July - September 2019 regular issue

Page 1

The

arden

Tomo XIV- Isyu I Hulyo - Setyembre 2019

Ang Opisyal na Pahayagan ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa

Umiibig. Sumusulat. Nagmumulat.


2

BALITA

HULYO - SETYEMBRE 2019

PLMun, kampyonato sa unang DRRMO Photo Contest ||Mary Pearl Gayoso

Bagong gusali, magagamit na sa Oktubre ||Martin Charles Dilay Ang bagong gusaling may apat na palapag na itinatayo simula pa noong 2017 sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ay inaasahan nang magamit sa Oktubre 2019. Ang proyektong ito ay pinondohan ng Local Government Unit – National Road Fund Agency (LGU-NRFA) na nagkakahalaga ng ₱19,967,122.00.

Kampyonato ang naiuwi ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) sa kauna-unahang tagisan sa larangan ng pagkuha ng litrato o Photo Contest noong ika-29 ng Hulyo 2019 na may temang “Kahandaan sa Sakuna’t Peligro para sa Tunay na Pagbabago.” Ang patimpalak ay inilunsad ng Muntinlupa City Disaster Risk Reduction and Management Office (MCDRRMO) bilang pakikiisa sa pagdiwang ng taunang National Disaster Resilience Month na ginaganap tuwing Hulyo.

Ayon sa tentatibong floor plan na ibinigay ng opisina ng administrasyon nakaraang Agosto, sa unang palapag ng gusali matatagpuan ang main entrance, ang internet room para sa pananaliksik, stock room at ililipat din ang silid-aklatan sa naturang palapag.

Sa isang panayam kasama si G. Lorenzo Guzman, Disaster Risk Reduction Management (DRRM) Coordinator, Ground Commander ng Emergency Response Team (ERT) at Safety Officer, pinahayag niya na sa pamamagitan ng patimpalak na ito, naipakita ng PLMun-ERT ang pagiging handa nito sa lahat ng oras. Ipinakita sa litrato kung gaano kahanda ang ERT sa pagresponde tungo sa isang aksidente at kasama sa nasabing litrato ang isang ambulanysa na hinandog ng DRRMO sa Pamantasan.

Sumunod naman ang ikalawang palapag kung saan ilalagay ang iba’t-ibang mga silid at opisina tulad ng Planning, Quality Assurance, Foreign Affairs, Revenue Generating Office, Research and Extension, Conference room, Engineering and Maintenance, Surveillance room at dalawang laboratoryo.Sa ikatlo at ika-apat na palapag naman ay may tig-walong Training Rooms na nahahati sa pamamagitan ng accordion walls at may fixed visual aid sa bawat silid. Karagdagan pa rito, lahat ng palapag ng bagong gusali ay may palikuran at electrical room sa kanang bahagi ng pasilyo. Ang mga opisina at iba’t ibang silid na nakasaad sa floor plan ay maaari pang mabago sapagkat ito ay pagpupulungan pa ayon sa Opisina ng Administrasyon. <w>

Anibersaryo ng Batas Militar, ginunita sa isang lektyur-seminar ||Ted Harold Guanzon

Ang mga lumahok ay nagpasa ng A4 size na litrato sa MCDRRMO. Natapos ang pasahan noong ika-8 nang Hulyo 2019. Idineklara ang mga nagwagi sa pamamagitan ng isang online post. Kabilang sa mga hurado sa patimpalak ay si G. Erwin Alfonso, DRRMO Department Head; Harold Cuesra ng Philippine National Police (PNP), F/Insp. Francisco Espiritu, Allan Balila, Public Information Officer (PIO) at si G. Gilbert Gutierrez.Sa mga nagwagi, pinarangalan sila ng Sertipiko ng Pagkilala bilang tanda ng pakikilahok ng mga sumali sa patimpalak. <w> Sumusunod ay ang mga nagwagi sa kauna-unahang MCDRRMO Photo Contest: Unang Gantimpala: G. Lorenzo Guzman ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa Ikalawang Gantimpala: G. Eduardo Kondo ng Schools Division Office Ikatlong Gantimpala: G. Donie San Jose ng Schools Division Office Ang larawan sa ibaba ang tinanghal na kampeon

Bilang paggunita sa ika-47 anibersaryo ng Batas Militar, isinagawa ng Political Science Society (PSS) ang isang lektyur-seminar na pinamagatang “Martial Law: The History”. Ginanap ito noong ika-24 ng Setyembre 2019 sa Audio-Visual Room (AVR) ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) mula 8:00 nang umaga hanggang 12:00 nang tanghali kung saan tinalakay ang mga pangyayari noong rehimen ng dating pangulong Ferdinand Marcos. Dinaluhan ito ng mga mag-aaral mula sa programang Agham Pampulitika o Polsci, ngunit bukas din ang naturang seminar sa ibang mga kurso at departamento.

Ang pangunahing tagapagsalita sa lektyur-seminar ay si G. Michael Charleston “Xiao” Chua, isang manunulat, historyador at propesor mula sa De La Salle University - Manila. Sa talakayan, binigyang-diin ni Chua na walang isang totoong kasaysayan at maaaring hindi iisa ang tala ng bawat taong nakasaksi sa panahon ng Batas Militar. Aniya, maaaring panigan natin ang iisang pananaw lamang dahil sa tendensiya nating pulitikahin ang mga kontrobersiyang inilalatag sa ating harapan. Samakatuwid, dapat daw tayong maging obhetibo sa pagsisiyasat ng bawat usapin upang mas maunawaan nating mabuti ang mga totoong pangyayari. “Marcos brought us to the golden age of our economy? Yes...ang problema nga lang sa kanya, hindi siya natutong tumigil,” giit ni Chua. Naglatag din ang propesor ng infographs na nagpapakita ng paglago ng ekonomiya sa panahon ni Marcos na sinundan ng agarang pagbagsak nito. Sa ikalawang bahagi ng lektyur, tinalakay ng tagapagsalita ang mga sigalot at suliraning panlipunan noong 1970 na nagudyok kay Marcos upang ilabas ang Proclamation 1081 na nagpataw ng batas militar sa buong bansa. Binanggit din niya ang mga insidente ng panggigipit, karahasan at panunupil noon sa malayang pamamahayag laban sa mga pahayagang bumabatikos sa pamahalaan. Panawagan ni Chua: “Let us remember the lessons...lumaban tayo para sa kalayaang ipinaglaban ng ating mga ninuno.” <w>

Photo By: ERT

Library I.D. Card, ibabalik na || Eloiza Marie Menchavez

Ibabalik ngayong taon ang pamamahagi ng I.D. card para sa mga gagamit ng silid-aklatan sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun). Magsisimula ang pamimigay nito kapag nailipat na ang silid-aklatan sa itinatayong bagong gusali sa harap ng Main Building, ayon sa librarian na si Camelle Momog RL. Maaaring humiram ng libro ang mga mag-aaral, guro at kawani ng pamantasan. Makukuha ng mga mag-aaral ang naturang l.D. card kapag nagpasa ng application form na makukuha sa silid-aklatan, kasama ang kopya ng Certificate of Matriculation (COM), pinakabagong litratong 1x1, at specimen signature o patunay na lagda. Ipapatupad ang paggamit ng I.D. card para maobserbahan at irekord ang panghihiram ng libro at masubaybayan ang paggamit ng library fees ng mga mag-aaral. Dagdag pa ni Bb. Momog ay dapat i-update ang card kada simula ng akademikong taon. Ang pagbabalik ng I.D. card ay naging posible sa pagtutulungan ng mga librarian at staff, sa pangunguna ni Marilou Salting RL, LPT, MLN, pinuno ng University Library; Irma Calderon, administration officer/library staff; Dennis Molera, library assistant; Erlinda Mimay RL, library consultant; at Momog. <w>

PABALAT

Sa mabilis na pagdaloy ng panahon at patuloy na paglago ng industriya kasama na ng modernong estado ng pamumuhay, may ilang bahagi ng lipunan ang hindi makasabay at nakakaligtaan tulad ng mga tribong naging parte ng ating mayamang kultura. Sa pananaw ng bansang bukas sa pagbabago base sa banyagang pamantayan, walang pinagkaiba ang ating wikang pambansa sa mga tribong ito kaya’t pinipilit nilang maisantabi ang sana’y dapat pinagyayaman at pinalalago, makamit lamang ang globalisasyong kanilang minimithi.

Kuha ni Ted Harold Guanzon

Isinulat ang Tomo XIV isyu I sa Filipino bilang pakikiisa ng publikasyong The Warden sa pagpapahalaga sa inang wika at pagsuporta ng pagpapanatili ng kursong Filipino at Panitikan sa antas ng kolehiyo. Sinisimbolo ng tao sa pabalat ang ating mga katutubo. <w>


BALITA

HULYO - SETYEMBRE 2019

3

Polisiya kontra plastik, pinapatupad Batch Bahandugma, handog ang || Eloiza Marie Menchavez “Legacy Project 2019” || Martin Charles Dilay Sinimulang ikampanya sa Pamantasan noong ika-30 ng Setyembre 2019 ang polisiyang tinawag na “Healthy Eat, Healthy Earth: No Plastics, Fantastic!” na naghihikayat sa lahat na huwag muna gumamit ng plastic cups, bottles, straws, utensils, bags at iba pa sa kantina at sa buong kampus. Ang naturang polisiya ay tinuturing na kauna-unahan sa Muntinlupa at layunin nito mabawasan ang plastik na basura sapagkat sinasabing ang pinakamalaking bulto ng basurang nakokolekta sa pamantasan araw-araw ay plastik mula sa kantina nito.

