1 minute read
Oo Na
“Kahit anong sabihin nila, hindi na ako magpapadala.” oo Na
OO n
Advertisement
Taas noo akong naglalakad sa hallway. Kahit anong sabihin nila, hindi na ako magpapadala. Mga matang nanghuhusga. Mga ngiting nangungutya. Alam kong hindi lahat ay kagaya nila ngunit sa iilang gumagawa, kayang pabagsakin ang aking tiwala.
Pagkalabas ko ng gusali, pumito sa akin ang guard. Tinaasan ko siya ng kilay at nagpatuloy na lang sa paglalakad. Sa kanto, may poging naninigarilyo. –Hi! at ngumiti ako sa kanya.
Sumimangot s’ya sa akin at sinabi ang palagi ko nang naririnig sa aking ama. –Oo na! Sige na, ‘di ko naman itinatanggi, ah! Ang pangit kong bakla!
Para sa mga magsasakang humihingi ng reporma sa lupa
Ang martsa sa Mendiola na humihiyaw ng katarungan, Sa martsa ng kamatayan nagtapos. Ang Sabado de Gloria ay araw-araw nilang papasanin.
Para sa pinagmalupitang mga pisante ng Hacienda Luisita
Dilaw na laso’y nagkabuhol-buhol Sa pangakong kailanma’y hindi ipagkakaloob. Sila’ng mga walang pakundangang panginoon.
20/20
Imagine what you want to be Though keep your eyes open For vision is inconstantly clear.