Progresibong organisasyon: BS Aquino, pasakit sa bayan Sama-samang nanawagan ang mga mamamayan mula sa iba’t ibang sektor upang kalampagin at panagutin si BS Aquino sa limang taong kapabayaan at pagtataksil sa bayan sa isinagawang SONA ng Bayan sa kahabaan ng Commonwealth Avenue, Hulyo 27, kasabay ng kanyang huling SONA.
Magsasaka “Nanatiling walang lupa ang mga magsasaka sa ilalim ng administrasyong Aquino… naglaho nang tuluyan ang adyendang repormang agraryo na karaniwang tinatalakay ni BS Aquino sa mga nakaraang SONA,” pahayag ni Rep. Fernando Hicap, kinatawan ng Anakpawis sa Kamara. Idiniin ni Hicap na ang mga magsasaka ay nanatiling biktima ng pyudal at malapyudal na pagsasamantala sa pagpapanatili ng mataas na upa sa lupa at kagamitang pangsaka, usura, kawalan ng irigasyon at mga serbisyo. Patunay dito ang pagtutulak ng administrasyong Aquino sa pagpapalayas sa mga magsasaka sa kanilang lupain, land use at crop conversion sa pamamagitan ng kanyang public-private partnership (PPP) at pagpapapasok ng mga malalaking dayuhang negosyante. Ayon sa Department of Agrarian Reform (DAR), mula sa 8.9 milyong ektaryang pribadong lupain, 2.6 milyong ektarya ang nasasaklaw na ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP). May 6.3 milyong ektaryang nananatiling pribado at malaki pang bahagi nito ang kailangan pang masuri kung masasaklaw pa rin ng CARP, kabilang ang mga pag-aari ng malalaking korporasyon at mga naiba na ang gamit. Napakalaking tulong ng CARP sa mga kababayan nating magsasaka na maiangat ang antas ng kanilang pamumuhay sa pamamagitan ng pagpapamahagi ng lupa na maaari nilang sakahin at pagyamanin. Kakulangan naman sa maayos na imprastraktura sa irigasyon ang nakikitang dahilan ng International Rice Research Institute (IRRI) kung bakit patuloy ang pag-iimport ng bansa ng bigas kaya naman nagkaroon ng kakulangan sa produksyon ng bigas at nasasadlak ang kalagayan ng mga magsasaka.
Manggagawa
Nakabubuhay at disenteng pasahod, pagpapatibay sa benepisyo at karapatan ng mga manggagawa, pagkakaroon ng pambansang industralisasyon, at pagbabasura sa kontraktwalisasyon ang umiigting na panawagan ng mga manggagawa. Ayon sa datos na inihayag ni BS Aquino sa kanyang huling SONA, bumaba ng 6.8 bahagdan ang bilang ng mga mamamayang walang trabaho sa bansa. Dagdag pa raw rito ang pagbaba ng bilang ng mga Overseas Filipino Workers (OFW) na umaabot na lamang sa 9.07 milyon noong Disyembre nakaraang taon mula sa 9.51 M noong 2011 Ngunit ayon sa datos ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan (PAMANTIK-KMU), 11 M o 11.2% ang walang trabaho sa kasalukuyan, sa kabuuan ng bilang ng mga mamamayan na dapat ay nagtatrabaho na, taliwas sa datos ng pamahalaan.
Kinondena rin ng Kilusang Mayo Uno (KMU) ang pagpapaigting ni BS Aquino sa Department of Labor and Employment (DOLE) Order no.18-A Series of 2011 na kilala sa tawag na Labor-Only Contracting (LOC) na nagpapamayani sa sistemang kontraktwalisasyon. “Sa Timog katagalugan, talamak ang kontratwalisasyon doon. Halos lahat ng mga kompanya, 80% ng mga manggagawa nila ay puro kontraktwal.” pahayag ni Anse Are, Pangulo ng Tanggulang Ugnayan Daluyang Lakas ng Anakpawis sa Tanduay Distillers Inc. (TUDLA). Kulang-kulang 400 na manggagawa ang nananatiling kontraktwal sa kabila ng halos isang dekada nilang serbisyo sa Tanduay. Ayon pa sa PAMANTIK-KMU, aabot na sa walo sa sampung manggagawa ngayon ang kontraktwal na tahasang sinusupil ang mga benepisyo at karapatan tulad ng 72 kontraktwal ng Kentex na nasawi dulot ng kawalan ng occupational health and safety conditions sa pabrika.
Kaguruan “Hindi pa rin binibitawan ng sektor ang kanilang panawagang itaas ang sahod, ang badyet para sa edukasyon at tuluyang pagbabasura ng makadayuhang prinsipyo ng K to 12 Program,” ito ang pahayag ng ACT Partylist. Ayon kay Vladimer Queta, kalihim ng ACT Partylist, wala pa ring itinaas sa sahod ng mga guro, dagdag pa rito ang kakulangan sa mga silid-aralan at mga pasilidad. “May mga titser na nagkakasakit sa iba pang mga polisiya halimbawa ay ang paggampan sa ‘performance-based deeds’ at patuloy na lumubha ang kalagayan ng kanilang kalusugan,” saad ni Queta. Apektado ang kalusugan ng mga guro upang maabot ang financial stewardship, process efficiency, leadership learning at growth na naglalayong maihanda ang mga guro at estudyante ng K to 12 program. Hindi pa rin inaaprubahan ng gobyerno ang House Bill (HB) 5735 na mas kilala sa Student Discipline and Teacher Protection Act na nagsusulong ng karapatan ng mga guro at maging ng mga estudyante na nagpapakadalubha sa pagkaguro. Dagdag pa rito ang paggampan sa napakataas na batayan ng Productivity Enhancement Incentive (PEI), isa sa mga pinagtutuunan ng kaguruan upang madagdagan ang kanilang sahod. “Ang isang buwan na PEI ay parang malamig na tubig na gustong ibuhos sa mainit at nagaapoy na galit ng mga guro,” giit ni Queta. Humihiling ang sektor na bigyang-pansin ang kalagayan ng mga kaguruan at ang pagbibigay respeto sa kanilang karapatan. Nananawagan din sila na dinggin ang hinaing ng sektor sa pagsusulong ng interes at kapakanan ng sambayang Pilipino lalo na sa sektor ng edukasyon.
Draybers
Idinaing naman ng Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) sa administrasyong Aquino ang pagpasan ng mga drayber sa sunod-sunod at labis-labis na pagtaas ng presyo ng langis samantalang maliit lamang ang ibinababa nito. “Drayber ang pumapasan sa patuloy na taas-babang presyo ng diesel ng mga malalaking kompanya na lingo-linggo na lang kung magtaas ng piso hanggang dalawang piso samantalang kakarampot lang ang ibinababa na umaabot lang sa 25,” ipinahayag ni Billy dela Cruz, Tagapangulo ng PISTON-Tarlac. Ayon sa PISTON, nagbigay-daan ang Oil Deregulation Law (ODL) na naisabatas noong 1998 sa ilalim ng administrasyon ng dating pangulong Fidel Ramos upang pagibayuhin ng mga dayuhang kompanya ng pagmamanipula sa presyo ng langis hanggang sa kasalukuyan kabilang ang Petron, Shell at Caltex (na tinaguriang ‘Big 3’ sa larangang ito) kasama ang iba pang maliliit na kompanya tuald ng Total, Sea Oil at Flying V na kumokontrol sa presyo ng gasoline, diesel, kerosene at Liquifed Petroleum Gas (LPG). Binanggit din ni dela Cruz ang maanumalyang pagpataw ng ‘Kotong Gang’ sa mga drayber sa umano’y paglabag nila sa batas-trapiko kasama ang pisikal na pananakit. “Hindi makahingi ang mga drayber ng dispensa kahit sila’y hindi nagkamali at pilit pang nilalagyan ng violation. Kapag nakasagot pa’y binibugbog, pinagtutulungan, ikinukulong tapos tinatawag pang arogante ang mga drayber,” pagdidiin ni dela Cruz. “Hindi sapat ang kinikita ng mga drayber upang tustusan ang pang-arawaraw na pangangailangan kaya patuloy ang aming pagpapanawagan sa pagbaba ng presyo ng langis na magbibigay kaluwagan sa aming paghahanapbuhay.” ani dela Cruz.
Migrante
Kinondena din ng Migrante ang lalong umiigting na pagpapadala ng mga Pilipino sa ibang bansa na mas kilala na labor export policy (LEP) sa ilalim ng administrasyong Aquino. “Pagkagradweyt ng hayskul, ready ka nang lumabas ng bansa. Labor export talaga,” giit ni Mic Catuira, Kinatawan ng Migrante. Binanggit ni Catuira na lalong pinatitindi ang LEP sa pamamagitan ng programang K to 12 kung saan ang mga kurso ay tumutugon lamang sa pangangailangan ng ibang bansa at semi-skilled workers ang magiging produkto ng programang ito na maaaring magresulta sa pagdami ng magnanais na magtrabaho sa ibang bansa.
Pinapaliwanag ni Catuira na maraming naiaambag ang OFWs sa pagpapaunlad ng ekonomiya sa bansa tulad ng pagpapataas ng Gross Domestic Product (GDP) ngunit kabilang pa rin sila sa mga napababayaan ng administrasyong Aquino. Sa datos ng Migrante, tinatayang pitong OFW na ang namatay sa ilalim ng rehimeng Aquino. Ilan sa mga ito ay binitay o namatay sa giyera sa mga bansa katulad ng Saudi Arabia at Qatar. Dagdag pa niya, si Mary Jane Veloso ay isa lamang sa mga napabayaan ng gobyerno na kung hindi dahil sa panawagan ng sambayanang Pilipino ay mapapabilang din sa listahan ng mga binitay na OFW.
ang Health Secretary, 72 ospital na pinatatakbo ng DOH ang nakaplanong isailalim sa pagsasapribado na maaaring magbunsod sa patuloy na pagtaas ng mga bayarin sa gamot at serbisyong pangkalusugan.
Health Workers
Mas nakabubuhay na sahod sa mga manggagawa at kawani, at pagpapawalang-bisa ng pribatisasyon sa mga pampublikong ospital ang ipinanawagan ng Health Alliance for Democracy (HEAD) sa mahigit limang taong pagbibingihan ng administrasyon sa kanilang sektor. Ayon kay Dr. Gene Nisperos, ikalawang tagapangulo ng HEAD, ang panawagan nila ay solusyunan ang malalaki at matagal ng problema sa kalusugan gaya ng kakulangan s a mga pasilidad a t ospital,
mababang sahod ng mga kawaning pangkalusugan at patuloy na pagmahal ng mga serbisyong pangkalusugan. “Ipinangalandakan ni Pang. Aquino ang Universal Health Care o ang pagdadagdag sa bilang ng mga mamamayan na miyembro ng PhilHealth. Ayon sa kasalukuyang datos, umabot na sa 89.4 milyon ang saklaw ng programang ito ngunit dahil hindi nagdagdag ng pondo para sa mga ospital at iba pang mga pasilidad, wala ring pagbabago sa paggugol ng mga mahihirap sa mga serbisyong pangkalusugan,” iginiit ni Dr. Nisperos. Mas pinag-iibayo naman ng private-public partnership (PPP) ang dumaraming bilang ng mga apektado ng pagsasapribado tulad ng Philippine Orthopedic Center (POC) at Philippine General Hospital (PGH). Ayon kay G. Enrique Ona, kasalukuy-
Bunsod ng kakulangan sa trabaho o posisyon at napakababang sahod ng mga doktor, nurse at iba pang espesiyalista, kabilang na rin sila sa 11.4% ng kabuuan ng Overseas Filipino Workers (OFW) na nakikipagsapalaran sa ibang bansa mula sa tala ng Philippine Overseas Employment Administration noong 2014. Kung kaya’t binigyang diin ni Dr. Nisperos ang masidhing panawagan ng sektor sa pagtataguyod ng isang libre, komprehensibo at progresibong sistema ng kalusugan.
Kababaihan
Tahasan namang binansagan ng grupong Gabriela na ‘Worst President’ si BS Aquino dahil sa bigo na bigyang aksyon ang mga problema sa hanay ng kababaihan. “Ang ‘matuwid na daan’ ay naging ‘madilim na daan’ para sa mga kababaihan kung saan sila’y ginagahasa, pinagsasamantalahan, at pinapatay. Ang masaklap, ang mga nasa katungkulan, partikular ang mga pulis at militar, ang ilan sa mga nangunguna pagdating sa karahasan sa mga kababaihan,” pahayag ni Joms Salvador, kalihim ng Gabriela. Ayon sa grupo mula 2010 hanggang Hunyo 2015, na sa 77 na ang kaso ng pananamantala sa kababaihan ng mga na sa katungkulan at ang kalakhan ay mula sa hanay ng mga pulis at militar. Ayon naman kay Emmi De Jesus, kinatawan ng Gabriela, dahil sa kawalan ng trabaho, kontraktwalisasyon, mababang pasahod at pagbubukas ng ating ekonomiya sa ‘foreign plunders’ ay ginagawad nila ang parangal na ‘Pinakapahirap Award’ sa pangulo. Ayon sa Philippine Statistics Authority, mula 24.6% na bilang ng mga mahihirap sa bansa noong unang semestre ng 2013, lumaki ng 1.2% ang mga naghihirap noong 2014. “Ang mga kababaihan at ang kanilang pamilya ay patuloy na sinusuportahan ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga ‘dole-out’ na programa, ngunit sila ay naghihirap pa rin,” giit ni Salvador.
Indigenous People
Karapatan sa ancestral land domain at pagtutol sa Philippine Mining Act of 1995 ang patuloy na ipinananawagan ng Kabataan para sa Tribong Pilipino (KATRIBU). “Lalong lumala ang kalagayan naming mga katutubo lalong-lalo na sa Mindanao sapagkat maraming proyektong ‘pangkaunlaran’ na pumasok sa aming mga komunidad na sa tingin naming ay hindi tumutugon sa ekonomiya ng bansa,” pahayag ni Danilo Enosendo, Tagapangulo ng KATRIBU.
Inihalimbawa ni Enosendo ang pagmimina sa lugar ng mga katutubong Lumad na nagbubunsod lamang ng marahas na pagpapaalis sa kanilang lugar samantalang ang mga katutubong hindi pumapayag na umalis ay tinatambakan ng malakihang pwersa ng militar na parte umano ng taktikang kontra-insurhensya o paggapi sa mga kalaban. Ipinahayag naman ng KATRIBU na laganap ang ekstrahudisyal na pagpatay simula nang lumawak ang presensya ng militar sa mga lugar ng Lumad. Tinataya ng organisasyon na nasa 61 karapatang pantao na ng mga katutubo ang nalabag. Bunga ito umano ng mga malalaking pwersa ng militar sa mga paaralan na ikinabahala ng mga estudyante at gurong Lumad. “Hindi nakakapagklase ang mga mag-aaral na lumad dahil sa pangamba na magkaengkwentro,” isinaad ni Enosendo.
Maralita
Patuloy pa ring idinadaing ng Kalipunan ng Damayang Mahihirap (KADAMAY) ang pagkakaroon ng disente at permanenteng tirahan at ang pagpapatigil sa demolisyon. sa loob ng limang taong pagsasawalang bahala ni BS Aquino “Wala siyang (BS Aquino) itinutulong sa amin. Hindi niya tinutupad ang mga pangako niya,” pahayag ni Peding Roca, Tagapagsalita ng KADAMAY-Tacloban, sa pangakong pagbibigay ng disente at pangmatagalang trabaho. Idinagdag ni Roca na wala pa ring nagbabago sa sitwasyon sa Tacloban matapos ang dalawang taon— maraming nagugutom, walang disenteng tirahan at karamihan ang trabaho ay kontraktwal na tumatagal lamang ng tatlong buwan. Ayon kay Chaloka Beyani, tagapangasiwa sa karapatan ng mga maralita ng United Nations (UN), kahit na mabilis ang ginagawang aksyon ng pamahalaan, kulang pa rin ang ginagawang tulong nito upang mabigyan ng pangmatagalang solusyon ang mga nasalanta ng bagyo. Ayon sa datos KADAMAY, na sa 46,640 na ang naipatayong bahay sa buong bansa ng National Housing Authority (NHA), at ayon sa tala ng Ibon Foundation, na sa 60,000 pamilya ang apektado ng demolisyon na wala pa ring tirahan hanggang sa kasalukuyan. Ayon naman sa Alyansa ng mga Grupong Haligi ng Agham at Teknolohiya para sa Mamamayan (AGHAM), magiging libingan ang ilang mga relokasyon sa bansa sakaling dumating ang isang malakas na lindol dahil sa hina ng pundasyon.
Samatanla, ipinahayag ni Carlito Badio, Pambanasang Kalihim ng KADAMAY, ang pagkadismaya ng samahan sa kabiguan ng pamahalaan sa pamamahagi ng lupa sa mga maralita at ang pagpapanatili ng pangangamkam sa lupa. Isabella Krizia R. Barricante, PUNONG PATNUGOT; Kristine Joy B. Alimpoyo, KAWAKSING PATNUGOT SA FILIPINO; John Thimoty A. Romero, KAWAKSING PATNUGOT SA INLGES; Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz, PATNUGOT SA PAMAMAHALA; Jenny DC. Franco, KAWAKSING PATNUGOT SA PAMAMAHALA; Maria Theresa N. Morta, PATNUGOT SA BALITA; Andrea P. Dasoy, PATNUGOT SA LATHALAIN; Ma. Cristina L. Barrera, PATNUGOT SA PANITIKAN; John Reinz R. Mariano, PATNUGOT SA PANANALIKSIK; Cedric T. Bermiso, John Carlo B. Cabilao, Joseph Victor D. Deseo, John Carlos D. Evangelista, Sofia Loren S. Goloy, Marlou M. Larin, Camille Grace A. Loyola, Kaye Ann Oteyza, ISTAP; Juvilee Ann V. Ausa, Catherine B. Bacuno, Apple Marie M. Bueno, Ella Grace L. Caliwan, Jhazmin G. Candelario, Aaron Jonas N. Catoy, Pearl Diane C. Centeno, Trisha Anne P. Coronado, Louriel M. Danseco, Alexis Mari C. Dinola, Crissalyn Joy A. Dionisio, Ma. Lourdes Clarita B. Espiritu, Jan Margaux A. Florenciano, Denielle M. Galo, Airalyn Gara, Diamond Gare, Renz P. Gomez, Ronalyn H. Gonzales, Oscar John Ian F. Isleta, Margaux Ann Llanes, Lyn D’ Amor M. Macabulit, Kristine Manaloto, Jules Angelica E. Marcelo, Ma. Francesca U. Martin, Mara Pola Gail R. Mijares, Maria Alexandra G. Mijares, Maricar O. Nogales, Mary Alyza O. Ponce, Urek T. Pondare, Jimnoel C. Quijano, Danielle Samantha L. Quinto, Karen DC. Raquinel, Kheiana Ardeen Denireish C. Rey, Romina Reyes, Marynell Ann G. Sagum, Ervin P. Sinaking, Janine P. Solitario, Vienna Antoniette M. Tungal, Joanie Marie S. Valdez, Joanna Marie Yumang, KORESPONDENT; Precious G. Daluz, PINUNO NG ARTS AND MEDIA TEAM; Enrico Norman G. Balotabot, KAWAKSING PINUNO NG ARTS AND MEDIA TEAM; Mitzi Marie Dolorito, PANLABAS NA RETRATISTA; Arbie Lucky Tan, PANLOOB NA RETRATISTA; Joshua T. Veluz, TAGAANYO; Prof. Joel Costa-Malabanan, KRITIKO SA FILIPINO; Prof. Victor Rey Fumar, KRITIKO SA INGLES at TAGAPAYONG TEKNIKAL.
THE TORCH PUBLICATIONS Ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas