The Torch Publications Tomo 65 Blg.1

Page 1

ANG ITIM NA LASO AY SUMISIMBOLO SA PAKIKIISA NG THE TORCH PUBLICATIONS SA PAGKUNDENA LABAN SA PAGSIKIL SA KARAPATAN NG PAMAMAHAYAG AT KAWALANG HUSTISYA SA MGA NASAWING MAMAMAHAYAG NG AMPATUAN MASSACRE.

The Torch

TOMO 65 BILANG 1 JUNE 2012 ISSUE

INSIDE: PNU TAAI gained SEC registration p. 6

TOFI burdens students The National Union of Students of the Philippines (NUSP), a nation-wide alliance of student councils/ governments/unions committed to the advancement of the students’ democratic rights and welfare, describes the present Tuition and Other Fees Increase (TOFI) as redundant, exorbitant, and dubious. Despite topping the biggest net income in the Philippines, more than 300 HEIs (Higher Education Institutions) inflated their tuition fees to heavier amounts. NUSP Secre-

tary General Isabelle Baguisi further explains, “In a time when most Filipinos are hardup, it is indecent that schools’ net profits continue to increase yearly and yet these schools still continue to increase tuition rates and add miscellaneous fees to their charges.” The Aquino Administration applied its chronic budget cut in the education sector, abandoning the State Universities and Colleges (SUCs) to propel its academic and nonacademic functions by TOFI. The 87.74% state subsidy is chopped to 63.31%. Accord-

ing to Simon Kuznets, a Nobel Prize awardee on Economics, the aim to flourish the economy shall remain sluggish without education. NUSP states, “Facing the threat of education being reduced to a mere commodity for the privileged, the youth can no longer afford to stay silent and unconcerned.” To prevent such redundant, exorbitant, and dubious fees, Commission on Higher Education (CHEd) released guidelines for a consultation of faculties and students in matters apposite to TOFI im-

Ian Harvey A. Claros

positions. As to Rep. Raymond Palatino of Kabataan Party-list, this resolution comes late since schools have already increased their fees prior the issuance of guidelines. For Vencer Crisostomo of Anakbayan Party-list, it [TOFI] is due to the Palace’s ‘Noynoying’ that TOFI remains to be unregulated. The rampant TOFI is chronic, pushing the parents to extreme desperation, he further explains. He even cited a report about a mechanic who committed suicide due to TOFI.

.......................................................................................................................

Enrollment rate drops PNU freshmen enrollees dropped to 27 sections giving 1,124 new students. According to Dr. Bettina Philomena Sedilla of the Admissions Office, the number of freshmen this A.Y 20122013 remains strong despite of having 27 sections. The A.Y 2010-2011 admitted 1,235 students and A.Y 20112012 welcomed 1,247 students

leaving approximately 120 students disparity to the present number of enrollees. In a separate interview, Michael Esposo as the head of the Alliance of Concerned Teachers (ACT) PNU found this alarming for PNU usually allows 30 to 32 sections annually. The Admissions Office explained they just followed the

Board of Regents (BOR) memorandum that states to limit only 45 students per section along with the standard qualifications for accepting batch 2012-2013. Dr. Sedilla also stated subsidization considering PNU’s low tuition fee which is unlike the tuition in TUP (Technological University of the Philippines). On one hand, Esposo highlighted that for two to

three years State Universities and Colleges (SUCs) have utilized Tuition and Other Fees Increase (TOFI) or limited number of enrollees as a solution to insufficient funds. The ACT head furthermore informed that the tuition and miscellaneous fees of freshmen at PNU-Manila cost P1965 while other PNU campuses have yet to increase their tuitions. Joan Christi D. Sevilla

PNU Freshies Stereotypes FEATURE p. 8

Ang Kwento ng Pakikipagsapalaran ng mga Libro sa Aklatan p. 10


22

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

7 professors retire in 2012 Seven professors are candidates for retirement in PNUManila in 2012. According to Violeta D. Llaguna, Human Resource Office (HRO) Director the retirees for this year are the following: Prof. Rodrigo E. Duque, Professor III; Dr. Gloria L. Follosco, Professor V; Mrs. Yolanda G. Maggay, Registrar IV; Mrs. Sonia R. Manzano, Instructor II, Dr. Estrella P. Mercado, Professor

V; Prof. Lourdes L. Natal, Associate Professor V; and Prof. Myra Villa D. Nicolas, Professor II. “There are two kinds of retirement. The optional retirement wherein if a teacher has been at least 15 years in service, he/she can retire but the benefits are not the same as the other kind of retirement which is compulsory retirement with lawsome benefits, wherein the teacher is needed to retire at the age of 65 regardless if he/she is still strong and can still teach students,” said Llaguna. When a teacher files for an optional retirement, the possible reasons are to enjoy their life, go abroad, or transfer in a private school. “But there is what we call ‘extension of service’ that can be implemented in cases like if a teacher is in high position in school. For example, he/she is the Vice President and will be turning 65 in August, he/she can still pass a request for extension with the approval of the civil service only until the end of the semester,” Llaguna ended.

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

Background About to retire in 2013, Prof. Natal

Elaine I. Jacob

is one of those who filed for an optional retirement this year. She has a small family with two sons and a husband. Her eldest son unfortunately died. She is a very sentimental person; for instance, a Parker pen that she dreamt to have and bought from her first salary and the Dutch boy puppet that she used in teaching language are still with her. Prof. Natal first taught at the age of 19 in St. Jude Academy for five years and later applied at Jose Corazon de Jesus Elementary School, where she worked from 1973 to 1992. She said that “the students in a private school have more sense of caring compared to those students studying in a public school, but the students in public school are smarter than those in private.” And in 1992, she became a faculty in PNU. Compensation “There is a higher salary in private school with P350 per day compared to public school with only P212 per day,” shared Prof. Natal. “In a private school, there are incentives like free food, uniform and a free ride in a school bus with the condition that the teacher will supervise the students,” she added. Based on The Magna Carta for Public School Teachers (R.A. 4670) Sec. 15, the teacher’s salary shall correspond to the following criteria: (a) they shall compare favorably with those paid in other occupations requiring equivalent or similar qualifications, training and abilities; (b) they shall be such as to

Revised student handbook inaasahan ngayong semestre Kevin Harvey Campana

Nasa proseso pa rin ang Revision Committee (RC) sa pagrerebisa ng nilalaman ng student handbook na maaaring matapos na ngayong semestre. Pahayag ni Dr. Aurora B. Fulgencio, Student Affairs and Student Services (OSASS) Dean at RC Chairman, inaasahan itong matapos bago magsimula ang ikalawang semestre ng kasalukuyang akademikong taon. Hinati na ang nilalaman ng student handbook sa mga miyembro ng komite at nakatakda nang ilatag ang kanilang mga suhestyon sa susunod na pulong ng RC. “Hindi pa finalized ang lahat kaya’t posibleng magtakda ng isa pang meeting para sa maari pang pagbabago at pagsasaayos ng handbook,” ani Dr. Fulgencio.

Samantala, nakatakdang palitan ng mga bagong miyembro ang mga kinatawang mag-aaral na nagsipagtapos na. Sumunod, ilalahad na ang mga narebisang bahagi sa harap ng student body para sa mga paglilinaw at iba pang pagbabago bago tuluyang ibigay ang draft kay Dr. Ester B. Ogena, Pangulo ng PNU at mailapag na sa Board of Regents (BOR). Agosto nang nakaraang taon pa nagsimula ang mga hakbangin upang rebyuhin o baguhin ang ilan sa mga nilalaman ng student handbook na nailathala pa noong 2004. Kinailangan itong rebisahin dahil minadali umano ang pagkakagawa nito at upang iayon sa mga karanasan kung sinusunod ba o hindi ang mga nakapaloob dito.

Hindi naging madali ang pagrerebisa ng student handbook dahil sa ilang mga suliranin ayon kay Algel Balantac, kasalukuyang Vice President for External Affairs at isa ring kinatawan sa RC. “Una, hindi nagiging kumpleto ang mga miyembro sa bawat meeting. Ikalawa, ang maraming administrative events na nakaapekto sa mga iskedyul ng pulong.” Ipinaliwanag naman ni Michael Esposo, dating Student Government (SG) Finance and Logistics Officer (FILO) at isa ring kinatawan sa komite na layunin ng revision ang pagiging “pro-student at pagiging specific ng ilan sa mga laman ng handbook. Dapat maipakita sa mga estyudante na ang laman nito ay hindi isang panakot kundi guide para malaman ang kanilang mga karapatan.”

insure teachers a reasonable standard of life for themselves and their families; and, (c) they shall be properly graded so as to recognize the fact that certain positions require higher qualifications and greater responsibility than others. Accordingly, in Sec. 16, the salary scales of teachers shall provide for a gradual progression from a minimum to a maximum salary by means of regular increments, granted automatically after three years provided that the efficiency rating of the teacher concerned is at least satisfactory. The progression from the minimum to the maximum of the salary scale shall not extend over a period of 10 years. In the case of Prof. Natal when she is still an Instructor III, her salary is equivalent to salary grade (SG) 11. “The promotion is slow but with lots of works and with so little money to increase from the salary,” she stressed. The Alliance of Concerned Teachers Party-list (ACT) has been pursuing an increase for teacher’s salary from SG 11 to SG 15. Opinion on K-12 Prof. Natal is much in favor of Aquino’s K to 12 program. “It is already prescribed by DepEd, so the Early Childhood Education teachers as well as the grade 1 and 7 teachers must implement and must have the application of the program.” On the other hand, ACT is very particular about the preparation for K-12 in terms of budget, curriculum, teachers’ training, as well as modules and manuals to be used. “The shortages will get worse this school year because the Aquino

administration has failed to provide sufficient funding in the 2012 national budget for the additional requirements of our public school system in S.Y. 2012-2013, including the needs of 1.6 million incoming kindergarten students,” explained ACT Teachers Party-list Rep. Antonio Tinio. In addition, ACT stated that there will be 21.5 million students this year, yet there are 132,483 shortages of teachers, 153,709 shortages of instructional materials, 97,685 shortages of classrooms and 153,709 shortages of water and sanitation facilities. “The opening of the new school year will show that the Aquino administration has failed to muster the political will and budgetary resources to substantially address, if not solve, the long-running shortages that continue to plague our public school system,” Rep. Tinio added. Tips to Future Teachers Prof. Natal gives an advice regarding the new curriculum, “K-12 is a major change in the field of education and I advise teachers to have a positive view of it because its benefit is not only for one rather for all.” Lastly, “The economic status of a teacher is dependent on his/her educational attainment.” In order for a teacher to have a good salary, he/she must first address education and must have something to prove.

TOMO 65 BILANG 1

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

EDITORIAL 3 3

Extreme Make-OverExtreme Make-Over Kaalinsabay ng paghahabol ng Pilipinas sa pag-unlad ng mga kapit-bahayang bansa ay ang pagmomodipika ng gobyerno sa mga pamayanan gamit ang arkitekturang idinisenyo ng mga kapitalista na tumutumbok sa malawakang pananamantala at pag-apak sa karapatang pantao ng mga maralita. Subalit sa kabila nito, sila’y natutong tumindig at manindigan para sa kanilang karapatan sa tirahan. Nagsisilbing tahanan ng iba’t ibang antas ng lipunan ang kamaynilaan. Ngunit kapansin-pansin ang malawakan at eksaheradong pagmomodipika ng mga kapitalista sa malawak na lupaing ito. Kabilang na dito ang pagtatayo ng mga nagtataasang gusali at malalawak na business district na karaniwang itinatayo sa komunidad ng mga maralita. Ang sunod-sunod na demolisyon ay tanda ng marahas na ugnayan ng pamahalaan at ng mga kapitalista. Kumita at tumubo ang pangunahing layunin ng mga kapitalista. Bunga ang demolisyon ng kanilang labis na paghahangad na mapalago pa ang kanilang negosyo kasabwat ang mga nakaluklok sa pwesto. Ngunit sa paghahangad ng ganito, labis na naapektuhan ang pamumuhay ng mamamayang Filipino pati ang basekong pangangailangan at karapatan sa paninirahan, trabaho at edukasyon. Sariwa pa sa alaala ng mga Filipino kung paano dinahas ang mga residente ng Corazon de Jesus (CdJ) sa San Juan nang pwersahang i-demolish ang kanilang tirahan. Naka-programang patayuan ng parking lot, business district at extension ng city-hall ng San Juan ang mababakanteng lupain. Nauna na ring sinabi ng lokal na pamahalaan na doon magpapatayo ng mga apartment na patitirahan sa mga residenteng maaapektuhan ng demolisyon na mukhang di na matutupad dahil mas lumilitaw na ngayong hindi yun para sa kanila. Samantala, muli na naman itong naulit noong Abril 23 sa 9.7

na ektaryang lupain ng Silverio Compound, Parañaque. Napuno ng mga pulis at Special Weapon and Tactics (SWAT) team ang bungad ng Silverio compound. Sa kabila ng pagtatanggol ng mga residente sa kanilang karapatan sa tirahan, pagbobomba ng tubig, tear gas at empty bullets ang isinukli sa kanila. Sa pagkakataong ito, 33 ang iligal na inaresto (kasama ang 8 menor de edad, 2 babae at 1 senior citizen), mahigit 30 ang nasugatan at isa ang namatay sa hanay ng mga residente. Nakatakdang tayuan ng mga nagtataasang gusali ang ekta-ektaryang lupain ng Silverio Compound na inaasahang magluluwal ng iba’t ibang negosyo. Kaya naman minamadali

ang mga residente na umalis dito. Sa kasalukuyan, maraming panig pa ng kamaynilaan ang may mainit na banta ng demolisyon. Ang mga natatamaan ng mga serye ng demolisyon ay kadalasang ipinapatapon sa malalayong bayan ng Rizal at Bulacan, kung saan malayo sa kanilang trabaho at eskwelahang pinapasukan ng mga anak. Ang mga lokasyong inilaan ng pamahalaan sa mga residente ay pawang malapit din sa mapanganib na Marikina fault line. Hindi natin sila masisisi kung sakaling tanggihan man nila ang alok na relokasyon dahil sa panganib at kahirapan sa kabuhayan. Sa katunayan, nagsisibalik sa CdJ ang mga lumipat

sa Montalban, Rizal dahil mas mahirap ang kalagayan doon. Sa kabila ng hindi maayos na suplay ng tubig at kuryente, nanganganib pa rin silang mapaalis doon sa kawalan ng maibabayad sa buwanang renta. Hindi lamang mga residente ng CdJ at Silverio Compound ang nakararanas namomroblema sa kanilang tirahan. Nakalinya na ring ma-demolish ang mga komunidad sa sentro ng kamaynilaan gaya ng Brgy. Mariana, Old Balara, Culiat, at Pasong Tamo. Sa maikling panahon, halos tutumbas na sa dami ng kanto sa Maynila ang bilang ng mga SM Savemore at Hypermarket na

pagmamay-ari ni Henry Sy. Nagsisimula na ring magsulputan ang mga nagtataasang condominium na pag-aari din ng SM Prime Holdings kagaya ng sitwasyon sa Silverio Compound. Kung maipagpapatuloy ang planong makapagtayo pa ng SM at sa iba pang establisyimento kapalit ang tirahan at kabuhayan ng mamamayan. tiyak na ang mga demolisyon sa CdJ at Silverio ay inisyal pa lamang sa pangmalawakang pagme-make-over ng mga kapitalista hindi lamang sa kamaynilaan kundi maging sa mga kalapit bayan at probinsya nito. Sa lahat ng usapin ng demolisyon at iba pang isyu na may kinalaman sa pananamantala ng mga kapitalista sa mga maralita, ang gobyerno ay madalas na nagkikibit-balikat at nananahimik. Sa halip na alalayan at suportahan ang kanyang mamamayan, manhid pa itong nagpapatupad ng mga polisiya na magbibigay lamang ng ganansya sa mga mayayaman at may kapangyarihan. Ang gobyernong dapat na naglalaan ng pondo para sa tirahan at iba pang pangunahing pangangailangan ng kanyang mamamayan ay inutil na dumedepende sa makinarya ng mga kapitalista sa porma ng Public-Private Partnership (PPP). Itong pangunahing patakarang pang-ekonomiya ni Pangulong Aquino ang nagbibigay-kumpas sa mga pribadong kompanya para labis na mapagsamantalahan ang mga mamamayan. Hindi naman talaga indikasyon ng paglago ng ekonomiya ang mga nagtataasang gusali sa kamaynilaan. Ang bilang ng mga mamamayang walang masilungan, walang edukasyon at kabuhayan ang dapat na maging panukat kung umuunlad ba ang ating ekonomiya. Handa na ang mga Filipinong ihambalang ang katawan at ipagsapalaran ang buhay para ipaglaban ang karapatan sa tirahan.

The Torch Publications 2012-2013 Donnadette S.G. Belza, Editor-in-Chief| Ethel Diana G. Jordan, Associate Editor in Filipino| Ma. Cherry P. Magundayao, Associate Editor in English| Geraldine Grace G. Garcia, Managing Editor| Vincent D. Deocampo, Assistant Managing Editor| Elaine I. Jacob, News Editor| Zhen Lee M. Ballard, Features Editor| Emmanuel T. Barrameda, Literary Editor| Cromwell C. Allosa, Research Editor| Joan Christi D. Sevilla, Ian Harvey A. Claros, Robert Gabriel N. Cosme, Gimyma M. Medina, Erickson P. Avila, Kevin Harvey F. Campana, Dannielle Marie D. Francisco, Don James Indefenzo, Ronalyn A. Tungcul, Paolo S. Gonzales, Liza May E. Bueno, Staff| Franklin A. Amoncio, John Paul A. Orallo, Constantine S. Capco, Lloyd Christian R. Estudillo, Visual Artists| Melie Rose E. Cortes, Layout Artist| Prof. Patrocinio V. Villafuerte, Technical Adviser


4

OPINION

STOP ENFORCED DISAPPEARANCES! Philippine trends: #One Of The Most Dangerous Regions For Journalist

DEADLINE The Reign Of Impunity

08/03/12

1Bilyon

Para sa PNU

(Demand nina Isko’t Iska at ni Inang Pamantasan) Capital Outlay 550M Personal Services 300M MOOE 100M Budget Cuts 115.9M

(2010=10.8M) (2011=92.3M) (2012=12.8M) TOTAL:

1.0659 Billion

-The Torch

Guilty! The verdict against the highest magistrate was enacted before the eyes of the people. What the Filipinos gain here is the assertion that the other officials shall undergo the same process as to Chief Justice Corona’s enquiry of wealth. That the Chief Justice obtained poetic justice* – meaning, he deserves to be ousted due to betrayal of public trust – it’s still the call of the masses although he was found guilty of a crime under Article II of Impeachment. The Article II of Impeachment made 20 out of 23 senatorjudges to vote for Corona’s dethronement. That is, Corona did not reveal in his Statement of Assets, Liabilities and Net Worth (SALN) the 24.8 million dollar account and the 80 million peso account. First argument here: Is the act of not disclosing a public official’s complete net worth an impeachable case? Yes, it’s proven a culpable violation of the constitution under Civil Service Law (R.A. 6713) which mandates them to submit a comprehensive SALN report. There were some senator-judges who even reminisced the impeachment of a court interpreter for not indicating in his SALN the market stall he owns. Hence, they strongly believe that Co-

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

tanod

Poetic Justice

rona’s disclosed accounts are rather highly impeachable. But let us not forget the two other articles of Corona’s impeachment which involve the un-

“Our courts should not only pound the table to impeach the malign against an existing political party/group or status quo. Rather, together with the masses, it shall pound for truth and justice to impeach oppression.” heard cases of then-President Gloria Macapagal-Arroyo (GMA) with whom Corona’s loyalty is favored to. With these articles unresolved because Article II has already impeached Corona, Sen. Miriam Defensor-Santiago’s remark on the impeachment trial as ‘quasi judicial, quasi political’ hit my ideological stream.

The woman senator meant that the trial is partly political and not just dominated by existing laws, which is evidently true. The 44-day trial was ‘politicized’ in a sense that when you (senator, organization, government employee, civilian, etc.) voted for Corona’s impeachment, then you are likely an Aquino administration’s ally – which should not be the case. What is also formed here is the notion that since Corona was proven guilty, his ally, GMA is ‘paralyzed’ anew because she has no hold of the Supreme Court anymore. However, we should note that GMA is still ‘as free as a bird’ despite the corruption cases filed against her. Thus, only her ‘accessory to the crimes’ was subsumed to poetic justice. It is also noteworthy that there is seemingly no depth to what impeached Corona. That is, he was indicted not of ill-gotten wealth, but only of hidden wealth. Here’s the moral dilemma: Are the senator-judges who voted for Corona’s impeachment clean? Or are they just doing their job as the law mandated them, and detached their selves from it?

DonNadette S.G. Belza donat.belza@gmail.com

Consequently, this trial influenced the public opinion. What’s more important is the contention of the masses. Did they obtain justice after the ‘trial-novela’? As everyone says, this trial will reverberate in our history. We are not just witnesses of how politicized politics in the Philippines is. It is proper that we learn from it and we stand on it, on our convictions towards a corrupt-free country. Our courts should not only pound the table to impeach the malign against an existing political party/group or status quo. Rather, together with the masses, it shall pound for truth and justice to impeach poverty. Impeach joblessness. Impeach corruption. Impeach mis-education. Impeach discrimination. Impeach oppression. Impeach neo-colonialism. Impeach impunity! *poetic justice – (noun) if you describe something bad that happens to someone as poetic justice, you mean that is exactly what they deserve because of the things that that person has done. [Collins Cobuild Advanced Dictionary of English, 2009]

esoterika Third Party Philippines ETHEL DIANA G. JORDAN sophia.may9@gmail.com

Dear China, Inyo na rin ang Pacific Ocean, hiyang-hiya naman kaming mga Pilipino sa inyo, eh. Sumasainyo, Pilipinas Umagang-umaga, bumabanat ang pinsan ko pero nagulat ako dahil hindi love mode ang laman nito kundi ang sikat na paguumepal ng pamahalaang Tsina sa mga islang sakop ng Pilipinas. Samantala, hanggang sa text, gustong-gustong magalburoto ang mga Pinoy dahil sa ginagawa ng pamahalaang Tsina. Paano ba naman kasi, isa itong malinaw na paglabag sa soberanya at integridad ng ating teritoryo bilang bansa. Sang-ayon sa United Nations Convention on the Law of the Sea o UNCLOS at sa mga saliksik sa arkeolohiya, tinuturing na bahagi ng Pilipinas ang Spratly’s Islands at ang Scarborough Shoal na sentro ng pag-aagawan ng Pilipinas at ng mga karatig-bansa nito lalo na ng Tsina kung saan mapagbalat-kayo namang nagmamalasakit ang US.

Sa kabilang banda, sinasamantala naman ng administrasyong US-Aquino ang kalagayang ito upang bigyangkatwiran ang pagpapalawak at pagpapatagal ng base-militar ng US sa ating bansa. Ang pananatiling base-militar sa Pilipinas ang nag-uudyok sa Tsina na maging mas agresibo at kung magpapatuloy ay maaaring higit na magtagal pa sa bansa ang mga tropang Kano. Hindi naman talaga para protektahan ang bansa ang layunin ng US, bagkus ang isulong ang pang-ekonomiya at iba pang pansariling interes nito sa Pilipinas at buong Asya. Bago pa man ang usapin saTsina, plano na talaga ng US na magpalawak ng presensyang military nito sa rehiyong Asya-Pasipiko upang mapigilan ang paglakas ng Tsina. Sa katunayan, ayon sa pahayag ni US Admiral Joseph Prueher sa isang confidential report ng US Congressional Research Services (CRS) noong Oktubre 2000, na isiniwalat ng Wikileaks noong 2009 patungkol sa relasyong panseguridad

ng Pilipinas at US, ang higit na malawak na presensya ng mga tropang Kano sa bansa ay para sa Tsina. Nakikita na ng US noon pa mang 1999 na malaki ang potensyal ng bansang ito na maging pangunahing pampulitikang pwersa sa mundo at karibal ng US sa negosyo. Hungkag din ang sinasabing pagtulong ng US sa Pililpinas kung sakaling aatake ang Tsina. Una, walang nakasaad sa US-RP Mutual Defense Treaty na awtomatikong lalaban ang US kung may agresyong militar ang ibang bansa laban sa Pilipinas. Ikalawa, higit na malalim ang pagtutulungang pang-ekonomiya ng US at Tsina kumpara sa US at Pilipinas dahil higit kanino pa man, sa Tsina nagkakautang ng malaking halaga ang US. Ikatlo, sa kasaysayan, tayo ang lumalaban sa giyera para sa US tulad nung mga civil war sa Vietnam at Iraq; hindi pa lumalaban ang US para sa interes ng mga Pinoy. Sa lahat ng puntong ito, gaano kaya katotoo ang pangako ng US sa Pilipinas? Kung usapin lang naman ng pambabastos sa soberanya ng

Pilipinas higit na malaki ang kasalanan at pagkakautang ng US sa ating bansa. Bagaman lumalaki ang interes ng Tsina sa bansa mas nakahihigit pa rin ang US dahil sa isandaang taong dominasyon nito sa ekonomiya, politika at kultura ng Pilipinas. Sa dulo ng lahat ng ito, ang kapakanan ng mamamayang Filipino na naman ang paniguradong maisasantabi. Mabisa man ang paggi-GM para mapataas ang kamulatan ng marami hindi ito sasapat para mapigilan ang interbensyon at pambabastos sa soberanya ng Pilipinas. Kinakailangang bantayan natin ang tunguhin ng usapin kaugnay ng Tsina ngunit higit nating kailangang tutulan ang panghihimasok ng US sa mga usaping may kinalaman sa Pilipinas.

“Hindi naman talaga para protektahan ang bansa ang layunin ng US, bagkus ang isulong ang pang-ekonomiya at iba pang pansariling interes nito sa Pilipinas at buong Asya. ”

5

TOMO 65 BILANG 1

flambeaux Minority Ma. Cherry P. Magundayao

mcp.magundayao@ymail.com Mananatili na lang bang minorya ang tingin sa mga katutubo? Ayon kay Katribu Party-list Southern Luzon Regional Director Chikadz Gomez, ang katutubo ay taong tubo ng isang lugar. Halimbawa, isa akong katutubo ng Maynila sapagkat doon na ako isinilang, lumaki at nagkaisip. Ibig sabihin, ang pagiging katutubo ay may kaugnayan sa kulturang kinalakhan ng isang tao sa isang partikular na lugar. Binubuo ang Pilipinas ng iba’t ibang katutubo ngunit nang dumating ang mga Kastila, natigil ang pag-unlad ng karamihan sa mga ito at naimpluwensyahan na ng kanluraning kultura. Samantala, mayroon pa rin tayong tinatawag na katutubo na nananatili sa tradisyonal nilang kultura. Mayroong walong pangunahing tribo na itinuturing na National Minority sa Pilipinas gaya na lamang ng Igorot at Aeta. Sa ilalim ng mga tribong ito, mayroon pa ring mga sub-tribes. Kung minsan, ibinibilang na pang-siyam na pangunahing tribo ang Moro kung saan may 13 tribo sa ilalim nito gaya ng Badjao at Tausug. Gayunpaman, nananatiling nasa panganib ang mga natitirang katutubo sa Pilipinas magpasahanggang ngayon kahit wala nang mananakop sa bansa. Ayon kay Efren na isang katutubong Palawan, pangunah-

Tira-pasok. ‘Yan ang tawag sa mga kaganapan o desisyong tila hindi pinag-isipan pero ipinagpipilitang mangyari o matupad. Kagaya ng K to 12. Ngayong darating na pasukan ay ipatutupad na ang ikalawang bahagi ng K to 12 curriculum, ang grades 7-12. Nitong bakasyon lamang ay isinagawa na sa iba’t ibang pamantasan at kolehiyo ang pagsasanay ng mga magtuturo sa grade 7. Ngunit kasabay rin nito ay ang kabi-kabilang reklamo ng mga nagsasanay na guro hinggil sa mga pasilidad na kanilang ginagamit, kabuuang planong bagong kurikulum na ito, mga pag-a-adjust na magaganap sa bawat baitang, hanggang sa mga sahod at benepisyong ating mga guro. Halimbawa, ilang kaso sa University of the Philippines ang may gurong nagsasanay (para sa grade 7) sa mga klasrum na may depektibong bentilador. Wala rin silang maayos na tulugan sa kanilang dormitoryo ayon pa kay Gng. France Castro, Pangkalahatang Kalihim ng ACT Teachers Party-list. Ngunit bukod sa mga reklamo tungkol sa pasilidad ay ang pagkalito ng mga guro sa curriculum na gagamitin o ang magiging adjustment na

ing problemang kinakaharap ng mga katutubo ang diskriminasyon. Palibhasa, sa mga aklat na mayroon sa Araling Panlipunan, iinasalarawan ang katutubo bilang mga taong maitim ang balat, sarat ang ilong, kulot at pandak. Ngunit sa katotohanan, may mga katutubong mapuputi at singkit ang mata gaya na lamang ng mga Igorot. Hindi nalilinaw ang ganitong mga impormasyon kaya nananatiling mababa ang tingin ng mga Filipino sa mga katutubo at nananatili na lamang silang pangaliw sa mga turista. Sa katunayan, binigyan ng bagong bihis ng gobyerno ang ganitong pagdidiskrimina sa mga katutubo sa ilalim ng “ecotourism” kung saan ginagawang tourist spot at taga-aliw ang pamayanan ng mga katutubo. Sa kabilang banda, pumapangalawa ang pagmimina at iligal na pagpuputol ng mga puno. Sa halip na pagbawalan ng gobyerno ang mga ito, ibinaling pa ang sisi sa mga maliliit na katutubong minero at nagkakaingin. Kung tutuusin, bago pa nagkaroon ng mga makinarya gaya ng chainsaw at backhoe, nauna na ang mga katutubo sa pagmimina at pagkakaingin. Subalit, hindi kailanman nagresulta ng mga landslide at hindi rin nakalbo ang mga bundok sapagkat may natural nang sistema ang mga katutubo kung saan hindi nila inaabuso ang bahaging kanilang

gagawin sa programang ito. Dahil noong 2010 kapapatupad pa lamang ng 2010 Secondary Education Curriculum (2010 SEC) at nasa kalagitnaan pa lamang ang pagpapatupad nito. At heto na ulit ang panibagong curriculum na minadali ang pagkakagawa, dahil ito ay ginawa lamang ngayong bakasyon. Sabi nga ni G. Benjie Valbuena, Vice Chairperson ng Alliance of Con-

“Samantalang tinatayang nasa 132,483 ang kakulangan sa guro, 97,685 sa silidaralan, at 153,709 naman sa water and sanitation facilities. Bukod pa sa mga nabanggit ay marami pa rin ang kakulangan sa sektor ng edukasyon cerned Teachers (ACT), “We don’t see anything concrete and final es-

kinakaingin o minimina. Gayunpaman, sa halip na turuan ng makabagong paraan ang mga katutubo, ang naging sagot ng gobyerno hinggil sa ganitong problema ay relokasyon o di kaya pagpapaalis sa mga katutubo. Malinaw kung kaninong kapakanan ba ang iniisip ng gobyerno dahil sa oras na wala na sa lupang ninuno (ancestral land) ang isang katutubo, hindi na orihinal na kultura at hanapbuhay ang maaaring magawa ng mga ito. Sa ganitong paraan, nailalagay sa higit na kahirapan ang mga kababayan nating minorya. Mabuti na lamang at naisabatas ang Indigenous Peoples Rights Act of 1997 na isinulong ni Sen. Juan Flavier. Subalit, mabuti nga ba ito? Ayon sa batas na ito, mabibigyan na ng Certificate of Ancestral Land Claim (CALC) o Certificate of Ancestral Domain Claim (CADL) ang mga katutubo sa kanilang mga ancestral land upang masiguro ang kanilang pagmamay-ari sa mga ito. But here’s the catch! Hindi ibig sabihin na may batas hinggil dito ay napangalagaan na ang mga karapatan ng mga katutubo sapagkat nangangailangan munang magpasa ng birth certificate na nagpapatunay na isang katutubo ang aplikante (as if naman umaakyat ng bundok ang NSO), pagpapatunay ng genealogy o family lineage ng katutubo (kahit karamihan naman sa mga katutubo ay di naaabot ng edukasyon), at mga litrato sa kanilang lupain bilang patunay na doon nga

sila namumuhay bilang mga katutubo (kahit na wala namang camera ang mga ito). Kaya naman, sinasamantala lalo ng mga sakim na mga kompanya ang batas na ito. Ginagamit nila ito upang agawin na nang tuluyan ang lupang ninuno sa mga katutubo dahil sa kakayanan nilang punan ang mga rekisito para sa CADC at CADL. Dagdag pa rito, binibigyan ng gobyerno ng P1 – P2 ang katutubong magtatanim ng isang ipil-ipil o maple tree sa lupang kinaingin—kapalit nito nagiging pagmamay-ari na ng gobyerno ang mga lupaing ninuno na may gayong tanim. Tila ba inutakan na lamang ng gobyerno ang mga katutubong ito na naghahangad lamang na madagdagan ang kinikita sa kanilang pagtatanim. Masama pa nito, ang mga tanim nila na nakapaligid sa ipil-ipil at maple tree ay

“Sa katunayan, binigyan ng bagong bihis ng gobyerno ang ganitong pagdidiskrimina sa mga katutubo sa ilalim ng “ecotourism” kung saan ginagawang tourist spot at tagaaliw ang pamayanan ng mga katutubo.”

namamatay dahil kinakain ng mga gayong tanim ang sustansya ng mga ito. Tila ba hindi pa nakuntento sa sinundan nitong Mining Act of 1995 noong senadora pa si Gloria Arroyo. Gamit ang naturang batas, legal ang pagkakaroon ng mining operations sa mga natukoy na ancestral domains. Diumano, ito ang isa sa mga epektibong pagpapalawak ng kita ng gobyerno. Sa ganitong dahilan, hindi mo na rin siguro masisisi ang mga katutubo kung pipiliin na nilang makipaglaban gamit ang dahas para lamang mapanatili ang kanilang lupang ninuno. Maganda kung makaaabot ang tinig ng ating mga kapatid na katutubo sa pamahalaan dahil hindi epektibo na sa pakikipagtanguan lamang ng mga opisyales ng pamahalaan madadaan ang transaksyon ng mga katutubo. Mas maganda pa rito, magkaroon sa Kongreso ng mga taong titiyak sa pagbibigay ng pantay na karapatan sa mga katutubo. Sa gayong paraan, hindi na lamang mananatiling “minority” ang mga katutubong nangangalaga sa mayamang kultura ng Pilipinas kundi tinig na magsusulong sa kanilang kapakanan.

Tira-pasok HABAGAT

pecially when it comes to the curriculum. The secretary (DepEd Secretary Armin Luistro) himself described it as an ‘open-ended one.’” Sa madaling salita, ang curriculum naipagagamit ngayong darating na pasukan ay hindi pa tuluyang naisasaayos dahil na rin sa kakulangan sa panahon. At nitong Mayo 28, 2012, tumatanggap pa rin ng suhestiyon ang DepEd hinggil sa K to 12 curriculum para sa grades 7-12. Samaktwid, ito ay draft pa lamang. Kung babalikan natin noong nakaraang taon ay sinimulan nang ipatupad ang Universal Kindergarten sa mga pampublikong paaralan sa ating bansa. Ngunit tulad ngayon ay kumaharap din ito sa maraming problema dahil sa kakulangan sa preparasyon. Walang kaukulang pagsasanay ang mga gurong hahawak sa mga estudyante rito. Isama na rin natin ang kakulangan sa mga guro na ginawan ng paraan ng DepEd sa pamamagitan ng mga tinanggap nilang “volunteer” kindergarten teachers na tumatanggap ng di makatarungang sahod (P3,000.00P6,000.00/ buwan), kawalan ng benepisyo, atbp. Madalas pa nga

Michael Angelo Esposo ACT Teachers Party-list – PNU

ay delayed ang pagtanggap nila ng kanilang sahod. Bukod pa rito ang kakulangan sa pasilidad. Isa pang malaking katanungan ay kung saan kukuha ang gobyernong pondong gagamitin para panatilihin ito. Nasa P150 bilyon ang magagastos para sa karagdagang mga guro at silid-aralan pa lamang. At dahil suportado ng World Bank ang programang ito ay malamang nakaragdagang utang na naman itong ating bansa. May lumabas ding balita na inirekomendang World Bank sa ating gobyerno na magdagdag at gumawa ng bagong buwis upang magkaroon ng karagdagang pondo ang programang ito. Tila panibagong kalbaryo pa ata ang hated sa mamamayan ng K to 12. Dagdag na dalawang taon na sa paaralan, ipapasa pa sa mamamayan ang pagsusustena nito. Sa kasalukuyan ay inaasahang nasa 21.5 milyon na estudyante ang dumagsa ngayong pasukan. Samantalang tinatayang nasa 132,483 ang kakulangan sa guro, 97,685 sa silid-

aralan, at 153,709 naman sa water and sanitation facilities. Bukod pa sa mga nabanggit ay marami pa rin ang kakulangan sa sector ng edukasyon sa ating bansa. Sa aking palagay, pansamantala munang ipatigil ang implementasyon ng K to 12 dahil sa kawalan ng solusyon sa mga nabanggit na problema (at marami pang problema). Dapat ay pinunan muna ng gobyerno ang mga kakulangan sa 10-year Basic Education at pag-aral ang mabuti ang magiging transisyon ng edukasyon papunta sa K to 12 curriculum. Isa pa ay dapat nailaan ng gobyerno ang 6% ng GDP, o mas mataas pa, sa sector ng edukasyon kung talagang pursigido silang gawing dekalidad ang edukasyon sa ating bansa. Bukod pa rito, marapat na tumutugon sa pangangailangan sa pag-unlad ng ating bansa ang lalamanin ng K-12, hindi yung tumutugon sa pangangailangan ng Amerika at Europa.


6

‘Araw ng Paggawa, Araw ng Pakikibaka’ --KMU Porma ng paggunita: Protesta. “Araw ng Paniningil at Paglaban” ang naging tema ng 37,000 kataong lumahok sa kilos-protesta noong Mayo 1 upang gunitain ang Araw ng Paggawa sa bansa. Pinangunahan ito ng Kilusang Mayo Uno (KMU) kasama ang mga progresibong institusyon at organisasyon ng iba’t ibang sektor: ANAKBAYAN; Gabriela; National Union of Students of the Philippines (NUSP); International League of Peoples’ Struggle (ILPS); Alliance of Health Workers (AHW); Alliance of Concerned Teachers (ACT); MIGRANTE International (MI); Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY); Confederation for Unity, Recognition and Advancement of Government Employees (COURAGE); Pagkakaisa ng mga Samahan ng Tsuper at Operators Nationwide (PISTON); United Luisita Workers Union (ULWU); Alyansa ng Magbubukid sa Hacienda Luisita (AMBALA); at, Sentro para sa Tunay na Repormang Agraryo (SENTRA) na nagmartsa patungong Plaza Miranda, Quiapo at Mendiola. Panawagan ng mga manggagawa Una sa listahan ng panawagan ng mga manggagawa ang mahigit isang dekada na panukalang batas na P125 Across-the-Board Wage Hike. Ngunit patuloy itong ibinabasura ng Kongreso at Senado sa kabila ng lumalalang krisis ng kagutuman at kahirapan sa bansa. Tahasang sinabi pa ni PNoy sa kanyang speech noong Mayo 1 na hindi raw makabubuti ang panukalang P125 wage hike ng mga manggagawa. Ayon kay PNoy, mayroong 40 milyon lakas-paggawa ang Pilipinas, samantala sa datos naman na inilabas ng gobyerno noong Enero 2012, 40.5 milyon ang kabuuang lakas-paggawa. Tinitingnan ng administrasyong Aquino at ng mga

negosyante na maaaring malugi ang mga kompanya kung ganito karami ang makatatanggap ng P125 dagdag sahod. Sa kabilang banda, pinabubulaanan ng KMU ang datos ng gobyerno, ayon sa kanila mayroon lamang 20 milyon lakas-paggawa ang bansa. Kung ibabatay sa datos ng gobyerno, 3.1 milyon ang unemployed at lalabas na 37.4 milyon ang employed. Mayroon namang 20.4 milyon na salary wage worker, 11.3 milyon na self-employed at 4.3 milyon na unpaid family workers na dapat ibawas sa bilang ng makatatanggap ng P125 na dagdag sahod. Ayon pa sa datos ng administrasyong Aquino, tumaas ang produktibidad ng paggawa sa 97% mula noong 2001-2009. Samantala, 44% lamang ang itinaas sa sahod ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR). Bukod pa rito, tumaas din ang presyo ng mga bilihin at serbisyo ng 65%. Kung tutuusin, “immediate relief” na lamang ang P125 dagdag-sahod na hinihingi ng mga manggagawa sapagkat hindi na ito aabot sa tinatawag na nakabubuhay na sahod. Ikalawang ipinapanawagan ng mga manggagawa ang pagbasura sa kontraktwalisasyon na isa sa mga iskemang nagsasamantala sa mga manggagawa. Batay sa isinagawang sarbey ng Samahan ng Manggagawa at Kristiyano sa Pamayanan (SMKP) noong 2011, 16,000 manggagawa ang kontraktwal sa 47 pagawaan sa Maynila. At sa mga sarbey, 12,000 na manggagawa ang kontraktwal na

nagtatrabaho sa mga pagawaan sa Novaliches. Walang sapat na benepisyong natatanggap ang isang manggagawang kontraktwal at kadalasan hindi nila natatamasa ang kanilang mga karapatan bilang isang mang-

