1 minute read

Mapanuyang Ngiti

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

MpnuyN= Niti

Ating lakbayin ang mundo na walang kulay, Isang mundong umiikot sa itim, Kung saan sumibol ang pagdurusa’t pagtitiis, Kung sa’n ako’y lumalangoy sa dilim.

Advertisement

Parang isang drogang hindi natikman Ang liwanag na sinasabing magliligtas Sa aking pusong naghahangad Ng kaligayahang tunay at wagas.

Iniluwal na umiiyak, lumaking tumatangis; Mula noo’y nabuhay sa sakit, nag-iisa’t walang kawangis. Paano kita maililigtas sa kadilimang iyong pinagkalulong Kung ako mismo’y naririto, sadyang nilimot na ng panahon?

Pinagtaksilan ng kapalaran, itinago ang pighati Nakakurbang pataas,isang mapanuyang ngiti Masaya ako, masaya ako, ’di mo ba nakikita? Kung walang kalungkutan, walang sayang mapapala.

Tumatawa’t nakangiting humaharap sa lahat. Pagtalikod, nag-iisip, masaya nga ba talaga? Nagsusumamo… namamalimos. Pahingi ng kaunting saya. Huwag mong pansinin ang luha sa ’king mga mata.

Ikinurbang pataas… mapanuyang ngiti. Masaya ang ipakita, kalungkuta’y ikubli Ngunit napahinto sa isang tanong na kinimkim. Saan nga ba makkita ang kaligayahan sa dilim?

This article is from: