pagtagal ng panahon lalo nasa ika-14 na pagdiriwang na ito. na't itataas ito ng mga pelikulang nagIyon nga lang, limitado ang pista ng iisip at umaarok sa kakanyahan at Cinemalaya sa Maynila. sining ng mga Pilipino. May pag-asa Ito marahil ang dahilan kung bakit pang umunlad ang pelikulang Pilipino. hindi ito masyadong nakikilala ng mas

Nagsagawa ng porum publiko ang The Luzonian at sinadya ang mga magaaral mula sa unang taon upang kunin ang kanilang kasagutan sa tanong na:

Tomo LXX | Bilang 1

orum publiko

P

Simon Romuel Uy at Nińo Joevil Estinor

ORIGAMI Ivan Chris Mabilangan

Tayo'y mga lapis na kulang pa rin sa tasa. Umikot nang paulitulit sa talim ng tadhana...

Sayaw sa papel

H

indi ako makapagsulat. Wala akong maisip. 'Di ako matalino. 'Di ko kayang sumulat. Kapag tinanong kita kung bakit ka sumusulat, ano'ng isasagot mo? Kasi sabi ng prof? Kasi kailangan balang araw? Kasi inspirado? Para saan mo isasayaw ang bolpen sa papel? Paano kung walang musika? Walang ilaw? Handa ka bang sumayaw mag-isa sa dilim?

Sa dami ng nakaka-stress na gawain sa eskwela, mukhang walang puwang ang pagsulat sa masa. Kapag walang assignment, nagbibilyar at nagdodota. Sinasamantala ang katahimikan para magpakasasa. Kaya, kapag dumating ang problema, madalas na babagsak sa pagtakas na nakasanayan na. Ano nga ba ang pagsulat? Nagsisimula ito sa paglapat ng tinta. Nagsisimula ito sa pagpindot ng letra. Isinasalin ang hibla ng isip sa mga simbolong nababasa, upang sa hinaharap, pagalawin ang sarili at ang kapwa. Ekspresyon at katotohanan ang hinahabi ng pluma. Lumilikha ka ng mundo. Humuhubog ka ng tadhana. Animo'y diyos kang kinukulayan ang mga tala. Pwede kang sumulat ng emosyon. Pwede mong hayaan ang tintang maging pagsasatao ng kahapon. Pwede mong kausapin ang hanging

tinatapon, habang hinihipan ang mga pangarap na iyong tinipon. Pwede mong balikan ang mga taong minsan nang bumasag sa iyong puso. Managinip ka nang gising, habang tinitikman ang tamis at pait ng imahinasyon. Pwede kang gumuhit ng lohika. Pag-isipin mo nang mabuti ang papel na puti. Paduguin ang puso ng bolpen mong itim. Paganahin ang utak na tila naghahanap ng ritmo sa bawat ideya. Pakintabin ang mga salitang ang sinasalamin ay bunga ng pag-iisa. Hindi ito obligasyon. Ito ay inspirasyon, pagkakataon upang patunayan kung paano ka hinalikan ng panahon. Madaling maging bayaran sa tabi ng kalye. Madaling ubusin ang nakalalasing na bote. Madaling magpalimos ang puso gamit ang pekeng imahe. Ngunit hindi mananakaw ang pag-ibig sa sarili. Susulitin ito ng panulat kung may pagkakataon.

Huwag mag-alala sa sasabihin ng iba. Tayo'y mga lapis na kulang pa rin sa tasa. Umikot nang paulit-ulit sa talim ng tadhana. Hanapin ang sarili sa pagsasaletra ng ideya. Hindi ka nagiisa. Kami'y dati ring purol na tingga. Magsanay ka lang. Balang araw, magiging tao ka rin. Magiging panginoon ka rin ng mga salita, hindi isinumpang alipin. Magiging tagapaglikha, tagasira, tagabago, taga-angkin. Mababasa mo rin ang gustong hanapin. Ngayon, tatanungin kita: Bakit ka sumusulat? Ako, simple lang. Gusto kong ituloy ang sayaw na aking nasimulan. Kahit tapos na ang tugtog, tuloy lang sa buong magdamag. Ang musika'y katahimikan ng isip. Sasabayan ko ang tibok ng puso. Pagdating ng umaga, sasalubungin ko nang may ngiti sa mata. Sayaw tayo, tara.

Ano ang iyong saloobin ukol sa pagtaas ng matrikula nang 10% ngayong taong panuruan kung saan 807 piso kada yunit ang iyong babayaran kumpara sa naunang batch na hindi sumailalim sa SHS na may 732 piso lamang ang binabayaran sa bawa't yunit?

KALABUKAB

Nakakalungkot lang isipin na itinaas pa ng 10% ang tuition. Hirapan na nga ang mga magulang sa pagtatrabaho mapag-aral lang ang mga anak. Kaya ang resulta din, maraming nakatigil sa pag-aaral. Idagdag pa ang mga estudyanteng pumasok na student assistants para lang mabawasan ang tuition. 'Yung iba, nagtatrabaho na para makapag-aral lamang.

~Rica G.

Ada Loreen De Castro

Honestly, based on my own experience maraming estudyante ang pinangarap na makapag-aral sa Enverga pero dahil sa mahal ng tuition hindi sila nakapagenroll dito. 'Yung iba nakapangutang para lang makapasok. 'Yung iba naman namomroblema kung saan kukuha ng pambayad sa tuition installment. Para sa akin, naging one-sided ang pagdedesisyon sa tuition. Hindi naisip 'yung ibang estudyante na hindi ganoon kayaman o nakaaalwan ang buhay.

Lahat ay may kanya-kanyang ganda, may pisikal na katangian na walang sinuman ang makakagaya...

~Emi P.

Okay lang naman itaas basta quality ang pagtuturo at facilities nang mabigyan ng hustisya ang ibinabayad. Wala na akong masasabi at ang tanging magagawa ko na lang ay sumunod sa pamantayan. Lahat kasi ng presyo ay tumaas.~Niño Okay lang, wala na naman akong magagawa kahit tumaas ang tuition pero sana lang worth it especially sa pagtuturo ng mga profs.

~Donuts

Hindi naman siguro magtataas ng tuition kung walang dahilan. Pero talagang may malaking epekto ito sa gastusin ng mga bagong mag-aaral. Ngunit wala namang magagawa ang mga nagpasyang pumasok sa Pamantasan kundi makiayon at magbayad.

~Domz

Honestly, mapapagastos pa ako ng 10% more per unit ng dapat kong bayaran pero dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kung doon mapupunta ang10% sa sahod ng mga kawani at mga guro ng MSEUF, naiintindihan ko kung bakit tumaas. Tiyak ding tumaas ang presyo ng mga lab equipment at aklat sa library.

~Ronron G.

Hindi ako aware na tumaas na pala ng 10% ang tuition ng mga mag-aaral sa bawat unit. Bilang isang mag-aaral napakalaki ng epekto sa akin nito, lalo na sa aking pamilya sapagkat sa panahon ngayon hindi na madaling kumita ng pera. Sa tingin ko ay may kinalaman dito ang mga laboratory supplies at equipment na ginagamit ng bawat mag-aaral, pati na rin ang pagpapaganda at pag-aayos ng iba-t-iba pang facilities ng paaralan.

~Trisha Ada Castellano sundan sa p.8

Maganda tayong lahat, walang nakaaangat

G

anda ka?” “Nanaba ka yata.” “Hala, bakit may stretch marks ka?” “Ang dami mong pimples.” “Ang itim mo naman.” Iyan ang mga katagang kadalasang naririnig natin sa mga “perpektong” tao. Masyado siguro silang pinalaki sa magarbong buhay na bawal ang “pangit” sa kanilang paningin.

Siguro ay pinalaki silang hindi napuyat kahit isang beses at hindi nadapuan o nakagat ng lamok. Siguro ay hindi sila nakahawak ng putik. Hindi siguro sila nakapaglaro ng lutolutuan na ang lahok ay dahon na may pamintang buhangin. Siguro ay hindi sila nakapaglaro ng tumbang preso at tinanggal ang kanilang mga saplot sa paa upang maging pambato sa lata upang matumba ito. Siguro ay hindi sila nakapaglaro ng chinese garter nung elementary. Siguro nga… Ang mga 'sigurong' ito ay nangangahulugang lahat tayo ay nabuhay sa mga panahong nagdaan tayong lahat, ang kabataan na hindi natin malilimutan. Ngunit bakit parang ang iba ay umaasta na parang sila lamang ang may karapatang mabuhay sa ganda ng mundo na dapat naman talaga ay para sa lahat. Ang pagpuna at panlalait sa pisikal na kaanyuan ng isang tao ay normal

na sa mga Pilipino, ngunit minsan sumusobra na at hindi napapansin na nakasasakit na pala sila ng damdamin ng taong akala nila’y binibiro lamang. Minsan hinuhusgahan na agad natin ang isang tao depende sa kanyang pisikal na kaanyuan. Nilalagyan kasi natin ng pamantayan ang pisikal na kaanyuan ng isang tao batay sa nakikita natin sa mga idolo natin, sa mga artistang nagpapakita ng perpektong kutis, tangos ng ilong, pilikmatang nakaayos, mga labing kulay rosas, na kahit ba walang koloreteng ilagay ay marikit na nakangingiti sa ayos ng kanilang mga ngipin. Binibigyang kahulugan ang lahat ng bagay na masilayan. Pinagtatawanan kapag nagkamali. Binibigyang istorya ang isang sulyap lamang na pangyayari. Marami ng mga influencers ang nagkakaroon ng pagkilos tungkol sa paksang nauukol sa body

shaming. Positibong mga reaksyon ang nakikita sa mga Pilipinong nakababasa. Nagkakaroon ng pagangat ang mga taong takot lumabas sa kanilang sariling mga nakasanayang kaginhawaan. Lahat ay may kanya-kanyang ganda, may pisikal na katangian na walang sinuman ang makagagaya. Piliin man ng isang taong ipabago ang isang parte sa kanyang mukha, ipakulot ang tuwid na buhok, ipatuwid ang kulot na buhok, maglagay ng kolorete sa mukha, maglitrato ng sangkatutak, wala tayong pakialam dahil iyon ang nakapagbibigay sa kanya ng lakas ng loob na humarap sa lipunan at magpatuloy sa gulong ng buhay. Iyon ang makapagbibigay ng kasiyahan sa kanyang buhay na puno ng pait dahil sa mga taong makikitid ang utak na akala nila ay perpekto na nga sila.


Luzonian

OPINYON

The

Hulyo - Agosto 2018

9

Basagin ang lampara KOMENTARYO

K

Ivan Chris Mabilangan

amakailan lamang ay pinirmahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act 11055 o ang Philippine Identification System Act. Sinasabing makapagpapadali ito ng mga transaksyon at ng iba pang mga proseso sa gobyerno. Subalit hindi nawawala ang pagkabahala ukol dito.

ASYMPTOTE Kyle Joshua Cadavez

Sana’y lagi nating suriin at isiping mabuti ang mga bagay na nasa paligid natin na maaaring makapanlinlang sa atin...

Ba Be Bi Bobo

H

i, this is Larry Gadon. Ang mga taga-*insert school*, hindi sila mga bobo.” Tila isang epidemyang nagkalat sa internet ang mga memes at video greetings ng abogadong si Larry Gadon. Ano nga ba ang intensyon niya sa likod ng pagsikat online?

Matatandaang nanguna si Gadon sa paghahain ng impeachment complaint laban kay dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno. Mas nakilala siya nang harapan niyang murahin at sigawan ng “mga bobo” kasabay ng paghagis sa hangin ng middle finger ang mga militante at tagasuporta ng dating punong mahistrado. Nasabi niya sa isang pahayag na hindi niya ito pinagsisihan at bagkus ay natuwa pa sa kinahinatnan nito. Kanyang inilihis ang pangyayari at ginamit ang atensyong natatanggap upang pasikatin ang sarili. Ang unang video greeting niya kasama ang mga taga-DLSU Dasmariñas, ay umabot ng libu-libong reactions, comments at shares. Hindi ko itatangging noong una ko itong napanood ay napatawa ako. Pero kung iisipin nating mabuti, hindi ba parang ginagamit na ni Gadon ang kasikatang ito para maluklok sa pwesto sa darating na halalan? Hindi ba parang siya pa ang binibigyan natin ng pabor sa pamamagitan ng paghingi ng video

greeting sa kanya para sabihing hindi tayo mga bobo? Hindi ba publicity stunt ang lahat ng mga ito? Dumami nang dumami ang video greetings ni Gadon. Kumalat nang kumalat ang mga ito. Bentang-benta si Gadon sa mga kabataan. Ngunit tama nga bang tawanan na lang ang isang nag-aasta pulitikong minsan nang nagpakita ng galit sa mga Muslim, isang smartshamer at isang Marcos apologist? Hindi lang ang pagkatalo niya sa halalan ang naging resulta ng kanyang kampanya. Nagdikit-kilay at kunotnoo ang maraming Pilipino dahil sa kanyang pahayag na nagpakita ng pagkamuhi sa mga Muslim. “Sampung beses akong luluhod sa [Moro Islamic Liberation Front para huwag nang manggulo], iiyak ako ng bato at dugo; kapag labing-isang pagkakataon at tumanggi pa rin sila, lulusubin ko sila doon at dadalhin ko ang buong sandatahang Pilipinas at papatayin ko silang lahat, susunugin ko ang bahay nila. Buburahin ang lahi

nila, kahit masunog ang kaluluwa ko sa impyerno gagawin ko ‘yan,” wika niya. Inere ang kanyang pahayag noong preelection interview sa GMA News TV noong 2016. Karapatdapat nga ba tayong matuwa sa uri ng isang opisyal na walang pakundangang nanapak ng iba gamit ang bastos na pananalita sa harap ng pangmasang media? Sana’y lagi nating suriin at isiping mabuti ang mga bagay na nasa paligid natin na maaaring makapanlinlang sa atin. ‘Wag tayong magpauto sa kanila. Marami nang opisyal ang naluklok sa pwesto kahit hindi naman sila karapatdapat dito. Isa pa, hindi natin kailangan ng validation ni Gadon para maniwala tayo sa ating mga sarili at kakayahan. Panindigan natin kung ano sa tingin natin ang tama at nararapat, hindi ‘yong kailangan pang manggaling ito sa isang pabibong pulitiko. Tayong mga Pilipino ay matalino. Hindi tayo mga bobo. Hindi tayo kaagad maniniwala sa mga epal.

ERISTOTLE Ariana Julia Tadiosa

...pag-isipang mabuti kung ano ba ang totoong mensahe [ng meme], kung may mali ba at dapat gawan ng aksyon...

Edisyon ng meme sa Pinas, mema na lang

S

a mundo natin na puro gulo at pasakit, hindi mo maiaalis sa mga tao ang maglibang, maaaring sa mga asaran ng tropa, kulitan sa pamilya o kaya naman sa mga comedy bar. Dahil na rin sa paglawak ng ating teknolohiya at sa pagliit ng ating interaksyon sa mga kapwa-tao dahil sa internet, nakahanap ang ating malalayong kapitbahay na kanluranin ng tutugon dito, ang mga memes.

Pamilyar na tayo sa mga 'memes', ngunit para sa pormal na paglalarawan, ang mga memes ay litrato o maikling bidyo na may lamang katatawanan. Maaari itong maglaman ng kahit anong paksa sa kahit anong hulma. Isa ito sa mga dahilan kung bakit mabilis itong sumikat sa buong mundong nakakabit sa teknolohiya. Sa konteksto ng mga memes sa bansa, karamihan ay nagmula sa kabilang ibayo pa ng mundo at ginaya lamang ng mga Pinoy. Maaari ring maging paksa ang mga bagay na nauuso tulad ng mga nasa telebisyon at pelikula, o kaya naman isang sitwasyon na ‘makakarelate’ ang lahat. Nakaaaliw man ang ilan sa mga ito, may iilan ding memes na kuwestiyonable ang nilalaman. Isa sa mga kumakalat na meme sa panahong ito ay nagtatampok ng isang personalidad, edukado pa man din, na minumura ang isang grupo

ng mga nagpoprotesta. Mayroon ding ilang memes na nagpapakita ng kawalang kapasidad ng ilang tagapaglingkod sa gobyerno, na wala man lang ni butil ng hiya sa katawan. Ngunit, ang pinakamalala sa lahat ay ang malikhaing paggaya ng isang bidyo ng isang batang naabuso. Ganito na ba kababaw ang kasiyahan ng mga tao? Alam kong likas na sa ating mga Pilipino ang magbigay ng kasiyahan kahit pa sa mga seryosong bagay, ngunit kung pabababawin nito ang konteksto ng mga paksang tulad ng korapsyon, pang-aabuso, kahalayan at iba pang mga bagay na dapat ay mabura sa lipunan subalit ginagawa na lamang katawa-tawa, isang malaking suliranin ito ng bansa. Isa ring posibilidad na ginagamit na ito ng mga trolls o propagandista upang ikondisyon ang kaisipan ng mga

mamamayan. Sa papaanong paraan? Bawa't pagkakataong makita ng mga tao ang mga memes na ito, unti-unting nagkakaroon ng 'appropriation' o pagtanggap ang mga tao sa ganitong mga pag-aasal sa halip na magbigayaksyon at kritisismo sa mga problema. Malaon, tuluyan nang nabubura ang linya na naghahati sa tama at sa mali na hindi nahahalata ng mga tao. Isa ito sa mga itinuturong dahilan ng malaking pagbabago sa kaugalian at kaisipan ng mga tao. Kaya bago mag-share o mag-like ng mga memes, pag-isipang mabuti kung ano ang totoong mensahe nito. Kung may mali at dapat gawan ng aksyon, o kung tamang gawing katatawanan ang mga bagay na nilalaman nito na dapat limiin. Dahil sabi nga, “Memes are more powerful than you think.”

Ang Philippine Identification System (PhilSys) ay maglalabas ng Philippine ID (PhilID) at PhilSys Number (PSN) matapos masentralisa ang lahat ng personal na impormasyon ng mga mamamayang Pilipino at residenteng banyaga. Gagamitin ang ID bilang pagpapatunay sa pagkakakilanlan ng isang mamamayan kung makikipagtransaksyon sa gobyerno o sa pribadong sektor. Kukunin ng gobyerno ang buong pangalan, edad, kasarian, kapanganakan, uri ng dugo, tirahan, pagkamamamayan, litrato, fingerprints at iris scan ng bawat tao. Sa kabilang banda, ang estado sa buhay, mobile number at email address ay opsyonal lamang. Maaaring gamitin ang ID sa mga transaksyon sa bangko, pagkuha ng pasaporte, pagbabayad ng buwis, aplikasyon sa paaralan, at iba pa. Ayon sa mga sumusuporta sa batas, walang dapat ikabahala dahil ang mga impormasyong nabanggit ay sadyang gagamitin lamang sa mga transaksyon sa gobyerno. Ang pagrerehistro ay hindi rin sapilitan. Sa huli, sinasabing mas lamang ang mga benepisyo kaysa sa panganib. Subalit iba ang iminumungkahi ng ating karanasan sa state surveillance. Ang state surveillance ay ang malapitan at madalas na lihim na pagmomonitor ng estado sa mga kilos, komunikasyon at impormasyon ng mga mamamayan. Sinasabing isinasagawa ito ng National Intelligence Coordinating Agency, Philippine National Police, National Security Council, National Bureau of Investigation, at Armed Forces of the Philippines. Ayon kay Atty. Jam Jacob, legal at policy adviser para sa technology and rights advocacy group na Foundation for Media Alternatives, mahirap mapatunayan ang katotohanan sa likod nito. “It’s a hard [issue] to begin with because, by its very nature, state surveillance ... really needs to be hidden from the public eye…. it’s very difficult to keep track...," pahayag ni Atty. Jacob. Ngunit paano dinadagdagan ng Philippine Identification System ang kapahamakang dulot ng state surveillance? Ayon sa mga eksperto, ang 'record history' na iiwan ng mga mamamayan sa bawat transaksyon ay magsasabi ng napakaraming bagay tungkol sa nasabing indibidwal. Ayon kay Jacob, “It can result in a

P

centralized file that will give a detailed history of an individual’s activities over an extended period. That essentially makes it a comprehensive surveillance system,” dagdag pa niya. Sa record history malalaman kung saan nagpunta ang isang tao, anong ginawa niya, gaano kalimit ang pagbisita niya roon, at iba pa. Maaaring mahinuha sa impormasyong ito ang mga hilig, pattern ng pagkilos, katransaksyon at iba pang mga bagay na makapagpapakilala kung sino talaga ang taong may-ari ng ID. Dapat din nating ikonsidera ang klimang politikal at teknolohiya ngayon. Kaliwa't kanan ang mga patayan ng aktibista, manunulat, pulitiko, negosyante, at marami pang ibang mamamayan. Maraming inosenteng kabataan at tao ang nadadamay sa war on drugs ng administrasyon. Madali ring isapubliko ang impormasyon. Dahil sentralisado ang personal na data, napakalaking dagok kapag na-hack ang database ng mga impormasyong ito. Kung ang nais ay mas mapadali pa ang pagpoproseso ng dokumento at mas epektibong pagsugpo sa red tape, ang National ID System ay hindi naman kailangan. Ang problemang ito ay nagsisimula at pinananatili para sa ikauunlad ng mga pulitiko at mga mayayaman. Tinatakpan natin ang totoong isyu sa pamamagitan ng pagtanggap sa solusyon mula sa mga tunay na may sala. May mga opisina pa ring kayang magproseso ng mga dokumento nang walang panganib na dulot ng data surveillance. Kumbaga, ito ay isa lamang na sistematikong pamamaraan para itago ang kawalan ng kompetensiya na bumabalot sa lipunang Pilipino ngayon. Ito'y delikado pa. Mabuti na lamang at ang implementasyon ay hindi ginawang sapilitan. Ang panganib ay hindi madaling makita ngunit sa pamamagitan ng pagkilatis sa batas at sa data surveillance, makapagdedesisyon tayo ng matalino kung susunod tayo o hindi. Hindi tayo dapat maging ignorante sa panahon na laganap ang patayan at korapsyon. Maging mapagmatyag. Kumbaga, tayo'y naglalakbay lamang sa gubat na nababalot sa hamog ng hinala. Dito, ang bukas na lampara ay manghihikayat na alamin ang katotohanan. Kaya't mas mabuting patalasin na lamang ang pandama, magmatyag at kumilos ng tahimik.

pagpapatuloy mula sa p.8

Ano ang iyong saloobin ukol sa pagtaas ng matrikula nang 10% ngayong taong panuruan kung saan 807 piso kada yunit ang iyong binayabaran kumpara sa naunang batch na hindi sumailalim sa SHS na may 732 piso lamang na binabayaran sa bawa't yunit?

Lalong nahirapan ang ilan sa pagtustos o pagbabayad ng tuition dahil sa mas naragdagan pa ang bayarin, bukod sa mga kagamitan na bibilhin para sa programang napili. Malaki ang epekto sa akin kasi hindi naman gaanong nagkakasya ang suweldo ng mga magulang ko para matustusan ang tuition naming magkapatid.

~Chayla Ajela

Dapat 'di agaran ang pag-iincrease kasi 'di lahat ay madaling nakakabayad sa tuition. Nakakaapekto ito sa akin dahil hindi naman malaki ang sahod ng mga magulang ko at tatlo kaming nag-aaral sa MSEUF at medyo may kalakihan ang tuition. Sa tingin ko ay dahil ito sa biglaang pagdami uli ng college students at pagdami ng mga kakailanganing kagamitan sa mga laboratoryo at aklatan.

~Kate Inojosa

Hindi ako aware na nagkaroon ng 10% increase sa tuition per unit. Nakakalungkot dahil medyo malaki ang 10% increase. Dahil ang 10% na nadagdag sa tuition ay maaaring pandagdag na sa aking monthly allowance. Maaaring parte ito ng adjustment ng school dahil sa K-12 dahil mayroon lamang 1st year at 4th year students ang ating Pamantasan kaya siguro napilitang magtaas ng tuition. ~ Cire James Miro

Sa tingin ko, kaya tumaas ang tuition ng Enverga University ay dahil bumabagsak na ang ekonomiya natin. [Hahahaha!] Lahat ng bilihin tumataas ang presyo, pati presyo ng kuryente at tubig na ginagamit sa bawat silid at gusali. ~Denice

Siguro dahil 'yun na ang napagkasunduan. Wala naman akong masyadong comment dahil handa naman akong magpasakop sa Pamantasan pero may kaunting lungkot dahil sa taas ng mga bayarin tapos nagdaan pa tayo sa K-12 kaya parang nakapanghihinayang na dapat patapos na pero nag-aaral pa rin. ~Jeianne B.


10 LIBANGAN

Luzonian The

Memevergan: Envergan memepilation

Tomo LXX | Bilang 1

Kyle Joshua Cadavez at Hamfrey Saniel

M

insang tumatawang kinuhit ako ng kaklase ko sabay turo sa meme na nakadisplay sa phone niya. "Tingnan mo ito, havey!" Humahagalpak niyang sabi. Ipinakita niya ang meme na bumungad sa pag-scroll niya sa Facebook. Maya-maya pa'y kinulbit na naman niya ako para hikayatin akong tumawa kasabay niya. Kasabay sa pagsikat ng iba't ibang memes sa bansa ay ang pagiisip at paglikha ng pahayagan ng lipon ng memes na eksklusibo para sa mga Envergista--ang Envergan memepilation. Maliban sa tawang hatid ng mga memes sa aking kaklase, nais naming mas marami pa ang tawang marinig ng The Luzonian mula sa inyo.

ay Banyughe Brid

n

a Kalaya

TBA means 'To be Announced'

Mahusay sa lohika at numero? Subukan ang palaisipang ito. Ang mga sumusunod ay ang mga puting piyesa at ang kanilang lokasyon sa isang chess board: a6, Na3, Bg6, Rg3, Qc1, Kd8. Maaari lamang bumisita ang Knight sa bawat square ng isang beses. Ang sumusunod ay ilan sa kung pang-ilang kibo ng Knight ang kailangan upang makarating ang piyesa sa naturang square: a1 (13), b2 (51), c3 (49), d4 (13), e5 (5), f6 (57), g7 (59), h8 (7). Ang mga sumusunod ay mga square na hindi maaaring lagyan ng Knight hangga't walang nakapatong na piyesa sa ilang special squares, at ang special square para sa bawat isa: Ang 36th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa a7. Ang 40th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa a8. Ang 41st square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa b8. Ang 37th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa c8. Ang 38th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa d5.

PAHALANG 1.Establisyemento ng Luzonian Colleges sa Padre Gomez St. at Pres. Osmena St. 2. Dahilan kung bakit walang klase noong Setyembre 14, 2018 3. “Strength and growth come only through continuous effort and struggle.” 4. Isang partido noong nakaraang UCSC-DSC election 5. Dahilan kung bakit walang klase noong September 17, 2018

P A T A Y O

1. “Just wanted to post these photos to show the beauty of MSEUF. Sayang lang kasi kung ‘di ko mashashare.” 2. Pangalan ng isang art exhibit na umalaala sa madilim na bahagi ng kasaysayan ng Pilipinas 3. “You deserve a love that feels like summer – warm, bright, makes your heart melt inside.” 4. Isang partido noong nakaraang UCSC-DSC election 5. Nag-accredit noong September 13, 2018

Ang 32th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa e1 Ang 34th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa e8. Ang 33rd square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa g2. Ang 35th square para sa Knight ay mabubuksan kapag may piyesa sa g8. Ilan ang pinaka-kaunting bilang ng moves ang kailangang gawin ng puti para malibot ng puting Knight ang lahat ng square ng chess?

Kung alam mo na ang kasagutan, mangyaring ipadala ito sa pamamagitan ng aming Facebook page. Huwag kalimutang ipaliwanag ang iyong sagot at kunan ng larawan ang bahagi ng pahinang ito. Kung tumpak ang iyong sagot, mayroon kang kakaibang gantimpalang makukuha sa aming opisina. Good luck mga Envergista! Ang unang dalawang mag-aaral na may wastong kasagutan lamang ang makakukuha ng kanilang premyo.


Luzonian The

Hulyo - Agosto 2018

Inflation

Tense

Jayson Javier

Jayson Javier

Da breyk up

Gadon

LIBANGAN 11

Signityur analisis

Jayson Javier

Jayson Javier

Jayson Javier

Sagutin ang palaisipan. Mayroong limang magkakaibigan sa Pamantasang Enverga subalit lahat sila ay malayo ang mga katangian sa isa’t-isa. Ang bawa't isa ay galing sa iba't-ibang kolehiyo at magkakaiba ng kulay, alagang hayop at sapatos. Kahit ang paborito nilang pagkain ay magkakaiba, walang may katulad sa kanilang mga gusto. Iisa lamang ang tanong, sino sa kanila ang mahilig kumain ng hotdog?

Sa kahon ay may labindalawang salita na kadalasang ginagamit sa ating lalawigan. Ito ay maaaring pahiga, pahilis at patayo. Bilugan ang mga ito.

Mga pahiwatig: Ang estudyanteng taga-CBA ay mahilig sa color blue. May tulay sa gitna ng building ng may-ari ng Skechers at ng may alagang pusa. Ang estudyanteng mahilig sa color yellow ay mahilig sa carbonara. Ang estudyanteng may sapatos na Mario D'Boro ay may alagang aso. Ang estudyanteng may sapatos na Skechers ay mahilig sa color pink. Ang taga-CETD ay mahilig sa color pink. Ang estudyanteng mahilig sa pusa ay mahilig sa cheesecake. Ang estudyanteng taga-CAS ay may sapatos na Keds. May tulay sa gitna ng building ng may-ari ng Keds at ang may alagang parrot. Ang estudyanteng taga-CAS ay may sapatos na Keds. Ang may-ari ng sapatos na Adidas ay mahilig sa pansit Lucban. Ang estudyanteng taga-CED ay may sapatos na Parisian. Ang initials ng department ng may-ari ng Mario D' Boro ay hindi hihigit sa tatlo. Ang estudyanteng taga-CCMS ay may alagang goldfish.

Kung alam mo na ang kasagutan, mangyaring ipadala ito sa pamamagitan ng aming Facebook page. Huwag kalimutang ipaliwanag ang iyong sagot at kunan ng larawan ang bahagi ng pahinang ito. Kung tumpak ang iyong sagot, mayroon kang kakaibang gantimpalang makukuha sa aming opisina. Good luck mga Envergista! Ang unang dalawang mag-aaral na may wastong kasagutan lamang ang makakukuha ng kanilang premyo.

Ang may alagang hamster ay mahilig sa color yellow. Ang pangalan ng department ng mahilig sa color green ay kapapalit lamang. Ang taga-CAS ay mahilig sa color red. Magkaaway ang pet ng estudyanteng mahilig sa brownies at ng mahilig sa cheesecake. Ang taga-CBA ay may alagang aso.

Subukin ang tatas ng dilang Quezonian


12 PANITIKAN

Bakit hindi kita maabot? katuwang si Kyle Joshua Cadavez Minsan, napapaisip ako, kung ano pa ba ang kayang sungkitin ng aking mga mata o dagitin ng aking bisig para makuha ka? Kaya ko bang hawiin ang dagat ng ulap? Kaya ko bang tiklupin ang kumot ng mga bituin? Sa pagtaas ng lipad ng ulap sa aking isip ay ang paglayo mo sa akin at ang unti-unting pagkawala ng pag-asang maaabot pa kita. Tulad ng mga bituin na animo'y malapit kahit sa katunaya'y malayo naman; dito, naisip ko, kailanman ay hindi na nga siguro kita kakayaning abutin. Kakayanin ko bang muling abutin ang walang hanggang dulo ng kalawakan para lang sa 'yo? Napahinto ako nang umihip ang hangin sa aking mukha. Saktong dating mo nang ngumiti ako. Ngunit nilampasan mo lang ako kasama ng bagong nagmamay-ari sa 'yo. Saka niya ako nilapitan at malungkot na sinabi, “Masyado siyang nagmahal.” Doon ako naliwanagan, nagising at bumuntonghininga. Kung dati rati'y nakukuha kita ng buung-buo; hindi ko napigilang sabihing, "Parang kalawakan, masyado ng mataas, hindi ko man lang maabut-abot ang presyo ng sili. Sige nga po, tatlong piraso na lang."

Luzonian The

Gusto kong marinig Tuwing naliligaw ba tayo sa mga linyang ikinumpas natin sa ating mga palad; ibinubulong din ba ng mga bituin ang nais kong marinig mula sa buwan? Naririnig mo ba? kasi hindi ko marinig sa lakas ng pintig ng ’yong dibdib nang ipinangako mo sa akin na ako ang 'yong panibagong buwan na sasambitin ng 'yong mga halik.

Gusto kong marinig na umaawit ka, Dahil hindi ko mapigilan ang mapangiti Tuwing naririnig kong pinapalaya mo ang uniberso sa ’yong mga labi.

Sa kabila

katuwang si Adrian Carlo Villanera Nagugutom ako,

Nasaan sila? Sinubukan kong bilangin ang mga bituin; marami pala sila? Kasi akala ko naglaho na sa silaw ng mga ilaw dito sa siyudad.

sa mga salitang matagal ko nang sinusungkit mula sa mga bituin, inuukit sa buwan, pinipinta sa langit, tuwing sinasambit mo ang suyo ng langit at lupa noong ipinangako mo ang bukas kaparis ng pagyakap mo sa ‘king mga sungay tuwing ngumingiti ang demonyo sa akin.

Nang ipangako mo ang langit Nakikita mo ba ang hamog? Makikita sila sa ‘king balat tuwing pinapaso ako ng upos ng ’yong mga sigarilyo tuwing hinahagkan ng ‘yong mga labi ; tila langit tuwing gabi: patag ng mga patay na bituin.

Nang magising ako sa 25th hour

Ito iyong isa sa mga gabing paminsan-minsan akong dinadalaw; iyong isa sa madadalang na hatinggabi. Iyong pinagdududahan ko kung totoo nga ba ito, o nananaginip ako o kung nasa tamang uniberso ba ako at hindi ako basta nagising sa ordinaryong araw. Madilim. Wala ang liwanang ng puting buwan na madalas kong tingalain tuwing kalaliman ng gabi. Wala rin ang kislap ng mga bituin sa kalangitan na palagiang binibilang o hinahanapan ng konstelasyon. Napakadilim. Patay ang langit. Pakiramdam ko, hindi pamilyar ang paligid gayong wala namang pinagkaiba ang ngayon sa 'king madalas na nakikita. Subalit, ito ang nakapagtataka: bakit tila yata 'di ko sila kilala? Kakaiba ang paglalaro ng mga ilaw sa siyudad, para bang pinapapasok ako sa isang silid ng mga estrangherong nakapako ang tingin sa akin - nakahihilo, nakatatakot. Nakasisilaw ang mas tumitingkad na mga ilaw habang tinititigan. Nagtatayuan ang mga balahibo sa 'king balat. Kakaiba rin ang ibinubulong ng mga busina at makina ng mga nagdaraang sasakyan sa labas; para bang mayroon silang sikreto na kung madalas ay ipanaririnig nila sa akin ngunit ngayo'y tila ang damot nila? Hindi ko maintindihan... kakaiba rin ang ihip ng hangin: hindi ako pamilyar sa gumuguhit na lamig sa 'king balat; mas malamig iyon kaysa sa madalas. Nasa amin ako, sa aking sariling silid kung saan madalas akong magtago, ngunit malaking katanungan ang palaging dumadagan: Kung wala ako sa sarili kong mundo, nasaan ako?

Tomo LXX | Bilang 1


Luzonian

PANITIKAN 13

The

Hulyo - Agosto 2018

Kanino iibig? INT: BAHAY - GABI Nasa tabi ng bintanang gawa sa capiz. Mayroong mahabang upuan sa pagitan ng bukas na bintana.

Para Kay Haring Araw katuwang si Ariana Julia Tadiosa Mahal naming Haring Araw, bakit tila yata ikaw ay nasisilaw sa sarili mong mga sinag? Tila yata naging kakaiba ang init mo kaysa dati; tila nakakapaso na? Init na nakakapaso, sana'y bumaba; ang 'yong ulo di yata't lumalaki na? Nawa'y dinggin mo, na sa bagsik ng iyong init

Lalaki: Paano ba kita mapapa-ibig? Kailangan ko bang sungkitin ang mga bituin at gawin kang tala? Babae: (Dahan-dahang umiling) Ito lang, naiisip mo bang mangibang-bansa? Lalaki: (Sandaling nag-isip, hindi tiyak kung bakit bigla iyong itinanong ng babae) Siguro, oo. Para sa mundong ipapangako ko. Dahil ikaw ang magiging uniberso ko. Sasambahin kita na parang buwan... Babae: (Malungkot na ngumiti, umiling-iling) Hindi. Hindi, hindi iyan ang kailangan ko. Hindi ko kailangang maging isa sa mga tinatingala mo sa langit. Gawin mo 'kong tao, dahil tao ako at hindi bituin, planeta o buwan na nararapat na sambahin. Lalaki: (Bumuntong-hininga) P'wede ko bang sabihin na lang na kasinglawak ng kalawakan ang pag-ibig ko sa 'yo? Kaya naman hinihihiling kong malaman kung ano ang nararapat kong gawin upang matugunan ng 'yong pag-ibig? Babae: (Ngumiti, malayo ang tingin) Ang lalaking iibigin ko ay ang lalaking hindi kailangang mangako ng kalawakan, ng mga bituin, o ng buwan. Sapat na sa akin ang lalaking kayang mahalin ang kanyang bayan, kilalanin ang kanyang pinagmulan; ang kanyang kasarinlan...

tagtuyot ang dulot sa'min. Haring Araw, sana'y madinig mo; bumaba sa'yong trono ,magbigay-daan

Namatay ang ilaw. Wakas

sa nararapat na maluklok.

Sila

Bukas

katuwang si Adrian Carlo Villanera “Sino ka?”… “sino ka….” Paulit-ulit na tanong niya.

(Tanong:)

Hindi ko matantiya, hindi ko mawari –

Bakit?

hindi ko masiguro: tuwing dumaraan ang bulalakaw

Bakit? Hindi ko maintindihan; na sa tuwing ipinapangako mo ang bituin, buwan ang ‘yong sinasamba?

para akong nililiparan ng mga pangarap sa hamog ng gabi sa ’yong panlalamig;

nais ko na lamang mahimbing sa ilalim ng kalawakan,

(Tugon:)

kasama ang mga bituin

Patawad kong hindi ko nagawa

na minsan din nating pinanghawakan…

na sungkitin ang 'yong mga hiling

Umaasang kinabukasan ay mararamdamang muli ang init

na sinamba mo sa buwan at mga bituin nang piliin mong yakapin siya

ng iyong pag-ibig sa bukang-liwayway.

kaysa sa ‘kin.

Ano 'yong masakit? “Masakit ba”? tanong niya. Hindi ko alam; dahil para niyang pinalaya ang dagat ng mabibigat na ulap sa dag-im

Para sa mambabasa, Ang koleksiyon ng mga literatura sa seksyong ito ay bunga ng madalas kong pagtingala sa buwan, pagtatanong sa kalawakan at paminsan-minsa’y paghiling sa mga bituin; tanda na paminsan-minsa’y, kundi madalas, ay umaasa, nangangarap at nasasaktan rin tayo sa sarili nating mga uniberso.

nang mamalimos siya ng kakatiting na ambon sa tag-araw.

Sana ay katulad ng konstelasyon, magkaugnayan tayong mambabasa at akong manunulat, kasama ng iba pa pati ng mga dibuhista, sa pagbisita mo sa pahinang ito. Lubos na nag-aanyaya, Sophia Margarette R. Caagbay

Kyle Joshua Cadavez at Adrian Carlo Villanera


Luzonian

14 LATHALAIN

The

Tomo LXX | Bilang 1

Dangal ng Pamantasan, papuri ng Lalawigan Carmelo Eduardo Mesa

T

unay ngang maipagmamalaki natin bilang Envergista at bilang Quezonian ang mga taong may malaking naiambag hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa karatig bayan o sa iba’tibang panig man ng daigdig. Kaya’t ating kilalanin ang tatlong Envergista na kamakailan lamang ay ginawaran ng Quezon Medalya ng Karangalan na siyang nagbigay pagkilala sa kanilang mga naiambag at nagawa hindi lamang sa ating lalawigan kundi maging sa buong bansa o sa ibayong dagat.

Engr. RAYNELL INOJOSA, BS Electronics Engineering ‘13 patuloy na pag-usbong ng modernong teknolohiya at pagkilala sa larangan ng siyensya, tiyak na hindi magpapahuli ang ating mga kababayan. Isa na marahil dito si Engr. Raynell A. Inojosa, ang dating Sapunong patnugot ng The Luzonian at isa sa mga ginawaran ng prestihiyosong parangal ng Lalawigan ng Quezon: ang Quezon Medalya ng Karangalan. Ipinanganak si Engr. Inojosa noong Abril 26, 1991 sa Lungsod ng Lucena. Nagtapos ng elementarya sa Lucena East 1 Elementary School at ng sekundarya sa Pansol National High School sa Padre Garcia, Batangas. Nakamit naman niya ang kanyang bachelor’s degree sa Electronics Engineering dito sa Pamantasang Enverga noong 2013. Ipinagmamalaki rin siya ng kanyang kapatiran sa Pamantasan bilang isa sa mga kasapi ng Honor Society of the Lambda Kappa Phi. Nagmula sa isang mahirap na pamilya si

Engr. Inojosa ngunit hindi ito naging hadlang sa kanya upang makapagtapos sa pag-aaral at makamit ang kanyang mga pangarap sa buhay. Bagkus, ginawa niya itong inspirasyon lalung-lalo na ang kanyang mga magulang na nagpaaral sa kanilang anim na magkakapatid. Dahil sa sipag at determinasyon na makatapos sa kolehiyo, nagsumikap siya at ginawa ang lahat ng kanyang makakaya upang masuportahan ang kanyang pinansyal na pangangailangan habang siya ay nag-aaral. Sa tulong din ng Commission on Higher Education, nagkaroon siya ng scholarship upang makapag-

aral ng libre sa kolehiyo. Nagkamit din si Engr. Inojosa ng scholarship mula sa Japan Ministry of Education, Culture, Sports, Science and Technology (MTEX) na siyang naging tulay upang mapalawak pa niya ang kanyang kaalaman sa kanyang propesyon. Tagapagsulong si Engr. Inojosa ng Technical and Vocational Education and Training (TVET). Naging adbokasiya niya ang pagsasanay sa kakayahan ng mga out-of-school youth sa pamamagitan ng 5E-Big Project na ang layunin ay makapagbahagi ng teknikal na kaalaman sa mga kabataan upang mabigyan sila ng magandang trabaho at kaalaman na maaari

nilang magamit sa pag-ahon sa kahirapan. Katatapos lamang ni Engr. Inojosa ng kanyang master’s degree sa Electronics and Electrical Engineering sa Doshisha, Japan. Sa kasalukuyan kumukuha na siya ng doktorado sa Science/Engineering in Global Engineering for Development, Environment, and Society Major in Antenna Propagation and Wireless Communication sa Tokyo Institute of Technology. Patuloy niyang pinatutunayan na nasa pagsisikap ang susi ng tagumpay at ang tagumpay ay kailangang ibahagi sa iba upang higit itong mapatingkad.

PSSUPT. RHODERICK ARMAMENTO, AB Political Science ‘87 o protect and to serve. Ito ang motto ng ating mga unipormadong opisyal lalung-lalo na ang mga kapulisan, na ang T tanging hangarin lamang ay maprotektahan ang mga mamamayan laban sa mga mapagsamantala at mapangalagaan ang kaligtasan ng komunidad at pairalin ang kaayusan at kapayapaan sa kapiligiran. Maipagmamalaki natin ang kagaya ni PSSupt. Rhoderick Armamento na kamakailan lamang ay tumanggap ng prestihiyosong karangalan mula sa Lalawigan ng Quezon, ang Quezon Medalya ng Karangalan. Isa itong patunay na malaki ang kanyang naging kontribusyon sa larangan ng serbisyong pampulisya. Nagtapos si PSSupt. Armamento sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Quezon noong 1984 kung saan siya ang pangkalahatang pangulo ng kanyang batch. Nagtapos din siya ng kursong AB Political Science sa Manuel S. Enverga University Foundation noong 1988. Siya rin ang presidente ng mga nagsipagtapos sa Kolehiyo ng Sining at Agham. Pumasok si Armamento sa Philippine National Police Academy kung saan siya nagtapos noong 1990. Naging team leader at operations officer din si PSSupt. Armamento sa matagumpay na police operations noong 2006 Bicutan siege kung saan 316 na high risk inmates ang nailigtas at 24 na Abu Sayyaf naman ang napatay. Gayundin, kabilang siya sa naglunsad ng neutralization ng mga grupo ng pusakal na mandarambong at kidnap-for-ransom groups sa Metro Manila, Central at Southern Luzon.

Naging Chief of Police din si PSSupt. Armamento ng Valenzuela City Police Station noong taong 2013 hanggang 2015. Dahil sa kanyang dedikasyon sa serbisyo at pagkakadeklara ng Lungsod ng Valenzuela bilang 2nd Safest City in Asia noong 2015 hanggang 2016, pinangaralan siya ng Gold Eagle Award sa paglulunsad ng initiation phase ng PNP PATROL Plan 2030 Transformation Program at Best Senior PCO sa larangan ng adminitrasyon. Siya rin ang Deputy Commander ng 'Task Force Route' na nangasiwa sa seguridad ng Santo Papa Francisco noong bumisita siya sa Pilipinas noong 2015. Personal pa siyang tinawagan ng Santo Papa para magpasalamat, isang oras bago lumapag ang sinasakyang eroplano nito pabalik sa Roma. Sa kasalukuyan, si PSSupt. Armamento ay Duty Officer sa Regional Personnel Holding and Accounting Unit (RPHAU) ng Police Regional Office 4-A sa Camp Vicente Lim, Barangay Canlubang, sa Calamba City, Laguna. Tunay na ipinagkakapuring opisyal ng kapulisan si PSSupt. Armamento!

HON. TOBIAS ENVERGA JR., High School ‘72 (Posthumous awardee)

He was a dedicated Senator for Ontario, a strong voice for the Filipino Community, and a friend to so many on the Hill.” –Prime Minister Justin Trudeau

Kamakailan lamang ay ginawaran si dating Senador Tobias Enverga Jr. ng Quezon Medalya ng Karangalan sa larangan ng public service (posthumous). Subalit, gaano nga ba natin lubos na kilala si Senador Enverga? Ano nga ba ang kanyang naging karanasan at naging ambag sa larangan ng serbisyong pampubliko? Ipinanganak si Senador Enverga Jr. sa Lucena noong Disymbre 2, 1955. Nagtapos siya sa mataas na paaralan ng Pamantasang Enverga. Nagpakadalubhasa si Senador Enverga sa ekonomiks sa San Juan de Letran. Nang makatapos, nagtrabaho siyang pansamantala sa isang bangko sa Pilipinas. Noong 1981, nangibang-bansa siya sa Canada at nagsimulang magtrabaho bilang mailroom worker. Di kalaunan

Kyle Joshua Cadavez

KPL:

ay muli siyang nag-aral ng kursong Information Technology upang higit na mapalawak pa ang kanyang kaalaman. Bunga ng kanyang pagsisikap, hinirang siyang Project Manager ng Bank of Montreal, isa sa limang naglalakihang bangko sa Canada kung saan siya nagtrabaho sa loob ng halos tatlong dekada. Noong 2010, itinalaga siya bilang trustee ng Toronto Catholic District School Board. Siya ang kauna-unahang Filipino-Canadian na inihalal sa public position ng kanilang lungsod at ang kauna-unahang miyembro ng isang visible ethnic minority na napasama sa board. Noong 2012 naman, itinalaga ni Prime Minister Stephen Harper si Enverga bilang senador. Siya ang kauna-unahang Pilipino na itinalagang senador sa Canada kung

saan maglilingkod sana siya hanggang sa magretiro sa edad na 75. Sa likod ng magandang adbokasiya at pagtulong sa kapwa, tila isang malaking kalungkutan ang gumimbal sa karamihan nang mabalitaan ang biglaang pagpanaw ni Senador Enverga habang nasa parliamentary trip sa Colombia noong November 16, 2017. Nawala man siya, hinding-hindi pa rin matatawaran ang kanyang mga nagawa at paglilingkod bilang senador at bilang kinatawan ng mga kababayang Pilipino sa bansang Canada. “We want the Filipinos to populate the world, because Filipinos have so much to offer the world. We have our culture, we have our values, we have our faith.” - Sen. Enverga

Envercentiments Ariana Julia Tadiosa

ako machine!” Naranasan mo na bang ma-broken, matambakan ng proyekto at takdang-aralin galing sa terror na propesor habang panay pa Hindi ang utos sa bahay nang sabay-sabay? Kung ang sagot mo ay oo, malamang sa malamang ay maka-relate ka sa maikling pelikulang ito. Ang KPL o Kung Pwede Lang ay hinaing ng mga estudyante sa Pilipinas ngayong 21st century. Mabilis nag-viral ang KPL dahil sa mensahe na gusto nitong iparating sa mga tao: mahirap ding maging estudyante sa makabagong panahon. Tila hindi rin naman natuwa ang iba rito. Ginawa ito ng VinCentiments, isang YouTube channel na gumagawa ng mga slice of life o relatable na maikling pelikula, at naipost noong Agosto 17 ngayong taon. Ang tagpuan ng video ay isang normal na silid-aralan, kung saan ang isa sa mga estudyante, na ginanapan ni Loren Montemayor Marinas, ay may special mention mula sa kanyang guro dahil sa hindi niya nagawang requirements. Dito na nagsimula ang mahaba niyang monologue,

pamula sa estado ng kaniyang lovelife, paguutos sa mag-aaral na hindi kaugnay sa pangakademikong gawain, pagbebenta ng kung anuano sa klase at iba pang steryotipikal na senaryo sa pagitan ng mag-aaral at mga guro. Labis na kinatuwaan ang pag-arte ni Loren dahil sa gigil niya sa bawat pagbitaw ng linya, at dahil na rin sa kaisipan na kahit isang beses man lamang ay ginusto itong gawin ng isang mag-aaral. Tila relate na relate rin dito ang mga Envergista dahil sa dami ng shares at reactions sa Facebook na mula sa mga mag-aaral ng ating Pamantasan. Lumabas ang totoong kahulugan ng KPL nang ipakita na ito pala ay isang imahinasyon lamang ng naturang mag-aaral. Kahit ano pa mang gigil o galit ang mayroon siya sa kanyang

guro ay nanatili siyang kalmado at pinili na lamang manahimik. Naging magandang istratehiya ang plot twist nito bilang pagpapakita ng magandang asal at respeto sa mga kaguruan ng Pilipinas na kinalaunan ay binigyan rin ng VinCentiments ng sarili nilang perspektibo sa KPL part 2. Sa kabuuan, ang maikling pelikula ay parehong entertaining at eye opener para sa mga tao sa social media dahil naipahayag nito ang angkop na mensahe sa isang epektibong paraan. Sana ay dumami pa ang mga katulad ng channel na ito sa pagpapakalat ng mabuting impluwensiya sa mga manonood, lalo na sa panahon ngayon na uso ang mga fake news mula sa mga trolls.

Jara Maiah Villaruel


Luzonian

LATHALAIN 15

The

Ang kuwento ng paglikha:

Hulyo - Agosto 2018

Ariana Julia Tadiosa

Isang pasilip sa makasaysayang mitolohiya ng Pilipinas

B

ago pa man dumating ang mga Kastila ay mayroon nang sumibol na sibilisasyon sa Pilipinas. Namuhay noon ang mga tao ng simple at mapayapa, may sapat na kakayahan sa pandirigma at may mayabong na kultura. Isa sa mga palatandaan nito ang mga mitolohiyang iniwan sa atin ng ating mga ninuno. Lingid sa kaalaman ng lahat, ang paniniwala ng ating mga ninuno ay pwedeng maihalintulad sa mitolohiya ng mga Griyego at Romano.

Dahil namuhay ang mga tao noon ng malapit sa kalikasan na walang kaalaman tungkol sa mga ito, bumuo sila ng sarili nilang paliwanag. Ito ang naging kapanganakan ng mitolohiya sa bansa.

1

Hindi tulad sa ibang bansa, walang sentral na ideya o iisang kwento ang bawa't rehiyon sa iba't-ibang bahagi ng Pilipinas, kung kaya’t ang pagkalap ng impormasyon sa mga ito ay naging mahirap para sa mga mananaliksik.

7

Bathala

8

Lakapati

9

Anagolay

6

Bakunawa

7

Maraming pang interesanteng karakter at mga kwento na nakapalibot sa mitolohiya ng Pilipinas na hindi pa nababanggit. Malayo man ito sa kinagisnan nating paniniwala ngayon, ang pagtuklas at pagtangkilik natin sa mga ito ay maaaring maging susi sa pagdurugtong ng nakalipas na panahon sa modernisado nating pamumuhay ngayon at sa patuloy na pag-unlad ng Pilipinas sa hinaharap.

Apolaki

Mayroong dalawang kuwento tungkol sa pinagmulan ni Apolaki, ang diyos ng araw. Ang isa ay nagsasabing siya ay anak ni Dumakulem at Anagolay at kapatid ni Dian Masalanta, habang ang isa naman ay nagsasabing siya ay anak ni Bathala sa isang mortal kasama ang kapatid nitong si Mayari. Sinasabi ring nagmula ang pangalan nito sa 'apo' na nangangahulugang 'panginoon' at laki, na ang ibig sabihin ay 'lalaki.'

6

4

Ang Bakunawa ay inilarawan bilang isang mala-ahas na nilalang. Sinasabi na mayroong pitong buwan noon ang mundo at kinain ng Bakunawa ang anim sa mga ito. Bago pa man makain ang Haliya o ang huling buwan, itinaboy ito ng mga tao gamit ang kanilang maiingay na kasangkapan at ikinulong sa ilalim ng dagat. Ito ang kanilang paliwanag sa paglapit ng dagat tuwing bilog ang buwan.

Tuwing may hinahanap na nawawalang bagay ang mga ninuno ay tinatawag nila si Anagolay, and diyosa ng mga nawawalang bagay. Siya rin ang kabiyak ni Dumakulem, at may isang bulalakaw na ipinangalan sa kanyang karangalan ang National Aeronautics and Space Administration (NASA).

5

Sitan

Si Sitan ang kabaliktaran ni Bathala. Siya ang diyos ng kasamaan. Tulad ng modernong bersiyon ng impiyerno, naninirahan siya sa lugar ng pagpapahirap na tinatawag na Kasanaan.

Si Lakapati ay naiiba sa ibang mga diyos na nabanggit dahil mayroon itong dalawang kasarian. Siya rin ang tagapagbigay ng kasaganahan sa mga tao bilang diyos ng paglilinang sa lupa (land cultivation).

4

1

9

Dumakulem

Si Dumakulem ay anak ni Idianale, diyosa ng mabuting gawain at Dumangan, diyos ng masaganang ani at kapatid ni Anitun Tabu. Kinikilala siya bilang tagapangalaga ng kabundukan at isang magaling na mandirigma.

3

3

Mayari

Tulad ni Apolaki ay may dalawang kuwento rin si Mayari, ngunit pareho itong naglalarawan ng kanyang kagandahan at lakas ng kanyang kapangyarihan bilang diyosa ng buwan. Sinasabi na si Mayari ay may isang bulag na mata nang matusok ito ng kahoy ng kapatid niyang si Apolaki. May mga kwento rin na si Mayari ay isa sa tatlong anak ni Bathala kasama si Hana (diyosa ng umaga) at Tala (diyosa ng mga bituin).

Siya ang tinatawag na 'may kapal sa lahat,' o ang dakilang tagapaglikha. Isa siya sa tatlong pinakamakapangyarihang nilalang sa mundo, kasama sina Ulilang Kaluluwa at Galang Kaluluwa. Mula sa libingan ng dalawang huli ay tumubo ang isang malaking puno, ang puno ng niyog. Naninirahan siya sa 'Kaluwalhatian' sa langit kung saan siya nagbabantay sa kanyang mga nasasakupan.

2

Narito ang ilan sa mga diyos at makapangyarihang nilalang na sinasamba ng ating mga ninuno sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas na siya ring sumisimbulo sa mayamang kultura ng bansa.

5

2

Dian Masalanta

8

Si Dian Masalanta, o mas kilala bilang Maria Makiling, ay diyosa ng mga nagmamahalan. Sa kanya nagdarasal ang mga tao kung nangangailangan sila ng tulong sa pagbubuntis. Sinasabi na isa siyang diwatang maawain at matulungin sa mga tao.

Adrian Carlo Villanera Adrian Carlo Villanera

P M U J X I L HE

Mapapatalon ka sa saya

Karen Yvonne Daleon sa sa mga patok na laro ngayon ang 'Helix Jump' na hindi lamang basta isang laro na magbibigay ng kasiyahan kundi isang instrumento na tuturuan tayong gumawa ng mga istratehiya sa bawat lebel at manatiling tumuon sa ating mithiin.