PHOTO CREDITS: Arkibong Bayan

gagawa. Kabilang sa ipinagbabawal ang pagtatatag ng unyon ng mga manggagawa na sumasagka sa isa sa kanilang karapatan sapagkat ayon sa International Labour Organization (ILO) na nagtataguyod sa mahahalagang karapatan ng mga manggagawa, may karapatang sumali ang mga manggagawa sa mga unyon na malaya mula sa

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE! Elaine I. Jacob

panghihimasok ng pamahalaan at tagapangasiwa. Pagbasura sa Oil Deregulation Law ang ikatlong panawagan ng mga manggagawa. Noong Marso 15 nagkaroon ng “Protestang Bayan Laban sa Overpricing sa Langis” bilang pagkondena sa tuloy-tuloy na pagtaas ng presyo at mahigit P9.00 overpricing sa kada litro ng langis. Inilantad nito ang sabwatan ng administrasyong Aquino at ng mga kartel ng langis sa patuloy na pagpapatupad ng Oil Deregulation Law at pagsingil ng 12% VAT sa mga produktong petrolyo. Muli, tumampok na naman ang kawalangaksyon ng gobyerno sa kabila ng mga panawagan. Ipinababasura rin nila ang Visiting Forces Agreement (VFA) at Mutual Defense Treaty (MDT) ng US sa Pilipinas dahil wala itong magandang naidudulot sa mga Filipino. Ayon sa mga grupo ng manggagawa, makikita kung paano binibigyan ni PNoy ng “special treatment” ang mga sundalong Kano habang ang mga Filipino ay parang iskwater kung ituring sa sariling bayan. Ayaw dagdagan nang makabuluhan ang sahod ngunit maraming insentiba sa mga kapitalistang Amerikano. Nagpapalaganap ng pansamantalang trabaho habang ginagawang permanente ang mga base-militar ng Kano. Ayaw bawasan ang buwis na kinokolekta sa mamamayan kasama ang VAT sa langis, ngunit nagbibigay ng pondong pansuporta sa mga tropang Kano na nagpapalala sa interbensyon ng US sa Pilipinas. Mga Kampanya Sa kabilang banda, mayroon ding ibang kampanyang pinatampok ang mga progresibong grupo na nakiisa sa laban at protesta ng mga manggagawa at mamamayan. Sa sektor ng kabataan at kababaihan ay kinokondena ang K to 12 na nagsisilbing banta sa kabataan na maging “labor export” ng bansa,

ang monopolyo sa langis, at ang interbensyong US. Mas mataas na sahod naman ang hinihingi ng kaguruan maging ng mga kawani ng gobyerno. Mas mabilis na pamamahagi naman ng lupa sa Hacienda Luisita ang kampanya ng mga magsasaka. Patuloy na pagiibayuhin ng mga manggagawa ang pakikibaka para sa mas makabuluhan na sahod kasabay ng pagbubuo ng samahan ng mga kontraktwal sa pangunguna ng KMU.

Pinagmulan Nagsimula ang pakikipaglaban ng mga manggagawa para sa mas maigsing oras ng pagtatrabaho-mula sa 10-12 na oras, pinaglaban nila na gawin itong walong oras. Ang walong oras na ang naging pangunahing pangangailangan ng maraming unyon. Noong 1872, nagwelga ang mga manggagawa sa siyudad ng New York at kanila itong napagtagumpayan. Sa Chicago naman noong 1886, marahas na binuwag ang hanay ng ilang daang aktibista na nagpoprotesta para igiit ang karapatan ng mga manggagawa. Bunga nito, noong 1888 nagpasya ang American Federation of Labor (AFL) na ang ika-isa ng Mayo, 1890 ay araw na hindi magtatrabaho ang mga manggagawa nang higit pa sa 8 oras. Nang sumunod na taon, sumang-ayon sa petsang ito ang International Workingman’s Association. Dahil dito, ang ika-isa ng Mayo ay naging araw ng taunang pandaigdigang protesta ng mga manggagawa para sa kanilang mga karapatan. Umabot sa tatlong dekada bago napagtibay ang Adamson Act na nagtakda ng walong oras na paggawa sa karaniwang araw para sa mga manggagawa at noong 1983 nagpasa ang Federal Government ng Fair Labor Standards Act upang maging legal ang walong oras sa karaniwang araw para sa lahat ng manggagawa.

PNU TAAI gained SEC registration

PHOTO CREDITS: Analie R. Bolo-Apostol, PNUTAAI BOT member

For many reasons, The Torch alumni founded the Philippine Normal University Torch Alumni Association, Inc. (PNU TAAI) on November 19, 2011 that is officially registered in Security and Exchange Commission (SEC) on March 19, 2012. Primarily, PNU TAAI objectives are: (1) to provide mutual aid and professional growth to PNU Torch Alumni members; (2) to provide relevant assistance to The Torch Publications; (3) to provide an opportunity for Torch Alumni to reconnect with one another; (4) to provide and facilitate

services through seminars, trainings, and competitions for the promotion of campus journalism for elementary pupils, high school students and campus paper advisers both in the local and national levels; (5) to defend and advance campus press freedom through strong collaboration with the current The Torch Publications Editorial Board in both and in all levels of education (Elementary, Secondary and Tertiary); and, (6) to offer opportunity for members of association to stay up to date with knowledge and skills through providing them lectures, educational discus-

sions (local and national issues) and fora. According to PNU TAAI President and The Torch Editor-inChief 2005-2006 Mark Anthony Bercando, “Activities are still subject for approval but definitely the association will have training for students and advisers on campus journalism, will promote Evelyn Pacheco as campus press freedom icon of The Torch Publications, will give scholarships for Torch Editors, will support for The Torch Publications and many more.” More so, PNU TAAI approved its constitution during its First General Assembly last May 12, 2012.

The PNU TAAI Executive Committee is composed of Mark Anthony Bercando, President; Manolo Pena, Vice President; Let Antolin, Secretary; Jennifer Alinsunod, Treasurer; and, Ralph Malacad, Auditor. The Board of Trustees (BOT) members are Prof. Guillermo Roman, Prof. Genaro R. Gojo Cruz, Christian Jeff Cariaga, Josiah Echano, Ces Capili, Ana Bolo-Apostol, Celeste Aspiras, Prof. Mary Ann Majul, Jonathan Vergara Geronimo, and Christine Dela Cruz.

Elaine I. Jacob

JTS ‘12 declared new BOE TOMO 65 BILANG 1

The Torch Publications held the annual Journalism Training Seminar (JTS) ’12 at 888 Private Resort, Brgy. Pansol, Calamba, Laguna last March 26-31, 2012 to form a new set of editors. Speakers from the mainstream media and academe graced the student-writers a series of seminars and lectures on journalism and literature. After which, the Independent Screening Committee (ISC), composed of two The Torch alumni, an administration representative, a faculty representative

and a media practitioner, assessed and selected the new set of Board of Editors (BOE) through a sequence of examinations and interview. Here is the list of those who made it to the Board: Donnadette S.G. Belza (AB/BSE Literature) retained onto her position as the Editor-in-Chief, Ethel Diana G. Jordan (BSE Filipino)— Associate Editor in Filipino, Ma. Cherry P. Magundayao (AB/BSE Literature)—Associate Editor in English, Geraldine Grace G. Gar-

CEGP held 72nd NSPC Ma. Cherry P. Magundayao

College Editors Guild of the Philippines (CEGP) held its 72nd National Student Press Convention (NSPC) at Puerto Princesa City, Palawan last May 14-18, 2012. CEGP, the widest and oldest existing alliance of tertiary student publications in the country, annually carries out its convention in order to give lectures and discussions to assure that the socio-political consciousness as well as the journalistic skills of the student-writers is in line with the advocacies and goals of the alliance. Also, the caucus reports and evaluates the situation of each member publication with regard to campus press freedom violations. Aside from giving the usual lectures, CEGP also held a forum regarding the Palawan

situation in light of the mining violations in the mountains. Moreover, CEGP also held the 36th Biennial Student Press Congress wherein the representative of each member publication in the convention passed resolutions to be adapted by the whole alliance for two years. The Congress also elected the new National President and Vice Presidents for each island (Luzviminda) whereupon Pauline Gidget Estella won as President while Anna Patricia Santos as Vice President for Luzon. Lastly, the board of judges named the new winners of the annual Gawad Ernesto Rodriguez, Jr. in which The Torch Publications - Manila achieved 3rd place for Aklas ’12 and 1st place for Ang Sulo ‘12.

KA BUTE

HERMIE FUNGEA COCKINEA

Wooh! May klase na ulit, akalain niyo iyon, sana bakasyon na! Hehehehehe. Ang estudyante nga naman, pag pasukan na, gusto magbakasyon na agad. Pag bakasyon na, gusto may pasok na, ano ba talaga mga ate’t kuya (may kuya nga ba? Joke! :]). Mahirap nga naman pag bakasyon, walang pera dahil walang baon, hehehe. But kidding aside, I would like to welcome all the freshies out there! Welcome sa PNU! Tunay na kayong guro ng bayan! As part ng pagwelcome ko sa inyo, ito ang Top 10 na dapat ninyong malaman o isaalang-alang bilang PNUan: 10. For girls, masanay na sa tanong na, “Magne-nurse ka ba?”. Paano ba naman noh, all white ang inyong uniform, kulang na lang eh magsuot din kayo ng

white shoes at cap, hehe. For boys, masanay na kayo sa statement na, “Talaga, College ka na?”. Kasi ba naman, parang high school uniform pa rin ang suot mo, bwahahaha! 9. Darating ang panahon at tiyak na magsasawa ka sa mga pagkain sa PNU. Pansit, pasta, burger, at kung ano-ano pa everywhere. But it’s okay, paniguradong hahaba ang buhay mo kakakain ng pansit, bwahahaha. LOL! XD 8. Huwag kang magugulat kung may prof kang… alam mo na… (apoy sa background). Lalo na pag nameet mo ‘yung Hall of Famers ng Pitik Bulag! Peace! 7. Ugaliing maging maaga sa klase. Alisin ang habit ng pagiging late! Sige ka, baka maabsenan ka. Ikaw rin, baka maunauthorized withdrawal ka pa. Aww!

NEWS 7

cia (BS Mathematics for Teachers) remained as the Managing Editor, Vincent D. Deocampo (BS Information Technology Education)—Associate Managing Editor, Elaine I. Jacob (AB/BSE Literature) also remained as the News Editor, Zhen Lee M. Ballard (BSE Social Studies)—Features Editor, Emmanuel T. Barrameda (BSE Filipino)—Literary Editor and Cromwell C. Allosa (BS Chemistry for Teachers)—Research Editor. Paolo Gonzales

2nd yr BLIS spared from dissolution Donnadette S.G. Belza

"All for one, one for all!" This expression, popularized during the chaotic situation in France, becomes the mantra of Library and Information Science (LIS) Department after their sophies were spared from dissolution. As per the statement of Library and Information Science Society (LISS), the Department-Based Organization (DBO) of LIS, only nine students out of 30 qualified students enrolled in their program. This causes the possibility that the new Bachelor of Library and Information Science (BLIS) majors be phased out

as "the Office of the Admission stick to the rule with the quota due to financial constraints." Consequently, efforts were raised to open the program before June starts. To meet the 15 students quota, "[We] humbly visit to the university everyday so that the appeal's condition will be followed up. We're blessed because our beloved Dean, Head, and also the Supreme Government worked hand in hand to extend and help the campaign for BLIS course," explained LISS President Allysa Nicole Ordonez. According to former LISS President Micah Marie

Bulig, "Some LIS students endorsed the course and decent actions were done by LIS faculty. Only this June that we're able to reach the required number of students, and so, by God's grace, there will still be 2nd year LIS students." Two students without majorship and four others were recruited to the program. The Cavite Chapter of Library Society offered 30 scholarships for the PNUans residing in Cavite who are willing to take BLIS as their degree.

mo pag bigla kang sinita ng guard dahil naka-tsinelas ka, o dahil sa gupit mo, o dahil sa sapatos mo. Wala nang bago rito. Huwag kang mag-alala, mabibigyan na nang linaw kung ano nga ba ang tunay na polisiya ukol dito. Malapit na kasing ilabas ang revised handbook. 2. Huwag kang magtaka kung palaging walang tubig sa CR.Haller! May budget cut eh! Di tayo rich! 1. Higit sa lahat, may posibilidad na magkaroon ng Tuition Fee and Other Fees Increases (TOFI). Paano ba naman, dahil sa budget cut sa sektor ng edukasyon, hindi sumasapat ang pondong inilalaan sa ating Pamantasan. Kaya Public-Private Partnership (PPP) ang nakikitang solusyon, ngunit hindi ito ang tunay na sagot. Stand for higher state subsidy for PNU and Education sector ang tunay na solusyon.

I hope new PNUans that I was able to give you the most helpful tips. But wait, of course, don’t forget to always grab a copy of The Torch and read it. Again, welcome sa bagong yugto ng inyong buhay! Congrats, guro ng bayan ka na! See you next time.

Chart List 6. For sure, mabibilang ka rin sa INC Community. Pasintabi po sa Iglesia ni Cristo pero hindi po kayo ang tinutukoy ko. INC means incomplete. Laganap kasi ang pag-ulan ng INC sa PNU, kaya boys and girls, better keep all your exams, seatworks, at kung ano-ano pang papel. Kakailanganin mo ang mga iyan pagdating ng panahon. 5. Masanay ka na kung bumabagyo’t bumabaha na, eh wala pa ring announcement ang PNU kung may pasok ba o wala. Na-suspend na ang klase sa TUP; Sta. Isabel at buong U-belt, eh may pasok pa rin ang PNU. 4. Always bring slippers. Dahil nga bumabagyo na’t lahatlahat, eh may pasok pa rin ang PNU, malamang na lulusong ka sa baha. Mabuti nang magpalit ng tsinelas kaysa naman mabasa ang sapatos mo at magkaalipunga ka. Yuck ‘yun! Eewww! 3. Huwag iinit ang ulo

“Always bring slippers. Dahil nga bumabagyo na’t lahat-lahat, eh may pasok pa rin ang PNU, malamang na lulusong ka sa baha.”


8 FEATURES

PNU Freshies Stereotypes

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE! Lloyd Christian Estudillo

Welcome to (AB)Normal University!!! Bagong academic year na naman! At sa bagong taon na ‘to, isa na namang bagong batch ng soon-to-be-teachers (na maaaring wala lang choice kaya naisipang mag-educ) ang maguguluhan at mawiwirduhan sa mundo ng kolehiyo. Sino-sino kaya ‘tong freshies na ito? Kung Makita mo man ang sarili dito, tandaan na ito’y pang katatawanan lamang at karagdagang kaalaman. Kaya walang abangan sa gate o kaya sa SM, ha? Rakenrol!

6. Pa-goody dude

1. Urong-Sulong

Kahit di sila nanliligaw, akmang-akma sa kanila ang kantang ito ni Regine Velasquez. Paano ba naman, sa gate pa lang, halos himatayin at majebs na sila sa kaba. Ang masama pa, nahihiya pa silang magtanong. Naku tsong! Bawas-bawasan ang inom ng kape para di laging kabahan. Payong kaibigan lang, maigi nang magtanong at magmukhang tanga kaysa di magtanong at manatiling tanga.

2. Coup (e)Pal

Wala pa namang coup d’état, pero may mga coup pa rin na kailangang ayusin dito sa pamantasan, tulad ng mga pasilidad at mga coup b’etat para magamit ng mga bagong iskolar. Ngunit, may mga coups pa rin na walang magawa sa buhay kundi ang umeksena. Sila ang mga epal at walang magawa sa buhay nila. Mga mahilig mang-alaskqa at mag-joke na kung hindi korni ay wala sa hulog. Mayroon naming gusto lang talaga sirain ang araw mo. Pwede mo naman silang maging kaibigan, yun nga lang lumipat sa ibang dimension para masakyan ang kakaibang trip nila.

3. Jowa Hunter

Kung may “City Hunter,” meron din naming “PNU Hunter” – mga naghahanap ng kalabidabs dito sa loob ng pamantasan. Hindi ko alam kung saan nila narinig ang balitang maraming kyut dito pero baka pagsisihan nila na pumasok sila pag natuklasan nilang iba ang preference ng natitipuhan nila. Katropa at madalas nilang kasama ang mga modelo ng PNU – modelo dahil parang hindi kursong education ang kinuha sa kapapaganda. Ingat-ingat lang, dahil baka bago pa maging certified guro ng bayan, eh maging nanay o tatay ng bayan na agad. Alalahanin si Angelito, ang batang ama.

4. Walking Museum

Sakto! Katapat lang ng PNU ang Pambansang Museo kaya di na nakapagtataka kung dito mag-aaral ang nagbabalak sumunod sa yapak nito – ang susunod na “National Museum”! Unang araw pa lang, makikilala mo na ang mga taong ‘to sa dalas nilang mag-‘display’ at mag-‘exhibit’ ng mga hangin nila sa katawan: ngiping may dyamanteng bakod, selpong sampung beses ang laki ng presyo sa tuition, katawang seksi/batu-bato at mga alagang mukhang tao (talo pa mga museum na sira ang aircon). Hindi rin nila kayang palampasin ang pagkukwento ng mga karanasan nila, tourist destinations na napuntahan, mga contest na nasalihan at napanalunan, at kung ano-ano pa.

5. Grey Matter

Hwop! Di nila balak iligtas ang earth sa mga alien (wapakels sila dun). Dahil mas natatakot sila pag hindi natupad ang pangarap nilang maging cum laude! Kompetisyon at paramihan ng merit ang nagpapatakbo sa mga utak nila (talo pa negosyante), kaya naman maungusan lang nila nang konti eh end of the world na para sa kanila. Sa magiging mga kaklase nila, ingatan ninyong wag silang magsama-sama, dahil pag nagsimula na sila sa kanilang “intellectual masturbation,” dalawa lang ang pwedeng mangyari sa inyo: ang makapagtake-down notes at matuto, o ang ma-O.P. at labasan ng dugo sa ilong.

Ilan lamang sila sa mga pwede nating makasalamuha ngayong taon. Iba rito’y may di magagandang katangian, na sa paglipas ng budget cut, bagong curriculum, at iba pang mga himala ay maaaring mabago. Isa lang ang malinaw – ang patuloy na pagpili at pagpasok ng mga high school graduated sa kursong education, lalo na rito sa Normal, ay patunay na maraming kabataan pa rin ang naghahangad na makapaglingkod sa bansa bilang mga guro.

Hindi ko alam kung bakit. Hindi mo rin alam kung bakit. Magiging isang palaisipan sa iyo kung ang pagiging magkaklase nyo ay isang regalo mula sa langit o sumpa. Sa gagawin niyang pagsunod sa mga pabor mo araw-araw, mapapatanong ka sa iyong sarili kung ba’t nya ito ginagawa. Either may gusto siya sa’yo at nagpapakyut, sumisipsip at nagpapalakas (na epektib lalo na kung balak niyang tumakbo sa Student Government elections), o sadya lang talagang mabait. Ano man ang sagot dun, wag mo siyang abusuhin at saktan, dahil baka dumating sa buhay mo ang susunod na karakter, na nagkataong ultimate opposite niya.

7. Satan Incarnate

Eksadj pero maaari. Maaari mong matsambahan at maging kaklase ang perfect pahirap sa buhay. Itong tao(?) na ito ay tilay nagkolehiyo lang para sa mas malaking baon, a t pumapasok lang para magliwaliw (at napakaswerte niya dahil marami siyang mapupuntahan sa komersyalisadong paligid ng PNU). Kadalasan siyang nakikitang tumatambay at nagkakape sa mga mall sa panahong gawaan ng group projects at theses. Saan kaya siya galling? Siya ba ang naipon at naghihiganting kaluluwa ng lahat ng dagang costa, colored sisiw, komang at ipis na napatay mo noong bata ka? Totoo man o hindi, pabayaan mo na yun. Basta iwasan mo lang siyang maging dormmate. Gudlak!

8. Time-space Traveller

Mamaya kasama mo. Mamaya wala na. Sa dami ng sinalihang club, mawawalan siya ng oras sa iyo (malas mo kung may karelasyon kang ganito). Kung magkatabi kayo ngayon, subukan mong pumikit, at sa pagdilat mo wala na siya (nandun na siya sa kabilang building, may pinuntahang ibang symposium o meeting sa iba niyang org). nakasanayan na niya ata ang pagsali sa lahat ng org hanggat kaya ng katawan – at ngayon, sa kolehiyo naman. Kaya nung freshmen orientation, malamang ay naglaway siya sa tuwa at excitement. Baka sa taas ng agitation, eh salihan niya ang lahat at maging full-pledged member ng bawat isa. Sa magiging kaklase niya, subukan nyo siyang ikulong at ipitin sa isang lugar lang – sa upuan niya sa klasrum. Mag-acad mode din kuya/ate. Walang major in extracurricular activities dito.

9. Armandong B.

Hindi sila kalaban ni Batman. Hindi rin sila mahilig magbigay ng mga palaisipan. Pero mahilig silang magtanong ng “bakit” – Bakit mahirap ang Pilipinas? Bakit hindi maayos ang sistema ng edukasyon? Bakit di pa rin sinusundo ni Satanas ang mga ganid sa kapangyarihan? Kakaiba lang silang magpahayag ng saloobin. Minsan ginagawa nilang training ground at klasrum ang lansangan upang ipakita ang paglaban sa lumalalang sitwasyon ng ating bansa dahil sa kabuktutan ng mga nasa kapangyarihan. At dahil sa mga ito, maaaring hindi nila naipahayag ang mga ideya’t pananaw nila noong high school, ngunit malaya na nila itong magagawa ngayon. At kung mapili man nila na idaan ito sa paraan ng pagsulat, maaaring magpunta sa opisina ng The Torch Publications sa Room C, 2nd floor ng Student Center Building. See you!

TOMO 65 BILANG 1 INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

ABAKADA Bago mo pa man mabigkas ang mga salita sa diksyunaryo, encyclopedia, gutay-gutay mong aklat noong ika’y nasa elementarya at kahit ang dyaryong pinambalot sa tinapa, nakakasiguro akong dumaan ka rin sa ABAKADA. Dito ka unang natuto at naging literado. A-ko Sino nga ba ako? Hindi ako tagarito pero sabi ng bumuo sa akin, isa akong programang kasalukuyang administrasyon na makatutulong upang mapataas ang kalidad ng edukasyon sa Pilipinas. Naisip kasi nila na, “ABAKADAhil kulang ang inilalaang taon sa pag-aaral kaya nangungulelat ang bansa pagdating sa larangan ng edukasyon.” Matapos mag-muni-muni, agad akong inangkat noong nakaraang taon at ipinatupad pagpasok ng kasalukuyang akademikong taon kahit hindi pa man ganap na buo ang aking kurikulum. Pinangalanan akong K to 12. Sa sistema ko magkakaroon ng karagdagang dalawang taon sa basic education, kaya kung dati maaari kang gumradweyt sa edad na 16, ngayon 18 na. Magkakaroon din ng compulsory kindergarten kung saan hinihikayat ang mga batang limang taong gulang na mag-aral para pagtungtong ng Grade 1, lahat ay marunong nang bumasa at bumilang. Mananatiling anim na taon ang pagaaral sa primarya (Grade 1-6) ngunit daragdagan ng dalawang taon ang dating apat na taon sa sekundarya. Tatawaging Junior High School (Grades 7-10 o HS Year 1-4) ang dating apat na taon sa sekundarya habang ang karagdagang dalawang taon ay Senior High School (Grades 11-12 o HS year 5-6). Sa kabuuan, gugugol ng labintatlong taon. Sa mga nangangarap at kayang magkolehiyo, mababawasan ng isang taon ang kanilang pag-aaral. Kaya’t ang dating 4 taong kurso, halimbawa, ay magiging 3 na taon na lang. Malaki ang magiging pagbabago sa kurikulum, malaking paga-adjust para sa mga estudyante’t guro. Halimbawa, magiging 10 na ang asignatura sa Grade 1. Kinabibilangan ito ng English, Math, Filipino, Araling Panlipunan, Edukasyon Pagpapakatao, MAPEH at Mother Tongue. Maliban sa pagtuturo at pag-aaral ng ating opisyal na wika (Filipino), gagamitin din ang Mother Tongue bilang medium of instruction. Ibig sabihin, kinakailangang magturo ng isang guro na nasa Bicol gamit ang lokal nilang wika, ang problema, hindi naman lahat ng local na wika ay may framework na kung paano ito ituturo. Kung mayroon naman, mabuti ito sapagkat marami nang saliksik na mabisa ang pagkatuto kung gagamitin ang ating lingua franca. Ang isa pang daing ng mga Grade 1 teacher ay ang bagong asignturang MAPEH dahil bukod sa hindi lahat ay gamay

at K to 12

ang asignatura, wala ring librong ibinigay ang gobyerno upang maging gabay nila sa pagtuturo. Samantala, binawasan naman ng oras lahat ng asignatura sa hayskul. Apat na oras na lang sa isang linggo ang gugugulin sa pag-aaral. Mas mababa naman ang inilaang oras para sa Araling Panlipunan, ang asignaturang naglalaman ng tunay na kasaysayan at kalagayan ng

demics, Technical-Vocational, at Sports and Arts pagtungtong nila sa Senior High. Sa aking pagsulpot marami ang sumuporta ngunit mas maraming kumokontra. Upang malaman ang kanilang saloobin tinanong ko sila kung... BA-kit? Ayon sa Department of Education, mababang marka ng

ating bansa at ng buong mundo. Bukod pa rito, magiging integrated ang pagtuturo ng Sciences kung saan ituturo ang apat na sangay nito (General Science, Biology, Chemistry, at Physics). Kahit Biology ang tinapos ng guro, mapipilitan siyang ituro apat na sangay kahit wala siyang sapat na kaalaman sa mga ito. Magkakaroon din ng dagdag na dalawang oras para sa tinatawag na Interactive Cooperative Learning kung saan hahayaan ang mga estudyante na magkaroon ng interaksyon sa bawat isa. Isa pa, magdadagdag din ng isang oras para sa Homeroom Classes na pangungunahan ng kanilang guro. Wala pa ring tiyak na programa na inilalabas para sa karagdagang dalawang taon ngunit malinaw na maaaring magkamit ang mga estudyante ng Certificate of Proficiency, Certificate of Competency o National Certification sa kanilang espesyalisasyon kabilang ang Aca-

mga estudyante sa taunang National Achievement Test (NAT) at International Tests tulad ng Trends in International Mathematics and Science Study (TIMSS) ang nagtulak sa pamahalaan upang ipatupad ako. Subalit sa tala ng TIMSS noong 2010, lumalabas na ang mga bansang may mababang bilang ng taon tulad ng Hungary at Bulgaria na may mas maiikling elementary cycle kaysa sa Pilipinas ang nakakuha ng mas mataas na marka. Ito ay dahil sa paglalaan nila ng sapat na badyet sa edukasyon. Patunay lamang na hindi kinakailangang patagalin ang isang bagay basta’t sa maikling panahon ay napunan ang dapat punan. “Hindi handa ang DepEd sa pagpapatupad nito. Una, wala pa itong batas para ipatupad. Pangalawa, walang sapat na badyet para sa mga training ng teachers, pagbibigay ng additional textbooks and teachers’ manual, at mga kagamitan sa es-

FEATURES 9 Zhen Lee M. Ballard

kwelahan. Ang ACT Teachers Party-list ay tumututol sa K to 12 dahil hindi ito ang kasagutan para sa pambansang industriyalisasyon bagama’t hindi kami tumututol na maireporma ang sistema ng edukasyon,” pahayag ni France Castro. Totoong tanging ang Pilipinas na lang sa mga bansa sa Asya at isa sa tatlong bansa sa buong mundo (Angola at Djibouti) ang gumagamit ng 10-year basic education cycle. Ayon sa DepEd, ito ang naging hadlang upang kilalanin ang mga propesyonal na Pinoy sa ibang bansa. S a kabilang banda, ayon kay Einstein Recedes ng NUSP, kung iisiping mabuti hindi kinakailangan ng Pinoy na lumabas ng bansa at magpumilit na kilalanin ng mga dayuhang korporasyon kung mayroon namang matinong trabaho at nakabubuhay na sweldong maiaalok ang pamahalaan sa loob ng bansa. P i noy para sa Pinas, hindi para magpaalipin at maglingkod sa dayuhan. “Kilalanin at mahalin ang sariling atin,” ito ang kailangan ng bansa at hindi ang mga programang pumapabor sa interes ng mga dayuhang bansa; hindi ang K to 12 na nagpapaigting sa Labor Export Policy na lilikha ng semiskilled labourers upang ikalakal sa mga dayuhang korporasyon sa halip na makapag-ambag sa ikauunlad ng sariling bansa. Sa aking pagsisiyasat, napagtanto ko na punong-puno pala ako sa … KA-ku-la-ngan Sinabi ni DepEd Secretary Bro. Armin Luistro sa isang National Education Forum noong Mayo 2011, “When media asked me what is the one basic problem in education, it’s not building classrooms and hiring teachers. The root cause is really the program and the curriculum.” Ngunit taliwas sa datos ng Kagawaran ng Edukasyon, umaabot sa 101,612 na guro ang kulang, 66,

800 silid-aralan, 2,573,212 upuan, at 135,847 patubig at sanitasyon. Kung meron mang hindi nagkukulang, ito ay ang bilang ng mga estudyante sapagkat patuloy ang pagtaas nito taon-taon. Humigi’t kumulang 2.5 milyong enrolees ang tinatayang dadagdag sa secondary level at 3.8 milyon naman sa elementary level para sa akademikong taon 20102011 hanggang 2016-2017. Hindi maikakaila na malaki ang epekto ng mga kakulangang ito sa batayang pangangailangan ng edukasyon upang mapataas ang kalidad nito. Kung hindi ito matutugunan, mawawalan ng saysay ang “magandang programa” at makapagdudulot pa ng karagdagang dalawang taong paghihirap sa mga magulang, guro at kabataang mag-aaral. Para saan pa ang bagong kurikulum kung wala namang mahuhusay na guro na magtuturo dahil napilitan na silang lumabas ng bansa dulot ng mababang sahod sa sariling bayan? Para saan ang K to 12 kung wala namang librong babasahin, at kung meron man, kadalasan ay gutay-gutay na, hindi pa updated. Paano ka rin matututo sa mala-sardinas na kalagayan? Noong nakaraang taon lamang, naglabas si Bro. Luistro ng DepEd Order No 37 o “Policies and Guidelines on the Implementation of the Universal Kindergarten Education for SY 2011-2012” kung saan nakasaad: (1) Schools without kindergarten classrooms shall utilize available classrooms, library, science laboratory, home economics building, resource center, and OTHER AVAILABLE SPACES. (2) In cases where classrooms and other spaces are not available within the school premises, school heads are urged to link with the Local Government Units (LGUs) for the use of existing day care centers and/or barangay halls. Ipinapakita lamang nito ang kawalang kahandaan ng pamahalaan para sa programa. Kung ang ganitong problema ay hindi pa mabigyan ng magandang resolusyon ng gobyerno, ilang problema pa kaya ang lalala? Nilabag din ng Kagawaran ng Edukasyon ang RA 7836 o “Philippine Teachers Professionalization Act” of 1994, Section 27 nang itakda nila ang Order No. 37 matugunan lamang ang kakulangan sa Kindergarten teachers. Dito, lumalabas na hinahayaan na ng kagawaran na magturo sa kinder ang mga unqualified at unlicensed teachers. “Papayag ba tayo na magtrabaho sa ospital ang isang unlicensed nurse? Papayag ba tayo na magtayo ng building o tulay ang isang unlicensed engineer? sundan sa susunod na pahina.


10 FEATURES

H E R S T O R Y

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

Research Team

Pinagmulan Nagsimula ang kasaysayan ng PNU Library mula sa iba’t ibang aklatan na nakatayo sa iba’t ibang sulok ng Pamantasang Normal ng Pilipinas. Unang itinayo ang Laboratory School Library noong 1936. Sinundan ito ng Main Building Library noong 1952. 1967 naman nang itinayo ang Child Study Center bilang isang bahagi ng Main Building Library. Noong 1970, itinatag ang Graduate Library at huli, ang Philippine Normal College Language Study Center na nagsimula ang operasyon noong 1979. Ang mga nasabing aklatan ay magkakahiwalay na nakatayo sa apat na sulok ng pamantasan. Sa loob ng maraming taon, ang mga ito ang nagsilbing aklatan ng mga PNUan na gustong magaral at magsaliksik. Hanggang sa itayo ang isang library building noong 1984 na naglalaman ng iba’t ibang koleksyon ng mga aklat at iba pang archive materials ng pamantasan. May 3, 1985 nang pormal na pinasinayaan ang nasabing gusali. Ito ay inihandog ng gobyerno ng Japan bilang regalo sa pamamagitan ng Japan International Cooperation Agency (JICA). Itinayo ang gusali hindi lang para maglaman ng mga libro kundi upang maglaman din ng research materials ukol sa edukasyon at mga kaugnay na larangan nito. Nagsisilbi rin itong repository ng theses at iba pang written materials na may kinalaman sa edukasyon at ibang pang larangan. Dahil dito, naging research ground ang library hindi lang para sa mga estudyante ng PNU kundi para rin sa ibang estudyante, guro o propesor ng iba’t ibang paaralan na nais magsaliksik. June 2003, nilikha ang Library Technology Center at Library Automation Project na nagkakahalaga ng P3,000,000 na pinondohan ng Department of Science and Technology-SEI (DOST-SEI) kaakibat ang P2,000,000 pondo mula sa PNU. Layunin ng mga nabanggit na programa na mas mapadali ang operasyon sa library sa pamamagitan ng paggamit ng makabagong teknolohiya. Kabilang sa nasabing proyekto ang pagtatayo ng internet room, multimedia room, online public access catalog area at security detection system. Nagsagawa rin ng pagsasanay para sa mga opisyal ng library hinggil sa online cataloguing, acquisition, circulation, at barcoding ng mga library collection. Sa kasalukuyan, kilala ang PNU Library bilang Edilberto P. Dagot Hall na ipinangalan sa dating presidente ng PNU bilang pagkilala sa mga iniwan nitong legasiya sa pamantasan at sa sektor ng edukasyon. Suliranin Kung makakapagsalita lamang ang mga aklat sa silid-aklatan, hindi lamang nito ikukwento ang nakaraan, idadaing din nito ang mga kwento ng pagsubok sa silid-aklatan na patuloy na nararanasan sa kasalukuyan. Kakulangan sa mga aklat at iba pang reference materials ang pangunahing problema ng ating aklatan. Ayon sa datos na ibinigay ng PNU Library management, naglalaman ang PNU Library ng 136,000 purchased and donated books at 44, 217 volumes of unpublished materials gaya ng theses mula sa PNU at ibang pang mga pamantasan sa buong Pilipinas. Sa kabila nito, nakabili lamang ang aklatan ng tinatayang 35 books noong 2010 samantalang 115 naman noong 2011. Mas mababa ito kumpara sa mga nabibiling libro noong 2007-2009 na higit 600 na aklat kada taon. Dahil dito, nagkakaroon ng kakulangan ang pamantasan sa updated research materials na magagamit sana ng mga estudyante sa kanilang pag-aaral. Liban sa mga aklat, kakulangan sa maayos na mga pasilidad ang isa pang suliranin ng PNU Library. Ayon sa datos na nagmula sa pamunuan ng PNU Library, kulang na ang mga silya at upuan dahil karamihan sa mga ito ay luma na at sinasabing noong 1986 pa nabili kaya’t sira na ang iba rito. Dagdag pa, kulang din ang bookshelf at lugar para sa dumaraming bilang ng unpublished materials na nadadagdag sa pamantasan. Dagdag pa, nakararanas din ng kakulangan sa staff ang PNU Library. Sa kasalukuyan, anim lamang na staff ang nakadestino sa iba’t ibang section.

Kulang ang nasabing bilang upang tugunan ang lumalaking pangangailangan ng mga mananaliksik, at ang pagsasaayos ng mga aklat at iba pang research materials sa library. Ayon pa sa pamunuan, wala ring tiyak na librarian na namamahala sa Archives Section dahil kulang ang pondo ng PNU Library upang humanap ng staff na mangangalaga rito at para mapanatiling maayos ang mga materyales na nakalagak dito. Ang mga nasabing problema ay dulot ng kakulangan sa badyet hindi lang ng library kundi ng buong PNU sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE) dahil sa sunod-sunod na budget cut na ipinataw ng administrasyong Aquino sa State Universities and Colleges (SUCs). Isa lamang ang PNU Library sa mga pasilidad sa PNU na patuloy na hindi napapaunlad dahil sa kakulangan ng pondo. Pagpapatuloy ng Kwento Bilang National Center for Teacher Education (NCTE), kinakailangan natin ng sapat na pondo upang makapagluwal ang pamantasan ng dekalidad na guro at mga makabago’t napapanahong saliksik. Bago magawa ang mga bagay na ito, nararapat na pagtuunan muna ng pansin ng pamantasan ang pagpapaunlad at pagsasaayos ng mga nararapat na pasilidad na magsisilbing instrumento para sa paghuhubog ng mahuhusay na edukador sa hinaharap. Totoong mayroong kakulangan sa pondo dulot ng budget cut ngunit hindi sana sa suliraning ito magtapos ang pagbibigay ambag sa sektor ng edukasyon. Bilang institusyon ng karunungan at kahusayan, nararapat lamang na bigyanpansin din ng administrasyon ang pagpapayaman sa PNU Library sa pamamagitan ng patuloy na pangangalampag sa pamahalaang Aquino upang ibigay ng karampatang budget para sa pamantasan at maging kaisa sa pagtutol sa patuloy na pagkakaltas-pondo at pagpapaubaya sa mga pribadong kumpanya. Hindi sapat na makita o mabasa lang ang mga kwento at itsura ng mga aklat para mabatid ang mga pakikipagsapalaran nito. Sa panahon ngayon, oras na para mapakinggan ang kanilang kalagayan ng mga taong dapat gumagawa ng daan para sa makabuluhan nilang paglalakbay katuwang ang kanilang mambabasa’t mananaliksik.

Bakit pumapayag ang DepEd na pagturuin ang mga unlicensed teacher?” mariing pahayag ni Rep. Antonio Tinio ng ACT Teachers Party-list. Dagdag pa rito, hindi rin makatarungan ang ginagawang pambabansot ng gobyerno sa kakayahan ng mga guro sa pamamagitan ng kontraktwalisasyon. Sampal sa mukha ng Kindergarten teachers na nag-aral ng apat na taon sa kolehiyo para sumahod ng 3,000 kada buwan at madalas pang delayed. “The implementation of the program will create a standing army of reserved teacher-laborers who will be more than willing to offer their services for lower salaries for the sake of getting job and hoping for tenure later. We are against the DepEd’s plans to outside the teaching employment through contractualization,” ani France Castro, Sec. Gen. ng ACT Teachers Partylist. Mistulang nangangarap nang gising ang ating Pangulo nang ipahayag niyang, “We want

our reading materials to be tablet-based so that when errors are found, it would be easier to correct and there...would be no need to recall the textbooks.” Ito ay bahagi umano ng P238.8 bilyong badyet ng DepEd para sa taong 2012 na hindi pa sasapat upang tugunan ang kakulangan sa libro at iba pang batayang pangangailangan sa pagaaral. Sa usapin naman ng kahirapan sa pagpapatupad ng K to12 tanging ang Public-Private Partnership (PPP) sa Higher Education Institustions (HEIs) lamang ang naisip ng pamahalaan upang malunasan at mapadali ang implementasyon ng programa. Dito, lumalabas na ang HEIs ang papasan sa kakulangan ng kanilang secondary schools. Sa puntong ito, ginagamit ang PPP upang mapunan ang mga kakulangan ngunit nagreresulta ito ng komersyalisasyon ng edukasyon dahil sa kulang na badyet na inilalaan ng pamahalaan na hindi malabong magpatuloy sa pribatisasyon. Sa aking mga narinig na sagot at pagsusuri, napagtanto ko na ang lahat ng suliraning ito ay…

PERS(ED) LAB

Umaga sa Buhay ni Sarao

Attendance is a Must Love Story

Ang Kwento ng Pakikipagsapalaran ng mga Libro sa Aklatan

Sa likod ng katahimikan at kapayapaan ng kapaligiran. Sa gitna ng bawat bookshelf at cabinet. Sa ilalim at ibabaw ng mga silya at mesa. Maririnig ang mga piping kwentong nagsasalaysay ng pakikipagsapalaran ng mga aklat sa loob ng silid-aklatan. Mga kwentong nakikita at nababasa ng karaniwang mata ngunit hindi naririnig ng ordinaryong tenga.

LITERARY 11

DA-hil Kulang na kulang ang pondo sa edukasyon. Kung ikukumpara ang inilaang badyet ng pamahalaan sa utang-panlabas at militarisasyon, mistulang bansot ang badyet sa serbisyong panlipunan tulad ng edukasyon at kalusugan. Kitang-kita naman na hindi binibigyang prayoridad ng pamahalaan ang edukasyon. Kung nais talaga nilang mapataas ang kalidad ng edukasyon, kinakailangan ng matibay na pundasyon. Tulad ng pagkatuto kung paano bigkasin ang bawat salita sa pahina, marahan nating pinag-aaralan kung paano ang pagbuka ng ating mga bibig. Bago mo mabasa ang ibang babasahin, ABAKADA muna. Bago magpatupad ng bagong programa siguraduhing lahat ng butas sarado na para walang nangangapa. DA-pat KA-si BA-ta-yang pa-nga-nga-i-la-ngan mu-na ba-go A-ko!

Nagpang-abot ang pagkakakagat ng kamay ng relo sa ikalima ng hapon at ang pagpasok ng uugodugod na si Propesor Salazar sa silid-aralan. “Good afternoon class. Before anything else, let us first check the attendance.” Bungad ng matandang propesor na walang ibang ginawa sa klase niya kundi ang mag-attendance. Kasing tanda niya ang pamantasan, nakasama niya pa nga siguro ang mga Thomasites sa pagtatayo ng kampus. “Alaska. (present) Alphine. (present) Bearbrand. (present)….” Pers Ed na naman. Ang salimpusa sa lahat ng mga halimaw na subject sa pamantasan. Isang oras sa isang linggo, joke time di ba? Dito, hindi kinakailangan ang mga nagkakapalang libro at mga demanding na syllabus. Ang kailangan lang ay mapuno ang record ng attendance. Makakasalubong mo sa subject na ito ang birtud ng pagsusuklay at pagmemekaniko sa pisikal na kaanyuan at kahusayan sa pagpili ng mga nababagay na kasuotan sa napapanahong okasyon. Kaya naman matutunan mong wag gumamit ng apron at sando sa mga pormal na pagtitipon at higit sa lahat wag na wag mandudura ng mga magiging estudyante. “Lito, lilipat ako ng school.” Si Loren Ybañez, kababata ni Lito. Wala naman talagang balak na maging guro sa hinaharap si Loren. Dahil lang sa panghi-

hikayat sa kanya ni Lito kaya siya pumasok sa pamantasan. Kung siya ang papipiliin, gusto niyang maging astronaut. “Na naman? Haha! Anong ginagawa mo dito? Alphabetical ang upo natin a.” “Castor. (present) Dolores. (drop na po sir) Domingo…” “Present sir.” Si Lito Domingo, anak ng magsasaka. Suki ng samu’t saring scholarship. Magmula sa programa ni mayor hanggang sa proyekto ng Akayin Mo sa Liwanag ng Buhay Foundation. “Wala na si Dolores. Nag-AW na siya kahapon. Hindi raw kinaya ng budget ng pamilya nila e. Lalo’t magtataas na naman ng tuition next sem.” Binulong sa kanya ni Loren habang hinahanap sa diyaryo ang kanyang horoscope. Ang pamantasan ngayon ay isa nang semi-private at “almost” sectarian school. Nagtagumpay ang dating Pangulong Benigno “Noynoy” Aquino III sa pagsasapribado ng halos lahat ng mga pampublikong institusyon. Makalipas ang ilang dekada, ang pamangkin niyang si Pangulong James Aquino-Yap na ang nasa palasyo. Ang pagkakahirang na ito ay malaking banta na naman sa pagsasapribado ng pamantasan. Ilang pribadong kompanya na ba ang nakasawsaw sa sistema ng pamantasan ngayon? Kaya naman hindi na mapigilan ng administrasyon ang pagtataas ng tuition. Lalo pang

L I T E R AT E : Sa lahat ng maikling kwentong isinulat ni GEM ay may mga batang tauhan-(si Leoncio, mga batang naglalaro ng bangkang papel at ang estudyante ni Mabuti). Isang kabalintunaan dahil sa totoong buhay ay hindi siya nagkaroon ng anak.

Julisa V. Mojica Di pa sumisilip ang mga silahis ng araw ay pilit na niya akong gigisingin Pilit na pasisimulan ang ugong na nagpapanginig Sa aking katawan Upang simulan na ang buong araw ng pakikibaka Mabubuhay sandali uubo at mamamatay

magiging mahirap ang kalagayan ng pamantasan kapag napasakamay na ng mga pari’t madre ang posisyong pinamamahalaan pa ngayon ng mga administrador. Sa dulo nga ng buwan, nakatakda nang palitan ang pangalan ng pamantasan¬ – Philippine Normal University Inc.-Recolletos. “Lilipat na talaga ako ng school.” “Mazda. (present) Mercedez. (present) Mitsubishi. (present)….” Tatlo lang ang paksang ikinukwento ni Loren sa tuwing tatabi siya kay Lito. Una ang pagbabanta na lilipat siya ng pamantasan, ikalawa ang pagkukwento ng mga babala sa kanyang zodiac sign na nabasa sa Libre at ikatlo ang iskedyul ng mga shooting star, lunar eclipse at iba pang inter-galactic phenomenon. “Nakita mo ba yung Supermoon nung Sabado?” “Loren, sasama ka ba sa field trip natin sa Math?” “Hindi ka naman nakikinig e.” “Tulfo, Ben. (present) Tulfo, Erwin, (present) Tulfo, Mon. (nasa airport po)….” Ganito sa PNU

ngayon. Lahat ng subject may field trip. Ang matindi pa-graduate na rin ang mga field trip sa dati nitong mga ruta: pagawaan ng tinapay, softdrinks at jelly ace. Ngayon ang mga destinasyon ay hindi na lang nagpapakulong sa ating bansa. “Hindi ako sasama, bahala ka diyan!” “Hala….” Palagi namang ganito ang ending ng paguusap nila. Asahan na sa buong taon palaging magbabanta ng paglipat ng pamantasan si Loren lalo’t hindi pa rin napapanatag ang mga estudyante na wala nang magiging pagtaas pa ng matrikula. “Ybañez….” “Present po.” “Ok class, we don’t have enough time. Next meeting prepare an essay with a theme, ‘why I chose PNU as my school.’ goodbye class.” Napalingon ang lahat sa mabibilis na katok sa pinto. Hindi malinaw ang mga sigaw mula sa labas. Sunod-sunod ang mga kalampag, nagmamadali at nagwawala. (Itutuloy)

Pagod na nga yatang talaga ang aking kabuuan na ni hindi napapalamutian o naaayos man lang Ni hindi nga napapaningning ang tansong kabayo sa harapan o napipinturahang muli ang mga karatulang patawa o pang-uyam Isa pa isa pang pagpupumilit Isa pang paghigpit ng susi Hindi maaaring sumuko ‘pagkat maraming mga munting matang nakatunghay mga mukhang nagsusumamo at mga sikmurang kumakalam kahit pa nga kaunting pera lang ang sa palad niya’y maiwan mula sa buong araw na pkikibaka sa usok at ingay ng kalsada habang ang nakaupo lang sa malambot na silya ang tatanggap ng mga papel na pera Isa pang ubo’t buga bago ang tuluyang pagkabuhay ng nangingig kong katawan Pangingig at ugong na magpapatuloy sa buong araw upang sa gabi’y maibsan kahit kaunti ang mga munting matang nakatunghay mga mukhang nagsusumamo at mga sikmurang kumakalam at sa kinabukasa’y uulitin muli ang walang katapusang siklo upang kahit minsan sa isang araw ay matugunan ang mga munting matang nakatughay mga mukhang nagsusumamo at mga sikmurang kumakalam.

IKA-21 GAWAD GENOVEVA EDROZA-MATUTE “Ang Pagtalima at Paglabag ng mga Manunulat sa Ika-limang Utos ng Diyos” Integral ang ginagampanan ng kamatayan sa mga akdang pampanitikan magmula sa panahon ni Bucaneg at ng kanyang “Biag ni Lam’ang” hanggang sa panahon ni Rizal at ng kanyang “Noli Me Tangere.” Maging sa panahon ng pananakop ng mga Amerikano hanggang sa pagyabong ng panitikan sa panahon ng Hapon hanggang sa pag-aaklas ng panulat ng mga aktibistang manunulat sa pangunguna nina Jose Lacaba at Bienvenido Lumbera hanggang sa kontemporaryong panahon nina Jun Cruz-Reyes, Ricky Lee at Bob Ong. Binibigyan ng kapangyarihan ng panitikan ang mga manunulat na pumatay at magpakamatay sa mundong

kinatha nito. Sa Bibliya, ang isa sa mga yaman ng pandaigdigang panitikan, milyon ang mga namatay, pinatay at nagpakamatay. Sa lipunan ngayon, gano’n din ang kalagayan. Ang kamatayan ay hindi na lamang nagpapaalipin sa konsepto ng pagtatapos ng katawang lupa ng tao. Ang kamatayan ay solusyon ng mga taong tinakasan ng bait sa paglaban sa pang-araw-araw na hamon ng buhay. Solusyon ng mga buwayang nagnanais na mabusalan ang bibig ng mga nag-aaklas na taumbayan. Solusyon ng taong habambuhay na dinahas ng mga mapagsamantala’t ganid upang manatiling nasa tuktok ng lipunan. Hinahamon ng ika-21 Gawad Genova Edroza-Matute ang mga manunulat ng PNU na bagtasin ang linya sa

pagitan ng buhay at kamatayan. Ito ay panawagang paghiwalayin ang panuntunan sa pagsunod at pagsuway sa batas ng pagpatay. Walang layunin ang timpalak na ito na labagin ang iba pang utos ng Diyos maging ang iba pang doktrina ng kahit na anong sekta at relihiyon. Masyadong malawak ang mundo at sa dami ng taong yumayao sa bawat araw, tiyak na hinding-hindi mauubos ang konsepto at kwento tungkol sa pagkamatay, pagpapakamatay at pagpatay. Bukas ang patimpalak para sa lahat ng mag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas A.Y. 2012-2013, maliban sa mga kasalukuyang miyembro ng The Torch Publications. Nahahati ito sa dalawang dibisyon, Filipino at English, at mayroong apat na kategorya: Maikling Kwento/

Short Story (3-10 pahina), Sanaysay/Essay (5-15 pahina), Tula/Poetry (maaaring koleksiyon ng tatlong tula) at Dagli/Flash Fiction (maaaring koleksiyon ng tatlong dagli). Sundin ang pormat na ito sa pagpasa. Encoded. ARIAL 12. Double-Spaced. 8.5x11 na papel. 1 pulgadang margin sa lahat ng gilid. May bilang ng pahina sa pinaka-babang-gitna ng papel. 3 kopya ng bawat entri. nakasilid sa short brown envelop. I-send sa email na: thetorchpub_pnu@yahoo.com. Ang pangalan ng may-akda ay dapat na nakatala sa pormularyong makukuha sa opisina ng THE TORCH PUBLICATIONS at hindi sa mismong mga entri. Anumang paglabag sa tuntunin ng patimpalak ay awtomatikong madidiskwalipika. Inaasahan itong may kaug-

nayan sa mga sosyal o/at politikal na usapin at nakaangkla sa tema para sa taong ito. Maaaring magpasa mula sa unang araw ng Hulyo hanggang ika-5 ng Oktubre 2012. Ang mga matatapang na akda ng mga manunulat na magbubuwis ng buhay para sa kanbas at tinta ay mapapasama sa AKLAS 2013. Pumatay at magpakamatay. Magsulat at magmulat. Emmanuel T. Barrameda Patnugot sa Panitikan 09267913955


12

TOMO 65 BILANG 1

Katatapos lang ng buwan ng Mayo—ang buwan ng kabikabilang kapistahan at Flores de Mayo. Kaya naman kung nag-iisip ka ng madaling paraan upang tapyasin ang mga namumukol mong taba sa iyong katawan, halina at sumabay kay Ka Bute sa kanyang Balikatan Exercises. Ito ang mga kinakailangang ihanda:

POKUS

Ano ang inaasahan mong pagbabago/pagunlad sa PNU ngayong A.Y. 2012-2013?

L O C A L >>Joy; III-35

Inaasahan ko na 2luyan ng mawawala ang mga merging of classes sa lahat ng levels. :)

>>Chardy; II-6

Im looking forward na sana mangyari ang mga platapormang iniltag ng mga namu2no. Inaasahan ko ang isang mkabago,mabilis at agresibong askyon tungo sa isang magandang pagba2ga. Maging transparent nawa sa lhat ang mga bagay bagay.

>>JEWAGONZALES

Madalas nating naririnig yun “positibong pagbabago” kaya naman inaasahan ko na gagawain ng mga nakaluklok ang lahat para sa ikabubuti ng ating pamantasan. Sana mabigyang solusyon ang mahabang pila sa cashier at mas mabilis na pag gawa ng COR ng registrar.

>>Rosielyn Mae Bolon; The Scribe II-11 BSE English

Inaasahan k0ng mas mataas pang kalidad ng pagtuturo ang maibibigay ng PNU sa ta0ng ito… At dhl sa tayo ang NCTE , inaasahan qng d tau mgpapaapekto sa budget cut , at mbbawasan o mwawala ndin ang merge classes kaalinsun0d ng adbokasiyang ito.

>>Bluemoon Gil Deon A. Basa; III-34 BSE Math

Bilang mag-aaral sa PNU, isa sa mga pagbabagong inaasahan ko ay ang pagiging malinis ng ating paaralan lalo na sa may catwalk dahil una, naniniwala ako na mas dapat nating unahin ang mga simpleng problema ng pamantasan. Pangalawa, dahil sa papel na ang lalagyan ng ating mga pagkain na ipinatupad ng student government, naniniwala ako na mas magiging disiplinado ang mga PNUANS sa pagtatapon ng kanilang pinagkainan. Maging mas disiplinado sana tayo.

>>Tey; IV-12 BSE Filipino

Inaasahan kong ang mahal kong pamantasan ay magkaron ng dagdag at maayos ng sistema ng pamamalakad sa pagkuha at pagbigay ng grades.

>>Jolly M. Lugod; II-14

Pagtatanggal ng merging of classes, sa pagbabagong ito’y mas matutugunan ang pangangailangang pang edukasyon ng mga PNUans tungo sa kaunlaran.

a. Background music (Suggestion: “Papa Amerikano” para sa bansang daang taon nang inalipin ni Uncle Sam) b. Venue (Suggestion: Saan mang panig ng Luneta maliban sa Chinese Garden, teritoryo na kaya yun ng mga intsik) c. Outfit (Suggestion: Komo… quomo… cumo… basta yung mga sinusuot ng mga sundalo gaya ng combat gear, combat shoes, combantrin at iba pa)

Sang-ayon ka ba sa hatol kay Corona? Ipaliwanag.

N AT I O N A L <<Alex

For me, the inaccuracies on the declared SALN is n0t an impeachable offense. As far as the evidence is concern,they did n0t prove anything against him. I can’t deny that there’s a lot of m0ney on his bank acc0unts but are they sure that all of the assets and etc are c0me fr0m c0rruption or other bad sources? I do believe that there’s a political influence in the decis0n of maj0rity in the senate. If I am one of the senator judge, I will acquit the former CJ.

<<Kathleen Uy; II-14

Oo, ksi kng tutuusin xa nga ang pun0ng huk0m ng pinka mataas n k0rte, tpus xa pa ung mgkakamali s pgpapasa ng SALN, tpos h0nest mistake.. Kc aminado xa n ngkmali xa. Hndi ktanggap tnggap iy0n, kng ung si Delsa Flores nga c0nvicted dn dhl s npkaliit n pgkkamali, mas lalu dpt si c0r0na, kc npkalaking bagay ng gnaw nla.Di ndn usapin d2 kng pro o anti ka.ang usapin dito ngkasala ka s bayan, kya dpt mu pgbayaran, maliit man o malaki, dpt pantay ang hustisya.

<<Arieneytio c.bsmt

Hindi ako sang-ayon sa naging hatol kay corona. It lessens the balance in the politics. The lean of this society will become stiff as this imbalance continues.

Ready na? OK… 1, 2, 3, GO!!!

Step #1 Mag-arms forward raise sa gobyernong nakagapos ang arms at forward lang nang forward sa dikta ng mga kano. Step #2 Inhale, Exhale. I-inhale at i-internalize ang kanilang dinidiktang sistema, ati-exhale at isuka ang sariling kultura. Step #3 Ishake ang mga kamay na pagod na sa paggawa at saka ilagay sa baywang na tinalian ng pagkahigpit-higpit na sinturon ng kahirapan. Step #4 Ipaling ang ulo sa kaliwa at sa bilang na lima makikita si: -Si Nicole at iba pang babaeng biktima ng panggagahasa sa Gapo; -Mga Fil-Am na sanggol na magiging basketball player paglaki; -Mga sundalong Pinoy na binabatokbatukan ng mga GI JOE. Step #5 Ipaling naman ang ulo sa kanan at sa bilang na lima makikita si Uncle Sam na minamanipula ang papet na administrasyong Aquino. Step #6 Ibaling ang ulo sa kanan at kaliwa. Paulit-ulit. Pabilis nang pabilis. Sabay-sabay na sumigaw ng JUNK JUNK VFA! US TROOPS OUT NOW! Step #7 Sa wakas ilagay ang dalawang kamay sa mamamayang nagkikibit-balikat. Tapikin, alugin at gisingin. Hindi totoo ang Avengers. HINDI NATIN KAKAMPI SI CAPTAIN AMERICA.

Oh my, malunggay!

Iba na ang topnotcher dito, ah! Paano ba naman kasi, nakakaloka lang ang eksena nitong lola mo, makaasta akala mo eh reliable. Samantalang na-hold ang kanyang oath as officer dahil sa kaso niyang grave misconduct at insult to person of authority pero lately lang nakapag-oath na siya na mukhang minadali pa. Hindi akalain ng sinuman na manggagaling sa isang butihing opisyal tulad niya ang wordings na parang sa simula ng isang drama eh sabunutan ang kasunod. Makapagmura at makapag-iskandalo ay parang nakakita lang ng ipis. Hay naku! Pwede naman teh, mahinahong makipagchikahan kung may reklamo. Chillax! :)) F na F naman ng prof na ito na mag-umepal sa concerns at mga plano ng DBO sa college nila. Pati ang elected prexy ng mga estudyante, hinaharass niya na huwag tanggapin ang position. My ghad! We are Filipinos pero hindi maka-Filipino ang eksena niyo. Excuse me po! Hindi po kayo member ng students’ organization kahit adviser pa kayo ditey. Advice lang, you know. Huwag po sanang garapalan, tandaan Academic Freedom ng mga estudyante ang sinasagasaan niyo.

Grabe lang tong office na ito, ha?!

Ang tatarush ng mga madam ditey. Masa-sight mo sa windows nila. Makapaghagis lang ng document na nirequest ng estudyante ay ganun lang. Pwedengpwede namang iabot with TLC. Walang minamahal? Etchosera!

Sino naman itong etchosera na ito (take

note officer din siya. Uy! Trending ang officers worldwide!). Magiging biased na lang wrong timing at lantad pa. I I thought they’re not partisans? Hmmm… Para saan kaya ang pagsasabi niyang go siya sa unity ng dalawang party at sapeaceful SG Executive Election, pero ang surface naman ay favor siya sa isang party at nambola pa ng sisteret mula sa kabila na iwanan ang kanyang evah beloved parteeey?! He/She/It nangangalingasaw!

Hay naku! Uso pa rin pala yung mga professor na ningaskugon sa pagtuturo at pagpasok, at sa pagiging ma-L. You know. Mahusay naman si Sir sa English, eh. But oh my, malunggay ang moda niya sa tamlay este tamad na magturo kesyo last period na. At kapag trip niya ma-feel ang students niya, magtatanong siya with matching TLC hipo. DON’T! STOP! Tutulan ang harassment PNUans. Wow! Kalabaw. Sino itong sophomore na to na kung makaasta ay parang ashwang? Creepy! Mala- “Di Ka Na Sisikatan Ng Araw” ang drama niya sa kanyang “mortal rival”. At wag ka, pinopost pa niya yan sa FB. Announced? A la Bradley rin nung minsan, makipagsuntukan ba naman sa tapat ng Aquarium dahil lang sa assumption na aagawin ni kuya (na boy ang hanap) ang gorgeous girlfriend niya. Gahd! Baka naman nagseselos siya dahil di siya ang bet ni kuya. Who knows, di ba?

Ayan kumpleto na sila. I-trend natin, no. 1 worldwide! Pwede niyo ‘kong i-retweet. =) Out muna ako!

At dahil bonggang PNUan ka na, may say ka!

Kung si Ricky Lee ay may Para Kay B..

dapat ang PNU may 1B!

Feeling mo ba pang NEWS TV ang iyong prowess sa pagbabalita at nara-

rapat mailathala ang iyong mga napupuna sa iyong kapaligiran? Damang-dama mo rin ba ang pangangailangan ng PNUans ng iyong kakayahan? Then, it is your time to shine! Bukas ang INDIGENEWS para sa inyong mga balita ukol sa PNU, sa local na isyu pati internasyonal at ang HABAGAT para naman sa inyong mga opinyon. Bumisita lamang sa aming opisina.

Emmanuel T. Barrameda Jr.

OFFCAM

EXTENDED!!!

Kasing pula bang Red Angle ang tinta ng bolpen mo? O baka naman mala-Under the Mango Tree (UTMT) na tunay na kay lamig sa mga mata ang lay-out mo? O kasing lupit ba ng scenery mula sa Grasslandia ang kaya mong kunan? Baka naman tunay na agaw-pansin ang iyong mga likhang sining tulad ng Manila City Hall Clock Tower? Ano pang hinihintay mo?! Kumuha na ng Qualifying Examination for Correspondents, Artists, Lay-out Artists, and Photojournalists (QUECALAP) ng The Torch Publications. Magtungo lamang sa Room C, 2/f Student Center Building mula Hulyo 2-14, Lunes hanggang Sabado, ika-9 ng umaga hanggang ika-6 ng hapon.

<<Georgina

Hindi ako sang-ayon. It is as if the decisions of the senator-judges are all political in nature. Napakababaw ng dahilan ng pagpapatalsik kay Corona. Nakapagtataka pa nyan, hindi rin nag-appeal si Corona. Para bang ayaw lang nila paabutin ang kaso kung saan mauungkat ang isyu na may kinalaman kay GMA.

CULTURE 13

...................................................................................................................... Kakalurkey namang bakasyon ‘to! Hindi na naman pinatulog ng mga ka-pitik-pitik at ka-tweet-tweet na creature na itey ang mga Isko’t Iska. Haizt grabe langn! Ewan ko lang kung this school year ay magkaroon na naman tayo ng Hall of Famers. Hahahaha! I’m soooo eggsighted. I-ready hash tag natin, #PB. .......................................................................................................................

It is more fun to “Ink your pen and serve the people”. -Ka Bute

PHOTO CREDITS: FRANKLIN AMONCIO

ARMANDONG NAKIKIBAKA


14

INK YOUR PEN, SERVE THE PEOPLE!

PATALASTAS Synapse girds a Technical Writing Seminar-Worshop on July 12, 2012 at the Alumni Relations Hall. All Biology majors are requred to attend. Certificate will be provided. Contact 09061745976 The Thespian Society presents RIZAL AT BLUMENTRIT by Job Pagsibigan on July 12-13, 2012 at the HRD Auditorium. Schedule: 10am, 1pm, 4pm, 6pm. Open to PNU Community. Contact Marketing Head Rosielle, 090562115429

5:59

snooze... malapit na.

-Amorseko 2012 (Sangay Pilantik, KaDiPan)

Kung meron kang nais ipabatid sa iyong kapwa PNUans sa pamamagitan ng inyong proyekto, palihan, at iba’t ibang kaganapan sa loob ng pamantasan, magtungo lamang sa The Torch office para sa libreng patalastas.

PNU Torch Alumni Association Inc.

(in cooperation with The Torch Publications, CTL Torch Bearers, and Philippine Book Fairs and Education Inc.)

presents Torch Archive Exhibit and Scholastic Book Fair with the theme “100 taong pagmumulat at paglilingkod ating balikan” on July 9-14, 2012 at the Library lobby, 8am to 5pm. There will also be Essay Writing Contest, Book Cover Making Contest, and Book Readers Awardees. Open to the PNU Community. Want to know more? Contact Donat, 09359813018. Visit: www.facebook.com/TheTorchPublications Follow us: @TheTorchPnu Email: thetorchpub_pnu@yahoo.com


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.