1 minute read
Ang mga Sedang Humahabi sa Bahaghari
ang mga Sedang
Humahabi sa Bahaghari
Advertisement
AN= mN SedN= Humhbi s Bhg=hri
“Bakit may tubig na nangingilid sa kanilang mga mata?”
Hindi ako napapagod tumakbo sa luntian at malawak na lupain. Hindi ko alintana ang pawisan kong damit. Masayang pinagmamasdan nina Manang at Manong ang aking kamusmusan.
Minsan, may nakita silang kumikinang na mga butil sa aking palaruan.
Napagod na ako sa paglalaro. Sinundan ko ang aking mga ka-nayon. Bakit may tubig na nangingilid sa kanilang mga mata habang ang aking Manang at Manong ay payapang nahihimbing hawak ang kanilang piko at asarol?
Kung mag-init man ang ulo nang dahil sa El Niño. Tuyo na ang sakaha’y, tuyo pa ang lalamunan. Kumakalam na sikmura’ng malakas ang ipinaglalaban, Hawak ang pangako mong bigas para sa tahanan.
Patawarin mo ako’t nagugutom ang aking pamilya. Hindi kanin, magsasaka ang ngayo’y nag-aalsa. Ang nais ko’y bigas na makakain, Ang iyong mga bala ay hindi ko maihahain.