Vol.XXXII Isyu Blg. 13
Cong.Teves binalaan ang NORSU admin
Agosto 25 - 31, 2014
Pastora ipinapatanggal ang murals ng frats Ni John Dave V. Laturnas
Ni John Dave V. Laturnas
BINALAAN NG NEGROS Oriental 3rd District Congressman na si Pryde Henry Teves ang administrasyon ng Negros Oriental State University (NORSU), na kapag hindi nalutas ang mga isyung hinaharap nito, hindi niya ipapaapruba sa kongreso ang 2015 badyet ng unibersidad. Sa isang panayam
na ipinalabas sa FilNews CATV-6, inihayag ni Teves, isa sa mga miyembro ng Board of Regents (BOR), na walang deliberasyong mangyayari ukol sa pag-apruba ng badyet ng NORSU sa kongreso, kapag hindi maisasaayos ang mga isyung kinasasangkutan nito. “ A k o n i i - p ro m i s e n i n y o [NORSU admin], kung dili gani ma-resolve ang isyu sa NORSU karon, dili nako ipa-deliberate ang budget sa NORSU next year…kung dili nila na solbaron, walay budget
ang NORSU next year,” pahayag ni Teves. Inilahad din niya ang kanyang pagkadismaya sa hindi pagsipot ng karamihan sa mga miyembro ng BOR sa napagkasunduang pagpupulong noong ika-4 ng Hulyo. “Let them call for a board meeting. Let them all be present,” mungkahi nito. Dagdag pa niya, “Dili ko ganahan anang dili mutungha para walay quorum nga mahitabo.” CONG. TEVES BINALAAN... pahina 4
Ilan sa mga mural na nakapinta sa pader ng NORSU. (Larawan ni Kim Eden Felize B. Belnas)
NAGSUMITE NG REKLAMO sa Student Affairs Services (SAS) ang isang pastora ng Christian Cooperation Ministry Inc. noong Agosto 3 ukol sa pagpapatanggal nito ng murals ng mga rehistradong fraternities ng NORSU.
Cong. Teves sa isang bidyung nakunan ng Fil Products CATV-6.
Estudyante nahuling may dalang patalim Ni John Dave V. Laturnas
NAHULI NG UNIVERSITY Security and Management Office (USMO) ang isang Norsunian na may dalang patalim sa loob ng kampus, umaga noong ika-11 ng Agosto. Ayon sa guwardiya na si Roberto Buquiran, ang estudyante na kinilala bilang si alyas ‘Siga’ ay nakita niyang may
ibinulsang patalim habang ito’y pumapasok sa kampus. Paliwanag pa niya, sinita niya ito subalit hindi man lang ito namansin. Agad naman niya itong isinumbong kay USMO Chief Officer Benjamin Valencia at kusa itong sumama at isinuko ang naturang kutsilyo. Sa kabilang panig, inilahad ng ESTUDYANTE, NAHULING MAY... sa pahina 4
Maiging nakikinig ang mga estudyante ng Computer Science and Information Technology habang nagtatalakay ang tagapagsalita na si Mary Dawn I. Valencia ukol sa paglinang ng kani-kanilang personalidad, noong naganap na Interpersonal Relationship Seminar nila sa Le Toundra, Bacong. (Larawan ni Kent S. Mapula)
Ayon kay Rev. Abdoriana Abejero Café, ang mga murals ng frats ay nagpapakita ng masamang halimbawa sa publiko. “I believe that students themselves seek fraternity/ sorority groups in the campus, their presence need not to be advertised on walls,” ayon sa sulat nito. Kinwestyon din ng pastora ang kapabilidad ng administrasyon ng NORSU sa pagmomonitor ng mga fraternities.
“Do you think school offices could be charged with administrative case if they are remiss in monitoring fraternities/sororities especially hazing causing deaths?” saad niya. “Since 1952, more than dozens of deaths caused by hazing which some have not been noticed and arrogated justice,” dagdag pa nito. Sa halip ng mga fraternity murals, iminungkahi ng pastora na mas nakabubuti kung papalitan ito ng mga islogan at sawikaing may moral na kabuluhan. Bilang tugon sa reklamo ng pastora, inihayag ng direktor ng SAS na si Robert Poculan, na hindi maaaring tanggalin ang mga murals ng fraternities sapagkat ito ay nagsisilbing representasyon ng PASTORA IPINAPATANGGAL... pahina 3
Buong NORSU-MC I, binasbasan Ni Maria Dominique P. Ferrolino
na ang hindi pa natatapos na Para naman kay Angelle de mga imprastaktura. la Torre, estudyante ng College Ayon sa isang estudyante of Industrial Technology, sa ng College of Education pamamagitan ng pagbasbas na si Jona Lyn Torres, isa a y m a b i b i g y a n a n g m g a itong magandang hakbang ng estudyante ng seguridad sa unibersidad. “Maayo kay gi- espiritwal na aspeto. “At least, blessingan nila ang campus di na ta mahadlok kay giSa pahayag ni Padre kay basin naa puy mga dili assure na man ta through Bonocan, ang naturang pareho nato…wala man puy the rededication and we are blessed,” saad niya. pagbasbas ay paghingi ng mawala nato,” wika niya. patnubay sa Panginoon ukol sa mga adhikain ng unibersidad. “Para maguide ta sa Ginoo ug kung naa man gani mga dautang espiritu, mapalayo nato,” pahayag niya dahil narin sa mga nagaganap na di umano’y pagsanib ng mga masasamang elemento sa iilang Norsunians noong mga nakaraang buwan. Ilan sa mga naisagawa ay ang pagsindi ng kandila, pag-alay ng mga panalangin at pagbendita n g i b a ’t i b a n g g u s a l i , opisina, silid-aralan at mga abandonadong kwarto Binasbasan ni Padre Bonocan ang mga estudyante at ang buong cafeteria ng unibersidad kabilang ng unibersidad. (Larawan ni Kent S. Mapula) BINASBASAN NG UNIVERSITY Chaplain na si Rev. Alfredo Bonocan ang buong Main Campus I ng Negros Oriental State University noong ika-4 hanggang 8 ng Agosto.