Pitik B pahina 22
CLASH OF CANDIDATES pahina 23
Love
A BS Aquino and Uncle Sam
pahina 49
T O M O 6 9 B LG . 8
Story
THE TORCH PUBLICATIONS
Miyembro: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) & Progresibong Lupon ng mga Manunulat-PNU(PLUMA-PNU) Office 22, Student Center Building Pamantasang Normal ng Pilipinas Daang Taft, Maynila
thetorchpub_pnu@yahoo.com fb.com/thetorchpnu @TheTorchPnu
Ipinapahayag ng pabalat ang pamamaalam ni Inang Pilipinas sa pagpapabaya ng pamahalaan gamit ang pagwawagayway ng puting panyo. Sa dinami-rami ng patunay ng pagpapabaya ng pamahalaan sa mga mamamayan nito, hindi na muling magpapaloko ang sambayanan sa mga lider nitong mula sa mayayamang uri sa lipunan.
L I N A L A N A M
erso't B al mga g n a k 2Editory a ib Pakik Panata sagitab 8White Lies Guro 7Daang Estado 9Missed ng Dilaw ancial Report Call 11Finaha 13From Land w t a 12Sapan 6Mindan 1 is w g a to Sea 15BHyon 19Mandato S "Ang ideya'y g u 17eduCA in S 1 2 o est nakagigiba't of h s sa Pag-arik la C 3 2 nakabubuo, B ang 22Pites 25Bahaghari pumapatay at Candidat 26Katigbak 27The bumubuhay." t im a il D m la sa 29Mga A p a t Is h c ll me Tor a c t s u J 1 3 Pambataendiola Massacre Neri 33M 36Manlalayag e Kinang g 35Kalibr n s o b a s ubu Puso a s 37Pamb k a It 9 3 a sa Paggaw40Walang Wakas ngn ni Juana k 43Mapait na Piita Pagwasa 46Mga Hugot ni nt e egme S P 45Kabut P P 7 4 a n Heneral LuCA 51Manlalayag D ange h c x 49VFA-E E o r u mpton, turn P i MT, Cala n o d o B , 52No Re n h a gua, h con, BignJeo, Magnolia Sky,toMn, u a y e B v , a h r s k ru 53Cha Sans, Pan sphalts B Z, Intro inli 3Q & A 5
-Amado Hernandez, Mga Ibong Mandaragit
abby, A s New starter s. Open Anothehrrsifht, Dk Liquid , FOirldeNewspaper Tityapl,eTafelschrift, Time : it m a in g ong s, Dinmitlesc olore, Nexa, , Surfing Cap Mga tipD org, am Muller, Multic rce Sans Pro clidlibralprhy.ilippines. Caviar ore , u u k e o , a S , re m il o B a c f S t. Masterand, Rebel Heart, , getreaer.com, p.blogspo icdn.net,nnbeveld, freepik.cmo,m .p 0 allpap k Quicks , Woah a w , m o law.c che.com,Fre So c.panoramio.co e th e v Roman o b a ti to: ga retram oneymnuest,tarappler.com, sta , Kredit sear.cm ru .mrm r. fo e , ir u m q o n brik/freepik m le , flickriv eyfm.net, lifestyle.i ik p e e t.com, fr com, hedia.org , clipartbes m o .c s u wikim e z li static.visua Kredit: cdn
Edukasyon Dayorama ng
S
a ikalawang taon ng implementasyon ng Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC), patuloy pa ring sinusubo sa mga mag-aaral ang isang edukasyong kolonyal kung saan hinuhulma sila upang umayon sa internasyunal na pamantayan ng paninilbihan sa dayuhan.
Ipinatupad ng pamantasan ang OBTEC noong 2014 na nakapaloob sa transition curriculum na may layong iangkla at magpasok ng mga aralin mula sa programang K to 12 upang maihanda ang mga susunod na magiging guro ng bayan sa hamon ng bagong kurikulum. Sa kasalukuyan, ikalawang taon na ng implementasyon nito, ngunit kung titingnan, hindi pa rin nalulutas ang mga problemang kinahaharap ng mga mag-aaral tulad ng mabilis na phasing ng mga aralin, walang konkretong materyales at modules, palyadong Learning Management System (LMS) at pagdaragdag ng mga kolonyal na asignatura sa kurikulum. Kung susuriin, manipestasyon ito ng unti-unting pagpatay sa kulturang Pilipino at pagsubo sa isang edukasyong maglilingkod lamang sa ibang bansa.
Dahil sa mga problemang kinakaharap ng bagong kurikulum, isang bunga nito ang patuloy na pagtaas ng bilang ng drop-out sa pamantasan. Ayon sa datos ng Office of the University Registrar (OUR), noong unang term ng akademikong taon 2014-‘15 kung kailan inumpisahan ang OBTEC, mula sa 744 na mag-aaral ay naging 690 na lamang ito sa ikatlong term na ngayo’y mga mag-aaral na na sa ikalawang taon. Samantala, sa pagpasok ng unang term ng 2015‘16 ng mga nabanggit na magaaral, bumaba ang enrolment ng 640 na sa kalauna’y naging 643 na sa pagpasok ng ikatlong term dahil may mga mag-aaral na mula sa mga na-re-admit at mga nagsumite ng Leave of Absence (LOA). Halos 8.5 bahagdan na ang nabawas sa unang pangkat ng mga mag-aaral na sumasailalim ng OBTEC. Sa pagpasok ng ikalawang pangkat na ngayo’y mga magaaral mula sa unang taon, may 811 na bilang ng pumasok noong unang term na naging 781 na lamang sa pagpasok ng ikatlong term at na sa 3.6% ang nabawas sa bilang ng mga mag-aaral. Kung susumahin, mula sa orihinal na 1,555 na bilang ng mga mag-aaral ng taong 2014 at 2015 ay naging 1,424 na mag-aaral na lamang ang sumasailalim sa OBTEC sa kasalukuyan o 8.42% na katumbas ng 131 ang nahihirapan at umalis. Samakatuwid, maraming mga mag-aaral ang hindi kinakaya ang bigat na dala ng bagong kurikulum.
Ang patuloy na implementasyon ng OBTEC ay nagdudulot ng pagtigil sa pagaaral ng mga mag-aaral dahil sa pinansyal na problema. Karamihan ay hirap na matustusan ang sunodsunod na gastos sa pagbabayad ng matrikula dahil tatlong beses sa isang akademikong taon ang pagbabayad nito. Isama pa ang ibang gastusin tulad ng mga uniporme, mga libro, pambili ng mga materyales at iba pang bayarin sa iba’t ibang gawaing mapaloob o panlabas tulad ng field trip, outdoor activity, stage play, paggawa ng videos, sabayang pagbigkas, role play, at pagsayaw na siyang pinaka-kailangan ng ilang kurso dahil bahagi ito ng kurikulum na dapat mayroong outcomes na magagawa ang bawat mag-aaral sa pagtatapos ng termino. Bukod dito, dahil sa patong-patong na mga gawain at ikli ng panahon na nailalaan sa pagtapos ng mga kinakailangan ng mga kurso bunga ng iskemang trimester, karamihan sa mga mag-aaral ay nakatuon na lamang sa paggawa ng mga awtput at naisaalang-alang na ang kanilang pagkatuto sa mga aralin. Sa ganitong kadahilanan, maaaring maaapektuhan nito ang katayuan ng pamantasan sa Licensure Examination for Teachers (LET). Kung ang mga mag-aaral sa ilalim ng New Teacher Education Curriculum (NTEC) ay nakakapaglagay sa katayuan ng pamantasan bilang pinakamahusay na
unibersidad sa edukasyong pagguro, isang malaking hamon sa mga mag-aaral ng OBTEC na mapanatili ang estado nito bilang Pambasang Sentro sa Edukasyong Pangguro (NCTE). Kung babalikan, nagkaroon ng pagtataya ang pamantasan sa mga magaaral ng OBTEC sa unang taon ng implementasyon nito. Sa kabila nito, hindi nailahad sa mga mag-aaral ang resulta ng ginawang pagsubok sa kurikulum, bagkus ay ipinagpatuloy pa ang implementasyon nito kahit na samu’t saring pambabatikos na ang inabot mula sa mga mag-aaral na sumasailalim sa OBTEC ang inabot.. Nangangahulugan lamang ang mga ganitong uri ng aksyon ay pagpapatunay ng pagtatago sa tunay na kalagayan ng uri ng sistema sa loob ng pamantasan. Kung magpapatuloy ang kasalukuyang sistema ng edukasyon nang hindi natutugunan ang mga problemang kinahaharap nito, mas lalong magkakaroon ng malaking epekto ito sa pamantasan. Ang pagpupumilit sa mga mag-aaral na yakapin ang isang kolonyal na edukasyon ay maaaring magkaroon ng epekto sa paraan ng pagtuturo nila sa oras na lumabas na sila ng pamantasan. Hanggat hindi nailalatag ang isang edukasyong makabayan, makamasa at siyentipiko, hindi matutugunan ang pundamental na pangangailangan ng bawat mamamayan.
editoryal
P
inanatili ng Pamantasang Normal ng Pililipinas ang legasiya ng pagiging isa sa mga nangungunang unibersidad pagdating sa edukasyong pangguro dagdag pa ang pagkakakilanlan nito bilang National Center for Teacher Education (NCTE). Kaya maging sa estado ng pamantasan sa Licensure Examination for Teachers (LET) ay itinuturing itong pinakamahusay. Dahil dito, malaking hamon para sa mga susunod na magiging guro ng bayan ang pagpapanatili sa katayuan ng pamantasan pagdating sa LET lalo na’t sumasailalaim ngayon ang mga mag-aaral sa Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC).
Lexter A. Castro at Apple Marie M. Bueno
Compare and Contrast: NTEC vs. OBTEC Sa kasalukuyan, nahahati sa dalawang iskema ng pagpasok ang mga magaaral sa pamantasan: ang mga na sa una at ikalawang taon ang sakop ng iskemang trimester habang na sa semestral naman ang mga na sa ikatlo at ikaapat na taon. Ang semestral na porma ng pasok sa pamantasan ay alinsunod sa National CompetencyBased Teacher Standards (NCBTS) at sa pinatupad na CHEd Memorandum Order (CMO) No. 30, S., 2004. Layunin nito na linangin ang teoretikal na kakayahan at pagtibayin ang malawak na kaalaman sa pangkalahatang edukasyon ng mga magiging guro. Nakatuon din ito sa mga konsepto na maaaring matutunan ng mga mag-aaral. Baliktanaw sa tagumpay ng pamantasan sa ilalim ng National Teacher Education Curriculum (NTEC) mula sa datos ng Professional Regulation Commission (PRC) sa taong 2009-2014, sa kabuuang talaan ay nakamit ng PNU ang ikatlong pwesto na may 93% passing rate. Pinatunayan lamang ng datos na ito ang epekto ng paglinang sa kakayahan at kaalaman ng mga mag-aaral sa ilalim ng lumang kurikulum na nagpapatatag sa pagiging NCTE ng pamantasan. Bunsod ng pagbabago sa sistema ng edukasyon sa bansa sa kasalukuyan, ipinanukala ang CHEd Memo No. 46 o ang OutcomesBased Technology and Typology-Based Education Curriculum para sa mga pampublikong pamantasan at kolehiyo o SUCs noong 2012 na naglalayong sanayin sa teknikal na pamamaraan ang mga estudyante upang madali silang makahanap ng trabaho sa ibang bansa. Kaugnay nito, inihalaw ni Pang. Ester Ogena ang programang OBTEC na kasalukuyang kasalukuyang kurikulum ng mga na sa iskemang trimester. Hangad nitong iangkop ang kasanayan ng mga guro na nakatakdang magturo ng K-12 at itugma ito
sa ika-21 siglong pagtuturo sa pamamagitan ng pagpokus sa mga awtput o produkto na magagawa ng bawat mag-aaral na magiging sukatan ng kanilang pagkatuto. Dahil sa hangarin na makasunod sa global na pamantayan, naisaalang-alang ang kahandaan ng pamantasan at lubos na nakaapekto ang mabilis na pag-angkop ng mga estudyante sa kanilang kapasidad na maabot ang hinihingi ng bagong sistema. Multiple Choice: Pagpili sa iba’t ibang epekto ng OBTEC Mula semestral, sa ilalim ng kurikulum na NTEC patungong OBTEC, malaki ang naging pagbabago sa sistema ng pagpapaunlad ng kakayahan at paghubog ng mga magiging guro. Ayon kay Dr. Leticia Catris, Dekana ng College of Teacher Development, malaking bentahe ito ng pamantasan dahil magkatulad ang layunin ng OBTEC at K-12 na maging globally competitive ang mga magiging guro sa hinaharap na manipestasyon din ng globalisasyon sa edukasyon. Dahil sa mga pagbabagong dulot ng OBTEC, nabawasan ang kaalaman sa mga konseptong inaaral ng estudyante tulad ng mga paksa sa General Education (Gen. Ed), Professional Education (Prof. Ed) at Specialization sa kanilang majorship na mas nangangailangan ng mahabang panahon ng talakayan dahil ito ang mga konseptong kinakailangan sa pagkuha ng LET kaysa sa pagtutuon sa paggawa ng mga awtput. Suliranin din ang mga kulang na pasilidad, taunang pagbabawas ng badyet at mga modyul na hanggang ngayon ay hindi nabibigyang pansin ng administrasyon. Malaki ang epekto nito sa pagpapanatili ng pagiging NCTE ng pamantasan dahil kung sa mga panloob na suliranin pa lamang ay di na nabibigyan ng kaukulang solusyon, tiyak na hindi rin nito kakayaning maisakatuparan ang mga hangarin ng kurikulum na magiging daan ng pamantasan upang makipagsabayan sa ibang bansa.
Ang makadayuh tulad ng OBT kailanman mag hangaring maiang ng PNU s Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot mula sa bawat pahayag. Tanong: M a t u t u m b a s a n ba ng mga estudyante ng OBTEC ang matataas na LET rate na naitala ng mga sumailalim sa NTEC? a. Siguro. Dahil mas nakatuon sa nilalaman ang NTEC samantalang ang OBTEC ay nakatuon naman sa mga minamarkahang gawain o output, May Danao, II-2 b.
Walang
kasiguraduhan. Dahil nagpapatuloy pa ang pagsusuri at nagbabago pa rin ang mga layunin sa bawat aralin, Ma. Jennalyn Balbuena, II14 BSCIE BIO c. Hindi. Dahil ang pag-aaral sa nilalaman ng mga aralin ay maikli, Phronesis Cabrera, IV21 BSE BIO b. Oo. Dahil hindi naman ito nakabase sa uri ng kurikulum
hang kurikulum TEC ay hindi giging sagot sa gat ang katayuan sa LET ... kundi sa kakayahan ng estudyante na maipasa ang LET, John Louelle Mazo, IV-B BSBT
Base sa mga naging palagay ng mga magaaral, ang OBTEC na nakatuon sa mga output, ay malayo sa pamantayan ng LET na maaaring maging dahilan upang bumaba ang passing rate ng pamantasan. Dagdag pa rito,
mga pamamaraan ang OBTEC na higit na nakakaapekto sa kasanayan ng mga mag-aaral. Ayon kay Ronnel Agoncillo Jr., Rehenteng Pangmag-aaral ng PNU at Pangulo ng PNUManila Student Government (SG), kinakikitaan din ng pagkukulang ang pamantasan sa oryentasyon lalo na sa mga part-timers na propesor. Nagiging epekto tuloy nito ang hindi pagtutugma sa layunin ng kurikulum na inaaral ng mga estudyante at nagdudulot ng pagkalito sa mga tunguhin ng mga awtput na pinapagawa. Panuto: Paghambingin ang angkop na sanhi at/o bunga mula sa mga pagpipilian. Tanong: Bilang PNUan, ano ang pagtingin mo sa OBTEC? 1.) Mabilis at maikling phasing: ___________:: Pagiging studentcentered ng talakayan: __________ Pagpipilian: (A) Prayoridad ang pagbibigay ng gawain, kumbaga estudyante ang bahala mag-proseso. (B) Masyadong siksik ang subjects. 2.) Pagiging outcomes-based ng kurikulum: ___________:: __________: May problema sa pagpapatupad, maganda sana.
LET para sa mga mag-aaral ng OBTEC, pinahayag din ni Dr. Catris na wala pang konkretong plano ang PRC ukol sa pagrebisa ng LET lalo pa’t ang PNU pa lamang ang naunang institusyong pangguro na sumailalim sa bagong kurikulum na ito. Ayon pa sa kanya, nagsasagawa naman ang pamantasan ng mga review classes para matiyak ang kahandaan ng mga gradwadong estudyante ng PNU. Subalit higit na mainam kung ang kasanayan sa mga nilalaman ng aralin ay pinaunlad sa loob ng apat na taon at hindi sa maikling panahon ng pagrerebyu para sa LET. Sa pagtataya ng dalawang taong pagsailalim ng PNU sa OBTEC, hindi pa rin tiyak ang kahihinatnan ng pagpapanatili ng pamantasan sa hanay ng mga Top Performing School at pagluluwal ng mga dekalidad na guro sa hinaharap kung magpapatuloy ang kawalan ng aksyon sa mga suliraning kinakaharap ng bagong kurikulum. Ang makadayuhang kurikulum tulad ng OBTEC ay hindi kailanman magiging sagot sa hangaring maiangat ang katayuan ng PNU sa LET kundi sa pamamagitan ng isang kurikulum na makabayan, siyentipiko at makamasang uri ng edukasyon.
Pagpipilian:
idiniin din ni Dr. Catris na marapat na rebisahin ng PRC ang LET at itugma ito sa pamantayan ng OBTEC nang sa gayon, mapapanatili pa rin ng pamantasan ang mataas na LET rate. TAnalogy: Sanhi at Bunga ng OBTEC Kumakaharap din sa ilang suliranin ng implementasyon, nilalaman at
(A) Sa bawat ginagawa, doon nasusukat ang natututunan at pagsasapraktika ng isang estudyante. (B) Hindi pagiging handa ng pamantasan sa implementasyon. Sagot:
1. B, A 2. A, B
Makikita ang hindi pagangkop ng mga pamamaraan na ibinibigay ng OBTEC sa mga alituntunin ng LET at dahil dito, lubos na pinapangambahan ang epekto nito sa katayuan ng pamantasan taon-taon. Kaugnay sa nag-aabang na
Sanggunian: Calaylay, E. (October 9, 2013). curriculum innovations: local and global trends. Retrieved on March 5, 2016 from http://www.slideshare.net/kapatid32012/module5-ppt-educ-8 Geronimo, J. (February 9, 2015). Which schools produce the most passers in teachers’ board exam? Retrieved on December 11, 2015 from http://www.rappler.com/ nation/83409-pbed-best-worst-teacher-schools-2014 (________________).2015. PNU dominates LET 2015. Retrieved on December 11, 2015 from www.pnu.edu.ph/ pnu-system-dominates-let-2015/ (________________).2014. Top 10 LET high and worst performing schools in the Philippines. Retrieved on March 10, 2016 from http://www.thesummitexpress. com/2014/10/top-10-let-high-and-worst-performingschools-in-the-philippines.html (________________). 2013. PNU tops September 2013 LET secondary level overall performance. Retrieved on March 9, 2016 from http://www.pnu.edu.ph/ pnu-tops-september-2013-letsecondary-level-overall performance/
“… At kayraming guro ang nahihirapan …”
P
inatutunayan ng kasaysayan ang kawalan ng pagpapahalaga sa mga guro—sa panahon ng pananakop ng Kastila’t Amerikano, ang mga prayle’t Thomasites ang nagsilbing guro ng mga Pilipino at hindi ang mga gurong Pilipino. Pilit nilang isinubo ang kanilang kultura sa ating mga ninuno kaya’t nagsibol ito ng kolonyal na sistema ng edukasyon. Sa paglipas ng panahon, ang identidad ng pagiging pag-asa ng pag-asa ng bayan ay nabubura sa patuloy na pagbabaon sa kanila sa dungis ng sistema ng edukasyon. Kaya’t hindi rin matatapos ang paglaban ng mga guro sa pagkamit ng kanilang karapatan. “Kamusta na kaya si Ma’am at Sir? …” Mababanaag sa saliw ng awiting ‘Guro’ ni Gary Granada ang pambubusabos sa kalagayan ng mga guro magpahanggang ngayon. Sa pangangamusta sa kanilang hanay, kalakhan nila’y nakararanas ng mababang pasahod at kadalasan pa’y kulang na benepisyo dahilan upang mayurakan ang kanilang nobleng propesyon sa lipunan. Ipinagmamalaki ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) na napakaraming guro sa kasalukuyang bilang ngunit pinatutunayan ng mga tala ang kakulangan sa kanilang hanay na umaabot sa humigit-kumulang 100,000. Sa kasalukuyang tala, mayroon lamang 615,307 bilang ng mga guro sa pampubliko at pribadong paaralan hindi pa kasama rito ang mga guro ng laboratory schools ng State Universities and Colleges (SUCs). Dahil dito, ang ideyal na class size na ayon sa DepEd na kada isang guro ay mayroon dapat 40 estudyante ay malayo sa kasalukuyang sitwasyon na 1:75. Ang mabagal na pagtugon sa mga pangangailangan ng mga kaguruan ang dahilan sa patuloy na paglaki ng bilang ng mga napapabalitang guro na nagsusuicide o kaya nama’y binaril dahil sa pagkakabaon sa utang.
D umagdag din ngayon sa pasanin ng mga guro at kawani ang implementasyon ng Results-based Performance Management System (RPMS) kung saan ang mga guro ay sasailalim sa apat na ‘phase’ na inihanda ng kagawaran: (1) Performance Planning and Commitment, (2) Performance Monitoring and Coaching, (3) Performance Review and Evaluation, at (4) Performance Rewarding and Development Planning. Gamit ang pamantayang ito, nangangailangan na makakuha ang isang guro ng markang very satisfactory o 130 target output upang makapagpatuloy sa trabaho ngunit kung makakakuha ng dalawang markang unsatisfactory ay maaaring matanggal o masuspende. Pinatunayan ito ni Benjie Valbuena, Pambansang Pangulo ng Alliance of Concerned Teachers (ACT) nang banggitin niyang patuloy na pinapahirapan ang mga guro dahil sa pagsasakatuparan ng RPMS. Ito rin ang nagsisilbing dahilan kung bakit hindi agad nakukuha ang Performance-Based Bonus (PBB) ng mga guro. Ang PBB ay nakaangkla sa performance ng mga departamento at empleyado na kung saan mayroong tatlong kategorya: best, better, at good. Kapansin-pansin rin na nagsusulong lamang ito ng hindi malinis na kompetisyon na taliwas sa hangarin ng pagkakaroon ng kooperasyon sa pagitan ng mga guro. Itinanggi naman ito ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro dahil aniya, walang kinalaman ang RPMS sa pagkuha ng PBB, ngunit kung titingnan ang kalagayan sa ngayon, kapag bumagsak ang guro sa dalawang magkasunod na taon magiging dahilan ito sa kanyang pagkakatanggal sa trabaho. Isa rin sa kinakaharap na isyu ng mga guro ang K-12 na pasisimulan ang pilot implementation sa buong bansa ngayong papasok na pampanuruang taon 2016-‘17 dahil sa malalang kakulangan ng preparasyon para sa senior high school (SHS). Ayon sa DepEd, inaasahan na may 1,260,908 bilang ng mga magtatapos sa junior high
school (JHS) kung saan tinatayang 878,000 o 76 bahagdan ng magaaral sa SHS ang tatanggapin ng mga pampublikong paaralan samantalang 438,000 o 24% naman ang sasaluhin ng pribadong paaralan. Nangangahulugan ito ng kakulangan ng mga institusyon ng DepEd na sasalo sa mag-aaral ng SHS. Kaugnay nito, pasanin din ng mga magulang na magpapaaral sa kanilang mga anak sa mga pribadong unibersidad ang solusyon ng DepEd na voucher system kung saan magbibigay ang kagawaran ng 8,750 PhP hangang 22,500 PhP na direktang ibibigay sa paaralang papasukan ng mga mag-aaral. Ngunit kung susumahin ang kabuuang halagang kailangan ng isang magaaral sa pag-aaral sa kolehiyo kapansin-pansin na kulang pa para mabayaran ang matrikula dahil aabutin ng 40,000 PhP hanggang 60,000 PhP ang bayarin sa mga pribadong unibersidad at kolehiyo. Samantala, tinatayang na sa 23,928,335 naman ang kulang ng mga libro at modyul, at 112,942 ang kulang na klasrum. Iginiit ni Valbuena na hindi papayag ang mga pribadong paaralan na ipagamit ang kanilang pasilidad nang libre at sa medaling sabi, malinaw na may bayad ito hindi ka makapag-aaral ang walang pera. Idinagdag niya pa na kung sakaling matugunan man ng gobyerno ang buong matrikula ng isang magaaral ay mananalo pa rin ang mga pribadong paaralan dahil sa halip na ilalaan ang sapat na pondo para sa mga pampublikong paaralan dinadala ito ng gobyerno sa pribadong paaralan. “Huwag pong magalala ‘yan ay gets ko, kalagayang dala ng kalagayan ninyo…” Patuloy na nagsisikap ang mga guro ngunit patuloy rin ang pagbibingi-bingihan ng gobyerno para tugunan ang pangangailangan ng mga guro. Ang disenteng pamumuhay na dapat matamo ng mga guro at kawani ay hindi ikinokonsidera ng kasalukuyang administrasyon. Sa ganitong kalagayan, malaki ang epekto nito sa kanilang pangangailangan, pamilya at maging sa kanilang pang-arawaraw na gastusin. Ito ay isang
pagpapatunay at manipestasyon ng bulok na sistema ng edukasyon, ekonomiya, politika at kultura ng bansa. Ang pagsasabatas ng Salary Standardization Law (SSL) IV ay hindi pa rin sasapat sa pangaraw-araw na pangangailangan ng mga guro. Ang 2,205 PhP na itataas sa sahod ay hahatiin pa sa apat na ‘tranche’ o, 528 PhP ngayong taong 2016, 543 PhP sa 2017, 559 PhP sa 2018 at 575 PhP sa 2019 ng isang Teacher I o sumasahod sa ilalim ng Salary Grade (SG) 11. Sa madaling salita, 24 PhP kada araw lamang ang pumapatak na pagtaas sa sahod. Kung kaya’t isinusulong ang pagsasakatuparan ng 25,000 PhP sa mga guro at 16,000 PhP sa mga kawani para sa disenteng pamumuhay. Kasama rin sa panawagan ang 6% ng Gross Domestic Product (GDP) ng bansa na ilalaan sa sektor ng edukasyon na makatutulong upang maiangat ang kalidad ng edukasyon at matamo ang pangunahing layunin ng sektor. “At samahan sa mga ipinaglalaban mo.” Napakalaki ng papel ng edukasyon upang mapaunlad ang mga tao ng isang bansa, higit lalo ang ekonomiya nito ngunit kung patuloy ang pagsasamantala sa mga tinuring na pag-asa ng pagasa ng bayan, mananatili pa rin ang mababang kalidad ng edukasyon. Ang pagsusulong ng makabayan, makamasa at siyentipikong edukasyon at pagtugon sa pangunahing pangangailangan ng mga guro sa mas nakabubuhay na sahod ang daan sa pagkamit ng kalidad na edukasyon. Sanggunian: Pasion, P. (2015). Araw ng mga guro, Araw ng paglaban. PinoyWeekly. Nakuha noong October 15, 2015 sa http:// pinoyweekly.org/new/2015/10/araw-ng-paglaban-para-sapandaigdigang-araw-ng-mga-guro/ Pasion, P. (2012). Leksiyon ng mga guro sa labas ng klasrum. PinoyWeekly. Nakuha noong July 6, 2015 sa http:// pinoyweekly.org/new/2012/10/leksiyon-ng-mga-guro-salabas-ng-klasrum/ Umil, A. (2015). K to 12 | ‘A huge step backward’ in science, technology devt. Bulatlat.com. Nakuha noong July 15, 2015 sa http://bulatlat.com/main/2015/06/27/k-to-12-a-huge-stepbackward-in-qscience-technology-devt/#sthash.6FnmU6ns. dpuf _____. (2014). Teachers' Assessment of Aquino Administration on Education. Philippine Basic Education. Nakuha noong August 4, 2015 sa http://www.philippinesbasiceducation. us/2014/07/teachers-assessment-of-aquino.html
o r u G A T A N A A G M G SO'T P N
or M.
Lyn D’ Am
olorito
i Marie D
t at Mitz Macabuli
BERSA PAKIKIBAKA sa lo
g n s a b a ob & l
n a l a r a d i Sil
I D I NS NA
H O P A S -T
M I ER
N O Y S A T N E
O P A M AT
P S EK dagitab
M
alaking ambag ang edukasyon sa paghubog ng isang mamamayan upang paglingkuran ang kanyang sariling bayan. Ngunit sa ginawa ng kasalukuyang adminitrasyon sa loob ng anim na taon, nilunod ni BS Aquino ang mga Pilipino sa ideya na ikawing ang sariling kakayahan na pagagawan ng mga buwitreng dayuhan sa pamamagitan ng pagpapaigting ng ngayo'y inilalakong reporma sa edukasyon na K to 12.
