LEche Tinta is the official literary folio of the Union of Journalists of the Philippines-UP Batch 2019-2020.
All parts of this literary folio is highly encouraged to be reproduced in any written, electronic, recording, or photocopying form as long as it is credited to the respective writers and to the Union.
tabLE oF coNtenTs poetry Shapes
9
Tagu-taguan
12
36 Months Clean
13
Biyaheng Kalayaan
20
these safe streets
21
Kanino kakapit ang ‘KAPITAN’?
24
Panghihimasok
31
Prose Mukha
2
Paumanhin
40
Footnotes in a Funeral
7
Siyam na mga Daliri
46
Minura Nila Ako
15
Salamisim
47
P*ta raw si Mama
27
Hindi ko (pa) alam
51
Buti pa and Bubot na Bayabas
33
pabili po
52
We Give it All to You
37
Brown
61
She
43
Sa pagmuni-muni
65
Tampisaw
54
Forget
73
Plastik
69
Through Thrift and Thin
72
MUKHA BUDANG Noong isinilang daw ako, kamukha ko si Mama. Ang matambok na pisngi, mata, at hugis ng mukha ay sa kaniya ko nakuha. Ang kutis at ilong ay galing naman daw kay Papa. Tinatawanan ko lang sila tuwing ipapakita nila sa akin yung larawan ko noon, sabay ituturo ang mga nakuha ko sa kanila. Hindi ko kasi maintindihan. Magkakamukha lang naman lahat ng sanggol. Habang lumalaki, lalong nag-agawan ang mga namana ko raw mula kina Mama at Papa. Gaya diumano ako ni Papa: tahimik at pihikan. Walang kahit anong talento sa pagkanta, kaliwa rin ang dalawang paa, parang si Mama.
PAPOW 1 | Tinta 2019
Hindi ko alam kung paano nalalaman kung kanino ba talaga nagmamana. Hindi ko na rin maintindihan kung bakit idinidikta ng agham ang aking pagtanda. Tila ba’y inilalatag na ang kinabukasan ko sa aking harapan isang bagay na para bang hindi ko na dapat pag-iisipan dahil ang lipunan na ang nagtakda. Tila ba’y magugulat sila kung hindi ito ang kahahantungan, kung hindi masusunod o susundin ang kanilang inaasahan. LEche |
2
Hindi lumalaban si Papa. At walang pakialam sa iba si Mama. Kapag may nakitang mali, tahimik lang silang dalawa. Kaya nga siguro ang laki ng pagkagulat nila nang lumaki akong hindi takot sa dugo at bala, sa gabok at lupa. Nabigla siguro sila na hindi ako lumaki gaya ng inaasahan. Na hindi ako nanatiling tahimik at pihikan. Na natuto akong lumaban at makialam. Ang kutis kong pinakaiingatan ni Mama ay nabahiran ng putik at pakikibaka, at kung minsan ay mga marurungis pang alaala. Ang dating singkit na mga mata ay naging bilugan magmula nang mamulat sa piling ng masa. Lumuluha hindi sa sindak, ngunit sa galit. Naging magaspang ang kamay ko, hindi sa pagluluto, subalit sa pagpapanday ng sariling kamalayan, pagkuyom ng nakataas na kamao, sa bumabaong mga kuko dahil sa gigil sa estado. Hindi na raw ako ang batang pinalaki nila. Lumakas ang boses kong noo’y hindi maulinigan ng tainga. Ginamit ang nalalaman sa pagmumulat ng iba. Ang sabi ni Papa, gusto raw niyang may maiambag ako sa lipunan, sa kanila ni Mama.
3 | Tinta 2019
Subalit hindi raw pwede ang pagiging aktibista, ‘ka pa niya. Tutukan ko na lang daw ang eskwela. Ngunit hindi ba’t sa pamamagitan ng pag-aaral ng lipunan- ng tunay na danas ng mga mamamayan- ay lumalawak din ang aking kaalaman? Na lumalalim din ang pagmamahal at pag-unawa ko sa bayan? Isa pa, wala namang pinipiling edad ang pagiging gerilya, hindi ba? Nagpapasalamat ako na binigyan nila ang aking katawan ng tahanan, sinaplutan, pinakain. Ngunit iba ang kaluluwa sa katawan. Iba ang pagbibigay ng pagmamahal sa pagbibigay ng dapat paniwalaan. Kung titingin akong muli ngayon sa salamin ay hindi lang si Mama o Papa ang aking makikita. Hindi ang Lolo o Lola, o maging sina Tito at Tita. Ang kawangis ko ay ang mukha ng rebolusyon- ang hinagpis ng mga manggagawa, ang hinaing ng mga magsasaka, ang galit ng mga naghihirap, ang pagyanig ng bundok, at ang daluyong ng dagat. LEche
|
4
SHIN CHAN 5 | Tinta 2019
LEche
|
6
Footnotes in a Funeral SHIN CHAN
“
Order bag-o ni mayor. Di lang daw mo patyon. Pusilon lang mo sa bisong1 arong— Og wa na ma bisong wa na ma silbi.
[
There’s a new order coming from Mayor.
”
]
We won’t kill you. We will just shoot your vagina, so that– if there is no vagina, it would be useless.
1. Bisayan term for the vulva; bilat; kipay; vajayjay. Contraption for men’s pleasure. When Jhenifer (w/ the unnecessary H) applied in Heaven G-Spot Lounge, the first thing that the Mama-san2 tasked her was to shave her bisong clean. Hairless. Raw. Just how their grubby, fat, White customers in camo trouser want it. 7 | Tinta 2019
2. A female pimp. Figurative mama to the GRO3. A cigarette between her perfectly-manicured fingers, Mama-san sits on a curb in Fields Avenue, by the neon sign that says ENTER ME!. It was she who introduced (sold) Jhenifer to her b.f. Eduardo, a 62-year old aficionado. Nahulog ang panty! she jeers. But Jhenifer knew it was love at first bayó. It was a match made in Heaven. Literally. 3. Acronym for Girls for Rent Overnight. Jhen gave birth last year and had to work. Menial jobs, desperate jobs. Cleaned sidewalks, sold cigarettes, guarded the cashbox at a cockpit. None paid enough. She found salvation on being a full-time pokpok4. 4. Title for sensual worker, flesh entertainer. Jhen doesn’t really know how to dance and the high heels makes it harder. Thank Papa God, her b.f. Eduardo books her for a long night of jerjer5. Easier to fake it on a queen-sized bed than on a stage. 5. The activity of fornication. With her b.f., it lasts for at least an hour. It pays to cater to a gurang6. 6. From the Cebuano word tigúlang, meaning: old people. How dare they ask for a 20% discount? Susmaryosep!7 Jhenifer has a birth certificate that says she’s 21; it’s doctored because she’s 16, but it doesn’t matter because the bajillion shagging have awarded her decades of agony. 7. A combination of Jesus, Mary, and Joseph. Jhenifer prays before she goes on stage. Ama namin, castrate these beer-bellied putanginas8, she’d whisper while applying the smoky eyeshadow that make her face itch. With her plump cheeks and thin lips tinted, she can’t help but comparing herself to a payaso. She hasn’t really worn makeup since her first Communion. 8. Literally translates to “whore mother”. While walking down P. Ocampo, three drunk blokes cornered Jhen. Miss, are you single? Her cries: Ina ako, putang ina! Unsa na, are you cursing at me? They were...what’s the word? Beastmode9. 9. Inhumane. Mga hayop. Mama-san while peeing in a squatting position outside the funeral parlor, overheard someone in suit, giggling, “Pinilahan ata. Pero napakaganda, dapat ang mayor muna ang mauna. Sayang.”
LEche
|
8
Shapes GAGA Do they go to school? Are they familiar with the walls that make a classroom square? Or is their only classroom this open space that has taught me far more than a classroom ever did?
Do they understand the calls that surround their makeshift walls? Will this circular stronghold protect them from the world that hurts the little?
Do they know that a triangle brought them here?
9 | Tinta 2019
LEche
|
10
Tagu-taguan BUDANG Tagu-taguan maliwanag ang buwan Pagkabilang kong sampu Nakatago na kayo Isa… Kumaripas sina Tina Masarap maglaro sa bukiran Wala naman kasing mapagtataguan Dalawa… Dinig sa malayo ang halakhak ni Junior at iba pa Pinagalitan siya ni Anna, “Kapag tayo’y nahuli, ikaw na sunod na taya!”
GAGA 11 | Tinta 2019
Tatlo… Maraming paa ang paparating Sabi ng isang kaibigan namin Sana’y mga bata na gustong sumali para dumami pa kami
Apat… Mabibigat ang kanilang mga yabag Tila niyayanig ang kalupaan Mukhang hindi sila mga bata Lima… May putok na narinig Mula sa yabag ng dumating at napatulo ang aking luha Nang sunud-sunod ang mga palahaw Anim… Binalot ng katahimikan ang paligid Bago umugong ang makina ng 6x6 At ang palirit ni Tina Ang iyak ni Junior At ang pagmamakaawa ni Anna Sumabay sa ugong na humihina. At ngayon ko lang napagtanto: Mahirap palang maglaro sa bukiran Wala naman kasing mapagtataguan LEche
|
12
things break easily in this apartment
36 Months Clean SHIN CHAN
yes, i’ve repainted the walls, changed the bulbs, dusted the curtains, emptied the bins, swept the floors five times until what used to be home is bleached sober, freed of every trace, any place for us, things break easily in this apartment like i, just last week while arranging the shelves your bookmark slipped out and dragged me into the my favorite chapter: you, so i spent the whole day on the floor, back to square one, on the verge of irreparable, broken things break easily in this apartment here, a year ago, all three years went down to the drain. it clogged the pipes and flooded every room, rusting all of our door locks, letting you slip away and even now i still leave the door hanging open just in case
13 | Tinta 2019
things break easily in this apartment but it’s difficult to look for a new space when even the shape of my shadow reminds me of how it used to be held by you. your unintended mementos, unspoken bargains because what else did we do besides love and make love? the Christmas lights, the morning silence the cat paintings, wooden floor, maple-patterned wallpaper, queen-sized bed —didn’t we promise to live here forever?
LEche
|
14
Minura Nila Ako MAMA’S BOY July 26, 2017
Nay, minura nila ako. Sa harap ng klase. At walang ginawa ang aking guro.
Bobo raw ako sabi nila. Walang pinagkaiba sa kanyang ina. Malandi kung tutuusin, kahit
wala pang humahawak sa kanya. Hindi ko man lamang mabitawan ang mga salitang kumukulo sa aking bibig. Ngayong araw, sinikap kong maging isa sa kinatawan ng aming klase sa
debate, ngunit sinabihan na ako’y di hamak lamang na isang babae. Masyadong mahinhin. Nay, nagagalit ako. Kumukulo ang aking dugo na pilit kong tinatago.
Gusto kong lumaban ngunit luha ang lumabas. Tatawagin ko sana na puta ang kanilang
mga ina ngunit aking dila ay umatras. Paano nga ba mabuhay bilang isang dalaga ng hindi
naririnig ang kanilang patutsada sa aking landas? Paano maging isang dalaga para sa aking sarili at hindi para sa kanila? Habang pauwi ay pinagsabihan ako sa labas. “Masyadong maikli
ang palda mo, ine.” sabi nila, baka raw ako’y hindi na makauwi pa. Bakit ganoon, inay? Labinganim na taong gulang lamang ako ngunit kung husgahan--
Nay, natatakot ako. Araw-araw. Minu-minuto. Tuwing umaga habang palakad sa
paaralan, hanggang sa gabi pauwi sa atin. Ramdam ko sa aking paligid na mas masahol pa sila sa asong nahabol sa dilim.
Hindi ko naman akalain na ang pagtanggi sa pag-ibig ng isang lalaki ay isang
kasalanan. Hindi ko naman akalain ang buhay ko’y sa isang lalaki lamang nakalaan. Tinanggihan ko ang kanyang pag-ibig dahil ayaw ko pa magmahal, may gusto pa akong gawin.
Gusto ko…gusto kong—Gusto kong lumipad ‘nay, ayokong mapako sa aking kasarian.
At sa bawa’t hikbi habang sinusulat ko ito, pinapangako ko na hindi nila ako makakalimutan.
Ngunit ngayon...ang aking diary muna ang makakaalam. Gusto kong patunayan na kaya ko ang lahat. Ngunit saan ako magsisimula ‘nay? Walang tukoy na linya ngunit babaybayin. Hindi tukoy haggang saan ngunit sisimulan.
‘Nay minura nila ako ngunit hindi ko sila hahayaan na tawagin ka din nilang puta.
15 | Tinta 2019
July 26, 1947 Hindi ko alam kung may pagkakataong may anak akong makakabasa nito. Dalawang daan, iyon ang nakasulat na tala dito sa aking talaarawan. Dalawang daang araw na rin akong nakakulong sa masikip na silid. Berbal, pisikal...hindi ko na maibilang pa ang beses na ako'y minura. Bobo daw ako sabi nila, puta at walang kwenta. Walang pinagkaiba sa bayan niyang tinatawag na ina. Paano daw ako makakasiguro na mahal pa ako ng aking sariling bayan, kung ito mismo ay sinuka na ako. Malandi kung tutuusin dahil marami na ang humipo sa kanya. Ilang beses nilapastangan ang aking katawan, na minsan ang aking dasal ay kamatayan. Ilang beses na pinasukan na para bang isa lamang akong butas ng kanilang pantasya. Hindi nila ako tinuring na tao, anak. Tinuring nila akong basura. Anak, nagagalit ako. Nakakabit sa aking puso ang pait habang walang tigatig na nttaglakad ang aking mga kababayan sa aking harap, 'tila walang pakialam na ako, kababayan nilang buo ay nagdudusa sa loob ng abandonadong ospital, nabawasan ng dangal. Hindi ko nga din alam kung tinuturing ba nila akong tao, o katulad ng mga dayuhan, isang basura. Gusto kong lumaban ngunit luha at sigaw lamang ang lumabas. Wala nang lakas na natitira sa aking katawan. Tatawagin ko sana na puta ang kanilang mga ina ngunit aking dila ay umatras. Hindi naman nila LEche
|
16
ako maiintindihan. Paano nga ba mabuhay bilang isang dalaga? Hindi ko na malalaman pa. Paano maging isang dalaga para sa aking sarili at hindi para sa kanila? Hindi ko rin alam, anak. Hindi ako sigurado. Isa na lamang baka sakali ang aking pagdadalaga. Kaya lamang nila ako ginusto ay hindi pa dinadatnan ng regla. Mas mabuti ika nga, dahil walang pang pagkakataon na maging ina. Anak, natatakot ako. Ngunit pilit kong tinitibayan para sa aking mga kasama. Sampung selda, ako’y nasa gitna. Wala na ding pagkakataon na magsuot ng damit, kahit man lang isang salawal. Minsan aking naiisip, kung ang aking sigaw ay para lamang isang hayop sa kulungan--isa lamang ungol na walang halaga. Hindi ko inakala na magiging kasalanan ang pagkababae ko. Hindi ko naman akalain ang buhay ko’y sa kanila lamang nakalaan para kanilang pagpyestahan. Gusto kong itanggi ang nangyari sa akin dahil marami akong gustong gawin para sa’yo. Gusto ko, gusto kong, Gusto kong lumipad anak kasama ka, ayokong mapako ka sa aking pinagdaanan. Gusto kong patunayan na kaya ko ang lahat, na handa akong kalimutan ito para lamang sa’yo. Ako ang magtatakda ng linya ng simula. Anak minura nila ako ngunit hindi ko sila hahayaan na tawagin ka din nilang puta. 17 | Tinta 2019
BUNTOT
LEche
|
18
Biyaheng Kalayaan LAGALAG Nakakapanibago ang lagusan ngayon: walang bumibiyaheng dyip patungong Pantranco ni walang mabanaag na biyahe papuntang Visayas pagkat lahat ay bumibiyahe patungong Kalayaan. Naroon silang mga tsuper kuyom ang kamaong ikinukumpas sa langit, panawagan at kasaysaya’y iginuguhit. Doon, diin ng prinsipyo’t paglaba’y lumalangitngit. Sa malayong dako ng payapang lansangan, dinig ang dagundong ng martsang dadaluyong sa tore ng makapangyarihan; dama ang alab ng masang galit, bumabangon sa pagkaalipin. Walang pasada sa araw na ito ‘pagkat naroon silang mga unyonista’t tsuper: lumilikha ng kasaysayan, bumibiyahe patungong kalayaan.
Kuha sa Ateneo Art Gallery 19 | Tinta 2019
(Ekphrasis batay sa Welga ni Neil Doloricon) LEche
|
20
these safe streets GAGA I do not want them caged in silence, But my heart wants them safe. There is none of that in these streets. Blood has been spilled in these streets There seems to only be silence Even those who agree are not safe. I am keeping them safe Far from the gunshots in the streets. Now they question my silence. Maybe if we keep the silence there will be safe streets.
AMOR 21 | Tinta 2019
LEche
|
22
Kanino kakapit ang ‘KAPITAN’? NENE
Balita’y natipak si kapitan, Dahil sa lakas ng pagkasakal At pag-iwas na nauwi sa pagkasawi Anumang tikas ay dinapuan pa rin ng sakit. Saan ang ating kapit ngayong lahat ay wala’t tipak Sa tabi-tabi ay iba’t iba, May mayamang dala’y anim na gintong mina, At may mga bibig na pasal, sabik na sa paglasap. Subalit, una’y pagkapa sunod ang pag-apak Ang pagtangi ay ating pag-ingat, Bata, baliktad pala ang mundo; Nauunawaan na nila. Kaya ngayon ay nag-alab na ang bala Mula sa lawak ng mga kawal; Ang kahinaan pala ng malakas Ay siyang kalakasan ng mahina Bata, baliktarin man ang mundo, Batid na nila Ang tapat ay mananatiling tapat At kung hindi lalaban, ang alila ay magsisilbing alila.
NENE 23 | Tinta 2019
LEche
|
24
PAPOW Mit Mae Man 25 | Tinta 2019
LEche
|
26
P*ta raw si Mama
aming mga magulang. Kahit na isang tindera lang si Mama, proud ako. Pero tinawanan lang nila ako.
JUDING
“Nagsisinungaling naman ‘yang pokpok mong Mama. Hahaha!”
“Teacher, teacher, minura na naman nila ako.”
Wala akong alam sa mga sinasabi nila. Wala mabait naman si Mama. Lagi niya kaming inaalagaan. Binibili niya ang mga paborito kong mga pagkain. Laging nililinis ang mga gamit namin at tinutulungan kami sa mga assignment.
Lagi ko na lang naririnig sa mga kaklase ko na putangina ko raw. Walang halong katatawanan. Walang halong katatawanan at walang halong ng galit at poot. Purong pangunguta’t kahihiyan kay Mama. Unang-unang araw pa lamang ng klase at huling taon ko na ito sa elementarya. Bilang nasa huling baitang na, ito ang unang pagkakataon na maaabutan ko ang takipsilim. Punong-puno ako ng takot dahil sa mistulang galit na galit ang mga kaklase ko at lagi na lang na lang nila akong sinasabihan na putangina ko raw.
Madilim na paligid. Isang araw na naman ang natapos. Hindi ako sanay na umuwi ng gabi. Nagsisilabasan na ang mga night shift. Kumakaripas ng takbo papunta sa kanilang mga trabaho.
“Kring, kring, kring”
Nagmamadali na rin ako dahil hinahabol ko na ang paborito kong palabas sa TV. Bigla akong may nasangging babae. Marami siyang bitbit na mga luggage. Punong-puno ng kolorete ang mukha niya ngunit napaka-iksi ng damit niya.
Uwian na.
“Iho, ok ka lang ba?” sambit ng babae nabangga ko.
“Ay ayan pala ýong anak ng puta”
Parang pamilyar ang boses niya?
Minura na naman nila sa Mama. Ano bang masamang ginagawa niya?
“Mama?”
Mukha naman marangal ang ginagawa niya para buhayin ang aming mga pamilya. Nung recitation nga namin tinanong kung ano ang trabaho ng
Hindi na niya ako pinansin. Nagmadali na lamang siya paalis. Doon ko napagtanto. Puta pala talaga ang mama ko.
27 | Tinta 2019
LEche
|
28
LAMPAYATOT 29 | Tinta 2019
LEche
|
30
Panghihimasok BUNTOT Mula sa kamusmusan niya na ang bahay ay isang larangang digmaan, na ang mga salita’y armas at mga pader bilang panangga, halos saulado na niya ang bawat ‘putangina’, bawat ‘tanga.’ ang pagkalutong ng mga pantig galing sa ‘di mapigilang bibig ng kanyang ama; ang mga sigawang naging tilaok ng manok at mabisang gamot sa antok; ang mga salitang tumusok, nanghimasok, nanirahan, at patuloy na sumisira sa kanyang isipan.
