ANG SULO MAGAZINE 2014

Page 1


2 l LET

8 l KAPITALISMO

14 l FOIB VS. CCL

25 l MERALCO

34 l PORK REV

41 l KA BEL

3 l BLKD

11 l LGBT

18 l RICE EXPORT

26 l WIKA ICONS

36 l VAW

42 l ODL

1

EDITORYAL

5

HACIENDA LUISITA MASSACRE

6 l BERSONG OBRERO

13 l OPM

20

PITIK B

21

POKUS

22

SELFIE

31

KA BUTE

40

CRIMINAL CASE

52

KOMIKS

22 l CHILD LABOR

32 l EDUC. SYSTEM

38 l LRT/MRT

44 l ETSA-PWERA

48 l DEMOLISYON 46 l WORKERS SIT BLKD:http://wwar3.wordpress.com/page/2/,ROTC:http://bulatlat.com/main/2014/02/20/hazing-victim-calls-for-justice-rotc-abolition/,MANGGAGAWA:(1)http://static.squarespace.com/ static/508da03be4b0d28844ddf21c/t/51e63dc7e4b05ef2d6576043/1374043595323/Filipino%E2%80%85(2)http://aklatangtibak.files.wordpress.com/2013/05/kmu.jpg(3)http://www.gov.ph/images/ uploadspoems/),KAPITALISMO:(1)http://youronevoicecanmakeadifference.files.wordpress.com/2013/08/garbage-scavengers.jpg (2)http://www.wallsave.com/wallpapers/1920x1200/samsungtablet/207998/samsung-tablet-windows-207998.jpg,LGBT: http://imavex.vo.llnwd.net/o18/clients/urbanfarm/images/Gardners_Corner/Garden.jpgOPM:http://shadowness.com/file/item9/277756/ image_t6.jpgFOIB:(1)http://www.interaksyon.com/assets/images/articles/interphoto_1349169973.jpg(2)http://www.cpj.org/blog/blog.philly.10.9.AFP.jpgYOLANDA:http://newsinfo.inquirer.net/ files/2013/11/10_superY_31.jpgMAGSASAKA:(1)http://www.balitapinoy.net/images/still_farming_but_for_how_much_longer_photo_credit_jason_gutierrez_irin.jpeg(2)http://asianjournal.com/ news/wp-content/blogs.dir/2/files/2013/09/rice-harvest-655x436. MERALCO:http://business.inquirer.net/files/2014/01/Power-Rate-protest-0122.jpgWIKA ICONS:(1)http://filipinobiography.com/wpcontent/gallery/truly-pinoy/pinoy_filipinobiography.jpg(2)http://1.bp.blogspot.com/-ebjUBE3lgM0/UDrZWulB4TI/AAAAAAAAAsA/7OgxbGIP3x8/s1600/Buwan+ng+Wikang+Filipino.jpgKA BEL:((1) http://tatayk.files.wordpress.com/2009/05/n47466817511_1237404_2203.jpg?w=500(2)http://www.nameless.org.ph/sites/default/files/593103p.jpg(3)http://allecoallende.files.wordpress.com/2010/05/ artwork.pngDEMOLISYON:(1)https://pbs.twimg.com/profile_images/2578179698/San_JUan_1.jpg(2)http://pamantik2009.files.wordpress.com/2014/01/1501420_642259289166413_1555517942_o. jpg(3)http://images.gmanews.tv/v3/webpics/v3/2014/01/320_2014_01_27_16_47_51.jpg(4)http://pinoyweekly.org/new/wp-content/uploads/2012/04/silverio-9.jpgETSA-PWERA:(1)http://upload. wikimedia.org/wikipedia/commons/thumb/5/59/Negrito_outrigger.jpg/210px-Negrito_outrigger.jpg (2)http://culturalcritic.files.wordpress.com/2009/03/etsa-puwera1.jpg?w=460(3) http://www. philippines.hvu.nl/images/mcArthur.jpg(4)http://www.country-data.com/frd/cs/philippines/ph01_02b.jpg(5)http://upload.wikimedia.org/wikipedia/commons/e/ec/Japanese_light_tanks_moving_toward_Manila.jpg(6)http://www.indybay.org/uploads/2012/09/26/1972-sept-21-marcos-declares-martiallaw.jpg(7)http://d202m5krfqbpi5.cloudfront.net/authors/1266984598p5/748513.jpg(8) http://static2.demotix.com/sites/default/files/imagecache/a_scale_large/2500-3/photos/1377523508-million-people-march-on-national-heroes-day-in-manila_2508163.jpgLRT/MRT:(1)http://upload. wikimedia.org/wikipedia/commons/2/26/MRT2_Araneta_CenterCubao_Station.jpg(2)http://ebtenorio.files.wordpress.com/2009/05/img_1373.jpgPNOY(1):http://2.bp.blogspot.com/MJlgkJj1sNg/TmN4mc0usXI/AAAAAAAAADM/mt8c6D1jol4/s400/pnoy1.pngVAW:(1)http://static.guim.co.uk/sysimages/Guardian/Pix/pictures/2013/3/4/1362398217082/Philippines-One-Billion-R-008.jpg(2)https:// www.facebook.com/photo.php?fbid=10203270329307886&set=a.1163649780287.2025767.1499145745&type=1&theater(3)http://www.ivowtofightvaw.com/wp-content/uploads/2011/06/DSC_49868.jpgCRIMINAL CASE:http://quickgamer.net/wp-content/uploads/2013/01/Criminal-Case-Homeless-Camp-Scene.jpg. ¬¬¬


THAT’S NOT NORMAL Taong 1901 nang simulan ng Thomasites ang kolonyal na edukasyon sa Pilipinas sa pamamagitan ng pagtatatag ng institusyong pangkultura tulad ng PNU na nagiging salalayan ng politikal at ekonomikong kapangyarihan ng dayuhan hanggang sa kasalukuyan. Ngayong duman na ang PNU sa iba’t ibang administrasyon hanggang kay President Ester B. Ogena (PEBO), patuloy na kolonyal, komersyalisado at mapanupil ang edukasyon sa ilalim ng kanyang panunungkulan. Naging makasaysayan ang pagkahalal ni PEBO dahil sa kauna-unahang pagkakataon, naging kalahok ang kalakhang iskolar ng bayan sa pagpili ng mamumuno sa buong sistema ng PNU. Tila liwanag ang hinatid nito sapagkat nagbunga ito ng kumikinang na simula para sa lahat na binulag ng madidilim na sandali buhat ng nakaraang administrasyon. Ngunit sa panahong ang edukasyon ay sumasailalim sa iba’t ibang pagbabago, nakipagsabayan din ang mga kritikal na isyung bumago sa takbo ng pamumuno ni PEBO. Sa unang yugto pa lamang ng pamumuno ni PEBO, binatikos na siya ng kabi-kabilang protesta ukol sa mga isyung kinaharap ng pamantasan tulad ng merging of classes at moratorium of specialization na bunga ng sunod-sunod na budget cuts. Sa madaling sabi, hindi nagsilbing ilaw si PEBO tulad ng inaasahan dahil sa sinundan niyang administrasyon na nagmistulang ‘dark age,’ ay nadagdagan lamang ang pasakit ng mga mag-aaral. Sinundan pa ito ng pataksil na pagaaproba sa PNU Web-Based School System (PWEBSS) nang hindi muna ikinokunsulta sa mga etudyante bilang major stakeholders ng pamantasan kung kaya’t nagdulot ito ng iregularidad sa panahon ng enrollment. Kaalinsabay nito, ang nabubulok nang Student Handbook na sa tinagal-tagal ng proseso ay hindi pa rin narerebisa. Nangangahulugan lamang ito na huli at laging talo pa rin ang mga mag-aaral sa pagpapatupad ng mga polisiya sa pamantasan. Ikinagulat din ng lahat ang pagmamadali ng administrasyon sa bago nitong Organizational Structure (OS) kung saan pinagsiksikan ang mga mag-aaral sa iisang kolehiyo at nagdagdag ng dalawa pang kolehiyo at mga administrador na nagbunga ng sanga-sangang

pagbabago sa PNU. Isa na rito ang kontrobersyal na pagkuha ng mga silid-aralan sa gusali ng dating CED na ngayo’y CTD sa kamay ng mga mag-aaral upang gawing Faculty Center kung saan malinaw na tinutulan ng mga PNUan. Sa kabila ng ginanap na mga pagkilos, hindi nakinig si PEBO sa hinaing ng mga mag-aaral maging sa pagtutol ng mga fakulti at kawani ng pamantasan. Ibig sabihin, naisasailalim lamang sa iilang pasya ang mga polisiyang ipatutupad. Sa ganitong sistema, hindi nagiging tapat ang administrasyon sa kanyang nasasakupan. Isang taon bago matapos ang panunugkulan ni PEBO, hindi pa rin natatapos ang pagharap ng mga iskolar at guro ng bayan sa mga pagbabagong nais gawin ng kanyang administrasyon. Nito lamang Disyembre ng nakaraang taon ay nagkaroon ng diskusyon ukol sa pagbabago ng academic calendar. Masasabing tinutupad lamang ng PNU ang layunin nitong makipagsabayan sa globalisasyon ngunit kung susuriin, mas pumapabor ito sa dikta ng mga dayuhan tulad ng Association of South East Asian Nations (ASEAN) at naglalayon na i-export ang libolibong guro na iniluluwal nito na nagpapakita ng matinding kabalintunaan na magsilbi ang isang State University sa sambayanan. Ang pinakahuli, ang trimester scheme na bunga rin ng walang maliw na pagsuporta ng administrasyon sa ASEAN. Nagkaroon ng nasabing iskema dahil sa oras na magpalit ng academic calendar, madali na lamang itong matutugunan dahil hindi maapektuhan ang mga buwan ng klase. Dagdag pa, palalakihin nito ang kita ng pamantasan bilang ang PNU ay mababa ang kinikita mula sa mga Income Generating Projects (IGPs). Datapwat hindi ito makatwiran dahil bunga

ito ng kakulangan ni PEBO sa paggigiit ng mas mataas na badyet buhat sa mga nakaraang alokasyon ng pamahalaan para sa PNU na hindi tumutugon sa panukalang pangangailangan ng pamantasan at kadalasan pa’y suki ng pagkakaltas. Nariyan din ang kaangkupan ng PNU bilang National Center for Teacher Education (NCTE), matatapos na ang probisyon nito na makatatanggap ang pamantasan ng 250 M at 100 M sa loob ng limang taon para sa pagsasaayos ng pasilidad ngunit nanatili pa rin itong pangalan lamang. Ang hindi normal, pinatutunayan ni PEBO sa mga nabanggit na hindi siya naging epektibong ina ng pamantasan na humuhubog ng mga guro ng bayan tungo sa siyentipiko, maka-masa at makabayang pagbabago ng edukasyon. At normal lang isipin na isa siya sa maraming mukhang nagdaan sa PNU na nagpapanatili ng kasalukuyang kalagayan ng edukasyon – kolonyal, komersyalisado at mapanupil na nakaaapekto sa kasalukuyang kalagayan ng bansa – hindi malaya sa dayuhang paghahari at pang-aalipin. Itinatag man ang PNU bilang instrumento ng mga dayuhan upang lusawin ang kultura ng bansa, pinangungunahan dapat ni PEBO ang pagsusulong ng edukasyong nagsisilbi sa mamamayang Filipino at nagmumula ito sa demokratikong panunungkulan at pagsasaalang-alang na sa bawat isyung kinakaharap at kakaharapin ay dapat nilalahukan ng pinakamalaking bahagi ng pamantasan – ang mga magaaral.

1


LET Expose:

Pagbubunyag sa Krisis na Nararanasan ni Inang Pamantasan

“

Bilang mga PNUan, malaking hamon sa ating lahat na muling manguna sa LET. Kasabay nito, malaking hamon din para sa atin na igiit sa pamahalaan na iprayoridad sa listahan ng pagpopondo ang sektor ng edukasyon na kailangan ng mga pamantasan upang tumaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa.

Nagbunyi ang mga iskolar ng bayan sa pangunguna ng PNU sa ginanap na Licensure Examination for Teachers (LET) noong Setyembre 2013. Subalit, sa kabila ng tagumpay na ito ang unti-unting pagbaba ng kalidad ng edukasyon na tinatamasa ng mga mag-aaral sa pamantasan.

Baliktanaw sa LET

Sa tala ng Professional Regulation Commission (PRC), nanguna sa sekondarya at pumangatlo sa elementarya ang PNU-Manila. Pumangatlo rin ang PNU-Agusan sa sekondarya. Tumaas ang porsyento ng mga pumasa sa PNU-Manila sa elementarya na mula sa 77.78% ay naging 91.34% at sa sekondarya na 89.43% mula 79.47%. Nakamit ni Jose Mari Calamlam, BS in Mathematics for Teachers (BSMT) mula sa PNU-Manila ang ikasampu na pwesto. Samantala, umangat na-

2

man sa elementarya sina Bernie Aremado at Reynaldo Francia Jr. (Top 6) at April Alonica Valiente (Top 10) na mula sa PNU-Lopez.

LET it show: Isyu sa likod ng LET

Sa unang tingin, tunay na maganda ang resulta ng LET at tila walang problema subalit, kung susuriing mabuti, mapapansing malaking bahagdan ng mga mag-aaral ang hindi nakapasa. Sa 1,726 na kabuuang kumuha ng pagsusulit, tinatayang 1,486 lamang ang pumasa. Mapapansing kahit may mga nangunang mag-aaral ay hindi mataas na pwesto ang kanilang nakamit. Matagal na panahon na ring hindi nangunguna sa pwesto ang mga PNUan na taliwas sa titulo ng pagiging NCTE, na dapat itong manguna sa lahat ng aspekto ng edukasyong pangguro. Nagsimula ang unti-unting pagbaba ng porsyento ng mga pumasa sa LET nang makaranas ang pamantasan ng sunod-sunod na

“

pasilidad para sa sanitasyon at kalinisan. Dahil sa patuloy na pagkakaltas ng badyet sa sektor ng edukasyon, nagbubunga ito ng sanga-sangang problema na nakaaapekto sa mga mag-aaral at pagbaba ng kalidad ng edukasyon.

Don’t LET it down

Bilang mga PNUan, malaking hamon sa ating lahat na muling manguna sa LET. Kasabay nito, malaking hamon din para sa atin na igiit sa pamahalaan na iprayoridad sa listahan ng pagpopondo ang sektor ng edukasyon na kailangan ng mga pamantasan upang tumaas ang kalidad ng edukasyon sa bansa

___________. (2013). LET 2013 Results. Professional Regulation Commission. Retrieved on December 2013. Retrieved from <http:// www.prcboardnews.com/2013/09/prc-releases-LET-results-september-29 2013-teachersboard-exam.html>

SANGGUNIAN:

John Carlo B. Cabilao

pagkaltas sa badyet mula 2010 hanggang sa kasalukuyan ayon sa tala National Union of Students of the Philippines (NUSP). Nagresulta ito ng kakulangan sa PNU para sa maayos na pasilidad, sapat at epektibong mga kagamitan sa pag-aaral at pagtuturo, maging ang mga benepisyo at serbisyo sa mga mag-aaral tulad ng mga libro na magagamit sa pagrerebyu sa LET at sweldo ng mga propesor. Bilang NCTE, tungkulin ng PNU na magprodyus ng mga mahuhusay at dekalidad na guro. Kung magpapatuloy ang pagbaba ng antas ng PNU sa LET, maaaring maging hadlang ito sa pagpunan ng kakulangan sa mga guro. Kakambal din ng isyung ito ang mga suliranin sa malaking kakulangan sa sektor ng edukasyon tulad ng kakulangan sa mga guro at mga pasilidad. Sa kasalukuyang datos ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), nangangailangan pa ang bansa ng 46,576 na mga guro na makatutugon sa programang K to 12. Malaking suliranin din ang mahigit 32,644 kakulangan sa mga silid-aralan, 90 milyong libro, 250,000 na mga upuan at 80,937

Manila Bulletin. (2013). Address shortages before K to 12, Teachers tell DepEd. Yahoo News. Retrieved on December 2013. Retrieved from <http://ph.news.yahoo.com/address-shortages-k-12-teachers-tell-deped-180842784.html>


Nagtapos si Allen Enriquez o mas kilala sa tawag na BLKD ng kursong Community Development sa Unibersidad ng Pilipinas-Diliman. Kasapi siya ng Sining na Naglilingkod sa Bayan (SINAGBAYAN), Tanghalang Bayan ng Kulturang Kalye (TABAKK), isang network na lumilikha, nagtatanghal at nagpapatanyag ng kulturang kalye, Batingao at Goons N’ Guns na ilan sa mga progresibong banda. Nag-umpisa siya sa pananaliksik ng “Rap Battle Philippines” sa Youtube at sinimulan sa panonood ng fliptop. Isa siyang ‘avid fan’ ng mga battle rap noong 2006 kaya nang magkaroon din ng sariling bersyon nito sa Pilipinas, otomatiko ng kinahumalingan niya ito. Sinabi niya na kinahiligan niya ang battle rap dahil madali siyang natutuwa sa mga berso nito, masarap pakinggan na parap kung bigkasin at may mga tugmaan. Madali rin para sa kanya na unawain ang mga mensahe nito dahil sa tema nitong asaran. Isa ito sa pinakamalakas na nagpabatid sa kanya, “Sa sarap ng mga salita, sa tamis ng mga tugma, sa linamnam ng mga linya at sa tapang ng mga tula.” Nang malaman niyang may battle rap league na rin sa Pilipinas, agad niyang naibigang subukan ito. Ang kanyang pagiging ‘avid fan’ ang nagtulak sa kanyang sumali sa larangang ito. Sa umpisa, nainsulto ang kanyang fanboy pride sa kababawan at kasimplehan “if not outright kapangitan” ng materyal ng ilang mga unang nakasali sa fliptop ngunit hindi naman ito kaso ng kayabangan, mas kaso ito ng panghihinayang sa pagpapahusay sa likhangsining na pinaghirapan ng mga iniidolo niya sa foreign leagues. Dagdag pa, atrasado ang mga pamantayan noon ng ilang em-

Kevin P. Armingol

Hindi lang lupon ng mga porma ng sining ang hip hop. Ibalik natin ito sa ugat nitong pagiging cultural movement para sa pagsusulong ng pagbabagong panlipunan. Walang mali sa paglaban, may mali kaya lumaban. -BLKD

cees kaya naisipan niyang sumali at nagbakasakaling makatulong sa pag-aangat nito. Bilang tukoy na aktibista, naipagsasabay niya ang pagpifliptop at paglahok sa mga gawain na may kinalaman sa isyung panlipunan. Madali na lang niya itong naisisiksik sa kanyang iskedyul dahil isang beses lang naman daw ito

nagaganap sa ilang buwan. May mga pagkakataon na nagkakagitgitan ang iba’t iba niyang mga gawain at inaming hindi siya mahusay sa time management kung kaya’t ang fliptop ang kanyang naisasakripisyo sa mga ganoong pagkakataon. Malaki ang naitulong ng fliptop sa kanyang pagkilos, parti-

kular sa usapin ng propaganda at pagsasapubliko ng mga ito dahil mas malawak niyang naikakalat ang mga balita, mga panawagan at mga patalastas tulad ng pagdaraos ng mga progressive forum at mga gig. Bilang ang fliptop ay liga ng battle rap, itinuturing niya itong competitive artform na nakatutulong sa pagpapalawak ng kanyang impluwensya. Tunay ngang malaki ang naiambag ni BLKD sa pag-aangat ng kalidad ng fliptop sa Pilipinas sa kasalukuyan dahilan para makilala siya hindi lamang sa sining ng kanyang mga linya’t kataga kundi maging sa pagbabahagi ng mga isyung panlipunan na nagmumulat sa madla. Pahayag ni BLKD, “Huwag tayong magpakulong sa demonyong pagkakahon ng mainstream media at iba pang mga institusyon sa aktibismo. Magkakaiba man tayo ng lawak at lalim ng pagunawa, lahat tayo, mulat sa mga kamalian ng sistema. Aktibismo, hindi eskapismo, ang sosolusyon sa mga ito.” Sa ganitong paraan, mas nagagamit ang panitikan sa porma ng fliptop bilang kanal na daluyan ng pagmumulat at pagoorganisa sa mga tumatangkilik nito tungo sa inaasam na pagbabago. Sa pamamagitan nito, mapagbibigkis at mapapanday ang naghihingalong kultura at magagamit bilang sandata sa lihis at atrasadong kaisipang makadayuhan— at walang makahahadlang kay BLKD na tumugon sa ngalan ng kataga at talinghaga na nagsisilibi sa bayan

3


Elaine I. Jacob, jacobelaine@ymail.com

BUSAL Hindi lang sa pagiging kadete ng ROTC makakamit ng kabataan ang patriyotismo.

Ang Reserve Officers’ Training Corps (ROTC) ay isang programa mula sa US noong 1892. Nakatuon ito sa pagsasanay at disiplinang militar sa mga magaaral. Isa ang Pilipinas sa mga alyado at kolonyang bansa ng US na sumunod sa programa at ang kauna-unahang yunit ng ROTC sa bansa ay itinatag sa Unibersidad ng Pilipinas. Matapos ang taon ng direktang pagsakop ng US sa Pilipinas, nanatili ang ROTC bilang elektib na kinukuha ng mga lalaking mag-aaral sa kolehiyo.

Dahil hindi totoong hangarin ng ROTC na turuan ang mga mag-aaral na maging makabayan, bagkus ay tinuturuan lamang nito ang kabataan na maging martir at manatiling tikom ang bibig sa mga pananamantala’t pandarahas na kanilang nararanasan.

Sa pagpapatuloy ng ROTC, kabi-kabilang kaso ng mga biktimang mag-aaral ang naitala sa loob ng mga pamantasan. Si Mark Welson Chua, isang magaaral sa Unibersidad ng Santo Tomas ay biktima ng pamamaslang matapos niya isiwalat sa pahayagang pangkampus—The Varsitarian noong Marso 2001 ang mga anomalya at katiwalian ng mga opisyal ng ROTC sa kaniyang pamantasan. Ayon sa ama ni Mark Welson Chua, “Mahal na mahal (ng kaniyang anak)

4

ang programa kaya gusto niyang iwasto ang kamalian nito at maghain ng reporma.” Ngunit matapos mailathala ang artikulo, nakatatanggap na ng mga death threats si Chua. Natagpuang lulutang-lutang ang bangkay ni Chua sa Pasig River. Nakabalot ang katawan sa isang karpet, nakabalot naman ng packaging tape ang buong mukha at nakagapos pa ang kaniyang mga paa at kamay. Ang pangyayaring ito ay nagresulta upang gawin na lamang opsyonal ang pagkuha ng ROTC sa kolehiyo at idinagdag ang National Service Training Program (NSTP) sa mga programang maaaring kunin ng mga mag-aaral.

Samantala, kahit hindi na mandato ang pagkuha ng ROTC, laganap pa rin ang kaso ng mga biktima sa ilalim ng programang ito. Sa PUP-Sta. Mesa, isang babaeng mag-aaral ang lumantad na nakaranas ng pagmamalupit ng kaniyang mga opisyal sa ROTC, hapon ng ika-16 ng Enero ngayong taon kasama ang kapwa niya dalawang kadete. Pinasok sila sa armory ng PUP-ROTC ng kanilang dalawang opisyal. Pinagiskuwat, pinakanta at pinalo ang kanilang mga palad ng kalahat-

ing pulgada ng kahoy habang makailang ulit na pinapalo ng kahoy na riple ang kanilang mga hita ng opisyal. Ang mga kasong tulad nito ang nagbunsod sa kabataan na magprotesta na tuluyan ng ibasura ang ROTC sa lahat ng pamantasan sa Pilipinas. Ipinapakita lamang ng mga pangyayaring naitala ang marahas na kulturang militar na ipinatutupad sa ROTC sa loob ng mga pamantasan. Nakasaad sa Saligang Batas ang mandato ng ROTC bilang isang malaking haligi ng defense structure ng bansa. Ibig sabihin, dito kukuha ng lakas-pantao ang armadong puwersa sa lahat ng sangay nito: ang army, navy at air force—sa panahon ng digmaan. Kung kaya’t hindi kataka-taka na ang pinatutupad na mga polisiya sa loob ng ROTC ay marahas dahil kaakibat ito ng kulturang naisapraktika mula sa mga armadong puwersa ng bansa at kolonyalistang US. Iminungkahi ni Eduardo Gullas, Kinatawan ng Cebu sa Kamara na muling gawing mandato ang ROTC dahil bahagi ng programa na pinamumunuan ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang pagtuturo ng patriyotismo. Sinusugan naman ni Voltair Gazmin, Kalihim ng Department of National Defense (DND) ang panukala sa Kamara dahil maibabalik daw ang disiplina at pagmamahal sa bayan ng mga kabataang Filipino kung ibabalik ang ROTC. Isang baluktot at napakababaw na dahilan upang gawin muling mandato ang ROTC dahil hindi lamang sa pagiging bahagi ng ROTC napapaunlad ang pagiging makabayan ng kabataan. Isa pa, madugo

at malagim ang rekord ng AFP sa karapatang-pantao, kung saan batay sa tala ng KARAPATAN, alyansang nagsusulong ng mga karapatang-pantao, umabot sa 23 biktima ng mahigit 1,000 kaso ng ekstrahudisyal na pamamaslang sa ilalim ng rehimeng Arroyo ay mula sa organisasyon ng kabataan tulad ng ANAKBAYAN, League of Filipino Students (LFS) at Kabataan Party-list kung kaya’t walang karapatan ang AFP na makisali sa usaping pang-akademiko ng kabataan. Ang ROTC ay isa lamang paraan ng mga armadong puwersa upang makapagsubaybay sa mga progresibong organisasyon sa loob ng pamantasan. Sa katunayan, ayon kay Raymond Palatino, Kinatawan ng Kabataan Party-list, ginagamit ang ROTC sa red-baiting (pag-aakusa ng walang sapat na batayan) sa mga grupong pang-mag-aaral na sila’y may kaugnayan sa mga rebelde. Dagdag pa ni Paolo Mantua, Tagapagsalita ng Sandigan ng Mag-aaral para sa Sambayan (SAMASA) ginagamit din paraan ang ROTC upang makapagpapasok ng mga Student IntelligenceNetwork (SIN) na makapagbibigay ng impormasyon sa AFP. Kaya, nais muling gawing mandato ng AFP ang pagpapatupad ng programa upang makapangharas ng mga militanteng mag-aaral na lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Samakatuwid, takot ang namamayaning kultura sa pagkakaroon ng ROTC. Isang porma ng paninikil sa mga mag-aaral na itaguyod ang kanilang mga karapatan sa loob ng pamantasan. Kung kaya, nararapat lamang na tuluyan ng ibasura ang ROTC sa mga pamantasang nagpapatupad nito. Dahil hindi totoong hangarin ng ROTC na turuan ang mga mag-aaral na maging makabayan, bagkus ay tinuturuan lamang nito ang kabataan na maging martir at manatiling tikom ang bibig sa mga pananamantala’t pandarahas na kanilang nararanasan.


