PINOY PRIDE

Page 1

Vol. IX No. III

Hinulugan Taktak Road, Fairmount Hills Subd. Antipolo City

June 2012

ako.ikaw.tayo

Guam, ika-15 na siglo

ni Delarie S. Almanzor

Tampok sa ating kuwento: Si Padre Diego. Kristiyano. Alagad ng Diyos. Misyonerong nagpalaganap sa pananampalataya sa mga katutubong Chamorro. Si Choco. Inggitero. Tsismoso. Utaktalangka na nanira sa mga misyonero sa pagsasabing lason ang banal na tubig na pangbinyag sa mga katutubong sanggol. Si Matapang. Madaling naimpluwensiyahan ng sabi-sabi. Naniwala sa tsismis na kinalat ni Choco. Pinanindigan ang kanyang pangalan, ngunit sa maling paraan. Ang namuno sa kilusan laban sa mga misyonero nang malaman niyang nabinyagan ang kanyang sanggol na anak. Si Hirao. Ka-alyansa ni Matapang. Insecure. Biktima ng peer pressure. Sumama sa kilusan ni Matapang kahit alam niyang mali ang pananaw nito, huwag lang siyang makantiyawang duwag.

At si Pedro. Katekistang kasapi ng samahan ni Padre Diego. Hinagisan ng sibat ni Matapang, tinamaan sa dibdib. Tinaga ng bolo ni Hirao, tinamaan sa ulo. Namatay sa tabi ni Padre Diego sa huli ring hininga nito. Sa dula-dulaan ng lipunan, alin sa mga tauhang ito ang ginaganap mo? Ikaw ba’y isang Choco, gumagamit ng kapangyarihan ng salita, impluwensya at talino laban sa utos ng Diyos para sa pansariling interes, tungo sa kapahamakan ng iyong kapwa? Ikaw ba’y isang Matapang, nabiyayaan ng lakas at abilidad, ngunit ginagamit ito sa kasamaan? Naiulat sa mga dokucontinued on page 5

Tampok sa Issue God’s Glory Magnified An EnCHANted evening Construction updates Why do Catholics? Ask Padz Palaisi-Pedro Paalam Tag-init! Ang Pagpaslang kay Señor Reklamador Alkansya para kay Maria Kwentong Live Christ, Share Christ. Sound Trip: Hangad Being Benedict Fiesta Schedule

mula sa Editor: Ang tema ng isyu ngayon ay “Pinoy Pride”. Pinaghalong tagalog at ingles kasi mas maganda ang tunog nito at hindi natin maiisantabi pati ang impluwensiya ng Estados Unidos sa atin,pati na rin ang mga ibang bansa na sumakop sa atin.Halu-halong impluwensiya,pero iisa ang diwa. Ngayong buwan ng araw ng ating kalayaan,saksihan ang ating mga bayani at ang kanilang pinamalas na galing at tapang. Merong bayani sa bawat isa sa atin na naghihintay lumabas.Panahon na upang ipaalam natin sa buong mundo ang ating kakayahan at pagiging isang mabuting Kristiyano.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.