ISYU LXXIV BLG. 2 DISYEMBRE 2020
Ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas
1
KASAPI: College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupon ng mga Manunulat (PLUMA-PNU)
EDITORYAL
Hamon ng bagong taon Sa bawat pagpilas ng buwan sa kalendaryo ay siya namang pagkalagas ng libo-libong buhay hindi lamang dahil sa delubyong dala ng pandemya kundi lalo’t higit sa pananalasa ng isang estadong pasista at mapagsamantala. Binalot ng takot at pangamba ang taong 2020, mula sa mga nawalan ng trabaho dahil sa ilang buwan na pagpapailalim sa lockdown hanggang sa patuloy na lumolobong kaso ng mga nagpositibo sa sakit na COVID-19 –lahat nang ito ay bunga ng kapalpakan ng estado na makapaglatag ng agaran at konkretong solusyong pangkalusugan. Kaya naman, hindi na kataka-kataka na humigit kumulang 62% ng mga Pilipino ang nagsabing mas malala ang sitwasyon nila ngayon ayon sa Fourth Quarter Survey ng Social Weather Stations (SWS). Patunay na bigo ang admistrasyon na tugunan ang batayang karapatan ng mamamayan sa gitna ng krisis na dala ng pandemya. Mas tumindi rin ang sunod-sunod na brutalidad, iligal na pag-aresto at pagpatay ng mga militar at kapulisan na kung hindi inendorso ay suportado naman ng estado. Matatandaang lantarang pinatay ang mag-inang sina Sonya at Frank Gregorio ng pulis na si Cpl. Jonel Nuezca sa Paniqui, Tarlac dahil lamang sa simpleng away magkapitbahay. Habang siyam na lider ng katutubong grupo ng mga Tumandok sa Panay ang pinatay kasabay paggunita ng Ika-124 Araw ni Jose Rizal – patunay na walang pinipiling panahon ang karahasan ng estado.
Malinaw na ang kultura ng karahasan at pagpatay ang pinalalaganap ng rehimeng Duterte kung saan ang pinakabulnerable ay ang mamamayang Pilipino. Gaya ng mga naunang taon ng administrasyon ni Duterte, kaliwa’t kanang pagpaslang at atake ang naranasan ng iba’t ibang sektor. Pangunahin dito ang 274 pesanteng napatay simula nang maupo sa pwesto si Duterte, 84 sa mga ito ay nangyari sa kasagsagan ng pandemya ayon sa Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP), habang 46 aktibista at unyunista naman ang pinaslang ayon sa Human Rights Watch. Samantala, umabot na sa 400 ang mga bilanggong politikal, 130 sa mga ito ay pawang mga kababaihan, matatanda at may iniindang mga sakit, ayon sa grupong KARAPATAN. Pinakahuling biktima ng iligal na pag-aresto at gawagawa kaso ang pagkakadakip sa pitong oragisador at mamamahayag noong kasagsagan ng pagkilos para sa pandaigdigang araw ng kaparapatang pantao.
upang tutulan ang nagaganap na pagsasasamantala at pamamaslang. Subalit, ang pagtatapos ng taon ay hindi kailaman mangangahulugan ng pagtatapos ng pakikibaka. Ang mga inhustisya at karahasang nangyari ngayong taon ay hamon sa mamamayan sa pagsapit ng susunod na taon upang mas maging militante sa pagtataguyod ng mga panawagan at mga pagkilos upang ipaglaban ang karapatan at kabuhayan ng sambayanang Pilipino. Sa patuloy na pagpaslang na kinasasangkutan ng estado dahil sa pag-aakalang nababawasan at natitinag nito ang mga kritiko, patutunayan ng sambayanan na mas lalo lamang lumalawak ang hanay ng mga Pilipinong handang bumalikwas upang punahin, tutulan, at wakasan ang bulok na pamamalakad ng gobyerno upang makamit ang lipunang ligtas sa pandemya, maunlad, malaya at mapayapa.
Ang mga inhustisya at karahasang nangyari ngayong taon ay hamon sa mamamayan sa pagsapit ng susunod na taon upang mas maging militante sa pagtataguyod ng mga panawagan at mga pagkilos upang ipaglaban ang karapatan at kabuhayan ng sambayanang Pilipino.
Patunay na walang pinipiling araw at oras ang pasismo ng estado at hindi kailanman nakinig sa mga hinaing ng nasasakupan nito. Tanging kamay na bakal lamang ang pinaiiral nito upang kontrolin at patahimikin ang sambayanang lumalaban
GRAPHICS ● LEKJEK LAYOUT ● CARMELLA LARGUIZA