1 minute read

Nalalabing Isang Oras

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

nllbiN= IsN= Ors=

“Hindi na bago ang huling oras ko rito.”

Advertisement

Sisenta Minutos

Isang oras na lang ang ilalagak ko dito. Ewan ko. Sanay na siguro ako. Hindi na bago ang huling oras ko rito.

Singkwenta Minutos

Umaasa pa rin ako. Umaasa sa liham mo. Masakit mang umasa, hindi naman masamang subukan. Walang mawawala kung aking susubukan.

Kwarenta Minutos

Ano kayang masarap na hapunan mamaya? Kanin at tuyo? Mali… Hindi pwede. Kanin at sabaw lang kay Aling Taling, ayos na. Kailangan kong magtipid. May sakit pa naman si Nanay.

Trenta Minutos

Kalahating oras na lang. Baka may dyaryo rito? Baka makatipid ako. Ay, malas! Wala. Babawasan ko pa sahod ko para sa dyaryo. Bente Minutos -Liham po.

Andito na hinihintay ko. -Mr. Delvale, maaari ka nang pumunta sa opisina ko.

Ito na nga. Sana magandang balita ang mapakinggan ko.

Dyis Minutos -Mr. Delvale, maraming salamat sa iyong serbisyo. Malaking tulong ang naibigay mo sa kompanya. Ito ang isang daan, ang huli mong sahod. Maaari ka nang mag-impake. Muli, maraming, maraming salamat.

Hay, malas! Masarap sanang pakinggan kung may kadugsong na... “gusto mo bang dugsungan ang iyong kontrata?” Pero wala. Bayae na.

Alas-Singko.

Bahala na. Bahala na bukas. Paalam na aking pampitong kumpanya. Tulungan sana ako ng Diyos bukas. Sana makahanap agad ako ng trabaho. Sana regular na makuha ko. Sana…

This article is from: