The NORSUnian Vol XXXV Issue 8

Page 1

nagsusulat para sa inyo. Nakikibaka para sa inyo. tomo xxxv blg. 8 | hulyo 24-28, 2017

PATULOY ANG TIYAGA. Ang manggagawang ito ay maiging nagpapala sa harap ng gusaling pangasiwaan, na kasalukuyang binabago sa gitna ng paghahanda ng unibersidad para sa akreditasyon. (Kuha ni John Michael Ausejo)

NORSU iskolar bumaba sa 19.71% Elmark Jade C. Ignacio

Kinuwesyon ng ilan sa mga Norsunians kung kailan tuluyang matatapos at mapapakinabangan ang mga nakalinyang proyekto na imprastraktura sa Negros Oriental State University (NORSU) Dumaguete campus I ngayong taon. Ayon kay Casilda Taño, estudyante ng BS Education kahit nasimulan na ang pagsasaayos sa gusaling pangasiwaan wala naman siyang senyales na nakikita kung kailan ito matatapos. Bagamat masaya si Taño dahil ginagawang pagsasaayos sa gusali ng College of Education (CEd), nangangamba parin siya sa ibang proyekto ng administrasyon

kabilang ang ampiteatro. “Murag dugay naman nang [admin building] nasugdan niya murag wala paman nahuman,” pahayag ni Gracefel Cadilig, estudyante ng BS Mathematics. “Paminaw nako dili na siya mahuman karon kay wala paman gani nasugdan ng sa pikas ana [kaliwang bahagi ng admin building] kay unsa naman rong bulana, ma busy napod na sila pagka-December, na dili na gyud na mahuman,” sabi ng isang BS Hospitality Management na estudyante na tumangging magpakilala. Samantala, tinukoy naman ni Rachille Alaban, mag-aaral ng BS Education ang panibagong gusali ng College of Industrial NORSUNIANS/ sa pahina 4

Kalihokan sa LSO gipangandaman Kenneth Carlorio S.

Isip pagpangandam sa umalabot nga LSO Fun Day, gipahibalo ni Clint John Gramatica, presidente sa League of Student Organizations (LSO) nga hangtod unang semana nalang sa Setyembre ang katapusan sa pagparehistro sa mga kahugpongan. “Og unsang mga org ang marehistro, sila ra pod ang mag– exhibit sa LSO Day,” si Gramatica miingon. Siya misugyot nga unta padalion nila ang pagparehistro tungod sa kadugay sa proseso sa pagpapirma ilabi na ngadto sa opisina ni presidente Joel Limson. “Ang tanang constitution and by-laws moagi jud ni Dr. Limson

og naa siya’y ipausab, inyo jud nang usbon,” matud ni Gramatica. Atol sa miting sa LSO kaniadtong Agosto 18 sa Student Affairs Services Office, ilang gihisgotan ang mga bag-o nga gikinahanglan haron pormal nga marehistro sama sa pag-apil og Community Service ug mga aktibidades sa LSO. Ang LSO Day gikatakda sa ika–15 sa Setyembre, apan temporaryo pa kini tungod sa mga kasikas sa College of Business Administration (CBA) ug College of Industrial Technology (CIT) nga isaulog sa parehang adlaw, ug ang College of Arts and Sciences (CAS) Day sa ulahing semana sa bulan. KALIHOKAN/ sa pahina 4

Elmark Jade C. Ignacio

Kasabay sa implementasyon ng free tuition sa Negros Oriental State University (NORSU) Dumaguete campuses, naitala ng Student Scholarships Office ang 19.71% na pagbaba sa bilang ng mga iskolar para sa unang semestre ng academic year 2017-2018. Batay sa impormasyon na inilabas ni Acting Student Scholarships director Reymil Cadapan, bumaba ang bilang ng iskolar sa 2,285 mula sa 2,846 noong nakaraang taon. Kasama sa lima na may

pinakamadaming iskolar ay ang Third District Tulong Dunong na may 373 iskolar; Second District Tulong Dunong na may 259 iskolar; Commission on Higher Education Student Grant-in-Aid Program for Poverty Alleviation (CHEDSGP-PA) na may 202 iskolar; Governor Roel Degamo na may142 iskolar, at Abang Lingkod na may 114 iskolar. Ayon kay Cadapan, “The decreasing trend in the number of scholars may be attributed to the implementation of the Free

Tuition. There is likewise a decreasing trend in private and government scholarships since students only pay Php 770 during enrollment.” “They no longer need to ask or apply for scholarships this semester and I think this trend will continue with the Free Tuition Act already in place effective next school year,”dagdag niya. Sa palagay niya magpapatuloy pa ang pagbaba ng bilang ng mga iskolar lalong-lalo na dahil sa naisabatas na ang Free Tuiton Act, “everyone now has an equal opportunity towards tertiary education.” Sa kabuoan, may naitalang 59 scholarship grants na nakarehistro ngayong semestre.

30 Norsunians lalahok sa Singapore-TF SCALE Irish Mae S. Cuaresma

Para pumili ng 30 Norsunians na kwalipikado bilang kinatawan ng unibersadad sa Temasek Foundation Specialists’ Community Action and Leadership Exchange (TF SCALE), muling bumisita ang ilang propesor ng Ngee Ann Polytechnic-Singapore noong Agosto 12. Matapos ang huling pagbisita ni Mun Kwok On sa NORSU noong taong 2015, siya ay muling bumalik para ipagpatuloy ang nasimulang ugnayan ng mga Singaporean at ng mga Norsunians. Ang TF SCALE ay isang Leadership Training Exchange Program na may layuning mapatibay ang koneksyon ng Singaporeans at Pilipino kung saan ang 30 Norsunians na papasa sa kwalipikasyon at panayam ay ipapadala sa Singapore na magiging kinatawan ng Negros Oriental State University (NORSU). Inaasahan na ang matutunan ng mga Norsunians na ipapadala sa Singapore ay ang talakayan patungkol sa pamamalakad ng

Kuha ni Kenneth Carlorio S. Surilla

Imprastraktura ng admin, kinuwesyon

Memorabilya. Sa unang pagkakataon, binabasa ni Mun Kwok On (kanan), Propesor ng Ngee An Polytechnic, ang balitang TFSCALE na inilathala noong 2015 ng The NORSUnian.

gobyerno nila, sitwasyon ng mga komunidad, ekonomiya, edukasyon at relihiyon. Naniniwala naman si propesor Mun Kwon On na ang mga estudyante ay makakaambag ng karagdagang kaalaman sa lipunan sa hinaharap. Ayon sa Ngee Ann Polytechnic-Singapore sila ang sasagot sa pamasahe ng 30

estudyante papuntang Singapore, at pauwi dito sa Pilipinas, kasama na rin sa libre ang pagkain at bahay na tutuluyan ng mga kinatawan. Inaasahan na ang mga mapipili na estudyante ay lilipad patungong Singapore ngayong ika- 15 ng Oktobre at babalik sa Nobyembre 2. Iginiit ni Leigh An Marie 30 NORSUNIANS/ sa pahina 4

NO NOON BREAK

KAPIT LANG

ANO ANG IYONG...

PAHINA 2

PAHINA 3

PAHINA 4

HAGIT NGA KALAMBOAN

UNIVERSITY DIARIES

UNIVERSITY POL


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The NORSUnian Vol XXXV Issue 8 by The NORSUnian - Issuu