The Torch Publications Tomo 65 Blg. 3

Page 1

the torch TOMO 65 BILANG 3 The Official Student Publication of Philippine Normal University

Member: College Editors Guild of the Philippines (CEGP), Progresibong Lupon ng mga Manunulat ng PNU (PLUMA -PNU)

Sa Pambansang Araw ng mga Guro, mas mataas na sahod ipinanawagan “HB 2142 ipaglaban, upgrade teacher’s salaries now!” Ito ang panawagan ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) sa isinagawang mobilisasyon mula Morayta tungong Mendiola sa Pambansang Araw ng mga Guro noong ika-5 ng Oktubre. Dinaluhan ang mobilisasyon ng may 500 na guro mula sa NCR, mga estudyante at iba pang mga sektor tulad ng kabataan, magsasaka, manggagawa at kababaihan sa pangunguna ng ACT upang ipanawagan ang karapatan ng mga guro para sa nakabubuhay na sahod. Naglunsad din ng kaugnay na

mobilisasyon sa Negros na dinaluhan ng 1,300 na guro at 300 naman sa Butuan. Noong taong 2010, inihain ni ACT Rep. Antonio Tinio ang House Bill 2142 para isabatas ang pagtataas ng sahod ng mga guro sa pampublikong paaralan. Nakakuha ito ng suporta mula sa kongreso kung saan 180 na mga kongresista at mga senador, ngunit hindi pa ito naisasabatas dahil sa hindi pag-aksyon ng Pangulo.“Proof of this hindrance is the President’s refusal to line up the issue as among his legislative priorities and his failure to set aside funds for salary increases for teachers and other

state workers in his proposed 2013 budget,” giit ni Rep. Tinio. Samantala, sa pangunguna ni DepEd Sec. Armin Luistro, isang malawakang pagdiriwang naman ang ginanap sa Philippine Sports Arena sa lungsod ng Pasig na dinaluhan d+in ng libo-libong mga guro. Sa kabilang banda, malaking tulong sa mga guro ang mga benepisyong naibibigay sa ngayon. “Sa mahabang panahon, maraming benepisyo ang di natamasa ng kindergarten teachers. Kaya nagpapasalamat kami sa ACT Teachers Partylist na naggigigit ng chalk allowance at pagtaas ng sweldo ng teachers,” pa-

hayag ni G. Aracely De Ocampo, Pangulo ng Manila Kindergarten Teachers. “We at ACT Teachers Party-list believe that despite the numerous ills overwhelming Philippine education, students can still rely on their teachers to provide the best education obtainable. Public school teachers receive inadequate salaries and benefits, yet endure appalling working conditions such as large classes and insufficient classrooms. In the face of it all, there are those such as you who keep teaching for years, and commit to the calling with excellence,” pagtatapos ni Rep. Tinio.

Epal Gangnam Style

Jolly M. Lugod

Pagtatalaga ng ICUCOs cubicle nakabinbin pa rin Ethel Diana G. Jordan

Daing pa rin ng ilang Accredited at Re-accredited Interest Clubs and University Chapters/Organizations (ICUCOs) ang kawalan ng opisina sa Student Veranda. Ayon kay Dr. Aurora B. Fulgencio, Dekana ng Office of the Student Affairs and Student Services (OSASS), tumagal ang pagtatalaga ng mga opisina sa ICUCO dahil hindi naibigay kaagad sa kanya ang kopya ng opisyal na resulta ng nakaraang accreditation at re-accreditation process na may lagda ng lahat ng miyembro ng Screening Committee (SC). Noong Setyembre 6, nagkaroon ng pulong ukol dito na pinangunahan ni Prop. Sheila Marie B. Adona, Student Coordinator kasama ang Student Government (SG) Executive Body para maipaalam sa mga organisasyon ang pagkawala ng opisyal na resulta ng akreditasyon. “Marso 9, 2012 nang magkaroon ng pinal na resulta ng

akreditasyon na may lagda ng lahat ng committee members. Una itong naipaskil noong Abril sa dalawang bulletin board ng SG ngunit laging nawawala o baka may kumukuha. Kaya kinabukasan naglalagay ulit kame ng bago,” salaysay ni Arsadon E. Vera, miyembro ng SC na dating SG Vice President for External Affairs (A.Y. 2011-2012) at kasalukuyang SG Finance and Logistics Officer. Nabanggit sa pulong na walang naibigay na kopya ng resulta ng akreditasyon kay Dr. Fulgencio at Agosto na nang madiskubreng nawawala rin ang kopya ni Vera. Para solusyonan, nagkaroon ng botohan kung magkakaroon ng re-accreditation o ng reconstruction/reprint ng nasabing dokumento. Nagresulta ang botohan sa 7-9. Sumang-ayon ang karamihan sa reprinting ng dokumento na muling pipirmahan ng mga miyembro ng komite. Setyembre 13 nang maibigay ni Vera sa OSASS ang dalawang kopya ng dokumento

na may petsang March 9, 2012 (kopya ng opisyal na listahan ng accredited ICUCO) at Setyembre 10 (reprinted copy). Ayon sa liham ni Vera kay Fulgencio, “The 1st copy dated March 9, 2012 contains the official list of the accredited ICUCOs, while 2nd copy dated September 10, 2012 is just a reprinted copy. I printed two copies with different dates to show the span of time wherein the softcopy of the document was retrieved. Reprinted and made official through the signatures obtained from September 10 to 13 from the members of the Screening Committee A. Y. 2012-2013.” Samantala, para sa ilang nakapasang ICUCOs hindi naging makatarungan ang naging pasya ng kasalukuyang pamunuan ng SG na panatilihin ang mga organisasyong hindi nakapasa sa akreditasyon sa sundan sa pahina 4..

PITIK B:

P. 8

P.7

10 P. 13

SALITA sa LIPUNAN

Student Handbook still in process Constantine H. Capco Jahlen Tuvilleja

“We’re positive na bago matapos ang school year ay may bagong rebisyon na ang student handbook na maaaring ipresenta sa Board of Regents (BOR).” Due to the preparations for the University accreditations and unavailability of some of the student representatives from different year levels, the revisions in the student handbook initiated since August 2011 was delayed. Student Activity Coordinator and member of the Committee on Student Handbook Revision Prof. Sheila Marie Adona, expressed hope in an interview with The Torch, that the student handbook will be finished at the end of the school year. “Almost three-fourths na ng ating student handbook ang narereview ng committee… but at this point, nakaanim na

meeting na, small and big group ang nagkaroon tayo para sa pagdidiscuss nito,” Prof. Adona explained. One representative from each of the Colleges (COS, CED, CASS, and CLLL), Student Government (SG) officials, 2nd to 4th year level student representatives, officials from the University Press, Office of the Admissions, and Office of the Registrar constitute the committee chaired by Dr. Aurora Fulgencio. According to Prof. Adona, the committee is requesting SG Vice President for External Affairs Algel Balantac to present the revision of the handbook to the student leaders for consultation in the National Convention of Student Leaders on the 3rd week of October including all the SG officers from all PNU campuses. After the student consultasundan sa pahina 4..


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.
The Torch Publications Tomo 65 Blg. 3 by The Torch Publications - Issuu