THE NATIONAL
GUILDER
SIKLO:
KAMBAL-DAHAS NA LUMANTAK SA LIPUNAN
editorial board EDITOR-IN-CHIEF Izel Praise Fernandez
MANAGING EDITOR Miguel Atienza
University - Manila
University - Manila
INTERNAL ASSOCIATE EDITOR John Benidick Flores
EXTERNAL ASSOCIATE EDITOR Sofia Beatriz Cabral
Ang Pahayagang Plaridel, De La Salle
Banyuhay, Quezon City Science High School
Lyceum of the Philippines
Polytechnic University of the Philippines - Manila
NATIONAL NEWS EDITOR Angela Jo Niday
COMMUNITY NEWS EDITOR Maica Razon
The NORSUnian, Negros Oriental State University
Adamson University
FEATURES EDITOR George Rivera
LITERARY EDITOR Russel Anthony Loreto
Nueva Ecija University of Science and Technology
RESEARCH EDITOR Margalo Doherty Akane Alagao The Paulinian, St. Paul University - Iloilo
Trinity Observer, Trinity University of Asia
LAYOUT EDITOR Camille Finuliar
Polytechnic University of the Philippines - Manila
WRITERS Sophia Sadang| Janah Vianca Cruz| Rodolfo Dacleson III Brenn Aisley Cabanayan| Justine Xyrah Garcia Bless Aubrey Ogerio| Rjay Castor| Jel Emery Berdera Karisma Primero| Lance Jeremiah Tolentino Angelica Eruela Butalid| Cristy Arquilos GRAPHICS & LAYOUT ARTISTS Joshua Celestial| Christian Michaela Cambiado| Gwyneth Cruz| Rowz Fajardo| Humphrey Soriano Vincent Castillo
X
X
4editoryal
“
Walang katahimikang ‘di kayang basagin ng nagkakaisang tinig ng mga sawa na sa pagtitiis at paghihintay.
5opinyon
9lathalain
X
10 balita
MULA SA MGA PATNUGOT Madalas sabihin ng karamihan—nauulit ang laman at daloy ng kasaysayan dahil sa mga pangyayaring tila nangyari na noon at nasasaksihan ngayon. Gayunpaman, hindi maikakailang ang mga hindi kanais-nais na pangyayari ay kaakibat din nito na nagbigay at nabibigayhirap sa mga Pilipino—isa na rito ang pagsasailalim sa Batas Militar ng rehimeng Marcos sa Pilipinas na tumagal nang higit isang dekada Inihahandog ng The National Guilder, opisyal na publikasyon ng College Editors Guild of the Philippines ang espesyal na isyung pinamagatang Siklo: Kambal-dahas na lumantak sa lipunan bilang pag-alala sa masalimuot na kahapon ng Pilipinas nang ipatupad ang Martial Law noong 1972 na tila naaaninag ang mga pangyayari noon sa kasalukuyang administrasyon. Layon nitong buhayin ang simbuyo ng mamamayang Pilipino na wala nang puwang sa bansa ang pagmamaltrato, paniniil, pagpatay, at pagyurak sa karapatang pantao dahil sabay-sabay nang titindig ang lahat upang labanan ang pang-aabusong ito ng mga pinuno. Magsisilbing liwanag at gabay ang espesyal na isyung ito sa mga Pilipino, lalo na sa kabataan, upang mamulat pa lalo sa katotohanan nang makamit ang tunay na inaasam-asam—ang kalayaan, kaligtasan, at karapatan para sa lahat ng Pilipino na naghirap at patuloy na naghihirap dahil sa balikong sistemang umiiral sa kasalukuyan. Para sa masang Pilipino, lalo na sa sektor ng kabataan, nawa’y hindi kayo mapagod sa pagtindig at pagsulong sa karapatan ng kapwa-Pilipino. Nawa’y mabigyan kayo ng inspirasyon ng mga artikulo at retratong kalakip nito. Iisang adhikain, iisang diwa, isulong natin ang tama. Sa lahat ng naging bahagi ng espesyal na isyung ito, maraming salamat sa ibinahagi ninyong kaalaman, kakayahan, at oras. Lagi’t lagi, para sa ikauunlad ng bansang Pilipinas. Para sa bayan, katotohanan, at masa.
4 EDITORYAL
the national guilder
martial law anniversary issue
NAGKAKAISANG BOSES PARA SA NAGKAKAISANG BANSA
H
alos limang dekada na ang nakalilipas nang isailalim sa Batas Militar ng rehimeng Marcos ang Pilipinas na tila naging impyerno ang pamumuhay dahil sa walang habas na paniniil, pagpapatahimik, at pagpatay sa mga inosenteng buhay at pangarap, lalo na sa sektor ng kabataan na tumindig at ipinaglaban ang tama. Maraming taon na ang dumaan ngunit tila walang pagbabago sa kalagayan ng kabataan ang naaaninag sa bansa sa pamumuno ng administrasyong Duterte. Sa mahigit na 100,000 kataong naging biktima ng karahasan at pagkakakulong sa rehimeng Marcos, malaki rito ang bilang ng kabataan—kabataan na siyang hindi nagpatinag sa kamay na bakal at lumaban upang mabigyang-wakas ang walang humpay na paglapastangan sa karapatang pantao ng pasistang pamumuno ni Marcos. Sa kabilang dako, tila nagbalik muli ang mapait na kahapong ito nang manungkulan si Pangulong Duterte. Kagaya noon, talamak pa rin ang pagpatay sa sibil na kalayaan at pagyurak sa karapatang pantao ng kabataan. Simula Hulyo 2016 hanggang Hunyo 2019, 15 ang naging biktima ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa sektor ng kabataan at estudyante. Dagdag pa nito, ayon sa mga inilabas na tala, hindi bababa sa 6,600 katao ang pinatay ng administrasyong Duterte dahil sa kaniyang kampanya kontra droga.
Ngayon naman, sa paglaganap ng pandemya sa bansa, sinusuhayan ng antiestudyanteng programa ng gobyerno ang patuloy na paglabag sa demokratikong karapatan ng kabataan na magpahayag, magprotesta, at mag-organisa. Ang kasalukuyang kondisyon ng hindi pisikal na pagbalik sa mga paaralan ay malinaw na porma ng pagpigil sa malawakang protesta na kayang ilunsad ng mga kabataan. Nitong Setyembre 13 lamang nang simulan muli ng Department of Education ang panibagong akademikong taon at ayon sa datos, mas mababa sa tatlong milyon ang nag-enroll at naipagpatuloy ang kanilang pag-aaral. Ilan lamang sa mga dahilan nito ang
malaking gastusin sa internet, kuryente, at mga kagamitang kinakailangan upang makasabay sa bagong moda ng pag-aaral. Mula’t sapul, manipestasyon ito na hindi makatao at pabor sa mayayaman ang kasalukuyang edukasyon sa bansa na tila nagdudulot ng pagkaiwan sa maraming mag-aaral. Kaya’t patuloy ang pangangalampag ng mamamayan, lalo na ang mga estudyante at mga guro para sa #LigtasNaBalikEskwela dahil karapatan ng lahat ang matamasa ang de-kalidad na edukasyon. Sa bansang naghihirap, hindi kailanman pribilehiyo ang pag-aaral. Sa mga kamay ng mapaniil na administrasyon, naninindigan ang The National Guilder (TNG) na nagkakaisang boses ang bubuwag dito at patuloy
na patindig ang kinakailangan mula sa masa upang makamit ang tunay, inklusibo, malaya, at mapagpalayang pagbabago. Sa kabila ng mga pasistang presidente, hindi tamang ipagsawalang bahala na lamang ang lahat ng karahasan at kamalian ng administrasyon. Pagpapaalala ng TNG, magsalita, magsiwalat, at manghikayat dahil hindi pa huli ang lahat. Kahit ilang beses pang sabihing naliligaw ng landas ang mga kabataan—kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Patuloy na isulong ang karapatan, kalayaan, at kaligtasan ng kabataan—simulan natin ito sa pangangalampag na muling buksan ang mga paaralan. Ika nga nila, “Kung bukas ang mga pasyalan, bakit sarado ang mga paaralan?”
OPINYON 5
the national guilder martial law anniversary issue
I
INULIT NA KASAYSAYAN NG DIKTADURYA
lang presidente man ang nahalal 35 taon na ang nakalipas ay patuloy pa rin naman ang trahedya sa buhay ng mga Pilipino kung hindi mauubos ang mga padalos-dalos na proyektong ipinatupad ng mga tinaguriang lider ng bansa.
Ang pasistang administrasyon ni Duterte ay isang kahihiyan sa konstitusyon. Kahihiyan. Maihahalintulad ang kaniyang pamamalakad sa Pilipinas sa rehimeng Marcos—hindi makatao. Mula sa mga walang humpay na pagpatay ng mga inosenteng Pilipino hanggang red-tagging ng mga aktibista, maihahalintulad ang dalawang diktador sa kanilang pamamalakad sa bansa. Dahil sa kanilang pasamaing pamamalakad ay libo-libong mga Pilipino ang nag-dusa, ang iba naman ay hindi pinagpalad at humantong pa sa kanilang kamatayan—ang presidenteng dating kanilang pinagkakatiwalaan ay siya rin palang magiging dahilan kung bakit gumulo nang husto ang kanilang mga buhay. Mula noon hanggang ngayon ay takot na takot ang mga kinauukulan na lumabas sa buong bansa ang kanilang malagim na pamamalakad, patuloy pa rin ang red-tagging sa mga aktibista ng bayan, lalo na iyong mga dyornalisto.
SOPHIA SADANG
VIANCA COLON
“
Malaki ang simbolismo ng redtagging sa bansa. Pinapakita lamang nito na walang gustong walang pinipili umako ng mga suliraning dulot ng mga padaloy-daloy na plano ang mga brutal at tila pa binubuhos pa nila ang kanilang galit sa kanilang na lider ng kapalpakan sa mga mamamahayag bayan basta’t sa bansa. Hindi nila gugustuhing mawala sa kanila ang kanilang mananatili kapangyarihan kaya’t gagawin nila ang lahat upang hindi kumalat sa kanila ang ang balita tungkol sa kanilang maruruming mga gawain. Ngunit kapangyarihan. hindi diyan nagtatapos ang lahat sapagkat mayroon ding mga buhay na nakitil– mga mamamayang May mga batas man silang bitbit-bitbit sa kabaong ang nalalabag ay nangunguna inhustisyang kanilang dinanas. pa rin ang inhustisya na Ayon sa pag-aaral ng Amnesty siyang nagbibigay ng higit International at Task Force na kapangyarihan sa mga Detainees of the Philippines, nakasisindak na lider ng bansa. mayroong naitalang 3,257 extrajudicial killings (EJK) noong panahon ng Martial Law ni Marcos. Noong taong 2018 naman ay nagtala ang Philippine National Police (PNP) ng 5,526 na mga Pilipinong namatay dulot ng EJK War on Drugs ni Pangulong Duterte. Dagdag mo pa rito ang 61 na abogadong pinatay sa panahon ni Duterte na mas marami pa kumpara sa mga abogadong namatay mula sa rehime ni Marcos hanggang sa dating pangulo na si Benigno Aquino III.
Sa panahon ng dalawang pangulo na ito ay kapansinpansin na hindi maganda ang kanilang relasyon sa nasabing network, kaya nang nagkaroon sila ng pagkakataon na ipasara ito ay hindi na sila nagdalawang isip pa. Kahit na walang sapat na ebidensya ang mga krimen na inaakusa nila rito tulad ng criminal conspiracy at pagnanakaw ay Mula sa mga ordinaryong patuloy nilang pinutol ang hanggang sa koneksyon ng ABS-CBN sa masa. mamamayan mga abogado—tunay ngang
Ngunit kung isiping mabuti ay maraming ibang mga proyekto ang maaaring pagtuunan ng pansin kaysa sa pagpapatayo o pagsasaayos ng mga tourist spots sa Pilipinas. Ayon sa SubicClark Alliance for Development ay aabot ng halos P8 trilyon to P9 trilyon ang inatasang badyet para sa BBB, samantalang wala namang maibibigay na funds para sa benepisyo ng mga healthcare frontliners sa kabila ng lahat ng kanilang paghihirap ngayong pandemya. Kinaltasan din ang 2021 budget para sa Kagawaran ng Kalusugan ng Php39.8 bilyon na lubhang nakaapekto sa ating kahandaan sa pagharap sa COVID-19. Kung mayroon tayong sapat o mas mataas na badyet ay siguradong mas napagandaan natin ito at hindi aabot sa 2.06 milyon ang ating mga naitalang kaso ng COVID-19.
