Agosto 3— 9 , 2015
Vol.XXXIII Isyu Blg. 09
Dagdag na barikada, naging perwisyo Ni Joanne P. Ferrolino
T
ila nagsilbing abala para sa mga Norsunian ang itinalagang karagdagang barikada ng tanggapang panlalawigan ng Negros Oriental sa harap ng NORSU upang masolusyonan ang problema ng trapiko sa kahabaan ng Kagawasan Avenue. Inihayag ng grupo ng mga magaaral ang perwisyong dulot ng mga barikada para sa kanila. “Kung magdali mi, masamot mi ug ka-late sa klase tungod kay di na mi kashortcut,” saad ni Daisy Mae Laorden. Naghayag naman ng saloobin ang ilang mag-aaral ng Edukasyon sa kahirapan na kanilang tinatahak sa paglalakad mula highway patungo sa kanilang kolehiyo lalo na ang mga kababaihan na nakasuot ng kani-kanilang uniporme at nakatakong. Dagdag ni Mary Ann Delayco, isang mag-aaral ng Edukasyon, mas lumala pa ang trapiko sa national highway dulot ng pagdaragdag ng mga barikada. “Mas ni-traffic nahinuon sa highway kay mag-atang ang
mga pedicab daplin sa barricades,” saad niya. Dulot ng nasabing perwisyo, ayon kay Jelly Namacpacan, isang mag-aaral ng Civil Engineering, mas makitid na ang daan at iminungkahi ang pagpapaalis ng mga nagtitinda sa daanan. “Dili na unta pabaligyaan sa dalan sulod sa barricade para dili na huot,” sabi niya. Sa isang panayam kay Kent Martinez ng Provincial General Services Office (PGSO), saad niya na talamak pa rin ang problema ng trapiko dahil sa lumalaking bilang ng nakaparadang motorsiklo sa labas ng kampus at ng mga pampaseherong pedikab. Paliwanag niya, “Kung walay barricade, ang mga estudyante bisag asa ra mupara ug pedicab. Ang mga pedicab bisag asa ra mu pick up.” Dagdag pa ni Martinez, may ibang mag-aaral na pinaparada ang kanilang mga motorsiklo kahit saan sa daan na nagpalala sa trapiko. Ukol dito, inatasan ang parking attendants na ilagay sa tamang pwesto ang mga motorsiklo. Mahigit 20 na barikada ang dinagdag ng probinsya para sa maayos na paglabas-pasok ng mga mag-aaral sa university gate.
Sirang katotohanan. Sa kabila ng panganib na maaaring mangyari, patuloy pa rin ang mga Norsunian sa paggamit ng sira-sirang konkretong upuan ng amphitheater ng unibersidad. (Kuha ni Mayette Hanna F. Diez)
Puna sa renta ng bus, nilinaw ng IGP Ilang klase tuwing Biyernes apektado ng pinaikling oras
Isa sa dalawang bus ng NORSU
Ni Bobby Valencia
B i n i g ya n g l i n aw ng tanggapan ng Income Generating Project (IGP) ng Negros Oriental State University (NORSU) ang mga puna hinggil sa pagpaparenta ng school bus sa mga estudyante at guro. Sa panayam ng The N O R S U n i a n ( T N ) k a y Tu l i p Lopez, Tagapamuno ng IGP Office, sinabi nito na aprobado na ang guideline ukol sa pagpaparenta ng bus simula noong umupo siya bilang direktor ng nasabing opisina.
Dagdag nito, binabatay ang presyo ng renta sa layo ng distinasyon o kilometro ng bibiyahiin ng bus at kasama na rin na kukuwentahin ang bilang ng araw ng aktibidad na lalahokan ng mga estudyante o faculty ng NORSU. “Ang flow kasi especially kung malayo ang biyahe, kailangan mo talagang sumulat ng letter sa presidente ng unibersidad, and the president will direct the letter here in the office for my quotation,” Ayon kay Lopez. Sinabi pa nito na base sa probisyon na nakapaloob sa guideline, may 50 porsiyento na
diskwento ang guro at estudyante sa rental ng bus. “Pero if they want to use the bus Nina Niña Marie T. Pino at for free, they will have to write to Jenifer L. Cenas the president. Of course discretion yan ng president. If approved, then Ang unang bahagi no problem,” dagdag pa ni Lopez. ng pagpapatupad ng NORSU Base rin sa impormasyon na sa pinaikling oras para ng klase ibinigay ni Lopez, ang nasabing tuwing Biyernes noong Hulyo na guideline ay napatupad na noong mandato ng Vice President for nanungkulan pa bilang presidente Academic Affairs sa pamamagitan ng unibersidad si Dr. Henry Sojor. ng VPAA Memorandum Blg. 31 ay Nang tinanong kung bakit lumikha ng samu’t saring komento kailangan pang rentahan ang mga mula sa mga mag-aaral at maging bus na kung tutuusin ay mga sa ilang guro matapos silang malito estudyante naman talaga dapat ang sa iskedyul na dapat sundin. makakabenepisyo nito, sinagot ni Lopez na “Saan natin kukunin ang Hinaing ng tatlong magmaintenance ng sasakyan kung sakali?” Dagdag pa ni Lopez na ang IGP ay binuo base sa Republic Act 8292 na nagpapahintulot sa mga State Universities and Colleges (SUCs) na magkaroon ng Income Ni Alec Benjamin Ramirez Generating Projects. Ayon din sa kanya, paliit Hinihintay na lamang na nang paliit ang government ng administrasyon ng NORSU ang subsidy para sa mga pampublikong paaralan na naging resulta rin hudyat mula sa Board of Regents sa pagkawala ng Maintenance (BOR) upang masimulan na ang and Other Operating Expenses pagsasauli ng hindi nagamit na insurance fund para sa nakaraang (MOOE). Ang pagkawala ng MOOE ay taon, subalit batid ng Direktor ng isa rin sa mga rason kung bakit Student Affairs Office (SAO) na si gumagawa ng sariling proyekto Julio Ventolero na matatagalan pa ang SUCs na alinsunod sa batas ang pagpapatupad nito. “Since it [insurance fund] is in PUNA SA ...pahina 5
aaral ng Business Administration na sina Raquel Figuracion, Jason Bendijo at Steven Adanza, sa isang panayam, hindi umano maayos ang pagpapasapubliko ng impormasyon. “Good para sa uban nga nakabalo, pero kami nga wala, nanga-late gyud mi sa among klase. Sa ubang klase, absent pa gyud. Wala man gud gacoincide ang mga colleges. Naay gasunod ug forty-minute schedule, naa pud gasunod ug thirty-minute,” ani nila. Nilinaw naman ito ng bagong VPAA na si Dr. Rosemarie Pinili, ILANG KLASE...pahina 6
Refund ng insurance fee matatagalan pa–Ventolero a government treasury, there shall be procedures for that,” pahayag ni Ventolero. Matatandaan na dahil sa mabagal na pagproseso ng Annual Procurement Plan para sa taong 2014, inatasan ng BOR ang Bids and Awards Committee (BAC) na ipagpaliban ang bidding para sa insurance. Para naman sa mga claimants ng naunsyaming insurance, ipinangako naman ng pangulo ng NORSU na si REFUND NG ...pahina 5
2
Vol.XXXIII Isyu Blg. 9
Agosto 3—9, 2015
Hiyaw
nang pagpiyestahan ng mga netizens ang kanyang mga dubsmash video. Madalas kasi niya’ng gayahin ang mga sikat na linya ni Kris Aquino sa mga seryeng gawa nito. Ang mga bidyu’ng ito ay umani ng milyon-milyung views sa Facebook at libu-libong shares at likes. Natatangi ang mga bidyu ni Nicomaine sa kadahilanang gamay na gamay nito ang mga linya ni Kris na may kakaibang pihit at drama.
Panandaliang Aliw Sa piging ng mga butiki, marahil ang unang tatawa at papalakpak ay siyang may malaking tsansang lumagapak at mahulog sa sahig. Hindi na bago sa ating mga Pilipino ang pagpapatawa at mapatawa ng kahit na sino. Sa makabagong panahon kung saan nakapalaman ang katatawanan sa iba’t ibang anyo ng medya, kagaya ng mga patalastas sa telebisyon at radyo, bihira na lang siguro ang hindi naaabot ng mga patawang ito na madalas pulutan sa mga usapan naming mga kabataan ngayon. At dahil likas sa atin ang pagkamapagpatawa, kuhang-kuha natin ang kiliti ating mga kaibigan sa tuwing may banat tayo’ng mga ‘hugot,’ ‘pick-up,’ at ‘knock-knock.’ Hindi talaga maipagkakailang natural sa atin ang pagiging positibo; bansag na masiyahin; palangiti; pagkamagiliw sa mga panauhin, at; pagiging palakaibigan sa kabila ng mga matinding pagsubok na pinagdadaanan ng bawat isa sa atin. Kilala niyo ba si Nicomaine Dei Capili Mendoza? Siya si Yaya Dub, ang Queen of Dubsmash ng Pilipinas na tanyag ngayon sa palabas na Eat Bulaga. Si Yaya Dub ay sumikat
“Alrayt, rakenrol to da world!” Ang napakapamilyar na linya ay pinasikat ng kalahok, ngayon ay grand champion, ng palabas na Funny One na si Ryan Rems Sarita. Ang ‘tsong ng bayan na si Ryan ay nakilala sa tindig at ayos nitong napakabad-boy. Kasama riyan ang kanyang mga banat na tinatapos sa salitang, ‘ayos ba tayo diyan mga tsong?’ na bentang-banta sa masang Pilipino. Si Yaya Dub at si Tsong Ryan ay iilan lamang sa mga taong bumenta sa publiko sa kadahilanang magaling silang magpatawa sa pamamagitan ng paggaya; pagsira ng kanilang mukha, at; pagbubulyaw ng kakornihan sa iba. Maituturing na isang kasiyasiyang bagay sa social-media ang pag-aupload ng mga bidyung may habang anim hanggang sampung segundo lang, gaya ng gawang dubsmash at viralvideo na naglalaman ng mga panggagaya at pagbabalatkayo na patok na patok sa lahat. Ang mga twerk-it-like-Miley, nae-nae, flashlight duet at iba pa. Nagkalat rin sa social-media ang mga kapilyuhan at kalokohang sinadyang kunan ng bidyu gaya ng mga prank. Sino nga ba ang hindi makakapansin at matatawa sa mga prank videos na ginawa upang kunan ang mga aktwal na reaksyon ng mga totoong taong napadaan lamang at naging bida sa istoryang kabalighuan? PANANDALIANG...pahina 4
Magkabilang tinig na pawang mayroong lihim na alitan sa pagitan ng Hindi maipagkakaila na malaki ang bahagi ng papel na ginagampanan ng unang mga lider ng mag-aaral sa dalawang panig. Noong asembleya na inorganisa FSG, halatangngmayroong na mga kabuuang pag-unlad ng ating pamantasan. Bilang mgang tagapasimuno mayorya,ipinahahatid sila ay inaasahang akusasyon at mensahe angproyekto kasalukuyang pangulo nito magsilbing modelo sa mga mag-aaral at magkaisa sa pagpapatupad ng mga at programang sa pangulo ng nakaraang administrasyon ng FSG na nakatuon sa progresibong kaunlaran ng kamag-aralan.nagkataong kasalukuyang pangulo rin ng LSO. Bago man ito mangyari,lider maraming sabi-sabi Sa katunayan, unti-unti nang nagsisimula ang mga hakbangin ng pa mga estudyanteng ng Federation ang kumalat na nagkainitan diumano ang dalawang of Student Governments (FSG) at League of Student Organization (LSO). Ilan na rito ang pagpapatuloy panig dahil sa pagsisiwalat ng personal na opinyon ng ng FSG sa pagbibigay tulong sa mga kapus-palad sa pangulo pamamagitan iskolarsyip at pagtitipon ang ng LSOng tungkol sa bagong administrasyon mga mag-aaral sa una nitong asembleya na nakatuon sangusapin sanitong mga suspendidong FSG satungkol inorganisa programa noong bayarin Hunyo. Malamang isa ito saang mga dahilan kung bakit pinalipat ng na kinabibilangan ng SG, yearbook at student publication. Samantala LSO ay nakapag-organisa opisina ng FSG ang LSO na dati’y iisa lang ang opisina Magkabilang Tinig na ng programang nagbigay daan sa paglinang ng mgamaliban talento na at lang kakayanan ng mgapang mag-aaral sa una kung mayroon mas matinding nitong LSO Day. rason ukol dito. Kung ng ating susuriin, institusyon, may kani-kanilang Hindi maipagkakaila ang papel ginagampanan Sa kabila ng maayos na malaki pagtatapos ngnamga unang hakbangin nasabing hindisaloobin maikaang dalawang panig sa isa’t isa. Dalawang magkaibang ng mga lider ng mag-aaral sa kabuuang pag-unlad ng ating kaila na pawang mayroong lihim na alitan sa pagitan ng dalawang panig. Noong unang asembleya na pamantasan. Bilang mga tagapasimuno ng mayorya, sila ay tinig ng saloobin na sadyang hindi magkatugmainorganisa ng FSG, halatang mayroong ipinahahatid na mga at mensahena ang kasalukuyang dahil sa magkasalungat pananaw sa isa’t inaasahang magsilbing modelo sa mga mag-aaral at magkaisa tugma akusasyon Kung na sabagay, sadyangkasalukuyang hindi talaga maiiwasan pangulo nito sa ng pangulo ng nakaraang administrasyon ng FSG nagkataong pangulo sa pagpapatupad mga proyekto at programang nakatuon sa isa. na magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan lalo na kung progresibong rin ng LSO. kaunlaran ng kamag-aralan. Sa katunayan, unti-unti nang nagsisimula ang mga walang masinsinang usapang mangyayari. Ngunit Bago pa man ito estudyanteng mangyari, maraming sabi-sabi na nagkainitan diumano ang dalawang panig panig dahilay sa bilang modelo ng mag-aaral, ang dalawang hakbangin ng mga lider ng Federation of Student inaasahang magkalinawan mga bagay-bagayng at kung pagsisiwalat ng personal opinyon ng pangulo ng LSO tungkol sa bagong sa administrasyon FSG Governments (FSG) at Leaguena of Student Organization (LSO). alitan.kung Sakaling hindi talaga na rito ang nitong pagpapatuloy ng FSGnoong sa pagbibigay tulong sa maaari saIlan inorganisa programa Hunyo. Malamang isaayitokalimutan sa mga ang dahilan bakit pinalipat kapus-palad sa pamamagitan ng iskolarsyip at pagtitipon tumalab ang masinsinang usapan, nawa’y pairalin na ngmga opisina ng FSG ang LSO na dati’y iisa lang ang opisina maliban na lang kung mayroon pang mas ang mga mag-aaral sa una nitong asembleya na nakatuon sa lang ang pagkapropesyonal sa pagsasatupad ng kanimatinding rason ukol dito. usapin tungkol sa mga suspendidong bayarin na kinabibilangan kanilang tungkulin. Kalimutan ang sapawan sa pagkuha ng atensyon ng nakararami iisa lang ang komon ng SG, yearbook at student Samantala ang ang LSOdalawang Kung ating susuriin, may publication. kani-kanilang saloobin panig sa isa’t isa.‘pagkat Dalawang magkaibang na layunin ng bawat panig–ang maihatid sa mga magay nakapag-organisa na rin ng programang nagbigay daan sa tinig ng saloobin na sadyang hindi magkatugma-tugma aaral dahilang sa serbisyo magkasalungat na lubos pananaw sa isa’t isa. na kanilang na inaasahan. paglinang ng mga talento at kakayanan ng mga mag-aaral sa Kung sabagay, sadyang hindi talaga maiiwasan na magkaroon ng ‘di pagkakaunawaan lalo kung Para sa komento at suhestiyon, magpadalana lang ng una nitong LSO Day. e-mail sa ariel.dizon@norsu.edu.ph at ito’y malugod Sa masinsinang kabila ng maayos na pagtatapos ng mga unang walang usapang mangyayari. Ngunit bilang modelo ng mag-aaral, ang dalawang panig na ay pagbibigyan ng nauukol na atensyon. hakbangin ng nasabing mga institusyon, hindi maikakaila inaasahang magkalinawan sa bagay-bagay at kung maaari ay kalimutan ang alitan. Sakaling hindi talaga
Tila naging perwisyo para sa mga estudyante ng NORSU ang mga dagdag na barikada sa labasan ng unibersidad na itinalaga ng tanggapan ng probinsya ng Negros Oriental. Bagamat talamak ang mga motorsiklo at pampasaherong sakayan sa kahabaan ng Kagawasan Av e n u e , n a g i n g s a n h i i t o n g ‘ d i m a h u l u g a n g karayom na trapiko, dahilan upang paglaanan ito ng pansin ng pamahalaan sa pamamagitan ng pagpapalagay ng mga barikadang tila nagpalala lamang sa sitwasyon. Gayunpaman, maaaring sabihing tinutulungan lamang ng lokal na pamahalaan ang administrasyon ng unibersidad na tila walang ipinapanukalang solusyon upang makontrol ang lumalalang trapiko, ngunit pawang batikos lamang mula sa mga estudyante ang naaani ng nasabing inisyatibo. Dulot ng karagdagang barikada, pahirapan ngayon ang paglabas-pasok ng mga mag-aaral sa Unibersidad at tila mas siksikan pa kaysa Sardinas ang sitwasyon ng pinakipot at pinahabang daanan. Mapapansin na ang mga kawani ng Unibersidad lamang ang pinapadaan sa gitnaang barikada samantalang ang mga mag-aaral ay nakikipaggutgutan sa tila walang katapusang prusisyon. Bunsod nito, hinihiling ngayon ng mga estudyante ang aksyon ng administrasyon na tutukan ang mga hinaing na buksan ang mga barikadang nasa tapat ng main gate at maglaan ng traffic enforcer upang sitahin ang mga pampasaherong sakayan na pangunahing sanhi ng perwisyo sa daloy ng trapiko. Sa pamamagitan nito, mas mapapabuti ang sitwasyon at daloy ng trapiko sa kahabaan ng K a g a w a s a n Av e n u e , s u b a l i t h a n g g a t w a l a n g ginagawang aksyon ang administrasyon, ito’y patuloy na magiging laman ng batikos. Mapapakinggan kaya ang nailahad na kahilingan, o mananatili na lamang itong isang hiyaw para sa mga nagbibingibingihan?
Vol.XXXIII Isyu Blg. 09
Hindi makabasag pinggan. Hindi maisabak sa giyera. Napakabagal ang usad. Siya ang babaeng halos balot ang buong katawan na dala-dala’y abanikong lalagyan. Eh, baka naman may ikinatatakot–maraming peklat ang kanyang balat, maraming lamok sa kanila, masyadong malamig ang temperatura sa paligid, o baka kaya’y ‘di siya pwedeng masinagan ng araw. Ano ‘to, konserbatibo? Hindi naman kasi siya palaging gumagala, kaya hindi mo madalas makita sa eskinita kapag gabi, at napakamisteryoso ang dating para sa mga siga. Oo. Nasa isang tahanan lang siya. Siya ay may maamong mukha, may mahaba’t maitim na buhok at nagtataglay ng malaporselanang kutis. Ang kanyang matamis na ngiti at kumikislap na mga mata’y kapuri-puri. Hindi rin maipagkakaila na paborito siya ng mga matatanda. Siya na yata ang tipo ng babaeng mayumi, relihiyosa at magalang. May talento siya sa pag-awit at nakatutugtog pa ng piyano. Sa panahong hindi pa lantad ang maamong mukha ng mga dilag na ito ay nabigyan na sila ng buhay sa nobela ni Dr. Jose P. Rizal at pinangalanang Maria Clara de los Santos y Alba. Siya’y isa sa mga karakter sa kathang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Ayon sa kwento, hindi mahalaga sa kanya ang materyal na bagay na ibinibigay ng kanyang mga manliligaw, kundi ang pagmamahal ng kanyang mga magulang at ang sumpaan nila ng kaniyang irog. Siya ang sumisimbolo sa malinis at inosenteng dalagang Pilipina noong panahon ng mga Kastila sa Pilipinas. Sa panahon ngayo’y siya’y nakabalot sa tawag na Mary Claire –taglay ay kaanyuang wari’y nabago na ng modernisasyon.
Agosto 3—9, 2015
3
Sa makabagong mga pahina ng nobela Sa panahon ngayon, kapansin-pansin na kontento na ang ilan sa kanila na hindi balot ang buong katawan; patunay rito ang pagsikat ng Men’s Magazine at FHM sa Pilipinas. Ngunit, sa kalakhan, mas pinagpapantasyahan ng kalalakihan ang fiksyunal at tradisyunal na karakter ni Mary Claire na si Maria Clara. Siguro sapat ng basehan ang kantang rap ni Shehyee na pinamagatang “Maria Clara.” Ipinapahihiwatig sa kanyang rap na desperadong mahanap ng lalaki si Maria Clara sa kadahilanang ang mga kagaya ni Maria ay konserbatibo’t mapagkakatiwalaan na asawa. Sawang-sawa na kasi siya sa mga Mary Claire na panay pakita ng laman. Kinikuwento rin sa kanta na gustunggusto ng lalaki na magkaroon ng time machine para lang makita si Maria Clara. Eh, wala nga ba siya sa tamang panahon? Teka lang. Sinasabi ba na hindi kanaisnais ang mga modernong babae ngayon? O baka naman masyadong bastos ang ilan sa pag-iisip ng kung anu-ano kapag nakakita ng babaeng nakasuot ng maikling damit? Naaayon din naman sa okasyon ang pagpili ng kasuotan at malaya ang lahat sa pagpili nito, ngunit dapat din nating isaalang-alang ang tradisyon at mga paniniwala ng ibang relihiyon at mga karatig bansa. Sa mainit na klima ng Pilipinas, hindi na masama ang magsuot ng short shorts o kaya sleeveless na damit. Kung marunong kang makibagay, ‹di ka magsusuot ng lonta sa beach. Nasaan na nga ba si Mary Claire? Naibabalik ang bakas ng kahapon at ang kaugalian ng mga sinaunang Pilipino tuwing Agosto sa pagdaos ng Buwan ng Wika sa Pilipinas para ipakita ang kahalagahan ng wikang Filipino na siyang bumuklod sa watakwatak na kapuluan ng bansa. At baka nga ito pa ang masabi ng mga
matatanda, “Parang kailan lang, ‘di ba?”. Karaniwang nagkakaroon ng selebrasyon sa paaralan na kung saan mayroong sabayang pagbigkas, balagtasan, pagtutula, pagsasayaw, pagkakanta at iba pang naaayon sa tema. Siyempre, hindi maiaalis ang nakagawiang pagsuot ng malulumang desinyo ng kasuotan-- mga kasuotang nagpapaalala sa atin na iba na ang takbo ng buhay ngayon. Marahil, makakikita ka ng babaeng nakaganyak ng magarang damit na parang katulad sa suot ni Mary Claire. Marahil nga’y napalitan na si Mary Claire sa modernong Mary Claire ngayon— sa panahong uso na ang Women Empowerment at peminismo sa pangunguna ng sektor ng mga kababaihan. Dahil na rin sa impluwensya mula sa mga tagaKanluran, nagbago ang mga gawi ng mga Pilipino. Tanggapin natin ang katotohanan na naging liberated na ang halos lahat, at natural na sa mga Pinoy ang makibagay sa daloy ng panahon. Kung naligaw man siya sa panahong ito, masasabing wala siyang katulad. Iba naman kasi ang paligid na kinalakihan niya kung ikumpara mo sa isang modernong Pilipina. Siguro nariyan lang siya’t naghihintay, nagbabasakaling hindi mainip sa paghahanap ang ginoong karapat-dapat sa kanya. Babala: Hindi rin basta-basta ang mga babae ngayon— ang babaeng malaya’t may paninindigan sa sarili. Oh, nakita mo na ba siya? Pinagkunan ng impormasyon: • en.wikipilipinas.org •gmanetwork.com
“Lima. Sa susunod na magbubukas ang maingay na pintong bakal ako’y handa na. Sa susunod na taon, ako naman.”
Si Manuel na walang ginawa kung hindi magbulakbol, mangopya, at lumiban sa eskwela. Natapos na Valedictorian. Ako’y sumigaw, isinawalat kawalang hiyaan ni Kapitan. Ngunit muli, ako’y nabigo. Muling nagalit ng todo si Itay. Kami’y napalayas sa aming barung-barong. Maging bulag, pipi, at bingi. Iyan ang itinuro sa amin. Bakit? Dahil ba kami’y dukha? Kolehiyo. Umalis ako sa amin upang hindi na magdulot ng gulo. Gulong ayon kay Itay ako rin daw ang may dulot. Dito nakita ko, ako’y di nag-iisa. Sa piling ng maralitang tulad ko’y hangad din ang pantay na katugunan at serbisyo mula sa pamahalaan. Apat. Apat na taon naming pinagsumikapang lumaban para sa kapakanan ng karamihan. Ang lathalaan ng paaralan. Ito’y aming naging sandata at sandigan. Nabunyag ang kasamaan at napaalis sina Ma’am Bili, Sir Mambabato, at Doktor Regalo. Natapos namin ang kolehiyo sa kursong Mass Com. Kami nga’y naging mamamahayag. Akala naming umpisa na ng pagbabago. Ngunit kami’y nagkamali. Ang grupong binubuo ng tatlumpo, labinlima na lang ang natira. Ang sabi ni Inspektor, sila’y dinukot ng New People’s Armya o NPA. Sa araw ng aming pagtatapos, bawat isa’y may regalong natanggap. Itim, itim na kahon. May marka, lima. Bawat isa sa amin may numerong nakatalaga. Nakatatawa, noon amin itong binalewala. Ngunit ngayon alam na namin ang kahulugan. Sina Jenny, Richard, Emily, Frank, Joanne, Ariel, Maria, Mark, Rachel, at Joey. Bilang nila’y labinlima hanggang anim. Kanina si Joey. Anim. Ako, sina Robert, Mia, Anton, at Nita. Lima na lang ang natira. Sa grupo naming walang ginawa kung hindi ibahagi sa tao ang katotohanan. Sina Mayor, Kongresman, Senador, at maging si Presidente. Kami’y kanilang binusalan, piniringan, tinakpan ang tainga mula sa sambayanan. Subalit isang taon na naman matapos ang sampung taon ang
Isa, dalawa, tatlo, apat. Tapos na. Isang bagong taon na naman. Dinig ko pa ang putukan. Putok na minsan ding nagdulot sa akin ng takot. Ngunit ako’y manhid na. Manhid na sa lahat ng sakit, pait, at pighati. Maging ang takot ay tuluyan na akong nilisan. Tanda ko pa noong una akong balutin ng kadiliman. Sampu! Sampung taon na nang mawala ako sa karimlan. Panaghoy. Ito ang tanging maririnig sa araw na iyon. ‘Di ko na alintana ang sakit na dala ng hampas ng bota at baril ng sundalong kumaladkad sa akin. Sundalong inakala kong magpoprotekta sa amin. Wala na akong ibang narinig kundi ang iyak ng aking mga kasama sa likod ng tunog na tanda ng pagsalubong sa bagong taon. Labinlima kami nang dukutin at itago sa kadilimang ito. Bawat taon na lumilipas isa-isa kaming nababawasan at dahandahan ding nababawasan ang panaghoy ng aming pag-asa. Isa, dalawa, tatlo, apat. Apat na iba’t ibang boses ng aking natitirang kasamahan ang aking narinig. Lima, kami na lang ang natira. Tanda ko pa. Tandang-tanda ko pa. Natatandaan ko pa na limang taon ako nang maibigan kong magbasa ng diyaryo. Ang diyaryong maagang nagpamulat sa musmos kong isipan. Diyaryong nagpakawala sa tapang na di ko inakalang nagkukubli sa aking kaloob-looban. Ngunit ‘di ko pa masyadong intindi noon. Lalo na’t nagagalit si Itay sa aking paglaban sa maestrang kung kaming mag-aaral niya’y tratuhing animo’y alila. Dahil ba kami’y dukha? Maging bulag, pipi, at bingi. Iyan ang itinuro sa amin. Ngunit ako ay iba. Pinilit kong lumaban kahit ilang beses man akong mabigo. Mangmang, bata kaya walang magawa. Ikaapat na baitang sa sekundarya. Ako’y muling nagkaroon ng laban. Si Kapitan, kagalang-galang, kapitapitagan ngunit may tagong diyablo sa kaloob-looban. Inasam kong matapos bilang Valedictorian. Subalit si Kapitan pinakialaman niya ang laro. Si Manuel, anak ni Kapitan siya ang nanalo.
