larawan ni benjamin villarico
Ilang presidente na ang aking inabot. Pero pinakamasahol itong si Noynoy... Ang mga maralita, laging itinataboy. Bakit, hindi ba atin ang bayan na ito? Bakit hindi unahin ang interes ng mahihirap? -Carmen “Nanay Mameng� Deunida Sipi mula sa panayam ng Pinoy Weekly
larawan ni John Javellana
1 Editoryal 2 10 Commandments 4 Musikang Makabayan 6 Financial Report 7 Samakatuwid 8 Banghay-aralin 10 Kulapu 11 Siglo 12 Chaos Corporation 14 Abnormal
28 Mente Abierta 29 Pitik B 15 Lente 16 HLIX 18 Feature Picture 20 Kabute 21 Dagitab 22 Si Ka Albert 24 #Hugot 26 Seenzoned
30 Maselang Bahaghari 32 Si Nanay Lolita 34 10 Utos ng Among Kano 36 Kanser 38 Sapantaha 40 Pilipinas sa Hapag ng mga Mandaragit 42 Pampilipit-dila 44 Boses na Walang Boses 48 KM@50
mga tipong ginamit: Skolasans Bebas Neou Gotham Dolce Vita Disco Vita Tw Cen MT Ostrich Sans Elkwood Code
thetorchpub_pnu@yahoo.com
The Torch Publications
Ang Opisyal na Pahayagang Pangmag-aaral ng Pamantasang Normal ng Pilipinas
Miyembro: facebook.com/ thetorchpubpnu@gmail.com
@TheTorchPnu
College Editors Guild of the Philippines (CEGP) Progresibong Lupon ng mga Manunulat ng PNU (PLUMA-PNU) Room c 2/f Student Center Building, Pamantasang Normal ng Pilipinas Daang Taft, Maynila
editoryal
1
palyado
Sa pagtatapos ng taong pampanuruang 2014-15, tinusok nang sunod-sunod na tinik sa lalamunan ang PNUan gamit ang mga polisiyang sapilitang isinusubo sa mga susunod na guro ng bayan na nagdudulot sa kanila ng lubhang kahirapan. Isa ang pamantasan sa mga punong-abala sa pagbubuo ng K to 12, walang dudang pinangungunahan din nito ang iskemang nagpapahirap sa mga mag-aaral–ang Outcomes-Based Teacher Education Curriculum (OBTEC) na sinimulang ipatupad noong nakaraang pampanuruang taon sa mga nasa unang taon. Dahil nakabatay ang kurikulum sa pangangailangan ng K to 12 na kasalukuyang ipinapatupad sa lahat ng paaralan sa bansa mula Kindergarten hanggang hayskul, ginagawa raw “competent” ang kaguruan at mga kumukuha ng kursong edukasyon upang hasain ang kasanayan. Pangunahing sagot daw ang OBTEC upang gawing bihasa ang mga kumukuha ng pagkaguro sa mga magiging mag-aaral ng K to 12 subalit kabaliktaran ito sa tunay na nangyayari sa pamantasan kung saan sinasanay ang mga mag-aaral na makabuo ng mga produkto o ‘outcomes’ mula sa mga naging pag-aaral nila sa tatlong termino. Halinhinan namang nakadaragdag sa pasanin ng mga mag-aaral sa unang taon kasabay ng OBTEC ang pagkakaroon ng tatlong semestre o mas kilala bilang ‘trimester’ kung saan ipinilit na isiksik sa dati nang siksik na kurikulum ang mga asignaturang nakapaloob sa Grades 11 at 12. Sa ganitong sitwasyon, ang dating regular na 30 units ng isang PNUan ay katumbas na ng 36 units sa mga nasa unang taon sa loob isang termino. Magiging normal na lang para sa mga mag-aaral ang 12 terms o katumbas ng 432 units sa dating walong sem (240 units) na gugugulin nila sa apat na taon. Hindi na nakapagtataka na maraming mag-aaral na ang sumusuko’t sinusuka ang kurikulum at ang implementasyon ng tri-
mester gamit ang mga buholbuhol na dahilan na binibigay ng mga mag-aaral upang ibasura ang nasabing mga iskema. Mula sa 744 na bilang ng mga pumasok na mag-aaral mula sa unang taon sa unang term, bumulusok sa 690 ang nananatili at itinatayo ang sarili sa pasanin na dulot ng mga iskema. Hindi masisisi na idaraan sa satirikal na paraan ang pagbubulalas ng daing ng nasa unang taon sa isang social networking site sa hirap na pasanin gamit ang pag-status ng #ILoveOBTEC. Ito ang nagsilbing propaganda ng mga mag-aaral upang idaing sa administrasyon ni PEBO ang dismaya sa kurikulum dahil sa kawalan nila ng aksyon sa lumalalang problema na pinagdaraan ng mga mag-aaral na nakaapekto sa aspektong pisikal kung saan apektado ang kalusugan, emosyonal, intelektwal at sosyal. Gamit ang mga sitwasyong ito, napakalaking posibilidad na bumaba ang magiging rate ng PNU sa Licensure Examination for Teachers (LET) at mga hilaw na propesyonal naman ang mabubuo ng mga umiiral na iskema dahil sa may kalikasan ito na madaliin sa pinaiksing oras ang pag-aaral ng mga estudyante. Tulad ng nauna nang paliwanag, mas nakapokus ang mga mag-aaral sa mabubuo nilang produkto mula sa sinasabing natutuhan nila sa kanilang naging pagaaral. Hindi na nalalaman ng mga estudyante ang esensya kung bakit sila nag-aaral bagkus nagiging sunod-sunuran na lamang sa mga kahingiang gawain ng asignatura upang pumasa. Ang OBTEC at iskemang trimester ay bunga ng ibinibida ni BS Aquino na K to 12 na inilinya rin sa panahon ni PEBO upang maisakatu-
paran ang plano na maupo sa puwesto bilang pangulo ng pamantasan sa ikalawang pagkakataon. Sa pagtatapos ng termino ni Aquino sa 2016, siya namang simula ng pagkakaroon ng senior high school na nagsasaad na maaari nang makapagtrabaho ang isang estudyante matapos makakuha ng diplomang nakadisenyo upang tugunan ang ‘demand’ ng malalaking kompanya sa loob at labas ng bansa. Kaya naman sa kasalukuyang sistema ng trimester, nakapaloob dito ang mga asignaturang ituturo sa Grades 11 at 12. Ang sektor ng edukasyon ang isa sa mga apektadong sektor nang pagpapabaya ni Aquino sa mga guro at magiging guro ng bayan. Ilan
lamang na patunay dito ang OBTEC, trimester at K to 12 kasama ng iba pang kapabayaan ng pamahalaan na ikinintal sa loob ng limang taon niyang panunungkulan. Habang nananatiling palyado ang mga programa’t polisiya ng edukasyon, magluluwal ang mga institusyon tulad ng PNU ng mga gurong hindi ganap ang kasanayan. Sa kabilang banda, kung magpapatuloy ito, huhubog naman ang mga guro ng mga mag-aaral na hindi buo ang pagkatuto. Kung kaya dapat nang magkaroon ng mas malalim pang pagsusuri ukol dito at mga pagkilos upang tutulan ang ‘di maka-mamamayang polisiyang ito.
Guhit ni John Paul A. Orallo
01
Tayo ang “Boss” na binubusabos ni BS Aquino. Mula 2010, umabot na sa 90,000 pamilya ang naging biktima ng mararahas, iligal at di-makataong demolisyon sa buong bansa. Sampu ang napatay. Parang basura kung ituring niya ang kanyang mga boss na tinatapon kung saan-saang relokasyon na tinaguriang ‘death zone’ dahil sa kawalan ng hanap-buhay at di-makataong kalagayan. #WhereIsTheLove?
02
bs aquino - bulatlat.com, saf-mark navales, hacienda luisita-greenmaggit.files. wordpress.com, , tofi-bulatlat.com, edca-nusp, yolanda aniv.-zhen lee ballard, lrt/ mrt- ebtenorio.files.wordpress.com, aquino resign-pinoy weekly
mga larawan mula sa
Walang duda, “Kano ang Boss niya.” Patunay dito ang taksil na pagpirma ng papet na pangulo sa Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA), pagpapabaya nito sa kaso ni Jennifer Laude at pagpapatupad sa operasyong mamasapano sa ngalan ng pagsamba sa kanyang Big Boss.
Huwag kang sasamba sa mga diyos-diyosan
zhen lee m. ballard
na Nilabag ng Commandeath-In-Chief
Ibigin mo ang Diyos higit sa lahat
10
commandments 2
Matindi ang pagnanasa niyang ipaubaya sa mga pribadong sektor ang mga pampublikong serbisyo. Paborito niyang motto ang “Di mo na ginagamit? Ibenta na ‘yan!” Kinakalimutan niyang hindi siya kundi taumbayan ang may-ari ng LRT/MRT, mga ospital at mga paaralan at hindi ito pwedeng ibenta basta-basta sa mga negosyante dahil bayad ‘yan ng buwis, dugo at pawis ng sambayanang Pilipino.
05
Single but ready to mingle si prexy. Handang ialay ang lahat ng buhay, mapangiti lang ang love of his life. Ano ba naman yung buhay ng 44 na SAF, 18 na MILF at 6 na sibilyan? Maliit na bagay. #NObamaForevs
Huwag kang makikiapid sa hindi mo asawa
10
I don’t remember her (Napoles). Tiger Economy. Handa na po tayo sa bagyong Yolanda. Mataas na GDP. Zero backlog. Alam ko po ganito ang plano, binola niya lang ako (Napeñas). Kayo ang boss ko. #PanotPeroHindiPango #PNocchio
Huwag kang magsisinungaling
06
Huwag kang magnanasa sa hindi mo pag-aari
08
04
Para sa kanyang ama, “Filipinos are worth dying for.” Para sa Commandeath-In-Chief, “Filipinos are worst dying poor.” Sa libro, ang kanyang ina ay “Ina ng Demokrasya.” Sa totoong buhay, pamilya sila ng Hacienderong demoralisasyon at disgrasya ang dulot sa mga magsasaka ng Hacienda Luisita. #AnakAnyareSayo?
Galangin mo ang iyong ama at ina
03
Huwag kang magnanasa sa hindi mo asawa Kabet ng kabet sa mga neoliberal na polisiya gaya ng deregulasyon, liberasyon, pribatisasyon, K to 12, Mining Acts, Labor Export Policy, cheap labor, free trade sa halip na fair trade – mga polisiyang kapakipakinabang sa mayayamang bansa at hindi sa Pilipinas. Kaya sabet-sabet at walang patutunguhan ang buhay ng Pinoy sa panunungkulan ni PNoy. #@rHaYqUob3H
Kung pagnanakaw ang ina ng lahat ng kasalanan, si Pork Barrel King Aquino naman ang ama. Si Butch Abad Boy ang arkitektura, mga Pilipino ang taya. Ano nga ulit, #KungWalangKayoWalangMahirap?
Huwag kang magnakaw
Mula Hulyo 2010-Nobyembre 2014, may 226 biktima ng ekstra-hudisyal na pagpatay at 26 ang desaparacidos. Kristel Tejada (2013) at Rosanna Sanfuego (2015), kapwa nagbigti sa lubid ng mataas na matrikula. Sa 2015, P200 bilyon inilaan sa Oplan Bayanihan samantalang P44.4 B para sa State Universities and Colleges (SUCs). #BudgetToKill #DiNaNatuto
Huwag kang papatay
07 09
Present sa MMFF showing ng movie ni Bimby, pagbubukas ng Jollibee Singapore, pag-atake ng martilyo gang sa SM, kasalang Dongyan, interbyu kay Vice Ganda, inagurasyon ng Mitsubishi Plant. Absent sa anibersaryo ng Yolanda at pagsalubong sa Fallen 44, kahit panalangin man lang – wala. ‘Yan ang pangulong “Makakarating kahit saan, pwera kung saan kailangan.” #NasaanAngPangulo?
Ipangilin mo ang araw ng Sabbath
3
4
DANNY FABELLA: iLANTAD ANG KABALINTUNAAN JUAN DELA CRUZ BAND: TINIG NG MAMAMAYAN “Ang himig natin/ Ang inyong awitin/ Upang tayo’y magsama-sama/ Sa langit at pag-asa,” mula sa sumikat nilang kantang “Himig Natin” na tumatalakay sa hindi pantay na pagtingin sa mga mahihirap. Taong 1968 nang narinig ng mga Pilipino ang mga awiting tumatalakay sa pagiging makabayan sa pamamagitan ng Juan Dela Cruz (JDC) Band na tinaguriang “The Legend.” Kinabibilangan ang banda nina Pepe Smith, Mike Hanopol, Wally Gonzales at Chino de Dios na nagpasikat ng pinoy rock at masining nilang naiugnay sa kanilang mga awit ang mga usapin hinggil sa isyung panlipunan.
SA PAGLAYA NG
MUSIKANG MAKA
BAYAN
HABANG PATULOY ANG PAG-UNLAD NG INDUSTRIYA NG MUSIKANG BANYAGA, PATULOY NAMANG NASA LAYLAYAN NITO ANG MGA MUSIKANG MAKABAYANG TUMATALAKAY SA MGA ISYUNG PANLIPUNAN.
“Mga kriminal ay malaya, ang nakakulong walang sala/ Ang tama ay mali, ang masama’y mabuti/ Sinungaling ang pinaniniwalaan, magnanakaw ang pinagtitiwalaan/ Sa lipunang ito sila’y pinararangalan,” sipi sa kanta ni Fabella na “Baligtad na ang Mundo” na tumutuligsa sa korapsiyon at kabalintunaan sa lipunang pinagdamutan ng katarungan. Si Fabella ay isang mang-aawit ng Musikang Bayan at Sining Bulosan – grupong pangkultura ng Migrante. Matalas ang kritisismo ng kanyang mga awitin sa mga katiwalian at kawalan ng hustisya sa bansa. Lakas-loob din niyang inaawit ang mga paksa ng karalitaan, kawalang kapayapaan dahil sa militarisasyon sa kanayunan at higit sa lahat – ang paggamit ng lakas paggawa bilang produkto o kalakal panluwas ng gobyerno.
JOEY AYALA: KATUTUBONG HIMIG “Hindi maiwasang maalipin sa papel/ Diwa mo’t damdamin ay linawin sa papel/ Kapag ang iyong hangarin ay sa papel itapat/ Ito ang susundin ng kaganapang iikot sa papel,” saad ng isang awit ni Ayala at Gloc 9 na itinatampok si Denise Barbecena kung saan pinunto na sa papel lahat nabubuhay at umiikot ang lipunan. Pinapaksa ng mga kanta ni Ayala ang pagmamalasakit sa kapaligiran at sa mga ganid na nagsasamantala sa kalikasan. Gumagamit siya ng mga katutubong instrumentong pangmusika sa paglikha ng mga makabayang awit na nakatutulong sa pagpapaunlad ng wika at kalinangang Pilipino. Isa siya sa haligi ng bandang “Bagong Lumad” na nagdulot ng mga alternatibong musika ng Pilipinas.
BAYANG BARRIOS: TINIG NG KABABAIHAN “Guro, guro itinuro mo ang ganda ng buhay/ Sa aking kamalayan ikaw ang tunay kong gabay/ Sa buhay na makulay, guro.” Bilang isa sa mga babaeng nagtataguyod ng musikang makabayan at lumalaban sa karapatan ng mga kababaihan, sumikat si Barrios sa paglikha ng mga kanta na tumatalakay sa kalagayan ng mga mahihirap, kababaihan, guro, musikang may pagmamahal sa bayan at awiting laging nakatuntong sa lupa na buong-buo ang sensibilidad. Ayon sa kanya, bilang lunsaran ng malayang kritisismo sa mga isyung panlipunan, ang musika ay dapat madaling maintindihan at humahaplos sa puso ng kabataan.
5 -john carlo d. evangelista
Lolita Carbon: Awit sa lupang tinubuan “Bayan ko nasan ka?/ Ako ngayo’y nagiisa/ Nais kong magbalik/ Sa iyo bayan ko/ Patawarin mo ako/ Kung ako’y nagkamali/ Sa landas na aking tinahak.” Pagmamahal sa lupang kinagisnan ang tinatalakay ni Carbon sa kanyang mga awit. Sinisimbolo ng kanyang awit na “Pagbabalik” ang pagmamalasakit sa pamamagitan ng pagtalakay sa kalagayan ng mga Pilipinong tumutungo ng ibang bansa dahil sa kahirapan sa sariling bayan. Naniniwala si Carbon na mabisang kasangkasapan ang musika sa mabilis na pakikipagugnayan sa karaniwang mamamayan.
Karl Ramirez: Bagong boses ng masa “Ngayon na ang panahon/ Upang isulong ang pangarap/ Na ang simpleng tao/ Ay magkakaroon ng pagbabago/ Pagbabago para sa karaniwang tao.” Sa kantang “Pagbabago sa Karaniwang Tao,” tinalakay ni Ramirez ang pangangailangan para sa tunay na pagbabago sa bansa na marapat maranasan di lamang ng iilan kundi maging ng karamihang karaniwang tao. Masidhing pag-asa ng bayan at pagbabagong huhubog sa lipunan ang isinusulong ni Ramirez sa kanyang mga awit na may estilong rock, pop at elektronik na kagiliwgiliw sa pandinig ng kabataan.
Gloc 9: Rap para sa mahirap “Kayo po na
nakaupo/ Subukan niyo namang tumayo/ At baka matanaw/ At baka matanaw ninyo/ Ang tunay na kalagayan ko,” masusing dinarikot ng kantang ito ni Gloc 9 na “Upuan” at pinunto ang pagiging korap ng mga taong nasa gobyerno. Paksain ng mga awitin ni Aristotle Pollisco o mas kilala bilang Gloc 9 ang korapsyon at kahirapan sa bansa. Madaling naipararating at naipauunawa ni Gloc 9 sa kabataan ang kanyang mga awit dahil hango ito sa tunay niyang karanasang pinaghuhugutan bilang galing din sa kasalatan. Matalas niyang sinusuri sa kanyang mga awitin ang mga isyung panlipunan habang mapangahas na nakikipagsabayan sa mainstream kahit na progresibo ang estilo ng kanyang mga awit.
Joel Malabanan: Musikero ng Normal “Sariling wika ang siyang magpapalaya/ Sa sambayanang gapos ng tanikala,” sabi ng awit niyang “Speak in English Zone.” Kilala bilang isang ulirang guro at manunulat ngunit kilala ring may isang gitara at harmonica. Tagahanga ni Gary Granada, bilib kay Joey Ayala, nakikinig ng kanta ni Heber Bartolome at umiidolo sa musika ni Bobby Balingit. Siya ay kasalukuyang guro sa Pamantasang Normal ng Pilipinas (PNU) at nagsusulat ng mga kantang hindi pinatutugtog sa radyo tulad ng maraming mang-aawit ng mga progresibong awitin. Tinutuligsa ng kanyang mga kanta ang pagkakaroon ng kolonyal na edukasyon sa Pilipinas, pagkalulong sa social media ng mga kabataang itinuturing na pag-asa ng bayan at pamamahal sa wikang Filipino.
Unti-unting namamatay ang industriya ng musikang makabayan at naghihingalo ang mga mangaawit nito dahil sa mga musikang banyaga na mas tinatangkilik ng masa na higit na mamamasid sa sektor ng kabataan. Idagdag pa ang epekto ng mainstream media na halos tungkol sa pag-ibig ang tema sa kasalukuyan. Tanging mga Pilipino lamang ang magsasalba sa sariling kultura sa larangan ng pag-awit ng musikang makabayan at lubusang magpapalaya sa tanikalang dulot ng labis na kahirapan. Pagkamulat, pagkilos at pagbibigkis lamang ng sambayanang Pilipino ang susi upang makamit ang tunay at makabuluhang pagbabago gamit ang mga progresibong awit na papanday at hihinog sa ating lipunan na kabalikat ang sining bilang kasangkapan sa pagbubuo ng hukbong pangkultura.
Sanggunian: _____. (n,d). Si Danny Fabella ng Sining Bulosan at Musikang Bayan. www. panitikantbp.wordpress.com. Nakuha noong Hunyo 16, 2014 sa http://panitikantbp.wordpress.com/tag/musikangbayan/ Andang Juan. (2012). Ang Problema sa ‘Sirena’ ni Gloc 9. www.andangjuan. blogspot.com. Nakuha noong Agosto 4, 2014 sa http://andangjuan.blogspot.com/2012/08/ang-problema-sasirena-ni-gloc-9.html
MUSIKA SIYENTIPIKO
MAKABAYAN
MAKAMASA
ink your pen, serve the people!
FINANCIAL REPORT FIRST SEMESTER A.Y. 2014-15
6
Cash Beginning Balance: 5, 758.25 Cash Received: 360,000 Cash from Liyab’14 (IGP): 33,636.20 Total Cash Available: 399,394.45
EXPENSES 389,334.82 Printing: 217,600 Operational Expenses: 5,857 Staff Development: 17,023.27 Office Supplies: 26,983.75 Liyab’14: 93, 879.55 Lunduyan ’14: 10,885 Literary Seminar: 17,106.25
Cash Ending Balance: 10,059.63
SAMAKATUWID Konsehong Bayan
ELAINE I. JACOB Punong Patnugot
Kasaysayan na ang nagpatunay na hindi sapat ang pagpapalit lang ng mga politikong mamumuno sa bansa. Bagkus, may pangangailangang baguhin ang kasalukuyang umiiral na sistema na pinag-uugatan nang pasakit sa mamamayan.
Higit na lumala ang kalagayan ng iba’t ibang sektor sa lipunan sa limang taong panunungkulan ni BS Aquino. Ayon sa Center for Women Resources (CWR), nasa 45 kaso bawat araw ang naitatalang kaso ng karahasang pantahanan na tumaas ng 43% mula noong 2012. Tumaas din ang bilang ng naitalang kaso ng panggagahasa sa babae at bata mula 5,180 noong 2012 tungong 6,432 sa 2013. Samantala, paparami at papalubha ang kalagayan ng mga OFW nabibiktima tulad ni Mary Jane Veloso bunga nang puwersahang migrasyon at mapagsamantalang patakaran sa pag-eksport ng paggawa ng gobyerno. Sa isang banda, patuloy rin sa pagtataas ng matrikula ang mga pampubliko at pribadong pamantasan sanhi upang madagdagan pa ang bilang ng mga Tejada at Sanfuego sa lipunan na kinitil ng komersyalisadong edukasyon. Kaugnay nito ang kolonyal na uri ng edukasyong hatid ng K to 12 na sumusuporta sa interes ng dayuhan. Kontraktuwalisasyon at di nakabubuhay na dagdag sahod (15php) sa mga manggagawa habang nagmamahal ang presyo ng bilihin at singil sa mga batayang serbisyo sa kuryente, tubig at mataas na pasahe sa LRT/MRT; Laganap na militarisasyon sa mga komunidad at paaralan sa kanayunan; Lubusang panggigipit sa lupa ng mga magsasaka ng mga Panginoong May Lupa (PML); at, lumalalang kahirapan sa bansa. Ang ganitong patuloy na pambubusabos ng gobyernong BS Aquino sa mamamayan ang naghalaw ng daan na
7
buuin ang NoyNoy Out Now! (NOW!)—isang pormasyong multi-sektoral na nananawagang mapatalsik si BS Aquino sa puwesto. Tunguhin nito na magtayo ng “Transition Council”—isang konseho na bubuuin ng lahat ng organisasyon, sektor at grupong nakiisa sa pagpapatalsik kay BS Aquino at nag-aasam ng tunay na pagbabago sa sistema ng pamamahala sa bansa. Layunin ng NOW! na: (1) Lumikha ng isang komisyon upang siyasatin at usigin ang mga may pananagutan sa ‘suicide mission’ sa Mamasapano; (2) Maglatag ng mga kinakailangang reporma para sa malinis at kapani-paniwalang halalan na pipigil sa pandaraya sa eleksyon; (3) Buwagin ang sistemang pork barrel at ilantad
ang mga taong sangkot sa DAP at PDAF, pagsasabatas ng Freedom of Information (FOI) Law at whistleblowers’ protection law; (4) Pagpapatupad ng reporma sa lupa, pambansang industriyalisasyon, mas mataas na sahod, seguridad sa pagkain at batayang serbisyo sa mahihirap at gitnang-uri; (5) Muling pagsusuri sa makaisang-panig na mga kasunduan—Visiting Forces Agreement (VFA) at Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) sa pagitan ng Pilipinas at US; at, (6) Pagpapaigting ng usaping pangkapayapaan sa MILF at NDFP sa pamamagitan ng paggalang sa mga pinagkaisahang kasunduan at pag-ugat sa mga suliranin dulot ng armadong labanan.
Mabisang malulutas lamang ang paulit-ulit na suliranin kung tatanggalin ang pinakainuugatan nito. Ang pangulong nagtaksil sa bayan mapaglingkuran lamang ang interes ng among US, ay lantarang nagpapakita nang kapabayaan sa mamamayang Pilipinong nagluklok sa kanya sa puwesto. Sa ganitong kalagayan, tanging kapangyarihan ng mamamayan (sovereign will of the people) ang maaasahan upang makamit ang pagbabagong panlipunan na inaasam sapagkat isa itong lehitimong paraan upang palitan ang kasalukuyang gobyerno at isulong ang tunay na pagbabago. Sa prosesong ito, napapalakas ang tinig ng mamamayan habang napipilayan at napapahina naman ang sistemang umiiral dahil nasa kolektibong pagkilos ng mamamayan nakasalalay ang pagtataguyod ng alternatibong sistema—isang sistemang magsusulong ng mga repormang pang-ekonomiya at tunay na kalayaan at demokrasya ng bansa.
8
I LAYUNIN I. Layunin: (a) Natutukoy kung paano nagsimula ang mga suliraning pangguro; (b) Naipaliliwanag ang kalagayan ng mga guro sa bansa; at, (c) Nakabubuo ng mga hakbangin upang maiangat ang estado ng mga guro at sistema ng edukasyon sa Pilipinas.
II
BALIK-ARAL:
SWELDO NG MGA GURO
Sa kasaysayan ng Pilipinas, kailanman hindi nakaaagapay ang kakarampot na sahod ng mga guro sa papataas nang papataas na presyo ng mga bilihin. Lalo pang pinaigting ang paghihikahos ng mga guro nang tanggalin ang kanilang Cost of Living Allowance (COLA) at City Share noong 1989 nang aprubahan ni dating Pang. Corazon Aquino ang RA 6758 o Salary Standardization Law I. Bagamat may mga pagtaas ng sahod sa ilalim ng mga sumunod na rehimeng Pang. Fidel Ramos (P8,605) at Pang. Gloria Arroyo (P18,549), nananatiling humigit kumulang 50% lamang ito ng daily cost of living (DCOL). Samantala, nanatili pa ring halos naghihingalong 3% lang ng Gross Domestic Product (GDP) ang inilalaan sa badyet ng edukasyon, malayo sa internasyunal na pamantayan na 6% ayon sa UNESCO.
III
Paksa:
Kalagayan ng mga guro
Sa kasalukuyan, umabot na sa P1,050 ang DCOL para sa pamilyang may limang miyembro subalit sa loob ng limang taong panunungkulan ng rehimeng BS Aquino, ni katiting walang pagtaas ng sahod. Sa halip na dinggin ang lehitimong panawagan na pagtaas ng sahod, ipinatupad ng rehimen ang Results-based Performance Management System (RPMS) na pumipiga sa lakaspaggawa at pinupwersa ang mga guro at kawani na magtrabaho ng higit pa sa kanilang kapasidad. Sa RPMS, para magkaroon ang isang guro ng insentibo, kinakailangan niya ng 130% na awtput sa mga gawain. Bukod sa pag-uuwi at pagtse-tsek ng mga awtput ng mga estudyante na labas sa otsooras na trabaho, dagdag pasakit din sa mga guro ang Learner’s Information System (LIS) kung saan gumigising pa sila ng madaling araw upang matapos at mai-send lamang ang dokumento. Sa ganitong gana, ipinapasa ng pamahalaan sa abang guro ang gawaing kleriko tulad ng LIS sa ilalim ng ‘rationalization plan’ upang makatipid. Sa kabila ng buwis buhay na pagtatrabaho, walang pagtaas ng sahod at pagbabawas ng mga benepisyo ang tinugon ng rehimeng BS Aquino. Sa halip na dagdag sahod, ginawang P5,000 na lamang ang dating P10,000 Performance Enhancement Incentive (PEI) sa ilalim ng mapanghating iskema ng Performance-Based Bonus. Nagbubunsod ang ganitong mga polosiya ng lalong pagkakabaon ng mga guro sa utang na nagiging mitsa ng kanilang buhay. Nitong 2014 lamang, sunodsunod ang napabalitang mga guro na binaril dahil hindi makabayad ng utang. Marami rin sa mga guro ang pinipili na lang maging katulong sa ibang bansa sa halip na magbahagi ng kahusayan sa kabataang Pilipino dahil sa mababang sahod.
IV
9
PAGTALAKAY:
MGA PANUKALANG BATAS May mga batas na inihain sa mataas at mababang kapulungan bilang pagtugon sa mga suliraning nararanasan ng mga guro ng bayan. Isa dito ang ipinanukala ni Senador Antonio Trillanes IV na Senate Bill (SB) 487 na naglalayong itaas ang Salary Grade (SG) ng mga guro patungo sa SG20 kung saan makatatanggap ang mga ito ng 36,567php. Ngunit sa kabila nito, ipinanukala rin ni Trillanes IV ang SB 1689 o ang “Salary Standardization Law IV” na naglalayong itaas din ang sahod ng mga nasa katungkulan sa gobyerno tulad ng sa pangulo na mula sa kasalukuyang 120,000php kada buwan ay gagawin ng 500,000php. Kung susuriin, tanging mga nasa matataas na posisyon lamang ang may pinakamalaking ganansya sa iskemang SSL. Sa panukalang SSL IV tulad ng mga naunang SSL i-III, halos 60-80% lamang ang itataas ng sahod ng mga nasa Salary Grade 1-20 habang umaabot naman sa 200-300% ang itataas ng sahod ng mga nasa matataas na posisyon sa pamahalaan tulad ng mga mambabatas at pangulo. Samakatuwid, isa lamang pagpapakitang-tao ang panukala ni Trillanes IV na itaas ang sahod ng mga guro dahil ang tunay niyang hangarin ay itaas ang sahod ng may katungkulan sa gobyerno. Sa kabilang banda, ayon kay Rep. Antonio Tinio ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), hindi naayon sa Magna Carta ang kasalukuyang sahod ng mga guro. Insulto ring maituturing ang pananatili ng ‘noble profession’ bilang isa sa may pinakamababang sahod (P18,549) na natatanggap, mas mababa pa sa P21,709 kada buwan na natatanggap ng isang nagtapos ng hayskul at pumasok sa Philippine Military Academy. Kaya naman, inihain ng ACT ang House Bill (HB) 245 na nagmumungkahi na itaas ang sahod sa 25,000php para sa mga guro at 15,000php para sa mga kawani ng gobyerno nang matamasa ng magigiting na manggaawa ang disenteng pamumuhay. Kaugnay nito, layunin naman ng isa pang panukalang batas— ang HB246 na itaas ang sahod ng mga guro mula SG12 patungong SG16.
V PAGLALAGOM:
ANG GURO NG BAYAN Sa loob ng limang taon, ang tanging sagot lamang ng rehimeng BS Aquino ay ‘walang sapat na pondo’ at/o ‘pag-aaralan pa’ sa mga nakahain na batas kahit na malinaw na malaking bahagdan ng pondo ng bayan ang nalulustay lamang sa korapsyon sa ilalim ng DAP at PDAF. Hindi biro ang trabaho ng isang guro dahil sa boses, pagod, dugo’t pawis ang inilalaan nila upang mabigyan ng kalidad na edukasyon ang kabataan. Ngunit sa kabila nito, nagbibingi-bingihan ang pamahalaan sa mga hinaing ng mga guro sa mga kakulangan sa silid-aralan, libro at nakabubuhay na sahod na mga problemang kinahaharap ng mga paaralan taon-taon na lalong nagpapaigting sa mga guro ng bayan upang tumindig at ipaglaban ang kanilang mga karapatan.
BANGHAYARALIN SA KALAGAYAN NG MGA GURO SA PILIPINAS -John Reinz R. Mariano
vi
takdang-aralin:
sapat na pondo sa edukasyon at dagdag na sahod para sa mga guro
“Hindi makaaapekto ang pagtaas ng sahod ng mga guro sa pagbabawas ng kabuuang badyet ng bansa,” wika ni France Castro, Secretary-General ng ACT. Kung tutuusin, barya lamang ito sa mga naibubulsa ng mga korap na opisyales ng pamahalaan. Marapat lamang na kilalanin at pangalagaan ng pamahalaan ang karapatan at kapakanan ng mga guro dahil sila ang tagapagtaguyod ng mga susunod na henerasyon. Marapat lamang ibigay ng pamahalaan ang lehitimong panawagan na dagdagan pa ang badyet sa edukasyon upang mapunan ang mga pangangailangan hindi lamang ng mga guro kung hindi maging sa kabuuang sistema ng edukasyon sa bansa.
Sanggunian: Bacani, L. (2014). Senate bill raises salaries of President, lawmakers to curb corruption. Philippine Star. Nakuha noong Hunyo 12, 2014 sa from: http://www.philstar. com/2017/04/30/1317823/senate-bill-raises-salaries-president-lawmakers-curb-curruption/ _____ (2014). The True Abandonment. Philippine Daily Inquirer. Nakuha noong Hunyo 11, 2014. sa http://opinion.inquirer.net/75280/the-true-abandonment/
10
kulapu
Hinggil sa uri ng sining na marapat mamayani sa PNU Deadline. November 24, 2014 ang huling araw ng pagpapasa ng entri at ang lahat ay nagkukumahog sa paglikha at pagkikinis ng mga akda. Type. Revise. Edit. Print. Buntong-hininga. Kinakabahang isinisilid sa brown envelop ang yaring produkto ng kanilang sining. Huling inilagay ang pormularyo na pagkakakilanlan ng kanilang eye bags, kalyo, tagyawat at puyat. At habang hinihintay ang araw ng paghuhukom, nakalutang sa ere ang hininga ng lahat. Ngunit tatlo lang ang itinatanghal na pinakamahusay at maliit na halaga lamang ang napapanalunan. Taon-taon ay dumadami ang mga lahok na akda. Ito ba’y indikasyon ng pag-unlad ng kamalayang pansining ng PNUan o ito ay manipestasyon ng paglahok sa ngalan ng sertipiko?
Samu’t saring patimpalak sa pagsulat, pagkanta, pagsayaw at pagguhit ang sinasalihan ng mga mag-aaral sa PNU. Iba’t ibang organisasyong panteatro na ang nakapagtanghal sa loob at labas ng pamantasan. Hindi mabilang ang mga pagkilalang natatanggap ng pamantasan dahil sa talent ng mga mag-aaral na nagkakamit ng karangalan sa mga kompetisyon sa iba’t ibang larangan. Kaya, hindi na mainam na tanungin pa kung may umiiral na sining sa loob ng pamantasan, sa halip, isang kahingian na sagutin na lamang ang isang tanong na susukat sa kalagayan ng sining sa PNU: Anong uri ng sining ang marapat na mamayani sa PNU? A) Sining na laan sa sining. B) Artipisyal C) Sining na naglilingkod Kung ang sagot ay letrang A— sining na laan sa sining. Balikan natin ang panunuligsa ni Gelacio Guillermo, makata at aktibistang tubong Hacienda Luisita na sumibol sa panahon ng batas militar, sa pahayag ni Virgilio Almario na ‘bagahe ang politika sa pagtula.’ Ayon kay Guillermo, “Ang kanyang (Almario) pagpapauna sa mga konsiderasyong pansining ay may epektong pakitirin ang halaga ng malalaking kategorya tulad ng linyang pampolitika at islogang ‘mula sa masa, tungo sa masa’.” Pinabubulaanan ng dis-
kurso ni Guillermo ang inilalakong kahulugan ng mga modernista na ang sining ay laan lamang para sa sining. Marapat itong iwaksi sa isip dahil bago pa man maging artista ang isang PNUan, siya ay iskolar ng bayan. May bahagi ng buwis ng mamamayan ang ibinabayad sa kanyang pagaaral sa PNU, kaya, marapat na ang pinaglilingkuran ng sining niya ay ang kapwa, hindi lamang ang sarili at sining. Kaya dadako tayo sa letrang B— artipisyal. Taliwas
sa wasto nitong kahulugan bilang sining na naglalarawan sa kalagayan ng lipunan o ‘social realism’, lumaganap ang konotasyon ng tao sa salitang ‘artipisyal’ bilang sintetikong anyo ng sining. Mapupuna natin ang kakulangan sa “pagiinternalize” ng aktor, makata, pintor, mananayaw at mangaawit kung babatay lamang ang artista sa kanyang iskema. Kung pagbabatayan ang uring kinabibilangan ng mga PNUan— mga anak ng propesyonal, manggagawa at iilang magsasaka, ang danas ng isang artistang PNUan ay hindi sasapat kung wala siyang aktwal na paglubog sa mga batayang sektor na hindi niya pinagmulan. Sa pamamagitan ng malalim na pagsusuri sa krisis ng mahihirap na paksa ng inihahain nating sining, madaling maipapaloob ang kanyang mensahe sa looban ng damdamin ng kanyang pinag-aalayan, sa pamamagi-
Jolly M. Lugod tan nito, maiaalis natin sa pagpipilian ang artipisyal na paglikha. Sa huli, bigyang pansin ang letrang C— sining na naglilingkod. Tumindig ang alyansang Sining ng mga Nagkakaisang Guro (SINAG) sa pangunguna ni Zainorah Odzong, Socio-Cultural Committee Chair ng PNU-SG (201415) upang yakapin ang mga organisasyong nagtataguyod ng sining sa pamantasan. Matatandaang kaisa ang SINAG sa pangkulturang pagtatanghal ng sining na inalay sa mga biktima ng militarisasyon at pagpapalayas sa mga Manobo, dagliang pagtatanghal sa luncheonette tungkol sa pagtuligsa sa LRT/MRT fare hike at sama-samang pag-indak sa One Billion Rising for Justice and Accountability. Ayon kay Odzong, “Layunin ng SINAG na itaas ang antas ng sining sa PNU, hindi upang maging abstraktong hindi nauunawaan kundi upang magagap ng mga pinaglilingkurang PNUan at upang buhayin ang nagkakaisang makabayang talento ng mga kasapi sa iba’t ibang larangan.” Muli, mabuting balikan ang esensya ng sining na naglilingkod higit sa sining at sarili. Isang hakbang lamang ang gugugulin upang yakapin ang sining ng mamamayang pinagsasamantalahan, at dito dapat pumanig ang sining na malilikha ng mga artista at iskolar ng bayan.
BLANK SPACE
SIGLO
Ano ang naramdaman kong konkretong ginawa ng Legislative Body?
11
Ian Harvey A. Claros
12
WASAK NA TAHANAN WAKAS NA KINABUKASAN.
CHAOS
Buldoser na sumasagasa sa karapatan at wumawasak sa kabahayan, kabuhayan at pangarap ng taumbayan ang demolisyon sa Agham Road, Brgy. North Triangle, San Roque, Quezon City. Tinatayang 65B php ang nagastos para sa 11.3 metrong daan at pagpapalawak ng mga kanal ang isinasagawa ng QC Central Business District ng Ayala Land, Inc. (ALI) at National Housing Authority (NHA). Habang patuloy na tumataas ang bilang ng mga walang tahanan, patuloy naman ang pagtatayo ng malalaking gusaling nagpapalayas sa mga maralitang lungsod.
Destruction behind construction -Joanah pauline l. macatangay
Plano ng ALI at NHA, mga panginoong may lupa (PML) na gawing sentro ng industriyalisasyon ng kapitalismo ang lungsod ng Quezon tulad ng Makati sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga opisina, hotel, kondominyum at iba pang negosyo sa loob ng sampung taon. Makatutulong daw ito upang mabigyan ng oportunidad ang 200,000 manggagawa sa bansa. Subalit, iilan lamang ang makikinabang dahil kakaunti lang ang mga nakapagtapos ng kolehiyo na maaaring makapasok sa trabahong hahanapin ng kompanya. Samakatwid, dahilan lamang ito ng mga kompanya upang kumita at matuloy ang kanilang plano upang hindi makatulong sa mga nawalan ng tahanan ang ipatatayong mga establisyemento.1
1
Bagama’t isinasaad ng Artikulo XIII Seksyon 10 ng Urban Reform and Land Housing (URLH) ng 1987 Konstitusyon ng Pilipinas na hindi maaaring magkaroon ng demolisyon sa lugar ng maralita, maliban na lang kung iniuutos ito ng batas sa paraang makatarungan at makatao, kabaligtaran naman ito ng nagaganap sa mga lugar na dinedemolis nang dahil sa kalupitang naranasan ng mamamayan sa kamay ng mga pulis, Special Weapons and Tactics (SWAT) at grupo ng mga nagde-demolis. Kabilang na rito ang pagpapasabog ng tear gas at kanister laban sa barikada ng mga residenteng pinoprotektahan ang kanilang mga tahanan. Kapansin-pansin din ang layunin ng mga grupong itong padanakin ang dugo ng mamamayan habang binabalewala ang hinaing ng mga ito. Tinatayang 13 ang inaresto, 44 ang sugatan at 309 ang nanganib ang buhay kabilang ang mahigit 100 kabataan na walang pakundangang pinakitaan at tinutukan ng baril at pangingikil ng 500 php sa pagpapaayos ng kanilang mga tahanan.Samantala, 100 gwardya ang nananakot at nanggugulo sa buong komunidad sa mga residente ng North Triangle na maituturing na labag sa batas at karapatang pantao. Manipestasyon lamang ng karahasan ng mga pulis laban sa mamamayan ang uri ng gobyernong pinamumunuan ni BS Aquino.
13
COR PORA TION
SANGGUNIAN: Janess Ann J. Ellao. North Triangle residents lose homes to demolition, decry overkill. Nakuha noong Hulyo 25, 2014 sa http://bulatlat. com/main/2014/01/27/north-triangle-residentslose-homes-to-demolition-decry-overkill/ . North Triangle residents say ‘It’s payback time’. Nakuha noong Hulyo 25, 2014 sa http://kadamaynatl.blogspot.com/2014/02/north-triangle-residents-say-its.html.
mga larawan mula sa pinoy weekly
Patuloy na nasisira ang tiwala ng mamamayan sa ‘tuwid na daan’ ni BS Aquino. Unti-unting inilalayo ang trabaho ng mamamayan at edukasyon ng kabataan dahil sa relokasyong malayo sa kabuhayan ng naapektuhan ng demolisyon. Kakarampot na barya lamang ang kinikita ng manggagawa sa araw-araw at hindi sasapat sa pangangailangan ng kani-kanilang pamilya dahil sa distansya nito sa kanilang kabuhayan. Dagdag pa rito, daan-daang kabataan ang napipilitang lumipat ng paaralan sa alanganing sitwasyon at panahon. Lalo pang nagpapasidhi sa kalagayan ng mamamayan ang hindi makatarungang paglilipat ng kabahayan sa Bulacan at Rizal dahil bukod sa mahina ang kalidad ng mga tahanan, niyayanig din ang kaligtasan ng mga pamilya sa walang maayos na linya ng kuryente at tubig.
Ayon kay Sevillano Luna, Jr. ng Anakpawis Partylist, iligal ang planong demolisyon sa North Triangle sapagkat lumampas na sa takdang panahon na dapat maiabot sa mga residente ang babala ukol dito at wala ring utos mula sa korte ang ibinaba sa mga residente. Isinasaad sa Republic Act 7279 o ang Urban Poor Development and Housing Act (UDHA) ang pagsulong ng kapakanan at karapatan ng mamamayan sa komunidad ngunit ito pa ang ginamit na kasangkapan ng PML upang apihin ang mga pamilyang sakop ng demolisyon.
Patuloy mang tinatapalan ng aspalto ni BS Aquino ang ipinagmamalaking ‘tuwid na daan,’ nananatili pa ring nakalubog sa kanal ang mga paa ng libo-libong maralitang pamilya sa bansa. Kung totoo ang pangako ni BS Aquino sa malinis na pamamalakad sa bayan, nararapat niyang iangat ang antas ng pamumuhay ng taumbayan. Mamamayan muna bago ang interes ng mga kaalyado niyang negosyante. Hindi nararapat na palayasin ang mamamayang hikahos sa ngalan lamang ng industriya ng kapitalismo. Nararapat pagtuunang pansin ng pamahalaan ang pagbibigay ng mga programang pangkabuhayan sa mahihirap upang matugunan ang kanilang mga pangangailangan. Dahil kung hindi kikilos ang rehimen ni BS Aquino, taumbayan ang kikilos upang tibagin ang tuwid na dahas upang tumindig at hindi matakot na ipaglaban ang karapatang pantao.
14
BAKWET
ZHEN LEE M. BALLARD Patnugot sa Pamamahala
Sa kasaysayan, sila ang natatanging bayaning nagtagumpay sa paglaban at pagtaboy sa mananakop sa loob ng halos apat na siglo. Ngunit sa kasalukuyan, sila ang tinataboy at binababoy ng kapwa Pilipino sa basbas ng mga dayuhang monopolyo kapitalista. “Bakwet” na nag-ugat sa salitang ‘evacuate’ ang tawag sa mga katutubong nagaalsabalutan dala ng matinding militarisasyon sa kanilang lugar. Madalas mapanuod sa mga dokumentaryo ang kanilang masigasig na paggising nang maaga, paglalakad ng kilo-kilometrong layo sa loob ng tatlo hanggang anim na oras, at pagtawid sa mga ilog at bundok para lang makapasok sa paaralan. Kabilang dito ang 13 batang Manobo na naglakbay mula Talaingod, Davao Del Norte tungong Maynila bitbit ang panawagang “Libro hindi bala, edukasyon hindi gera” sa ilalim ng “Og iskwela puron!” o “I wish to go to school” cultural caravan noong Nobyembre 2014. Sa kasawiang palad, walang ginawang aksyon ang gobyerno upang magtayo ng mga paaralan malapit sa kanilang komunidad kung kaya’t nagsumikap ang mga katutubo sa tulong ng iba’t ibang non-government organizations (NGOs) na magtayo ng sariling paaralan sa iba’t ibang bahagi ng Mindanao. At isa sa mga matagumpay na naitayo ang Salugpungan Ta ‘Tanu Igkanugon (Unity to Defend Our Ancestral Land) Community Learning Center (STTICLC) kung saan nag-aaral ang 13 batang Manobo. Sa kabila ng matinding pagsusumikap ng mga katutubo na magtamo ng edukasyon, matinding militarisasyon sa kanilang komunidad ang tinugon ng manhid at pabayang administrasyong BS
Aquino. Sa halip na bigyan ng paaralan, libro at serbisyong pangkalusugan, dineploy nito ang 60% pwersa ng sundalong Pilipino sa Mindanao upang maghatid ng ‘kapayapaan’ at ‘kaunlaran.’ Ngunit hindi kapayapaan ang hatid ng Oplan Bayanihan, bagkus matinding takot at tiyak na kamatayan para sa mga katutubo. Ayon mismo sa 13 batang Manobo na nagtungo sa PNU noong Nobyembre 2014, madalas hindi sila nakapapasok o nakapagpopokus sa mga aralin dahil sa takot sa mga militar sa kanilang paaralan. Malinaw na paglabag ito sa international humanitarian law, Republic Act 7610, sa mismong panuntunan ng operasyong militar (Letter Directive No. 25 of 2013) at ng mismong Memorandum No. 221 ng Department of Education – mga batas na nagbabawal sa paggamit ng mga paaralan sa kahit anong operasyong militar. At nitong Marso 2014, bunga ng pagkakampo ng mga militar sa mismong eskwelahan na ginagawang mistulang barracks, muling napilitan na pansamantalang lisanin ng mga batang Manobo ang kanilang paaralan kasama ang 1,700 katutubo tungong Davao City upang iligtas ang mga sarili sa tiyak na kapa-
hamakan. Ngunit hindi nakaligtas ang isang sanggol at matandang binawian ng buhay na hindi kinaya ang hirap ng malayong paglalakbay. Sa kasalukuyan, may 214 naitalang kaso ng paglabag sa karapatang pantao ng mga militar sa Mindanao pa lamang kasama rito ang kaso ng dinukot na isang volunteer teacher noong Marso 27, 2014. Bukod pa rito, matinding dusa rin ang dinaranas ng mga bakwet sa mga evacuation center. Maraming bata ang nagkakasakit at namamatay dahil sa diarrhea at nakakaranas ng matinding trauma. Lalong hindi kaunlaran ang hatid ng mga militar sa ilalim ng Oplan Bayanihan. Sa katunayan, ito pa ang sanhi ng pagkawala ng kanilang kabuhayan. Hindi makapagsaka at makapangaso ang mga katutubo dahil sa pagbabawal ng mga militar na abutin ng dilim sa bukid ang mga katutubo, agad na binabaril at pararatangang NPA o taga-suporta ng mga rebelde ang sinumang mahuhuling magsaka ng gabi. Tila malawakang masaker din ang ginagawang pambobomba sa kanilang komunidad. Pinakahuling pambobomba na naitala sa Talaingod noong Marso 20, 2014 na sumira sa tahanan at taniman ng mga Manobo.
Hindi maikakailang sagana ang Mindanao sa likas na yaman. Hindi na rin maikukubli ang tunay na mukha at layunin ng Oplan Bayanihan – ang tuluyang palayasin ang mga katutubo sa kanilang komunidad upang magbigay daan sa mga malalaking dayuhang kompanya ng minahan. Taong 2008 pa lamang, marami nang kompanya ang nagsumite ng aplikasyon para galugarin ang Pantaron Range sa Davao – isa sa natitirang mayabong na kabundukan sa Pilipinas na hanggang ngayon, hindi pa rin lubusang nagagalugad dahil sa samasama at matinding pagtutol ng mga katutubo. Mahaba na ang listahan ng inutang na dugo ng mga nagdaang rehimen at ni BS Aquino. Ipinapakita lamang ng listahang ito, na kailanman hindi hinangad ng gobyerno na maghatid ng ‘kapayapaan’ at ‘kaunlaran’ sa magigiting nating katutubo. Ngunit mas mahaba ang kasaysayan ng pakikipaglaban ng mga tinaguriang ‘bakwet’ sa ngalan ng tinubuang lupa. Kung kinaya ng mga katutubong itaboy ang mga dayuhan noon, kakayanin din nilang pagtagumpayan ang laban ngayon kahit gaano kahaba at kalayo pa ang kanilang lakbayin kung kasama nila ang mas malawak na hanay ng sambayanan.
abnOrmal
SINUG-ANG
15
Kataga para sa maralita Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz Kawaksing Patnugot sa Pamamahala
Kapal ng mukha at lakas ng loob ang taglay ng administrasyong Aquino sa pagsalubong kay Pope Francis, di nito alintana ang mga aral at katagang iniwan ng Santo Papa sa pagpapataas ng moral ng sambayanang naghihirap at pagpuksa sa mga korap na opisyales na nasa kapangyarihan.
“We can’t act towards change without seeing things from the eyes of the poor.” Kinilala bilang “Pope of the Poor” si Pope Francis dahil malapit ang kanyang puso sa mga maralita. Ayon sa IBON foundation, sa ilalim ni BS Aquino, 2.6M katao sa Metro Manila ang kabilang sa maralitang taga-lungsod at makikita ang kawalan ng sinseridad ng pamahalaan sa pagsupil sa kahirapan dahil noong kasagsagan nang nagbisita si Pope Francis sa bansa, itinaboy ng Department of Social Werlfare and Development (DSWD) sa pangunguna ni Dinky Soliman ang mga pamilyang nakatira sa lansangan kasama ng paghahanda sa pagdating ng Santo Papa at dinala sa isang eksklusibong resort sa Batangas. Ayon kay Soliman, parte raw ito ng proyekto ni BS Aquino na Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4P’s) ngunit nakapagtatakang itinaon ito sa
araw ng pagdating ng Santo Papa. “Break the bonds of injustice and oppression which give rise to social inequalities” Maraming batas at polisiyang ipinatupad sa kasalukuyang administrasyon ang lumilikha at patuloy na nagpapahirap sa mamamayan. Isa ang K to 12 sa mga polisiyang naglalayon na magluwal ng mga ‘semiskilled’ workers at ikakalakal ang mga gradweyt sa ibang bansa. Sa kabilang banda, iilan lamang ang nakakapagaral at makakapagtapos sa kolehiyo dahil sa patuloy na pagkakaltas ng mga badyet sa state universities at colleges (SUCs’) habang patuloy rin ang labis na pagtaas ng matrikula at iba pang bayarin sa mga pribadong unibersidad. Dahil dito, iilan lamang ang nakakapagtapos sa pagaaral samantalang patuloy na
nasasadlak sa kahirapan ang mga hindi nakakatungtong sa paaralan. “Corruption is something everyone must fight against.” Lumikha ng ingay ang Pork Barrel scam ng administrasyong Aquino sa bansa. Sa paglabas ni Janet Lim Napones at pagsisiwalat ng maanomalyang paggastos ng mga politiko sa pamamagitan ng Disbursement Acceleration Program (DAP) at Priority Development Assistance Program (PDAF). Ayon sa IBON foundation, si BS Aquino ang kasalukuyang may pinakamalaking Pork Barrel na may halagang Php 21.5 bilyon na inilaan sa mga kwestyunableng proyekto at ang paggastos sa Malampaya Fund.
“Collective Action is the key to change the society” Pagwaksi sa korapsyon at kahirapan – Ito ang malaking hamon sa Pilipinas at sa administrasyong BS Aquino sa pagbisita ng Santo Papa sa bansa. Hindi maipagkakaila at maitatago sa Santo Papa at buong sambayanan ang kahirapan sa bansa. Ayon sa Santo Papa, “Collective action is the key to change the society”, na sa isang lipunang puno ng inhustisya at pang-aapi, marapat lamang na tumindig at lumabas sa likod ng mga barongbarong ang mamamayan upang isiwalat ang tangan na baho ng adminstrasyong BS Aquino na patuloy na sumusupil sa mga karapatan ng mamamayan. Vesi publisquam Romni te, comne cae, comanum e
16
Sa pilas ng kasaysayan, naging madilim na bahagi para sa mga magsasaka at manggagawang bukid ang naganap na masaker sa Hacienda Luisita noong 2004, pito ang nagbuwis ng kanilang buhay para sa 6. 453 ektaryang lunsaran ng pawis at dugo. Naging hudyat ito ng sunod-sunod na serye ng pakikibaka ng mga magsasaka laban sa pamilya CojuangcoÂŹâˆ’Aquino na patuloy na nagkakait sa lupang kanilang hinahangad.
Panahon din ito ng patuloy na pagpapalusot ng pamilya Cojuangco-Aquino ng land conversion na lalong nagdulot ng pagbabawas ng trabaho sa paggawa ng mga manggagawang bukid at 1 o 2 na lamang ang pasok sa isang linggo na kumikita ng P194.50 kada araw na pumapatak na lamang bilang P9.50 dahil sa kaltas at utang na pagkakasyahin ng 4 o higit pang miyembro sa pamilya.
III Noong 1957, binili ni Jose Cojuangco Sr. ang Azucarera de Tarlac at Hacienda Luisita sa TABACALERA (isang korporasyong Espanyol) na binubuo ng 6,453 ektarya ng lupain na may 11 barangay. Nagmula ang pera mula sa pautang ng Bangko Sentral ng Pilipinas at GSIS na may kondisyong ipamamahagi ang nasabing lupain sa mga maliliit na mangggagawang bukid pagkalipas ng 10 taon. Ngunit halos tatlong dekada na ang nakararaan, pagmamay-ari pa rin ng Cojuangco ang Hacienda Luisita.
I
Nagwagi noong 1985 ang mga manggawang bukid sa Hacienda Luisita sa pagsampa ng kaso sa pamilya Aquino-Cojuangco sa Regional Trial Court ng Maynila. Ngunit lalong humigpit ang kapit ng kanilang angkan nang maluklok noong 1986 si Cory Cojuangco-Aquino sa pagkapangulo na isang inkorporador ng Tarlac Development Company (TADECO) at nagpatupad ng batas na Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP) na nagsasaligal ng pag-aangkin nila ng lupa. Samantalang ipagkakaloob sa mga manggawang magbubukid ang Stock Distribution Option (SDO) na sapilitang nagtutulak sa kanila sa paggawa at pagbabayad ng upa bilang banta sa pagkawala ng trabaho sa tubuhan pero tanging kasunduang papel lamang ang natanggap sa halip na lupa. Nakasaad din sa SDO na 4, 915 ektaryang lupaing pangagrkultural lamang ang idineklara nito samantalang may kabuuang bilang itong 6, 453 ektarya upang maipatayo ang kanilang mahigit 1, 000 libong ektaryang lawak ng korporasyon tulad ng TADECO, Luisita Realty Corporation (LRC) and Central Azucarera de Tarlac (CAT).
II
Dahil sa maanomalyang batas, nabuo at natutong lumaban ang Central Azucarera de Tarlac Labor Union (CATLU) na binubuo ng 600 manggagawang bukid at United Luisita Workers Union (ULWU) na binubuo ng 5,000 miyembro. Ilan sa inilatag nilang pangangailangan sang-ayon sa binuong Collective Bargain Agreement (CBA) ay ang nakabubuhay na sahod, mga benepisyo, dagdag na araw ng paggawa, pagrepaso sa SDO at pagsasatigil ng land conversion.
IV
Bunsod nito, sa halip na kausapin ng pamilyang Cojuangco-Aquino ang dalawang unyon, ipinalaganap nito ang union busting o pagbubuwag ng unyon sa pamamagitan ng pagpapatalsik ng 326 manggagawang bukid kasama ang presidente ng ULWU, bise presidente at pito pang opisyal nito.
V
Ika-6 at 7 ng Nobyembre, 2004 nang magwelga ang pinagsanib na CATLU at ULWU sa Gate 1 at 2 ng Azucarera. Pilit binuwag ng daan-daang pulis sa pamumuno ng Northern Luzon Command Director Gen. De la Torre at Police Superintendent Sunglao ang libolibong manggagawang bukid ngunit nanatiling matatag ang piket ng mamamayan. Sumuporta ang 10 barangay sa welgang bayang ito. Sa halip na kausapin, kinatuwang ang dating Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary na si Patrcia Santo Tomas upang ibaba ang Assumption of Jurisdiction para pigilin ang anumang welga, malayang makapaggamit dahas at pagsagasa sa karapatang magwelga, due process at kalayaan sa pagtitipon.
VI
17
-MARYSILDEE V. REYES -KEVIN P. ARMINGOL
Ika-15 ng Nobyembre, 2004, sa ikatlong pagkakataon, muling nabigo ang pamilya Cojuangco-Aquino sa pagbuwag sa hanay ng mga manggagawang bukid. Kaya nang sumunod na araw, matapos makipagnegosasyon ni Jose “Peping” Cojuangco Jr. sa mga lider ng CATLU at ULWU, nagpadala ng 10 trukckload, at 2 armored personnel si Peping bilang pagsalungat pinagkasunduan sa pagitan ng mga lider ng unyon. Matapos muling maipakita ang katatagan ng mga manggagawang bukid, alas tres noon nang magpaputok mula sa hanay ng pulisya at mga militar habang mga nakatakip ang mga bibig ng bimpo, panyo at naka-bonnet ang karamihan sa manggagawang bukid at wala ni anumang armas o baril. Sa pagpapaputok ng mga pulis at militar, 7 ang ikinamatay, 40 ang tinamaan ng bala, tear gas at pamalo. mahigit kumulang ng 112 ang inaresto.
VII
Makalipas ang 8 taon, naglabas ng pinal na hatol ang Korte Suprema noong ika-24 ng Abril, 2012 na nagtatakda sa pamilyang Cojuangco-Aquino na ipamahagi ang mahigit na 4,000 libong ektarya sa mga manggagawang bukid. Makalipas ang dalawang taon, nagbigay ng 125 na diskwalipikang benepisyaryong manggagawang bukid ang Department of Agrarian Reform (DAR) sa pangunguna ng Katuwang na Kalihim na si Dennis Barrantes dahil hindi pumirma at nagsumite ang mga ito ng Affidavit of Purchase at Farmer’s Undertaking (Afpu) bilang isa sa obligasyong nakasaad sa CARP na pagbabayad ng amortisasyon.
VIII
iX
Bilang pamasko ng pamilya Cojuangco-Aquino sa mga manggagawang bukid sa Hacienda Luisita bago magtapos ang taong 2013, binuldoser nito ang mga tubuhan kanilang ginagapas na tanging pinagkukunan ng hanapbuhay ng kanilang pamilya at patuloy sa pagsesemento ng mga malalawak na tubuhan upang pagtayuan ng mga commercial complex at commercial centers.
X
Sa dekadang lumipas, daan taon ding pakikibaka ang tugon ng mga magsasaka at manggagawang bukid ng Hacienda Luisita na bahagi ng kabuuang kalagayan ng bansa sa usapin ng tunay na reporma sa lupa na ‘di natutugunan magpalit-palit man ng mukha ang namumuno sa pamahalaan hangga’t hindi inuugat ang tunay na problema ng mga mamamayan. Mga hasyenda at tanimang dahilan ng di mabilang na karahasan at pamilyang naulila sa mga buhay na pinaslang. Tiyak patuloy pa ang paghihirap ng mga magsasaka at manggagawang bukid kung walang titibag sa tigang at matigas na lupang humahadlang sa pagkamit ng katarungan para sa kanila na nagmulat at nagpikit ng mga mata sa lupang ipinangako. At darating din ang panahon na sa mga tubuhan at palayan ding ito babangon ang malaon nang nakaumang na karit na nakahimlay sa bawat dibdib ng mga magsasaka’t manggagawang bukid.
SANGGUNIAN: ________.(2014). The Truth about Hacienda Luisita and the Cojuangco-Aquino Family (in Simple English). Nanuha noong Hulyo 22, 2014 sa http://truthsayer.tumblr.com/post/437345866/the-truth-about-hacienda-luisita-and-the Cojuanco-Aquino Family Arador,Russell.(2014). Life once ‘sweeter’ at Hacienda Luisita. Nakuha noong Hulyo 22, 2014 sa http://newsinfo.inquirer.net/inquirerheadlines/nation/view/2007050464019/Life_once_%91sweeter%92_at_Hacienda_Luisita Quijano, Ilang-Ilang,(2014). Hindi pa tapos ang laban’ para sa Luisita. Nakuha noong Nobyembre 28, 2014 sa http://pinoyweekly.org/ new/2012/05/hindi-pa-tapos-ang-laban-para-sa-luisita/.
larawan mula sa IBON FOUNDATION
-mga istap
Larawan at kalagayan ng mga manggagawa sa pamantasan
Feature Picture 18
Mang Boy
Ate Julie
Ate Lydia
Ate Susan
Ate Marie
mga larawan ni arbie lucky tan
Hindi lamang ang mga estudyante ang pumapasok sa pamantasan kundi maging ang mga manggagawang sa PNU napiling maghanapbuhay. Kung ang isang mag-aaral ay gumugugol lamang ng apat na taon ng pagaaral, ang mga manggagawa na ito’y hindi nakatitiyak kung hanggang kailan titigil sa paggawang kontraktwal. Arnulfo “Mang Boy” Pineda 51 taong gulang Administrative Assistant Taong 1980 nagsimulang magtrabaho bilang manggagawa sa PNU si Mang Boy. Isa siyang Administrative Assistant dahil sa mandato ng DBM na naglalayong gawing maalam sa lahat ng aspekto ang lahat ng manggagawa. “Na-assign ako sa records, ‘yung iba sa technical at messenger. Pinantay lahat ng gawain at pinagsama-sama at ginawa na lang na administrative aid para multi-skill.” Tatlo ang anak na lalaki ni Mang Boy at kahit kapos, napagtapos niya sa PNU ang dalawa dito. “Alam mo naman ang salary ng gobyerno, kung ‘di ka madiskarte, kakapusin ka. Lalo na sa panahon ngayong tumataas ang bilihin.”
Julie Ann Gonao 27 taong gulang Dyanitor Taong 2011 nang pumasok si Julie sa PhilCare bilang tagalinis ng palikuran at iba pang pasilidad sa PNU. Kada buwan siyang tumatanggap ng suweldo at depende pa ang taas ng sweldo sa araw na kanyang ipapasok. Kada araw, tumatanggap siya ng P466 sa loob ng walong oras niyang pagta-trabaho mula 12 ng tanghali hanggang ika-siyam ng gabi. Ayon kay ate Julie, “Mahirap pagsabihan ang mga estudyante, makukulit. Minsan, hindi nagbubuhos at kahit nakalagay na cleaning time, pinipilit pa ring buksan ang pinto.”
Lydia Urbayon Penit 56 taong gulang Tindera sa isang stall Taong 2014 nang magsimulang magtinda sa PNU si Ate Lydia. May anim siyang anak at isa dito ang nag-aaral sa PNU na nasa ikatlong taon. At kahit pa biyuda na siya, pilit niyang iginagaod ang pagpapaaral sa kanyang anak. Ito raw ang naging daan upang makapagtinda siya sa loob ng pamantasan at para rin mapalapit ito sa kanya. Sa Cavite naninirahan si Ate Lydia at dito siya nagtitinda ng balot bago pa man siya tumungo sa PNU. Bagamat bago pa lamang si ate Lydia sa pamantasan, napagpasiyahan niyang bumalik sa pagtitinda ng balot dahil sa hirap ng trabaho.
Susan Tauto-an 37 taong gulang Hotcake and siomai vendor BSE Filipino – College of Manila (UDM) Naging guro ng isang taon sa probinsya si Ate Susan sa isang eskwelahan kung saan punong-guro ang kanyang lolo. Bagamat nagtapos sa kolehiyo, mas pinili na lamang niyang alagaan at tutukan ng pansin ang kanyang mga anak. Ayon sa kanya, napilitan lamang siyang magturo dahil sa pamilya. Kagawad ang kanyang asawa na sumusuweldo ng P39,000 kada tatlong buwan at may dalawang anak na tinutustusan ang pag-aaral. Nagkaroon ng Gall Bladder disease ang kanyang asawa at nangangailangan ng P120,000 upang maoperahan ito. Limang daang piso lamang ang pinakamataas na kita niya kada araw na madalas na P250 lamang na bumabalik sa kanyang puhunan na P2,500 kada linggo. Dahil sa liit ng kita, hindi pa rin ito sumasapat sa pang-araw araw at kulang din upang maipagamot ang kanyang asawa.
Merly “Marie” C. Dela Cruz 37 taong gulang Taga-photocopy Kumikita lamang ng higit-kumulang P6,000 buwan-buwan si Ate Marie. Sa halos 19 taon niyang pagtatrabaho sa sarili niyang photocopy business, masasabi niyang sapat naman ang kanyang kinikita. Walang anak si Ate Marie at ginagamit niya ang kanyang kita para suportahan ang 2 anak na lalaki ng kanyang asawa. Nagbibigay siya dito ng tulong kapag nangangailangan. Subalit maituturing na napapanahon lamang ang kanyang trabaho dahil hindi siya kumikita tuwing bakasyon dahil matumal ang mga nagpapa-photocopy.
Labinlimang bahagdan ng bumubuo sa lipunan ang mga manggagawa. Nararapat lamang na hindi isantabi ang kanilang kalagayan. Ilan lamang ang mga manggagawang ito sa milyon-milyong nabubuhay sa kakarampot na sahod na mas mababa pa sa minimum. Sila ang tunay na nagpapanatili ng lakas-paggawa sa loob ng pamantasan at sa mas malawak pang bahagi ng bansa, kung kaya marapat na ipatupad ang P16,000 minimum na sahoD.
19
20
#ILoveOBTEC
Hell-o, PhiAndYouOnes! Pagpupugay sa mga nagsipagtapos sa taong 201415 at paglalamay sa mga unang batch na freshies na nakaranas ng hell sa loob ng love na love kong pamantasan. At heto na nga ang mga reklamong pumipitik sa tainga ko, naku, naku! Isang taon pa lang ang curriculum na itey, hell na hell na ang dinaranas ng mga bebeko. Gaaaahd! Edi wow! O eto, since ang pretty ko this year, I’ll give you 5 reasons kung paano pinahihirapan ng OBTEC na itey ang mga bebeko. Overload sa units ang mga ishtudents under OBTEC. As compared with other Universities na trimester na may 15 units lang kada term, 24 units ang pinapasan ng freshies ditey sa pamantasan. Heavy itey dahil mabilis ang phasing every term!
KABUTEYLOR SWIFT
At dahil kulang sa professors, there are times na maraming beses magiging prof ang isa at pagsasabayin ang subjects kahit pa maaapektuhan ang vacant ng ishtudents. And FYI, part-timers pa karamihan sa mga prof na madalas pang late mula sa ibang planet and worst, hindi pa pumapasok. Kawawa naman ang mga bebeko!
Hindi effective ang online tool for learning like Learning Management System (LMS) na madalas na may technical problem. Gaaahhhd! Itong mga prof na itey na mula sa planet apes ay puro pagpapapasa na lang ng outputs at hindi na nagtuturo. Naku ha. Masyadong na-enjoy ang online tool at dito na lang binabase ang grades. At ang sumbong pa sa’kin, sunodsunod daw ang pagpapasa ng output na parang forevermore! How about those ishtudents naman na nahihirapan mag-access online? Tsk.
Guhit ni John Paul A. Orallo
Since outcome-based nga ang curriculum na itey, sinagad-sagad naman ang pagpapapasa ng output ng mga prof and to the point na nagkakasakit na ang mga PhiAndYouOnes dahil sa puyat. Eh pa’no pa kaya ‘yung mga GC kong bebe? Baka naman sa halip na double degree ang makuha, double eyebags na may bonus na triple pimples ang reward ha. Lastly, katiting lang ang oras mayroon ang mga ishtudents under OBTEC dahil mabilis ang phasing. It’s like yesterday’s prelims, tomorrow’s midterms at ‘wag na matulog, finals naman. Ganern! At para lang masabi na competitive ang mga ishtudents, kahit kapos sa oras, madalas cramming at higit sa lahat extensive ang mga pinapagawa tulad ng music video making, d o c u m e n t a r y, s a b a ya ng pagsigaw, cheerdance na deadly at tambak na paper works. Itey na ba ang makabagong paraan ng pagkatuto? Paano na ang kalidad ng edukasyon for my future teachers? Duuuuh!
How daaaare you, OBTEC? Itong mga bebeko, hindi na pumapasok para matuto, pumapasok na lang para pumasa! Kinakawawa mo sila, OBTEC! Hindi ka maka-ishtudents! And to think na thrice nagbabayad ang mga ishtudents ng kanilang tuition every year, siguro nga we have to call for an action that OBTEC MUST BE JUNKED! KKLK! Hell with you ang peg! Ewan ko na lang kung anong gagawin ng PhiAndYou Add-Me-Ni-StrayShown this incoming academic year ha? Baka naman i-echapwera lang ang kalagayan ng ishtudents dahil sa experimental curriculum na ‘yan! Puhleeeeease do something for a quality education! I don’t want us to be renamed as The National Center for Capitalist Education. Ge na nga, enough na muna, warning na itey ha? Evaluate the curriculum well. Next time ulit. Babush. I LOVE OBTEC. HAHAHA. Ge.
DAGITAB ISABELLA KRIZIA R. BARRICANTE Patnugot sa Balita
Edukasyon hindi negosyo
Walang ibang dapat sisihin sa pagkamatay nina Kristel Tejada at Rosanna Sanfuego at ng iba pang mag-aaral sa miserable nilang sitwasyon kung hindi ang mga polisiya ni Aquino sa deregulasyon sa edukasyon. Walang ibang dapat sisihin sa hindi matapostapos na laban ng kabataan at mag-aaral sa mas lalong tumataas na tuition and other school fees (TOSF) kung hindi ang kapabayaan ni Aquino na gawing komersyalisado ang edukasyon. Wala pang dalawang taon ng anibersaryo ng pagkamatay ni Kristel Tejada ay nagkaroon na naman ng panibagong kaso ng pagpapakamatay ng isang estudyante dahil sa hindi nito mabayaran ang mga gastusin sa pamantasan at hindi na kayang tustusan ng kanyang pamilya ang kanyang pag-aaral. Mas pinili pa ni Rosanna Sanfuego, 16, mag-aaral mula sa unang taon ng Cagayan State University (CSU) na kitilin ang sariling buhay noong Pebrero 25 dahil sa mga hindi makatarungang polisiyang ipinapatupad sa kanilang pamantasan gaya ng walang habas na taas-singil sa iba pang bayarin o mas kilala bilang ‘other school fees’ (OSF) na di hamak na mas mataas pa sa matrikula niya sa nasabing pamantasan. Sa tala ng National Union Students of the Philippines (NUSP), napag-alaman na ang OSF na sinisingil sa iba’t ibang state universities at colleges (SUCs) kada enrolment ay “other, other, other school fees” pa na nangangahulugang lagpas-lagpas pa sa miscellaneous fees. Kabilang dito ang hindi maipaliwanag na cultural, athletics at energy fees ng Unibersidad ng Pilipinas – Manila (UPM) kung saan hindi naman ito nakikita at nagagamit ng mga magaaral. Sa ilang unibersidad
21
din gaya ng University of the east (UE) ay naniningil ng dental fee kung saan magkakaroon lamang ng doktor kung kailan may gawain ang paaralan (walang palagiang doktor ang UE, nurse lang ang mayroon sila) at laboratory fee sa University of San Carlos (USC) sa Cebu ngunit wala namang laboratory na nakatayo sa kanilang eskwelahan, kaya naman naniningil daw ng lab fee ay dahil sa ang mga silid ng nasabing paaralan ay may air conditioned. Dahil sa mga hindi maipaliwanag na OSF, mas pinahihirapan nito ang kalagayan ng maraming magulang sa kakaisip kung saan kukuhanin ang perang kinakailangan ng kanilang mga anak dahil kulang na kulang pa ang kanilang kinikita sa pang-araw-araw na kinakailangan para mabuhay (cost of living allowance). Habang nagpapatuloy ang pagpapatupad ng mga polisiya tulad ng Education Act of 1982 at Higher Modernization Act of 1997, mas pinahihintulutan nito ang rehimeng Aquino kasabwat ang Commission on Higher Education (CHEd) na hayaang magmanipula sa magiging matrikula at iba pang bayaring maipapataw sa mga estudyante ng unibersidad na pinapasukan niya dahil wala naman talaga sa prayoridad ng gobyerno na punan ng
malaking pondo ang edukasyon. Mas nakapokus si Aquino na ilaan ang mas malaking bahagdan ng pondo bilang pambayad-utang at para sa militarisasyon. Pinatutunayan lamang ng kampus ng CSU kung paanong ang kulang na subsidyo na ibinibigay ng gobyerno ay nakapaglilikha ng pagtaas at pagpataw pa ng lumolobong OSF, hindi pa kabilang dito ang usapin ng bulok na pasilidad, pagkaunti ng mga ineempleyong kawani ng paaralan at pagtaas ng bilang ng drop-out rate sa bansa. Ika nga ni Marc Lino Abila, Pambansang Pangulo ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP), “Magpapatuloy na dadaluyong sa lansangan ang kabataan at mamamayan para igiit ang karapatan para sa dekalidad at abot-kayang edukasyon at pananagutin ang mga nagha-
hari-hariang pilit umaagaw ng ating karapatan sa edukasyon.” Hindi na hahayaan ng kabataang Pilipino na dumami ang bilang ng Rosanna at Kristel dahil hindi na hahayaan pang muling dadanak ang dugo sa mismong mga kamay ni Aquino.
22
-JOHN THIMOTY A. ROMERO
Isa si Ka Albert sa istap ng Pagkakaisa ng mga Manggagawa sa Timog Katagalugan ng Kilusang Mayo Uno (PAMANTIK-KMU) sa mga manggagawang apektado ng ilegal na pagpapasara ng Philippine Steel Coating Corporation (PhilSteel) na pag-aari ni Abeto Uy – isang Pilipino-Intsik sa Cabuyao, Laguna. Kanyang ibinaon sa limot at sinarhan ng pinto ang mga manggagawa sa kanilang kabuhayan at kinabukasan. Nakasaad sa ‘Herrera Law’ ang karapatan ng mga manggagawa sa Collective Bargaining Agreement (CBA) o pakikipag-negosasyon sa kompanya ukol sa oras at araw ng paggawa, karapatan sa pagkakaroon ng mga benepisyo at makatarungang sahod. Nakapaloob sa CBA ng taong 2010-11 ang pagdaragdag ng 20 piso sa sahod ng mga manggagawa sa unang taon at 15 piso naman sa ikalawang taon. Ngunit sa labing-isang beses na naging pagtitipon ,pinaliliguy-ligoy lamang ng abogado ni Uy ang usapin kaya walang nangyayaring progreso sa mga pulong at nabibinbin ang negosasyong ukol sa ibibigay na 5.5 milyong piso na reward mula sa Department of Labor and Employment (DOLE) para sa 66 na manggagawa. Hanggang sa nagpang-abot na ito sa sumunod na CBA 2011-12 kung saan idinulog na ito sa kataas-taasang hukuman. Hindi humaharap si Uy sa mga isinampang kaso sa kanya sa korte kaya nagsampa ang mga manggagawa ng Motion for Break-Open Order (BO Order) upang obligahing ilabas ang lahat ng ari-ariang nasa loob ng pabrika bilang ultimatum kung hindi mailalabas ng PhilSteel Corp. ang perang iginawad ng DOLE sa mga manggagawa. Ngunit dahil hindi matalim ang pangil ng batas, nalusutan pa rin ito ng kompanya sa pamamagitan ng paghingi ng ‘motion for reconsideration’ kung saan ibibinbin ng dalawang buwan ang BO Order upang kunwaring mapag-aralan ito ni Uy. Ang lalong panggigipit ni Uy ang gumising sa diwa ng mga manggagawa upang magkaisa’t yanigin ang
mapagsamantalang kompanya. Agosto 2, 2012 nang tinanggal ng kompanya ang 21 manggagawang opisyales ng unyon. Lalong umigting ang pakikibaka noong Agosto 21 kung saan tuluyang pinaalis ang mga manggagawa sa pabrika at ilegal itong isinara. Sa araw ring ito itinayo ang piket ng mga manggagawa sa PhilSteel. Narito ang mga pahayag ni Ka Albert ukol sa naganap na ilegal na pagsasara ng kompanyang PhilSteel: Paano tumugon ang PhilSteel management sa itinayo ninyong piket?
Ka Albert: Panggigipit at pandarahas ang tanging naging sagot ng kompanya sa aming mga hinaing. Nagkaroon ng tangkang pagwasak sa piket noong Oktubre 3, 2012, alas dos ng umaga, 40 bayarang mga armado ang ipinadala ng kompanya para sirain ang aming piket at apat ang nasugatang nagbabantay. Ang pinakagrabeng naranasan naming mga manggagawa ay noong Disyembre 5, 2012 nang dumating ang 200 kapulisan na binayaran ng kapitalista para harasin kami at sapilitang ilabas ang mga produktong naipit sa pabrika. Parte ng protesta namin ang harangan ang mga produktong ilalabas ng PhilSteel. Ginawaran sila ng DOLE-NLRC ng Temporary Restraining Order. Binigyan sila ng 20 araw na palugit upang ilabas ang lahat ng nabinbin na produkto sa loob ng pagawaan. Disyembre 25 umalis ang kapulisan. Naulit ang masalimuot na karahasang naranasan noong ikalawang linggo ng Pebrero, 2013. Muling naging sunud-sunuran ang kapulisan sa negosyante upang mailabas at maipasok ang mga kagamitan ng pabrika sa ngalan ng ‘Temporary Injunction Order’. Ayon kay Ka Gil, pinuno ng PhilSteel Workers Union (PWU), tuluyan nang itinigil ang mga pag-uusap ukol sa CBA. Nang dumating ang unang linggo ng Marso 2014, nagpatawag ng usapin ukol sa Comprehensive Settlements kung saan pag-uusapan na ang hinaing ng mga manggagawa ng PhiSteel, ngunit hindi dinirinig ng kompanya ang mga manggagawa nito. Sa halip, gumagawa sila ng paraan upang manatiling tahimik ang mga manggagawa kahit na buhay pa nila ang kapalit.
23
manggagawa, ngunit mananatili pa rin ang orihinal na halaga ng aming sahod.
Sa Timog Katagalugan sumibol ang ‘Two-tiered Wage System’ na naglalayong gawing iregular ang sahod ng mga manggagawa. Mayroon itong dalawang bahagi: (1)floor wage na tinagurian ring minimum wage at (2) flexible wage na nakabatay sa pagiging produktibo ng manggagawa. Umabot mula dalawa hanggang 90 piso ang halaga ng ikalawang bahagi. Hindi ito tugma sa 16,000 pisong minimum wage na daing ng mga manggagawa bilang dagdag pasahod sa buong kapuluan. Nagawa pa rin ng kompanya na gipitin ang mga manggagawa nito sa pamamagitan ng pagbawas sa araw ng paggawa na lumalabas na isang paglumanay lamang upang pagtakpan ang mga tunay nilang pakay na bawasan ang kanilang sahod, sapilitang pagtanggal kung hindi susunod, at pagdaragdag sa gampanin ng mga naiwang manggagawa. Sa kasalukuyan, kamusta ang kalagayan ng mga mangagawa ng PhilSteel?
Ka Albert: 43 out of 66 na manggagawa pa rin ang nananatiling lumalaban. Nagpapabayad na lamang ang iba ng separation pay; 50% ng buwanang sahod nila kada taon. Sa kabila nito, hanggang ngayon ay hinihintay pa rin namin na maisakatuparan ang Break-Open Order. At hanggang hindi ito naisasakatuparan, patuloy pa rin kaming makikipaglaban. Mananatiling matibay ang pundasyon ng piket sa harapan ng PhilSteel. Mayorya, manggagawa ang siyang nagpapaunlad sa bansa. Ngunit hindi pinakikinggan ng pamahalaan ang hinaing ng kanilang sektor. Hindi naging epektibo ang panunungkulan ni BS Aquino sa pagtugon sa batayang pangangailangan ng mga manggagawa, kundi interes lang ng mga negosyante’t kapitalista ang kanyang pinapaburan. Kaya naman nananatiling nakatindig si Ka Albert kasama ang mga manggagawa ng PhilSteel upang ipaglaban ang kanilang mga karapatan bilang integral na mga manggagawa nitong bayan. Tuloy ang laban ng mga manggagawa sa Timog Katagalugan.
Naisakatuparan ba ang pagkakaroon ng iregularidad sa sahod dala ng Two-tiered wage system sa PhilSteel?
Ka Albert: Hindi ito naigawad sa mga manggagawa ngunit patuloy naman ang panggigipit sa mga manggagawa sa pamamagitan ng Compressed Work Days kung saan nababawasan ang araw ng paggawa namin. Sa isang linggo, magiging tatlo na lamang ang araw ng paggawa namin. Bukod pa rito, ipinatupad din ang MultiSkilling sa mga manggagawa kung saan maaaring maraming gampanin ang isang
*Alay kay Ka Albert (tumangging magbigay ng buong pangalan para sa kanyang seguridad) ng PAMANTIK-KMU at sa iba pang manggagawa ng PhilSteel na patuloy na lumalaban para sa kanilang mga karapatan. Hulyo 12, 2014.
24
25
26
Seenzone: Karapatan sa Pamamahayag -ANDREA P. DASOY
Sa loob at labas ng birtwal na daigdig, maraming karapatan ang patuloy na isinasantabi ng rehimeng BS Aquino tulad ng pagsi-seenzone sa kapakanan ng mga mamamahayag pang-kampus bilang alternatibong midyang tanglaw ng mga mag-aaral at mamamayang binu bulag ng pamahalaan.
“Walang kapangyarihan ang mga manunulat sa ilalim ng CJA of 1991.” – Jon Callueng, The National. Isang kabalintunaan na sa loob ng labinlimang taong implementasyon ng Campus Journalism Act (CJA) of 1991 na dapat sana’y mangangalaga sa mga pahayagang pang-kampus, dumarami ang bilang ng paglabag sa karapatan ng mga mamamahayag tulad ng pandarahas sa mga istap, hindi pagpapahawak sa badyet, hindi mandatong paniningil ng publication fee, suspensyon at pagpapasara ng mga publikasyon. Bunsod ito ng kawalan ng probisyon sa CJA na maglalaan ng karampatang parusa na siyang susupil sa mga administrasyon ng bawat paaralang humahadlang sa malayang pamamahayag. Matagal nang inihain nina dating Bayan Muna Representative Teddy Casiño at dating Kabataan Party-list Representative Raymond Palatino ang House Bill 4287 o ang CPF Bill noong ika-28 ng Pebrero, 2011. Nilalayon nitong isulong ang karapatan ng mga mamamahayag pang-kampus sa paglalathala ng mga isyung may direktang kaugnayan sa mga mag-aaral tulad ng pagtaas ng matrikula, maliit na pondong inilalaan sa badyet pang-edukasyon at pagnanakaw sa pondo ng mamamayan. Ngunit sa loob ng limang taong panunungkulan ni BS Aquino, bigo at patuloy niyang binibigo ang mga
mamamahayag pang-kampus na maipatupad ang CPF Bill dahil ang mga pahayagang pang-kampus ang nagsisilbing alternatibong midya. Takot ang gobyernong mailantad ang katiwalian nito kung kaya’t patuloy nitong sinusupil ang karapatan ng mga alternatibong midya.
“Lahat tayo ay may karapatang magpahayag at ang karapatang ito ay dapat nating ipaglaban.”
–Sarah Mae Palos, The Dawn
Lumolobo ang kaso ng Campus Press Freedom Violations sa buong kapuluan na umabot sa 254 insidente noong 2010 at ayon sa panibagong sarbey ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) noong 2014, naitala ang 185 kaso ng represyon sa 54 na eskwelahan sa buong Pilipinas. Patunay dito ang insidente ng represyon sa mamamahayag ng De La Salle Araneta University (DLSAU) na sina Lloyd Garcia, na sinuspende matapos ang pahayag niya laban sa pagtaas ng matrikula at Vincent Quejada na hindi pinayagang makapasok nang malamang may kaugnayan ito sa mga makabayang organisasyon tulad ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Kabataan Party-list.
Samantala, muling nabuksan ang The National (2012), publikasyon ng National University sa tulong ng CEGP, na higit 40 taong pinatahimik mula noong Martial Law. Sa pahayag ni Jon Callueng, aktibong miyembro ng The National, “Ang aming publikasyon ay nasa kamay ng administrasyon at minamanipula nila ang inilalabas naming mga isyu. Kung kaya’t nagkakaisa kaming mga manunulat ng NU na dapat ipasa ang CPF Bill na magbibigay ng kapangyarihan sa mga estudyante na magsulat at magmulat.” Noong Abril 2014, gumawa naman ng hakbang ang EARIST Technozette upang tutulan ang di maka-estudyanteng hakbangin ng administrasyon ng paaralan na ipasara ang kanilang publikasyon bilang tunay na boses ng mga mag-aaral. Naglabas ang administrasyon ng EARIST ng blacklist na kinabibilangan ng mga estudyanteng hindi pinapayagang magenrol, tulad ng punong patnugot na si Hannah Pelayo at iba pang istap. Ayon kay Pelayo, “Ang pananahimik ay kasalanan sa bayang ninanakawan ng kalayaan.” Kung kaya’t hindi sila natinag sa pagkilos kasama ang CEGP, NUSP at suporta ng mga mag-aaral ng EARIST Technozette, nakamit nito ang kalayaan sa pamamagitan ng pagkakaroon ng dialogue at panawagang hindi dapat pigilan ang karapatan sa pamamahayag.
27
bag sa karapatan ng mga mamamahayag pang-kampus. Sa loob ng limang taong pagsasantabi ng rehimeng BS Aquino sa karapatan ng mga mamamahayag pang-kampus, tila sini-seenzone na rin ng pamahalaan ang kapakanan ng mamamayan dahil sa pagtatanggal nito sa karapatan ng sambayanang Pilipino na marinig, mabasa at makita ang tunay na larawan ng lipunan. Walang balak si BS Aquino, sa piling ng pamahalaang kontra sa mamamayan na ipasa ang CPF Bill dahil alam niyang mas magiging malaya ang mga mamamahayag pang-kampus na isiwalat na siya ang nasa likod ng mga katiwaliang tulad ng pananamantala sa mga biktima ng Yolanda, pangangamkam ng yaman sa pamamagitan ng DAP at PDAF, pribatisasyon ng mga batayang serbisyong panlipunan at pagkamatay ng SAF 44. Kung hindi siya kikilos na ipasa ang CPF Bill, ang mamamahayag sa piling ng mamamayan ang kikilos para pababain siya sa puwesto at marinig ang tunay na daing ng mamamayang Pilipino.
“Ang CEGP kasama ng libong publikasyon sa kapuluan ay nananawagan na dinggin ang pagpapasa ng CPF Bill.” –Marc Lino Abila, Tagapangulo ng CEGP
Sa kabila ng hindi pagbibigay-pansin ng rehimeng BS Aquino na ipasa ang CPF Bill, patuloy na isinusulong ng CEGP at ng mga estudyanteng mamamahayag ang tunay at makabayang pamamahayag. Hindi lamang laban sa pambubusal sa bibig ng mga manunulat ang isinusulong ng CEGP at mga pahayagang pang-kampus, kundi maging sa mas malawak na perspektibo, ang kalayaang makapagpahayag ng mga isyung panlipunan. Kaiba sa CJA, kinakampanya ng CPF ang tuwirang pagbibigay ng aksyon at karampatang parusa sa mga lumala-
SANGGUNIAN:
________. (2008) CEGP reports 279 cases of campus press freedom violations. Nakuha noong Agosto 25, 2014 sa http://www.gmanetwork.com/news/story/99878/news/nation/ cegp-reports-279-cases-of-campus-press-freedom-violations Olea, Ronalyn V. (2013). Cebu City – Student publications experience various forms of attacks. Nakuha noong Agosto 25, 2014, sa http://bulatlat.com/main/2013/04/18/campus-press-under-siege/#slash. txWyWs0P.dpuf
larawan mula sa PINOY WEEKLY
28
mente abierta Elaine Grace A. Quinto Patnugot sa Lathalain
Social Media Revolution
Sa panahon kung saan teknolohiya na ang pangunahing salalayan ng komunikasyon, malaki ang maaaring maging impluwensiya ng isang taong gumagamit nito sa pamamagitan lamang ng simpleng pag-update ng pag-tweet o status sa facebook. Tinatayang 41 M ang Pilipinong gumagamit ng internet sa bansa. Ayon sa Social Media Stats 2014, 62% ng kabuuang bilang ng gumagamit ng Facebook ang may akses gamit ang cellphone. Ito marahil ang dahilan kung bakit tinaguriang ikalawa ang Pilipinas sa mga bansang pinakamarami ang gumagamit ng ganitong uri ng social media. Mahalaga ang paggamit ng social media sa pagpapahayag subalit mas magiging makabuluhan ang paggamit nito kung naipaaabot ang tunay na kaganapan sa lipunan. Sa milyong bilang ng gumagamit at may akses nito, milyon din ang maaaring mahikayat at mamulat sa kalagayan ng bansa. Isang halimbawa na lamang ang paghikayat ni Ito Rapadas, dating lead singer ng bandang Neocolors. Iminungkahi niya na magkaroon ng Million People March para isulong ang pagbabasura ng pork barrel na sinundan naman ng pagre-repost at share ng Netizens. Dagdag pa, maaaring maglahad ng panawagan ang mga gumagamit ng social media para magprotesta at labanan ang kabulukan ng sistema. Tulad na lamang ng #SelfieProtest na inilunsad ng ibaâ€&#x;t ibang progresibong organisasyon na naglalayong magpahayag ng protesta gamit ang patok na selfie at mai-post sa kani-kaniyang social media account bilang panawagan. Nagpapakita lamang na malaki ang sakop nang mararating ng bawat impormasyon sa simpleng pag-like, comment at share.
Sa kabilang banda, hindi natatapos ang paglalahad ng panawagan gamit lamang ang social media, mas makatotohanan ang panawagan kung lumalahok ang tao mismong nagpo-post nito sa mga pagkilos sa lansangan. Ayon nga kay Propesor Danilo Arao, “Ang hamon lamang sa ating lahat ay tingnan ang social media bilang paraan ng mabilis na pagbibigay ng mahahalagang impormasyon. Kailanman ay hindi nito puwedeng palitan ang aktwal na pagkilos, gayundin ay hindi natin dapat paghiwalayin ang aktwal sa virtual.�
Gamit ang social media, bukod sa naipapahayag ang panawagan sa mas mabilis na paraan, malaki ang impluwensiya nito sa mga mambabasa na hindi lamang mamulat kundi maaari ring makasama sa pagkilos upang labanan ang katiwalian. Sa ganitong paraan, maaaring mapakilos ang malaking bilang ng taong
mapupukaw ang atensyon upang kumilos at baguhin ang baluktot na sistemang umiiral sa lipunan.
Pitik B Poreberrr Edition 2.0
29
Hey yah PhiAndYouOnes, I’m here again, your ever since nagmamagandang bae, Kabuteeeeee! Did you miss meh? ‘Coz opkorz, na-miss ko ang samahan ng Kheiiinatics kong mula sa mahiwagang gasul. (Eheeeem! Marami na namang magre-react sa aking beauty. Hays! Uso umintindi ng figure of speech, pwede?!) Saan mang sulok ng Earth ay pinagbabangayan kung may poreberrr nga ba talaga o mula lang ito sa malilikot na isip ng aking fans pero hindi na kailangang lumayo, dito lang sa ever beloved Inang P. ay matatagpuan na ang poreberrr, with emphasis on ‘r.’ Rawr sa the list of poreberrr. #MayPoreberrSaPNU
#PoreberrrPahirap
Supercalifragilisticexpialidociously pahirap to the nth level talaga ang love na love ng mga freshie na Ohhh BTEeeeCH, kitang-kitang naman sa status nila sa Fezbuk, may pa- #ILoveOBTEC pa! Kulang na lang isama pa nilang ipost ang mga nangangayayat nilang body, pangang nag-ooverflow na and worst mga matang namamaga at lumuluwa na, like my pet Goldie, dahil sa kapupuyat para sa pagtapos ng super-duperhyper-mega requirements up to the point na marami nang nao-ospital dahil sa iba’t ibang sakit na nararanasan ng aking beloved ishtudents. Di pa ba ito na-hear up there? Oh nagmanhid-bingi mode lang din sila sa daing ng ishtudents? Puhlease lang! Isipin niyo rin ang kalagayan ng ishtudents! ‘Wag puro tira-pasok dahil my beloved PNUans ang nagsa-suffer! Can’t you guys see? Poreberrr pahirap ang mga polisiyang ipinatupad ninyo! Kaya, le’z make, JUNK, JUNK OBTEC!
#PoreberrrPaasa
Opkorz, hindi na matatanggal sa listahan ng poreberrr ang amoy fish na aquarium na ‘to! Boom fanish! Biruin mo ba naman, pati ishtudent activities eh pinipili sa pangunguna ng bruhildang mashondang reyna ng aquarium. On the first arrangement of plans with one of the orgis na nangangalaga sa democratic rights ng ishtudents, di pwedeng magkaroon ng activity every school days, if tatapat ng Tuesday or Friday. Pwede lang basta hapon gaganapin ang event pero walang excuse letter. Samantalang nang Akbayad na ang nakipag-usap, ginawang man-
dated pati sa mga colleagues na prof ni reyna ang pagpunta sa seminar ng political eklaver-baklesh-dynasties. How I wish di rin sana nanggaling ang angkan ng guest speakers sa political dynasty nu! Pero ayuuun… langaw ang naging audience, kasi naman dear! Bakit kapag malapit lang ang elex nagpaparamdam ang orgi/party ninyo? Aga-agahan ninyo next time! Napaghahalataan tuloy ang sticky-fishy relationship mo at ng big fishes out there! Sisid pa more!
#PoreberrrNagmamahal
Food is something we intake to have the necessary energy we need for the day pero kung kaunti lang ang magiging serving sa’yo at sobrang mahal pa ng babayaran mo, Poorita Corales ang lang ang peg mo, azar da buh? Lahat na ng bagay ay nagmamahal, ‘ikaw’ na lang ang hindi </3. #Tigang Pero super OA naman kasi ang pagkamahal ng bilihin sa lunch-o-magnette sa anda ng ishtudents, hindi makatarungan ang serving sa presyong ibinibigay. FYI, initiative ng ishtudents ang pagpapatayo ng Ishtudent Veranda kung saan nakatindig ang Lunch-o-magnette since this came sa piso-pisong inipon ng ishtudents, kahit consultation man lang sa presyo ng bilihin sa ishtudents ay wapakels. Super laki kasi ng binabayarang upa ng Chinese pipolet sa All-Purpose Creamcorp. Ang ending… tiis-tiis na lang muna ang mga iskolar ng bayan. HUSTISYA!
#Poreberrr Sulotero
Aheeem, for the record, di ko knows na hindi pa pala tapos ang panunulot ninyo, pati mga dyaryo na para sa estudyante eh su-sulo-tin
din. Kalerkey! di na kinaya ng bangs ko! Di naman na nakapagtataka dahil ang mga alagad ni Squidward ay nakita ko using mah tantalizing eyes with mah dolly contact lenses na nagpakalat-kalat with their black paper bag para lagyan ng mga nakulimbat na newspaper. Anong gagawin ninyo, ipakikilo sa junk shop o may itinatago kayong ayaw mabasa? Mahiya naman kayo sa ishtudents dahil ang mga ipinambayad nila sa tuition ay galing sa pocket of their mother-father. Hmmm, maybe, di pa yata nabayaran kaya nagpakilo. Huli ka Balbon!
#PoreberrrBias
And last but not the least poreberrr awardee, he/she/ it ay napasama na naman for two consecutive years ng Ang Sulo mag. (Go! Palit na DP!) In your huling-nganga na sa 2015 SG Executive Body Erection, bitchesa mode on na naman ang peg mo ng wala sa lugar! Pwede ba, bago ka magmaganda/maggwapo (which part?), know the difference muna between ‘relay’ and ‘rely’ HAHAHA! It’s just so happened ba talaga na ok magbigay ng ‘staple wire’ sa
isang political party dahil sa pagpapatanggal mo ng staple sa ready-made erection paraphernalia? Ikaw pa talaga ang sumuway sa ipinagbabawal ng banal na erection-code! And regarding sa pinakalatest happening, hindi naman makapapayag ang aking mother pub na mawala lalo na sa oras ng erection. I know you know what’s check and balance, paalala ko na lang sa’yo kapag nakalimutan mo ha? Last na last na NGANGA mo na ‘yan! Kalerkey da buh? Lahat sila may poreberrr, forevs na magbibigay pasakit sa bangs ng my beloved PhiAndYouOnes. Kung hindi talaga mawawala ang kanilang mga ginagawa, tawagin niyo lang ang aking magical name for another pitik sa mga hitik na makakapal na nilalangs, room or orgis out there. For now, let me bid my good bye, hahanapin ko pa ang forever ko na bumalik sa London at hindi nakapunta sa recent concert nila here in Phi, ako na lang mag-aalaga sa’yo baby Zayn! Pa-Malik nga! Waaaait! Babush! Guhit ni John Paul A. Orallo
30
-Arbie Lucky R. Tan -Maria Francesca A. Martin
Pagkulimlim ng ulap
Unti-unting dumidilim ang kalangitan at tila may matinding unos ang nagbabadyang dumating. Ang kaso ni Jennifer Laude na di inaasahang mangyari ay naging isang matinding unos. kasabay nito, ang rumaragasang pambabatikos, diskriminasyon at kritisismong sumusubok sa tulad nilang may piniling kasarian.
Makulimlim pa rin ang kalangitang nasa tanawin ng Lesbian, Gay, Bisexual at Transgender (LGBT). Bagamat maluwag na ang pagtanggap ng mga Pilipino sa may mga piniling kasarian sa loob at labas ng birtwal na daigdig, malaki pa rin ang bilang ng ‘hate crimes’ sa Pilipinas. Ayon sa The Philippine LGBT Hate Crime Watch (PLHCW), 164 na ang bilang ng mga napaslang na LGBT mula 1996 hanggang 2012. Taong 2014 lumalabas, 62.2% mga pambibiktima nito ay nagaganap sa Metro Manila habang 38.8% sa iba pang panig ng bansa. Ayon kay Kenneth Evangelista, Pangalawang Tagapangulo ng Kapederasyon, sa kada 72 oras na lumilipas, may isang LGBT na nabibiktima ng hate crime sa Pilipinas. Dahil sa paglobo ng bilang ng nabibiktima sa hanay ng LGBT, nais ng Commission on Human Rights (CHR) na
BAHAGDAN NG MGA NABIBIKTIMANG LGBT gumawa ng pag-aaral tungkol sa mga kaso ng hate crime na nagaganap sa loob ng bansa. Isang kabalintunaan na sa mabilis na paglaganap ng mga krimen at pang-aabuso, wala pa ring batas na magtatanggol sa mga may piniling kasarian. “Dahil pangunahing biktima ang LGBT Community ng diskriminasyon sa konserbatibong lipunan, nalalabag ang kanilang batayang karapatan bilang tao, magpapatuloy lang din ang diskriminasyon na ito kung walang batas na magtatanggol sa kanilang karapatan,” pagbibigay-diin ni Princess Liann Quiñones, Vice-chair ng GABRIELA Youth-PNU.
Pagbuhos ng unos Isang unos para sa mamamayan ang kagimbalgimbal na trahedyang naganap sa kasaysayan ng sektor ng LGBT. Noong ika-11 ng Oktubre taong 2014, natagpuang nakalublob sa isang inidoro
31 ang transgender na si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude, matapos ang ilang minutong pananatili sa motel kasama ang US Marine Private First class na si Joseph Scott Pemberton sa Olongapo City. Bagamat sa Pilipinas nagkasala si Pemberton, hindi lubusang malitis ang kaso dahil sa umiiral na Visiting Forces Agreement (VFA) sa pagitan ng Pilipinas at ng Estados Unidos (US). Ang VFA na isang kasunduang pang-militar sa pagitan ng dalawang bansa ang sinasabing magiging depensa ng Pilipinas laban sa Tsina sa usapin pangteritoryo. Ito ang dahilan kung bakit mistulang malaking base-militar ng US ang Pilipinas at patuloy na dumarami ang bilang ng mga napagsasamantalahan. Sa kabilang banda, patuloy na isinusulong ng mga progresibong organisasyon sa pangunguna ng GABRIELA at Kapederasyon na mapunta sa Pilipinas ang kustudiya ni Pemberton upang maparusahan siya sa ilalim ng pambansang batas ng Pilipinas. Dagdag pa, nakasaad sa Artikulo 5 Seksyon 3(c) at 3(e) ng VFA na may karapatan ang parehong bansa na hingiin ang hurisdiksyon ng isang kaso. Subalit, nakasaad din dito na paguulat lamang ang magagawa ng gobyerno ng Pilipinas sa militar ng US upang ang bansang Amerika lamang ang makabubuo ng desisyon para sa karampatang aksyon kay Pemberton. Patunay lamang ang kaso ni Laude na dehado ang mamamayang Pilipino sa umiiral na VFA lalo pa’t nalagdaan na ng parehong pangulo ng Pilipinas at US ang Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) na nagsasaad na malayang makadadaong ang militar ng Estados Unidos sa PIlipinas.
tunay nito ang pag-usbong ng iba’t ibang militanteng grupong layunin ang pagkakapantay-pantay para sa may mga piniling kasarian. Taong 1993, nabuo ang Progressive Organization of Gays in the Philippines (ProGay-Philippines), ang pinakaunang grupo na isinusulong ang kalayaan sa pangaapi at ang pagtatangi-tangi ng may mga piniling kasarian. Niyakap din ng GABRIELA— pinakamalaki at malawak na alyansa ng kababaihan at iba pang kasarian sa bansa ang pagtatanggol sa may mga piniling kasarian. Isa na dito ang Anti-Discrimination Bill 2.0 o Anti-Discrimination Act of 2013 (House Bill 3432) na naglalayong protektahan hindi lamang ang may mga piniling kasarian na nabibiktima ng iba’t ibang uri ng pangaabuso at diskriminasyon kundi maging ang mga taong may kapansanan, may piniling relihiyon o paniniwala. Tumutuligsa rin ang GABRIELA sa kahit anong porma ng pangyuyurak na karapatang pantao at nagsusulong ng pagkakapantay-pantay ng mamamayang Pilipino. Sa kasalukuyan, ang Kapederasyon ang pinakabagong grupong naitaguyod noong Mayo taong 2014 na sumusuporta sa anumang larangang nais tahakin ng mga LGBT. Ang mga organisasyong ito ang nanguna sa mga pagkilos upang itaguyod at makamit ang hustisya para kay Jennifer Laude.
Pagsibol ng bahaghari Matapos ang unos at mga trahedya sa sektor ng LGBT, lilitaw ang isang makulay na bahaghari na magiging simbolo ng bagong pag-asa. Pa-
larawan mula sa inquirer.net
Bilang tugon naman sa panawagan ng iba’t ibang progresibong grupo para sa sektor ng LGBT, naglabas ang Makabayan Bloc—grupo ng mga kongresistang nagsusulong ng mga hinaing at panawagan ng masang Pilipino sa kongreso ng House Resolution 1625 o Anti-Hate Crime Resolution noong Oktubre ng 2014 na dapat maipatupad sa Pilipinas upang maproteksyonan hindi lang ang mga LGBT kundi maging ang iba pang sektor na biktima ng diskriminasyon at pang-aabuso. Tulad ng isang bahaghari, maselan man ang kanilang kalagayan sa lipunan, patuloy pa rin silang sisibol gaano man kadilim ang kanilang kalagayan. Ang kaso ni Laude ay simbolo hindi lamang ng pakikibaka ng mga LGBT kundi maging ng sambayanang Pilipino tungo sa mapagpalayang lipunan.
sanggunian:
Bernal, B. (2013). ‘CHR Documentation of Hate Crimes will Protect LGBT Interest. Nakuha noong Pebrero 7, 2015, sa www.rappler.com. Pamorada, E. (2014). LGBT hate Crimes: Statistics and Figures. Nakuha noong Pebrero 7, 2015, sa www.therainbowprojectph. wordpress.com Ridon, T. (2014). Makabayan bloc files Anti-Hate Crime resolution. Nakuha noong Pebrero 19, 2015, sa http://www.congress.gov.ph/ . Ubalde, J.H. (2011). Afraid: ‘Killings of LGBTs in Philippines on the rise. Nakuha noong Pebrero 7, 2015, sa www.interaksyon. com.
32
SI NANAY LOLITA
AT PAKIKIBAKA SA PAGSALANTA AT BULOK NA PAMAMAHALA -John CARLO P. CABILAO
â&#x20AC;&#x153;Sapat na ang isang taon na sinayang nila [gobyerno], hindi na ito makatao. Panahon naman namin ito upang tuligsain sila at singilin sa pagpapabaya nila sa amin.â&#x20AC;?
-Nanay Lolita
Makulimlim ang panahon noon at napakalakas ng hangin subalit hindi alintana ni Nanay Lolita ang manaka-nakang buhos ng ulan sa harap ng kapitolyo ng probinsya ng Leyte. Maitim, kulubot ang balat at pinapandungan ng pulang damit ang ulo ni Nanay Lolita na tumatakip sa papaputi na nitong buhok. Halata man ang pagkahapo sa kaniyang mukha na pinatanda ng panahon, nananatili pa rin siyang nakatindig kasama ang libo-libong nasalanta ng Bagyong Yolanda.
Sanggunian: _____________. Official Gazette. (2013). Official list of casualties: Typhoon Yolanda. Nakuha noong Hunyo 11, 2014, sa http://www.gov.ph/crisis-response/updatestyphoon-yolanda/casualties/ Pasion, Pher. Pinoy Weekly. (2013). Bagyong Yolanda: Ang mga iniwang bakas. Nakuha noong Hunyo 11, 2014, sa http://pinoyweekly.org/new/2013/12/bagyongyolanda-ang-mga-iniwang-bakas/
mga larawan ni zhen lee m. ballard
Nobyembre 8, 2014, anibersaryo ng pananalanta ng bagyong Yolanda, nakiisa si Nanay Lolita at ang kaniyang mga kanayon sa ginanap na malawakang kilos-protesta sa Tacloban upang kundenahin ang kriminal na kapabayaan ng pamahalaan. Noong nakaraang taon, ayon kay Nanay Lolita, walang kuryente sa tahanan nila kaya hindi sila gaanong nakabalita sa paparating na bagyo. Bagamat malakas ang hangin at ulan, wala silang kaalam-alam na higit pa pala roon ang delubyong kanilang mararanasan. At nang tuluyang humagupit ang bagyo, takot at pangamba ang namayani sa kanilang kalooban. Kasabay ng pagbuhos ng ulan ang pag-agos ng mga luha ni Nanay Lolita. Nasawi ang libo-libong residente sa Tacloban kasama ang kanyang asawa at anak. Nakaligtas man si Nanay Lolita, mahirap nang magpatuloy dahil wala na ang kaniyang pamilya. Isa lang ang pamilya ni Nanay Lolita sa libo-libong namatay matapos ang bagyo. Sa tala ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMS), umabot sa 6,300 katao ang nasawi, 1,300 ang nawawala at 28,700 naman ang bilang ng mga nasugatan. Sa kabuuan, tinatayang 891,000 ang nawalan ng tirahan at umabot sa P104.6 B ang halaga ng pinsalang pang-ekonomiya dulot ng bagyong Yolanda. Sa kasalukuyan, lugmok pa rin ang kalagayan nina Nanay Lolita at ng libo-libong mamamayan sa Silangang Visayas. Dumagdag sa pasanin ang mga polisiyang ipinatupad ng pamahalaan tulad ng ‘No-build Zone’ at ‘No-dwelling Zone’ na dahilan upang palayasin ang daandaang pamilya sa mga pinagtagpi-tagping bahay at lugar ng rehabilitasyong malapit sa dagat sa halip na agarang tugunan ang mga batayang pangangailangan. Napilitang umalis sina Nanay Lolita at bakwet upang maghanap ng matutuluyan malayo man sa kanilang kinalakhan at kabuhayan. Ayon sa rehimeng BS Aquino, ito lamang daw ang solusyon upang hindi na muling maulit ang sakuna. Subalit, naging kapansin-pansin ang pagtatayo ng mga komersyal na gusali at negosyo malapit sa mga ‘No-build Zone’ areas. Kaya, gayon na lamang ang galit ni Nanay Lolita nang malamang pinagtayuan lang pala ng mga establisyimento ang lugar na sapilitan nilang nilisan. Ayon din kay Nanay Lolita, naging pulitikal ang gobyerno sa pagtulong dahil naging mabagal ang pagtulong nito sa nasabing lungsod na pinamumunuan ng oposisyon– ang mga Romualdez na mahigpit na kaaway ng mga Aquino. Bukod pa rito, ikinagalit din ni Nanay Lolita ang mahigit 7,527 balot ng mgha pagkain na nagkakahalaga ng P2.8 M na nabulok lamang sa imbakan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) habang nagugutom silang
mga nasalanta.
33
Hindi lubos maisip ni Nanay Lolita na hindi man lamang sila naambunan ng tulong sa bilyon-bilyong pondo at donasyon mula sa lokal at internasyunal na organisasyon gaya ng UNICEF, European Union at mga bansa tulad United Kingdom (UK), Japan, Malaysia at Netherlands. Sa tala ng Post-Disaster Needs Assessment ng gobyerno, aabot sa P104.6 B ang kakailanganin para sa lubusang rehabilitasyon ng labing-isang probinsya na kinabibilangan ng Tacloban. Sa datos ng Foreign Aid Transparency Hub (FaiTH), umabot sa P34.1 B ang tulong panlabas na natanggap ng bansa. P65-B naman ang nakuha ng administrasyon mula sa 2013 at 2014 pambansang badyet. Idagdag pa rito ang tinatayang P100B na inilaan ng Committee on Public Expenditures ng kongreso para sa mga biktima ng bagyong Yolanda at P46 M ang halaga na natanggap ng Office of the Presidential Assistant for Rehabilitation and Recovery (OPARR) mula sa pribadong sektor. Kung tutuusin, sapat na sana ang napakalaking pondo upang lubusang makabangon ang mga nasalanta. Subalit wala naman silang natanggap na tulong at magpahanggang ngayon ay hindi pa rin lubos na nakababangon. Tila pagong ang gobyerno sa pag-aksyon at walang naging maayos na programa upang agarang tugunan ang pangangailangan ng mga nasalanta. Matapos ang programa, nagpaalam si Nanay Lolita dahil dadalaw daw siya sa puntod ng kaniyang asawa’t anak. Nagpasalamat siya sa sandaling panahon ng aming pag-uusap. At bago kami tuluyang naghiwalay ng landas, ipinangako ko sa kanya na lagi siyang mananatili sa aking mga panalangin at pagkilos.
Sa huli, nag-iwan siya ng mga katagang hindi ko malilimutan kailanman:
“Hindi ako titigil sa paniningil sa pamahalaan hanggat hindi namin nakakamit ang hustisya at katarungan, para na rin sa asawa at mga anak ko at sa libo-libong mamamayang pinabayaan ng pamahalaan. Patuloy akong makikiisa sa paglaban. Patuloy akong maninindigan.”
34
I. Lagdaan ang EDCA Abril 28, araw nang dumating si Barack Obama sa Pilipinas, agad na pi nirmahan ni BS Aquino ang Enhanced Defense Cooperative Agreement (EDCA) o ang bagong kasunduang magpapatibay daw sa pagkakaibigang USPilipinas. Layunin daw ng kasunduan na mamodernisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP), sanayin ang mga sundalong Pilipino at matutukan ang seguridad pandagat ng bansa. Pangunahing adyenda rin ng imperyalistang bansa na marebisa ang konstitusyon ng Pilipinas ngunit nagkaroon ng diskresyon ang Pangulo nang gawin niyang ‘executive agreement’ lamang ang kasunduan at hindi na isinangguni sa senado na isang malinaw na di paggalang sa kapangyarihan ng kongreso. II. Ipakalat ang mga base-militar Sa ilalim ng EDCA, malayang makapapasok ang puwersang militar ng US sa mga kampo ng AFP at libre nilang maipoposisyon ang kanilang mga sasakyan at kagamitang pandigma. Nagsisilbi itong estratehikong planong ‘Asia Pivot’ ng US na idineklara noong 2011 na layuning magpakalat ng hanggang 60% ng pwersang nabal at militar sa ibayong dagat ng Asya-Pasipiko. Pinopormalisa rin ng EDCA ang pagbabase ng 700-katao mula sa ‘Joint Special Operations Task Force-Philippines’ (JSOTF-P) ng US sa eksklusibong punong himpilan nito sa loob ng Camp Navarro sa Lungsod ng Zamboanga mula pa noong 2003. Lumalabas na dahan-dahang binabakuran ng US ang mga teritoryong sakop ng bansa na dahilan ng pagtapak sa soberanya ng Pilipinas. III. Labanan n’yo ang Tsina para sa US Upang kunin ang suporta ng mamamayang Pilipino, pinalabas ni BS Aquino na palalakasin ng EDCA ang kakayahan ng Pilipinas na ipagtanggol ang teritoryo nito sa South China Sea. Ngunit ang katotohanan, ginagamit ng US ang Pilipinas upang mapigilan ang kapangyarihang militar ng Tsina. Hindi totoong tutulungan ng US ang Pilipinas at ipagtatanggol kung magkaroon man ng digmaan sa pagitan ng Tsina at Pilipinas dahil sa malaking pang-ekonomiyang interes na utang ng US sa Tsina na aabot sa $1.28 trilyon. IV. Palakasin ang pang-ekonomiyang interes ng US Sinisiguro ng kapitalistang US ang pagpasok ng mga labis na produkto o ‘surplus’ sa bansang mahihirap tulad ng Pilipinas. Isinusulong ng US ang ‘Trans Pacific Partnership Agreement’ (TPPA) na nag-aalis ng proteksyon sa lokal na ekonomiya ng Pilipinas upang paboran ang dayuhang kapital. Nagdudulot ito ng atrasadong ekonomiya at nagpapanatili sa mga dayuhang negosyante sa bansa upang mabaon ang Pilipinas sa dayuhang pautang at pamumuhunan. V. Gahasain ang pambansang soberanya ng Pilipinas Isinuko ni BS Aquino ang pambansang interes sa pamamagitan ng pagtatali sa patakarang panlabas ng Pilipinas sa mga patakaran ng US. Bunga nito, hinahawakan sa leeg ng imperyalistang US ang Pilipinas upang direktang pamunuan at pakinabangan ang mayaman na mga lupain sa bansa. Isang patunay ang hindi pagbabayad ng US ng danyos sa nawasak nitong 2,000 sq.m. na Tubbataha Reef noong Enero taong 2013. Hindi rin binayaran ng US ang pinsala sa kalikasan sa dating mga kampong nitong naka-base sa Subic at Clark dahil wala daw obligasyon sa naunang Military Bases Agreement ang US.
VI. M ag - imbak ng mga kagamitan Kailangan ng US ng lugar na pagiimbakan ng mga kagamitang pandigma upang maging handa sa anomang digmaan sa loob at labas ng bansa. Malaking panganib sa kalusugan at sa kalikasan ang dulot ng paglalagak ng mga nukleyar na kagamitan at sasakyang pandagat ng US dahil sa mga toxic waste na hatid ng mga ito sa karagatan man o sa kapatagan. Dagdag pa rito, maaaring maghatid ng takot o ligalig sa mamamayan ang mga kagamitang pandigmang ito. VII. Bilhin ang mga antigong kagamitang pang-militar Bulok na mga kagamitang pandigma ang ipinagbibili ng US sa Pilipinas. Halimbawa nito ang ‘Hamilton Class Cutter’, isang uri ng sasakyang pandagat na binili ng Pilipinas sa US na ginamit noong panahon pa ng Vietnam War. Binili ito sa halagang P423 M na mula sa Malampaya Fund, samantalang umabot na ng P881 M ang pagpapaayos dito na doble pa sa orihinal na presyo nito. Bukod sa luma na ang barko at malaki ang gastos para sa pagsasaayos at gasolina, tinanggal din ng US ang lahat ng mga hi-tech na kagamitan na dati ng bahagi ng barko bago ibigay sa Pilipinas. VIII. Pabayaan ang mga nasalanta ng kalamidad Nang pumutok ang bulkang Pinatubo, walang naging pagkilos ang mga sundalong Kano at hindi man lang nag-abot ng kahit kakarampot na tulong sa mga nasalanta. Dagdag pa, maaalalang matapos ang pagtatalaga ng mga sundalong Kano sa Visayas sa panahon ng bagyong Yolanda, ginamit agad na katwiran ng DFA ang pangkalamidad na tulong para sa pagpapatibay ng bagong kasunduang militar. Nasasayang ang paghihirap ng mamamayan sa pagsasanay ng mga sundalong Pilipino at sundalong Kano tuwing Oplan Bayanihan dahil kasing bagal pa rin ng pagong ang pagresponde sa mga nasalanta tuwing kalamidad. IX.Huwag panagutin sa batas ang mga sundalong Kano Sa bagong kasunduan, hindi panghihimasukan ng pamahalaan ang paghahatol sa mga sundalong Kano na magkakasala. Sa ganitong pamamaraan, malaya na ang mga Kano na alipustahin at gawan ng karahasan ang mamamayang Pilipino. Isa itong paglapastangan sa karapatang pantao katulad ng sundalong si Daniel Smith na naharap sa kasong panggagahasa sa isang Pinay na si Nicole sa Subic, Zambales noong Nobyembre taong 2005 at ang kaso ay nauwi lamang sa wala. Nakagigimbal na ngayong Oktubre ng taong ito, natagpuan namang patay si Jeffrey ‘Jennifer’ Laude sa isang motel sa Olongapo na biktima ng ‘hate crime’ at ang pangunahing suspek sa pagpatay na si Joseph Scott Pemberton ay isa ring US Marine Service Man. X.Aprubahan ang ChaCha Simulain ng pag-abruba sa EDCA ang pagtutulak ng Charter Change o Cha-Cha sa kongreso na naglalayong amyendahan ang mga probisyon at nilalaman ng Saligang Batas ng Pilipinas. Hakbang ang Cha-cha upang tanggalin ang mga probisyon sa Konstitusyon na nagbibigay ng proteksyon sa lokal na ekonomiya. Pinahihintulutan nito ang 100% na makakapagmay-ari ng negosyo at lupain ang mga dayuhang negosyante. Paiigtingin nito ang pandarambong ng malalaking dayuhang korporasyon sa mga likas na yaman ng Pilipinas habang nagdarahop ang mga mamamayan.
Sanggunian: ____. (Mayo 7, 2014). Labanan ang EDCA!. Nakuha noong Hulyo 19, 2014 sa http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20140507/labanan-ang-edca> ____. (Marso 31, 2014). Salubungin ng protesta ang pagbisita ni Obama. Nakuha noong Hulyo 19, 2014 sa <http://www.bayan.ph/2014/03/31/salubungin-ng-protesta-ang-pagbisita-ni-obama/>
10
35
UTOS NG AMONG KANO -Kristine Joy B. Alimpoyo
Hindi kailangan ng Pilipinas ng ayudang militar, pampolitika, at pang-ekonomiyang gabay mula sa US lalo naâ&#x20AC;&#x2122;t nagsusulong ito ng mala-kolonyal at mala-pyudal na relasyon. Nagpapatibay lamang ng relasyong amo-tuta ang pagpirma sa EDCA na magpapanatili ng pagiging sunud-sunuran ng bansa sa makapangyarihang estado ng US. Lalong hindi sagot ang pagkapit sa kapa ni Uncle Sam upang itaguyod ang pambansang interes ng bansa. Masasayang lamang ang buhay na inalay ng mga magigiting na bayani tulad ni Gat Andres Bonifacio kung magpapatuloy pa ang kulturang imperyalismo. Hangad ng mamamayan na magkaroon ng nagsasariling bansa kaugnay ng patakarang panlabas para sa tunay na pag-unlad at paglaya ng bansa mula sa tanikala ng dantaong pagkakalupig sa imperyalistang US.
36
LAGANAP NA ANG KANSER SA SERBISYONG PANGKALUSUGAN NA DAHAN-DAHANG
PUMAPATAY SA MAMAMAYAN AT LUMALASON SA LIPUNAN.
-ENRICO NORMAN G. BALOTABOT
larawan ni Dr. Iggy Agbayani
larawan ni Rick Loomis
37
ganization (UNESCO) ngunit 3% lamang ng GNP ang inilalaan dito ng pamahalaan taon-taon. Hindi sagot ang pagiging ‘self-sufficient’ ng mga ospital na pinapangarap ng pamahalaan dahil sa halip na tugunan ang kakulangan at pangangailangan, ipinapasa nito ang kanilang responsibilidad sa mamamayan.
NAGHIHINGALONG MAMAMAYAN MANHID NA PAMAHALAAN Tila comatosed ang nagtutulog-tulugan na pamahalaan dahil binabalewala nito ang hinagpis ng mamamayan. Kilala ang Philippine General Hospital (PGH) bilang ospital ng mahihirap sapagkat napupunan nito ang pangangailangan ng mamamayan sa murang serbisyong pangkalusugan ngunit naisapribado ito nang sang-ayunan ni BS Aquino ang Public Private Partnership (PPP) sa Pilipinas taong 2010 sa kabila ng mariing pagtutol ng mamamayan. Lalong nanganib ang mga pampublikong ospital gaya ng Philippine Orthopedic Center (POC) na matulad sa kalagayan ng PGH na isa sana sa mga sinasandalan ng mga maralita dahil sa epidemyang kumakalat sa sambayanan — ang PPP. Ayon kay BS Aquino, tutugon daw ang PPP sa kakulangan ng pondong pangkalusugan. Kung sisipatin, 5% mula sa Gross National Product (GNP) ang dapat ilaan sa kalusugan ayon sa United Nations Educational, Scientific and Cultural Or-
Lalong sumisikip ang paghinga ng mamamayang Pilipino sa pagpapatupad ng pamahalaan sa PPP. Kakarampot na nga ang pondong inilalaan sa serbisyong pangkalusugan sinasabayan pa ng hindi patas na polisiya. Sa kalagayan ng UP ManilaPGH, sinang-ayunan ng UP Board of Regents ang “Class D” para sa Undeserved and Unprivileged Patients dito na nagsasabing sisingilin na rin sa mas mababang halaga ang mga pasyenteng kabilang sa Class D na walang kakayanang tustusan ang sariling pampagamot. Kahit na may nakukuhang benepisyo ang mga pasyente, mayroon pa rin silang binabayaran sa eksaminasyon, operasyon at mga bayarin sa nirerekomendang gamot. Samantala, kung sakaling mabawian naman ng buhay ang pasyente, walang pampublikong puneraryang nakalaan dahil lahat ay pribado. Tila naging usapin ng pera ang lahat kaya maraming mamamayan ang hindi nakapupunta ng ospital upang maipagamot ang kanilang mga karamdaman. Isang kabalintunaan na ang ospital na sana ay nagdadala ng pag-asa
sa naghihingalong buhay ang tuluyan pang kumikitil sa mamamayan. . Higit sa usaping pangkalusugan, mas malaki ang inilalaan sa utang panlabas ng bansa, kakaunti ang inilalaan sa serbisyong panlipunan kaya habang nahihirapan naman ang mamamayan sa pagsasakripisyo na makapagbayad ng malaking halaga para sa mga gastusin sa ospital. Ayon kay Julie Caguiat ng Network to Oppose Privatization (NOP), anim sa bawat sampung mga nagkakasakit ang namamatay nang hindi man lamang nakapagpapatingin sa ospital. Samantalang 80% ng mga batang nagkakasakit ang namamatay sa mga karamdamang maaari namang malunasan, kung maaagapan. Nagpapakita lamang ito ng tunay na nararanasan ng mamamayang kapos sa buhay at kawalang aksyon dito ng pamahalaan sapagkat responsibilidad ng mga nasa kapangyarihan na tugunan ang pangangailangan ng mamamayang nasasakupan nito dahil sa bilyon-bilyong buwis ang binabayaran ng taumbayan taon-taon. Hindi lamang pagsilbihan ng pamahalaan ang mga dayuhan at payamanain ang sariling bulsa habang patuloy na hirap ang mamamayan.
KANSER SA SEKTOR PANGKALUSUGAN Sa patuloy na paglala ng kanser sa loob at labas ng mga pampublikong ospital, nahaharap din sa panganib ang mga kawaning pangkalusugan tulad ng posibilidad na pagkatanggal sa trabaho at pagkakaltas sa kanilang benepisyo. Ayon sa pag-aaral ni Pher Pasion ng Pinoy Weekly, nagkakaroon ng pagkakaltas sa “subsistence allowance” o paunang bayad at “hazard pay” o karagdagang kita matapos sumuong sa mapanganib na trabaho, sinasabing kahit mahirap at mapanganib ang gawain ng isang doktor,
hindi siya makatatanggap ng dagdag na sahod na isa rin sa mga nagpapahirap sa kawaling pangkalusugan. Maliban sa mga pagkakaltas, mayroong karagdagang suliraning kinakaharap ang mga hindi benepisyaryo ng iba’t ibang tulong pangkalusugan tulad ng PhilHealth dahil ang mga miyembro lang ng PhilHealth ang may akses sa mga silid ng ospital dahil sa pondong inilalaan para sa mga miyembro nito. Tiyak na bunga nito ang pagpapahirap sa mga kapos na hindi miyembro. Salat na nga sa sweldo, kanser pang dahan-dahang pumapatay sa mamamayan ang pagpapatupad ng PPP. Pinatutunayan nito ang pagtalikod ng gobyerno sa mga obligasyon sa mamamayan na ibigay ang wastong serbisyo, sa halip ginagawang negosyo na lamang ang mga serbisyong pangkalusugan. Ang unti-unting pagpatay sa serbisyong pampubliko ng bansa ay wala ring ipinagkaiba sa dahan-dahang pagpatay sa mga mamamayang Pilipinong nangangailangan nito sapagkat hindi lamang sariling bulsa at pitaka ang dapat na pinatataba ng pamahalaan kundi maging ang kalusugan ng kanyang mga nasasakupan.
SANGGUNIAN: Pasion, Pher. PPP, magpapalalasa ‘sakit’ ngsektorpangkalusugan. Nakuha noong Hunyo 15, 2014, sa <http://pinoyweekly.org/ new/?p=20697 _____ (2014).Pribatisasyonng 26 naospitalsabansa. Nakuha noong Hunyo 15, 2014, sa <http://www.philippinerevolution.net/publications/ang_bayan/20120707/pribatisasyon-ng26-na-ospital-sa-bansa>
SAPANTAH
38
BAGONG GABRIELA
Kristine Joy B. Alimpoyo Patnugot sa Panitikan
Nilimot na ng mga nasa kapangyarihan ang papel ng kababaihan sa kasaysayan dahil ipinagkakait sa kanila ang karapatang umusbong at makilala sa lipunan. Tulad na lamang ng isang bilanggong politikal na si Andrea Rosal, anak ng yumaong si Gregorio “Ka Roger” Rosal na nakaranas ng pagmamaltrato ng pamahalaan habang nasa bilangguan. Kinondena ng GABRIELA – grupong pangkababaihan, ang dimakataong pagtrato ng mga ahente ng Administrayong Aquino sa kalagayan ni Rosal na pitong buwang buntis nang makulong noong March 27, 2014 dahil sa gawa-gawang kaso ng pagkidnap at pagpatay.
Ayon sa salaysay ni Rosal, natutulog siya sa sahig ng selda kasama ang 30 pang mga bilanggo. Mayo nang siya ay makapanganak, dalawang araw matapos nito, namatay ang anak ni Rosal na si baby Diona dahil sa sakit na hypoxemia o kakulangan ng oxygen sa dugo. Nagdalamhati ang buong sambayanan dahil sa pagkawala ng anak ni Rosal ngunit doble ang naramdamang kirot ni Rosal sapagkat binigyan lamang siya ng dalawang oras upang dumalo sa burol ng anak. Dahilan ng korte, pinapangalagaan lamang daw nila ang seguridad ni Rosal maging ang kondisyong medikal nito. Ngunit, kabalintunaan ito nang ilantad ng GABRIELA na halos kaladkarin si Rosal ng mga warden mula sa Philippine General Hospital (PGH) pabalik sa Camp Bagong Diwa. Iginiit nina Maria Kristina
C. Conti at Sandra Gill Santos, mga abogado ni Rosal na parehong nagmula sa National Union of Peoples’ Lawyers (NUPL) na nilabag ng mga ahente ng bilangguan ang ‘Standard Minimum Rules for the Treatment of Prisoner,’ partikular ang Seksyon 22 ng batas na ito na nagpapahayag na nararapat na magkaroon ng espesyal na tratong pangmedikal ang mga bilanggo. Dahil sa patuloy na kilosprotesta at panawagan ng mga grupo na nagsusulong ng karapatang-pantao at kapakanan ng mga kababaihan, napawalang-sala si Rosal at nagmistulang sapantaha lamang ang mga kasong ipinataw sa kanya. “Napatunayan ng hukumang ito na walang alegasyon o kahit anong nagpapatunay na si Andrea Rosal ay naging kabahagi ng kasong pagkidnap o pagpatay,” pahayag ni Judge Toribio Ilao Jr. ng Pasig Regional Trial Court. Hindi lamang si Rosal ang naging biktima ng karahasan at pagyurak sa karapatan, daan-daan na ring mga mamamayan ang lumuha at
nawalan bunga ng paglapastangan sa kanila. Naaalarma ang GABRIELA sa pagtaas ng bilang ng kababaihan at batang nabibiktima ng tinaguriang ‘persons of authority’ o mga may kapangyarihan, kasama ang militar at kapulisan. Sa datos ng GABRIELA, 42 kaso ng mga alagad ng PNP ang salarin, 20 kaso sa AFP, 14 ang mga opisyal ng local government units, 13 naman ang mga politiko, siyam ang tropang Amerikano at dalawa ang miyembro ng Presidential Security Group (PSG) mula 2010 hanggang 2014. Pinatutunayan lamang ng mga datos na ito ang kawalang aksyon ng gobyerno sa lumalalang kalagayan ng kababaihan sa lipunan. Tila kanser kung lumaganap ang mga kaso ng pagmaltrato at pambubusabos sa kababaihan ng mga nasa posisyon. Si Rosal bilang bagong Gabriela ang isa sa kababaihang handang lumaban para sa karapatan ng mamamayan. Dapat nang bigyang-pansin ang kababaihan upang muling tumindig at payabungin ang kanilang mga karapatan at gampanin sa lipunan.
What?! Wattpad sa Hayskul?! Malaki ang naiambag ng wattpad (online website na malayang makapaglalathala at makababasa ng mga akda sa computer at social apps ang mga users) upang muling ilapit sa pagbabasa at pagsusulat ang kabataan sa pagitan ng walang humpay na dahas at digmaan sa daigdig. Gayumpaman, di maikakailang di napapanahong gamitin ang mga nakapaloob dito bilang panawagang gawing alternatibong kagamitang panturo sa hayskul dahil magreresulta lamang ito ng higit na paglabnaw ng kamalayan ng kabataan sa hinaharap.
Nag-umpisa ang pagkakatatag nito sa Canada noong 2006 ng mobile gaming publisher at negosyanteng si Allen Lau at Ivan Yuen bilang chief technology officer para sa pagmimintina at pagpapaunlad ng website. Nagsimula sa paglalathala ng mga klasikong nobela tulad ng Pride and Prejudice, mga libro ni Charles Dickens at Shakespeare. Di maglalaon, maglalathala rin ang kabataan sa iba’t ibang panig ng daigdig ng mga kuwentong halaw sa kanilang karanasan at pinapangarap na “lipunang masaya at masagana” dahilang marami ang
nahikayat na sumulat at magbasa nito. Kaya mula sa libo-libong nahumaling dito sa buong daigdig, nanganak ang wattpad ng 30 milyong users sa kasalukuyan at may layuning umabot hanggang 1 bilyon sa hinaharap. Sa pagugat nito sa Pilipinas noong 2008, pumangalawa ito ngayon sa US na may 5 milyon bilang ng nagsusulat at mambabasa. Ipinapakita ng malaking pagkita sa pagsasapelikula ng “Diary ng Panget” at makailang reprinting ng libro sa Viva-Psicom Publishing Corp.; bukod pa ang pagpapalabas sa TV5 ng ilang serye ng mga kuwentong mula rin
sa wattpad tulad ng A House Full of Hunks, Almost a Cinderella Story at Diary ng Hindi Malandi─na namamayagpag ngayon bilang gahum o dominanteng kultura sa larangan ng Panitikang Pilipino. Dahil din sa kabi-kabilang paglabas ng mga lathalain, balita, patalastas at rebyu ng mga dilawang mainstream media at pagpopondo ng mga dayuhang kumpanya, ang sining na dapat sana’y pampubliko ay naisasapribado at pinagkakakitaan. Di na lamang sining ang sining bagkus ‘commodity’ o produktong inilalako sa mga Pilipinong itinuturing na konsumer na walang-palag at ubos-lakas na ginagatasan ng mga dayuhang negosyante. Kaugnay nito, bago magtapos ang 2014, lumabas ang isang artikulong nananawagan sa paggamit ng wattpad bilang kagamitang panturo sa hayskul. Ikinumpara rin ang bisa ng kahusayan nito sa dalawang nobela ni Rizal: ang Noli at El Fili. Walang dudang ito’y isang pagbibigay impormasyon (pagpopropaganda) para sa higit pang pagtangkilik sa mga kuwentong nakapaloob dito. Malayo
39 kevin p. armingol Patnugot sa Panitikan pinapangarap. Sa kabilang banda, di dapat sisihin ang kabataang naghahangad na ipahayag ang kanilang sarili sa pagsusulat ng mga kwento, nobela o tula tungkol sa pagkasawi sa pag-ibig, paghahangad ng maganda at mayamang mapapangasawa; at maluhong pamumuhay sa lipunan sapagkatbiktima lang din sila ng baluktot na sistema na mai-uugat sa sistemang pang-edukasyon ng naghaharing uri sa bansa. Hangga’t nananatiling pribilehiyo lamang ang pag-aaral sa iilan sa halip na karapatan ng lahat; hangga’t isang malaking pamilihan ang bawat pamantasan at mga konsumer ang mga estudyante nito na binibili ang de kalidad na edukasyon sa mataas na matrikula; at hangga’t walang bakod na pinapanginoon ang mga makadayuhang gawi, kultura, tradisyon at pag-uugali na malayang iwinawagayway ng mga dilawang midya, patuloy na aanihin ng kasalukuyang henerasyon ang mga dati nang problema ng bansa hanggang sa hinaharap. Sa huli, maganda ang
kalatas rin ang sinasalaming kultura nito na pamumuhay ng mga nasa gitnang uri ng mayayamang bansa sa kalagayan ng bayan. Kung tuluyan itong gagamiting panturo, lalaki ang bilang ng mga estudyante at mamamayang may ilusyon sa buhay na tulad sa mga nababasa at napapanood nila— pagkakaroon ng mansyon at magagarang sasakyan; pagwawaldas ng labis na damit, bag at sapatos; maluhong kasalan; at, pagkain sa mga mamahaling restawran bilang sabjek ng istatus na kanilang
adbokasiya ng wattpad na ilapit ang mga nagsusulat nito sa mga mambabasa ngunit di napapanahong ituro ang mga nakapaloob dito bilang alternatibong kagamitang panturo sa hayskul. Mas nangangailangan ang bansa ng mga panitikang magpapalaya ng isipan at sasalamin sa tunay na mukha ng lipunang Pilipino bilang armas sa pagpapalaya ng sarili at ng bayan.
40
“The majority of the so-called great powers have long been exploiting and enslaving a whole series of small and weak peoples. And the imperialist war is nothing other than a war for the division and redivision of this kind of booty. — Vladimir Lenin, The State and Revolution
Dragong Mandaragit Patuloy ang agresyong Tsina sa pagdagit ng iba’t ibang isla na sumasaklaw sa 90% na bahagi ng South China Sea hanggang 80% ng Exclusive Economic Zone (EEZ) ng Pilipinas. Kabilang dito ang Reed Bank at Malampaya na sagana sa yamang-dagat at mineral. Umalma ang Pilipinas at nagsampa ng kaso laban sa Tsina alinsunod sa United Nations Convention in the Law of the Sea (UNCLOS) ngunit, tumanggi ang Tsina na lutasin ang gusot sa ilalim ng ‘arbitral tribunal’ o ang konseho na nagtatalakay sa mga isyung pangteritoryo ng UNCLOS sa kadahilanang: (1) ‘Territorial disputes’ ang pinag-aagawang teritoryo, (2) batay sa aspektong historical ang pag-aangkin, at (3) hindi sakop ng UNCLOS ang pagaangkin sa mga pinag-aagawang teritoryo. Kung pag-uusapan ang historikal na batayan, ayon kay Senior Justice Antonio Carpio ng Korte Suprema, hindi maitatangi na ‘maritime disputes’ at walang karapatan ang Tsina na mang-angkin ng mga isla. Sang-ayon kay Carpio, may apat na kondisyon para masabing may karapatang historiko ang nangaangkin ng teritoryo: (1) dapat pormal na inanunsyo ng estado sa buong mundo ang sakop at hangganan ng teritoryo, (2) dapat may matibay na awtorisasyon o soberanya ang estado sa teritoryo, (3) tuloy-tuloy ang pangangalaga ng awtoridad sa teritoryo, at (4) dapat nirerespeto ng ibang mga bansa ang awtorisasyon sa teritoryo. Sa
batayang ito, masasabing hindi natupad ng Tsina ang mga nabanggit na kondisyon. Bagamat nailathala sa buong mundo ang mapang 9-dashed line (mapang ginawa ng Tsina na nagpapakita ng kanilang mga nasasakupan) noong 2009 nang ipasa ito ng Tsina sa kalihim ng UN, wala pa ring bansa ang kumikilala sa pagaangkin ng Tsina. Hindi epektibong napanindigan at napamahalaan ng Tsina ang sakop ng 9-dashed line mula nang mailathala ito sa loob ng bansa noong 1947 na epektibo hanggang sa kasalukuyan. Samakatuwid, sa pangkalahatang prinsipyo ng internasyunal na batas, walang basehan at karapatan ang Tsina na angkinin ang mga naturang teritoryo. Sa kabila nito, patuloy ang agresibong pandaragit ng higanteng Tsina sa pamamagitan ng patuloy na paglabag sa UNCLOS. Noong Mayo 6, 2014, may mga nahuling 11 Tsino na ilegal na nangingisda sa karagatang sakop ng bansa. Sinundan ito ng pagpapatag ng lupa at pagpapatayo ng Tsina ng mga oil derrick sa EEZ ng Pilipinas na binabantayan ng maliliit na barkong pandigma. Nagkaroon din nang pagtatayo ng mga pasilidad, tulad ng paliparan at daungan upang magsilbing base habang mayroong sirang mga barko at kulang-kulang
John Reinz R. Mariano, Jenny D.C. Franco
Pilipinas sa Hapag n
41 na mga kagamitang pandigma.ang Pilipinas.
Bantay-salakay Samantala, tila isang nakangising buwitre na nakadapo sa Pilipinas ang US habang binabantayan ang bawat galaw ng Tsina. Nagpapanggap na pinoprotektahan ang Pilipinas laban sa Tsina sa pagpapatayo ng sariling base militar ngunit bantaysalakay kung kumilos sa pamamagitan ng pagpapatayo ng mga baseng militar sa Pilipinas. Sa pag-aakalang tutulungan ng US ang Pilipinas laban sa Tsina, nakipagsabwatan ang rehimeng BS Aquino sa US sa pamamagitan ng pagpirma ng mga kasunduan tulad ng Enhanced Defence Cooperative Agreement (EDCA). Nakasaad sa kasunduang ito na maaaring makapagpadala ang US ng mga sundalo at warship sa mga daungan at base sa Zambales at Pampanga. Kung susuriin, masasabing politikal na pagmamaniobra ito ng US sa Pilipinas dahil sa pagpapalawak ng presensyang militar nito sa rehiyon ng Timog- Silangang Asya. Ngunit ayon sa pahayag ni Obama, “We welcome China’s peaceful rise. We have a constructive relationship with China.... our goal is not to counter China. Our goal is not to contain China. Our goal is to make sure that international rules and norms are respected and that includes the area of maritime disputes.” Samakatuwid, walang balak ang US na tulungan ang Pilipinas laban sa Tsina kahit na sinabi nito na irespeto na lamang ang internasyunal na batas dahil di pa ito handing magpasimula ng digmaan kung saan kikita sila. Malaki ang utang ng US sa Tsina na ayon kay Renato Reyes, SecretaryGeneral ng Bayan, nagkakahalaga ng $1.28 Trilyon na nagreresulta sa pag-iingat ng US na hindi kalabanin ang Tsina. Kung kaya’t pagpapalawak ng teritoryo sa Pilipinas ang pokus ng US upang makapagpalakas. Isama pa ang kasunduang Trans Pacific Partnership Agreement (TPPA) na nagpapahintulot ng malayang pagpasok ng mga produkto ng ibang bansa sa Pilipinas. Kung susuriin, isa itong uri ng makabagong pangongolonya kung saan tinatangka ng US na impluwensiyahan ang pang-ekonomikong polisiya ng Pilipinas upang makapaglagak ng mga sobrang produkto o sarplas at
makapagpalawak ng baseng teritoryo.
Pagsupil sa mga Mandaragit Sa kasaulukuyan, walang ipinagkaiba ang Tsina at ang imperyalistang US. Parehong tuso at ganid na mga mandaragit ng mga mahihinang bansa. Ang pinagkaiba lang, ang Tsina, lantaran ang agresyon nito sa Pilipinas habang nagkukubli naman bilang isang tagapagtanggol at kabigan ng Pilipinas ang US ngunit sa katotohanan, dinadagit na nito ang ekonomiya at politikal na aspeto ng bansa. Gayundin, ayon kay Reyes, kailangang umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas para magkaroon ito ng kapasidad na depensahan ang teritoryo nito. Sa pag-unlad ng ekonomya na makakamit lamang sa pagkakaroon ng pambansang industriyalisasyon na malaya sa pambabansot ng dayuhang monolpolyo kapitalista, kakayanin ng Pilipinas na magkaroon ng barko at iba pang gamit para depensahan ang teritoryo at soberanya nito. Subalit hindi rin malabong maulit ang ganitong sigalot sa pagitan ng kahit anong mga bansa sa mundo hangga’t may mga ganid na imperyalistang naghahangad na maghari ang hegemonya sa buong mundo. Kaya naman bukod sa kailangang magkaisa ang sambayanang Pilipino upang igiit ang soberanya ng bansa laban sa Tsina, higit lalong kailangang magkaisa ng mga Pilipino upang supilin ang naghaharing mga mandaragit sa buong mundo tulad ng imperyalistang US. Sanggunian: _____. (2009). Scarborough Shoal Standoff: A Historical Timeline. Nakuha noong Pebrero 18, 2015, sa http://inq.ph/globalnation/index;pos=top;sz=7 28X90;dcopt=ist;tile=1;ord=1234/. Carpio, Antonio T., (2014) What’s at stake in our case vs, China. Rappler.com. Nakuha noong Pebrero 22, 2015, sa http://www.rappler.com/thoughtleaders/52540-philippines-case-china-carpio.
ng mga Mandaragit
Pampilipit-Dila laban sa mga 42
Pilit na pinipilipit ang dila ng kabataan ng mga pilipit ang dila sa pamamagitan ng pagtanggal ng wika. Itinutuwid nang pilit ang katwirang di tuwid sa ngalan ng makitid na daang matuwid Nakasaad sa Konstitusyong 1987, Artikulo XIV Seksyon 6, “…it [Filipino] shall be further developed and enriched on the basis of existing Philippine and other languages”. Sa madaling sabi, tungkulin ng pamahalaan na magsagawa ng mga hakbangin upang payabungin ang pag-aaral at pagpapaunlad ng wikang Filipino at ironikong Ingles ang ginamit sa Konsitusyon kahit pa malinaw nang nakasaad na ito’y dapat gamitin at linangin. At noong ika-27 ng Nobyembre, 2014, tuluyan nang nagdesisyon ang Commission on Higher Education (CHEd) na tanggalin ang asignaturang Filipino sa kolehiyo kahit pa matindi ang pagtutol ng sambayanang Pilipino dahil taliwas ito sa konstitusyon. Ayon sa CHEd, sapat na ang sampung taong pagaaral ng Filipino sa primarya at sekondaryang paaralan ngunit taliwas ito sa ipinapakitang resulta ng National Achievement Test (NAT) noong 2004-2012. Batay dito, naglalaro lamang sa panghuli at pangalawa sa may pinakamababang resulta ang asignaturang Filipino. Patunay lamang na hindi sapat ang pag-aaral ng wikang Filipino sa mababang antas kaya higit na kinakailangang pagaralan ito sa kolehiyo. Sabi nga ni Aurora Batnag, Pangulo ng Pambansang Samahan sa Lingwistika at Literaturang
Filipino (PSLLF), sa antas ng tersarya nagaganap ang intelekwalisasyon ng wika o ang paggamit ng wika sa bawat antas at lahat ng disiplina. Kung uunawain, hindi pa intelekwalisado ang wikang Filipino sa iba’t ibang larangan. Halimbawa, Ingles pa rin ang ginagamit bilang midyum sa pagdinig ng kaso sa korte, sa pulong ng mga ahensya ng pamahalaan at maging sa mga programang pampaaralan. Hindi rin nasusunod ang mandato ng R.A. 10533 S4 na gamitin ang -Lingua Franca o ang mga katutubo at rehiyonal na mga wika sa pagtuturo ng lahat ng asignatura mula kinder hanggang baitang 3 dahil maraming termino ang nanatiling walang salin sa Filipino. Samantala, iginigiit naman ng CHEd na hindi tinanggal ang Filipino sa kolehiyo kundi ibinaba lamang sa grade 11 at 12. Ngunit kung susuriin ang bagong General Education Curriculum (GEC), ‘di tulad ng Ingles, Matematika at Agham na may kahaliling kurso tulad ng Mathematics in the Modern World at Natural Science, tanging ang asignaturang Filipino lamang ang walang katumbas na asignatura sa kolehiyo. Dagdag pa, magdudulot ng pasakit sa libo-libong guro ang CHEd memo 20 batay sa pananaliksik ng PSLLF, may higit 30,000 guro at propesor ang maapektuhan nang pagpapatupad nito na magdudulot ng una: pagkalipat ng mga guro sa ibang departamento o ibang eskwelahang pinagtuturuan;
larawan ni benjamin villarico
pilipit ang ikalawa, pagtatrabaho sa ibang bansa na hindi saklaw ng kanilang propesyon; at ikatlo, tuluyan nang pagkawala ng kanilang trabaho. Minimikaniko ng kolonyal na gobyerno ang wikang Pilipino nang maging globalisadONG mekaniko sa merkado. Kung susuriing mabuti ang mga pahayag ng CHEd, lumalabas na kinakailangang itaya ang sariling wika, kultura at pagkakakilanlan ng bansa sa ngalan ng pagyakap sa globalisasyon. Salungat ang mga ito sa kung paano pahalagahan ng mga ‘globalisado’ at mauunlad na bansang napapailalim din sa K-12 ang kanilang sariling wika. Sa mga bansang China, Japan at Singapore ang nangunguna sa larangan ng edukasyon sa Asya kung saan, mandatong inaaral ang pambansang wika hanggang kolehiyo. Dagdag pa, isang kabalintunaan ang pagtatanggal ng wikang Filipino gayong 46 na unibersidad sa buong mundo ang nag-aaral ng Filipino tulad ng University of Washington, Osaka University at Stanford University. Kung uugatin, nakaangkla sa kurikulum na K-12 ang pagpapatupad ng CHEd Memo no.20. Layunin ng mga bagong polisiya na makaangkop ang Pilipi- nas sa globalisasyon at maging “globa l ly competitive” ang bawat Pilipinong
43
dila -CEDRIC T. BERMISO
nakapagtapos. Subalit, ayon sa pagsusuri ng Alliance of Concerned Teachers (ACT), malinaw na magluluwal lamang ang bagong kurikulum ng semi-skilled workers at cheap labor na may maliit na sahod dahil sa ganitong sitwasyon. Malabo ring kumuha ang kabataan ng propesyon sa kolehiyo sapagkat karagdagang pahirap lamang ang dulot ng karagdagang dalawang taon sa paghahanap ng trabaho. Isama pa ang hilaw na implementasyon ng K-12 kung saan iilang pribadong mga paaralan lamang ang nag-aalok ng grades 11 at 12 na magreresulta ng mas mataas na matrikula. Isa ring kabalintunaan na sa isang agrilkultural na bansa na mga technical at vocational courses ang inaalok sa kabataan kahit pa malaking usapin pa rin ang kawalan ng industriya ng ating bansa. Kung gayon, binubulag ang mga Pilipino na ekonomiya ang pangunahing pundasyon ng bansa dahil sumususog ito sa layon ng K-12 at CHEd Memo na lumikha ng mga lakas paggawa na tutugon sa pandaigdigang merkado. Kung kaya, malinaw lamang na paghahanda sa pagiging kalakal na laman ng bawat kabataan ang hakbang na pagtatanggal ng Filipino dahil isa sa mga kwalipikasyon ang kaalamang Ingles upang makapagtrabaho sa labas ng bansa. Kung ganito lamang ang layunin ng bagong K-12 at CHEd memo 20 na papatay sa wikang pambansa at lulusaw sa makabayang edukasy-
on, nagpapatuany na kontra sa sektor ng edukasyon ang pamahalaang Aquino. Pilipitin ang namimilipit, nanggigipit at nagtatanggal ng pilit sa wika
Pilipino ang dehado sa kolonyalisadong sistema ng edukasyon na nagdudulot lamang ng sakuna sa bawat estudyante na sa pag-aaral umaasa ng karunungan at kaginhawaan. Talo ang mamamayan sa sugal ng pamahalaang alipustahin ang wika at ipusta ang sektor ng edukasyon. Sa ganitong sitwasyon, bago mapilipit ng mga mamimilipit ng dila ang wika ng kabataan sa ngalan ng tuwid na daan, kinakailangan ipagtanggol at matayog na itaguyod ng mga tagapagtanggol ng wika ang laban sa tagapagtanggal nito at patuloy na isulong ang wikang Filipino bago pa patayin ng mga mamamatay-wika.
Sangunian: San Juan, D.M (2014). Tanggol Wika. Facebook.com. Nakuha noong Enero 15, 2015 sa https://www.facebook.com/lastrepublic/notes Tima, R. (2015). Tanggol Wika, nanawagang dagdagan ang units sa aralin ng Wikang Filipino. Balitanghali. Nakuha noong Enero 15, 2015. Sa http://www.gmanetwork.com/news/ video/210454/balitanghali/tanggol-wika-nanawagang-dagdagan-ang-units-sa-aralin-ng-wikangfilipino Umil, A.M (2014). Ched has yet to decide on calls to retain Filipino as college subject. Bulatlat. Nakuha noong enero 15, 2015 sa http://bulatlat. com/main/2014/07/16/ched-has-yet-to-decideon-calls-to-retain-filipino-as-college-subject/
44
12 bagay tungkol sa PH call center industry
Boses ang puhunan ng mga call center agents ngunit ang mga boses na ito ang pilit na pinipipi kasama ng kanilang mga karapatan at kalayaan bilang mga empleyadong pinagsasamantalahan sa sobrang paggamit ng kanilang lakas-paggawa.
1
Ang industriya ng â&#x20AC;&#x2DC;call centerâ&#x20AC;&#x2122; ay produkto ng Business Process Outsourcing (BPO) ng mga malalaking dayuhang kompanya na lumilikha ng mga sangay-opisina sa maliliit na bansa tulad ng Pilipinas dahil sa murang lakas-paggawa.
2
Ayon sa National Statistics Office (NSO), tumaas mula sa 141,630 noong taong 2006 hanggang 364,454 noong taong 2012 ang kalakhang populasyon ng mga empleyado sa call center.
45
‘Sunshine industry’ kung ituring ng pamahalaan ang BPO sa bansa dahil nagdadala ito ng trabaho sa bansa ngunit ayon sa IBON Foundation, nananatili pa ring una ang bansa (7%) sa may pinakamataas na unemployment rate sa Timog silangang Asya.
3
4
Accenture (76), Convergys (117), Telus (274) at iba ang mga kompanyang mula sa US na Top 1,000 corporations sa Pilipinas ang mga nangungunang nagtatayo ng call center dito sa bansa.
5
7 18 taong gulang hanggang 40 ang taon ang dapat na edad upang makapagtrabaho sa call center. Bihasa dapat sa wikang Ingles at pakikipag-usap dahil kadalasang amerikano ang kostumer.
6
9 Graveyard shifts ang pagtatrabaho nila tuwing gabi na umaabot sa 8-12 oras at pagsagot sa daing ng mga dayuhan. Sa trabaho ng mga call center agents, 15 minuto lamang ang panahon para sa break at pag-ihi na lubhang nakaaapekto sa kanilang kalusugan.
8
-MA. NATaSCHA DHONNA FE C. CRUZ
12 Kontraktwal ang mga emng call center at kapag nagkaroon ng problemang pinansyal ang ‘Parent company’ ng mga opisina, malaki ang posibilidad na magbawas ng mga empleyado na maaaring mauwi sa tuluyang pagkasara ng kompanya at kawalan ng trabaho ng mga empleyado.
10 pleyado
sanggunian: _______ (2009). House bill No. 6921. Nakuha noong Marso 15, 2015, sa http://kabataanpartylist.com/files/2009/10/hb-6921-bpo-workers-welfare-protection-act.pdf
Macaspac, M. (2012). Baliktad na mundo sa industriyang BPO. Nakuha noong Marso 15, 2015 mula sa
http://pinoyweekly.org/new/2012/03/baliktad-na-mundo-sa-industriyang-bpo-2/
IBON Foundation (2009). Is the call center a new bright spot for graduates? Nakuha noong Marso 15, 2015 sa
http://www.ibon.org/ibon_features.php?id=34
11
Ayon sa artikulo 234-240 ng Labor Code of the Philippines, karapatan ng empleyado ang pagbuo at pagsali sa mga unyon na nangangalaga sa interes at karapatan ng bawat kasapi.
Mga tawag tungkol sa fastfood chains, cash loaning, Real estate, at gadgets ang kadalasang sinasagot na tanong ng mga empleyado ng call center dito sa bansa.
Malaking porsyento ng populasyon ng call centers ay nakapagtapos ng kursong computer science, engineering, psychology, nursing, pre-law, education at ang iba naman ay kasalukuyang na sa kolehiyo habang nagtatrabaho.
Sa Pilipinas, P15,000 lamang ang natatanggap ng Pilipinong empleyado sa call center na malayo kung ikukumpara sa P70,000-P75,000 na panimulang sweldo sa call center agent ayon sa Bureau of Local Employment sa US.
Ngunit sa loob ng 6 na taon, hindi pa naipapasa ang House bill 6921 o “BPO Workers’ Welfare and Protection act of 2009” sa pangunguna ni Raymond Palatino, dating kinatawan ng Kabataan Partylist. Layunin ng naturang batas na pangalagaan ang karapatan ng mga empleyado ng BPO at mga pananagutan ng kompanya.
Hangga’t ang sistemang pang-ekonomiya ay nakasandig sa US at ibang bansa, patuloy na maghihirap ang Pilipinas na magdudulot ng atrasadong pamumuhay ng mamamayan. At kung patuloy naman na sumusulong ang globalisasyon at industriya ng call center, unti-unting namang maisasantabi ng pamahalaan ang pambansang industriya na maaaring makapagbigay ng sapat na trabaho sa mga Pilipino. Ang boses na walang boses sa loob ng mga nagtatayugang gusali habang binubusalan, ay mas lumalaban. May tinig ang mga call center agents na nararapat marinig ng sunod-sunurang at palaasang pamahalaan ng Pilipinas sa Amerika.
46
KM@50: Paglingkuran ang Sambayan Tinunghayan ng mahigit 4,000 katao ang pagsasadula ng maningning na kasaysayan ng Kabataang Makabayan (KM) noong ika-30 ng Enero 2015 sa University Theater ng Unibersidad ng Pilipinas Diliman. Itinanghal ang “Kabataang Makabayan@50: Paglingkuran ang Sambayanan” sa panulat ni Charisse Bañez at sa direksyon ni Donna Dacuno. Isinabay rin sa pagtatanghal ang pagdiriwang ng ika-45 taong anibersaryo ng Sigwa ng Unang Kwarto (First Quarter Storm) na nag-ugat noong 1970. Pinangunahan ng mga progresibong organisasyon na Anakbayan, Karatula, Institute for Nationalist Studies, at UP Ugnayan ng Manunulat sa pakikipagtulungan ng UP Diliman Office of the Chancellor at PUP Office of the President. Itinatag ang KM noong ika-30 ng Nobyembre, 1964, sa pangunguna ng Tagapangulong Tagapagtatag nito na si Jose Maria “Joma” Sison hindi lamang bilang tagapagtaguyod sa interes ng kabataan, kundi maging ng mga manggagawa at magsasaka sa kanilang pagkamit ng minimithing nakabubuhay na sahod, tunay na repormang agraryo at hustisyang panlipunan hanggang makamit ang pambansang demokrasya. -KEVIN P. ARMINGOL
47
Kabataang Makabayan ang humawan at nagbukas ng panibagong landas sa kasaysayan ng Pilipinas at naging markang-bato para sa kabataan at estudyante noong dekada â&#x20AC;&#x2122;60 na makiisa sa pambansa-demokratikong kilusan tungo sa pambansang demokrasya.
larawan mula sa philippine collegian
cheryll bonifacio
rossana sanfuego
jennifer laude
Ryan Pabalinas . John Garry Alcantara Erana . Cyrus Paleyan Anniban . Gednat G. Tabdi . Joey Sacristan Gamutan . Rennie Tayrus . Lover L. Inocencio . Rodrigo F. Acob Jr. . Virgel S. Villanueva . Andres Viernes Duque Jr. . Vitoriano Nacion Acain . Noel Onangey Golocan . Junrel Narvas Kibete . Jed-In . Abubakar Asjali . Robert Dommolog Allaga . John Lloyd Sumbilla . Amman Mis . ari Esmula . Peterson I. Carap . Roger C. Cordero . Nicky DC Nacino Jr. . Glenn . Berecio Bedua . Chum Goc-Ong Agabon . Richelle Salangan Baluga . Noel N . . brida Balaca . Joel Bimidang Dulnuan . Godofredo Basak Cabanlet . Franklin . Cadap Danao . Walner Faustino Danao . Jerry Dailay Kayob . Noble Sungay Kiangan . Ephraim G. Mejia . Omar Agacer Nacionales . Rodel Eva Ramacula . Romeo Valles Senin II . Russel Bawaan Bilog . Angel C. Kodiamat . Windell Llano Candano . Loreto Guyab Capinding . Gringo Charag Cayang-o . Romeo Cumanoy Cempron . Mark Lory Clemencio . J . seph Gumatay Sagonoy . Oliebeth Ligutan Viernes . BADRUDIN LANGALAN . SARAH PANANGGULON
arnel leonor
sally ordinario-villanueva
DIONA ROSAL
48
MABUHAY KAYONG MGA DI PANGKARANIWAN! -musikang bayan -ANDREA P. DASOY
gapos Umaapuhap sa paghinga Ang musmos mong pag-iral 1896 nang isinilang ka Kakambal ng sandaang putok ng digma At alingawngaw ng katapangan ng katipunan― Ng mga anak ng bayan. Marka ka ng diwang makabayan. Ngunit nilalason ang bawat dila at diwa ng iyong gunita. Ikaw ang ‘di maibigkas Na himig sa mga taludtod ni Balagtas. Tungkong bato ni Quezon sa pag-alpas. Pinanday ng panahon, Ngunit ngayon, Pinagsasabong sa wika Ng iba’t ibang nasyon. Pinuno ng dura ang iyong mukha Ng CHEd At mga rehiyonalista Mata mo’y pugad ng pighati Pagka’t dila’y pinilipit At binusalan ang bibig.
Palakasin ang agos ng iyong mga berso, Palakihin ang daluyong ng mga kwento Sa nakaumang na gatilyo Ng mga dakila mong epiko, Ang tao at ang bayan ang kakalag Ng lubid Na sa iyo’y nagbuhol.
Lumipad ka. Ika’y tatak ng isipang nagkakaisa Ikaw ang wikang kakalag Sa gapos ng tanikala.
THE TORCH PUBLICATIONS 2014-15 ANG OPISYAL NA PAHAYAGANG PANGMAG-AARAL NG PAMANTASANG NORMAL NG PILIPINAS Elaine I. Jacob, Punong Patnugot; Jolly M. Lugod, Kawaksing Patnugot sa Filipino; Ian Harvey A. Claros, Kawaksing Patnugot sa Ingles; Zhen Lee M. Ballard, Patnugot sa Pamamahala; Ma. Natascha Dhonna Fe C. Cruz; Kawaksing Patnugot sa Pamamahala, Isabella Krizia R. Barricante, Patnugot sa Balita; Elaine Grace A. Quinto, Patnugot sa Lathalain; Kevin P. Armingol, Patnugot sa Panitikan; Kristine Joy B. Alimpoyo, Patnugot sa Pananaliksik; Catherine B. Bacu単o, Cedric T. Bermiso, Andrea P. Dasoy, Mitzi Marie C. Dolorito, Jenny D.C. Franco, Sofia Loren C. Golloy, Camille Grace A. Loyola, John Reinz R. Mariano, Maria Theresa N. Morta, Marysildee V. Reyes, Jessa Bernadette A. Romilla, Istap; Martin P. Aguilar, Ma. Cristina L. Barrera, John Carlo B. Cabilao, Mariesol Curiba, Maria Hazel D. dela Cruz, Vincent D. Deocampo, John Carlo D. Evangelista, Diamond A. Gare, Haziel B. Guarte, Don James Indefenzo, Marlou M. Larin, Margaux Anne C. Llanes, Joanah Pauline L. Macatangay, Kristine C. Manaloto, Maria Francesca U. Martin, Kaye Ann Oteyza, Mary Alyza O. Ponce, Danielle Samantha L. Quinto, Romina Reyes, Maricris B. Taguinod, Arbie Lucky R. Tan, Jayson P. Vergel de Dios, Joana Marie D. Yumang, Korespondent; John Paul A. Orallo, Pinuno ng Arts and Media Team (AMT); Marijoe S. Gemparo, Kawaksing Pinuno ng AMT; Enrico Norman G. Balotabot, Precious G. Daluz, John Thimothy A. Romero, Arts and Media Team; Joshua T. Veluz, Litratista; Jolly M. Lugod, Tagaanyo; Prof. Joel Costa- Malabanan, Kritiko sa Filipino; Dr. Jennie V. Jocson, Kritiko sa Ingles; Prof. Victor Rey Fumar, Tagapayong Teknikal.