1 minute read

Tamang Panahon

tmN= Pnhon=

Pilit ka mang ipagkait sa akin, Patuloy pa rin kitang hihintayin. Mata ko ma’y pilit na bulagin, Pagkatao ko ma’y kanilang wasakin.

Advertisement

Ngunit sapat na nga ba ang maghintay na lamang Kung ang bawat araw ay patuloy na nasasayang Sa pakikinig at panonood sa taong kumikilos Habang ikaw ay tila rebultong nauupos?

Hindi tayo ang maghihintay habang buhay. Tayo ang hinihintay upang magbuhay Ng pag-asang pinatay ng pagkakataon. Tayo ang hinihintay ng tamang panahon.

Busalan man nila ang aking bibig. Hindi magbabago ang prinsipyo’t pag-ibig Para sa’yo aking mahal, Para sa sinisinta kong bayan.

This article is from: