The Torch Publications Tomo 69 Blg. 3

Page 1

THE TORCH PUBLICATIONS Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas

TOMO 69 BLG. 3

Miyembro: College Editors Guild of the Philippines(CEGP) Pambansang Lupon ng mga Manunulat-PNU (PLUMA-PNU)

Balita |Biglaang implementasyon ng dress code, inireklamo Editoryal | Mekanismo ng Pribatisasyon Lathalain | Tanggol Wika: Hanggang sa

Tagumpay Panitikan | Dead End | Panatang Makadayuhan

Urek Pondare


BALITA 2Biglaang implementasyon ng dress code, inereklamo Kinukwestyon ng mga mag-aaral ang pagiging mahigpit sa pagpapatupad ng bagong polisiya ng pananamit sa pamantasan sa kabila ng kakulangan ng oryentasyon at kawalan ng konsultasyon sa mga PNUan tungkol dito.

Sa inilabas na dress code, naglalaman ito ng mga dapat na pananamit ng mga mag-aaral sa loob ng pamantasan partikular sa araw ng Miyerkules at Sabado. Makikita sa Talahanayan 1.1 ang mga ipinagbabawal na kasuotan tuwing Miyerkules at Sabado at sa Talahanayan 1.2 ang ipinagbabawal tuwing araw na may pasok. Ipinagbabawal din ang pagusuot ng hikaw at paglalagay ng make-up sa mga lalaki at paglalagay naman ng kulay sa buhok sa parehas na kasarian. Ngunit dahil sa kakulangan sa oryentasyon, naghimutok at nabigla ang mga estudyante sa nasabing polisiya. “Bago sana ipatupad ang dress code, kinonsulta muna ang mga mag-aaral kung pumapayag ba kami sa polisiyang ito

dahil marami sa amin nagtataka sa bagong polisiya na ito,” mungkahi ni Levy Galano, mag-aaral mula sa III- BSCITE. Binigyang-diin naman ni Ronnel Agoncillo, Rehenteng Pangmag-aaral at Pangulo ng PNU-Manila Student Government (SG), hindi man bago ang dress code, nararapat pa rin na magkaroon ng oryentasyon sa bahagi ng mga mag-aaral para hindi nagugulat at mas magabayan nang maayos sa kung ano ang wastong pananamit sa loob ng pamantasan. Lumabas din sa pag-iimbestiga at pakikipanayam ng The Torch na may ilang mga mag-aaral anag nakakapasok pa rin sa pamantasan sa kabila ng kanilang paglabag sa nasabing dress code. “Ang unfair kasi, yung iba pinapapasok ng mga gwardiya kahit may kulay ‘yung buhok, at saka tinatanong nila yung year at major, kapag nalaman nila na freshman kinukuha na nila yung I.D.,” pahayag ni Janssen Baquiran, magaaral din mula sa I-8.

Binanggit ni Prop.

Tito Baclagan, Direktor sa Disiplina, ang mga nakasaad sa polisiyang ito ay nakabatay sa lumang polisiya ng dress code ngunit sa paglipas ng panahon ay nagkaroon ng mga rebisyon. Sa kabila nito, sinabi ni Agoncillo na ang PNU ang sentrong pinagmumulan ng guro sa hinaharap,

Colmenares: Ito’y laban nating lahat Inilarawan ni Renato Reyes Jr., Secretary-General ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) ang kampanyang ‘Neri for Senator Movement’ bilang pagkakaroon ng boses ng mamamayan sa senado–para sa mga manggagawa na nag-aasam ng makatwirang sahod at benepisyo, ng mga magsasakang nag-aasam ng lupa, ang mga kabataang umaasa ng mas magandang kinabukasan, at sa bawat nagbabayad ng buwis na kumokontra sa korapsyon. Dinaluhan ng iba’t ibang progresibong organisasyon, mga kongresista, mga opisyal ng pamahalaan mula sa iba’t ibang

panig ng bansa at ilang kilalang personalidad ang nasabing kampanya bilang pagsuporta kay Neri Colmenares para sa kanyang pagtakbo sa eleksyong 2016. Kilala si Colmenares sa pagpapanukala ng mga batas na tungkol sa dagdag pasahod, benepisyo at pagtatanggol sa karapatang pantao katulad na lamang ng House Bill (HB) 5842 o ang Social Security Act kung saan magbibigay ng dagdag na 2,000 PhP sa pensyon ng mga benepisyaryo (kasalukuyang na sa antas komite ng senado), Republic Act (RA) 10368 o Human Rights Reparation and Recognition Act of 2013, kung saan kinikilala ang ka-

halagahan ng mga biktima ng paglabag sa karapatang pantao noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos; RA 353 o and Anti-Enforced or Involuntary Disappearance Act of 2012, kung saan hindi pinahihintulutan ang paghuli nang sapilitan, lalo na kung walang maipakikitang writ of habeas corpus. Dagdag pa rito, ipinanukala niya ang refund para sa mga konsyumer ng Meralco sa Metro Manila at sa iba pang karatig probinsya dahil umano sa sobra nitong pagsingil. Isa rin siya sa mga nanguna sa pagsampa ng kaso sa Korte Suprema laban sa Priority Development and Assistance Fund (PDAF)

dahil doon marahil marapat lamang na magkaroon din tayo ng isang disente o pormal na pananamit, na nababagay sa akademiya ng pamantayan sa pagsusuot ng damit sa pamantasan. Louriel Donesco

John Reinz Mariano

at Disbursement Acceleration Program (DAP) na nagawaran ng Temporary Restraining Order. “Hindi lang ako ang dapat tanungin kung tinatanggap ang hamon dahil ang labang ito ay hindi lamang laban ko, kundi laban nating lahat. Kailangan natin ng isang kolektibong lakas para maipanalo ang ating senador. Kailangan nating ihugis ang kampanyang electoral sa isang hugis ng kampanyang masa,” pagtatapos ni Colmenares sa kanyang kampanya.


EDITORYAL

luz

e Joshua V

Mekanismo ng Pribatisasyon Lantarang pagsasawalang-bahala sa sektor ng edukasyon ang sinasalamin ng kakulangan ng suporta at paglalaan ng badyet ng gobyerno sa State Universities and Colleges (SUCs) na siyang magiging mayoryang salik upang pumailalim ang mga ito sa sistemang Public-Private Partnership (PPP). Sa pagpapatuloy ng pananaig nito sa kasaysayan, nilalayon ng pamantasan ang masikhay nitong pagpapaunlad sa hanay ng kaguruan, mananaliksik, propesyunal at sa dekalidad na edukasyon. Kinikilala ang PNU sa natatangi nitong Fakulti na karamihan ay titulado ng doctor’s degree. Sa kasalukuyan, karamihan sa mga propesor ay nagpapakadalubhasa sa Unibersidad ng Pilipinas at maging sa ibang bansa.

Ukol sa edukasyong pangguro, kinikilala ang pamantasan sa pagluluwal ng mga garantisado at mahuhusay na mga guro. Sa larangan ng pananaliksik, global ang reputasyong taglay ng mga kinatawan na mula sa pamantasan. Sa kabila ng magandang tinatamasa ng pamantasan pagdating sa pagpapaunlad ng pananaliksik at ng edukasyong pangguro,matinding kakulangan sa badyet ang humahadlang sa patuloy na pagkamit sa mga ito. Batid sa mga tala ng PNU ang sunud-sunod na pagkakaltas sa badyet na damang-dama pa rin sa kasalukuyan. Hayagang ginigipit ng pamahalaan ang pamantasan dahil sa 538.8M PhP nitong alokasyon sa badyet para sa susunod na taon. Bumaba ito ng 130M PhP o 19.5% mula sa 669M PhP ngayong taon. Kaugnay nito, bumaba rin ang Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) na ginagamit sa pang-araw-araw na operasyon at para sa mga kagamitan ng pamantasan, mula sa 180M PhP

2015-2016

ngayong taon, naging 150M PhP na lamang ang mailalaan para sa susunod na taon. Gayundin ang Capital Outlay (CO) na pondo ng pamantasan para sa mga bagong imprastruktura, mula 214M PhP ay naging 66M PhP na lamang sa susunod na taon. Dahil sa kakulangan sa pinansya, magpapatuloy ang tatlong pamamaraang ginagamit ng pamantasan bilang tugon sa kakulangan sa badyet: paniningil sa mga scholarship foundations ng other school fees (OSF), ang iskemang trimestral na sa madaling salita ay tatlong beses na pagbabayad ng matrikula, at ang kaso ng pribatisasyon sa pamamagitan ng Adopt-a-School Program. Makikita na ang pangatlo sa mga nasabing tugon ang lubusang makapipinsala sa kalagayan ng pamantasan kung saan patuloy itong sasalig sa mapanubong mga negosyante at kapitalista— repleksyon na inaampon na lamang ang pamantasan ng mga kompanya dulot ng kakapusan nito sa pinansya. Pinatutunayan nito ang pagpapahintulot ng pamahalaan na dumepende sa mga pribadong sektor ang mga pampublikong kolehiyo at pamantasan. Halimbawa na lamang ang Jacinto Steel na siyang nagbigay ng donasyon para kumpunihin ang mga sirang bubong sa pamantasan. Renobasyon sa mga silid-aralan ang ‘ikinawang-gawa’ ng Abiva Publishing Corp. Maski ang pagpapaganda ng mga palikuran at pagdaragdag ng ilang kagamitan ay mula sa mga donasyon ng mga komersyal sa TV. Isang kabalintunaan ang pagsasabing ‘in good faith and good will’ ang pagboboluntaryo ng mga kompanya sa pagsustento nito sa mga pasilidad. Paraan lamang ito para matakasan ang pagbabayad ng buwis sa pamamagitan ng Tax-Break kung saan 100% ng kanilang mga donasyon ang naikakaltas sa kanilang

mga buwis kaya sa halip na ipambayad sa buwis, maidaragdag ito sa kanilang tubo na sa kalauna’y magiging dagdag pasakit ng mga iskolar ng bayan dahil sa mga imprastrukturang itinayo at ginawa ng nauna. Hindi na kakailanganin ng pamantasan ng iskemang trimestral o maging ang PNU Business Center kung mayroon itong sapat na badyet para maisagawa nito ang mga proyektong pangkaunlaran sa pamantasan. Nariyan ang matagal nang iminungkahing NCTE Building. Tila kinalimutan ng pamahalaan ang pagtatalaga nito sa PNU bilang NCTE na nakapaloob sa PNU Modernization Act of 2009 dahil magpahanggang ngayon ay hindi pa rin ito naipagkakaloob sa pamantasan. Taun-taong inaasahan ng pamantasan ang ‘insertion’ o mga pondo mula sa iba’t ibang sektor na pinagkakaloob sa mga SUC bilang dagdag pondo. Sa ngayon, inilalakad pa ang disenyong arkitektural ng nasabing gusali sapagkat ito ang itinakdang ideyal ng Department of Budget and Management (DBM) upang makuha ng pamantasan ang PhP 750M pondo na nakasaad sa nasabing batas. Sapat na dahilan na ang pagiging hulmahan ng mga makabayang guro ang pamantasan upang magkaroon ng karapat-dapat na subsidiya mula sa pamahalaan. Kasabay nito ang paghimok sa hanay ng mga gurong mag-aaral sa administrasyong Aquino na bigyang-pansin ang pangangailangan ng SUCs at ilan pang mga aspekto sa edukasyon. Handang yanigin at kalampagin ng mga guro ng bayan ang pamahalaan at DBM upang ipanawagan ang nararapat na badyet para sa edukasyon at ipaglaban ang siyentipiko, makabayan at makamasang edukasyon.

Isabella Krizia R. Barricante, PUNONG PATNUGOT; Kristine Joy B. Alimpoyo, KAWAKSING PATNUGOT SA FILIPINO; John Thimoty A. Romero, KAWAKSING PATNUGOT SA INLGES; Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz, PATNUGOT SA PAMAMAHALA; Jenny DC. Franco, KAWAKSING PATNUGOT SA PAMAMAHALA; Maria Theresa N. Morta, PATNUGOT SA BALITA-INGLES; John Carlo B. Cabilao, PATNUGOT SA BALITA-FILIPINO; Andrea P. Dasoy, PATNUGOT SA LATHALAIN; Ma. Cristina L. Barrera, PATNUGOT SA PANITIKAN; John Reinz R. Mariano, PATNUGOT SA PANANALIKSIK; John Victor Deseo, Sofia Loren S. Goloy, Cedric T. Bermiso, Marlou M. Larin, Camille Grace A. Loyola, Kaye Ann Oteyza, Ma. Francesca U. Martin, ISTAP; Juvilee Ann V. Ausa, Catherine B. Bacuno, Ella Grace L. Caliwan, Jhazmin G. Candelario, Aaron Jonas N. Catoy, Pearl Diane C. Centeno, Trisha Anne P. Coronado, Louriel M. Danseco, Alexis Mari C. Dinola, Crissalyn Joy A. Dionisio, Ma. Lourdes Clarita B. Espiritu, John Carlos B. Evangelista, Jan Margaux A. Florenciano, Airalyn M. Gara, Renz P. Gomez, Ronalyn H. Gonzales, Oscar John Ian F. Isleta, Margaux Ann Llanes, Jules Angelica E. Marcelo, Mara Pola Gail R. Mijares, Maria Alexandra G. Mijares, Maricar O. Nogales, Jimnoel C. Quijano, Danielle Samantha L. Quinto, Karen DC. Raquinel, Kheiana Ardeen Denireish C. Rey, Romina Reyes, Marynell Ann G. Sagum, Ervin P. Sinaking, Janine P. Solitario, Joani Marie S. Valdez, Joanna Marie Yumang, KORESPONDENT; Precious G. Daluz, PINUNO NG ARTS AND MEDIA TEAM; Enrico Norman G. Balotabot, KAWAKSING PINUNO NG ARTS AND MEDIA TEAM; Apple Marie M. Bueno, Denielle M. Galo, Lyn D’ Amor M. Macabulit, Urek T. Pondare, Vienna Antoniette M. Tungal, ARTS AND MEDIA TEAM; Mitzi Marie Dolorito, Arbie Lucky Tan, RETRATISTA Joshua T. Veluz, TAGAANYO; Prof. Ferdinand P. Jarin, KRITIKO SA FILIPINO; Prof. Victor Rey Fumar, KRITIKO SA INGLES at TAGAPAYONG TEKNIKAL.

3


4

PANIT Piggy Bank(rupt) ni Joseph Victor Deseo

Paruparong piit

Si Pedro, nganga nang ang “oink oink” ni PNoy kagat ng b’waya.

ni John Carlos Evangelista

Kano sa aki’y bumihag, Pinalipad, nasasadlak. Paruparo’y lumagapak sa pamahalaang palpak.

(KAPIT)alista ni Karen Raquinel

Lumakas ang ekonomya, Ayon sa banal mong SONA; Negosyante nakadama ’Di ang manggagawang kuba.

Pang(g)ulo ng Pi ni Airalyn Gara

O, taksil kong Pang Landas mo ay mag Santong matsing ng Sagarang ganid sa P

Si Perlas Marikit ni Sofia Loren Goloy

EDCA’y ‘niluwal ‘Pagkat puti’y nagnanasa Sa aking yaman.

Laban ng lahi

ni John Carlo Cabilao

Butil

Wika, sining, kasaysayan Kalasag ng mamamayan Bolo’t kanyon nitong bayan Laban sa tronong gahaman.

Pagbungkal ng lupain Obrero’y matiisin. Kitain ma’y katiting Tila butil ng kanin.

ni Jhazmin Candelario

Limang taong nanungkulan Sino ang pinagsilbihan? Tunay nga bang may nagawa Ang buhok mong hibla-hibla?

Nakuha ang mga larawan sa/kay: Karlos Manlupig, Rappler, asianjournal.com, at newsflash.org

o er es

,

ni Joshua Veluz

o)l

ter (gi ng nes

I a s s ng pom po bo no om os-taubusas er e C o by el Ka tap mb ap us. Go itch a mang pag ay g mod R ni g n di bha lee on Hin g lu a’ng alism An wik ny Sa kolo Ng

Nasaan

Lakad Riles Transit (LR

ni Samantha Qui

‘Tap-and-Load’ ticket Band-aid solution sa’k Lakad sa r


5

TIKAN

inas

gulo gulo. korap, PDAF.

d sa RT)

intos

ets – king riles.

Panatang Makadayuhan

ni Ma. Cristina L. Barrera

Panatang makadayuhan

Kung may natitira ka pang awa ni Mitzi Dolorito

Parang awa, tigil na Sa hindi na mabilang na Ulong iyong kinuha.

Hatol ng Bayan ni Apple Marie Bueno

Kayamana’y dinukot Ng burgesyang baluktot, Baya’y nakikisangkot — Ang sangkot ay managot!

Iniibig ko ang Pilipinas sapagkat akin itong kailangan. Tahanan ng mga puting lahi. Kinukupkop ako at tinutulungan maging malakas at masipag sa mga Pilipinong magpahirap. Dahil mahal ko ang Pilipinas. diringgin ko ang sulsol ng mga magugulang, susundin ko ang layunin ng mga kapitalista, at tutuparin ko ang mga tungkulin ng isang mamamayang makadayuhan─ pinaglilingkuran, pinag-aaralan at sinasamba ang impluwensya ng dayuhan nang buong katapatan. Iaalay ko ang aking buhay, pangarap at pagsisikap sa bansang gahaman sa pera’t kapangyarihan.

Commission for Human Export and Deprivation (CHED) ni Pearl Dianne Centeno

CHED sa wika’y walang support, ‘Pagkat ito’y ina-abort; Kasabwat may “noóng airport” Atat na kami’y i-export.

Hunger Games ni Urek Pondare

Kalagaya’y buto’t balat Sa nutrisyon, kami’y salat, Pangakong 4Ps, sinibat Pondong sa mahirap dapat. Programang ipinangalan Sa DSWD iniwan Ng gobyerno na gahaman – Sabaw ang serbisyong bayan.

n a a y a l

“Ka egosyo? oN n a y a B Sarili? o i l i m a M ka. “ -Heneral Luna


6

KULTURA

Komiks

John Thimoty Romero Maria Theresa Morta

Dagdag singil na 2,800PhP sa mga iskolar, patuloy Apple Marie Bueno

Dulot ng mababang subsidiyang inilalaan ng pamahalaan sa pamantasan, nagpapatuloy ang paniningil ng dagdag bayarin na 2,800 PhP sa matrikula ng PNUans [kilala sa tawag na other school fees (OSF)], na pinapasan ng mga pampribadong sektor bilang donor sa kanilang scholarship. “Isa itong (dagdag 2,800 PhP sa matrikula) malaking manipestasyon ng mga pagkukulang ng pamahalaan sa pagbibigay ng sapat na badyet sa sektor ng edukasyon at malinaw na ang mga dagdag na bayarin ay paraan ng pamantasan upang mas tumaas pa ang ‘revenue’ o ang pumapasok na pera na tutugon sa ilan pang pangangailangan,” iginiit ni Ronnel Agoncillo, Rehenteng Pangmag-aaral at Pangulo ng PNU-Manila Student Government (SG). Naglalaman ang OSF ng mga bayarin na hindi kabilang sa matrikula at sang-ayon sa inilabas na University Circular No. 5 noong 2012, mayroong

kaukulang bahagdan ng bayarin para sa mga magaaral na siyang babayaran ng mga scholarship donors batay sa rekomendasyon ng administrative council. Kaugnay nito, naglabas naman ng hinaing si Jelo Matt Camorongan, iskolar ng PHINMA National Scholarship Program at Tagapangulo ng Operations and Planning Committee (OPCOM) ng PNU-SG, hinggil sa implementasyon ng OSF “Dapat makaestudyante at makamasa ang mga polisiyang ipinapatupad sa pamatasan at hindi lamang pang-indibidwal na pagtingin ang pinapairal sapagkat karamihan sa mga estudyante ay hirap na makakuha ng pambayad sa mga nasabing bayarin.” Pinabulaanan naman ni Prop. Marie Chiela Malcampo, Scholarship Coordinator ng Office of Student Affairs and Student Services (OSASS), ang pahayag na ito at sinabing ang pamantasan ay nagbabayad pa rin ng ibang bahagi ng matrikula na siyang kinukuha sa

pondo ng pamantasan kaya naman nagiging mababa na lamang ang matrikula na binabayaran. Bilang tugon dito, iginiit ni Camorongan na din na hindi tumutupad ang gobyerno sa mga tungkulin nito dahil nananatiling hindi karapatan ang edukasyon kundi isang pribilehiyo lamang. Nahahati umano ang bawat bahagi ng OSF sa professional services, utility expenses, administrative services, at information and communication services na kasama dapat sa inilalaang pondo. Kabilang sa nagbabayad nito ang mga pribadong sektor tulad ng PHINMA, Cherry Mobile, LOCK Foundation, Philippine Business for Education (PBEd) at iba pa. Alinsunod dito, bawat scholarship donor ay binibigyan ng kasunduan na kailangan nitong magbayad mula sa Special Trust Fund (STF) na ang unibersidad mismo ang nagbabayad para sa isang estudyante.

Nagpaabot naman

ng pagkadismaya ang iskolar mula sa PNU Scholars Association (PNU-SA) at nagsabing “Noong una ay kinuwestiyon ko rin ang pagkakaroon nito at inakala ko na may hindi pa ako nababayaran sa aking matrikula,” binanggit ni Angelica Jan Ignacio, I-4 . Ikinagulat rin niya nang makita sa kanyang student’s form ang idinagdag na 2,800 PhP dahil hindi naman sila nabigyang kaalaman ukol dito. “Hindi lamang dapat binibigyang kaalaman ang mga iskolar kundi isinasangkot sila sa pagpapatupad ng polisiya at tungkulin ng gobyerno na pondohan ang pamantasan at ang sektor ng edukasyon sa pangkalahatan para sa pagpapanatili ng dekalidad at inobatibong edukasyon ng mga magiging guro ng bayan sa hinaharap,” pagtatapos ni Agoncillo.

BALITA


7

LATHALAIN “Ang wika ay palatandaan ng identidad ng isang bayan... ang nag-uugnay sa estudyante sa kaniyang pamilya, komunidad na kaniyang pinanggalingan, sa kahapon ng bayan.” – Bienveni-

do Lumbera, Pambansang Alagad ng Sining sa Panitikan

Malaki ang papel ng wikang Filipino upang mapagtibay ang pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Sa napakatagal na panahon, nakasalalay sa wikang ito ang pagkakaintindihan

ng mga mamamayan. Wikang Filipino ang naging sandata ng maraming bayani upang isiwalat ang mga katiwalian at pag-alabin ang diwang makabayan ng mga tao. Ito ang nagtaguyod sa mga adhikain at hinaing ng sambayanan at naging instrumento upang imulat ang mga mamamayan sa mga isyung panlipunan at pampulitika. Dahil sa kapangyarihan ng wikang Filipino na makapagpamulat at makadekolonisa ng malakolonyal na kaisipan, pilit itong binabansot ng mga produkto

ng kolonyal na edukasyon. Sa pag-usbong ng panukala ng Commission on Higher Education Memorandum Order (CMO) 20 Series of 2013 na naglalayong tanggalin ang siyam na yunit ng Filipino sa kolehiyo at maging ang mga asignaturang Philippine Government and Constitution, Kasaysayan at Panitikan, nagpapatunay lamang ito ng paglimot sa pambansang identidad at makabayang kamalayan. Pinatitindi ng panukalang ito ang pagkasadlak ng wikang Filipino sa iba’t ibang aspekto gayundin sa pangkalahatan nitong layunin. Bilang pagsagka sa kabuktutan ng CHEd, nabuo ang Alyansa ng mga Tagapagtanggol ng Wikang Filipino o Tanggol Wika noong Hulyo ng nakaraang taon upang ipaglaban ang p a g gamit n g

wikang pambansa sa pagtuturo ng iba’t ibang asignatura, panatilihin ang pagtuturo ng asignaturang Filipino sa kolehiyo, pagbabasura sa CMO 20, at pagsusulong ng isang makabayan at makamasang edukasyon. Kasama ang iba’t ibang progresibong organisasyon, sinuyod ng kilusan ng Tanggol Wika ang iba’t ibang unibersidad at pamantasan sa Maynila at maging sa mga karatig na probinsya upang magsagawa ng mga pagpupulong, asembleya, at lektyur tungkol sa kahalagahan ng wikang Filipino at pagtataguyod ng isang makabayang edukasyon. Nasundan din ito ng mga pagkilos at kultural na protesta upang ipanawagan ang matinding pagtutol sa nasabing panukala. Sa hanay ng mga iskolar at guro ng bayan, nakiisa rin ang Kabataang Tanggol Wika at ang Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) na nagsisilbing pang-akademikong organisasyon ng mga mag-

aaral na nagpapakadalubhasa sa Filipino sa panawagan at pakikibaka para sa wikang Filipino. Ayon kay Andrea Jean Yasoña, pangulo ng KADIPAN, sa pamamagitan ng pagsasagawa ng mga programa sa loob ng pamantasan, napaunawa nila sa mga mag-aaral ang esensya ng wikang Filipino at maging ang pang-aalipusta ng pamahalaan sa sariling wika nito. Gayundin, ang pagsama nila sa pagkalampag sa CHEd ay nagpapakita ng paninindigan ng organisasyon na ang Filipino ay nararapat na paunlarin, pagyamanin at ituro sa kolehiyo. Abril ng taong kasalukuyan, naisakatuparan ng Tanggol Wika ang pinakamaigting na hakbang para sa tuluyang pagbabasura ng CMO 20. Ang Tanggol Wika ang kauna-unahang nagpasa ng petisyon sa kataas-taasang hukuman na nakasulat sa wikang Filipino. Ayon sa mga petisyuner sa pangunguna ni Dr. David Michael San Juan, Tagapangulo ng Tanggol Wika, nilabag ng CMO 20 ang mga probisyon sa Konstitusyon kaugnay ng pambansang wika, kultura, edukasyon, at polisiya sa paggawa na nakasaad sa Artikulo XIV, Seksiyon 2, 3, 6, 14, 15, at 18; Artikulo II, Seksiyon 17 at 18; at Artikulo XIII, Seksiyon 3. Kaugnay nito, nilapastangan din ng nasabing panukala ang Republic Act (RA) 7104 o ang Organic Act of the Komisyon ng Wikang Filipino (KWF), RA 232 o ang Education Act of 1982, at RA 7356 o ang Organic Act of the National Commission on Culture and Arts (NCAA). Dagdag pa, humigit kumulang 78,000 kaguruan din ang mawawalan ng trabaho kung ipagpapatuloy ang panukalang ito. Ilang linggo lamang ang nakalipas, napagtagumpayan ng Tanggol Wika ang unang laban nang maglabas ang Korte Suprema ng Temporary Restraining Order (TRO) bilang tugon sa inihaing petisyon ng alyansa na ibasura ang CMO 20. “Ginawa namin ang pagsasampa sa Korte Suprema para pag-alabin muli ang

damdamin ng sambayanang Pilipino na lumikha ng pagbabago sa hinaharap, lumikha ng bagong kurikulum na para talaga sa mamamayan at hindi para sa kapakinabangan ng mga dayuhan,” giit ni San Juan. Hindi lamang natatapos sa paghahain ng petisyon ang pagkakaisa ng Tanggol Wika dahil kasama ang alyansa sa patuloy na lumalaban kontra sa pasista, komersyalisado at kolonyal na sistema ng edukasyon na tinataglay ng K to 12. Ang kasalukuyang programang ito ng edukasyon ang siyang nagluwal upang balewalain ang wikang Filipino dahil sa pagnanais na i-eksport ang mga estudyanteng Pilipino na tutugon sa pangangailangan ng mga bansang dayuhan. Upang maipagpatuloy ang laban na nasimulan, noong Hunyo ng kasalukuyang taon, napormalisa at narehistro na ang Tanggol Wika bilang isang organisasyon. Bunsod nito, lalong tumibay at lumawak ang alyansa at hinamong pagbitiwin sa tungkulin sina BS Aquino at Patricia Licuanan bilang Punong-Komisyoner dahil bigong tugunan ang kanilang tungkulin na protektahan ang interes at kapakanan ng mga guro at estudyante. Ang CMO No. 20 ang sumasadka sa mga kabataan sa pagpapaunlad ng sariling bansa na sana ay magiging lakas upang makipagsapalaran sa tumitindi pang hamon ng makapabagong panahon. Kung aanalisahin, ginigipit ng CHEd ang kakayahan ng mga Pilipino na maging intelektwalisado sa wika at sa iba pang aspekto nito. Ang pagtatagumpay ng Tanggol Wika sa unang hakbang nito ay simula pa lamang upang pagkaisahin ang sambayanan at tuluyang maibasura ang CMO 20. Mananatiling maninindigan ang alyansa para sa umiigting na laban sa ngalan ng sariling pagkakakilanlan, tunay na kalayaan, at pagbabagong panlipunan. Ang pagkamit ng edukasyong makabayan at makamasa ay pagpapanatili ng karunungan, sining, at kahusayan sa wikang pambansa.

Tanggol Wika:

Hanggang sa Tagumpay! Pearl Diane Centeno


TINTAHAN ANG PLUMA, MAGLINGKOD SA MASA!


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.