Sindak

Page 1

THE NATIONAL

GUILDER Literary Folio Vol 1, Issue 2


EDITORIAL BOARD Rodolfo Dacleson II Executive Editor The Flare, Cavite State University Imus

Miguel Atienza Managing Editor Lyceum of the Philippines University Manila

Angelo Jo Niday Internal Associate Editor The NORSUnian, Negros Oriental State University

Sofia Beatriz Cabral External Associate Editor Polytechnic University of the Philippines - Manila

Maica Razon News Editor Komunikator, Adamson University

Rjay Castor News Editor Forum Dimensions, West Visayas State University

George Rivera Feature Editor Nueva Ecija University of Science and Technology Mikko Sy Research Editor De La Salle University - Manila Camille Finuliar Layout Editor Polytechnic University of the Philippines - Manila

Russel Anthony Loreto Literary Editor Trinity Observer, Trinity University of Asia Margalo Doherty Akane Alagao Graphics Editor The Paulinian, St. Paul University Iloilo Lance Jeremiah Tolentino Circulation Manager De La Salle University - Manila

Writers: Cristy Arquilos John Lester Pronebo Carl Andrei Alquero AiIeen Joeimee Castillo John Dale Dominic Verdadero Abdul Hafiz Malawani Artists: Christina Michaela Cambiado Rowz Fajardo


EDITOR’S NOTE “The object or art like any other product, creates an artistic and beauty enjoying public. Production thus produces not only an object for the individual, but also an individual for the object.” — Karl Marx Malugod na inihahandog ng The National Guilder (TNG) ang literary folio na pinamagatang “Sindak”. Ito ay koleksiyon ng mga gawang nagpapakita ng ating sosyo-politikal na reyalidad sa Pilipinas. Sinisindak ng kinauukulan ang masa na maituturing na pag-abuso sa kanilang kapangyarihan. Ang paggamit ng salitang sindak sa folio na ito ay may layuning bawiin ang kapangyarihang ipinagkaloob natin sa kanila. Bukod pa rito, nais din nitong baguhin ang ating kamalayan at gawing mas higit na nakabubuti para sa lahat. Bilang mamamayan sa lipunan, kailangan nating imulat ang ating sarili sa mapang-aping sistemang burgis at maka-kapitalismo. Kailangang isaisip natin na higit pa sa mga kuwentong nakapaloob dito ang mga reyalidad na kinakaharap ng ating kapwa Pilipino sa araw-araw. Naniniwala ako na ang reyalidad ay mas nakakasindak pa kaysa sa mga kathang-isip na nilalang na ating naririnig sa mga kuwento. Kadalasan, ang mga pangyayari sa totoong buhay ay higit na nakatatakot kaysa mga kababalaghang likha ng ating malikhaing pag-iisip. Hindi tulad ng mga karakter sa folio, tayo ay may kakayahang baguhin at kontrolin ang ating kapalaran sa pamamagitan ng ating pagkakaisa. Ang tanong ay kung handa ka na bang isulat muli ang ating mga kuwento para sa panlipunang kabutihan?

Russel Loreto Patnugot ng Panitikan


FOREWORD October 31st, plus November, equates to horror stories. Whether oral, textual or visual, these are the annual traditions in the Philippines even though some prefer to just eat chocolates or to hype up your peers to dress up. So we did the tradition, with visuals and texts—except that it was not for “fun” purposes. Of course, the process of writing a piece is quite an ecstatic feeling; one might feel a rush of thoughts branch out from our mind when we see our editor’s comment, “good job!”, but the writers and editors of this collection know: we are fighting for a cause. The skill to write is a much more reachable stage of writing; the drive, however, to write something is a difficult one to do. Drive from what, then? Well, it is highly contingent on how a writer feels things. But as we officially launched this project, we highlighted and pressed the importance of socio-political issues being emphasized by the author. By this, even though everything is political, we are breaking the popular forms and views of the horror genre as we give various focal points in different issues swirling in our Philippine society. One word can be suitable in describing this collection: a mirror. In the hopes of attaining all forms of liberty, creating a story is one. We need stories that give a reflection of someone, which is an imperative part of being a writer. One reflection is an attempt to represent their pleasures, pain, guilt, regret, abandonment, or one thing called—desire. With the use of literary devices and styles, a reader will find the heart of this collection if one understands the heed of the represented. But likewise, a reader with willingness to empathize without prior understanding can also find its purpose of why we made a distressful socio-political collection. This literary folio is also a living proof of our standing, yet dying, democracy. In The Handmaid’s Tale by Margaret Atwood, famously called a “feminist dystopian novel”, where theocratic totalitarianism rules the United States that severely affected women who are only valued because of their fertility. The story is not only equipped with black vans and a military carrying a machine gun at a street, but also how the wielded power damaged the intellectual, physical, emotional, and spiritual freedom of the citizens, this includes the prohibition to read and write as a woman. This is evidently paralleled to Duterte’s regime, isn’t it? No further elaboration on that. Go read this collection (in order for you to know). The tragic point is, as writers of the collection, even though it naturally stands in solidarity for the reviving of our democracy, it is a difficult duty to abide by. Duterte has already deteriorated the intellectual capacity of average Filipinos to critically think. His government also killed not just the poor but also journalists and activists. And besides, the worst of all: he created a culture in which the majority conform. Therefore, these kill the effectiveness of our stories; it can only be as inflamed as it should if a reader has the openness, or rather—the readiness to face reality. So this begs the question: as writers, are we doing enough? Or have we not yet realized how gigantic the enemies are?