Kuhang Larawan nina: Jolly M. Lugod, Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz

5


a amantal s g a p a M ikalang n a T a s t g Panula n a l a w a k Ang Pag

Ang panulat ay isang panlipunang praktika na ambag sa pagsusulong ng makabayan at progresibong panitikan sa pamumuno ng uring proletaryado—ang mga manggagawa. “Ang sining ay nasa panig ng mga binubusabos.” Ayon ito kay Nadine Gordimer, isang puting manunulat sa Timog Afrika matapos niyang mabasa ang nobelang The Jungle ni Upton Sinclair na tumatalakay sa nakapanlulumong kalagayan ng mga manggagawa sa industriya ng karne at de lata sa Chicago noong 1906. Ang pangyayari sa nobela ang gumising sa damdaming makabayan ni Gordimer upang sumulat ng mga akdang tumutuligsa sa inhustisya ng pamahalaan sa mga manggagawang Negrito sa mga minahan sa Afrika. Noong 1920, sa pangunguna ni Itzok Isaac Granich umusbong

6

ang panitikang proletaryado sa Amerika. Sa kanyang sanaysay na Towards Proletarian Art narinig ang unang makabuluhang sigaw ng panulat na may malinaw na kulturang proletaryo.

“Kulang sa ulam, kulang sa damit, kulang sa kaalaman, kulang sa pera, walang yaman, walang lupa, walang-wala.” Ganito inilarawan ni Chit Balmaceda Gutierrez ang mga manggagawa sa kaniyang kuwentong “Kulas” na isinulat noong dekada ’50. Inilalahad sa kuwento kung paano tinutulak ng masasamang elemento sa lipunan ang tao na gumawa ng masama. Ilan pa sa naging tanyag na manunulat sina Lazaro Francisco—“Maganda Pa ang Daigdig” Amado Hernandez—“Mga Ibong Mandaragit” Clodualdo del Mundo—“Gutom” at Brigido Batungbakal—“Aklasan” na tumatalakay naman sa sistemang pyudal, sa patuloy na paninikil ng mga kapitalista sa karapatan ng mga manggagawa, ang tung-

galian sa pagitan nito at ang pagiging bingi ng pamahalaan sa pagpapatupad ng mga inutil na panlipunang batas sa minimum na pasahod ng mga manggagawa. Pagpasok ng dekada ’60 hanggang ’70, lalong sumikhay ang panitikan ng mga manggagawa. Sa nobelang “Sa Mga Kuko ng Liwanag” ni Edgardo Reyes inilarawan at nilabanan ang patuloy na pang-aapi at pambubusabos ng mga naghaharing-uri sa mga manggagawa. Samantala, tumatalakay naman ang tulang “Ang Pasyon ng Isang Manggagawa” ni San Juan Jr. sa mga suliraning pangkabuhayan, pampolitika at panlipunang kinahaharap ng tao. At sa kuwentong “Sa Pagitan ng Dilim at Liwanag” ni Munsayac pinakita ang unti-unting pagkamulat ng mga manggagawa mula sa pagiging api at pagbangon upang magrebolusyon laban sa pamahalaan.

“Ang makata ang siyang di kinikilalang mambabatas ng daigdig.” Ayon kay Percy Bysshe Shelley, nasa taludtod ng mga

makata ang isang sandatang may mataas na kakayahang dumurog sa pader ng kabalintunaan. Kung kaya’t may mahalagang papel sa kasaysayan ang mga makata. Isa ang Kilometer 64 sa mga umusbong na blog ng mga manunulat sa kasalukuyan. Isa itong ugnayan ng mga makata na ang natatanging hilig ay ang pagsulat ng tula. Nabuo ito noong ika-14 ng Marso taong 2003 at mas tanyag sa tawag na ‘KM64’ sapagkat kumuha ito ng inspirasyon sa organisasyong Kabataang Makabayan (KM) na itinatag noong 1964. Sa mantrang, ‘Kami po ang KM64, at karangalan naming tulaan ang sambayanan,’ nagsusulat ang KM64 bilang pagtindig sa kasarinlan, kalayaan, katarungan, mabuting pamamahala at tunay na demokrasya sa bansa. Layunin nito ang pagpapalaganap ng kultura ng patriyotismo, pag-ibig sa bayan at sa kapwa na itinatanghal sa pamamagitan ng paglikha at pamamahagi ng paglalathala ng mga koleksyon at pagtatanghal ng mga malikhaing pagbasa ng tula sa mga bar at paaralan maging sa mga piketlayn, sa lansangan at sa mga maralitang komunidad.


Elaine I. Jacob

Ang tula ay umaagapay sa panahon. Tapos na ang ligawan ng paru-paro at nektar ng gumamela nitong kasuyo; ang habulan sa paligid ng mabubulay na mangga ang pagsungkit ng bituin o ang paggapi sa dilim. Ito ay panahon ng mga nag-aalburutong tula. Likhain nawa ng mga makata ang linyang aserong nagiging punglo, ang awit na ngalit ng pag-ibig sa inutang na dugo, ang tugma ng digma sa kawalang laya; at inukit nila sa pamagat— ang mapupulang titik ng himagsik. Tutal ang mga tulang ngayo’y itinuturing nilang kriminal, tiyak… iaabsweltong lahat ng kasaysayan.

M MANGGAGAWA

PANITIKAN

LIPUNAN

Sa kasalukuyang yugto, mahalagang magbuklod ang mga mulat na manunulat at sikaping magpalaganap ng huwarang mga akda upang lusawin ang makauring panitikan kasabay ng pagpapataas sa estetikong pamantayan

Ordonez, R. (December 12, 2008). Literatura ng Uring Anakpawis. Retrieved on: August 14, 2013. Retrieved from: <http://plumaatpapel.wordpress.com/2008/12/08/literatura-ng-uringanakpawis/> _____. (April 22, 1952). Tula: Isang Dipang Langit. Retrieved on: August 14, 2013. Retrieved from: <http://tagaloglang.com/Philippine-Literature/Tagalog-Poem/tula-isang-dipang-langit. html>

SANGGUNIAN:

“Sampaguita Picture Presents” -Axel Pinpin

Sa kasalukuyang yugto, mahalagang magbuklod ang mga mulat na manunulat at sikaping magpalaganap ng huwarang mga akda upang lusawin ang makauring panitikan kasabay ng pagpapataas sa estetikong pamantayan. Tungkulin ng mga manunulat na palaganapin ang huwarang mga akda sa pabrika, sakahan, paaralan at lahat ng sulok ng bayan. Binanggit ni Jose Maria Sison sa kaniyang talumpati, “Kailangan tandaan nating lagi na hindi mapupukaw at mapapakilos ang sambayanan kung ang obra ng panitikan at sining ay hindi hango sa kanilang buhay, lalo sa kanilang pangangailangan at mithiin.” Magiging mabisa ang mga manunulat sa paglikha ng mga huwarang panitikan sa pamamagitan ng pakikisalamuha, pakikilubog at pakikilahok sa praktikal na pamumuhay ng malawak na hanay ng masa dahil sa ganitong paraan lamang makalilikha ng panulat na tunay na magsisilbi sa mga manggagawa, magsasaka at mga uring napagsasamantalahan sa lipunan

7


Margaux Anne

C. Llanes, Chris tian Mac L. Juan e

Patuloy ang pagbabagong-anyo ng mundo mula sa tradisyonal nitong pamamaraan ng pamumuhay tungo sa pag-usbong ng mga modernong teknolohiya. Tila naka-subscribe ang mundo sa ‘unli change’ na patuloy na sinasabayan ng mga mamamayan. At sa pagdating ng panahong wala nang kapanatagan dulot ng mabilis na akses ng mga bagay sa paligid, patuloy din ang pagdami at paglobo ng mga gadget bilang daluyan ng kapital ng mga multinasyonal at transnasyonal na kompanya sa mundo.

SIGNAL Magpahanggang ngayon, nagsisilbing tulay upang makipag-ugnayan sa kapwa ang iba’t ibang gadgets sa mundo. Patok na patok sa mga Pinoy ang mga produkto na gawa ng mga kilalang kompanya tulad ng Samsung, Apple, LG at BlackBerry. Sa paggamit ng mga ito, napalalakas ng mamamayan ang signal ng pagbabago ngunit ang mga taong nagmamay-ari ang tunay na nakikinabang sa signal na ito. Ayon sa mga pananaliksik, sinasabing ang mga pangunahing dahilan kung bakit hinahangad ito ng mga kabataan, ay ang pangangailangan para sa komuni-

8

kasyon, kalayaan sa paghahayag ng saloobin at ang peer pressure o ang udyok ng mga kaibigan na makipagsabayan sa kanila na magkaroon ng bagong gadget. Ang presyo at features ang mga salik na nakaaapekto sa pamimili ng mga konsyumer.

CLICK Cellphone, camera, MP3/ MP4, IPOD/IPAD at tablet ang iilan lamang sa mga karaniwang gadget para sa nakararami. Dahil nagagamit ang mga ito sa komunikasyon, nagsisilbi na rin itong pangunahing libangan dahil maaari nang kumunekta sa mga

social networking sites tulad ng facebook, twitter, google o kaya naman makinig ng tugtugin at kumuha ng larawan. Sa huling tala ng National Telecommunications Commission (NTC) na namamahala sa mga kompanya ng mga telecommunications sa bansa noong 2011, mayroong 94,189,795 na gumagamit ng cellphone sa buong bansa at halos 1,793,825 lamang ang hindi gumagamit ng cellphone. Sa kaparehong taon din may 275.51 bilyon ang napapadalang Short Message Service (SMS) sa loob ng isang buwan. Makikitang click na click ang serbisyong naibibigay ng

bawat gadget na ang katumbas ay click na click din na kita sa bawat gadgets na mabibili ang makukuha ng mga kapitalistang namumuhunan sa bansa.

VIRUS Sa bawat pakulo na lumalabas sa mga pahayagan, radyo, telebisyon at mga billboard tungkol sa mga gadget ay lalong lumalala ang mga epekto nito sa bawat indibidwal sa aspektong pinansyal at sikolohikal. Ito na ang nagdidikta sa konsyumer kung ano ang dapat na mayroon siya na mas makaangat sa iba at


kabuaang 13% ng pambansang export ng kanilang bansa, at ang kabuuang revenue nito sa fourth quarter ng 2013 na US$ 7.8 bilyon. Kahit may umuusbong na lokal na industriya ng paggawa ng mga gadget sa Pilipinas tulad ng My Phone, Cherry Mobile, Torque at Star Mobile, nagmumula at prinoproseso naman ang mga ginamit na kasangkapan sa ibang bansa tulad ng China. Tila virus na itinatanim ng mga ganid sa utak ng mga Filipino na mas tangkilikin ang gawa ng ibang bansa kaysa sa sariling produkto dahil sikat ang pangalan ng mga kompanyang ito. Sinisira ang totoong kahalagahan ng bawat gadget at pinipigilan nito ang pag-usbong ng pambansang industriya ng paggawa at mga lokal na industriya.

REFORMAT Katulad ng pag-usad at pagkalikha ng iba’t ibang uri ng gadgets patuloy ding nagbabago ang ekonomiya upang magkaroon ng malaking pakinabang ang mga may-ari ng mga kompanya sa mga pagkakatuklas

ng bagong teknolohiya. Tinawag ito ng social ecologist na si Luis Suarez-Villa na Technocapitalism. Sa kanyang aklat na Globalization and Technocapitalism: The Political Economy of Cor-

ang malakas na pag-aangkat at pagkonsumo ng mga produktong gawang-labas sa Pilipinas na patuloy na iasa ang pambansang ekonomiya nito sa ibang bansa na magiging sanhi ng pagkawa-

Magiging subok ang mga produktong gawa sa Pilipinas at tataas ang kalidad nito kung patuloy na igigiit ng pamahalaan ang pagtatag ng pambansang industriyalisasyon na daan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa.

porate Power and Technological Domination, iniugnay ni SuarezVilla ang technocapitalism sa pag-usbong ng globalisasyon at paglakas ng kapangyarihan ng mga technocapitalist corporations. Makikinabang sa ganitong kalagayan ang mga bansang mayroong mga korporasyon ng gadget. Sa kabilang banda, ang mga bansang taga-konsumo ng mga produktong ito tulad ng Pilipinas ang pinagmumulan ng kita ng mga prodyuser, na walang naiaambag sa ekonomiya ng sariling bansa. Magdudulot

sak ng lokal na ekonomiya. Sa panahon ngayon, hindi lilipas ang isang araw na hindi kasama ang mga gadget. Mula paggising hanggang pagtulog, hindi kinakalimutang tignan ang updates, notifications, text at kung ano pa man. Hindi rin marapat na ipagparis ang salitang “gawang-lokal” at “mababang kalidad.” Magiging subok ang mga produktong gawa sa Pilipinas at tataas ang kalidad nito kung patuloy na igigiit ng pamahalaan ang pagtatag ng pambansang industriyalisasyon na daan tungo sa pag-unlad ng ekonomiya ng bansa

SANGGUNIAN:

gawing walang katapusan ang paghahangad ng mga mamamayan. Pinararamdam ng mga kapitalista na palagi’t laging may kulang sa buhay ng mga Filipino sa paglalabas ng mga bagong model ng gadget na nagtutulak sa mga Filipino na maghangad at hindi makuntento sa mga bagay sa kanilang buhay. Sa paghahangad na ito, pinaiigting ng mga kapitalista ang pagka-impraktikal na kaugalian at ang pagiging materyalistiko. Nakaaapekto rin ang mga pakulo na ito sa kalagayang pang-ekonomiya dahil sa impluwensya ng mga malalaking bansa tulad ng China, Japan at US kung saan pinoproseso ang mga gadget. Ayon sa Bureau of Customs, nagkakaroon ng import taxes na maaaring magkahalaga ng mula 3-50% ng kabuuang presyo nito pagdating sa pamilihan. Napupunta ang mga buwis na ito sa mga gumagawa ng mga gadget na siya namang nagiging kita ng mga bansang pinagmumulan ng mga produktong ito. Halimbawa, ang kabuuang export ng Samsung, isang South Korean gadgets producer, ay kasama sa

_____, (2010), “How your gadgets are priced in the Philippines”, Yugatech, Philippine Technology News & Reviews, Retrieved on January 9, 2014, Retrieved from <http://www.yugatech. com/toys-gadgets/how-your-gadgets- arepriced-in-the-philippines> Tolentino, Roland B., (2012), “Kalendaryong giveaway, elektronikong planner at panlipunang rehimentasyon”, bulatlat. com, Retrieved on January 8, 2014, Retrieved from <http://bulatlat.com/ main/2012/01/15/kalendaryong-giveawayelektronikong-planner-at- panlipunangrehimentasyon>

9


Ian Harvey A. Claros, ianharveyclaros@yahoo.com

SI FRANCIS, ANG SIMBAHAN AT ANG LIPUNAN Madalas na inilalarawan ang simbahan bilang opyo na pampalimot sa tunay na kalagayan at konteksto ng lipunan. Napipili itong puntahan ng eskapismo ng mga suliraning iniiwasan at isinasawalang bahala ng isang mananampalataya na bahagi rin ng lipunan. Ngunit kung susumahin, malaki ang gampanin ng simbahan na baguhin ang bulok na sistema ng lipunan. Sa diskurso ni Marx, ang simbahan at/o relihiyon ang nagbibigay sa mga tao ng illusori na kaligayahan at patuloy na nilalayo ang mga mananampalataya sa tunay na kaligayahan. Sa pagpapatuloy niya, “Religion is the sigh of the oppressed creature, the heart of a heartless world, and the soul of the soulless conditions.” Patunay ang umiigting at di- maiwan-iwan na panatisismo bilang natatanging solusyon sa hirap ng maralita.

Ian Harvey A. Claros, Kawaksing Patnugot

Tulad ng lipunan, daynamiko rin ang simbahan dahil nagbabagong anyo ito para matugunan ang pangangailangan ng mananampalataya, maging sagot at hindi salot sa lipunan at bumalik sa tunay na pakay nito – ang pagsasabuhay kay Kristo bilang dakilang tagapagligtas at rebolusyonaryo. Mula sa progresibong hanay ng kaparian, nand’yan sina Fr. Hedler Camara at Archbishop Oscar Romero. Imbes na maging represibo, umayon sila na maging instrumento ng mapagpalayang Kristo. Pinili nilang iwanan ang abstraktong teolohiya at bumalik sa lipu-

10

nang bumubuod sa mga kongkretong suliraning bumabagabag sa mga maralitang tagasunod ni Kristo. Sa ganitong paraan, ang simabahan ay nagiging behikulo ng protesta laban sa karasahan, impunidad at iba pang mga pagmamalabis ng estado. Sa kasalukuyan, si Papa Francisco, na lider ng simbahang Katoliko, ay mariing nagbibigay puna sa karahasan at kahirapan na buhat ng mga sistemang pang-ekonomiko partikular ang kapitalismo. Sa kanyang liham na pinamagatang Evangelli Gaudium, malinaw sa kanyang mensahe ang gusto niyang tunguhin ng simbahan. “I prefer a Church which is bruised, hurting, and dirty because it has been out on the streets, rather than a Church which is unhealthy from being confined, and from clinging to its own security. I do not want a Church concerned with

being at the center, and then ends by being caught up in a web of obsessions and procedures.” Untiunting hinuhubaran ng simbahan ang rangya at prestihiyosong imahe nito upang baybayin ang lansangan na maliit na bahagi ng lipunan. Iiwas sa sentro ng kapangyarihan ang simbahan at tutungo sa laylayan kasama ang karaniwang mananampalataya. Sa ganitong anyo, ang simbahan ay mas nalalapit sa mananapalataya at sa misyon nitong maging mapagpalaya. Ayon nga sa bibliya (Ephesians), ang simbahan sa mundo ay dapat maging isang milanteng simbahan. Dapat nitong bakahin ang kasalanan, diyablo, ang mga hari ng kadiliman sa mundo at ang mga lumalabag sa Diyos. Kinontra ni Papa Francisco ang “laissez faire” kung saan walang pakialam at kontrol ang mismong gobyerno sa kalakalan ng

Ayon nga sa bibliya (Ephesians), ang simbahan sa mundo ay dapat maging isang milanteng simbahan. Dapat nitong bakahin ang kasalanan, diyablo, ang mga hari ng kadiliman sa mundo at ang mga lumalabag sa Diyos. Kinontra ni Papa Francisco ang “laissez faire” kung saan walang pakialam at kontrol ang mismong gobyerno sa kalakalan ng isang lipunan.

isang lipunan. Naniniwala siyang ang absolutong pagpapabaya sa mga negosyante ay magbubunsod lamang sa mas malawakang pang-aabuso na direktang magpapahirap sa mga mamamayan. Tulad ng nangyayari sa MERALCO kung saan walang kontrol ang gobyerno ni Aquino sa karagdagang bayarin. Dagdag pa ni Francis, ang kapitalismong umaakay sa pribadong pag-aari ay siya ring pumupulbos sa unibersal na pagkakahati hati ng pag-aari. Lahat tayo ay anak ng Diyos. Samakuwid walang dapat magmalabis, walang dapat na umabuso. Magandang simulain ang repormang isinasagawa ni Papa Francisco sa simbahan. Ito ang naaayong tahakin batay sa Salita ng Diyos. Mainam na hindi magpakulong sa tradisyon ng hirarkiya, opyo ng liturhiya at abstraktong teolohiya. Bagkus ay dapat itong lumubog sa mga uring pinagmulan ni Kristo. Dapat itong magsilbing militanteng simbahan. Dapat itong maging tagapagtanggol ng masa.


John Carlos D. Evangelista, Kristine Joy B. Alimpoyo

Pagsibol ng bulaklak Sa panahon natin ngayon, higit lalo sa ating ginagalawang lipunan hindi pa tuluyang natatanggap ang mga taong nabibilang sa ikatlong kasarian. Tampulan pa rin sila ng mga kritisismo, pangungutya at tawanan ng mga taong hindi naniniwala sa kanilang kakayahan. Nakararanas sila ng diskriminasyon na yumuyurak sa kanilang pagkatao at nagpapababa sa kanilang dignidad. Tila uhaw pa rin sila sa mga karapatang tinatamasa ng isang indibidwal, pagrespeto at pantay na pagtingin sa napiling kasarian at pamumuhay. Kung kaya, umusbong ang mga samahan at organisasyong magtatanggol sa may mga piniling kasarian tulad ng LGBT. Noong dekada ’90 nang mabuo ang LGBT – grupo na may layunin na protektahan ang karapatan ng bawat may piniling kasarian, imulat ang mga mamamayan sa mga isyung may kaugnayan sa kanila, isulong ang pantay na pagtingin ng lipunan sa kinabibilangang uri at higit sa lahat upang masupil at matigil ang diskriminasyon na nararanasan ng mga may piniling kasarian. Kasama ng LGBT ang mga organisasyon tulad ng UP Babay-

Hardin ng diskriminasyon Matapos sumibol ng bulaklak, patuloy ang kanyang pagtubo upang ipakita ang angking kagandahan sa lipunan subalit marami ang nagtatangkang pumitas sa kanyang magagandang bulaklak sa hardin na nagiging sanhi upang maranasan ang maraming pangaalipusta at diskriminasyon. Noong eleksyon 2010, malinaw na lumalabag sa karapatang pangmamamayan ang Commission on Elections (COMELEC) nang hindi payagang makalahok sa prosesong politikal ang kinatawan ng LGBT tulad ng LADLAD Partylist sa dahilang labag daw ito sa sekswalidad at moralidad ng relihiyong Kristiyano at Muslim. Sa kabilang banda, marami rin ang nagiging biktima ng “hate crimes” o krimen bunsod ng walang katuwirang galit sa mga may piniling kasarian. Dagdag pa, ayon sa Artikulo 200 ng Revised Penal Code, anumang “Sexual Conduct o Sexual Affection” sa publiko ay isang “grave scandal” at ipinagbabawal ito. Hindi nakasaad sa Civil Rights Code ang

SANGGUNIAN:

Tulad ng isang buto ng halaman na nalaglag sa lupa’t nagnanais mabigyan ng pagkakataong tumubo at magbigay ng isang bulaklak upang ipakita ang kagandahang nitong taglay, ang buhay ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT) ay nagdaraan din sa parehong proseso kung saan patuloy na pinipigilan ang kanilang pamumukadkad.

lan, Progay-Philippines, Lesbian and Gay Legislative Advocacy Network (LAGABLAB), Society of Transexual Women of the Philippines (STRAP) at GABRIELA sa paglaban sa paglabag sa mga karapatang pantao.

sexual orientation kaya hindi mabibigyan ng tulong ang LGBT kung magiging biktima sila ng pribado at pampublikong pagtatangi. Kung susuriin, tila walang lugar ang mga may piniling kasarian dahil hindi nagpapasa ng mga batas ang gobyerno upang pangalagaan ang mga mamamayan

tion Bill o HB 1483 na inihain sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Nakapaloob sa isinusulong na batas ang karapatang pantao, politikal at sibil na marapat tamasahin ng bawat isa. Nangangahulugan na bawat indibidwal anuman ang kanyang relihiyon, lahi, etnisidad, edad, katayuang panli-

Matapos humalimuyak ang bango, handa na itong kumalat at magbigay ng panibagong bulaklak tulad ng mga organisasyong pilit na naghahanap at nagpaparami ng lakas upang labanan ang diskriminasyon.

nito. Ayon kay Goya Candelario, tagapagsalita ng Progay, “Matapos ang maraming taon ng pagmamartsa at pagsigaw para sa karapatan ng LGBT, wala pa ring batayang batas na gumagantiya sa kalayaan ng LGBT mula sa diskriminasyon.” Samantala, nakuha ang atensyon ng madla ng mga programang tampok ang LGBT tulad ng “My Husband’s Lover” ng GMA at “That’s My Tomboy” at “I am Pogay” ng ABS-CBN. Sa unang tingin, isa itong pagbabago sa dominanteng midya dahil sa pagkakaroon ng mga programang nagtatampok sa LGBT, partikular na sa mga lesbian at gay subalit kung susuriin, sa kabila ng pagpapakilala sa mga may piniling kasarian nalalabag pa rin ang kanilang karapatan dahil ginagawa silang katatawanan. Napapanahon nang sumibol ang mga probisyon o mekanismo na susupil sa diskriminasyong nararanasan ng LGBT upang mapabuti ang kondisyon at tamasahin ang kanilang karapatan kung kaya’t nagkakaisa ang LGBT Community upang suportahan na maipasa ang Anti-Discrimina-

punan o kasarian ay hindi maaaring pagkaitan ng pagtatamasa ng mga karapatang nabanggit. Kahit na mayroong nagtatangkang pumitas sa patuloy nitong pamumukadkad, napagtagumpayan ng bulaklak na mabuhay ng walang sumisira sa kanya at patunayan na sa isang demokratikong bansa, karapat-dapat mamuhay ang LGBT nang matiwasay, tahimik at may kalayaang mabuhay at pumili ng malayang kasarian.

Pamumulaklak ng LGBT Matapos humalimuyak ang bango, handa na itong kumalat at magbigay ng panibagong bulaklak tulad ng mga organisasyong pilit na naghahanap at nagpaparami ng lakas upang labanan ang diskriminasyon. Ang mga pinagkait na mga karapatan sa LGBT ang unti-unting gumigimbal sa kanilang diwa na ipagtanggol ang kanilang lahi at himukin ang mamamayan na suportahan ang kanilang laban. Nagpapatunay lamang ito na ang LGBT ay bahagi rin ng lipunan at kalahok sa pambansang pagbabago

Arguelles, C.K. (2013). That’s (NOT) My Tomboy. www.pinoyweeklyonline.com. Retrieved on December 3, 2013 Narra, J. (2013). Pride March Kontra Diskriminasyon, pandarahas sa LGBT muling isinagawa. www.pinoyweeklyonline.com. Retrieved on December 3, 2013.

11


Zhen Lee M. Ballard, zhenlee_08@yahoo.com

ETSA-PWERA Isang malaking kabalintunaan na ang PNU na itinuturing na Pambansang Sentro ng Edukasyong Pangguro ay nagkakait sa mga mag-aaral nito ng pagkakataong makamit ang mataas na antas ng pagkatuto. Lingid sa kaalaman ng nakararami, nakaranas ng matinding diskriminasyon ang 203 estudyante ng PNU. Tumutukoy ang bilang na ito sa mga kasalukuyang mag-aaral sa unang taon na tinatawag na ‘conditional passers.’ Sila ang mga mag-aaral na nakapasa at nakapasok sa PNU ngunit may mababang marka sa PNUAT. Ayon sa kondisyong ibinigay ng administrasyon ng PNU, maaari silang makapag-aral sa PNU at magpakadalubhasa sa alinmang asignatura maliban sa English, Mathematics at Science. Pinangangalagaan umano ng administrasyon ang mataas na bahagdan sa Licensure Examination for Teachers (LET) ng tatlong nasabing asignatura kaya’t hindi pinayagang kunin ito ng mga may mababang marka sa PNUAT. Dahil dito, napilitan na lamang sila na kumuha ng ibang majorship kahit na labag sa kanilang kalooban at maging ng kanilang mga magulang. Maraming kaso na nakapasa sa qualifying

12

examination at interbyu ng English, Mathematics, General Science, Chemistry, Biology at Physics ngunit nang mapag-alaman na kabilang sila sa conditional passers, hindi na sila pinahintulutan ng admission na magpakadalubhasa sa mga nasabing asignatura. May kaso naman akala ng isang mag-aaral na kabilang sa conditional passers ay maaari na siyang kumuha ng Biology for Teachers dahil nakalagay na ito sa kanyang PWEBSS Student Portal ngunit sa kasamaang palad muling binawi ito ng admissions kaya’t napilitan na lamang kumuha Bachelor of Library Information Science (BLISS). May iilan namang pinalad dahil inilakad at ipinaglaban sila mismo ng kanilang mga propesor. Ngunit karamihan, wala pa ring majorship sa kasalukuyan. Sa ginawang ito ng administrasyon, malinaw na inetsa-pwera at tinanggalan ng karapatan na magkamit ng dekalidad na edukasyon ang 203 mag-aaral na ito. Naging mababaw din ang administrasyon dahil ang mababang marka lamang sa PNUAT ang kanilang pinagbatayan at hindi man lamang isinaalangalang ang naging grado sa una at ikalawang semestre ng magaaral. Hindi man lang inisip ng administrasyon na malaki ang magiging epekto nito sa magaaral. Hindi madaling magpakadalubhasa sa asignaturang hindi mo naman gusto. At lalong hindi madali ang pagtuturo kung hindi mo naman mahal ang asignaturang itinuturo mo. Dahil sa ginawa nila, maaaring mawalan

Iba na nga siguro ang takbo ng mundo ngayon, mas mahalaga na ang numero kaysa sa tao. Tila ba ikinukulong na lamang ang mga estudyante sa hangaring makakuha ng mataas na grado at kalimutan ang tunay na esensya ng pag-aaral–ang matuto.

ng gana ang maraming estudyante na mag-aral. Sa halip na mas mapataas ang bahagdan at antas ng PNU sa LET sa lahat ng asignatura, maaaring mas bumaba pa ang kalakhang bahagdan nito. Maaaring mapanatili nila ang mataas na antas ng LET sa English, Mathematics at Science ngunit hindi maitatago ng mababang antas ng LET sa ibang asignatura ang nabubulok na sistema sa loob ng pamantasan. Kung gusto talaga ng administrasyon na mapataas ang antas ng PNU sa LET, dapat na sama-sama nating igiit ang mas mataas na badyet ng PNU sa pamahalaan para sa pagpapatayo ng panibagong gusali, karagdagang klasrum, mga bagong libro, maayos na pasilidad at mga laboratoryo. Kasabay nito ang sama-samang paggigiit sa mas mataas at sapat na badyet sa edukasyon upang makamit ng bawat bata ang karapatan sa

mura at dekalidad na edukasyon. Iba na nga siguro ang takbo ng mundo ngayon, mas mahalaga na ang numero kaysa sa tao. Tila ba ikinukulong na lamang ang mga estudyante sa hangaring makakuha ng mataas na grado at kalimutan ang tunay na esensya ng pag-aaral–ang matuto. Sa huli, hindi kailanman dapat na maging sukatan ng kakayahan at ng kayang marating ng mga magaaral ang isang pagsusulit.


ang bawat estasyon ng radyo sa Pilipinas bawat oras sa kanilang programang pangmusika. Kung mapapansin, patuloy na napangingibabawan pa rin ng mga awiting banyaga ang OPM kung saan natatabunan na ang industriya ng musika sa bansa. Ibig sabihin, mas tinatangkilik pa rin ng bawat estasyon na patugtugin ang awiting banyaga dahil sikat ang mga ito at isinaalang-alang ang rating ng estasyon ayon sa gusto at request ng mga tagapakinig.

Tulad ng pagkaubos ng baryang inihuhulog sa videoke, tila wala na ring natira sa listahan ng mga awitin ni Juan dahil punung-puno na ang playlist nito ng mga awitin ng dayuhan. Playlist

Select-a-song Bukod sa kahalagahan ng musikang Pinoy, kinikilala rin ang mga lumikha nito. Tulad ni Gloc 9 sa kanyang kantang ‘Walang Natira’ na patungkol sa mga Pinoy na patuloy na nangingibang bansa upang magtrabaho at ‘Upuan’ na nagbubunyag ng bulok na sistema sa pamahalaan. Tinatalakay ng mga awiting ito ang pangunahing problemang umiikot sa bansa at pangingibabaw ng mga dayuhang bansa sa nasyonalismo ng mga Filipino. Kaugnay din nito ang mga awitin ni Bamboo gaya ng ‘Tatsulok’ na tungkol sa pagkakaroon ng mataas at mababang uri sa lipunan at ang ‘Noypi’ na tungkol sa pagpapaigting ng pagiging makabayan na sa kasalukuyang panahon, hindi na nabibigyan ng importansya. I s a n g dahilan ng pagtangkilik

Play

Sa pagsisimula ng makabagong panahon, dapat patuloy na pausbungin at payabungin ang OPM dahil ito ang magsisilbing ilaw at tanglaw ng susunod na henerasyon. Joseph Victor D. Deseo Pause

ngayon sa musikang banyaga ay ang impluwensya ng wikang Ingles. Pumapatok sa mga tagapakinig ngayon ang mga bagong kanta at mga uri ng kantang nakapupukaw ng kanilang atensyon lalo na kung tumutugma ang liriko nito sa emosyon at karanasan. Kung mapagyayabong pa ang OPM, mas mapupukaw nito ang atensyon ng mga Filipino. Maraming OPM ang nagtataglay ng mga lirikong nagpapabatid ng katatagan at pagtatagumpay sa pagsubok at kasawian sa pag-ibig ngunit higit pa dito, pinauunlad ng OPM ang damdaming nasyonalismo na taglay ng mga liriko na makapagmumu-

lat sa mga mamamayan tungkol sa sosyo-politikal na kalagayan ng lipunan. Tulad sa isang remote control ng karaoke, dapat na ihinto ang mga awiting banyaga sa kasalukuyan na mas tinatangkilik ng mga Pinoy partikular ng kabataan tulad ng Wrecking Ball ni Miley Cyrus na tungkol sa pagkabigo sa pag-ibig, ang Roar ni Katy Perry na tungkol sa pagiging matapang sa pagharap sa bawat pagsubok ng buhay at ilan sa mga kanta ni Lady Gaga na pumatok sa masa tulad ng Bad Romance, Poker Face, Telephone at marami pang iba na nagpapaigting ng kulturang burgis sa Pilipinas. Ang tugtuging K-Pop naman sa kabilang banda, nagpapalala sa kulturang kolonyal ng mga Filipino. Samantala, natigil rin ang Executive Order No. 255 na iniutos ni PNoy noong 2010 kung saan dapat magpatugtog ng apat na awiting Filipino

Sa pagsisimula ng makabagong panahon, dapat patuloy na pausbungin at payabungin ang OPM dahil ito ang magsisilbing ilaw at tanglaw ng susunod na henerasyon. At sa patuloy na pagpapatutog ng mga awiting natigil, dapat ding ibalik ang natigil na OPM at ilakas pa ang tunog ng mga musikang Pinoy na siyang magiging tatak at tanda ng ating pagkakakilanlan at pagmamahal sa bayan dahil hindi lamang sa pag-awit ng Lupang Hinirang at pagbigkas ng Panatang Makabayan maipakikita ang pagmamahal sa lahing Filipino. Ang OPM ang magsisilbing instrumento upang dahan-dahang imulat ang mga Filipino at buhayin ang kanilang damdaming nasyonalismo Lumbrera, B. (2012). Nang magkatinig ang Pipi. Retrieved on November 27, 2013. Retrieved from <http://www.bulatlat.com/2012/04/20 Parreno, E. (2013). OPM: Patay o Hindi? Retrieved on November 20, 2013. Retrievedfrom<http://www.uclaliwanagatdilim.worpress.com

SANGGUNIAN:

Noong dekada ’50, pinasimulan ng bandang Rocky Fellers hanggang patuloy na nakilala bilang isang sensasyon ang Pinoy Rock (P-Pop). Nagmula ang mga ito sa mas malaking uri ng musika, ang Original Pilipino Music (OPM) tulad ng mga awitin nina Freddie Aguilar, Ryan Cayabyab, Gary Valenciano, Ogie Alcasid, Sharon Cuneta at marami pang iba. Noong dekada ’90 naman sumikat ang mga awitin ng Eraserheads na patok lalo na sa kabataan. Sa patuloy nilang pagsikat makikita ang pagiging malikhain ng mga Filipino sa pagsulat ng mga awit.


PNoy,

the Freedom Buster Isabella Krizia R. Barricante

Simbilis ng pag-status sa Facebook ang pagsisiwalat sa bulok na sistema ng pamahalaan. Subalit maraming pwersa ang nag-uutos sa panig ng mga mamamayan na manatiling tahimik na lamang. Noong ika-3 ng Oktubre taong 2012, sinimulan ang pagsasabatas ng mapanikil na Cybercrime Prevention Act of 2012 o ang Cybercrime Law (CCL) na naglalayong maiwasan umano ang pagsasamantala sa mga mamamayan sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Nilagdaan ito ni PNoy upang muling makadena at mabusalan ang mga Filipino na nagpapahayag ng mga opinyon at saloobin sa pamamagitan ng internet. Tila isang hudyat ng pagbabalik ng diktadurya sa bansa sa pamamagitan ng internet o ang e-martial law.

What’s on your mind? Sabi mo kami ang “boss mo,” eh bakit sariling kagustuhan mo lang ang sinusunod mo”? – feeling annoyed! Sa kabila ng maigting na pagtutol ng mamamayan sa CCL, walang hirap na naipasa ang batas na ito kahit may mga kwestyunableng probisyon na nakapaloob dito. Ilan dito ay ang pagkakaroon ng online libel sa ilalim ng Seksyon 4 (c) 4,

14

ng ikalawang kabanata ng RA 10175. Ayon dito, katumbas ng mabibigat na krimen (heinous crimes) tulad ng rape ang kasong maipapataw sa mga taong may hindi kaaya-ayang ilalabas na pahayag laban sa isang tao sa mga social networking sites tulad ng Facebook, Twitter, Tumblr, Instagram, Multiply, Plurk at iba pa. Dagdag pa, sa ilalim ng Artikulo 355 ng Revised Penal Code, maaaring makasuhan muli ng libelo ang gumawa nito na lumalabag sa karapatang-pantao. Malinaw na nilalabag ng CCL ang Saligang Batas na nagsasaad ng kalayaan ng indibidwal sa pagpapahayag na sinusuportahan naman ng hanggang ngayon ay nakabinbin pa rin na panukalang batas sa Kamara, ang bilang Freedom of Information Bill (FOIB). Kahit na maaaring makatulong ang CCL upang maiwasan ang maling paggamit ng internet at lumaganap ang cyberbullying, cybersex, child pornography at unsolicited commercial communications, hindi pa rin maitatanggi ang katotohanan na maaari itong gamitin ng gobyerno upang patahimikin at maging sunud-sunuran na lamang ang mamamayan.

Feeling dismayed... Nakadidismaya na sa isang iglap, naipasa agad ang CCL samantalang 21 taon nang nakabinbin ang Freedom of Information Bill (FOIB) sa Kamara at nasa proseso pa rin ng pagsususog at pagsasaaoys ng ilang probisyon.


Habang patuloy tayong binubusalan ng rehimeng Aquino upang pigilan ang paglabas ng kanilang baho, patuloy naman silang nagtetengang-kawali sa mga hinaing ng mga Filipino. Ngunit hindi kailanman dapat mapagod ang mamamayang Filipino sa pagkalambag sa gobyerno upang pakinggan ang ating boses na nagsusumigaw upang ipagkaloob ang karapatan natin sa malayang pamamahayag at mga esensyal na impormasyon tungkol sa mga tunay na nangyayari sa lipunan at sa loob ng pamahalaan

pamahalaan ang mga usapin na may kinalaman dito. Mga patunay na nililimitahan ng gobyerno ang mga dapat na malaman ng mga mamamayan.

Listening to the Filipino voices… Habang patuloy tayong binubusalan ng rehimeng Aquino upang pigilan ang paglabas ng kanilang baho, patuloy naman silang nagtetengang-kawali sa mga hinaing ng mga Filipino. Ngunit hindi kailanman dapat mapagod ang mamamayang Filipino sa pagkalambag sa gobyerno upang pakinggan ang ating boses na nagsusumigaw upang ipagkaloob ang karapatan natin sa malayang pamamahayag at mga esensyal na impormasyon tungkol sa mga tunay na nangyayari sa lipunan at sa loob ng pamahalaan

Salaveria. (2013). Senate will pass FOI by March – Drilon, inquirer.net. Retrieved on January 12, 2014. Received from http://newsinfo.inquirer.net/552841/senate-will-pass-foibill-by-march-drilon#ixzz2qGj2xIp3 Olea. (2013). Groups thumbs down exceptions in Freedom of Information bill, bulatlat.com. Retrieved on January 9,2014. Received from: http://bulatlat.com/ main/2013/02/01/groups-thumb-down-exceptions-in-freedom-ofinformation-bill/#sthash. Ju65ikRI.dpuf _______ (2013). Day 1 ngayon ng Cybercrime Law, abante.com. Retrieved on January 17, 2014. Retrieved from http://www.abante. com.ph/issue/oct0312/op_edit.htm#.UuIu1WGwqMI Right to Know, Right Now Coalition. (2013). Philippines: Coalition Clamor for the Freedom of Information (FOI) Bill, pcij.org. Retrieved on January 17, 2014. Rerieved from http://pcij. org/blog/

SANGGUNIAN:

Dagdag pa dito, nakadidismayang malaman mula kay Senate President Franklin Drilon na ipapasa na ang House Bill 3237 o ang Freedom of Information Act of 2013 sa Mataas na Kapulungan ngayong buwan na bersyon ng mapanikil na rehimeng Aquino kung saan maraming itinanggal na probisyon sa orihinal na bersyon ng CCL na mas kilala bilang Senate Bill 1733 o People’s Freedom of Information Act of 2013. Ayon sa IBON Foundation, hindi sinasaklaw ng mga probisyong nakapaloob sa bagong bersyon ang pagbubukas sa mga esensyal na impormasyong mula sa isang institusyon na dapat na nagsusulong ng pambansang kamalayan. Taliwas sa tunay na layunin ng unang bersyon ng FOIB na maipaalam ang mga esensyal na impormasyon sa buong bansa, ang Seksyon 4 – Access to Information ng bagong bersyon ng Freedom of Information Act of 2013 o FIA dahil sa bahaging ito ng panukalang batas, ang bawat impormasyon, galaw o rekord ay nasa kontrol pa rin ng gobyerno. Isa pa, hindi sinasaklaw ng panukalang batas na ito ang personal na impormasyon ng isang indibidwal na nagpapasubali sa isinasaad ng Korte bilang isang pribilehiyo na maglalagay sa legal na paglilitis ng isang kaso at mga usaping may kinalaman sa komersyo. Wala rin sa mga probisyon nito ang pagbubukas ng impormasyon sa mga usapin hinggil sa pambansang seguridad at ugnayang panlabas ng bansa na siyang nagpapakita na sagrado pa rin sa

15


Isabella Krizia R. Barricante, bella_barricante@yahoo. com

Nawalang parang bula “Punta ka sa condo ko. Dala ka ng foods.” “Pare, yung bulalo, yung sinusupsop.” Bago matapos ang taong 2013, sumambulat ang iba’t ibang trahedya sa bansa, nariyan ang giyera sa Zamboanga, lindol sa Bohol, at ang napakalakas na bagyong Yolanda. Lahat ng ito’y nawala ng parang bula sa kamalayan ng bawat Filipino nang pasikatin at pagkakitaan ng midya ang mga walang kabuluhang isyu tulad ng kay Deniece Cornejo upang takpan ang mga isyung panlipunan. Sino nga bang makalilimot sa mga linyang pinasikat nina Deniece Cornejo at Bulalord? Sino nga lang ba sa atin ang may alam at pakialam sa kasalukuyang kalagayan ng mga biktima ng bagyong Yolanda? Tinatantyang umabot na sa 15 B piso ang tulong pinansyal na nalikom mula sa mga ahensya ng pamahalaan, ilang personalidad, artista, OFWs at maging sa ibang bansa para sa mga biktima ng bagyong Yolanda. Bukod rito, mayroon ding P18.7 B na pinagsama-samang calamity funds at funds na nakalaan umano sa rehabilitasyon at pagsasaayos ng mga nasalantang lugar. Idadagdag pa ang inaprobahan na P1.1 B na quick response funds ng DSWD. Sa kabila ng napakalaking halaga na ito, makalipas ang tatlong buwan ng pananalasa, nananatiling nasa sadlak na kalagayan pa rin ang mga biktima ng bagyong Yolanda.

16

Madalas marinig sa midya na patuloy ang pamimigay ng tulong ng pamahalaan sa mga biktima ng Yolanda. Ngunit lingid sa kaalaman ng marami, nakasentro lamang ang mga tulong na ito sa mga siyudad tulad ng Tacloban kung saan 10% ng mga biktima lamang ang nakakuha samantalang ang 90% nasa mga liblib na lugar ay hindi naabutan ng relief goods. Laganap din ang ‘color-coded politicking’ sa pamumudmod ng tulong kung saan ang mga magkakaalyado na nagrerepresenta ng kulay na ginagamit nila sa politika ay nagpapaligsahan sa pamamahagi sa kung sino ang may maraming naiabot na tulong. Uso rin ang pagpapalit ng pangalan ng ahensya ng pamahalaan sa mga sako ng bigas na mula naman talaga sa ibang bansa. Bukod sa mabagal na pagtugon ng gobyerno, walang malinaw o kongkretong plano sa rehabilitasyon. Kung mayroon man, hindi ito dumadaan sa konsultasyon tulad ng ‘Food for Work’ kung saan hindi naman ito nakonsulta sa pagitan ng mga biktima at ang set-up ng mismong kinakailangan ng mga nasalanta. Sa halip na tulungan, ininsulto pa ni PNoy ang mga biktima na dumadaing ng tulong nang sabihin niyang “buhay ka pa naman, diba? ..... Hindi ka naman

namatay ah.” Kaya naman noong Enero 25, nagsagawa ang People Surge, alyansa ng mga biktima ng Yolanda ng kilos-protesta kung saan tinatayang 12,000 biktima ng Yolanda ang lumahok upang kalampagin ang Noynoying na gobyerno dahil sa kawalan sa pagtugon ng gobyerno sa mga panawagan hustisya, pagkain,

yan. Isang malaking krimen ng gobyerno ang balewalain ang hinaing ng mga mamamayan nito at gamitin ang midya upang takpan ang tunay na kalagayan ng bansa. Kriminal ding maituturing ang mga mamamayang Filipino kung hahayaan ang midya na itago ang katotohanan at magpapa-

Isang malaking krimen ng gobyerno ang balewalain ang hinaing ng mga mamamayan nito at gamitin ang midya upang takpan ang tunay na kalagayan ng bansa.

pabahay at serbisyong panlipunan. Kung tutuusin, maliit na halaga na lamang ang hinihinging P40,000 ($885) kada pamilya dahil sa sobrang taas ng bilihin, kawalan ng trabaho at tirahan. Hindi nga mamamatay sa delubyo ang mga biktima, papatayin naman sila sa gutom ng rehimeng Aquino. Nakapanggagalaiti na sa kabila ng matinding unos na dinanas ng mga biktima ng Yolanda, nakukuha pa rin silang pagsamantalahan ng mga tao sa gobyerno na kung tutuusin, silang dapat tumutugon sa pangangailangan ng mga mamama-

tuloy ang kriminal na rehimeng Aquino sa pananamantala. Dapat magkaisa ang mga Filipino na igiit ang pondong para sa mga tunay na nangangailangan at sama-samang kumilos upang panagutin ang karumihan ng rehimeng Aquino. Huwag hahayaang manamantala ang iilang tao sa kaban ng bayan. Sa halip, gamitin ang pork barrel sa pagpapaunlad ng serbisyo para sa mamamayan.


Cash Beginning Balance (April 2013) Cash Received (1st Sem A.Y. 2013-14) Cash from Liyab ’13 (IGP) Total Cash Available

10,723.20 435,500.00 56,061.34 502,284.54

Expenses: Printing Operational Expenses Staff Development Office supplies Liyab ’13 Basic Masses Integration Literary Seminar Journalism Training Seminar ‘13

436,106.15 212,000.00 15,609.00 14,809.88 87,037.91 81,888.66 11,830.20 12,930.50 62,820.86

3,357.53

Cash Ending Balance:

17


Tanyag ang Pilipinas sa paglalabas ng iba’t ibang produkto at hilaw na materyales tungo sa iba’t ibang bahagi ng daigdig, ngunit sa kabila nito marami pa rin ang inaangkat ng bansa. Kaya naman hindi maitatanggi na nananatili ang pagiging export oriented at import dependent ng Pilipinas–kung saan magsasaka ang nagpapakahirap magtanim ngunit sila mismo ang mga walang maihain sa hapag-kainan.

Crissalyn Joy A. Dionisio

Sulyap sa kasaysayan Unang naglabas ng bigas ang Pilipinas noong 1977-78 resulta ng proyektong inilunsad ni dating Pangulong Ferdinand Marcos--ang ‘Masagana 99’ na may layuning makapagprodyus ng 99 kaban ng bigas sa bawat ektarya ng lupang sakahan. At upang maisakatuparan ito, murang binhi at pataba ang pinautang ng pamahalaan sa mga magsasaka sa mababang interes upang maging sapat ang kinakailangang bigas ng Pilipinas. Sa paglipas at pagpapalit-palit ng administrasyon, unti-unting humina ang kalakarang ito hanggang sa tuluyan nang nahinto at muling nabuhay makalipas ang 40 taon kung saan muling naglabas ang bansa ng mahigit 100

18

metro tonelada ng iba’t ibang uri ng black rice at primera klase ng bigas. Sa kasalukuyan, sa ilalim ng pamamahala ni PNoy, naglabas ang bansa ng 106.55 metro tonelada ng bigas sa Dubai, Kuwait, Hong Kong, Germany, Macau, Canada at Netherlands. Sinimulan din sa administrasyon ni PNoy ang paglalabas ng 45 metro toneladang bigas patungong Singapore.

Paninikil sa karapatan ng mga magsasaka Pangunahing naaapektuhan ng pag-aangkat ng bigas ang mga magsasaka sa Pilipinas. Sa kasalukuyan, patuloy ang paninikil at pagsasamantalang nararanasan ng mga magsasaka

sa bansa sa kabila ng mga nailathalang batas hinggil sa agrikultura at reporma sa lupa. Ilan sa mga batas na ito ang Batas Republika Blg. 657 para sa paglikha ng isang komprehensibong programa sa repormang pansakahan sa pagpapaunlad ng katarungang panlipunan at industriyalisasyon; at, Batas Republika Blg. 3848 na naglalagda ng kodigo ng repormang pansakahan at pagpasok ng mga reporma sa lupa kabilang ang pag-aalis ng pakikisamả at paglalagay ng puhunan sa industriya. Samantala, mayroon ding ipinasang batas na hindi makamagsasaka−ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na kalauna’y ginawang CARP Extension with Reforms (CARPER) na sinasabing para sa proteksyong pang-ekonomiko at panlipunang karapatang may kinalaman sa kaunlaran ng kanayunan sa Pilipinas ngunit ang katotohanan, lalo pa nitong

pinagnanakawan ng lupa ang mga magsasaka at pinayayaman lalo ang mga Panginoong Maylupa (PML) dahil lalo lamang nitong pinatatagal sa kamay ng mga PML ang mga lupang sakahan na patuloy sa pangangamkam ng lupa upang pagtayuan ng mga pribadong establisyimento na kanilang mapagkakakitaan. At sa kabila ng mga ipinatupad na batas, isang kabalintunaan sa kalagayan ng mga magsasaka na wala silang sariling lupang pagaari. Sa katunayan, 7 sa bawat 10 magsasaka ang walang sariling lupa at apat dito ang nakikisamả lamang sa mayayamang magsasaka. Hindi rin kukulangin sa 10% ng mga magsasaka ang mga settler sa interyor o mga magsasakang napadpad lamang sa mga kanayunan na kadalasa’y nakikigamit lamang ng lupa upang makapagsaka. Kadalasan silang biktima ng pangangamkam ng lupa, mga kontra-mamamayang


bila ng pagpapakita ng mga magsasaka ng isang memorandum galing sa Department of Agrarian Reform (DAR) na nag-uutos na ipamahagi ang lupa sa kanila ay hindi nakinig ang TADECO at pilit pa rin sa pag-angkin ng lupa sa marahas na paraan.

Pagsusulong ng tunay na batas pang-agraryo Sa patuloy na pang-aabusong nararanasan ng mga magsasaka, kailangan nila ng isang batas na epektibo, kikilala sa kanilang mga karapatan at makatutugon sa kanilang mga pangangailangan. Ang Genuine Agrarian Reform Program (GARB) ay naglalayong mabuwag ang monopolyo ng mga PML kasama ang kontrol ng mga dayuhan sa mga lupain sa bansa, matuldukan ang pyudal, pananamantala sa mga magsasaka at pagpapataas sa sahod

at antas ng pamumuhay ng mga magsasaka. Sa pamamagitan ng pantay na distribusyon ng lupa sa mga magsasaka at pagbibigay ng makatarungang sahod, sasapat ang kanilang kita upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Umaayon din ang GARB sa pagpapalakas ng kababaihan sa kanayunan at paggalang sa karapatan ng mga katutubo sa bansa. Sa pagsasabatas nito obligadong kompletuhin ng DAR ang pamamahagi ng lupa sa mga magsasaka sa loob ng limang taong palugit at dapat na pagkalooban sila ng titulo ng lubusang pagmamay-ari. Samakatuwid, kinakailangan ng mga repormang sasandig sa interes at pangangailangan ng magsasaka upang basagin ang pagiging export-oriented at import-dependent ng Pilipinas. Sa pamamagitan ng tunay na repormang pang-agraryo wawakasan ang pananamantala ng mga PML

at pamahalaan sa karapatan ng mga magsasaka dahil bilang isang agrikultural na bansa, dapat na ang aspektong ito ang binibigyang tuon ng pamahalaan upang makakain ang mamamayan nito lalong-lalo na ang mga magsasakang araw-araw na pinakakain ang sambayanang Filipino

SANGGUNIAN:

proyekto tulad ng pagsasalin lupang sakahan sa isang subdibisyon at pagbebenta nito sa mga pribadong kompanya. Bunga ng kawalan ng sariling lupa, nadidiktahan at napagsasamantalahan ng mga PML ang mga magsasaka. Sinisikil ng mga PML ang mga magsasaka sa upa ng lupa sa anyo ng hatian, kung saan obligadong magbayad ng buwis ang mga magsasaka kahit pa sinalanta ng bagyo, baha, tagtuyot o peste ang kanilang pananim. Madalas pinagtatrabaho rin ng mga PML ang pamilya ng mga nakikisamả bilang katulong ng walang bayad at napipilitan din silang magbigay ng mga regalo tulad ng mga alagang manok at gulay. Isang anyo rin ng paninikil sa karapatan ang hindi makatwirang pagpapasuweldo ng mga PML sa mga magsasaka sapagkat ayon sa pag-aaral ng IBON Foundations, P1,034 ang halagang kinakailangan ng bawat pamilyang may anim na miyembro upang matustusan ang pang-araw araw na pagkain, damit, tirahan, transportasyon at komunikasyon (hiwalay dito ang edukasyon at kalusugan). Ngunit, tumatanggap lamang ng hindi hihigit sa halagang P100 bawat araw ang mga magsasaka sa Pilipinas: P69 kada araw sa Cagayan Valley, P70 hanggang P80 sa Occidental Mindoro at Timog Katagalugan, P50 naman sa malaking bahagi ng Samar at pinakamalala ang sitwasyon ng mga magsasaka sa Hacienda Luisita (HL) kung saan sumasahod lamang sila ng P291.75 bawat buwan o P9.50 kada araw. Patunay lamang ang hindi sapat ang pagpapasuweldo ng mga PML sa mga magsasaka nang lantarang panggigipit upang lalong malugmok sa kahirapan ang mga magsasaka. Dagdag pa ang pang-aabuso ng mga PML kung saan nitong pasko, pinadaanan ng Tarlac Developmental Corporation (TADECO) kasama ang Philippine National Police (PNP) ng isang trak ang lupang sakahan ng mga magsasaka sa HL. Sa ka-

_________. (2006). Espesyal na Kurso sa Kilusang Magsasaka sa Kanayunan. philippinerevolution.net. Retrieved on December 23, 2013. Retrieved from <http://www. philippinerevolution.net/documents/ espesyal-na-kurso-sa-kilusang- magsasakasa-kanayunan> _________. (2013). Export PH heirloom triples, says firm. business.inquirer.net. Retrieved on December 23, 2013. Retrieved from <http://business.inquirer.net/149515/exportof-ph-heirloom-rice-triples-says-firm>

“

Patuloy na napagsasamantalahan ang mga magsasaka ng mga panginoong maylupa at patuloy ang pangangamkam ng lupa upang patayuan ng mga emprastrukturang makatutugon sa kanilang mga interes.

“ 19


PITIK-B PITIK BHOUSX CHIXZ AWARDS! 1

Miss Congeniality

Super friend ito ng PhiAndYouOnes! As in lahat yata ng ishtudents ay kilalang-kilala siya not because of her beautiful fezzlak but because of her split personality! Rumo-Rhodora X ang peg mo, teh! Before kasi ay naging famous bhousx chixz si ateng dahil sa panghahamak niya sa mga makabayang mag-aaral dito sa ating pamantasan (Waw, ang deep! XD). Then after she ha realized her faults, todo soryyy poooo naman siya. Oh dava? Split personality talaga! From Rhodora X, naging Chichay! XD Tapos noong kasagsagan ng erection, este election, todo support si ateng sa kanyang favorite party people to the point na SENSELESS na mga posts n’ya sa FB! Well, ngayon, dahil end na ng election sorrrryyyy pooo ulit? HAHAHA! Split ka muna sabay tumbling! LOLS 2

Mr. Pogi

Graveyshoes din iteyy nilalang na iteyy, can’t distinguish kung tao ba ito o lamok. HAHAHA. Sabihan ba naman ng chaka ang mga torchies, kinaganda mo yan?! Sabagay, kaya ka pala nanalo last election dahil sa charm mo. Charm lang! Waley kukutey tas nung maupo sa puwesto, wala na, nagkakalat na lang ng malaria at dengue dahil nanunulot ng torchies! HAHAHA again! Kahit close enough ang The Torch sa partido mo by means of name (disclaimer please!), never n’yo kami matitibag! Hell-oooo! 101

20

Eooww Phouz, mga bhousx chixz. I’m iirrr na naman to make pitik ang mga tumitivhags sa minamahal kong mga ishtudents. At dahil, nagmamaganda’t nagmamapogi sila, bigyan natin sila ng awards! Sila na! TARA! XD

years na ang The Torch –WhUaLnH TiTiBvAgz dito! Palakpakan! Ay, wag na pala! Baka makapatay kayo ng lamok! Bleh! 3

Miss Banye Queen

Siya ang bhousx chixz ng mga bhousx chixz dahil siya lang naman ang NhumeRo Uno na nagpepresenta ng mga kakalerking changes here sa PhiAndYou na super tumitivhag talaga sa mga ishtudents. Anong bago sa ishtudent consultations niyo? Why CED? Why NOT CED?! Why Trimester? Why NOT Trimester?! Konting push pa! HAHAHA! Tapos sasabihin na ishtudents lagi ang tumututol, eh kayo nga NOT nang NOT sa mga nais ng estudyante! Tapos YES NA YES naman kay OBELOAF! Nakakahiya naman sa mga baon mong quotations tuwing student consultation, jeje quotes ang peg! Kina-famous chisxz mo ‘yan! Jejeje. 4

Best in Talent

Hmmm. It is not new dahil sa super tagal ko na sa PhiAndYou, Best in Talent na itong department na iteeyyy. As in Best in pagpapa-require ng mga kung anek-anek para makapasa sa course na ito. Actually, lumundag ka lang dito papasa ka na pero kailangan talaga ng super daming babayaran–uniform, ticket, uniform ulit, tapos ticket ulit. XD Maraming ishtudents

na ang dumudulog niyan sakin but first, I consider this as part of learning pero aba, wala namang utakan! Mahirap na ngang tumumbling like a pro, maghihirap pa lalo pag hindi grumadweyt ang mga PhiAndYouOnes on time dahil sa ‘di nabayarang requirements! Magiging bhousx chixz yang mga ‘yan! NKKLK ng 8 counts! 5

Miss Baygon

Taob niteyy si Lea Salonga bilang Miss Saigon, dahil siya ang Miss Baygon! HAHAHA! Hitsurang ipis na nga, amoy ipis pa, utak ipis pa! Kalerkeeyy. Ang hahaba ng sungay mo, mga 666 kilometers! Todo effort sa paninira sa kabilang partido! Desperado manalo?! Anong napala, nganga?! HAHAHA once more. Ang chika ko, nagkaka-crylalu ka raw ngayon sabi ni Mam/Sir-it mo dahil di ka na naman raw ngayon pumapasok ng klase! Pero nung MDA nandito ka! Asteeeeg! Akusahan at bantaan pa na tanggalan ng pondo ang pinakamatandang publikasyong pangmag-aaral sa buong Pilipinas! Gradweyt ka muna at pag-aralan ang lipunan! (Hart! Hart!) Ikaw na ang LhEii-

iDy Chrownz ng mga ipis! PUUUUUSH! 6

Miss Universe!

And the winner is… Miss Universe! Clap clap si Ate, sabay wave ng hands at nakanganga, then pose like a bhousx chixz! HAHAHA! Pwede na s’yang kumeleklek sa pagrampa dahil tapos na ang eleksyon, este pageant. Pero wititit noh! I was not satisfied sa konsumisyoner na ito dahil nakakawalang gana ang pageant. Super strict (kunwari)! Kinaganda mo yan, teh? Wala sa lugar. You cannot please everyone na makisakay sa trip mo na masaya at mapayapang pageant. At hindi ako bias sa partido like you said kundi sa ishtudents! Paulit-ulit! Di tulad mo na obvious namang may pinapanigan! Ikaw na! Tara! Huddle muna bago magdesisyon! HAHAHA! Huling nganga mo na ‘yan, huh! XD May bhousx chixz ba akong nakalimutan? If none, good! Walang naka-tivhagz sa rights and welfare ng pinakamamahal kong isshtudents! If yes, text PB <space> Lheidii ___________/Bhoxz ___________ and send to 23664627. Chos! Basta, I’m always here, there and everywhere! Your Crownz WHun Ka Bute para sa inyong mga pitik dahil Iqkaw lanh Szaphat nuaH! <3


L

SANG-AYON KA BANG TUMAKBONG MULI SI DR. ESTER B. OGENA SA PAGKAPANGULO?

LOCAL

• Sang-ayon ako, nagampanan naman niya ng maayos ang kanyang tungkulin bilang pangulo ng pamantasan. –Anonymous • Hindi po, sapagkat sapat na ang panahong ibinigay sa kanya upang paglingkuran ang pamantasan. Kitang-kita din ang mga proyektong may hidden agenda sa pagpapalawig ng term niya. Sapat na! Tama na! –SocSci

• OO. Pero sana pag gumawa ng desisyon mag-consult sa mga estudyante kase tayo yung maapektuhan. –Botod • Hindi po ako sang-ayon. Tapusin na ang kanyang rehimen dito sa PNU. Para siyang diktador sa kanyang pinaggagawa niyang pagbabago rito sa PNU. Hindi niya alam ang salitang “Student Consultation.” Save CED!! -#)7

N

SINO ANG KA-LOOKALIKE MONG ARTISTA. BAKIT?

NATIONAL

• Yes, I agree. Democratic tayo. So be it. Wag natin siyang pagkaitan. -Pau

• Since birth kamukha ko na si Paulo Avelino. –Gerald R. Social Science

• Hindi ako sang-ayon sa pagtakbong muli ni Dr. Ogena sa ikalawang termino sapagkat hindi makatarungan ang nangyaring pagdodonate ng allowance ng mga atleta dahil pinaghirapan nila iyon at nangangailangan din sila. –Anonymous

•Valerie Concepcion (tingnan mo pa sa picture!_ -Reanna Teodosio 1-11

• Ang pagbibigay sa kanya ng panibagong pagkakataong manungkulan ay pagbibigay ng pagkakataong maipagpatuloy ang kanyang mga nasimulan. Ngunit maraming mga hakbang na kanyang isinagawa na laban sa mga mag-aaral at kahit sa kaguruan. Kaya’t huwag na lang! Linangin ang upuan sa pamamagitan ng patuloy na paghahanap ng mas matalas na kasangkapan. –Daniel • Ayoko, walang konsiderasyon. Baha na, proceed with the lesson pa din. Ano? Daga?! –Anonymous • Hindi dahil masyado syang diktador na president! Husto na pinalitan niya ang Department names at kinuha ang CED bakit pati trimester isinusulong niya!? –Anonymous • Hindi ako payag. Ayoko magkaroon ng “OGENA Bldg.” – Anonymous

• Si Empress daw sabi ng prof. ko sa research. –Pogi • Jessy Mendiola kumakain ng McSpicy. –Jessica Casama III-27 BSP • Sam Concepcion. –Nikko Manibo • Jacob ng twilight. –Conjuring • Kamukha ko si Kylie Padilla kasi maganda ako. PNUANS, to see is to believe. See you around. –Rae Anjonette V. Ty III-27 • Kamukha ko po si Kakay. –Angelica Carrillo 1-11 • Ang kamukha kong artista ay si Sam Pinto. –Hi I’m Brigette • Cristine Reyes. Parehas kaming maganda! Wahhhhhhhhhht. –Jaime Dela Cruz

POKUS 21


Marysildee V. Reyes

Sa murang edad hindi pagsasaya ang ginagawa ng mga paslit na ito sa kalsada. Sa halip, pakikipaghabulan at pakikipagpatintero sa iba’t ibang sasakyan upang kumita. Ayon sa International Labor Organization – International Programme in the Elimination of Child Labor (ILO-IPECL). Tumutukoy ang Child Labor sa paggamit ng mga batang may edad na 5-17 sa pagtatrabaho upang kumita ng pera. Sa kasalukuyan may halos 5.5 M ang biktima nito at 3 M dito ay nalalagay sa mapanganib na pagawaan tulad ng construction site, mining site, azucarera at iba pa.

Sampung mga daliri, nawala ang isa… Isa-isang nawawala ang oportunidad na makapag-aral, makapaglaro at magkaroon ng magandang kinabukasan ng mga batang sa murang edad ay ginugugol na ang buhay sa paggawa. Si Edmund, 12 taong gulang, barker sa terminal ng FX sa tabi ng Manila Post Office, ay pinagtatrabaho ng kanyang tiyahin na tumatayong magulang niyang mula nang siya’y ipaampon. “Wala po kaming makain…” sentimyento ni Edmund na nagtulak sa kanya upang maghanapbuhay na lamang na naging sanhi ng madalas na pagliban sa klase. Tulad ni Edmund, biktima rin ng child labor si Kevin Mabunga, 17 taong gulang, nag-iisang menor de edad na kabilang sa 10 namatay sa aksidenteng naganap sa construction site ng Eton Residence sa Makati na isa sa pag-aari ni Lucio Tan noong 2011. Bumagsak ang gondolang sinasakyan ng mga biktima mula sa 28 na palapag hanggang tumbukin nito ang ika-pitong palapag ng nasabing lugar. Itinuturong sanhi ng tra-

22

hedya ang overloading kung saan anim lang ang dapat na sakay nito ngunit umabot sa 10 ang laman nito na nagresulta ng pagkaputol ng cablewire na humihila dito. Dahil sa trahedyang nangyari, naungkat ang isyu sa kawalan ng safety measurements at pasahod na P270 kada araw sa lahat ng mga manggagawa ng Eton – malayo sa itinakdang minimum wage ng National Wages and Productivity Commission (NWPC) sa NCR na P466 kada araw. Naghain ng kaso ang kampo ni Kevin ukol dito ngunit nabalewala lamang ito dahil pinansanggalang ng kabilang panig ang Artikulo blg. 139 ng Labor Code, Batas Pambansa 7610 at Batas Pambansa 7658. Isinasaad ng mga batas na ito na hindi ipinagbabawal ang pagkuha ng menor de edad bilang trabahador. Bukod pa dito, matapos ang imbestigasyon, idineklara rin ng kalihim ng Department of Labor and Employment (DOLE) na hindi mapanganib para sa isang menor de edad ang pinasok na trabaho sa konstruksyon – isang kabalintunaang argumento kung iisipin sapagkat mayroong nasawi at hindi lang isa kundi sampu sa nasabing konstruksyon. Isang kabalintunaan din na ang mga batas na dapat pumoprotekta at nangangalaga sa mga karapatan ng mga manggagawa ay siya pang nagiging


Sa halip na nakikipagbunuan sa kanilang mga takdang-aralin, nakikipagsuntukan ang mga batang ito sa mapanganib na trabaho kung saan walang awa silang ginagamit at pinagsasamantalahan. Sina Edmund at Kevin ay ilan lamang sa mga batang napipilitang magtrabaho para tugunan ang pangangailangan ng pamilya kapalit ang oportunidad na makapag-aral, makapaglaro at magkaroon ng magandang kinabukasan. Kung susuriing mabuti, kahirapan at kawalan ng edukasyon ang ugat ng child labor sa bansa dulot ng pataas na pataas na halagang kaakibat nito dahil sa pagpapabaya ng gobyerno at mga palakang ginagawa itong negosyo. Habang maraming batang man-

Sumikat ang araw, natuyo ang sanga. Maliliit na gagamba parating masaya. Ang pagsikat ng araw ay mangyayari lamang kung ang kanilang mga mumunting kamay at bisig ay tatangan ng mga aklat at ang mga paa ay tatapak sa paaralan–bagay na maisasakatuparan kung tuluyan natin silang maiaalis sa peligrosong laro ng mga batang mangagagawa

http://stevemccurry.files.wordpress. com/2009/12/philippines-10017boygoldminer. jpg%3Fw%3D450%26h%3D671(2)http:// larrycprice.com/wp-content/uploads/PricePhilippine-Gold-Child-Labor014.jpg(3)http://3. bp.blogspot.com/-pBvmcgh0y1w/TXrJZcZ1TkI/ AAAAAAAAGAk/2owQBcUHT_w/s400/Child_Labor.png(4)http://pulitzercenter.org/sites/default/files/ styles/overlay/public/Price%20Gold%20Web%20 Slide%20Show064.JPMERALCO

PHOTO CREDITS:

Assignment, assignment, suntukan. Ayan si palaka walang kaawa-awa…

ggagawa ang nakikipagsuntukan sa mapapanganib na trabaho para lamang makapag-aral, walang awa namang binabawasan ng mga palaka sa gobyerno ang badyet o subsidiya para sa edukasyon. Bukod sa pagkaltas ng badyet, ginagawang komersyalisado rin ang edukasyon sa ilalim ng programang Public-Private Partnership (PPP) kung saan hinihikayat ng gobyerno ang mga pribadong namumuhunan upang ‘tulungan’ ang mga pampublikong institusyon tulad ng pamantasan na matustusan ang mga gastusin nito hanggang sa tuluyang makapagsarili ang institusyon. Ito ang mga dahilan ng lalong tumataas na presyo ng edukasyon at maging suntok sa buwan na lamang ang pangarap ng mga batang maralita na magtamo ng karapatan sa libre at dekalidad na edukasyon. Ito ay isang malinaw na premonisyon nang paulit-ulit na siklo ng kahirapan kung saan ang mga biktima ng child labor ay tuluyan nang hindi makapag-aaral. At sa pagdaan ng panahon, mauulit ito sa kanilang anak hanggang sa kanilang mga apo−isang patunay na “ang mahirap ay patuloy na naghihirap habang ang mayaman ay lalong yumayaman.”

SANGGUNIAN:

tagapagtanggol ng mga ganid na kapitalista tulad ni Lucio Tan. “… If President Noynoy Aquino can use his executive whip against corrupt officials in the bureaucracy, why can’t he do the same to big labor violators? …” ani Anna Leah Escresa, Tagapagsalita ng Justice for Eton 11 network. Mariin nilang ipinunto na ang hindi pagkilos ng pangulo ay katulad lamang ng pagtetengang-kawali sa iba pang mga ganitong insidente na nangyari sa iba pang panig ng bansa tulad ng aksidente sa konstruksyon ng Megaworld sa Eastwood at SM General Santos City. Isa lamang ang kasong ito sa manipestasyon ng pagsang-ayon ng gobyerno sa patuloy na pananamantala ng mga malalaking korporasyon sa mga manggagawang Filipino. Isang larawan ng pagsasabwatan ng mga burukrata kapitalista o ng mga politiko na negosyante pa kung saan ginagamit ng mga kapitalista ang kanilang yaman at impluwensya upang pagtakpan ang kanilang mga kasalanan at paikutin ang batas sa tulong ng mga nasa gobyerno. Hangga’t nanatili ang sistemsng burukrata kapitalismo, magpapatuloy ang pagkuha ng mga kapitalistang ito sa mga menor de edad upang mas makatipid at magkaroon ng mas malaking tubo – dahilan upang mapagsamantalahan ang mga batang tanggapin ang trabaho kahit pa gaano ito kahirap at kapanganib para lamang kumain.

______________. (2013) Unseen Workers: Child Labor in the Philippines. childfund.com. Retrieved on November 20, 2013. Retrieved from <http://www.childfund.org/media/ article.aspx?id=5662> ______________. (2013). Republic Act No. 9231. The Law Phil Project. lawphil.net. Retrieved on November 20, 2013. Retrieved from <http://www.lawphil.net/statutes/repacts/ra2003/ ra_9231_2003.html>

23


scheme ay magsisilbi lamang na tulay upang sumidhi ang pagsasapribado hindi lamang ng PNU kundi pati na rin ng iba pang mga State Universities and Colleges (SUCs).

Elaine Grace A. Quinto, elaineated.torch@yahoo.com

Tri(MESS)ter Scheme Dahil bigo ang academic calendar shitting… Muling nagpanukala ng isa pang iskema ang administrasyon ng PNU sa ilalim ng parehong layuning ihanay at isabay ang sistema ng edukasyon ng Pilipinas sa ASEAN Economic Community 2015 – ang Trimester Scheme. Ang Trimester Scheme ay bunga ng transition scheme na dulot ng fast-phasing ng pagpapatupad ng K to 12 sa ilalim ni PNoy at ang mga sumusunod ang mga suliraning kahaharapin ng bawat PNUan sakaling mapatupad ito sa pamantasan:

1st mess. Ang limang buwan kada semestre ay magiging tatlo na lamang at kasabay nito ang pagkakaroon ng malaking pagbabago sa mga asignatura, oras ng klase at mungkahing on-line classes. Sa kasalukuyan, gahol ang mga estudyante sa pagpapasa ng mga requirements at pagrereview para sa mga exams. Kung ang limang buwan ay paiikliin sa tatlo, tiyak na mas matindi pa sa paghahabol ng requirements ang daranasin ng mga mag-aaral sapagkat sa karanasan, ang tatlong buwan kada isang term o quarterly ay nagreresulta sa mga guro at estudyante na madaliin ang paksa sa isang asignatura. Kulang ang tatlong buwan para matapos ang isang kurso o asignatura. Samakatwid, nalilimitahan nito ang malawak na talakayang maaaring maganap sa loob ng klase. Sinasabi rin ng administrasyon na mapaiikli ng iskemang ito sa tatlong taon ang pag-aaral sa kolehiyo. Malinaw na sinasabi lamang ito ng administrasyon upang kagatin ng mga mag-aaral ang sa iskemang ito ngunit sa katunayan, pareho lamang ang taon na gugugulin sa pag-aaral mula primarya hanggang kolehiyo dahil sa karagdagang dalawang taon sa ilalim ng K to 12. Dagdag pa, hindi makatuwiran ang on-line classes dahil hindi lahat ng mag-aaral ng pamatasan ay mayroong sariling gamit tulad ng laptop upang maka-akses sa internet at maging sa kalagayan ng mga guro, na hindi sapat ang kaalaman sa paggamit ng kompyuter. Maaari itong makaapekto sa daloy ng pagkatuto ng mga mag-aaral. At sa dinami-rami ng gastusin sa baon, requirements at mga photocopy, makadaragdag lamang sa gastusin ang pagrenta ng kompyuter para

24

lamang makasunod sa sistemang ito. Sa halip na imungkahi ang on-line classes, mas mainam na maisayos muna ang mga pasilidad sa loob ng pamantasan tulad ng pagdaragdag ng mga kompyuter at magkaroon ng mas malawak na pagsasanay sa paggamit ng kompyuter para sa mga estudyante at gayon din sa kaguruan. Sa kalagayan naman ng iba pang kampus ng PNU, malinaw na hindi ito angkop dahil mas mahihirapan ang mga estudyante maghanap ng akses sa internet at gumastos pa para dito.

2nd mess. Sa halip na dalawa, magiging tatlong beses ang pagbabayad ng matrikula sa loob ng isang taon. Isa itong paraan ng administrasyon upang kumalap ng pondo matapos makaranas ng sunud-sunod na pagkakaltas ng badyet sa mga nakalipas na taon. Suportado ito ng mapanlinlang na pamaha-

Hindi kinakailangan ng Pilipinas na sumabay sa globalisasyon at humanay sa komunidad ng ASEAN sapagkat sariling kultura ang makapagpapaunlad sa sariling bansa.

laan sapagkat maitutulak nito ang pamantasan na tustusan ang sarili sa mga gastusin sa operasyon. Sa pagdaragdag ng bayarin, untiunting pinapasan ng mga mamamayan ang gastusin na dapat sana’y suportado ng pamahalaan. Dagdag pa, bubuksan ang pamantasan para sa mga foreign students upang makapagaral sa loob ng bansa. Sa ganitong paraan, mas madali para sa administrasyon ang mangalap ng pondo dahil sa tuition fee na makukuha nila mula sa mga estudyanteng dayuhan na tiyak na may mas mataas na matrikula kompara sa mga Filipinong estudyante. Ang trimester

3rd mess. Mapapalitan ang halos lahat ng mga asignaturang tutugon sa panukalang maging ‘globally competitive’ at pumantay sa internasyunalisasyon ang PNU. Ang mga asignaturang makukuha ng isang mag-aaral sa ilalim ng K to 12 curriculum ay hindi na mauulit sa kolehiyo, kung kaya’t pinalitan ito ng mga asignaturang makadayuhan. Dahil sa K to 12, nagiging opsyonal na lamang ang pagkokolehiyo at sa halip na makapaglingkod ang mga guro sa sariling bayan, kinakailangan pa nilang lumabas ng bansa upang magamit ang pinag-aralan sa ilalim ng mga pagbabagong ito sa sistema. Bubuksan ang pamantasan para sa mga dayuhan samantalang sasanayin ang mga mag-aaral nito upang mapilitang lisanin ang bansa at paglingkuran ang mga dayuhan. Malinaw na hindi ito pagpapaunalad sa larangang pang-akademya kundi pagpapaunlad ng ekonomiyang kinokontrol ng ganid na dayuhan. Ang pakikipagsabayan ng Pilipinas sa hanay ng mga papaunlad na bansa sa Asya ay magpapaumpisa ng pribatisasyon at komersalisasyon ng edukasyon sa Pilipinas. Ayon din sa National Union of Students of the Philippines (NUSP), ang ASEAN Integration ay suportado ng isang imperyalistang bansa tulad ng Estados Unidos na nagnanais mai-globalisa ang kalakhang ekonomiya ng bansa upang matugunan ang politikal na interes at pansariling ganansya. Kung maihahanay ang bansa dito, mas mapapadali ang pagmomonopolisa ng Amerika sa Pilipinas at iba pang karatig-bansa sa Asya na bumubuo sa komunidad ng ASEAN. Hindi kinakailangan ng Pilipinas na sumabay sa globalisasyon at humanay sa komunidad ng ASEAN sapagkat sariling kultura ang makapagpapaunlad sa sariling bansa. Sa halip na makipaghabulan sa globalisasyon, marapat lamang na tugunan muna ang suliranin sa sistema ng edukasyon sa bansa at isang paraang upang mapagtibay ang pundasyon sa edukasyon sa Pilipinas ay sa pamamagitan ng pagpapataas ng badyet sa mga SUCs.


Joanah Pauline L. Macatangay, Marijoe S. Gemparo

Ang kolektibong pakikiisa at pagkilos ng taumbayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng blackout sa pangunguna ng mga grupong Anakbayan at Kilusang Mayo Uno (KMU) ay malaking tulong upang ibasura ng Korte Suprema ang dagdag-pasaning ito.

Pagkapa ng Mamamayan sa MERALCO Energy Price Hike

Pagdilim ng paligid Kasing tindi ng biglaang pagkapundi ng ilaw ang pasakit na idinulot ng biglaang pagtataas ng singil sa kuryente ng Manila Electric Company (MERALCO) at hindi maitatangging napakaraming mamamayan ang labis na naapektuhan nito. Ayon sa MERALCO, aabot sa P4.15 bawat kwh ang dagdag na singil kung saan nagdulot ng agarang pagdilim sa kapaligiran ng mga konsyumer ng serbisyong hatid ng MERALCO. Tila matinding kadiliman para sa mga Filipino ang pagtataas ng MERALCO dahil sa sapilitang pagkuha nito ng mataas na presyo ng kuryente sa Wholesale Electricity Spot Market (WESM). Tinagurian ang WESM bilang sentrong pamilihang nagbibili ng kuryente kung saan nakadepende ang pagbabago ng presyo ng kanilang produkto sa partikular na panahon at oras. Ang mataas na presyo ng kuryenteng nabili ng MERALCO mula sa WESM ay babayaran ng paunti-unti sa loob ng tatlong magkakasunod na buwan: P2.41 bawat kwh sa Enero, P1.21 bawat kwh sa Pebrero at P0.53 bawat kwh naman sa pagsapit ng Marso. Tatlong buwan ang inihain sapagkat magiging mabigat sa bulsa kung bubuuin ito sa loob ng isang buwan lamang ngunit ang mas madilim pa dito, wala pang maaaring dahilan para magrollback ang presyong inilatag.

Paglitaw ng mga lamok Habang patuloy na nanliliit at nagdidilim ang paningin ng mamamayan dahil sa magulong siklo ng paghahanap ng dahilan kung bakit ganoon na lamang kataas ang inilatag na presyo ng MERALCO, ipinaliwanag ng Republic Act (RA) 10623 o Price Act ang isa sa mga dahilan kung bakit walang magawa ang pamahalaan sa dilim na idinulot ng MERALCO sa bansa. Ayon sa Price Act, walang kontrol ang gobyerno sa pagtataas o pagbababa ng presyo ng kuryente at langis kahit pa sa panahon ng kalamidad kung kaya’t tahimik lamang ito noong .sabay-sabay na nagsara ang limang korporasyong − ang Iluan Powerplant, Aboitiz Power Corp., San Lorenzo Powerplant, GB Power Corp., at Calaca Powerplant na may kontrol ng 80% ng kuryente sa bansa matapos ang isinagawang ‘maintenance shutdown’ ng Malampaya Natural Gas Plant (MNGP) noong Nobyembre 11 – Disyembre 10, 2013. Ang pagsasara ng mga malalaking powerplant na iyon ang nagbigay ng sapat na dahilan para ang ilang Power Distributors, gaya ng MERALCO, ay magdagdag ng singil sa kuryente. Waring lamok naman na nagdulot ng pantal ang Energy Regulatory Commission (ERC) na dapat sanang naglilimita kung gaano kataas lamang ang presyong karapat-dapat na idagdag na singil sa kuryente dahil sa wala

silang magagawang paraan para pigilan ang pagtataas ng singil. Kung sisipating maigi, mayroong P2.8 Bilyon kada buwan na kita ang pamahalaan mula sa Value Added Tax (VAT) na kasama sa binabayaran na kuryente ng mga konsyumer. Kaya hindi katakatakang ipinagwawalang bahala na lamang ito halos ng pamahalaan sapagkat sila rin mismo ang nakikinabang. Maliban doon, nabuksan na rin ang fuse box na naglunsad ng tunay na puno’t dulo ng dilim na patuloy na bumabalot ngayon sa bansa, ito ay ang Electric Power Industry Reform Act of 2001 (EPIRA), “Imbes na bumaba ang singil sa kuryente, tumaas pa ang singil dito [EPIRA] at isa ang Pilipinas sa may pinakamahal na singil ng kuryente sa buong mundo at una sa Asya,” pahayag ni George San Mateo, Tagapangulo ng Pagkakaisa ng Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON). Matatandaan na sa pamamagitan ng batas na ito, naging ligal ang pribatisasyon at deregulasyon ng ‘power industry’ sa Pilipinas na hindi malayong dahilan kung bakit malalakas ang loob ng mga korporasyong gaya ng Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM), National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), MERALCO, at ERC kasama na rin ang Department of Energy (DOE) na magsabwatan sa pagpiga sa kaban ng bayan.

Pagsindi ng kandila

Patuloy mang ipinagmamalaki ng MERLACO sa bawat kislap ng telebisyon at ilaw sa mga tahanan na may ‘liwanag ang buhay,’ nananatili namang binubulag ng dilim ang bawat pamilya. Dahil isang malaking kompanya ang MERALCO, tuloy-tuloy lamang ang pagsindi ng mataas na singil sa kuryente at ang pamahalaan ang nagsisilbing saksakan upang magningning ito at patuloy na bulagin sa liwanag ng kahirapan ang mamamayan. Ang kolektibong pakikiisa at pagkilos ng taumbayan sa pamamagitan ng pagsasagawa ng blackout sa pangunguna ng mga progresibong organisasyong ANAKBAYAN at Kilusang Mayo Uno (KMU) ay malaking tulong upang ibasura ng Korte Suprema ang dagdag-pasaning ito. Kung isusulong ng pamahalaan ang pambansang industriyalisasyon sa kuryente at iba pang serbisyo sa halip na paigtingin ang makasariling interes ng mga malalaking kompanya, titindig at masisindihan ang kandilang tutunaw sa mga nagsasamantalang kapitalista. Magkakaroon din ng tanglaw at hindi na muling kakapa sa dilim ang bawat tahanan Garcia, G. (2013). Dahil sa pagtataas ng singil sa kuryente, Meralco igigisa na sa Kongreso. Retrieved on January 12, 2013. Retrieved from <http://www.philstar.com/ bansa/2013/12/09/1265795 G, L.B. (2013). Osmeña: Walang sabwatan sa likod ng pagtaas ng singil sa kuryente. Retrieved on Januray 12, 2013. Retrieved from <http://www.gmanetwork.com

SANGGUNIAN:

Walang Liwanag ang Buhay

25


Ang SELFIE ay isang salita na patok na patok sa kabataan sa pamamagitan ng pagkuha ng litrato ng sarili sa iba’t ibang paraan.

26


Hindi bawal ang selfie, ngunit hindi dapat makasarili. Maaaring mag-selfie kung ang layunin ay pang-GROUPIEng pagtugon sa mga isyung panlipunan.

27


ISANG DIPANG LANGIT Kalayaang Hatid ng Pag-ibig sa Wika Jolly M. Lugod

Bilang isang arkipelago, binubuo ang Pilipinas ng mahigit 300 na magkakaibang dayalekto. Sa kabila nito, nagkaroon ang Pilipinas ng Pambansang Wika na bago natin nakamit ay dumaan muna sa maraming pakikipaglaban at paggigiit ng mga nauna sa atin bilang pagkakakilanlan at sagisag ng pagkakaisa tungo sa tunay na pagsasarili. Kilala bilang huwaran sa larangan ng wika sina Manuel Luis Quezon na “Ama ng Wikang Pambansa” at Lope K. Santos na “Ama ng Balarilang Filipino” ngunit nakaliligtaang hindi lamang dahil sa kanilang mga balikat nabuo ang Wikang Pambansa, bagkus, mayroon pang mga indibidwal, grupo at institusyon na dapat kilalanin sa likod ng pagtatamo nito. “Sariling wika ang s’yang magpapalaya, Sa sambayanang gapos ng tanikala” -Joel Costa Malabanan, ‘Speak in English Zone’ Mapagpalayang wika ang isinusulong ng “Ama ng Komisyon sa Wikang Filipino” na si Ponciano Pineda nang maitatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) ayon sa Saligang Batas ng Pilipinas-Artikulo XIV, Seksyon 9. Nagkaroon ng mga pananaliksik para sa repormang ortograpiya na naglalayong mapaunlad at mapayabong ang wikang Filipino. Taong 1973, pinangunahan ni Jose Villa Panganiban ang

28

pagsasalin at pananaliksik para sa paglathala ng diksyunaryong Ingles-Tagalog at nagpasimula ng talasalitaan ng walong pangunahing wika sa Pilipinas. Itinaguyod naman ni Dr. Ricardo Nolasco ang wika sa pamamagitan ng pagtuturo sa iba’t ibang antas ng paaralan tungkol sa istruktura at pagpapahalaga sa wika at naging bahagi rin sa pagbubuo ng diksyunaryong Filipino-Ingles noong 1977. Iilan lamang sila sa mga naglaan ng panahon upang itaguyod ang istandardisasyon at intelektwalisasyon ng wikang Filipino. Sa pagpapalaganap ng wika, maituturing na mabisang instrumento ang mga guro sa Filipino. Isa si Dr. Pamfilo D. Catacataca sa mga gurong nanaliksik sa pagpapaunlad ng wika na naging pangulo rin ng Kapisanan ng mga Propesor sa Filipino (KAPFIL) at Pambansang Samahan ng mga Tagamasid at Tagapagtaguyod ng Wikang Filipino (PASTAF). Naging pangulo ng Technical Committee for Filipino of the Technical Panel para sa Humanismo, Araling Panlipunan at Komunikasyon ng Commission on Higher Education (CHED) si Dr. Clemencia C. Espiritu at tagapagtaguyod ng wika sa Pambansang Samahan ng Linggwistika sa Filipino at Samahan ng mga Tagapagsalin sa Filipino. Samantala, si Dr. Aurora Esguerra Batnag ay naging bantog na guro sa pagiging pangulo ng SALIN- organisasyon ng mga tagapagsalin sa wikang Filipino. Nakapagsalin siya ng mga nobela at maikling kwento sa paninindigang nakabubuting basahin ang mga dayuhang akda sa wikang Filipino. Ilan

Mayroong isang aso, daig pa ang ulol Siya’y ngumingiyaw, hindi tumatahol Katulad ng iba, painglis-inglis pa Na kung pakikinggan, mali-mali naman. Wag na lang.

-Heber Bartolome, ‘Tayo’y mga Pinoy’

lamang sila sa mga gurong hindi lamang trabaho ang turing sa propesyon, kundi isang responsibilidad para sa pangangailangan ng mga mag-aaral sa Filipino. Pagdating naman sa larangan ng panitikan at pagsulat ng mga librong pang-akademiko, hindi pahuhuli ang mga tulad ni Dr. Bienvienido Lumbera na nagsulat ng mga aklat na umaagapay sa wika at panitikan tulad ng “Panitikang Filipino mula sa mga Rehiyon.” Naging manunuri rin siya ng wastong wikang ginagamit sa pelikulang Filipino dahilan upang gawaran siya ng “Pambansang Alagad ng Sining.” Samantala, si Dr. Paquito Badayos naman na naging propesor sa PNU ay nagturo at nagpaunlad ng kurso sa wikang Filipino. Kilala si Badayos sa pagsusulat ng mga librong nakatutulong sa pagaaral at pagtuturo ng wikang Filipino tulad ng “Metodolohiya sa Pagtuturo ng Wika, mga Teorya, Simulain at mga Estratehiya para sa Paglinang ng Wikang Filipino

sa Larangan ng Pagtuturo.” Sila’y mga manunulat na nagmumulat sa mas malayang paggamit ng wikang Filipino upang maituro sa mga mag-aaral ang kahalagahan ng wika. Pagdating naman sa pamamahayag, may mga Filipinong naglingkod sa wika tulad ni Randolf ‘Randy’ S. David na isang mamamahayag sa Filipino sa telebisyon at isang sosyolista at ama ng premyadong mamamahayag na si Kara David ng GMA7. Kasalukuyan siyang kolumnista sa Philippine Daily Inquirer na nagtatalakay sa mga isyung panlipunan at kalagayan ng Wikang Filipino.

F

Mayroong isang aso, daig pa ang ulol Siya’y ngumingiyaw , hindi tumatahol Katulad ng iba, painglis-inglis pa Na kung pakikinggan, mali mali naman. Wag na lang. -Heber Bartolome, ‘Tayo’y mga

O O


Pinoy’ Mula sa mga indibidwal ng pagpupursigi tumungo tayo sa kolektibong pagtataguyod at pagpapaunlad ng Pambansang OWika at mga wika. Marapat na kilalanin ang ilang institusyong naitatag at ngayo’y patuloy na nag-aambag sa pag-unlad ng mga wika. Agosto 4, 1995 nang nilikha ng Batas Republika Blg. 7104 ang KWF na nagsagawa ng pananaliksik ukol sa wikang Filipino upang ito’y mapagyaman at mapalaganap. Hangarin ng KWF na paunlarin ang Filipino bilang midyum ng pangkalahatang talastasan at maging sa mga layuning intelektwal. Pagpapalakas, pag-uugnay at pagpapatupad ng mga programa at proyekto para sa wika. Noong 1960, itinayo ang Kapisanan ng mga Propesor sa Filipino (KAPFIL) ng mga propesor sa kolehiyo at unibersidad sa Metro Manila. Sa nagdaang mga panahon, lumawak ang kapisan-

WIKANG

FILIPINO

…wikang naglalagos sa isipang makabansa Wikang nanunuot sa damdaming makalupa… -Patrocinio V. Villafuerte, ‘Wikang Filipino sa Pambansang Kalayaan at Pagkakaisa’ Kaagapay ng wika ang mapagpalayang sining, huwag matakot na gamitin ang tinig upang itaguyod ang wikang nagsisilbing pagkakakilanlan at upang ipahayag ang mga sosyo-kultural na isyu ng ating lipunan. Sa larangan naman ng musika, tanyag si Aristotle Pollisco o mas kilala bilang si Gloc-9

ay isang mang-aawit ng “Filipino Rap” na nagwagi sa Awit Awards bilang Filipino Rapper. Kilala siya sa kanyang mga awiting tumatalakay sa mga isyung panlipunan na kinakaharap ng mga Filipino. Kabilang sa kanyang mga kanta ay ang “Upuan” at “Walang Natira.” Maging sa ‘cyber space’, ang (Km64) na itinatag noong Marso 13, 2003 ay isang “online group” na sumusulat ng mga tulang pampanitikan sa Filipino. Pinangungunahan ito nina Gil Casia na isang manunulat, pintor at aktibista at ni Alexander Martin Remollino na isa ring manunulat at mamamahayag. Pagbubukas ng mga isyung panlipunan sa Pilipinas ang paksa ng mga tulang inilalathala nila sa pamamagitan ng paggamit ng wikang Filipino na lubos na nauunawaan ng nakararami. May mga organisayon din sa loob ng mga pamantasan tulad sa PNU, may Kapisanang Diwa at Panitik (KADIPAN) na hindi lamang nagpapahalaga sa Wika at Panitikan kundi nagsasagawa ng makabayang mga gawain sa isang buwang pagdiriwang ng wika. Ang The Thespian Society mula sa PNU at Alay Sining ng Unibersidad ng Pilipinas-Diliman (UPD) ay gum-

agamit ng sining-teatro bilang kagamitan sa transpormasyong sosyal at kultural. Kilala ang dalawang grupo sa pagtatanghal ng magkaagapay na pag-ibig sa bayan at pagpapaunlad ng wikang Filipino. At bukas, diyan din, aking matatanaw Sa sandipang langit na wala nang luha, Sisikat ang ganitong araw ng tagumpay… Layang sasalubong ako sa paglaya! -Amado V. Hernandez, ‘Isang Dipang Langit’ Sa kahit ano pa mang larangan, kadakilaan ang paggamit ng wika nang may pagpapahalaga gaya ng ipinamalas ng mga indibidwal at organisasyong makabayan upang bakahin ang koloyal na pamumuhay ng mga Filipino. Kayamanan ang wikang Filipino, huwag gawing dayuhan ang sariling mga pananaw dahil sa mga dayuhang wika. Sa mas malawak at makabuluhang pagtanaw, itinaguyod ng mga nauna ang pagkakaroon ng “Pambansang Wika” at “Pagpapahalaga sa mga Dayalekto” na ipinagpapatuloy ng kasalukuyang henerasyon dahil una, ang wika ay sagisag ng pagkabansa at pagkakakilanlan; at, ikalawa binubuhay nito ang hangaring lumaya at igiit ang pambansang soberanya

- Amado V. Hernandez, ‘Isang Dipang Langit’ SANGGUNIAN:

O

At bukas, diyan din, aking matatanaw sa sandipang langit na wala nang luha, sisikat ang ganitong araw ng tagumpay layang sasalubong ako sa paglaya!

an at nahikayat ang libo-libong propesor at instruktor ng Filipino sa buong bansa. Layunin nito ang pagpapaunlad ng wikang Filipino sa pamamagitan ng epektibong paraan ng pagtuturo ng Filipino sa kapwa larangan ng Wika at Panitikan. Naglingkod rin ang samahan sa pamamagitan ng pagbubunsod ng mga seminar, palihan, komperensya, simposyum at paglalathala ng dyornal na “Tinig ng KAPFIL.”

_______., 2012. Kapisanan ng Mga Propesor sa Filipino [Web wikipilipinas] Retrieved Septber 23 _______., 2012. ¬¬Panitikan-km64. [Web Multiply] Retrieved September 23, 2012 from http://www. Panitikan.com.ph/ event/sumali-sabagong-online-project-ng-km64 Belvez, P. n.d. 2012. Development of Filipino, the national language of the Philippines. Retrieved September 11,2012 from http://panitikan. com.ph/nationalartists/blumbera.htm.

29


ILUSYON

Jolly M. Lugod, jolly.lugod@gmail.com

Walang sariling lupang sakahan sa sariling bayan- iyan ang kalagayan ng mga magsasakang siyang naghahain ng kanin sa hapag ng milyon-milyong Filipino. Dalawampu’t pitong taon nang walang hustisya para sa 13 patay at 39 sugatan makaraang maganap ang malagim na Mendiola Massacre noong Enero 22, 1987. Kaparis ng dalawampu’t pitong taon ring pakikibaka ng mga magsasaka at pagkilala sa dugo’t pawis na ibinubuwis ng mga kasamahan para sa tunay na reporma sa lupa. Limang buwang mahigit matapos ang masaker, nilagdaan ng dating Pangulo Corazon Aquino ang Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) sa bisa ng Presidential Proclamation 131 at Executive Order 229 noong Hunyo 22, 1987. Nakasaad dito na lahat ng lupang hihigit sa pitong ektarya ay marapat na ipamahagi sa mga magsasakang walang natatanggap na titulo ang mga magsasaka. Isang kabalintunaan na itinuring na ‘Ina ng Demokrasya’ ngunit wala namang nagawa para sa mga magsasaka. Agosto 7, 2009 nang isinabatas ang R.A. 9700 o CARP Extension with Reforms (CARPer) sa ilalim ni Arroyo na matatapos na ang bisa ngayong 2014 ngunit ang mga lupang sakahan na para sa mga magsasaka tulad ng Hacienda Luisita ay hindi pa rin naipamama-

SA MADALING SALITA

KevinKevin P. Armingol-Patnugot P. Armingol, kevin.armingol@yahoo.com sa Pananaliksik

Panahon na upang isabatas ang Campus Press Freedom Act (CPFA) at palitan ang Campus Journalism Act of 1991 (CJA) dahil sa mga butas nakapaloob dito na lalong nagbibigay daan sa matinding represyong nararanasan ng mga mamamahayag pangkampus.

30

Simula nang maitatag ang CJA noong ika-5 ng Hulyo, 1991, ilan sa magagandang probisyong naipatupad nito ang kalayaang humawak ng mismong Pamunuan ng Patnugutan (edtorial board), ng pananalapi at pagsasarili bilang publikasyon. Ngunit ayon kay Terry Ridon, Kinatawan ng Kabataan Party-list, ang pagsasaligal ng non-mandatory na pangongolekta ng pondo sa mga publikasyon ang isa sa mga kahinaan ng CJA. Hindi binanggit ang pagbibigay mandato sa mga administrasyon na mangolekta ng pondo ng publikasyon at sa halip, isinaad lamang ang mga maaaring pagkuhanan ng pondo. Kaya noong magsagawa ng manual collection scheme ang publikasyong Dawn ng University of the East (UE)Manila matapos ipitin ang kanilang pondo, hinarang ito ng kanilang administrasyon at nagsagawa ng pagsusulit para sa bubuuing bagong editorial board. Bukod pa dito ang pagsampa ng administrasyon ng UE ng kasong libelo sa Dawn editorial cartoon ay hindi nalalayo sa sinapit ng noong Editor-in-Chief ng publikasyong Out-

Walang anumang unos o banta sa buhay ang makapagpapatigil sa mga Filipino upang ipaglaban ang karapatan sa sariling lupa.

hagi. Kabalintunaan ito sa sinasabing layunin ng CARP at CARper na maipamahagi ang sobrng kalupaan sa buong kapuluan na nauwi lamang sa karahasan tulad ng Mendiola at Hacienda Luisita Massacre. Ginagawa rin nitong Malabo ang konsepto ng repormang pang-agraryo kung saan isinasalegal nito ang pangangamkam ng panginoong may lupa upang gawing lupaing pangkomersyo. Nauuwi sa paghihikahos ang mga magsasaka at napipilitang mamasukan bilang mga manggagawang sumasahod ng maliit habang ang iba nama’y napipilitang makipagsapalaran sa syudad na sanhi ng pagtaas ng bilang ng maralitang lungsod. Sa kabila ng mga dagok na ito, patuloy ang pakikipaglaban ng mga magsasaka sa pangunguna ng Kilusang Mambubukid ng Pilipinas (KMP) para sa tunay na reporma sa lupa. Pra maisakatuparan ito, isinulong nina Crispin Beltran ng Anakpawis, Satur Ocampo at Teddy Casiño ng Bayan Muna at Liza Maza ng Gacrop ng UP-Baguio na si Jesusa Paquibot matapos maglathala ng isang lampoon article na patunay lamang na walang pangil ang CJA dahil walang inilatag na karampatang parusa sa mga lalabag dito at nagbibigay pa nang walang patumanggang pakikilalam sa mga publikasyon. Ang hindi pagbabanggit sa CJA ng pagbibigay mandato ng pagtatatag ng mga publikasyong pang-mag-aaral sa mga pamantasan sa bansa at ang pagpapabukás sa mga ipinasarang publikasyon ang ilan sa mga butas ng CJA na hindi nakatutugon sa tungkuling itaguyod ang karapatan sa malayang pamamahayag. Sa madaling salita, nararapat lang na palitan na ang CJA ng mas angkop at komprehensibong batas na mangangalaga sa karapatan ng mga publikasyong pang-mag-aaral. Kaya panahon na upang isabatas ang CPFA para sa tunay na pagtataguyod ng malayang pamamahayag sa bawat pamantasan. Sa ilalim ng CPFA, bukod sa malinaw na pagbibigay mandato sa mga administrasyong pampaaralan na mangolekta ng pondo para sa publikasyon, malayang makapangongolekta ang mga miyembro o staff ng publikasyon na walang panghihimasok ng administrasyon (Section 7. Funding of Student Publication). Isinasaad din sa CPFA ang agarang pagbibigay ng pondo sa mga publikasyon sa loob ng labinlimang araw pagkaraan ng enrolment (Section 8. Transmittal of Funds) at ang pagpapabukas sa mga ipinasarang publikasyon sa bansa (Sec-

briela ang Genuine Agrarian Reform Program (GARB). Mas makatarungan at panig sa mga magsasaka na programang pang-agraryo ang isinusulong ng GARB kung saan ang lupang ipinaglaban ay ibabahagi sa mamamayan batay sa pangangailangan at kakayahang magsaka. Ilusyon lamang ang pagbabago ng pangalawang Aquino na si PNoy dahil sa pagtatapos ng CARPer sa kanyang termino, hindi pa rin naipapamahagi ang lupang dapat ay sa magsasaka.Tulad ng mga nagdaang pangulo, ang mga programang pang-agraryo tulad ng hungkag na CARP at CARPer ay panlabas na solusyon lamang ng pamahalaan para maipalabas na kumikilos ito na sa totoo’y nakikipagsabwatan sa mga panginoong may lupa upang masarili ang kalakhan ng Pilipinas habang naghihihirap ang mga magsasaka. Sa ika-27 taon ng Mendiola Massacre, patuloy pa rin ring kumikilos at nagtitipon ang mga magsasaka sa Mendiola patunay lamang na hindi pa rin napakikinggan ang kanilang hinaing. Ayon nga sa awitin ng Musikang Bayan, ‘Tuloy ang Laban ni Andres’ dahil nananatili pa ring walang lupang sakahan ang mga magsasaka. Magpapatuloy ang mga magsasaka at iba pang mga progresibong grupo sa pagtungo sa makasaysayan at mapagpalayang kalye ng Mendiola upang ipanawagan ang hinaing ng mamamayan. Walang anumang unos o banta sa buhay ang makapagpapatigil sa mga Filipino upang ipaglaban ang karapatan sa sariling lupa.

tion 4: Student Publication). Dagdag pa, binibigyan din ng kapangyarihan ng CPFA na makapag-imbestiga ang Commission on Higher Education (CHED), Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at Department of Education (DepEd) sa mga paglabag at pagpapatupad ng mga kautusan at mga regulasyon nito (Section 14. Power to Investigate). Malinaw ding binanggit sa CPFA ang parusa sa sinumang lalabag sa mga kautusan. Magmumulta nang hindi bababa sa isandaang libong piso (P100,000) ngunit hindi tataas ng dalawang daang libong piso (P200,000) o pagkakakulong ng hindi bababa sa isang taon ngunit hindi naman hihigit nang limang taon ang mapapatunayang lalabag sa CPFA (Section 18. Penalties).

Bilang mamamahayag, dapat lang na buwagin na ang CJA at palitan nang mas angkop na batas—ang CPFA na layong itaguyod ang karapatan at kapakanan ng mga mamamahayag sa pamantasan at ang pagpapabuti sa mga publikasyong pang-mag-aaral bilang armas sa pagmumulat at pagpapalaya ng bayan.


K

KA BUTE

Bulalo madness on SG Election Hellooow there PhiAndYouOnes! Did you miss mey? At ang mga chikka kong nagpapakiliti sa inyong panga? Doncha worri ‘coz the wait is oveeer! Your order is reeeeady! Mga chikang kasing hot ko este ng bulalo na magpapagising sa inyong bone marrow. Ikaw na! Tara! Sa sama-samang ‘pag mwah mwah tsup tsup sa mga chikang kasing sabaw ng bulalo.

The elekekeksyon is over, pero bago ang lahat, elem me nemen, naglalabas ng taunang election issue para knows ng ishtudents da who ang karapat-dapat nilang iboto, i-add pa dyan ang siyang tunay na tutulong sa madlang PhiAndYouOnes. At, ob coors, nagconduct ng interview ang ever ganda ninyong Kabuts but, yung isang partido ay hindi na nga nagpainterbyu, ang dami pang paratang na walang basehan. If I know, nagdadahilan na lang sila para hindi mabuking ng mga ishtudents kung gaano kayo kasabaw sumagot ng mga questions tungkol sa issues in and out ng pamantasan. Mwah mwah tsup tsup PhiAndYouOnes, ito na ang mga chikka ko. Chikka nambah whum, iniintriga ng partidong ito ang credibility na mayroon ang publication. Duh, like 100 years na kayang nag-eexist ito sa Pilipinas, surelalu na hindi pa yun naabutan ng founder nila noh! Pinakamatanda na kaya itey na ishtudent publication sa buong Pilipinas, am’ma proud kashe beautiful member ako ng publikasyon na ito, Ika nga ni Bhoszx Chixsz, “WhuLanG

titivHaG.” Kaya naman try hardeeeer sa partidong ‘yan noh! Chika nambah twooo, wow ha! Anong karapatan ninyong i-accuse na ‘communist’ ang 100 years nang naglilingkod sa PhiAndYouOnes. Duh, masama bang ipakita ang nararanasan ng mga magsasaka at manggagawa sa kanilang paghihikahos sa maling sistema? Mali ba na malaman ng lahat na nagpapahirap sa taong bayan na magpahanggayon ay nakakaltasan ng budget ang pamantasan? Ang mali ay ang iboto kayo ng dahil super sabaw kayooo at obvious na hindi na kayang tumindig to fight for my beloved students! Sobrang nagpanting ang wititit kong ears sa chika numba tiriii na kaya hindi raw sila magpapa-interview dahil knows nilang isinusulong ng publikasyon ang mga waley raw kabuluhang ideyolohiya ng mga komunista. Kanino ninyo nalaman ‘yan? FYI, mas waley kaya kayong kabuluhan dahil hindi mali na ipakita ang kalagayan ng mga magsasaka at manggagawa at ng iba pang sektor sa lipunan. Pwede rin kompyutin ang ginagastos sa pagpapa-publish ng mga issues. Waley na nga ang mga platapormang inihain, wa-

ley pa kung magsalita at magpaliwanag. Emergerd! Makipag-usap na nga lang kayo kay Bulalord baka ma-gets niya pa kahit papaano balak ninyong sabihin. Sabawang utak?! Bigyan nga ng bulalo! I discovered na waley na nga ang mga platapormang inihain ng partidong ito, waley pa kung magsalita ang mga kandidato dahil inconsistent kung sumagot. Naisasalang ba ninyo sa training ang mga candidates ninyo o memailagay, mema-ipasa o mema-kandidato lang e okidoks na? Like sobrang babaw sabaw! Maglilingkod pows kayo sa madla tapos ‘di consistent sa mga tanong? You better make ayos muna your sarili guyss! HART HART is really HARD </3. Nakapaghusga na ang madlang PhiAndYouOnes at opisyal nang nakilala ang next ishtudent government officials ni Inang P! Buti na lang talaga mga mas karapat-dapat ang nanalo dahil kundi magpapatuloy na waley ang pamantasan sa inyo, kasi ksyo mismo waley. Babush na munaPNUans! I want to play a Flappy Bulalord for a while… wanna join? Tara, maglaro na tayo ng Flappy Bulalord!

31


(Sanggunian: KabataanPartylist.com)

Darlene Jean P. Mase Zhen Lee M. Ballard

Kasing bilis ng transaksyon sa buy and sell sites ang pagpapalit-palit ng mga pangalan o modelo ng produkto. Bukas paggising mo, pinalitan na pala ng salitang ‘pribilehiyo’ ang ‘karapatan’ sa edukasyon. PRODUCT DESCRIPTION: Model: RPHER 2011-16 Isang ‘bagong modelo’ ng edukasyon na inilabas ng Malacañan Corporation noong Mayo 17, 2012, ang Roadmap to Public Higher Education Reform (RPHER) 2011-16. Kompara sa modelo ng mga naunang administrasyon, mas ‘high-tech’ at mas mabilis ang ‘process’ ng RPHER tungong komersyalisasyon at pribatisasyon ng edukasyon. Ayon sa sister company nitong Commission on Higher Education (CHEd), ang bagong modelo ang sagot sa tatlong pangunahing suliranin sa sistema ng pampublikong edukasyong tersyarya sa Pilipinas – ‘kawalan ng pangmatagalang balangkas, bumabang kalidad at limitadong access. Narito ang ilang features ng RPHER 2011-16: Una, pagbuo ng bagong “tier system” na naglalayong i-grupo ang State Universities and Colleges (SUCs) sa tatlo batay sa antas ng kanilang kalinangan at kahusayan na magiging batayan ng Department of Budget and Management (DBM) sa pagbibigay ng pondo. Gumawa rin ng rebisyon ang CHEd sa Normative Funding Formula (NFF) kung saan ibabatay na ang

32

Legend: Ang mga naka-highlight ay SUCs na kasama sa 11 sinalanta ng bagyong Yolanda na kinaltasan ng badyet at hindi makatatanggap ng pondo para sa Capital Outlay (CO) ngayong 2014. pagbibigay ng pondo sa enrolment at passing rates ng SUCs. Ibig sabihin, kung bumaba ang enrolment at passing rate at iba pang salik ng NFF, bababa rin ang pondong aaprubahan o ibibigay ng DBM sa SUCs. Makatatanggap ng badyet para sa Capital Outlay (CO) mula 15 M hanggang 1.4 B ang 19 na nangungunang SUCs na kinabibilangan ng PNU. Sumunod ang 37 SUCs na nasa “Tier 1” na makatatanggap ng CO na aabot lamang sa 7 M. At huli ang 51 SUCs “Tier 2” na makatatanggap ng pondong aabot lamang sa 4 M. Bagaman makatutulong ang patakarang ito upang paangatin ang kalidad ng edukasyon, hindi pa rin mai-aalis ang katotohanang mahalaga ang sapat na badyet upang mapatakbo

nang maayos at maganda ang isang unibersidad lalo na kung kabilang ito sa tinatawag na lowperforming SUCs. Sa madaling sabi, hindi mabubuo ang isang produkto kung walang kapital at iba pang salik ng produksyon. Ikalawa ang rasyunalisasyon ng bilang at distribusyon ng SUCs na nangangahulugang maaaring may mga pamantasan na pag-iisahin o tuluyang ipasasara. Magkakaroon na lamang ng tigiisa o mas kakaunting bilang ng SUC sa bawat rehiyon sa bansa. Halimbawa, planong itayo ang Southern Philippines Regional University na magsasanib sa apat na SUCs sa rehiyon ng Davao. Sa ganitong paraan mas makatitipid ang Malacañan Corporation sa pondo habang pabawas nang pabawas ang bilang ng SUCs.

Ikatlo ang rasyunalisasyon ng mga programa ng SUCs na magtatanggal at magpapasara sa mga kursong may parehas na kurso sa mga pribadong paaralan. Samakatuwid, marami ang mapipilitang magkonsumo ng mahal na edukasyon, kundiman, pipilitin ang sariling kalimutan na ang pangarap na mahasa pa ang abilidad sa gustong propesyon at kukuha na lamang ng mas murang kurso tulad ng mga two-year vocational courses na ibinibida ng Malacañan Corporation upang ikalakal ang mga estudyante bilang mga komoditi na tutugon sa pangangailangan ng pandaigdigang merkado – murang kurso, murang Lakas Paggawa.


Hindi lamang features ng RPHER ang ibinibida ng Malacañan Corporation, sinamahan pa ito ng mas pinabigat na ‘special package’ – budget cut, Tuition and Other Fees Increase (TOFI) at free live wire. Sa kabila ng karagdagang P1.269 B sa badyet ng SUCs sa taong 2014, may 26 SUCs pa rin ang makararanas ng pagkakaltas sa badyet at kabilang dito ang PNU (tingnan ang tala sa itaas). Labing-isa dito ang hinagupit ng Super Bagyong Yolanda kabilang ang University of the Philippines – Tacloban na tulad ng ibang hinagupit ng bagyo, hindi nabigyan ng pondo para sa CO na higit na kailangan ng mga nasalantang pamantasan dahil nakalaan sa pagpapatayo o pagsasaayos ng mga emprastruktura. Samantala, nakatakda na ring ipatupad sa lahat ng SUCs ang bagong school fee scheme na kahalintulad ng Socialized Tuition and Financial Assistance Program (STFAP) ng UP sa taong 2016. Sa ilalim nito, naka-bracket ang mga estudyante batay sa kanilang kakayahang magbayad. Nasa bracket A ang mga estudyante na may kakayahang magbayad ng tuition at miscellaneous ng buo. Samantala, E2 ang pinakamababang bracket na nagbabayad lamang ng P325 kada unit bilang tuition fee. Sa ganitong pamamaraan mas lalaki ang kita ng pamantasan dahil batay sa kakayanan ng estudyanteng magbayad ang paniningil ng matrikula na nagiging daan upang mas mapaigting ang pagkakaltas ng badyet sa SUCs. Bunsod ng budget cut, inaasahan na rin ng Malacañan Corporation ang sunod-sunod na pagpalo ng TOFI kaya naman sinamahan na rin nila ng free live wire ang package kung sakaling maisipan ng ibang hindi na kayang ‘mag-avail’ na sumunod sa tuwid na daang tinahak ni Kristel Tejada* dahil sa kawalan ng

Sa panahong ‘high-tech’ na ang maraming bagay, ‘in just one click’ na lang ang bawat proseso. ‘In just one click’ pwede ka nang mag-shopping sa mga buy and sell sites. Hanggang sa hindi mo namamalayan na maging ang karapatan ng bawat mamamayan sa edukasyon ay nakasalang na sa tuwid na daan patungong komersyalisasyon at pribatisasyon.

pag-asang makapagtapos sa pagaaral.

Exclusive of State Subsidy Kung tutuusin, hindi na bago ang RPHER 2011-16. Tulad ng ibang produktong inilalako sa merkado, ginamitan lamang ito ng inobasyon sa pamamagitan ng pagdaragdag ng ilang features o pagpapalit-palit ng katawagan. Panahon pa lamang ni Marcos nang ipatupad ang Education Act of 1982 upang hikayatin ng Malacañan Corporation ang SUCs na maglunsad ng IncomeGenerating Projects (IGPs) at makipagtulungan sa mga pribadong sektor upang tustusan ang sariling pangangailangan. Simula noon, bumenta na ang ganitong kalakaran kaya’t ipinatupad ni Fidel V. Ramos, dating pangulo ng Malacañan Corporation ang Long-term Higher Education Development Plan (LTHEDP) noong 1996 at Higher Modernization Act (HEMA) noong 1997 na ipinagpatuloy naman ni Gloria Macapagal Arroyo. Mga repormang tulad ng RPHER na layuning abandonahin at isapribado ang SUCs. At dahil mas mabilis ang ‘processor’ ng RPHER, inaasahang sa taong 2016, may 22 SUCs na ang may kakayahang kitain ang 50% ng kabuuang pangangailangan nila at sa gayon hindi na sila umasa sa limos ng Malacañan Corporation. Ibig sabihin, 50% OFF discount ang Malacañan Corporation kada

siyentipiko, maka-masa at makabayang edukasyon

Contact Seller: Benigno S. Aquino III CEO, Malacanang Corp. 09123456789 *Pasintabi kay Kristel.

SUCs. Sinabi na ng kasalukuyang pangulo sa kanyang unang SONA noong 2011 na tatlo sa 110 SUCs lamang ang ititira: University of the Philippines (UP), Polytechnic University of the Philippines (PUP) at Mindanao State University (MSU). Kaya naman, asahan rin ang sagad-sagarang pagtaas ng presyo ng edukasyon kasabay ng lalong pagtaas ng drop-out rates, bilang ng out-of-school youth, suicide cases, crime rates, underemployment at unemployment rate sa tuwid na daan.

Meet-ups: Mendiola Peace Arch Sa panahong ‘high-tech’ na ang maraming bagay, ‘in just one click’ na lang ang bawat proseso. ‘In just one click’ pwede ka nang mag-shopping sa mga buy and sell sites. Hanggang sa hindi mo namamalayan na maging ang karapatan ng bawat mamamayan sa edukasyon ay nakasalang na sa tuwid na daan patungong komersyalisasyon at pribatisasyon. Kaya dapat ‘think before you click.’ Paganahin ang isip sa pagsusuri at huwag padadala sa mababangong pangalan ng mga pinakabagong modelo ng produkto. At kung saang lupalop mo mang mapiling makipagmeet-up sa online seller, sa kalsada man o sa kongreso, sa loob man o labas ng Mendiola, mas mainam na magsama ng maraming kaibigan para sa sama-samang paggigiit ng karapatan sa

SANGGUNIAN:

Special Package: Budget Cut, TOFI, Live Wire

_______. (Sept 12, 2012). Ang Panukalang Badyet ng SUCs sa Taong 2013: Daan sa pagpapaigting ng komersyalisasyon, malakihang panlililang sa kabataan. Retrieved on Jan 11, 2014 from <http://kabataanpartylist. com/?s=Education&x=0&y=0> _______. (Sept 10, 2012).SELL OUT: The Philippine Education System Three Decades after the Passage of the Education Act 1982. Retrieved on Jan 11, 2014 from <www. kabataanpartylist.com>

33


John Reinz R. Mariano

Lahat ng nilalang sa mundo, dumaraan sa ebolusyon. Nagbabago ang hugis, laki ng katawan at maski katawagan. Ngunit magbago man ang mga katawagang ito, mananatili pa rin ang esensya nito. Ang baboy, magbago man ang hugis at katawagan, baboy pa rin.

Piglet Ika-19 siglo nang ipinanganak ang terminong ‘pork barrel’ sa Amerika. Tumutukoy ito sa inasnang karne ng baboy sa loob ng bariles na pinagtatagisan ng mga alipin. Sa kasalukuyan, tumutukoy ang pork barrel sa pondong mula sa buwis ng sambayanan na natatanggap ng mga opisyales ng pamahalaan para sa kanilang mga proyekto. Unang nakilala ang pork barrel sa Pilipinas bilang Countryside Development Fund (CDF) noong 1990. Binibigyang karapatan nito ang mga mambabatas na pondohan ang mga pangkomunidad na proyekto o mga tinatawag na ‘small scale infrastructure’ tulad ng mga kalsada. Sa ilalim nito, nakatatanggap ang bawat kinatawan ng 12.5 M at 18 M naman sa mga senador. Sa paglipas ng panahon, lumaki ito at naging 35 M sa mga kinatawan habang 100 M sa senador isama pa

34

ang mga natirang pork noong nakaraang taon. Bukod sa paglaki ng katawan ng pork barrel, muli din itong bininyagan ng dating Pang. Estrada sa pangalang Priority Development Asisstance Fund (PDAF) noong 2000. Nadoble ang halagang tinatanggap ng mga kinatawan (70 M) at mga senador (200 M) noong 2008. Tinapos ng isang rebolusyon ang tila walang humpay na paglaki at ebolusyon ng pork barrel. Nang pumutok at umalingasaw ang baho ng 10 B pork barrel scam na kinasangkutan ni Janet LimNapoles at ng iba pang senador at opisyales, nagkaisa at naglunsad ng kabi-kabilang kilosprotesta ang mamamayan upang ibasura ang pork barrel. Kung susuriin, hindi naman talaga dapat nakatatanggap ng pork barrel ang opisyales ng gobyerno lalong lalo na ang mga senador dahil hindi naman ito ang kanilang tungkulin ayon sa konstitusyon kundi, ang gumawa o magsuri ng mga batas. Bukod pa dito, mayroon namang mga Local Government Unit (LGU) na nakatalagang mangasiwa sa mga proyekto na kailangan ng bawat distrito.

Inahing Baboy Piglet na maituturing ang mga naunang uri ng pork barrel kung ikukompara sa inahing baboy— ang Presidential

Pork. Lingid sa kaalaman ng karamihan, nagkakahalaga ito ng tumataginting na 1.337 T ayon sa pag-aaral ng Kabataan Party-list. Nakapaloob dito ang special purpose fund at calamity fund na para sa mga lugar na nasalanta ng iba’t ibang kalamidad. Dito rin kinukuha ang pondo para sa mga proyekto ng pangulo tulad ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps). Kasama rin dito ang Automatic Appropriation fund na may layuning pondohan nang awtomatiko ang Internal Revenue Allotment ng mga LGU at mga proyekto tulad ng ‘Retirement and Life Insurance Premium’ at iba pa. Kasama ang Presidential Pork sa mga maituturing na ‘discretionary’ at ‘lump-sum fund’. Ibig sabihin, sariling desisyon lamang ng pangulo kung saan gagamitin ang napakalaking pondo. May kapangyarihan ang pangulo na aprobahan o hindi ang isang proyekto depende sa kanyang kagustuhan. Bukod dito, ‘non-auditable’ rin ang Presidential Pork. Nangangahulugang hindi ito dumaraan sa pag-audit ng COA na nagreresulta ng pagiging bulnarahe ng mga pondo sa korupsyon. Maaari rin itong magamit pansuhol sa mga kaalyansang politiko. Tulad na lamang nang gawing bonus ang pork ni PNoy sa mga nagpatalsik sa nasabing dating chief justice kung

Sa paglipas ng panahon, ebolusyon sa ilalim ng mahika magbabago ang hugis, laki ng hinding hindi maitatago ang magbago man ang laki ng kata pa rin. Sa kabila nito, napatun kilos ng mamamayang Filipin humpay na ebolusyon ng pork


Litson Baboy Mula sa pagiging piglet, pinaikot-ikot hanggang maging Litson Baboy at muling nagkaroon ng bagong pagkakakilanlan ang pork barrel. Sa ilalim ng basbas ni PNoy, nagkaroon ng kakambal ang PDAF na nakilala bilang Disbursement Acceleration Program o DAP noong 2011. Layunin nito na mapabilis ang mga proyekto ng pamahalaan. Nagmula ang DAP sa pondo ng mga tinatawag na “slow moving projects” o mga proyektong hindi natuloy, hindi natapos o hindi pa rin natatapos. Tulad ng Presidential Pork, ‘non-auditable’ din ang DAP. Idineklara din ng Korte Suprema na hindi naaayon sa batas o ‘unconstitutional’ ang

DAP sapagkat ayon sa konstitusyon 1987, hindi maaaring ilipat ang mga hindi nagamit na pondo upang pondohan ang ibang proyekto bagkus dapat itong ibalik bilang ‘savings’ o ipon ng pambansang badyet. Ayon sa Seksyon 25 ng konstitusyon, walang batas ang maaring maipasa na nagpapahitulot na maglipat ng pondo, bagamat ang Pangulo, Pangulo ng Senado at ng Kongreso, Chief Justice at pinuno ng Constitutional Commission, sa pamamagitan ng batas ay pinahihintulutang ilipat ang ipon na pondo sa kanilang mga proyekto. Sa House Resolution na ipinasa ni Kabataan Partylist Rep. Terry Ridon, walang batas na ipinasa na nagpapahintulot o nagpapaligal sa DAP at sa mga pondong ilalabas sa ilalim ng mekanismong ito. Malinaw na nilalabag ng rehimeng Aquino ang konstitusyon dahil sa pagpapatupad ng DAP. Sa madaling salita, ang DAP ay bahagi ng pork barrel. Ang paggawa at pagpapatupad ng DAP ay nagpapakita ng tinatawag na ‘discretionary powers’ ng pangulo sa mga pampublikong pondo sa ilalim ng nasabing mekanismo. Maaaring pondohan ng pangulo ang isang proyekto kahit walang pagbibinbin at pag-aaproba ng kongreso at pag- audit ng COA.

SANGGUNIAN:

maaaring dumaan ulit ito sa a ng rehimeng Aquino. Muling g katawan at katawagan ngunit esensya nito. Ang pork barrel, awan at katawagan, pork barrel nayan na ang sama-samang pagno ang magpapatigil sa walang k barrel

saan 35.5 M bawat isang mambabatas tulad nina Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Franklin Drilon ang nabahaginan. Ayon rin sa pag-aaral ng Kabataan Party-list, kinumpirma ng DBM na maraming mambabatas ang nakatanggap mula 10 M hanggang 50 M. Malinaw itong batayan ng isang sistematikong korupsyon kung saan ginagamit ng pangulo ang pork barrel upang makontrol ang kongreso. Kaya naman, hindi nakapagtataka kung bakit ayaw itong ibasura ni PNoy dahil napakalaki ng kanyang pakinabang kung mananatili ang sistemang padrino sa loob ng pamahalaan.

Litsong Ka(ti)wali(an) Tila ginigisa tayo sa sarili nating mantika ng rehimeng Aquino. Pinalalabas nito na ibasura na ang PDAF o ang Pork Barrel ngunit ang totoo patuloy pa rin itong nabubuhay sa iba pang katawagan tulad ng Presidential Pork Barrel at DAP. Sa paglipas ng panahon, maaaring dumaan ulit ito sa ebolusyon sa ilalim ng mahika ng rehimeng Aquino. Muling magbabago ang hugis, laki ng katawan at katawagan ngunit hinding hindi maitatago ang esensya nito. Ang pork barrel, magbago man ang laki ng katawan at katawagan, pork barrel pa rin. Sa kabila nito, napatunayan na ang sama-samang pagkilos ng mamamayang Filipino ang magpapatigil sa walang humpay na ebolusyon ng pork barrel

Araullo, C. August 10, 2013. Aquino and the Pork Barrel. Bulatlat.com. Retrieved on: January 24, 2014. Retrieved from <http://bulatlat. com/main/2013/08/10aquino-angthe-pork-barrel/> ______. (2013). Priority Development Assistance Fund. Dbm.com. Retrieved on January 28, 2014. Retrieved from <http://pdaf.dbm. gov.ph/index.php> Umil, A. October 22, 2013. What Keeping the Government From Abolishing The Pork and Increasing Budget for Health Services. Bulatlat. com. Retrieved on January 24, 2014. Retrieved from: <http://bulatlat. com/main/2013/10/22/whatkeeping-the-government-fromabolishing-the-pork-and-increasingbudget-for health-services/>

35


KILLING HER SOFTLY: ANG PAG-TORTURE SA KATAUHAN NI EBA SA LIPUNAN Elaine Grace A. Quinto, Ma. Cristina L. Barrera

Physical Violence

Umusbong ang karahasan sa mga kababaihan sanhi ng kawalan ng pantay na karapatan sa pagitan ng mga lalaki at babae. Noon pa man, idinidikta na ng lipunan ang kaisipang: mga lalaki lamang ang mayroong kapangyarihan sa loob ng tahanan, may kakayahan upang mamuno at kumilos samantalang ang mga babae ay nakukulong sa loob ng tahanan at sinasabing sa loob ng bahay lamang. Ang kaisipang ito ang nagtutulak sa mga kalalakihan upang isipin nila na sila’y mas malakas at dominante. At dahil sa kaisipang ito, nagsimula rin ang pagdanas ng karahasan at pang-aabuso sa kababaihan ng lipunan. Mula Enero hanggang Septyembre 2013, nakapagtala ng 11,158 na kaso sa buong bansa ng paglabag sa Republic Act (RA) 9262 (Anti-Violence Against Women and Children) ang Philippine National Police (PNP) at ang Women and Children Protection Center. Ayon sa National Demographic and Health Survey (NDHS), isa sa limang kababaihan na may edad 15-49 ang nakararanas ng iba’t ibang pangaabuso.

36

Ayon sa Republic Act 9262 Sec. 3A, tumutukoy ang pisikal na karahasan sa pisikal na pananakit sa kababaihan. Sa tala ng NDHS, nangunguna ang pisikal na pang-aabuso sa mga karahasang dinaranas ng kababaihan sa kanilang mga asawa, ama at/o iba pang mga kamag-anak, 14.4% ng mga ina ang dumaranas ng pisikal ng pang-aabuso mula sa kanilang mga asawa at 37% naman ang mga babaeng humiwalay sa kanilang mga asawa dahil sa pisikal na pananakit. Ito ang nagtutulak sa mga babae upang makipag-diborsyo sa kanilang mga asawa. At 3.6% naman ang mga babaeng kahit pa nagdadalang-tao ay nakararanas ng ganitong uri ng pang-aabuso. Dagdag pa, pinakamarami ang inaabuso sa pamamagitan ng pambubugbog ng kanilang kinakasama na kadalasa’y nakainom o gumagamit ng ipinagbabawal na gamot. Mas mataas ang bilang ng

babaeng inaabuso dahil hindi sila nakapagtapos. Sinasabing ang mga kababaihan na may mataas na lebel sa edukasyon at may kaya sa buhay ay karaniwang hindi nagsusumbong sa kanilang nararanasang pang-aabuso dahil sa maidudulot nitong kahihiyan.

Psychological Violence

Ang mga babaeng dumaranas ng pananakot, pagmomolestya, pagkasira ng ari-arian, pampublikong pamamahiya, paulit-ulit na pang-aabusong berbal at pagtataksil ay sumasailalim sa sikolohikal na karahasan. Ayon sa Women’s Refuge, isang organisasyong pangkababaihan, pinakamalalang uri ng karahasan sa kababaihan ang emosyonal at sikolohikal na pang-aabuso. Kadalasang itong dulot ng galit ng kinakasama o pag-aaway sa isang relasyon at hindi pagkakaunawaan. Ayon naman sa Women’s Aid, may iba’t ibang

paraan ng pagtukoy sa emosyonal na pang-aabuso at ito ang mga sumusunod: pagtawag sa pangalan, paninigaw, pamamahiya sa harap ng publiko, pagtataksil, panggigipit, hindi pakikinig sa hinaing, pagbabantay sa pribadong pag-aari tulad ng cellphone at iba’t ibang paraang ng pagbabawal sa babae at sapilitang pagsunod sa lalaki. Dagdag pa, higit na matagal ang sikolohikal na epekto ng mga ito kompara sa iba pang uri ng pang-aabuso.

Economic Abuse

Ang pagpapabaya ng isang lalaki sa kanyang kinakasamang babae na tustusan ang sarili ay isang uri ng pang-aabusong pinansyal. Kabilang dito ang panggigipit at pagtangging suportahan ng lalaki ang kanyang asawa at mga anak. Karaniwan ang ganitong uri ng pang-aabuso sa mga mag-asawa. Tinatanggalan nito ng karapatan ang kaba-


Sa ganitong kalagayan ng kababaihan, hindi konserbatibo ang lipunan kundi mapang-abuso. Malayo pa man ang panahon upang matuldukan ang mga porma ng karahasang ito, sa pamamagitan ng kampanya sa paglaban ng karahasan sa mga kababaihan, naiaangat naman ang pag-asa at katayuan ni Eba sa lipunan.

Sexual Abuse

Kadalasang nakararanas ng sekswal na pang-aabuso ang mga dalaga sa porma ng panggagahasa at prostitusyon. Ayon sa Philippine Commission on Women (PCW), 3.6% ang bahagdan na ang asawang babae ay nakararanas ng panggagahasa na karaniwang tinatakot at pinipilit na magkipagtalik. Isa rin ang prostistusyon sa pang-aabusong sekswal na dinaranas ng mga nasa edad 1630 taong gulang. Napipilitang pasukin ng mga babaeng ito ang prostitusyon dahil hindi sila nakapagtapos ng kolehiyo at walang maibigay na ibang trabaho ang pamahalaan. Ang mga karahasan at pangaabusong ito ang dumudurog sa katauhan ng kababaihan sa

makabagong lipunan. Gayumpaman, mayroong iba’t ibang organisasyong tumutulong upang puksain ito tulad ng GABRIELA na nagbibigay ng payo para sa mga kababaihan, biktima ng panggagahasa at iba pang uring pang-aabuso. Ang Women’s Crisis Center (WCC) naman ay tumutulong sa pamamagitan ng pagbibigay ng pansamantalang tirahan, stress management, tulong medikal at pagtataguyod at pagliligtas sa biktima ng panggagahasa. Ipinasa rin noong 2004 ang Anti-Violence Against Women Act (Republic Act 9262) na pumoprotekta at nagtataguyod ng karapatan ng kababaihan. Dagdag pa, kinikilala rin sa pamamagitan ng Presidential Proclamation 1172 ang kampanya ng bansa laban sa pang-aabuso na naging 18 araw na, kasama na ang December 12 bilang AntiTrafficking Day at kasabay nito ang pagdiriwang ng buwan ng kababaihan tuwing Marso. Sa ganitong kalagayan ng kababaihan, hindi konserbatibo ang lipunan kundi mapang-abuso. Malayo pa man ang panahon upang matuldukan ang mga porma ng karahasang ito, sa pamamagitan ng kampanya sa paglaban ng karahasan sa mga kababaihan, naiaangat naman ang pag-asa at katayuan ni Eba sa lipunan

Guhit ni Regie M. Lutoc

SANGGUNIAN:

baihan na magtrabaho at kumita ng sariling pera dahil napapaloob sa kultura na ang mga ina ang tagapangasiwa ng mga gawain sa loob ng bahay. Ayon kay Sharmaine Rose Tabua ng Gabriela-YouthPNU, ang mga kababaihan ay pinagkakaitan ng batayang karapatan sa edukasyon. Wala ring oportunidad ang mga kabataan para sa disenteng pamumuhay dahil hindi nakakatakas ang kababaihan sa mga tradisyonal at mapaniid na diskriminasyon.

Pulumbarit, V. (2012). Emotional Abuse: Most Common Type of Domestic Violence. Retrieved on March 8, 2014 Retrieved from <http://www.gmanetwork. com/news/story/250726/pinoyabroad/ emotional-abuse-most-common-type-ofdomestic-violence>

37


Marycris B. Taguinod

Sa lipunan na laging nagmamadali, mabilis na transportasyon ang solusyon ng nakararami. Ang Light Rail Transit (LRT) at Metro Railway Transit (MRT) ang ilan sa mga ginagamit bilang sagot dito subalit tila lalo lang itong magpapahirap sa buhay ng tao hindi dahil sa mahabang pila, kundi sa paghagilap ng perang panustos upang makarating sa kanikanilang destinasyon.