Sa darating na pampanuruang taon 2016-'17, sisimulan na ang unang taon ng eksperimentasyon ng senior high school (SHS) na bahagi ng ipinagmamalaking porma ng Republic Act (RA) 10533 o Enhanced Basic Education Curriculum Act of 2013 na mas kilala sa tawag na programang K to 12. Nauna nang pag eksperimentuhan ng mga pampubliko at pampribadong paaralan sa buong bansa ang obligadong pagtanggap sa mga estudyante ng isang taong Kindergarten, anim na taon sa elementarya, at apat na taon sa junior high school (JHS). At sa loob ng apat na taong pag-iral ng sinasabing modernisasyon sa edukasyon, hindi naman nakasunod sa pag-unlad ang mga kaakibat na pangangailangan sa mas maraming guro, klasrum, upuan, aklat at module, palikuran at iba pang pasilidad na kung tutuusi'y taon-taon namang problemang sinusumbat sa Kagawaran ng Edukasyon. Luistro,
lla
Isabe
Hunyo 2012, taon kung kailan pinasimulan ang K to 12 na magiging libre ang pag-aaral sa basic education [kinder hanggang SHS]. Subalit taliwas sa kanyang ipinahayag ang nangyayari sa kasalukuyan na magiging dagdag pasanin ng mga magulang ang pagpapaaral sa kanilang mga anak. Sumunod na umalingawngaw ang programang Voucher System bilang tugon ng DepEd sa mga inihaing reklamo sa kanilang kagawaran.
Ngunit ang ayudang ito ng gobyerno ay hindi makasasapat sa dalawang taong pangangailangan ng mga estudyanteng mapipilitang pumasok sa mga pribadong paaralan. Ayon sa isinasaad ng naturang programa, bukas na maging benipisyaryo ng Voucher System ang sinumang nakakumpleto ng JHS mula sa isang akreditong DepEd SHS na papasok sa mga pribadong paaralan, sa lokal na pamantasan at kolehiyo, o kahit sa pampublikong pamantasan at kolehiyo [mga non-DepEd SHS]. Ibabatay ang makukuha ng mga estudyante base sa papasukan nilang non-DepEd SHS at kung sila ba'y nakapagtapos ng JHS sa pampubliko o pampribadong paaralan. Kulang na kulang ang PhP 22,500 para sa dalawang taong pagaaral sa SHS dahil sa kasalukuya'y umaabot sa PhP 60,000 hanggang PhP 160,000 ang tinatayang halaga ng mga bayarin sa mga naturang paaralan sa loob ng isang taon. Sa dulo'y pasakit pa sa mga magulang ang pagpapaaral sa kanilang anak. Malinaw rin na inamin mismo ng DepEd na 'makatutulong' umano na makapaghanap agad ng trabaho ang mga kabataan pagkatapos nila ng senior high dahil
rican . Bar inaasahan
R Krizia
isab
ante
rric te.ba
na makapagtatapos sila sa gulang na 18--ang legal na edad para makapagtrabaho. Ibig sabihin, nakahanda na para magtrabaho ang lahat ng magtatapos ng SHS sa loob at labas ng bansa. Maagang mapakikinabangan ng estado ang kabataan sa pagtatrabaho sa halip na gastusan ng gobyerno sa kolehiyo. Ngunit kung susuriin, inaasahan na mas magpapalaki ito sa bilang ng mga walang trabaho dahil hindi sapat ang nililikhang trabaho ng gobyerno taun-taon. Sa datos ng IBON Foundation, na sa 2.4 milyong Pilipino ang bilang ng unemployed habang na sa 7.7 M ang underemployed ngayong taon. Dahil sa pag-aagawan sa limitadong trabaho, pikit-matang tatanggapin ang mga pinakamasasahol na kondisyon sa paggawa na sa kalauna'y pipiliing mangibang-bayan para doon makipagsapalaran. Mas gugustuhin ito ng gobyernong walang malikhang trabaho sa kanyang mamamayan dahil mas malaki ang kikitain nito mula sa malilikom na remittances mula sa Overseas Filipino Workers (OFWs) alinsunod sa labor export policy (LEP). Pangunahing pinaglalaanan ng gastusin ng pamilyang Pilipino ang edukasyon dahil ito ang inaasahan ng marami sa atin upang makaahon sa kahirapan. Lahat ay gagawin ng mga magulang upang makapagtapos lamang ang anak at magkaroon ng magandang buhay. Kaakibat nito'y laging tungkulin ng gobyerno na bigyan ng edukasyong tunay na mapakikinabangan ng mamamayan nito.
... Laging tungkulin ng gobyerno na bigyan ng edukasyong Ipinangako ni Bro. Armin kalihim ng DepEd, noong tunay na mapakikinabangan ng mamamayan nito.
m
ail.co
gm ella@
WHITE LIES
ng dilawang estado Kristine Joy B. Alimpoyo bbl bilang daan sa kapayapaan ng lupang pangako
M
ahaba na ang tinahak na landas ng mga mamamayang Moro sa pakikipaglaban para sa tunay na demokrasya at kalayaan ng kanilang lupang tinubuan. Ngunit sa tinagal ng kanilang pakikibaka ang pag-usbong naman ng mga kontradiksyon at serye ng pananamantala na lalong pinasidhi ng mga polisiya at batas na sinusugan ng rehimeng BS Aquino sa mukha ng Bangsamoro Basic Law (BBL).
Binalangkas ng mga mamamayang Moro ang paraan ng kanilang pakikidigma upang ipagtanggol laban sa mga kolonyalistang nagnanais sirain ang kanilang natatanging kultura at tradisyon, lapastanganin ang yamang likas at agawin mula sa kanila ang lupang kinagisnan. Bunsod nito, naging biktima rin ang mga Moro ng pang-aapi, pang-aabuso at pagpatay sa kamay ng mga pwersa ng militar at estado. Ito ang nagtulak sa kanila na maglunsad ng armadong pakikibaka simula 1970 sa pangunguna ng Moro National Liberation Front (MNLF), Moro Islamic Liberation Front (MILF) at Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF) kung saan sumasaklaw na sa apat na siglo ang kanilang pakikipagtunggali mula sa pagsakop ng Espanya sa bansa noong ika-16 siglo hanggang sa kasalukuyan. Ang usaping pangkapayapaan sa pagitan ng mga Moro at estado ay hindi maikakailang umabot na sa ilang diskusyon dahil sa mga hindi mapagkasunduang reporma. Ngunit sa kasalukuyan, ang pagsasakatuparan umano ng BBL ayon sa gobyerno ang sisira sa pader na pumapagitan sa mga Moro at pamahalaan. Ang BBL ay ang batas sa pamamahala ng politikal na entidad ng Bangsamoro. Sa pamamagitan ng batas na ito, maitatatag ang parliyamentaryong
pamahalaan ng Bangsamoro kung saan magkakaroon sila ng hiwalay na kapangyarihan at bagong estruktura para sa pagpapaunlad ng rehiyon. Ngunit, taliwas sa pahayag ng Suara Bangsamoro, grupong nagtataguyod ng karapatan ng mga Moro na nananatiling tapat umano ang panukalang batas sa pang-ekonomiya at pampulitikang hangarin ni Aquino. Patunay dito ang pag-alis sa kamay ng gobyernong Bangsamoro ng kontrol sa mga rekurso nito upang magbigay-daan sa pandarambong ng mga lokal at dayuhang negosyate at korporasyon na naisasalarawan ng mga probisyon na nakapaloob sa panukalang batas. Makikita na pinapaboran pa rin ni Aquino ang mga kagustuhan ng mga dambuhalang kapitalista para sa pampulitikang ganansya sa halip na pagtuunan ang problemang kinakaharap ng rehiyon. Gayundin, ang pagbabalangkas ng BBL sa Saligang Batas at mga polisiya ng gobyerno ang magpapahintulot sa mga taong hawak ang yaman ng bansa na patuloy na kontrolin, pagsamantalahan at apihin ang mga mamamayang Moro. “Nangangamba kami na titindi ang kahirapan at mas maraming bulnerableng mga komunidad ang mag-aalsa mula sa pinakahuling kasunduang pangkapayapaan na ito sa pambansang gobyerno," ani Amirah Ali Lidasan, pambansang pangulo ng Suara Bangsamoro. Kung susuriin ang nilalaman ng BBL, hindi mawawala sa mga probisyon ang interbensyon ng gobyerno na nagpapatunay ng pagkatali ng panukalang batas sa kamay ng estado. Halimbawa nito ang nilalaman ng Artikulo 13, Economy and Patrimony, Seksyon 10, kung saan may kapangyarihan ang gobyerno sa paggamit ng
mga yamang minerals gaya ng fossil fuel sa Bangsamoro. Sa ganitong sistema, maaari nang makapasok ang mga malalaking negosyante upang magtayo ng mga plantasyon sa lupang ninuno at pagsamantalahan ang yamang likas ng Bangsamoro. Dagdag pa rito, nakapalood din sa nasabing artikulo, Seksyon 24-25 na may kapangyarihan ang gobyernong Bangsamoro na sumali sa mga lokal at internasyunal na kalakalan lalo na sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nation (ASEAN). Sa ganitong porma, binibigyang-daan ng probisyong ito ang pagpasok ng mga dayuhang mangangalakal sa bansa na maaaring magdulot ng unti-unting pagkaubos ng likas na yaman sa rehiyon. Gayundin, sa Seksyon 26 ng artikulo, maaaring magtatag ng mga economic zones, industrial estates at malayang daungan sa rehiyon na nagpapahintulot sa mga dayuhan na pagsamantalahan ang mga teritoryo sa rehiyon at magbibigaydaan sa kanila upang lapastangin ang soberanya sa bansa. Bukod pa roon, nakasaad din sa Artikulo 5, Powers of Government na ang pamahalaang nasyonal lamang ang may karapatan at kapangyarihan sa pambansang depensa at seguridad, relasyong internasyunal, monetaryong polisiya, at adwana at taripa na maaaring kapitan ng mga kapitalista upang makapasok sa lupain ng mga Moro. Samakatuwid, huwad lamang ang pagbibigay kapangyarihan ng pamahalaan sa gobyerno ng Bangsamoro kung sakali mang maisabatas ang BBL. “Nakakalinlang ang BBL
dahil sa unang tingi’y binibigyang kapangyarihan at pangekonomiyang lakas nito ang mga Moro pero makikita na nililimita lang nito ang kapangyarihan at prebilehiyo ng mga Moro,” ani Lidasan. Malinaw na binubusalan ng panukalang batas na ito ang kakayahan ng mga Moro na pangalagaan ang kanilang teritoryo gayundin ang pakay ng BBL na wakasan ang armadong pakikibaka ng mga Moro para sa sariling pagpapasya. Ang pagsasakatuparan ng BBL ay isang mapanlinlang na hakbangin para tuldukan ang armadong tunggalian sa pagitan ng mga Moro at pamahalaan sapagkat mas pinatitindi lamang nito ang pananamantala at diskriminasyon sa masang Moro. Ang pagkakaroon ng kinatawan sa bawat sektor at pagtataguyod ng isang maunlad at progresibong bayan ang kailangan ng mamamayan upang mapagkaisa ang mga ito sa iisang layunin at hangarin. Gayundin, ang pagbibigay halaga at hustisya sa karapatan ng mga Moro, pagkilala sa kanilang autonomiya sa pamamahala at pagsasama sa kanilang kinabukasan para sa pambansang pag-unlad ang magtataguyod ng isang bansang mapayapa at malayo sa karahasan. Sanggunian: Guda, K. R. (2015). Bangsamoro Basic Law: ‘Palpak na Eksperimento’ muli? Retrieved on January 27, 2016 from http:// pinoyweekly.org/new/2015/07/bangsamoro-basic-law-hindisolusyon-sa-mga-problema-ng-sambayanang-moro/ Mongaya, K. (2015, April 7). Ang Mahabang Kasaysayan ng Paglaban ng mamamayang Bangsamoro. Retrieved on March 27, 2016 from https://karlomongaya.wordpress. com/2015/04/07/ang-mahabang-kasaysayan-ng-paglaban-ngmamamayang-bangsamoro/ _______. (2015, March 12). Ang pakikibaka ng Bangsamoro para sa Pagpapasya sa Sarili. Retrieved on March 27, 2016 from http://www.anakbayan.org/ ang-pakikibaka-ngbangsamoro-para-sa-pagpapasya-
sa-sarili/
S
a kasalukuyan, matinding interes ang namamayani sa mga dayuhang mananakop upang maakit sa mga yamang taglay ng bansa tulad ng mineral, matatabang lupa at iba pa. Tangan-tangan ang layuning pagkakitaan ang mga yamang ito, sukdulang umabot na sa pagpapalayas at pagpatay sa mga katutubong Lumad sa kanilang lupang ninuno ang mga nanghihimasok sa pambansang teritoryo. Ngunit imbis na ipagtanggol ang sambayanan, militar at estado pa mismo ang yumuyurak sa karapatan ng mga Lumad na nagbibigay daan sa pagbabagong-anyo sa katutubong lupain. Viewing Call Log Ang Lumad ay grupo ng mga katutubo na naninirahan sa bahaging timog ng Pilipinas. Isa sa mga layunin ng mga katutubo ang ipaglaban ang tribo, pangalagaan ang kanilang likas na yaman at ipalaganap ang kultura sa kanilang lugar partikular sa Mindanao. Dahil sa kritikal na kalagayan, makikita na ilang dekada na rin ang tinagal ng pakikibaka ng mga katutubo para sa kapayapaan at kaunlaran. Bunga ito ng iba’t ibang polisiya na nagpapatibay sa pananatili ng mga militar at malalaking lokal at dayuhang korporasyon sa kanayunan. Ito rin ang nagpapalakas sa loob nilang magsamantala at mandahas ng mga katutubo. Patunay nito ang pagpapatuloy ng Oplan Bayanihan na may layuning gapiin ang armadong paglaban at pakikibaka ng masang Pilipino at nagbunsod ng sunod-sunod na pagpaslang sa komunidad ng mga katutubo. Sa katunayan, noong Setyembre 1 ng nakaraang taon nang paslangin sina Emerito “Sir Emok” Samarca, direktor ng Alternative Learning Center for Agriculture and Development (ALCADEV), Dionel Campos at Datu Bello Sinzo, mga lider ng Manobo sa Surigao Del Sur, dahil sa hindi nila pagsang-ayon sa
presensya ng AFP at mga grupong paramilitar sa kanilang komunidad at eskwelahan. Kung susuriin, ito ay malinaw na manipestasyon sa paglabag nito sa Republic Act (RA) 7610 o ang Special Protection against Abuse, Exploitation and Discrimination na nagbabawal sa mga gawain ng militar sa mga paaralan at paggamit dito bilang barracks o imbakan ng suplay ng armadong pwersa. Sa matinding pwersa sa pag-okupa ng mga militar sa kanilang komunidad, nadagdagan ang mga karahasan na kanilang dinaranas magmula pa noon. Ayon sa Save Our Schools (SOS) Network, taong 2011 nang simulang okupahin ng mga armadong sundalo ang komunidad. Matatandaang ipinapasara ang kanilang mga paaralan dahil ang mga guro at estudyante ay inaakusahang mga rebelde. Ito ay sa kabila na ang mga paaralang ito ay lehitimong kinikilala at pinararangalan ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) bilang isa sa mga pinakamahusay na alternatibong eskwelahan. Malinaw na sa presensyang ito ng mga militar at paramilitar, hindi kinikilala at iginagalang ang karapatan ng mga Lumad at maging ang edukasyon na pangunahin nilang kailangan. Makikita rin na taglay ng Mindanao ang mga likas na yaman at ilang mga reserba ng mineral, langis at iba pang kinakailangan ng mga negosyante sa pagpapatakbo ng kapital. Dahil sa likas na yamang taglay ng rehiyon, matindi ang interes ng mga dayuhan sa lupang ninuno ng mga katutubo. Mahigit 300,000 ektarya ng lupang agrikultural ng Mindanao ang kasalukuyang na sa kamay ng mga kompanyang multinasyunal na nagpapatakbo sa tubo at kita. Kung susuriin, makikita ang paglabag sa walang habas na pagmiminang higit na pinaigting ng Republic Act (RA) 7942 o Philippine Mining Act of 1995 na nagpapahintulot sa mga malalaking lokal at dayuhang korporasyon na kontrolin at magsagawa ng malakihang pagmimina at pagpapatayo ng
upang maresolba ito.
plantasyon sa buong bansa nang walang pagkokompromiso sa mga katutubo at mga lupang ninuno. Makikita na sa kabila ng listahan ng mga problemang kinahaharap ng mga katutubo ay nananatiling walang pakialam ang administrasyong Aquino sa kanilang kalagayan. Ang walang habas na pagpatay sa kanila at paglapastangan sa likas na yaman ng Mindanao ay pagpapatunay ng pagsandig ng gobyerno sa mga dayuhang kapitalista para sa kanilang pansariling interes at ganansya. Dialing Bukod sa OPLAN Bayanihan (OBP), pinalala pa ng iba’t ibang kasunduan tulad ng Enhance Defense Cooperation Agreement (EDCA), Visiting Forces Agreement (VFA) at Public-Private Partnership (PPP) na inaprubahan sa ilalim ng administrasyong Aquino, ang kalagayan ng mga katutubo na sinasabing naglalayon ng ‘peace and development’ sa mga komunidad sa Mindanao. Ang huwad na ‘peace and development’ ay tumutukoy lamang sa kalayaan ng dayuhang magmina at gamitin ang mga yamang likas at mga lupang ninuno para sa kaunlaran ng kanilang sariling interes. Dahil dito, gumawa ng aksyon ang mga katutubong Lumad upang marinig ang kanilang hinaing at matulungan sila sa kanilang kalagayan. Nagbunsod, ito ng pagpapaigiting sa Manilakbayan 2015, isang malawakang pagkilos ng mga katutubo sa Mindanao kasama ang humigit kumulang 800 Lumad na biktima ng hindi makataong polisiya. Naglalayon din ang pagpunta nila sa Maynila na itigil na ang mga polisiyang sumasagka sa kanilang mga karapatan, hustisya sa mga sunod-sunod na pagpatay sa mga katutubo at pagpapaalis sa mga militar sa kanilang komunidad. Inilapit ng mga katutubo sa sentro ang kanlang hinaing ngunit hindi ito pinakinggan ng gobyerno at walang naging aksyon ang rehimen
Sa patuloy na panawagan ng mga katutubo, makikita na hindi pa rin napakinggan ang kanilang mga hinaing sa pagpapabuti ng kanilang komunidad at ng mga katutubo. Ito rin ang nagbunsod ng sunod-sunod na pag-aklas at paglaban ng mga katutubo sa mga hindi makataong polisiya ng administrasyon. Cannot Be Reached Sa mga nagdaang pagkilos, makikitang binalewala ng gobyerno ang mga hinaing ng mga katutubo ang hinihinging pagpapaunlad ng kanilang komunidad. Hanggang sa ngayon, patuloy ang pandarahas sa mga katutubong Lumad ngunit nananatiling walang pagtugon ang gobyerno sa mga hinaing nila. Hanggat pinahihintulutan ng pamahalaan ang mga dayuhang korporasyon na malayang mangapital at idomina ang industriya at ekonomiya ng bansa, hindi mapakikinabangan ng karaniwang mamamayang Pilipino ang yamang taglay ng Pilipinas at patuloy na sisirain nito ang likas yaman at lupang pamana ng katutubo. Mananatiling hindi sumusuko ang mga katutubo sa paglaban sa kanilang karapatan bilang lehitimong mamamayan ng kanilang lupang ninuno. Patuloy pa rin ang panawagan ng mga katutubo na itigil na ang pandarahas na paulit-ulit nilang nararanasan sa Mindanao. Patuloy pa rin ang kanilang pagtatangol sa kanilang yutang kabilin*. *Lupang ninuno
Sanggunian: Jara, M. (2015). Lumad to bring issue of militarization to Manila. Bworld Online. Retrieved from: http://www.bworldonline.com/ content.php?section=Nation&title=ilumadi-to-bring-issue-ofmilitarization-to-manila&id=1169917. Retrieved on: January 28, 2016 Mateo, J. (2015). Lumads demand end to violence. Philippine Star. Retrieved from: http://www.philstar.com/ headlines/2015/10/27/1515276/lumads-demand-endviolence. Retrieved on: January 28,
MISSED CALL: Kalagayan ng mga Katutubo sa Signos ng Pagsasamantala ng Militar at Estado Joseph Victor C. Deseo
Financial ~ ~ R
E
P
O
R
T
Cash Beginning Balance: 8,348.39 Cash Received: 381,100.00 Cash from Liyab '15 (IGP): 180,000.00 Total Cash Available: 569,448.39
Expenses: 538,391.34
Printing: 292,400.00 Operational Expenses: 33,881.88 Staff Development: 12,443.11 Office Supplies: 21,087.75 Liyab '15 : 149,650.50 Lunduyan '15 : 13,450.45 Literary Seminar '15 : 15,477.65
Cash Ending Balance: 31,057.05
LAKBAY GURO S a hamon ng globalisayon, ang pagangkop ng sistema ng edukasyon ng bansa ang pangunahing tunguhin upang maabot ang mga pamantayan nito. Sa konteksto ng pamantasan, ang pagsabay sa agos ng bagong sistema sa pamamagitan ng pagpapalit ng kurikulum ay hindi umaangkop sa bilang ng mga propesor na humuhubog sa kamalayan at kasanayan ng mga itinuturing na pag-asa ng bayan.
Dahil sa pangangailangan umanong maitaas ang antas ng edukasyong pangguro sa pamantasan at maihanda ang mga propesor na maging ‘competitive’ sa kanilang larangan, kabilang sa 10 Strategic Directions ni Pang. Ester B. Ogena ang Human Capital Development (HCD) kung saan napapaloob ang Faculty and Staff Development (FSDP). Layunin ng programa na paunlarin ang kasanayan at matiyak ang kailangan ng mga propesor sa pamamagitan ng pagtatapos ng kanilang doctoral degree at maging aktibo sa larangan ng research. Sa ganitong iskema, makikita na inihahanda talaga ng pamantasan ang mga propesor upang makaangkop sa globalisadong sistema ng edukasyon. Sa ilalim ng programang ito, pinag-aaral ang mga propesor sa iba’t ibang lokal at internasyunal na unibersidad sa pamamagitan ng scholarship grant na bahagi naman ng mga local na proyekto ng kasalikuyang administrasyon. Tinatayang na PhP 20 milyon ang ponding inilaan ng administrasyon para rito na gagamitin mula taong 2015 hanggang 2018. Sa katunayan, umaabot sa 50 propesor ang nag-aaral sa mga local na unibersidad: 26 ang na sa PNU Manila; 11 ang na sa
Kristine Joy B. Alimpoyo kjba05@gmail.com
sapantaha
Unibesidad ng Pilipinas-Dilimna; 10 ang na sa Bicol University at tig-iisa sa Unibersidad ng Santo Tomas, De La Salle University at Ateneo de Manila University. Samantala, umaabot naman sa 26 na propesor ang nag-aaral ngayon sa iba’t ibang bansa: 12 ang na sa Universitas Niger Jakarta; 11 ang na sa Bangkok University (Thailand); at tig-iisa sa University of Haifa (Israel); University of Melbourne (Australia) at Osaka University ( Japan). Ang pagpapaigting sap ag papalabas ng PNU ng mga propesor at pagpapaaral sa kanila sa iba’t ibang panig ng mundo ay manipestasyon ng paghuhubog sa kanila upang umangkop sa pandaigdigang merkado. Nagbubunsod din ito ng labis na kakulangan ng mga propesor sa pamantasan ngayon pa’t dalawang iskema ang kasalukuyang umiiral na sinusunod ng mga mag-aaral sa ilalim ng semestral at trimester. Dahil sa ganitong kalagayan, patuly ang pagdami ng mga komtraktwal na propesor na tutugon sa mga pangangailangan ng mga magaaral. Sa ilalim ng OutcomesBased Teacher Education Curriculum (OBTEC), mayroon lamang tatlong buwan kada term ang mga mag-aaral at propesor upang matapos ang mga aralin dahil ditto naisasaalang-alang ang pagkatuto ng mga mag-aaral at hindi pagsunod sa nakatakdang oras ng pagtuturo bunsod ng kawalan ng kaayusan ng iskedyul na part-time sa pagtatapos ng mga aralin samantalang babad naman sa pagtatapos ng mga output ang mga mag-aaral. Makikita na hindi napagtutuunan ng halaga ang
matutunan ng mga susunod na guro dahil sa kawalang kaayusan ng sistema. Gayundin, ang ilan pang propesor sa pamantasan ay ipinapadala sa ibang sangay ng PNU dahil din sa kakulangan ng mga instructor doon. Dahil sa benchmarking na ipinatupad noong 2013 sa limang kampus kung saan ang bawat kampus ay may iba’t ibang pagkakakilanlan, ang ilan sa mga propesor at instruktor partikular na sa mga sangay ng PNU sa mga probinsya ang wala pang sapat na kasanayan sa pagtuturo ng mga bagong kursong idinagdag sa bagong kurikulum. Bilang tugon sa problemang ito, nakaisip ang kasalukuyang administrasyon ng isang programa kung saan ang ilang batikang propesor mula sa sentrong pamantasan ang tutungo sa iba’t ibang sangay upang sanayin ang mga instruktor upang makatugon sa hamon ng OBTEC sa halip na pagtuunan ng atensyon ang paglinang sa kasanayan at kaalaman ng mga mag-aaral. Dahil sa nalalapit na pagsilang sa mga mag-aaral na papasok sa senior high school (SHS), ang mga propesor sa pamantasan ang inaasahang huhubog sa kamalayan at potensyal ng mga susunod na guro ng bayan upang makatugon sa global na pamantayan. Ngunit kung bibigyang-pansin, mas nangangailangan ang pamantasan ng mga mahuhusay na guro na handang maghulma sa kakayahan ng mga mag-aaral. Nararapat lamang na gamitin ang pagpapayabong ng kasanayan ng mga propesor sa mga magaaral na nagnanais magtamasa ng dekalidad na edukasyon at hindi upang makaangkop sa globalisayon.
... Mas nangangailangan ang pamantasan ng mga mahuhusay na guro na handang maghulma sa kakayahan ng mga mag-aaral.
S FROM TO PAG-ABANTE NG MAKABAGONG PANANAKOP SA PANGANGAMKAM NG KARAGATAN John Thimoty A. Romero
a pagpapatuloy ng makabagong kolonyalismo, samu’t saring mga kaso ng pananamantala ang naitala buhat ng pangangamkam sa teritoryo ng mga makapangyarihan sa bansa, lalo na ng mga dayuhang may pagnanais na pagkakitaan ang perlas ng silangan. Umusbong ang mapanubong mga haciendero at dayuhang negosyante't kapitalista sa mayaman nitong lupain na mayoryang kontradiksyon ng isang agrikultural na bansa. Sa kasalukuyan, hindi na lamang sa lupain nakatuon ang mga dayuhang may pansariling interes— umabot na rin sa kanilang tanaw ang kagandahang taglay ng karagatan ng Pilipinas. Kahali-halina ang Pilipinas sa aspekto ng ekonomikal na pagpapayabong bunsod ng pagiging arkipelago at pagkagitna nito sa malawak na merkado ng Asya at maging sa relasyong import-eksport. Bilang agrikultural na bansa, mayaman ang Pilipinas sa mga mineral, hilaw na materyales at mga likas na yaman na higit na nakapanghalina sa mga dambuhalang bansa tulad ng Tsina upang unti-unting pagsamantalahan at lustayin ang mga ito.
