1 minute read

Payo

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

“Alam mo naman pala ang sagot. You just need to do it.”

pyo

Advertisement

Isang gabing malamig na napawi nang init sa mga katawan ng magkasintahan. Kasiyahan na pinunan ng mga yakap at halik. Humiga silang magkayakap nang natapos ang mapang abot langit na pakiramdam. —Bernard, does God forgives? hindi maiwasang tanong ni Belle sa kasintahan. —Oo naman. Kailangan mo lang maging malapit sa kanya. —Sa paanong paraan? Sa pagsimba, dasal, confess?

Napangiti na lang si Bernard sa tanong ni Belle at niyakap ito. —Alam mo naman pala ang sagot, Belle. You just need to do it.

Tumayo na si Bernard at nagayos na ng sarili. —Paano ba ‘yan Belle? Sa susunod na lang. Magkita na lang tayo sa simbahan.

Tumayo si Belle. Sa huling pagkakataon, yumakap siya kay Bernard at bumulong. —Okay. Mamaya, sa misa, tayo magkita. You enlighten me with your words, Father.

This article is from: