1 minute read

Intensyon

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

“Tapos na ang trabaho.”

7:50 A.M.

Advertisement

Limang kanto na lang, nasa school na ‘ko. Mapapaaga ako ngayon. Mukha namang normal ang umagang ‘to. Nando’n pa rin ang karaniwang pagmamadali ng mga elementary students na male-late na. Mga magulang na ‘yung iba’y mamamalengke, ‘yung iba naman papuntang trabaho. Pero, parang may kakaiba.

May kumpulang nagaganap sa tabi ng kalsada. Matingnan nga. –Anong nangyari? –Anak daw ni Tiya Elena, naabutang nakahandusay na lang diyan. Tinangay raw ‘ata ng mga aso. Nakita lang ng bandang alas-singko. Mukhang pinagsasaksak daw si Helen. Ginahasa rin daw.

–Ay hala! Bakit naman daw? Ano bang sabi ng mga pulis? –Napagtanungan na nga raw ‘yung mga kaibigan kanina. Sabi raw ay mahilig mang-cyberbully sa Facebook. ‘Yon daw ang nakitang motibo. –Sayang naman. Kaganda pa man ding bata.

May namatay na naman pala. Akala ko naman kung ano. Grabe pa naman mag-iskandalo

In=ten=siyon=

ng isang nanay doon sa mga pulis. Pero grabe pa rin dahil pang-apat na ‘tong biktima. –Hoy Jasper! Tara sabay na tayo pa-school! –Ay sige. Teka, may kukunin lang ako.

Buti na lang mabagal maglakad si Chris, nakuha ko agad ‘yung singsing ko. Nakalimutan ko nga pa lang hinatak niya ‘to sa kamay ko kagabi bago ko siya naitali. Oo, hinatak ‘to ni Helen kagabi. Medyo mahina na siya no’n e, mukhang umepekto nga agad ang gamot na inilagay ko sa tubig niya. Hindi naman siya gano’ng kahirap ligpitin, ‘di gaya ng naunang tatlo. Nagtataka nga ako kung paano nahanap at nahigit ng mga aso ‘yung katawan ni Helen. Bayae na, tapos na ang trabaho. –Grabe, ano? May pinatay na naman. Nakakaawa sila.

Oo, nakakaawa sila. Pero nakakaawa ba siya no’ng pinaglalalait nila ako sa Facebook? Nakakaawa ba siya no’ng pinagtatawanan nila at pinapahiya sa school? ‘Di ba hindi?

Pero hindi na naman ‘yon mahalaga. Ang importante ay naligpit ko na sila, sila na sumira sa image ko.

This article is from: