4 minute read

Saklolo

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

Sk=lolo

EXTERIOR. KALSADA NG KANTO KWATRO. GABI

Advertisement

SEQUENCE #1: ANG PAGKUHA SA TAHONG NI NENE

Masayang kakanta si Nene ng “LeronLerong Sinta” tangan ang basket ng tahong, habang kakandirit ang balakang niya sa kalsada pauwi sa kanila.

NENE : Melom melom in-a pu-o ang paaya ala ala pus-o eedlan ng pu-a. Pag a-ing sa uwo namali ang anga. Apos ka— Tatawagin si Nene ng mga lasing sa kanto.

LASING #1 : Hoy! Nene, halika ka nga! NENE : Paet po? LASING #1 : Anong panget? Ikaw panget! Anong meron ka d’yan? NENE : Ahm... Ahu e-un po... ahong po. Hihipuin ng lasing ang tahong ni Nene. Uungol si Nene. NENE : Owa po... Owa po. Kaaanis. Tatayo ang isa pang lasing para makihipo rin. NENE : Owa po...Owa po. Ami na kaaanis.

LASING #2 : Ano? Kamatis?

NENE : Owapo... Owapo. Kaaanis po. LASING #1 : Putang ina! Palagay nga ng subtitle! Kami nahihirapan dito oh!

NENE : MAPAPANIS NGA SABE! NAKIKINIG KA BA?

Tatakbong mabilis pauwi si Nene at aabutan niya do’n ang Ate niyang si Trinidad, na nasa wheelchair. NENE : Ate! Ate! Ate Trinidad!

INTERIOR.BAHAY NI NENE.GABI.

SEQUENCE #2: ALL TIME FAVORITE – SAMPALAN.

NENE : Ate Trinidad! ‘Yung mga...

‘Yun pong... TRINIDAD : Ano? ‘Yung mga punyetang ‘yon! Nakaka-Gi-Ar-Ar-Ar na sila. Baka akala nila, kung sino na sila. NENE : Ate, wala pa akong sinasabe... Eksaherada.

Sasampalin ni Trinidad si Nene sa bawat pagsagot nito. TRINIDAD : Bagay ba ‘to? NENE : Hinde! Hinde!

(SLAP!) TRINIDAD : Pangyayari? NENE : Hinde! Pwede! Pwede!

(SLAP!) TRINIDAD : Tao? Lugar? NENE :Pwede! Pwede! Ou! Ou!

(SLAP!) TRINIDAD : Hayop? NENE … (SLAP!) Tatakbo Magwe-wheelchair si Trinidad, hila si Nene, nang makita ang mapa ng Kanto Kwarto sa pisngi nito.

EXTERIOR. TINDAHAN SA KANTO. GABI.

SEQUENCE #3: LABAN PARA SA TAHONG.

LASING #1 : Tang... bumalik pa ‘tong si... TRINIDAD : Sila ba, Nene? Sila ba? Ito bang mga punyetang mga ‘to? NENE … (Hindi makapagsalita dahil sa namagang pisngi dahil sa sampal ni Trinidad) TRINIDAD : Oh tamu ka! Sinasabi ko na nga ba! Kayong mga tarantadong mag-iinom, mga kanser ng lipunan! LASING #1 : Aba!...Sumusobra k-

(SLAP!) Sinampal ni Trinidad. MGA TAO SA PALIGID : Oh yeah!! Woooooooo! Imba!

ENIGMA : Yow! Sa aking kanan, mula sa bahay nila, mag-ingay para kay Trinidad.

MGA TAO SA PALIGID : WoooooooHoooo! Hoooooooooooo!

ENIGMA : At sa aking kaliwa, mula sa Kanto Kwatro, mag-ingay para kay Lasing #2. MGA TAO SA PALIGID : WoooooooHoooo! Asteeeeeg! ENIGMA : Yow! 90 seconds kay Trinidad. Tahimik lang oh. TRINIDAD : Aking kalaban Lasing #2. Tingnan mo ‘tong si loko. ‘Pag-umutot ‘yan panigurado kulay blue. ‘Yan kasi ang side effect ng gamot niya sa kulugo. Oh tamu ka, wala siyang clue. Putang ina, hindi ako natatakot sa’yo. Gusto mo gawin ko pang dreadlocks ‘yang bangs mo? MGA TAO SA PALIGID : Hahahahaha! Hoooowuuuuuu! Angas! TRINIDAD : Ang cute ng labi mo. MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahahahahahahaha! TRINIDAD : Parang sinagasaan lang ng wheelchair ko! MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahahahahahahaha!

TRINIDAD : ‘Yang kulugo mo, hindi na kayang ayusin ni Belo. Parang neckbrace ni Arroyo. Parang salita ni Santiago. Parang rehimen ni Aquino. Bulok! Gago! ‘Pag ako natalo rito, putang ina, souvenir mo gulong ko. MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahaha! Whoa! Whoa! Tindi!

ENIGMA : Time. Okay. 90 seconds. Lasing #2. LASING #2 : Yow! Kanto Kwatro, magingay! MGA TAO SA PALIGID : Whooooooooooooooooooooo!

LASING #2 : Dahil sa kanto may pilay!

MGA TAO SA PALIGID : Whahahahaha! Lasing #2! Lasing #2! LASING #2 : Wanna be Professor X pero jejemon magtext? Trinidad, ikaw ‘yung tipong kahit bihis na bihis... walang magtatanong kung saan ang lakad mo.

MGA TAO SA PALIGID : Hahahahaha! Hooooo! Idol!

LASING #2 : Ako’y lasing, lasing, lasing. Siya’y galing, galing, galing. Kasi siya’y pailing, iling, iling. Itong labi kong nilalait mo, ito’y kilala kumpara sa labi mo hirap isara. Feeling nito, itong pugak na ‘to. Na nagpuputak, putak, putak na ‘to, e’ mas kumikita pa yung nagtutulak ng bato kesa sa nagtutulak ng wheelchair mo. MGA TAO SA PALIGID : Whooooooaaahhhhhhhh!

LASING #2 : Trinidad na kalahati, parang may kalang lagi ang labi. Ang daming nagpapa-picture na lalaki sa ‘yo pero walang balak magpalahi. Kaya sa kanila... ‘wag kang feeling close. ‘Yung kanta ni Gloc-9 na upuan kala ko ikaw ang nag-compose. MGA TAO SA PALIGID : Hahahahahaha! Hoooooo! Imba talaga! ENIGMA : Time. Ikalawang banat, Trinidad. G-

Titigil ang lahat ng tao. Titingin sa direksyon ni Nene. Hahawakan ni Nene ang kanyang lalamunan. LASING #1 : Putang ina! Ang isinumpang takip ng bolpen! LASING #1 : Ano? Ang isinumpang takip ng bolpen na pangsulat ‘pag may nagpapaload! MGA TAO SA PALIGID : Ewwwwwwwwww!

TRINIDAD : Nilumod nang buo ni Nene? NENE : Ahe Tinira... aho na baala.

LASING #1 : Ang ‘tang ina talaga! Sinira niya ‘yung subtitle!

(DIM TO BLACK) (ROLL CREDITS) (END)

This article is from: