1 minute read

Tuldok

Next Article
Mandirigma

Mandirigma

tul=dok=

Mga librong hindi ko matapos-tapos, Ito na lang ang aking pamparaos, Sinimulan lang sa isang kabanata. Narito ako ngayon, naging padalos-dalos.

Advertisement

Mga gawain kong ‘di matapos-tapos, Ang oras ko’y kinakapos, Bukas ko na lang pala gagawin. Narito ako ngayon, lubhang nakagapos.

Mga bayaring hindi matapos-tapos, Wala na nga akong pantustos, Napapabulsa lang naman sa iba. Buhay ko’y malapit nang matapos.

This article is from: