1 minute read
Sa Napunit na Unang Pahina
s npunit= n UnN= Phin
Si Charlie del Rosario ang pinakaunang biktima ng sapilitang pagkawala sa Pilipinas. Nagtapos siya ng kursong Political Science sa Lyceum of the Philippines at naging guro sa Philippine College of Commerce at Polytechnic University of the Philippines.
Advertisement
Isa rin si Charlie sa tagapagtatag ng Kabataang Makabayan at kasama sa muling pagbubuo ng Communist Party of the Philippines. Marso 19, 1971 nang huli siyang makita, bago pa man isuspinde ang Writ of Habeas Corpus at ideklara ng Batas Militar.