The Torch Publications Tomo 65 Blg. 2

Page 1

ANG ITIM NA LASO AY SUMISIMBOLO SA PAKIKIISA NG THE TORCH PUBLICATIONS SA PAGKUNDENA LABAN SA PAGSIKIL SA KARAPATAN NG PAMAMAHAYAG AT KAWALANG HUSTISYA SA MGA NASAWING MAMAMAHAYAG NG AMPATUAN MASSACRE.

1 Bilyon para kay Inang Pamantasan!

TOMO 65 BILANG 2 AGOSTO 2012

Table 1. Total need vs DBM-approved 2013 budget for SUCs Proposed by SUCs Recommended by DBM Percent Approved

Suriin ang mga talahanayan sa kanan at PS* sundan ang kolum sa pahina 4

Sa ilalim ng bagong programa, 23 atleta sasabak sa SCUAA Binubuo ng 23 estudyanteng atleta at anim na DSWD scholars ang I-27 sa ilalim ng isang bagong programang binuksan para sa taunang State Colleges and Universities Athletic Association (SCUAA) games. Layunin ng programa Nasa ilalim ngayon ng ‘Admit to Play and to Teach Program’ ang 23 atleta mula sa I-27. Isang malaking pagtatatangka ang programa dahil ngayon lang ito sinisimulang ipatupad. Layunin nitong mabigyan ng pantay na oportunidad ang mga estudyanteng nagnanais maging guro sa Physical Education (PE) at may kakayahan sa isports. Inaprubahan ito ni Dr. Ester Ogena, pangulo ng PNU, sa kasunduang magkakaroon ng hiwalay na programa at seksyon ang 23 atleta na hindi katulad ng regular na estudyante. “The university

president approved that kasi nakita niya yung logic,” pahayag ni Prof. Lordinio Vergara, direktor ng Center for Sports Development (CSD) at puno ng PE Department, na siya ring namumuno sa special program na ito. Ang makapagkamit ng medalya at mapabago ang kalagayan sa SCUAA ang tunay na misyon nito lalo pa’t PNU ang host sa susunod na season ng SCUAA. “Kasi ang isang bagay na nakita ko, why Polytechnic University of the Philippines (PUP), Rizal Technological University (RTU) and other State Universities and Colleges (SUCs) na nakalaban natin, sa 7 schools, mayroon silang recruitment program which is wala tayo,” pahayag ni Vergara. Ang mga estudyanteng ito na dati nang nanalo sa Palarong Pambansa, Division Meet at Palarong Maynila ang siyang ipanglala-

ban sa nalalapit na SCUAA. Nilinaw ni Vergara na totoong ‘hinugot’ ng kanyang team ang mga atleta mula sa kani-kaniyang paaralan na tinawag niyang “scouting of athlete.” Admission Process Dumaan sa Standard Operating Procedure (SOP) ng Admissions tulad ng PNU Admission Test (PNUAT), interview at medical examination ang 23 atleta mula sa I-27. Mula sa 46, 11 lamang ang nakapasa sa Admission Test. Sa nalalabing 35, 23 lamang ang bumalik upang opisyal na sumailalim sa special program. Ayon kay Vergara, “At the end of the year ulit, they will take the PNUAT, titingnan kung nag-improve.” Ipinaliwanag din ng direktor ng CSD na hindi lang puro atleta ang nasa seksyon na ito, mayroon ding anim na DSWD scholars na bahagi ng poverty alleviation project.

Marjorie Bagaoisan

Bayarin Tulad ng mga regular na estudyante ng PNU, nagbayad din ng tuition fee ang mga atleta ngunit nagkakaiba lang ito sa halaga ng bayarin. Nagbayad ng P1,750 ang mga estudyante ng I-27 na may 19 units, samantalang P1,965 sa karaniwang freshman na may 25 units. Kung pumapasok ang isang regular na estudyante ng pitong oras sa isang araw, pumapasok lamang sila ng tatlo hanggang apat na oras upang bigyang-daan ang kanilang pagsasanay matapos ang kanilang klase. Ganito ang magiging sistema nila sa loob ng limang taon sa PNU kung saan tatapusin nila ang kursong Bachelor in Secondary Education Major in PE. Sinabi pa ni Vergara, “Kaya sila five years kasi una ang SCUAA ay five playing years. Pero hindi pa ito approved, ito ay proposal pa lang.” ..sundan sa p.2

SG, umani ng batikos sa dagdag singil sa Ushirt Elaine I. Jacob

LARAWAN 1. Ang mungkahing disenyo ng University Recording Studio & Old Ecu Renovation ng PNU Manila Student Government. (Photo credit: https://www.facebook.com/pnumanilasg)

Ikinagulat ng maraming estudyante ang panukala ng PNU Manila Student Government (SG) na dagdag P20 sa presyo ng University shirt (Ushirt) at ang mungkahing proyekto para sa pondong malilikom. Naglabasan ang mga komento, suhestiyon at hinaing ng PNUans sa social networking site na Facebook (tingnan ang mga larawan sa pahina 5) matapos makatanggap

ang mga estudyante ng mensahe ukol sa pagtataas ng presyo ng Ushirt, pagiging compulsory nito sa simula at ang di umano’y kawalan ng malawak na student consultation para sa proyekto. Mas pinag-usapan pa ang isyu nang maglabas ang Pnu Manila Sg facebook account ng pahayag ukol sa Ushirt na may titulong, “SAAN MAPUPUNTA ANG KIKITAIN

SA UNIVERSITY SHIRT?” Dito, nakatala ang mahabang listahan ng mga kagamitang bibilhin para sa SG Logistics Office, pagpapaayos ng Old Ecumenical Room (Old Ecu) upang maging isang Multi-Purpose Hall, at ang pagpapagawa ng University Recording Studio (tingnan ang unang larawan). ..sundan sa p.5

31.15 B

27.33 B

87.8

MOOE

8.51 B

6.43 B

75.6

CO

14.96 B

3.37 B

22.5

TOTAL

54.61 B

37.13 B

68

*includes funds for RLIP Source: Department of Budget and Management

Table 2. PNU Proposed Budgets and Appropriations

Year

Proposed Budget

Budget Appropriation

Students Administration

Government

Percentage of Appropriation Compared to PNU Proposed Budget

2011

-

716 M

297 M

41.48 %

2012

-

752 M

281 M

37.77 %

2013

1.2649 B

924 M

-

-


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.