KWARTO-KWA Likhang S

ining ni Ca

Maikling K

wento ni La

mille Finu

RTO

nce Tolentin

liar

o


KWARTO-KWARTO ni Lance Tolentino

S

abi nila, mas convenient ang may Netflix account, yung tinatawag mong iyo at binabayaran mo. Kaso, parang mas pinahirap nito ang panonood ng pelikula kasi marami kang pagpipilian. Sa dami, hindi mo alam ang trip mo. Dapat talaga may listahan ka. Pero madalas kasing wala sa Netflix ang nasa listahan ko. Puro kasi ito indie films, parehong lokal at internasyonal, na bihirang ipalabas sa mga mainstream outlet kagaya ng Netflix. Pero mas naaayon ang interes ko sa lokal na pelikula. Mas kaya akong irepresenta nito; isang salamin na nakikita ang mas malalim pang bahagi ng pagkatao ko. Pero hindi sa lahat ng bagay ay nakikita ko lang ang sarili, kundi ang sarili rin ng iba. Dahil kahit may pagkakaiba, mayroong pagkakaintindihan. Kagaya sa Babae at Baril ni Rae Red, na isang depiksiyon ng kalagayan ng babae sa patriyarkal na lipunan. Pinakita rito ang lupit ng catcalling at nang rape. Nauunawaan ko ang mensahe ng pelikula kahit na lalaki ako; dahil nakita ko na.

ng bahay. May bahid ng di-malilimutang umaga at ng hanging patay na ang mga kwarto. Doon nanggaling ang tunog. Ang kalabog sa barnis ng kahoy, ang pagbasag ng mga pinggan kahit nasa kusina ito nakalagay, ang mga sulok nitong may melodiyang walang tunog at ang mga hikbi at iyak—nandoon sa kwarto na iyon. Bumangon ako at uminom ng tubig at hangga’t maaari, pipilitin kong pagmasdan ang bawat galaw ko. Hindi ko na kasi namamalayan, nandoon na ako. Sa itaas, nakaapak kung saan ko unang nakita...

Sa gitna ng mga nagtatagong alikabok, ng mga sira-sirang piyesa ng pinaglumaang piano, ng mga kurtinang kinukupasan na ng kulay at ng dilim na nilalamon ako, nandito ako— sinisinagan ng ilaw mula sa ref at poste sa kalye. Ito na lamang ang nakikita kong matingkad; wala na ang araw, mga bituin sa magdamag, mga ilaw ng kotse na parang disco-lights; Nakapikit Pinili ko na lamang matulog. Inabot ako na kinakapa ang daan at ginagapang ang bawat ng isang oras sa pag-browse sa Netflix, pero paghinga. wala talaga. Hindi nag-click ang mga plot na May maliliit na mga daga sa sulok-sulok. Halos nabasa ko. Pero ang pinakakinainisan kong palabas doon ay “Kissing Booth 3”. Hindi na sila lahat ata ng naiiwan kong take-out sa lamesa ay natapos maghalikan. Sapagkat hindi ko pa ito pinapakialaman nila. Pero ‘di bale. Ang maririnig napapanood, napadpad ang isang clip nito sa ko lang sa kanila ay mga bulong, “kasalanan mo Facebook feed ko. Ah basta, naging referee yung Carlos...Kasalanan mo…” Sa katunayan, matagal babae roon. Muntik kasi magka-giyerahan ang ko na silang naririnig simula nang nangyari dalawang lalaki sa kwarto. Tapos sabi ni Elle, ang insidente. Siguro naapektuhan ako. Siguro “Look at me!” nang pasugod na itong si Noah. hindi. Lahat ata na iniisip ko hindi ako sigurado: Nakita ito ng mga tao bilang laos na formula. kung gutom ba ako o hindi, kung maliligo ba ako Ginawa pa nga itong meme. Sa katunayan, o bukas na lang, kung tama ba na tinatanggap ko mapapaisip ka: bakit laging nalalagay sa ang sustento ng tatay ko. Pero kung lagi’t laging ganitong posisyon ang mga babae dahil sa mga pag-uwi ko pinagbibintangan ako ng mga daga, desisyon ng mga lalaki? Machismo; iyan si Noah. baka panahon na para paniwalaan ito. Doon, baka maging sigurado pa ako. Nagising ako. May narinig akong tunog. Bumalik ako sa higaan, pero alam ko na Hindi lang siya tunog; alaala ito. Sa sala na ako tutunganga lang ako sa kisame hanggang sa natutulog, hindi ko kaya sa ikalawang palapag makatulog ako. Nagbungtong-hininga saglit, at 05

.

sindak


nakita ko ang hilera ng mga langgam sa kisame. ng kama, ang pag-palag ng mga braso’t hita ni Nagdesisyon akong linisin ito, pero mukhang Ma sa pwersa ng Tatay ko, at ang pagkontrol nito mahaba ata ang kanilang pinagmulan. sa papalakas niyang boses, marahil ayaw niya akong magising. May kalakihan naman ang Sinundan ko ang pagewang-gewang na kama, pero para kaming tinuhog ng Tatay ko sa hilera ng langgam, at hindi ko namalayan, kanyang pinakitang dahas. humahakbang nako paakyat ng ikalawang palapag at napadpad sa bukana ng pintuan. Kapag hindi na kaya ni Ma, babangon Hindi ko na natagpuan ang pinagmulan ng siya, uupo sa sulok ng kwarto, umiiyak at kolonya ng mga langgam, ngunit natagpuan ko humahagulgol kapag tapos na ang Tatay ko sa ang sarili kong nakatitig sa kwarto ng nanay ko. gusto niya. Syempre, pagwala na sa kwarto ang Tatay ko, doon ako lalapit kay Ma. Paralisado. Medyo nagulantang pero “immune” na ika nga. At Mapanganib ito. Gusto “Sorry ganito ang pamilya natin Carlos.” Wala ko humakbang pa atras, pero nakatungkod lang ako masabi noon. Ang alam ko lang, ay sumabay ang paa ko. sa agos ng kanyang luha. At doon ko nalaman, hindi laman at dugo ang nagduduktong sa amin At namatay bigla ang ilaw ng poste; ang tanging ni Ma, kundi, ang luha namin. pinagkukunan ng liwanag ng kwarto, kahit pa na tinatablan ito ng dilim. At dahan-dahan na Noon, hindi ko maintindihan ang salitang may dumaan na kotse sa eskinita. Matirik ang ito, dahil mas nauna ko itong makita bago headlight nito. At dinaanan nito ang kwarto, maunawaan. parang paglubog ng araw sa mabilis na paraan. Rape. At nakita ko ang katawan ni Ma. Nakasabit. At dumami pa ang nakahambing na salita dito. Pagkatapos makalayo ng paunti-unti, nawala Patriarchy, rin ang katawan ni Ma. Inequality, Sa pagkakataong ito, wala na ako maramdaman. ***

Rights,

Feminismo. Binuksan ko ang ilaw ng kabilang kwarto. Doon, nasisikmura ko pa. Ang ilaw at ang Sa kabila ng pagkabilanggo ko sa nakaraan, espasyo. Ganun pa rin naman: ang amoy kabinet, akay-akay ko ang responsibilidad na palayain si ang mga sapot sa sulok ng mga dingding, at ang Ma sa pagkakagapos mula sa kwartong iyon; ang inaamag na baol. pasa niya ay pasa ko, ang iyak niya ay iyak ko, Dati akong natutulog dito. Pero bago ko ang bangungot niya ay bangungot ko. Pero hindi ginawang sariling espasyo ang maliit na ko na maibabalik ang buhay niya. Sabihin na kwartong ito, nandoon ako kasama ni Ma. Doon natin hindi na siya makakaranas ng masalimuot na buhay: ang pasa, bangungot, pag-iyak; pero sa—alam mo na. nandoon pa rin ang kwarto. Doon ko naririnig ng mas malapit, mas At marahil ang kwarto namin ay kwarto rin malalim, ang paggalaw ng tatay ko sa katawan ni Ma. Ayaw ko man na alalahanin, natatantiya ng iba. ko habang tulog at nakatalikod ako kay Ma Hindi niyo lang naririnig. kung nasaan na ang kamay ng tatay ko. Pag nasa hita ito, sasabihin ni Ma ng matinis, “Ano ba! Natutulog ang anak mo!” Pero kapag ito ay umaakyat, mararamdaman mo na ang pag-uga

sindak

. 06


BANG-AW Ni Beatriz Cabral

U

sap-usapan dito sa amin ang gabigabing pagkalat ng mga bangkay. Lasog- lasog ang mga bangkay, naagnas at hindi mahagilap na mga lamanloob. Hindi mawari kung sino o ano ang salarin. Paano ga naman, mukhang hindi tao ang may gawa eh! Parang hayop, halimaw, may pangil at kumakain ng lamanloob. “Tao pa kaya ang gumawa nito?” bulong ko sa aking sarili.

“Natatae ba ga ako?” tanong ko sa sarili. Bakit ba naman kasi pundi ang ilaw? Muli kong pinakiramdaman ang butas ko sa likod, sinara at binuksan nang paulit-ulit hanggang sa maramdaman kong hindi naman talaga ako nadudumi.

“Ala’y akala ko’y makakajebs na ‘ko, hindi pa lumabas ang dapat lumabas.”bulong ko muli sa Hindi ordinaryo ang mga ganitong pangyayari sarili. sa baryo namin dito sa San Juan. Kadalasan, Ilang hakbang pa lamang patungo sa banga ay tahimik, simple at mapayapa ang pamumuhay nakararamdam na muli ako ng kakaiba. Parang ng mga tao rito. Puro puno at tunay na malayo hindi ako nag-iisa. Parang may nakamatyag sa sa kabihasnan. Hindi ito ipinaaalam sa midya. akin, wari’y binabantayan ang bawat hakbang Ayaw kasi ng mga opisyales na pagpiyestahan at kilos ko. Biglang lumalim ang paghinga ko. ang tahimik at payapang lugar namin. Inaanigan ko ang bawat bagay na makikita ko, Natatakot na matulad sa ibang baryo, kung saan ngunit alam kong may kasunod ako. Ramdam pinagpiyestahan ito ng mga negosyante, pinutol ko ang mga hakbang na sumusunod na siya sa ang mga puno at tinayuan ng mga subdivision. akin. Ang baho, amoy naaagnas, amoy laway at Wala eh, maganda raw na bakasyunan kaya higit sa lahat, malansa. Agad kong binilisan ang mas nakakaakit sa mga buyer. paglakad ko pabalik sa loob ngunit bago pa man Alas-onse ng gabi nang utusan ako ng Mamay ako makapasok sa ko na kumuha ng tubig mula sa banga. “Ano ga naman kaya ang tumaktakbo sa isip ng aking Mamay, gabi na’y, ngay-on pa inuutos sa’kin ire,” pagmamaktol kong sinabi. Lumabas ako, ngunit di ko maaninag ang banga. Pundi na pala ang ilaw.

pinto, may nagbabantay. Nakatayo. Pula ang mga mata. Nakatayo ang tenga, mabuhok, may pangil at tuloy-tuloy ang agos ng laway nito mula sa kaniyang bibig. May sugat din ito sa gilid ng kaniyang mukha, nilalangaw at puno ng nana.

“Eww yuck! Ano ga naman ito?!” sabay takip sa “Kung minamalas-malas ka nga naman.” wika ilong ko. Jusko po rudeeh! Kainaman na! Kanino ko at sabay kuha ng gasera mula sa eskaparate. kayang aso ito? Kung saan saan pinapaligaw, Mga ilang hakbang pa lamang ay bigla akong nagpapatae, pinapakawalan tapos hindi naman nakarinig ng kaluskos. ikukulong ulit. Ah-ah! Pagkaka-ungas. “SINO GA ‘YAN?” Walang umimik. Tanging sipol lang ng hangin ang narinig ko. Isabay mo pa ung malamig nitong haplos sa aking balat. Tinayuan ako ng balahibo.

07

.

sindak

“Sho sho!” pagbubugaw ko sa asong ito. Matapos makaalis ng aso na ’yon. Agad na akong pumasok at tinawag ang aking Mamay. “La, hindi ako makakuha ng tubig sa banga.


Madilim eh.” sabi ko kay Mamay habang sabi ni dok, inumin mo na ‘tong mga gamot?” sinisindihan pa ang ibang gasera. Makailang nandito pala si Nurse Jane. minuto pa’y wala pa ring sumasagot. Mas “Halika ka na, paliliguan na rin kita,” dagdag malakas pa ang wika ng tuko na para bang may pa niya. imemensahe sa akin. Lumapit ako sa may sala. Pinili ko na lang magpagaling sa puting “La?” muntik ko nang mabitawan ang gasera nang makita kong nakahandusay ang lola ko. gusaling puno ng rehas at kadena. Mahirap Tadtad ng sugat, wala na ang ibang laman loob, tanggapin ang kawalan ng hustisya sa lola ko. duguan at nakatirik ang mata. “Sinong may Mabuti pa rito, walang bang-aw na aatake sa gawa nito?” mga huling salita na binanggit ko akin. Sa kailaliman ng utak at memorya ko, hindi lang bang-aw ang nakita ko. Nakauniporme ng bago magdilim ang lahat. asul, nakasapatos at duguan ang kamay. Wala Hindi ko na alam ang nangyari buhat noon. rin naman siyang pinagkaiba di ba? Pareho Ayon sa mga opisyales na nagtingin sa lola ko, naman silang hayop. Parehong pumapatay. bang-aw daw ang may gawa nito. ‘Yung asong Parehong nagbabantay. Wari ko’y ito ang turo kadiri na nakita ko. Asong ulol na pula ang mata, ng kanilang amo. Bang-aw, salot sa lipunan, naglalaway, at nakakatakot. Usong-uso ito rito kaya dapat silang ikulong at ikadena. sa Batangas. Nagkakatawang aso, minsa’y tao, Wakas. minsan rin ay ordinaryong aspin na pagala-gala.

Ayon sa mga residente dito, ang bang-aw daw madalas ay lumalabas tuwing gabi. Isa itong uri ng aso na nagiging aswang sa tuwing sasapit ang alas-dose ng madaling araw.Walang makapagsabi kung ito nga ba ay totoo o hindi. Pero sa nangyaring iyon, napatunayan ko ito sa sarili ko. “Naniniwala ka na asong ulol ang may gawa sa lola mo at hindi tao?” tanong ni Giya, kaibigan ko. “Oo. Hindi kakayanin gawin ng tao ‘yon. Hayop, pwede pa.” wika ko. “Eh bakit kaya lola mo ang pinuntirya at hindi ikaw?” tanong ni Giya habang palakad-lakad sa harapan ko. “Mahina na ang Lola ko, wala na siyang kalaban-laban. Sinamantala ng aso na ‘yon ang kahinaan niya. Walang-awa na pagpatay maging sa iba pa naming kabaryo. Halimaw at hayop ang gagawa noon at hindi tao” gigil kong kinuwento sa kaniya. Hindi ko namalayan, napunit ko ang kwelyo ng unipormeng asul na hawak ko. “Uy! Sino na naman yang kausap mo? Hindi ba

Likhang Sining ni Marga Alagao

sindak

. 08


ROOM 69 Tula nina Marga Alagao at Mikko Sy


Likhang Sining ni Marga Alagao


ROOM 69

nina Marga Alagao at Mikko Sy

If you catch a ship to the Naked Island of Delos, where the light was born, bring your hands together to give applause to the woman who will greet you in the doorway of Room 69. She requires your attention. She will ask you to dine, offering a glass of tonic and a firm testament to a memory of the mind. You must help her. In the nine acts that she will perform, you will bear witness to the way her heart and body whirr to the left, to the right — to the never-ending silk of the morning and shoes of the night. You’d be left to wonder why she would choose her life less than death, if this star could shine so bright. There are only three acts left. Do not play deaf. Do not lower your eyes from her gaze. Do not look under the table. Listen to her pleas and cries because the hotel room is covered in crimson. If you do so much as blink, there will appear three men with knives, caught without sanction. “We therefore ask you to find it in your heart to pardon us for the wrong which we have done against you.” If you catch a ship to the Naked Island of Delos, in a crusade for the truth, I hope you find her ghost to rescue.

11

.

sindak


LAGIM NA DALA NG BINAGONG HISTORYA, MAPUPUKSA PA BA? Ni Cristy Arquilos

Papalapit na ang araw ng halalan, nakapili ka na ba ng taong iyong pagkakatiwalaan? Kumusta na ang ginawa mong pananaliksik, napagtanto mo na ba kung sino ang iyong kikilatisin? Hindi ang ungol ng mga aso, o’ presensiya ng mga aswang ang nakakatakot, kundi ang mga politiko na bumabayad ng nanunuktok upang isagawa ang kanilang mga pangungurakot. Kapwa ko Pilipino, naiintindihan mo na ba ang ibig iparating ng kasaysayan? Naririnig mo na ba ang mga hinaing ng mga ninuno natin na nagdusa noon pa man? Natukoy mo na ba ang kaibahan ng binago sa totoo? Nakita mo na ba ang magkaibang mukha ng rebisyon at katotohanan? Ang inaasam na araw ng eleksiyon, araw ng pagtatalaga ng tao sa puwesto kaakibat ng tungkulin. Mga kandidatong tumakbo, walang pinagkaiba na may tinatagong bahomagkaiba man ang plataporma, magkapareho pa rin ng agenda. Hindi ang mga ungol ng mga kaluluwa sa sementeryo, o’ presensiya ng mga multo ang nakakatakot; kundi ang mga kandidatong uhaw sa puwesto, na gagawin ang lahat para sa kapangyarihan. Kilalanin mo ang kandidatong iboboto mo! Huwag magpalinlang sa pera at kasikatan; Huwag maging hangal sa pagpili dahil gusto mo piliin mo dahil gusto mo ng pagbabago. Balikan mo kung saan ka nabibilang; iligtas mo ang dapat iligtas galing sa bingwit ng kamatayan; hindi lang undas ang araw ng paggunita sa mga alaala, sa eleksiyon din kung kailan kahirapa’t digmaan iyong maaalala. Ngayong undas, magtirik ka ng kandila para sa mga nagdusa; sa eleksiyon nama’y gamitin mo ang iyong pluma sa pagpili ng karapat-dapat. Iligtas ang Pilipinas maging Pilipino, hindi panatiko.

sindak

. 12



PESANTENG DAGA AT NAGHAHARING-PUSA Tula ni Aileen Joeimee L. Castillo Likhang Sining ni Marga Alagao


PESANTENG DAGA AT NAGHAHARING-PUSA ni Aileen Joeimee L. Castillo

Naniniwala ba kayo na may sariling mundo ang hayop? Sa pagkakataong ito, oo. Nakalulungkot na balita para sa mga daga—sila raw ay nagugutom? Dahil sila ay wala naman sapat na pagkakakitaan. Sigaw nila, ang kanilang hirap ay hindi naman napahahalagahan, Tila walang sapat na tulong na nakukuha mula sa mga pusa. Ang ginawa lang nila ay kumain, magpaamo At kumain ng daga. Nakalimot na ba ang mga pusa? ‘Di ba nararapat tangkilikin ang manggagawang daga? Bakit ang palay ng mga ito, Hindi n’yo mapagtuunan ng nararapat na pansin. Tira-tira lang ang ayuda ng mga pusa; Habang ang ulam nila ay galing sa mga daga. Sa kanilang sikap, busog ang mga pusa. Pero bakit ang naghaharing-pusa, Hindi kayang ibalik ‘yon sa manggagawang daga? At hindi lang gutom ang pesanteng daga; Sila rin ay pangtawid gutom ng naghaharing-pusa.

15

.

sindak

Sa bawat kagat ng dilim, Habang nakakulambong natutulog ang mga daga, Nag-aabang sa kanila ay pangil. Nagkalat ang dugo’t laman: Sa dingding’t kisame, Sa lamesa’t upuan, Sa kutyon’t punda. At sa bawat nawalang daga, May mga naiwang dagang pamilya: Bunsong lalaking walang ama, Panganay na hindi makakapag-kolehiyo, Asawang manganganak ng walang alalay. Nasaan ang hustisya sa palay at sa presyo. Siete pesos kada kilo, anong mararating nito? Pamasahe ng mga jeepney ay siyam na piso! Ngayon, sabihin n’yong may katarungan dito. Sigaw ng mga pesanteng daga: Lupa, ayuda, hustisya! Pero, maririnig ba ito ng mga naghaharing-pusa? Kung ang interes ay pagpapataba ng yaman, Habang nangangayayat ang mga nasa laylayan.


THE PLANDEMIC ni John Lester Pronebo

Living in fear with the unseen, Hopes and dreams become so dimmed By this plan of the devil, Our lives are put in peril. Haunted by the shadow of anxiety, We feel mercurial stress and worry. As in these times of darkness, Thieves are full of happiness. A perfect plan for a clever scam, A hidden agenda in the program, A loud laugh from the demon— A sound that is very common. How cruel this wickedness spreads. For me, who just eats one piece of bread. Hungry for help over hungry for power. Evil and vile; they should be the ones to suffer. My enjoyment is when I sleep, as I dream that I am rich. Dread it, or die? I don’t know when this virus will end. How terrifying to live in sadness. A shocking and horrifying scene. Those who died but are still on the list. If I become a ghost and my name can still vote, I’d rather live even if it’s a torment. To suffrage is for the living! My only request for— Be all the sins remembered. Imagine how many people died in this pandemic, Their last will, “Vote for us who cannot vote” is a whisper in my ear. It’s frightening, but if we do the victims’ requests, for them, dying is fulfilling!

sindak

. 16


MAYNILA

Maikling Kwento ni Maica Razon Likhang Sining ni Camille Finuliar



MAYNILA ni Maica Razon

Maynila— ang sentro ng bansa, ngunit bukod sa pagiging sentro ng bansa ay sentro rin ito ng mga kababalaghan. Masalimuot ang kasaysayan ng Maynila, maraming pinatay noong panahon ng mga Kastila at Amerikano kaya naman nababalot ito ng kababalaghan, sa dami ng dugo na dumanak dito. Bukod sa mga kaluluwang patay na ‘di matahimik ay may mga buhay ding naghahasik ng lagim, mga demonyo sila sa Anyo ng isang normal na tao, kaya naman mas nakaka panlilinlang ng mga bibiktimahin—ang pugad nila ay sa palasyo sa Mendiola, karaniwan silang nakabihis ng magagarbong barong, kung titignan mo ay mga disenteng tao, ngunit tulad ng mga aswang ay nagbabalat kayo rin sila— laging taliwas ang sinasabi sa ginagawa, sanay magsinungaling, pumatay at magnakaw. Isa sa mga nakatira duon ay si Dugong siya ang lider ng mga masasamang elemento na nakatira sa palasyo, siya ang pasimuno ng patayan, hindi lamang sa Maynila; sa gilid niya ay ang kalbong tagapangasiwa ng mga nabibiktima niya-- si Batok. Ang iba pa nilang kasama ay kayang magpatigil ng buhay ng mga pasyente sa hospital na si Duko. Meron din doon na nagsisilbing alalay ni Dugong na si Gong. Ang tanging papel niya ay tumayo lamang sa gilid ni Dugong at pagmasdan ang mga kahayupan nito, habang si Roquit naman ay ang tagapagsalita ng grupo. May mga kaalyadong tuta rin ang mga nakatira sa palasyo, ang pugad ng mga ito ay matatagpuan sa United Nation street, ang kasuotan naman nila ay asul, may malalaking tiyan, at sa rami nang nakain nilang mga kaluluwa—kadalasan sa mga kaluluwang ito ay na-tokhang at mga inosenteng aktibista. Ang dalawang pwersa ay laging magka-agapay sa paghahasik ng lagim hindi lamang sa Maynila, kundi sa buong bansa. Marami nang buhay ang tinangay nila, kaya naman maraming kaluluwa ang nakapalibot sa bawat sulok ng bansa. Gaya ng mga demonyo sa impyerno, takot din ang hukbo ni Dugong sa hustisya, kaya naman walang habas ang pag-atake nila sa mga taong nagsusulong nito. Sabi nga ng isang matanda, “Ang palasyong ‘yan sa Mendiola ang impyerno sa Pilipinas.” Sa pagpatak ng kadiliman, ang palasyong ito’y nagmimistulang lawa ng dugo dahil pinapalibutan ito ng mga kaluluwang hindi matahimik dahil sa karumal-dumal na ginawa sa kanila ng kampon ni Dugong. At hangga’t hindi natatamasa ang hustisya sa mga ito, patuloy maririnig ang hinagpis ng mga kaluluwang ito sa bawat sulok ng bansa. Ikaw, may narinig ka na bang umiiyak? Bakit ka natatakot? Kakampi ka ba ni Dugong?

19

.

sindak


MINDA VENDATTA ni Abdul Hafiz T. Malawani

Alas-siyete ng gabi, kasabay sa paglalakad ang ilang estudyante pauwi sa dormitoryo. Tulad ng ibang gabi, malamig, tahimik at kaunti lang ang tao dahil sa kurpyo. Sa pagkalipas ng ilang minuto, nabasag ang katahimikan sa buong kalye dulot ng ingay ng isang motorsiklo na humaharurot mula sa likuran nang bigla itong huminto; sinabayan pa ng malakas na tahol ng aso. Hindi tuloy mabunot ang aking earphones para mag patugtog ng kanta upang mawala ang takot at pag aalala. Umalingawngaw ang putok ng baril, at mabahong amoy na karaniwang nagmumula sa kili-kili. Sunod-sunod na ang mga pagputok; pakiwari ko ay isang pagkulog ng mga ulap kasing tulin ng paruparong lumilibot sa hangin. Napatanong sa sarili kung putok ba talaga yon ng baril? Biglang bumilis ang pagtibok ng puso at nagsimula ng manginig ang buong katawan. Napatanong ako ulit, “Bakit humihina ang aking pandinig?” Napatingin ako sa likod at tumambal ang katawan ng mga kapwa ko estudyante at wala ng mga buhay. Nanlaki ang aking mga mata at nahagip ng aking paningin sa nakasulat sa motorsiklo ng dalawang armadong lalaki, at nagmamadaling umalis hanggang unti-unting bumabalik ang walang kalatis ng kalye. Wala akong magawa kundi umiyak at sumigaw, “Tabangg!!” at walang anu-anu ay may bumuhos saakin ng malamig na tubig—”Hoy!? Gising, nananaginip ka, kaka-cellphone mo yan, sa kakacellphone mo yan!!” ani ng aking nanay. Napalitan ang takot ng hiya sa lakas ng tawa ng aking mga kapatid. Mula noon, hindi na ako lumalabas ng gabi lalong lalo na may pandemiya pa. Ang nakasulat sa motorsiklo ay, Minda Vendetta.

sindak

. 20


SUNOD KA NA ni Carl Andrei Alquero Likhang Sining ni Christina Cambiado


“Susmaryosep! Kawawa naman sila!” wika ng aking Lola sa kapitbahay namin na galing sa ospital. Tumingin ako sa tapat namin at doon nakita ko si Nina—suot ang oxygen mask habang hawak-hawak ng nars ang isang tangke ng oxygen. “Hala! Kuya, ‘di ba pumunta ka kanina sa bahay nila?” napatango ako sa aking kapatid na nasa pinto. “Oo? Maayos naman siya kanina.” paninigurado ko sa kaniya. “Pumunta ka sa kanila?!” bulyaw ni Mama sa akin at hinatak ang aking kamay papasok ng bahay. “Hinawakan mo sila?” naglagay ng gloves si Mama at inutusan akong magtanggal ng damit. “Hindi!” tugon ko sa kaniya. “May kinain ka ba sa pagkain na binigay nila sa’yo?” Kinuha ng ate ko ang damit ko at tinapon sa basurahan.

Nakatingin sa akin ang aking kapatid ngunit tila walang nakikita. “Hala, sunod ka na.” nakakapangilabot na sambit sa akin ni Lola. Tumakbo ako palabas ng bahay at doon nakita ko si Mama, kasama ang nars at doktor na para sa contact tracing habang nakaabang sa labas ang ambulansiya. Patuloy akong nalilito sa mga nasasaksihan ko at tuluyang nagising ang aking diwa at nakita ang aking sarili--ilang metro at saksi sa nagaganap. At napagtanto ko, na ang aking kausap ay ang matagal ko nang yumaong lola, sinusundo niya na pala ako. Ni hindi nga pala ako umabot sa pila ng ospital noong nag-positive ako sa COVID. Hindi ko agad naproseso ang mga pangyayari dahil sa poot at kakaisip na isa lamang ako sa libo-libong buhay na nawala nang dahil sa kapabayaan ng gobyerno na pamahalaan ang pandemyang ito.

“Wala po.” “Mabuti naman.” Napahinga nang maluwag si Mama. “Pero, nakipaglaro ako kay Nina.” Natigil si Mama at ang kapatid ko. Lumayo sila sa akin at nagsuot ng face shield at face mask. Pumunta si Ate sa kusina at kinuha ang balde at panlinis ng bahay, sabay binuhusan ng alcohol ang sahig at pinunasan ang paligid namin.

Marahil ay matagal bago ko pa maproseso ang lahat dahil nasaksihan ko pa ang aking ina habang nagmamakaawa siya sa PhilHealth. Nasaksihan ko rin ang kapatid ko na pumila sa ayuda dahil nawalan ng trabaho ang aking ina matapos malaman ng kaniyang kompanya na nag-positive ako. Nakakabingi ang alingawngaw ng mga iyak ng mga kaluluwang gaya ko--binawian ng buhay ng COVID at ng estado. Napagtanto ko, marami pa pala kaming hindi handang lumisan sa piling ng mga mahal namin sa buhay.

Lumabas si Mama ng bahay at tila may tinawag na tao. Nangangatog ang aking katawan sa takot at pilit na pinoproseso ang nangyayari sa akin.

sindak

. 22


CREMATE

ni Carl Andrei Alquero Likhang Sining ni Rowz Fajardo


Dumating ang isang ambulansiya dala ang mga “Aba! Masarap nga! May lasang hindi ko bangkay para sunugin sa loob ng crematorium. maipaliwanag. Salamat pala dito,” masiglang Dahil na rin sa takot na mahawaan ng sakit ay wika ng babae. triple ang pag-iingat sa paghawak at pagdala ng Ngunit, pinigilan siya ng isa pa niyang mga bangkay sa loob at labas ng mga sementeryo. kasamang babae. Sa gilid nito ay may isang tindahan ng mga “Mare! Alam mo bang may chismis sa kape at pagkain. Malakas ito lalo na’t paparating na ang undas. Madalas na nakain dito ang mga sementeryo na ‘to?” pabulong na sabi ng nangangasiwa sa sementeryo, maging ang mga kaniyang kasama. trabahador sa lugar. Samot-saring pagkain ang “Sabi-sabi ng iba, may magnanakaw daw ng kanilang ibinibenta. Talagang patok sa masa, lalo na ang mainit-init at humahagod sa sarap na mga bangkay dito at ginagawang pagkain o kapeng itinitinda. Tila napapawi kahit sandali kaya naman kape. Kaya huwag kang inom nang ang mga oras na sila’y lugmok at naghihinagpis inom basta-basta,” dagdag pa niya. sa pagkamatay ng kanilang mga mahal sa buhay. Halos nawindang ang lalaki sa narinig mula sa “Bumili na kayo ng Creamate!” sigaw ng isang mga kasamang babae. Nakakatakot nga naman tinderong nakapuwesto sa pinto ng tindahan. lalo na’t kakaiba ang lasa ng kapeng kanilang Batid sa mukha ng tindero ang pagkauhaw na ininom. Hindi ordinaryo. Masarap pero parang maibenta ang kaniyang tindang kape. Makikita may kapalit. rin sa kaniyang katawan ang labis na pagkapayat Kung kaya’t naging ugat ito ng pagdududa at pagod sa buong araw na pagtitinda kahit na tirik ang araw. Ilang oras pa’y may lumapit sa ng lalaki. Bakit ito lang ang tindahan dito? Pansin niyang nasa kabisera ang halos lahat kaniyang lalaki. ng pamilihan. Wala ring magagamit na sasakyan ang tindero upang kunin ang mga “Ano po iyan?” tanong ng lalaki. hilaw na kagamitan. Habang nakikipag-usap “Bumili ka na iho, manamis-namis na kape ang tindero sa mga mamimili niya, pumasok dahil sa espesyal na creamer ang ginamit ko. ang lalaki sa loob ng tindahan nito nang hindi Bukod pa dito, gawa ito sa malabong butil ng napaghahalataan. Tumakbo siya sa likuran kape at kaunting aroma ng gatas ng kalabaw. Ito at nakita ang isang pintuan na maliit. Dahil ay nadiskubre namin sa maiging pananaliksik. sa matinding kuryosidad, binuksan niya ito Madami-dami na rin ang nakatikim nito. at napunta sa parte ng tindahan kung saan Tikman mo ito, iho” mahinahong sabi ng tindero nakalagay ang mga malalamig na pagkain. habang inilalabas niya ang isang platitong may Dumungaw siya sa loob ng freezer at halos nakapatong na baso ng kape . napabalikwas siya sa kaniyang nakita. Kinuha ng lalaki ang kape at tinikman. Buto! Buto ng tao! “Ang tamis na may malapot na lasa,” wika Ilang minutong natulala ang lalaki. Nakalagay ng lalaki. Dahil sa kagalakan nito matapos matikman ang napakasarap ng kape, hinikayat sa freezer ang mga nakasupot na butong matagal niyang tikman din ito ng kasama niyang nang inimbak. Ang iba rito’y hindi na halos makita, dulot na rin ng matinding pagyeyelo. dalawang babae. Lumapit ang isang babae. Bakas sa kaniyang mata na katatapos niya lamang umiyak. Kinuha niya ang baso ng kape at tinikman.

“Malamang sila ang may pakana sa nawawalang bangkay ng mga tao dito sa sementeryo,” paghihinuha niya sa sarili.

sindak

. 24


Binuksan niya ang isang lalagyan at nakita ang iba pang mga pira-pirasong buto ng mga tao. Bakas dito ang mga dugong nagpapatunay na ito’y sariwa at kararating lamang. “Hindi kaya ito ang mga pinadala ng ambulansya?” paghihinuhang muli ng lalaki. Tumingin siya sa pintuan at dumungaw sa kaliwa. Nakita niya sa gilid ang isang grinder at ilang kagamitan sa loob ng crematorium; isang pugon, mga pala at kahoy para sa isang malamig na katawan. “Gusto mo bang masubukan?” nagulat ang lalaki sa pagdating ng tindero. Tila nag-iba ang anyo ng tindero. Mula sa nanghihina nitong postura, makikita ang kakisigan sa likod ng kaniyang malatingting na katawan. “Bakit mo ito ginagawa? Ang halang!” sigaw ng lalaki. Biglang tinutukan ng kutsilyo ang lalaki kung kaya’t malakas ang pagkakasandal nito sa pader. Bakas sa mukha ng lalaki ang takot at banta sa kaniyang buhay. “Inuutusan lamang ako ni Bossing na imbes na bumili kami ng pagkain sa kabisera ay gamitin na lang namin ang bangkay mula sa mga ospital upang mabawasan ang toneladang nakaimbak sa lugar na iyon. Sayang ‘di ba? Mabuti nang mapagkakitaan namin sila.” wika ng tindero. “Tao rin sila. Kung hindi sila napabayaan ng gobyerno, maaring naisalba ang kanilang mga buhay. Kawalan ng hustisya at moralidad ang paggamit ng katawan ng ibang tao, lalo na’t wala itong pahintulot mula sa pamilya nito. Tatawagin ko ang aking...” mangiyak-ngiyak na sambit ng lalaki. Mga ilang minuto pa’y bumagsak bigla ang lalaki matapos siyang paluin ng isa sa mga alipores ng tindero. “Kung ayaw manahimik, buhay ang kapalit. Delikado tayo kung malalaman ng mga tao ang ginagawa natin. Talagang maaapektuhan ang negosyo natin.“ sambit ng tindero sa kaniyang alipores. “Tama. Habang pandemya, may kita. Habang may namamatay, may kabuhayan,” dagdag pa ng kaniyang alipores. Mayamaya lamang, may kumatok na sa pintuan. Naging balisa ang tindero at agad-agad na nag-ayos ng kaniyang sarili. Binuksan niya ang pinto at laking gulat nang makita ang may-ari ng sementeryo. Dala ang toneladang buto na mula sa mga bangkay ng mga biktima ng COVID-19. “Kunin mo ang buto dito! Gawin mong creamer sa iyong tinitindang kape.” pagpupumilit ng mayari ng sementeryo. Mula sa pagkakagulat ay biglang ngumisi ang tindero. Batid niyang madadagdagan na naman ang koleksiyon niya upang makagawa ng Boka Creamate. Hirap din naman sa buhay ang tindero, at sa kasagsagan ng pandemya, naisip niyang pagkakitaan ang mga bangkay at buto ng mga namatay. Walang pagsisi at pakialam sa buhay. Ang hangad lamang nito ay makabenta at kumita mula sa mga namatay, na biktima rin ng kapabayaan ng gobyerno.

25

.

sindak


PAPA

ni John Dale Verdadero Abalang nag-aayos ang aking mga kapatid dahil hindi makahinga at mataas ang lagnat ng Papa. Pinahiram ng aking tito ang kaniyang sasakyan at dali-daling minaneho ng aking kuya. “Ma! Alis na muna kami, d’yan muna kayo ni bunso.” “Gagaling pa ba si papa?” Tanong ko kay Mama. “Nakahanda na sana ang dekorasyon para sa kaarawan niya. Matagal pa ba siya uuwi?” Kami lang ni mama ang natira sa bahay. Kasama sa umalis ang aking mga kapatid. Nalungkot ako bigla at hinintay kong umuwi ang aking papa. Pasadong alas tres ng madaling araw, narinig ko ang usapan ni Mama at ni Ate. “Nay! Wala pang tumatanggap sa amin dito. Nasa labas lang kami ng mga ospital”, humahagulgol habang kinukwento ni ate ang pangyayari. Nagising muli ako ng kinaumagahan at narinig ko si Mama na may kausap sa telepono. Ito pala ay ang doktor sa pinakahuling ospital na napuntahan nila ate. Ilang minuto pa’y natapos na ang kanilang usapan, nilapitan ko siya at nakita ko ang aking Mama, umiiyak. “Bakit ka umiiyak, Mama?” At sinabi ni mama na uuwi na ang aking papa bukas. Sabik na sabik kami sa pag-uwi ni Papa. Maaga akong natulog sa sobrang sabik. Pagkabangon ko, tinanaw ko sa labas ng aking bintana si Mama. Ilang sandali pa ay pumasok na siya kasama ang aming kapatid, may dala-dalang lalagyan... Pinuntahan ko siya at tinanong kung nasaan ang Papa. Tiningnan ako ni Mama na punong-puno ng luha sa mga mata niya; hawak-hawak ang lalagyan na kulay marmol. Hindi ko maipaliwanag ang kaba na nararamdaman ko dahil sa misteryosong bagay na hawak-hawak ni Mama. Tumigil ako sandali dahil sa mga bagay na pumapasok sa isipan ko. Hindi ko mailarawan ang aking nararamdaman at ako’y naguguluhan sa mga nangyayari sa paligid. Mabilis ang kabog ng dibdib ko nang ako’y lumingon sa mukha ng aking mama. Kusang nagbagsakan ang mga luhang hindi ko inaasahan. Ngumiti nang mapait ang aking Mama habang tinitignan ang urno. Bumagsak ang aking mga tuhod at pilit na pinipigilan ang mga butil ng mga luha na patuloy na umaagos.

“Maligayang pagbabalik Papa”. Dead on arrival na raw ang aming Ama. Si Papa ay naging biktima ng hindi agarang aksyon sa mga ospital. Hindi ko man lang nasilayan at nakausap. Asan ang hustisya sa mga mahihirap?

sindak

. 26


Ngayo’y “Araw ng Paghuhukom”. Walang sinasanto; dukha, may kaya o mayaman man. Hinding-hindi ka makakaligtas sa langitngit ni Inang Kalikasan— Ito na wari ang panaho’t oras upang siya’y maghiganti Sa ating sa kanya’y bumababoy at gumahasa. Nilapastangan ang kanyang puri’t dangal— Sa walang-awang pagbiyak sa kanyang pribadong yaman. Ina, marahil ito na ang ‘yong pagkakataon Upang kamiʼy lipunin at turuan ng leksyon— Sa ‘di mabilang na kasalanan aming isinubo saʼyo, At pagpatay sa totoong ikaw na nagbabalat-kayo. Tapos na ang biyaya, pagdurusaʼy parating na, Saʼn ka pa pupunta mortal? Ika’y babalik na sa pagiging alabok.

Ang Hukom ni Rodolfo Dacleson II

Likhang Sining ni Camille Finuliar

Maraming buhay ang kinitil, Dapat panagutan ng sumupil— Mga dugong dumanak sa kalsada Dapat bigyan ng hustisya! Mga bayaning pesante, Aktibistang inosente; Sa mga pulis, buhay nila’y ‘di importante, Dahil ang naririnig lamang nila’y utos ni Duterte. Patuloy ang mga alingawngaw, Boses ng mga kaluluwang ligaw; Pagbasakin! Kanilang sigaw— Puot at dusa ang nadarama bawat araw. Mawala man ang kanilang lupang katawan, Ngunit hindi mahihinto ang laban Patuloy pakikibaka sa katarungan, Hanggang sa makamit ang kasarinlan.

Kabilang Buhay ni Maica Razon

27

.

sindak


sindak

. 28


THE NATIONAL

GUILDER Literary Folio Vol 1, Issue 2


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.