![](https://assets.isu.pub/document-structure/210517120922-f3c5d50fd25367f23d8ff13d1baeadbb/v1/689f43889130646361bbbf0a29b94678.jpg?width=720&quality=85%2C50)
2 minute read
OBRA MAESTRA
Pangarap noon, Wala na ngayon"
Pangarap ko noon, Wala na ngayon By Farouk Macalayo
Advertisement
Isang estudyanteng may pinapangarap Pangarap na makapagtapos ng ganap Ganap na lakas, talino, at parangal Pero ang pinagmamalaki ay dangal
Sinarado lahat ang aking libangan Mag aral ng husto dito sa silangan Pupunuin ang sarili ng kaunlaran Makatungo lamang sa bansang kanluran
Masaya sa aking pinag aaralan Dahil mahusay ang aking paaralan Bawat tinuturo, naiintindihan Bawat araw ako'y ginagahan
Palapit ng palapit ang aking yapak Ang kinabukasan ko'y pumapalakpak Itong paaralan, tao's pusong tanggap Sa mga taong tulad namin may hinaharap.
Kandila
Kandila By Farouk Macalayo
Sa Mundong laman ay kayamanan Ito'y walang katumbas ang kahalagahan Pero bakit ang tao rito'y mahihirap? Pati ba naman ang kanilang hinaharap?
Bakit ang mga edukado pa? Ang sumisira sa mga mapayapa Habang ang mga mahihirap din Ay walang nagagawa kundi magbigay diin
Bakit ang pagsasamantala, Ay hindi mawala-wala? Kahit alam na ng mga tao Sumisimula ito ng gulo
Bakit pa lahat ginagawa ito, Sa mga kapwa nating pilipino? Pilipino ba tayo o mga kastila? Apoy ng pilipino ay lumiliit na kandila.
Obra Maestra
Nais Ko lang Ay Makinig Kayo
Nais Ko lang Ay Makinig Kayo By Richard Domagtoy
Nais makipaglibang sa dilim, Sapagkat ang sugat ay malalim Naghahanap ng mapagsabihan, Yaong hindi ako huhusgahan
Nais itanong sa mga langit, "Bakit buhay ay may halong pait?" Minsa'y sinisisi ang sarili Kung bakit di na laging kasali
Nais iwanan ang sanlibutan, Upang problema'y makalimutan Katawan ko'y pagod ng maglakbay, Pinipilit lumaban sa buhay
Nais sumigaw aking damdamin, Hindi na sa harap ng salamin Ngunit pinapaatras ng takot, Piniling manahimik sa puot
Damdaming nakagapos sa sulok, Nangingisay sa itim na usok Lampara na akala'y tutulong, Walang anino o kahit bulong
Luha'y pinipigilang tumulo, Ngiti lang! at may tawa sa dulo Tula'y labasan ng mga hinaing, Sa unan naman nagpapagaling
Nais pakawalan ang mga galit, Ako'y paginggan kahit lang saglit Minuto lang ang hihiramin ko, Nais ko lang ay makinig kayo.
Kanlungan
Kanlungan | Nisrin P. Hadji Rauf
Ang malambo at para bang bulak na kumot, at ang kamang pumapawi sa pagod na katawan. Ang silid kung saan ang rnga alaala'y nakatago. Ang silid na naging takbuhan mula sa katakutan, katakutan sa mga taong hindi kilala. Ngunit ngayo'y iba na ang nasilayan. Mga medalyang palamuti sa paler ay naglaho. Basag na salamin ay nagkalat sa sahig. Paanong ang silid na dati'y larnan ng kasiyahan ay binabalot ng takot at kalungkutan.
Sa Dansalan
Sa Dansalan | Ayeeka —Fardah D. Saripada
Bagong tunog ngunit dati'y sanay marinig, kung dati'y parang pansalubong lang sa bagong taon, bakit ngayon ito'y nakakatakot sa pandinig?
Tila ba naging hudyat na ng kamatayan. Nagsimulang lumiko ang nakasanayang ihip ng hangin, iba narin ang rota ng mga jeepney na aking sinasakyan; rnga bakit na hanggang ngayo'y 'nindi pa nasasagutan.
Paano lumiyab ang malarng na tubig? Isang payak na lugar bilang tahanan ng mga Maranaona ngayo'y lungga ng mga bandido't mamamatay tao,arnoy mo ss lugar ang dugong dumanak makamit lang ,.ng kalayaang asatn ng lahat. Bakas sa mukha ng lahat ng ngiti habang pumapatak ang mga luha; noong unang masilayan ang dati'y bibo, ngunit naging abo na lang pagkatapos ng gyera, ilang siglong iningatan ngunit ngayo'y alaala na lang.