Ang Metrian 2024

Page 1

CATCH-UP FRIDAY

CATCH-UP FRIDAY

Sagot sa nakababahalang kawalan ng pag-unawa

ANG METRIAN

ANG OPISYAL NA

PAMPAARALANG

PAMAHAYAGAN NG

PAMBANSANG MATAAS NA

PAARALANG

IRINEO L. SANTIAGO NG

METRO DADIANGAS

LUNGSOD NG

HENERAL SANTOS

REHIYON XII

AGOSTO 2023 - MARSO 2024

TOMO 2 - BLG 1

Ano ba ang nararapat gawin upang tumaas ang antas ng pag-unawa ng mga mag-aaral?

Inilunsad na ang programa ng Kagawaran ng Eduksyon na tinaguriang “Catch-up Friday” sa buong bansa noong ika-12 ng Enero, 2024 na may layuning hikayatin ang mga ito ay matapos ilabas ang DepEd memorandum No.001, S 2024 noong ika-10 ng Enero ng parehong taon. Sinasaad sa memo na walang gagawin ang mga mag-aaral tuwing Biyernes kundi ang magbasa, magsulat ng sanaysay, at mag-analisa.

Inilunsad na ang programa ng Kagawaran ng Edukasyon na tinaguriang “Catch-up Friday” sa buong bansa noong ika-12 ng Enero, 2024 na may layuning mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga mag-aaral at mapahalagahan ang pagbabasa, values, health, at peace education.

Nilalayon nito na mapahusay ang kaalaman at kasanayan ng mga magaaral at ang pagpapahalaga sa pagbabasa, mga values, kalusugan, at peace education. Dagdag pa rito, ang lahat ng mga aktibidad sa Catch-up Fridays ay hindi iirerekord ng mga guro upang hindi maapektuhan ang kanilang marka. Upang masubaybayan ang mga mag-aaral sa kanilang mga karanasan sa mga aktibidad, gagamit sila ng Reflection Journal. Layunin din nito na gawing mas makabuluhan o mas masaya ang pagkatuto ng mga bata sa parehong competencies. Ayon kay Sir Allan Flores, ang pangulo ng Catch-Up Fridays sa paaralang Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas, "...pag masaya ang bata 'pag natututo, mas mabuti ang retention o mas naaalala nila ang kanilang mga natutunan sa klase..."

Sa ilalim ng DepEd Memorandum no. 001, s. 2024, nakasaad na sa pamamagitan ng Drop Everything and Read (DEAR) Day ay magkakaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na makapagbasa ng kanilang napiling babasahin.

mga mag-aaral sa pagbabasa, critical thinking, analytical, at pagsusulat.

Bagong pag-asa para sa pag-unlad ng edukasyon

“Kailangan natin ng isang araw kung saan kailangan nating humabol doon sa kung saan nating gustong dalhin ang mga bata, dahil hindi pwedeng paulit-ulit na lang tayo sa ating ginagawa pero wala naman tayong nakikitang pagbabago, wala tayong nakikitang improvement sa ating mga learners,” dagdag pa niya.

ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas, inilalaan ng mga magaaral at guro ang buong araw ng Biyernes upang aktibong makibahagi sa programa sa pamamagitan ng malikhain, makabuluhan, at mas masayang pagkatuto na mga aktibidad.

Catch-up Friday:

Susi sa pag-unlad ng edukasyon

Ito ay tugon din ng DepEd sa mababang ranggo ng mga Pilipinong mag-aaral sa pagbasa, matematika, at agham na makikita sa mga resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 na isinagawa ng Organization for Economic Cooperation and Development (OECD), kung saan ika-77 ang Pilipinas sa 81 na bansa sa buong mundo.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Ayon sa ulat ng World Population Review, ika-111 ang Pilipinas sa 199 na bansa pagdating sa IQ (Intelligent Quotient) scores, na nakakuha ng 82.46 na kinokonsiderang "below average". Sa pamamagitan ng paghasa sa mga mag-aaral ng kanilang reading comprehension, nakakatulong ang Catch-up Fridays na tumaas ang IQ level ng mga mag-aaral.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Ayon kay Bise Pres. Sara Z. Duterte, kalihim ng DepEd, nakadisenyo ang Catch-up Fridays upang mapalakas ang foundational, social at iba pang mahahalagang kasanayan upang makamit ang hangarin ng basic education sa pamamagitan ng pagpapa-unlad sa kakayahan ng

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex

98%

ng Metrian sumang-ayon sa wash day tuwing Miyerkules

93%

sumang-ayon sa panukala ng Metrian YES-O sa pagdadala ng sariling container

“Kapag masayang natututo ang bata, mas mabuti ang retention o mas naaalala nila ang kanilang mga natutunan sa klase,” saad ni Ginoong Allan Flores, reading coordinator ng West District.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Binigyang diin din ng DepEd na ang output ng mga mag-aaral tuwing Biyernes ay “recorded but not graded”.

Lorem ipsum dolor sit amet, consectetur adipiscing elit, sed do eiusmod tempor incididunt ut labore et dolore magna aliqua. Ut enim ad minim veniam, quis nostrud exercitation ullamco laboris nisi ut aliquip ex ea commodo consequat. Duis aute irure dolor in reprehenderit in voluptate velit esse cillum dolore eu fugiat nulla pariatur. Excepteur sint occaecat cupidatat non proident, sunt in culpa qui officia deserunt mollit anim id est laborum.

Isinasagawa ang “Catch-up Friday” hanggang sa pagtatapos ng administrasyon ni Pang. Ferdinand “Bongbong” Marcos sa 2028.

- Ugsang, Vashni L.

L. Santiago National High School ng Metro Dadiangas ang kauna-unahang Rescue Kabataan na ginanap sa Mindanao, nitong Enero 17,

2024 sa mismong covered court ng paaralan sa General Santos City.

Dinaluhan ang nasabing programa ng mga guro

at estudyante. Sa pamamagitan ng pagbabahagi ng salita at kuwento, inilunsad ang nasabing programa upang matulungan ang mga estudyante sa kanilang mga problemang hinaharap at nararanasan sa kanilang buhay at ganon rin ang layunin nito.

Idineklarang Pilot School ng Rescue Kabataan ang nasabing paaralan bilang venue kung saan ginanap ang unang Rescue Kabataan, hindi lang sa nasabing lungsod kundi sa buong Mindanao.

Patuloy na isinagawa ang nasabing programa buwan-buwan na naaayon sa layunin at plano nito.

-Biano, Ed Julius

Bulong ng Pag-asa: Protagonista sa Bawat Pahina

Lihim ng Hiningang

Nahihirapan: Delikadong Karamdaman

Rescue kabataan, inilunsad Mga Nilalaman

Gumama, nakasungkit ng gintong medalya

Isinagawa na ang kauna-unahang Metrian Leadership Summit sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas nitong Enero 12, 2024.

Nagsilbing resource speaker sa programa si G. Johnrex Beltran Galdo ng Youth Affairs and Develop Office (YADO) na sinimulan ang programa sa pagpapahayag ng kaniyang relatableng karanasan at

Summit, inilunsad
Leadership
Inilunsad sa Irineo
BOSES NG KABATAAN. Inilalahad ng mga kabataan ang kani-kanilang karanasan sa inilunsad na Rescue kabataan sa Mindanao.
TUON. Seryosong nakikibahagi ang mga estudyante ng baitang sampu sa isinasagawang catch-up friday ng paaralan.
sundan sa pahina 3

BALITA

Metrian BKD, nanguna sa NDEP at Tobacco Control Program Implementer

Namalagpak ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas sa isinagawang Wide Search for Best School National Drug Education Program (NDEP) and Tobacco Control Program Implementers 2023 noong Disyembre 14, 2023.

guro at coordinator ng Irineo Barkada Kontra Droga (BKD).

Layunin ng BKD na mapabuti ang kamalayan ng bawat kabataan sa ipinagbabawal na droga.

Ang pagpapatupad ng programa ay isinagawa sa pamamagitan ng iba’t ibang aktibidad at kampanya sa loob ng paaralan na may kaugnayan sa maling paggamit ng ilegal na droga. - Makalay, Marian

Pagpaplano para sa Metrian Multipurpose building,

Nagsilbing School NDEP and Tobacco Control Program Coordinator si Ms. Jeannet E. Canda, RN, EdD, Nagsagawa ng pagpaplano ang Irineo L. Santiago National High School ng Metro Dadiangas ng bagong istrukturang Metrian Multipurpose Building noong Marso 5, 2024.

Pinangunahan ang nasabing proyekto ni Congressman Ton Acharon at ni Engr. Teody Dumagan Infra-consultant Congressional Office Lone District of GenSan. Saad ni Engr. Dumagan, ang susunod na plano ay ang DP Inspection at ang pagpaplano para sa nasabing estruktura.

Iniimbestigahan pa ng DPWH kung papanatilihin ba ang dating estruktura o gigibain na lang ito. Naisagawa na rin ang site validation para sa itatayong Multipurpose Building sa nasabing paaralan.

Wala pang itinakdang araw kung kailan sisimulan ang nasabing proyekto dahil nagsasagawa pa ng imbestigasyon ang DPWH sa dating estruktura ng paaralan. Nagkakahalaga ng ₱5M ang proposal budget para sa nasabing plano. (Biano, Ed)

Irineo NHSMD, lumahok sa national tree-planting

Nakilahok ang Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas sa National tree-planting na layuning makapagtanim ng 236,000 na puno sa buong Pilipinas. Ito ay ginanap sa mismong paaralan, ika-6 ng

Ang matagumpay na aktibidad na ito ay pinangunahan ng mga

Youth for Environment and School Organiza-

tion (YES-O), Red Cross Youth (RCY), mga gurong metrian at si Gng. Iris R. Visaya, punong guro ng nasabing paaralan. Layunin ng aktibidad na higit pang maisulong ang kamalayan sa kapaligiran at pagpapanatili sa panahon ng kapaskuhan.

Bahagi ito ng

Christmas Project ng

Department of Education

(DepEd) kung saan bawat pampublikong paaralan sa bansa ay tumanim ng hindi bumaba sa bilang ng limang puno. Ang proyektong ito ay malaking tulong sa lahat upang maiwasan ang polusyon sa hangin at higit na nakakatulong ito upang masugpo ang kinakaharap ng mundo na pagbabago ng klima o "climate change".

Irineo NHS, Nakilahok sa Run for Humanity

Dinagsa ng daangdaang mga volunteers ang inorganisang Fun Run ng Philippine Red Cross na tinaguriang “Run for Humanity,” na ginanap sa Lungsod ng Heneral Santos, ikalawa ng Disyembre 2023.

Pinangunahan ng Philippine Red Cross Gensan-Sarangani Chapter at Pamahalaan ng Gensan ang programa. Nilahukan naman

PCL, namahagi ng tulong medikal sa Irineo

Philippines Councilors League (PCL) nagsagawa ng medical mission sa Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas, Setyembre 22, 2023.

Libreng gluco test, HIV test, blood pressure taking, eye check up, reading glasses, mga gamot, gupit, at iba pa ang napakinabangan ng libre ng mga Metrian.

Ayon kay Atty. Councilor Kan Balleque, ang kanilang nais lamang na mangyari ay mamahagi ng kabutihan at mailigtas ang mga mag-aaral pati narin ang mga guro.

“The purpose of this is to make you feel that the government is working for you in whatever form of examination,

especially the youth.” Pahayag ng Konsehal. - Graemary Diamos

ito ng iba’t-ibang mga volunteers, kumpanya, at mga mag-aaral at guro mula sa iba’t-ibang pribado at pampublikong paaralan ng lungsod, kabilang na ang Mataas na Paaralan ng ILSNHS. Nahahati sa dalawang kategorya ang Fun Run. Ang mga sumali sa tatlong kilometro ay tumakbo mula sa harap ng City Hall hanggang sa SM Gensan. Sa kabilang

banda, ang mga sumali sa limang kilometro ay tumakbo mula starting point hangang KCC Gensan at balik. Layunin ng naturang aktibidad ay makalikom ng pondo para sa mga ginagawang proyekto at mga programang nakakatulong sa mga Filipino o life-saving services ng Philippine Red Cross. - Rhekeen Favila

Sa taong 2023

9 sa 10

batang Pilipinong mag-aaral ang 'di marunong magbasa o umunawa ng binabasa (ayon sa Kagawaran ng Edukasyon)

91.0%

ang antas ng learning poverty sa Pilipinas na inimbagan ng kawalan ng kakayahan ng mga guro sa kanilang itinuturo at pagliban nila sa klase (ayon sa World Bank)

KAMALAYAN SA KAPALIGIRAN. Aktibong nakikilahok ang ILSNHS sa National tree planting ng DepEd. TAKBO PARA SA SANGKATAUHAN Masayang nakikilahok ang daan-daang volunteers sa inorganisang Fun Run ng Philippine Red Cross.
2
KABUTIHAN NG PAMAHALAAN Malugod na ibinabahagi ng PCL ang tulong medical sa Irineo L. Santiago National High School.

mula sa Pahina 1

Leadership Summit, matagumpay na inilunsad

pananaw na naghandog ng kakanyahan kung paano maging pinuno na sinundan ng pagbahagi naman ni G. Janseen

James Badan, SSLG President ng Bula School of Fisheries, ng kanyang kaalaman at kadalubhasaan sa anatomy at proseso ng pagsulat ng resolusyon.

Ipinakita ng mga mag-aaral na lider ang kanilang kakayahan sa pagpapatibay ng kanilang koneksyon, pakikiisa at pamumuno sa unang sesyon pa lamang ng puzzle game sa umaga kasama si G. Galdo.

Dinaluhan ang summit ng iba’t ibang samahan at organisasyon sa loob ng paaralan na siyang sinuportahan naman

nina Principal I ng Irineo na si Ma’am Iris R. Visaya, kasama sina YFD-PDO I G. Ernesto J. Vigafria Jr., Hon. Halim Lumna, ang Barangay Councilor sa Edukasyon ng Brgy. Dadiangas South, at SK Councilors Bb. Ida Pangato, Justine Kurt Galvadores, at SGC Co-Chairperson for External Affairs, G. Jericho Baguio.

Sabay-sabay nilakbay ng mga Metrian Learner Leaders na pinamumunuan ni SSLG President Jerome Piana at matagumpay na tinapos ito sa “The Metro Race” na inihanda ng Board of Races ng paaralan sa temang “Demonstrating leadership, camaraderie, and resilience through collaborative efforts”.

Nagtipon-tipon ang mga Girl Scouts mula sa iba't ibang paaralan ng Heneral Santos (GenSan) sa kauna-unahang Council Gathering of Girl Leaders (CGGL) na may temang "GIRL LEADERS UNITED: Advancing Together Towards Progress" nitong Oktubre 14-15, 2023.

Ang pagtitipon ay ginanap sa Passionist, Labu Beach Resort Bawing, GenSan upang sama-samang magbahagi ng mga pangarap, pagkakaibigan at empowerment sa pamamagitan ng mga aktibidad na Outdoor Cooking, Breakfast Hunt, Campfire-Kasadra at Scouts Own habang dinadama ang simoy ng

Naglunsad ng Buffet for lunch ang Bread and Pastry Production at Food and Beverage Servicing sa Metrian Hall ng Irineo L. Santiago National High School ng Metro Dadiangas noong Marso 7, 2024.

Nagsimula ang pagbubukas ng Buffet ng 11:30 ng umaga at nagtapos ng 1:30 ng hapon. Ang nasabing programa ay pinangunahan nina Hazel B. Gornez, TVL Head at Romel Resureccion, FBS Teacher na may temang, "March to Remember lunch Buffet".

Inilunsad ang nasabing programa upang ipakita ang kakayahan at galing ng mga estudyante pagdating sa pagluluto, waitering, at

pati na rin sa decorating at skirting. Ayon kay Senior High School TVL Head Hazel Gornez, ang limitadong pagkukunan ay nahanapan ng paraan para lamang maipakita ang kakayahan ng mga mag-aaral. w Dagdag pa niya, magkakaroon pa ng Culmination Day ngayong Abril 5, 2024 sa Gryks Restaurant sa nasabing lungsod at ang puhunan nila ay siya ring gagamitin upang ipagdiwang at maranasan din ng mga mag-aaral ang buffet.

Nagtapos ang nasabing programa sa layunin at gustong marating ng mga nag-organisa.

- Biano, Ed Julius

Irineo, nagwagi bilang

Best Implementor in Yes-O

Kamakailan lang tumanggap ng parangal mula sa LGU-Gensan ang Mataas na Paaralang Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas sa Division Search for Best Implementing Schools in the Learner Formation Program (Secondary Category) bilang Best Implementor sa YES-O. Ito ay inanusyo nito lamang ika-13 ng Enero, taong kasalukuyan.

Layunin ng YES-O ng Paaralang Irineo na maging responsable ang mga estudyante, guro, at mga manininda sa paaralan sa pagtapon ng basura upang hindi makaapekto o makasira sa kalikasan. Ayon kay Gng. Meai Gamao-Mendoza, labing walong taong coordinator ng paaralan na masaya ito at nagpapasalamat sa nakamit na parangal ng paaralan.

Napakahalaga na maging aktibo ang paaralan sa mga ganitong aktibidad sapagkat hindi lamang ito nakakatulong sa paaralan upang makakuha ng parangal kundi nakakatulong din ito upang masagip ang nanganganib na kalikasan. Sa ngayon ay pinaghahandaan naman ng YES-O ng paaralan ang kanilang mga bagong programa katulad ng: Recycling, YES-O Camp, at Pagsibol. - Acmad, Jamina

Metripreneurship’s Fair 2024 sa Irineo NHS, Matagumpay na Idinaos

Nailunsad ang Metripreneurship’s Fair 2024 ng matagumpay sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas na itinaguyod ng mga mag-aaral na nasa baitang 12 noong Pebrero 06, 2024.

karagatan.

Abot tenga ang ngiti sa mga mukha ng Girl Scout participants ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas matapos mapanalunan ang 1st place sa Kasadra performance, 2nd place sa best in food presentation at ang nakatanggap ng most friendly award.

Nagkaroon ng mga seminar patungkol sa esensya ng pagiging Girl Scout, mayroon ding action on body confidence at free being me na pinangunahan ni Bb. Yanahjan Ramos, Council Membership Processor.

Ipinahayag ni Marjonel B. Vargas, isang Accountancy Business Management (ABM)

adviser ng Grade 12 ang kabutihang maidudulot ng pagtataguyod ng ganitong aktibidad.

“Sobrang magagamit talaga ito ng mga estudyante, kasi ang senior high ay may tatlong exit; employment, kolehiyo, at negosyo. Maaaring pumili ang mga estudyante kung saan nila nais mag-focus pagkatapos ng senior high. So, since may en-

trepreneurship sila at naka experience sila ng ganito, yung business concept na naisip nila ay pwedeng yun ang gawin nilang negosyo.”

Makikita naman kung paano pinaghandaan ng bawat pangkat ang pagpapamalas nila ng galing sa larangan ng pagnenegosyo sa nasabing aktibidad na isinasagawa taon-taon para sa kanilang asignaturang entrepreneurship. - Amerol, Jehan

pinarangalan sa kauna-unahang Girlscout CGGL
PAGSULONG. Nangunguna ang SSLG President na si Jerome Piana sa kauna-unahang Metrian Leadership Summit ng ILSNHS.
Metrian,
KINAGIGILIWAN Sama-samang ibinabahagi ng Girl Scout Participants ang mga pangarap at pagkakaibigan sa isinasagawang CGGL.
3 Buffet for lunch, inilunsad
GALING METRIAN Sinusuportahan ng mga guro ang angking kakayahan ng mga estudyanteng nakilahok sa Buffet for
Lunch Fair 2024.

Sa panahon ng administrasyong Aquino na kung saan naipasa ang K-to-12 curriculum nagsimula ang pangamba at pagkabahala ng mga Pilipino tungkol sa epektong dulot nito hindi lamang sa takbo ng edukasyon sa bansa kundi pati na rin sa buhay ng mga guro at mag-aaral. mapalawak ang kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral sa paglabas nila ng baitang 12.

Catch-up Friday: Susi sa Pag-unlad ng Edukasyon

S a kabila ng mga hamon na nararanasan ng bansa, patuloy ang Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) sa pagsusulong ng mga programa upang maiangat ang kalidad ng edukasyon ng mga kabataang Pilipino. Isa sa kanilang inisyatibo ang paglunsad ng Deped Memorandum No. 001, s. 2024 o mas kilala sa tawag na “Catch-Up Friday” na sinimulan noong Enero 12, 2024 na naglalayong bigyangdiin ang pangangailangan ng mga mag-aaral na makahabol at mahasa ang kanilang pagbasa at komprehensyon. Nakatutuwang isipin sapagkat malaki ang maiaambag nito sa mga mag-aaral upang mas lalong pahasain ang kanilang pagbasa at komprehensyon at sa gayon ay maiangat ang kalidad ng edukasyon ng bansa.

Hindi na lingid sa ating kaalaman na maraming bata ang nahihirapang magbasa at ultimo pagdating ng sekondarya ay nahihirapan pa rin na magbasa at umintindi. Ayon sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022 na isinagawa ng Organization for Economic Co-operation and Development (OECD), nabigong matalo ng Pilipinas ang ibang Southeast Asian na bansa sa lahat ng tatlong kategorya na matematika, pagbabasa, at agham maliban sa Cambodia. Ang OECD average sa pagbabasa ay 476 subalit ang Pilipinas ay nakakuha lamang ng 347 kumpara sa Singapore na nakuha ng 543 na mas mataas pa sa average.

Ang Catch-Up Friday ay hindi lamang isang simpleng programa kundi ang inaasahang pangmatagalang solusyon sa matagal ng problemang pang-edukasyon. Sa pamamagitan nito, binibigyan ng pagkakataon ang mga estudyante na muling linangin ang kanilang pagbasa at komprehensyon. Matatandaang sa resulta ng PISA na isinagawa ng OECD, nangulelat ang Pilipinas na nasa ika-75 sa 81 na bansa pagdating sa pagbabasa.

Dagdag pa sa naging dagok sa edukasyon ay ang pagkaroon ng pandemya, maraming mga magaaral ang hindi nakasabay sa pag-aaral at nawalan ng pagkakataon na malinang ang pagbasa at komprehensyon. Batay sa ginawang pag-aaral ng US Agency for International Development, ang bilang ng Out-OfSchool Youth (OSY) sa bansa noong pandemya ay 16.9 bahagdan noong Enero at naging 25.2 bahagdan pagdating ng Abril 2020.

Sa dinami-rami ng problemang kinakaharap ng Pilipinas, nararapat lang na tutulan ang mga programang pang-edukasyon na tulad ng Catch-up Friday. Ika nga nila “it takes a village to raise a child” kaya kinakailangan ng buong suporta hindi lamang ng DepEd kundi pati na rin ng mga paaralan, mga guro, at mga magulang nang sa gayon ay totoong makahabol tayo sa mga bagay na matagal na tayong napag-iwanan. (Pueblo)

PAALALA

• Crissa Mae P. Vedeja

Nakababhalang adiksyon sa e-games

Malaki na ang inunlad ng teknolohiya. Dati ay maraming kabataan ang masayang naglalaro sa kalsada kasama ang kanilang mga kaibigan ngunit ngayon ay nasa loob na lamang ng kanilang tahanan at naglalaro ng electronic games Ang e-game ay laro na nilalaro sa mga gadyet tulad ng selpon at kompyuter. Ang mga larong Mobile Legends, PUBG, Roblox at Call of Duty ay iilan lamang sa mga e-games na kinahuhumalingan hindi lamang ng mga kabataan ngunit pati na rin ng mga matatanda. Nakakabahala sapagkat ang labis na paglalaro ng e-game ay maaring magdulot ng adiksyon. Ayon sa mga sarbey, karamihan sa mga kabataan ay naglalaro ng e-game upang maglibang at makalimutan ang kanilang mga problema sa eskwelahan at sa kanilang tahanan. Imbes na mabawasan ang mga problema, dinadagdagan

lamang ito. Hindi na nabibigyang pansin ng mga estudyante ang kanilang takdang-aralin at pag-aral kaya pinili nilang lumiban sa klase at maglaro na lamang. Aksaya lamang ito sa oras at nagdudulot ng pagbaba ng grado. Nagdudulot din ang adiksyon sa paglalaro ng e-game ng sobrang pag-taba, Video-induced Seizures, Tendonitis, Nerve compression, Carpal Tunnel Sydrome, Eye Strain, paglabo ng paningin at kakulangan sa tulog ng mga manlalaro. Ingatan ang kalusugan sapagkat tulad ng kayamanan, ito rin ay mahalaga.

Tunay na masaya ang paglalaro ng mga electronic games ngunit lahat ng sobra ay masama. Wala namang mali sa paglalaro basta alam ang limitasyon at kayang kontrolin ang sarili upang maiwasan ang adiksyon at mga masasamang epekto nito lalo na sa kalusugan at pag-aaral. Disiplinahin ang sarili sapagkat walang mabuting maidudulot ang labis na paglalaro ng e-game

I

pinahayag ni dating Pang.Rodrigo Roa Duterte na ihihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas sa isang pulong balitaan sa Davao noong Enero 30, 2024.Nakakalungkot isipin nang nais ng ating naging lider na magkawatak-watak ang bansang dati niyang sinasakupan.

Una na itong pinanukala ni Davao de Norte Representative Pantaleon Alvarez. Dagdag din ni Pangulong Duterte na nais niyang maging maliwanag sa atin na ang kanilang plano ay hindi isang rebelyon o sedisyon. Maisasakatuparan ito sa pamamagitan ng pirema ng mga taga-Mindanao at ito ay hindi naman sapilitan. Sa makasariling pagpapasya ng mga nasa politico, talagang kawawa tayong

LUPON NG PATNUGUTAN

S.Y 2023 - 2024

Vashni L. Ugsang

PUNONG PATNUGOT

Crissa Mae Vedeja

PANGALAWANG PATNUGOT

Arianne Khaye Tesorero

TAGAPAMAHALANG PATNUGOT

Ed Julius Biano PATNUGOT SA BALITA

Mae Jean Pueblo PATNUGOT SA OPINYON

Scarlet Zusane A. Mendoza TAGAPAYO PUNONGGURO

MANO A MANO

• Vashni L. Ugsang

Mindanao: Pagsingaw

ng separasyon, ipaglaban

mga Pilipino sa kadilimang magiging epekto nito.

Ayon sa sarbey na isinagawa ng GMA Network, siyam sa 10 Pinoy ang hindi pabor sa separasyon ng Mindanao sa bansa. Ang bilang na ito ay isang patunay lamang na kahit kailan, hinding-hindi kami sasang-ayon na bubuwagin ang isang bahagi ng aming minamahal na Pilipinas. Isinilang kaming Pilipino, mabubuhay kami magpakailanman na Pilipino. Kaya para saan pa ang pagpapalagda na gagawin ng gobyerno na klaro naman na ang resulta? Huwag nating sabihin na magpapadala na naman ang mga Pinoy sa isusubo sa kanilang pera kapalit ng kapakanan ng bansa.

Sa desisyong ito, talagang masisira rin ang imahe ng Pilipinas sa ibang mga bansa. Sino pa ang dadayo sa atin o bibili lang man ng mga local na produkto? Matatakot na ang mga dating tumitingala sa ating bansa. Hindi nila

aakalain na ang namumuno sa atin ay walang pagmamalasakit sa bansa.

Labis ang pagsisikap, paghihirap, at pamumuhunan ng pawis, dugo, at buhay ng ating mga bayani upang magkaroon ng kalayaan at kasarinlan ang atin bansa na mauuwi lamang sa pagkawatak-watak dahil sa pagkamakasarili at mapanlinlang na mga politiko at mga bulag at sunod-sunurang mga mamamayan.

Ano ba ang nangyayari sa bansa nating dati ay labis na pinapahalagahan? Napakagulo na. Nararapat lamang na bawiin ng dating Pangulong Duterte ang naunang desisyon na ihihiwalay ang Mindanao sa Pilipinas. Maliwanag naman sa ating lahat na apektado ang bawat isa sa mga kadilimang hatid nito. Pakinggan nawa ang aming hinaing na manatili ang Pilipinas na buo. Kung Pilipino sila, kami rin.

OPINYON
4

PULSO NG METRIAN

"Hawud ilahang idea na ing ato gud, maka-iwas siyag kalat sa surroundings sa school and murag mas masanay ang students na dili mag rely sa school. murag magkaroon silag independency"

"Ang masasabi ko sa wash day ay okay lang naman. Para sa mga students na kagaya namin, para hindi na sila mahihirapan mag laba"

PUNTO DE VISTA

• Vashni L. Ugsang

GMRC: Tulay sa

Progresibong Bukas

Isinama ang asignaturang Good Manners and Right Conduct at Values

Education sa core subject ng MATATAG kurikulum sa pangunguna ni Bise Presidente at kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon, Sara Z. Duterte na may layuning makapaghubog ng kabataang Pilipino na nagpapasiya nang mapanagutan, kumikilos nang may wastong paguugali at pagkiling sa kabutihan, at nagsasabuhay ng pagmamahal sa Diyos, sarili, pamilya at kapuwa, kalikasan, bansa, at daigdig tungo sa kabutihang panlahat. Napakainam ng hangaring ito na siguradong lahat ay makikinabang.

Batay ito sa 1987

Konstitusyon ng Pilipinas, Republic Act 11476 o GMRC and VE Act ng 2020, at Philippine Development Plan. Ituturo ang GMRC sa mga mag-aaral sa Baitang 1 hanggang 6 bilang pangunahing asignatura at integrated din ito sa Kindergarten. Ang Values

Education naman ay ituturo sa mga estudynte sa Baitang 7 hanggang 10 bilang pangunahing asignatura rin, samantalang integrated sa mga baitang na ito ang pagtuturo ng GMRC. Nakasaad pa sa Section 4, RA 11476, ang time allotment ay katulad ng ibang pangunahing asignatura. Napakalaki ng impak na maidudulot ng pagpapaigting ng asignaturang ito sa pagtaas ng kagandahang asal ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng mga aralin at aktibidad sa GMRC at Values Education, tinutulungan kami nitong maunawaan ang aming sariling halaga at ang halaga ng iba. Binibigyan kami ng mga kasanayan at kaalaman upang harapin

ang mga hamon ng buhay nang may integridad at malasakit sa kapwa. Sa panahon ngayon na parang hindi na kayang mabuhay ng iba na walang selpon, mahalagang masanay kaming mga mag-aaral na maglaan ng oras para sa ibang bagay na may ambag sa aming kinabukasan.

Hindi lamang kami matuturuan ng tamang pag-uugali at moralidad sa asignaturang ito kundi pati na rin ang pagpapalakas ng pananampalataya sa Diyos, respeto sa sarili at sa iba, pagmamahal sa pamilya at sa kapwa, pangangalaga sa kalikasan, pagmamalasakit sa bayan at sa buong mundo. Sa GMRC at Values Education, hinahasa ang mga mag-aaral upang maging responsableng mamamayan na may malasakit sa kanilang kapaligiran at nakatutok sa kabutihang panlahat. Nasa tamang landas ang Kagawaran ng Edukasyon sa pagpapaigting ng asignaturang ito. Ang pagtuturo nito ay hindi lamang upang maging mabuti kami sa sarili kundi pati na rin sa aming kapaligiran at lipunan. Walang mapapalala ang isang tao na mapasakanya ang lahat ng magagandang bagay sa mundo kung wala na man siyang kagandahang asal na siyang pinakamahalaga na gagabay sa atin tungo sa tamang daan ng buhay. Ang GMRC at Values Education ay isang pundasyon ng pag-unlad at pagkakaisa ng bawat batang Pilipino tungo sa isang mas magandang kinabukasan.

PANANAW

Pagsulong ng Edukalidad

Kamakailan lang ay nilagdaan ni Department of Education Secretary at Vice President Sara Duterte ang Department Order No. 002 na kung saan layunin nitong alisin ang mga administratibong gawain sa mga guro sa mga pampublikong paaralan. Nakagagalak isipin malaking tulong ito sa mga guro upang mabawasan ang kanilang mga malabulubunduking gawain at mapasimple ang kanilang trabaho at tuluyang maiangat ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Ang mga administratibong gawain ay mabigat na pasanin sa balikat ng mga guro, tila nalalamog na ang kanilang katawan dahil bukod sa pagtuturo ay sila rin ang nag-aasikaso sa mga feeding program, deworming program at minsan gumagawa ng mga rush report at dahil sa mga gawaing ito ay nagdudulot ito ng kawalan ng oras sa pagtuturo sa mga estudyante at sumusobra na sila sa oras o overworked na sila na sa halip ay anim hanggang walong oras lamang silang magtatrabaho.

Ayon sa datos ng Cerebro, ang mga guro sa Pilipinas ay kasalukuyang gumugugol ng hindi bababa sa 400 oras taun-taon sa labas ng kanilang mga binabayarang oras ng tra-

baho na kung saan 70% ng mga guro ay overworked at 70% ng mga guro ay nahaharap sa kahirapan sa mental health.

Sa pamamagitan ng kautusang ito, mabubunutan ng tinik sa lalamunan ang mga guro dahil mababawasan nito ang kanilang mga pasanin sa balikat. Mahalagang hakbang ito dahil matutukan nila ang kanilang pangunahing misyon na magturo. Magkakaroon sila ng maraming oras upang mabigyan ng atensyon ang mga estudyante na mas palawakin ang kaalaman at kasanayan ng mga ito sapagkat hindi lamang iilan ang kanilang tinuturuan kundi marami pa. Ayon sa Deparment of Education (DepEd), ang karaniwang ratio ng guro sa mag-aaral ay isang guro para sa bawat 35 magaaral para sa elementarya, at guro para sa bawat 40 magaaral para sa junior at senior high school. Ngunit hindi na lingid sa ating kaalamanna umaabpt sa hanggang 60 ang kanilang tinuturuan sa bawat klase.

Bukod pa rito, ang kautusan na ito ay malaking tulong sa pag-angat ng kali-

dad ng sistema ng ating edukasyon ng ating bansa. Lalo pa na nangulelat ang bansa sa resulta ng Programme for International Student Assessment (PISA) 2022, dahil nasa ika-75 ang Pilipinas sa 81 na bansa sa matematika at pagbasa at ika-78 sa 81 na bansa naman sa agham. Nakadidismaya ang resulta ng PISA kung kaya’t kinakailangan na alisin ang mga admin tasks sa mga guro dahil may ipapalit naman ang DepEd ng 20, 000 na guro at 10, 000 na administrative personnel para saluhin ang mga gawain na iiwanan ng mga guro.

Sa tinagal-tagal na pagdurusa ng mga bayaning guro ay nararapat lang na isakatuparan ang kautusang matagal na dapat ginawa. Ito ay isang malaking hakbang ng pagbabago sapagkat mas nararapat bigyan ng mga guro ng mas maraming oras at pagkakataon na maituon ang kanilang atensyon sa pangunahing misyon: ang pagtuturo. At sa pamamagitan nito ay maisusulong ang makakalidad na edukasyon ng bansa at masigurong maisasabuhay ang misyon ng kagawaran na walang mga batang maiiwan.

Mahal na Patnugot, Nawa'y mabuti kayong kalagayan. Bilang isang tapat na mambabasa at tagahanga ng Ang Metrian isinusulat ko ang liham na ito upang imungkahi ang paglikha ng isang opisyal na Facebook page para sa ating publikasyon.

Sa kasalukuyang panahon ng teknolohiya, ang mga plataporma ng social media ay may mahalagang papel sa pag-uugnay at pagtataguyod ng makabuluhang pakikilahok. Ang paglikha ng presensya sa Facebook ay magbibigay sa Ang Metrian ng isang mahalagang pagkakataon upang makipag-ugnayan sa amin, magbahagi ng mga napapanahong balita, at itampok ang pinakabagong mga artikulo, tampok, at espesyal na edisyon.

Salamat sa pagpapasya sa mungkahing ito. Inaasahan ko ang inyong mga saloobin at pag-uusap tungkol sa potensyal na mga benepisyo ng paggawa ng isang Facebook Page para sa Ang Metrian.

Sumasainyo, Tagahanga't Mambabasa ng Ang Metrian

Grade 9
@anonymouskj
Grade 7
@yanzkie
5

Sakay ng Tagumpay

Sabado, alas kwatro pa lang ng umaga, rinig ko na ang kumukulong tubig sa takure na nagmumula sa kusina, ang mabangong amoy ng kape at ang kalansing ng kubyertos sa baso na tila ginagamit panghalo.

Hinakbang ko ang aking mga paa at tumungo sa kusina, hindi pa gaanong sumisikat ang araw ay gising na si Papa bitbit ang lumang bimpo na may kaunting punit at suot ang simpleng damit sabay ang kaniyang paboritong jogging pants na may kalumaan na. Siguradong siya ay muling mamamasada gamit ang pinakamamahal niyang traysikel na may mga kaunting gasgas na.

“Maaga pa po, mamamasada na agad kayo?”, tanong ko sa kaniya.

Nilingon niya ako at matamis na ngumiti. “Kailangan anak, wala na tayong bigas at may mga kinakailangan ka pang bayaran para sa pag-aaral mo, kung hindi ako mamamasada, ano na lang ang kakainin natin at ang pag-aaral mo?”

Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at marahang hinawakan ang kaniyang kamay. “Pasensya na po Pa, hindi ko man po kayo matutulungan sa ngayon pero ipinapangako ko pong pag- bubutihin ko ang aking pag-aaral hanggang sa makapagtapos, ma- kapagrabaho, at mabigyan ko na kayo ng maginhawa at maayos na pamu- muhay”.

Kumislap ang kaniyang mga mata bitbit ang mumunting ngiti sa kaniyang labi nang simulan niyang paandarin ang makinarya ng traysikel. Napagdesisyunan kong sumama sa kaniya dahil sabado na rin naman at ito ang kauna-unahang pagkakataon na mas makikilala ko si Papa.

Lumipas ang ilang oras naming pamamasada, roon ko nasaksihan ang katatagang mayroon ang aking Ama. Kahit sa gitna ng rumaragasang ulan na tila hindi magkamayaw sa pagpatak, ito’y hindi niya inalintana sapagkat sa kaniyang isipan ay ang tungkulin niya, hindi lamang para sa aming pamilya kundi maging sa bayang itinuring niyang tahanan. Sa ilang oras na aming iginugol sa pamamasada, pansin kong karamihan sa mga naisakay naming pasahero ay mga masungit, gayunpaman ay mas marami ang mababait. Minsa’y may ibang pasaherong kulang ang ibinibigay na pamasahe at ang iba naman ay sobra kung magbigay, ngunit sa kabila nito ay makikita sa mukha at mga mata ni Papa ang tuwa at galak.

Madilim na ang paligid ngunit hindi ito naging hadlang upang hindi ko makita ang pagod na nasa mga mata ni Papa, ang pagtunog ng kaniyang tiyan na tiyak kong kanina pa kumukulo, ang bawat pagmasahe niya sa kaniyang balikat na tila kanina pa sumasakit ngunit kaniya lamang tinitiis.

Minsan ako ay napapaisip kung bakit tila nilalait ng iba ang isang pagiging traysikel drayber dahil lamang sa maliit nilang kita sa buong maghapon? Hindi ba nila alam na ito ay mahirap na trabaho? Bakit tila ito ay kanilang minamaliit? Ang kanilang kakainin at gastusin sa pang araw-araw ay dito nakasalalay. Sipag at tiyaga ay isinasaalang-alang, umaga pa lang ay todo kayod na kahit umulan man at masakit na sa balat ang araw, hindi ito naging dahilan upang sila ay sumuko. Kahit pagod na pagod na, umaarangkada pa rin sila sapagkat ang kapakanan ng kanilang pamilya ang naging basehan upang sila ay magpatuloy pa.

Tunay ngang magiting na mandirigma kung maituturing, hindi lamang ang aking Ama kundi maging ang mga tatay na nagpapakahirap at kumakayod para sa kanilang mga pamilya. Sa kabila ng pagod at hirap na kanilang nararamdaman at nararanasan, naging matatag sila at hindi ito naging hadlang sa kanila upang sumuko. Ito ang nagpapatunay na sa kahit anong pagsubok ay walang takot nila itong hinaharap. Oo nga, traysikel ang kanilang hanapbuhay ngunit isa silang bayani para sa bayan, kislap ng kanilang mga mata ang nagsilbi at ang magsisilbing ilaw para sa tatahaking landas ng pag-asa.

Sandata ng Tagumpay, Buhay

Bulong ng Pag-asa: Protagonista

“Wa ko naanad

Mahirap mabuhay lalo pinanghahawakang pag-asa, “Toto” Sarao o kilala bilang Manong sa mga guro ng Pambansang Nasa murang edad pa nagsimula na siyang magtrabaho sa araw-araw. Dalawang taon ngunit dahil sa kapos at walang Sa gitna ng kaniyang dinaranas arap. Sa likod ng kaniyang matatamis kinakaya.

Mahirap maging matatag Ngunit puno ng determinasyon nagpadala sa negatibong emosyon. ay nanalig siya at naghintay, ang Taong 1994, nagkaroon si Gng. Veronica C. Punsalan, pagtrabaho bilang isang utility worker is, pagsasaayos ng mga ilaw sa alam niya sa kaniyang sarili na Dahil sa katatagang mayroon pos siya at nagkaroon ng mapagmahal sa Paaralang Notre Dame bilang nenteng trabaho sa ibang bansa. naiangat na nila ang estado ng lisanin ang paninilbihan niya bilang

“Sa balay kapoy pugong, ka. Tinuod, propesyonal na akong naanad na magsalig sa akong Sa tatlumpung taon niyang mayroon ng mga puti sa kaniyang katawan dahil sa kaniyang edad nanatili ng salitang “pag-asa”. “Kamo kay mga bata pa mana sa ilaha”.

Tunay na ang pagsubok matatag sa bawat hamon ng buhay. sa buhay. Hindi lamang isang Siya ang nagpapatunay na manatili tayong mapagkumbaba

Walang Pahayagan kung walang Mamamahayag

Mahirap nga ba talaga ang kumuha ng impormasyon? Madali nga bang maging isang batang walang kinakatakutan basta’t makapaglahad lamang ng makatotohanang balita para sa ikabubuti ng lahat?

May determinasyon at paninindigan, iyan ang katangiang mayroon ang mga batang Metrian pagdating sa pamahayagan.

Totoo nga’t mahirap maging batang walang kinatatakutan, ngunit madali ito kung ang iyong pinaglalaban at inilalahad ay may katotohanan, katulad na lamang ng mga batang dyornalist sa Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas.

Isa sa pinakapangunahing pinagkukunan ng impormasyon ang mga dyornalist. Sila ang nagsilbing tagahatid at tagasiwalat ng mga balita at impor masyon. Para sa kanila ay hindi madali ang maging isang mamamahayag dahil sa bawat impormasyong kanilang ipinapahayag ay may kaakibat na panana gutan at responsibilidad. Maaring magdulot ito at magdala sa kanila sa kapahamakan. Sa panganib na hatid ng pamamahayag, hindi ito naging balakid o hadlang dahil sa natatangi nilang kakayahan na magpahayag ng katotohanan para sa bawat taong nangangailangan. Maaaring ito na nga ba ang magiging tulay tungo sa kanilang tagumpay? O ang magdadala ng kapahamakan sa kanilang buhay? - Roselyn Miguel

Laban sa Hamon ng

Buhay

Protagonista sa bawat pahina

na magsalig sa’kong mga anak”

na’t mahirap ang buhay. Ngunit, kahit anong pagsubok ang darating, kapag may tiyak na magwawagayway ang watawat ng tagumpay. Iyan ang pinatunayan ni Romeo Manong Toto na nagsilbing inspirasyon hindi lamang sa mga batang Metrian kundi maging Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas. lamang ay batid na ni Manong Toto ang labis na kahirapan kaya’t sa edad na 12 ay magtrabaho upang matustusan ang kaniyang pag-aaral kahit pa piso lamang ang kaniyang kita siyang nag-aral sa Notre Dame, isa sa mga sikat na Unibersidad sa Heneral Santos, walang pantustos sa matrikula ay kinakailangan niyang tumigil sa pag-aaral. dinaranas na paghihirap, hindi ito naging hudyat upang sukuan niya ang kaniyang pangmatatamis na mga ngiti, naroroo’t nagkukubli ang pag-asa sa labang tahimik niyang pilit na matatag lalo na’t ang mga problema’y tila malakas na agos ng tubig sa talon kung dumating. determinasyon na hinarap ni Manong Toto ang mga iyon, tinatagan niya ang kaniyang sarili at hindi emosyon. Kahit nag-aalinlangan at walang kasiguraduhan sa mga planong itinakda sa kaniya ang pag-asa’y pinapanatiling matibay dahil hangad niya ay tagumpay. nagkaroon siya ng pagkakataong pumasok sa paaralan dahil na rin sa dating Punong Guro na ang kaisa-isang taong taos-pusong tumulong sa kaniya upang makapag-aral at makaworker sa Irineo. Kahit minsa’y hirap man sa pagpipintura sa matataas na pader, paglilinsa kisame ng bawat silid-aralan, hindi niya naisipang sumuko dahil sa mga ito, sapagkat hindi ganitong bagay ang makapagpapasuko sa kaniya. mayroon siya ay nagbunga ng maganda ang lahat ng kaniyang pinaghirapan. Nakapagtamapagmahal na asawa at nabiyayaan ng dalawang matatalinong anak na nakapagtapos na bilang Dean’s Listers. Sa ngayon ay puro mga propesyonal na at mayroon ng mga permabansa. Ngunit kahit naabot na ng kaniyang mga anak ang kani-kanilang mga pangarap at ng kanilang buhay ay hindi ito naging rason upang tumigil sa pagkayod si Manong Toto at bilang isang utility worker sa paaralan ng Irineo. pugong, kapoy mag puyo sa balay na walay ginabuhat. Kung dili ka magtrabaho, wala jud akong mga anak, dako silag sweldo. Pwede ra gud ko mupuyo ug balay pero wala ko mga anak”

Liwanag sa dilim:

Kampeonato sa gitna ng suliranin

Sa likod ng kanyang matamis na ngiti, nakakubli ang determinasyong mapagtagumpayan ang mga balakid sa buhay at panghuhusga mula sa mundong ito.

Siya si Lucilyn P. Colanse, estudyante ng Pambansang Mataas na Paaralan ng Irineo L. Santiago ng Metro Dadiangas na may kalagayang psychiatric disability, isang karamdaman sa isipan na nagdudulot sa isang indibidwal na magkaroon ng pag-aasal, pakiramdam o personalidad na itinuturing hindi bahagi ng normal na pag-unlad sa isipan ng isang normal na indibidwal.

niyang paninilbihan sa paaralan, kahit ang kaniyang edad ay lampas na sa kalendaryo at kaniyang manipis na buhok, kahit pa ay minsan nararamdaman niya ang sakit ng kaniyang edad at sa pagod ay taliwas ang ipinapakita ng kaniyang mga mata, isinisigaw ang papa man mo, mintras kaya sa papa ninyo, eskwela jud mo, kay sainyo mana paingon dili pagsubok ay hindi hadlang sa ating tagumpay, ito ay tanging daan lamang upang mas maging buhay. Nabubuhay tayo hindi para bumitaw at bumigay, kundi para lumaban at matuto utility worker si Manong Toto, sapagkat itinuturing rin siyang Ama ng Metrians. nagpapatunay na kahit ano mang estado mo at kung ano man ang narating mo sa buhay ay dapat mapagkumbaba at ‘wag maging mayabang sapagkat ang lahat ng mayroon tayo ay hiram lang.

Basta galing Metrian, galing Metrian!

Hindi naging madali kay Lucilyn ang pag-aaral, nariyan ang mga pangungutiya, tawanan at panunukso mula sa mga tao, subalit hindi ito naging hadlang upang ipagpatuloy ang pag aaral niya. Nariyan din naman ang mga taong nagmamahal at gumagabay sa kaniya tungo sa tagumpay.

Nito lamang nagdaang taon ay pumanaw na ang lola niya dahil sa katandaan nito at hindi na kaya pang manatili sa piling ng kaniyang apo. Sa pagpanaw nito, labis ang lungkot at pighati na nadama ni Lucilyn dahil wala na ang lola niya na nagtatangol at nagmamahal sa kaniya. Simula’t sapoul ay kasama na niya ang lola sa paglaki, araw-araw inihahatid siya nito sa paaralan at binibigyan ng baon, sabay halik sa kanyang pisngi.

Sa umpisa, hindi naging madali sa kaniya ang pagpanaw ng kanyang lola lalo na't may kapansanan pa ito. Nawala na ang pumoprotekta sa kanya mula sa panlalait ng mga tao, ngunit hindi ito naging dahilan upang itigil ang pag-aaral at ipinagpapatuloy pa rin nitong magsikap sa kabila ng mga nangyayari sa buhay. Bakas pa rin sa mukha ang saya na makabalik sa pag-aaral at matuto mula sa mga leksiyon ng kaniyang guro.

Maraming napapasaya si Lucilyn dahil sa kakulitan niya. Talagang walang makakatalo sa determinasyon at kagustuhan ng isang tao sa isang bagay. - Yasser Cosain

Gurong

Metrian;

Sa Rampahan, Palaban!

Iyan ang isa sa ipinamalas ng mga gurong Metrian na sina Sir Jan Bincent Capuz na nasungkit ang unang pwesto at Ma’am Scarlet Zusane Mendoza na napabilang naman sa pang-10 na pwesto.

Ang madilim na gabi noong ika-14 ng Oktubre ay nagsimulang lumiwanag nang inanunsyo ang mga nagwagi sa patimpalak na Ginoo at Binibining DepEd GenSan 2023.

Sa harap ng mga hamon, tila’y walang likas na pagpapakita ng pagod ang naging sagot nina Sir Capuz at Ma’am Mendoza. Si Sir Capuz na nagmula pa sa Iligan City ay lumuwas ng Heneral Santos pagkatapos ng kaniyang maagang pagsusulit. Puno ng kaba at kulang sa ensayo subalit sa kabila ng mga pagsubok, tila’y nagbukas ang landas ng tagumpay. Kung kaya’t ganoon na lamang ang pagkagulat ni Sir Capuz nang makuha niya ang titulo. Maging si Ma’am Mendoza ay sinabing nakakapanginig kalamnan ang paligsahan, sakto pa mismo sa unang taon niyang serbisyo sa Departamento ng Edukasyon kaya labis ang kaniyang tuwa nang mabigyan siya ng oportunidad na masungkit ang ika-10 na pwesto.

Ganoon na lamang ang kanilang pasasalamat sa mga taong sumuporta at tumulong sa kanila, kabilang na rito ang punong-guro na si Ma’am Iris Visaya at ang West District sa pagtitiwala sa kanila.

Bakas sa bawat hakbang ang hirap na napagdaanan ng mga gurong kalahok upang makatungtong lamang sa entablado. Labanan ng talino at husay, samahan pa ng kabutihan at pagpupursige, tiyak ay ‘di madadaig. Sa pagsali ng patimpalak, sino ba ang mag-aakala na ang tinaguriang ikalawang magulang ay mangunguna sa rampahan. - Ellen Magduen

Tagumpay,

Alab ng pagkakaiba: Mainit

Pak na pak at puno ng kumpyansa habang rumarampa sa entablado ang mga naggagandahang kandidata sa ginanap na Runway Valentina’s sa Irineo L. Santiago National High School ng Metro Dadiangas.

Nagpatalbugan ang mga kapwa nating myembro ng LGBTQ, suot ang costume na gawa sa mga recyclable na materyales upang maakit at makuha ang simpatya ng mga hurado. Palakpakan at hiyawan ang mga nanonood habang nagpapakitang gilas ang mga kalahok.

Ngunit hindi pa rin sila nakaligtas sa panghuhusga at diskriminasyon na kanilang natatanggap mula sa mga taong hindi tanggap ang kanilang pagkakakilanlan. Bawat isa sa kandidata ay nakaranas na nito, sa umpisa ay pakiramdam nila na tila ba naiiba sila sa mga tao, iba ang nais nila sa kung anong meron sila tila ba nabubuhay sa maling katawan.

Hindi ito naging hadlang upang mas lalo silang magpursige na maabot ang rurok ng tagumpay na inaasam ng bawat isa. Sa bawat hakbang nila sa pagrampa ay buong puso at may kumpyansa silang lumakad sa entablado upang maiuwi ang panalo.

Naiuwi ni Kyle Mhyco Dizon ang kampeonato, pambato ng baitang 7, na sinundan naman ni Eric Jan Baden ng baitang 12 habang pangatlo naman si James April Dingal na pambato ng baitang 11. - Yasser Cosain

BITUIN SA DILIM

Naranasan mo bang isipin na tumigil na lamang sa pag-aaral dahil sa labis na kahirapan? O ito ang ginawa mong dahilan para magpursigi at makapagtapos ng pag-aaral?

Nasa murang edad pa lamang ay namulat na tayo sa katotohanan na ang pag-aaral ay ang pag-asa ng mga kabataan upang matupad ang kani-kanilang mga pangarap. Namulat na rin tayo na ang katatagan at ang pagpupursigi sa pag-aaral ang siyang magdadala sa tagumpay ng bawat kabataan.

Ngunit bakit tila unti-unti nang sumusuko ang mga kabataan pagdating sa pag-aaral? Bakit tila unti-unti na silang nawawalan ng gana? Ang ilan ay nagagawa pang lumiban sa klase at ginagastos ang ibinibigay na baon para lamang makapaglaro sa internet. Ang ilan ay hindi na nakakapag-focus sa klase dahil sa mga problema, habang ang ilan naman ay hindi na nakakapunta sa eskwelahan dahil sa kakulangan sa pera.

Patuloy na lang ba tayong ganito? Bakit hindi natin ito gawing ihemplo at inspirasyon? Ang mga paghihirap na dinaranas natin sa bawat araw ay hindi hadlang upang hindi natin makamit ang ating inaasam na mga pangarap. Kahit ilang ulit man tayong madapa at may pagkakataon man na sa tingin natin ay hindi na tayo makakabangon pang muli, para saan pa ang salitang “Katatagan at Panibagong Pagasa”?

Hindi hadlang ang kahirapan para sa mga pangarap na gusto nating makamit. Ang kahirapan ay dapat nating gawing inspirasyon sa bawat araw, minuto, segundo, at pagkakataon na tayo’y nabubuhay dahil ito lamang ang magdadala sa atin tungo sa inaasam nating tagumpay. Lagi nating tatandaan, laging may nakatagong liwanag sa dilim. Ang bituin ang magsisilbing gabay tungo sa ninanais nating tagumpay. - Roselyn MIiguel

May isang bagay ka rin bang pinakaiingat-ingatan? Iyong tipong maiiwan na lamang lahat-lahat, huwag lamang ang bagay na ‘yon?

Sa bawat minuto, segundo at oras na lumilipas, ang mga luhay nag-uuna- hang pumatak sa mga matang tila wala nang lakas. Kailan pa kaya hihilom ang pusong nawalan na ng pag- asa dahil sa kaniyang pagkawala?

Hawak ang relong nasa aking kamay,binabalikan ang mga alaalang tumatak na sa aking puso’t isipan noong mga panahong masaya ang aming barkada, na tila walang iniindang prob- lema. Ngunit sadyang mapagbiro ang tadhana, walang hudya’t hindi nagsasalita, tila hindi bumibigay ng babala. Kasabay ng pagbuga niya ng kaniyang huling hininga, kusang tumigil rin ang paggalaw ng oras sa kaniyang relong mahigpit kong hinahawakan, tila pinapahiwatig na ang oras niya’y natapos na. Ito ang naging dahilan kung kaya’t ang relong hindi na gumagana na pinag-uuusapan nila ay saaki’y mayroon paring halaga. Maiwan at mawala man ang mga importanteng bagay na mayroon ako sa tuwing ako’y aalis, huwag lang ang sirang relo na siyang nagbibigay buhay sa mga alaala tungkol sa aking matalik na kaibigan. - Roselyn MIiguel

Sa magulong kapaligiran, nahanap ang tahanan sa isa't isa. Ngunit bakit laging may naiiwan? Kailan ba magiging ayon ang kapalaran? Sa mundong puno ng husga kung saan ay hindi ka pwedeng magmahal ng payapa, ang mga mata ay nakatingin, nakapaligid sa akin. Ano ang gagawin? Hahayaan nalang bang manaig ang paman-

8 LATHALAIN

Lihim ng Hiningang Nahihirapan: Delikadong Karamdaman

Sa maingay na lansangan ng lungsod ng Heneral Santos ay may tahimik ngunit mapanganib na nagbabanta sa kalusugan ng mga residente. Ang salarin? Ang Walking Pneumonia, isang mapanganib na impeksyon sa ating respiratory system na madalas ay hindi kaagad napapansin hanggang sa lumala na ang mga sintomas nito.

Batay sa ulat ng Epidemiology and Surveillance Unit ng Integrated Provincial Health Office (IPHO), may naitala ng 20 na kumpirmadong kaso ng Influenza B Virus, at nasa 4,505 na pinaghihinalaang Influenza-like na mga sakit mula noong Disyembre 2023 hanggang Enero 1 ngayong taon sa probinsya ng South Cotabato.

Ayon kay Dr. Rogelio Aturdido Jr., IPHO Chief na ang ‘influenza-like illness’ na naitala noong Enero ay tumaas ng 14.3 porsyento. Dagdag pa ni Aturdido na ang lahat ng edad ay maaaring mahawa at maapektuhan ng Walking Pneumonia pati na rin ang mga may mahihinang immune system ay may mataas na panganib

para sa mas matindi pang impeksyon. Bagama’t ngayon, pinayuhan ni Aturdido ang mga residente na magsuot ng face mask sa tuwing nasa loob ng mga sarado at mataong lugar.

Dagdag pa rito ang regular na paghuhugas ng kamay at pag-obserba ng wastong kalinisan ay maaari ring maiwasan ang impeksyon mula sa mga sakit tulad ng trangkaso at Walking Pneumonia. “Pansamantala lang ito para maiwasang tumaas pa ang mga kaso” wika ni Aturdido.

Ang Department of Health (DOH) naman ay nagpahayag na ang pangamba sa “walking pneumonia” o Mycoplasma pneumonia ay nalulunasan at napipigilan sa pamamagitan ng pagsunod sa Minimum Public Health Protocol.

Sa pamamagitan ng pagkakaisa at pagtutulungan ng lokal na pamahalaan, mga institusyon ng kalusugan, at ng mga mamamayan, magtatagumpay ang komunidad sa paglaban sa sakit at mapapabuti ang ating kalusugan.

El Niño: Dagok sa Ekonomiya

Sa kabila ng makulimlim na langit, tila pinipilit ng sikat ng araw na magpakita sa kalangitan. Ang araw ay naglalaro sa pagitan ng mga ulap, nagdadala ng kakaibang init na hindi naaangkop sa panahon. Ito ay isa sa mga senyales ng malubhang kondisyon na tinatawag na El Niño.

Ang El Niño ay hindi na bago sa ating mga Pilipino at ekonomiya. Ito ay isang natural na kaganapan na nagdudulot ng matinding pag-init ng karagatan sa tropikal na Pasipiko. Ito ay nagreresulta sa malawakang pagbabago ng klima sa buong mundo, kabilang na ang pagtaas ng temperatura at pagbaba ng pag-ulan.

Sa bawat paglipas ng panahon, ang mga epekto nito ay nagiging mas matindi at malawak. Sa pagdating ng El Niño, tila isang bagyo ng init at tagtuyot ang bumabalot sa ekonomiya ng Pilipinas. Ang kakulangan sa pag-ulan at pagtaas ng temperatura ay nagdudulot ng matinding epekto sa pamumuhay at pangkabuhayan.

Isa sa mga pangunahing epekto ng El Niño sa ekonomiya ng Pilipinas na maaaring maging isang mabigat na pasanin sa mga Pilipino ay ang pandaigdigang kalakalan, magpahirap sa global financing, pag-udyok ng fuel at food shock na nagdudulot ng pagbilis ng inflation. Bukod dito, ang kawalan ng sapat na suplay ng tubig para sa pang arawaraw na pangangailangan at pagsasaka ay nagreresulta sa

Tubig:

Tulay ng Pagbabago

- Corpuz, Alyssa

pagkasira ng mga pananim na dahilan sa pagbaha ng ani at pagtaas ng presyo ng mga bilihin.

Sa sobrang init, apektado ang mga magsasaka. Namamatay ang kanilang mga pananim, hihina ang kanilang ani, hihina rin ang suplay ng mga produktong pang- agrikultura sa pamilihan. Sa paghina ng suplay ng mga produkto tulad ng bigas at mga gulay, tataas ang presyo ng mga bilihin na ang higit na tatamaan ay ang mga ordinaryong mga mamamayan.

Ayon sa Department of Finance (DOF), ang 2024 gross product (GDP) target ng National Government ay 6.5 porsyento hanggang 7.5 porsyento, kinokonsidera ang panganib na iniuugnay sa magtatagal na dry spell. Inaasahan na ang implasyon ay magbabalik sa target range na 2.0 hanggang 4.0 porsyento.

Dagdag pa ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Service Administration (PAGASA), ang isang malakas na El Niño phenomenon ang kasalukuyang may bisa at patuloy na mararanasan hanggang Pebrero ngayong taon at apektado rin dito ang 63 probinsiya.

Sa kabila ng mga hamon na dala ng El Niño sa ekonomiya at bilang isang mamamayan ng Pilipinas, kailangan nating lahat na magkaisa at magsama-sama.

Sa isang mundo na umuunlad at patuloy na nagbabago, ang tubig ay mahalaga't walang katumbas na yaman. Ito ang buhay ng lahat ng nilalang, ang susi sa bawat pag-unlad at tagumpay. Ang tubig ay isang sustansiya na binubuo ng dalawang molekula ng hydrogen at isang molekula ng oksiheno, na kadalasang nasa anyong likido sa mga kondisyong pang-karaniwan sa lupa. Ang kahalagahan ng tubig ay hindi lamang sa pagpapataguyod ng buhay, kundi maging sa paglikha ng mga oportunidad para sa kaunlaran at progreso. Ang kahalagahan ng tubig ay hindi maitatanggi. Ito ay nagbibigay-buhay sa mga taniman at hayop, nag-

papatakbo ng mga kagamitan sa produksyon, at nagbibigay ng pagkakataon para sa transportasyon at komersyo.

Gayunpaman, sa kabila ng kahalagahan nito, ang tubig ay patuloy na nanganganib dahil sa pag-aaksaya, polusyon, at pagbabago ng klima. Ang pagkasira ng mga watershed at pagtaas ng demanda para sa tubig ay nagdudulot ng kakulangan ng suplay, lalo na sa mga lugar na mayroong mababang mga reserbang tubig. Ang polusyon mula sa industriya, agrikultura, at urbanisasyon ay nagbubunga ng pagkasira ng kalidad ng tubig, na nagdudulot

Bangus, may bahid ng plastik!

Totoo nga ba?

Isang lihim na pagtutuklas ang nagdadala ng pagkabahala sa mga mamamayan. Ito ay isang kwento ng mga kaakit-akit na tanawin, kundi ang kamalayan na ang ating mga isdang bangus ay hindi lamang nagdadala ng sustansya pati na rin ang nakakapinsalang plastik.

Sa pag-aaral na isinagawa kamakailan lamang, natuklasan ang mga mikroplastik sa mga bangus na nahuli sa karagatan ng Mindanao na naglalarawan ng isang malalim na suliranin na kailangan nating harapin. Ito ay hindi lamang usapin ng pangkalikasan kundi pati na rin sa pangkalusugan. Nagdudulot din ito ng pangamba sa mga komunidad at mga sector ng industriya.

Ang mikroplastik ay maliliit na bahagi o piraso ng plastik na may sukat na kadalasang mas maliit sa 5 milimetro. Ito ay maaaring resulta ng pagkaagnas ng mas malalaking produkto ng plastik tulad ng mga “packaging material”.

Ayon sa Department of Science and Technology (DOST), mula sa pag-aaral na napiling lugar sa Mindanao, 383 na piraso ang nakuha mula sa 30 bangus na indibidwal. Sa mga ito, 235 ang nakumpirma na may mikroplastik

“Bagaman ang mga mikroplastik mismo ay maaaring hindi inherently toxic. Ang kanilang kemikal na katangian ay nagbibigay daan sa kanila na mang-akit at mag akumula ng iba pang mga nakakalasong sangkap sa kanilang mga surface. Kapag ang mga mikroplastik na may kasamang nakakalasong mga sangkap ay mainom, nagdudulot ito ng potensyal na panganib sa kalusugan ng tao”, dagdag pa ni Marybeth Hope Banda, isang miyembro ng koponan sa pananaliksik.

Kaya, ang pagtuklas ng mikroplastik sa mga bangus ay isang paalala na ang pangangalaga sa kalikasan ay hindi lamang responsibilidad ng ilan maging ng lahat. Ito rin ay nangangailangan ng agarang hakbang upang mapigilan ang patuloy na pagkalat ng mga mikroplastik sa pamamagitan

ng mga suliranin sa kalusugan at ekolohiya.

Ayon sa WORLD HEALTH ORGANIZATION (WHO), ang seguridad at madaling ma-access na tubig ay mahalaga para sa kalusugan ng publiko, maging ito ay gamitin para sa pag-inom, domestic na gamit, produksyon ng pagkain, o rekreaksyon. Ang pagpapabuti ng suplay ng tubig at sanitasyon, at mas mahusay na pamamahala ng mga yaman sa tubig, ay maaaring magtulak ng ekonomikong pag-unlad ng mga bansa at makatulong nang malaki sa pagbawas ng kahirapan. Sa harap ng mga hamong

ito, mahalaga na magkaroon tayo ng malawakang kamalayan at pag-unawa sa kahalagahan ng tubig. Ang pagtutok sa pagpapalakas ng wastong pangangasiwa at paggamit ng tubig, kasama ang pagpapalakas ng mga solusyon para sa polusyon at pagkasira ng watershed, ay mahalaga upang mapanatili ang suplay at kalidad ng tubig para sa kasalukuyan at hinaharap. Sa pamamagitan ng kolektibong pagkilos at pakikisangkot, maaari nating mapanatili at palakasin ang kabuluhan ng tubig bilang pinakamahalagang yaman ng ating planeta.

9 AG-TEK

Hiwagang Hatid ng Bitamina: Stem Cell ang Bida

Sa mga maliliit na sugat sa ating balat, makikita ang isang kamangha-manghang proseso na pumupukaw ng interes sa larangan ng medisina. Ang Bitamina A ay may mahalagang papel sa pagpapabuti ng kalusugan, partikular na sa biyolohiya ng stem cell sa pagpapagaling ng sugat.

Ang Bitamina A ay kilala rin bilang isang mahalagang sangkap sa ating pang araw-araw na pagkain. Ngunit, sa kabila ng mga benepisyo nito, tila hindi pa lubos na nauunawaan ng mga tao ang papel nito sa proseso ng paggaling ng sugat. Sa bagong pagsusuri mula sa mga eksperto ng Rockfeller University, 2024 isang Unibersidad sa Estados Unidos, matagumpay na naipakita ang kahalagahan ng retinoic acid, ang aktibong sangkap ng Bitamina A. Sa pagknotrol sa biyolohiya ng stem cell at pagpapabuti ng sugat.

Kapag ang isang indibidwal ay nasugatan, agad na nagpapakilos ng ating katawan upang simulant ang proseso ng paggaling. Isa sa pangunahing responsable sa prosesong ito ay ang stem cell ng balat. Ang mga stem cell ay nagtutulungan upang itama at isaayos ang nasirang balat at mapanatiling malusog ang integridad ng ating katawan. Ngunit, sa likod ng simpleng proseso ng paggaling, may nagaganap na komplikadong pagbabago sa mga stem cell na nagtutulak na magampanan ang tungkulin nito sa tamang paraan.

Ang mga eksperimento na isinagawa sa Laboratoryo ng Unibersidad, sa

TAMbiyayA o TAMbabala

Ang tamban o kilala sa siyentipikong pangalan na Sardinella lemuru ay isang salihay ng “ray-finned fish” na kabilang sa genus na matatagpuan sa Silangang Indian Ocean, Kanlurang Karagatang Pasipiko sa lugar na umaabot mula sa timog Japan hanggang sa Malay Archipelago, at Kanlurang Australia na malayo sa baybayin ng sangkatauhan.

mga hayop ang magpapatunay na ang reti noic acid ay may mahalagang papel sa prose so ng pagpapagaling ng sugat. Nakakaepekto rin ito sa pagpapalit ng papel sa mga stem cell mula sa paggaling ng sugat hanggang sa pagtubo ng buhok. Ang siyang mga resulta ng kanilang pagsasaliksik ay nagbukas ng bagong oportunidad para sa pag-unlad ng mga therapeutic approach na maaring gami tin sa paggagamot sa iba’t-ibang uri ng sakit.

Talagang, nakakamangha ang natuklasan ng pagsusuri na ito, hindi lamang sa larangan ng medisina at agham, pati na rin sa pang-araw-araw na buhay ng bawat isa. Ito’y naglalarawan sa potensyal na mga natural na sangkap tulad ng Bitamina A na magiging susi sa mas epektibong paraan ng paggagamot at pagpapabuti ng kalusugan ng mga tao. Sa patuloy na pagsusuri at pag-unlad, mas magdadala pa ito ng mas maraming solusyon sa mga hamon na kinakaharap ng ating bayan.

Damit na gamit, pwede pang magamit

Sa panahon natin ngayon, maraming damit ang tinatapon at sinusunog dahil hindi na ito mapapakinabangan pa dahil nakalakihan o sira na. Dahil dito, nakaisip ng paraan ang Interdisciplinary Nanoscience Center at Aarhus University (iNANO) ng solusyon sa pamamagitan ng bagong teknolohiya na may kakayahang paghiwa-hiwalayin ang fibers sa damit para maproseso at magamit muli.

ng pag-init ng mga damit sa init na 225 degrees Celsius at pagdagdag ng specific na alcohol. Sa pamamagitan nito napaghihiwalay nito ang chains of molecules, na links ng elastane chain na matanggal sa pagkakadikit nito sa damit.

rangani noong 7 Enero 2024 ng madaling araw. Daandaang residente ang nakakuha na hindi bababa sa 20 hanggang 30 kilo bawat maliliit na tamban na tinatawag na “lopoy” sa lokal na diyalekto. Tila ba’y itinuring nila itong biyaya na ipinagkaloob ng dakila para sa kanila, at ang iba naman ay naniniwala na maaaring ito ay isang babala laban sa isang paparating na sakuna.

Ito ay isang mahalagang mapagkukunan ng pagkain para sa iba’t ibang mga mandaragit sa dagat, at komersiyal ding inaani bilang pagkain ng mga tao sa ilang mga rehiyon. Isa rin sa patok na ginagawang produkto ang isdang tamban na karaniwang pagkaing pinoy na tinatawag na “sardinas” sa mga pabrika hindi lamang sa bansang Pilipinas, kundi sa iba pang bansa.

May kakayahan rin itong magbigay ng mga benepisyo dahil naglalaman ito ng mataas na Omega-3 fatty acid para sa tao, tulad ng pang-iwas sa coronary heart disease, stunting growth, at pagpapanatili ng immunity. Nakapaloob rin dito ang protina at bitamina para sa tiyak na kalusugan at taglay na kalakasan.

Sa di inaasahang pangyayari na lubos ikinagulat ng mga residente sa di umano’y sangkaterbang isdang tamban ang dumagsa sa mga Beach Resort ng Maasim, probinsiya ng Sa-

Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR), ang sanhi sa pagdagsa ng mga isdang tamban ay dahil sa temperatura na kung saan nakipagsabayan ang malakas na hangin, at alon na nagdadala ng malamig na tubig sa ibabaw ng karagatan na tinatawag na “upwelling”. Isa rin dito ang kakulangan at pagbaba ng mga plankton na isa sa batayan ng mga sapot ng pagkain ng mga nilalang sa dagat.

Dagdag pa ng tagapagsalita ng BFAR na si Nazario Briguera, ang pagkain ng isdang tamban ay ligtas naman kainin kapag ito’y sariwa at buhay pang nakuha.

Kaya, pinahintulutan pa rin ang mga residente na mapangmasid at maingat sa maging epekto na maaaring makapagbigay ng masamang dulot sa kalusugan na pinag-iingatan ng husto. Samakatuwid, kung nakakuha ng marami, maging alerto at obserbadong tao para iwas disgrasya kapag ito’y makain ng todo.

Ayon sa ulat ng iNANO, ang ating mga damit ay binubuo ng mga materyales na elastane, bulak, nylon, at lana na napakahirap paghiwalayin sa damit kung kaya’t hindi ito ma-recycle. 6% ng mga damit ang tinatapon kada-bahay, 32% naman sa mga plastik na lalagyan nito at nasa 62 milyong tonelada naman ang nagagamit na damit sa Pilipinas at 20% lang dito ang na re-reuse at nare-recycle. At dahil sa nadiskobreng paraan ng iNANO na tuluyang mawala ang elastane na nakahalo sa iba pang materyales sa paggawa ng damit. Ang elastane ang dahilan kung bakit nauunat natin ang ating mga damit dahil sa elastic na materyal na siyang dahilan kung bakit naiinat ang damit upang umangkop sa hugis ng katawan ng nagsusuot.

Ang mga damit na gawa sa bulak na nahaluan na ng elastane fibers ay napakahirap i-recycle. Dahil sa mahirap na ito ihiwalay sa iba pang materyales sa paggawa ng damit, at dahil dito nakahanap ng solusyon ang iNANO na maihawalay ang elastic na materyales sa damit para ma-recycle ang mga ito. Ang elastane fibers ay mahihiwalay sa pamamagitan

Sa layuning mapalakas ang produksiyon ng palay at pagpapamahagi ng mga makabagong kagamitan sa Agrikultura, Inilunsad ni Pangulong Ferdinand Romualdez Marcos Jr., ang Consolidated Rice Production and Mechanization Program (CRPMP). Ang programang ito ay naglalayong magbigay suporta sa mga magsasaka upang mapalakas at magkaroon ng maraming oportunidad ang sektor ng agrikultura.

Ang paglulunsad nito ay bahagi ng pangangailangan na mapalakas ang sektor ng agrikultura sa lalawigan ng South Cotabato sa pamamagitan ng pagtutok sa modernisasyon sa pagsasaka. Sa tulong ng mga kagamitang pang-mekanisasyon at kaalaman sa teknolohikal na pamamaraan ng pagsasaka, ay inaasahang mapalakas ang produksiyon sa South Cotabato. Kabilang sa layunin ng programa ay ang pagpapalakas ng kaalaman at kasanayan ng mga magsasaka sa pamamagitan ng pagsasanay at seminar.

Ang tanggapan ng Provincial Agriculturist-South Cotabato Farmers Information and Technology Services (FITS) center ay nakatanggap ng malaking suporta sa ilalim ng ATI-RTC RCEF Program. Si Ginoong Henry Ladot, Chairman sa pagsasaka at pagkain, ay nagpapakita ng suporta sa pagsasa-ayos ng FITS center. Ang Department of Agriculture-Philippine Center of Post Harvest Development and Mechanization (DA-PhilMECH) ay opisyal na ipinagkaloob ang halagang Php 26.6 milyon na

Ang buong proseso ay nilalagay sa isang malaking pressure cooker nilalagay ang mga damit, alkohol, at base para mapainit ito. Hindi opsyon ang paggamit ng malalakas na kemikal sa prosesong ito at ang kanilang gagamitin lamang ay alkohol at potassium hydroxide base. Karamihan sa fibers ng damit ay recyclable ulat ni Steffan Kvist Kristensen, Bise Direktor ng iNANO.

Ang potassium hydroxide, isa sa pamgunahing sangkap sa panglinis (ordinary drain cleaner). Sa ordinaryong panglinis na ito nakakita ng chemical reaction. Dahil na rin sa limitasyon ng kagamitan, nasa industriya ang pagtanggap ng teknolohiyang ito. Naniniwala ang researcher’s ng iNANO na talagang mareresulba nito ang problema sa pagtatapon at pagsusunog ng damit na hindi na magamit.

Tunay na kamangha-mangha ang mga inobasyon ng ating teknolohiya sa ating pamummuhay. Makakatulong ito sa mga suliranin naten sa mga damit na kung saan-saan lang tinatapon at sinusunog, na may magagawa pa tayo para mapakinabangan pa ang mga ito, ang imposible ay magiging posible. Ipagpatuloy pa nating suportahan ang ganitong kaalaman at makakatulong ito sa atin magkaroon ng kahalagahan at responsibilidad dahil tayo-tayo rin naman ang magbebenipisyo sa hinaharap ng ating bansa.

Agrikulturang Handa sa Kinabukasan: Bagong Yugto ng Modernisasyon

halaga ng mga kagamitang pang agrikultura.

Hindi bababa sa 19 na mga magsasaka mula sa Farmers’ Cooperative Association (FCA) ng sampung bayan ng solong lungsod ng lalawigan ang nasa 60 na yunit ng ibat ibang teknolohiya sa pagsasaka sa ilalim ng Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF)-Mechanization Program. Ito ay binubuo ng 6 na yunit ng hand tractors, 14 na yunit ng floating tillers, 3 na yunit ng precision seeders, 8 na yunit ng walk-behind transplanters, 4 na yunit ng combine harvesters, 8 yunit ng rice reapers, 1 yunit ng reciculating dryers, 2 yunit ng mobile rice mills, at 1 yunit ng single pass (stationary). Ang layunin ng programang ito ay mapataas ang produksiyon, kita, at pandaigdigang kakayahan ng ating mga magsasaka.

Sa suporta ng ATI-RTC XII RCEF Program, nakakuha ang mga magsasaka ng oportunidad sa mga programang ito, sa kagamitan, kasanayan, at kaalaman. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng mga ito, ang sektor ng agrikultura sa South Cotabato ay handang lumago at magtagumpay, na magbibigay ng kontribusyon at kabuuang pag-unlad sa lalawigan at ng mga magsasaka.

10 AG-TEK

ISPORTS 3

Sa gitna ng modernong panahon at patuloy na pag-usbong ng globalisasyon, tila'y unti-unti nang nalilimot ang yaman ng mga tradisyunal na laro sa Pilipinas, o mas kilala bilang larong Pinoy. Sa isang bansang sagana sa kasaysayan at kultura, ang mga larong ito ay naglalarawan ng diwa at puso ng mga Pilipino. Subalit, sa kabila ng kanilang halaga at kahalagahan, ang mga ito ay paunti nang naglalaho sa mga isipan ng mga kabataan, na mas nakatuon na sa mga modernong palakasan at teknolohiya.

Una sa mga larong ito ay ang sipa. Ito ay isang laro kung saan ang mga manlalaro ay gagamit ng kanilang mga paa at katawan upang sipain ang isang bola at itaboy ito sa kabila ng isang net. Ang sipa ay hindi lamang isang laro kundi isang tradisyon na nagdudulot ng pagkakaisa sa mga komunidad.

Pinoy: Laro ng Kahapon

Larong

Kasunod nito ay ang luksong tinik. Sa larong ito, ang mga manlalaro ay magkakaroon ng pares na tinatali ang kanilang mga paa at uupo sa sahig habang ang iba naman ay haharang gamit ang kanilang mga paa na nakalakip ng mga dahon ng sanga. Layunin ng laro na makalampas ang mga ito nang hindi nahaharangan o nasasaktan.

Isa pang sikat na larong Pinoy ay ang piko. Ginagamitan ng isang maliit na piramide ng bato at isang malaking bato na siyang ihahagis ng mga manlalaro. Ang layunin ay mapagtibay ang diskarte at bilis sa pag-iwas upang hindi mabagsakan ng malaking bato.

Hindi rin mawawala ang larong bahay-bahayan o tumbang preso, kung saan ang mga manlalaro ay magkakaroon ng papel bilang mga guwardiya at bilang bilang na mga bilanggo. Ito ay hindi lamang nagbibigay ng aliw kundi nagtuturo rin ng disiplina at pagtitiwala sa bawat isa.

Sa bawat laro, mayroong mga aral na mapupulot. Ang mga ito ay nagbibigay diin sa pagkakaisa, diskarte, at kahalagahan ng paggalang sa kapwa. Sa kabila ng modernisasyon, mahalaga pa rin na itaguyod at ipasa ang mga tradisyunal na larong ito upang mapanatili ang kanilang kahalagahan at manatiling bahagi ng ating kultura at identidad bilang mga

Pilipino.

E-Sports:

Sa paglipas ng panahon, isang malaking pagbabago ang nasaksihan sa larangan ng palakasan sa Pilipinas. Mula sa tradisyonal na larong Pinoy na unti-unting nalilimot, dumating ang pagsiklab ng isang bagong uri ng palakasan - ang e-sports. Ang e-sports ay hindi lamang isang bagong anyo ng paglalaro kundi isang ganap na bagong karanasan na nagsasama ng teknolohiya, kompetisyon, at pagkakaisa ng komunidad.

Ang mga tradisyunal na larong Pinoy tulad ng Sipa, Luksong Tinik, at Piko ay unti-unti nang naglalaho sa mga kalye at bakuran ng Pilipinas. Sa halip na mga bata na naglalaro sa kalsada, ngayon ay mas marami ang nakatutok sa kanilang mga computer at naglalaro ng mga popular na e-sports tulad ng Dota 2, Mobile Legends, at Counter-Strike:

Global Offensive. Isa itong patunay na sa paglipas ng panahon, nagbabago rin ang interes at hilig ng mga tao.

Halimbawa, ang Dota 2, isang popular na laro sa genre ng MOBA o Multiplayer Online Battle Arena, ay patuloy na nakakuha ng milyun-milyong manonood sa buong mundo sa pamamagitan ng mga live streaming platform tulad ng Twitch at Facebook Gaming. Ang mga Pilipinong manlalaro tulad nina "TNC Predator" ay sumasali at nagwawagi sa mga prestihiyosong internasyonal na kompetisyon, nagpapakita ng husay at galing ng mga Pinoy sa larong ito.

Sa pamamagitan ng e-sports, hindi lamang nagkakaroon ang mga Pilipino ng bagong paraan upang magpaligsahan at magpakita ng kanilang galing, ngunit nagbubukas din ito ng mga oportunidad para sa kabataan na magkaroon ng potensyal na karera sa larangan ng gaming. Marami ang nagiging propesyunal na manlalaro, coach, caster, at iba pa sa larangan ng e-sports, na nagbibigay inspirasyon at pag-asa sa mga naghahangad na sundan ang kanilang mga pangarap sa industriya.

Sa huli, ang paglipat mula sa tradisyunal na larong Pinoy tungo sa e-sports ay isang pagpapakita ng pagbabago at pag-angat sa kultura ng palakasan sa Pilipinas. Bagama't may mga tradisyonal na laro na patuloy pa ring nilalaro ng ilan, mahalaga ring tanggapin at suportahan ang pag-unlad ng e-sports bilang isang seryosong industriya at isang bahagi ng modernisadong kultura ng palakasan sa bansa. - Gian Napuran

Sevillano, dinurog si Guevarra, 2-1

Makamandag na sipa ni Rhyzel Sevillano, mag-aaral ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas, ang tumapos sa pangarap ni Yuka Guevarra ng Laguna nang masungkit ang gintong medalya sa larangang Muay Thai na ginanap sa Manuel L. Roxas National High School, Pasay City, Disyembre 20, 2023.

Nagpakawala si Sevillano ng malalakas na sipa at suntok sa kanyang katunggali na siyang nagpahina sa kanyang kalaban sa unang round habang nakabantay si Mardel V. Claro na nagsilbing referee sa nasabing laro.

Binigyan naman ni Guevarra ng ratsadang suntok ang ka tunggali na siyang

nagpasindak kay Sevillano para higpitan ang depensa sa second round.

Hindi nagpataob si Sevillano at ibinalik niya kay Guevarra ang bawat sipa at suntok na may mainit na tensyon na nagbigay sa kanya ng sunod-sunod na puntos. Sa huling round, dinurog ni Sevillano si Guevarra upang nasungkit ang pinakaaasam na kampeonato.

Metrian, dinurog ang Banisil, 48-42

Giniba ng Metrians ang pagnanasa ng Banisil National High School na maibulsa matamis na panalo sa isang maigting na laban, 48-42, sa kanilang unang pagtutuos sa larong basketball kaugnay ng ginanap na General Santos City Athletics Association Meet 2024 sa Pedro Acharon Sr. Central Elementary School, Marso 6. Sa umpisa pa lang ng laro, ipinakita na ng Metrian ang kanilang matibay na paninindigan sa pamamagitan ng walang-patid na atake at depensa. Walang tigil silang nagpapakita ng kanilang ritmo at determinasyon upang makamit ang tagumpay. Kapit-bisig ang mga manlalaro upang makuha ang maagang agwat, subalit agad itong naibalik ng Banisil sa pamamagitan ng kanilang maigting na opensa. Matapos ang masikip na opening frame, nabuhay muli ang Metrians sa second quarter kung saan sinimulan ni Novielyn Malabago ang surge na may anim sunod na puntos, lumaki lamang ang kalamangan mula doon nang isara ng Metrians ang iskor sa 18-14.

Nag-unload sila ng malaking iskor sa third quarter nang makita nilang pinabayaan ng Banisil ang labintatlong lamang. Dinomina ng Metrians ang laro at nagtala ng iskor na 34-21.

Walang kahirap-hirap sa Metrians ang huling quarter, dahil patuloy nilang minaliit ang Banisil, at ang three-pointer ni Otilla sa nalalabing 30 segundo ay na kumpleto ang hindi inaasahang pagbabalik na nakuha ang 48-42 na tagumpay at nagtulak sa kanila sa final.

Hindi na tuluyang nakabawi pa ang kalabang koponan sa huling quarter ng laro. Patuloy ng pinigil ng Metrians ang mga atake ng Banisil nang ipamalas ng una ang kanilang kahusayan sa depense kasabay ng galing sa opensa. Sa tulong ng isang mahalagang three-pointer ni Doreigna Jean Otilla sa huling tatlumpung segundo, nagawa ng Metrian na kumpletuhin ang kanilang pagbabalik at makamit ang mahalagang panalo upang umusad sa next game. - Kristina B. Erojo

Laro ng Makabagong Henerasyon
Batang Pinoy Muay Thai National Championship Games 2023
113

2023 Muay Thai Championship

ISPORTS

Gumama, nakasungkit ng gintong medalya

Elinor Gumama nakasungkit ng gintong medalya sa 2023 Muay Thai Championship.

Ilang laban ang may kapangyarihan upang iuwi ang isang gintong medalya, at yan ang pinatunayan ni Elinor Gumama sa pambihirang laro na 2023 Muay Thai National Championship, sa Multi-purpose Arena Philsports Complex Pasig City, noong nobyembre 13.

Mula sa matalinong atake ni Elinor Gumama hanggang sa magaspang na palitan ay may lahat ng bagay na ginawang kaakit-akit na panoorin ang high-level sa Muay Thai.

Hindi lamang ito kumakatawang sa isang napakalaking tagumpay,

Mr. & Ms. Cupid and Psyche 2024

ngunit ito rin ay nagpapa kita sa kanyang pamilya, guro at kamag-aral na ang lahat ng kaniyang sakripisyo at pagsusu mikap ay sulit.

Bawat ensayo at laban, si Gumama ay patuloyna nagpapakita ng kaniyang kahusayan, tapang at dedi kasyon sa sining ng Muay Thai.

Bukod dito, mas lalong lumawak ang suporta para kay Gumama sa pamamagitan ng pagpapalakas at pag-eensayo na naglalayong magbigay inspirasyon sa iba upang maging matagumpay.

- Kristina B. Erojo

Acudo at Ricohermoso, kinoronahan

Nagpakitang-gilas sina

Zyrs Andy Acudo (Baitang 10) at Xhandee Hope Ricohermoso (Baitang 9) upang koronahan bilang Mr. at Ms. Cupid and Psyche 2024 sa nakakabighaning Love Month Celebration ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas, Marso 11. Sa isang kahanga-hangang pagpapakita ng kanilang husay at dedikasyon sa labanang ito, hindi mapapantayan ang tagisan ng talino at galing na ipinamalas nina Acudo at Ricohermoso. Sa kanilang pagakyat sa entablado, agad silang sinalubong ng masiglang hiyawan

mula sa mga kapwa mag-aaral, nagpapakita ng suporta sa kanilang mga kinatawan. Sa umpisa pa lamang ng paligsahan, nagpakitang-gilas na ang dalawa sa isang makabuluhan at nakakaantig na production number na dinaluhan ng mga hurado at manonood. Sa gitna ng matinding kompetisyon at pagtatanghal, hindi nagpadaig ang dalawa sa prelimenaryong Q & A, kung saan mahigpit ang labanan para makapasok sa Top 3. Bagaman puno ng tensyon at kaba ang huling yugto ng laban, ipinamalas nina Acudo at Ricohermoso ang kanilang

General Santos City Athletic Association Meet 2024

Omar, pinataob si Ronquillo sa larong billiard

Parehong palaban. Parehong walang inuurungan. Ngunit sa larong billiard, lamang ang may karanasan.

Ito ang pinatunayan ni Japar Omar, mag-aaral ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas nang sungkitin nito ang pilak na medalya matapos talunin si Rabor Ronquillo, mag-aaral ng Banisil NHS sa larong billiard (8 ball) kaugnay ng ginanap na General Santos City Athletic Association Meet 2024 sa Granny's Diagan Hospital, Marso 6. Pangalawang medalya na ito ni Japar sa General Santos City Athletic Association. Hindi man nakuha ni Omar ang gintong medalya, ngunit naging masaya naman ang kaniyang tagapagsanay na si Floranie Bazarte na naging kaagayapay niya sa pag eensayo. Napahanga ito sa kanyang dedikasyon at determinasyon sa pagsasanay upang mas lalo pang mahasa ang talento sa paglalaro.

“Proud na proud ako kay Japar kasi nakita ko talaga ang lahat ng pagsisikap niya para sa kompetisyong ito”, wika ni Bazarte. - Arham Guroalim

karunungan at kahusayan sa pagsagot sa mga tanong ng hurado, na nagdala sa kanila sa Top 3 ng patimpalak. Sa pagtatapos ng aktibidad, itinalaga silang Mr. at Ms. Cupid and Psyche 2024, na nagpapakita ng kanilang husay at pagkamalikhain sa pag-arte at pagpapahayag ng kanilang mga pananaw.

Samantala, pinarangalan rin ang mga karapat-dapat na kalahok sa iba't ibang kategorya: si Jewel Gloria (Baitang 10) at Kleint Dagsan (Baitang 11) sa pangalawang pwesto, at sina Ronin Navarro

Nuñez (Baitang 8) at Allysah Grar (Baitang 7) sa ikatlong pwesto.

- Norhaifa Macalawan

Pagpupunyagi ng Maliit!

PULSO

Kristina B. Erojo

Special Program in Sports: Nararapat bang unahin?

Special Program in Sports: Nararapat bang unahin? Sa kasalukuyang panahon, patuloy na binibigyang-diin ang kahalagahan ng sports hindi lamang bilang isang aktibidad para sa kalusugan at libangan kundi bilang isang mahalagang bahagi ng buhay ng bawat indibidwal at ng lipunan bilang buo. Ang sports ay nagbibigay hindi lamang ng pisikal na benepisyo kundi pati na rin ng mga positibong epekto sa aspeto ng mental, emosyonal, at sosyal na kalusugan ng mga indibidwal. Sa pamamagitan ng pagsasanay at pagsasabak sa mga laro, natututunan ng mga tao ang pagpapakatibay ng loob, pagpupunyagi, disiplina, at pagtanggap sa tagumpay at kabiguan. Isa sa mga malaking benepisyo ng sports ay ang pagtutulungan at pagkakaisa na nagaganap sa loob at labas ng larangan. Sa bawat laro at kompetisyon, napapalakas ng mga manlalaro ang kanilang samahan at natututunan ang kahalagahan ng respeto, integridad, at fair play. Ang ganitong mga halaga ay hindi lamang nagbubunga ng magandang karanasan sa sports kundi nag-aambag din sa pagpapalakas ng moralidad at pagpapabuti ng ugnayan sa komunidad. Dahil sa mga nabanggit na benepisyo ng sports, mahalaga na bigyan ng sapat na atensyon at suporta ang pagpapalakas at pagpapalawak ng kakayahan

sa larangan ng sports sa mga paaralan. Ang pagkakaroon ng Special Program in Sports ay isang epektibong paraan upang mas mapalaganap at mapalakas ang mga benepisyo ng sports sa edukasyonal na sistema. Sa pamamagitan ng espesyal na programa, mas mabibigyan ng pagkakataon ang mga mag-aaral na mapalawak ang kanilang kaalaman at kasanayan sa sports habang binibigyan sila ng suporta at gabay mula sa mga guro at eksperto sa larangan. Bukod dito, ang programa rin ay magbibigay daan sa mas maraming oportunidad para sa mga estudyante na magtagumpay sa larangan ng sports, maging ito sa lokal o pandaigdigang kompetisyon. Sa huli, ang pagkakaroon ng Special Program in Sports ay hindi lamang magdadala ng mga benepisyo sa kalusugan at kaalaman ng mga mag-aaral kundi magtataguyod din ng kahalagahan ng sports bilang isang integral na bahagi ng edukasyon at buhay ng bawat isa. Kaya sa aking palagay, mahalaga at nararapat pang pagtuunan ng pansin ang pagkakaroon ng Special Program in Sports sa bawat paaralan sa Pilipinas. Sa bansang ito kung saan ang larong pambansa ay may malaking bahagi sa kultura at identidad ng mga Pilipino, napakahalaga na bigyan ng sapat na atensyon at suporta ang pagpapalakas at pagpapalawak ng kakayahan sa larangan ng sports.

Metrians, pinataob ang MSU-CETD, 14-13

“Maliit man ay nakakapuwing.”

Ito ang pinatunayan ng Irineo L. Santiago National High School of Metro Dadiangas (ILSNHSMD) nang pinaluhod nito ang Mindanao State University-Continuing Education and Training Division (MSU-CETD) sa ginanap na Cluster Meet 3x3 basketball panlalaki, 14-13, sa Dadiangas West Elementary School, Enero 27.

Kontrolado ng bawat koponan ang unang minuto ng laro ngunit sa pangunguna ni Azi Forones na pumukol ng pangmalakasang fade-away jumpers, naiwan ang MSU sa iskor na 2-1.

Sa pagpatak ng ika-apat na minuto ng laro, matinding depensa at mainit na opensa ang ipinamalas nina Icheah Mangondato at Cassmese Disalongan nang

magtala ng 5-1 run upang tambakan ang Metrian sa iskor na 3-6.

Nagpakawala ng sunod-sunod na pamatay sunog na pull-up jumpers behind the arc si Forones upang makamit muli ang kalamangan kontra MSU, 7-6, sa ika-anim na minuto ng laro.

Tila naging David at Goliath ang laban nang pinabagsak ni 5’3, center, Angelo Posadas ang 6’2 big man ng MSU na si Mangondato matapos niyang tibagin ang malapader nitong depensa at kumana ng reverse and 1 lay-up upang ilayo ang iskor sa 9-6.

Too small gesture naman ang bawi ni Mangondato nang sinayawan nito ang depensa ni Forones at tinutukan pa bago ipasok ang step-back and 1-2 pointers sa huling dalawang minuto ng laro.

Todo hiyaw ang miron

nang sumagot ng 2 pointers from the deep logo line si Forones kontra kay Mangondato upang mabawi muli ang kalamangan sa iskor na 11-9.

Sinubukang idikit ni Disalongan ang laban ngunit supalpal ang inabot nito kay Ernesto Aporongao Jr. sa tangkang 2 pointers behind the arc sa 39 segundo ng laro. Unsportsmanlike foul naman ang inabot ni RK Bayona nang minura nito ang referee pagkatapos niyang sabayan ang open lay-up ni Disalongan sa huling 13 segundo ng laro, dahilan upang madikit ang laban sa iskor na 13-13. Isinara ni Forones ang laro nang ipinasok nito ang crucial free-throw sa huling dalawang segundo ng laro upang iuwi ang panalo kontra MSU sa iskor na 14-13.

Ayon kay Metrian Team Capt. Azilanrev Forones, kinabahan siya nang nakita niya ang laki ng mga kalaban pero naniniwala naman ito na ang susi sa pagkapanalo ay

ang sipag at tiyaga.

“Grabe, intense kaayo ang dula.

At first, gikulbaan ko sa kadako sa kalaban pero teamwork ug play-by-heart ra jud ang among dala para sa kadaugan” (Grabe. Masyadong intense ang laro. At first, kinabahan ako sa laki ng kalaban pero teamwork at play-by-heart lang talaga ang dala namin para sa panalo), dagdag pa ni Captain Forones.

Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.