LIMA NI...pahina 4
4
Agosto 3—9, 2015
Vol.XXXIII Isyu Blg. 09
Nagising ako sa mabahong amoy ng nasusunog na plastik. Patuloy ang pagningas ng apoy na tumupok sa gabundok na basura sa likod bahay. Nang matapos ang pagsayaw ng mga bagang lumingas, nasaksihan ko ang pagsumamo ng inang kalikasan. Pagsusumamong hindi marinig ng nabibinging sangkatauhan. Milyon-milyong mga produkto ng plastik ang minamanupaktura bawat taon sa buong mundo. Habang ang teknolohiya sa produksyon nito ay nadaragdagan, dumarami rin ang populasyon ng produktong ito kada taon. Hindi lumilipas ang isang araw na hindi tayo gumagamit ng plastik. Maaring dumaan ang isang oras ng hindi natin namamalayan ang paggamit nito. Halimbawa, habang kumakain ako sa kantina ng NORSU, napansin kong ang basong gamit ko ay plastik. Ang plato, ang lalagyan ng ulam, pati na rin ang lamesa at upuan, lahat ng ito’y plastik. Madaling isipin ang potensyal na panganib sa kalikasan at sa kalusugan ng tao sa paggamit ng plastik, ngunit bakit nga ba patuloy ang paggamit at produksyon nito ng tao? Sinasabing ang plastik ang pinaka-versatile na produktong naimbento ng tao. Ito ay hindi madaling mabasag at maaring gamitin ng paulit-ulit, matibay, at higit sa lahat, nabibili ang iba’t-ibang uri nito sa murang halaga. Ang plastik na pinggan ng aming ina ay isang halimbawa ng praktikal na alternatibo sa ceramic na pinggan. Sa mga ospital, ginagamit din ito sa pagpigil ng kontaminasyon sa mga kasangkapang pang-kalusugan. Kapaki-pakinabang din ito sa mga eskwelehan at mga opisina. Hindi maikakailang
maraming benepisyo sa tao ang plastik ngunit, ano nga ba ang epekto nito sa atin? Ayon sa pagkaka-alam ng lahat, ang plastik ay kabilang sa mga produktong hindi nabubulok. Ang isang pirasong plastik na baso na ginamit mo ng ilang segundo matapos uminom ng iced tea sa kantina ay aabutin ng isang libong taon para madugta. Dahil ito ay hindi nabubulok, kadalasan itong sinusunog na lamang. Ngunit sa tuwing nakakakita ka ng plastik na sinusunog, ramdam mo ba ang hinanaing ng inang kalikasan? Naamoy mo ba ang mga nakalalasong kemikal na s u m a s a m a sa hangin at nakapagpapahina sa baga ng tao? Pinaninipis rin nito ang ozone layer ng mundo na siyang sumasala sa init na natatanggap natin mula sa araw. Dahil panipis na ng panipis ang ozone layer, ang klima ng daigdig ay nagiging pabago-bago at dumarami
ang nagkakasakit. Habang ang mga hindi nasunog na plastik naman ay naghihintay na mabulok sa mga tambakan ng basura, ang mga ito ang nagiging dahilan ng pagbaha sa maraming lugar. Ang ilan naman ay naglalabas ng nakalalasong kemikal habang nasa proseso ng pagbubulok na sumasama sa lupa na siyang nagiging pagkain ng mga halaman. Ang patuloy na pagsira ng kapaligiran ang dahilan ng maraming negatibong pagbabago sa daigdig. Batid natin ang mga epektong ito ngunit ano nga ba ang mga naiambag natin para maiwasan ang tuluyang pagkasira nito? Ang simpleng hindi pagtapon ng maliliit na basura sa lansangan o sa mga katubigan ay simpleng gawain ngunit tila para sa ilan ay mahirap gawin. Hindi ba’t mas masarap sa pakiramdam kung mayroon tayong nalikhang kapaki-pakinabang na bagay na mula sa basura? Mga tila maliliit na bagay na kung gagawin ng bawat isa sa atin ay malaki ang epektong maidudulot sa kalikasan na tayo rin ang makikinabang. Nabalitaan mo ba ang malawakang sunog sa ibang bansa dahil sa matinding init ng panahon? Ang pagbaha sa ilang lugar matapos ang pagbuhos ng malakas na ulan? Ang matinding gutom sa ibang lugar dahil sa tagtuyot? Ang mga ito ba ang nais nating ipamana sa mga susunod na henerasyon?
Norsunians wagi sa JPIA Quiz Bowl ‘15
Kudos! Pursigidong manalo ang dalawang kalahok ng NORSU na sina Acibo (kaliwa) at Gulahab (kanan) sa JPIA quiz bowl na ginanap sa Silliman University noong Hulyo 26.(Kuha ni Mayette Hanna F. Diez)
Ni Mary May Saguban
Sa pagdiriwang ng taunang Junior Philippine Institute of Accountants (JPIA) Week 2015, nanalo ang dalawang Norsunians na sina Mark Jovan Acibo at Louie Jean Gulahab sa kategoryang quiz bowl na ginanap sa Silliman University noong Hulyo 26.
Sa pamumuno ng tagapangasiwa ng Departamento ng Accountancy ng NORSU na si Brigido Enquilino II at sa tulong ni Mae Ann Caroro, isang Certified Public Accountant at guro, bilang tagapagsanay, nanguna sina Acibo at Gulahab sa patimpalak sa iskor na 46. Sa kabila ng banta na hatid ng pagkapanalo ng mga kalahok mula sa NORSU sa quiz bowl noong nakaraang
taon, saad ni Gulahab na nakaya nilang malampasan ito. Bilang tagapagsanay ng mga kalahok mula NORSU, nasiyahan sa naging resulta si Caroro at ipinagmalaki pa nitong “hands down” sa mga ito kahit kulang-kulang sila sa mga kagamitan para sa pagsasanay. “I’ve just given them practice exams and review materials for them to be prepared,” ani Caroro. Bilang pinakamahalagang patimpalak ng JPIA Week, nagpasalamat si Enquilino kay Caroro. Pinasalamatan din niya si Deceryl Abril, ang pangulo NORSU-JPIA at ang mga miyembro nito. “I really thank Mae Ann for her efforts in getting Acibo and Gulahab prepared,” ani Enquilino. Dala ang bandera ng NORSU, wagi rin ang mga Norsunians sa iba pang patimpalak gaya ng Vocal Duet, Table Tennis, Trash to Fashion, Acoustic Bandakada at Poster Making Contest bilang kampyeon, pangalawa naman sa Chess, Basketball, Miss Ambassadress of Goodwill at Typing Speed Test, at pangatlo naman sa Swimming. Ang pangkalahatang kampyeon ay ang Silliman University, pangalawa ang NORSU, pangatlo ang Saint Paul University Dumaguete, pang-apat, Foundation University, at pang-lima ang Asian College. Gaganapin ang susunod na JPIA Week sa Negros Oriental State University (NORSU).
PANANDALIANG...mula pahina 2
Sa panahon ngayon ang katotohanang napapasaya tayo sa mga bagay-bagay’ng pangkaraniwan lamang ay litaw na litaw. Napakalinaw rin na ang mga sumisikat, kahit sa pangkarinawang pamamaraan, ay bihasa na sa aspeto ng pagpapatawa. Madalas, ginagaya ito. Madalas sa usapang kalye. Ngunit sa karamihan, napakadali na lamang kunin ang ating atensyon; sa simpleng palasak at paglalaro ng mga salitang madalas ay hindi na pinag-iisipan. Ganito na ba tayo kababaw mapasiya, mapatawa at ma-entertain? Sa mga sumusubaybay, ipabatid ang inyong mga komento o pag-uyam kaugnay sa artikulong ito sa francisivanhoofficial15@gmail.com. LIMA NI...mula pahina 3
lumipas. Lima. Sa susunod na magbubukas ang maingay na pintong bakal ako’y handa na. Sa susunod na taon hindi na magagalit si Itay. Wala na siyang kagagalitang suwail na anak. Panalo na naman sina Mayor, Kongressman, Senador, at maging si Presidente. Maging si Inspektor nasa puwesto pa rin. Isa, dalawa, tatlo, apat. Apat na tao na lang ang maiiwan sa bodegang ito. Handa na ako. Lima. Sa susunod na taon, ako naman. Nakalaya si Lima bago pa man muling bumukas ang pintong bakal. Siya lamang ang natirang buhay sa kanyang mga kasamahan, at ngayo’y patuloy na nakikipaglaban sa kabaluktutan ng pamahalaan.
Agosto 3 — 9, 2015
Vol.XXXIII Isyu Blg. 9
5
Villanueva nilinaw na hindi bababa sa pwesto Ni Jenifer L. Cenas
M a r i i n g p i n a b u l a a n a n n i Vince A n t h o n y Vi l l a n u e v a , a n g kasalukuyang pangulo ng Federation of Student Governments (FSG), ang balitang siya ay bababa sa puwesto matapos kumalat ang kanyang text message at post sa Facebook na siya ay magbibitiw noong ika-18 ng Hulyo. Naging usap-usapan sa social media ang post ni Villanueva. Ayon sa post nito, siya ay bababa sa puwesto dulot ng kawalan ng suporta at tatapusin lamang niya ang asembleya ng mga estudyante na naganap noong Hulyo 20. Lumabas din ang mga alegasyong ginawa niya ito upang makakuha ng simpatya at atensyon
mula sa mga estudyante matapos ang nababalitang hidwaan nila ni Rojan Talita, ang dating pangulo ng Student Government of Dumaguete City 1 at kasalukuyang pangulo ng League of Student Organizations (LSO). Matatandaan din na ang opisina ng LSO ay dating matatagpuan sa opisina ng NORSU-SGDC I, subalit ngayong taong ito ay lumipat sila sa opisina ng Student Affairs Office (SAO). Sa isang panayam kay Villanueva, sinabi niyang ang nasabing post ay dala lamang ng kawalan ng suporta mula sa kanyang pamilya at nilinaw na wala na siyang planong bumaba sa puwesto. Ayon kay Villanueva, hindi niya kailangan ng simpatya at atensyon sapagkat anumang alitang mayroon sila ni Talita ay naresolba na, “Why would I even do that when I am
already popular?” dagdag pa niya. Nilinaw naman niya na ang pagalis ng LSO sa opisina ng NORSUSGDC I ay boluntaryo, “LSO did it voluntarily. We had a meeting and it was agreed that they will go back to the SAO Office.” Ito naman ay sinuportahan ng pahayag ni Talita, “LSO originally have a cubicle here sa SAO, but during atong renovation diri two years ago we were adopted by the SG. So now that SG has a large community, we have decided that LSO will be back here sa SAO.” “We are still looking for an office but I am making sure that my phone is always open for constant communication,” ani’ya. Nilinaw naman ni Villanueva ang hidwaan sa pagitan nila ni Talita, “What happened between us was personal and we have fixed it already.”
Villanueva
Pinabulaanan naman ni Talita na “isa lamang itong di pagkakaunawaan at anumang nangyari ay naresolba na ng magkabilang panig”.
Idiniin ng dalawang partido na hindi mababahiran ng kahit anong lamat ang serbisyong ibibigay nila sa mga estudyante.
Pylon nilinaw ang Panukalang programa isyu sa yearbook i b i n u n y a g n g S G
Magkabilang tinig Masinsinang sinusuri ng isang Hindi maipagkakaila na malaki ang bahagi pel Norsunian ang yearbook na ipinatingin na ginagampanan ng mga lider ng mag-aaral ng Pylon sa mga mag-aaral sa sa kabuuang pag-unlad ng ating pamantasan. naganap na unang asembleya ng Bilang mga tagapasimuno ng mayorya, sila FSG. (Kuha ni Jay Mark T. Umbac)
Ni Irish Mae S. Cuaresma
Binigyang linaw ng punong-patnugot ng Pylon, ang opisyal na yearbook ng NORSU, na si Dianne Lea Damian sa naganap na asembleya noong Hulyo 20 ang isyu tungkol sa naantalang paglalathala ng yearbook para sa taong 2014-2015 Sa asembleya ng mga estudyante na pinasimunuan ng pangulo ng Federation of Student Government (FSG) na si Vince Anthony Villanueva noong Hulyo 20, nilinaw ni Damian ang estado ng yearbook matapos mapabilang ang Yearbook Fee sa mga institusyonal na koleksyong pinasuspendi Board of Regents (BOR) sa pagsimula ng akademikong taon 2015-2016 sa pamamagitan ng pag-iisyu ng isang resolusyon ukol dito. Sa nasabing pagtitipon, nanawagan din si Damian sa lahat ng mga Norsunian na suportahan ang pagpapabalik ng nasuspeding
koleksyon ng Pylon sa pamamagitan ng isang signature campaign. Dagdag pa niya, halos tatlong buwan na silang naghihintay ngunit wala pa ring tiyak na petsa kung kailan sila maaaring magpatuloy sa paglathala ng yearbooks. Sa isang panayam, inilahad ni Remar Dalde na nagtapos ng kursong Industrial Technology mula sa NORSU-Bayawan-Sta. Catalina (BSC) ang pagkadismaya dahil sa hindi naibahaging yearbook na gagamitin sana niya sa pag-aplay ng trabaho. Pahayag niya, “Naunsa naman ng among yearbook? Dugay na kaayo mi nga gahulat… Naa pa pud na?” Ayon naman kay Princess Ebo, nagtapos ng kursong Mass Communication mula NORSU-Main Campus I, “If ever dili na gyud ma-release ang yearbook, makadisappoint gyud kay souvenir gud na sya…and gibayaran biya na sa mga students so mag-expect gyud mi nga makadawat.” Nang tanungin ukol sa hinaing ng mga nakapagtapos noong nakaraang taon, humingi ng paumanhin ang dating punong patnugot ng Pylon na si Archello Jhan Esmael sa pagkaantala ng yearbook. Bagamat pahirapan ang paglalathala ng yearbook dahil sa mandato ng BOR, umaasa si Esmael na maiintindihan ng mga estudyante ang kasalukuyang sitwasyon ng palimbagan. Sa ngayon, naghihintay pa rin ang Pylon sa pagbabalik ng koleksyon para may mailaang pondo para sa paglathala ng yearbook para sa mga magsisitapos sa susunod na taon. “Ang pagpapasensya ay isang magandang katangian. Ako ay umaasa sa mga nagtapos na maiintindihan nila ang sitwasyon ng Pylon ngayon lalong-lalo na sa mga estudyanteng walang kaalam-alam kung paano ginawa ang yearbook,” saad ni Damian.
PUNA SA ...mula sa pahina 1
upang magkaroon ito ng tinatawag na financial autonomy. “Sa lahat ng mga paaralan ‘yan actually [Income Generating Project]. Marami ng schools na may IGP and they are doing good. Tayo rito sa NORSU ay nag-uumpisa pa lamang,” pahayag ni Lopez. Nilinaw rin ni Lopez na ang
income na nalilikom ng IGP ay napupunta lahat sa government fund na daraan muna sa University Cashier. Dagdag pa niya, ang pagbuo ng kapaki-pakinabang na mga proyekto ang malinaw na hamon sa kanyang tanggapan na para na rin sa ikabubuti ng buong unibersidad.
Ni Maria Dominique P. Ferrolino
I b i n u n ya g n g m g a lokal at nasyonal na sangay ng Student Government (SG) ng iba’t ibang kampus ng NORSU ang mga panukalang programa at proyekto sa nakaraang malawakang pagpupulong ng mga bagong halal na mga lider pangkampus na ginanap sa CNPAHS Audio Visual Room noong Hulyo 12. Ang nasabing asembleya ay may temang “Student Programs and Activities: A Convergence of Productive Planning, Effective Management and Decisive Leadership.” Ayon sa tagapasimuno ng asembleya at pangulo ng Federation of Student Governments (FSG) na si Vince Anthony Villanueva, “It is an avenue for us to share ideas, advises, and help other colleges.” Layunin ng Student Government of Dumaguete City– I (SGDC-I) na masiguro ang kalidad ng mga proyekto at programang itataguyod na nakasentro sa akademiko at pangkomunidad na serbisyo. Kabilang dito ang Students’ Rights and Welfare (STRAW) Caravan, Mister and Miss NORSU, at Human Immunodeficiency Virus (HIV) symposium. Dagdag pa, may plano rin ang SGDC-I na mag-organisa ng iba’t ibang kompetisyong bukas sa lahat
ng paaralan upang makalikom ng pondo at walking advertisement para sa unibersidad. Sa temang, “Empowerment through students’ awareness on their rights and welfare,” iprinisinta ng SGDC-II ang planong mailunsad ang The Biggest Zumba Loser para sa kanilang mga kawani at mag-aaral, Tabo sa Banay, isang linggong aktibidad tungo sa mabuting kapakanan, at ang paggunita ng Science Month. Kabilang dito ang mga implementasyon at aktibidades na layuning mailunsad ng iba’t ibang departamento ng institusyon. Para naman sa darating na Crime Prevention Month, napagpasiyahan ng College of Criminal Justice Education (CCJE) ang pag-oorganisa ng Fun Run, Tree Planting, paglilinis ng tabingdagat, pakain at pagbibigay ng regalo sa mga purok na kanilang kinupkop sa Candau-ay at panlalawigang bilibid. Ang College of Business Administration ay magkakaroon ng iba’t ibang programang pang-fund raising, Zumba, at Run for Love kung saan limampung porsyento nito ay mapupunta sa mga kapos na komunidad sa Valencia at ang natitira ay ilalaan sa susunod pa nilang mga proyekto. Ang College of Arts and Sciences naman ay planong magkaroon ng tutorial classes, sports fest at fun day kung saan mayroong kompetisyon sa paggawa ng poster, mga eksibit, kompetisyon sa sayaw, at labanan ng mga banda.
Bubuo naman ng Konseho ng Major Area of Concentration (MAC) at yunit ng local government ng College of Education tungo sa pagpapalaganap ng mga impormasyon at implementasyon nito. Bukod dito, magkakaroon din ang departamento ng mentoring program at iba’t ibang aktibidades na pangangasiwaan ng mga konseho na naaayon sa kalendaryo ng aktibidad ng Department of Education. Mga programang pangkomunidad naman ang ilulunsad ng College of Industrial Technology (CIT) kaakibat ang Technical Education Skills Development Authority (TESDA), at ang pagpapatuloy ng mga aktibidad tulad ng pagtatanim ng mga puno at ang taunang CIT Got Talent. Ibinahagi naman ng College of Agriculture, Fishery and Forestry (CAFF) ang mga plano sa Buwan ng Nutrisyon tulad ng paligsahan sa paggawa ng poster at slogan, pagaanalisa ng larawan at kaisipang patimpalak. Magkakaroon naman ang NORSU-Bais City Campus ng mga programa tulad ng NORSU-Bais Idol at Fun Run upang makalikom ng funding na gagamitin sa kanilang aktibidad na “Share a Joy” sa Disyembre. Ang pagtatanim ng mga puno at pagkakaroon ng Mister and Miss NORSU-Siaton Campus ay parte naman ng aktibidad ng nasabing campus.
na lamang kung iniuutos ng batas katulad ng mga estudyanteng nagsasailalim sa On-the-Job Training (OJT) Program. Malalaman din na ayon sa Seksyon 8 ng Batas Pambansa 9163, inaatasan ang mga awtoridad ng paaralan na namamahala ng National Service Training Program (NSTP) na siguraduhin ang pagkakaroon ng “group insurance for health and accident” ang lahat ng estudyanteng kumukuha ng NSTP. Inihayag ni Ventolero ang kanyang pagkabahala dahil siya rin mismo ang NSTP coordinator ng unibersidad. Ayon din sa Seksyon 35 ng Commission on Higher Education (CHED) Memorandum Order No.
9, series of 2013, kailangan din ang “group accident insurance” para sa mga estudyanteng saklaw ng kahit anong Social and Community Involvement Program na isinasagawa ng mga Higher Educational Institutions (HEIs), kung saan kabilang ang NORSU. “I encourage the students to have an insurance for their own sake,” mungkahi ni Ventolero. Sa ngayon, tanging ang College of Education (CEd) pa lamang ang nagpanukala ng pagkakaroon ng life insurance para sa mga estudyante nitong lalabas ng kampus para sa pagpapakitang-turo at Field Study sa iba’t ibang paaralan ng Lungsod ng Dumaguete at ibang munisipalidad ng probinsiya.
PANUKALANG...pahina 6
REFUND NG...mula pahina 1
Dr. Peter Dayot na ginagawa nila ang kanilang makakaya para tulungan ang mga ito. Bagamat wala pang tiyak na panahon kung kailan ito maisakatuparan, ipinangako rin ni Dayot na maisasauli ang mga nakolekta para sa insurance sa nakaraang taon. Patuloy na walang insurance Alinsunod sa BOR Resolusyon Blg. 72, hindi na naisama sa binabayarang miscellaneous fees ang bayad para sa insurance. Upang maliwanagan ang nakararami, ipinaintindi naman ni Dayot na wala naman sa mandato ng unibersidad ang siguraduhing may insurance ang lahat ng estudyante nito, maliban
6
Agosto 3—9, 2015
Vol.XXXIII Isyu Blg. 09
FSG kumonsulta sa mga Norsunians sa unang asembleya
Mga boses ng mag-aaral. Nagpahayag ng kani-kanilang panig at saloobin ang mga lider ng mga institusyon ukol sa muling pangungulekta ng student fees na sinuspinde ang koleksyon ayon sa mandato ng Board of Regents. (Kaliwa-kanan) Sampang, Damian, Dizon at Villanueva. (Kuha ni Jay Mark T. Umbac)
Ni Joanne P. Ferrolino
K u m o n s u lta a n g F ederation o f S t u d e n t Governments (FSG) sa mga magaaral ukol sa pagbabago ng ilang seksyon ng student handbook, muling pagngungulekta ng fees gaya ng mga koleksyon para sa SG, student publication at yearbook at pagtatalakay ng iba pang usapin sa unang pagtitipon ng mga magaaral noong Hulyo 20.
Sa pamamahala ng pangulo ng FSG na si Vince Anthony Villanueva, inilahad ng FSG ang pagrerebisa ng isang seksyon ng student handbook tungkol sa SG. Ipinaliwanag din nila ang kanilang mga plano at programa sa kasalukuyang taon. Ibinahagi din nila ang kanilang paraan ng pagsugpo ng apatya ng mga magaaral sa pamamagitan ng Student’s rights and Welfare (STRAW) bill. Binigyan-linaw din ng SG
ang iba pang mga tanong ng mga mag-aaral sa isang open forum at ipinahayag din ang mga paninidigan ng mga institusyon tungkol sa koleksyon ng mga student fees. Ay o n k a y V i l l a n u e v a , kinakailangan ang pagkokolekta ng SG fee sa ikalawang semestre upang maitaguyod nila ang kanilang mga proyekto sa kasalukuyang taon. Ipinaliwanag din ng mga institusyong pinamahalaan ng mga
Konstruksyon ng HM bldg hindi pa aprubado Nina Hengie V Jalando-on at James Henry Señagan
Dismayado ngayon ang mga estudyante at ang dean ng College of Business Administration (CBA) dahil sa hindi pag-aaproba ng Administrasyon sa planong pagpapatayo ng bagong gusali ng departamento ng Hospitality Management (HM). Ipinahayag ni Ramacho na sana ay matugunan ng administrasyon ang konstruksyon dahil maaari itong magamit tuwing magkakaroon ng demonstrayon sa asignatura ng mga estudyante at seminar na naaayon sa kurikulum nila. Dagdag pa nito, ang naturang konstruksyon ay sisimulan na sana sa susunod na semestre ngunit dahil sa umano’y kinakaharap na priyoridad ng unibersidad, ang plano ay nasa walang bahala at hindi pa napagdesiyunan sa ngayon ng mga awtoridad. “We’re planning to have a new HM Building in the next few months, but it’s still pending,” aniya nito. Bunga ng mensaheng ipinahayag ni Ramacho, iminungkahi ni Shirine Bandiquillo, estudyante ng Hospitality Management ang kanyang pagkadismaya dahil sa pagtigil ng konstruksyon sakadahilang ito’y tumutugon sa pangangailangan ng kanilang kurso. “Mas maayo unta kay magamit siya as practicum ug orientation area para sa mga [HM and Tourism] students, but sad to say, it’s stop and will wait for it to be constructed,” wika nito. Elah Mae Zuniega, estudyante PANUKALANG...mula sa pahina 5
Binigyangdangal ng kasangguni ng Federation of Student Government (FSG) at League of Student Organizations (LSO) na si Dino Depositario at ng tagapamahala ng Rural Bank na si William Christopher Dichoso ang nasabing aktibidad sa kanilang diskurso ukol sa tamang pamumuno at pangangasiwa. “It is for us to know specifically the proposals and plans by college; also for fine-tuning,” pahayag ni Depositario.
Ang kasalukuyang gusali na ginagamit ng Hospitality Management bilang laboratoryo (Kuha ni Kent S. Mapula)
ng Science in Tourism, ay naglahad na ang proyekto ay hindi sana nagiging bulok kung ang mga nasa puwesto ay tumutugon kung ano ang nakabubuti sa bawat estudyante lalo na kung ito’y kailangan at nakakatulong sa lahat. “It’s good to know that we will no longer find rooms to use whenever we will do practicums yet, it takes time for it to be realized however, tsada unta siya [proyekto] kay dili na maghago na mu-use sa room in other building kung naa na gyud proper place para sa mga HM og Tourism students,” dagdag nito. Nagpahayag naman si Guilbert Nicanor A. Atillo, Director of Planning and Development na ang dahilan ng paghinto ng konstruksyon ay dulot ng kontrobersiyang ikinakaharap ng departamento ng HM ngunit, siya ay determinado na sisimulan ito sa oras na maaprobahan ng mga awtoridad ang proyekto.
“Due to the controversy last year regarding about the HM Building, we decided to stop the construction. However, this year, there’s a Php 10,000,000.00 budget for it and we decided to name it as Tourism & HM Training Center,” paliwanag nito. Samantala, sa panayam ng TN kay Julius Ausejo, Buildings and Grounds Director ng unibersidad, sinambit nito na kahit nahinto ang konstruksyon ay nakaksiguro pa rin ang mga taga CBA na masusi ang pagsasagawa ng plano ukol sa kapasidad ng gusaling itatayo. “The construction should be well planned since it will undergo processes. It’s not just the first phase of the construction that will be deliberated, also there are second phase, and final phase to guarantee that the standard asserted could tolerate quakes and from possible destructions,” wika nito.
mag-aaral tulad ng The NORSUnian (TN) at Pylon ang kani-kanilang mga katwiran sa pagbabalik ng koleksyon ng bayarin. Ipinakita ng punung patnugot ng Pylon na si Dianne Lea Damian ang isang palabas tungkol sa paghahanda ng mga magsisipagtapos ngayong taon para sa yearbook pictorial upang mabigyang-linaw ang kahalagahan ng yearbook para sa mga alumni ng pamantasan.
Binanggit din niya na magagamit ang yearbook sa pagaaplay ng trabaho. Humihingi din ng suporta ang Pylon sa isang signature campaign sa muling pagbabalik ng koleksyon upang maibalik ang operasyon nila sa pagagawa ng yearbook para sa mga magsisipagtapos sa darating na Marso 2016. Ipinalinaw naman ni Ariel Dizon, ang punung patnugot ng TN, ang panindigan ng publikasyon na ibalik ang koleksyon ng TN fee, na sinusuportahan ng batas ng Campus Journalism. Iminungkahi din niya ang pagsusupil ng campus press sa pamantasan dahil walang nangyaring konsultasyon ukol sa paghihinto ng koleksyon ng publication fee. Naging inisyatibo din ni Villanueva ang paglutas sa problema ng student insurance. Pinayuhan niya ang mga mag-aaral na mag-aplay ng insurance plan sa anumang insurance company at ito’y gagawing isa sa mga requirements sa pag-enrol sa ikalawang semestre. Tinitiyak din niya na ang mga usapin na tinalakay sa asembliya ay ipipresenta niya sa gaganaping pagtitipon ng Board of Regents ngayong Hulyo 30 bilang isang student regent ng pamantasan.
ILANG KLASE...mula sa pahina 1
ang bagong bise presidente. Aniya ang alituntunin na ito ay laan para sa mga organisasyon ng unibersidad na magkaroon ng oras upang magtipon. “This is in order for the teachers not to leave their classes if there are important gatherings. Aside from that, it can also benefit the students because during this shorten periods, students can also have meetings on their respective organizations, can make some tutorials with co-students, do community services and do some extracurricular activities.” Dagdag pa niya, “This aims to build strong NORSU family with each one cares for each other.” Hindi naman daw tutol dito ang mga guro, subalit ayon kay Andre Ariel Cadivida, isang guro ng Departamento ng Biyolohiya, banaag nila na ang oras na nakalaan para sa mga talakayan sa iba’t ibang asignatura ay hindi sapat. Nang tanungin kung bakit may tatlong iba’t ibang iskedyul (Schedule A–regular class, Schedule B–40minute class at Schedule C –30-minute
class) sa batayang ito, sagot ni Pinili na ang unang dalawang Biyernes ng buwan ay magiging apatnapung minuto (schedule B) sapagka’t ito’y nakalaan sa pagtitipon ng iba’t ibang departamento at kolehiyo upang pagusapan ang kanilang mga aktibidad na gagawin; habang ang dalawa pang natitirang Biyernes ay may tatlumpung minuto (schedule C) upang may mas mahabang oras ang mas malalaki pang pagtitipon. Dagdag pa ni Pinili, “We are still on the process of ironing the activities, so we are expecting to have problems and I know we can solve this.” Ayon pa sa kanya, magkakaroon siya ng pagpupulong kasama sina Julio Ventolero, ang Direktor ng Students Affairs Office (SAO); Runelo Piñero, Direktor ng Cultural Affairs; Dr. Carlou Bernaldez, Direktor ng Physical Education upang talakayin ang mga aktibidad at pagpapabuti nito. Ang pinaikling oras ng klase ay ipinatutupad sa lahat ng sangay ng institusyon.
Tanong: Pabor ka ba kung muling ibalik ang yearbook fee? Bilang ng napagtanungan:131