31 | Tinta 2019
Habang nag-iiba ang mga konstelasyon, at ang balatik ang nagsilbing saksi sa mga eksena, ang mga tainga’y naririndi na sa ingay. Ang bunganga’y bihira nang mapuno ng halakhak. Ang mga mata’y sanay na sa mga galit na mukha at basag na pinggan, Ang mga luhang tumutulo, nagiging unan at kumot sa eksenang nasasaksihan. Habang nagpapalit-palit ang mga hayop sa mukha ng isang banyagang kalendaryo, anumang suot ng pula, anumang ingay na dulot ng makukulay na paputok at naghahalo-halong tunog ng torotot, anumang ngiti’t pagbati para sa panibagong yugto, ang mga mura’t gulo sa loob ay nakikihalo, nang-iistorbo; araw-araw ay bangungot, dahil wala pa ring nagbabago at mahal ang gamot. LEche
|
32
Buti pa ang Bubot na Bayabas LAMPAYATOT
Sabi ng Nanay, ayaw daw niya sa mga mumurahing bagay. Mabilis daw
masira ang mga ito kaya mumurahin mo ring tunay. Hindi rin daw bagay ang mga cheap na kagamitan sa isang tulad niyang sosyalin. Sabi ng Lola ay huwag daw magmumura. Masama raw ang mga salitang ito at hindi nakalulugod sa mata ng Diyos ang pagsabi ng mga ito. Sabi ng Tito ay huwag daw naming pipitasin ang mga bunga ng puno ng bayabas dun sa likod-bahay namin. Bubot pa raw ang mga bunga at kailangan pang maghintay hanggang sa mahinog ang mga ito. Sabi ng Nanay, ayaw daw niya sa mga mumurahing bagay. Mabilis daw masira ang mga ito kaya mumurahin mo ring tunay. Hindi rin daw bagay ang mga cheap na kagamitan sa isang tulad niyang sosyalin. Ngunit kahapon, pag-uwi namin sa bahay matapos mamili sa mall ng mga bagong gamit, ay tuwang-tuwa namang nakikipagtsismisan ang Nanay sa aming mga kapitbahay, pinag-uusapan kung bakit daw kaya iniwan ng kanyang asawa ang isa sa kanilang mga kumare. Sabi ng Lola ay huwag daw magmumura. Masama raw ang mga salitang ito at hindi nakalulugod sa mata ng Diyos ang pagsasabi ng mga ito. Ngunit tuwing linggo, tuwing paglabas namin sa simbahan pagkatapos ng misa, ay walang habas na itinataboy ng Lola ang bawat bata’t matandang lumalapit sa’min upang mamalimos ng kaunting pera o kahit pagkain man lang. Sabi ng Tito ay huwag daw naming pipitasin ang mga bunga ng puno ng bayabas dun sa likod-bahay namin. Bubot pa raw ang mga bunga at kailangan pang maghintay hanggang sa mahinog ang mga ito. Ngunit bakit ganun, nung isang gabing dinala ako ng Tito sa likod-bahay namin, dun sa may ilalim ng puno ng bayabas, ay mukhang wala naman siyang problema habang pinaglalandas niya ang kanyang mga kamay sa aking murang katawan. 33 | Tinta 2019
TEDDY BEAR LEche
|
34
SHIN CHAN 35 | Tinta 2019
LEche
|
36
We Give it All to You LAGALAG Ilang oras na akong nakatayo at pakiramdam ko’y lumaki ang mga paa ko sa loob ng aking sandalyas na kataas ng takong. Sobrang sakit na ng mga ito, minu-minuto ang kirot at paghapdi. Mga paang lakad dito, lakad roon, matugunan lang ang pangangailangan ng sandamakmak na mamimili. Kasabay pa ng pagkangalay ng aking likod na buong araw nang pasan ang bigat ng maghapong pagkakatayo, at mga binting paminsan-minsa’y namumulikat sa maghapong pagkakatayo at pagmamadaling lumakad. Pakiramdam ko, ni hindi na ako makakayuko dahil nanigas na ang mga buto ko’t kasu-kasuhan. Hindi naman ako makapagreklamo. Bigla kong naalala na hindi pa ako kumakain ng tanghalian. Alas kwatro pa lang ng hapon at ilang oras pa ang titiisin ko bago mag-uwian. Kaunti na lang, tuluyan na akong magiging tuod sa pagkakatayo ko. Dama ko rin ang unti-unting pagkalusaw ng mga kolorete sa aking mukha. Pero kailangang ngumiti at maging presentable sa mga namimili. Pagkakurap ko, biglang umalon ang lahat ng naaabot ng aking paningin. Akala ko’y nahihilo lamang ako dahil sa gutom, ngunit napansin kong nagsisiyukuan at nagsisitaguan na ang lahat ng tao sa paligid ko– lumilindol na pala. Nagtakip ako ng ulo at saka nagkuyom ng katawan. Walang humpay ang panginginig ng katawan ko sa takot nang mga oras na iyon. Nagpakawala ng isang napalakas na sigaw ang alarm ng mall, at isaisang nagsilabasan ang mga tao. Nakisabay na ako ngunit nang malapit na ako sa labasan, hinarang ako ng kasamahan ko. Maiiwan daw kami sa loob. 37 | Tinta 2019
Madilim ang loob ng pamilihan ngayon. Takot na takot ako. Paano kung may susunod pang mga pagyanig? Mabuti na lang at magkakasama kaming ng mga katrabaho ko. Nagmistula kaming bilanggo sa sarili naming pag-iral, at wala kaming magawa. “Grabe naman. Mamamatay na tayo’t lahat, uunahin pa rin nila ‘yung mga imbentaryo rito sa loob ng mall?” sabi ng isang janitor. “Ano bang tingin nila sa atin? Akala ba nila walang halaga ang mga buhay natin? Na wala tayong pamilyang uuwian at pakakainin?” susog ng isa pang kasamahan. “Mura lang naman ang tingin nila sa atin kumpara sa mga produkto rito, e. Kaya tayo ginaganito. Madaling palitan, madaling tanggalin” sagot pa ng isa. Ang saklap ng kapalaran. Pakiramdam ko’y walang pagpapahalaga sa amin. Tapos na ang kontrata ko sa susunod na linggo, at ganito pa ang iiwan sa aking pabaon. Sana naman, may dagdag sa sw`eldo pagkatapos nito. Malapit na ang kaarawan ni Diday. Si Diday. Kumusta nga pala ang mag-ama ko? Ang nanay? Ang barong-barong? Nakalikas kaya sila? Ano na bang nangyayari sa labas? May natira pa kaya sa looban? O baka naman natutulog siya ngayon, o kaya’y nakikipaglaro? May laya si Diday ngayon, hindi kagaya ko. Hindi bale na’t ganito ang kondisyon ko, sapat na siguro na ang anak ko’y malaya ngayon. Makakalabas pa kaya ako upang makita siya? Ano pa’t magtangka akong tumakas, kung maski hanggang sa labas, bilanggo pa rin sa sistema?
LEche
|
38
Paumanhin JUDING Paumanhin kung ako’y walang ganti Matapos hamunin ng sapakan Dahil sa’king kamay na papilapilantik Resbak lamang ay pitik Paumanhin kung ako’y naguguluhan Mundo’y pilit akong pinaiirog sa salungat Ano ba ang aking laban? Kung mahal ay lalaki rin naman Paumanhin kung ako’y duwag Sa martsa’y kamera aking hawak Nakapulupot sa likod ng lente’t nagkokodak Naiinggit sa mga mag-iirog na umiindak Paumanhin kung hindi ko pa kayang ibandera Bahagharing tela sapagkat marami pang alinlangan Kung pang-aapi’y nagpapatuloy pa rin Ba’t pa ba kailangan lumaban Paumanhin ngunit ngayon ko pa lang napagtanto Aking laban pala’y hindi hiwalay Sa krisis ni ina’y na nag-aararo magdamag Sa krisis ni ita’y na nag-overtime sa pagawaan
SHIN CHAN 39 | Tinta 2019
Paumanhin kung ako’y sasama na Sa martsa paradang na iyong sinusuklam Pakpak ko ma’y papagaspas Kadena niyo rin ay magpupumiglas LEche
|
40
TEDDY BEAR 41 | Tinta 2019
LEche
|
42
She NENE Empty parking lots, a line of closed establishments and few rambling teenagers on 24/7 convenience stores- this is the usual scene when she goes to work. At this ungodly hour, the night seems gloomy and vacant. Apart from the studded night sky, everything is empty, the roads are vacant, and streets are clear of passersby. She paced herself slowly as she approached the small playground. She occupied the empty seesaw and looked wistfully at the night sky. Then she softly recites the name of each present constellation. For a moment, she closed her eyes heavy with mascara and false eyelashes, letting herself be enveloped by the night and its faint glitter. Somehow, the bareness of the streets makes her feel more existent - like how the dark blanket sky illuminates the stars. The few minutes she spends by herself going to work are the most peaceful part of her lengthy night, and so she did this every time, creating a subdued routine. She would recall the name of the stars and the constellation gleaming in the night canvas. It might be out of habit but she believes it would be a shame not knowing the name of a thing with such beauty. After a while, her long legs would stride along the most deserted part of the city. The sound of her stiletto on cold pavement adds to the grand monotone of the evening. As she walks,the wind blows her long hair and swifts to her neck, endowing an alluring scent to the stale night air. She stopped in the last corner of the dark alley and reached for the pack of cigarette tucked in her pantyhose. She lit what would be her eight cigarette that night. Smoking was one of the most effective ways to numb her
43 | Tinta 2019
senses. Plus, the glow of the small cinder on the tip of the stick help guides her path. A few meters away, she heard Mamasan barking to her ‘angels’. She thought, good thing she saved herself from all the yelling and was able to enjoy a stick of cigarette in peace. Sometimes, when she looks to the line of women sitting with her, she can’t help but think that they’re stars, but perhaps they’re shooting ones-shooting stars that falls to grant wishes of lost chaps. It’s now time for work. Girls like her can only spend so much time by herself, alone with their thoughts. As usual, she guided the man in the last room of the corridor. The room, like most others, still smells used by someone. There are creases on the sheets, blotches of god knows what on the cover and cigarette butts on the floor - but it’s the best they’ve got. For a while, they fondle each other. But the man still drowns in his sorrows. Like most men who enter this shanty room, he’s either occupied conjuring a distant image of a woman he thinks he loves or he’s momentarily caught in a moral dilemma- weighing his guilt over the weakness of his flesh. In her years of experience, it’s always the former. Mamasan said they’re not there to make the men happy, they’re just there to make them forget about their troubles- even for a little while.So, she traced the intimate corners of his body meant to bring chills down the bottom of someone’s spine. She observed how his hair stands on a brush of a foreign touch. Now, she’s certain he’s paying attention. His hands rest on her wide hips and it started to wander on her slender body. Sometimes, if they like how the evening went they will ask for her name. But ironically, she didn’t think it mattered (at least not inside this used room) so she will not say a word. Besides, nobody cared enough to ask for it twice. The truth is, she has a beautiful name, but she simply lives in a world that doesn’t need to know. LEche | 44
Siyam na mga Daliri BUDANG
sampung mga daliri naputol pa ang isa habang nando’n sa pabrika’t sa tiyaga’y walang napapala maliliit na ngipin walang makain sweldong maliit nagsasabing dapat may mangyari
45 | Tinta 2019
LEche
|
46
Salamisim (isang Ambahan) BITUIN Gabi’y hindi madilim kung mga salamisim ng kamusmusan natin ay babalik-tanawin. Niligis ma’ng salamin na tumulong magsinsin: alaalang inagiw, atin iyong buuin. At tayo’y pagpalain: buwang naging mariin sa pagtanglaw sa atin.
47 | Tinta 2019
Pagbabalik-tanawin ang mga sinalamin nung tayo pa’y marusing; nung walang suliranin— na ngayo’y nagpadilim sa araw-araw natin. Madarama man nati’y— maalinsangang hangin, hindi no’n mapipigil na kamusmusan natin ay ating sariwain— suyuan sa buhangin, sulyap sa panganorin, at do’n pagdadaupin— palad ay magkapiling. Gabi’y hindi madilim. Noon ma’y akalain na walang suliranin, at walang pangitain nating makakapiling: mga hungkag na lihim. Muli ngang sariwain ang kamusmusan natin; at mga salamisim— gabi’y paliwanagin.
GAGA LEche
|
48
ADING 49 | Tinta 2019
LEche
|
50
Hindi ko (pa) alam BHE Hindi ko pa alam, kung kailan ako makakatikim muli ng piniritong manok galing sa tindahan ng bubuyog o payaso. Palaging buto ang natitira, kaya laging kumakalam ang sikmura. Mula sa mga sisidlang kung anu-ano ang laman; may papag na pinagtitiisan, may plastik na hindi malaman kung ano ang nasa loob, may mga akala mong pagkain ngunit magiging lason kalaunan. Kaya, hindi ko pa alam kung kailan malalamnan ang sikmura ng disenteng tinapay o gatas. Dahil kung hindi sa mga sisdlang umaalingasaw, sa mga umuusok na barelya, laman ay ginintuang bakal ang isasaksak sa aming kalamnan.
51 | Tinta 2019
Lalabas sa amin ang malapot na tubig na ilalagot ng hininga namin. Matapos noon‌ Hindi ko na alam kung saan kami pupulutin ng tadhana.
pabili po POGI Umaga ng Martes, binuksan ni Junjun ang kanilang tindahan. Winalisan ang tapat upang maaliwalas tingnan. Pinagbilhan ako ng tatlong itlog, sardinas at isang kilong bigas para sa aming umagahan. Umaga ng Miyerkules, binuksan ni Junjun ang kanilang tindahan. Winalisan ang tapat upang maaliwalas tingnan. Pinagbilhan ako ng tatlong itlog, sardinas at isang kilong bigas para sa aming umagahan. Umaga ng Huwebes, binuksan ni Junjun ang kanilang tindahan. Winalisan ang tapat upang maaliwalas tingnan. Pinagbilhan ako ng tatlong itlog, sardinas at isang kilong bigas para sa aming umagahan. Gabi ng Huwebes, Puno ng mga naka-unipormeng asul ang lugar. Kasunod ang mga tanod ng barangay. Nang bigla akong nakarinig ng mga putok ng baril. Umaga ng Biyernes, sarado pa ang tindahan nina Junjun. Makalat ang tapat. Tila hindi nawalisan. Wala akong inalmusal noong umagang iyon. Gabi ng Biyernes, nagkalat ang mga sugarol sa tapat ng tindahan nina Junjun. Puno ng ilaw at may pulang karpet ang kanilang bahay. LEche
|
52
Tampisaw JUDING
NEGRO 53 | Tinta 2019
Hapon na! Panahon na ulit para maligo. Ang sarap talaga ng buhay kapag sa tabi ka lang ng dagat nakatira. Para akong sirenang malayang lumalangoy sa malawak na karagatan. Ang pagkakaiba nga lang, kasama ko sa paglangoy ang sandamakmak na mga plastik na basura na tinambak lamang ng kung sino-sino. Hindi na kasi talaga akma para sa pangingisda ang Manila Bay sa dumi nito. Namatay na ang maraming mga isda rito. Hindi nila kayang lumangoy sa tubig. Wala siguro silang makita kaya naman nagkakabanggaan sila at namamatay. Kawawa naman sila. Kaya ngayon kami na lang ng mga kaibigan ko ang nakakalangoy dito. Mabilis kaming natuto kay Papa. Nangingisda Akasi siya noon kaya naman magaling talaga siyang lumangoy. Lumipas ang mga taon, natuto na kami ng iba’t ibang paraan para makapagsaya sa Manila Bay. Minsan, nagtataya-tayaan kami. Nagpapaunahan kami sa pag-ahon. Minsan pa nga’y naglulusutan kami sa ilalim ng tubig kung sino man ang talo sa aming magkakaibigan. Hindi nga lang kami nagpapaabot ng gabi sa tubig. Sabi kasi ni tatay, kapag gabi raw lumilitaw ang mga siyokoy sa dagat. Nakakatakot daw sila. Malalaki ang mga tainga. Makaliskis at kulay berde sila. Kinukuha raw nila ang mga taong lumalangoy sa gabi at ginagawang katulad nila. Lahat daw ng mga kinukuha ng mga syokoy sa gabi ay hindi na nakakabalik sa siyudad. Noon panahon nga raw nina Papa, isang kapwa niya mangingisda ang sinubukang mangisda sa gabi. Kinaumagahan, dumating daw ang pamilya niya sa bahay nina Papa at hinahanap siya. Lumipas ang ilang mga linggo, hindi pa rin nila mahanap ang katrabaho ni Papa hanggang sa nawalan na lang sila ng pag-asa’t hindi na siya hinanap. Kaya naman hindi na pwedeng magtampisaw kapag madilim na. Pinapauwi na agad kami ni Papa sa bahay. Naghahanda na kami para sa hapunan. Matutulog at hihintayin ang hapon para makapagtampisaw sa ulan. Kinabukasan, sadyang hindi namin makita si Haring Araw.
LEche
|
54
Nako! Kapag walang araw, walang paglalangoy na magaganap. Hindi kami papayagan nina papa na lumabas at magtampisaw. May pagkakataon talagang hindi kami nakakapaglangoy sa dagat. Kapag malakas na ang ulan, Hindi na rin kami pinapayagang maligo ng mga magulang namin. Sabi ni Papa, mas malakas daw ang mga syokoy sa mga panahon ng tag-ulan. Gawa raw kasi ng Diyos ng dagat ang ulan kaya naman mas nabibigyan sila ng kapangyarihang makakuha nang mas maraming mga buhay. Tinatangay ng hangin ang mga bahay namin sa Manila Bay. Magkakasama lang kami sa loob at sinisiguradong magiging ligtas ang bawat isa. Noong bata pa raw sina papa, tumakas sila ng dalawang niyang kababata at sumuway sa utos ng kanilang mga magulang. Sa gitna ng napakalakas na ulan,inubukan nilang tumakas at lumangoy sa dagat. Isa – isa nilang sinubukang lumangoy sa gitna ng ulan. Una, isang babae ang lumusong sa dagat. Sumisigaw siya sa tuwa. Sabi ni Papa, parang nakaramdam ng bagong kapagyarihan ang kanyang kababata. Pataas-baba raw sa paglangoy ang babae. Sunod naman, isang lalaki ang sumugod. Humihiyaw na naman sa saya ang kanyang kaibigan. Para rin daw siyang may bagong kapagyarihan. Pagilidgilid ang kanyang paglangoy. Nang si Papa na raw ang lulusong, narinig nila ang sigaw ng kanilang mga magulang. Nalaman na pala ng kanilang mga magulang na sila ay tumakas. Kinuha agad si Papa nina lolo’t lola.. Sinubukan din nilang kuhanin ang mga kaibigan ni Papa pero sabi niya sobrang lakas daw ng kapangyarihan ng kanyang mga kababata. Nalulunod sila sa tuwa. Patuloy sila sa paglangoy. Hindi na makalusong ang mga magulang nila sa lakas ng mga alon. Biglang napalitan ng mga sigaw ng saklolo ang mga halakhak ng mga kababata ni Papa. Patuloy pa rin sila sa paglangoy ngunit hinihigop na sila ng tubig. Sabi ni Papa, hinigop raw sila ng pintuan patungo sa mundo ng mga shokoy. Wala na raw silang nagawa. Pinanood na lang nilang mawala ang mga kababata niya habang naglulupasay sa gilid ang mga magulang nila.
55 | Tinta 2019
LEche
|
56
NEGRO 57 | Tinta 2019
Hindi na kami lumabas ng bahay, kinuwento ni Papa sa akin ang mga kababata niyang naging syokoy. Lalo lang akong natakot sa kanyang kwento. Nakatulog ako sa paulit – ulit na paalala niyang huwag silang gagayahin. Pagkagising ko. Nakita ko na ulit si Haring Araw! Pwede na ulit kaming magtampisaw sa ulan. Umaga pa naman kaya naman naglaro muna kami ng mga kaibigan ko sa mga bato-bato. Katulad ng nakasanayan. Nagmistula pa rin kaming mga sirena. Mula sa pagiging tao, malapit na kaming magkabuntot uli. Hindi na talaga kami makapaghintay na lumusong sa dagat! Hapon na naman! Panahon na para maging mga sirena na ulit kami. Palusong na kami ng mga kaibigan ko papunta sa dagat ngunit nakita agad kami ni Papa. Balot na balot ng takot at pangangaba ang kanyang mga mukha. Tila may masamang balita siyang narinig. “Umahon na kayo riyan. May paparating na bagyo,” babala niya sa aming magkakaibigan. Paano naman niya nasabing may paparating na bagyo? Sobrang tirik ang araw. Masusunog nga yata ang mga balat namin sa init ng sinag ng araw. Baka mamatay pa nga kami dahil sa init hindi dahil sa pagkuha sa amin ng mga siyokoy mula sa mga kwento niya. Bago kami nagtampisaw sa dagat. Tumatagaktak kaya ang mga pawis namin. Pagod kami mula sa paglalaro namin sa mga bato. Gusto nang pumalikpik ng mga buntot namin. “Sige po, Papa. Sandali na lang at aahon na ulit kami,” pahabol namin kay Papa para umalis na siya. Nagpatuloy lang kami sa pagtatampisaw sa dagat. Mamaya pa naman siguro darating ang bagyo. Tirik pa rin naman ang araw. Nagtataya-tayaan kami. Ilang beses din akong naging taya. Di bale nang pagod masaya naman kami sa ginagawa namin. Ilang minuto na rin pala ang lumipas mula sa aming pagsisimula sa paglalaro. Nakasilip na lang si Haring Araw at hindi na gaanong mainit. Nagpabilisan kami sa paglangoy. Lulusot sa ilalim ng tubig kung sino man ang talo sa aming magkakaibigan. Sa dami ng beses na kami ay nagpaligsahan at lumusot, hindi namin namalayang wala na pala si Haring Araw at tinatakpan na siya ng mga ulap.
LEche
|
58
Nagpapaunahan na kami sa pag-ahon. Baka maabutan na kami ng bagyo. Makulimlim na. Lumalakas na ang mga alon. Nakita na namin si Papa. Sinusubukan niyang humingi ng saklolo mula sa mga kaibigan niya. Ang hirap palang lumangoy sa malakas na alon pero parang hindi naman nahihirapan ang mga kaibigan ko. ‘Yong lalaki kong kaibigan parang lumakas pa. Sumisigaw siya sa tuwa. parang nakaramdam siya ng bagong kapagyarihan. Pataas-baba ang kanyang paglangoy. Parang ‘yung kababatang babae ni Papa. ‘Yong babae ko namang kaibigan parang lumakas din. Humihiyaw naman siya sa saya. Para rin siyang may bagong kapagyarihan. Pagilid-gilid ang kanyang paglangoy. Parang ‘yung kababatang lalaki ni Papa. Hindi naman ako mapakali. Gusto ko nang makaahon. Lalong lumakas ang mga alon. Nagsimula nang umulan. Tinatangay na ako ng alon. Naririnig ko ang pagsaklolo ni Papa’t nakita ko siyang lumusong na sa dagat para tulungan kami. Napalitan na rin ng mga sigaw ang halakhak ng mga kaibigan ko. Pareparehas na kaming nahihirapan sa paglangoy pero nahuhuli sila. Unti-unti silang hinihigop ng dagat. Hindi na ako makalangoy. Humingi na lang ako ng saklolo. Garalgal na ang boses ko’t lahat-lahat. Hinihintay ko na lamang na mailigtas ako ni Papa. Agad naman niya akong nakuha bilang malapit na ako sa mga bato. Pinaghintay niya ako. Sabi niya susubukan niyang iligtas ang mga kaibigan ko. Hindi pa rin ako makakibo sa gulat. Tumango na lamang ako’t nagpabuhat sa mga kasamahan ni Papa. Parang nakita kong bumata uli si Papa. Sa kanyang paglangoy para siyang naglalaro. Pataas-baba siya sa paglangoy. Bakas sa kanyang mga labi ang tuwa sa kanyang ginagawa. Agad namang napalitan ng mga sigaw ang halakhak ni Papa. May pintuang alon na bumubukas at tila hinihigop sina Papa at mga kaibigan ko. Wala na akong magawa kundi umiyak. Wala na akong makita. Sinubukan kong tanawin sina Papa. Wala na akong makita. Lalong lumakas ang ulan. Lumipas ang ilang mga oras, alam kong kinuha na sila ng mga shokoy.
59 | Tinta 2019
LEche SINGAW
|
60
Brown NEGS fresh bread cocoa powder sticky honey beach sand parchment paper wooden ukulele roasted almond chicken platter year-old whiskey weaved basket faux leather crocheted teddy mix all colors together they say you get beauty they seem to forget about me 61 | Tinta 2019
PAPOW LEche
|
62
NENE 63 | Tinta 2019
LEche
|
64
Sa pagmuni-muni POGI Alas tres na ng madaling araw.. Dilat pa ang mga mata Nakakabaliw ang katahimikan, nakasisilaw ang dilim Katiting na ilaw mula sa buwan ang tanging nagbibigay liwanag sa silid Tanging ihip ng hangin at patak ng ulan ang aking naririnig Napatingin ako’t pinagmasdan na lamang ang nag-uunahang patak ng tubig sa bintana Naalala ko noong ako’y pitong taong gulang na paslit, sa kung paano ako kasabik magtakipsilim Manunuod ng paboritong telenovela ng aking lola. Naalala ko pa tuwing nawawalan ng kuryente sa kapitbahayan Kasabay ng pagsindi ng kandila ang aliw ng mga bata sa liwanag ng bolang kristal sa kalawakan. Maingay ang paligid. Puno ang kalsada ng mga tao, dala ang kanya-kanyang pamaypay at flashlight Dinig ang hagikhik at kumakaripas na takbo naming mga paslit sa paglalaro Masaya. Tila hindi na namin nais magkakuryente pa Naalala ko pa kung gaano kasabik kaming magkakaibigan na maligo sa ulan Masayang lumulusong sa baha, hindi alintana ang dumi at panganib Naalala ko pa noong tayong dalawa’y biglang inabutan ng ulan Bagamat may dalang panangga sa ula’y lubhang nabasa pa rin ang ating mga gamit. Tanging mga tawa natin ang aking narinig.
65 | Tinta 2019
Noong ako’y nagbinata, katahimikan ang aking siyang aking tahanan; Tanging ihip ng hanging malamig ay musika na para sa akin Katahimikan kasama ang isang espesyal na kaibigan ang nagpapakalma sa akin Naaala ko pa noong tayong dalawa lamang sa silid. Tanging huni lang ng ibon ang ating naririnig. Tahimik. Walang salitang lumalabas sa ating mga bibig. Ngunit ‘yun din ang araw kung kailan ako pinakamasaya. Noon. Ngunit sa aking pagtanda, kung bakit ang katahimikan at kadiliman ang siyang unti-unting pumapatay sa akin Sa kung dati’y sapat na ang ilaw ng buwan upang sumaya Sa kung saan ang katihimikan ang siyang naging pampakalma Sa kung ang pagbuhs ng ula’y may dulot na tuwa sa akin Mayroon nga lang ngayong kaunting kaibahan. Ako’y mag-isa na lamang. Ayaw pang pumikit ng aking mga mata. Ayaw ko na ang buwan ang siyang aking magiging ilaw Ayaw ko na marinig ang tunog ng katahimikan Ayaw ko nang panuorin ang pagbuhos ng ulan Isang bagay ang aking naalala. Hindi na nga pala ako bata Kailangan kong matutunang enjoyin ang dilim, ang ulan at ang katahimikan nang mag-isa Tumunog ang alarm ng aking telepono. Alas sais na pala ng umaga. Ako’y iidlip saglit bago pumasok mamayang alas otso y media.
LEche
|
66
TEDDY BEAR 67 | Tinta 2019
LEche
|
68
Plastik BITIUIN
Lumalayo ang iyong mga nakakasalubong sabay nagtatakip ng ilong
pagkatingin sa iyo at sa dala mong plastik—na tila baga'y may daraan sa harapan nilang trak ng basura. Hindi mo iyon inalintana, sapagkat madalang kang makakita ng gano’ng plastik at mas naiisip mo ang kumakalam mong sikmura na sa tingin mo'y bubusugin ng iyong dala-dalang plastik na mabigat at hitik sa hindi ko lubusang mawari ang nilalaman. Hinahapo ka ng matinding init na gawa ng nagngangalit na sikat ng araw, kaya’t naghubad ka ng iyong pang-itaas at inalampay mo sa iyong balikat. Sa bandang Singer, napapansin mo na rin ang bigat ng plastik dahil nararamdaman mong nanghihina na ang iyong mga kayumangging bisig. Datapwat sumasalamin sa iyong katawan na matagal mo nang hindi nararamdamang bumuhos sa 'yo ang tubig. Nanlilimahid, nangingitim, at punong-punong ng amos ang iyong mukha. Kaya't hiling mo ang magtampisaw sa ulan sa kahabaan ng Ortigas Ext. kasama ng iyong mga kalaro—na siya ring sasaluhan mo ng laman ng iyong dala-dalang nilalangaw at umaalingasaw na plastik na 'di lubusang mawari ng aking sikmura ang nilalaman. Matagal kang naghintay sa labas ng kainan sa may Tikling at umaasang lalabas ang isang manggagawang nakaputi’t nakasumbrerong itim doon na may bitbit ng pinakahahangad mong plastik na sana’y iabot sa ‘yo. Kaya
69 | Tinta 2019
hindi ngayon ang oras upang manghina’t mabuwal ng matinding pagkalam ng sikmura at pagkahapo gawa ng nagpupuyos na init. Samantala, ika’y pinagmasdan ko’t hindi ko magawang maintindihan ang paroroonan ng iyong buhok na waring punong-puno ng pomada—at tila hilig mo ring maligo ng Agua Oxigenada; naghahalo ang kulay kaki’t pamumuti. Sumagi sa iyong isip na hindi lang ang iyong sikmura ang kumakalam, bagkus gayon din ang iyong mga kalaro. Kaya’t ininda mo ang panghihina upang madala ang plastik na ‘di lubusang mawari ng aking sikmura ang nilalaman. Sa kabila ng ‘yong yayat na katawan at panghihina bunsod ng mga hadlang sa kasiyahan ninyong magkakaibigan, nagawa mong bagtasin mula Singer hanggang Valley Golf sa ilalim ng rurok ng matinding sikat ng araw at ng hindi pagsimoy ng hangin. Sa wakas, mararating mo na ang Don Mariano, naghihintay roon ang iyong mga kalaro upang mapagsaluhan ninyo ang nasa loob ng iyong dala-dalang plastik na lubos-lubusang hindi mawari ng aking sikmura ang nilalaman. Ngingiti na'ng inyong mga mata sa pagbukas ng dala-dala mong plastik na iyong nakuha sa Tikling. Magagalak na rin ang inyong mga sikmurang kumakalam at kumukulo. Lalantakan na ninyo ang nasa loob ng plastik, pagpipiyestahan ang ilang tilad at buto ng manok na halos wala ng laman ngunit naroroon pa rin ang samyong hinahanap-hanap ninyo, dadakmain gamit ang mga yayat ninyong mga kamay, ibabato sa isa’t isa ang mga hindi na maaari pa--at kayo'y ngingiti't maghahagalpakan. Mabubusog na rin kayo at magiging masaya kayo. Masaya na kayo sa minsan ding naging masayang kainin ng iba na nasa loob ng plastik na akin nang napagtanto ang laman na pinilit naman mawari ng inyong kumakalam na sikmura.
LEche
|
70
Through Thrift and Thin BUNTOT Every month, Mama would always come home with new clothes. Some had stains, some had holes, but there were always a few that looked just like something out of the mall. We fitted the oversized shirts, the baggy, ripped jeans and the one-sizetoo-small shorts. If we were lucky, we got to own those high-end brands our classmates bragged about. We mixed and matched, strutted on uneven pavements, posed in front of broken glass and asked Ma to rate our outfits while she, unhesitantly giving us a ten out of ten every time, cooked Pancit Canton for merienda. But as the months passed and the prices rose, Mama came home with a fewer number of clothes. Seeing her seemingly genuine smile, I could sense behind her eyes how she wished she could give us more.
GAGA 71 | Tinta 2019
LEche
|
72
Forget GAGA See, time is harsh to beautiful things pushing life to cruel extremes but no one speaks of this. The butterflies with vibrant wings they live for so little it seems. See, time is harsh to beautiful things. Despite the beauty life brings you’re taught to let go of dreams but no one speaks of this. Everyday the moon brings endings and takes away the sunbeams. See, time is harsh to beautiful things. The years make you forget feelings if you weren’t already ripped at the seams but no one speaks of this. And with knowledge that age brings children forget childlike dreams. See, time is harsh to beautiful things but no one speaks of this. 73 | Tinta 2019
ADING LEche
|
74
mga taGa-uKit ng prosa, tula, litrato at dibuho
teddy Bear
kayakap sa dilim
Bituin
nagniningning sa gabing madilim
lampayatot
minsan ako ay nadapa at nabansagan na nito
lagalag
batang ka’y likot ng isip at mga paa, kung saansaan natatangay ng imahinasyon at pag-uusisa
negS
“Nais ko sanang marinig muli.”
Shin Chan Hoy Carmen!
gaGa
“tawag ka daw ng nanay mo”
AmOr
Budang
gusto at ayaw ko ng iyong atensyon
pogi
hindi mo nobya, asawa, ni anak.
hindi natulog tuwing tanghali kaya hindi lumaki
Sabi ng nanay ko, ng konduktor ng bus, dispatcher ng jeep, at ng mga tricycle driver
Singaw
Lilipas din ako
Bhe
buNtot
hindi mawalay sa nanay, nakatago sa likod
Juding
Mama's Boy
ang nagmamay-ari ng koronang santan
AdinG
Nakasanayang tawag ng aking ina
hindi ka namin bati, hindi na tayo play
huwag ka nang umiyak, malayo sa bituka ang sugat mo
Papow
pinapauwi lagi nang maaga kaya wala tuloy naging kaibigan
negro
Mit Mae Man
tatay ko lang nagtatawag sakin nun ngayon
nene
nakadungaw, palaging nag-abang ng bulalakaw
LEche Tinta 2019 Editorial Board Antonio, Josiah Eleazer Editor-in-Chief
Gregorio, Agatha Maria Associate Editor
Carandang, Kriscel Avengoza, John Joshua Section Editor (Prose)
Section Editor (Poetry)
Aligway, Jaycen
Pobre, Patricia Louise
Art Director
Chief Photographer
Pintang, Raevien Layout Artist
Raymundo, Khim Joshua Finance Head
UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES - UP EXECUTIVE COMMITTEE A.Y. 2019-2020 Raymundo, Khim Joshua Chairperson
Boiser, Jasmine Abbygail Vice Chairperson for Education
Aligway, Jaycen Vice Chairperson for Internal Affairs
Carandang, Kriscel Vice Chairperson for Information and Research
Lita, Camille Joyce Vice Chairperson for External Affairs
Pobre, Patricia Louise Vice Chairperson for Membership
Munsod, Cecilia Mariz Vice Chairperson for Finance
PRESENTED BY
Santos, Geraldine Pearl Vice Chairperson for Publicity
Members Aligway, Jaycen Alvarez, Jeanne Pauline Antonio, Josiah Eleazer Asiddao, Arneth Ausa, Lara Jamila Avengoza, John Joshua Bael, Frances Dianne Balita, Yvette Barroso, Gabriel Joseph Bengzon, Faye Antoinette Boiser, Jasmine Abbygail Brozo, Czarina Alezandra Carandang, Kriscel Cariaga, Danielle Sydney Crisostomo, Mary Margarette De Leon, Jemelle Jean Esteban, Patricia Kaye Gandia, John Irving Gregorio, Agatha Maria Juarez, Aira Shaine Lagman, Danicah Faith
Lita, Camille Joyce Losito, Jefferson Monzon, Simoun Rober Munsod, Cecilia Mariz Nadonga, Lourdes Pintang, Raevien Pobre, Patricia Louise Puente, Beatrice Purisima, Leandro Rafael Raymundo, Khim Joshua Salvador, Mikah Ann Lorainne Samaniego, Anthea Sachi San Juan, Ratziel Santos, Geraldine Pearl Tolentino, Miryam Kalyxta Tualla, Clarizzah Joi Tuan, Pia Karla Uy, Victoria Villeza, Alliyah Marie Zablan, Clarist Mae
UNION OF JOURNALISTS OF THE PHILIPPINES - UP
SPECIAL THANKS TO
UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES DILIMAN OFFICE FOR INITIATIVES IN CULTURE AND THE ARTS