Ang polisiya ay isang pagsunod sa Republic Act 9003 o Ecological Solid Waste Management Act kung saan itinatakda na ang lahat ng institusyon ay dapat magkaroon ng maayos na pamamahala ng basura. Naging posible ang naturang polisiya sa pangunguna ng isang organisasyon sa pananliksik mula sa College of Business Administration (CBA), kaagapay ang iba’t ibang opisina sa pamantasan. Ang kampanya ay sinuportahan ng Office for Student Affairs (OSA), Administrative Office, at Human Resource Development and Management Office (HRDMO). Sa isang pagpupulong kasama sina Dr. Remedios Cunanan, pangalawang pangulo sa Academic Affairs, at Bb. Charito Cabantog, pinuno ng Administrative Office, kasama ang operators at facilitators ng kantina noong ika-26 ng Setyembre 2019, napagkasunduan nila na hindi muna gagamit ng plastik sa mga itinitindang pagkain sa loob ng ilang mga araw. Sakop ng polisiyang ito ang lahat ng mga mag-aaral, guro, kawani at opisyal ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun).

Ipinagkaloob ng Batch Bahandugma 2019 sa Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ang 12 pirasong mga eight-seater at 10 pirasong mga four-seater na mesa at upuan. Ito ay tinuturing na “Legacy Project” ng naturang batch. Pormal itong ibinukas sa publiko noong ika-13 ng Agosto 2019 sa isang ribbon cutting ceremony na ginanap sa kantina ng pamantasan. Kasalukuyan na itong ginagamit ng mga mag-aaral. Ang seremonya’y pinangunahan nina Angelica Del Rosario, batch representative ng College of Arts and Science (CAS), Wendel Pagaduan, batch representative ng College of Business Administration (CBA) at dating student regent na si Ervin Arciaga. Samantala, tinanggap ito nina Dr. Elena Presnedi, officer-in-charge, presidente ng PLMun; mga miyembro ng University Council; at ni Melonie Mater, pinuno ng Student Development Program and Services (SDPS). “Nawa’y magsilbi itong ala-ala ng aming pagmamahal sa aming sintang pamantasan. Tunay na di natatapos sa loob ng pamantasan ang kagalingan, karunungan at aral na hinasa ng aming alma mater,” mensahe ni Bb. Del Rosario. Bilin din niya sa mga mag-aaral na gagamit nito ay ingatan at isaalang-alang ang kalinisan at kaayusan ng kantina. Dapat daw ay alalahanin ang disiplina sa lahat ng oras upang magamit pa ito ng mga mag-aaral sa mga susunod na taon. <w>

Kasunod nito, inilabas ng Research and Development Office, Gender and Development Office at Administrative Office ang sumusunod na panuntunan: 1. Hindi pinapayagang magpasok sa main gate ng inumin na nakalagay sa pet bottle. Maaring inumin ang laman o balikan kalaunan, lagyan lamang ito ng pangalan at iwan ang plastik na bote sa nagbabantay na guwardiya. 2. Hindi magbibigay sa PLMun Canteen ng plastik na baso, kutsara at tinidor. Bawal din ang paggamit ng plastik na straw. 3. Maaari lamang gamitin sa loob ng kantina ang mga dalang sariling bote ng tubig o reusable water bottles at sariling tinidor at kutsara. Maaring makiusap na humiram ng stainless fork and spoons sa food stalls kung walang dala, basta iiwan ang I.D. Maari ring humiram ng maiinumang reusable na baso sa mga stalls ngunit kailangang ibalik ito. 4. Ang mga bibilhing tubig at iba pang inuming gumagamit ng plastik ay isasalin ang laman sa dalang lalagyan; kukunin ng mga istap sa kantina ang plastik na bote para itapon. Ayon kay Ginang Maria Josefina Salangsang, research coordinator ng CBA, ang pangunahing nakaisip ng konsepto ay ang dating student regent na si Ervin Arciaga, na sinuportahan ng organisayon sa pananaliksik na kinabibilangan din ng faculty researchers na sina Ginang Ana Marie Gonzales-Pascua, Ginoong Denny Lou Bendejo, Ginang Alda Baarde at Ginoong Alvin Parocha. Dagdag ni Ginang Salangsang, abang sila ang naatasang pangasiwaan ang kampanya, nakadepende na sa pamunuan ng pamantasan kung ipagpapatuloy ito. <w>

Mga nagwagi sa MIFF Poster-Making Contest, pinarangalan || Claire Lerpido at Jay Ar Francisco Bilang parte ng kauna-unahang Muntinlupa Independent Film Festival (MIFF), nagsagawa ng Poster-Making contest ang naturang pista na may temang “Geschlecht” na ang ibig sabihin ay “gender” sa wikang German. Ginanap ang patimpalak online mula ika-2 hanggang ika-18 ng Setyembre 2019. Layunin ng temang ito ipakita ang konsepto ng “gender discrimination” at “equality” sa Pilipinas. Ang patimpalak ay pinamunuan ng Cinepilimun, isang organisasyon na naglalayong hubugin ang kakayahan ng mga Muntinlupeño sa larangan ng pelikula. Nakamit ng mag-aaral mula sa College of Arts and Science (CAS) na si Angel Ricafranca ang unang gantimpala sa timpalak sa paglikha ng digital poster. Sa likhang niyang poster, iminungkahi niya ang pagbibigay kaalaman sa karapatan ng mga kabilang sa komunidad ng LGBTQ+ (lesbians, gays, bisexuals, transgenders, queers, etc). Sampung mag-aaral ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ang lumahok sa nasabing timpalak. Para sa unang gantimala, tumanggap si Ricafranca ng halagang ₱2,500 at sertipiko ng pagkilala. Ang ikalawang gantimpala nama’y iginawad kay Cristine Panggoy na tumanggap ng ₱1,500 at sertipiko, habang ang ikatlong gantimpala’y iginawad kay Jomel Santa Rosa na tumanggap ng ₱1,000 at sertipiko. Ang mga tinanghal na nanalo ay pawang mga mag-aaral ng CAS. Ayon kay Ginoong Jeff Rante, festival producer ng MIFF, layunin ng nasabing timpalak bigyang oportunidad ang mga mag-aaral na ibahagi ang kanilang talento sa mundo ng sining. Ang nanalong poster ay magsisilbing opisyal na logo ng MIFF para sa taong ito. <w>

Ang larawan sa ibaba ang nakatanggap ng unang gantimpala

Kuha Ni: Jadelyn Lim

Mga kalsada at sistema ng paagusan, kinukumpuni ||Martin Charles Dilay Patuloy na kinukumpuni ng Department of Public Works and Highways-Las Piñas Muntinlupa District Engineering Office ang mga kalsada at sistemang paagusan para paunlarin ang mga imprastruktura sa paligid ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun). Sakop ng proyekto ang kalsadang nagdurugtong mula sa Student Center Building ng PLMun hanggang sa Muntinlupa National High School (MNHS), Senior High School Building. Sa isang panayam kasama si Bb. Charito Cabantog, officer-in-charge ng Administration Office, magpapatuloy ang mga proyekto sapagkat aayusin din ang daanan sa bandang likod ng Main Building hanggang sa kabilang dulo ng naturang gusali. Ang proyektong ito’y sinimulan ngayong 2019 at pinondohan sa pamamagitan ng General Appropriations Act (GAA). <w>

Student Portal, magbabalik-operasyon ||Danica Chanchico

Inaasahang babalik ngayong Setyembre ang operasyon ng Student Portal ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) sapagkat naging “Under maintenance” ito matapos pansamantalang ihinto ng Management Information System (MIS) ang operasyon. Ito ay dahil sa mababang antas ng impormasyong nakalap mula nang inilunsad ang online faculty evaluation noong ikalawang semestre ng akademikong taong 2018-2019. Ayon sa MIS, nasa 50% hanggang 60% lamang ng mga mag-aaral ang nakapagsumite ng kanilang evaluation sa panahong iyon. Paliwanag ni Ginoong Nick Darwin Montillano, tagapamahala ng Student Portal at online student registration, nagsagawa muna sila ng departmentalized online faculty evaluation sa loob ng pamantasan noong Mayo 2019 upang matutukang mabuti ang proseso at para na rin mapunan ang kulang-kulang na impormasyon noon at nang hindi na ito maulit pa. Naging matagumpay umano ang aktibidad kaya umabot sa 95% ang evaluation na kanilang naitala. Dagdag pa niya, may kaunting pagbabago sa sistema: hindi na makikita sa portal ang “online viewing of balance” dahil ang PLMun ay kasama na sa libreng edukasyon sa ilalim ng Free Tuition Law. <w>


OPINYON

4

HULYO - SETYEMBRE 2019

Karapatang pumili pinili subtle aspect

|| Don Jaime De Ocampo

deocampo.donjaime@gmail.com Maoobserbahan natin ang demokrasya sa pamamagitan ng malayang pamamahayag at pagpili tuwing halalan ng mga taong gusto nating mamuno base sa ating pamantayan at paghatol. Kabaligtaran ang nangyayari: kahit kaila’y hindi demokrasya ang pagkakaloob sa piling uri ng kakayahang pumili para sa atin, lalo na kung hindi natin lubusang kilala ang kanilang pinili, sapagkat patungkol ito sa posisyong sumisimbolo at kumakatawan sa mga estudyante. Gaya ng kasalukuyang nangyayari sa ating pamantasan ngayon, maikukumpara mo sa pambansang halalan ang malawakang eleksyong pang-estudyante rito, na akala mo kada tatlo o anim na taon nangyayari.

isiping kahit sa ganitong paraa’y tila hindi palaban ang mga estudyante ng pamantasan sa ganitong uri ng usapin kumpara sa ibang mga paaralan na itinuturing na isang malaking kaganapan ang malawakang halalang pang-estudyante. Tila ipinagkakait sa atin ang karapatan sa malayang pagpili, pati na rin ang mapabilang tayo sa malayang diskurso at aktibong pakikilahok.

‘Wag natin alisin sa isip na kapag itinalaga, may posibilidad na maaaring napilitan lang, o kaya nama’y magkaroon ng pabor sa nagtalaga sa kanila na dahilan ng pagsasalungat ng interes. Walang katiyakan na ang itinalaga ng administrasyon ay laging papanig sa mga estudyante Simula noong pumasok ako sa pamantasan, hindi pa nagkaroon ng malawakang o kung magkakaroon ito ng pangil laban sa administrasyon kapag hinihiling ng tungkulin. halalang pang-estudyante rito, dahil na rin sa wala namang malawakang anunsyo na naganap na kung tutuusi’y malaking bagay sana para mahikayat ang mga estudyante. Kung tunay ang hangarin ng ating mahal na pamantasan sa paghuhubog ng responsable at matalinong mamamayan, sana’y simulan ito sa pagpapanatili ng isang kulturang dapat Ang halalang pang-estudyante ay nagsisilbing paraan upang ating makilatis at lubusang seryosohin ng bawat estudyante—ang maging aktibo sa mga usaping pulitikal na sila rin naman makilala ang mga gustong maglingkod bilang kinatawan nating mga estudyante, at ang makikinabang, lalo na sa mga posisyong kumakatawan sa kanila. Hindi lamang interes ng malaman kung tunay silang nagmamalasakit at kung may pagbabago silang maidudulot sa mga estudyante ang halalan; ito’y pangunahing interes din ng administrasyon ng pamantasan at pamantasan. Paraan din ito upang mahubog o magamit ng mga estudyante ang mga organisasyong naaapektuhan nito. Sa pamamagitan nito, natutukoy natin na hindi stagnant kanilang karapatang bumoto. Kung tutuusin, bilang eskwelahan na pinapahalagahan ang ang kamalayan ng mga mag-aaral, kundi mulat sila sa mga pulitikal na gawain sa unibersidad. karapatan ng estudyante, nararapat lamang na ang pamantasan, kabilang ang pinakamataas na organisasyong pang-estudyante, ang manguna sa paghimok sa mga mag-aaral sa ganitong aktibidad. Ika nga ni Aristotle: “Man is by nature a political animal.” Natural sa atin na makialam sa mga usaping pulitikal, kaya sa loob pa lamang ng unibersidad ay Malinaw na nakasaad sa Student Handbook, partikular sa Section 24.12.4.7: “The dapat alam natin kung paano gagamitin nang tama ang ganitong uri ng karapatan.<w> members of the University Student Council (USC) are duly elected by the entire student population to represent them officially in their areas of concern.” Kung nasusunod ito, dapat nagkaroon muna ng eleksyon para sa naturang konseho, pero malinaw na walang nangyaring malawakang eleksyon nitong mga nagdaang taon. At magugulat na lang tayo na may mga nakaupo na pala. Ngunit pa’no sila nahalal? At ano’ng pamantayan? Hindi ito limitado sa pinuno ng kataas-taasang konseho ng estudyante, o sa mga konseho ng bawat kolehiyo. Ang sinasabing dahilan kung bakit nagtatalaga na lamang ng mga lider-estudyante ay ang kawalan ng oposisyon o kalabang partido. Kung totoo ito, pinatutunayan nito na hindi masyadong interesado ang mga estudyante sa ganitong usapin. Sinasalamin nito ang kabiguan ng pamantasan at ng kataas-taasang konseho ng mga estudyante na himukin ang mga estudyante na maging aktibo sa pulitikal na usapin sa loob ng pamantasan.

Natural sa atin na makialam sa mga usaping pulitikal, ka ya s a lo o b pa lam ang ng unibe r sidad ay dapat alam natin kung paano gagamitin nang tama ang ganitong uri ng karapatan.

Isa pang rason kung bakit walang halalang pang-estudyante ay dahil walang anunsyong publiko, na kahit maski isang post lang sa social media ay hindi nila ginawa para maipakalat sa mga estudyante na magkakaroon ng malawakang halalan. Nakalulungkot

BALITA Tradisyunal na Kasuotan, Itinanghal Ika-25 ng Hulyo, Itinalagang sa Museo ng Muntinlupa || Ashley Clomera National Campus Press Freedom Day || Kimverlou Almonte at Jennefer Mansalon Bilang pakikiisa sa pagdiriwang ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Month, ibinida ng Pambansang Komisyon para sa Kultura at mga Sining ang “Woven Identities: Clothing Traditions of ASEAN”, isang eksibit na tinanghal sa grand lobby ng Museo ng Muntinlupa noong ika-29 ng Agosto 2019.

Ilan sa mga ipinakitang tradisyonal na kasuotan ay mula sa 10 bansang kabilang sa ASEAN. Ang mga naturang damit ay sumasalamin sa natatanging kultura at pagkakakilanlan ng bawat bansa. Ipinapakita rin dito ang pagkakahalintulad natin sa iba. Pinangunahan ni Hon. Jaime Fresnedi, alkalde ng Muntinlupa, ang seremonya ng pagbubukas ng eksibit at paanyaya sa mga residente: “We invite every Muntinlupeño to come visit the new exhibit and immerse in Southeast Asia’s rich heritage and culture as depicted in textiles of the region”. Ang naturang seremonya ay dinaluhan ng mga opisyal tulad nina Asec. Eduardo Meñez ng Department of Foreign Affairs (DFA); Louie Locsin at Ruby Diaz Roa ng Philippine Textile Council; Ligaya Gasataya ng Manila for Kids; Engr. Allan Cachuela, city administrator; mga konsehal ng lungsod na sina Alexson Diaz, Louie Arciaga, Paty Boncayao, Cornelio Martinez, Mamerto Sevilla Jr., Arlene Hilapo at Ting Niefes, pati na rin ang mga pinuno ng Zonta Alabang at United Pentecostal Church. Ang eksibit ay maaaring bisitahin hanggang Oktubre 10. Bukas ang Museo ng Muntinlupa mula Martes hanggang Linggo, ika-10 nang umaga hanggang ika-4 nang hapon. <w> Sources: Philippine Information Agency The Manila Times

Bilang pag-alala sa kahalagahan ng mga mamamahayag pangkampus at ang patuloy na pagsulong at p a g p r o te kta sa ka l a ya a n n g p a g p a p a h a ya g o Fr e e d o m o f E x p r e s s i o n , nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Republic Act (RA) 11440 kung saan idineklara ang pagdiriwang ng National Campus Press Freedom Day tuwing ika-25 ng Hulyo . Ang RA 11440 ay pinirmahan noong ika-28 ng Agosto 2019, nakasaad sa Section 4 ang mandato ukol sa tungkulin ng mga paaralan na magbigay ng kaukulang suporta at tulong sa mga isasagawang programa o aktibidad ng mga mag-aaral na may kaugnayan sa National Campus Press Freedom Day. Ang naturang batas ay nagsilbing amiyenda ng Senate Bill (SB) 747 na inakda ni Senador Francis “Chiz” Escudero. Karagdagan pa rito, nagsimula ang RA 11440 bilang House Bill (HB) 6024, na isinulat ni Isagani Zarate, Bayan-Muna Partylist Representative at ni Ann Hofer ng ikalawang distrito ng Zamboanga Sibugay. Paliwanag ni Zarate, ang ika-25 ng Hulyo ang araw kung kailan naitatag ang College Editors Guild of the Philippines (CEGP) na itinuturing na pinakamalawak at pinakamatandang samahan ng mga tertiary student publications sa bansa. Ang petsang ito ay kasabay din sa kaarawan ng kauna-unahang punong patnugot ng CEGP na si Ernesto Rodriguez Jr. Ang kopya ng kaukulang batas ay isinapubliko noong ika-10 ng Septyembre 2019 at inaasahang maobserbahan sa bawat institusyong pang-edukasyon tuwing sasapit ang naturang araw ng padiriwang. <w> Source: Congress.gov.ph Rappler Manila Bulletin


OPINYON

HULYO - SETYEMBRE 2019

5

Balik Tanaw Di Algo

|| Danica Chanchico

danicachanchico@gmail.com Mainam na pangontra sakit ang mga bakuna. Katulad sa panahon natin ngayon na tag-ulan, dumadami na naman ang kaso ng dengue na kahit sino ay nababahala pati narin ang gobyerno. Dulot nito, muling binubuhay ang posibilidad na ibalik ang bakuna pangontra dito, ang kontrobersyal na Dengvaxia Vaccine, na pati ang gobyernong duterte ay pinapaboran ang pagsasabalik nito. Maaalalang ipinahinto ito ng administrasyong Duterte matapos maglabas ng pahayag ang manufacturer ng bakuna na Sanofi Pasteur na, ayon sa kanilang dagdag na pag-aaral, maaaring tumaas ang panganib ng Dengvaxia sa kalusugan ng mga taong hindi pa nagkaroon ng dengue. Matatandaang naging kontrobersyal ang bakunang ito dahil sa negatibong feedback na ito raw ang ikinamatay ng 144 katao mula sa 800,000 taong binakunahan. Pero kung tutuusin, sa panahon ngayon na itinuturing nang isang “national epidemic” ang mga kaso ng dengue na umaabot na sa 106,630 kaso mula Enero hanggang Hulyo at ikinamatay na ng mahigit 500 katao, marahil ay panahon na para bigyan ulit ng konsiderasyon ang nasabing bakuna. Naging mainit na isyu ang Dengvaxia vaccine dahil sa mga akusasyon ng Public Attorney’s Office (PAO) na nag-uugnay sa bakuna sa pagkamatay ng mga batang naturukan nito. Ngunit ang akusasyong ito’y madalas na kontrahin ng iba’t-ibang eksperto sa medisina, pati na rin ng Department of Health (DOH) na nagsabing walang konkretong ebidensya na magpapatunay na sangkot ang bakuna sa pagkamatay ng mga biktima. Ayon sa University of the Philippines-Philippine General Hospital Dengue Investigative Task Force (PGH-DITF) na nagimbestiga sa mga biktima at nagsabing hindi nila direktang maiugnay ang Dengvaxia sa pagkamatay dahil sa kakulangan ng kongkretong ebidensya, mariin nilang kinuwestiyon ang kredibilidad ng duktor na si Dr. Erwin Erfe na sumuri at nagsabing ang bakuna ang sanhi ng pagkakamatay dahil magkaiba raw ang “forensic expert” na kanyang propesyon at “forensic pathologist” na mas may kredibilidad na magsagawa ng pagsusuri hinggil sa mga bakuna. Maraming nagmungkahi na ibalik ang Dengvaxia dahil sa tingin nila’y mas angkop ito sa panahon ngayon, kabilang na ang Pangulong Duterte at dating DOH Secretary Janet Garin. Kung

maibabalik

ang

Dengvaxia,

nagbitiw

ng

salita

si

presidential

spokesman

Salvador Panelo na nangangakong hindi na mauulit ang pagkakamali noon kung saan ang Dengvaxia ay nagamit sa maling paraan. Samantalang ang DOH naman ay may libreng pagpapagamot sa mga batang nagkaroon ng komplikasyon kaugnay sa Dengvaxia. Isa ang World Health Organization, ahensya sa ilalim ng United Nations, na namamahala sa pampublikong kalusugan, na nagsabing ang Dengvaxia vaccine ay aprubado para sa pandaigdigang gamit. Ang vaccinerin ay kasama sa “WHO 2019 List of Essential Medicines” na ligtas at epektibo para sa pampublikong kalusugan. Dagdag pa rito, ang Dengvaxia vaccine ay komersyal nang ginagamit sa iba’t ibang bansa sa Hilagang Amerika at Latin Amerika. Ibinebenta na rin ito sa Timog Silangang Asya noong 2016 at aprubado ito ng mga bansang Thailand, Indonesia at Singapore. Wala pang nagpapatunay na ang Dengvaxia talaga ang sanhi ng pagkamatay ng ilan. Tila naging tunggalian ng rason at emosyon ang isyu, dahil mas pinaniwalaan ng marami ang mga naunang kongklusyon na nagdulot sa kanila ng pangamba tungkol sa bakuna kahit wala pang ekspertong pagsisiyasat. Iwasan nating maniwala sa mga pala-palagay gaya na rin ng sinabi ng DOH. Samakatuwid, nararapat nating isaalang-alang ang pagbibigay ng clearance o pahintulot ng World Health Organization (WHO) para sa Dengvaxia. Oras na upang mamulat ang sambayanan sa negatibong pagkilala ng Dengvaxia sa ating bansa. Bakit hindi natin gamitin ito ngayong may epidemya ng dengue sa ating bansa? Mas susundin ba natin ang opinyon ng PAO o ang mga pag-aaral na nagpapatunay na ang Dengvaxia ay ligtas gamitin? Sa madaling salita, naging masama man ang epekto ng bakunang ito sa atin, maaari pa rin itong tanggapin dahil sa paglalahad nang mas malinaw at maayos na paliwanag sa tamang implementasyon ng bakunang ito sa ating bansa. Mahirap ibalik ang tiwala ng ilan sa atin, pero nasa atin ang desisyon kung iisipin natin ang kaligtasan ng nakararami sa muling pagtanggap sa Dengvaxia. <w>

Oras na upang mamulat ang sambayanan sa negatibong pagkilala ng Dengvaxia sa ating bansa.

Nasa bangketa sila noon, nasaan na sila ngayon? Femina Bellator

|| Eloiza Marie Menchavez

eloizamenchavez@gmail.com Nagkaroon ng malawakang operasyon ng paglilinis o clearing operation sa mga kalsada, hindi lamang sa Metro Manila kundi sa buong Pilipinas. Alinsunod ito sa Memorandum Circular 2019-121 ng Department of Interior and Local Government (DILG) na nagsasaad na dapat maibalik ng lokal na pamahalaan ang lahat ng pampublikong daanan o kalsada na ginawang pribadong pag-aari sa loob lamang ng 60 araw, na sinimulan noong Hulyo 29. Ilang halimbawa nito’y ang mga pampublikong daanan na ginawang paradahan ng mga sasakyan, basketball court, tindahan at iba pa. Ang memorandum na ito’y mas pinagtibay pa sa kautusan ni Pangulong Rodrigo Duterte. Sa kanyang ikaapat na State of the Nation Address (SONA), sinabi niya na sa loob ng 45 na araw ay dapat nang matanggal ng mga alkalde ang mga sagabal sa nasasakupan nilang kalsada. Nguni’t pinagbigyan ng DILG na gawing 60 araw ang pagsasaayos, sa kahilingan na rin ng mga alkalde ng Metro Manila. Sa isang libong illegal vendors, may isang libong pamilya ang maapektuhan ng operasyon, ngunit may isang daang libong motorista naman ang makakaranas ng ginhawa sa byahe, ayon kay Jojo Garcia, Metro Manila Development Authority General Manager. Subalit ang kapalit ng maginhawang byahe ng mga motorista ay pagkalam ng sikmura ng mga pamilyang naapektuhan ng mga operasyong ito, dahil nawalan ang karamihan sa kanila ng hanapbuhay na pinagkukunan ng pang-araw-araw nilang panggastos. Hindi lamang illegal vendors ang naapektuhan kundi pati na rin ang mga mamimili na nagtitipid, dahil karamihan sa atin ay mas tinatangkilik ang pagbili ng mga tingi-tingi o ‘yung sapat lamang sa ating badyet. Inilalahad ng memorandum na ito na hindi bale ang mabilisan o kulangin sa panahon ang pagpapatupad ng kanilang operasyon, basta masunod lang ang kautusan ni Pangulong Duterte kahit kaunti o walang konsiderasyon sa mga pobreng manininda na maaapektuhan eh okey na, masabi lang na may pagbabago na. Ang ibinigay na palugit ng mga alkalde sa bawat lungsod ay hindi sapat sa illegal vendors para makahanap ng bagong pwesto ng kanilang mga paninda. Kaya marami ang hindi naging handa rito na nagresulta sa paninira ng mga awtoridad sa kanilang mga paninda bilang “babala” sa illegal vendors. Ang pagpapanumbalik ng mga pampublikong ari-arian ay nararapat lamang kung ito’y para sa interes ng nakararaming Pilipino. Ngunit ang mabilisang pagsasagawa nito nang hindi iniisip Photo credit: Kristela Luceña

kung ano o sino ang maaapektuhan ay hindi tamang hakbang. Bagama’t sila’y illegal vendors, naniniwala pa rin ako na karapat-dapat pa rin silang tulungan. Ganoon man ang kanilang kabuhayan, kahirapan lamang ang nagtutulak sa kanila para isipin ang kanilang sarili nang higit sa mga nagnanais ding makinabang sa mga pampublikong daanan. Ang ganitong mga bagay ay resulta ng kakulangan ng oportunidad na makapagtrabaho. Kaya nararapat lamang na pagtuunan din sila ng pansin ng gobyerno, gaya ng pagbibigay ng tama at maayos na pwesto para sa kanilang kabuhayan. <w>

Ngunit ang mabilisang pagsasagawa nito nang hindi iniisip kung ano o sino ang maaapektuhan ay hindi tamang hakbang.


LATH Unli-rice mula sa Banyaga

|| Don Jaime De Ocampo

Isa ang kanin sa hinahanap-hanap sa hapag kainan at maski sa labas kung saan tayo naghahanap ng unlimited (unli) rice upang mabusog at maka-menos sa gastos sa pagkain. Hindi maikakaila na utang natin ito sa mga magsasaka na nagpapakahirap upang makapag-ani ng bigas na ating sasain gin; sila na nasa ilalim ng matinding araw at malakas na ulan ay nagtatanim upang may anihin. Ngunit ngayon, tila nawawalan ng saysay ang paghihirap ng mga lokal na magsasaka bunsod ng pagdami ng bigas mula sa mga banyagang bansa at nababawasan ang puwang para sa mga bigas ng lokal na produksyon. Dahil sa mataas na presyo ng bigas noong nagdaang taon, ipinatupad ng administrasyong Duterte ang Rice Tariffication Law. Kamakaila’y naging matunog na isyu ito dahil sa negatibong epekto nito sa ating mga magsasaka. Ilang buwan matapos iyon isabatas, ang mga taong maghapong nakayuko sa mga sakahan upang may kanin tayo sa hapag-kainan ay humihingi na ng tulong at pinapangambahan na hindi na sila makakatayo ng diretso dahil sa epektong dulot nito.

Tinimbang ngunit palaging kulang

Kahit sa bansang agrikultural, problema pa rin ang pagkakaroon ng sapat na bigas o rice self-sufficiency na dahilan ng pang-aangkat ng bigas upang mapunan ang taunang pangangailangan nito. Ikawalo sa bansang may pinakamaraming nalilikhang bigas ang Pilipinas. Ngunit dahil sa lumolobong populasyon nito na ngayo’y nasa ika-14 na pwesto pagdating sa dami ng populasyon sa isang bansa, tinatayang mahigit kumulang 93 porsyento lamang ang kayang punan ng lokal na produksyon ng bigas, at ang natitirang iba, kadalasan nasa 10 porsyento ay inaangkat na galing sa ibang bansa. Apektado ng iba’t-ibang suliranin ang produksyon ng bigas, gaya ng malalakas na bagyo na tumatama sa bansa at iba pang natural na sakuna. Sa kasaysayan ng Pilipinas, mahigit 40 taon na tayong nag-aangkat ng bigas, at apat na taon lang na naging exporter kung saan 1981 pa ang pinakamatagal at bahagyang nagpatuloy nitong 2013. Maaari lang tayo mag-luwas ng bigas kapag may sobrang stock ng nasabing produkto sa imbentaryo natin, ngunit sa kalagayan ng bansa na pataas nang pataas ang demand kumpara sa pabagu-bagong supply, pahirapan na ito mangyari. Tila isang pangarap na lamang kung tutuusin ang pagiging rice self-sufficient ng Pilipinas, na dati nang pinipilit makamit, at mismong si Pangulong Duterte ay nagsabing hindi na natin makakamit ito, na habambuhay mag-aangkat ang bansa dahil na rin sa lumolobong populasyon nito at lumiliit na lupang sakahan.

Pagtanim sa Rice Tarrification Law

Ang Rice Tariffication Law ay ang Republic Act 11203 na nilagdaan ni Pangulong Rodridgo Duterte nitong Pebrero. Ang pangunahing layunin nito’y amyendahan ang umiiral noon na Agriculture Tariffication Act of 1996 at bilang pagsunod na rin sa obligasyon ng Pilipinas sa World Trade Organization (WTO) noong sumali ang bansa taong 1995 upang alisin ang mga tinaguriang trade barriers sa malayang kalakalan. Isa sa mga layunin ng Agriculture Tariffication Act ay ang pagpapataw ng quantitative restriction (QR) o limitasyon sa pag-aangkat ng bigas. Mahigit dalawang dekada na rin itong pinanatili ng gobyerno alinsunod sa patakaran ng WTO upang protektahan ang ating magsasaka mula sa mahigpit na kompetisyon dulot ng mas murang halaga ng imported na bigas, at upang bigyan ng panahong mapaunlad ang sektor ng agrikultura. Sa Rice Tariffication Law (na tinawag ding Rice Liberalization Act), ang dating restriksyon sa importasyon ng bigas ay inalis o binago, at pinalitan ito ng pagpapataw ng taripa o buwis sa kalakal para sa mga inaangkat na bigas. Dahil dito, maaaring mag-angkat ng bigas ang mga trader mula sa iba’t ibang bansa nang walang limitasyon basta nakakabayad sila sa gobyerno ng itinakdang responsibilidad na 35% taripa sa pag-aangkat kapag ito’y galing sa mga bansang kasapi ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) at 50% taripa naman para sa mga di kasapi ng ASEAN. Ang batas na ito’y sinasabing sagot sa mataas na inflation rate nung nagdaang taon na umabot sa 6.4% noong Agosto 2018 kung saan tumaas hanggang P45 ang average na presyo ng bigas. Ayon sa mga mambabatas na nagtulak na maisabatas ito, tinatayang nasa 0.7% ang dagdag na presyo ng bigas sa inflation. Isa na rin sa itinuturing na benepisyo ng batas ay maiwasan na maubusan ng imbentaryo ng bigas, gaya ng nangyari noong nakaraang taon na halos masaid ang supply ng National Food Authority (NFA) na dahilan ng paglobo ng presyo ng bigas. I l ang b u wan m ata po s m a i pa tupa d a n g ba ta s, bum a ba n a n a n g P 2 a n g pr e sy o n g big as sa mer k ad o n o o n g n ak ar aan g Hul y o k umpar a s a nag da a ng t a on , ba se sa d a to s n g P h i li ppi n e Sta t i st i c s Auth o r i ty.

Salantang dulot sa magsasaka

Samantala, tila pabor ang pagpapatupad ng Rice Tarrification Law sa karaniwang mamamayan dahil mas marami ang pagpipiliang murang presyo ng bigas, gayon din para sa gobyerno dahil sa dagdag buwis na malilikom. Sa pananaw ng mga karaniwang magsasaka, kabaligtaran o kalunos-lunos ang dulot nito. Inalis ng bagong batas ang restriksyon sa bilang ng maaaring angkating bigas, dahilan para bumaha ng mas murang imported na bigas sa merkado na nagdulot naman ng mahigpit na kompetisyon sa pagitan ng lokal at imported na bigas. Dahil kabi-kabila ang pag-aangkat ilang buwan matapos mapaipatupad ang batas, ang Pilipinas ay pumapangalawa na sa China sa buong mundo pagdating sa bilang ng inaangkat na bigas kung saan tinatayang aabot na sa tatlo hanggang apat na milyong metric tons (MMT)—pinakamataas din sa kasaysayan ng pag-aangkat ng bansa. Dahil sa mas murang supply ng bigas mula sa ibang bansa, mas pinipili ng mga rice trader na kumuha na lang ng supply sa imported imbes na sa mga lokal na magsasaka, kaya binababaan pa lalo ng mga magsasaka ang presyo ng palay para lang kumita. Upang tangkilikin ng mga rice trader, napipilitan ang mga magsasaka na ibenta ang kanilang ani sa murang halaga. Ang presyo ng palay ngayon kada kilo ay bumaba sa average na P17.85, na maaaring higit pang bumaba nang hanggang P10 o P7 kapag sumapit ang panahon ng anihan. Ito’y bumaba na ng mahigit 17 porsyento mula sa nagdaang average na P21.38 noong nakaraang taon noong hindi pa ipinapatupad ang batas. Kung tutuusin, sa produktong P12 ang puhunan kada kilo at sa bentahang P17 na may P5 kita, kailangang maibenta ng isang magsasaka ang 4,000 kilos tuwing panahon ng anihan matapos ang apat o limang buwang taniman para lang kumita ng P20,000 o P142 kada araw. Bunsod ng masamang kalagayan sa pagsasaka kasabay ng bagong batas, sinasabing 200,000 magsasaka na ang lumisan sa kanilang mga sakahan sa loob ng limang buwan ng pagpapatupad ng batas. Dagdag dito ang pagsasara ng may 4,000 gilingan ng palay, ayon sa isang senate inquiry patungkol sa mga epekto ng batas. Tinatayang nasa P95 bilyon ang mawawalang kita ng mga magsasaka ngayong taon dahil sa pagbaha ng murang imported na bigas, ayon sa Philippine Chamber of Agriculture and Food Inc. (PCAFI). Maraming mambabatas at consumer groups ang nagsabing nabigo ang batas, gaya ni Senador Francis Pangilinan na nagsabing sumama pa nga ang kalagayan at dagdag pasakit ito sa mga magsasaka. Iminungkahi nilang amyendahan ang batas upang maibsan ang negatibong epekto nito. Guhit Ni: Serrando Olid Roman Jr.


HALAIN Kaunlarang hindi maani sa lupang sakahan Bukod sa nagbabadyang kakarampot na kita dulot ng batas, matagal nang daing ng mga magsasaka ang samut-saring problema sa mga sakahan. Kabilang na rito ang El Nino at bagyo na sumasalanta sa bilyones na halaga sa agrikultura, makalumang pamamaraan sa pagsasaka, kulang na suporta ng gobyerno at iba pa. Gaano man kasipag ang mga magsasaka, malabo pa rin ang pag-asenso. Base sa ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) noong 2017, nananatiling “poorest of the poor” ang mga magsasaka at mangingisda. Tinatayang nasa P100,000 ang taunang kita ng isang magsasaka o mahigit P8,000 kada buwan, batay sa survey ng Family Income and Expenditures. Sadyang mababa ito kumpara sa pagtataya ng NEDA na kailangan ng halagang P42,000 para sa pamilyang may limang katao upang mabuhay nang disente at lagpas sa poverty line. Base sa salaysay ni Asterio Saliot, direktor ng Department of Agriculture-Agricultural Training Institute (DA-ATI), ang average na edad ng mga magsasaka sa kasalukuyan ay 57 taong gulang at ang average na pinag-aralan nila’y grade 6 lamang na posibleng dahilan kung bakit hindi sila makasabay sa bagong teknolohiya. Dagdag pa niya, maaari tayong umabot sa kritikal na antas ng manggagawa sa sakahan sa loob ng 15 taon kapag walang pagbabago sa kalagayan ng agrikultura sa bansa. Dahil sa kahirapan sa mga sakahan, mas pipiliin ng mga magulang na magsasaka na huwag nang sumunod sa kanilang yapak ang mga anak dahil hindi nila nakikitang makabuting kabuhayan ang pagsasaka. Matagal na rin iginigiit ng mga magsasaka ang kanilang mga karapatan at ipaglaban ito sa pamamagitan ng demonstrasyon o pakikibaka. Ngunit imbes na pag-unawa at aksyon ang tugon, kadalasan’y bala o dahas ang iginaganti sa mga magsasaka. Naiulat noon ang Kidapawan Massacre, Hacienda Luisita Massacre at Hacienda Nene sa Negros Oriental kung saan 14 na magsasaka ang pinaslang umano ng Armed Forces of the Philippines bilang “legitimate operation” laban sa New People’s Army at dahil “nanlaban” umano ang mga magsasaka kaya sila pinatay. May mga hakbang na inilatag ang gobyerno bilang solusyon sa paghihirap ng mga magsasaka bunsod ng batas. Kasama rito ang pagbibigay ng Department of Agriculture ng P15,000 loan assistance na may zero percent interest at babayaran sa loob ng walong taon. Ngunit para sa ilang magsasaka, sa puhunang madalas umaabot ng P10,000 hanggang P40,000, tila kakarampot at walang mararating ang nasabing tulong mula sa gobyerno. Kasabay ng Rice Tariffication Law, naglaan din ng tinatawag na “Rice Competitiveness Enhancement Fund” o RCEF ang gobyerno. Sampung bilyong piso mula sa buwis na makukuha sa batas kada taon ang ilalaan dito para bumuti ang kalagayan ng pagsasaka sa pamamagitan ng modernisasyon at ibang tulong pinansyal. Sa ngayon, sa P5 bilyong nalikom mula sa buwis, P1 bilyon pa lamang ang naipamahagi sa mga magsasaka. Ang sinasabing dahilan kung bakit mabagal ang proseso ay dahil malabo sa Department of Budget and Management kung saan muna ibibigay ang pondo.

Guhit Ni: Serrando Olid Roman Jr.

Sa kasulukuyang sitwasyon ng mga magsasaka at base na rin sa gumawa ng batas na si Senador Cynthia Villar, matagal nang napag-iwanan ng panahon ang agrikultura. Ayon sa mambabatas, binigyan na tayo ng 22 taon para magbutihin ang ating mga sakahan pero hindi natin ito nagawa, at nananatili pa rin ang kahirapan ng mga magsasaka habang patuloy na yumayaman ang mga rice smuggler at cartel.

********** Sa panahong umaasenso na ang ibang sektor sa lipunan tulad ng industriya at ekonomiya, mayroong ibang bagay na hindi nagbago at nanatiling atrasado. Nakalulungkot isiping kabilang dito ang hanapbuhay na minana ng mga mamamayan sa kanilang mga ninuno. Ang mga taong gumagaod ay tila napagkakaitan ng pagkakataon at panahon na umunlad ang pamumuhay. Marahil, ang isang bagay patungkol sa mga magsasaka na laging nakakasabay sa panahon ay ang pagkanta ng “Magtanim ay ‘di biro” dahil laging atrasado ang pagsasaka sa bansa, anuman ang panahon o sitwasyon. <w>

Guhit Ni: Serrando Olid Roman Jr.


8

SPORTS

HULYO - SETYEMBRE 2019

PLMun, Nagkamit ng Medalya sa PLMun, Kampeon sa Malabon Inter-Club Karatedo Tournament || Jaye Egoy Invitational Open Karatedo || Jaye Egoy Matagumpay na naiuwi ng PLMun karatedo team ang ikalawang pwesto sa nagdaang inter-club karatedo tournament na ginanap sa Zapote, Las Piñas noong ika-25 ng Agosto. Naglaban laban sa nasabing tournament ang iba’t ibang karatedo club na mula pa sa iba’t ibang lugar tulad ng Parañaque at Las Piñas. Nakamit ni Antoniette Leoder ng Novice division ang nag iisang silver medal ng grupo habang sina Marjorie Ongcoy at Patricia Vergara naman ng advanced division ang nakakuha ng mga bronze medals ng grupo. “The karatedo team was invited to participate in a friendship tournament where different clubs is also participated in and thankfully because of hardwork of our coach Fr. Daniel Y. Ybañez our Grandmaster and our own determination to learn, we were able to bring the honor of our team including my award which is 2nd (silver medalist).” Pahayag ng silver medalist na si Antoniette Leonder. <w>

Men’s volleyball team, wagi laban kontra Conquerers || Dennis Gabriel at Mariel Mesa

Siniguro ng Men’s Marshalls volleyball team ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ang panalo matapos talunin ang Conquerers ng International School for Hotel and Restaurant Management (ISHRM) sa unang laban nila sa ika-24 na Cavite Schools Cultural and Athletics Association (CavSCAA) League na ginanap noong ika-28 ng Setyembre 2019 sa University of Perpetual Help System Dalta sa Bgy. Molino, Bacoor, Cavite. Tumagal at umabot ang nasabing palaro sa ikatlong set na may iskor na 25-13, 23-25 at 27-25. Umariba ang PLMun Marshalls sa unang set pa lamang bunsod ng nag-aalab na tira sa pangunguna ng spiker na si Jason Sayoc, na sinabayan pa ng matitinding diskarte ng mga kakampi. Samantala, nangibabaw naman ang koponan ng ISHRM at inungusan ang Marshalls sa ikalawang set ng laro sa iskor na 25-23. Matapos magwagi ng tig-iisang set ang bawat koponan, muling nagtuos ang mga manlalaro sa ikatlong set. Hindi naging madali sa Marshalls ang huling set dahil sa ipinakitang kahusayan ng mga kalaban. Ngunit sa kalagitnaan ng laro, muling nagpamalas ng nakamamanghang palo at opensiba na sinabayan pa ng nagliliyab na set play nina Rihan Esguerra, Jason Sayoc at Christopher Bautista. Mas lalo pang tumindi ang laro nang umabot ito ng “dus” na mas nagpasabik sa mga manonood. Sa huli, napagtagumpayan ito ng mga manlalaro para tuluyang maiuwi ang tagumpay para sa PLMun. <w>

Hinirang ang PLMun Karatedo Team bilang pangkalahatang kampeon sa nagdaang 64th Malabon Invitational Open Karatedo noong Setyembre 8. Ang championship tournament ay ginanap sa Lungsod ng Malabon na dinaluhan ng iba’t ibang klub mula sa Valenzuela, Malabon at Monumento, Caloocan.

Photo By: PLMun Karatedo Team

Gayong limang atleta lamang ang isinali ng koponan para sa nasabing tournament, matagumpay na naiuwi nina April Ann Reyes, Junella Carnaje, Edrian Josh Ramonel, Miguel Ramon Miravilla at Sandy Rili ang limang gintong medalya para sa novice division. Sa pagtatapos ng paligsahan, hinirang bilang “most valuable coach of the year” si Fr. Daniel Ybanez, ang coach ng PLMun Karatedo Team. Iginawad ang nasabing parangal bilang papuri sa kanyang angking galing sa paghahasa ng mga atleta. Ang batayan umano para sa nasabing parangal ay ang ipinakitang kahusayan ng bawat atleta sa paligsahan. ‘’I was chosen as the most valuable coach of the year because every year, we join competitions in that area. And they had seen how the PLMun Karatedo Team won in almost all the games as over-all champion,’’ pahayag ni Fr. Ybanez. <w>

PLMun Lady Marshalls, wagi sa unang laban || Jaye Egoy Tagumpay ang PLMun Lady Marshalls sa kanilang unang laro sa 24th Cavite Schools Cultural and Athletics Association (CavSCAA) league laban sa San Sebastian College Recolitos. Nangyari ang nasabing laban sa pagitan ng dalawang koponan sa Saint Francis of Assisi College (SFAC) Bacoor, Cavite noong ika-28 ng Setyembre. Ito ang unang laro ng Lady Marshalls para sa nasabing liga. Sa simula pa lamang ng laban ay nangibabaw agad ang Lady Marshalls sa unang puntos na ibinigay ni Krizzia Mae Kubori sa koponan. Sunod-sunod nang pumuntos ang Lady Marshalls at inarangkada ang 1st quarter sa iskor na 45-13. Nangibabaw naman ang Lady Marshalls sa 3rd quarter ng laban sa sunod sunod na 2-3 points mula kay Karina Tura.Nagtapos ang laro sa sunod sunod na puntos na binitawan ng koponan ng Lady Marshalls. Tagumpay ang Lady Marshalls sa iskor na 18-69, na nagmarka sa unang panalo ng koponan laban sa SSCR Conquerers.<w>   Kuha Ni: Jaye Egoy

Lady Marshalls, waging muli sa pangalawang laban || Jaye Egoy at Jennefer Mansalon Kuha Ni: Jaye Egoy

Waging muli ang PLMun lady Marshalls sa kanilang pangalawang laro para sa Cavite Schools Cultural and Athletics Association laban sa koponan ng University of Perpetual Help- GMA. Nangyari ang tapatan ng dalawang koponan noong ika-29 ng Setyembre sa gymnasium ng University of Perpetual Help-GMA. Nagsimula ang laro sa binitawang 2 points ni Joan Hate ng Lady Marshalls. Nagtuloy-tuloy ang magandang laro ng koponan hanggang sa tapusin nila ang 1st quarter sa iskor na 5-0. “Bandang gitna, pa 2nd quarter na ay lumambot ang depensa then hanggang sa 3rd quarter, natambakan kami ng anim.” Pahayag ng manlalarong si Angela Rongcales patungkol sa pagkawala nila sa momentum ng laro. Sumiklab ang init ng laro pagsapit ng 4th quarter kung saan unti-unting bumawi ang Lady Marshalls. Nagpalitan ng control sa huling quarter ng laro ang dalawang koponan hanggang sa umangat ng 9 na puntos ang Lady Marshalls. Natapos ang mainit na laro sa isang 3 points shot na pinakawalan ni Karina Tura ng Lady Marshalls at pinako ang iskor na 53-44.<w>


BALITA

HULYO - SETYEMBRE 2019 Dr. Jaime Gutierrez Ang OIC, Office for Students Affair

9

PLMun’s New Faces || Eloiza Marie Menchavez

Si Dr. Jaime Gutierrez-Ang ang bagong direktor ng Office for Students Affairs at dating dekano ng College of Arts and Science (CAS). Ang mantra niya: “Students first, always.” Nagtapos siya ng kursong International Studies at Political Science sa Lyceum of the Philippines University-Manila at nagtamo ng diploma sa pagtuturo sa Philippine Normal University (PNU)-Manila. Tinapos niya ang kanyang master of arts in Teaching English as a Second Language sa PNU at Mass Communication bilang pangawalang masteral degree sa Polytechnic University of the Philippines (PUP). Natanggap niya ang doctorate degree sa Educational Management at kasalukyang nag-aaral ng PhD (doctor of philosophy) sa English Literature. Nais iparating ni Dr. Ang sa lahat ng mag-aaral ng pamantasan na huwag matakot o mag-atubiling kumatok sa kanyang tanggapan at sila nama’y laging pagbubuksan. <w>

Rowena Dela Cruz Phd. College of Arts and Science, Dean Si Dr. Rowena Dela Cruz ang bagong dekano ng College of Arts and Science (CAS) at dating direktor ng Office for Students Affairs. “I believe poverty is not a hindrance to success,” wika ni Dr. Dela Cruz. Nagtapos siya ng Human Ecology Major in Human Public Development Studies, master’s degree sa Education Management at doctorate degree sa Agricultural Education. Nagsimula siyang maglingkod sa PLMun mula noong 2013 hanggang ngayon. Naniniwala si Dr. Dela Cruz na hindi niya kailangang baguhin ang mission-vision ng CAS. Bagkus, ipagpapatuloy niya ang nasimulan ng dating dekano na si Dr. Ang. Pagsisikapan niya ang mga aspeto o bagay sa kolehiyo na dapat pagtuunan ng pansin. Nais din niyang mag-aral mabuti ang mga estudyante ng CAS at laging susundin ang tagline na “lakas, talino at buhay”. <w>

Main Building magkakaroon ng Elevator ||Martin Charles Dilay

Alinsunod sa International Building Code (IBC), kasalukuyang proyekto ngayon sa loob ng main building ng Pamantasan ng Lungsod ng Muntinlupa (PLMun) ay ang pagtatayo ng isang elevator na sasakop sa limang palapag ng naturang gusali. Ang nasabing proyekto ay pinondohan ng Gender and Development ng Lungsod ng Muntinlupa at inimplementa sa ilalim ng Local Government Unit (LGU) – Engineering Department. Ang probisyon na nakapaloob sa IBC, section 1007.2.1. ay ukol sa pangangailangan ng elevator o lift ng isang gusali pag ito ay umabot sa limang palapag. Ayon kay Engr. Zosima A. Cahinhinan, Building Administrator ng PLMun, ang lift shaft o ang nagsisilbing daanan ng isang elevator sa pag-akyat at pagbaba nito ng gusali ay inaasahang matapos ngayong Oktubre 2019, hiwalay pa rito ang paggawa ng mismong elevator na nasa proseso pa ng bidding. Ito ay susunod na itatayo matapos ang shaft. Isinaad rin niya na ang magagawang elevator ay may kapasidad na 10 katao at prayoridad nito ang mga nakakatanda o Senior Citizens at mga may kapansanan o Persons with Disability (PWD). <w>

Over-population, tinuturong sanhi sa mga suliranin ng CAS enrollment || Jaye Egoy

Nakaranas at nakasaksi ng iilang problema sa enrollment at room assignment ang mga mag-aaral ng College of Arts and Sciences (CAS) nitong pasukan. Nagkaroon ng kakulangan sa bilang ng silid na gagamitin ng bawat klase at nagka-ubusan ng slot sa iilang mga asignatura. Ayon sa CAS Student Council President na si Mr. Daryl Mhar Ramos, over population umano ang naging sanhi sa mga problema ng departamento. “1st enrollment pa lang ng CAS ay madami nang tao sa court. So, bumaba na kami doon ni ma’am Bea, nag intervein na kami doon. May mga dumaan sa college interview natin na nandudoon na sa court pero may nauuna sa kanila na hindi dumaan sa college interview. Which is noong araw lang na ‘yun dumating… So, ang concern lang namin ay ‘yung process. Dapat dumaan sa process.” Pahayag ni Mr. Ramos sa isang panayam. “Nangyari na lumobo ang population ng 1st year, kasi ang registrar tanggap nang tanggap ng mga enrollees, na dapat sana nagkaroon sila ng restriction kung hanggang kailan lang ang pagpasa ng requirements at pag exam.” Dagdag pa niya. Dahil sa over-population sa departamento, may mga klase diumano na umabot ng 80-100 ang bilang ng mag-aaral lalo na sa BA Communication, imbis na 30-40 lamang. Naging dahilan ito sa pagkaroon ng problema sa room assignment at pagkaka-ubusan ng slot sa iilang asignatura. Ngunit ayon sa panayam ng publikasyon sa bagong dekano ng departamento na si Dr. Rowena Dela Cruz ay naisaayos na ang nasabing problema sa room assignment. Dagdag pa niya na naipaskil na sa pintuan ng departamento ang bagong talagang silid-aralan para sa bawat klase. Sinagot din ng bagong dekano ang mga pangamba ng ilang mga estudyante na baka hindi sila tanggapin ng kanilang mga propesor sa klase sa kadahilanang huli na silang nakapasok lalo pa’t ang ilan sa kanila ay tatlong beses nang hindi nakapasok gawa ng pagka-ubos ng slot. Ayon kay Dr. Dela Cruz, maaring magpadala ng sulat sa kanya ang mga estudyante upang maipagbigay alam nya sa mga propesor ang nangyaring problema sa enrollment lalo na sa mga propesor na part-time lang ang pagtuturo sa Pamantasan at hindi alam ang nangyaring problema sa enrollment ng departamento. <w>

Opisyal na samahan ng mga iskolar, inilunsad || Seph Joe Añedez at Alizza Pamintuan

Sa hangaring makatulong sa nangangailangan at magkaroon ng boses ang mga iskolar ng PLMun, pormal na itinatag at inilunsad noong Setyembre ang Samahan ng Iskolar taglay ang Karunungan at Adhikaing Propesyunal o SIKAP. Ayon sa pangulo ng SIKAP na si Jyna Jean Gacho, ang organisasyong ito’y magsisilbing tagapag-ugnay ng mga mag-aaral na may natatanggap na iskolarsyip sa mga opisyal na namamahala sa student financial assistance program. Nais din ng samahan na tumulong sa mga problemang pang-akademiko, isports at anumang pangangailangan ng mga estudyanteng kabilang sa programa. Nagkaroon ng mga pagpupulong ang Student Financial Assistance Division (SFAD) upang piliin nang masinsinan ang mga iskolar na itinalagang mamamahala sa nasabing samahan, kabilang ang tagapayo ng organisasyon na si Maria Cecilia Velasco, ang pangunahing nagmungkahi sa pagbubuo nito. Nakasaad sa saligang batas ng SIKAP ang mga sumusunod na pamantayan sa pagiging opisyal ng organisasyon: kailangang lehitimong mag-aaral ng PLMun, kasalukuyang residente ng Muntinlupa at kabilang sa anumang programang pampinansyal sa ilalim ng SFAD. Dagdag pa, itinatakda ng Article II, Section B ng kanilang by-laws na ang mga iskolar na kasapi sa anumang programa ng SFAD ay kailangang magbayad ng halagang ₱20 kada semestre o halagang ₱40 sa loob ng isang akademikong taon bilang tulong sa paglulunsad ng mga proyekto, programa at aktibidad ng organisasyon. Pinaghahandaan ngayon ng SIKAP ang Scholar’s Appreciation Day at General Assembly ng lahat ng mga iskolar na gaganapin sa darating na Oktubre at pinaplano ang “Takbo ng Pasasalamat” sa Abril ng susunod na taon. <w> Narito ang pamumuan ng SIKAP: President: Jyna Jean G. Gacho Internal Vice President: Jhonamae M. Celiz External Vice President: Mark Edward S. Lariosa Secretary: Chrisha Mae J. Magpali Asst. Secretary: Kaye-an M. De Luna Treasurer: Dan Rose L. Rufo Asst. Treasurer: Jameson H. Visperas Auditor: Honeylyn F. Sanchez Jr. Auditor: Christine N. Ong Business Managers: Karen Joy M. Daquioag Jerick M. Sapa Airrha C. Obordo


The Faces of Leaders || Janine Ashley Clomera

University Student Coucil (USC) Veronica T. Abad Student Regent

“Keep pushing yourself, always go back to your principle and for as long as you’re doing things for the benefit of the majority, you don’t need to be afraid. For my co-students here in PLMun: We, from the University Student Council, is here to give our very best for the welfare of the students.”

College of Teacher Education Student Council (CTESC) June Saint Leal President

“Ang pinakaimportante sa amin ngayon ay ang pagiging transparent at accountable bilang lider, nang magampanan ang pinapasok namin.”

College of Information Technology and Computer Studies Student Council (CITCSC) Jessica Oquendo President

“Bilang pinuno ng konseho, ang aking mga layunin ay pairalin ang disiplina sa mga mag aaral sa CITCS at bigyan sila ng maayos at malinis na pasilidad upang makaagapay sa kanilang pag-aaral.”

Business Administration and Student Society (BASS) Aljay Deramayo President

“We have our GOALS and keep in your heart our MISSION, “committed to provide excellent, transparent and fair services”. I am counting on you to make your best year at PLMun. We are here to support you every step of the way.”

College of Arts and Science Student Council (CASSC) Daryl Mhar Ramos President

“The CASSC and the minor organizations will work together as one team to achieve their goal of building a culture of excellence and pride among the students that will help them strive further and reach their maximum potential; through effective programs, and other avenues of learning and development.”

College of Criminal Justice Student Council (CCJSC) Michell Marmeto Duria President

“As the president of CCJ Student Council, along with the other student council officers, I will help the college faculty to implement the university rules and regulations. I will lead the awareness campaign to disseminate information and remind CCJ students of the existing university policies to guide them with their actions and behaviors while inside the premises of the university. Let’s work hand in hand for our department and help improve our university.”


EDITORYAL

11

HULYO - SETYEMBRE 2019

Kamay na bakal para sa nakataas na kamao Ang panghihimasok ng kapulisan at militar sa mga unibersidad ay labis na nakababahala sa akademikong kalayaan. Ito’y banta sa pinaiiral na demokrasya dahil maaari itong magdulot ng pangamba o pagpigil sa pagpapahayag ng mga simpleng mag-aaral, guro, mamamahayag pangkampus at lider estudyate hinggil sa mga problema ng paaralan o isyung panlipunan na nais nilang tugunan ng mga nasa kapangyarihan. Ang The Pillar, opisyal na pahayagan ng mga mag-aaral ng University of Eastern Philippines (UEP), ay nakaranas ng panghaharas ng kapulisan pagkatapos nilang magsagawa ng seremonyang pag-iilaw ng kandila bilang pag-alala sa mga biktima ng pamamaslang sa Isla ng Negros. Itinuring itong banta sa seguridad gayong ang hangarin lamang nito’y tawagin ang pansin ng gobyerno sa kawalang hustisya hinggil sa dumaraming kaso ng patayan. Isa itong “pagpapatahimik” ng administrasyong Duterte laban sa mga kritiko nito sa antas kampus, lalo na ‘yung mga nagsusulong ng karapatang pantao. Malinaw itong panunupil sa malayang pamamahayag at kalayaang mag-organisa ng mga mag-aaral para sa kanilang kapakanan at bilang bahagi ng lipunan. Malinaw rin itong paglabag sa Kasunduang Abueva-Ramos. Noong 1989, nilagdaan ng dating pangulo ng Unibersidad ng Pilipinas (UP) na si Jose Abueva at dating defense secretary Fidel Ramos ang kasunduang ito na nagbabawal sa pagpasok ng mga ahente ng pulis at militar sa loob ng UP nang walang permiso o abiso ng administrasyon ng unibersidad bilang proteksyon at suporta sa progresibong mga mag-aaral nito. Hindi maiwasang ihalintulad ang intensyon ng gobyerno ngayon sa mga naganap noong Martial Law na sadyang piniringan ang mata ng kabataan sa mga kamalian noon ng gobyerno sa pamamagitan ng pagpapasara ng mga publikasyong pangkampus at pananakot o panghaharas sa mga lider estudyante. Pilit na pinagtatakpan ng kasalukuyang rehimen ang mga pangyayaring ito sa pagdadahilang pinoprotektahan lamang umano nila ang kabataan, lalo na sa pagpanig sa Kaliwa o sa New People’s Army (NPA). Ang paarala’y institusyong nagsasanay, humuhubog at nagpapalago sa mga mag-aaral. Kasabay ng akademikong pag-aaral, hindi maiiwasang talakayin ang mga isyu ng bansa na nagmumulat sa tunay na kalagayan ng lipunan at maging aktibong bahagi nito. Kalakip ng pagkatuto ang kalayaang pumanig sa tama’t katotohanan. Esensyal sa demokrasya ang malayang pamamahayag ng kaisipan, saloobin at suhestiyon sa pagresolba ng mga suliranin ng paaralan at bansa. Kung tutuusin, hindi banta ang pagkamulat sa mga isyu ng bansa at aktibong paglahok tungo sa pagbabago. Mas malaking banta pa nga ang nakalalasong mentalidad ng iilan na nagtuturing sa mga taong aktibo sa usaping pulitikal bilang “makakaliwa”, “kalaban ng gobyerno” o di kaya’y NPA. Hindi lamang ito usapin ng responsibilidad ng kapulisan na tiyakin ang kapayapaa’t seguridad ng mga mag-aaral sa loob ng mga kampus. Ito’y usapin din ng kalayaang makiisa sa makabuluhang gawaing panlipunan. Ang mag-organisa ng aktibidad na naglalayong imulat o kalampagin ang administrasyon ay hindi krimen kundi patunay na ang kabataa’y pag-asa pa rin ng bayan. Pinatutunayan nito na hindi sila bulag o walang silbi, bagkus ay nagmamatyag sila sa galaw ng mga nagbubulag-bulagan at nagsasama-sama upang itaguyod ang karapatang pantao na lantarang tinatapakan ng kasalukuyang administrasyong Duterte. <w>

Guhit Ni: Janine Ashley Clomera

ang isang pag o-organisa ng aktibidad ng naglalayong magmulat at kumalampag sa administrasyon ay hindi isang krimen ...

Ito ay sumisimbolo sa unti-unting pagpatay sa agrikulutura ng ating bansa bunga ng mga patakarang pang-ekonomiya ng kasalukuyang administrasyon na nakakaapekto sa mga magsasaka. Isinimbolo ito sa Tomo XIV Isyu I bilang pag suporta at pag alala sa nalalapit na pagdiriwang ng buwan ng magsasaka ngayong Oktubre.


AWARDENG Oh my G! soundtrip sa gabi is my hobby! you’ll surely like this, lalo na kung fan ka ni Taylor Swift, Sabayan niyo na akong kumanta sa aking versions ng songs niya! Palipad-lipad lang pero dami ko nasagap hmmm? Paniki here at your service, ‘lika na and sing with me! Party Pips Taylor Swift - Blank Space

Ang COM Taylor Swift – Shake it off

They love to party plus sing-along pa ahh may palibre pang soundtrip and araw-araw pa ahh

But I keep coming, can’t stop, won’t stop asking It’s like I got this questions in my mind, sayin’ it’s gonna be alright

baka pwedeng mag request and sana paki play na rin cause you know I love music DJ paki play!

‘Cause what happens to the slips, slips, slips, slips, slips Bakit may mali li li li li li Baby, I’m just gonna wait, wait, wait, wait, wait Ang tagal, ang tagal babalik uli li li li li Then di pa rin tapos pos pos pos pos baka pwede paki print, print, print, print, print ang COM, ang COM

cause we’re young and we’re reckless? we’ll take this way too far it’ll leave you headache or just listen na lang got the list of your playlist na they’ll tell you ingay n’yo pero mabait silang estudyante and volumed down

Guhit Ni: Janine Ashley Clomera

Guhit Ni: Serrando Olid Roman Jr.

Pab-lito! || Tinidoro

Panuto: May tinta pa ba ang bolpen mong hindi parin binabalik sa may-ari? Sukatin ang galing at sagutan ang mga bugtong ni Tinidoro. Matapos nito ay hanapin ang kasagutan sa kahon ng mga letra. ____________ 1. Paasa, Magulo, parang sched sa COM mo. ____________ 2. Wisik wisik! Daanan natin ay Maputik! (RIP: Bagong Shoes.) ____________ 3. Uwi agad after pumasok, wala kasi lahat ng prof! ____________ 4. Agaw-agawan, Classroom natin, paunahan. ____________ 5. Contest everyday: Paramihan ng tao sa hallway. ____________ 6. Kung ayaw mabahuan, inidoro’y buhusan. ____________ 7. Winner na winner ang katabing malakas ang speakers! ____________ 8. Prof the great, niroroleta ang grade. ____________ 9. Hindi Dilawan, sadyang Mulat lang. ____________ 10. Late kay sir, It’s time to twerk! ____________ 11. Walang sagot sa kahon, pero may sikretong baon. X O, X I K A W! W A G G U S U T I N A N G D Y A R Y O N G ‘T O S S A Y A N G A N G X E F F O R T X N G X

X

W R I T E R S X

N A N A G S U L A T P A R A S A Y O. X

X

B A S A - B A S A X R Guhit Ni: Serrando Olid Roman Jr.

X K A P A T I D! X


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.