I

Ang pagiging simple ng Helix Jump ang isa sa mga susi upang maging matagumpay ang nasabing patok na laro. Kung ang ibang mobile games ay nilalaro patungong tuktok, ang Helix Jump naman ay may layuning makarating sa pinakailalim upang matapos ang isang lebel nito. Simple lang ang panuntunan ng naturang laro. Kailangan lamang paugtulin ang bola pababa sa pamamagitan ng pagpapaikot ng platapormang mistulang DNA at RNA at padaanin ang bola sa mga butas na daluyan. Kung matagumpay na natatapos ang isang lebel, tumataas din ang nakukuhang iskor mula rito. Ang hamon sa larong ito ay napakasimple. Kailangan lang umiwas ng bola at paugtulin ito sa mga bahagi ng platapormang walang kulay pula o red zones upang hindi na umulit

ang kasalukuyang lebel sa simula. Marahil ay sumagi na sa ating isipan kung ano ang pagkakaiba ng bawat lebel sa larong ito dahil kung susumahin, kung pare-pareho lang ang bawa't lebel ay nakababagot nang laruin. Sabi ng ilan, ang pagkakaiba umano ng mga lebel na ito ay ang iba’t ibang pwesto ng butas sa bawat plataporma, higit na maraming red zones, at nagtataglay ito ng samu’t saring kulay. Hindi maipagkakaila na nahuhumaling rin sa larong ito ang mga Envergista kaya naman kinapanayam ng The Luzonian ang ilan sa mga mag-aaral na madalas ginagawang libangan ang paglalaro ng Helix Jump Si John Alexson D. Abdon, nasa unang taon ng kolehiyo sa civil engineering program, ay gumagamit ng instrumento bilang pampalipas oras at pantanggal ng bagot sa tuwing may bakanteng oras.

“Nag-eenjoy ako sa larong ito at, isa pa, nachachallenge ako sa bawat lebel sapagkat nais kong makarating hanggang sa dulo at higit pang mataasan ang dati kong iskor,” bahagi ni John Alexson. Iba naman ang pananaw ni Siel Arben M. Almacen ukol sa larong ito, isang freshie rin na kumukuha ng programang Geodetic Engineering. Aniya, “Impluwensiya ng aking mga kaibigan ang naging dahilan kung bakit ako naglalaro nito. Kagaya ng marami, pantagal ko ito ng stress at pagod dulot ng ilang akademikong gawain.” Para malaro ito ay kailangan lamang pumunta sa Play Store o IOS App Store. Sa isang pindot lamang ay mapasasakamay mo na ang isa sa mga pinag-uusapang mobile games ngayon. Kaya i-install mo na rin ito at gawing 'fun time' ang iyong 'vacant time.'


Luzonian

16 LATHALAIN

The

Tomo LXX | Bilang 1

Para kay Paz:

Pagkilala kay Dean Bobadilla Kimberly Mae Argosino

pagitan ng masusungit na pader ng Kolehiyo ng Pangangalakal at Pagtutuos, ang pagbanggit ng ngalan ni Dean Paz ay umaalingawngaw sa bawat Sasulok ng daan nito, pinakakaba ang mga walang muwang na mag-aaral at marahil ay dahilan rin kung bakit maraming bitak sa semento ng pasilyo. Ngunit sa labas ng maingay na mundo ng mga numero at negosyo, si Dean Paz ay naging bahagi ng mapagbirong sansinukob: tangan sa bisig ang mahabang trapik sa Dumacaa, napapaso ng mainit na kape sa umaga, kasa-kasama ng bawat tawa o buntong hininga. Madalas ito ang bahagi ng mundo na nagdudulot ng pangamba sa mga magaaral at kung minsan sa loob ng isang milyong pagkakataon ay makakasabay si Dean Paz sa pampasaherong dyip; dudulutan ng de-bateryang ngiti, sa sulok ng isip nagkukubli ang isang tanong: “Pasaan po kayo?” Marami sa atin ang mga iskolar ng ating magulang, na sa kung anong liit ng kukote ay siyang liit din ng lente ng mga mata. Nakasalubong lang si Dean no'ng minsan ay naging bihasa na agad sa dalubhayupan: para raw itong tigreng mangangagat sa talim ng tingin at kawalan ng damdamin sa mukha. At kung siya ay naging propesor mo, nalanghap mo na siguro ang simoy ng kanyang hiyaw, na kayang itumba ang pinakamakisig na akasya sa lakas. Sa dinami-dami ng himaymay ng pagkatao ni Dean, ang mga bagay na ito ang pinili nating magiwan ng pilat sa ating isip. Kabiyak man ni Paz ang salitang ‘Dean’ at kalaguyo ang mga letrang CPA, MBA, at LLB; sa huli ang pinakamataas niyang titulo pa rin ang pipiliin: ina.

Mill Angelo Prado

TARA,

G

!

Si Dean na hindi mo tunay na magulang ay lalapitan tuwing may kailangan: hihingan ng pabor upang pagbigyan ang kahilingan, luluhod kung kinakailangan para sa papipirmahan at katulad sa sariling tahanan, ay pagtataguan ng mga naimpok na singko, tres, at mga bakas ng kahapong walwalan. Kung mas makapal lamang ang mukha ay marahil nahingian na rin nating siya ng baon. Katulad ng ina, nababatid ang mga bagabag na yumayapos at ang mga pagkabigong umaalipin sa iyo. Handang maging planggana ng sama ng loob, buhusan ng pagkayamot, ngunit hindi ka sasanayin na parating nakasandal lamang tuwing mahina. Palalakasin ka niya at patitindigin sa sarili mong mga paa hanggang kaya mo nang makipaghabulan sa iyong mga pangarap. Si Dean ang ina mong nagtuturo na ay natututo pa rin, sa kabatiran na ang lupa ng kaalaman ay hindi dinidiligan lamang, kundi dapat ay nagdudulot rin ng kiliti sa talampakan, pinananabik hindi lamang ang isip kundi maging ang kalamnan sapagkat aanhin mo ang utak kung ‘di kayang bitbitin ng katawan? Isa siyang dalubhasa sa iyong bawat tanong, at di gaya ng sikmura’y ‘di pihikan sa diskusyon. Inararo’t pinatag ang tatamnan ng mga binhi, na sa paghinog ng panahon ay mamumulaklak at magiging tambayan ng makukulay na paru-paro at mga bubuyog na makikinabang sa masustansya nitong katas. Si Dean ang magulang na gaya ng alambreng sampayan na sa nipis ay di napapansin at inaakalang walang nararamdaman. Kapitan ng mga hari, pari, ang kung ano pang mga sari-sari ngunit pantay-

pantay ang tingin sa lahat ng uri ng damit. Sabitan ng lampin, panloob o blusang itim, kaibigan ng bituin, katipan ng araw sa linggo ng paglalaba. Higit na mas mahalaga sa lahat, ang magulang na gaya ng alambreng sampayan, hindi sarili ang ipinagmamalaki, kundi ang bawat punit at mantsa, mga tanda ng isang mabuting pakikibaka, ng mga damit na patuloy na ipaparada, kahit hindi na siya makita. Pagkalipas ng maraming taong paglilingkod, inilipat na ni Dean Paz ang korona sa ulo ni Dean Catherine Limjoco, ang bagong ina ng CBA. Ika nga ng gasgas nang kasabihan “may umaalis, may dumarating.” At maaaring sa loob ng isang daan libong daing sa daigdig ay walang pag-iisip na napasama ito dahil lang sa isang beses kang napagalitan o napagsabihan sa gawang hindi nakatutuwa. Nagsilbi si Dean Paz sa mga estudyanteng kagaya natin na hindi karapat-dapat, kapintaspintas, at parating nagkakamali. Ito na siguro ang pinakamataas na antas ng pagmamahal na kayang ibinigay sa atin ng sinuman; at marahil ay namanhid na lamang tayo sa monotono ng pagpasok at paglabas sa Pamatasan. Maramot ang oras, ngunit sa atin ay inalaan pa rin niya ang paghubog ng kaisipan, paghahanda sa mas matinding digmaan, pagtatagumpay, paghahanap ng tunay na kaligayahan, at buhay na may kahulugan At kung muling magbiro ang tadhana at makasabay muli si Dean Paz sa dyip, dulutan ng matamis na ngiti, hayaang lumabas sa bibig ang nagkukubling tanong, ‘Dean, kumusta ka?’

USAPANG KARIHAN

Sophia Margarette Caagbay

K

ain tayo?” “Tara G.” Isa itong milenyal na salitang madalas gamitin ng bagong henerasyon tuwing “G” sila o “go” sa isang gawain. Ngunit sa pagkakataong ito, isa na itong kainan na matatagpuan sa labas ng 3rd gate ng Pamantasang Enverga.

Winner ang menu ng Tara G! para sa meryenda. Umiikot ang kanilang pagkain sa mga makukulay na hamburger na mala-rosas o berde, French fries, chips na may iba’t ibang flavor gaya ng cheese, sour cream, barbecue, at iba pa. Mayroon ding nachos na mistulang kiping ng Pahiyas Festival. Nakalagay sa malalaking baso na tila ginagamit sa laboratoryo ang kanilang inumin na kulay asul o mas kilalang blue lemonade. Tunay, malikhain ang kanilang ideya sa paghahanda ng mga pagkain. Siguradong papatok ito sa mga mag-aaral lalo na sa mga barkadahan. Iyon nga lang, may kaunting kabigatan sa bulsa kapag mag-isa ka, kaya mas mainam isama ang mga kaibigan na makakasalo sa kainan. Ngunit kapag isang food enthusiast ang kakain, siguradong ipagsasakibit-balikat ang presyong pumapatak sa kategorya ng kahanay nitong kainan gaya ng Dadbod. Gayunpaman, siguradong bawi sa disenyo ang kanilang pagkakahanda lalunglalo na sa panloob na disenyo ng karihan. Mayroong apat na bangko at mesa para sa kasuwal na kainan na swak para sa apat na katao sa kaliwang bahagi; sa kanang bahagi naman ay ang pinakainteresante sa lahat at tila pinakakakaiba sa mga karihan dito sa lungsod. Tila isang double-deck na nahahati sa dalawang silid ang ilalim na mas pinagaganda

ng Christmas lights na mas kapansin-pansin sa gabi. Mainam ito sa pantatlong tao. Ang itaas na bahagi naman ay para sa mas malaking barkadahan o kaya ay pang magkasintahan kung dalawahan lamang. Mayroon itong tatlong mesa. Iyon nga lang, kailangang magtanggal ng sapatos. Marahil masasabing magiging paboritong puwesto ito dahil nagdudulot ito ng pakiramdam na tila nasa tuktok ng mundo. Bukod dito, ang puwestong nabanggit na marahil ang pinakamalapit na mahagip ng bentilador o aircon, ideyal lalo na kapag tanghaling tapat Walang duda, tunay na 'instagrammable' ang karihan, patok sa mga kabataang gustong magkaroon nang bagong profile picture sa kanilang social media accounts. Bukod pa rito’y magiliw rin ang kanilang tauhan. Masasabing kailangang mabigyang pagkakataon na subukan ang Tara G! Kaya ano pang hinihintay mo? Tara G!

Hype kang freshie ka! K

Hamfrey Saniel at Adrian Carlo Villanera

Ariana Julia Tadiosa

asabay ang pagtatapos ng isang yugto sa buhay ng mga senior high school (SHS) nating Envergista ang pagsibol ng bagong kabanata sa kanilang buhayestudyante. Tapos na ang maliligayang araw ng pagkikibit-balikat sa mga group report at 'baby thesis' na iniasa lamang sa lider ng grupo, ang mga pagtulog sa lektyur ng mga tinaguriang mga 'feeling major na minor,' at ang samahang akitan sa layasan at… ehem, inuman. Ngunit, sa bagong lakbayin ng mga freshie nating Envergista, hindi mawawala ang tila pagkakatulad nila sa isa’t isa. Ito iyong mga tipo na mahahalata mo agad na freshie sila dahil sa mga katangiang ito.

Abangers Ito iyong tipo ng mga freshies na hindi makapasok sa school o makapunta sa kahit anong lugar nang walang kasama at lagi na lang naghihintay ng makakasama. Kakain lang, iihi lang, o magpapasa lang ng thesis ay lagi na lamang naghihintay ng makakasama.

Totoy Bibo Hindi nawawala ang mga 'Totoy Bibo' sa klase dahil sila ang dahilan Amihan kung bakit natutuwa ang propesor ninyo sa inyong klase. Iyong mga tipo ng estudyante na tinanong lang kung bakit iyon ang kurso nilang kinuha ay sumasagot na agad ng “Naniniwala po ako sa kakayahan ng bawat isa na kaya nating iahon ang bansa sa kahirapan at kahit na matabang ang lasa ng Great Taste ay patuloy tayong lalaban. So, nagAB Comm po ako dahil sabi ng nanay ko. Salamat po.” Ada Loreen De Castro

Nomo

Ligawin

Naniniwala ang mga 'Nomo' na panira lamang ang pag-aaral sa kanilang pag-iinom. Ito iyong mga tipo na bawat labasan sa klase ay nag-aakit kaagad na mag-inom. Lagi silang umiimik ng “No more na.” sa inuman ngunit patuloy pa rin ang pagtagay, kaya tinawag silang nomo (no more).

Huwag na huwag mong iiwan itong mga ito dahil baka hindi na sila makapasok sa susunod ninyong subject. Ito iyong mga taong walang sense of direction at hindi matandain sa mga lugar. Second semester na at lahat ay hindi pa rin alam kung saan ang OSA kahit na lagi na lang itong nadadaanan at napupuntahan.

Food is Life

Apo ni Rizal

Ang mga estudyanteng first period pa lamang ay gutom na agad at kada tapos ng kurso ay inuuna agad na puntahan ang University Canteen. Ito iyong palaging nagtatanong ng “Guys, gutom na ba kayo? Kain na tayo.” 50% ng laman ng kanilang mga bag ay mga pagkain at laging patagong kumakain para hindi mahingian ng mga buraot na kaklase.

Masarap maging kaibigan ang mga ito dahil sila iyong mga talagang dedikado sa pag-aaral na tipong kada free time o pag-uwi sa bahay ay aral agad. Madalas na hindi ito sumasama sa mga galaan ng barkada dahil masyadong busy sa pagre-review at paggawa ng project. Ang kanilang tag line ay “Pahiram ng notes.”

Intergalactic Ambassadors Ito ang mga espesyal na tipo ng mga estudyanteng freshie dahil wala kang maiintindihan sa mga sinasabi nila, mga weirdo ang galawan, at para talagang galing sa Planetang Namek (planeta sa Dragon Ball na pinaglabanan nina Goku at Broly). Mga alien! Alien! Alien! Alien!

Amihan Kasing lamig ng simoy ng amihan ang kanilang presensya - mararamdaman mo pero hindi mo makikita. Sila iyong mga tipo na sa second semester mo lang malalaman at mararamdaman na kaklase mo. Ang kanilang motto, “May klase ba?”

Maraming mga iba’t ibang klase ng mga freshies pero sana ay iisa lang sila ng misyon at iyon ay ang makatapos ng kolehiyo at makatulong sa Bayan at pamilya! Good luck sa mga freshies!


Luzonian

LATHALAIN 17

The

Hulyo - Agosto 2018

Miss Granny

USAPANG PELIKULA

sa kulturang Pilipino Sophia Margarette Caagbay

mo ba iyong tipong nasa isang palabas na ang lahat; umiyak, tumawa, mamangha, ma-inlove, mangarap, umindak, kumanta, at magmahal Hinahanap sa konteksto ng ating pagiging Pilipino? Kung oo, swak na swak ang Miss Granny. Sa kaalaman ng lahat, ang Miss Granny ay Filipino adaptation ng orihinal na Korean version ng CJ Entertainment. Sa mga karatig bansa ay marami ring naging movie adaptation nito katulad ng China, Vietnam, Japan, Thailand, at Indonesia ngunit ayon sa isa sa panayam ng Pep Talk, higit na maganda ang pagkagawa ng Pinoy bersyon kumpara sa mga nabanggit pati na rin ang orihinal na bersyon ng South Korea. Ang nakamamangha, nagmula ito mismo sa CJ Entertainment. Siguro’y dahil mas naging kapansin-pansin ang pagiging mang-aawit ng bidang babae na ginampanan ni Sarah Geronimo. Iyon ang makikita sa trailer ng pelikula, ngunit sa kabuuan ng pelikula, mas nakahahalina dahil angkop na angkop sa ating mga Pilipino ang ginawang adaptation. Tila ba isang pagpapakilala ng ating kasarinlan lalo na kung usapang pamilya. Tunay na nakaaaantig ng damdamin ang pelikula sapagkat ang Pilipinas ay bansang family-oriented at makikita ito kung ihahambing sa ibang adaptations na love life lamang ang mas pinagtuunan. Lubhang makabagbag-damdamin ang palabas lalo na sa mga senior citizens sa senaryong nasa huling yugto na sila ng kanilang buhay at hinihintay na lamang ang tawag ni Kamatayan na pinaigting kung sila’y nakaambang ipadala sa home for the aged. Para sa ating mga Pinoy ay napaka-sensitibong bagay nito sa atin. Kaya…

Ano ba iyong mabigyan ka ng pagkakataon para muling mabuhay sa iyong kabataan? Kung saan sa yugtong ito ibinuhos mo ang iyong sarili para sa iyong pamilya at mga anak? Sa usaping ito, totoo ito, ito ang nangyayari dahil maagang nag-aasawa ang mga kababaihan noong unang panahon. Sila na ngayon ang ating mga lolo’t lola. Sa perspektibo nating mga kabataan, sumagi ba sa isip natin ang mga lolo’t lola natin noong kanilang kabataan? Noong malakas pa sila? Noong hindi pa nangangatog ang kanilang mga tuhod? Noong hindi pa sila amoy-katingko? Noong hindi pa sila amoy lupa? Dahil sa pelikula, nagkaroon ng pagsilip ang mga kabataan kung ‘sino ba’ ang kanilang mga lolo at lola noong mga golden days pa nila. Maaaring magbigay daan ang pelikula sa pagtatanto ng mas malalim na pag-unawa at pagpapahalaga para sa ating mga lolo’t lola na ang tanging hinihingi ngayon ay pag-aaruga ng kanilang mga mahal sa buhay sa huling yugto ng kanilang buhay. Bukod dito, ipinakita ng pelikula ang old school charm. Kamangha-mangha ang naging pagtimpla sa salamangka ng makaluma at makabagong henerasyon ng palabas. Ang mga makalumang kantang katulad ng “Rain,” “Kiss Me, Kiss Me,” at “Forbidden” ay tiyak na magugustuhan ng mga kabataan na nagkaroon ng bagong dating sa rendisyon ni Sarah G. Tipong gugustuhin, kung hindi

man ay maaappreciate pakinggan ng mga kabataan sa panahon ngayon. Kung mapapansin ang mga kasuotan ni Sarah, pupwedeng maging bagong fashion statement ang mga bihis ng aktres, dahilan upang hindi na pulos impluwensya ng ibang bansa ang isusuot ng mga kabataan. Thumbs up din sa improvement ng sinematograpiya at visual effects ng pelikula. Masasabing malaking lukso ito kumpara sa ibang pelikula na sumusugal sa ganitong mga visuals na madalas ay nagpapapangit sa pelikula. Swak din ang timpla ng komedya at drama ng pelikula na madalas ay nagpapakita ng ugaling Pinoy. Bilang karagdagan, mahusay din ang pagkakaganap ng mga aktor at aktres sa pelikula. Nagkaroon ng fresh effect dahil makikitang kakaiba ang ginawang pagganap nila Sarah G. at Xian Lim – na sa pagkakataong ito ay nakuha ng aktor ang tamang timpla sa karakter na ginampanan. Eksakto rin ang naging pagganap ni James Reid sa kanyang role at hindi naging OA. Tila isang salamin ng ating kultura, umpok ng mga aral at realisasyon ang Miss Granny kaya naman masidhi ang suhestiyon na ito ay panoorin ng mga Pilipino.

Inang Kalikasan

Jara Maiah Villaruel

Ating pahalagahan ang

ADBOKASIYA Ada Loreeen De Castro

N

apakaalwan na ng mga bagay na isang gamitan lamang ay maaari nang itapon matapos gamitin. Sa mga panahon na natatakot tayo sa posibleng mangyari sa atin dahil sa mga paparating na mga sakuna na alam nating makapipinsala ng mga tahanan at kabuhayan, hindi natin naiisip kung ano ang puno’t dulo ng mga ganitong pangyayari.

Napakaraming sakuna na ang hinarap ng Pilipinas nitong mga nakaraang taon. Maaari nating tingnan na gumaganti ang kalikasan sa mga taong pansariling kapanakanan lamang ang iniisip sa pagdudulot ng pinsala sa ating Inang Kalikasan. Kumikitil ng maraming buhay ang mga basurang iniwan at itinapon na lamang kung saan-saan. Pati na rin ang mga hayop na kumakalam ang sikmura ay nadaramay sa kapabayaan ng mga tao. Wala silang talino upang suriin ang pagkaing nararapat upang hindi makapinsala sa kanilang katawan, tulad ng plastik na kanilang nakakain sapagkat nagkalat sa paligid. Maraming hayop na ang namatay dahil sa pagkain ng plastik. Ayon sa Metropolitan Transfer Station, ang paguuri ng basura at kontaminasyon ng lupa ay isang uri ng sanhi ng pagkasira ng kalikasan. Maaari natin muling magamit ang mga plastik sa iba’t ibang mga produkto. Subalit patuloy pa ring nagdudulot ng polusyon sa komunidad ang produksyon ng plastik. Tulad na lamang ng mga malalaking bakal na daluyan ng dumi ng isang pabrika, nakasasama sa kalusugan ng mga tao ang mga mapanganib na kemikal na itinatapon ng mga pabrika dahil nasisipsip ito ng lupa na pinagtataniman ng gulay. Kung paano tayo umiiwas sa mga insekto ay dito naman natin inilalapit ang ating sarili sa sakit. Ang mga pestisidyo na nakasanayan nating gamitin sa ating mga tahanan, pati na rin ng mga magsasaka ay maaaring magdulot ng malubhang karamdaman sa tao dahil sa mga lasong kemikal na maaring malanghap at makuha ng ating mga katawan. Ang mga basurang hindi natin naitatapon sa tamang basurahan ay nakapagdudulot ng polusyon hindi lamang sa kalupaan kundi pati na rin sa ating mga karagatan. Ayon sa datos, ang Pilipinas ay nakalilikom ng 35,580 toneladang basura sa isang araw at mababa sa kalahati hanggang sa kalahating kilong (0.3 – 0.5 kg) basura ang naidadagdag ng isang mamamayang Pilipino araw-araw.

Hamfrey Saniel

Narito ang ilang mga simpleng pamamaraan o solusyon upang matulungan ang kalikasan at mabawasan ang pagkasira nito:

1

Ugaliing magtipid ng tubig. Ang bansang Pilipinas ay arkipelago ngunit karamihan ng tubig sa bansa ay tubig dagat kung kaya't kailangan natin tipirin ang tubig tabang kahit sa simpleng paraan lamang. Maligo tayong kontrolado ang tubig na gagamitin o kaya naman ay gumamit ng baso kung magsisipilyo upang hindi masayang ang tubig na hinahayaan nating umaagos sa gripo.

2

3

Bawasan ang pag-kain ng karne. Ayon sa Environmental Working Group, responsable ang pulang karne o karne ng baboy at baka sa 10-40 dami ng greenhouse emissions kaysa sa gulay at butil. Kung ang mga pagkain para sa mga hayop ay sa tao na lamang ibinigay, 800 milyong katao pa sana ang napakain.

Bawasan ang paggamit ng sasakyan. Matuto tayong maglakad kung ang distansya ng ating patutunguhan ay ilang metro lamang ang layo. Dahil dito makakatulong tayo sa kabawasan ng polusyon sa hangin.

4

Bawasan ang paggamit ng papel.dahil makadadagdag pa ito sa mga basurang maitatapon natin. Ang papel ay maaaring makasira ng tahanan ng mga hayop sa kagubatan dahil alam natin na kahoy ang isa sa materyal kung saan yari ang papel at ang produksyon ng papel ay nangangailangan ng maraming tubig.

6

Magdala ng sariling lagayan ng inuming tubig at pagkain. Kung ikaw ay estudyante, maraming drinking fountain ang matatagpuan sa iyong paaralan, pati na rin sa mga paborito ninyong kainan. Ang mga take-out ay maaaring isilid sa sariling lagayan ng pagkain na maaari pang kainin kung may pagtawag na ng kalam ng sikmura.

7

5 Magdala ng sariling supot o lagayan ng mga pinamili sa mall o palengke. Paulit-uli na gamitin ang ecobag, bayong o supot na gawa sa indigenous material o sa tela.

Umaabot naman sa 8, 636 tonelada at mahigit sa kalahating kilong (0.7 kg) basura isang araw ang natitipon sa Kamaynilaan dulot ng mas modernong pamumuhay ng mga residente roon. Karamihan sa basura ng mga Pilipino, 74%, ay nagmumula sa mga tahanan. Ang 94 % ng basura na nanggagaling sa ating mga tahanan ay maaari pang iresiklo o magamit muli bilang pangabono o pataba sa lupa. Ang natitirang limang porsiyento ay mapanganib at hindi na maaari pang magamit muli o mabulok. May 40-85 % lamang ng basura ang nakokolekta sa buong Pilipinas at ang 15-60 % ng basura ay hindi wastong naitatapon o naikakalat sa kapatagan na dumadagdag sa polusyon ng lupa. Minsan pa’y sa kalawakan ng tubig napapatapon ang basura na nakadadagdag sa global warming. Dahil sa hindi wastong pagtatapon ng basura, nalalason din ang mga anyong tubig. Maaaring ang tubig ay nakatutunaw ng mga kemikal na ginagamit sa produksyon ng mga kagamitang ating tinatangkilik sa mga panahong ito, ngunit may mga kemikal na hindi natutunaw ng tubig. Hindi man direktang sa katubigan ang daloy, ang ulan ang nakapagdadala ng mga kemikal na ito sa sapa, ilog, dagat, hanggang sa karagatan. Samakatuwid, lason sa mga lamang tubig ang mga basurang ito. Maraming impormasyon na ang ating nakalap mula sa internet at ang kaya lamang nating gawin ay magbigay reaksyon na may pakialam tayo, na nalulungkot tayo sa ating nakikita, ngunit wala namang gaanong epekto sa dami ng basurang nasa mundo natin ngayon lalo na sa mga basura sa ating karagatan. Nalulungkot tayo sa mga nangyayari ngunit patuloy pa rin tayo sa pagbili at pagtangkilik ng mga produktong hindi nabubulok. Hindi rin nagbabago ang ating mga iresponsableng gawi sa pagtatapon ng basura. Nabubuhay tayong hindi makatiis sa patuloy na paggamit ng ating mga cellphones. Subalit ang isang share sa Facebook ay hindi makababawas sa tonetoneladang basurang itinatapon natin araw-araw. Bagamat nakapagbibigay ng kaalaman ang mga electronic devices, mas mahalaga ang ating pag-aksyon sa mga kaalamang ito upang mabawasan o maitapon nang tama ang ating mga basura. Hangga't hindi tayo umaaksyon upang matugunan ang pangangailangang ito, mananatiling nasa panganib ang ating mundo.

Isipin ang mga itatapon sa basurahan. Ang mga material na iyong itatapon ay maaari pang gamitin sa ibang bagay. Ito rin ay maaaring dalhin sa mga organisasyon na ang hangarin ay ang produksyon ng mga recyclable materials.

8

Matutong manghiram o ayusin ang damit kaysa bumili ng bago. Ayon sa pag-aaral, ang isang kilong tela ay nakapagdudulot ng 23 kilong greenhouse gas sa kalikasan. Kaya matuto tayong tahiin ang butas at butones ng ating damit.

Ilan lamang ito sa mga maaari nating gawin upang hindi na makadagdag pa sa mga problemang ating kinahaharap sa pagkasira ng ating kalikasan. Napakarami pa nating maaring gawin kung mayroon lamang tayong disiplina sa sarili. Kung hindi man tayo maging solusyon, huwag naman sana tayong makadagdag sa pagkasira ng Inang Kalisakan.


Luzonian

18 PAMAYANAN

The

Halina't makisaya sa

N

Michael Joshua Saul

Tomo LXX | Bilang 1

Niyogyugan

Kimberly Mae Argosino

iyog – Langit sa itaas, langit sa ibaba, tubig sa gitna. Minsan langis, minsan panlinis, minsan pampakintab ng sahig. Kung hindi iinumin ay maaaring kainin o di kaya nama’y gawing panggatong o panggata. At kung kulang pa rin sa’yo ang mga ito, pumarini na sa Quezon kung saan ang ‘niyog’ ay may halong ‘yugyog’ at pinalalamutian ng gandang ‘di mo sukat akalain.

Taong 2012 nang unang magkaroon ng Niyogyugan Festival sa lalawigan ng Quezon upang ipagpasalamat ang masagang ani ng niyog, ang pangunahing produkto nito. Hindi na bago para sa mga taga-Quezon ang malalaking pagdiriwang gaya nito: nariyan ang Pahiyas sa Lucban, Pasayahan sa Lucena, ang Pista ng Maubanog sa Mauban, ang Lubid-Lubid ng Tianong, at ang Boling-Boling ng Catanuan, upang pangalanan ang ilan. Tunay ngang walang kasawaan ang mga Quezonian sa mga kasiyahang masarap sa mata at pandama. Hinahanaphanap ito sa bawat sulok ng lalawigan at inihahayag ang karanasan sa sinumang handang manood. Ngunit sadyang ang Niyogyugan Festival ay may sariling karisma na nakapang-aakit hindi lamang sa mga Quezonian, kundi pati na rin sa mga dayuhang binabalikbalikan ito. Agosto ng taong ito ay muling nagtayo ng mga agri-tourism booths mula sa dalawang Lungsod at 39 na munisipalidad sa Quezon. At hindi katulad ng mga naunang taon, mas palaban ang bawat booth ngayon: mas malikhain, mas masisigla, mas makulay, at kitang-kitang mas nakasentro sa layuning maipakilala at maipagmalaki ang likas na yaman at kakayahan ng kanilang bayan. Ang kubo ng Catanauan ay mayroong

pigura ng isang magsasaka na may mga basket na punung-puno ng niyog sa isang kariton. Sa loob naman ay mayroon itong malaking aranya na gawa sa balat ng niyog at capiz shells, simbolo ng maunlad na yamang pandagat ng bayan. Ang bayan ng Calauag na kilala sa mga pandagat na produkto ay mayroong isang malaking alimango sa booth. Anyong bangka naman ang kubo ng ng Pitogo, kung saan ang pangunahing pinagkakakitaan ay pangingisda. Kakaiba naman ang atake ng mga taga-Candelaria kung saan dinala ang Torre del Valle sa Lucena at ipinatong sa ibabaw ng kanilang booth. Perpektong pagkakataon din ang Niyogyugan Festival upang makabili ng iba’t-ibang pasalubong mula sa mga bayan ng Quezon nang hindi lumalabas ng Perez Park: ang suman ng Infanta, danggit ng Buenavista, ang sikat na longganisa’t pansit-habhab mula sa Lucban, at ang puto bao ng Padre Burgos at Agdangan. Kung papasyalin sa ilalim ng nagngangalit na haring araw, animo’y naglalabas din ng sariling pawis ang bawat booth. Mas nakikita ang bakas ng pagod sa maghapong pagtanggap ng mga bisita, at kung mapagbibigyan ng pagkakataon ay masisilayan ang ngiti ng bawat isa sa tuwing pupurihin ang ganda ng yari at disensyo. Sa unti-unting pagdami ng tao sa hapon ay unti-unti ring nabubuhay ang pista: kasabay ng malakas na nakaka-LSS na tugtog ang pagyugyog at pagnguya ng mga turista sa mga masasarap na putaheng nakahain. Pinakamaganda marahil ang pamamasyal sa gabi, dahil

bukod sa lamig ng simoy ng hangin, ay nababalot din ng liwanag ang bawat booth, pinaniningning hindi lamang ng mga bituin kundi pati ng mga kislap ng mga mata, tanda ng kagalakang hindi maisalin sa salita. Kapansin-pansin ang pag-angat ng antas ng galing at talento na makikita sa mga disenyong ginamit at pinagsamasamang mga bahagi ng niyog sa pagbuo ng booth. Sumasalamin ang mga ito sa taglay na kasiningan at pagkamalikhain ng mga Quezonian. Ang mga bagay na ito ay nakapagaambag sa pag-unlad ng kultura at kasaysayan ng Quezon, naitataguyod ang turismo, at naipapakilala ang mga produktong gawa rito. Ang pistang ito ay isang magandang halimbawa ng bayanihan sa bansa sapagkat nagkakakaisa ang mga bayan sa pagtataguyod hindi lamang ng kanilang sariling pagkakakilanlan, kundi maging ng kanilang mga karatig-kaibigan. Magkakaiba man sa uri ng inaani o hayop na nahuhuli, sa Niyogyugan lahat sila’y nagiging isa. Kompetisyon noon, selebrasyon ngayon. Dati’y ang hangad ng bawat bayan ay magkaroon ng pinakamagarbong booth upang umani ng papuri at karangalan. Sa ika-pitong kaganapan ngayong taong 2018, mas nagiging malinaw sa mga bisita ang pagbabago ng hangarin ng bawat bayan: ang dalhin ang pangalan ng Quezon at maitanyag ito sa buong bansa. Malay ninyo sa susunod, buong Pilipinas na ang kayugyugan ng Lalawigan ng Quezon at tatanghalin na rin itong tourist destination.

STARBUCKS Lucena,

Patok sa masa, para sa ekonomiya? Sophia Margarette Caagbay at Carmelo Eduardo Mesa

K

aramihan sa atin ay mahilig sa kape: hindi makukumpleto ang buong araw kung walang nito. Marami sa ating mga Lucenahin ay dumadayo pa sa Maynila maging sa mga karatig-probinsya para lamang makapag-Starbucks. Minsan, pinapangarap natin na isang araw ay magkaroon na rin ng Starbucks sa ating Lungsod. Marami ngang tsismis ang kumakalat na may magbubukas na Starbucks pero, nanatili lamang itong isang tsismis...

Hanggang isang araw, ginulat tayo ng isang balita na ikinatuwa ng karamihan lalung-lalo na ang mga taong mahilig sa kape, partikular sa Starbucks. Ang pagtatayo ng nabanggit na kapehan sa ating lungsod ay tila pangarap na nakamit ng bawat isa dahil noon pa man ay hinahangad nang magkaroon nito sa ating lugar. 'Saucy,' ika nga ng mga millennials. Hindi ka na dadayo pa sa ibang lugar para lamang mapawi ang iyong labis na pananabik sa kape ng Starbucks at iba pang mga produktong mabibili rito. Ngunit sa kabila ng naturang balita, umani rin ng iba’tibang kritisismo at komento ang nasabing proyekto na kung saan maglalabasan na naman daw ang mga 'Rich Kids o RK.' Mayroon din daw na mga ‘pabibo at bonakid’ kung tawagin

Maya

nila. Sila 'yung mga tao na kahit sobrang haba ng pila, bibili at bibili pa rin para lamang masabi na ‘cool’ at ‘in’ sila na makipagsabayan sa iba. May nagsasabi rin na hindi raw magtatagal ang nasabing negosyo dahil kakaunti lamang ang mayayaman at kayang makabili ng kapeng iniaalok nila lalo na at bagsak ang ekonomiya ng bayan dulot ng Train Law. Sa kabilang banda, kung isasaalang-alang ang positibong epekto nito, malaki ang maiaambag ng Starbucks sa panlokal na ekonomiya ng lungsod. Sa patuloy na pagpasok ng negosyo, patuloy din ang paglago ng ating Internal Revenue Allotment o IRA na siyang makatutulong sa mga proyektong pinakikinabangan ng taumbayan. Dahil dito, makakatulong ito sa kaunlaran ng Lungsod ng Lucena.

satellite:

Unang Pinoy nanosatellite sa orbit

Jhon Angelo Virtucio

DOST-ASTI

Carmelo Eduardo Mesa

ng PHL-Microsat Program ang kalendaryo sa matagumpay na paglunsad ng Maya-1 sa orbit na may taas Minarkahan na 400 km. Matatandaang pinakawalan na ang SpaceX’s Falcon-9 CRS 15, dala ang unang nanosatellite na gawang Pinoy, ang Maya-1, patungo sa International Space Station (ISS). Sinabayan ng mga mag-aaral at inhinyero mula sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) Electrical and Electronic Engineering Institute (EEEI) ang countdown sa unang biyahe ng Pinoy satellite patungong ISS habang kanilang pinanonood ang live streaming nito sa Electrical and Electronics Engineering Institute Reading Room ng UPD. Matapos lamang ang isang buwan

ay pinakawalan na sa orbit ang Maya-1 kasama ang mga kapatid nitong cube satellite ng Bhutan ang Bhutan-1 at ang UiTMSAT-1 ng Malaysia. Binuo nina Adrian Salces at Joven Javier ang Maya-1 sa ilalim ng PHL-Microsat Program ng UPD at ng Department of Science and Technology-Advanced Science and Technology Insitute (DOST-Asti). Sina Salces at Javier, kasama ang mga mag-aaral sa doctorate at master’s degree sa space engineering sa Kyushu Institute of Technology (Kyutech) ang bumuo ng mga cube satellites na ito sa ilalim ng ‘Birds-2’

project ng Japan. Ang Maya-1 ang ikalawang microsatellite matapos mabuo ang Diwata-1 noong 2016, ngunit ito ay isang daang beses na mas maliit kaysa sa Diwata-1. Ang Maya-1 ay may laki lamang na 10-cubic centimeter, subalit siniguro ng mga mag-aaral ng Kyutech na ito ay magtatagal at matatapos ang kanyang misyon sa kalawakan. Tinatarget ng DOST na muling maglunsad ng isa pang microsatellite bago matapos ang taong ito at ito ay pangangalanang Diwata-2. Lilipad na sa kalawakan ang Pilipinas.

Isang taong misyon ng Maya-1, Unang hakbang sa constellation of satellites

Maya-1: Patunay na patuloy ang pag-unlad sa space engineering

Matapos mapakawalan ang Maya-1 kasama ang dalawa pang cubesat sa orbit ngayong taon, ay inaasahang tatahakin nito ang ISS orbit sa loob ng isang taon. Habang ang tatlong cubesat ay nasa orbit, gagamitin sila para kumolekta at magpadala ng mga datos mula at patungo sa international ground station network. Ang mga makokolektang impormasyon sa orbit ay maaaring magamit para sa warning systems sa tuwing may mga kalamidad tulad ng bagyo at iba pa. Habang may kalamidad, ang Maya-1 din ang magsisilbing mga digipeaters at relay para kumalap at magpadala ng mga text-messages sa oras na sira ang mga communication signals. Ang mga cubesat na ito rin ay mayroong camera, ngunit hindi katulad ng Diwata-1, ang mga ito ay kaya lamang kumuha ng mga low-resolution images.

Matapos ang sunud-sunod na tagumpay ng PHLMicrosat Program, katulad ng pagpapakawala sa Diwata-1 noong Marso 2016 at ng Maya-1 kamakailan, ay nagpapatunay lamang na patuloy ang pag-unlad ng space engineering sa Pilipinas. “We are actually at the right time. Many countries have been ahead of us but it’s good because we have learned a lot from them,” isinaad ni Joel Joseph Marciano Jr., manager ng PHL-Microsat program at director ng DOST-Asti. Pagkatapos ng mga proyekto at programa sa Kyutech, ay tutungo sina Salces at Javier pabalik sa UPD para ibahagi ang kanilang mga natutunan sa mga Pilipinong mag-aaral at sisimulan ang kanilang tinatawag na ‘Generation of Space Engineers’. “We will build a generation of space engineers,” ayon kay Salces. Sanggunian: news.abs-cbn.com gmanetwork.com


Luzonian

PAMAYANAN 19

The

Hulyo - Agosto 2018

Casa Segunda:

Tahanang hinulma ng panahon

M

Carmelo Eduardo Mesa

insan, natanong mo ba sa iyong sarili, “Ano kaya ang kahalagahan ng bahay na iyon? Bakit matagal bago matapos? Ano kaya ang mga ilalagay doon?" Maraming Envergista ang mausisa at marahil ay naghahangad na isang araw, ay makapasok din sila sa bahay na iyon. Ngunit, ano nga ba ang kuwento sa likod ng Casa Segunda?

Sa pakikipag-ugnayan ng The Luzonian kay Gng. Dobeerie Briones, property custodian ng Pamantasan, sinimulan ang ground breaking at construction ng Casa Segunda noong 2011. Layunin nitong makabuo ng museo na paglalagakan ng mga memorabilia ng Pamantasan at magpapahayag ng ebolusyon nito na naka-ugat din sa kasaysayan ng Lungsod ng Lucena at ng lalawigan ng Quezon. Isinunod ang pangalan ng Casa Segunda kay Segunda Lavares-Lopez. Si Segunda ang butihing ina ni Rosario Lopez-Enverga, biyenan ni Dr. Manuel S. Enverga. Mula sa pamilya Lopez nanggaling ang mga ipinagkaloob na lupain na sa ngayon ay kinatatayuan ng Pamantasang Enverga Inabot ng halos pitong taon ang konstraksyon sapagkat sinunod nito ang detalye ng lumang bahay ng mga Lopez na dati'y nakatayo sa gitna ng lungsod malapit sa Katedral ni San Fernando. Kinalas muna ang lumang bahay sa gitna ng lungsod at ginamit ang mga kahoy, haligi at iba pang maaayos na bahagi nito sa pagbubuo ng museo.

Ang orihinal na kisame at ang mga nakapinta roon ay maingat na inilipat sa museo at ang mga kakulangang kahoy naman ay binili mula rin sa mga lumang bahay upang maging authentic na bahay na bato ang gusali. "Matagal din ang proseso ng restoration work para sa mga bahagi ng museo," wika ni Ar. Jennifer Sanchez, na nag-aral ng restoration at heritage preservation sa Unibersidad ng Santo Tomas. Pinahintulutan kaming makapasok sa Casa. Sa pagpasok, bubungad agad ang mga malalaking haligi ng bahay. Ang sahig ay machuka tiles na uso noong mga panahong yaon. Ang mga palamuting inukit na kahoy ay akmang-akma sa katangian ng museo. Ang hagdanan patungo sa ikalawang palapag ay may nakaukit na “Construdia en Mayo 8, 1916 con El Contratista Cipriano Ravinera” na nagpapatunay na ang orihinal na bahay ay itinayo noong 1916. Samantala, matatagpuan sa ikalawang palapag, ang mga kinalap na muwebles galing sa lumang bahay tulad ng silyang gallinera, hat and coat rack na gawa sa kahoy, mga antigong

salamin, jars, vases, mga iginuhit na larawan ng mga Lopez at Lavares, lumang piano, mga malalapad at mahahabang mesa at mga lumang inukit na silya. Ang iba pang mga kagamitan ay binili mula sa mga antique shops, mga period pieces kung tawagin, na akma sa pang-kabuuang disenyo ng museo. May silid-dasalan, malawak na kainan, maliit na silid-aklatan at malawak na salas. Itatanghal din ang patron ng Lungsod ng Lucena at ng angkang Lavares-Lopez, si San Fernando. Nakalagak sa isang silid ang mga memorabilia ni Dr. Manuel S. Enverga na may kaugnayan sa pagunlad ng Pamantasan. Subalit ang mahalaga, ang Casa Segunda ay magiging luklukan ng mga pagsasaliksik at pag-aaral at ng selebrasyon ng sining, kultura, relihiyon at kasaysayan ng lalawigan ng Quezon at ng Lungsod ng Lucena na magpapamalas sa mga kabataan at sa mga mamamayan ng angking yaman ng pamumuhay at kabihasnan ng mga taga-Quezon. Carmelo Eduardo Mesa

Solusyon sa lumalaking populasyon

A

Anjelyn Jalla

no ang solusyon sa lumalaking populasyon? Naranasan mo na bang makipaglaro ng Trip to Jerusalem sa ibang mga mag-aaral para lamang makakain ng maayos sa kantina? Eh, ang makapanood ng live battle of the Pressies dahil nag-aagawan ng silid? O, 'di kaya naman ay pumunta sa silid-aklatan para maghanap ng pwesto na para bang naghahanap ka ng pizza sa Red Ribbon? Dahil wala kang makita.

Simon Romuel Uy

Bilang isa sa unang batch na nakaranas ng K-12 program sa Pamantasang Enverga, hindi maikakailang isa ito sa mga nangungunang unibersidad sa Quezon. Ang Pamantasan din ang nag-iisang unibersidad sa lalawigan na nagbukas ng lahat ng Senior High School (SHS) tracks. Kaya't hindi nakapagtataka na kahit ito ang pinakamalaking unibersidad sa Quezon, hindi maiiwasan na magkaroon pa rin ng kakulangan sa mga silid-aralan at ilang mga pasilidad. Dahil dito, kahit na hindi itahol ng mga estudyante ang kanilang mga hinaing, mas malinaw pa sa sikat ng araw ang kailangang tugunan ng Pamantasan. Kaya't upang matugunan ang mga hinaing ng mga mag-aaral, sinimulan na ang pagpapatayo ng mga panibagong gusali para sa mga estudyante ng SHS pati na rin ang kantina ng Basic Education Department (BED). Sa pangunguna nina Engr. Carlos Cabañes at Ar. Ryan Cleyford Llagas, sinimulan na ang konstruksyon ng mga gusali sa tulong din ng ilan pang mga propesyonal na sina Ar. Raul Villanueva,

Engrs. Rafael Peter Villadiego, Emmanuel Llave at Romnaldo Faraon. Makikita ang mga nasabing gusali sa tabi ng gusali ng BED sa tapat ng Doña Rosario Bldg. Sa oras na matapos na ang nasabing konstraksyon ng mga gusali, inaasahan na lahat ay panalo sa larong Trip to Jerusalem. Wala nang mangyayaring agawan sa pagitan ng mga guro at estudyante. Wala na ring mahihirapang maghanap ng puwesto sa silid-aklatan dahil malinaw na sa lahat na walang pizza sa Red Ribbon. Natuto na sila. Kaya't sa huli mapapatanong ka na lang: naranasan mo na bang mag-aral sa napakaaliwalas na lugar. Makakain nang maayos at hindi nagmamadali habang iniisip na marami pang susunod na kakain pagkatapos mo. At higit sa lahat, hindi na makikipagsiksikan sa ibang estudyante dahil sinolusyonan na ng Pamantasan ang lumalaking populasyon sa paaralan. Naranasan mo na ba? Kasi kami, malapit na kaming lumipat sa mga bagong gusali.

zundo: Grab/Uber ng Lucena K

Kyle Joshua Cadavez

amakailan lang ay tumaas na naman ang pasahe sa mga pampublikong sasakyan gaya ng dyip. Bukod sa polusyong malalanghap mo habang nakadungaw sa bintana nito, batid mo rin ang init na dala ng araw. Minsan pa'y basa na ang iyong damit sa tumatagaktak na pawis at ang kulang na lamang ay maghubad. Hassle kapag pinawisan at papasok ka pa lang ay mukhang pauwi ka na. Isa pang kalbaryo ang mabigat na bitbitin.

Nais mo ba ng solusyon sa mga ito? Abotkamay mo na ang Lucena-version ng Uber o Grabang Zundo on-demand car service o mas kilala bilang Zundo. Nagsimula itong buuin noong 2017 at naisapubliko noong Abril 2018. Ang Zundo, ang unang transport network vehicle service (TNVS) sa Quezon, na nagsisilbing alalay ng mga komyuter sa oras ng pangangailangan - sa tuwing walang masakyang dyip pauwi, kapag maraming bitbit na bagahe, kapag kailangan ng tagahatid-sundo sa ospital, o kapag malakas ang ulan o 'di kaya'y hindi mo na kaya ang init ng araw. "Magandang application o app ang Zundo," kahit na hindi pa siya ganoon kabilis makakuha ng pasahero kasi nga sa Messenger pa lang siya pero okay na rin naman kasi nagsisimula pa lang sila," ayon kay Camille Ramos, isang Industrial Engineering student na nasubukan na ang app, sa isang panayam. Tulad ng Uber at Grab, ang Zundo ay mayroong dynamic pricing. Ibinabatay ang pasahe gamit ang impormasyon mula sa Google Maps; 40 piso ang base fare at may karagdagang 10 hanggang 14 piso kada kilometro at dalawang piso naman kada minuto. Kapag minsan pa'y dumodoble ang surge pricing. Bilang halimbawa ng presyuhan ng pasahe, kapag nagpasundo ka mula Citta Grande, Iyam at nagpahatid sa SM City Lucena, aabutin ito ng 120 piso para sa isang tao at tig-30 piso naman kung

paghahatian ng apat na katao. Sa ngayon ay mayroon silang 25 sasakyan at drayber na handang magbigay-serbisyo sa mga sumasakay sa lungsod. May serbisyo sila sa Lungsod ng Lucena at minsa'y nakaaabot na sa Lucban, Quezon. "Ang Zundo ang kaunaunahang kumpanya na may ganitong negosyo upang mapaunlad ang transportasyon sa Lucena at Quezon. Ito ay alternatibong serbisyo na naglalayong mabigyan ng higit na maalwang paglalakbay ang ating mga sumasakay. Naisip naming maghi-hit ito sa mga pasahero tulad ng Grab at Uber sa Maynila. Dahil sa kanilang karanasan, iiwasan namin ang mga nagawa nilang pagkukulang upang mas maganda ang aming maging paglilingkod sa aming mga kliyente," pahayag ni Alwaynne Caburnay, isa sa nakaisip ng Zundo at gumawa ng app. Sa kasalukuyan, pinauunlad pa ng Zundo ang serbisyo nito at pinalalawig pa sa iba pang bahagi ng probinsya. Sinusubukan nilang paigtingin ng 24oras ang serbisyo pero kadalasa'y nakapaghahatidsundo sila mula alas-sais ng umaga hanggang alas-tres ng umaga. Tunay ngang unti-unti nang nakikipagsabayan ang Lungsod ng Lucena sa Maynila pagdating sa pag-unlad sa iba't ibang aspeto ng pamumuhay. Isa lang ang Zundo sa maraming magagandang bagay na nangyayari sa ating lungsod. Ayon kay Caburnay nang tanungin siya kung ano ang dapat na attitude mayroon ang isang

nagnenegosyo ng serbisyong makatutulong sa tao. "Una, ay kiling sa paglilingkod pampubliko. Ikalawa, hindi lamang pagkita ang dapat isipin kundi ang paglilingkod sa publiko. Ikatlo, lahat ay nais kumita sa ideyang ito subalit mas mahalagang makaungos ang paglilingkod. Pabuya lamang ang pagkita," ayon kay R. Kiyosaki. "Nais naming maging matibay ang aming pakikipagtulungan sa mga pasahero upang tangkilikin nila ang aming serbisyo. Ito ang magbibigay sa Zundo ng mahaba at magandang kinabukasan sa negosyong ito," dagdag pa niya. Mahalaga ang ganitong negosyo sa Lungsod ng Lucena. Ito ay patunay na kaya nating makipagsabayan sa pagginhawa ng buhay ng nakararami. Minsan nang tinaguriang "Mini Manila" ng Timog Katagalugan ang Lungsod ng Lucena, at patuloy itong magsusumikap na maiangat hindi lamang ang kaginhawaan ng bawat mamamayan kundi pati na rin ang ekonomiya ng lungsod na magreresulta sa pagiging isa sa mga economic powerhouses ng lungsod sa buong bansa. Kung kailangan ng tagahatid-sundong hassle-free, nariyan ang Zundo app--ang magliligtas sa 'yo sa stress. Mura na, ligtas pa, at maginhawa ang byahe sa isang pindot lamang.


Luzonian

20 PAMAYANAN

The

Tomo LXX | Bilang 1

Kislap sa Timog Katagalugan Ariana Juilia Tadiosa

...masikhay na iniaangat ng lokal na pamahalaan ng Lucena ang ekonomiya nito upang maging inklusibo sa lahat ng mga mamamayang Lucenahin...

I

sa ang Lungsod ng Lucena, ang 'miniManila ng Timog Katagalugan, sa mga prestihiyosong lungsod hindi lamang sa Calabarzon kundi maging sa buong bansa.

Kabilang ang lungsod sa limang tinaguriang regional centers ng rehiyon at isang economic powerhouse sa bansa. Sa mga huling ulat na kinalap sa iba’t ibang mga sangay ng gobyerno ukol sa kita o rebenyu ng lungsod, pumalo na ito sa PhP 906,516,490.43 noong 2016 at mahigit isang bilyong piso na sa nakalipas na dalawang taon. Bilang isang first class highly urbanized city tulad ng mga sister cities nitong Makati at Davao, masikhay na iniaangat ng lokal na pamahalaan ng Lucena ang ekonomiya nito upang maging inklusibo sa lahat ng mga mamamayang Lucenahin. Mayroong 8,316.90 hetarya ng lupa ang Lungsod, 19% o 1,651.77 hektarya nito ay natayuan na ng mga gusali at kabahayan. Halos 3% nito o 46.62 hektarya ay tinitirikan ng mga pang-industriyang gusali na matatagpuan sa mga urban barangay ng Lungsod na siyang nagpapatakbo sa ekonomiya ng Lucena. Liban pa rito, ang mga agricultural land ay pinakikinabangan ng mga mamamayan ng Lungsod sa pagpapalago ng inland agriculture at aquatic agriculture, kabilang na rin ang mga panlupa at pandagat na terminal, mga pinansyal na institusiyon, at samu’t saring komersyo. Ayon sa mga economic experts, maaari pang maging first class ang ekonomiya ng Lungsod sa susunod na tatlong taon kung magiging patuloy ang pagiging progresibo at paglago ng ekonomiya nito. Sagot dito ng lokal na pamahalaan ang planong pagpapatayo ng isang industrial park na magbubunga ng maraming trabaho para sa mga Lucenahin at mga mamamayan ng mga karatig-bayan. Tampok din sa paglago ng ekonomiya ng Lungsod sa nakalipas na anim na taon ang halos 30% paglago ng bilang ng mga business firms, bilang ng mga bagong rehistro at inirehistro muling mga negosyo, at ang bilang ng mga manggagawang nagkaroon at mga nananatiling mga trabahador ng sa pampubliko at pampribadong mga sektor. Idagdag pa rito ang porsyento ng kapitalisasyon ng Lungsod na umakyat sa 219% noong 2015 samantalang ang cost of living ay sumayad sa 0.2% ng katulad na taon na nangangahulugang gumanda ang kalidad ng buhay sa Lucena. Kaya nga lagi’t laging sandigan ng Lalawigan ng Quezon ang Lungsod ng Lucena bilang puso at kaluluwa ng komersyo, ekonomiya, pamamahala, at mga pangarap ng mga mamamayan nito.

Tunay na tinatangkilik ng mga Envergista ang mga business ventures na handog ng mga marketing students sa pasilyo ng San Lorenzo Study Area ng Kolehiyo ng Pangangalakal at Pagtutuos.

John Andrew Jeremiah Pacalda

Husay ng mga Marketista,

TATAK-ENVERGISTA

S

Mc Kinly Revilla

a konsepto ng pagkakaroon ng sariling negosyo, strategic planning ang isa sa mga pangunahing aspeto upang makakuha ng satisfaction at mataas na kita ng isang negosyo. Ang business venture ng mga mag-aaral sa marketing ay kombinasyon ng thesis output sa ikaapat na taon at ng feasibility study kung paano magiging matagumpay ang mga nagsisimula pa lamang na business entrepreneur, ang mga marketistang Envergista.

Hindi na kailangang pumunta kung saansaan para masiyahan sa ating mga ninanamnam na pagkain sa meryenda at sa regular na pagkain dahil handog ng mga talentado at wais na Marketista ang mga pagkaing paniguradong makabubusog sa inyong mga kumakalam na sikmura. “Bilang tagapayo ng mga mag-aaral sa marketing, nakikita ko kung paano sila mamulat sa pagkakaroon ng sariling negosyo. Nasusukat dito ang pagiging malikhain ng bawat isa. Kaya sa mga Senior High students na nag-iisip pa sa kanilang kursong kukunin, ang CBA at ang pagiging marketing major ang sa tingin ko ay patok sa lahat. Dito ka mahahasa upang maging competitive sa tunay na daigdig ng negosyo," ito ang pahayag ni G. Romerico Alvarez, tagapayo ng mga marketing students. Noong Agosto 31 nasaksihan ang pagbubukas ng mga business ventures, sa tulong ng kanilang tagapayo na si G. Alvarez at tumatayong dekana ng CBA na si Bb. Cathy Limjuco. Makikita ang mga business ventures sa San Lorenzo Hallway. Ang isa sa anim na grupo ng mga ventures ay magpapatamis sa bawat umaga ng mga Envergista: ang 'Sweet and Sassy' na kombinasyon ng mga pagkaing panghimagas at matatamis na shakes. Ang kanilang best seller

ay chocolate cupcake at cake pops na parehong nagkakahalaga ng 15 piso. Ayon sa kanila, ang mga pagkaing ito’y binudburan ng espesyal na sprinkles na natutunaw sa labi habang nilalasap. Hindi rin mawawalan ng bilihin ang mga mahihilig sa patatas. Ang pangalan ng isang negosyo ay 'Twistto' ay hinango sa 'twist and potato.' Ayon sa kanila, ito ay ibinatay mula sa kung paano iniiikot ang isang patatas na nagmumukhang 'tornado' na nakatuhog sa stik, isang konsepto na bago sa mata ng mga Envergista. Nagsisimula ang presyo nito sa 20 piso kada stick. Hindi naman magpapahuli ang kasunod na grupo. Ayon sa kanila, inspirasyon nila ang puno ng niyog na tinaguriang 'puno ng buhay' sa kanilang venture. Ipinagmamalaki nila ang mga produkto ng Quezon at ang sarap ng Coco Sugar, kaya tinawag nila itong 'Cocoloco.' Mayroon din silang itinitindang pansit habhab. Ito ay may presyong 10 piso hanggang 20 piso. Maliban dito, mayroon din silang itinitindang fried oreo , 20 piso para sa 4 na piraso, at iced coffee naman na may presyong 10 piso. Ang Khalia’s Gourmets naman ay isa rin sa may mga kakaibang gimik. Sila ay may konseptong binigyan ng bagong imahe ang popular na isdang tamban na maaaring ilahok sa pasta o gamitin bilang sidedish. Nakalagay ang

mga ito sa isang maliit na garapon na puno ng ibat-ibang pampalasa. Ang presyo nito ay 190 piso. “We specialize in your impossible deadlines,” ito naman ang serbisyong handog at paandar ng 'INKVERGA'. Ang pangalan nila’y kombinasyon ng 'ink'- na kanilang higit na kailangan sa printing at 'verga'- hango sa pangalan ng Pamantasan. Hindi na kakailanganing lumabas ng campus o gumastos nang malaki sa pagpapa-print, dahil sagot ng INKVERGA ang printing needs ng mga Envergista. Mapapa-wow ka naman sa pagka-unique ng 'Unik-to', isang online fashion business kung saan ipinakikita ang pagiging kakaiba, bago at sunod sa uso ng mga Envergista. Mayroon silang mga tie-dyed shirts sa presyong 149 piso at 'Baybayin wallets' sa halagang 99 piso. Mabibili rin dito ang mga shirts na may millennial designs: maganda ang tela at masarap sa mata. Sabi nga nila, "we create what you imagine." Ang pagkakaroon ng ganitong aktibidad sa Pamantasan ay isa sa mga unang hakbang sa sistema ng pagkakaroon ng sariling negosyo. Binibigyang daan nito ang pagsasabuhay ng mga napag-aralan sa loob ng klase. Hinahasa nito ang kalidad ng sariling kaalaman at inihuhulma ang mga mag-aaral upang maging matagumpay na negosyante o entrepreneur, hindi empleyado.

ᜊᜓᜑᜌᜒᜈ;᜔ ᜊᜌ᜔ᜊᜌᜒᜈ᜔ M

Paano gamitin ang baybayin?

Simon Romuel Uy

aaring ito ay isang sinaunang paraan ng pagsusulat at napag-iwanan na sa kasaysayan ngunit ang baybayin ay muling bumabalik at bumabangon muli sa hukay ng pagkalimot.

Alamin at memoryahin ang mga karakter. Mayroong 3 patinig at 14 na katinig ang baybayin.

Mga panuntunan, paano gamitin at basahin ang baybayin, ang mga angkop na kudlit sa ibabaw at ibaba at ang sabat sa karakter.

Laging tandaan sa paggamit ng baybayin, ito ay pagbaybay sa angkop na pantig ng bawat salita na ganoon mo isusulat.

Nagiging trending na ito at biglang sumikat lalo na sa social media, natampok din ito sa pelikulang 'The Day After Valentines' at nabibigyan na ng angkop na pagkilala ang natatangi nating alpabeto sa lumalawak na pagtangkilik ng mga kabataan dito. Noong Abril ay inaprubahan ng House Commitee on Basic Education and Culture ang isang panukalang-batas na naghahangad na ideklara ang Baybayin, isang pre-Hispanic at sinaunang pamamaraan ng pagsusulat ng mga Pilipino. Ang layunin ng House Bill 1022 o ng panukalang 'National Writing System Act' ay ideklara na ipahayag ang Baybayin bilang pambansang sistema ng pagsulat ng Pilipinas, nang sa gayon ay magtaguyod ito ng higit na pagbibigay kamalayan sa kalagayan ng Baybayin, gayundin ang pagpapalaganap ng mas malawak na pagpapahalaga para rito. Ang Baybayin ay isang sinaunang paraan ng pagsulat ng mga Pilipino na ang ibig sabihin ay 'spelling'. Ang baybayin ay mayroong tatlong patinig at 14 na katinig. Ang pagkalito sa paggamit ng mga marka nito ang maaaring nakapagambag sa pagkamatay ng Baybayin sa paglipas ng panahon. Ang pagnanais ni Francisco Lopez (1620) para sa Baybayin upang sumunod sa mga alfabetos ng Espanyol ay nagbigay daan para sa pag-imbento ng cross sign (+) o sabat (x). Ang Alibata na inakala ng karamihan na tawag dito ay hindi totoo, ito ay imbento lamang ng isang guro na inakalang mula ito sa Arabic Alphabet, hango ito sa unang mga titik ng Arabe: alif + bata = alibata.


Luzonian

ISPORTS 21

The

Hulyo - Agosto 2018

E-sports, nais paigtingin sa bansa Kalmado lamang ang mahusay na manlalarong si Julius Quindoza sa 2018 PRIMA PASTA Badminton Championship, sapat upang masungkit ang karagdagang medalya sa kanyang mga koleksyon nito mula sa iba'tibang palarong sinalihan.

2018 PRIMA PASTA BADMINTON CHAMPIONSHIP

Quindoza, prinsipe ng badminton

W

Ivan Chris Mabilangan

ala pang tatlong buwan mula nang manalo siya ng tanso sa Pambansang antas ng PRISAA, nakasungkit na muli si Julius Quindoza ng apat na kampeonato sa larangan ng badminton. Kampeon siya sa 13th LBC Anniversary Invitational Badminton (Iñigo Sports Complex, Lucena City), sa Prima Quarterly Badminton Tournament (Makati City), sa Servants Cup 2018 (SM Lucena City), at sa 2nd Pocari Sweat South Invitational Badminton Tournament (Bacoor, Cavite).

Sa isang tingin, animo’y namumulot lamang ng gintong medalya si Quindoza. Subalit napakalayo nito sa katotohanan. Ang ginintuang kalsada’y bunga ng hindi mabilang na oras sa court, walang hanggang pagpalo ng raketa at walang tigil na pagtulak sa limitasyon ng sarili. Siya ang depinisyon ng tunay na atleta. Siya si Julius Quindoza. Nagsimula siya sa laro noong siya’y nasa ikaapat na baitang ng elementarya. Napasubo siya sa STCAA Regionals, at nalasap niya sa unang pagtatangka ang una niyang pagkatalo. “Unang sali ko pa lang, nabigyan na agad ako ng chance na magustuhan ko talaga yung sport na ito.” Subalit nagpursigi siya. Dahil dito’y nanalo siya sa sumunod na taon at naging national champion sa ikaanim na baitang. “Hangga’t hindi ko nakukuha 'yung layunin kong manalo, talagang tinatyaga ko lang.” Ipinagpatuloy niya ang paglalaro sa sekundarya, kung saan nanalo siya ng iba’t ibang ginto at pilak na medalya. Parehas siyang naglaro ng singles at doubles. “Madali na mag-shift kasi nandoon na rin 'yung footwork at skills, halos parehas lang. Nakakatalo na lang sa 'kin 'yung mga Philippine team na sobrang lulupit na ang training nila.” Sa kabila ng mga karangalan, ang alab ng damdamin ang nag-uudyok sa kanya upang mas pagbutihin pa ang sarili sa larangan. “Mahal ko

na talaga 'yung larong badminton. Ito na rin ang kinalakihan kong sport. Kumbaga kasama na talaga siya sa buhay ko bilang atleta.” Bilang patunay sa kanyang dedikasyon, sumasali rin siya sa mga open tournaments sa Maynila. “'Yung mga tournament sa Manila ay national competitions para makita mo kung gaano ka na kalakas o kahina, kung nag-improve ka ba o hindi. Fortunately naman, tinutulungan naman ako ng Pamantasan kapag humihingi ako ng tulong.” Ang mga kompetisyong ito ang kanyang ginagawang pagsasanay upang manalo sa taunang PRISAA. Gayunpaman, hindi niya nakakalimutang ialay sa Diyos at sa Pamantasan ang kanyang mga pagkapanalo, habang masaya niyang tinanggap ang tanso mula sa nasabing kompetisyon. "Masaya at malaki ang pasasalamat ko sa Diyos, kasi nga nanalo. Siyempre, nandun pa rin 'yung pagka-surprise, kasi hindi naman ganoong kadaling manalo, e. Lalo na noong Nationals. Bawat kalaban hindi madali. Nandoon 'yung eagerness ko na manalo hindi lang para sa sarili ko, kundi para sa school. Kasi ngayon, bawat laro gusto kong katawanin ang ating Pamantasan," dagdag pa niya. Nagpapasalamat din siya sa mga taong nakapalibot at tumutulong sa kanya. "'Yung impact naman sa akin noong mga tao sa paligid ko ay nagbibigay sa akin ng inspirasyon

upang pagbutihin ko pa ang aking paglalaro. Halimbawa, habang nananalo ako, nagiging masaya rin sila para sa akin. Kumbaga, mas nabo-boost 'yung morale ko na magsikap pa," pagkukwento ni Quindoza. Nagpapasalamat siya sa mga sumusuporta sa kanya tulad nina Coach Menchero, Direktor Darios Virrey, sa kanyang pamilya at sa kanyang girl friend, na inspiration niya. Naniniwala si Quindoza na magagamit niya ang mga natutunang katangian sa paglalro sa iba pang bahagi ng kanyang buhay. "Magagamit ko ito sa aking professional career sa hinaharap. 'Yung pagsisikap at dedikasyon sa paglalaro ay hindi dapat mawala kasi hindi tayo lalago, hindi tayo lalakas. Nandoon din ang paghingi ng tulong sa Diyos. Hindi rin dapat mawala ang disiplina. Kailangan din ang kababaang loob. 'Yung pag nanalo ka ay di ka magyayabang." Sa huli, may mensahe si Quindoza sa iba pang badminton aspirants. "Ang masasabi ko lamang sa mga gustong mag-badminton, huwag kayong susuko kung hindi pa ninyo naaabot ang tagumpay na minimithi ninyo. Magtiwala sa sarili at patuloy na magsikap. Pagtiyagaan lamang ninyo ang pagsasanay at pasasasaan ba, makukuha't makukuha ninyo rin ang mga medalyang inaasam. Kayo naman ang magiging champion balang araw. Huwag lang kayong aangat," pagtatapos ni Quindoza.

K

Andrei Christian Cuario

asalukuyang nagsasagawa ng iba’t ibang programa at aksyon ang gobyerno para mas mapaigting ang kampanya ng pagbibigay suporta sa mga atleta ng e-sports.

Kasama rito ang pagpapahintulot sa mga professional e-sports players na magkaroon ng lisensiya kagaya ng sa mga atleta matapos aprubahan noong nakaraang taon ng Gaming and Amusement Board (GAB) na nasa pamamahala ng Office of the President. Sa ganitong paraan mas mabibigyang importansya ang larangang ito sapagkat kinokonsidera na ring ’athlete’ ang e-sports gamer katulad ng mga atleta sa pangkaraniwang sports tulad ng basketball, soccer, volleyball, weightlifting at iba pa. Suportado rin ni Philippine Olympic Committee (POC) President Ricky Vargas ang pagpapalakas ng e-sports sa bansa at maaaring isama ito sa South East Asian Games na gaganapin dito sa bansa sa susunod na taon.

Sana makabuo tayo ng National Sports Association (NSA) para sa e-Sports, na siyang magsusulong at maghahanda sa ating mga atleta para sa internasyunal na kompetisyon. Isulong din natin ang e-sports sa Southeast Asian Games,"

-Vargas

Mayroon na ring ahensya upang palakasin ang e-sports at upang kumalap ng mga manlalarong kakatawan sa bansa, ang E-sports National Association of the Philippines (ESNAP) na pinamumunuan ng pangulo nitong si Joebert Yu. Napapabalita rin na maaaring mapasama ang e-sports sa 2024 Paris Olympics at sa 2022 Asian Games bilang bahagi ng 'medal event' na gaganapin sa Hangzhou, China. Kasalukuyang pinag-uusapan pa ng mga kinatawan ng International Olympic Committee (IOC) ang pagdadagdag ng E-sports sa Olympics. Naging bahagi ang e-sports bilang 'demonstration sports,' ibig sabihin, hindi kabilang ang mga mananalo ng medalya sa larong ito sa 'overall medal tally' sa Asian Games 2018 sa Jakarta, Indonesia, kung saan mayroon itong anim na iba’t-ibang 'video games' na paglalabanan at ang Pilipinas ay kinatawanan ng Bren e-sports sa larong Arena of Valor. Maraming Pilipino ngayon ang sumasali sa mga iba’t-ibang kompetisyon at tournament upang pagkunan ng kanilang pinansyal na pangangailangan nang sa gayon ay makatulong sa kanilang pamilya dahil malaki ang pabuya sa ibang naglalakihang tournament sa bansa pati na rin sa international competitions. Samanta, malaki rin ang tsansa ng bansa na makasungkit ng medalya sa iba't-ibang kompetisyon kung tuluyang mapaiigting ang pagpapalakas ng e-sports sa bansa. Sanggunian: ABS-CBN News, Rappler, BBC Sports

Cunanan, humataw sa international dancesport events Andrei Christian Cuario sa international dancesport events si RJ Vince Cunanan ng Grade 11 Accountancy Namayagpag and Business Management (ABM). Sa ginanap na 8th TDA Asia Inter-Tertiary Dancesport Championship 2018 sa Singapore, noong Hulyo 7 ngayong taon, nagkampeon si Cunanan sa Pre-Amateur Open Latin category. Nagkamit rin siya ng pilak sa Amateur Rising Star Latin category at tanso sa Youth Under 21 Latin category. Sa ginanap namang 8th Royal Siam Cup International Championships sa Thailand noong Hulyo 14, 2018, nasungkit niya ang tansong medalya sa Youth Under 21 Latin category at tumapos sa ika-anim na puwesto sa Pre-Amateur Latin category. Naging matagumpay rin si Cunanan sa ginanap na Perak International Dance Championship sa Ipoh, Perak Malaysia noong Agosto 25, 2018. Nagkampeon siya sa Junior Under 16 Latin at Pre-Amateur Latin category, habang nakamit naman niya ang ikalawang puwesto sa Amateur Rising Star Latin at ikatlong puwesto sa Youth Under 21 Latin category. Naging maigting ang pag-eensayo ni Cunanan sa kabila ng kanyang pag-aaral. Nakatuon ang isip niya sa mga kompetisyong nilalahukan at nanalig sa Diyos na naging susi niya upang makamit ang mga karangalan. "Bukod sa pag-eensayo ko sa araw-araw apat na oras sa bahay man o sa studio, inihahanda ko rin ang sarili ko mentally at spiritually. Kinailangan ko ng focus at walang akong ibang inisip kundi

positive thoughts at kung ano ang aking gagawin sa bawat laban. Pagkatapos ng aking mga klase, nadaan ako sa simbahan upang magdasal, magpasalamat, humingi ng tawad at humiling," wika ni Cunanan. Gusto niyang magpasalamat sa mga taong sumuporta at tumulong sa kanya upang makamit ang mga karangalang ito, lalo na ang kanyang ina na tumutulong sa kanya sa ensayo at isa sa dahilan upang gumaling pa siya. "Gusto kong pasalamatan ang mga subject teachers ko sa pagsuporta nila sa akin lalong lalo na ang aking mga school coaches pagdating sa dancesport na sina Ma'am Arlene Carmona at si Sir Darrios Virrey," ipinahayag ni Cunanan. "Ang nanay ko ang tumulong sa akin. Dahil siya ang nagbibigay-payo kung paano ko pa dadalhin ang aking kaalaman sa sukdulan. Push harder, sabi niya. Siya rin ang numero uno kong kritiko na nagbibigay ng mungkahi kung ano pa ang kulang at pwede pang idagdag sa aking mga routines na nagdala sa aking mga pagwawagi," dagdag pa niya. Pinaghahandaan ngayon ni Cunanan ang mga susunod pa niyang lalahukang kompetisyon at isa sa mga layunin niya ay makapunta sa Europa at Amerika upang makipagkumpitensya. Sa ngayon ay nakatutok muna siya sa Asian Competitions at babalik uli sa Thailand, Singapore, Malaysia at Indonesia para lumaban.

Vhing Cunanan

Hataw kung hataw ang siste ni RJ Cunanan upang masungkit ang parangal sa Dance Sports Amateur Rising Star Latin Category na ginanap sa Thailand. Patunay na isa siyang dangal ng bayan at ng pamantasan.


Luzonian

22 ISPORTS

The

Tomo LXX | Bilang 1

Clarkson, bumida sa Gilas Pilipinas Andrei Christian Cuario

I

pinamalas ng NBA player na si Jordan Clarkson ng Cleveland Cavaliers ang kanyang husay matapos pangunahan ang Gilas Pilipinas sa Asian Games. Namayagpag si Clarkson at tinapos ang torneo na may averages na 26.0 puntos mula sa 46 shooting percentage at mayroon din itong 6.5 rebounds, 5.5 assists at 1.0 steal kada laro. Nakamit ng Gilas Pilipinas ang ikalimang puwesto sa Asian Games, matapos tambakan ang Syria, 109-55. Samantala, nakarating lamang sa ikapitong puwesto ang Gilas noong 2014 Asian Games na ginanap sa Incheon, South Korea. Pinaigting ni Clarkson ang opensa ng Gilas Pilipinas at itinala ang 29 puntos sa huling laro kontra Syria. Matapos ang laro, humarap ito sa gitna ng court upang pasalamatan ang mga fans sa pagsuporta sa Pilipinas. Nakamit ni Clarkson ang unang panalo sa Pilipinas kontra Japan, 113-80 kung saan kumarta siya ng 22 puntos at 9 assists. Sa kanyang unang laro kontra China, umiskor siya ng 28 puntos para pangunahan ang pambansang koponan, ngunit kinulang ito para patumbahin ang China sa iskor na 82-80. Sa quarterfinals kontra Korea, nagpakawala si Clarkson ng 25 puntos upang pamunuan muli ang Pilipinas, ngunit hindi ito naging sapat upang umabante sa semifinals. Nabigo ang Gilas sa iskor na 9182. Humanga ang import ng Korea na si Ricardo Ratliffe na dati ring import ng PBA sa husay na ipinamalas ni Clarkson. Kahit na hindi nakamit ang inaasam na medalya para sa bayan, nagpasalamat pa rin ang 26 anyos guard ng Cleveland Cavaliers sa pagkakataong maglaro para sa Pilipinas. “I just want to say thank you. It’s been a blessed opportunity to play in the Asian Games” pahayag ni Clarkson. “It’s been a great experience to just be able to come here and support our country and our flag. I’m happy, I’m satisfied. But we could have been playing for a medal," dagdag pa niya. Si Clarkson ang naging 'flag bearer' ng bansa sa opening ceremony ng Asian Games na ginanap sa Jakarta, Indonesia. Ayon kay Clarkson hindi ito ang huli niyang paglalaro para sa Pilipinas. Ibabahagi rin niya ang kanyang talento sa ibang kompetisyon tulad ng FIBA World Cup at Olympics. Sanggunian: Rappler, TV5.espn.com, ABS-CBN News

I just want to say thank you. It’s been a blessed opportunity to play in the Asian Games.

Mas prayoridad [ng gobyerno] ang ganid kaysa kompetensiya...

Medalyang limos

ISPORTS EDITORYAL

N

akamina tayo ng apat na ginto, dalawang pilak at labinlimang tansong medalya sa nakaraang Asian Games. Mistulang pagtapak sa buwan kung ikukumpara sa 1-3-11 na bunga ng 2014 Incheon Games. Subalit nakakabulag ang silaw ng bakal. Animo'y pininturahang kubo, ikinukubli ng palamuti ang mga marurupok na poste.

Kaya pa.

Maraming salik ang nagliliko ng daloy ng pampalakasang kompetisyon: dami at alokasyon ng pondo, potensyal ng manlalaro, pagiging epektibo ng pagsasanay, kasikatan ng laro, at swerte. Hindi man ganap na nakasandal ang yaman ng bansa sa kagalingan ng gobyerno, iba ang alokasyon. Gayundin, hindi man natin hawak ang talento ng bawat indibidwal, gobyerno ang kumikilatis at nagsasanay sa mga atletang may kakayahang magwagi. Sa kabilang panig, mahalaga ang popularidad sa paghikayat ng mga potensyal na manlalaro. Hindi tayo dapat umasa sa swerte. Mabuti na lamang, maraming laro ang Asian Games na sadyang sikat na sa ating bansa. Kaya bakit ganoon, na natalo tayo sa basketball, volleyball at iba pang larong popular sa masa? Bakit nanalo tayo sa cycling, skateboarding at golf, na kung susuriin ay mas mababa ang pagtangkilik at mas mahal ang gastos?

May mali.

Una, bakit tayo nanalo sa mga larong tulad ng golf, na hindi maikakailang laro ng mayayaman? Ibig sabihin ba nito'y mas handa ang gobyerno na gumastos dito kaysa sa mga mas popular at murang laro? O ibig sabihin lamang ba nito na may mga taong handang tustusan ang kakulangan sa kasikatan na mayroon ang mga

larong tulad ng basketball at volleyball? Habang totoo naman na maraming bansang mas mayaman kaysa sa atin, hindi ibig sabihin ay imposible na ang alokasyon ng sapat na pondo para sa ating mga atleta. Sa katunayan, mas pinatitingkad ng iba't ibang isyu ng korapsyon sa gobyerno ang posibilidad ng kamalian dito. Tingnan na lamang natin ang nakaraang Nomad Games kung saan isang Pinoy lamang ang sumali. Wala ni isang kusing siyang natanggap sa gobyerno. Iyon ay sa kabila ng pagkakaroon dapat ng pondo para sa mga manlalarong bitbit ang ating bandila.

Dahil ba ito sa kakulangan ng talento?

Napakaraming Pinoy na may hilig sa basketball, at hindi kalabisan ang pagsasabing sa libu-libong nagnanais makalaro sa pandaigdigang patimpalak ay may ilang daang talento ang kayang makasungkit ng tropeyo. Kailangan na lang silang hanapin. Gayunpaman, maaari pa rin nating tustusan ng ensayo ang kakulangan sa potensyal. At kapag naglaan ng sapat na pasilidad ang gobyerno para sa mga atleta, paniguradong mas marami tayong gintong maiuuwi. Kaya hindi natin basta pwedeng sabihin na natalo tayo dahil sa hindi malampasang agwat ng ating kakayahan. Kalokohan. Ang kakayahan ay alinman sa nahasang talento o sinanay na abilidad Parehong umaasa ito sa kapasidad ng estadong sanayin ang atletang kasali. Kapag tinanggap na lang natin na sadya lamang na

mas magagaling ang mga banyaga kaysa sa atin, dapat ay hindi na lamang tayo sumali, hindi ba? Pumapatak uli ito sa pagnanais ng estado. Ang isyu dito ay hindi sa natalo tayo sa isports na kaya namang mapanalunan ng iba. Iyon ay ang natalo tayo sa mga pinakapopular na laro sa bansa, ngunit nanalo tayo sa mga mas hindi sikat, subalit mas mahal na laro tulad ng golf. Hindi naman sa dapat hindi tayo nanalo sa mga larong nabanggit. Ipinahihiwatig lamang nito na may sapat na yaman tayo para makasungkit ng ginto, hindi lamang nailalaan nang maayos. Ibinubulong din nito sa atin na upang maiuwi natin ang tagumpay, dapat kunin ng mga atleta ang mga sangkap mula sa ibang mas mapagkakatiwalaang daan, hindi tulad ng gobyerno.

At hindi dapat ganoon.

Bumabagsak lahat sa suporta ng gobyerno. Hindi naman sa hindi nila kayang magbigay; mukhang ayaw lamang nilang magbigay. Mas prayoridad nila ang ganid kaysa kompetensiya. At pwedeng magturuan ng daliri ang mga pulitiko, kahit na ang mga atleta nati'y nagdurusa at nagtitiis. Simpleng lohika. Palitan ang mga pulitiko para mabago ang sistema. Pansamantala, mahalagang ipakita sa mga tao ang katotohanan sa likod ng mga resulta. Hindi man tayo makakuha kaagad ng suporta, kapag pinatunayan natin ang ating kakayahan, mas maraming patron ang gugustuhin tayong tulungan, hindi lang sa golf, skateboarding at cycling; pati na rin sa mas makamasang sports.

DAGITAB Jhon Angelo Virtucio

Sana ay ugaliin natin ang pagdalo sa [Intramural Games] na inihanda para sa atin nang sa gayon ay hindi na langawin ang paparating na Intrams...

Sana ay hindi ka na katulad ng dati dating kaabang-abang, ang ilang buwang pinaghahandaang cheer dance, ang pagsipol at sigawan sa mga kalahok ng ‘Mutya ng Palaro’, Angtandaan mo kung ano ka.. Intramurals!

Rappler

Tila ang kulay at ang diwa ng pagiging maka-isports ng mga Envergista ay nawala noong nakaraang intramurals, na para bang nagiging pangwakas na pagsusulit na lamang ito sa asignaturang PE sa unti ng mga manonood. Dahil ba sa kakaunti ang mga laro noong nakaraang taon, o dahil sa maling pagoorganisa ng mga tao sa likod nito? Kagaya ng sinisisi ng marami, sadyang nawawala na nga ang ating pagtangkilik sa isports at mas niyayakap natin ang E-sports, o mas pinipili pa nating gumala o gumimik. Tama, may karapatan tayong hindi manood, o hindi makiisa, o matulog sa bahay, o kaya naman ay gumala na lamang kung saan man natin gusto, pero dapat din nating isipin na tayo ay pinahintulutang hindi dumalo

sa ating mga klase para makiisa sa taunang intramural games. Ang intramurals ay hindi lamang para linangin ang kakayahang pampisikal at mental ng mga manlalaro kundi upang masaksihan, masuportahan, at lalo nating mas maunawaan ang kahalagaan ng isports. Nakalulungkot isipin na sa pagtatagal ng panahon ay lumalamig ang ating pagmamahal at pagsuporta sa nasabing palaro. Ilang taon na ang dumaan na patuloy na nauubos o bumababa ang bilang ng mga manonood at sumusuporta sa ating intramurals. Oo, umunti ang bilang ng ating mga magaaral sa Pamantasan dahil sa SHS, pero ang mga bilang na ito ng mga manonood ay hindi pa rin angkop sa bumababang bilang ng mga

sumusuporta sa intrams. Sana ay ugaliin natin ang pagdalo sa mga ganitong klaseng pangyayari na inihanda para sa atin, nang sa gayon ay hindi na langawin ang paparating na intramural games ngayong taon. Para naman sa pamunuan ng nasabing palaro, sana ay gumawa rin tayo ng aksyon at maglatag tayo ng mga mas kaabang-abang na eksena na talagang hindi matatanggihan ng mga mag-aaral, hindi lamang ng mga manlalaro kundi pati na rin ng mga manonood Sana ay hindi na tayo katulad ng dati... Halina at makiisa, manood, sumuporta at magsaya sa darating na Intramurals 2018 dahil sa huli, mayroon at mayroon tayong mapapala rito.


Luzonian

ISPORTS 23

The

Hulyo - Agosto 2018

WALANG TULONG MULA GOBYERNO

Solong Pinoy, wagi sa World Nomad Games Andrei Christian Cuario

I

pinakita ni Ronildo Palmera, nag-iisang kinatawan ng Pilipinas, ang husay nito matapos kumabig ng dalawang medalya sa World Nomad Games na ginanap sa Kyrgyzstan sa Central Asia.

Ang 'bigat'

Kyle Joshua Cadavez

ISPORTS LATHALAIN

ng apat na medalya Ada Loreeen De Castro

S

adyang nasa dugo na ng mga Pilipino ang pagsisikap at determinasyon upang ang mga pangarap ay makamit. Kilala ang mga Pilipino dahil sa dami ng talentong kayang ipakita sa iba’t ibang patimpalak, tulad ng pagkanta at pagsayaw. Kinikilala rin ang Pilipinas sa pandaigdigang beauty pageants na sadyang pinaghahandaan ng lahat at maging sa larangan ng pampalakasan kung saan kinikilala ang mga Pilipino.

Nitong 2018 Asian Games ay nakilala ng buong mundo ang mga kababaihang nagbigay karangalan sa Pilipinas. Dito natin nakita na ang mga kababaihan ay hindi nagpapahuli sa mga kalalakihan sa pagsungkit ng mga medalya. Marahil noon ang mga kalalakihan lamang ang sadyang lumalaban sa mga pampalakasang tulad ng weightlifting, golf, at skateboarding. Subalit ngayon, nakikipagsabayan na rin ang mga kababaihan at minsan ay nahihigitan pa nga ang mga kalalakihan.

Hindi dahilan ang kahirapan sa pag-abot ng mga pangarap. Nasilayan ng mga Pilipino ang mga luhang pumatak mula kay Hidilyn Diaz na nagkamit ng unang gintong medalya ng Pilipinas sa Asian Games 2018 sa larangan ng weightlifting. Dahil sa medalyang pilak na kanyang nakamtan noong 2016 Rio Olympics, itinanghal si Diaz na unang babaeng Pilipinong nagkaroon ng medalya sa Olympics. Hindi naging madali ang pag-abot ni Diaz sa kanyang mga pangarap. Nagsimulang makilala si Diaz noong 2006 Asian Games kung saan nakamtan niya ang ika-10 puwesto. Nasungkit naman niya ang medalyang tanso noong 2007 Southeast Asian Games at sumabak rin siya sa 2008 Beijing Olympics at 2012 London Olympics ngunit bigo siyang makamtan ang mga inaasam na medalya. Ang 26-anyos na si Diaz ay nagmula sa maliit

na nayon ng Mampang, Lungsod ng Zamboanga, Mindanao at bata pa lamang ay nabuo na ang pagkakahilig niya sa weightlifting. Siya mismo ang gumawa ng sarili niyang barbell na yari sa tubo at semento na hinulma sa lata. Sa lumang gym doon sa kanyang bayan nilinang niya ang kanyang pagkahilig sa weightlifting. Hindi naging madali ang buhay ng kanyang pamilya, mula sa pamilyang may walong miyembro, kung saan panlima si Diaz sa anim na magkakapatid. Tinutulungan ni Diaz ang kanyang ama, na isang tricycle driver, sa paglilinis ng tricycle, minsan ay naglilinis din ng jeep at nagtitinda ng isda. Nagkakaroon din ng mga pagkakataon na kumakain ang kanilang pamilya ng kanin na ang ulam ay asin o toyo dahil sa kakulangan ng kita ng kanyang mga magulang.

Walang katumbas ang karangalang ikatawan ang sariling bayan. Ang pangalawa at pangatlong medalya ng Pilipinas ay nasungkit ng mga kabataang nakipagtagisan ng husay sa larangan ng golf na sina Yuka Saso, Bianca Pagdanganan, at Lois Kaye Go na sa kasalukuyang pambato din ng kuponan sa National Collegiate Athletic Association ng Estados Unidos. Isang hindi manlalarong manager na nagngangalang Bones Floro ang bumuo sa kuponan doon sa lugar kung saan nag-eensayo

si Saso. Hindi husay ng tira ni Saso ang nakita ni Bones sa pagkuha kay Saso kundi ang body language nito. Marahil may kaunting kamahalan ang pampalakasang ito ngunit ayon sa mga manlalaro ay maraming tao ang nais tumulong sa mga nagsisikap na matutunan ang larong ito. Kung may determinasyon at kagustuhan sa ginagawa ay hindi kailanman pababayaan ng mga taong sumusuporta sa larong ito. “From the first, we wanted to win a gold.

Ngunit hindi naging hadlang ang pagiging mahirap sa pag-abot sa kanyang mga pangarap. Naging motibasyon niya ang buhay na kanyang naranasan upang pagbutihin at huwag sumuko sa hamon ng buhay at tawag ng simbuyo ng damdamin niya sa weightlifting. Naging inspirasyon si Diaz ng mga kabataang Pilipino na may hilig din sa weightlifting upang makamit ang pangarap sa ganitong larangan ng pampalakasan. “Ang Diyos ang nagbigay ng misyong ito sa akin. Dahil sa weightlifting, nabago ang buhay ko at ang kalagayan ng pamilya ko," ayon kay Diaz. "Nandiyan din ang mga batang weightlifters na nagbibigay sa akin ng inspirasyon kung bakit nandito pa rin ako ngayon,” wika ni Diaz na nagtayo ng weightlifting gym mula sa kanyang pabuya para sanayin ang mga kampeon sa hinaharap.

Kasi lahat naman siguro ng team ganoon ang mindset. Pero as personally, hindi ko inexpect na makakakuha talaga kami ng gold. So I’m just really happy, thank God.” mula sa panayam kay Saso. Pagsisikap at deteminasyon ang tanging mensahe ng mga manlalaro sa mga kabataang gusto ring pasukin ang pampalakasan sa larangan ng golf. Ayon din sa kanila, ang kagalakan ng pagbibigay ng karangalan sa bansa ay walang makahihigit sa kahit ano pa mang bagay.

Silakbo ng damdamin sa nais marating. Hindi Asian Games ang unang sabak ni Didal sa pandaigdigang pampalakasan sa larangan ng skateboarding. Nagsimula siyang lumaban sa mga patimpalak pagkatapos ng tatlong buwan na pag-eensayo niya na katunggali ang mga kalalakihan dahil sa pambihirang galing nito sa larangan ng skateboarding. Unang kompetisyon ni Didal na katunggali ang mga kababihan sa Street League Skateboarding PRO Tour sa London noong Mayo at nakamtan niya ang ika-8 puwesto. Si Didal din ang kaunaunahang Pilipinong inimbitahan sa X Games sa Minneapolis, USA noong Hulyo kung saan nakamit ni Didal ang ika-12 puwesto. Labis ang kagalakang natamo ng Pilipinas nang masungkit ni Margielyn Didal ang ika-apat na gintong medalya ng Pilipinas sa

larangan ng street skateboarding. Tubong Lahug Cebu ang 19 taong gulang na si Didal at nagmula sa isang mapagkumbabang simula ng kanyang karera. Isang construction worker ang kanyang ama at ang kanyang ina naman ay isang tindera ng street food. Nagsimula ang pagkahilig niya sa skateboarding noong siya ay 12 taong gulang pa lamang nang makita niya ang mga skateboarder sa lugar kung saan tinutulungan niya ang kanyang inang magtinda. Nanghihiram lamang siya ng skate board nang magsimula siya sa skateboarding. Itunuring lamang niyang pampalipas oras ang skateboarding nang biglang nakasama ang skateboarding sa Asian Games. Nagulat ang mga beteranong skateboarder sa ipinakitang

mga galaw ni Didal nang unang makatapak ito sa isang skateboard. Sa bilis ng kanyang pagkatuto ay nagawa na agad niya ang isang trick sa loob lamang ng kanyang pangalawang subok ng pagsakay sa isang skateboard, na sa mga normal na skateboarder ay inaabot ng anim buwang ensayo hanggang isang taon. Noong taong 2014 sa hindi inaasahang pangyayari ay naaksidente si Didal at nagkaroon ng injury sa kanyang collarbone. Nawalan ng suporta mula sa mga isponsor si Didal dahil sa injury na kanyang natamo. Dahil sa silakbo ng damdaming makapaglaro muli, sinubukang bumalik ni Didal sa kanyang pagmamahal sa skateboarding at nagpatuloy sa laban ng kanyang buhay.

Solo mang bumahay sa World Nomad Games para sa bansa, nagawa pa rin ng tubong Caloocan City na si Palmera na magkamit ng pilak sa Toguz Korgool event, na mas kilala sa Pilipinas na larong sungka at tanso naman sa Yakutian Intellectual Table Games. Ginamit umano ni Palmera ang sarili niyang pera sa naturang laro at ito ay pumukaw sa atensiyon ng maraming Pilipino sa social media. Ito ay ayon sa isang Facebook post ni Rhyan Elivera Olivo ukol sa paglahok ni Palmera sa Nomad Games. “Ronildo Palmera representing the whole country in World Nomad Games in Krygyzstan using his own pocket money, no support from the government! One Man Army! #Saludo #Respect #TunaynaPuso,” ayon sa post ni Olivo. Lumahok si Palmera sa Nomad Games upang iaangat ang larong sungka sa bayan pati na rin sa ating henerasyon. "Mga kababayan 'wag po nating hayaang ito'y mabalewala, ito po ay malaking karangalan sa ating bansa at lahi," ayon sa kanyang Facebook post. "Atin pong linangin ang ating taal na mga larong lahi, kagaya ng sungka, nakalimutan na ng bagong henerasyon," giit pa niya. Sa ipinakitang husay ni Palmera sa Nomad Games ay naimbitahan siya sa Yakutsk, Russia upang lumahok sa 2nd World Mas-Wrestling Championship na gaganapin sa Nobyembre. Naimbitahan din siya ng Mangala Federation para lumaban sa 2018 Mancala Games Eurasian Cup sa Turkey sa darating na Disyembre. Hinihiling ni Palmera na may tumulong sa kanya para makalahok sa darating na mga kompetisyon na kanyang lalahukan at matulungang mapakas ang native sports sa bansa. "Ang hirap kasi kapag wala ka na talagang mabunot sa bulsa para mapalawak ang interes sa ating mga katutubong laro, tulad ng sungka. Tila nakalimutan na ng ating mga opisyal ang mga larong nagpapamalas ng ating katalinuhan," wika ni Palmera. Ang Nomad Games ay nagsimula noong 2014 sa Cholpon-Ata, Kyrgyzstan at binubuo ng 16 na iba’t-ibang klase ng isports at mind games. Ang mga kalahok na bansa sa Nomad Games ay nagmumula sa Central Asia.

Mga kababayan 'wag po nating hayaang ito'y mabalewala, ito po ay malaking karangalan sa ating bansa at lahi... Sanggunian: worldnomadgames.com, Rappler, Facebook account nina Rhon Palmera at Ryhan Elivera Olivo

Nagkaroon na naman ng isang magandang kasaysayan ang Pilipinas na tumatak sa buong mundo. Laban ng Pilipinas na may puso ang tanging baon ng mga atletang Pilipino sa kahit anong patimpalak sa pampalakasan. Mabuhay ang mga atletang Pilipino, mabuhay ang mga kababaihan! Sanggunian: Inquirer.net, TV5.espn.com, ABS-CBN News Youtube Channel, Philstar.com, Rappler, CNN Philippines, One News PH, GMA News & Public Affairs Youtube Channel, Sports5, Primer.com.ph

Rhyan Elivera Olivo

W


Opisyal na Pahayagan ng mga Kolehiyong Mag-aaral ng Pamantasang Enverga, Lungsod ng Lucena

Sports Luzonian The

theluzonian.com

@daelmseuf

Tomo LXX | Bilang 1 Hulyo - Agosto 2018

theluzonianmseuf@gmail.com

Tila namimingwit lamang ng isda ang manlalarong si Julius Quindoza sa ginanap na iba't-ibang palaro sa badminton matapos magkamit ng iba't-ibang parangal at pagkilala sa nasabing isports. Tunghayan ang istorya ng tagumpay sa pahina 21

Mill Angelo Prado


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.