Ang Tsina bilang kolosal na entidad sa kontradiksyong tungkol sa teritoryal na tunggalian Kamakailan lang ay napabalita ang pananamantala ng mga malalaking bapor ng Tsina sa karagatan sa Norte na hanggang ngayon ay lubos na nakaapekto sa napakaraming kabuhayan ng mga mangingisda roon. Sa tala ng National Fact Finding and Solidarity Mission (NFFSM), umabot sa 80 bahagndan ng kabuuang produksyon ang nawala simula nang lapastanganin ng Tsina ang mga palaisdaan, partikular na sa Panatag Shoal sa Zambales. Ang dating kita ng mga mangingisda na 3,500 PhP kada araw ay bumaba ng hanggang 100 PhP na lubhang nakaaapekto sa kanilang pamumuhay. Bunsod ng lugmok na kondisyon, nangangahas pa rin ang mga lokal na mangingisda na pumalaot sa mga parte ng karagatan na kinakamkam ng Tsina. Ngunit naging marahas ang pagtugon ng mga mangingisdang Tsino nang habulin nito at sirain ang mga kagamitang pang-isda ng mga lokal na mangingisda. Sa ganitong kondukta, lantarang nilalapastangan at hindi isinasaalang-alang ng Tsina ang karapatan sa pambansang soberanya. Ang tunguhing legal sa internasyunal na antas Ukol sa isyu ng pangangamkam sa West Philippine Sea, nakukulong ang mga argumento ng Tsina sa kasaysayan nito sa nine-dash line kung saan nila ibinabatay ang soberanya at saklaw ng teritoryo nito at isinasawalangbahala ang awtoridad ng United Nations Convention on the Law of the Seas (UNCLOS) at ng Pilipinas bilang pangunahing probokador na tumungo sa Arbitral Tribunal, alinsunod sa Artikulo 298 ng UNCLOS. Hayagang nilalabag ng dambuhalang bansa ang konseptong 200 nautical miles na binuo ng UNCLOS
upang matukoy ang saklaw ng Exclusive Economic Zones (EEZ) bunsod ng hindi nito pagdalo sa mga mandatong pagpupulong sa The Hague, Netherlands. Dagdag pa rito, nakasaad sa Artikulo I ang Pambansang Teritoryo ng konstitusyon, kung saan 12 nautical miles ang saklaw ng teritoryo sa karagatang nakapalibot sa Pilipinas— malinaw na hindi kinikilala ng mangangamkam na Tsina. Dagdag sa ebidensya ang argumento ng Pilipinas tungkol sa kawalan ng istorikal na tala ng Tsina ng sakop sa West Philippine Sea. Sa katunayan, taong 1734 nang maitala ang pangalang Tagalog
makatwiran ang puntong pagibayuhin ang depensibang pwersa ng bansa, kamalian kung maituturing ang pamamaraan ng pagpapalakas ng arsenal sa pagtatanggol ng pambansang soberanya sa pormang bumibili na lamang ang bansa ng mga kagamitang pandigma, sa halip na bumuo ng sarili nitong makinarya upang makabuo ng sarili nitong arsenal. P a n g u n a h i n g inihapag na pagtuunan ng pansin ang militar sa bansa sa pamamagitan ng pagdaragdag s a badyet nito sa taong 2016 na aabot sa 25% o humigit kumulang 5B PhP alinsunod sa proyektong
Hindi kinakailangan ng bayan na magpaalipin pang muli sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Sa halip, kinakailangan nitong paigtingin ang legal na karapatan sa West Philippine Sea, kagaya ng pagtatanggol sa makabayan nitong integridad. ng Scarborough Shoal— ‘Panakot,’ kumpara umano sa Tsina na sa lahat ng naitalang mapa nito, hanggang Hainan Island lamang ang abot ng sakop nito. Sa kabila nito, nakikitang pangmatagalan ang kalakaran maging sa pandaigdigang korte. Kung mamatain, hindi nito agarang mareresolba ang kaso ng pangangamkam, bagkus ay mas malulunod pa ang Pilipinas sa walang tigil na pagtatatag ng mga artipisyal na isla ng mapagsamantalang Tsina. Pagpapalakas sa militar bilang huwad na opensiba ng Pilipinas Namayagpag ang Pilipinas sa pagtangkilik sa larangang militar bunsod ng kawalan ng progreso sa internasyunal na mga tunguhing legal. Bagamat
modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP). Ilalaan ang nasabing badyet para sa pagbili ng mga kagamitang pandigma tulad ng frigates, twin-engine long range patrol aircraft, aerial surveillance radars, at FA50 light fighter jets na iaangkat mula sa South Korea. Ngunit sa kabila ng mga nabanggit na inisyatiba, nananatili pa ring may kakulangan sa pagpapakahusay ng mga sundalo ng militar— dahilan kung bakit hindi pa rin natatamo ng militar ang modernisasyon. Bukod sa pambansang militar, pinakainaasahan ng Pilipinas ang Amerika na mamagitan sa kontradiksyon sa posibleng pagsiklab ng labanan sa pagitan ng Tsina at ng Pilipinas. Patuloy itong tumatanggap ng ayudang militar mula sa
Amerika na sa ngayong taon ay umaabot hanggang 50M $. Nito lamang Abril 2013 pinirmahan ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) kung saan ipinagpapalagay na ito ay konstitusyunal dulot ng pagalinsunod nito sa tratado ng Visiting Forces Agreement (VFA). Ngunit hindi sa pagpapaunlad ng depensa ng Pilipinas ito nakatuon, kundi sa makasariling adyenda ng Amerika bunsod ng makukuha nitong mas malawak na rotational presence sa lupain at karagatan ng bansa. Sa katunayan, halos sampung taon na ang implementasyon ng VFA sa bansa ngunit walang naging kabuluhan sa bayan ang mga operasyong pinamunuan ng mga Amerikano, at sa halip ay mas pinalala pa nito ang kalagayan ng bansa. Bilang magkatuwang sa global na merkado, nananatiling nakaayon ang Amerika sa Tsina dulot ng pinagkauutangan nitong 1.2T dolyar sa dambuhalang bansa kaya imposible ang direktang pakikibahagi ng Amerika sa mga labanang panteritoryo laban sa Tsina. Sa panahon ng paglakas at patuloy na pagprogreso ng mapanghamak na pwersang dayuhan, mas hinihimok ang sambayanan na panatilihin ang alab ng makabayang katayuan sa teritoryal na tunggaliang umusbong sa pagitan ng Pilipinas at Tsina. Hindi kinakailangan ng bayan na magpaalipin pang muli sa mapagsamantalang bansa upang mapangalagaan nito ang sariling soberanya. Sa halip, kinakailangan nitong paigtingin ang legal na karapatan sa West Philippine Sea, kagaya ng pagtatanggol sa makabayan nitong integridad. Sanggunian: Hontiveros, P. (2015). US, China ambassadors weigh in on sea dispute. CNN Philippines. Retrieved from: http://cnnphilippines.com/videos/2016/02/03/USChina-ambassadors-weigh-in-on-sea-dispute.html. Retrieved on: 26 September 2015 _____. (2015). Ang sa amin ay sa amin, wala kang karapatang kamkamin! Bulatlat.com. Retrieved from: http://bulatlat.com/main/2015/06/13/ang-sa-amin-aysa-amin-wala-kang-karapatang-kamkamin/. Retrieved on: 26 September 2015
John Thimoty A. Romero thimotyrmero.19@gmail.com
' PA G K AT T A Y O ' Y N I L I L I
T
N L A N G
erorismo—isang organisadong kondukta upang maghasik ng takot sa mga lugar na may tiyak na saklaw. Sa esensya, lagi’t lagi itong nakamaniobra sa politikal na hangarin na kadalasan nagiging instrumento upang makapanakop ng bansa, ngunit sa hindi direktang pamamaraan na kasalukuyang mukha ng makabagong pananakop. Sa usaping ito, ang ekstremista, sektarista at radikal na grupo ng Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang bida. Ang ISIS, o mas kilala sa tawag na grupong Al Qaeda, ay may prinsipyong nakaangkla sa Islamismo o ang paniniwalang ang sansinukob ay kailangang tanggapin ang Islam upang maligtas at tahakin ang panghabambuhay nitong jihad tungo sa pagpapakabanal. Ngunit tila taliwas ang mga paniniwalang ito sa pamamaraan ng ISIS dahil sa mga tala ng pagpatay ng mga sibilyan, pagpapasabog ng mga kilalang estabilsyimento tulad ng Tiwn Towers ng trahedyang 9/11 at ang mga pagbobomba sa Paris. Dulot nito, naging pangunahing usapin ito sa United Nations (UN) dahil sa pangambang epekto nito sa mga industriya. Nagsimulang mamayani ang takot ng mga maliliit na bansa sa banta ng pagbagsak ng ekonomiya dahil sa mga pag-atake ng mga terorista. Nang maglaon, naging matingkad ang imahe ng Estados Unidos bilang tagapagtanggol sa
mga maliliit na bansa mula sa mga nasabing terorista bilang bansang kinikilala sa malakas at abante nitong arsenal. Ngunit kung uugatin sa kasaysayan, ang Estados Unidos ang pangunahing nagluwal sa ISIS. Nagsimula ang lahat noong kapanahunan ng Cold War kung saan isinagawa ng Amerika ang pagpapatahimik sa mga progresibong pwersang tutol sa mapanirang pwersang Amerikano sa mahihirap na bansa. Naging banta ito sa interes ng Amerika na palawakin ang nasasakupan nitong mga bansa kaya ipinantapat nito ang isang grupo ng mga bayarang hukbo na wari’y Islamismo ang batayang prinsipyo sa mga mararahas nitong pag-abante— ang ISIS. Sinaklaw nito ang Middle East, partikular ang Syria, Iraq at Lebanon kasabay ang hindi na muling pagpapakalat ng mga kaisipang tutol sa ekonomyang global ng Amerika. Sa patuloy na pagpopondo sa ISIS, naging integral na instrumento ng mapagsamantalang estado ng Amerika ang teroristang grupo dulot ng kakayahan nitong ilagay ang isang maliit na bansa sa kondisyong kakailanganin nito ang Amerika at ang abante nitong arsenal bilang proteksyon sa ISIS. Mas pinaiigting nito ang neo-kolonisasyon na patuloy na nag-uugnay sa mga bansa at sa Amerika. Sa pamamagitan ng patuloy na pag-iral nito, kinakasangkapan ng Amerika ang mga bayarang hukbo
ng ISIS upang mas mapalawak ang nasasakupan nito sa pamamagitan ng pagsasadula ng isang bantang maghatid ng disadbentahe sa mga maliliit na bansa, taktikang mas gagapos sa mga maliliit na bansa upang mag-ambag sa global na merkadong pinakainaasahan ng Estados Unidos, bilang kapalit ng huwad na seguridad. Halimbawa nito ang karumal-dumal na engkwentro sa Mamasapano noong 25 Enero 2014. Ipinronta ng Amerika sina Marwan (Zulkifli bin Hir) at Usman na wala namang tala bilang mga terorista sa Pilipinas. Sa katunayan, 2002 pa lang ay pumanaw na si Marwan, taliwas sa umanong dahilan ng operasyong paghuli sa nasabing terorista. Mapait ang sinapit ng 69 na inosenteng buhay na naibuwis para lamang makamtan ng sunud-sunurang rehimen ni BS Aquino at ng Amerika ang kanikanilang mga pansariling interes. Ang terorismo ay tematiko sa pagpapaigting ng tiranikal na pananakop ng mga despotiko. May kakayahan itong manakot upang mapatahimik ang sosyo-politikal na kasarinlan. Ngunit sa panahon ng krisis ng mga naghihirap na bansa, mas mananaig ang pagtangis ng sambayanang binubusabos ng mapagsamantalang kapangyarihan ng Amerika at ni BS Aquino. Sapagkat sa lagi’t laging pamamayani ng panlilinlang, mas magbubunsod ito ng pagbangon ng mga mamamayan mula sa takot at harapin ang sinumang nais yumurak sa karapatang pantao.
bagwis Sa patuloy na pagpopondo sa ISIS, naging integral na instrumento ng mapagsamantalang estado ng Amerika ang teroristang grupo dulot ng kakayahan nitong ilagay ang isang maliit na bansa sa kondisyong kakailanganin nito ang Amerika at ang abante nitong arsenal bilang proteksyon sa ISIS.
Pearl Diane C. Centeno at Denielle M. Galo
MINDANAW
Mindanaw— paglurak Narito kaming iyong mapagpalayang mga anak” awiting inialay ng mga progresibong artista Kinikilala ng sa mga katutubong masang Pilipino Lumad na nakararanas ang kantang “Hitik sa Bunga” na ng pagsasamantala binubuo nina Dino sa kamay ng mga KOLEKTIBONG TINIG NG MGA MAKABAYANG MANG-AAWIT militar at paramilitar, Concepcion ang ng pagbabagong panlipunan at Color It Red ay namayani pa rin sa at pangangamkam ng lupang ganap na kapayapaan sa bansa. kanyang katauhang nahuhumaling bokalista; Dennis Concepcion ninuno. Ang hangaring wasakin Itinatampok ng kanyang mga sa musikang nagsusulong ng punong abala sa drums; at Jason ang pananahimik ng sambayan awitin ang pangangalaga sa kamalayang panlipunan at Cuevas sa trumpet. Napapaindak tungkol sa pagyurak at brutal kalikasan, karunungan at respeto pampolitika. Kamangha-mangha at napagkakaisa ang sambayanan na pagtrato ng militar sa mga sa kultural na pagkakaiba-iba. ang kanyang perspektibang sa reggae nilang tugtugan sa kilos katutubo ng Mindanao at mailigtas Siya rin ang babae sa likod ng maging impluwensyal gamit protesta ng mga unyon at iba’t ang lupang pangako sa ganap na isa pang awit para sa Mindanao ang kaniyang tinig. Gayundin, ibang sektor. Ang paksain madalas kawalang hustisya ang nagpasidhi na may titulong Igpaw. Bukod sa patuloy niyang pinapatanyag ng kanilang mga musika ay pagng damdamin ng mga mang-aawit pagbuo ng awiting Mindanaw ay at sinusuportahan ang mga ibig sapagkat ang adbokasiya nila na tagapagtaguyod ng sining ng kaisa siya sa mga nananawagan at proyektong nagahahatid ng mga ay magbibigay diwa, pag-asa at bayan. nangangampanya sa mga isyung panawagan ng mga Lumad sa sentimyento mula sa represyong idinudulot ng lipunang iba-iba ang kinaharap ng mga katutubong pamamagitan ng pag-awit. paniniwala sa karaniwang tao, Gary Granada Lumad. “…may alam akong kwento, kwentong kinalakihan ko Ang lupang kinagisnan, sagana sa kayamanan.” Tinutuligsa ng mga awitin niya ang panggigipit at kawalan ng pakialam ng iilan sa katayuan ng mga nagdarahop na mamamayan. Bukod sa pagiging magaling na kompositor, mahusay siyang manunulat na itinatampok ang mga isyung panlipunang kinakaharap ng bansa. Hango ang kanyang mga awitin mga at panulat sa mga ordinaryong karanasan, obserbasyon sa kinabibilangang lipunan at pagsusuri sa pagkawala ng pagpapahalagang kultural. Ayon sa kanya, ang mga Lumad ang orihinal na Pilipinong hindi pinananalaytayan ng dugo ng ibang lahi, sila ang nagpreserba ng tunay na kultura ng bansang minana pa natin sa ating mga ninuno. Bayang Barrios “Dagat, ilog, kalupaan pati kailaliman Ginto at mineral, kumikinang sapat sa taong bayan …” Mula sa alternatibong midya, matagumpay siyang nakipagsapalaran sa mainstream at nakarating sa iba’t ibang bahagi ng Pilipinas. Bagaman sumikat, nananalaytay pa rin sa kanya ang dugong katutubo kaya nananatili ang kanyang paa sa lupa upang ipagpatuloy ang pagtataguyod ng mga adhikaing magkaroon
Lolita Carbon
Gloc – 9
Nakilala si Carbon bilang bokalista ng bandang ASIN. Bata pa lamang ay buo na ang kanyang sariling pagkakakilanlan nang kinakitaan siya ng potensyal sa pagkanta at nang magkaedad ay ginamit ang kaloob na talento sa pagbuo at pag-awit ng mga piyesang nakikisangkot sa matagumpay na paghahatid sa mga Pilipino ng reyalidad ng lipunan sa anyo ng sining at musika. Mensahe ng kanyang mga awitin na hindi madali ang mabuhay sa mundong batbat ng kasalatan at kawalang karapatang pantao kaya’t patuloy niyang iminumulat ang sambayanan sa patuloy niyang pag-awit at sa pag-aalay ng musika sa mga karaniwang tao.
“…Huwag niyo namang hayaan na ito’y paglaruan Pag-agawan ng taong may kumunoyna pagnanasa at galit na pansarili lang.” Si Aristotle Pollisco na mas kilala bilang Gloc-9 ang nagpasikat ng mga kantang ‘Upuan’, ‘Kunware’ at ‘Dapat Tama’ na nagpapaalala sa taumbayan ng matinong pamimili sa mga nagiging pinuno ng bansa. Bagaman kinikilala sa mainstream midya, walang takot na ipinaalam ang krisis sa Pilipinas at ang walang katapusang paghihirap at pagkaalipin ng Pilipino sa pamamagitan ng kanyang mga awiting hango mula sa sariling karanasan at mga karanasan ng mga karaniwang tao tulad ng pagmamaltrato, karukhaan at kawalang katarungan sa lipunang ginagalawan. Hangad niyang magbigay tinig sa mga pinipi ng katayuan sa lipunan.
Cookie Chua
Browman Revival
“Ang angkin mong yaman, di mo alam, pawis na plaban Magiting na kasaysayan, sambayanang lumalaban.”
“Anila ikaw ang lupang pangako At ngayon, kami sayo ay nangangako Ipagtatanggol, ipaglalaban ko, Ipagtatanggol, pawis at duo Ipagtataggol, ang katutubo Ipaglalaban ko, kinabukasan mo
“Nais nila na ikaw ay mawasak, mga sakim Nabighani, naglalawat, sa yaman mong taglay.”
Bilang miyembro ng Tres Marias, isa si Cookie sa mga progresibong artistang naglalahad ng adhikaing makabayan sa kanyang mga awitin. Sa kabila ng mga awiting ingles at mga temang nililikha ng kanyang bandang
Pakinggan ang boses na hinahanap Papalakas, papalapit, lumalawak Magtatanggol, tatapusin ang
Makalipas ang ilang buwan, kinaharap ng mga Lumad ang pandarahas ng estado sa kanila at sa kanilang lupang ninuno. Panawagan nila ang pagalis ng mga militar na nagkakampo sa kanilang eskwelahan at komunidad, gayundin ang paggmimina sa kanilang mga lupa at mabigyang hustisya ang pagpatay sa kapwa-Lumad. Hindi lamang madarama sa mga tunog na maindayog, nakapaninindig-balahibong tinig at makabuluhang mensahe ng mga kinikilalang progresibong artista ang damdaming nagaaklas sa mga pagmamaltrato at walang habas na pagpaslang sa mga katutubong Lumad. Bahagi ng makabayang awitin na protektahan ang lupa, tubig at ginto ng mayamang isla ng Pilipinas partikular na ang Mindanao sa mga mapangabuso, higit na hangarin ng mga mang-aawit na magbibigay nang malinaw na larawang sumasailalim sa kasalukuyang lipunan at magmulat sa malawak na hanay ng mga Pilipino upang makamit ang panlipunang pagbabago. Sanggunian: Various Artist. (2015). Mindanaw. Retrieved on: January 13, 2016. Retrieved from: https://www.youtube.com/watch/ v=FjXB9sWxO3Q Capistrano, Zea lo Ming. (2015). Vetteran Pinoy Artist sing for Pinoy Lumads in Music videos. Retrieved on: January 13, 2016. Retrieved from: https://davaotoday.com/main/culture-2/veteran-pinoyartists-sing-for-lumvideos/ Salugpongan International. (2015). Mindanaw. Retrieved on: January 13, 2016. Retrieved from: https://www.salugpongan.org/mindanaw
Sofia Loren S. Goloy at Jules Angelica E. Marcelo
Ang edukasyon bilang negosyo sa ilalim ni BS Aquino
EDU
CASH YON:
D
ulot ng mga n e o l i b e r a l na polisiyang inapbrubahan ni BS Aquino sa sektor ng edukasyon, mas lalo lamang nitong pinaiigting na kolonyal at komersyalisado ang sistema ng edukasyon. Ang pilit na ‘pagpapaunlad’ sa edukasyon ng kasalukuyang administrasyon sa pamamagitan ng pagsasabatas ng mga polisiyang pabor sa mga pribadong sektor ang lalo pa ngayong nagpalala sa kalagayan ng mga estudyante na naghahangad ng dekalidad na edukasyon. Nakaukit na sa kasaysayan ng bansa ang pagpasok ng mga Amerikano sa pamamagitan ng pakikipagkaibigan nito sa Pilipinas na may layunin umanong palayain ang bansa sa kamay ng mga Espanyol. Ngunit taliwas ito nang sakupin nila ang bansa at patatagin ang edukasyon na may kaisipang kolonyal. Liberalisasyon, pribitasayon at komersalisasyon ang bunga ng makadayuhang kultura sa edukasyon na nakaaapekto sa mga guro’t mag-aaral. Sa kasalukuyan, nagpapatuloy ang pagbibida ng administrasyon sa kolonyal na tipo ng edukasyon sa pamamagitan ng mga polisiyang kalauna’y kakikitaan umano ng pag-unlad tulad ng K to 12 o mas kilala sa tawag na Enhanced Basic Education Curriculum (EBEC) at Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER). Dagdag pa sa pagpapaigting ng mga polisiyang ito ang Private-Public Partnership (PPP), ASEAN Integration 2015, at Asia-Pacific Economic Coopoeration (APEC) na nakaangkla sa pamantayang global at nakasandig sa makadayuhang konsepto ng edukasyon. Sa pagsisimula ng programang K to 12 noong 2012 na may layuning gawing globally competitive ang mga mag-aaral na magtatapos ng senior high school (SHS) simula sa taong 2018, nakaangkla rin ito sa mga bokasyunal at
teknikal na kurso na lilikha lamang ng mga semi-skilled workers na tutugon naman sa pangangailangan ng mga dayuhang kapitalista upang sumabay sa pamantayan ng makadayuhang edukasyon. Sa ganitong kalagayan, tahasang inihahanda ang mga Pilipino sa konsepto ng pakikipagsapalaran sa ibang bansa upang makakuha ng trabaho sa kabila ng posibilidad ng pananamantala. Kaugnay dito ang pagiging kabilang ng bansa sa APEC na nagpapaigting ng komersyalisadong edukasyon at bumubuo ng isang ilusyon sa pagiging maunlad ng bansa. Dahil sa adhikain ng APEC na pagtibayin ang small and medium enterprises (SMEs), kinokontrol din nito ang sistema ng edukasyon sa pamamagitan ng pag-angkla ng kurikulum na magluluwal ng maraming lakas paggawa at mga propesyunal na kakailanganin ng makadayuhang bayan.
Tahasang inihahand sa konsepto ng pa sa ibang bansa up trabaho sa kabila pananam Nagsisilbing serbisyong kalakal sa halip na serbisyong panlipunan ang edukasyon dahil sa pagiging komersyalisado at kolonyal nito. Taliwas sa kagustuhang pagpapaunlad ng edukasyon ang mga hakbangin n g gobyerno na lalong
nagpapasadlak sa sistema ngayon ng edukasyon. Isa na rito ang Roadmap to Public Higher Education Reform na naglalayong alisin ang suporta ng estado sa mga state universities and colleges (SUC) at iasa ang mga pangangailangan ng mga pampublikong pamantasan sa kamay ng pribadong sektor na kinakasangkapan ng pinakatinatampok na sistema ng rehimeng Aquino na Private-Public Partnership
da ang mga Pilipino akikipagsapalaran pang makakuha ng ng posibilidad ng mantala. (PPP). Ang ganitong kaganapan ang magbabadya sa mas lalong pagpapataas ng mga bayarin ng isang pamantasan at sa kalauna’y sukdulang pagsasapribado ng mga ito. Sa katunayan, umabot sa 2.6 B PhP ang nakolektang halaga mula sa tuition and other school fees (TOSF) ng SUCs noong 2010 na tumaas pa ng humigit kumulang 60 bahagdan noong 2013 na nagkakahalaga ng 4.1 bilyon, 4.4 B PhP naman noong
2014. Sa kabila nito, kulang pa rin sa mga gamit at pasilidad ang marami sa mga pamantasan. Binigyang linaw ng mga numerong ito ang buhay na polisiya ng deregulasyon sa edukasyon na nasa ilalim ng Education Act of 1982 kung saan nagbibigay pahintulot sa mga pribadong institusyon na pasukin ang sektor ng edukasyon. Sa pag-usbong ng makabagong sistema ng edukasyon, hindi nakasabay ang pagpapataas ng kalidad ng edukasyon na mas pinalala pa ng mga pagtaas pa lalo ng mga bayarin kung kaya’t nauuwi ang mga mag-aaral sa pagpapakamatay. Kasama sa mga naiulat na kaso ng ganitong insidente ang kina Kristel Tejada mula sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) Manila, Rosanna Sanfuego ng Cagayan State University (CSU), Jhoemary Azaula ng Eulogio Amang Rodriguez Institute of Science and Technology (EARIST), Nilna Habibun ng Dr. Aurelio Mendoza Memorial College at Jessiven Lagatic ng Central Bicol State University of Agriculture (CBSUA). Dahil sa mga polisiyang pumipigil sa kabataan para ipagpatuloy ang kanilang pag-aaral, may mga estudyanteng tulad nila na mas piniling kitilin ang buhay kaysa magpatuloy sa hirap. Maliwanag na pabulusok na ang sistema ng edukasyon na
inihanda ng rehimeng Aquino dahil sa naging epekto ng mga polisiyang ito. Lalo pang madaragdagan ang bilang ng estudyanteng nagpapakamatay dahil hindi nila nakakamit ang libre at dekalidad na edukasyon. Isa itong manipestasyon na pinapaigting ng administrasyon ang kaisipan at polisiyang makadayuhan na unti-unting pumapatay sa makamasang edukasyon. Ang pagsusulong ng siyentipiko, makamasa at makabayang edukasyon ang kailangan ng kabataan upang maabot nila ang maayos at may kalidad na edukasyon.
Sanggunian: Lumbera, B. Guillermo, R. Alamon, A. (2007). Mula Tore Patungong Palengke. IBON Philippines. Page 13. Nakuha noong Nobyembre 11, 2015 _____. (2015) UP Manila Students and Faculty Youth Groups call for week long black protest. Nakuha noong Nobyembre 16, 2015 sa http://www.anakbayan.org/newsup-manila-students-and-faculty-youth-groups -call-for-week-long-black-protest-for-justice/. _____. (2015) Kung Bakit Hindi Mapapaunlad ng K to 12 ang Edukasyon sa Pilipinas. Nakuha noong Nobyembre 11, 2015 sa http://pinoyweekly. org/new/2015/06/kung-bakit-hindi-mapapaunladng-k- to-12 -ang-edukasyon-sa -pilipinas/. _____. (2014) A Year of Shrinking Chances at Education for the Filipino Youth. Nakuha noong Nobyember 16, 2015 sa http://bulatlat.com/main/2015/01/01/2014-a -year-of-shrinking-chances-at-education-for-thefilipino-youth/. Sison, J.M. (2015) Ang neoliberal na opensiba ng APEC at epekto nito sa edukasyong Pilipino. Nakuha noong Marso 5, 2016 sa http://josemariasison. org/apecs-neoliberal-offensive-and-its-effect-onphilippine-education-2/
Pang. BS Aquino:
MANDATO SA PAG-ARESTO
PANG. BENIGNO SIMEON COJUANGCO AQUINO III Akusado X- - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - - -X
laban kay
SAMBAYANANG PILIPINO Nagsasakdal
Republika ng Pilipinas Rehiyunal na Korte sa Paglilitis Branch 666 Maynila
Ibinigay sa ilalim ng aming mga kamay at selyo ng korteng ito ngayong Mayo 9, taong 2016.
WALANG PYANSA ANG MAAARING MAIHAIN SA NASASAKDAL UPANG SIYA’Y MAPALAYA MULA SA MGA KRIMENG KANYANG GINAWA.
Ang pormal na demandang ito ay ginawa rin upang pigilin at tigilan ang anumang sasagka sa batas at karapatan ng mamamayang iyong dapat na pinaglingkuran o anumang krimeng kaugnay ng mga naunang naipataw sa iyo.
Ang pormal na demandang ito ay ginawa upang ika’y mapayapang sumuko nang walang halong pagtatanggi sa mga kasalana’t kapabayaang idinulot mo sa mga Pilipino.
Sa ngalan ng Rehiyunal na Korte sa Paglilitis at Korte Suprema ng Pilipinas, ikaw, Benigno Simeon Cojuangco Aquino III, ay inaaresto sa kaso ng pagpapabaya sa responsibilidad bilang pinakamataas na pinuno ng bansa. Sang-ayon sa mga datos na nakalap, pinatutunayan nito na kabahagi at sangkot ka sa mga kaso ng pagnanakaw, pagpatay at pandarambong sa anim na taon na panunungkulan bilang pangulo sa ilalim ng soberanya ng Pilipinas.
Mapagpalayang araw!
Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz
HOPELESS mndfcasinabecruz2711@gmail.com
ROMANTIC S
a panahon kung saan patuloy na nagmamahal ang matrikula, tumataas ang presyo ng mga bilihin, sinasapribado ang mga pampublikong serbisyo, madalas na pagkakadiskaril ng LRT o MRT, malalang korapsyon at patuloy na pamamayagpag ng impunidad ng adminstrasyon ni BS Aquino, dumating ang tambalang AlDub upang pakalmahin ang kalam ng sikmura, pansamantalang pasiyahin ang masa, at maging ‘hopeless romantic’ sa mga isyu ng bayan. Nitong mga nakaraang buwan, namayagpag sa telebisyon at sa mga social media sites ang tambalang AlDub (Alden at Yaya Dub) mula sa programa ng Eat Bulaga. Ang aksidenteng tambalan ni Alden Richards na isa sa mga host ng EB at Maine Mendoza o mas kilala bilang ‘Dubsmash Queen’ ay kaagad na pumatok sa mga manonood. Araw-araw ay bumabaha ng tweets at hashtags sa Twitter, shares ng post sa Facebook tungkol sa AlDub tulad noong unang beses nilang magdate sa masyon ni Lola Nidora kung saan umabot sa 25,652,810 ang tweets ng #AlDubEBforLOVE. Sa kabilang banda, pagtakas naman sa reyalidad o eskapismo ang dala ng tambalang ito sa mamamayan. Imbes na pagtuunan ng pansin ng taumbayan ang kalagayan ng kanilang pamilya at mga isyung kinasasadlakan ng bansa, mas laman pa rin ng mga usapan kung matutuloy ba ang kasal ni Yaya Dub kay Frankie o magkikita pa ba ulit si Yaya Dub at Alden at kung kailan nga ba talaga ang tamang panahon na sinasabi
sinug-ang
ni Lola Nidora. Ngunit kung titignan naman sa mas malawak na konteksto, si BS Aquino at ang kanyang administrasyon mismo ay pasimuno ng pagiging ‘Escapist-in-Chief.’ Sa loob ng kanyang termino, maraming beses na tumakas sa gampanin si Aquino at ang kanyang administrasyon. Ilan rito ay ang pagbisita niya sa pagbubukas ng planta ng Mitsubishi Motors sa Laguna sa halip na salubungin at makiramay sa mga pamilya noong dumating ang mga labi ng SAF 44 na nasawi sa labanan sa Mamasapano; kabilang din ang kanyang pagdalo sa enggrandeng kasal ni Dingdong Dantes at Marian Rivera sa kabila ng paghagupit ni Bagyong Seniang sa Visayas at Mindanao; ang pagpapaunlak ng panayam kay Vice Ganda sa loob ng Malacañan; ang pagkulong ng mga pulis sa mga Lumad ng Manilakbayan 2015 noong APEC Summit sa pamamagitan ng paglalagay ng mga container trucks at pagtatapal ng mga
Ang midya ay isang sandata ng administrasyon upang linisin ang kani-kanilang mga pangalan sa mga kapalpakang kanilang ginawa.
gahiganteng tarpulin sa paligid ng dadaanan ng mga bisita; at ang hindi malilimutang ginawa ng DSWD na pagtatago sa mga pamilyang na sa lansangan sa isang mamahaling resort sa Batangas noong dumating ang Santo Papa sa bansa.
Sa pamamagitan ng paghawak sa midya, nakokontrol at maiging nasasala ng estado kung ano ang dapat na ipakita, iparinig at ibalita sa mga tao. Mala-opium ito na nagpapakalma sa bugso ng damdamin at ipinipilit sa lahat na maging kuntento na kung ano ang mayroon sa kanilang hapag. Isa lamang ang tambalang AlDub sa iba’t ibang uri ng mekanismo ng estado upang mailayo ang atensyon ng tao sa kung ano ang tunay na kalagayan ng bayan at ang mga anomalya’t iskandalong ginagawa ng gobyerno. Ang midya ay isang sandata ng administrasyon upang linisin ang kani-kanilang mga pangalan sa mga kapalpakang kanilang ginawa. Nagsisilbi rin itong daluyan ng mga impormasyong patuloy na hinihipnotismo ang mga mamamayan. Ngunit kahit nagpapatuloy ang pagmamanipula sa mga balita’t palabas na ipinakikita sa telebisyon, patuloy namang pinalalakas ang iba’tibang lunsaran nagsusulong ng alternatibong midya upang lumikha ng balitang bumabatay sa tunay na kalagayan ng lipunan – ang mga bagay at pangyayari na kadalasa’y hindi isinisiwalat ng papet na midya ng gobyerno. Ang pagiging ‘hopeless romantic’ sa mga problema ng lipunan ay hindi makatutulong upang tugunan ang mga ito. Bagkus, dapat tayong tumindig at ipaalam sa sambayanan ang tunay na kalagayan ng bayan.
P Pitik iBtik B ft. Leonardo De Charoteros Hellooooooooooo PhiAndYouOnes! Alam kong na-miss niyo ang kagandahan ko. Oyas! Hihihi! Balita ko may mga nagsilabasang chakabels na naman na winawarla’t kinekemerut ang akez beloved ishtudents. Kakaloka kayez to the highest level! Gusto niyo yatang sumikat at makagetlak ng OsCHARs Award, ang chaCHAROT naman ng mga feslak ninyong mga makyonget! At dahil huling bira na dis academicians year (pasintabi sa mga GC) at gusto ninyong magbeeduuh ditey sa ever beloved Inang P., let me smack your chaka fezes ng carrots galing pa sa aking fafa Carrot mula sa Mt. Province dahil sa mga ka-eklavuhan ninyo! OsCHARs Awardee #1 Juicecolored ‘tong mga charoterang komitey na super slow just like the internet connection that we have here sa Pinas. Waley na waley ang serbisyong binibigay ng komitey na ito sa mga senioritos at senioritas na gogora na nga lang outside Inang P. e nangungunsumisyon pa paano ba naman, leyt much na magGM. Enebe nemen ‘yan! Azure ha? Kasi naman ang mga vaklush, sa Facebook pinapagora ang mga announcements, like shoongaers lang? ‘Yung ibang senioritas at senioritos kaya ay out of the shell ni Inang P at yung iba namang waley internet sa balay. Tapos ang punong Acasia at isang crescent moon ng komitey na itey ay nasa kwek kwek kumeleklek pa. Hindi lang basta mga sirang card reader na hindi nagbabasa ng banal na konstitusyon, mga bwakaw pa sa kapangyarihan. Imbyerna! Hindi ba ninyo ma-getching bawal ang dual-citizenship ayon sa Shopreme Court? Basabasa rin mga lolo at lola. OsCHARs Awardee #2 Klapeypey naman para sa m a ga n d a n g s h a l a n g balurva ng mga maam-
sir-it ni Inang P. e. Sobrang conjugal namang mag-finish line, like almost 48 years na. Charot! As I can see with my very beautiful twinkling eyes, gandarabels na ng pugad ng mga maam-sir-it samantalang ngangabels naman ang lungga ng mga ishtudents. Mukhang tanmalis at wapakels ang thunders sa mga beloved ishtudents of mine. Paano ba naman inaanay na ang lungga ng mga ishtudents, wa chuva naman ang mga opitsinang kumekeriboom-boom sa pagfi-fix ng everloo since 1901 ng mga baler at balurva sa Inang P. I think, we need to kolektibs tigpisong anda julet from the ishtudents para pabonggahin ang infrastruktakles for the ishtudents. Ka-stress Drilon , ah!
OsChars Awardee #3 Ito pa ang FAsCIst people from this pa-major na subject at take note they are not just only FAsCIst, ha, bonggang-bongga rin sila sa organization ng info ng activities ng beloved ishtudents of Inang P. Ganitey kasi, ang mga chakang ito sobrang late at gulo ng info updating sa persyirs na madedeploy outside the campus. Kakalerkey rin ang bonggangbonggang TESDA training for making pintura the walls in Baclaran and kemeng paghalo ng semento. Paalala ko lang, ah, ang beloved
ishtudents of mine are taking eduCASHyon courses para maka-getching ng knowledge in teaching, hindi sila graffiti artists! Kaimbyerna! Tyaka, huwag namang feeling major major in the first place, hirap na nga ang ishtudents sa tri-mess-ter scheme e tatambakan niyo pa ng mga super-duper daming requirements. HUSTISYA naman sa pagtrato sa mga precious ishtudents kung ayaw ninyong bonggang-bongga na mapinturahan sa mukha at paliguan ng semento. Kiber? OsCHARs Awardee #4 Ka-haggedorn ang mga echoserang frogs mula sa isang he-she-it puno ng mga dilawan. Irita Avila akez sa dami ng nyaw nyaw tungkol sa beloved and longest running publikasyon ng kagandahan. Ay naku! Very wrong kayo ng binabangga mga hijo’t hija. Walang makakapigil sa kagandahan at bonggang paglilingkod sa ishtudents ng beloved publikasyon ni Inang P. no! Isa pa sa nakakaloka, echos na isyu na naman of having bias ng publikasyon. Hello?! My mader publikasyon ay na sa bonggang panig lang ng mga beloved ishtudents nito. Kung gusto niyo ng news patungkol sa nagetching na awards at recognition ni Inang P., lez go back to highschool na lang mga
beshy, kakalerkey! Level up naman tayo ng mga bonggang babasahin para lumevel-up din yung kagandahan/kagwapuhan ninyo. Macho lang kayo e, machochorva. Ilang taon na ring nilalampaso ng mader publikasyon ang katulad ninyong puro nyaw nyaw lang sa mga isyung naisusulat ng mahiwagang pens that are serving the ishtudents and the people for century and counting. Entiendes? OsCHARs Awardee #5 At ang bonggang bongga sa kachakahang charotera ay ang mga kwek kwek este kumeleklek na hindi naaral ang banal na bookla ng mga rules. Bechabaygolly-wow naman kasi sa bagal ng planning ng mga itey, tamad na tamad? Very wrong! Bonggacious din ang pagchukchak-cheneschenelyn niyo sa due process stated in our very own and beloved Philippine Constitution, naku, ang sarap pagsasampalin ng Philippine Consti. Pero siyempre sikreto lang natin mga beshy, ha? Lakas maka-delay ng eleksyon through their eewy-dirty-tactics. Sikret lang ulit, maybe because they want other chakas reign. U know, sunod-sunuran sa outsideworld forces ang atashing charot na itu. Ingat mga besh, baka kayo naman ang ma-backstab sa susunod. Bwahahahahahaha!
Sobrang dami talagang bad ara sa kachakahan sa Inang P. Mga jongoloids naman ang mga atashi! Beeduh-beeduh lang naman ang chaka fezes! So ayern na nga, gorabels na muna akez at boborlog muna akez dahil pagoda express ang prettiness ninyo sa mga boobla na chakabels out there. Beauty rest muna akez, you know rarampabels pa ako next year sa Oscars na mamimitik sa mga kapitik-pitik on Earth. O sya, ba-bush na at may date pa kami ni papable Leo! Mwaaaaaaps!
John Reinz R. Mariano at Cedric T. Bermiso
BAHAGHARI SA DILIM:
LGBT
SA KONTEMPORANYONG DAIGDIG Danielle Samantha L. Quinto at Airalyn M. Gara
S
a lipunan kung saan patuloy ang pagiral ng samu’t saring diskriminasyon, pananakit at mga pagpatay sa hanay ng mga may piniling kasarian, patuloy pa rin ang pagbubulagbulagan at pagbibingi-bingihan ng gobyerno hinggil sa pagyurak sa karapatan ng mga miyembro ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT). Sa kabila nito, patuloy pa ring lumalaban ang LGBT para sa pantay na pagtrato sa kanila sa lipunan. Sa kasalukuyan, tinatayang na sa 10 bahagdan na ang bilang ng mga LGBT sa bansa ayon sa Lagablab, isang grupo ng mga organisasyong naghahain ng mga polisiya at batas na nangangalaga sa pangunahing karapatan ng mga LGBT. Ngunit kahit ikalawa ang Pilipinas sa mga bansang gayfriendly at sinasabing naabot na ng bansa ang panlimang target sa Millennium Development Goal (MDG) 2015 na ‘gender equality, empower women’, pagdating sa tunay na buhay kung saan araw-araw silang nakikipagsapalaran, makikitang hindi sila tunay na pinalalaya ng mga pisikal at berbal na pananakit, pambu-bully at diskriminasyon na nauuwi sa pagpatay. Batay sa datos ng Philippine LGBT Hate Crime Watch, mahigit 170 na ang kaso ng pagpatay sa mga LGBT simula pa 1996. Umabot na sa ganitong bilang ang mga hate crime dahil sa kakulangan ng mga batas na nagsusulong sa karapatang-pantao ng mga LGBT. Halimbawa nito ang nangyaring pagpatay sa transgender na si Jennifer Laude
at ang pagbaba ng hatol sa suspek na si US Marine Lance Joseph Scott Pemberton mula sa murder patungong homicide na isang patunay na hindi napoproteksyunan ang hanay ng mga LGBT at ilag pa rin ang hustisya sa mga kasong kaugnay sa kanila. Laganap din ang kontraktwalisasyon sa sektor ng LGBT dulot ng kawalan ng programang pangkabuhayan ng gobyerno para sa mga may piniling kasarian. Ayon kay Kenneth Evangelista, Vice Chairman ng KAPEDERASYON, isang organisasyong nagsusulong sa karapatan ng mga Pilipinong LGBT, sa ilalim ng panunungkulan ni BS Aquino ay mas lalo pang lumala ang diskriminasyon at lumaki ang bilang ng mga kontraktwalisadong LGBT na nagpapakita ng hindi pantay na pagtrato at oportunidad para sa kanila. Dagdag pa niya, karamihan sa mga LGBT ay tumatanggap ng below minimum wage na pasahod dahil karamihan ay kumakapit na sa madilim na mundo ng prostitusyon at kriminalidad na nauuwi sa lumalalang bilang ng mga LGBT na may Acquired Immune Deficiency Syndrome (AIDS) at Sexually Transmitted Diseases (STD). Pinapakita na hindi nabibigyan ng sapat na pagtingin ang sektor ng LGBT pagdating sa mga dinaranas na diskriminasyon at pananakit dahilan na rin ang hindi pagbibigay ng tuon sa pag-aaral ng tunay nilang kalagayan. Maging ang same-sex marriage ay mariing tinututulan sa bansa dahil hindi sinasaklaw ng konstitusyon ang mga
ganitong usapin. Mariing ipinahayag ni House Speaker Feliciano “Sonny” Belmonte Jr. na walang pag-asa ang same-sex marriage sa Pilipinas. Nananatili umanong matibay ang paninindigan ng ika-16 kongreso sa sanctity of marriage na nakasaad sa Family Code ng bansa. Ayon dito, ang isang pamilya ay binubuo dapat ng ama at ina na dumaan sa seremonya para magsama. Ngunit dahil dito, tinatanggalan ng gobyerno ng karapatang magkaroon ng sariling pamilya ang mga LGBT. Sa kabila ng pananamantala, bahagi ng pagtanggap sa mga may piniling kasarian ang pagkilala sa kanilang legal na karapatan. Isa sa mga panukalang batas na may layuning maiwasan ang patuloy na pagtaas ng hate crimes ay ang House Bill (HB) 1483 of 2010 na nilagdaan ni Teddy Casino noong Agosto noong kinatawan siya ng Bayan Muna Party list. Ang pinakabagong bersyon nito ay ang HB 5687 na inaprubahan ng komite noong Pebrero 2015 na nagbabawal naman sa lahat ng anyo ng Sexual Orientation and Gender Identity na uri ng diskriminasyon. Sa bagong tala, unang-una ang mga bayan ng Mandaue at Lungsod Quezon sa pagpasa ng LGBT Code na kumikilala sa karapatan ng may mga piniling kasarian. Ang mga pang-aabusong dinaranas ng mga LGBT at ang kakulangan ng aksyon ng pamahalaan upang mabigyan sila ng proteksyon ang nagtutulak sa kanila upang
ipanawagan ang kanilang karapatan at pagkilala sa lipunan. Ang mga pang-aabusong ito na nauuwi sa mas lalong lumalalang hate crimes hindi lamang sa Pilipinas maging sa buong mundo ang sanhi ng kanilang patuloy na paglaban. Bagamat nakatutok sa iba pang isyu ng bansa ang kasalukuyang rehimen, kailanman ay hindi naging bahagi ng prayoridad nito ang sektor ng LGBT. Sa kanyang termino ay lalo lamang lumaki ang bilang ng mga naabusong LGBT at maraming mga kaso ng pananamantala ang hindi naisapubliko at hindi nabigyan ng hustisya. Patuloy na lumalaban ang mga may piniling kasarian upang maimulat ang lahat para sila ay tanggapin sa makabagong panahon at makamit ang pantay na karapatan. Sanggunian: Tricia Aquino. (2015). BEYOND LGBT NUMBERS | Data on transgender killings understated, but brutality marks all deaths. Interaksyon. Retrieved on January 27, 2016 from http://www.interaksyon.com/article/97426/ beyond-lgbt-numbers-- data-on-transgender-killingsunderstated-but-brutality-marks-all-deaths Patrick King Pascual. (2015). LGBT activists: We did not feel Aquino’s presence. Verafiles.org. Retrieved on October 2015 from http://www.verafiles.org/lgbt- activists-wedid-not-feel-aquinos-presence/ Fritzie Rodriguez. (2015). The long road to an LGBT antidiscrimination law. Rappler.com. Retrieved on February 16, 2016 from ht t p:// w w w. r ap p le r. com/move-ph/issues/gender-issues/100632-ph-anti- discrimination-law-history ____________. (2015). What is the Philippine Anti-Hate Crime Watch? Retrieved on December 5, 2015 from h t t p: / t h e p h ilip p in e lg b t h a te c r im e w a t c h . b l o g s p o t . c o m/ search?q=hate+crime+definit ion _____________. (2016). Natatanging Progresibong 2015. Pinoyweekly.org. Retrieved on January 6, 2016 from http://pinoyweekly.org/new/2016/01/natatanging- p r o g r e s ib o ng-2015/ _____________. (2014). KAPEDERASYON joins INTERNATIONAL HUMAN RIGHTS DAY. Retrieved on March 9, 2016 from https://kapederasyon.wordpress.com/tag/ ihrd/
M
KULTU RANG S Daniell
e Sama
... Sining na makabayan ang siyang magagamit natin bilang armas ng pagpapalaya sa sarili at sa bayan.
saman
ntha L.
thaquin
Quinto
to@yah
oo.com
a paglipa s p anah on , ng a ng m unting untig a ha n kb a t a t ab s a e s en ng u n s ya ng anging papa a malaw n s ta a a sining im k b p u luwens ha globali p ag t a t at kult y na ya sa an Patuna y ng mga ur a y kurikulu s yon, hindi g ghal o pro m n d g a m it g o a a du aa n o ng k a da y u a ng m a m r n a l. g pa ha ng at ga as h uma h k s y o n a y nag sus ng kult iba’t ignatur gdaragdag alo sa t ulputa ur a ng A SE A N a impla ib n popula g a ng k rin ang a ng Societ y tulad r, b ult m s aan b ng nakapo and Culture paman urang nam ekanismo at tu ilang ng mga umababa ama y a k us an k ung ma t an ta s a p ag nakikila ni gk g -a kalaga san. At sa ani n y an n i K im ilik sa pa hok bayan lam ng kultu talakayan kritikal sa g laba r na nak N mar ap Direk to na at lam kultura at s apaloo a ng ibang r Pang athanyel Se s ” Makikit a ng n b in jera, a h ub ug M in a s r tis tiko aliwan g, a in an na in na sa ganiton a A SE AN. ag na ng T T g mg mas lalong a g m na ma n a a k y a S. a o nipes ta a ng k u lag n ng a g p ap an adminis s yon it lturang kasalu ayan atili n mag-aaral ma p ag s t a r a o s li p k y p un u ya inamam on g palaya p a ng a n a y ani sa gitn kulturang ng mg an ay siya gailang ang kurikulum ng r a ng a n ng a mag ing ta s a A SE sa ng p o p n -aar al in A ular na bag yo sa loo gan mag-aa N na huhulm tegras yon k u b ng lt r al na ur a . a s a p aman unti-un mg a t as an. ting pa mga m Likas na hin sa kais p at ay uh ub o ag- aar a ip A a n n g g g m a t p ag t a l e p a n k a k s g noloh ab a y an g - u sb a pa lin . g a w i a t a ng s a mg a g ma ma na maaar iya sa pana ong K a ug n i hong it ng k atu tu sining y a u s y m a na ng a y ab on b o ng nito, na ma y o ng p a m maipala g a g m r n oo ma s itin u ay a ng k u g anap a a sa k p lturang patulo ntasan. Sa k n sa loob p a a ng a s a a n n lukuya g iba a w ag a yp asaluk p nak ap a ’t iban n n lalo u y an , loob a opular kung ng mg a rin ang pag p a n n g a li p sa u un ak pa s aan ng mg y um u y a kais ur a k minana ultura at sin payabong sa kult ang kamalaya sapin ng ip in n sining u sa a ng s ma grupon a pamamag g na ating katuna ra at sining par tikular at k u itan ng y an , g t ag a ng lturang kabayang a p a mg a ng m ngunit sa tulad b um ub aman t mayro ng T h p ag t ag u y o d a u n s o o a a n t n a t a b un . Unt ng isa ekanismong e T he ( T TS), malayo nito a n ng i-untin ng k a spian Kapisa s s a a r g il S isipang i k ociet y apatiya na ulturan nating (K ADIP sa loo g kina AN), K ng Diwa at P b n a k a n u g g lt n h u g gisnan a r a h is a n Troupe p uma p a lap Sin p it s a p ag k a t a y p aman t a s an pakulu lo -halo at a ing Da ik at a a t naban t PNU Chora m an il n n a ce r alaki a ng s a m gg le a ng p ng epe ito. Ani Seje g u ’t sarin naging aman t nagpap it na organis . Ang mga p k ra , o t g p o ular sa kult as an g ng kult a p a ng k u a galaw ur a ng a y a ng ur a pag tan tuloy ng m s yon ang sining , ltural n g mak ab as gk mg a na A ngunit ay a nnyeon na organis tulad n ilik sa kultu igasig na maintin as yon g PN mahala ng ra at g p ag s N d ih a m a n i, sining U ulat, pa n g a ng g awit at d m a b a p a a t s lalo a t maa w g s a y aw PNU p ng p a ng na pek tuh at isa na hind , p agg k ak a t ng ka ag-ar te. Sa p p o p b a i u n ib la ao ig y ng niamama r popula g r na pa n ang kultu an kinasa kanilang ka ng ma ang mensah kulturang s a ng k a kayaha itan m r k isip ng e a ng a un ua n n na p a n ng p uma p bumab bayang sinin at puso m a mga te at ab a n tuloy n ga mag-aara ng kilos at g lalo ma ng a a ng a e sk a lipunan ungkol sa k l. Nags makab pa’t ala p o a ng isilbi , kultura k a y a ng a is kahala naipapalagan gayan ng p ip o s pular n a p an a n ng k ga ap b uha y ab a t aa a kultura han ng m nila ang ng b a g- a r a w - a r a w n. wat m nag b ub a ak ab a y A ng ag- aa r a na esens y t sining kas ng u a n n g s o d am ma l na pa a mulat sa ka na lamang ng wika. Pin a na ang a t k u k a da y u h a n g g - u sb o n g walan ltura a t u t un ng lipu kamalayan n n g it kais o s a mg a a a ng na an namam n mak ab papata ipan g kult yan a y a ng is yu a paman an sa loob y s u s a r t in p aman y ani n a a t a ma ng ing na sa ta na imp san. Dulot rin labas ng loob ma y an nar ar a a lu n ng p a s a n a ng n k i pat w a g n saluku g ha ng g a ag m mas pin ensiya ng glo malawak y an n ng s pagkak bansang id papanatili it b g a o a u g a li n t s u t it ku a t an as yo t uu en ak a ng m asining nan pa ng pa n, ng mg ilanlan sa pu tidad at manan gkilikin ng k ng hindi a at ns so at is alakha kultura na p a n ay ip p ag- us mag- aa r a l s sa lipu ili itong wa g-aaral in ng iba lang s a kabil an b o ng n nan . H s a n n g g p b a ay s ay in g kultu a ng ans a g p ap au li d li i p la a s a ng d r a ng p k ay sb p ag k a k opular akilanla ong ng sa sa ng p a ng m a k a b a y a da a n a t . riling m n a ng d . N a in n g g t u as an nit na lagay n p anah Kadala sa krit sining o n ng g pama sa kasaluku na lam uuwi sa s an ikal n popula y an p an nt a bagong b ag k us a ng o a r na k mg a kurikulu san, sa ilalim g p ag ha h g g ag a y a ay m ultura p B as e d b r a o ig m na n a s d la g y u a w k n d s y o ng g es ap a t dahil k a Outcom Teache en pa itinatan ng un Curricu a t ma e sr payabo s ya, mares ng g hal lum sa kult g hindi ito E d u c a (OBTEC er b a ng s a kultura tion nak aan ur a ng pa ), su g popula papato a mibol r, hind kla k sa ang s t sining na gkat ang i ito iyang m ma s a . pansin bilang mag ag a k a b a y a n “ K ap an na k u amit ar ma s sinng a natin ng p ag ng is papala a ng y a sa sarili a t s a ba y an.
MAPA GPAL katigba k
EN
ND
" "May isang tutubi sa aming lugar. Kulay berde at tsokolate ang kanyang katawan. Ngunit kakaiba ang kanyang paglipad dahil paikot ang pagkampay ng kanyang mga pakpak. At kapag ang tutubi ay umipot sa aming lugar, marami ang namamatay.”
atayang karapatan ng mga bata ang makapasok sa eskwela’t matuto, mamuhay na malayo sa kaguluhan at pang-aabuso, makakain nang sapat sa isang buong araw at marami pang iba. Ngunit sa kasaluyang nangyayari sa henerasyon ng kabataan, hindi nila nakakamit ang mga karapatang ito dahil sa pagkakabatak ng kanilang murang katawan at isipan sa reyaliad.
B
Ang mga bata mula sanggol hanggang 18 taong gulang ang pinakamalaking bumubuo sa populasyon ng Pilipinas. Ayon sa Philippine Demographics Profile, 33.7 porsyento ng populasyon ay binubuo ng mga bata at sa bawat taon ay tumataas pa ito. Ngunit hindi lahat ng na sa bilang ay nakakatamasa ng ginhawa na nararapat sa isang bata dahil karamihan sa kanila ay nakararanas din ng iba’t
Ang alamat na ito ay nagmula sa mga Lumad na hanggang sa ngayon ay biktima ng matinding malitarisasyon sa Mindanao. Inihahalintulad nila ang mga helicopter ng militar bilang isang tutubi na kapag ito’y nagpapaulan ng bala sa kanilang lugar ay marami ang namamatay na katutubo. Sa ilalim ng administrasyon ni BS Aquino hindi na mabilang ang kaso ng pagpaslang at pang-aabuso ng militar at paramilitar sa iba’t ibang panig ng probinsya sa Pilipinas partikular sa Mindanao. Ayon sa KARAPATAN, isang grupo ng tagapagtaguyod ng karapatang pantao, sa daan-daang biktima ng pamamaslang sa ilalim ni Aquino, 28% dito ay mga bata mula edad 17 taong gulang pababa. Dagdag dito, sa Save our Schools (SOS) Network, alyansa na nagsusulong ng karapatan ng mga bata mula Marso 2012 hanggang June 2015, umabot na sa 62 na kaso ng pag-atake sa militar ang nangyari sa gawing Timog ng Mindanao tulad na lamang sa Saluggpongan Ta’tanu Igkanugon Community Learning Center (STTICLC) sa Mindanao Interfaith Service Inc. (MISFI) Academy na kinasangkutan ng mga sundalo mula sa 38th Infantry Battalion (IB) ng Hukbong Sandatahan ng Pilipinas. Dahil sa mga pananakot at pag-atake ng mga sundalo sa mga paaralan at komunidad, tuluyang natigil sa pag-aaral ang mga bata at napilitang lumikas ang mga Lumad sa kanilang mga
Ang Alamat ng Silid-Aralan "Sa silid na ito, dito kami tinuruan na magbilang. Dito rin kami natutong magbasa. Ito ang lugar kung saan makikita ang mahabang pisi ng pasensya at maalagang mga kamay. At ito rin ang lugar kung saan nandoon si titser. Ito ang lugar na habang tumatagal, pasikip nang pasikip. Unti-unting numinipis ang hanging nalalanghap. At habang tumatagal, parami kami nang parami. Kasabay rin ng pagbabago ay ang patuloy na pagbulok ng lugar na tinatawag naming silid-aralan.” Maliban sa silid-aralan kung saan nagsisimulang hubugin ng isang guro ang mga bata, kulang na kulang rin hanggang sa kasalukuyan ang mga kagamitang panturo na higit na makapagpapayabong sa kaalaman at kakayahan ng mga mag-aaral. Taong 2013 nang maisabatas ang Republic Act (RA) 10533 o ang Enhanced Basic Education Curriculum sa ilalim ng programang K-12. Layon ng bagong kurikulum na iangkop ang mga kasanayan ng mga magsisipagtapos sa hamon ng globalisasyon. Ngunit sa kabila ng magandang programa, ang pag-iimplementa nito sa kasalukuyan ay hindi nakatutugon sa matagal nang
Ala
a
Ang Alamat ng Tutubi
kabahayan. Ipinapakita rin ito na patuloy na nilalabag ng AFP ang DepEd Memo no. 221 series of 2013 o ang pagdedeklara ng kagawaran bilang ‘Zone of Peace’ ang mga paaralan sa buong bansa. Ayon kay Propesor Mae Fe Templa, isa sa mga lider ng SOS – Mindanao, ang mga batang lumad ay nailalapit sa mga agaw buhay na sitwasyon dahil sa patuloy na pagkakampo ng mga sundalo sa kanilang mga paaralan. Ang mga inaasahan sanang magtatanggol sa kapakanan ng mamamayan lalong-lalo ng mga bata ay ang mismong mga taong lalabag sa batas para lamang makamit ang interest ng iilan.
Mg
ibang porma ng pang-aabuso. Tulad sa isang alamat, ang mga inhustisyang nararanasan ng mga bata ay mayroon ding iba’t ibang pinagmulan.
Pamb
Isyu’t
Kalag ayan Sa
ata
M
N a.
h
aD
sch
e
aF
n on
Kani z
ru
C C.
problema sistema edukasyon.
amat
bata
ilang M
urang
Kataw a
n
sa ng
Na sa ikaapat na taon na ang implementasyon ng K-12 ngunit marami pa rin sa mga eskwelahan ang walang sapat na mga kagamitan ngayon pang papasok ang senior high school (SHS). Bunsod nito, samu’t saring pampribadong paaralan ang maghahain ng SHS at magbubukas ng pintuan sa mga magsisipagtapos ngayong taon. Ngunit sa kabila ng ‘voucher system’ na ipinatupad din ng gobyerno upang makatulong umano sa mga estudyante na papasok sa mga pribadong SHS, doble o triple pa rin ang matrikulang babayaran ng kanilang mga magulang. Kalakip ng pagtaas ng matrikula ay ang posibilidad din na tumaas pa ang drop-out rate dahil sa 10 pamilya ayon sa sarbey ng IBON Foundation, 7 ay mahirap. Marami sa mga mahihirap na pamilya ay nabubuhay lamang sa sobrang liit na kita at dahil dito ay mas hirap silang suportahan ang kanilang mga anak sa pagaaral mapapampubliko at pampribadong eskwelahan. Patunay na ang K-12 ay isang ‘suicide mission’ para sa mga bata at sinasalamin din nito na ang mismong gobyerno ay hindi tumatalima sa batas pambansa Artikulo 14 Seksyon 1 kung saan nasasaad na ang edukasyon ay karapatan ng lahat. Ang Alamat ng Kinabukasan "Alas singko na ng umaga. Maaga akong ginising ni Inay upang maligo. Kasabay nito ang paghahanda niya ng almusal para sa amin ni Itay. Pagkatapos makipaglaban sa malamig na tubig ay pinagsaluhan namin ni Itay ang masarap na almusal. Agadagad na inayos ni Inay ang aking gamit, kasabay ng pagaayos ni Itay ng kanyang gamit. Isinuot sa akin ni Inay ang aking bag at isinukbit naman ni Itay ang kanyang pala. Mag-ingat kayo? Opo Inay, ang aking
sambit. At kinuha ni Itay ang aking kamay, sabay kaming naglakad patungo sa palayan.” Sa edad na lima pa lamang, maraming mga bata mula sa mga liblib na probinsya ng bansa ang babad na ang murang katawan sa pagtatrabaho. Sa kadahilanang kapos sa pinansyal na aspekto para maipadala ang kanilang mga anak sa paaralan, nipipilitang isama ng kanilang mga magulang ang kanilang mga anak sa kanilang mga trabaho upang makatulong na madagdagan ang kanilang pantustos sa araw-araw na pamumuhay. Ayon kay Elmer Labog ng Kilusang Mayo Uno (KMU), noong taong 2011, 5.5 milyong bata ang pwersahang pinagtatrabaho ng kanilang mga magulang upang makatulong sa kanilang pamilya. At karamihan ng kanilang mga trabaho ay sa mga plantasyon, hacienda, taniman at minahan. Maraming ring mga bata ang sangkot sa mga anti-sosyal na gawain tulad ng pagnanakaw at pagigiging ‘sex worker.’ Ipinapakita lamang nito ang kakulangan ng gobyerno sa pagbibigay atensyon sa mga pangunahing pangangailangan ng isang pamilyang Pilipino at ang pagsasawalang bahala ng karapatan ng kabataan. Batay sa RA 7610 o ang Special Protection of Children Against Child Abuse, Exploitation and Discrimination, ang gobyerno ang dapat na nangunguna sa pagbibigay ng proteksyon sa mga bata laban sa iba’t ibang porma ng pang-aabuso, diskriminasyon, kapabayaan at pagpapahirap. Ngunit kailanman, hindi isinaalang-alang ni Aquino at ng kanyang administrasyon ang kapakanan ng mga bata. Hindi nito natugunan ang mga suliraning magpa hanggang ngayon ay pinapasan pa rin ng kanilang murang katawan. Ang mga batang ang siyang pag-asa ng bayan kaya marapat lamang na sila ay alagaan at ilayo sa ano mang uri ng pang-aabuso. Nararapat na magkaroon ng sistema ng lipunan na tunay na mangangalaga sa kanilang
musmos na kapakanan sapagkat ang kabataan ang magpapatuloy ng paglaban sa tanikala.
Sanggunian: Aryoso, D. (2015). Scrap K-12. Retrieved from http://bulatlat.com/main/2015/03/13/ scrap-k-12/ on March 13, 2015. Salamat, M. (2012). Child Labor: An offspring of ‘bankrupt employment economic program.’ Retrieved from http://bulatlat.com/ m a i n / 2 0 12 / 0 6 / 2 9 /c h i l d - l a b o r- a n - o ff s p r i n g - o f % E 2 % 8 0 % 9 8 b a n k r u p t- e m p l o y m e n t- e c o n o m i cprogram%E2%80%99/ on March 13, 2015. Umil, A.M. (2016). #Elections 2016| Groups dare candidates to address children’s issues. Retrieved from http://bulatlat.com/main/2016/03/08/ e l e c t i o n s 2 0 16 - c h i l d - a d v o c a c y - g r o u p s - d a r e candidates-to-address-childrens-issues/ on March 13, 2015 Robles, C. (1992). Chan Robles Virtual Library. Retrieved from http://www.chanrobles.com/ republicactno7610.html on March 13, 2015. http://www.chanrobles.com/republicactno7610.html
T S U J
, I R E
E M L CAL
N AN Y A B G N R HTE
FIG Marc
naog
Con
. Ma rad I
S
a bayan kung saan patuloy ang tunggalian at lumalaki ang pagitan ng mga mahihirap at mayayaman, may isang lumalaban at naninindigan para sa karapatan ng mga inaabuso at pinagsasamantalahan. Nagsisilbi siyang boses ng masang-api sa kasalukuyan at paniguradong magtataguyod ng kapakanan ng mga mamamayan sa mas malawak na antas—siya si Neri Colmenares, ang Fighter ng Bayan. Fighter in the Making Ipinanganak si Neri Colmenares noong ika-4 ng Disyembre taong 1959 sa bayan ng Libertad Bacolod, Negros Occidental. Panganay sa limang magkakapatid at anak ng magasawang security guard at clerk. Siya ay nagtapos ng elementarya sa La Consolacion College at bata pa lamang ay nakitaan na siya ng kabutihan ng loob dahil lagi niyang nakukuha ang Best in Good Moral Character. Unang taon ni Colmenares sa sekondarya nang
idineklara ng rehimeng Ferdinand Marcos ang batas militar sa bansa. Namulat si Colmenares sa tunay na kalagayan ng lipunan noong nag-aral siya sa De La Salle University- Bacolod at nakiisa sa mga pagkilos laban sa diktadurang Marcos noong 1976. Taong 1977 nang lumipat siya sa University of Negros Occidental Recoletos at itinaguyod ang organisasyong Students for Democratic Rights (SDR) na nagsulong ng pagbabagong panlipunan at pagwawakas ng retpresyong dinanas ng mga Pilipino sa ilalim ng diktadurang Marcos. Noong 1983, nagpasya si Colmenares na tumungo sa lambak ng Cagayan upang maging tagapangasiwa ng SDR ngunit makalipas ang limang buwan, siya ay dinakip ng militar at sinentensiyahan ng rebelyon laban sa diktadurya. Nang makalaya sa pagkakabilanggo, bumalik si Colmenares sa Negros upang muling mag-aral ng kursong Engineering. Sa unang bahagi ng 1983, tumulong si Colmenares sa Ilocos sa pagtatayo ng mga konseho at mga pahayagan ng mga mag-aaral. Isang taong nagaral si Colmenares sa Philippine Christian University (PCU) at naging aktibong miyembro
ng College Editor Guild of the Philippines (CEGP), gayundin naging miyembro siya ng Student Christian Movement of the Philippines (SCMP) na parehong naglalayon ng repormang panlipunan para sa taumbayan. Sa kabila nito, muli siyang sinampahan ng kasong rebelyon at nakulong sa Cagayan. Nakalaya siya matapos ang pag-aalsang EDSA noong 1986.
Abogado ng Masa Taong 1996 nang pormal ng pinasok ni Colmenares ang abogasya at politika. Pinagtuunan niya ng pansin ang mga batas para sa karapatang pantao tulad ng Republic Act (RA) 9745 o Anti-Torture Act at RA 10368 o Human Rights Victims Reparation and Recognition. Taong 1999 nang maging bahagi si Colmenares ng pagtatatag ng Bayan Muna na isang grupong naglalayong labanan ang mga isyung sumasagka sa karapatan ng taumbayan na kinakaharap ng bansa. Noong 2005 ay naging mahalaga ang papel ni Neri sa pag-oorganisa ng mga abogadong aktibista. Nang tumindi ang extra-judicial killings (EJK) sa bansa, kasama si Neri na nagtatag ng Counsels for the
Defense of Liberties (CODAL) na naglalayong imbestigahan at magbigay ng mga pagsusuri sa mga kaso ng extra-judicial killings. Noong 2007 sumunod naman ang pagkakatatag ng National Union of People’s Lawyers (NUPL) kung saan ang mga abogado ay nagbibigay ng libreng serbisyo sa mga isyung katulad ng demolisyon at pang-aapi sa mga mahihirap. Nang lumaon, nahirang siya bilang kinatawan ng Bayan Muna sa Kamara noong 2007. Naipamalas ni Colmenares ang kaniyang talas at talino sa mga argumento nang maipatanggal ang halos 150 huwad na partylist sa kongreso noong 2009. Naipanalo rin ni Colmenares ang kaso ng hustisya para sa mga biktima ng batas militar at dahil dito ay naimbitahan siya bilang tagapagsalita ng Impunity and Human Rights sa Australia at doon ay nabigyan siya ng pagkakataon upang tapusin ang kanyang Doctor of Philosophy (PhD.) Sa kabila ng ganitong tagumpay, mas pinili niyang bumalik sa Pilipinas upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan sa Bayan Muna at labanan ang panggigipit sa mga makabayang organisasyon. Bukod sa mga batas na kaniyang naipatupad ay marami pa siyang panukalang batas para sa karapatan ng mga mamamayan. Ilan dito ay ang House Bill (HB) 5401 o Income Tax Cuts and Reform, HB 5543 o Remove VAT in Electricity at marami pang iba tulad ng HB 6191
o Airline Passengers’ Rights and Protection at HB 343 o Remove VAT in Water Utilities. Kailan lamang ay inilaban ni Colmenares ang HB 5842 na naglalayong taasan ng 2,000PhP ang pensyon ng mga retiradong miyembro ng Social Security System (SSS) ngunit veto ang naging tugon dito ni BS Aquino at magpahanggang ngayon ay patuloy pa rin ang paglaban ni Colmenares patungo sa Senado upang matulungan pa lalo ang mga mamamayan. Tuloy ang Laban! Sa halos pitong taong panunungkulan ni Colmenares bilang kongresista, nagpatuloy siyang labanan ang korapsyon, pagtaas ng presyo ng pangunahtting bilihin at iba pa. Gayundin sa mga isyu na sumasagka sa karapatan ng mga Pilipino, panghihimasok ng gobyerno ng Estados Unidos sa Pilipinas at pagyurak ng Tsina at iba pang dayuhang kapangyarihan sa integridad, teritoryo at kasarinlan ng bansa. Pinatutunayan lamang nito na
si Colmenares ay kumakatawan sa kalakhan ng mamamayan at magiging epektibong boses ng karaniwang tao sa senado ngayong darating na eleksyon. Na sa kamay ng mga mamamayan ang kapakanan ng bayan sa pamamagitan ng pagtatalaga ng lider na nakasandig sa kapakanan ng taumbayan at nagsusulong ng tunay na demokrasya at kalayaan. Ang mahusay na pagkilatis ng mga Pilipino sa mga susunod na tagapagtaguyod ng kalayaan ng bansa ay napakahalagang salik sa pagluluklok ng tunay at makabayang kinatawan sa pamahalaan. Sanggunian: _______ (n.d.). House of Representatives Hon. Neri Javier Colmenares. Retrieved on January 15, 2016 from http://www.congress.gov.ph/members/ search.php?id=colmenares-n _______ (2009). Bayan Muna Rep. Neri Javier Colmenares. Retrieved on January 15, 2016 from h t t p : // bulatlat.com/main/20 09/09/07bayan-muna-rep -nericolmenares Iya Espiritu (2015). Ang Landas ng Paglilingkod ni Neri Colmenares. Pinoy Weekly. Retrieved on February 20, 2016 from http://pinoyweekly.org/new/2015/08/ang-landas-ngpaglilingkod-ni-neri-colmenares/ Rosette Adel (2016) .PNoy rejects SSS Pension Hike Bill.
PhilStar. Retrieved on February 20, 2016 from h t t p : // philstar.com/314190/show/b7830b252105214d012b1467ff34 92c4/?
ME N D I O L A MASSACRE Andrea P. Dasoy
S
a mahabang panahon ng pakikipaglaban para sa tunay na repormang agraryo, marami nang masaker ang kinasangkutan ng mga malalaking nagmamay-ari ng lupa sa hanay ng mga maralitang magsasaka. Tampok dito ang Mendiola Massacre sa ilalim ng dating pangulong Corazon CojuancoAquino na 29 na taon nang lumipas ngunit mababakas pa rin ang masalimuot na kasaysayan ng mga magsasaka dahil sa pagpapaigting ng polisiyang ipinatupad naman ng kasalukuyang administrasyon ni BS Aquino na patuloy na nagpahirap sa mga magsasaka. Para sa mga magsasaka, madilim ang yugtong inilako ng midya patungkol sa demokrasya at kalayaan sapagkat noong Enero 22, 1987, dahas at pasismo ng estado ang sumalubong sa hanay ng mga magsasakang nananawagan para sa tunay na repormang agraryo. Masasalungguhit sa nakaraan ang mapayapang pagmartsa ng mga magbubukid na nagmula sa Hacienda Luisita Inc. sa Tarlac, Hacienda Araneta sa San Jose Del Monte, Bulacan, Hacienda Dolores sa Porac Pampanga, Hacienda Looc sa Batangas, at Tulo King Ranch sa Coron, Palawan ng pagtahak sa mga lansangan ng Maynila ang kanilang panawagang ipamahagi ang lupa sa mga magsasaka at itigil ang pagpapalayas at pandarahas sa mga magsasaka sa kanayunan. Hindi nakayanang buwagin ng mga pulis sa pamumuno ni Hen. Ramon Montano, Col. Cesar Nazareno, dating Mayor Alfredo Lim na noo’y komander ng Manila Police Department (MPD), at ni dating pangulong Cory Aquino bilang Commander-in-Chief ang paghugos ng mga magsasaka sa kabila ng matinding dahas at tear gas sa mga barikada bago pa man sila makarating sa Mendiola. Naging tugon ng mga sundalo at pulis ang walang awang pagpapaulan ng bala sa mga magsasakang payapang nagsagawa ng protesta. Kaya nananatiling na sa kahon ng pagluluksa at uhaw sa hustisya ang mga kaanak ng 13 magsasakang pinatay at daandaang sugatan buhat ng pasismo ng estado. Ito ang sumira sa imahe
ng demokrasyang iminudmod ng dating rehimeng Aquino sa sambayanang Pilipino matapos mapatalsik ang diktaduryang Marcos. Ilang taon matapos ang masaker, Hunyo 10, 1988 nang ipasa ang Comprehensive Agrarian Reform Law (CARL) ni Cory Aquino kung saan pinagtibay ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagpaigting sa konsentrasyon ng lupa sa kamay ng iilan at huwad na pa m a m a h a g i ng lupa sa mga magsasaka. Nakapaloob sa CARP na paglipas ng 10 taon ay i pa pa m a h a g i ang mga lupa sa mga magsasakang matagal nang nagsasaka sa mga lupaing iyon. Ngunit tumanggap l a m a n g ang mga magsasaka ng Certificate of Land Ownership Awards (CLOA) na pawang mga papel lamang gayundin sa porma ng raffle o tambiolo na ginagamit sa huwad na pamamahagi ng mga lupang malayo sa kanilang tahanan at pag-aagawan sa kalaunan ng mga magsasaka. Ayon sa Kilusang Magbubukid (KMP), nananatiling nasa ilalim ng kontrol ng pamilya Cojuanco-Aquino ang Hacienda Luisita dahil sa huwad na CARP. Dahil dito, patuloy na nakararanas ng pananamantala at paglabag sa karapatang pantao ang mga magsasaka at lumipas na ang ilang taon, hindi pa rin lubusang naipapamahagi ang mga lupa sa kanila.
ang kanyang rehimen sa usapin ng sektor ng agrikultura bagkus lalo nitong nilugmok ang mga magsasaka dahil sa mga polisiyang kanyang pinatupad. Pinaigting ng Public-Private Partnership (PPP) ang tahasang pangangamkam at pagpapalit-gamit ng lupa ng malalaking negosyante sa bansa. Sa 2,000 ektaryang Hacienda Dolores sa Porac, Pampanga, 700 ektarya rito ay kasalukuyang kinakamkam ng LeonardoLachenal, Inc., FL Property Management Corp., at Ayala Land simula 2013. Nagkakaroon ng mga t ra n s a k s y o n ang mga nasabing kompanya sa mga magsasaka upang bilhin ang kanilang mga lupa at kasabay nito ang pagpipresenta ng mga gawag a w a n g dokumento na nagsasabing nabili na ang mga lupain ng mga magsasaka. Hindi pumapayag sa mga kasunduang ito ang ilang magsasaka kung kaya gumagamit ng dahas sa pamamagitan ng mga gwardya at goons ng mga nasabing korporasyon upang sapilitang kunin ang ekta-ektaryang lupa. Ang tuwid na daan ni BS Aquino ang sanhi ng kamatayan ng mga magsasaka dahil sa karahasan at kagutuman. Isang halimbawa ng kaso ng pandarahas ayon sa Alyansang Magbubukid at Residente sa Hacienda Dolores (AMRHD) ang kaso ni Melchor Manaloto, 36 na taong gulang, dating OFW, hindi makalakad o makapagsalita matapos pagpapaluin at bugbugin ng security guards ng Ayala Land habang ginagawa ang kanyang kubo sa Sitio Balukbok, Purok 8, Dolores Village, Porac. Anim sa
... Kolektibo ring gagapasin ng mga tagapaglikha ng pagkain ang pundamental na dahilan sa kanilang paghihirap upang lubusang lumaya sa gapos ng pyudal na hasyenda ng kahirapan.
Sa pagkakaluklok sa kapangyarihan ni BS Aquino, anim na taong maliwanag na walang konkretong aksyong ginawa
walong purok sa Hacienda Dolores ang binabalak pagtayuan ng 1,125 ektaryang proyekto ng Alviera na gagawing commercial center, economic zone at recreational area. Marami sa mga magsasaka sa Hacienda Dolores ang ilang dekada nang nagsasaka roon at matapat sa pagbabayad ng amortisasyon. Ayon sa datos ng Ibon Foundation, mahigit pito sa bawat 10 magsasaka ang wala pa ring lupang sinasaka, kaya marami sa kanila ang napipilitang pumasok sa mapagsamantalang relasyon sa pagsasaka tulad ng mataas na upa sa lupa, mataas na interes sa usura at walang bayad na paninilbihan sa panginoong maylupa. Kung kaya’t patuloy ang kanilang mga aksyon laban sa asyenderong pangulong si BS Aquino sa hindi nito pagtugon sa kanilang pangangailangan. Ayon sa KMP, patuloy ang kanilang panawagan para sa House Bill (HB) No. 3059 o Genuine Agrarian Reform Bill (GARB) dahil nakapaloob dito ang makatarungang pamamahagi ng lupa nang libre sa magsasaka at manggagawang bukid na matagal nang nagtrabaho rito. Dekada na ang lumipas, paglaban ang tugon ng mga magsasaka para sa tunay na reporma sa lupang kanilang sandigan sa kabuhayan na hindi matutugunan sa pagpapalit ng mga pinuno ng bansa. Ang mga sakripisyo at dugong inialay ng mga martir ng Mendiola at ng marami pang masaker sa iba’t ibang hasyenda ay magsisilbing pataba ng mas maigting na pakikibaka para sa lupa. Kasabay ng paggapas ng mga pananim, kolektibo ring gagapasin ng mga tagapaglikha ng pagkain ang pundamental na dahilan sa kanilang paghihirap upang lubusang lumaya sa gapos ng pyudal na hasyenda ng kahirapan. Sanggunian: Gavilan, J. (2015). Still no Justice Mendiola Massacre. Retrieved on March 16, 2016 from http://www.rappler.com/moveph/81659-still-no-justice-mendiola-massacre Macaspac, M. 2015. Mga magsasaka, biktima, kaanak, ginunita sa protesta ang masaker sa mendiola. Retrieved on March 16, 2016. From http://pinoyweekly.org/new/2015/01/ mga-magsasaka-biktima-kaanak-ginunita-sa-protesta-angmasaker-sa-mendiola Quijano, I. 2014. Again and again, farmers defy land grabbing in Hacienda Luisita. Retrieved on March 16, 2016. From http:// www.pinoyweekly.org/new/2014/01/again-and-again-farmersdefy-land-grabbing-in-hacienda-luisita
SABWATAN Maria Theresa N. Morta morta.mtn@pnu.edu.ph
S
a loob ng anim na taong panunungkulan ni BS Aquino ay sukdulan ang pagpapaigting niya sa mga kasunduang magpapanatili sa makadayuhang pwersang militar sa bansa sa tulong ng amo niyang Estados Unidos. Itinutulay ng mga kasunduang ito ang mas malawak at makabagong porma ng pananamantala ng mga dayuhan at nangangapital sa Pilipinas maging ang pandarahas sa mga mamamayang dapat na nakikinabang sa yaman ng bayan. Nakasaad sa Administrative Code ng Konstitusyong 1987 na may kapangyarihan ang isang pangulo na gumawa ng mga polisiya at programa sa ilalim ng sarili nitong administrasyon. Ito ang kinasangkapan ni Aquino upang bumuo ng mga kasunduan kasabwat ang US. Patunay rito ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na pinaiigting ang relasyong militar ng Pilipinas at US na siya ring sumasagka sa esensya ng pagkakaroon ng soberanya at nagpapalakas sa usapin ng militarisasyon sa bansa. Kaugnay nito, 65 bahagdan ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas ang nakatalaga sa Mindanao at tatlong grupo ng mga paramilitar ang nakadestino upang mandahas sa mga Lumad. Ilan lamang sa mga ginawa’t
kalibre
Kung magpapatuloy ang pag-iral ng ganitong uri ng sistema... hindi masisiguro ang pagkamit ng tunay na kahulugan ng kalayaan. ginagawa nila ang pagpalayas sa mga katutubo sa kanikanilang sariling mga tirahan na higit 100,000 na ang bilang, pagpatay sa mga lider-Lumad na nagtatanggol sa iba pang mga kapwa Lumad at lupang ninuno, pag-ookupa sa mga paaralan, pananakot sa mga mag-aaral at magulang at panununog ng mga eskwelahan upang bigyang daan ang dambuhalang pagmimina kapwa ng lokal at pribadong sektor. Dahil 90% ng mga mineral sa bansa ay matatagpuan sa Mindanao na nagkakahalaga ng humigit kumulang $313 bilyon, ilan sa mga nagpapakasasa sa lupain nito ay lokal at pribadong mga korporasyon tulad ng Platinum Group Metals Corporation (PGMC), Taganito Mining Corporation (TMC) at GlencoreSMI-Xstrata’s Tampakan CopperGold Project na nagdudulot ng labis na pagkasira sa kalikasan at tuluyang pagkalason ng lupa dahil sa mga kemikal na ginagamit sa 311,000 ektarya na sa katunaya’y lupang ninuno ng mga katutubo. Sa pagnanais ng malaking tubo at kita ng malaking mga minahan, naisasakripisyo ang kultura at pamumuhay ng mga katutubo. Marahas din ang katotohanang ang gobyerno pa mismo ang namumuno at tumutulak sa bingit ng kamatayan ng mga ugat ng kasaysayan. Sa ganitong pangyayari, ang pagpanig sa mapang-aping mga kapitalista at
negosyante ay manipestasyon ng kawalang pagpapahalaga sa mga katutubong nangangalaga sa kultura at pagkakakilanlan ng bansa. Nito lang Pebrero 24 naman ay sinunog ng mga militar at grupong paramilitar na Alamara ang ilan sa mga tent sa pansamantalang tirahan ng mga Lumad sa UCCP Haran, Davao. Patunay ito ng umiigting at patuloy na pagtatangi ng rehimeng Aquino sa interes ng iilan laban sa responsibilidad nitong tugunan ang pangangailangan ng nakararami. Kung magpapatuloy ang pag-iral ng ganitong uri ng sistema at pamumuno na may sabwatan sa pagitan ng gobyerno, kapitalista at mga dayuhan, kailanman ay hindi masisiguro ang pagkamit ng tunay na kahulugan ng kalayaan at pagkakaroon ng soberanya. Hindi masisiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan, lalo na ng mga katutubo mula sa kamatayan maging sa pandarambong at pandarahas ng nagsasabwatang mapang-aping uri. Tanging kolektibong pagkilos ang magtatakwil sa mga kasunduan at panghihimasok sa usapin ng politika, ekonomiya at kultura na nagtatali sa mga Pilipino sa kahirapan at umuubos sa yamang nararapat na pinakikinabangan ng taumbayan.
“Let a hundred flowers bloom, and let a thousand schools of thought contend.” – Mao Tse Tung
M
alayang lunsaran ng kaalaman at husay ang mga pamantasan. Mula rito hinuhubog ang pinakamahusay na mamamayan ng isang lipunan. Dito rin nabubuo at natutuklasan ng isang indibidwal ang mga kaalamang kanyang tatanganan sa arawaraw na pagsuong sa mga hamon sa akademyang kinabibilangan at sa reyalidad ng lipunan. Ngunit sa kasalukuyan, may mga barikadang humahadlang sa bawat estudyante sa balanseng paggamit ng karapatan sa political at akademikong aspekto. Pinamamayani sa mga institusyon at pamantasan ang akademiko at political na kalayaan. Pinangangalagaan nito ang esensyal na layunin ng pagkatuto– ang pagkatuklas at pagbabahagi ng katotohanan sa itelektwal at malawak na saklaw at bahagi nito ang mga guro o propesor at estudyante. Manipestasyon nito ang malayang pagpapasiya ng guro bilang tagapagpadaloy at gayundin ang mga mag-aaral na bahagi ng klase. Ang pinakamahusay na teorya at ideya ay nagmumula hindi lamang sa pananaliksik ng isang indibidwal, kundi dumadaan din sa mayabong na diskusyong intelektwal sa hanay ng mga akademikong indibidwal kung saan umuusbong ang mahusay na tunggalian. Sa konteksto ng PNU, malinaw na repleksyon ng mga kaganapan sa bansa ang mga nangyayari sa pamantasan, kung kaya, atrasado ang argumentong hindi saklaw ng mga estudyante ang mga isyung kinakaharap ng ibang sector sa lipunan. Ayon kay Ronnel Agoncillo Jr., Rehenteng Pang-mag-aaral ng PNU, isa ang PNU sa mga aktibong nakikilahok sa mga usaping political mapalokal man o pambansa. Malawakan
at aktibong nakikisimpatya ang mga estudyante sa paglaban sa mapaniil na anyo ng estado gaya na lamang sa usapin ng pagkakaltas ng badyet ng ating pamantasan. Subalit sa kasalukuyan, umiiral ang indibidwalismo sa larangan ng kultura, politika. Nagiging status quo ng mga estudyante sa PNU ang masyadong paglubog sa pang-akademikong Gawain na nagiging eskapismo sa reyalidad at kalagayang politikal ng lipunan. Malinaw na dahilan nito ang Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC) at Outcomes-Based CoCurricular Program (OBCCuP) kung saan sa loob ng maliit na panahon ay gugugulin ng mga mag-aaral ang lahat ng gawain na nagreresulta sa pagtuon na lamang ng mga estudyante sa mga pang-akademikong gawain. Malaking debate ang usapin ng pinagmulan ng ganitong karakter ng kabataang Pilipino o ang tinatwag na millennials. Sa hanay
... Ang demokratikong kondisyon sa bawat tunggalian ng ideya ang magpapausbong ng pinakamahusay at pinakasulong na ideyang pagyayabungin at maisasapraktika.
maharlika Andrea P. Dasoy
ng mga kasalukuyang mag-aaral ng PNU, hindi kuwestiyonable ang talino at galling na taglay ng bawat mag-aaral dahil sa malawak na akademikong kalayaan, ngunit malaking usapin sa husay at galling ang konkretong pamamaraan at paggamit nito sa pagpapaunlad ng pamantasan at bansa. Maaaring ugatin ang ganitong kulturang namamayani sa mga millennial sa kulturang makikita sa midya at social media. Sa ganito, hindi umuunlad ang mga kaalaman at ideya dahil sa hindi aktibong pakikisangkot sa mga panlipunang usapin ng mga iskolar ng bayan. Ganito ring tumatatak sa kasalukuyang kabataang Pilipino na ang aktibismo ay sumasaklaw at sinasabing tumutugma lamang sa madilim na kahapon ng kolonyalismo at diktadura. Ang hindi mahigpit na paghawak sa akademiko at political na kalayaan ay kalawang na sumisira sa demokratikong diskusyon na kinakailangan sa pagpapaunlad ng mga indibidwal. Anay na sumisira rin sa pundasyon ng lipunang Pilipino na makikita sa mga magaaral ngayon ang pagpili ng ‘neutral ground’ dahil sa kawalan ng kapasyahan o pag-iwas sa tunggalian na hindi napapauunlad ang mga kaalamang natatalos ng isang indibidwal. Sa pag-iral ng mga tunggalian sa loob ng isang akademikong institusyon, ang demokratikong kondisyon sa bawat tunggalian ng ideya ang magpapausbong ng pinakamahusay at pinakasulong na ideyang pagyayabungin at maisasapraktika sa pagpapaunlad at pagbabago ng konkretong kalagayan at kabulukan ng lipunang umiiral. Ito ay hamon sa pagpapatuloy ng esensya ng tunggalian ng iba’t-ibang ideya sa anumang larangan sa loob ng pamantasan. Ito ay hakbang sa paggugol at pagyakap sa itinutunggaling ideyang nasa panig ng hindi nadirinig at walang katayan sa lipunan, bahagi rin nito ang malayang pagdedesisyon ng politikang nasa katuwiran ng tunay na pagbabagong panlipunan.
KATWIRAN dasoy.ap@pnu.edu.ph
Kinang sa Pambubusabos ng
Paggawa Kaye Ann Oteyza
Ang Pagpapanday ng Pakikibaka ng mga Manggagawa ng Golden Fortune Construction
98 na manggagawa at p sa trabaho at pasahod.
T
ulad ng maraming manggagawa sa bansa, kinupas din ng kawalan ng benepisyo, kulang na pasahod at sistemang kontraktwalisasyon ang tingkad ng karera ng hanapbuhay ng mga manggagawa ng Golden Fortune Techno Built Inc. dahil sa patuloy na panggigipit sa karapatan sa paggawa ng mga manggagawa at pagpataw ng mga kasong labag sa kanilang karapatan. Ang Kasaysayan Gintong Pakikibaka
ng
Dalawampu’t limang taon na ang napilas sa kasaysayan nang maisalegal ang sistemang kontraktwalisasyon sa pamamagitan ng Herrera Law sa ilalim ng rehimeng Corazon Aquino. Lumala pa ang ganitong kalagayan sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon ni BS Aquino kung saan tinatayang 12.1 M ang bilang ng manggagawang naitalang kontraktwal. Malaking dagok ito sa kalagayan ng karaniwang manggagawa sa bansa ngunit naging daan ng mga negosyante upang lalong pagsamantalahan ang mga manggagawa. Kaugnay ng kontraktwalisasyon sa bansa, mahigit isang taon na ang nakalilipas nang patingkarin ang hanay ng pinakaunang unyon ng construction workers sa bansa—ang Samahan ng mga Manggagawa ng Golden Fortune Construction-National Federation of Workers-Kilusang Mayo Uno (SMFGC-NFW-KMU). Binubuo nang mahigit 500 ang karaniwang bilang ng manggagawa ng Golden Fortune; 350 ang may regular na trabaho at kita, samantalang mahigit sa 200 naman ang nananatiling kontraktwal kahit higit anim na buwan nang na sa serbisyo. Ang pagkabuo ng SMGFC noong Disyembre 15, 2014 ay bunga ng naupos na pasensya ng mga manggagawa dahil sa iligal na pagpapatalsik sa
Sa kaso n manggagawa ng Golden napag-alaman na m foreman ang nagparatan manggagawa ng hindi sa mga gawain na siyan ng pagpigil sa pamam kanilang sweldo. Ito ang nagbunsod sa mga man na magsagawa ng protest o sama-samang at kasabay ng pag barrage sa loob ng con site upang dinggin ng m si Dominador ‘Domeng kanilang panawagan sa na kalagayan sa paggaw
Banta sa Pagh Ginintuang Pakikibaka
Patuloy ma pagbuwag sa SMGFC tauhan ni Yap at mga b tauhan ng Manila City H nagpatinag ang ginton ng unyon matapos m ng illegal strike case s siya ring bilas ni Lucio kasalukuyan ding hu sa ilang mga kaso panggigipit sa mga man ng Asia Brewery sa Laguna. Bilang pagtata karapatan ng mga ko nagpasa ng petisyon kasapi ng SMFGC at na testimonyang labag ang ng illegal strike case sa k ayon sa Artikulo XIII, Sek Konstitusyon ng Pilipin magkaroon ang estado na proteksyon sa pag garantiyahan ang kara mga manggagawa na ng sariling organisa unyon upang manga kanilang karapatan. Mak tahasang binabalewala negosyante ang batas al sa ganansya, kita, at tub
Dagdag pa rito, n rin ng kaso ang mga man laban kay Yap sa Depa Labor and Employmen
panggigipit
ng mga n Fortune, ay isang ng sa mga pagtugon ng dahilan mahagi ng g lalo pang nggagawa walk-out g pagliban gno-noise nstruction may-aring g’ Yap ang a maayos wa.
hulma ng a
an ang ng mga binayarang Hall, hindi ng hanay magsampa si Yap na o Tan na umaharap dahil sa nggagawa Cabuyao, anggol sa ntraktwal, ang mga agbigay ng pagpataw anila dahil ksyon 3 ng nas, dapat o ng lubos ggawa at apatan ng magtatag asyon at alaga sa kikinita na a ng mga lang-alang bo.
nagsampa nggagawa artment of nt (DOLE)
manggagawang naaksidente at nagkakasakit. sa pamamagitan ng pagpapasa ng House Resolution (HR) 1921 na naglalaman ng kasong illegal dismissal sa mga manggagawa. Dahil ayon sa Article 281 ng Labor Code of the Philippines, ang mga manggagawang hihigit sa anim na buwan ng serbisyo ay dapat nang maregularisa at magtamasa ng regular na sahod at benepisyo. Ngunit taliwas ito sa nararanasan ng mga manggagawa ng Golden Fortune. “31 years na akong naninilbihan dito sa Golden Fortune pero ang sahod namin ay mas mababa pa sa minimum wage at wala ring benepisyo. Kami pa nga ang nagbabayad ng mga gamit namin dito e. Simpleng gloves at uniporme lang, ikinakaltas pa sa amin” ani ng pangulo ng SMGFC Rogelio ‘Ka Buboy’ Justiniane. Nabanggit rin ni Ka Buboy na ang National Labor Relations Commission (NLRC) at Department of Labor and Employment (DOLE) ang dapat nagbabalanse at nagpapabatid ng mga karapatan ng mga manggagawa ngunit tila usad pagong ang mga nabanggit na ahensya sa kawalan ng pagtugon sa mga nakabinbing kaso ng mga manggagawa. Sa katunayan, umaabot sa 50,000 na kaso ng paglabag sa karapatan ng manggagawa ang hindi pa rin dinidinig ng NLRC. Manipestasyon ito ng kapabayaan at kawalang hustisya sa mga kaso ng pananamantala sa mga manggagawa at pagpanig ng DOLE at NLRC sa mga negosyante. Bilang dagdag sa kalunos-lunos na kalagayang ito, pinakitaan ang mga manggagawa ng Golden Fortune ng karaniwang taktika ng nakararaming kompanya sa bansa, halimbawa ang pagpapatalsik sa datihang manggagawa sa kanilang trabaho upang gipitin ang kanilang karapatang maging regular at makatanggap ng karampatang sahod at benepisyo. Kabilang na ang hindi pagbibigay ng insurance na kinakaltas sa kanilang sahod at hindi pananagot sa kanilang mga
Pagpapanumbalik ng Kinang ng Ginintuang Hanay Naipanalo na ng naunang 14 na manggagawa ang kasong illegal dismissal laban kay Yap. Sila ay makatatanggap ng 1.1 M PhP bilang kabayaran ni Yap sa abalang dinulot sa kabuhayan nila. Muling nanumbalik ang kinang ng ginto, ito man ang isa sa pinakamahirap ihulma ngunit isa sa pinakamatibay na uri ng mineral gaya ng hanay ng mga manggagawa na patuloy ang paglaban para sa mas marami pang manggagawa. Sa kabila ng pagpanig ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno sa mga negosyante sa ilalim ng rehimeng Aquino, patuloy pa ring patitingkarin ng mga manggagawa ang gintong pakikibaka at titibayan ang mga hanay upang tuluyan nang maibasura ang sistemang kontraktwalisasyon, maipanawagan ang taaspasahod, ang magkaroon ng makatarungang benepisyo at maisulong ang pambansang industriyalisasyon para sa pagpapaunlad ng bansa. Sanggunian: Salamat, Marya ‘Union is workers’ potent weapon vs attacks on wages’ — KMU Retrieved on: January 9, 2015 from: http://bulatlat.com/main/2015/04/11/ union-is-workers-potent-weapon-vs-attacks-on-wageskmu/#sthash.Vv2MwEr6.dpuf Sixteenth Congress. House Resolution no. 1921 ‘Directing the Committee on Labor and Employment to Conduct an Inquiry, In aid of Legislation, on the Illegal Dismissal of ninety-eight (98) Construction Workers of Golden Fortune Techno Built, Inc.Retrieved on: February 18, 2015 from: http://www.congress.gov.ph/download/basic_16/ HR01921.pdf Philippine Government. Karapatang Pantao retrieved on: March 3, 2016 from: http://www.gov.ph/constitutions/angkonstitusyon-ng-republika-ng-pilipinas-1987/#karapatang_ pantao Uy, Veronica. Scrap Herrera Law which allowed 'contractualization' - labor research group retrieved on:March 3, 2014 from: http://www.interaksyon.com/ article/81890/scrap-herrera-law-which-allowedcontractualization---labor-research-group UP Praxis. Hindi Lahat ng Ginto ay Kumikinang Retrieved on : September 22, 2015 from: https://www. facebook.com/uppraxis/ posts/1024725034238922
... Patuloy pa ring patitingkarin ng mga manggagawa ang gintong pakikibaka...
Malaki ang ginagampanang papel ng kababaihan sa paghuhulma ng lipunan sa kung ano ito ngayon. Ngunit sa kabila ng kanilang tinatamasang karapatan, nakakaranas pa rin sila ng iba’t ibang tipo ng karahasan na lumalapastangan sa imahen nila bilang abanteng babae. Hindi maikakaila ang mga pang-aabuso, pananamantala at diskriminasyon sa iba’t ibang anyo ng midya kung saan ang mga babae ay malinaw na nakakapagbulalas ng kanilang nararamdaman at nararanasan subalit patuloy itong sinisiil ng bulok na sistemang patriyarkal. “Gusto ko pa sana magbulag-bulagan, gusto ko pa sana magpakatanga pero naaawa na ako sa sarili ko.” – Monica, ‘The Legal Wife’ Si Angel Locsin na gumanap bilang Monica sa teleseryeng “The Legal Wife” ay sumasalamin sa isang babaeng dumaan sa samu’t saring emosyonal na pangaabuso mula sa kanyang asawa ngunit ipinaglaban ang kanyang karapatan bilang isang legal na maybahay. At hindi maitatanggi na ang ganitong palabas ay madalas na makikita lamang sa mga teleserye ngunit masasaksihan din sa tunay na nararanasan ng kababaihan sa lipunan.
Ju
It
Taong 2004 nang ipasa ang Republic Act (RA) 9262 o Violence Against Women and Children (VAWC) Act upang bigyang proteksyon ang kababaihan at kanilang mga anak mula sa karahasan. Ngunit sa kabila ng pagsangga ng batas sa paglabag sa karapatang pantao na tinatamasa ng kababaihan, hindi pa ito sumasapat upang pangalagaan ang kanilang mga karapatan at kapakanan laban sa pang-aabuso. Batay sa datos ng Center for Women’s Resources (CWR) noong 2009, naitala ang 9,679 kaso ng pang-aabuso sa kababaihan. Dagdag pa, ayon sa Philippine National Police and Children Protection Center (PNP-WCPC) ay tinatayang umaabot na sa 11,615 ang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan noong 2012 na muling tumaas noong 2013 sa bilang na 23,865 at nadagdagan pa ng 7,306 kaso sa loob lamang ng siyam na buwan mula Enero hanggang Oktubre ng 2014. Malinaw sa datos na naitala na sa simula’t sapul ng pagpasok ng rehimeng Aquino ay hindi na napangalagaan ang kapakanan ng kababaihan. Bukod sa konserbatibong pagtataya, mas lumalawak pa ang saklaw ng mga kaso ng pandarahas na hindi na
naisasadokumento. Patunay rito ang pandarahas na kinasangkutan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa panggagahasa ng ilang miyembro ng 16th Infantry Batalion (IB) na nakadestino sa Rizal sa isang 17 taong gulang na babae at gayundin ng isang miyembro ng Paramilitary Unit Citizen Armed Force Geographical Unit (PUFCAFGU) na tiyuhin pa mismo ng 13 taong gulang na babaeng ginahasa. Laganap din ang ganitong kaganapan sa Mindanao kung saan maraming nakatalagang batalyon ng militar. Ayon sa Gabriela-Southern Mindanao Region, dumami ang kaso ng pang-aabuso sa kababaihan simula nang magkaroon ng tatlong dibisyon at 21 batalyon ng militar sa lugar. Malinaw na mismong tagapagtanggol sana ng karapatan ng mga mamamayan, kababaihan,at kabataan ang yumuyurak at lumalapastangan sa kanilang karapatan. “Kung hindi pa ako kakain ng dumi hindi ako mananalo.” -Eugene Domingo, ‘Ang Babae sa Septic Tank’
Suri sa mg sa Patriyarka Ma. Cristina L.
Inilalarawan ni Eugene Domingo sa pelikulang ‘Ang Babae sa Septic Tank’ ang pambubusabos sa kababaihan pagdating sa usapin ng trabaho at sosyo-ekonomikal na aspekto kung saan kinakailangan pang pumasok ng mga babae sa iba’t ibang uri ng masasalimuot na trabaho upang mapatunayan na may saysay sila sa lipunan.
Sa pagtatantos ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2014, binubuo ng kababaihan ang 49.9% ng kabuuang bilang ng mga nagtatrabaho sa bansa. Sa kabila ng mas mataas na college diploma rate na umaabot ng 21.5% ng kababaihan mas mataas kumpara sa 10% ng kalalakihan, 5.84 milyon ng mga babaeng nagtatrabaho ay nananatiling manggagawang kontraktwal, unskilled workers at manggagawang agrikultural— implikasyon ito ng hindi pagtutugma ng mga trabahong
uana
tak sa Puso ni
ga Bersong Nagbabarikada Naipakita ni Vilma Santos al na Sistema ng Lipunan sa pelikula ni Lualhati Bautista na Barrera at John Carlos D. Evangelista ‘Dekada ‘70’ ang pagkapagod ng
nakukuha ng kababaihan sa mga natapos nila sa kanilang pag-aaral. Bukod dito, umaabot sa 2.4 M naman ang nabibilang sa mga manggagawang may sariling pinagkakakitaan kung saan walang garantiya sa social security o seguridad sa trabaho at hindi saklaw sa kanila ng mga alituntunin sa pagkamit ng minimum na pasahod. Madalas din na ginigipit sila sa benepisyo, prayoridad sa mga rasonableng pagliban sa trabaho tulad ng maternity leave at wala ring seguridad sa trabaho kumpara sa regular na manggagawa. Malinaw na nananatili pa rin ang hindi pantay ang pagtingin ng lipunan sa kababaihan dahil talamak pa rin ang diskriminasyong nararanasan nila sa paghahanap at pagpasok sa trabaho. “You can stop being so proud of me.” –Amanda Bartolome, ‘Dekada ‘70’
kababaihan sa paraan ng pagtrato sa kanila bilang mga tropeo at pagmamay-ari ng kalalakihan. Aniya, walang dapat ipagmalaki sa kalagayan ng kababaihan sapagkat nakukulong pa rin sila sa selektibo at patriyarkal na sistema. Gaya ng naramdamang pagod ni Vilma bilang Amanda sa kanyang pelikula ay ang sawa na ring mga kababaihan sa mga ipinangako ni Aquino sa kanila. Sa kabila ng pagkilala sa Pilipinas bilang ‘Rising Tiger’ ng Asya, lubhang tumaas ang bilang ng mahihirap na kababaihan at kabataan. Noong 2012, tinatayang 25.64% sa kababaihan at 35.20% sa kabataan ang nakararanas pa rin ng kahirapan partikular sa mga lugar ng Silangang Visayas, Hilagang Mindanao, Gitnang Mindanao at Autonomous Region of Muslim Mindanao (ARMM). Repleksyon lamang ito ng hindi pagtuon sa kababaihan at kabataan pagdating sa sinasabing maunlad na ekonomiya ng ‘daang
matuwid,’ bagkus ay pangunahin pa silang biktima ng kahirapang dulot ng pabayang estado. Ang paglobo ng bilang ng kababaihan at kabataan na inaabuso at napagsasamantalahan sa iba’t ibang aspekto ay taliwas sa pagbibida ni Aquino ng pag-abot ng bansa sa ikatlong tunguhin ng Millenium Development Goals (MDGs) na “gender equality, empower women.” Patunay ang mga naitalang datos na walang habas pa ring nakararanas ng diskriminasyon ang kababaihan at kabataan at upang wakasan ang pang-aabuso, pananamantala at diskriminasyong nararanasan, sinimulang isigaw, isayaw, ipaglaban, at ibangon ng kababaihan ang kanilang estado sa lipunan noong 2013 sa pamamagitan ng One Billion Rising (OBR) upang ipaglaban ang karapatan ng kababaihan sa masining na paraan. Humigitkumulang na 200 bansa ang nakikiisa sa flash mob na naging lunsaran ng paglaban ng kababaihan upang ipaabot sa mas malawak na hanay ng mamamayan sa buong mundo na dapat nang tuldukan ang lahat ng uri ng karahasan at pang-aabuso na nararanasan nila. Ani Lean Flores, Secretary-General ng Gabriela-
Metro Manila, “Ang gusto nating ipakita sa OBR Philippines na tuloy-tuloy lang ‘yung rebolusyon na iniwan nina Gabriela Silang, Ka Oryang at Lorena Barros. Ang gusto nating sistema ng lipunan ay maglilingkod at kakalinga sa karapatan ng kababaihan at kabataan.” Pinatutunayan lamang ng OBR bagamat sa masining na paraan ay isa sa mga gawaing mahigpit na nananawagan para sa karapatan ng kababaihan. Marami nang ‘itak’ ang itinaga sa puso ni Juana ng kasalukuyang administrasyon at maging ng umiiral na sistema sa lipunan na nagsadlak sa lugmok nilang kalagayan. Ang pagsusulong ng pantay na karapatan para sa kababaihan sa lahat ng antas ay ang magpapanatili sa kanilang militanteng imahe. Ang pakikilahok ng malawak na hanay ng kababaihan ang isa sa mga salik na magdudulot ng pambansang pagbabago. Sanggunian: Pinoyweekly. (2015). #WomensDay | Paglala ng kanilang kalagayan, batayan ng panawagang #AquinoResign ng kababaihan. Retrieved from http://pinoyweekly.org/ new/2015/03/womensday-paglala-ng-kanilang-kalagayanbatayan-ng-panawagang-aquinoresign-ng-kababaihan/ Mayuga, J. (March 8, 2016). Women workers, youth worse off under Aquino—groups. Retrieved from http://www. businessmirror.com.ph/women-workers-youth-worse-offunder-aquino-groups/ UNWomen. (n.d.). Progress towards meeting the MDGs for women and girls. Retrieved from http://www.unwomen.org/ en/news/in-focus/mdg-momentum Galauran, A. (February 9, 2015). Women groups to launch “One Billion Rising for Revolution” this week. Retrieved from "http:// www.manilatoday.net/women-groups-to-launch-one-billionrising-for-revolution-this-week/" http://www.manilatoday.net/ women-groups-to-launch-one-billion-rising-for-revolutionthis-week/
W
a ak
K
ontrabida ang naging papel ni BS Aquino sa k w e n t o n g pinasimulan ng kanyang rehimen—ang pagwasak sa kabahayan at kabuhayan ng mga maralita. Tampok sa kwentong ito ang kabikabilang demolisyon sa Kamaynilaan na labis na nagpapalala sa kalagayan ng mga maralitang sektor sa bansa. Tunggalian Ang Metro Manila ang sentro ng kalakalan ng bansa kaya hindi nakapagtatakang napakalaki ng populasyon dito. Nagsimula ang kwento nang ang mga mamamayan mula sa malalayo at mahihirap na probinsya sa bansa ay lumipat sa Maynila upang makipagsapalaran at makahanap ng disenteng trabaho at nakabubuhay na sahod. Nagresulta ito sa pagdami ng mga maralitang lungsod kung saan ang iba ay naging informal settlers. Ayon sa tala ng World Bank noong 2015, 25 bahagdan ng kabuuang populasyon ng Metro Manila ay nakatira sa informal settlements o mga mamamayang nagpatayo ng bahay sa lupa na walang legal na dokumentong nagpapatunay na sa kanila iyon. Dahil sa pagdami ng informal settlements, kabi-kabilang demolisyon sa Kamaynilaan ang ipinapanukala ng pamahalaan upang mapaalis ang mahihirap na lalong umigting nang pasimulan ang programang Public-Private Partnership (PPP) ni BS Aquino. Layunin ng programang ito na mamodernisa, magkumpuni at magtayo ng mga estruktura sa pamamagitan ng pakikisosyo ng pamahalaan sa mga pribadong sektor. Ayon sa datos ng KARAPATAN, isang alyansang nagtataguyod at nangangalaga ng karapatang pantao, mahigit 80,000 indibidwal ang nabiktima ng demolisyon, pagsira ng ari-arian at pwersahang pagpapalayas
Maiklin
simula n a n g maupo si Aquino sa pwesto hanggang Marso 2015. Sa datos ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY), samahan ng mga maralitang taga-lungsod, mahigit 70,000 pamilya na ang nawalan ng tirahan, at 98 katao ang nasawi sa mga demolisyong sa ilalim ng programang PPP isinagawa sa mga lungsod ng Caloocan, Manila at Quezon. Sa kabila ng relokasyong inilatag ng pamahalaan para sa mga residenteng nademolis, hindi nito tinutustusan ang mga pangangailangan at kabuhayan ng mga residente. Bukod pa rito, ilan sa mga pabahay ay itinayo sa mga lugar na madaling bahain o di kaya ay malapit sa fault line na maglalagay pa sa kritikal na kalagayan ng mga mamamayan. Kapansinpansin din ang paggamit ng mga mababang kalidad na materyales sa pagpapatayo ng mga bahay sapagkat madaling nasalanta ng bagyong Glenda noong 2014 ang pabahay partikular na sa Rodriguez, Rizal.
Sa pagpapatuloy ng
kwento, inaasahang aabot pa sa mahigit 1.4 milyong mahihirap ang maapektuhan sa patuloy na pagdedemolis, bagay na pinangangambahan ng kalakhang maralita. Maging ang mga pampublikong pamilihan ay apektado rin ng demolisyon. Unang-una sa listahan ang pagdemolis sa Quinta Market sa Quiapo, Maynila upang isailalim sa renobasyon. Sa kasalukuyan ay pinangungunahan ng Marketlife Management & Leasing Corporation ang isinasagawang renobasyon sa pamilihan na inaasahang magkakaloob ng tatlong palapag na estruktura at 360 na puwesto. Bukod sa Quinta Market, pinangangambahang mademolis upang maisapribado ang mga palengke ng Trabajo, San Andres, Sampaloc, New Antipolo, Santa Ana, Pritil at mga palengke sa Balintawak. Papataas na Aksyon Patuloy ang pagpapanukala ng demolisyon sa pagpapatuloy ng kwento na nagpataas sa bilang ng mga maralitang lalong pinapahirapan dahil sa
pagkawala ng kanilang tahanan at kabuhayan. Tinatayang na sa 200 residente ang maapektuhan sa demolisyon sa mga pamilihan sa Balintawak at mga karatig nitong komunidad ng mga mahihirap pati na rin mga trabahador sa walong pamilihang pinangangambahang mademolis. Pahayag ng isang tindera sa Balintawak na nagpakilala bilang Aling Marina, "Hindi kami pabor doon [sa pagdedemolis] dahil hindi lang naman kami [mga tindera] ang mawawalan ng trabaho, marami pa, kagaya ng mga kargador," giit niya. "Hindi kami kasali sa pag-unlad sa [pamamagitan ng] modernisasyon na 'yan." Nakabinbin ang pagdedemolis ng walong pamilihan sa Balintawak kabilang na ang Cloverleaf Market upang mabigyang-daan ang proyekto ng Ayala Land Corporation na 'Cloverleaf'—isang P25B development project na binabalak na makompleto sa loob ng 10 taon. Inaasahang ookupa ito ng 11 ektaryang lupain na pagtatayuan ng mga commercial space, mall, at marangyang pook-residensyal. Malinaw na hindi ito kayang tangkilikin ng mga karaniwang mamamayang naninirahan sa tinutudluhan nilang lugar—
alang kas na Pagwasak Vincent Anthony V. Abrenio at Yhunice G. Carbajal
ng Kwento ng Demolisyon at Pribatisasyon
Ang pagsusulong ng maayos at marangal na tirahan, pagkakaloob ng pangkabuhayan at pagtugon sa mga batayang serbisyo ang kinakailangan ng mga maralitang lungsod upang magkaroon ng disenteng pamumuhay.
nang maisapribadong palengke. Mula naman sa Quinta ay nagmartsang muli ang mga tindera hanggang munisipyo ng Manila upang sabihin kay Mayor Joseph Estrada na itigil ang plano ng pribatisasyon sa lalong madaling panahon. Nagpahayag din ng pagtutol at kasalukuyang nakawelga ang kalakhang tindera at mga trabahador maging mga mamimili sa nakaambang pagpapasara at pagdedemolis sa mga palengke ng Balintawak dahil kapag naisapribado ito, hindi kakayanin ng mga maliliit na tindera ang upa sa puwesto na magdudulot ng kawalan ng tangi nilang hanapbuhay. Ipagpapatuloy...
Balintawak, Caloocan, Malabon, Novaliches at Valenzuela. Ilang henerasyon na rin ang itinagal sa kanilang pwesto sa palengke at maging mga tindera sa kanilang maliit na negosyo. Bukod dito, bahagi na ng buhay hindi lamang ng mga tindera ang palengkeng ito kundi pati na rin ng mga mamimili na mula pa sa iba't ibang lugar. Ani Kuya Mark, isang drayber ng jeep na nagbabagsak ng produkto sa Balintawak, "Sana pumili na lang sila ng ibang lugar na mapagtatayuan. Historikal na ang lugar na ito. Nakapanghihinayang kung ipapasara at idedemolis ito." Kasukdulan Nagpahayag ang city administrator ng Lungsod ng
kabikabilang Quezon na si Aldrin Cuña na luma na ang mga palengke sa Balintawak at kailangan itong maiakma sa moderno at nagbabagong panahon. Ayon naman kay Meean Dy, pangalawang pangulo ng Ayala Land Corp., hangarin ng proyektong 'Cloverleaf' na pagkalooban ang mga tao ng ideyal na paraan ng pamumuhay sa lungsod at nais nilang ang kanilang mga produkto at serbisyo ay madaling marating ng mga tao. Dahil dito, patuloy ang paglaban ng mga maralita sa pag-iral ng
demolisyon. Halimbawa nito ang pakikiisa ng mga grupo ng kababaihan sa pagbuo ng human barricades upang mapigilan ang pagkilos ng pangkat na magdedemolis sa isang komunidad ng mga mahihirap sa Sta. Mesa. Samantala, bilang paghihimagsik ng mga tindera ng mga palengke sa Maynila, halinhinan silang nagdaraos ng "market holiday"—isang maghapong hindi pagtitinda. Nagmartsa rin sila mula Trabajo hanggang Quinta at nagsagawa ng talakayan ukol sa malapit
Malaking sampal ang sinasabing hangarin ng rehimeng Aquino na magkaroon ng progreso sa hanay ng mga maralita kung sa kongkretong kalagayan ay malinaw na makikita ang kawalan ng lugar para sa kanilang pangangailangan at pagsasawalang-bahala sa kanila. Hindi ang demolisyon, pribatisasyon at pagpapalayas sa maralita ang manipestasyon ng kaunlaran ng bansa at hindi rin ang kaisipang makadayuhan ang tutulong sa mga mamamayan upang lumago ang paraan ng kanilang pamumuhay. Ang pagsusulong ng maayos at marangal na tirahan, pagkakaloob ng pangkabuhayan at pagtugon sa mga batayang serbisyo ang kinakailangan ng mga maralitang lungsod upang magkaroon ng disenteng pamumuhay. Sanggunian: Almendral, A. (2015). After Years of Living as Squatters, These Filipino Neighbors Fought for Nice, New Homes in Their Community—And Won. Retrieved 2016, March 5 from yesmagazine.org/people-power/filipino-neighborsfought-new-homes-won Benaning, M. (2015). Vendors slam privatization of Manila’s 17 public markets. Retrieved 2016, January 29 from businessmirror.com.ph/vendors-slamprivatization-of-manilas-17-public-markets/ Carcamo, D. (2015). 1.4 million poor manila residents to lose homes. Retrieved 2016, January 6 from philstar. com/headlines/…/1.4-million-poor-manila-residentsto-lose-homes Unite, B. (2015). Ayala Land's 'Cloverleaf' aims to become new landmark in Quezon City. Retrieved 2016,February 20 from mb.com.ph/ayala-landscloverleaf-aims-to-become-new-landmark-in-quezoncity/ _____. (2015). Balintawak residents brace for possible demolition of homes due to Ayala's 'Cloverleaf' project. Retrieved 2016, February 15 from kadamay-natl. blogspot.com/.../balintawak-residents-brace-forpossible.html
, n a t i i P na
Mapait
atT. an Bilan gg u an n g Karap Cedric Bermiso
M
apait na pilas ng kasaysayan ang p a g p a p at up a d ng batas militar sa ilalim ng rehimeng Ferdinand Marcos dahil sa samu’t saring kaso ng paglabag sa karapatang pantao at kawalang hustisya sa panahon ng diktatura. Sa katunaya’y magpahanggang ngayon ay kabi-kabila pa rin ang iligal na pagdakip, sapilitang pagkawala, pagpaslang at pagkakakulong ng mga tagapagtaguyod ng tunay na kalayaan at karapatan ng sambayanan sa ibinibidang ‘daang matuwid’ ng administrasyong BS Aquino.
Diliman Extension Program in Pampanga (UPDEPP). Nagsagawa ng pananaliksik ang dalawang estudyante sa Carranglan, Nueva Ecija hinggil sa kalagayan ng mga magsasaka sa lugar at dahil sa mariing pagsisiwalat ng tunay n a
sinasampahan din ng mga gawagawang kaso na walang batayan tulad ng murder, homicide, kidnapping, arson at iba pa at ipinapataw lamang upang hindi sila makapagpiyansa. Taktika rin ang pagpapatagal sa pagdinig ng kaso ng mga
Pagkalas sa tanikala
Nilalangib na rehas Sa datos ng CanadaPhilippines Solidarity for Human Rights, 278 ang kabuuang bilang ng mga bilanggong politikal bago maupo si Aquino at 34 dito ay kabataan. Hinigitan ito ng kasalukuyang administrasyon at naitala ang 283 bilanggong politikal simula pagpasok ng rehimen noong taong 2010 hanggang katapusan ng 2015. 102 dito ang nadagdag pa sa mga bilang ng mga kabataang bilanggong politikal. Makikinita na sa loob lamang ng limang taon, higit pang nadoble ng rehimen ang dating bilang ng paglabag sa karapatang sibil at politikal. Sa kasalukuyang pagtataya ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), 561 ang kabuuang bilang ng mga bilanggong politikal na nakakalat sa iba’t ibang piitan at detention cell sa buong Pilipinas. Pinatutunayan ng mga datos na ito ang sinapit nina Guillier Martin “Guilly” Cadano, Regional Chairperson ng Kabataan Party-list ng Gitnang Luzon at Gerard “Geary” Salonga, miyembro ng Anakbayan-Central Luzon at parehong alumni ng University of the Philippines
sa kaniyang thesis. Karagdagan pa sina Jared Morales, Hermogenes Reyes Jr. at Rex Villaflor, alumni ng Poleteknikong Unibersidad ng Pilipinas na iligal na dinakip ng mga pwersang militar sa Panay at kasalukuyang naka-ditene sa Special Intesive Care Area 1 (SICA 1) ng Camp Bagong Diwa sa Nueva Ecija sa gawa-gawang kasong katulad kina Cadano at Salonga.
kalagayan ng mga magsasaka sa rehiyon, dinakip at kinulong ang dalawa. Malinaw na isang porma ng pagpapatahimik ng gobyerno at negosyante upang paigtingin pa ang kontra-magsasakang pagpapalit gamit ng lupa sa rehiyon. Kalawanging kandado Naging isa sa mga palasak na pinapataw sa mga aktibistang nadadampot noong panahon ng batas militar ay ang PD 1866 o ang illegal possession of firearms. Alinsunod sa salaysay ni Cecille Ruiz, Chairperson ng Karapatan-Central Luzon, naging kultura na ng mga militar ang taktikang huwad na patunay (eg. baril, granada) at pagmamanipula ng mga ebidensiya.
Bukod
pa
rito,
bilanggong politikal upang lalo pang madiin sa mga kasong walang katibayan. Dulot ng matagalang pagpapalakad ng resolusyon, umaabot sa punto na ilan sa mga bilanggong politikal ay nauunahan pang datnan ng kamatayan b a g o makamit ang katarungan at hustisya. Ilan pa sa mga kabataang bilang gong politikal ay sina Maricon Montajes, Film Major sa UP Diliman na limang taon nang nakabilanggo sa Batangas Provincial Jail na dinakip noong June, 2010 habang nagsasaliksik
Hindi ibang mundo ang loob ng piitan at hindi makapal na pagitan ang mga nilalangib na rehas sapagkat tuloy pa rin ang pakikipaglaban ng mga bilanggong politikal para sa tunay na demokrasya at lipunang may hustisya. Kung magpapatuloy ang estado sa pagbibilanggo ng karapatan sa likod ng mga patayo’t pahalang na mga bakal at pilit ikukubli ang katarungan, di malayong ang buong sambayanan na ang nakapiit sa mga piitan. ‘Di maglalaon, dito rin babangon ang pilit na kinukubling mga pusong nag-aaklas at ang lakas ng buong sambayanan ang kakalas sa nabubulok na tanikala at magpapalaya mula sa mapait na piitan ng karahasan at kawalang hustisya.
Sanggunian: _______. (2014) Students demand for the immediate release of two UP alumni abducted in Nueva Ecija Retrieved from: http://www.lfs.ph/2014/08/11/students-demand-forthe-immediate-release-of-two-up-alumni-abducted-innueva-ecija/ Bustamante, JR. (2015) Rights group dares Aquino to free political prisoners Retrieved from: http://cnnphilippines. com/news/2015/06/26/Rights-group-dares-Aquino-tofree-political-prisoners.html Siverio, I. (2012) Statistics on various crimes against women alarming – CWR Retrieved from: http://bulatlat.com/ main/2012/03/09/statistics-on-various-crimes-againstwomen-alarming-%E2%80%93-cwr/ Canada-Philippines Solidarity for Human Rights (2012) POLITICAL PRISONERS: LIVING EVIDENCE OF REPRESSION IN THE PHILIPPINES Retrieved from: https:// eddikserranofreecommittee.files.wordpress.com/2012/11/ pps_primer-booklet_latest.pdf _______. (2013) Taysan 3 Retrieved from: https://freeallpps. wordpress.com/who -are -the -political-prisoners/ batangas-7/taysan-3/
how to get away with
posibleng mahulog sa sakit ng pagmamahal, pagmamahal ng itechiwang bayarin. Huhu iilan na nga lang ang mga bebeloves ko, posible pang mabawasan. Dedekwatin na talaga iteching future sa kangkungan. Strepsils nga, kaubos ng ngalangala mga tanders sa loob ng yunibersiti.
s e h s i m e l B ase h p t s e n fi s t i t Inang P a ea cockinea
Hermia fung
Hi der madlang PhiAndYouOnes! Itechy nanamern ang inyong serial mushroom baby para mambengga ng kaechosan sa skin so soft ni Inang P! Ayeah, itechy na nga ang chismax na chume-chrendy in and out of the berdeng grassland! Magundergo kasi iteching si Inang P sa isang facial cleansing kung saan ige-genocide ang marked lines ng kasaysayan sa feslak niya pero gagawin namern daw na appealing si Inang P sa lahat ng makakakita sa kanya after the mega-bonggacious-super-hectokilo feslak transformation na itechy. Myghawd! Ka-stress tabs naman ang mga kaganapan na nase-sense ng cutie-patootie-cap ko, nang-akit pa ng mga e-enter sa teritoryo ni Inang P!
mode iteching mga kaganapan sa tinalupan!
Trulaley ngang magaganap na iteching future plan kay Inang P. na pagpopostura by 2017 eh ang question, saan namern huhugot ng kwarta iteching pamantasan? Aside from the buwis-ets that the Philippine nation is paying, makakakuha ng kwarta mula sa labas opkors! Magso-solicit from the outside world na maaaring mula sa kingdoms of richkid ishponsor at Private (Benjamin) chakators. Syempre, sa kachakahang ganyan, dapat may mage-getchy rin ang giver kaya eggspek the worst to come! It’s showtime namern na raw for Inang P ng maka-getchy naman ng attention from the many, many as in manyming pera. Harhar, nakaka-beast
Ime-make-over din pala nang bonggeysyus ang mga precious but inuugat ng mga gusali ng Poorata, Gusali ng Hika, Gymnackles, Ishtudent V at maging Eye-Ti-El ay magmumutate mula sa ka-vogue na historical looks into newly-hoteye-catching venue of profit! Malamang sa alamang isisiksik kayo to the max sa rooms na living legend pa sa panahon ni KopongHapon! Paisa-isa lang ang atake ng agme-make-over kay Inang P. pero ngayon nga kulangers na iteching yunibersiti sa klasrum habang chinochorva ang SIIDI ng mg tanders, ano pa kayez kung halos lahat na ng balbasaur building ang ime-make-over? Edi tiis ganda na naman. Ano ba
Isa pang nakakagulantang ay ang pagbabacklash ng bakod ni Inang P, na nagbibigay protection 24 hours a day at seven days a week sa inyo my bebeloves! Oo, papalitan itechy ng green hedges para namern daw itechy sa better look ni Inang P dahil papasok na ang mga fafa from other worlds. Chinechenes ko lang sa aking witty brain ang safety ng PhiAndYouOnes, kung waley ang iteching bakod at magiging open U ang pamantgasan ay mapapadalas ang saksak-pusotulo-ang-dugo scenario. Kawawa ang bebeloves kong dears na ishtudents!
beh? Haggardo versoza na nga sa requirements mga bebeloves ko, haggardo versoza pa sa klasrum! Myghawd! Eniwey, iteching changes ay may badjula effect sa PhiAndYouOnes! Syempre, kung eentrada iteching mga Private (Benjamin) chakators, singtaas din ng mga ghostsali ang magiging bayarin sa yunibersiti, baka nga thrice-on pa nga eh! Magsusulputan ang samu’t saring bogus fees na haharang sa magiging future bringer of lights sa mga pagasa ng bayan. Edu[cash] yon ang ipinupush nitech na cohesive
development at hindi makekeribells ng mga ishtudents na mag-a-alastars the night ang mga bayarin na cannot be reached ng callers kong bebeloves ishtudents. It’s now all good for the few. Whew! Anshaket lang isipin na maraming
Kung magta-transform si Inang P, siguraduhing lang ng mga tanders na ‘yan na makekeribells nilang i-give away ang rights and freedom ng bebeloves kong PhiAndYouOnes at ang studies ay keriboomboom na magiging nationalistic, scientific, at mass-oriented para sa ikagogorabells ng bayan, ekonomiya, politika at kultura. Pak! Kaya namern sama-sama tayong umabanterry at patuloy na magmasid sa series sa balat ni Inang P, Kabute here with my cutie-patootie here na naniniwala sa kasabihang pasulpot-sulpot man, may nabebengga namern. Oha, babush na bebeloves and see you sa mas pina-hot-like-hell na soonest future. Mwaaps!
L
arawan ng lantarang pag-aabandona ng administrasyong Aquino sa pampublikong serbisyo ang transportasyon. Ang pagkapit ng pangulo sa Public-Private Partnership (PPP) sa krisis ng transportasyon sa bansa ay hindi kailanman magiging tugon sa pang-arawaraw na kalbaryo sa pagbiyahe ng mamamayan. Marahil, kung nabubuhay pa ang dakilang heneral, ito ang magiging tugon niya sa kung paanong gawing negosyo ang dapat sanang serbisyo para sa mamamayang Pilipino: “Para kayong mga birhen na naniniwala sa pag ibig ng isang P[PP]uta!” Sa kasalukuyang krisis ng transportasyon, santo kung ituring ng rehimeng Aquino ang PPP. Ang PPP ang nagsisilbing daan sa paghahatian ng gobyerno at pribadong sektor upang mapabuti ang serbisyong publiko sa kadahilanang hindi na kayang tugunan ng pamahalaan ang pagpopondo sa mga pampumblikong proyekto at serbisyo. Sa pamamagitan ng ganitong iskema, pinapaniwala ang mga Pilipino na mapapabilis ang pagsasaayos sa mga aberya ng LRT, MRT at PNR. Lingid sa kaalaman ng mamamayan, ang PPP ang nagiging daan upang unti-unting abandunahin ng gobyerno ang responsibilidad nito sa pamamagitan ng pagbibigay ng kontrol ng mga pampublikong serbisyo sa mga pribadong kompanya. Katulad ng kasunduang PPP ng LRT Cavite Extension Project, napasailalim ito sa kompanya ng Metro Pacific Investments Corporation at Ayala Corporation. Nabigyan ng malawak at
malayang kapangyarihan ang mga nasabing kompanya sa pamamalakad ng nasabing proyekto. Nakasaad sa kasunduan na bukod sa 5% dagdag pasahe kapag natapos ang proyekto ay pinapayagan pa ang MPIC-Ayala na magkaroon ng peryodikong 10% dagdag pasahe kada dalawang taon. Itinatakda rin nito ang pagbabayad ng gobyerno sa anumang kakulangan sa pagitan ng presyong itinakda ng pribadong kompanya sa presyong inaprubahan na magmumula rin sa buwis na ibinabayad ng taumbayan. Kapalit ng mga sinasabing ‘pagsasaayos ng mga pasilidad at bagon’ ay dagdag pasahe na nagsilbing dagdag pasanin naman sa mga mamamayan. Kaugnay nito, naipatupad ang Department Order No. 2014-014 ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na nagtatakda ng bagong pormula sa pasahe ng Light Rail Transit (LRT) 1at 2 at Metro Rail Transit (MRT) kaalinsunod sa iniimplementang uniform distance-based fare scheme. Mababang pasahe ang pangunahing dinadahilan ng pamahalaan sa pagkabulok ng sistema ng transportasyon kaya naman noong buwan ng Enero 2015, naisakatuparan ang taas pasahe sa LRT at MRT. Samantala, sa mahigit 20 taong hindi pagtataas ng pasahe sa PNR, tinangka ng gobyerno na itaas ito mula sa 45 PhP pamasahe mula Calamba patungong Tutuban, binalak itong dagdagan ng 15 PhP. Ayon sa PNR Board Resolution 094-2014, ang taas pasaheng ito ay dapat na nagumpisa noong January 5, 2015 ngunit ito’y naantala matapos sumalungat ang napakaraming pasahero nito. “Ganyan ba talaga ang tadhana natin? Pila dito, sira doon. Nakakapagod...” Mula sa kabuuang badyet na inilaan ng pamahalaan para sa transportasyon sa nakalipas na taon na nagkakahalaga
ng PhP 48.9 B, 85% o mahigit kumulang 42 B nito ay pawang napunta sa pagpapagawa ng kalsada samantalang 7.33% o mahigit kumulang 3.6 B lamang nito ang natatanggap ng LRT, MRT at PNR. Mula sa tantos ng AGHAM, progresibong lupon ng mga inhinyero sa Pilipinas, umaabot sa 3.48 pinsala ang nararansan ng bawat tren ng MRT kada 100 passengermiles. Tumaas din ang service interruption kada buwan mula sa 2.83 noong 2013 hanggang 4.3 noong Hunyo ng nakaraang taon. Mahabang pila at mga sirang pasilidad pa rin gaya ng escalator, bentilasyon at palikuran ang lagi’t laging himutok ng mga pasahero sa LRT. Madalas din ang pagtigil ng operasyon at pagkakaroon ng aksidente tulad ng nangyaring banggaan ng dalawang tren ng LRT 1 noong ika-23 ng Mayo ng nakaraang taon. “Walang nagbago sa facilities. Laging may red alert sa LRT Line 1 at lagging may sira sa MRT. Para saan pa ang fare hike? Pinagkakakitaan lang,” mariing tugon ni Patrick Relocano, magaaral mula sa 1-18 ng PNU na regular na sumasakay sa LRT Line 1. Higit na napagiiwanan naman sa lahat ang Philippine National Railways (PNR). Mababakas sa maiinit, kakarag-karag at depektibong lumang bagon ang kalagayan ng mahigit kumulang 70,000 pasahero nito na pikit-matang nagtitiis araw-araw. Sa kabila ng napakaraming dapat isaayos at baguhin, ang tanging naibida ng kasalukuyang administrasyon ay ang pagpapalit ng ticketing system na nagsimula noong May 2015. Mula magnetic card na eksklusibo lamang sa isang linya ng tren patungong beep card o ang Automated Fare Collection System (AFCS) na sinasabing magiging solusyon sa mahahabang pila sa mga istasyon. Ngunit sa kasalukuyan, balintuna ang ideyang ito
dahil malinaw na hindi ito nasusunod sa pang-araw-araw na hitsura ng transportasyon. Nagsilbi lamang itong band aid solution ng gobyerno sa tunay na hinaing ng mamamayan. “Wala na tayong panahon para sa mga bagay na hindi natin kayang panindigan.” Gaya ng winika ni Isabel, wala nang panahon ang mga mamamayan sa mga pangakong hindi naman napaninindigan tulad na lamang ng usapin sa transportasyon. Malaking aspekto ang transportasyon upang maging produktibo ang mamamayan ng isang bansa. Sa kasalukuyang lagay ng sistemang transportasyon mayroon ang Pilipinas, masasalamin kung papaano napapabayaan ang mamamayan dulot ng pagaabandona ng pamahalaan sa pagbibigay ng serbisyong publiko. Sa patuloy na pagkapit ng pamahalaan sa ganitong iskema ay magpapatuloy rin ang bulok na sistema kung walang kokontrol sa preno ng biyaheng mapagsamantala. Darating ang panahon na mararating din ng biyaheng ito ang huling istasyon mula sa mga pasaherong bingi na sa pakikinig sa mga panlilinlang at pagod na sa pagtitiis sa mahabang pila ng pag-asa.
Sanggunian: Salamat, M. (2015). Poor maintenance to blame for LRT collision, MRT breakdowns. Bulatlat. Retrieved on October 7, 2015 from http://bulatlat.com/ main/2015/05/25/poor-maintenance-to -blame-for-lrtcollision-mrt-breakdowns/. Chavez, C. (2015). Group blames privatization for MRT, LRT deterioration. Manila Bulletin. Retrieved on October 7, 2015 from http://www.mb.com.ph/group-blamesprivatization-for-mrt-lrtdeterioration/#rVtZyF5wLTPplQmu.99. Tapang, G. (2015). MRT’s unsafe privatization. Manila Times. Retrieved on October 7, 2015 from http://www.manilatimes.net/mrts-unsafeprivatization/194789/. _____. (2014). MRT, LRT fare hikes to take effect January 4. Rappler. Retrieved on October 7, 2015 from http://www.rappler.com/nation/78540-mrt-lrt-farehike-january-4. Dominguez-Cargullo, D. & Aenlle KB. (2016). Biyahe ng LRT 1 nagka-aberya. Radio Inquirer. Retrieved on January 20, 2016 from http://radyo.inquirer.net/21011/biyaheng-lrt-1-nagka-aberya.
uijano at Jimnoel C. QSolitario . Janine P
and In Pleasures: Through Price Hikes and Budget Cuts
A
nim na taong naging abala si BS Aquino sa pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Nagresulta ito sa mas lalong bumibigat na pasanin ng mga mamamayan sa pinangako niyang tuwid na daan. Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng PublicPrivate Partnership (PPP), tila nagpalitan ng mga pangako sa altar ang kasalukuyang gobyerno at mga pribadong sektor na siyang nagpatibay at nagpalalim ng kanilang relasyon. Layunin ng PPP na pahintulutang makilahok ang mga pribadong sektor sa pagpopondo at pagpapatakbo ng mga serbisyong pampubliko. Bukod dito, pribadong sektor din ang mamamahala sa pinansyal, teknikal at operasyonal na aspekto. Malaking papel ang ginampanan ng mga pribadong sektor sa iba’t ibang aspekto ng serbisyong publiko kaya naman namamanipula ng malalaking korporasyon ang mga mamamayan kasabay ng sukdulang pagiging tuta ng gobyernong makadayuhan.
For Better or for Worse: In Health, in Roadways and in Housing Isa sa mga responsibilidad na inako ng kasalukuyang gobyerno ang magkaroon ng tali ang relasyon nila ng mga pribadong sektor ay ang pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo, partikular na ang mga serbisyong may kinalaman sa kalusugan, kalsada at pabahay. Kasabay ng mga responsibilidad na ito ang pangako ng gobyerno na magkaroon ng kalidad na serbisyong pangkalusugan sa tulong ng mga dayuhang korporasyon. Kung tutuusin ayon sa IBON Foundation, anim sa 10 ang namamatay nang hindi man lang nakakapagpatingin sa doktor dahil na rin sa pagtaas ng singil sa mga serbisyo gaya ng blood test, hemodialysis at iba pa. Pinalala pa ng pagsasapribado ng 26 na ospital, kabilang na ang Philippine Heart Center (PHC), Lung Center of the Philippines (LCP), National Kidney Transplant Institute (NKTI) at Philippine Children’s Medical Center (PCMC), ang ganitong sitwasyon na lalo lamang nagpatibay sa relasyon ng gobyerno sa pribadong sektor. Bukod dito maaari ring maapektuhan ng pagpapatibay ng relasyon ng gobyerno at pribadong sektor ang Philippine Orthopedic Center (POC) na kabilang sa mga pangunahing pampublikong ospital na nagbibigay ng abot-kayang serbisyong pangkalusugan, partikular na ang General Surgery, Urology, Neurosurgery at Internal Medicine. Pinatutunayan lamang ng mga kaganapang ito na hindi kayang tugunan ng gobyerno ang mga pinangakong kalidad na serbisyo kaya naman ang
mga pamilyang may kakayahan magbayad ay pumupunta pa ng ibang bansa upang magpagamot, ideyang mas pipiliin nila dahil ika nga’y mas nakasisigurong gagaling sila doon kahit pa magbayad ng malaki kaysa dito sa bansa na walang kasiguraduhan. Sa madaling sabi, ang pagsasailalim ng mga serbisyong pangkalusugan sa kamay ng mga dayuhan ay maaaring mag-udyok ng paglala ng sistemang pangkalusugan ng mga mamamayan sapagkat hindi nagiging makatwiran ang pagsingil ng mataas kung hindi naman kalidad ang serbisyong ibibigay. Bukod sa lumalalang kalagayan ng mga serbisyong pangkalusugan, lumolobo rin ang bilang ng mga mamamayan na nawawalan ng lupang tinitirhan dahil sa pagtatayo ng mga imprastraktura, kalsada at daan. Halimbawa ay ang SubicClark-Tarlac Expressway (SCTEx) na sumakop sa mga lupa ng mga magsasaka na na sa ilalim ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). Dahil dito, maraming magsasaka ang nawalan ng tirahan, hanapbuhay at lupang sinasaka bunga ng pagpapagawa ng SCTEx. Sumasailalim naman sa pagpapalit-gamit ng lupa ang mga pabahay sa ilalim ng
Department of Housing and Urban Development (DHUD) na isa ring halimbawa ng lupang pinagpapalit-gamit kung saan nakasalalay na sa mga pribadong sektor ang produksyon ng ‘mass housing’ na paniguradong magdulot ng mas mataas na presyo o upa sa mga pabahay na ito.
In
Hardships
Hindi lang ang serbisyong pangkalusugan, kalsada at pabahay ang naapektuhan sa binuong unyon ng gobyerno at mga pribadong sektor sapagkat maging pagtaas ng singil sa pasahe, tubig, kuryente, at matrikula ay apektado rin. Dahil sa sunod-sunod na pakikipagugnayan ng gobyerno sa mga
Sa pamamagitan ng p Public-Private Partnersh ng pangako sa altar ang at mga pribadong secto at nagpalalim ng k pribadong korporasyon gaya ng DM Consunji Inc-Tokyo Metro Company Limited Consortium, LRM2 Consortium ng Ayala
Punto Por Punto: Til
Punto Por Punto: T
Corporation-Metro Pacific Investments Corporation (MPIC), at San Miguel CorporationKorail Consortium at iba pang korporasyon para sa pagsasaayos ng mga pampublikong transportasyon tulad ng LRT, MRT at PNR, tumaas ang pasahe sa mga ito na dagdag kalbaryo sa mga pasahero kada araw. Ayon sa National Statistical Coordination Board (NSCB), naitala na umaabot ng halos 174,500 ang mananakay
pagsasakatuparan ng hip (PPP), tila nagpalitan g kasalukuang gobyerno or na siyang nagpatibay kanilang relasyon. ng MRT; 170,700 ang mananakay ng LRT1; at 70,300 ang mananakay ng LRT2 araw-araw. At lingid sa kaalaman ng mga mananakay, ang mga gastusin para sa
automated fare collection system na mas kilala sa ginagamit na beep card ay nagmumula sa buwis nila sang-ayon sa napagkasunduan ng gobyerno at ng mga pribadong sektor. Sa usapin ng tubig at kuryente, ang pagsasapribado ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System-Regulatory Office (MWSS-RO) ang sanhi ng magiging pasanin ng mga konsyumer tungkol sa pagtataas sa singil sa tubig sa susunod na limang taon bilang bahagi ng rate rebasing review. Dahil sa ibayong pagpupursigi ni Aquino at sa tulong na rin ng mga dambuhalang negosyante tulad ng pamilya Ayala at grupo ng Pangilinan, untiunting naisapribado ang ilang kumpanya ng tubig kaalinsunod sa pribatisasyon ng MWSS-RO. Tumaas ng 5.83 PhP kada m3 ang singil ng Manila Water Co. Inc. a t 8.58 PhP para naman sa Maynilad Water Services Inc. kung saan aabot sa 14.2 milyong konsyumer ng tubig ang tiyak na maaapektuhan sa pagtaas nito. Sumunod naman ay ang pagtaas ng singil sa kuryente dahil sa pagtataguyod ng Electric Power Industry Reform Act (EPIRA), sinaklaw na rin ng mga pribadong kompanya tulad ng Manila Electric Co. (M ER A LCO) at National Power Corp.
Us Part DoPart th Us DeaDo Till llDeath
(NAPOCOR) ang pagtatalaga sa presyo ng kuryente na lalong bubutas sa bulsa ng mga mamamayan.
Louriel M. Danseco at Sarah C. Butad
Apektado rin ng PPP ang
singil sa matrikula, pribado man o pampublikong paaralan kung saan sinusugan din ng pangulo ng bansa at kinasangkapan ang Commission on Higher Education ang pagtataas ng singil sa matrikula’t iba pang bayarin ng 400 kolehiyo’t unibersidad sa pagpasok ng ng pang-akademikong taon 20162017. Matatandaang pinayagan ni BS Aquino na magtaas ng 30,000 PhP hanggang 50,000 PhP ang matrikula noong 2012 hanggang sa lumobo ito ng 60,000 PhP-100,000 PhP nitong 2015. Kaalinsabay ng pagtataas ng singil sa matrikula, patuloy pa ring nakararanas ng kaltas sa badyet ang mga pampublikong kolehiyo’t pamantasan o State Universities and Colleges (SUCs) kaya naman maging ang SUCs ay napipilitang maghanap ng paraan upang matugunan ang kakulangan sa badyet—ang pagkapit sa pribadong sektor sa pamamagitan ng pagpapapasok ng mga kompanyang tutulong sa pagkakaroon ng pondo ng unibersidad na kalauna’y magdudulot upang magsarili na ang mga ito. I Pronounce Husband and Wife
You
Dahil sa kabi-kabilang pribatisasyon at pagkapit ng rehimeng Aquino sa mga dayuhan at pribadong korporasyon, mas lalong lumala ang pagdarahop na kinasasadlakan ng mga mamamayan sa pagsasapribado ng mga pampublikong serbisyo. Pasanin para sa mamamayan ang bunga ng pakikipag-ugnayan ng gobyerno sa mga pribadong kompanya na nagdudulot ng mataas na singil sa mga batayang serbisyo at mas lalong naging imposible para sa mga mamamayan ang magkaroon ng
akses sa mga ito. Sa paglalim ng relasyon ng gobyerno sa pagitan ng mga pribadong kompanya at malalaking korporasyon sa pamamagitan ng PPP, mas lalong mapipiit sa kahirapan ang mamamayan. Ang pagpuputol ng tali na nagbibigkis sa gobyerno at mga ganid na kompanya at tuluyang pagbabasura ng mga kasunduang nabuo sa pagitan nila ang magpapaginhawa sa kalagayan ng mamamayan. Sanggunian: Pasion, P. (2015). PPP: programang pangmayaman, pahirap sa pobre. Nakuha noong Enero 6, 2016 sa http://pinoyweekly. o r g /n e w/ 201 5/0 9/p p p - p rog r amang - p ang may aman pahirap-sa-pobre/ Oliveros, B. (2014). The failed promises of privatization. Nakuha noong January 6, 2016 sa http://bulatlat.com/ main/2014/10/04/the-failed-promises-of-privatization/ Umil, A. (2013). While public’s attention is on relief efforts, Aquino approves privatization of Orthopedic Hospital. Nakuha noong Enero 6, 2016 sa http://bulatlat.com/ main/2013/11/29/while-publics-attention-is-on-reliefeffor t s-aquino-approves-privatization-of-or thopedichospital/ Rosales, K. (2011). Kawani ng NHA nagprotesta vs pribatisasyon. Nakuha noong Enero 6, 2016 sa http:// pin oy we e k l y.or g /n e w/ 2011/0 5/ k aw ani - ng - nha nagprotesta-vs-pribatisasyon Umil, A. (2012). Privatization of government hospitals further marginalizing the poor in the name of profit. Nakuha noong Enero 13, 2016 sa http://www.bulatlat.com/ main/2012/08/29/privatization-of-government-hospitalsfurther-marginalizing-the-poor-in-the-name-of-profit Pasion, P. (2014) Patuloy na pagtaas ng matrikula, tinalakay sa Kongreso. Nakuha noong Enero 15, 2016 sa http:// pinoyweekly.org /new/2014/02/patuloy-na-pagtaas-ngmatrikula-tinalakay-sa-kongreso/ Umil, A. (2016). Thousands walk out vs tuition increase. Nakuha noong Marso 2, 2016 sa http://bulatlat.com/ main/2016/02/24/thousands-walk-out-vs-tuition-increase/ t
A
ng lahat ng tipo ng relasyon ay dumadaan sa pagsubok ngunit ang relasyong RP-US, sa kabila ng pagpapanatili at pagpapatatag nito sa pamamagitan ng Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), makikitang hindi patas ang ugnayan at turingan ng dalawang bansa sa isa’t isa sa usapin ng interes, benipisyo, at kalayaan. #Engaged Sa pagbisita ni US President Barack Obama noong Abril 2014 sa bansa, iprinisenta niya ang kasunduang magpapatuloy sa samahang RPUS at bilang regalo ay pinirmahan ni Aquino ang kasunduang EDCA. Nakapaloob sa EDCA na maaring magtayo ng base ang tropa ng Amerika sa kahit saan sa Pilipinas, patunay rito ang walong bagong base military na inilaan na pamahalaan para sa kanila. Ang mga baseng ito tulad ng Basa Air Base at Clark Air Base sa Pampanga, Fort Magsaysay sa Nueva Ecija, Lumbia Air Filled sa Cagayan de Oro, Camp Antonio Bautista at isa pang naval base sa Palawan at Camp Buenito Ebuena at isa pang naval base sa Cebu at tinatawag ding mga estratehikong lokasyon. Ang mga baseng ito ay magagamit sa loob ng 10 taon na walang itinatakdang bilang ng sundalong maglalabas-masok dito. Dagdag pa rito, sa panahon ng pananatili ng mga sundalong Amerikano sa loob ng bansa, ang lahat ng gastusin at pangangailangan nila ay walang bayad o buwis na ipapataw, sa m e da lin g salita
ang mga gastusin ay sagot ng gobyerno sa pamamagitan ng buwis na ibinabayad ng mga Pilipino. Kung tutuusin, makikita ang pagpabor ng gobyerno sa mga sundalong Amerikano sa kabila ng mga problemang maidudulot nito sa bansa. Gayundin, madaling lalakas ang pwersa at estratehiya ng bansang Amerika sa posibilidad ng pagsakop nito sa isang bansa bunga ng lumalawak ng teritoryong hawak nila. Dagdag pa, hindi rin maikakaila nang tuluyang itinali ng Korte Suprema sa kasunduan ng Pilipinas nang ipasa nito ang EDCA na kostitusyunal noong Enero 12, 2015 sa kadahilanang ito ay pumapailalim sa 1991 VFA at 1951Mutual Defense Treaty (MDT) at maituturing na executive agreement kung saan sakop ito ng kapangyarihan ng pangulo na resulta ng hindi nito pagdaan sa kongreso at senado kahit pa sa katunaya’y labag ito sa Saligan Batas. Dahil ayon sa Artikulo XIII, Seksyon 25, Transitory Provisions ng Konstitusyon, hindi maaring magkaroon ng dayuhang pasilidad at base military, maging pananatili nang mga sundalong Amerikano pagkatapos ng kasunduang VFA 1991 ng Pilipinas at Estados Unidos maliban na lamang kung ito ay kinatigan at inaprubahan ng kongreso at senado. Malinaw na ginagamit ni Aquino ang kaniyang kapangyarihan upang manipulahin ang batas at matuloy ang mga kasunduang magpapatibay sa relasyong RPUS. #It’s Complicated Sa kabila ng kasunduang VFA-EDCA maraming isyung sa kasalukuyan ang kinakaharap ng RP-US na nagpapakumplikado sa interes at ugnayan ng dalawa. Isa na rito ang paglabas-pasok ng mga kagamitang pandigma ng hukbo ng Amerika kahit walang notipikasyon sa hukbong sandatahan ng Pilipinas. Dahil dito, isa sa mga pinupuntir ya ng mga
kalaban ng US ang bansa dahil sa presensya ng kanilang hukbong sandatahan. Maliwanag na ito ay isang malaking banta sa seguridad at kaligtasan ng mga mamamayan at ng bansa. Gayunpaman, ginagamit ng US ang konseptong ‘pakikipagtulungan’ at ‘pakikipagkaibigan’ upang kasangkapin ang Pilipinas laban sa Tsina, tulad na lamang ng patuloy na tensyon sa pinag-aagawang West Philippine Sea sa pagitan ng dalawang bansa. Ang pagdami ng mga dumarating na sundalong Amerikano ay nagbubunga ng mga insidente ng militarisasyon sa iba’t ibang lugar partikular sa Mindanao. Sangkot din ang ilang sundalong Amerikano sa mga kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga Pilipino gaya na lamang ng marahas na pagpaslang sa Filipina transgender na si Jeffrey “Jennifer” Laude noong 2014. Gamit ang mga probisyong nakapaloob sa VFA-EDCA, nagkaroon ng kapangyarihan ang Estados Unidos na kotrolin ang kahit na anong ihatol sa kanilang mga sundalo na nagkasala. Gaya nalamang ng pagbaba ng hatol kay Private 1st Class Joseph Scott Pemberton na napatunayang suspek sa pagpatay kay Laude na mula sa kasong murder ay bumaba ito sa kasong homicide. Manipestasyon lamang ito na hindi ipinagkaloob sa mga Pilipino ang patas at nararapat na hustisya. Sa Labing limang taon ng VFA ay nanatiling nakasandal sa balikat ng dayuhan ang gobyerno na lalong pinaigting sa ilalim ng EDCA. Hindi nakitaan ng pagunlad ang hukbong sandatahan ng Pilipinas na manipestasyon ng madalas na kapalpakan ng operasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kabila ng kanilang balikatan Exercises. Gayundin ang pagbili ng gobyerno ng mga lumang kagamitan at armas pandigma sa Amerika na nagiging sanhi ng paghina ng
opensiba at depensa ng bansa. #Separated
Sa relasyong nabuo sa pagitan ng RP-US, makikita na ginagamit lamang ng Amerika ang Pilipinas para sa pansarili nitong kapakanan sa pamamagitan ng mga makadayuhang polisiya tulad ng VFA at EDCA. Pinapaigting nito ang pananamantala sa yaman at teritoryo ng Pilipinas n mga makapangyarihang bansa. Ang paglaban at pagprotekta sa teritoryo at soberanya ng bansa sa pamamagitan ng mahigpit na paninindigan ng mga mamamayan ang makakapagpalayas sa mga sundalong Amerikano na dominante sa bansa. Ang tuluyang pagbasura sa kasunduang VFA-EDCA ang puputol sa hindi makatarungang relasyon s pagitan ng Pilipinas at US. Sanggunian: Lao, J. (2004). Scrap VFA, EDCA . Nakuha noong Oktubre 2015 sa http:// bulatlat.com/main/2014/10/17/scrap-vfa-edca/ _________.(2016). After SC nod to EDCA, youth group asks Senate: Junk VFA, MDT. Nakuha noong Pebrero 1, 2016 sa http://bulatlat.com/main/2016/01/14/after-sc-nodto-edca-youth-group-asks-senate-junk-vfa-mdt Bagong Alyansang Makabayan.(2014).Paggahasa sa soberanya, praymer hinggil sa VFA. Nakuha noong Oktubre 15, 2015 sa http://www. bayan.ph/2014/10/28/updated-paggahasa-sa-soberanya-praymer-hinggilsa-vfa/
_______.(2016). Ikulong si Pemberton sa Pilipinas! Hustisya para kay Jennifer Laude! Nakuha noong Enero 16, 2016 sa http:/www/anakbayan.org/ikulong-si-pemberton-sa-Pilipinas-hustisya-para kay-jenniferlaude/
ng
sa
a-
e v oL tory m a S ncle
tu
piri . Es B rita an Cla cky T s e Lu d our Arbie L . at Ma
: A C
D E FA
#V
A
U & uino
q A BS
S
Ma. Cristina L. Barrera tinabarrera07@gmail.com
PAGPAPAGANDA BILANG
L
ubhang minamanipula ng mga beauty pageant ang batayan ng mga Pilipino sa kagandahan kung saan mas hinihimok na tangkilikin ang internasyunal na pamantayang hatid ng pandaigdigang merkado. Sa kabila ng tema nitong pagtataguyod ng makakalikasan at makabayang layunin, nagiging daluyan ito ng higit na pagpapaigting sa kapangyarihan ng mga dayuhang bansa. Sa pinakaesensya nito, nilayon ang mga beauty pageant na maging daluyan ng sosyo-politikal na diskurso kung saan mapaguusapan ang mga problema sa bawat bansa. Taong 1950s nang iluwal ng bansang Amerika ang beauty pageant bilang estratehiya sa pagpapatatag ng kanilang bansa hanggang sa nakarating ito sa iba’t ibang mga bansa at sinimulang gayahin. Ang mga bansa mula sa Ikatlong Daigdig gaya ng Timog Asya, TimogSilangang Asya at Africa ay inalo na rin ang paligsahan. Sa Pilipinas, taong 1964 nang pasimulan ang Bb. Pilipinas bilang taunang paligsahan bilang paghahanda sa mas malalaking kompetisyon gaya ng Miss Universe. Hanggang sa sunod-sunod na presensya ng mga kandidatang Pilipina sa naturang kompetisyon, tuluyan nang nakilahok ang Pilipinas sa internasyunal na kompetisyon. Bunsod ng mga modelong rumarampa sa mga pageant katulad ng Miss Universe, nakukulong na lamang ito sa pagbubuo ng mga pamantayan ng isang magandang babae. Sinuri ni Rolando Tolentino, propesor at kritiko sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) ang mga pamantayang ito
at iminungkahing ang pagiging maganda sa globalisadong panahon ay kailangang may mahabang buhok, simetrikal ang mukha, malusog ang mga dibdib, makinis at maputing balat at matangkad. Bukod pa rito, ibinabandera ang paggamit ng Ingles bilang midyum ng pagsasalita ng mga kalahok. Karamihan sa mga kandidata
Huwad ang paghanga sa kababaihan kung hindi kinikilala ang kanilang mga kontradiksyon sa aspektong ekonomikal, politikal at sosyal na pinanatili ng kasaysayan
ay nagdadala ng tagasalin sa mismong kompetisyon upang umayon sa rekisito sa wika— repleksyon na sa bawat beauty pageant, nilalayon na tanggalin ang etnikal na identidad ng bawat kalahok at magpalamon sa mga makadayuhang pamantayan. Bilang pangunahing tagapagtaguyod ng kompetisyong ito, may mukha ang Amerika sa bawat pag-alpas ng mga beauty pageant sa buong mundo. Naging instrumento ang mga beauty pageant upang pagtibayin ang pakikipagrelasyon sa mga bansang kalahok sa sistema ng globalisasyon. Sa naganap na Miss Universe nito lamang Disyembre 2015, ang tanong na ibinato kay Pia Wurtzbach tungkol sa ugnayan ng Pilipinas sa bansang Amerika ay pinaksa
ang usapin ng pagpapalawak ng pagpapatayo ng mga base militar sa bansa. Sa gayong kondisyon, dumating sa puntong si Wurtzbach ay napasang-ayon sa mga implikasyon ng mga Amerikanong base sa bansa mula sa isang pahayag ng magandang pakikipagrelasyon ng Amerika at Pilipinas. Na sa personal na pagtingin ito ni Wurtzbach, at walang direktang sinabi na sangayon siya sa mga base militar ng Amerika sa bansa. Sa kabila nito, ang positibo niyang sagot ay nabigyan ng lente kung saan matingkad ang Amerika bilang kaagapay ng Pilipinas sa lahat ng krisis. Ginamit ang pahayag na ito upang linlangin ang mga Pilipino at bukas-loob na tanggapin ang mga mapanira nilang mga base militar. Sa halip na nakatutulong ang beauty pageant sa pagbubukas ng kaisipan ng lipunan ay dinadala nito ang Pilipinas sa delikadong pakikipagtulungan sa ibang mga bansa at sa pagyakap sa kolonyal na gawi at kaisipan. Dagdag pa rito, mas pinananatili ng mga kompetisyong ito ang atrasadong pagtingin sa kababaihan bilang mga kalakal. Huwad ang paghanga sa kababaihan kung hindi kinikilala ang kanilang mga kontradiksyon sa aspektong ekonomikal, politikal at sosyal na pinanatili ng kasaysayan. Hindi sa pamamagitan ng beauty pageant, kundi sa pamamagitan ng pagkilala ng kababaihan sa silbi nito sa lipunan at sa kagustuhan nitong baguhin ang sistemang seksista ang tunay na makakapagpalaya hindi lamang sa kababaihan kundi maging sa sambayanang kasama nito sa paghuhulma ng bagong lipunan.
MERKADO manlalayag
B
unsod ng kakulangan ng trabaho sa Pilipinas, natutukso ang mga Pilipinong kagatin ang inihahaing trabaho ng ibang bansa. Ang pag-eeksport ng lakas paggawa ay patuloy pa ring nakaangkla sa ekonomiya ng bansa, gayun din ang mga Pilipinong uhaw sa disenteng sahod at trabaho na hindi matatagpuan sa Pilipinas. Lalo pang pinaiigting ng labor export policy (LEP) ng rehimeng Aquino na nagdulot ng pagdami ng mga kaso ng pagsasamantala, pagkulong at pagbitay sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs). Nagsimula ito nang pasimulan ng rehimeng Ferdinand Marcos ang LEP nang aprubahan ng nasabing administrasyon ang pagpapalabas ng mga Pilipinong manggagawa sa ibang bansa, na kilala ngayon bilang OFW, upang doon ay kumita at makapagpadala ng revenue dito sa bansa. Ito ang sinasabing sagot sa lumolobong utang ng administrasyon ni Marcos sa Worldbank. Insufficient Balance Kakulangan ng trabaho at mababang sahod sa Pilipinas ang malimit na dahilan ng mga Pilipinong nangingibang bansa. Sa kabila ng pagtaas ng presyo ng mga bilihin, kakarampot o di kaya nama’y walang nangyayaring pagtaas ng sahod sa ilalim ng rehimeng Aquino. Sa katunayan ayon sa IBON Foundation, 17.06 PhP lamang ang pinakamalaking itinaas ng minimum wage sa ilalim ng sa kasalukuyang administrasyon sa National Capital Region (NCR). Kung ikukumpara natin ito sa itinakdang 1,098 PhP daily cost of living ng United Nations (UN) na kailangan ng isang pamilyang mayroong limang miyembro, makikitang malayong-malayo ito sa daily minimum wage na nagkakahalagang 466 PhP sa NCR. Dagdag pa ang pagpapatupad ng regional salary wage board na
les & H. Gonza in Ronalyn Josephine S. Gar e in a arm
Ch
kung saan mayroong malaking pagkakaiba sa minimum wage kada rehiyon. Halimbawa na lang sa mga kommersyalisadong rehiyon ng Cebu na mula 295 PhP hanggang 355 PhP depende sa, samantalang sa Davao ay kakarampot na 317 PhP, katumbas lamang ito nang halos 75 bahagdan nang batayang sahod sa NCR ito'y isang manipestasyong nagpapatunay na hindi pantay na sistema ng sahuran. Sa ganitong kalagayan, hindi sapat ang sahod ng mga mangagawa upang mapunan ang itinakdang halaga ng kanilang mga pangangailangan kaya naman nagpapatuloy ang pagpapanawagan ng taas pasahod ng mga manggagawa na 16,000 PhP at 25,000 PhP para sa mga kawani. Makikita sa datos ng IBON Foundation noong 2015 kung saan mayroong 10.2% ng mga Pilipino ang walang trabaho, katumbas ito ng humigit kumulang 4.1 milyong manggagawa. Ang bilang na ito ng mga manggagawang walang trabaho ang nakakaepekto sa paglaki ng bilang nang mga pilipinong nangingibang bayan. Sa pinakabagong datos na inilabas ng Philippine Statistics Authority taong 2015 may humigit kumulang 2.3 milyong Pilipino ang naninilbihan sa ibang bansa. Handle without Care Bukod sa pagpapabaya sa mga OFWS dito sa bansa, labis ang pagkalugmok ng kanilang kalagayan sa ibang bansa. Sa katunayan, ayon sa tala ng sektor, umaabot na sa 6,092 ang bilang ng mga Pilipinong umaalis ng bansa kada araw. Kasabay ng paglaki ng bilang ng mga OFW, dumarami rin ang kaso ng pagsasamantala, pagkulong at pagbitay sa kanila partikular sa Middle East, na kung saan may pinakamalaking bilang
ng OFW at naitalang kaso ng nabanggit. Maaalalang isa sa mga naging kapabayaan ng administrasyon nang umingay ang kaso ni Mary Jane Veloso na kamuntikan nang mabitay dahil sa kasong pagpupuslit ng mga kontrabando na nasalba kinalaunan dahil sa nalikom na suporta mula sa Pilipinas at maging sa ibang panig ng mundo. Maliban kay Veloso, naging biktima rin ng malupit na sistema ng LEP si Joselito Lidasan Zapanta na binitay sa Riyadh, Saudi Arabia noong Disyembre 29, 2015 dahil sa kasong pagpatay sa isang Sudanese bilang self-defense. Si Zapanta ang pangwalong biktima ng pagbitay sa ilalim ng kasalukuyang rehimen—pinakamarami sa ilalim ng isang panunungkulan ayon sa naitala ng Migrante mula noong 1986. Kaya binansagang ‘OFW Bitay King’ Si Aquino ni John Monterona, tagapagsalita ng Migrante Middle East si Aquino dahil sa kapabayaan at pagsasawalang-bahala nito sa kalagayan ng mga OFW. Sa anim na taon ni BS Aquino, patuloy na nadagdagan ang bilang ng nangingibang bansa kasabay nang pagdami ng ng bilang ng mga nagingibang bansang napapabayaan at hindi na nabibigyang pansin. Trade Mark Naging tatak na ng bansa ang pag-eeksport ng lakas paggawang naglilingkod sa ibayong dagat. Manipestasyon ito ng kolonyal na mentalidad na isinusubo ng gobyerno sa mga Pilipino na pinagpuyos pang lalo ng mga nabanggit na salik. Ang ganitong kalagayan ay pinaigting pa lalo ng pag-iral ng K to 12 sa paglilikha nito ng mga semi-skilled na manggagawa na naglalayong pakinabangan ng mga dayuhang
korporasyon. Matatandaang sa ginanap na Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Summit noong nakaraang taon, naglatag ng mga trabaho ang mga multinasyunal na korporasyon na naguudyok sa mga Pilipino na mangibang-bayan. Sa kasong ito hindi napapakinabangan ng Pilipinas ang sarili nitong lakas paggawa at mga intelektwal upang magkaroon ng sariling industriya bagkus binubusog nito ang mga kapitalistang bansang mga manggagawang itinulak sa bangin ng pananamantala. Sa lalo pang pag-usbong ng globalisasyon, kasabay nito ang mga polisiyang nagpapatuloy ng pag-iral ng kaisipang kolonyal at pananamantala sa hanay ng mga Pilipino. Napakaraming salik ang nagtutulak sa mga Pilipino na mangibang bansa. Ang pagkakaroon ng makabayan, siyentipiko at makamasang edukasyon ng mga mag-aaral at mamamayan ang magsusulong at matatag ng pambansang industrialisasyon walang mali sa pagtungo sa ibayong dagat kung hindi kagipitan ang magtutulak sa mamamayan. Dahil ang pinaka mahusay na serbisyo ang paglalaan ng serbisyo sa sariling bayan. Sanggunian: Cai, F. (2011). The Labor Export Policy : A Case Study of the Philippines. Retrieved on Sept. 23,2015 from www.eir.info/2011/08/24/the-labour-export-policy-a-casestudy-ofpthe-philippines-2/ Ellao, J. (2015). Black Friday – Migrant group mourns execution of OFW in Saudi (2015). Retrieved from http://bulatlat.com/main/2015/12/30/black-holiday-migrantgroup-mourns-execution-of-ofw-insaudi/#sthash.ZcU48RpK. dpufRY Ellao, J. (2015). An OFW saved, Another executed. Retrieved on from http://bulatlat.com/main/2016/01/05/2015-an-ofwsavedanother-executed/#sthash.6NXYS7kD.dpuf ______. (2016). Under Aquino: Real minimum wage up by only P17 amid huge profits retrieved on January 28,2016 from http://www.ibon.org/ibon-articles.php?id=554 ______. (2016). Veloso family relives ‘bittersweet’ reunion with Mary Janeretrieved on February 1 , 2016 from http://bulatlat.com/main/2016/01/16/veloso-family-relivesbittersweet-reunion-withmary-jane/ (2016). DFA urged to advise OFWs as Saudi-Iran rift worsens Retrieved on February 19, 21016 from http://bulatlat.com/main/2016/01/07/dfa-urged-to-adviseofws-as-saudi-iran-rift-worsens (2015) 20 years after flor contemplacion’s death, more women ofws abused, exploited and enslaved under Aquino’s term Retrieved on March 5, 2016 from http://migranteinternational.org/2015/03/08/20-years-afterflor-contemplacions-death-more-women-ofws-abused exploited-and-enslaved-under-aquinos-term/
B
ahagi ng paghahanda para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Integration, ang pagsasagawa ng pamantasan ng iba’t ibang pamamaraan at polisiya upang mapaunlad ang kalagayan ng edukasyong pangguro at maipakilala ang kultura at pamumuhay ng mga bansang kasapi ng ASEAN. Isa sa mga tinatampok nito ang pagbuo ng isang samahan na makakatulong upang maisakatuparan ang mga hangarin ng ASEAN, ang Association of Southeast Asian Teacher Education Network (AsTEN). Nabuo ang AsTEN noong ika-17 ng Setyembre, 2014 sa pangunguna ni Pang. Ester Ogena kung saan nakapaloob ito sa kanyang 10 Strategic Directions na pumapartikular sa ikalimang target na ‘Internationalization’. Nais ng pangulo ng pamantasan na makilala ang PNU sa buong mundo bilang isa sa mga pinakamahuhusay na institusyon pagdating sa edukasyong pagguro dahil ito ay Pambansang Sentro sa Edukasyong Pangguro (NCTE). Iba’t ibang bansa sa rehiyon sa Asya ang sumali at naging tagapagtaguyod ng nasabing asosasyon tulad ng Cambodia, Indonesia, Laos, Malaysia, Myanmar, Vietnam, Singapore at Thailand. Layon nito na magkaroon ng ugnayan ang lahat ng Teacher Education Institution (TEIs) sa mga bansang kasapi ng ASEAN upang pagusapan ang iba’t ibang isyu at makapag-isip ng askyon at polisiya kasabay ng iba’t ibang reporma sa kasalukuyang lagay ng edukasyon. Isa sa napagkasunduan ng
mga mga
miyembro ng AsTEN ang pagbubuo at pag-iisa ng mga programang akademiko na maaaring magamit ng mga kasapi sa kani-kanilang mga kolehiyo at pamantasan. Samakatuwid, ang ASEAN Integration ang isa sa mga naging dahilan ng pagkabuo ng kasalukuyang kurikulum na Outcomes-based Teacher Education Curriculum (OBTEC). Sa ilalim ng bagong kurikulum, may mga idinagdag na asignatura tulad ng ASEAN Society and Culture at Cotemporary World na naglalayong ihanda ang mga magiging guro sa hinaharap na malaman ang kalagayan ng mga kalapit na rehiyon tungkol sa kakayahang pang-ekonomiya, politika at kultura. Sa malalim na pagtingin, ang ganitong klaseng programa ng PNU ay manipesto lamang ng
Ang paghahanda sa mga guro ng bayan ay hindi dapat nakabatay sa kung ano ang dapat nitong malaman tungkol sa ibang bansa pagsusubo ng mga kolonyal na kaisipan sa mga mag-aaral. Sa halip na pagtuunan ng pansin ang kultura at talakayan sa iba’t
chakravyuh
ibang isyu na kinahaharap nito, kultura at isyu ng ibang bayan ang isinusubo sa mga mag-aaral na lalong magpapalugmok sa kanilang kaalaman tungkol sa sariling bansa. Samakatuwid, ang mga ganitong polisiya ay may malaking epekto sa kalidad ng kanilang pagtuturo dahil maaaring ito rin ang kanilang maituro sa mga estudyante sa oras na maging ganap na silang mga guro ng bayan. Dagdag pa rito, prayoridad din sa bagong kurikulum ang pagiging maalam ng mga mag-aaral sa mga makadayuhang wika sa pamamagitan ng pagdaragdag ng asignaturang Foreign Language sa kanilang kurikulum. Manipestasyon ito ng paghahanda sa mga magiging guro na yakapin ng tuluyan ang globalisasyon at maaari pang magresulta sa pagiging hindi maalam ng mga mag-aaral sa wika at kasaysayan ng bansa. Ang paghahanda sa mga guro ng bayan ay hindi dapat nakabatay sa kung ano ang dapat nitong malaman tungkol sa ibang bansa. Ang kasunduang ito ay isa lamang sa mga hakbang upang unti-unting mabago ang sistema ng edukasyon sa bansa. Hindi dapat tayo bumabatay sa ibang bansa gayong kaya naman nating magkaroon ng isang edukasyong naaayon sa pangangailangan ng bayan. Ngunit bago makipagsabayan, kailangang muna nilang maunawaan at solusyunan ang lumalalang kalagayan ng edukasyon sa bansa. Bilang mga guro ng bayan, nararapat lamang isulong ang isang edukasyong makabayan, siyentipiko at makamasa na siyang tutugon sa pangangailangan ng bansa.
MEMORANDUM OF
MISUNDERSTANDING John Reinz R. Mariano mariano.jrr@pnu.edu.ph
ro, A. Rome Thimoty n h ICJo O ; , o to L. Quin sa Filipin Ma. amantha atnugot ; S P in e g ll la in ie a s n th k Kawa t sa La hala; Da . limpoyo, Patnugo Pamama , Cedric T e Joy B. A . Dasoy, P ugot sa in . Abrenio a st tn V a ri re y K P d n n o t; z, n M. A o th ; ly ru g n a C u ta A ir . li t A tn C a n , a B e u P ot sa . Espirit unong sik; Vince honna F el , Patnug Clarita B icante, P tascha D ananalik za, Jimno N. Morta Lourdes a R. Barr ; Ma. Na got sa P sa . zi s u a ri Ann Otey re le K M e tn e g , h a y a T o a In ll P r A. K e , a se te a , o ri e x s g n a e D o t a Isab L . a M o ri , C n ; g a o a r u la ri M h Victo g Patn andela rad I. M amaha einz R. co, Josep zmin G. C Marc Con S. Garin, t sa Pam n; John R Kawaksin M. Danse sephine Patnugo Panitika M. Larin, liwan, Jha l Jo a e g a u C s e ri o . in u t rl in s L o a o a ey, k L g a M ce u Kaw , Patn eish C. R a, Charm Carbajal, , Ella Gra . Franco, . Barrera een Denir Evangelist unice G. Jenny DC n V. Ausa . lit, h rd n D Y u s, A A , b s le a d e o n ca e za rl ta a il Cristina L ia n a u v B tap; Ju or M. M , John C inel, Khe lyn H. Go Sarah C. yn D’ Am eluz, umang, Is lyn Joy A. Dionisio DC. Raqu L V Y loy, Rona , . n o e T Bermiso, lo G re ri a a . a a S G u K M . h n Crissa ielle M a Lore Joanna Mijares, sta; Jos Cornelio, aluz, Den Gara, Sofi Solitario, andra G. n, Retrati ikal. antzhen ous G. D aria Alex Janine P. Lucky Ta Jh ci , M , ie ong Tekn o re o y s, n P n rb a a , re A ij p te o a , u a n ij n g e to e M a C ri u . T . C. Q B lo R t C . o a il e D M a s n e G e Pola a Ingle earl Dia le Mari itzi Mari Kritiko s elo, Mara Castro, P bot, App Team; M ey Fumar, G. Balota ca E. Marc d Media li R n n e r a a g to s n rm A ic rt o V s A N Jule ungal, nrico o; Prof. ndent; E iette M. T sa Filipin Korespo nna Anon , Kritiko n ie ri V , Ja . re P a d d on erdinan Urek T. P o; Prof. F Tagaany