Pagpasok sa kasaysayan ng tren Taong 1980 nang simulang itayo ang LRT at MRT ayon sa bisa ng Executive Order No. 603 sa ilalim ni dating Pangulong Ferdinand Marcos. Agad itong tinangkilik ng mga Filipino magpahanggang sa ngayon dahil sa abot-kayang pamasahe. Sa halagang P15, mas mabilis na ang takbo ng biyahe kung ikokompara sa bigat ng trapiko sa kalsada sakay ng mga pampubilkong sasakyan. Sa unang buwan pa lamang ng taon, kumaripas na sa 34.5 M ang bilang ng mga pasahero na

sumasakay ng LRT at MRT. Dahil dito, pinaplano ng Department of Transportation and Communications (DOTC) na isaayos at mas paunlarin ang sistema ng LRT at MRT sa paglulunsad ng iba’t ibang proyekto. Isa na dito ang karagdagang 48 na dugtong sa mga tren o coaches upang mas lumuwag at maging mas marami ang makasakay na mga pasahero sa bawat Light Rail Vehicles (LRVs). Dagdag pa, magkakaroon ng Automatic Fare Collection System (AFCS) na may layuning mas paghusayin pa ang ticketing system sa LRT at MRT. Sa ilalim ng AFCS, papalitan ang lumang magnetic ticket ng contactlessbased smart card na maaari nang gamitin sa kahit anong linya ng LRT at MRT. Nangangailangan ng P31.722 B upang maipasagawa ang proyektong ito at inaasahang

“

Hindi masama ang pag-unlad ngunit kung nilalabag na nito ang karapatan ng mga mamamayan na tamasahin ang serbisyong panlipunan tulad ng transportasyon, hindi ito magbubunga ng pag-unlad kundi lalong pagkalugmok at pagdaramot sa mga mamamayan na makaranas ng sapat na serbisyong publiko.

38

“

matatapos mula una hanggang ikalawang kuwarter ng 2015. Pinakamaingay sa lahat ng mga proyekto ng DOTC ang rehabilitasyon at pagpapalawak ng sakop ng LRT Line 1 na mula Roosevelt-Baclaran Station ay dudugtungan hanggang Bacoor, Cavite. Gayundin sa Line 2 na mula Recto-Santolan Station ay dudugtungan naman hanggang sa Masinag Junction sa Antipolo, Rizal. Kung gayon, magpapatayo rin ng karagdagang estasyon sa mga linya ng LRT Line 1 at 2 at MRT. Ayon sa Light Rail Transit Authority (LRTA), nagkakahalaga ng P61.53 B ang gugugulin sa proyekto at inaasahang matatapos sa pagitan ng taong 2015-16. Bukod pa dito, sinisimulan na rin ngayong taon ang bidding process para sa pagpapatayo ng


kapangyarihan ang mga pribadong sektor maging ang mga dayuhang kompanya na manipulahin ang pamamahala sa LRT at MRT sapagkat ipinauubaya na sa kanila ng pamahalaan ang pagbibigay ng pinansya para sa mga nasabing proyekto.

Paghawak sa presyo ng estribo Sa kamay ng pribadong sektor, ramdam na ang unti-unting pagsakal sa mga mamamayan dahil hawak na rin nito ang pagkontrol sa halaga ng pamasahe. Sa dikta ng mga pribadong kompanya, isinusulong ng DOTC ang ‘P11+1’ pormula na nagmumungkahing sisingilin ang mga pasahero ng halagang P11 bilang charge fee sa pagsakay sa LRV at papatungan naman ng P1 sa kada isang kilometrong tatahakin. Ang kasalukuyang halaga ng pamasahe sa LRT Line 1 at 2 na P20 at P15 ay magiging P29 at P24 na sa oras na maipatupad ang nasabing pormula habang magiging P28 na ang ngayong P15 na pamasahe sa linya ng MRT. Isinasaad ng pormulang P11+1 na kikita ang LRTA at MRT-3 ng P2.06 B upang bawasan ang subsidiya ng pamahalaan na inilaan dito. Katulad na lamang sa LRT Line 1 at 2, P34.74 ang aktwal na pamasahe at 59% ang pinopondohan dito ng pamaha-

laan. Samantala sa MRT, P53.96 ang aktwal na pamasahe at 77% naman dito ang pinapasan ng pamahalaan. Ibig sabihin, hindi na buong papasanin ng pamahalaan ang ginagamit na pondo sa LRT at MRT dahil simula pa dati, may tulong na sa pondo ang mga mamamayang sumasakay dito at ngayon ng pribadong sektor. At dahil may pormula 11+1, tataas na ang halaga ng pasanin ng mga mamamayan habang liliit naman ang subsidiyang laan ng pamahalaan sa LRT at MRT.

Pagyakap sa pribatisasyon Mabilis man ang mga pagbabagong magaganap sa LRT at MRT, hindi naman mababago ang katotohanang mapag-iiwanan nito ang mga Filipinong mawawalan ng kakayahang matamasa ang pampublikong serbisyo. Kinakaya mang tumugon ng pamahalaan sa pagpapaunlad sa LRT at MRT, patuloy itong kumakapit sa mga pribadong sektor upang ipaubaya na dito ang pagpopondo at kalauna’y kalimutan at takasan na ang tungkulin sa pampublikong serbisyo. Sa haba nang biyahe ng Pilipinas, totoo at murang serbisyong pampubliko ang dapat ilaan ng pamahalaan. At sa likod nito, mahigpit pa rin ang kapit ng mga pribadong kompanya

sa estribo ng LRT at MRT. Isa na sa mga katibayan ang plano ng pamahalaan na gawing negosyo ang proyekto upang mapagkakitaan mula sa ganap nitong pagsasapribado. Hindi masama ang pag-unlad ngunit kung nilalabag na nito ang karapatan ng mga mamamayan na tamasahin ang serbisyong panlipunan tulad ng transportasyon, hindi ito magbubunga ng pag-unlad kundi lalong pagkalugmok at pagdaramot sa mga mamamayan na makaranas ng sapat na serbisyong publiko. Kung pabibilisin ng mga pribadong sektor ang pagtataas ng pamasahe sa LRT at MRT, marapat ding pag-ibayuhin ng mga mamamayan ang mga pagkilos upang salungatin ito at mapabilis ang pagtahak sa destinasyon ng kaunlaran

Castañeda,J.(2013). How MRT, LRT will change in the next 3 years. abs-cbnnews. com. Retrieved on August 8, 2013. Retrieved from <http://www.abs-cbnnews.com/focus/06/21/13/how-mrt-lrt-will-change-next-3 years> Mangunay,K. F.(2013). Protesters: LRT rate hike antipoor. inquirer.net. Retrieved on August 8, 2013. Retrieved from <http://newsinfo. inquirer.net/432417/protesters-lrt-rate-hikeantipoor>

SANGGUNIAN:

isang estasyon na mag-uugnay sa linya ng MRT-3 at LRT-1 sa kahabaan ng EDSA-North Avenue upang lalong bumilis ang biyahe. Plano rin na magtayo ng bagong linya na tatawaging MRT-7 na magdurugtong sa kahabaan ng EDSA-North Avenue patungo sa San Jose del Monte, Bulacan. Sa dinami rami ng mga proyektong nakahain, napakarami at napakalaking pondo rin ang kakailanganin kaya naman agad kumapit ang pamahalaan sa mga pribadong sektor na magbibigay ng pinansya sa mga proyekto. Sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP) ni PNoy, nakikipagugnayan ang pamahalaan sa mga pribadong sektor upang maging matagumpay ang mga proyektong nais nitong isagawa. Alinsunod dito, ang mga pribadong sektor ang siyang mamamahala sa paggastos, magsasagawa at magpapanatili ng mga proyekto. Isang halimbawa ang pakikipagkasundo ng pamahalaan sa Consunji-led DMCI Holdings Inc., Light Rail Manila consortium na mula sa mga kompanya ng Metro Pacific Investments at ng Ayala Corp., SMC Infra Resources Inc. na pinangungunahan ng San Miguel Corp at ang MTD Samsung consortium na mula naman sa kompanya ng MTD Group sa bansang Malaysia at ng kompanya ng Samsung sa Timog Korea para sa pagpapalawak ng LRT Line 1 hanggang Bacoor, Cavite. Ibig sabihin, magkakaroon na ng

39


40


Ka Bel

Isang Manggagawa Masipag, matiyaga, matiisin at mapagpakumbaba. Iilan lamang ito sa mga katangiang naging sandata ni Ka Bel upang mahikayat ang masa lalong-lalo na ang mga manggagawa na humanay at magmartsa tungo sa iisang layunin. Maagang nabanat ang mumunting buto ni Ka Bel noong bata siya sa pagtulong sa ama at ina sa bahay at sa hanapbuhay. Maliban sa pagtulong sa trabahong bukid, naging tagapagdala siya ng mga armas na ginagawa ng kanyang ama para sa mga ger-

of Unions in Rizal at Philippine Nationalist Labor Organization (PANALO) hanggang sa maitatag ang Kilusang Mayo Uno (KMU). Maraming unyon na ang kanyang nabuo at hindi na mabilang ang mga magsasaka, maralitang taga-lungsod at manggagawang kanyang na-organisa at natulungang bumuo ng mga union laban sa mga mapagsamantalang kompanya at pagawaan. Isang malaking sakripisyo ng pamilya ni Ka Bel na magkaroon ng isang haligi ng tahanan na aktibista at lantarang lumalaban sa gobyerno. Hindi lamang ang kanyang buhay ang nalalagay sa alanganin, pati na rin ang buhay

Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz

Arroyo sanhi upang siya’y maging bilanggong politikal. Subalit ilang na napagtagumpayan ang mga kasong ipinataw sa kanya sa tulong ng mga kasamahan sa iba’t ibang organisasyon at unyon na kanyang pinamunuan. Sa kabila nito, hindi naging hadlang ang pagkabilanggo sa kanyang adbokasiya. Sa katunayan, naitala siya bilang pinakamahirap ngunit “Zero-Absent” na kongresista sa lahat sa kongreso. Ayon sa kanyang State of Assests, Liabilities and Network (SALN), dalawang Barong Tagalog, isang pares ng salamin, kabinet at mga kamiseta, at ang kanilang nagiisang bahay sa Quezon City na

gailangan, ang kanyang pagiging matiisin upang mapuntahan ang mga unyong nangangailangan ng kanyang gabay at higit sa lahat, ang pagiging mapagpakumbaba at bukas sa hinaing ng lahat kahit nailuklok siya bilang kongresista.

may halagang P50,000 lamang ang kanyang pagmamay-ari. Nangangahulugan lamang ito sa maaaring mamuhay nang simple ang isang mambabatas habang nagsisilbi sa sambayanan. Isa ito sa malaking pinagkaiba ni Ka Bel sa mga kapwa niya mambabatas hanggang sa kasalukuyan. Sa panahon ng kanyang panunungkulan, malaki ang pinagkaiba ni Ka Bel sa kanyang mga katrabaho sa kongreso sapagkat tinataglay ni Ka Bel ang mga katangian ng isang manggagawa– ang kasipagang ipinapakita sa bawat mobilisasyong na kanyang dinadaluhan, ang kanyang tiyaga sa pagpunta at pagtulong sa mga manggagawa na nangan-

uloy pa rin na mabubuhay ang kanyang dakilang adbokasiya na isang patunay ng kanyang buong buhay na pagsisilbi sa masa. Natapos man ang pisikal na pakikibaka ni Ka Bel, patuloy naman na mag-aalab ang pakikibakang kanyang nasimulan hanggat hindi natatamo ng bansa ang tunay na kalayaan. Buong lakas na ipagpapatuloy ng mga manggagawa katuwang ang mga magsasaka at lahat ng sektor ng lipunan ang adhikaing kanyang sinimulan. Ayon nga kay Ka Bel–“ If helping the poor is a crime and fighting for freedom is rebellion, then I plead GUILTY as charged”

Si Ka Bel bilang Manggagawang Makabayan

Sa hindi inaasahang pangyayari, natapos ang pakikibaka ni Ka Bel habang gumagawa. Nahulog siya sa bubong ng kanilang bahay sa Bulacan habang kinukumpuni ito. Agad siyang isinugod sa ospital ngunit hindi na rin siya umabot at pumanaw sa edad na 75. Pumanaw man, pat-

ilya noong panahon ng pananakop ng mga Hapon. Sa unang yugto pa lamang ng kanyang buhay, namulat na siya sa tunay na kinasasadlakan ng bansa.

Si Ka Bel bilang Lider-Unyon

Sa pagdating ni Ka Bel sa Maynila, nagtrabaho siya bilang isang taxi driver at sa gabi naman ay nag-aaral ng kursong Asian Labors Education sa Unibersidad ng Pilipinas (UP) kung saan dito sumidhi ang kanyang panata para sa pakikibaka. Naluklok si Ka Bel bilang pangulo ng Yellow Taxi Driver’s Worker Union at Amalgated Taxi Driver’s Federation mula 1955-63. Sinimulan niya ang pag-organisa ng mga unyon at sumama sa piket ng mga mangggawa. Isa rin si Ka Bel sa tumulong sa pagtatatag ng Federation

ng pamilya kung kaya’t nakasama ni Ka Bel ang kanyang maybahay na si Rosario “Ka Osang” Soto at kanyang mga anak sa pakikibaka. Hindi lamang sa hirap ng buhay niya nakasama ang kanyang maybahay kundi sa hirap ng pakikipaglaban para sa mga manggagawa. Isa si Ka Osang sa tumulong sa pagpapalaya sa kanyang asawa mula sa mga gwardya niyang sundalo nang mahuli siya noong rehimeng Marcos.

Si Ka Bel bilang Kongresista

Isang mabigat na tungkulin ang maging kinatawan ng batayang masa sa kongreso sa halos isang dekada pagsisilbi ni Ka Bel bilang kinatawan ng Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) sa kamara at kilalang kritiko ng rehimeng Marcos at Macapagal-

SANGGUNIAN:

Natapos man ang pisikal na pakikibaka ni Ka Bel, patuloy naman na mag-aalab ang pakikibakang kanyang nasimulan hanggat hindi natatamo ng bansa ang tunay na kalayaan.

____________.( March 12, 2006). A profile of Rep. Crispin Beltran. Retrieved on December 15,2013. Retrieved from <http://www.kilusangmayouno.org/profile-rep-crispin-beltran> Ellao, J.A. (March 25, 2011) Ka Bel, Not Just An Ordinary Person Retrived on: December 15,2013. Retrived from: <http://bulatlat.com/main/2011/03/25/ka-bel-not-just-an-ordinary-person/>

41


L D O E H T L UNVEI

Jessa Bernadette E. Romilla

PAGSISIWALAT SA SABWATANG NOYNOY-KARTEL Tila pinaglalaruan ang buhay ng mga tsuper dahil sa kakarampot nilang kita dulot ng pagtaas-baba ng presyo ng langis na minamanipula ni PNoy at ng kanyang mga kalaro — ang mga dambuhalang kompanya ng langis.

Deregulasyon

Taong 1996, ipinatupad sa ilalim ng pamumuno ni Fidel V. Ramos ang Republic Act (RA) 8479 o Oil Deregulation Law (ODL) na nagtatanggal sa karapatan ng lokal na gobyerno sa pagtatakda ng presyo ng langis. Itinatalaga ito ng malalaking kompanya tulad ng Petron, Shell at Caltex (Big 3) bago ianunsyo sa tulong ng midya. Kasabwat ng rehimeng Ramos ang International Monetary Fund (IMF) sa pagsasabatas ng Downstream Oil Industry Deregulation na nagsasaad ng pagbaba ng presyo ng langis dahil sa kompetisyon ng mga kompanya tulad ng Big 3, Sea oil, Jetti at iba pa. Bago ipatupad ang ODL, P7 kada litro ang presyo ng diesel. Makalipas ang limang taon, hindi pa gaanong ramdam ang paggalaw ng presyo na nasa P13.96 kada litro at P16.58 sa gasolina ngunit sa pagpasok ng taong 2008 sa pamumuno ni Arroyo, umabot na ang presyo sa P44.31 kada litro ng diesel at P45.92 sa gasolina. At

ngayong 2014, sa ilalim ng panunungkulan ng rehimeng Aquino, naglalaro na ito sa P40.26 - P48.73 kada litro ng diesel at P50.00-P56.35 sa gasolina. Sa pagpapatupad ng deregulasyong ito, tahasang pinauubaya sa mga dayuhang monopolyo ang pagtatakda ng presyo ng langis sa lokal na pamilihan. Samantala, walang seryosong plano ang pamahalaan sa pagsasabansa ng indus-

Konsomisyon

Kaakibat ng walang tigil na pagtaas ng presyo ng langis ang pagdami ng suliraning nararamdaman ng mga mamamayang Filipino. Isa na dito ang direktang relasyon sa pagitan ng presyo ng langis at pamasahe na nagreresulta ng ordinansa sa dagdag pasahe upang makabawi at kumita ang mga tsuper ng sapat. Kasa-

Sa loob ng 18 taon ng ODL, napatunayan na walang patutunguhan ito kundi ang pagkamal ng sobrang laking tubo ng mga kartel ng langis at tulad ng mga nagdaang mga rehimen, hinahayaan lamang ito ng kasalukuyang administrasyon at nalilimutan ang kapakanan ng nakararami.

triya ng langis at ang mga alternatibong maaaring pagmulan ng enerhiya tulad ng Malampaya Deepwater Gas-to-Power Project sa Palawan dahil hawak rin ito ng pribadong korporasyon. Mula 2001 nang ipinasakamay ng pamahalaan ang 90% ng bahagi sa Shell Philippines Explorations (SPEX) kung saan 40-45% ng kabuuan ng Luzon ang nasusuplayan ng enerhiya. Sa halip na bumaba ang presyo ng kuryente,

PHOTO CREDITS: http://manilatimes.net/enginex/wp-content/uploads/2014/01/piston20140104.jpg http://www.amiananbalitangayon.com/wp-content/uploads/general/2013-09/protest1.jpg http://bicoltoday.com/wp-content/uploads/2011/04/oil_price_hike.jpg http://www.thepillarspub.com/wp/wp-content/uploads/2012/07/Oil-Deregulation-Law-copy.jpg http://www.remate.ph/wp-content/uploads/cache/123612_BnHover.jpg http://bulatlat.com/main/wp-content/uploads/2012/03/piston-Caravan-2012-1.jpg http://www8.gmanews.tv/webpics/v3/2012/03/640_ZZZ_031412_mmanila_b.jpg http://ibonreads.files.wordpress.com/2012/03/sa-10-gasolinahan1.jpg

42

patuloy pa rin ito sa pagtaas.

bay naman ng pagtaas ng presyo ng pamasahe ang pagtataas din ng presyo ng mga bilihin tulad ng mga prutas, gulay, isda at iba pa. Sanhi ito ng pag-aangkat ng mga nasabing produkto mula pa sa malalayong lugar at karagdagang bayad sa mga manggagawa. Bukod dito, papasok din ang mga problema sa pagtaas ng matrikula sa mga paaralan at pagliit ng badyet para sa iba pang gastusin tulad ng kuryente, tubig

at pangkalusugan. Nangangahulugan itong sa bawat sentimong naidaragdag sa presyo ng bawat litro ng langis, nadadagdagan din ang pasakit na nararamdaman ng mamamayan. Idagdag pa ang E-VAT na nagpapataw ng 12% na buwis sa presyo ng langis na direktang napupunta sa gobyerno. Lumalabas na sa P43.00 na presyo ng langis, P5.16 ang katumbas ng E-VAT dahil P37.84 lamang ang halaga ng langis. Sa pagtaas ng presyo, nangangahulugang tumataas din ang buwis na napupunta sa pamahalaan. Kung kaya’t ipinanatili ng pamahalaan ang pagpapatupad nito dahil higit silang kikita sa ganitong sistema. Ayon sa Bureau of Internal Revenue (BIR), buwis sa langis ang pinakamalaking kita ng gobyerno na hindi napupunta sa mga serbisyong panlipunan dahil ginagamit bilang pambayad sa utang panlabas ng bansa. Ayon sa Kilusang Mayo Uno (KMU), samahan ng mga manggagawa sa Pilipinas, kada $1 pagtaas ng presyo ng langis sa pandaigdigang pamilihan, umaabot sa P1 Bilyon ang kinikita ng gobyerno. Makikita na porma ng pangungurakot ng malalaking kompanya at gobyerno ang pagkakaroon ng ODL at E-VAT. Samantala, upang ilihis ang atensyon ng mamamayan sa kawalan ng hustisya sa pagtaas ng presyo ng langis, kaliwa’t kanan ang mga di kongkretong solusyong inihahain ng pamahalaan. Isa na dito ang kampanya ng senado sa pangunguna ni Pia Cayetano, ang Senate Bill No. (SBN) 26 o ang Sustainable Transportation Act of 2013 na hinihikayat ang mamamayan na maglakad o magbisikleta upang bumaba ang konsumo ng langis sa bansa, ngunit hindi ito maituturing


na solusyon upang malutas ang problema sa mataas na presyo ng langis sapagkat walang kakayahan ang lahat na magkaroon ng sariling bisikleta kaya sumasakay na lang sa mga pampublikong sasakyan.

Manipulasyon

kailangan munang maubos ang kanilang imbak kung saan sinasabing malaki ang nagamit nilang puhunan na lumilinlang sa mamamayan. Makikita ang lantad na pandaraya ng manipulasyon ng kartel sa presyo ng langis na umabot sa higit 600% at kabalintunaan ito sa sinasabing layunin ng ODL na mapababa ang presyo ng produktong petrolyo.

at isalokal ang industriya ng langis upang matugunan ang pangangailangan at mapalaya ang mamamayan sa pagtaas ng presyo ng langis at maputol ang sabwatan ni PNoy at ng mga dambuhalang kompanya

Solusyon

Sa loob ng 18 taon ng ODL, napatunayan na walang patutunguhan ito kundi ang pagkamal ng sobrang laking tubo ng mga kartel ng langis at tulad ng mga nagdaang mga rehimen, hinahayaan lamang ito ng kasalukuyang administrasyon at nalilimutan ang kapakanan ng nakararami. Nararapat na i-rollback ng P9.00 ang presyo ng langis batay sa pagsusuma ng KMU upang mapigilan ang mataas na porsyentong patong ng Big 3, iregularisa

Padilla, Arnold J. (September 28, 2011). Prospects of Aquino’s Oil Deragulation Law Review. Wordpress.com. Retrieved on July 03, 2013. Retrieved from <http://arnoldpadilla.wordpress. com/2011/09/28/prospects-of-aquino%E2%80%99s-oil-deregulation-law-review/> Quijano, I. (June 20, 2013) Presyo ng langis, minamanipula- PISTON. Pinoyweekly.com. Retrieved on July 02, 2013. Retrieved from <http://pinoyweekly.org/new/2012/02/14-taon-ng-oilderegulation-law-14-taon-ng-pasakit-bayan/#sthash.7vNcqeuv. dpuf>

SANGGUNIAN:

Ayon sa Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN), 4,114 ang bilang ng mga gasolinahan at 1,500 dito ang pag-aari ng Petron, 960 sa Shell, 850 sa Caltex at 804 sa maliliit na kompanya sa loob ng bansa. Tunay ngang kontrolado ng mga pinakamakapangyarihang Big 3 ang industriya ng langis sa bansa at maging ang pagpapasok, pag-iimbak, pagsisinop at kalakhang bahagi ng distribusyon hanggang pagtitingi ng petrolyo sa mas maliliit pang kompanya na may hawak ng natitirang 10% ng kabuuang konsumo ng langis sa bansa. Bukod sa hawak ng Big 3 ang halos 90% ng pamilihan hinahayaan din ni PNoy na manatiling kontrolado ng mga dayuhan ang industriya ng langis sa hindi nito paggigiit na hawakan ng bansa ang kontrol sa langis bagkus ay lubusang pagpapaubaya sa mga dayuhang kompanya upang imanipula ang presyo ng langis at petrolyo. Nag-iimbak ng langis na nabili sa mababang halaga ang mga kompanyang ito, kaya sa pagtaas ng presyo sa pandaigdigang pamilihan, awtomatiko nagtataas sila ng patong upang kumita sila ng malaki. Sa kabilang banda, kapag bumaba naman ito, usad-pagong ang pagro-roll back ng presyo dahil pinalalabas ng mga kompanya na

Reyes, K.( March 15, 2012). Senator Chiz calls a new review of ODL. Interaksyon.com. Retrieved on July 03, 2013. Retrieved from: <http://www.interaksyon.com/=Senator+Chiz+calls+a+new+for+review+of+ODL>

43


ETSA-PWERA :

Alter-/natibong Kasaysayan

44

Ian Harvey A. Claros

Malimit gawing pokus ng Panitikan ang mga paksang tumatalakay sa pag-iibigan na mauuwi sa pagtatalik, paggulong ng kapalaran (rugs to riches o vice versa), o pagparodiya sa mga basura ng kanluraning midya. Kadalasang umiikot ang mga ito sa romantikong pagtrato sa mga pangyayari upang lubos na malimot ang mga sosyo-politikal na isyu na tinuturing na bagahe lamang. May mga bantog na nobelistang tulad ni F. Sionil Jose na sumulat ng kwento mula sa mga makakasaysayang yugto ng Pilipinas. Ang kanyang Rosales Saga na malinaw na nagtataglay ng masusing pagkakaugnay-ugnay ng tauhan, banghay at kasaysayan ngunit hindi lubusang lumulundo sa pre-kolonyal na mga kaganapan dahil nakatuon lamang ito sa rebolusyong 1887 at mga pananakop ng dayuhan at Martial Law ni Marcos. Samakatwid, hindi nakukuha ang kompletong esensya ng kasaysayan at nagiging tagpi-tagping paglalahad lamang ng nakaraan. Makikita dito ang pangangailangan ng Panitikang aakay tungo sa pagpulot ng aral ng kwento ng bayan.

at lipunan sa pamamagitan ng panaghoy ni Carrayyo sa kanyang asawa at ang kanyang patuloy na simpatya sa pagkakaisa ng mga tao at mga usa. May mga anak din ang mag-asawa na nagbibigkis sa lahi ng usa at tao. Sa daloy ng nobela, ang tanging anak ni Oysang na babae na si Rosa ang nagpapatuloy ng kaisahang ito hanggang dumating ang mga Kastila – ang mga pambihirang bisita, ayon sa libro. Pinaghi-

Sa hamong ito, mahusay ang tugon ni Jun Cruz Reyes. Sa kanyang nobelang Etsa-Pwera, sinapol nito ang mga mahahalagang pangyayari sa mga nakaraan ng Pilipinas. Kinukuha nito ang naiibang anggulo at detalye ng isang hindi mapagkakatiwalaang historyador kaya matatawag ang tektsong ito na alternatibong kasaysayan. Hinahabi nito ang kwento mula sa kaisahan ng pre-kolonyal at mga elementong mitolohikal, mga atrasadong rebolusyon, mga pagtatangkang nananatiling pagtatangka, tapang na nauwi sa disilusyon, at ang pinagisang salaysay ng isang pamilya. Kung si Rizal ay nakatuon sa mga naghaharing uri at mga hipokrito ng kolonyal na lipunan, si Reyes nama’y bumubuo ng paksa mula sa mga nasa laylayan ng mga lipunan at kasaysayan. Binibigyan niya ng natatanging tinig ang mga hindi naitala sa mga babasahin. Nagaganap ito sa pamamagitan

walay ang kaisahan ng kalikasan at tao ng mga dayuhang mananakop sa pamamagitan ni Padre Francisco de San Esteban o Apo Kiko at ng mag-asawang Enyong at Bartola. Noong mapasakamay ng pari si Rosa, tulad ng Pilipinas, unti-unting hinubad ang mga kaisipan ng pre-kolonyal na yugto at pinalitan ng kaugaliang kanluranin. Napasailalim siya ng mga kumbensyon ng pagsusuot ng saluwal at bestida. Imahe si Rosa ng ulilang Pilipinas na napasailalim sa kanluraning dikta at pasya. Si Apo Kiko naman ay familiarization sa tunay na pakay ng Espanya na pag-abuso sa likas na yaman ng bansa. Bagaman misyunaryo, matindi ang paghahangad niya sa Gintong Baka, na pinaniniwalaang matatagpuan sa kabundukan ng mga Igorot, kaysa sa mismong evangelisasyon sa mga Filipino. Masasabing, ang Katolisismo ay may bahid ng paganismo at maiituturing huwad. Sa pag-

ng paggamit ng mga terminong madaling maunawaan at mga konseptong malapit sa karaniwang tao. Hindi nito inaabuso ang karangyaan ng isang manlilikha ng sining bagkus ay hinahatak ang interes ng karaniwang tao na magpatuloy sa pagbasa. Nagmula ang Etsa-Pwera sa salitang kastila na “hecho” (past participle ng to make) at “fuera” (outside). Mapang-uring salita ito na tumutukoy sa mga hindi katulad at dapat humiwalay o ihiwalay. Sa kasalukuyan, nirerepresenta nila ang mga maralita o ang karaniwang tao na kadalasang hindi napakikinggan sa lipunan at hindi nagiging pokus ng mga usapin. Ayon nga sa librong Geography of Thought ni Richard E. Nisbett (2003), “Westerners have a strong interest in categorization.” Nagmula ang kulturang mapang-uri sa kanluraning tradisyon na ang kasanayan ay tungkol sa pagklasifika ng

tao ayon sa ekonomik, kultural at politikal na pamantayan. Binibigyang saysay ng nobela ang mga etsa-pwera sa lipunan, ang mga elementong mitolohikal na nakikisalamuha sa sinaunang Filipino, ang mga nasa laylayan, ang mga hindi tanyag na Ilustrado, at ang mga hindi naitala sa mga historikal na dokumento. Si Oysang, isang usa na nagkakatawang tao, ang pinakunang tao. Pinili niyang maging tao para sa kanyang asawang si Carrayyo at para alagaan ang kanilang pamilya. Noong dumalaw ang kanyang pamilyang usa biglang nagkaroon ng tensyon sa pagitan ng mga Changysan, ang kanilang tribo, at sa mga ninuno ni Oysang, napilitan siyang lumisan sa tribo para samahan ang kanyang kapwa usa. Malinaw na simbolo si Oysang ng pagtatagpo ng sinaunang kabihasnan at kalikasan. Kahit umalis si Oysang, nananatili pa rin ang pagkakaisa ng kalikasan


tatayo ng simbahan, binago ang mga taguri at kulay ng mga anito. Lahat ng anito ay may titulong San o Santa at lahat ng mga ito ay puti ang balat. Seloso ang bagong Bathala, ayaw niya ng ibang santong hindi niya kakulay. Imbes na maging papagpalaya ang Katolisismo, naging paraan pa nila ito para makintal sa Filipinong kaisipan ang pangingibabaw ng lahing puti. Patuloy na magbibigay ng lamat sa Pilipinas sa loob ng 333 taon ang represibong anyo ng Kristyanismo. Kabaligtaran ng isang pasibong si Rosa na tinanggap na lamang ang kanyang kapalaran, si Papa Dune. Pinamunuan niya ang mga Pulahanes, na lumalaban para sa kalayaan ng Pilipinas.

Atrasado siya dahil fanatisismo at personal na kakuntentuhan lamang ang kanyang layon at hindi kalayaan. Dala ng disilusyon niya sa humihinang rebolusyon, naimpluwensiyahan siya ng ilustradong si Tan-yan at nagsilbing giya (gabay/tagapagturo) sa mga Amerikano. Bagaman bigo ang rebolusyon ni Papa Dune, hindi pa rin napundi ang kaisipan nito sa pamamagitan ng testimoniya

ni Rosang Kalabaw, asawa ni Papa Dune, sinabi niyang pamalit lamang ang edukasyon ng mga Amerikano sa pulpito ng represibong simbahan habang ang demokrasya ang huwad na malayang gobyerno. Sa pahanon ng Hapon, naipakita ni Sion ang makabago at kolonyal na Filipino sa pamamagitan ng paghangad na malahian ng mga kanluranin ang

kanilang pamilya. Sa puntong ito wala na ang kanyang hangad tulad ng kanyang mga ninuno, wala na rin ang idealismong taglay ni Oysang. Nabigyang kabanata pati ang Diktaturya ni Marcos sa pamamagitan ng alusyon ng magasawang dragon na huhumahalintulad sa kanilang pasistang pamumuno. Sa panahong ito umusbong ang Bagong Hukbong Bayan na kinabilangan ni Ruben na ama ng tagapagsalaysay ng kwento. Nagpapatunay ang panibagong hukbong ito sa patuloy na pagdomina ng mga panlipunang sigalot at salot tulad ng kahirapan, hereditary politics, imperyalismo at impunidad.

At dahil kinikilala niya ang bisa ng Katolisismo bilang mapagpalayang pananampalataya, nagtatag siya ng kultong tinawag na Bagong Herusalem. Organisado ang kanilang pamumuhay sa laylayan. Kahit nakipag-ayuno si Emilio Aguinaldo sa Amerikano, isa si Papa Dune na tumanggi sa desisyong ito dahil mga kaaway pa rin sila sa bagong anyo. Sa ganitong paraan, nakuha niya ang karakter ni Hermano Pule na isang rebolusyonaryong mananampalataya at Macario Sakay na patuloy na naniniwala sa pagsugpo ng imperyalismo sa katagalugan at sa buong bansa. Sa kabila ng pasulong na pwersang Filipino laban sa mga dayuhang mananakop ang atrasadong si Teban, asawa ni Rosa. Sumali siya sa mga hukbo hindi para sa kalayaan kundi para lamang makisabay sa uso ng panahon at makisalamuha ang kanyang idolo na si Gregorio H. Del Pilar “Goyong”.

Hinahamon ng tekstong ito ang mga mambabasa na bamalikwas sa kasaysayan at kumilos laban sa dayuhang impluwensya at pang-aabuso ng kapwa Filipino.

Halos perpekto ang paghabi ni Jun Cruz Reyes sa panitikan at kasaysayan. . Sa teksto, masasabing may mga ‘na/ini-esta-pwera’ ang awtor tulad ng asawa ni Ruben at ina ng tagapagsalaysay. Hamon ito sa mga mambabasa na hanapin at bigyang tinig ang tahimik niyang diskurso. Sa ganitong paraan nabibigyan-diin ang mahahalagang yugto ng ating nakaraan at naipaliliwanag din nito ang mga kontemporanyong predikamento. Mainam na basahin ito at maging adbyento ng makabuluhang talakayan – akademik man o hindi. Hinahamon ng tekstong ito ang mga mambabasa na bamalikwas sa kasaysayan at kumilos laban sa dayuhang impluwensya at pang-aabuso ng kapwa Filipino

45


John Timothy A. Romero

DAANG MATUWID NI ENGR. PNOY TUNGO SA PAGKAWASAK

Nagsisimula sa pagwasak ang pagsasagawa ng isang bagong daan, ngunit sa isinasagawang “matuwid� na daan ni Engr. PNoy, hindi lamang ang mga daan ang nawawasak kundi maging ang karapatan ng mga maralitang taga-lungsod ay nayuyurakan.

46


Sa construction plan ng daang matuwid ni Engr. PNoy, hindi kapakinabangan sa mga mamamayan ang naidudulot nito bagkus ay mas inilalagay pa ang buhay ng mga maralitang taga-lungsod sa kapahamakan. Kung gaano kabilis na pinayayaman ni Engr. PNoy ang kanyang mga arkitekto, ganoon Demolition St. Cor. Dahas Ave. din kabilis ang kanyang Magserbisyo sa mamamayan ang sina- pagpapahirap at pagpapalayas sabing dahilan ng daang matuwid ni Engr. sa mga maralitang PNoy ngunit sa katunayan, para ito sa mga negosyante’t kapitalista na mistulang kan- taga-lungsod. yang mga arkitekto dahil sa proyektong PPP kung saan isasapribado ang mga pampublikong pag-aari at ilalaan ang kontrol sa pampribadong mga kompanya. Bunga nito, hindi napakikinabangan ng mga mamamayan partikular ng mga maralita ang nakalaang serbisyo para sa kanila habang patuloy na gumaganansya ang mga “arkitekto.” Isang halimbawa nito ang nangyaring demolisyon sa kabahayan ng Quezon City North Triangle na sinasabing magbibigay-daan sa road-widening project sa EDSA ngunit pagkalipas ng ilang buwan, hindi nakita ng mga residente na naisakatuparan ang nasabing proyekto. Sa halip, itinayo ang Vertis North kung saan pinagbatayan ni Engr. PNoy ang disenyo mula sa kanyang kaibigang arkitekto— ang Ayala Land Inc. Tila hindi alintana ni Engr. PNoy kung may masaktan man o may masawi sa mga residente maisagawa lamang ang PPP. Sa Silverio Compound, Paranaque City mayroong 4 na namatay gawa ng karahasan ng kapulisan sa kalagitnaan ng isang gulo noong Abril 24, 2012. Nakatakdang wasakin ang kabahayan ng Silverio dahil binili ito ng isa sa mga paboritong arkitekto ni Engr. PNoy na si Henry Sy upang magtayo ng “Silverio Homes” sapagkat malapit ito sa SM Hypermarket. May namataang mga sniper na nagtatago habang nagaganap ang gulo. Isa si Arnel Leonor sa apat na nasawi na nabaril sa ulo at tinatayang nasa 39 ang bilang ng mga nasugatan. Ang mga pangyayaring ito ang nagbunsod nang patuloy na paglaban ng mga maralitang taga-lungsod ngunit binabalewala sila at marahas na hinuhuli. Tulad na lamang ng nangyari sa Agham Road sa Sitio, San Roque noong Oktubre 4, 2013, kung saan daan-daang residente ang nagtayo ng

barikada upang hindi makapasok ang mga sisira ng kanilang mga bahay at nang tangka itong baklasin ng kapulisan, nagbunga ito ng alitan at humantong sa kaguluhan. Ilang mga residente ang ilegal na inaresto ng mga pulis. Sa parehong lugar din nagkaroon ng sunog nang walang malinaw na dahilan kung paano o saan ito nagsimula. Ayon kay Richard Chong, Chairman ng ANAKBAYAN-North Triangle, nagkasunog din sa kalapit na mga komunidad katulad ng BIR Road at Brgy. Central kung saan tinitirhan din ng maralitang tagalungsod. Matapos ang sunog sa mga lugar na ito, tuluyan na itong pinagwawawasak. Maaaring isang taktika ng pamahalaan ang sunod-sunod na sunog sa lugar upang mawasak nang mabilis ang kabahayan at mapaalis ng tuluyan ang mga maralitang taga-lungsod.

Relocation Death Compound

Bukod sa hindi maganda ang pagkakahalo sa semento, wala ring kalidad ang mga materyales na ginamit ni Engr. PNoy sa pagsasagawa ng kanyang daan. Tuloy, madaling masira ang mga kabahayan tuwing may bagyo at nalalagay sa alanganin ang kaligtasan ng mga mamamayan. Ang National Housing Authority (NHA) isang ahensya ng gobyerno ay nagbigay ng ₱18,000 bilang tulong-pinansyal sa mga pamilyang sasang-ayon na lumipat sa Montalban, Rizal at ₱24,000 naman ang ibibigay sa mga pamilyang uuwi sa kani-kanilang mga probinsya. Ayon kay Gennie Espatio, isa sa mga lider ng mga maralitang taga-lungsod sa Sitio San Roque, malayo sa hanapbuhay ng mga residente ang isang malaking problema ng mga relokasyon at hindi nagiging sapat ang kanilang kinikita upang suportahan

ang kanilang pamasahe papunta sa kanilang mga trabaho. Ayon pa kay Espatio, walang kalidad ang mga pasilidad, walang mga linya ng kuryente’t tubig at madalas bahain kapag umuulan ang mga relokasyon sa Montalban. Sanhi ng matinding peligrong kinahaharap ng mga maralitang taga-lungsod sa nakamamatay na relokasyon na ipinagkaloob ng gobyerno, wala silang magagawa kundi bumalik sa mga dati nilang tirahan sapagkat naroroon ang kanilang kabuhayan. Sa halip na sa paggawa ng mga bahay malapit sa mga lugar na may nakabubuhay na trabaho, sahod at kapaligiran ilaan ang pondo ng gobyerno, mas naglalaan pa ito ng mas mataas na badyet sa pork barrel ng bawat opisyales ng pamahalaan. Kung susuriin, hindi prayoridad ng gobyerno ang mga mamamayan kundi ang kanyang mga kauring mapagsamantala. Lumalabas na hindi ang mga mamamayan, kundi ang mga katrabahong arkitekto na mga negosyante’t kapitalista ang binibigyang-pansin at totoong prayoridad ni Engr. PNoy.

Highway Matuwid

Sa construction plan ng daang matuwid ni Engr. PNoy, hindi kapakinabangan sa mga mamamayan ang naidudulot nito bagkus ay mas inilalagay pa ang buhay ng mga maralitang taga-lungsod sa kapahamakan. Kung gaano kabilis na pinayayaman ni Engr. PNoy ang kanyang mga arkitekto, ganoon din kabilis ang kanyang pagpapahirap at pagpapalayas sa mga maralitang taga-lungsod. Disenteng bahay at pamumuhay ang dapat ibinibigay ng gobyerno sa mga mamamayan nito at hindi pagyurak sa kanilang karapatang magkabahay at mabuhay. Kung magpapatuloy ang daang matuwid ni Engr. PNoy, asahan niya na ang mamamayan ay patuloy na tutungo sa alternatibong daang babaklasin, sisirain at wawasakin ang mapanirang sistema ng kanyang construction plan

KODAO, (2012). We condemn the Massacre!: Official Statement and Appeal of the residents of Silverio Compound Paranaque and KADAMAY Paranaque, Kodao Productions. Retrieved on December 11, 2013. Retrieved from <www. kodao.org/stories/we-condemn-the-massacre-officialstatement-andappeal-residents-silverio-compound-andKADAMAY- paranaque> Dhantes J. (2013). Police arrest residents opposed to demolition, bulatlat.com.Retrieved on December 17,2013Retrievedfrom <http://bulatlat.com/main/2013/07/03/police-arrestresidents-opposed-to-demolition/>

SANGGUNIAN:

Ayon sa pamahalaan, iba’t iba ang dahilan ng pagwasak sa mga kabahayan ng mga maralitang taga-lungsod— una, para maibsan ang pagbaha sa ilang bahagi ng kamaynilaan; ikalawa, nais ng gobyerno na alisin ang mga residenteng nakatira malapit sa mga “danger zone” partikular ang anim na pangunahing daungan ng tubig sa Metro Manila— San Juan River, Pasig River, Maricaban Creek, Manggahan Floodway, Tullahan River at Estero Tripa de Galimato na madalas bahain at mapagkunan ng sakit; at, ikatlo ang gumawa ng mga bagong emprastruktura’t establisyimento sa ilalim ng Public-Private Partnership (PPP).

47


48

Marahil para sa karamihan, isang katuwaan lamang ang gamit ng mga memes na lumaganap at patuloy na lumalaganap sa iba’t ibang social networking site. Ngunit para sa mga tunay na makabayan, ang paggamit ng mga political memes ay mabisang sandata upang ipahayag ang tunay na kalagayan ng ating bansa.

Š Pixel Offensive Sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin sa bansa, nananatiling mababa ang sweldo ng mga manggagawang Filipino. Sa halip na dinggin ang mahigit isang dekada nang panawagan ng mga manggagawa na karagdagang P125 sa pambansang minimum wage, lalo pang binabaan ng rehimeng Aquino ang sahod ng manggawa sa pamamagitan ng pagpapatupad ng Two Tiered Wage System sa CALABARZON noong 2012 o Department Order 15-IV A. Sa pamamagitan nito, ibinaba ng pamahalaan ang floor wage sa P255 na kung tutuusin, 23.8 % lamang ito ng Cost of Living Allowance at

malayo sa itinakdang Family Living Wage na P1,022 ng National Wages and Productivity Commission. Sa ilalim din nito, tinanggalan mismo ng pamahalaan ng tungkulin at kapangyarihan ang Department of Labor and Employment (DOLE) na mangialam sa pagtatakda ng sahod sa mga manggagawa ng mga ganid na kapitalista. Sa madaling salita, wala nang pakialam ang gobyerno kahit na mapagsamantalahan ng mga kapitalista sa pamamagitan ng mababang sahod ang mga manggagawa.

*Memes (n): a cultural unit (an idea or value or pattern of behavior) that is passed from one person to another by non-genetic means (as by imitation).

THE POWER OF MEMES*

Zhen Lee M. Ballard


Pamantik KMU SANGGUNIAN:

Sa kabila ng pinangangalandakan ni Aquino na nagkaroon ng paglaki ang ekonomiya ng bansa (6.8% noong 2012, at 7.8% na paglaki sa gross domestic product ng bansa noong unang kwarto ng 2013), ang pagtaas ng bilang ng walang trabaho sa bansa at paglaki ng bilang ng nangingibang-bayan ay nagpapatunay na kabaligtaran ang nararanasan ng mamamayang Pilipino. At “kung” totoo man ang sinasabing paglago ng ekonomiya ng bansa, utang na loob natin ito sa lahat ng mga manggagawa. Sa kabila nito patuloy na ginigipit ng ating pamahalaan ang mga manggawa sa pamamagitan ng pagsuporta sa lumalalang sistema ng kontraktwalisasyon. Sa kasalukuyan, 60 % ng kabuuang lakas paggawa ay kontraktwal gayundin 80 % ng guro ayon mismo sa DepEd. Karaniwan, tumatanggap lamang ng minimum wage (P315-P337) o mas mababa pa ang mga kontraktwal na manggagawa sa rehiyon at lalo itong pinababa ng Two Tiered Wage System. Wala silang natatanggap na benepisyo tulad ng rice subsidy, night differential, overtime pay, health benefits, at leave. At ang masaklap pa rito, walang kasiguraduhan ang kanilang trabaho anumang oras pwede silang tanggalin nang walang ibinibigay na sweldo kahit para sana sa paghahanap ng bagong trabaho. Itinatago rin sa mga pangalang Agency Workers, OJT, Interns, Loop Workers at Casual Employee ang mga kontraktwal na manggagawa. Kung tutuusin ayon sa labor code, iligal ang labor-only contracting subalit pilit itong nilulusutan ng mga kapitalista at mga kasabwat nitong ahensya ng gobyerno. Bukod pa rito, maging ang mga regular na manggagawa ay nakararanas ng voluntary separation programs, retrench-

ment, retire and rehire, at pagsasampa ng mga gawa-gawang kaso. Malinaw na ang ating pamahalaan ay pumapabor sa mga ka-uri nitong mga kapitalista.

Hindi pa nakuntento ang rehimeng Aquino sa pagkakait ng karapatan ng manggagawa sa nakabubuhay na sahod. Tinatanggalan pa nito ng karapatan ang mga manggagawa na magtayo ng mga unyon na siyang mangangalaga at magtatanggol sa kanilang karapatan – bagay na hindi kayang gawin ng inutil na gobyerno. Patuloy ang pagdurog ng rehimeng Aquino sa unyon ng mga manggagawa sa iba’t ibang porma. Nito lamang Hulyo 2013, napatunayang nandaya sa pamamagitan ng ballot switching ang isang opisyales ng DOLE na si Marivic Martinez sa ginanap na Certification of Elections for recognition as bargaining agent ng mga manggagawa sa Philippine Auto Components. Isang patunay ng lumalaganap na CBA Moratorium at

sabwatan sa pagitan DOLE o pamahalaan at mga kapitalista upang pagsamantalahan ang mga manggagawa. Dagdag pa, laganap din ang pandurukot sa mga lider-manggagawa tulad na lamang sa kaso ni Benjamin Villeno, dating Tagapangulo ng unyon ng manggagawa sa Honda Cars Philippines na pinaghihinalaang dinukot ng mga militar noong Agosto 27, 2013 na hanggang ngayo’y hindi pa natatagpuan. Sa lahat ng labis na pagpapasakit ng pamahalaan sa mga manggagawa, lalong lamang umiigting ang maalab na damdamin ng mga manggagawa na nagbubunsod ng kaliwa’t kanang pag-aalsa. Ngunit tila planado at buong-buong pinaghandaan ng gobyerno ang anumang pag-aaklas ng mga manggagawa dulot ng kanyang kalunos-lunos na kalagayan. Noong nakaraang taong 2011, palihim na nakipagkasundo ang DOLE sa Philippine National Police, Armed Forces of the Philippines, at mga dilawang unyon sa pagbubuo ng Tripartite Industrial Peace Council Manifestos of Commitment (TIPC MOC) para sa “Joint and Collective Effort To Promote and Protect Workers’ Rights.” Sa balangkas ng “holistic notion of human security” ng Oplan Bayanihan, binibigyang-legalidad ng mga Manifestong ito ang pakikisangkot at pakikialam ng pwersang militar sa mga labor disputes na kung tutuusin ay labag sa internasyunal na makataong batas na nagbabawal sa pagkakampo ng mga militar sa mga lugar kung saan may sibilyan. Sa halip na harapin ng DOLE ang mga labor dispute at tulungan ang mga manggagawang makamit ang kanilang mga lehitimong panawagan sa dagdag na sahod at benepisyo, tuluyan na nitong tinalikuran ang obligasyon at ipinaubaya na lamang sa mga pwersang militar ang pagresolba nito. Kailanma’y hindi magiging makatarungan ang katotohanan na ang mga manggagawa tunay na gumagawa at nagpapayaman sa bansa ay silang naghihirap dahil sa mga buwayang nagpapasasa sa kanilang gawa at pagdurusa. Hanggat hindi tumitigil ang pamahalaan sa pangaalipusta sa mga manggagawa, hindi rin dapat tayo mapagod sa pagmumulat at pag-oorganisa sa iba’t ibang paraan. Hindi lamang dapat manatili ang mga political memes sa facebook o twitter bagkus dapat pa natin itong palaganapin sa mga pahayagan at maging sa lansangan

49


Nathanielle Y. Torre, expugnabilem@gmail.com

WAG LANG DI MAKARAOS* Sa ngalan ng pagkakaroon ng legasiya at kagustuhang ‘wag lang di makaraos, muling minadali ni PNoy ang programang K to 12 sa pamamagitan ng fast-tracking kahit hindi pa man nasosolusyonan ang mga problema at kakulangan sa sistema ng edukasyon. Sa orihinal na plano ng DepEd, sisimulan ang Grade 11 (Senior High School) sa taong 2016. Ngunit sa kagustuhan ni PNoy na makita ang mga unang magsisipagtapos sa ilalim ng K to 12 bago matapos ang kanyang termino, sasailalim ang K to 12 sa fast-tracking. Dito, hindi muna magsisipagtapos ang mga nasa ikaapat na taon ng akademikong taong 2014 bagkus didiretso sila ng Grade 11 sa taong 2015. At sila ang ituturing na unang anak ng K to 12. Matatandaan na noong 2012 (taon

kung kailan sinimulan ang K to 12), sa tala ng DepEd, may 771 pampublikong paaralan ang may kakulangan sa klasrum, 101, 612 sa guro, 97, 685 sa klasrum, 60 milyong aklat, 2, 573, 212 sa upuan at 153, 709 sa sanitasyon at patubig. Sa kabila ng mga kakulangang ito, pinilit pa ring iraos ni PNoy ang K to 12. Makalipas ang dalawang taon, nanatili pa rin ang mga kakulangang ito. Sa muling sa tala ng DepEd, may 770 pampublikong paaralan ang may kakulangan sa klasrum, 70, 000 sa guro, 32, 884 sa klasrum, 2.5 milyong upuan, at 80, 937 sa sanitasyon at patubig. Nabawasan man ang mga kakulangang ito, hindi pa rin makasasapat ang inaprobahang badyet sa edukasyon na 336.9 bilyong piso sa taong 2014 dahil hindi naman para sa pagpuno ng mga kakulangan ang badyet na ito kundi para lamang mapabilis at madaliin ang K to 12. Dagdag pa, hindi pa rin maayos ang mga modyul para sa Grade 1, 2, 7 at 8. At hindi pa ganun kahanda ang mga guro dahil sa kakulangan ng mga pagsasanay. Samakatuwid, dagdagan man ang badyet sa edukasyon, mananatili pa

rin ang mga kakulangang ito dahil sa karagdagang programa. Ayon sa Congressional Commision on Education (EDCOM), taong 1965 pa lamang ay ganito na ang problemang kinakaharap sa sistema ng edukasyon dahil hindi tumutugma ang mga batas na ipinapasa sa pangangailangang pang-edukasyon. Kung iisipin, hindi pa rin nadala si PNoy sa paulitulit na problema sa edukasyon at patuloy pa rin sa pagpapatupad ng batas na mas lalong nagpapalala ng problema. Sa kagustuhan ni PNoy na makaraos sa paggawa ng kanyang legasiya, isinasantabi niya ang mga problemang pang-edukasyon na mas kailangang solusyonan. Isinasakripisyo niya rin ang mabigat na kalidad ng edukasyon na isa sa makatutugon sa kahirapang dinaranas ng bansa. *pasintabi kay Eros Atalia

“

Kung iisipin, hindi pa rin nadala si PNoy sa paulit-ulit na problema sa edukasyon at patuloy pa rin sa pagpapatupad ng batas na mas lalong nagpapalala ng problema.

50

“


KARAPATAN KATARUNGAN KALAYAAN HINDI MATATAPOS ANG KULTURA NG IMPUNIDAD SA PILIPINAS KUNG HINDI PAPANAGUTIN ANG MGA SUMISIRA SA TIWALA NG BAYAN.

PHOTO CREDIT

http://www.gmanetwork.com/news/story/ 177820/news/regions/death-toll-in-maguindanao-massacre-now-57-afp

51


John Timothy A. Romero

Marijoe S. Gemparo

a

b

John Timothy A. Romero

52


Elaine I. Jacob, Punong Patnugot; Ian Harvey A. Claros, Kawaksing Patnugot; Vincent D. Deocampo, Patnugot sa Pamamahala; Zhen Lee M. Ballard, Kawaksing Patnugot sa Pamamahala; Isabella Krizia R. Barricante, Patnugot sa Balita; Elaine Grace A. Quinto, Patnugot sa Lathalain; Jolly M. Lugod, Patnugot sa Panitikan; Kevin P. Armingol, Patnugot sa Pananaliksik; Kristine Joy B. Alimpoyo, Ma. Cristina L. Barrera, Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz, Joseph Victor D. Deseo, Crissalyn Joy A. Dionisio, Don James Indefenzo, Danah Mae C. Pineda, Marysildee V. Reyes, Rhealyn Q. San Jose, Marycris B. Taguinod, Istap; Cromwell C. Allosa, John Carlo B. Cabilao, John Carlos D. Evangelista, Aridel S. Hallig, Christian Mac L. Juane, Joanah Pauline L. Macatangay, John Reinz R. Mariano, April Mae M. Laban, Margaux Anne C. Llanes, Freobel Mae A. Roguis, Jessa Bernadette E. Romilla, Korespondent; Marijoe S. Gemparo, Regie M. Lutoc, Darlene Jean P. Mase, John Paul A. Orallo, John Thimoty A. Romero, Nathanielle John Y. Torre, Joshua T. Veluz, Lupon sa Sining at Midya, Jolly M. Lugod, Tagaanyo; Prof. Joel Costa-Malabanan, Kritiko sa Filipino; Dr. Jennie V. Jocson, Kritiko sa Ingles; Prof. Victor Rey Fumar, Tagapayong Teknikal.



Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.