Pinapakita lamang ng pamamalakad na ito ang hindi makatarungang buhay na niraranas ng kada Pilipino. Wala na ngang mas mataas na salaping ibibigay sa kanila kapalit ng kanilang pinahirap na serbisyo ay ninanakaw pa ang buhay ng ilan sa mga ito. Laganap man ang korapsyon at patayan sa loob ng gobyerno ay halos wala namang magawa ang mga mamamayan lalo na’t Sa kabilang palad naman ay kung pilit itong patatahimik totoo namang maraming mga ng katakot-takot na gobyerno. establisyemento ang napatayo ng dalawang nabanggit na pangulo Sa kabuuan, dapat na maging sa pamamagitan ng Build Build mapanuri ang mga botante Build (BBB) Project. Nariyan ang sa kanilang iboboto sa mga Cultural Center of the Philippines susunod pang mga halalan. (CCP), Nayong Pilipino, at iba Tingnan ang historya ng mga mahihigpit na pang mga gusali na nabuo noong nakaraang termino ni Marcos. Sa rehimen pangulo—huwag balewalain naman ni Duterte ay nalinis ang istroya nito pati na rin ang Look ng Maynila, bukod ang mga dinanas ng mga pa riyan ay marami pang ibang namumuhay noong panahon proyektong binabalak si Duterte na mga ito. Makiisa sa na may layuning mapataas mga biktima ng inhustisya ang ekonomiya ng bansa. at tigilang maulit pa ang malagim na trahedyang ito.
6 OPINYON
ISULONG ISULONG ISULONG
the national guilder
martial law anniversary issue
ANG PAMBANSANG DEMOKRASYA!
walang angkop na ebidensya.
BRENN AISLEY CABAYANAN
M
akibaka, huwag matakot!– Ang tinig na tumataginting sa lansangan tuwing nagsasagawa ng kilos-protesta. May dala-dalang mga plakard ang mga dumadalo kasabay ng paghampas ng mga kamao sa hangin, habang nagmamartsa sa matirik na init ang mga nagpoprotesta mula sa iba’t ibang sektor ng lipunan. Malaong sa kalsada nagkakaisa ang kapangyarihan ng masa. Sa isang demokratikong bansa, may karapatan ang lahat na sumalungat sa manlulupig— ito ang nakaangkla sa banghay mismo ng ating Konstitusyon. Subalit sa mga nakaraang taon, nababasa ko ang mga pahayagang nagsisiwalat ng mga istoryang may kinalaman sa pagtanim-bala, pagpapakulong, at pagbabaril sa oposisyon ng kasalukuyang administrasyon. Laganap ang mga dokumentaryong inilalantad ang mga naratibo ng mga biktima sa dahas ngkasalukuyang rehimen. Umusbong din ang paniniwalang terorista ang mga aktibista. Kanilang naipagpasya ang mga batas na nag-uudyok sa pagpaslang sa mga pinaghihinalaang rebelde atsangkot sa droga—kahit na
Bilang isang aktibista, naninindigan ako na nanlilisik na pagguho ng karapatangpantao ang ganitong uri ng liderato dahil panganib ang dala nito sa masang Pilipino. Nagbabadya ngayonang tiraniya. Sa tuwing minamasid ko ang mapagsamantalang tungo ng kasalukuyang rehimen sa mga sibilyan at ang mga balangkas ng laganap na krisis dulot ng walang habas na katiwalian nito, lumilitaw sa isipan ang isa pang buwaya: Ang dating pangulong si Ferdinand Marcos. Sinasalamin ng administrasyong Duterte ang diktadurang Marcos, mula sa pagsupil sa malayang pamamahayag, gaya ng pagpapasara ng ABS-CBN, hanggang sa pagbigay ng hindi akmang kapangyarihan sa militar at pulisya; dagdag pa ang pag-target sa mga unyonista, estudyante, aktibista, at mamamahayag na taliwas sa kanilang pamamalakad—na inuuna ang sariling interes kaysa sa pagsulong ng karapatan ng nasasakupan. Nangakong tatakbo para sa pagbabago, gayunpaman pang-aabuso, kagutuman, kamatayan ng taong-bayan, at mala-negosyong pagpapatakbo ng estado ang ipinalaganap. Ngunit kagaya rin ng mga maibayong pagkilos noong panahon ng Batas Militar ni Marcos,
“
Dapat handa nating ialay ang ating lakas at talino at ilagay ang ating mga sarili sa harapan ng masa bilang barikada, mabuwag lang ang pasistang nakaupo sa trono. Kung gaano kasigasig ang administrasyong Marcos sa pangdadahas, ito ay hinigitan nghimagsikan ng mga National Democratic Mass Organization (NDMO), mga makabayang organisasyon na tumitindig laban sa anomang uri ng paniniil—sa paghubog ng kolektibong masa laban sa turing dahas. Kasaysayan mismo ang saksi sa pagtatagumpay ng mga NDMO laban sa diktadurang Marcos nang isagawa ng People Power Revolution. Ilan dito ang Student Christian Movement of the Philippines (SCMP), GABRIELA, League of Filipino Students (LFS), Kabataang Makabayan, Samahang Demokratiko ng Kabataan, Student Cultural Association of
the University of the Philippines, Movement for Democratic Philippines, Student Power Assembly of the Philippines, at ang Malayang Pagkakaisa ng Kabataang Pilipino. Hanggang ngayon, patuloy tayong mga mersenaryo sa pagkalampag sa edukasyong eksklusibo sa iilan, sa hustisya na para lamang sa mayayaman, sa sweldong hindi makatao, sa solusyong militar laban sa pandemya, at sa pang-aabuso at pagpatay sa mga uring katutubo. Sa mga pangyayaring ito, pahiwatig na nabubuhay ang legado ni Marcos. Gayunpaman, ang mga NDMO at alyansa, tulad ng Bagong Alyansang Makabayan, LFS, SCMP, Anakbayan, Kabataan Partylist, GABRIELA, KARAPATAN, BAHAGHARI, Association of Concerned Teachers, at Panday Sining ang mga pangunahing nagpapalago ng baseng masa kontra sa sabing legado. Sila ang mga ilustrado na iminumulat ang kabuuan ng lipunan sa mga ugat ng kahirapan at inhustisya. Karapatan ng mamamayan na maging ligtas sa sarili nilang bayan. Ang makamasang kilusan ng mga NDMO, kasama ang mga katutubo sa kanayunan at lungsod ay nakatala sa ating kasaysayan, at dapat pa natin itong ilapat sa kinatatayuan ngayon. Nang sa gayon, kapitbisig nating mapagtagumpayan ang pagluwal ng kalayaan at pantay-pantay na karapatan sa abenida ng ating inang bayan, at tuluyang makamit ang bansang may sapat na pansin >> pahina 8
OPINYON 7
the national guilder martial law anniversary issue
GAMOT
KONTRA DIKTADURA
RODOLFO DACLESON II
W
alang pinagkaiba ang diktadurang Marcos at rehimeng Duterte. Bakunang opresyon, red-tagging, at panggigipit ang kanilang solusyon sa himutok ng bayang uhaw sa kalinga sa kabila ng lantad na kawalang katarungan, pang-aabuso, at marhinalisasyon. Sa gitna ng lumalalang pandemya, tila walang naririnig at nadaramang pag-aalala si Pangulong Rodrigo Duterte. Simula’t sapul nang tumama ang COVID-19 sa bansa, walang maiharap na komprehensibo’t kongkretong plano ang kaniyang pamahalaan sa publikong lubos na apektado. Habang lumolobo ang ating utang, tumataas ang presyo ng mga bilihin, dumarami ang bilang ng mga nawalan ng trabaho, pumapalong istadistika ng naghihirap at nagugutom, lugmok na ekonomiya’t naghihingalong sistemang pangkalusugan, mas inatupag pa ni Duterte at kaniyang gobyerno ang pambubusal sa malayang pamamahayag at pagpapatahimik sa masang ubos na ang pasensiya sa kapabayaan at kapalpakan ng kasalukuyang administrasyon.
Patunay ang pagsasabatas ng kontra demokrasyang Anti-Terrorism Law at walang humpay na pagpatay sa mga aktibista, magsasaka, abogado, at mamamahayag sa pasistang pamumuno ng berdugong lider mula Davao City. Sumusunod sa yapak nang napatalsik na diktador na si Ferdinand Marcos si Duterte. Matatandaang tinatayang 3,240 katao ang napaslang noong Batas Militar dahil sa kanilang pagkontra sa pamahalaang Marcos na ibinaon ang Pilipinas sa utang. Bukod pa rito, hindi rin dapat makaligtaan ang nasa 70,000 Pilipinong ilegal na hinuli’t idinitene ng awtoridad. Nasa 34,000 mamamayan naman ang pinaghihinalaang pinahirapan, minolestiya, at tinakot ng kapulisa’t kasundaluhan, ayon sa tala ng Amnesty International at 783 desaparecidos naman ang hindi na muling nakabalik at nakita pa ng kanilang pamilya. Gaya ni Duterte, may takot din si Marcos sa mga pahayaga’t programa sa telebisyo’t radyong kritikal sa administrasyon. Matapos ipasara ang nasa 464 media outlets, ikinubli ng kaniyang cronies ang tunay na estado ng bansa sa pamamagitan nang pagpapakalat ng mga propagandang layuni’y linlangin ang bayan. Maliban sa parehas na naging tuta ng mga imperyalistang bansang Tsina at Amerika,
pilit na itinatago nina Marcos at Duterte ang kalunos-lunos na sitwasyong kinasasadlakan ng masa sa pamamagitan ng imprastraktura—mga panakip butas na proyekto. Gayunpaman, may hangganan ang bawat kasamaan. Masalimuot man ang landas tungo sa pagbabago. Subalit, kung pilit nating ipipikit ang ating mata sa harap ng lantarang katiwalian, karahasan, at karukhaan, kadiliman ang naghihintaypara sa atin at kay Inang Bayan. Kaya’t karapatdapat na isabuhay ang katagang “Kung hindi tayo kikilos? Kung ‘di tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, kailan pa?” ni Abraham “Ditto” Sarmiento Jr., dating Punong Patnugot ng Philippine Collegian sa University of the Philippines Diliman.
“
Walang katahimikang ‘di kayang basagin ng nagkakaisang tinig ng mga sawa na sa pagtitiis at paghihintay. Walang diktaduryang hindi napagbasak sa kasaysayan sa likod nang kolektibong
pagkilos ng taumbayan. Gaya ni Marcos, hindi magagawang maupos ng kamay na bakal ni Duterte ang nag-aalab na apoy ng rebolusyon. Walang puwersang makapagpapapikit pa sa matang mulat na sa reyalidad. Huwag matakot para sa sarili lamang. Mas maiging matakot para sa hinaharap na ‘di makakamtam kung patuloy na mananahimik. Malayang pamamahayag ay gamitin. Ikintal sa isipan ang tatlong salitang ayaw ng mga diktador—tumindig, magsalita, at sumulong—para sa Pilipinas at sambayanang Pilipino. mula pahina 12
sa kaniya matapos paulitulit na ibasura ng Electoral Tribunal ang kanyang mga apela. Matatandaang natalo si Marcos sa ngayo'y bisepresidente na si Leni Robredo at nang kapanayamin, sinabi ng babaeng bise na "walang ibang dapat sisihin si Marcos kundi ang sarili niya." Nito lamang, nagpahayag ng interes si BongBong upang tumakbo sa pagka-presidente sa darating na halalan. Aniya, tatakbo siya matapos ang suportang na natatanggap niya, partikular na sa mga nagbabangayang grupo sa ilalim ng nangungunang partido ng PDP-Laban. Kung sakali, ito ang magiging ikalawang pagtutuos ng maybahay ng namayapang Jesse Robredo.
8 OPINYON
the national guilder
martial law anniversary issue
PAREHONG ANINO, MAGKAIBANG TAO hanggang sa ang ipinangako niyang kaunlaran ay naging kalugmukan.
CRISTY AQUILOS
K
aakit-akit ang mundo ng politika. Marami ang naghahangad na makapasok at manilbihan dito. Kaakibat nito ang kapangyarihang mamuno at ang hindi makabasag-pinggang mga pangako ng mga politiko para sa mamamayang Pilipino. Ngunit, saan nga ba aabot ang pangakong pag-unlad? Dapat pa rin bang paniwalaan sa pangalawang pagkakataon ang pangakong pagbabago at paglago? Taong 1965 nang mangako sa harap ng mga Pilipinong ang ika-10 presidente ng Pilipinas na si Ferdinand Marcos. Pinangako niya ang pag-unlad sa pamamagitan ng pagtatayo ng mga imprastraktura, gaya ng San Juanico Bridge, tanyag na Ospital sa Quezon City, at marami pang ibang magwawagayway sa kultura, tradisyon, turismo, ekonomiya, at proyektong magpatitiay sa kalusugan ng bayan at mamamayan. Ang kaniyang administrasyon ang nagbigay ng pag-asa sa Pilipinas na muling maging dakila ngunit hindi naging handa ang mamamayan sa biglaang pagtalikod nito sa bansang kaniyang sinumpaan. Naging marahas, madugo, at walang awa ang kaniyang pamumuno
Build at binansagan ang administrasyon nito bilang "Golden Age of Infrastructure." Makikita nating may nagawa Enero 30, 1970 — naganap ang ang proyektong ito sa bansa, pinakamadugong pagyurak sa gaya ng Clark International karapatang pantao ng patayin Airport na may halagang mismo sa loob ng Malacañang Php12 bilyon, New Clark Cityang anim na estudyanteng Food Processing Terminal and nagsusulong ng kalayaan. Sa International Food Market gayon, hindi naging sapat ang na may halagang Php31 nagawang pagpaunlad ni Marcos bilyon, at marami pang iba. sa Pilipinas dahil siya mismo Bagamat panigurado nang ang humila pababa sa kaniyang hindi mauulit ang diktadurya nagawang karangyaan sa bayan. ng dating pangulong Marcos Higit sa lahat, sa administrasyong Duterte dahil malapit nang magtapos ang administrasyong Duterte. Marami pa ring bahid ng karahasan at kapabayaan ang naganap sa administrasyon. Kailan man Ilan na rito ang malawakang ay hindi pagpatay at kawalan ng agarang aksyon sa kasalukuyang mababayaran problema ng bansa—ang ng matatayog pandemyang dala ng COVID-19.
“
na gusali ang bahid ng masalimuot na karanasan na kaniyang ipinamalas sa buong lipunan
Ang pagpapaunlad sa bansa, pagbibigay ng sapat na tulong sa mamamayan, paggabay sa mga ahensyang kaakibat ng pamahalaan ay mga halimbawa lamang ng mga dapat na gawain ng isang pangulo. Ito ay kanilang responsibilidad na ipinangako sa mamamayan. Hindi marapat at kung paano niya ibinaon sa mamamayang Pilipino ang bansa sa utang na hanggang na makatikim lamang ng sa kasalukuyan ay hindi pa rin paunti-unting patak ng pagnababayaran. unlad at palitan ito ng walang katapusang kahirapan. Sa kasalukuyan, nagaganap muli ang pagpapakinang sa At bilang mamamayang ekonomiya ng bansa. Ang ikaPilipino, atin sanang piliing 16 na pangulo ng bansa na si mabuti ang mga politikong Rodrigo Duterte ay nagtaguyod nais mamuno sa bansa. ng programang Build, Build,
Huwag piliin ang may napatunayan na, kundi piliin ang mga pinunong may patutunayan pa dahil patuloy pa rin ang pag-ikot ng oras sa kinabukasan. Mahalagang sa kinabukasan ay maranasan na ng bawat mamamayan ang totoong tayog ng pag-unlad at kasaganaan upang tunay nang maisakatuparan ang mga pangakong napako.
Demokrasya | mula pahina 6
sa edukasyon, kabuhayan, at kalusugan. Isang pagpupuga y sa kabataan sa hindi paglimita ng isipan sa silid-aralan. Isang karangalan ang maagang paglubog sa kabuhayan ng proletaryado kasama ang mga literatong mulat sa katotohanan. Alinsunod sa pagkamit ng tunay na demokrasya ang organisadong pagpupunyagi. Makasisiklab lamang tayo ng pagbabago kung kolektibo ang ating krusada—kung iisa ang tindig at tinig. Kailangang makisalamuha sa masa, siyasatin ang materyal nilang kondisyon, at ibahagi sa kanila ang angkop na pamamaraan sa pagpapasya ng pambansang demokrasya upangmairaos ang kanilang pangkat patungo sa buhay na walang katiwalian at despotismo. Makiisa. Makialam. Makisangkot. Makiorganisa. Iyan ang tungkulin ng bawat Pilipino.
LATHALAIN 9
the national guilder martial law anniversary issue
Balik-tanaw sa Hawla ng Kahapon Karisma Primero
isang dekada.
K
asabay ng nakapanlulumong sitwasyong pangkalusugan na kinakaharap ng bansa dahil sa pandemya; gutom, kahirapan, at kawalan ng usad sa pamumuhay ang unti-unting lumalason sa bawat selula ng mga Pilipino. Kung iisipin, ang pamamalakad ng administrasyon ang pangunahing magsasalba upang magbigay-tugon sa suliranin ngunit mismong plano ay hindi kongkreto at walang tiyak na patutunguhan. Hangad ng lahat na makaalpas sa dagok at sa pagdurusa na kasama nito, ngunit habang patuloy na namamayani ang hindi makataong pamumuno, tila bumabalik lang sa malagim na trahedya ng kahapon—ang Martial Law. Kilala ang diktadurya ng dating pangulong Ferdinand Marcos sa pagpataw niya ng Batas Militar sa bansa noong 1972 na imbis na pandaigdigang disiplina ang inaasahan,malawakang pang-aabuso at paglabag sa karapatang pantao ang tinamo ng mga Pilipino sa loob ng mahigit
Ilang rehimen na ang nagdaan ngunit tila ba ang bangungot ng nakaraan ay muling nabuhay sa kasalukuyan. Maliban sa pandemyang bumigwas sa kalayaan, matinding dagok sa ilalim ng pasistang administrasyon ang unti-unting lumalamon sa buhay ng milyon-milyong Pilipino, partikular na sa sistema ng edukasyon. Isa lamang ako sa mga estudyanteng hindi makaagapay sa bagong sistema ng pagkatuto—ang online learning. Sa kurso kong Broadcasting na paggawa ng produksyon ang kalimitang requirement, dehado ang paglinang sa hands-on na kakayahan. Bukod sa kulang ako sa kagamitan gaya ng laptop, camera, at maayos na koneksyon sa internet, nahihirapan din akong makakuha ng agarang komunikasyon sa aking guro. Hindi lahat ay may pribilehiyong makapag-aral nang walang iniindang ibang problema. Hindi lahat ay may kakayahang matuto nang nasa tahanan. Minsan ay nakausap ko ang manugang ng aking tito sa Marinduque, si lola Mila Rodil, 69 na taong gulang, isang retiradong guro sa elementarya sa parehong bayan. Habang nag-uusap kami ay bigla niya
akong tinanong kung kumusta na ang aking pag-aaral. Ngiti lamang ang aking naitugon, at kahit malabo ang rehistro niya sa video call, banaag sa mukha niya ang kuryosidad. Ibinahagi niya sa akin ang kaniyang pangamba sa kawalan ng face-toface classes o ang tradisyunal na pamamaraan ng pagkatuto bago pumutok ang pandemya. Bilang isang guro ng 35 taon, ramdam niya ang malaking hamong kinahaharap ng mga bata sa elementarya. Aniya, mas natututo ang karamihan ng mga bata sa presensya ng guro. Ngunit ngayong online at modules ang paraan ng pagkatuto, batid niyang hindi ito magiging mabisa lalo na kung tatagal pa. “Ang hirap ng sitwasyon ngayon kasi lahat online, eh hindi naman lahat kaya ‘yun, hindi lahat maalam sa computer. Maswerte ‘yung mga batang natututukan ng magulang [sa] gaya ng pagsagot sa module, pero paano naman ‘yung iba,” tugon ni lola Mila sa akin na nag-aalaga rin ng pitong taong gulang na apo. Batid niya, maswerte ang kaniyang apo dahil kahit may trabaho ang mga magulang nito at naroon siya upang turuan at punan ang kakulangan sa patnubay na kinahaharap ng mga mag-aaral sanhi ng pandemya. Ngunit sa kabila nito, inaalala niya ang ibang batang walang gabay na nakukuha dahil hindi naman lahat ng magulang ay may sapat na kaalaman upang magturo. Sa puntong iyon, tila ba dinala ako ni Lola Mila sa kaniyang kabataan, sa panahong bagong guro pa lamang siya. Ginunita niya ang panahong nakatapos siya ng pag-aaral sa kalagitnaan ng Martial Law, mahirap ang buhay kaya’t lumuwas siya sa probinsya upang doon magturo. Batid niya na sa kabila ng diktadurya ay mapalad siyang hindi
nakaranas ng kalupitan kahit pa marami ang nababalitang naabuso at biglang nawawala. Nang tanungin ko siya kung ano kaya ang mangyayari sa panahong iyon kung noon naganap ang pandemya, iling lamang ang tangi niyang naitugon. Iling na nagbabatid ng napakaraming mensaheng nagbigay-liwanag din sa aking isipan. Habang namayani sa amin ang katahimikan, muling nagsalita si Lola Mila at ngayo’y puno ng emosyon, “Kawawa ang kinabukasan ng mga kabataan.” Sa tulad kong hindi namuhay sa rehimeng Marcos, ang talakayang gaya nito ang nagmumulat sa aking kamalayan tungkol sa bakas ng kahapon. Walang anumang ligoy, ngunit direktang nagpaaantig ng damdamin ko bilang Pilipino. Bago matapos ang aming kumustahan, isa lamang ang tumatak sa aking isipan: iba magmahal ang isang guro. Kung sa isang retiradong guro na hindi nakaranas ng kalupitan ay labis ang pighating dala ng alaala ng Martial Law at kasalukuyang administrasyon, mas lalo akong nabahala sa mga taong napagdaanan mismo ang karahasan ng kahapon. Paano kaya kung isa ako sa mga kabataang dumanas noon ng kamay na bakal? At kung naganap din noon ang pandemya, parehong hinaing ba ang ipagsisigawan ko o maaga akong matututong makialam sa bayan ko? Wala ng ibang panahon kundi ngayon upang makialam para makamtan ng mga Pilipino ang tunay na demokrasya. Hindi na lamang ito basta simpleng paggunita sa madugong diktadurya. Sapagkat, ang nakaraang ito ang gagabay sa ating makawala sa hawla ng kahapon gamit ang mga pangyayaring unti-unti tayong hinuhulma upang tumindig at kumilos para sa kapakanan ng Pilipinas at masang Pilipino.
10 BALITA
the national guilder
martial law anniversary issue
SPEAK NOW, DIE LATER
ANG PATULOY NA PANINIIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG Justine Xyrah Garcia
"T
here are more attacks and threats that have shown how indeed we've become more vulnerable to those who don't want the media and the press to play the role they are assigned by the Constitution,” saad ni Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR) executive director Melinda Quintos de Jesus sa isang virtual forum bilang pagpapaalalang nananatiling delikado ang bansa para sa mga mamamahayag na nais gawin ang kanilang sinumpaang tungkulin. Ang isang paa ng mga mamamahayag sa Pilipinas ay laging nasa hukay. Bukod sa
Bulletin, Manila Times, at ABS-CBN.
censorship at paniniil, marami rin ang nakatatanggap ng pagbabanta sa kanilang mga buhay at kung minsan, ito ay natutuloy sa pagpatay sa mga alagad ng midya. Sa tala ng CMFR, 170 mamamahayag na ang pinaslang ng estado mula 1986, kung saan hindi pa kasama rito ang bilang ng mga peryodistang nasawi sa ilalim ng pamamahala nang berdugong, diktador na si Ferdinand Marcos.
Peryodismo sa panahon ng Batas Militar
Isa ang kalayaan ng pamamahayag sa mga unang kinitil ni Marcos noong lagdaan niya ang Proclamation No. 1081 noong Setyembre 21, 1972 na nagsasailalim sa Pilipinas sa Batas Militar. Agad na inutos ng dating pangulo ang pangangasiwa at pagkontrol sa lahat ng print at broadcast media outlets sa bansa, gaya ng Manila Daily
Kaliwa’t kanang pangaabuso sa karapatang pantao ang naranasan ng mga Pilipino, kabilang na ang mga mamamahayag na mahigit isang daang libo ang nakaranas ng pang-aabuso mula sa militar subalit hindi ito naging daan upang tuluyang matahimik ang midya. “If there’s no freedom of the press and no freedom to expose what’s wrong, we’d deteriorate as a country. No one would tell the government what’s wrong,” ani Manuel Almario, dating Editor ng Philippine News Service na inaresto kasama sina Amando Doronila at Chino Roces, editor at publisher ng >> pahina 15
NAWALA PERO HINDI KINALIMUTAN: ANG MGA KWENTO NG KATAPANGAN NG DESAPARECIDOS NOONG MARTIAL LAW Rjay Zuriaga Castor
"... to the ordinary citizens, to almost all of you whose primary concern is merely to be left alone to pursue your lawful activities, this is the guarantee of that freedom that you seek. All that I do is for the Republic and for you." Mismong sa mga salita ng dating Pangulong Ferdinand
Marcos nagsimula ang malagim na mga araw ng kaniyang diktadurya; September 21, 1972, nilagdaan at tinatakan ang Proclamation 1081. Sa panahon kung saan ang pang-aabuso sa kapangyarihan >> pahina 14
BALITA 11
the national guilder martial law anniversary issue
ESTADO NG PAMAMAHAYAG SA BANSA, NOON AT NGAYON Marga Alagao, Beatriz Cabral, Angela Jo Niday
I
sa ang ABS-CBN sa ilang istasyon ng midya ang nagpursiging ilunsad and pandaigdigang pagbabalita sa pamamagitan ng The Filipino Channel (TFC), na nagpapalabas ng mga programa sa iba’t ibang bansa kabilang ang United States, Canada, Europe, Australia, the Middle East, and Asia Pacific. Pagmamay-ari ng magkakapatid na Lopez, mula sa lungsod ng Iloilo, ang naturang istasyon. Noong 1956, binuo nina industriyalistang si Eugenio “Ening” Lopez Sr. at ang kaniyang politikong kapatid na si vice president Fernando Lopez ang Chronicle Broadcasting Network (CBN) upang magsilbi bilang isang radio station. Kalaunan, pinag-isa ng magkapatid na Lopez ang CBN at Alto Broadcasting System (ABS) noong 1967, na kalauna’y tinawag na ABS-CBN upang makapaghatid ng mas malawak na serbisyo.
Gayunpaman, noong panahon ng Batas Militar sa bansa, nadakip at nakulong ang isa sa mga miyembro ng pamilyang Lopez na si Eugenio “Geny” Lopez Jr. Maging susi si Geny upang matatag na itayo ang pundasyon ng ABS-CBN at mabisang mailunsad matapos ang administrasyong Marcos. Ipinasa naman kay Eugenio "Gabby" Lopez III, anak ni Geny Lopez, ang turno ng ABS-CBN sa kaniyang pinsan na si Carlo Katigbak, ang kasalukuyang presidente at chief executive officer ng korporasyon, samantalang si Gabby naman ay nagpatuloy lang sa pagiging chairman. Malaki ang gampanin ng ABS-CBN bilang tagapagpahayag ng mga katiwalian, isyung panlipunan, at mahahalagang impormasyong kinakailangang malaman ng masang Pilipino, tulad ng mga balita ukol sa COVID-19. Matatandaang noong Mayo 4, 2021, nawala ang prangkisa ng ABS-CBN dahil hindi na binigyan ng Kongreso ang istasyon upang >> pahina 13
MGA MIYEMBRO NG HUDIKATURA, HINDI LIGTAS SA IMPUNIDAD NI DUTERTE
P
atuloy ang pagtaas ng kaso ng pagpatay sa mga miyembro ng hudikatura sa ilalim ng administrasyong Duterte. Kasalukuyan ay nakapagtala na ng 65 kaso ng pagpaslang sa mga abogado, piskal, at hukom. Ang bilang ng kaso ay mas mataas kompara sa pinagsamang bilang noong administrasyong Marcos hanggang Aquino.
ang sumunod sa pinakamataas na bilang ay sa panahon ni Arroyo na may 22 kaso.
Isa ang Free Legal Assistance Group (FLAG) sa mga organisasyong sumusubaybay sa bilang ng mga namatay na legal practitioners.
"A killing is deemed workrelated if the victim was killed because of his/her legal practice. A killing is tagged as drug-related when the victim was known to represent alleged drug personalities or was alleged to have been a drug personality,” saad ng grupo.
Batay sa mga ulat, pitong kaso ang naitala noong Martial Law; tig-siyam naman sa panahon ng maginang Aquino; dalawa sa panunungkulan ni Estrada; at
Ayon sa kanilang pag-aaral noong Marso, 61 kaso pa lamang ang naitala: 26 ay may kaugnayan sa kanilang propesyon; 15 ay konektado sa droga; 12 ay sa pansariling
(“Ang pagpatay ay itinuturing na kaugnay sa propesiyon kung ang biktima ay napaslang dahil sa kaniyang serbisiyong legal. Ang pagpatay naman ay masasabing konektado sa
Samantala, walang naitalang kaso sa administrasyong Ramos.
motibo; at 15 na kaso ay sa hindi malamang dahilan.
Miguel Atienza
droga kung ang biktima ay pinaghihinalaang sangkot sa droga o kumakatawan sa taong pinaghihinalaang sangkot sa droga,” saad ng grupo.) Unang taon palang ng panunungkulan ni Duterte noong 2016, binantaan niyang idadamay ang mga abogado na kumakatawan sa mga drug suspects. Samantala, ayon sa National Union of People’s Lawyers (NUPL), ang isa pang grupong nagmomonitor ng mga >> pahina 13
12 BALITA
the national guilder
martial law anniversary issue
KEEPING UP WITH THE MARCOSES: KUMUSTA NA ANG PAMILYANG KATAS NG DIKTADURYA Jel Emery Berdera
Aquino, nakapagtala ang Presidential Commission on Good Governance o PCGG ng kabuuang 171 bilyong halaga ng piso na nabawi na mula sa mga nakaw na yaman ng pamilyang Marcos. Sa kabuuan, tinatayang nasa pagitan ng lima hanggang sampung bilyong dolyar na halaga ng yaman ang nakamkam ng mga Marcos mula 1965 hanggang sa pagbagsak ng diktatoryal noong unang rebolusyong EDSA. Ang nasirang diktador
M
ula nang mapatalsik ang diktaduryang Marcos dahil sa matagumpay na EDSA People Power Revolution taong 1986, hanggang sa makabalik sila nang bansa taong 1991 para harapin ang kaliwa't kanang isyu ng malawakang korapsyon na dala ng mahabang panunugkulan ng mag-asawang Marcos, ay hindi natapos ang patuloy nilang pagkakaluklok sa kapangyarihan. Patuloy na namayagpag ang dinastiyang Marcos at maging nitong huli ay patuloy at regular na gumagawa ng ingay ang pamilya ng nasirang diktador. Narito ang talaan ng mga pinakabago at sariwang balita tungkol sa mga kaganapan sa buhay ng mga Marcos: Sa mga nakaw na yaman
Matapos ang 30 taon simula nang itinatag sa ilalim ng administrasyong Cory
Mahigit 20 taon matapos na pumanaw, ay pinal nang naihimlay si Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani noong November 18, 2016 matapos ang makasaysayan at kontrobersyal na 9-5 desisyon ng Korte Suprema na payagan siyang dito mailibing, sa kabila ng galit at protesta lalong-lalo na ang mga naging pamilya at biktima ng karahasan sa panahon ng Batas-Militar. Binigyan ng isang "simple at pribadong" proseso ang libing na nagtapos sa isang 21-gun salute, habang ang pamilya Marcos ay dumating sakay ng tatlong helicopter, ayon kay dating Chief Superintendent Oscar Albayalde. Matatandaang ipinahayag ng Palasyo na hindi nila alam ang tungkol sa biglaang paglilibing lalo pa't wala si Duterte sa bansa dahil sa APEC Summit, habang ang dating PNP Chief at ngayo'y senador nang si
Ronald Dela Rosa ay sinabing biglaan ang pag-abiso sa kanila, at inutusang siguruhin na "maililibing nang tama" ang yumaong Marcos. Nabuo ang buong kontrobersiya sa kanyang libing matapos na pumayag si Rodrigo Duterte dahil umano sa isa siyang "dating presidente at sundalo." Ang nahatulang maybahay ng diktador
Matapos ang desisyon ng Sandiganbayan ukol sa pito mula sa sampung kabuuang kaso ng katiwalian at pagnanakaw sa kaban ng bayan, ay nahatulang "guilty" si Imelda Marcos, asawa ng yumaong si Ferdinand Marcos Sr. Sa inilabas na pahayag ng Ombudsman hinggil sa "People of the Philippines vs. Imelda Marcos" ay napatunayang nagkaroon siya ng malinaw na paglabag sa batas bunsod ng maanomalyang mga aktibidad na may kinalaman sa mga Swiss NGOs, kung saan ay ipinagbabawal ng batas ang pagsali habang nasa isang posisyon sa gobyerno. Dahil dito, ang naiwang asawa ng dating pangulo ay nasentensyahan ng mula anim na taon at isang buwan, hanggang labing-isang taong pagkakakulong sa bawat kaso, at panghabang-buhay na diskwalipikasyon sa pagtakbo sa isang pampublikong posisyon. Matatandaang matapos lumabas ang desisyon ay nakapagbayad ng pyansang magkakahalaga ng Php300,000 ang ginang para sa pansamantalang kalayaan na hanggang ngayo't tinatamasa pa rin niya.
Ang namemeke ng academic credentials
Nito lamang nakaraan, inihayag ng kasalukuyang pangulo na si Duterte na nagbabalak tumakbo si Imee Marcos sa pagka-bise presidente sa darating na Halalan 2022 sa ilalim ng presidential candidate na si Sara Duterte.
Gayunpaman, pinabulaanan ito ng ngayo'y alkalde ng Davao City matapos iprisinta ang listahan ng mga napupusuan niyang maging katuwang, kung saan wala ang pangalan ni Imee. Matatandaang naging kontrobersyal ang naturang Marcos dahil sa isyu ng pamemeke ng mga credentials sa kanyang curriculum vitae. Mahigpit na pinabulaanan ang pahayag ni Imee na siya'y nagtapos sa UP College of Law bilang isang Cum Laude, gayundin ang kanyang MA in Business Administration mula sa Asian Institute of Management na hindi naman daw kasama sa listahan ng mga kursong meron sila kahit kailan, ayon sa kanilang registrar. Bukod pa rito, ay napatunayang hindi totoo ang kanyang pahayag na nagtapos siya sa prestihiyosong Princeton University. Matapos maisiwalat ang kasinungalingan niya ay tinanggal ang naturang mga impormasyon sa kaniyang social media accounts. Ang ambisyosong Marcos Jr.
Nang dahil sa isyu ng malawakang dayaan sa tatlong probinsya sa Mindanao eh nagsumite ng isang poll protest ang dating kandidato sa pagka-bise presidente na si Bongbong Marcos, bagay na tatlong beses na hindi pumabor >> pahina 7
BALITA 13
the national guilder martial law anniversary issue
ESTADO NG PAMAMAHAYAG... mula pahina 11
i-renew ang permit nito. Hulyo 2020 naman nang ipatigil na ang paglabas ng mga programa ng ABS-CBN sa telebisyon. Gayunpaman, pagbubuwelta ng kompanya, “We did not violate the law. This case appears to be an attempt to deprive Filipinos of the services of ABS-CBN”. Sa pagpapatahimik ng rehimeng Duterte sa kalakasan ng midya, malalim ang dagok na naranasan ng humigitkumulang 10,000 empleyadong nagsilbi nang halos ilang taon sa nasabing kompaniya. Isang hindi makatarungang hakbang ang pagpapasara sa isang institusyong naglalayon na imulat ang masang Pilipino at makapagbigay-trabaho sa libo-libong manggagawa. Ito ang naging sagot ng administrasyong Duterte imbes na agarang pamamahagi ng ayuda at sapat na suplay ng mga bakuna sa kalagitnaan ng pandemya.
Bukod pa rito, nagresulta ng pagbaba ng viewership ang pagpapasara sa naturang istasyon. Mula sa isinagawang Philippine TV Audience Measurement o PHINTAM mula Hunyo 1, 2019 hanggang Marso 7, 2020, nakapagbigay ng mataas na viewership ang madla sa ABS-CBN nang ipatupad ang enhance community quarantine sa bansa. Gayunpaman, ayon sa mga datos, bumaba ito nang mawala sa ere ang istasyon. Sa pagkitil ng 70 Kongresista sa prangkisa ng ABS-CBN, naging balakid ito para sa kompanya upang ipagpatuloy ang sinumpaan nilang serbisyo para sa bawat Pilipino. Sinamantala ito ng rehimeng Duterte na siya namang naging dahilan ng pagpapasara nito. Ngunit hindi na ito bago sa kompanya. Matatandaang noong Setyembre 21, 1972, sa ilalim
ng Proklamasyong 1081, na nagpapabisa sa Martial Law, nagawa na ring ipasara ng diktaduryang Marcos ang istasyon dahil sa takot ng administrasyong maisiwalat ang katotohanan sa masa. Setyembre 23, 1972, nang tuluyang nawala sa ere ang ABS-CBN. Ito ang kaunaunahang beses na naipasara ang istasyon at iba pang midya na siyang hudyat sa pagkamatay ng demokrasya at kalayaan ng mga mamamahayag at aktibistang nagyayabong maiangat ang malaya at makataong pamamahayag sa bansa. Sa Letter of Instruction No. 1 na inilabas ni Marcos, binigyang-kapangyarihan ni Marcos ang militar upang kuhanin ang assets ng malalaking midya outlets, kasama ang ABS-CBN. Isa sa mga dahilan umano ni Marcos nang ipasara ang istasyon ang paniniwalang may koneksyon
ang ABS-CBN sa mga grupo ng komunista na nagsasagawa ng propaganda upang kalabanin ang rehimeng Marcos. Kung susuriin, sa loob ng mahabang panahon, muling naulit ang pagpapatahimik sa ABS-CBN sa ilalim ng administrasyong Duterte sa pamamagitan ng pagpapasara muli nito. Sa karagdagan, marami ring mamamahayag ang nasawi sa Martial Law. Ayon sa artikulong San Juan’s 1978, sa gabi ng proklamasyon ng Martial Law, ipinasara ang mga pahayagan, journals, magazines, telebisyon at radyo. Kaakibat nito ang pagpapakulong sa ilang mamamahayag na sina Teodoro Locsin Jr., Chino Roses, Luis Beltran, Maximo Soliven, Amando Doronila, at maging si Eugenio Lopez na may-ari ng ABS-CBN. Ang mga pahayagan sa ilalim ng kontrol ni Marcos, ang siya lamang pinapayagan sa ere.
HUDIKATURA... mula pahina 11
pagpatay sa mga abogado, may kaibahan sila sa pagbilang ng mga kaso. Ang kanilang pamantayan sa pagkakakilanlan ay tinatawag na ‘prima facie work-related killings’ o mga pagpatay bunga ng legal na propesyon ng mga biktima. Sa kaparehong buwan ng Marso, ang naitala lamang ng NUPL ay 54 na kaso ng ‘prima facie work-related killings.’
Ang dahilan ng pagkakaiba sa bilang ay ang klasipikasiyon ng mga organisasiyon kung saan ang ibang mga biktima ay hindi kasalukuyang nagbibigay ng serbisiyong legal.
Juan Bacababbad, isang public interest lawyer, isang miyembro ng NUPL, at tagapangulo ng balangay ng Socsksargen ng Union of People's Lawyers in Mindanao (UPLM).
Dagdag ng NUPL, marami sa mga high-profile killings ay miyembro ng kanilang kasapi na lumalaban sa karapatangpantao at pampublikong interes.
Si Macababbad ay ang ika-58 biktima ng karahasan ayon sa batayan ng NUPL, ikatlong nasawi mula sa kanilang grupo, at ang ika-65 kaso sa pangkalahatang bilang ng mga pinatay na miyembro ng hudikatura.
Nitong ika-15 ng Setyembre, iniulat ang pagpatay kay Atty.
Mariing inilahad ng Integrated Bar of the Philippines (IBP) na sa loob ng higit na limang taong panunungkulan ni Duterte, nakakaalarma ang pagtaas ng bilang ng kaso sa 500 porsiyento. Sa kasalukuyan, patuloy na nakikipag-ugnayan ang IBP sa Korte Suprema kung saan ang karamihang opisyales na nakaupo ay itinalaga ni Duterte.
14 BALITA DESAPARECIDOS... mula pahina 10
ay talamak at ang kalayaan ay pilit sinisikil, ang mga Desaparecidos ng Batas Militar ay matapang na tumayo nang walang takot at pangamba; sa pagnanais na tuluyang masupil ang nararanasang represiyon sa rehimen. Ang Abogado ng Masa
Higit sa kaniyang maamong mukha at simpleng mga katangian, nagpakita si Hermon Lagman ng matinding pagmamahal sa kaniyang mga adhikain na sinasabing siyang hudyat para siya’y dakipin at hindi na makita pa sa edad na 32. Hanggang ngayon, walang Hermon Lagman ang natagpuan. Maagang naging aktibista si Lagman. Bilang abogado, libre niyang binibigay ang kaniyang serbisiyong legal para sa mga manggagawang nakakaranas ng hindi pantay na trato sa trabaho at mga pang-aabuso. Bagaman walang masampang kaso Isa si Lagman sa mga unang inaresto ng isinailalim ang bansa sa Batas Militar, siya’y muling inaresto noong 1976 ngunit pinalaya din sa parehong araw. Ang hindi makataong mga karanasan ni Lagman ang nagpa-alab sa kaniyang diwa para pamunuan ang mga grupo ng manggagawa at magpakita ng tapang kontra sa diktadura ni Marcos. Dahil sa nag-aalab niyang debosyon para sa mga manggagawa, nagdulot ito para siya at ang kaniyang kasamang si Victor Reyes ay madakip at maglaho ng walang bakas at hindi na nakita pang muli. Para ipagpatuloy ang kaniyang nasimulang adbokasiya, itinatag ng kaniyang pamilya ang FIND o Families of Victims of Involuntary Disappearance; isang organisasyon na naglalayong mapigilan ang ang kaso ng mga pagkawala. “Laban na ito ng aming Pamilya. Ayaw na naming maranasan ng iba ang galit at hinagpis na dinanas namin nang biglang mawala si Hermon,” kwento ni Nilda lagman-Sevilla, kapatid ni Hermon na tumatayong co-chairman ng FIND. Ang Tagapaglathala
Primitivo Mijares, dating Pangulo ng National Press Club at dating kanang kamay ng diktador, isiniwalat niya sa kanyang librong “The Conjugal Dictatorship of Ferdinand and Imelda Marcos," ang mga karanasan niya kasama ang Pamilya Marcos. Taong 1975, tumestigo si Mijares sa Estados Unidos bilang state witness sa mga pandaraya, pagnanakaw, korapsyon, at hindi makatarungang pag-aresto sa ilalim ng diktadurya.
the national guilder
martial law anniversary issue
Makalipas ang isang taon, inilimbag niya ang kaniyang kontrobersyal na aklat. Sa paunang salita ni Mijares sa harap ng batasan, sinabi niyang: “Nilinlang ako para suportahan ang Martial Law. Ang mga rason na ginamit ni Marcos ay kanya mismong ginawa para sa sariling kapakanan, na patuloy na maupo sa pwesto” Bukod sa naging sentro ng usap-usapan ang kaniyang libro, masasabing mas pinaigting nito ang kagustuhan ng mga taong mapatalsik si Marcos. Bago pa opisyal na ideklara ang Batas Militar, alam na raw ni Mijares ang magiging hakbang na ito ni Marcos; tumulong rin daw si Mijares para ito’y maituloy pero paglilinaw ng manugang niya na si Joseph Christopher “JC” Mijares-Gurango, “Simula pa lang ay nandoon na si Tibo pero siya’y tumiwalag, at ang akda niya ang isa sa patunay kung ano ang totoong mga nangyari noong panahon na ‘yon” Ilang buwan matapos mailimbag ang kaniyang akda, dalawang malapit kay Mijares ang kinitil; binusalan ang malayang pamamahayag sa bansa at ang kanyang labing-anim na taong anak na si Luis Manuel o mas kilala bilang Boyet ay napasama sa humahabang listahan ng mga nawawala. Dalawang linggo ang nakalipas nang muling makita si Boyet; basag ang bungo, nakaluwa ang mga mata, tanggal ang lahat ng mga kuko, putol ang ari, at tadtad ng mga saksak ang buong katawan. Si Mijares, hindi na rin natagpuan mula nang napatalsik si Marcos noong Pebrero, 1986. Walang bakas, walang katawan. Ang Batang Aktibista
Sa kilalang Philippine Science High School (PSHS), sumali si Ronald Jan Quimpo sa mga kilos protesta kasama ang mga kapwa iskolar para tutulan ang hindi maka-masang pamamalakad at hindi angkop na mga pasilidad sa paaralan. Nasa high school pa lang si Jan nang siya ay lumahok sa Diliman Commune noong 1971. Dito, sama-sama ang mga Iskolar ng Bayan kasama ang mga pumapasadang jeepney driver laban sa patuloy na pagtaas ng presyo ng gasolina. Matapos pumasa sa UP Diliman, hindi na ninais ni Jan na makakakuha pa ng diploma. Dahil sa kanyang dedikasyon na pagsilbihan ang masa, ginagamit niya ang oras sa pagpasok sa paaralan para makihalubilo sa mga kapwa aktibista at mag rekrut ng bagong miyembro. Kalaunan ay niyakap na ni Jan ang pagiging aktibista. Abril 4, 1973 nang bumisita si Jan sa kaniyang ka-eskwelang si Marie Hilao. Biglang dumating ang Constabulary Anti-Narcotics Unit (CANU), pilit hinahanap ang kapatid ni Marie na isa ring aktibista ngunit nang hindi nila matagpuan ito ay kanilang dinakip si Jan at Dalawa pang mga estudyante ng PSHS.
BALITA 15
the national guilder martial law anniversary issue
Ikinulong sila Jan sa isang hindi huwad na detention center. Dito sila pinahirapan at minolestiya. Matapos masawi ang isa sa kaniyang mga kasamahan, pansamantalang napahinto ang pang-aabuso sa kulungan, ‘tsaka pa lang napalaya si Jan matapos ang Tatlong buwan. Umaga ng Oktubre, 1977 nagpaalam si Jan sa nakababatang kapatid na si Susan na aasikasuhin niya ang kaniyang pagtatapos sa Unibersidad. Pinaalala pa niya sa bunso na magtira ng ulam para sa hapunan. Pero hindi na muling nakabalik sa kanilang tahanan ang batang aktibista. “Pang-ginaw at kwaderno lang ang dala niya noong siya’y umalis ng bahay. Hindi na siya nakauwi. Ako ang huling nakakita at kumausap sa kaniya sa aming pamilya,” ibinahagi ni Susan sa aklat na "Subversive lives: A Family Memoir of the Marcos Years.” Patuloy pa rin ang panaghoy ni Susan na ang kapatid ay mahanap ang daan pauwi sa kanilang tahanan. Sa patuloy na pakikibaka laban sa pangmamalupit, represiyon, pagnanakaw, at pagiging sakim sa kapangyarihan ng mga Marcos, ang mga Desaparecidos na halos 2,000 tao ang naitalang nawala, ay nag-alay ng kanilang mga buhay; nagsakripisyo para tuluyang makalaya ang masa laban sa diktadurya. Ang katapangan at adhikain ng mga Desparacidos ay marka na sila ay hindi nagbuwis ng kanilang mga buhay para lang sa kanilang mga sarili. Higit sa kanilang pagkawala, ginigising nito ang ating diwa—tila bulong na umalingawngaw na patuloy na nagpapaalala sa pagiging sakim ng mga Marcos. Isang pahayag para sa pagpupugay ng magigiting na Desaparecidos; sa kanilang hindi mapantayang kadakilaang mapatalsik ang nasa itaas at maibandera ang karapatan ng sambayanang Pilipino.
SPEAK NOW... mula pahina 10
Manila Chronicles na isa sa mga tanyag na pahayagan noong dekada ‘70. Ngunit, hindi lahat ng mamamahayag ay may kaparehong kapalaran, gaya nina Almario, Doronila, at Roces. Sa tatlong libong Pilipino na nilipol ng estado, 65 rito ay mamamahayag. Isa na rito si Antonio Tagamolila, dating punong patnugot ng Philippine Collegian at national president ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) na tanyag sa kaniyang tapang at dedikasyon sa pagsisilbi sa bayan—na sa kabila ng banta sa malayang pamamahayag, pinili niyang sumulat nang walang takot at pag-aalinlangan. Mahigit apat na dekada pagkatapos ng Batas Militar, patuloy pa ring dumarami ang mga gaya ni Tagamolila sa lipunan. Duterte, Marcos walang pinag-iba "Just because you're a journalist you are not exempted from assassination, if you're a son of a b*tch," saad ni Pangulong Rodrigo Duterte sa isang pahayag noong 2016, ilang araw matapos niyang manalo sa bilang pangulo ng Pilipinas. Ito ang naging tugon ng berdugo matapos may magtanong tungkol sa mga magiging hakbang niya upang pangalagaan ang karapatan sa pagpapahayag matapos paslangin ang mamamahayag na si Alex Bacoba. Simula ng mahalal ang kawangis ni Marcos na si Duterte, lalong tumindi ang kalagayan ng mga mamamahayag sa Pilipinas. Ayon sa Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), ang mahigit 100 kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag ay maiuugnay sa estado, kung saan kabilang na rito ang 19 na pinaslang. Sa tala ng Global Impunity Index noong nakaraang taon, pampito ang Pilipinas sa mga pinakadelikadong bansa para sa mga mamamahayag. Bagaman bumaba ito mula sa dati nitong panglimang pwesto noong 2019, iginiit ng Committee to Protect Journalists (CPJ) na hindi ito indikasyon na tapos na ang kultura ng pang-aabuso sa mga mamamahayag. “A couple of additional legal developments, meanwhile, do not bode well for ending the cycle of violence and injustice,” saad nito. Pagsulong para sa malayang pamamahayag Gaya ni Marcos, ang diktador at pasistang si Duterte ay takot sa katotohanan. Ang patuloy na pag-atake sa midya ay isang malinaw na manipestasyon na bahag ang buntot ng Pangulo. “Why are they afraid? Because they’re afraid the truth will come out. They are afraid that the watchdog tradition in the Philippine media would assert itself. They are afraid that all the corruption and abuses happening in this regime are going to be exposed. It’s the government that is afraid,” saad ni Sheila Coronel, co-founder ng PCIJ, sa isang forum noong Oktubre 2020. Sa palagay ni Coronel ay takot na ang maraming Pilipino na magpahayag dahil sa kinahihinatnan ng mga alagad ng midya sa bansa, at iginiit nito na mas takot naman ang pamahalaan na may magsiwalat ng katotohanan. Mula kay Marcos hanggang kay Duterte, patuloy ang paniniil sa kalayaan ng mga peryodista ng bayan. Ang dalawa ay diktador na namuno sa magkaibang panahon ngunit may iisang layunin: patayin ang kalayaan ng pamamahayag. Sa kabila ng patuloy na pagbabanta at pag-atake sa midya ng pasistang rehimen, tuloy pa rin ang laban para sa malayang pamamahayag sa Pilipinas.
16 BALITA
the national guilder
martial law anniversary issue
Pagbalikwas: Suliranin s pangkampus sa kasagsa
S
ino ang mag-aakala na ang mga pahayagang pangkampus ay mayroong mas malaking gampanin sa labas ng pamantasan? Isang mahalagang aspeto ang demokrasya tungo sa malayang pagpapalaganap ng impormasyon upang mabatid ng sambayanang Pilipino ang totoong kalagayan ng bansa, kilos ng mga lider, at ang epekto ng kanilang mga desisyon sa pang-arawaraw na pamumuhay ng mga ordinaryong mamamayan. Kaya naman mahalaga ang gampanin ng midya—dyaryo, radyo, at telebisyon, sa paghahatid ng garantisadong balita sa masa. Ngunit ang kalayaan sa pamamahayag mula noon magpahanggang ngayon ay patuloy na nailalagay sa alanganin lumipas man ang daan-daang taon ng ating mahaba at masalimuot na kasaysayan. Sa katunayan, lubos pa itong hinamon ng ideklara ang Batas Militar sa ilalim ng pamumuno ng diktaduryang Marcos. Nang isinabatas ang Batas Militar sa pamamagitan ng
Proklamasyon Bilang 1081 noong Setyembre 21, 19172, ipinasara ng diktador na si Marcos ang mga pahayagan, himpilan ng radyo at telebisyon. Isa sa mga pinasara ang ABS-CBN habang ang mga midya na piniling maging kunsitidor ng pasismo na lamang ang nanatili. Bukod sa pagmamanipula ng mga balita ay nagpapadakip din ni Marcos ang mga mamamahayag na tumutuligsa sa kaniya. Hindi lamang mga pahayagang pang-nasyonal ang kinitil ng diktaduryang Marcos, kasama rin rito ang mga pahayagang pangkampus na masidhi rin ang pagtutol sa pagpapatupad ng Batas Militar. Sa panahon ngayon, marahil ay sumasagi sa atin na dahil sa matagumpay na rebolusyon noong 1986 ay lubos ng nakamit ng mga mamamahayag— propesyonal o sa mga pamantasan ang kalayaan nito na makapag pabalita nang walang banta sa kanilang kaligtasan. Ngunit ang kasaysayan ay nauulit. Ang walang habas na red-tagging ng mga opisyales ng estado ay nagpapatuloy
at ang umiigting na pagpapalaganap ng takot sa mga mamamahayag sa mga unibersidad ay lalong naging balakid. Marahil ay nararapat lang na gunitain ang masalimuot na yugto ng nakaraan upang magbigay-aral sa kasalukuyan na hindi na dapat nauulit ang mga malagim na banta sa kalayaan sa pamamahayag.
Sa ilalim ng diktadurya Kinontrol ni Marcos ang daloy ng impormasyon noong Batas Militar sa pamamagitan ng pagpigil sa kahit anong publikasyon o istasyon na mag-ulat tungkol sa mga pang-aabusong nagaganap sa bansa. Nang dahil sa mga mapangahas ngunit makatotohanang mga artikulo at editoryal na nilalabas ng mga pahayagang pangkampus ay naging mainit sa mata ng diktador na si Marcos ang mga manunulat. Nagdulot ito ng pagkakaroon ng banta sa kanilang mga kaligtasan. Ang Philippine Collegian, opisyal na pahayagan ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman, ay napilitang maglimbag ng blankong pahina sa isang isyu nito dahil pinigilan ng mga awtoridad
ang isang artikulong naglalaman ng pagtutol sa administrasyong Marcos. Samantala, ang unang aktibistang namatay habang nakakulong ay isang campus journalist, si Liliosa Hilao, na siyang patnugot sa pahayagang Hasik ng Pamantasan ng Lungsod ng Maynila, na pumanaw noong 1973. Si Hilao ay inaresto, pinahirapan, at pinaslang sa kaniyang selda. Ilan sa mga artikulong isinulat niya ay may mga pamagat na “The victimization of the Philippines” at “Democracy is dead in the Philippines under Martial Law.” Ang patnugot naman ng Philippine Collegian sa kalagitnaan ng dekada ’70 na si Abraham “Ditto” Sarmiento, isa sa mga nanguna sa mga mag-aaral bilang oposisyon kay Marcos, ay inaresto noong 1976 matapos niyang kwestiyunin ang katiwalian ng estado sa ilalim ng rehimeng Marcos. Dahil sa pagkakakulong ni Sarmiento at taglay na sakit ay tuluyan nanghina ang kaniyang kalusugan at kalauna’y inatake sa puso at tuluyang binawian ng buhay sa piitan noong 1977. Kasama sa represiyon na ito ang College Editors Guild
BALITA 17
the national guilder martial law anniversary issue
sa mga pahayagang agan ng Martial Law of the Philippines (CEGP) na idineklarang iligal sa mga unang taon ng Batas Militar. Ang organisasyon ay itinatag noong 1931 at kagaya ng ibang progresibong grupo ay tinanggalan sila ng kalayaan ng rehimeng Marcos. Dahil sa mga masalimuot na pangyayaring ito, ipinanganak ang alternative at underground press na siyang naging daan ng mga mamamahayag upang ipagpatuloy ang pakikibaka laban sa diktadurya. “The arduous task of resisting oppression and struggling to break free from the clutches of dictatorship, which was championed collectively by
Filipino writers, journalists, communicators, artists and publishers during martial law. . . reminds us of our duty to be constantly vigilant of our rights and responsibilities as citizens,” ani Hermie Beltran, Cultural Center of the Philippines’ literary arts coordinator, sa isang ulat. Giit naman ni Danilo Arao ng Unibersidad ng Pilipinas sa ulat ng Rappler, ang mga pahayagang pangkampus ay naging tapat sa tungkulin nitong panatilihing buhay ang diwa ng malayang pamamahayag sa kabila ng mga restriksyong ipinataw noong Batas Militar. “Analyzing the history. . . [student publications] have functioned as ‘alternative media’ especially during the period of Martial Law. We could say that the Martial Law period prompted student publications such as the Philippine Collegian and The Dawn [of the University of the East] to rise to the occasion,” wika niya.
Aklasang masa at kaestudyantehan Higit apat na dekada na mula nang buksan ni Marcos ang isa sa mga madilim na kabanata ng bansa, patuloy pa rin ang laban ng mga
Bless Aubrey Ogerio
mamamahayag pangkampus na alagaan at panatilihing buhay ang malayang pamamahayag at ang ating demokrasya. Sa isang pagtitipon, iginiit ni Senador Risa Hontiveros sa isang ulat ang mahalagang papel na ginagampanan ng mga pahayagang pangkampus sa ating bansa. Binanggit niya ang mga salita ni Abraham Sarmiento Jr., dating editor ng Philippine Collegian, “Kung hindi tayo kikilos? Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi ngayon, kailan pa?” Kahit na ang mga publikasyong ito ay pumapatungkol lang sa kani-kanilang mga kolehiyo at unibersidad, malawak ang impluwensya nito na kahit ang mga ordinaryong mambabasa ay nagbabasa ng kanilang mga artikulo, wika ni Arao. “While students remained the primary audience, we would sometimes distribute a few copies to striking workers so that they may be updated on feature articles that discuss labor issues. There were also times when the editorials published in the Collegian would be reproduced as ‘wall news’ in other schools,” dagdag niya.
Hamon sa kasalukuyang panahon Paano nga ba sisilab ang apoy sa mga kabataang mamamahayag kung sila ay hinahadlangan at pinatatahimik ng mga nasa kapangyarihan sa pamamagitan ng red-tagging– pagpaparatang na kasapi sa Bagong Hukbong Sandatahan ang ilang mga maga-aral ng walang matibay na ebidensya o testimonya? Sa nalalapit na paggunita sa pagbaba ng Proklamasyon 1081, ang mapait na alaala ang siyang dapat tumulak sa henerasyon ngayon upang mas maging mapanuri sa mga nais wasakin ang kalayaang ipinaglaban ng matagal. Noong 2020, inilahad ng CEGP na higit 1,000 na ang mga kaso ng pangaabuso laban sa mga campus journalists simula 2010. At ang distance learning ay maaaring makapagpalala sa sitwasyon. “At this time, student publications are becoming a subject of repression and suppression, especially in the form of school administration’s manipulation that was intensified through the Universal Access to Quality Tertiary Education Act or the free higher education law,” sabi ni Regina Tolentino, deputy secretary-general ng CEGP.
18
the national guilder
martial law anniversary issue
Ipaglaban: Katarungan at karapatan laban sa “Red-tagging” Angelica Eruela Butalid
S
a gitna ng pandemya na talamak na sa ating bansa umusbong namawn ang “Red-Tagging” na itinuturing panliligalig o pag-uusig sa kahit sino na tao dahil pinaghihinalaang nakiki simpatya sya sa komunismo na organisasyon. Ngunit walang basehan o matibay na ebidensya ang batayan nito kundi puro lamang paratang at panggigipit sa mga mamamayang Pilipino. Di lingid sa kaalaman ng mga tao na ang “Red-tagging” ay isang uri sa pang aapi, pang-aabuso at pag labag sa karapatang pantao dahil nga walang konkretong basehan ang pagsampa nito laban sa tao napinanghinala-an. Kumbaga, sa “Redtagging” sumiklab ang “Done Process at Hindi Due process”. Sabi nga ni Chel Diokno “Kung si Liza, Angel at Cartriona e ganon nalang pagbantaan ng mga nasa pwesto, paano pa yung mga ordinaryong mga Pilipino?” Ibig sabihin ang “Red-tagging” ay walang pinilipi ma pa sikat ka man o isang lihetimo basta napag hinalaan ka na isa kang kaalyado sa komunistang pangkat tiyak “Red-tagging ang isampa nila sayo. Kaya mag ingat tayo dito at gawin ang mga sumusunod na legal na hakbang na makakatulong sa atin para mabigyan ng hustisya ang mga maling paratang . “Ang mga biktima ng red tagging ay maaaring gumamit ng batas upang sundin ang mga responsable sa paninira sa kanila. Maaari silang maghabol para sa utos, pinsala, libelo, amparo, o habeas data. Maaari silang maghain ng mga reklamo sa Ombudsman, sa Armed Forces of the Philippines, at sa Philippine National Police. At maaari nilang iulat ang pulang pag-tag sa Commission on Human Rights at United Nations.” - Chel Diokno Ito ang mga sumusunod na hakbang: (Injunction). Ang mga biktima ng red-tagging ay maaaring mag-file ng petisyon para sa utos at pansamantalang pagpipigil sa order. Pinsala. Ang mga nabiktima ng red-tagging ay maaari ring maghain ng isang demanda sa sibil para sa mga pinsala laban sa taong responsable, sa ilalim ng Artikulo 32 ng Kodigo Sibil, na nagbibigay ng anumang opisyal ng publiko o pribadong tao na direkta o hindi direktang hadlang, ay lumalabag,o pinipinsala ang karapatan ng isang tao sa kalayaan at seguridad ng tao, karapatang maging miyembro
ng mga samahan para sa mga hangaring hindi salungat sa batas, o karapatang lumahok sa mgamapayapang pagpupulong upang ang petisyon ng Gobyerno para sa pag-ayos ng mga karaingan, bukod sa iba pa, ay mananagot sa mga pinsala . Libel. Ang mga biktima ay maaari ring magsampa ng mga kasong sibil o kriminal na paninirang-puri laban sa taong responsable, dahil sa pinsala sa kanilang karangalan at reputasyon. Mga reklamo sa pamamahala. Ang mga reklamo para sa maling pag-uugali at iba pang mga pagkakasala sa administrasyon ay maaaring isampa sa mga sumusunod na tanggapan: a. Ang Opisina ng Deputy Ombudsman for the Military and Other Law Enforcement Office (OMB-MOLEO); b. Ang Opisina ng Chief of Staff at ang Opisina ng Inspector General ng Armed Forces ng Pilipinas; c. Ang Opisina ng Inspektor Heneral at ang Panloob na Serbisyo sa Panloob ng Pambansang Pulisya ng Pilipinas. Kung iginawad, ang mga reklamo ay maaaring magresulta sa pag suspinde o pagtanggal sa militar o tagapagpatupad ng batas. Court-martial. Tulad ni Atty.Ted Te, kamakailan ay itinuro, ang mga opisyal ng militar na responsable para sa pulang pag-tag ay maaaring managot sa mga martial ng hukuman sa paglabag sa mga sumusunod na Artikulo ng Digmaan: a. Ang Artikulo 91, na nagbabawal sa sinumang napasailalim sa batas ng militar mula sa paggamit ng anumang mapanirang o nakakaganyak na pananalita o kilos sa iba; b. Artikulo 94, na naglalaan na ang sinumang napapailalim sa batas ng militar na gumawa ng anumang krimen o paglabag sa batas pinaparusahan bilang isang kriminal na pagkakasala ay parurusahan bilang isang pandaratang militar na maaaring idirekta;
19
the national guilder martial law anniversary issue
c. Ang Artikulo 96, na nagbabawal sa pag-uugali ng hindi pagiging karapat-dapat sa isang opisyal at isang ginoo at nagbibigay ng sinumang nahatulan sa pagkakasalang ito ay maalis sa serbisyo; at
d. Ang Artikulo 97, na nagsasaad na "lahat ng mga karamdaman at napapabayaan sa pagtatangi ng mabuting kaayusan at disiplina ng militar," at lahat ng pag-uugali na nagdudulot ng serbisyong militar, "ay makikilala ng isang… hukuman militar ... at parusahan sa paghuhusga ng korte. " Mga sulat ng habeas data at amparo. Ang mga biktima ng red-tagging ay maaari ding mag-file ng mga petisyon para sa writs ng habeas data at amparo. Habang ang mga nakaraang petisyon ng amparo para sa red-tagging ay hindi umunlad, ang iyong kaso ay maaaring ang isa upang butasin ang belo ng paglilitis. Ang Amparo ay idinisenyo upang protektahan ang aming karapatan sa buhay, kalayaan at seguridad ng tao at dapat maging isang kalasag upang maprotektahan tayo mula sa pulang pag-tag. Ang data ng Habeas ay maaari ring ipagawa upang maprotektahan ang karapatan sa privacy sa buhay, kalayaan o seguridad ng tao na mapanganib sa pamamagitan ng pulang pag-tag. CHR and the United Nations. Maaari ring iulat ng mga biktima ang red tagging sa Commission on Human Rights (CHR) at sa mga sumusunod na katawan o opisyal ng United Nations:
(1) Ang Human Rights Council; (2) Ang Komite para sa Karapatang Pantao at iba pang mga Komite ng UN; at (3) ang iba't ibang mga Espesyal na Rapporteur (sa karapatang pantao, pagpapahirap, extrajudicial na pagpapatupad, karahasan laban sa mga kababaihan, at mga katutubo, bukod sa iba pa. Mga Pilipino huwag po tayong matakot at gawin po natin ang nararapat para ipaglaban ang ating mga karapatan at di natin hayaan na apakan ang ating mga karapatan na magpahayag dahil ang katarungan ay laging nangingibabaw. Kapag na red-tag maaari itong kontakin ang mga numero sa ibaba: Larawan mula sa: Kabataang tagapagtanggol ng karapatan Ayon sa artikulo ni Jhonny Magalona, “Malinaw na ang ‘red-tagging’ ay mapanganib sa ating lahat at sinomang maparatangang maka-kaliwa ay awtomatikong kalaban ng estado. Kaya nakababahala ito dahil kung titingnan natin ito, dito umusbong ang impresyon sa isang tao bilang kalaban, promotor ng gulo, o kay ay mas malala pa bilang isang terorista.” Ano nga ba ang mangyayari kapag ikaw ay na red-tag? Ayon sa Vera Files, “Kung ang korte ay pumabor sa gobyerno, ang mga tao at grupo na
pinaghihinalaang -- hindi kinakailangang napatunayan -- na may kaugnayan sa CPP-NPA ay maaring ilagay sa ilalim ng pagmamatyag, ang kanilang mga pag-aari ay ipagbawal na magalaw, o kahit ikulong ng walang isinasampang kaso.” Dagdag pa dito, Kung idineklara ng korte ang Communist Party ng Pilipinas na isang grupo ng terorista, ang mga biktima ng red-tagging ay maaaring mapailalim sa: Pamamagitan at pagtatala ng komunikasyon. Sinabi ni Sec. 7: Sa nakasulat na utos ng Court of Appeals (CA), maaaring itala at bigyang kahulugan ng pulisya ang anumang komunikasyon (sinasalita o nakasulat) ng isang taong pinaghihinalaan o sinisingil sa paggawa o pagsasabwatan upang gumawa ng isang kilos ng terorismo, maliban sa pakikipag-usap sa isa abugado at / o doktor, at mga mamamahayag. Detensyon nang walang singil. Sinabi sa Sec. 19: sa kaganapan ng isang aktwal o napipintong pag-atake ng terorista, ang mga taong hinihinalang terorismo o pagsasabwatan ay maaaring makulong ng walang pag singil, basta naaprubahan ito ng isang hukom ng munisipyo / rehiyonal na korte ng paglilitis, ang Sandiganbayan, o CA na pinakamalapit sa lugar ng pag-aresto. Pinaghihigpitang paglalakbay at personal na kalayaan. Sinabi sa Sec. 26: Ang mga taong sinisingil ng
terorismo o pagsasabwatan - kahit na bigyan ng piyansa dahil sa kawalan ng matibay na ebidensya - ay maaaring limitahan sa munisipalidad ng isang tao o ilagay sa ilalim ng pag-aresto sa bahay, at / o ipinagbabawal na gumamit ng mga cellular phone, computer o iba pang paraan ng komunikasyon sa mga sa labas ng tirahan. Pagsusuri sa mga tala ng bangko. Sinabi sa Sec. 27: Ibinigay na may probable sanhi, maaaring pahintulutan ng CA ang pagpapatupad ng batas upang suriin ang mga tala ng bangko / pampinansyal ng mga taong sisingilin o pinaghihinalaan na gumawa o nagsasabwatan upang gumawa ng terorismo. Pag-agaw at pagsamsam ng mga pag-aari. Sinabi sa Sec. 39: Ang mga deposito, natitirang balanse, negosyo, kagamitan sa transportasyon at komunikasyon, at iba pang mga pag-aari at pag-aari ng mga taong sinisingil o pinaghihinalaan na gumawa o nagsasabwatan upang gumawa ng terorismo ay dapat sakupin, isquester at i-freeze.
20
the national guilder
martial law anniversary issue
NOON AT NGAYON:
MARCOS AT DUTERTE WALANG PINAGKAIBA Rodolfo Dacleson II
diktadurang Marcos
“Ginintuang panahon” Ganyan ilarawan ng iilan ang estado ng masa sa panahong Batas Militar magmula ng ito’y ideklara noong Setyembre 21, 1972 sa bisa ng Proklamasyon Blg. 1081. Malago raw ang ekonomiya ng Pilipinas nang panahong iyon at pumangalawa pa sa Asya. Anila, kay daming nagtayuang mga gusali’t pamosong imprastrakturang din ang naipatayo. Gayunpaman, hindi nito maikukubli ang mga numerong patunay nang sinapit na marhinalisasyon, pang-aapi at kawalang katarungan ng mga Pilipino sa ilalim ng diktaduryang Ferdinand Marcos. Sama-sama nating baybayin ang mga istadistikang dapat malaman ng mamamayan upang makita ang totoong mukha ng pasistang rehimen.
libo-libong paglabag sa karapatang pantao
A
yon sa Amnesty International, tinatayang may kabuuang 107,240 kaso ng paglabag sa karapatang pantao sa ilalim ng batas-militar. Mula rito, tinatantyang nasa mga 70,000 katao ang dinakip ng awtoridad ng walang “warrant of arrest”. Nasa 34,000 naman ang sumapit ng iba’t ibang uri ng pang-aabuso sa kamay ng puwersang estado. Tumabo sa 3,240 ang bilang ng napaslang sa pamumuno ni Marcos partikular na ang mga kritikal sa administrasyon. Sa tala ng William S. Richardson School of Law Library sa University of Hawaii, 783 ang mga nawala o tinaguriang “desaparecidos” noong Batas Militar. Pinaghihinalaang sapilitang dinukot at dinala sa hindi malamang lugar ang mga biktimang hanggang ngayon ay
binusalang bibig hindi pa rin natatagpuan o nakauwi sa kanilang tahanan. Kung may karapatan mang lubos na naabuso noong Batas Militar, ito ay ang malayang pamamahayag. Liban sa mga Pilipinong napilitang itikom ang bibig kahit nasa katwiran, nawalan din ng kapangyarihan ang mga peryodistang maisulong ang boses ng minorya sapagkat ipinasara ni Marcos ang nasa 464 media outlets. Sila ang unang biktima ng diktadurya na saksi man sa lantad na kabulukan ng sistema’y kailangang manahimik
bilyon-bilyong utang-panlabas alang-alang sa kanilang seguridad at mga mahal sa buhay. Matapos ang Martial Law, nag-iwan si Marcos ng tumatanginting na 28 bilyong dolyar na halaga ng utang-panlabas na kailangang bayaran ng mga sumunod na henerasyon. Pilipinas ang nangunang bansa noong 1986 sa buong Asya na may pinakamalaking utang. Masama pa nito, hindi naman napakinabangan ng bayan ang nasa 33 porsyento o walong bilyong dolyar ng naturang utang sapagkat tinangay ito ng mga Marcos at kanilang mga kaalyado.
bagsak na ekonomiya Paniwalang-paniwala ang marami na maunlad ang bansa noong namamahala pa si Marcos. Ngunit, sa katotohana’y ito’y noong umpisa lamang nangyari. Mula 6.25 % noong 1972, pumalo sa 11.058 % ang bilang ng mga walang trabaho nang sumapit ang taong 1985. Nasa 58.9 % Pilipino naman ang nakaranas ng kahirapan nang 1985. Dumating pa sa puntong ang katumbas ng isang dolyar ay anim na piso dahil ininda ng bansa ang pangungutang ng diktador upang gamitin sa pandaraya noong Halalan 1969. Naitala rin sa panahon niya ang pinakamalalang pagtataas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Ang dating 10 % inflation ay umariba sa 50% mula 1983 hanggang 1984.
21
the national guilder martial law anniversary issue
rehimeng Duterte Tila bumalik ang alaala ng nakaraan sa pag-upo ni Rodrigo Duterte sa Malacanang. Simula't sapul nang maluklok sa kanyang kinauupuan, hindi nawala sa bokabularyo ng ber dugo mula Davao City ang karahasan, pagdanak ng dugo at pagkitil ng buhay. Naging simbolo ng kanyang administrasyon ang kamay na bakal upang disiplinahin ang masang humihingi ng ayuda't suporta sa pamahalaan. Gaya ni Ferdinand Marcos, hindi maitatago ng proyektong Build, Build, Build ng pangulo ang kalunos-lunos na estado ng karapatang pantao sa bansa, malayang pamamahayag at korapsiyon sa gobyerno.
giyera kontra inosente
K
aliwa't kanang pagpatay ang naitala magmula ng mahalal si Duterte. Ayon sa ulat ng Philippine National Police (PNP), nasa 7,025 katao na pinaghihinalaang sangkot sa droga ang napatay sa operasyon ng pulisya kabilang na ang 17-taong gulang na si Kian Delos Santos mula Hulyo 1, 2016 hanggang Enero 30, 2017. Ngunit, hindi rito kasama ang libu-libong biktimang pinaslang ng mga hindi pa nahuhuling mamamatay-tao na umaabot sa 27,000.
bawal ang aktibismo't pakikibaka Dumanak din ang dugo ng mga aktibista, lider ng komunidad, magsasaka at iba pang kritikal sa gobyerno o tumitindig para sa kanilang karapatan. Mula Hulyo 1, 2016 hanggang Agosto 27, 2019, 116 ang naitalang kaso nang pagpatay sa Negros. Karamihan sa mga ito ay mga magsasakang patuloy — isang senyales na ito'y matagal nang alitan sa lupang sinakahan. Noong Marso 7, 2021, naganap ang tinaguriang "Bloody Sunday" sa Timog Katagalugan. Siyam na aktibista sa iba't ibang panig ng Rehiyon 4-A ang napatay dahil nanlaban 'di umano sa awtoridad. Isinagawa ang malawakang operasyon dahil ipinag-utos ni Duterte ang pagkubkob sa mga komunistang grupo. Lumipas na ang ilang taon ngunit hindi pa rin nakakamtam ng mga pamilya ng nasawi ang katarungan.
utang dito, utang doon Habang dumarami ang bilang nang nagkakasakit ay namamatay dahil sa COVID-19, palaki rin nang palaki ang utang ng Pilipinas sa ilalim ng administrasyong Duterte. Ayon sa Bureau of Treasury, pumalo na sa 11.6 trilyong piso ang hiniram na pera ng pamahalaan sa pagtatapos ng buwan ng Hulyo. Mas mataas ito ng apat na porsyento kumpara noong Hunyo. Gayunpaman, hindi naman nangangahulugang nagamit ang pondong inutang upang buhayin ang naghihingalong ekonomiya't masuportahan ang sektor ng kalusugan. Umiigting pa rin ang kahirapa't kagutuman.
pabaya sa pandemya Dahil mas pinili ng pamahalaan ang solusyong militar upang matugunan ang pandemya, patung-patong na ekonomikong problema ang kinasadlakan ng bansa. Sa sarbey na isinagawa ng Social Weather Stations (SWS) mula Hunyo 23-26, 2021, tinatayang nasa 3.4 milyong Pilipino ang nakaranas magutom nang isa o higit pang beses noong Abril hanggang Hunyo ngayong taon. Bukod pa rito, isa rin ang Pilipinas sa mga bansang lumobo ang bilang ng mga walang trabaho sa Asya, ayon sa Asian Development Bank (ADB). Noong 2020, higit apat na milyong Pilipino ang nawalan ng hanapbuhay dahil sa istrikto ngunit hindi namang epektibong community quarantine.
pandemya na, nakawan pa Nasayang lang ang 67 bilyong pondo ng Department of Health (DOH) na napakinabangan sana ng mga nars at doktor sa pakikipagtunggali kontra COVID-19. Kawawa rin ang mag-aaral sa kolehiyo na naapabutan sana ng tulong ng Commission on Higher Education (CHED) kung inilaan nang buo ang halos 73 bilyon nitong pondo. Nasa tinatayang 60 bilyong piso lamang ang ginamit ng komisyon. Sa nakaraang pagsisiyasat ng Commission on Audit (COA), dalawa lamang ang DOH at CHED sa mahabang listahan ng mga ahensiyang may bahid ng anomalya kahit may pandemya.
22 LATHALAIN
the national guilder
martial law anniversary issue
PAANO NATIN BIBIGYANG ARAL ANG MGA LOYALISTA--O KAYA BA NATIN? Lance Tolentino
“Golden age,” “Marcos is the best president,” “Kung buhay si Marcos, baka maganda pa rin ang Pilipinas.” Ito—ay hindi lamang mga kundiman ng pagsamba, ngunit boses ng ignoranteng mga Pilipino. Noong 2016, si Marcos ay hinimlay sa libingan ng mga bayani na nagkislap ng hindi maituring na diskurso kundi bugbugan ng mga salita sa pagitan ng mga liberal, aktibista, at mga biktima laban sa mga loyalista o kilala bilang mga “Marcos Apologist.” Ang matimbang na katanungan, kung gayon, na dapat nating sagutin ng may dangal bilang mga edukado ng bayan ay, paano mailalagay ng isang indibidwal tulad ko ang mga loyalista patungo sa gitna ng mga pahinang nakatinta ang katotohanan, sa sapatos ng isang naabuso, at sa lindol dulot ng Martial Law hanggang ngayon? Paano maisasakatuparan ng edukasyon at pagpapalaganap ng katotohanan sa mga loyalista ng ating panahon kung sa kabilang banda ay pinili nilang maging ignorante? O baka naman, hindi nila pinili maging ignorante, pero idiniin ito ng lipunan sakanila kaya sila naging ganon? At saka, bilang “woke” ng lipunan, bilang mga edukado, bilang mga kabataang may mga matang pinupukaw ang pula sa gitna ng krisis, bilang
mga kritiko at watchdogs, kakayanin ba natin gampanan ang tungkulin na iyon? Magbabago kaya sila? Naniniwala akong ang Marcos Apologists mismo ay biktima din ng institusyonal, estado, at pampamilyang indoktrinasyon. Kinakailangan din natin, bilang mga edukado, na suriin ang kanilang personal na karanasan. Halimbawa na lamang sa sektor ng edukasyon. Naalala ko na ang pinunong guro ng aming debate society noong Senior High School ay nakapanayam ko patungkol dito. Sinabi niyang ang mga guro noong nag-aaral siya ay ipinabatid sa kanila na nasa tuktok ng langit ang ekonomiya noong panahon ni Marcos na matagal nang napatunayan na pawang kasinungalingan lamang. Ang pagpako ng isang guro ng kaniyang pampolitikang paniniwala sa kaniyang mga estudyante ay isang malaking kadahilanan at halimbawa kung bakit nagiging apologist ang isang tao. Ang indoktrinasyon ay napapanahon din sa perspektiba ng estado. Katulad na lamang nang pag-apruba ng Korte Suprema sa pagpapalibing kay Marcos sa libingan ng mga bayani. Ito rin ay masasabing isang uri ng indoktrinasyon dahil ginamit ng ng mga kinauukulan ang kanilang sariling paniniwala upang
the national guilder martial law anniversary issue
LATHALAIN 23
tapusin na ang problema. Ang indoktrinasyon ay pananaw na pagtatalo. May iilan pa ring sumubok ipagsawalang-bahala ang walang kritikal na pagsusuri at nananatili lamang sa perspektiba madugong kasaysayan na sinagot naman ng mga tulad kong ng gumagawa nito na nagsasabing iisa lamang ang katotohanan bukas ang kaisipan. Pero ang pangyayari ay kumulo at ang puso na siyang dapat mamayagpag. Sinabi ni Teresita sa isang panayam, ko para sa pagdepensa sa totoong nangyari ay tumingkad na ang isa sa mga bumoto ng pagpapalibing, ang libingan daw ng mga para bang nababagang apoy habang ako ay masigasig na tumubayani ay hindi para sa mga totoong bayani kundi para lamang sa tugon sa komentaryo ng mga Loyalista. Sa kasamaang palad, ang mga sundalong nanilbihan para sa bayan. Makikita ang tahasang emosyon ko ay kumakawala sa tanikala ng pagiging kalmado pang-aabuso nila sa kanilang kapangyarihan na magdesisyon para sa pag-argumento; hindi ko na natiis—at sumabog na parang sa bayan, at ang pangyayaring ito ay salamin nang pagkalimot sa pikolo. kuko ng liwanag noong Martial Law, sa mga biktima, at sa mga walang habas na napaslang at pinagkaitan ng karapatan. Dalawang bagay ang aking natutunan: una, ang pagbibigay ng aral sa mga matatanda na sarado ang isipan ay sayang oras Sunod sa puntong ito ang pampamilyang indoktrinasyon. Ito ay lamang, sapagkat kahit gaano man kagaling ang nagpapaliwanag matuturing na micro-perspective o ang pagbibigay ng pokus sa kung wala namang balak magwaksi ng kanilang natutulog na indibidwal at sa kanilang sariing pag-iisip, gayunpaman, malaki isipan ay wala ring patutunguhan ang isang diskusyon; at huli, ang sakop nito sa usaping pampolitika. Dahil ang pamilya ay isa walang mali na magalit tungkol doon dahil ito ay maaaring ring grupong politikal, hindi lamang personal. Pamilya ang unang repleksyon lamang ng desididong pagwawasto sa kamalian. nagiging sandigan ng mga kuro-kuro sa mundo, mula sa kung ano ang totoo at hindi, kung ano ang bawal at maaari, hanggang sa Kailangan natin alalahanin—simbolo ng kawalan ng simpatiya kung ano ang tama at mali. Ang mga magulang ay ang nagsisilbing sa mga ka-henerasyon nilang naging biktima ng Martial Law katalista sa paghulma ng kanilang mga anak upang manilbihan sa ang pagdepensa ng matatanda sa rehimeng Marcos. At hindi na bayan at maging huwarang mamamayan hindi para sa pansariling natin matatama ang pinili nilang prinsipyo. At karamihan ng interes lamang. sitwasyon, ang kamangmangan mula sa aral ng Martial Law ay isang desisyon. Ngunit, taliwas ang paghulma ng kritikal na pag-iisip ng bata sa pagtalakay sa personal na paniniwala ng mga magulang. MaihaAt sa huli, ang galit ay sapat na rason sa ganoong sitwasyon halintulad ito sa sitwasyon naming magkakapatid, kami ay naniwa- dahil ang galit ay pag-sagisag din ng pagmamahal para sa mga la na magiting na presidente si Marcos, noon. Ito ay nanggaling sa biktima. Noong hindi ko kinayang panatilihin ang aking galit, paniniwala ng aking ina, na ayon sa kaniya, mga pasaway lang daw napaisip ako—kailangan mo nga bang magalit? At namulat sa ang mga namatay noong Martial Law. katotohanan na—oo, kailangan natin. Dahil kung ang batas ay hindi nagbibigay ng katarungan sa mga biktima, tanging galit Ang isang posibleng solusyon sa suliranin ng pagtalakay ng ang magbibigay ng hustisya sa mga ito. Martial law history ay repormasyon. At kapag may repormasyon, ay mayroong kasunod na dahan-dahang pag-usbong. Tingin ko, At dahil sa mga sinabi ko, ito ay nakaugnay sa pagtalakay ng kailangan natin magsimula sa pampamilyang pagbabago. Dapat kasaysayan sa mga bata na may kasamang hinhin ng boses, samay oryentasyon ang mga magulang na hindi dapat nila sapilitang pagkat sila ay mas bukas kaysa sa mga may-edad na. Kailangan ipakain ang kasinungalingan na kanilang natanggap sa iba. Ang natin magsimula sa bata dahil sila ang buto ng tinubuang lupa bata, kahit nasa development stage pa lamang, ay matututunan ng ating bayan, na nakatadhana manilbihan sa bayan sa anunang mag-isip para sa sarili at para sa bayan. Sunod, ang pagbaba- mang paraan. Kaya importanteng ihugis natin ang mga isipan go sa sistemang pang-edukasyon sa bansa. Ang malalaking sugat at puso ng mga nakababatang henerasyon na maging kritikal sa ng sistemang ito ay kawalan ng maraming detalye tungkol sa kas- kanilang natatanggap na impormasyon at kapag nalaman na nila aysayan ng Martial Law. Kahit pa sa panahon ko, naituturo na ang kung ano ang totoo sa hindi, dali-dali nilang yayakapin ang mga Martial Law sa murang edad, ang tanging napulot ko lamang sa sugatan at mga kaluluwa ng Batas Militar, na hanggang ngayon, aming araling-panlipunang guro ay: “Diktador si Marcos, period.” nawawalan ng landas dahil wala ang katarungan na dapat natatAt panghuli, ang pagbabagong-hulma ng estado sa pagtalakay ng amasa nila at kanilang mga pamilya, na kahit kalansay, ay hindi inialay na dugo at pawis ng mga nakibaka para sa kasalukuyang matagpuan. At baka malay mo, ang mga batang ito—sila ang kalayaan, na ngayon ay niyuyurakan ng rehimeng Duterte. magpapalaya sa mga kaluluwang ito. Sa aking karanasan, ako ay nakausap na sa apologists noong ako’y nagpost ng incomplete review at repleksyon ng aking librong binabasa na The Subversive Lives: A Family Memoir of the Marcos Years. Sa una, nakatanggap ako ng parehong sentimento ukol sa pagreporma ng edukasyon sa Pilipinas upang matuldukan ang suliranin ng pagtanggi ng kasaysayan at sa pagbigay simpatiya sa mga biktima ng Martial Law. Ngunit, hindi pa rin maiiwasan ang
At gusto kong mag-iwan, para sa batang mambabasa ng obrang ito, ang rebolusyonaryong wika ni Ditto Sarmiento (1950-1977, former Philippine Collegian editor, Martial law victim): Kung hindi tayo kikibo, sino ang kikibo? Kung hindi tayo kikilos, sino ang kikilos?
24 LATHALAIN
the national guilder
martial law anniversary issue
Pahinang May Tintang Pula
George Rivera
PINASLANG. PINAHIRAPAN. KINULONG.
T
atlong salitang naglalawaran sa lagim at dilim na sinapit ng mga mamamayang Pilipino kalahating siglo mula nang ipinatupad ang Batas Militar noong 1972. Ang pagyurak sa karapatang pantao noong panahon ng Batas Militar ni Ferdinand Marcos, dating pangulo, ay laganap at tila walang katapusang pasakit, hinagpis, at pagdurusa. Kulang ang mga salitang “kirot sa dibdib” upang iguhit ang karahasan at pambababoy sa buhay noon. Hindi lamang pisikal na sakit ang naranasan ng sambayanan nang magsimula ang diktadurya ng kamay na bakal kundi pati na rin sa mental, sikolohikal, ispiritwal, at pag-uugali – mga aspetong bumubuo sa katauhan ng isang indibidwal. Tila naging isang nakasusulasok na yugto na naitala sa kasaysayan hindi lamang sa Pilipinas kundi sa buong mundo ang mapanglaw na kahapon na puno ng takot at pang-aabuso. Ayon sa Amnesty International, 70,000 ang naikulong na hindi sumailalim sa kaparaanan ng batas, 34,000 naman ang walang habas na pinahirapan, at mahigit 3,000 ang indibidwal na pinaslang simula 1972 hanggang 1981. Mas nakadudurog ng damdamin ang mga paraan upang maisakatuparan ang pagpapahirap sa mga Pilipino. Ilan sa mga ito ang panggagahasa, pangunguryente habang basa ang katawan, pananakal, Russian roulette, pagpilit na pagpasok ng tubig sa bibig at pag-alis nito sa pamamagitan ng pambubugbog, panglilibing nang buhay, panlalambitin nang nakapatiwarik, at iba pang sistema na repleksyon ng tahasang paglabag sa karapatang pantao. Tunay ngang hindi maikukubli ang karumal-dumal na ininda ng masa sa kapanahunan ni Marcos. Hindi lamang ang paglabag sa karapatang pantao ang naging suliranin kundi pati na rin ang walang habas na pagnanakaw sa kaban ng bayan at paniniil at pagpapatahimik sa midya. Mistulang naging alipin ang Pilipinas, sunod-sunuran sa kamay ng isang nagkukunwaring hari na wala namang alam gawin maliban sa patuloy na hindi pagkilala sa katuturan ng buhay
ng kapwa niya Pilipino—buhay na wala ni katiting na halaga sa pananaw ng may pasistang isipan. Hanggang ngayon, marami pa ring sariwa ang sugat sa sakit na dala ng kahapon na tila ba hindi na muling gagaling at babalik pa sa dati nitong anyo. Hindi pa rin maialis at wari’y hindi na maiaalis ang pasakit sa puso’t isipan ng mga biktima ng kalupitan ng naganap noong panahon ng Batas Militar. Hindi maiwasan na balikan at talakayin ang mga ganitong kaganapan sapagkat may mga indibidwal na pilit na nagsusulong sa pagbalik ng malagim na kahapon. Kaya naman, marapat lamang na itimo sa isipan ng bawat mamamayang Pilipino kung gaano kadilim ang sinapit ng masa noong rehimeng Marcos. Huwag hayaang magkibit-balikat sa mga maling gawain na nangyayari sa bansa. Tumindig at patuloy na isigaw ang karapatang pantao sa harap mismo ng mga taong patuloy na binabalewala ang kahalagahan ng buhay ng isang Pilipino. Sikaping huwag nang muling maulit pa ang pahina na walang laman at ang kwento ng karahasan na may tintang kulay pula dahil karapatan ng masang Pilipino na maging ligtas sa sarili nitong bayan.
N A N A N A N A N A
N N I A G A R NEVE N I A G A R E V AGAINNE R E V E N N I A NEVERAG N I A G A R E V E AGAINN R E V E N N I A NEVERAG N I A G A R E V AGAINNE R E V E N N I A G NEVERA N I A G A R E AGAINNEV R E V E N N I A NEVERAG N I A G A R E V E AGAINN R E V E N N I A G N E V E R A THE NATIONAL N I A G GUILDER A R E V AGAINNE R E V E N N I A NEVERAG The official publication of College Editors Guild of the Philippines
fb.com/CEGPNationalOffice
tw.com/@CEGP_TNG issuu.com/thenationalguilder