2 minute read

Nang Makilala ng Adik ang Geek at Vice Versa

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

nN= Mkill N= Adik= aN= Gik= at= by=s= Ber=s

“Heto na naman ang pangtortyur na katahimikan niya.”

Advertisement

Binilo ko at ipinasak sa tube ang ilan sa dubing binili ng mahigit dalawang daan. Sapat na ‘to sa pang isang linggong damuhan na kailangan ng nguso ko. Sapat na rin para kumalma ang isip kong magulo. Sinindihan. Umusok.

—Putang ina, lumayo ka nga ng kaunti! pamura ni Nik. —Nagrerebyu ako dito oh! Dagdag pa.

Sunod naman ako agad. Madalas kaming mag-away ni Nik sa mga ganitong mga bagay. Ayaw niyang ginugulo siya sa pag pag-aaral, gumagawa ng assignment at tulad ng ganitong nagrerebyu. Malapit na kasi ang finals. Pero tulad ko, na hindi siya ginugulo sa mga ginagawa niya, hindi niya rin ako ginugulo kapag bumabatak ako. Matiwasay ‘yon para sa ’kin.

Matalino si Monika. Kung iisipin, nangunguna siya sa klase nila. Iskolar ng kilalang kurap na politiko. Dean’s Lister. Higit sa lahat, kinalilibugan ng kalalakihan sa pamantasan namin kaya ‘di ko lubos maisip kung bakit ako pinatos ng gagong ‘to at ako pa ang napagtripan. Isang ordinaryo, hindi simpleng estudyanteng, pilit pinagkakasya ang sarili sa mga numero.

—Buntis ako, June, pabulong niyang sabi.

Nabasag ang utak ko sa paghithit ng damo sabay ng pagbasag ng usok at

katahimikan sa hangin nang marinig ko siyang initsa ‘to sa pagmumuk’a ko.

Punyeta naman ‘tong si Monika. Ilang beses ko pa lang naman siyang kinantot. Tapos, sasabihin niyang heto’t buntis siya. Malay ko ba namang may tumitira sa kanyang iba. Kaso disenteng babae si Monika. Hindi ang tulad niya ang bubukaka lang ‘pag may nakilalang iba. Ang hindi lang disente sa kanya ay akong syota niya.

Halos dalawang buwan pa lang nang maging kami ni Monika. Lumilipad ako sa ere no’ng panahong nililigawan ko siya – sa madaling sabi sabog. Pero ang totoo, hindi ko talaga matandaan kung niligawan ko nga ba siya. Hindi bago ang mga nawawalang segundo, minuto ‘pag bumabatak ako. Basta no’ng medyo nasa katinuan na ako kasabay lumilipad sa ere ang mga katawan naming kasama ang ispirito ng singhal at hangos.

Tahimik lang ako. Walang imik. Pero ramdam kong may dapat akong sabihin. Parang naghihintay siya ng sagot. Heto na naman ang pangtortyur na katahimikan niya. Bakit hindi pa isigaw ni gago ang gusto niyang isumbat na: Oh, ano? Anong gagawin mo ngayon? Natin? Tang ’na naman, June. ‘Yan lang ba ang kaya mong sabihin? Ano? Ipapaabort ba natin ‘to? Ikinuyumos ko ang kamao ko. —Pananagutan ko, hindi ‘to patanong.

Tahimik lang siya. Wala ulit akong imik. Napansin ko na lang ang kanyang paghikbi sa gilid ng kanyang labi hanggang tuluyan nang pumatak ang mainit niyang luha, kasabay ng mabilis niyang pagyakap nang mahigpit. —Ang hinayupak kong tatay ang tatay nito!

Binilo ko at ipinasak sa tube ang ilan sa dubing binili ng mahigit dalawang daan. Sapat na ‘to sa pang isang linggong damuhan na kailangan ng nguso ko. Sapat na rin para kumalma ang isip kong magulo. Sinindihan. Inabot ko sa kanya. Umusok.

This article is from: