TO M O V I , B I L A N G I S E T Y E M B R E - P E B R E R O 2 0 2 2
U N I V E R S I T Y O F N U E V A C A C E R E S , C I T Y O F N AG A , B I CO L
RESBAK-UNCEANO. Sa kabila ng takot at kaba sa pagpapabakuna marami pa ring mag-aaral ng University of Nueva Caceres ang nabakunahan. Ang nasabing pediatric vaccination para sa mga 12-17 taong-gulang ay ginanap sa UNC Sports Palace, noong ika-26 ng Nobyembre taong 2022.
ANG OPISYAL N A PAH AYAGAN N G
03
EMPLEYADO
NG UNC VS. DISTANCE LEARNING ‘Ayusin ang pagpa-plano, pagbibigay ng sweldo, trabaho’
M
ala a . apagpalaya.
M A L AYA . M A PA G PA L AYA .
MAG-A AR AL N G UN C S EN IOR H IG H S C H OOL
09
MATAPOS ANG TUMINDIG MOVEMENT Malaya, iba pang pahayagan lumahok sa protesta kontra anti-terror law
187 empleyado, ilang estudyante bakunado na kontra COVID-19 FRANCINE IVANNA GABAY
Upang maprotektahan laban sa Coronavirus Disease (COVID-19) at sa nalalapit na pagbabalik sa face-to-face classes, 187 na empleyado ng University of Nueva Caceres (UNC) at ilan pang mga mag-aaral sa naturang paaralan ang nagpabakuna na. Matatandaang kasabay ng pagdiriwang ng World Teacher’s Day ay 187 empleyado ng UNC ang binakunahan sa ilalim ng Ayala Vaccine and Immunization Program (AVIP) noong ika-5 ng Oktubre, 2021 sa USI Mother Seton Hospital. Ayon kay Director of Talent Management of the Human Resource Department Divinagracia David, ang mga empleyadong nagpabakuna noong ika-5 ng Oktubre ay nabakunahan gamit ang AstraZeneca COVID-19 Vaccine samantalang ang mga ‘dependents’ umano ay binakunahan gamit ang Moderna Vaccine. “The second day [Oktubre 7] will be [on] Thursday for Moderna pero kasi limited lang ‘yung Moderna, 55 lang sila...for dependents’, saad ni David. Dalawa sa ilang mga learning facilitators (LFs) na nagpabakuna sina Ms. Junalyn Pupa at Mr. Judel Manuel na parehong nagsabing kailangan ito bilang mga empleyado ng naturang paaralan.
saad ni Pupa sa isang panayam kasama ang MALAYA noong ika-18 ng Oktubre. Samantala, isang araw namang nilagnat ang LF na si Manuel na nakadama ng pananakit ng katawan, ulo, at pagiging iritable. Gayunpaman ay parehong sumang-ayon ang dalawang guro sa pagbabalik ng face-to-face classes upang mas maisakatuparan ang wastong panuntunan. Nilinaw din ni David na wala pang magaganap na vaccination drive sa ilalim ng AVIP para sa mga estudyante ngunit mayroong ilang mga mag-aaral na tulad nina Tishana Maria Bertiz at Cris Paulo Josh Tolosa ang nagpabakuna na. Ayon kay Bertiz ng Grade 12 - STEM A, medyo kinakabahan umano siya bago siya nabakunahan ngunit naging mabilis lang naman ang pagturok at tanging pangangalay lamang ang kanyang ininda sa loob ng isa hanggang dalawang araw. “I don’t see this online learning setup being effective if we continue it... this can affect their grades, their motivation in doing good in school and it can also affect the graduates that schools are going to produce,” pagpapaliwanag niya. Patuloy pa ni Bertiz, nararapat lamang na buksan na ang mga paaralan kung nagagawang buksan sa publiko ang mga malls, resorts, at mga atraksyon. “Why can’t schools open as well? If we really want to go back to a face-to-face learning setup, we can do so gradually,” dagdag pa niya. Tulad ni Bertiz ay ang Sinovac o CORONAVAC din ang ginamit kay Tolosa na mula sa Grade 12 TVL ICTCP A na nagpabakuna noong ika-9 ng Agosto ng parehong taon.
MS. JUNALYN PUPA
UNC SHS naabot ang 700 na target enrollees, datos ibinahagi SHIARA MAE HOSMILLO AT SARAH CARINAN
Sa kabila ng pandemya at ilang beses na pagpahaba ng mga araw para sa enrolment, nakapresenta ng datos at natupad din ng departamento ng University of Nueva Caceres (UNC) na Senior High School (SHS) ang kanilang layunin na maabot ang higit na 700 target enrollees. Ayon sa nakapanayam ng Malaya na si Arvin Sibulo, isang kawani para sa punong-guro ng SHS, isa sa mga rason kung bakit napalawig ang mga araw ng enrolment ay dahil sa pagsasaayos ng araw ng pagbubukas ng klase. Matatandaang unang inanunsyo noon sa UNC Facebook page na magsisimula ang klase sa ika-16 ng Agosto para sa elementarya at hayskul. Subalit, agad din itong binawi at isinaayos dahil sa pag-anunsyo ng Department of Education (DepEd) na magsisimula ang klase ng mga pampublikong paaralan sa ika-13 ng Setyembre. Ayon pa kay Sibulo, buhat sa pagpahaba ng mga araw ng enrolment, nagkaroon ng sapat na oras at panahon ang mga magulang ng mga enrollees na iproseso ang kanilang pagpapalista o pagpapa-enroll sa UNC SHS. Naging mabuti rin ang epekto nito para sa mga guro dahil nagkaroon sila ng sapat na panahon para maghanda sa paparating na pagbubukas ng mga klase sa parehong modaliti, mapaonline o modular man.
19
UNC SHS, pinagtibay ang mga patakarang pangakademiko DEXTER RICAFORT AT FRANCINE IVANNA GABAY
Upang matamo ang mabuti at dekalidad na edukasyon para sa lahat, pinaigting ng University of Nueva Caceres (UNC) ang sistema ng paaralan sa pamamagitan ng pagpapaalala sa mga mag-aaral ng mga patakarang pang-akademiko at pagpapahusay ng pagpapatupad ng mga alituntunin at regulasyon. Para sa New Attendance Policy Ayon sa Parent-Student Handbook ngayong School Year 2021-2022, mahalaga ang pagtatala ng ‘attendance’ ng mga mag-aaral. Ito ay alinsunod sa DepEd Order no. 14 s 2021 kung saan ang mga mag-aaral na naka-enroll sa online modality ay
kailangang dumalo sa bawat synchronous at asynchronous sessions. Samantala, ang mga nasa modular modality naman ay kinakailangang pag-aralan ang kanilang mga modules na naka-install sa tablets. “Based on DepEd order no. 14, s 2021, there must be “communication/contact efforts being made by the learner or parent/guardian with the teacher.” Learners must also make an effort in contacting the adviser/learning facilitator to ensure that communication is open,” nakatala sa handbook. Para sa mga online learners, ang pagliban sa isang asignatura ay katumbas ng pagliban sa buong araw. Nakadepende naman sa pagpapadala ng mensahe sa lahat ng kanilang Learning Facilitators ang attendance ng mga nasa modular modality.
MR. ARVIN SIBULO
Bagaman mas mababa ang kasalukuyang bilang ng mag-aaral ngayon sa talang 797 kumpara sa naitalang bilang na 1,029 mag-aaral noong nakaraang taon, naabot pa rin ng departamento ng SHS ang 700 na target enrollees kahit nagkaroon nang pang-ekonomiyang krisis ang bansa at kahit na maraming mga pamilya ngayon ang naghihirap sa kalagitnaan ng pandemya.
02 OPINYON | 12 EDITORYAL | 11
BATA BATA Paano ka Gumawa?
PAGTANAW
sa Panahong Walang Tanglaw
BALITA | 04 LATHAIN | 14
PAGTAKBO
ng Isang Unceana
PANSAMAN -TALANG
listahan ng mga kandidato, ilabas ng COMELEC
Pinakamataas sa lahat ng mga strands ng SHS ay ang Science, Technology, Engineering, at Mathematics (STEM) na binubuo ng halos 56 na porsyento ng total na populasyon ng mga mag-aaral. Sunod naman dito ay ang General Academic Strand (GAS) kung saan ay binubuo ng halos 19 na porsyento samantalang ang Accounting, Business, at Management (ABM) ay 14 na porsyento at ang Technology, Vocational, at Livelihood (TVL) naman ay 12 na porsyento.
02
MA L AY A • S E T Y EMB R E 2 0 2 1 - PE B R ER O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
SHS Unceans sa Unang Sarbey:
Pumili ng maayos na setup, gadget, at lider! FRANCINE IVANNA GABAY AT DEXTER RICAFORT
Sa pagtatapos ng unang markahan sa Senior High School (SHS) Department, nagsagawa ang MALAYA ng sarbey tungkol sa iba’t ibang mga isyu sa loob ng departamento at bansa kung saan lumabas na 49.5% o mahigit 275 na mga mag-aaral ang nagsabing hindi sila sigurado kung totoong epektibo ang distance learning setup. Sa parehong sarbey na sinagutan ng 556 na mga SHS na mga mag-aaral lumabas din na 42.6% o mahigit kumulang 236 indibidwal ang nagsabing nasiyahan sila sa paggamit ng UNC Tablet. Samantala, lumabas din na 135 na mga mag-aaral na edad 17 pataas ang hindi pa rin rehistrado sa nalalapit na eleksyon. Para sa Distance Learning Setup Bunsod ng mabilis na pagtaas ng bilang ng mga kaso ng mga tinamaan ng Corona Virus Disease (COVID-19), matatandaang ipinatupad ng Kagawaran ng Edukasyon (DepEd) ang blended learning setup kung saan maaaring ipagpatuloy ng mga estudyante ang kanilang pag-aaral sa pamamagitan ng online classes at paggamit ng mga modyul. Ngayong taong-pampaaralan 2021 2022, mayroong 797 mag-aaral ang UNC-SHS Department ngunit 275 mag-aaral pa rin ang nagsabing hindi sila sigurado kung epektibo ang distance learning setup, 159 ang sumagot ng Oo, 89 ang nagsabi ng Hindi, at 33 naman ang hindi umano alam. “Ito ay kaya pa naman at ako ay nag aadjust pa. Nahihirapan ako minsan kapag mahina ang wifi o pag nagkakaroon ng power interruption,” saad ni ‘Constantine’ (hindi totoong pangalan) na mula sa Grade 11-STEM O. Ito ay sinang-ayunan naman ni ‘Bei’, hindi totoong pangalan, na mula sa Grade 12-STEM C na nagsabing mahirap umano ang ‘second wave’ ng distance learning sapagkat limitado lamang ang natutunan niya sa klase lalonglalo na’t hindi umano siya kagalingan sa klase. “Para sa akin, sa unang linggo, since orientation pa lang naman, parang chill pa. Pero sa pangalawang linggo, ako ay medyo na-se-stress at medyo relaxed din at the same time (more on sa stress). Sa panahon ngayon parang masasanay ka na lang...
sa totoo lang nakaka-drain ng energy dahil kadalasan nakaupo lang sa harap ng laptop o kahit anong gadget maghapon...Puro nasa isip ko na lang ay deadlines at medyo nakakapagod din mag self-study dahil minsan hindi ako sigurado kung tama ba ang mga infos na nakukuha ko sa aking research,” saad naman ng Grade 11 learner mula sa STEM P na si ‘Eri’, hindi rin totoong pangalan. Iba naman ang naging pananaw ng ibang mga mag-aaral tulad ni ‘Rent’ mula sa Grade 11-STEM P na nagsabing nakakapanibago man ang ‘learning environment’ sa SHS ay naging masaya naman umano ang kanyang unang linggo dahil sa kanyang mga bagong kaklase at mga guro. “Maayos naman, dahil sa maayos ang bagong skedyul na ipinatupad at sa tingin ko makakatulong din ang isinagawang pagbabago sa skedyul sa mga magaaral na nag papartime or full-time job.” saad ni Miks, hindi totoong pangalan, na isang mag-aaral sa ika-12 baitang sa ICT-CP A. Isa sa mga naging rason ng mga magaaral sa likod ng kanilang mga kasagutan ay ang kanilang naging karanasan noong nakaraang taon kung saan ilan sa kanila tulad ni Eis, hindi totoong pangalan at mula sa ika11 baitang, ang nagsabing halos hindi niya maintindihan ang mga itinuro ng kanyang mga guro. “Ang karanasan ko sa distansyang
pagkatuto noong nakaraang taon ay napakahirap at nakaka-pagod sa kadahilanang hindi pa ako sanay at naga-adjust palang sa bagong paraan ng pagtuturo kaya naman ako'y nahirapan at napagod noong nakaraang taon,” ibinahagi ni ‘Eclair’, hindi totoong pangalan, na mula sa Grade 12-STEM D. Hindi rin makakalimutan ng estudyanteng si ‘Nim’ ng Grade 11-STEM L ang sunodsunod na pananalasa ng mga bagyo noon na naging dahilan ng malawakang pagkawala ng kuryente. Sa kabila ng hating saloobin ng mga magaaral, mayroon pa ring naniniwalang epektibo naman kahit papaano ang pagpapatupad ng blended learning setup tulad na lamang ni ‘Ella’ ng Grade 12-STEM E.
ELLA, STEM 12
Ito ay sinang-ayunan din ni ‘Tepi’, hindi totoong pangalan, mula sa Grade 12-ABM B na nagsabing ito ang pinakamabisang solusyon upang makaiwas sa virus ang mga estudyante nang hindi natitigil ang kanilang pag-aaral. Kaya naman sa parehong sarbey, 51.1% ng mga mag-aaral ang nagsabing kailangan ng ipatupad ang limited face-to-face classes sa SHS. “Kung nakakalabas naman ang lahat maliban sa mga bata at matatanda katulad sa mga malls, restaurants at kung saan-saan pa ay bakit hindi nalang ipagpatupad ito?”saad ni ‘jeykehey’, hindi totoong pangalan mula sa Grade 11-STEM M. Ito rin ay sinang-ayunan ni ‘akosisupermanpagkasamakita’ mula sa Grade 12- ICT-CP-A na nagsabing kailangang siguraduhin muna na bakunado na ang mga guro upang makabalik na sa face-to-face setup ang mga mag-aaral. Makabubuti rin umano ito upang hindi na maging hadlang sa pagkatuto nila ang problema sa internet at gadgets. Ilan naman sa mga mag-aaaral ang nagsabing ayaw muna nilang magbukas ang mga paaralan sapagkat natatakot pa rin sila na mahawaan ng virus tulad ni ‘Seben’ mula sa STEM-L. “Wag na muna natin pilitin ang face-to-face learning Kasi Hindi pa lahat nababakunahan,” paliwanag niya. Para sa UNC Tablets
Tingin mo ba ay epektibo ang inihanda at inilunsad na distansyang pagkatuto?
Siguro
MULA PAHINA 01 "The learners... are expected to acknowledge the academic -related message/s from the learning facilitator within 24 hours by at least stating “copy sir or ma’am. For every three (3) messages ignored by the learners will constitute 1 day of absence.The learner shall be marked absent on the date when the learner ignored the message for the third time. If the learner could not respond to the message due to the weak signal, the learner is given an allowance of three (3) days to notify the learning facilitator. In this case, the absence shall be considered as an excused absence,” mababasa sa handbook. Base sa isinagawang panayam ng MALAYA sa ilang mga magaaral tulad ni Jerome Salud at Michael Jan Manahan ng Grade 11 - GAS, suportado umano nila ang pagpapaigting ng patakarang ginawa ng paaralan. “Ang rebisyon ng patakarang akademiko ay isang hakbang sa pagpapaunlad ng sistema ng edukasyon, kaya dapat lamang na ito ay isulong,” wika ni Michael Jan Manayan. Sinabi rin ni Isabella Cordez, Grade 11 - GAS K, na ang pagbabago ng mga panuntunan na ipinatupad ay mga kinakailangan upang mapanatili ang kaayusan sa mga estudyante katulad ng “Attendance policy”. Dagdag pa niya, ang implementasyon na ito ay para maisiguro ng isang guro na kahit nasa bagong sistema tayo ng pagtuturo pumapasok pa rin ang isang estudyante.
JOHN DOMINICK PANABO, GAS 11
Ipinahayag din ni Jon Dominick Panambo, mag-aaral mula sa Grade 11 - GAS K, ang kanyang kagalakan sa naturang hakbang ng paaralan. “Isang kalidadad at mahusay ang hangad ko sa Unibersidad na ito kaya nakakatuwang isiping patuloy nilang pinapaigting ang mga
Hindi ko alam
Sa palagay mo, tablet ba ang pinakamahalagang materyal upang dumalo sa klase?
Oo
Hindi
gantong bagay na hakbang sa maunlad na mundo,” wika ni Panambo. Samantala, may ilang mga mag-aaral naman ang nagsabing hindi nila masyado nararamdaman ang mga pagbabagong ito tulad ni Christian Lawrence Endrano, mula sa Grade 12 - ABM B, na nagsabing wala umano siyang nakikitang masyadong pagbabago maliban na lamang sa tensyon na mas naramdaman ng mga estudyante sa nakatalang oras ng pag sumite ng mga kinakailangan. “For me, I don't see much difference except the students will be more forced or motivated to do their tasks with the given time, unless they are not scared of the deadline anymore. As a learner, I guess it's important to teach students how to handle their time but they should also consider with the given situation we are all in, we are not just students. Although I understand why they want proof,” wika ni Endrano. Para sa ‘No Fail Policy’ Maliban sa New Attendance Policy, patuloy din ang pagpapatupad ng departamento ng No Fail Policy kung saan ito ay alinsunod sa Administrative Memo 14 s. 2020 o ang Revised Implementing Rules and Guidelines In-Progress (IP Mark) at the End of a Course na ipinatupad noong ika-7 ng Disyembre, 2020. Ayon sa inilabas na talaan, pinapayuhan ang mga guro na bigyan ang mga estudyante ng pagkakataon upang maipasa ang mga gawain at hindi dapat bigyan kaagad ng bagsak na marka kapag hindi ito nakapagpasa sa ibinigay na takdang petsa. Ayon kay Samantha Benosa, isang guro sa Filipino, naayon ang mga pagbabago sa patakarang pang-akademiko ng SHS upang higit na matugunan ang mga kinakailangan at maaaring suliranin sa pagitan ng mag-aaral, LF at admin. “Sa mga patakaran na ito higit na kinakailangan na makipag-ugnayan ng mag-aaral pati na rin ng mga magulang sa ating departamento,” wika ni Benosa. Matatandaang inilunsad ang naturang polisiya matapos magkaisa ang iba’t ibang mga student organizations sa UNC tulad ng mga miyembro ng University Student Government (USG), The DEMOCRAT, UNC Law School Board (LSB), at Supreme Student Government of the Senior High School (SHS) Department noong nakaraang taon. Sila ay naghangad ng sapat na konsiderasyon mula sa UNC Administration upang maisakatuparan ang brand promise na 'everyone makes it'.
Sa parehong sarbey lumabas din na 42.6% ng mga respondente ang nagsabing kontento at masaya na sila sa kanilang UNC Tablets, 28.8% ang hindi siguardo, 20.3% ang nagsabi ng hindi, at 8.3% naman ang hindi alam. “Kuntento po ako kasi mas maganda ng may magamit keysa sa wala, at nakakatulong po sa mga school works/related ko po,” saad ng Grade 11-ABM L na si ‘Ginko-chan’, hindi totoong pangalan. Ito naman ay sinang-ayunan din ni Ezra Borlagdatan, Grade 11-STEM K, na nagsabing malaking tulong ito sa pag-access niya ng mga wiki at napapadali ang pagsumite ng mga gawain sa klase. Kung ang dalawang mga Grade 11 na estudyante ay nasiyahan sa kanilang UNC Tablets, labis naman ang panghihinayang at reklamo ng ilang mag-aaral sa ika-12 baitang. "Dahil parati nalamang nag hahang ang aking tablet at naaapektuhan nito ang aking mga submission", saad ni ‘Chy’ mula sa ABM-A. Ang Flexi-tech learner naman na si ‘Jay’, hindi totoong pangalan at mula sa ika-11 baitang, ay nagsabing bukod sa mabagal ito mag-charge ay kakaunti lamang ang space nito at madaling masira.
JAY, FLEXI-TECH LEARNER
pag-sang ayon naman ng Grade 12 STEM D na si ‘Jes’, hindi totoong pangalan. Mula sa 556 na mga mag-aaral na sumagot, 430 ang nagsabing mahalaga ito o tama lamang ngunit hindi ito ang pinakakailangan nila sa pag-aaral. Nang tanungin naman ng MALAYA ang mga mag-aaral kung sa palagay nila ay ang UNC Tablet nga ba ang kailangan nila, 161 lamang ang sumagot ng ‘Oo’. Hiling ng 248 na mga estudyante na palitan na lamang o maglaan ng pondo ang paaralan sa pamamahagi ng pocket wifi sa halip na mamigay ng UNC Tablets, 72 naman ang nagsabing load cards na lamang ang ipamigay, 69 naman para sa powerbanks, at ang natitira ay naghahangad ng mas magandang kalidad ng gadget. Ang pamamahagi ng UNC Tablets ay bahagi ng programang UNC RED Flexi Learning na nagsimula noong nakaraang taon kung saan naka-install dito ang mga learning materials ng mga mag-aaral sa parehong Flexi-Kit at Flexi-Tech modalities.
10
03
/uncpantograph
‘Weekend ECQ, Granular Lockdowns, ipapatupad sa Naga’ - Legacion AMINAH REYES
Sa patuloy na pagtaas ng kaso ng mga tinatamaan ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa lungsod ng Naga, nagpanukala si Alkalde Nelson Legacion ng Weekend Enhanced Community Quarantine (ECQ) sa ilang bahagi ng naturang lungsod at Granular Lockdown sa mga lugar na may maraming naitalang kaso ng sakit ayon sa Health Emergency Response Task Force (HERTF) sa ilalim ng Executive Order No. 2021-026. Ang Weekend ECQ ay sinimulan noong ika-24 ng Setyembre mula ika-9 ng gabi ng Biyernes hanggang ika-4 ng umaga ng Lunes at ito ay lingguhang gaganapin sa Naga maliban sa Barangay Panicuason at Barangay Bagumbayan Norte. Nakasaad din sa panukalang ito na sa bawat pagtatapos ng Weekend ECQ ay ibabalik ang Naga sa community quarantine classification na ipinataw ng Inter-Agency Task Force (IATF). Para pagaanin ang nangyayaring hawaan sa mga lugar na maraming naitalang kaso ng sakit ayon sa HERTF, iminungkahi
na sila’y magkaroon din ng 14 na araw ng lockdown. Ayon sa Facebook post ng Naga City Government, sa ipinatupad na hakbang, tanging ang mga indibidwal edad 1865 lamang ang siyang pinapayagang lumabas ng kani-kanilang mga bahay upang bumili ng kanilang mga pangangailangan, makatanggap ng pampublikong serbisyo, at magtrabaho sa mga pangunahing establisyimento. Wala ring ibang taong pinapayagang maglabas-masok sa kanilang mga tahanan habang ipinapatupad ang paghihigpit maliban na lamang sa mga healthcare workers, non-health workers, mga opisyal ng barangay, mga Overseas Filipino Workers (OFWs) na kinakailangan lumuwas ng bansa at mga OFW na uuwi sa kanilang pamilya matapos makumpleto ang facility-based quarantine, mga residente na nakatira sa lugar na nasa ilalim ng granular lockdown na kinakailangang bumalik sa kani-kanilang mga bahay, at mga mayroong emerhensiya. Maging ang mga delivery crew ay maaari lamang makapasok hanggang sa mga itinakdang collection points ng Local Government Unit (LGU). Subalit, makalipas ang mahigit dalawang linggo kung saan nagkaroon ng pagbaba ng bilang ng kaso, ang 27 sakop na barangay ay ipinasailalim sa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) (Alert Level 4) simula noong ika-8 ng Oktubre.
“Pigmarhay po kan saindong lingkod na suspenderon na an Weekend ECQ sa Naga, asin i-adaptar an quarantine classification na pig-imponer sato kan govierno nasyonal, nin huli sa paghuros kan kaso nin CoViD-19 kan nakaaging duwang (2) semana,” ayon sa Facebook post ng Alkalde. Sa naturang post ng Alkalde, ang mga residenteng nageedad 18-59 ay maaari pa ring lumabas ng kani-kanilang tahanan ngunit upang magtrabaho at bumili lamang ng mga pangangailangan. Ang mga matatanda o senior citizens na bakunado na ay maaari na ring makalabas, samantalang ang mga kabataang menor-de-edad simula 17 pababa ay maaari lamang makalabas kung may biglaang pangangailangang medikal o magpaparehistro bilang botante para sa nalalapit na halalan. Pinahihintulutan naman ang mga establisyimentong may kaugnayan sa Lotto, Gaming, at Betting Shops subalit ito lamang ay kung may sertipikasyon mula sa Pangulo. Ang mga relihiyosong pagtitipon-tipon at mga kainan ay maaari lamang tumanggap ng 20% hanggang 30% ng kapasidad para sa mga kumpletong bakunado. Nagsimula ring muli ang mga mahahalagang gawain konstruksiyon ngunit naaayon pa rin sa utos ng Kagawaran ng mga Pagawain at Lansangang Bayan (DPWH). Samantala, ang mga serbisyong pampamahalaan ay bukas naman sa buong operasyon.
Pagpapalawig ng pagparehistro, inaprubahan ng COMELEC SAMANTHA IMPERIAL AT DEXTER RICAFORT
Noong Setyembre 29, 2021 ang tagapagsalita ng Commission on Elections (COMELEC) na si James Jimenez ay nag anunsyo na ang panahon ng pagpaparehistro ng mga botante para sa pambansa at lokal na halalan ay pinalawig mula Oktubre 11 hanggang 30.
DAGDAG BILANG. Sa pag-apruba ng
pagpapalawig ng pagpaparehistro, maraming mamayan ang pumila sa Robinsons Place Naga City. Ito ay binuksan para sa mga magpaparehistrong bagong botante at muling pag-activate noong ika-28 hanggang ika-30 ng Oktubre, taong 2022.
"Extension is from October 11 to 30; Monday-Friday, no Saturdays, except for the last day (October 30), 8 am to 5 pm. All registration services offered," sabi ni Jimenez. Ang unang huling araw ng pagpaparehistro ng botante ay Setyembre 30 at ito ay pinalitan dahil may iba pang mga bagay na dapat ihanda bukod sa listahan ng mga botante, ayon sa COMELEC. Lahat ng serbisyo ay iaalok tulad ng muling pag-activate at pagpaparehistro para sa mga bagong botante at muling pag-activate. Ang hakbang ng COMELEC na palawigin ang pagpaparehistro ay dumating habang ang Kongreso ay nagpapadala na ng panukalang batas sa Palasyo ng Malacañang para pirmahan bilang batas, sa hangarin ng mga mambabatas na pilitin ang poll body na pahabain ang panahon. Ang panukalang batas na iyon ay naging Republic Act 11591 dahil ito ay nilagdaan ni Pangulong Duterte bilang batas noong Huwebes, na pinalawig ang rehistrasyon ng
mga botante ng isa pang 30 araw. Ang RA 11591 ay magkakabisa kaagad pagkatapos itong mailathala sa isang pambansang pahayagan. Bago ito lagdaan ni Duterte, parehong ang Senate of the Philippines at ang House of Representatives ay naghain ng panukalang batas na nagpapalawig sa pagpaparehistro ng mga botante para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2022. Naghain ng panukalang batas, House Bill 10261, ang mga matataas na pinuno ng House of Representatives na magpapalawig sa pagpaparehistro ng mga botante para sa pambansa at lokal na halalan sa Mayo 2022 ng isang buwan o hanggang Oktubre 31 ngayong taon.
paliwanag ng mga pinuno ng Kamara sa kanilang explanatory note. Samantala, naaprubahan ng Senado noong Setyembre 27 ang panukalang batas na naglalayong i-utos ang pagpapalawig ng rehistrasyon ng mga botante sa gitna ng
paulit-ulit na pagtanggi ng Commission of Elections (COMELEC) upang patagalin ang rehistrasyon sa isang buwan. Ito ang Senate Bill No. 2408. Sa datos na inilabas ng COMELEC, nasa 61 milyon na ang mga rehistradong botante, kabilang ang 3,681,958 bagong rehistro, para sa 2022 elections. Samantala, noong Agosto 12, ang Luzon ang may pinakamataas na bilang na may 2,045,837 bagong botante, Mindanao na may 937,904, at ang Visayas na may 708,217. “The Comelec is ready, our field offices are ready and I can say it’s all systems go. The same goes for the national level filing that will be held at Sofitel,” wika ni Elaiza David, ang direktor ng COMELEC. Samantala, nakatakdang maghain ng Certificate of Candidacy (COC) sa Sofitel tent sa Pasay City ang mga aspirante para sa pambansang posisyon, tulad ng presidente, bise presidente, senador, at party-list representative. Ang mga naghahangad ng mga lokal na posisyon ay maghahain ng kanilang COC sa lokal na tanggapan ng COMELEC sa kanilang lungsod o munisipalidad kung saan nila nilalayong mahalal. Ayon sa inilabas na datos ng COMELEC, mahigit 18,000 posisyon ang nakataya sa mga botohan sa susunod na taon.
Empleyado ng UNC vs. distance learning:
‘Ayusin ang pagpa-plano, pagbibigay ng sweldo, trabaho’ SARAH CARINAN AT DEXTER RICAFORT
Sa gitna ng distance learning, ramdam hindi lang ng mga mag-aaral kundi pati na rin ng mga Learning Facilitator (LF) at ilang maintenance personnel ng University of Nueva Caceres ang hirap na dulot ng pagbabago ng sistema ng pagaaral. Sa isinagawang panayam ng Malaya, ibinahagi ng LFs at ilang maintenance personnel ang mga pagsubok at hirap na kanilang hinaharap bunsod ng distance learning. "One hardship that I can Identify in this distance learning set-up is learners' participation," pahayag ni Juancho Romero, LF sa Science and Technology. Pahayag niya pa, upang masolusyonan ito ay gumagawa siya ng isang 'inclusive space' kung saan magiging komportable ang kanyang mga mag-aaral na magbahagi ng kanilang sagot sa klase. Maliban dito, tumatanggap din siya ng sagot sa iba't ibang paraan para makalahok ang estudyante sa talakayan.
Isa sa mga nakapanayam ng Malaya si ‘DI_KA_SAYANG’, hindi totoong pangalan, na nagsabing kailangang pagplanuhan ang mga aktibidad sa buong taon at ayusin ang paghatid ng mga anunsyo upang maiwasan ang kalituhan at delay sa trabaho.
DI_KA_SAYANG
Patuloy ni ‘DI_KA_SAYANG’, kailangan din umanong ayusin ang pagbibigay ng mga deadlines sa mga guro at kung maaari ay naaayon sa kanilang trabaho ang sahod. Binigyang-diin naman ni Christopher Diaz, tekniko sa UNC, ang hirap na dala ng Coronavirus Disease (COVID-19) na hanggang ngayon ay patuloy pa ring kumakalat at kumikitil ng mga buhay sa mundo. "Syempre pandemic, kalaban mo diyan COVID kasi [may] makakasalamuha ka na ibang tao. Di mo alam kung asymptomatic, yun yung kinakatakutan ko," wika ni Diaz. MR. JOALEX NILO
MR. JUANCHO ROMERO
08
04
MAL AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 D IBIS Y O N NG NA GA, R E H IY ON G BIC OL
Pansamantalang listahan ng mga kandidato, nilabas ng COMELEC SHIARA MAE HOSMILLO AT SAMANTHA NICOLE IMPERIAL
Ang pansamantalang listahan ng mga lokal at pambansang mga kandidato para sa Eleksyon 2022 ay nilabas na ng Commission on Elections (COMELEC) sa kanilang website noong Disyembre 2021. Kasama sa nasabing listahan ay ang 97 katao na nagsumite ng kanilang certificates of candidacy (COC) para sa pagkapangulo, ang 27 pangalan sa listahan ay para sa pagkabise-presidente, at ang 174 ay para sa pagkasenador, sa paghahain ng candidacy noong Oktubre 1 hanggang 8. Kabilang sa mga kilalang tatakbo para sa pagkapresidente ay sina Bise Presidente Maria “Leni” Robredo, ang dating Senador at anak ng dating diktador na si Ferdinand "Bongbong" Marcos Jr., Maynila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, Senador Emmanuel “Manny” Pacquiao Sr., at Senador Panfilo “Ping” Lacson. Sa mga tatakbong bise presidente naman ay sina Senador Francis “Kiko” Pangilinan, Physician Willie Ong, Senador Christopher “Bong” Go, Pangulong Senador Vicente Sotto III, at House Deputy Speaker Jose “Lito” Atienza Jr. Sa mga tatakbong sa senado naman ay sina Dating Kinatawan ng Baguio Teodoro “Teddy” Baguilat Jr., dating Bise Presidente Jejomar “Jojo” Binay, Abogadong Neri Colmenares, Human Rights Depensor Chel Diokno, Aktor Robinhood “Robin” Padilla, Reporter Raffy Tulfo, Dating Miyembro ng Kinatawan Mark Villar, at iba pa. Marami ring magrere-eleksyon sa senado, isa na rin dito ay sina Richard “Dick” Gordon, Juan Miguel “Migz” Zubiri, Joseph Victor “JV” Ejercito, Sherwin “Win” Gatchalian, Gregorio Honasan II, at Emmanuel “Joel” Villanueva. Ang 10 sa mga tumakbong ito ay pinalitan ng ibang mga taong gustong tumakbo habang ang 22 naman dito ay boluntaryong umurong ng kanilang COCs sa buong panahon na pinapayagan na mula Oktubre 9 hanggang Nobyembre 15, ayon sa COMELEC. Mga Plataporma At Mga Kontrobersiya Si Maria Leonor “Leni” Robredo, bise-presidente at Human Rights Lawyer, ay tumakbo sa pagkapresidente upang wakasan ang kawalan ng kakayahan, katiwalian, at kultura ng karahasan na nananatili sa ilalim ng rehimeng Duterte. Matatandaan na siya ay isang kritiko sa ‘anti-drug war’ campaign ni Presidente Rodrigo Duterte dahilan para italsik siya ng presidente pagkatapos ng tatlong linggo bilang Co-chair ng ‘anti-drug agency’ ng gobyerno. Sa kabilang dako, hinikayat niya ang kanyang mga taga-suporta na sundin at suportahan niya para magkaroon ng ‘siguradong hinaharap na may pantay na oportunidad’ para sa lahat. Si Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. naman na kilala
bilang anak ng diktador at dating senador ay tumakbo bilang presidente na may kakayahang pagkaisahin ang bansa pagkatapos ng sirang dinulot ng pandemya. Hindi makakalimutang ang pamilya ng mga Marcos ay may mahigit na 10 bilyon na ninakaw noon ng kanilang ama at dating diktador na si Ferdinand Marcos ngunit isinantabi lang ito ni Bongbong at itinuring lang itong paninira sa kanyang pamilya na hindi pa nakukulong sa kalagitnaan ng mga alegasyon. Sa kabilang banda, kilala naman bilang aktor at may hirap-papuntang-yaman na talambuhay kagaya ni Pacquiao si Francisco “Isko Moreno” Domagoso na nagnanais na maging “Healing President”. Kilala si Domagoso sa pagtataguyod ng magandang pamamalakad sa Maynila ngunit hindi pabor sa pagpapakulong sa mga senador na ‘na-tag’ sa mga kontrobersiya, kung saan tinawag ang hakbang na ‘too much’. Kilala naman bilang kampeon sa boxing, prangkong Kristiyano, at senador si Emmanuel “Manny” Pacquiao na hininto ang kanyang karera sa boxing para tumakbo bilang presidente ng bansa na may pangakong babaguhin ang gobyerno, itigil ang korapsyon, at masolusyunan ang kahirapan. Kabila sa pagiging kampeon, kasali rin si Pacquiao sa iba’t ibang mga isyu gaya ng hindi niya pagiging aktibo sa senado, bilang isa sa mga kasangkot sa pagtaguyod ng ‘death penalty law’, at ang kanyang mga masamang mga kumento sa grupo ng LGBTQ+ na sila raw ay “mas malala pa kesa sa mga hayop.” Isa rin sa mga naghain ng kanyang kandidatura sa pagkapresidente ay si Panfilo “Ping” Lacson kung saan kanyang ibinahagi na tatakbo siya upang labanan ang korapsyon. Matatandaan na si Lacson ay sinampahan ng kasong murder si Lacson at ang kanyang mga tauhan dahil sa pamamaril sa 11 miyembro ng Kuratong Baleleng sindikato sa isang operasyon noong 1995 pero sa huli ay ibinasura lang ito ng dahil sa kawalan ng mga posibleng dahilan. Sa isang banda, ipinangako ni Lacson na lalabanin niya hindi lang ang korapsyon, gayundin ang droga, at krimen pareho sa adbokasiya ni Duterte noong 2016. Pinangako rin niyang magiging ‘iba’ ang kanyang pamamalakad. Panayam sa mga Tumatakbong Presidente Nitong nakaraang Enero 22, sumalang sina Lacson, Moreno, Pacquiao, at Robredo sa panayam kasama si Jessica Soho. Samantala, si Marcos naman ay hindi sumipot sa panayam. Pinagusapan sa panayam na ito ang mga isyu na kinahaharap ng mga kandidato at ang kanilang mga ideya patungkol sa mga larawan na pinakikita ni Soho. Sinagot rin ng mga ito kung pabor o hindi pabor sa mga parirala na sinasabi ni Soho.
TikTok, Podcast Clubs, bagong organisasyon sa UNC SHS
Dulot ng mga pagbabagong naganap sa sistema ng pag-aaral, inilunsad ng University of Nueva Caceres (UNC) Senior High School (SHS) Department ang Tiktok Club at Podcast Club upang pag-ugnayin at paglapitin ang mga mag-aaral at mapalawak ang kaalaman ng mga manonood at tagapakinig tungkol sa mga napapanahong isyu sa ating bansa. Ayon kay Oxygen Fordan, tagapangasiwa ng Tiktok Club at isang Natural Science learning facilitator (LF), ang paglunsad ng bagong organisasyong ito ay mabuti para sa mga mag-aaral sapagkat kakaiba ito kumpara sa mga nakasanayang gawaing akademiko. “Sa tingin ko, may positibo itong epekto sa miyembro at sa mga taong nakapapanood ng kanilang iba't ibang bidyo. Ito ay sa kadahilanang saliwa ito sa kinasanayang gawaing akademiko. Ito ay pahingahan at tagapagbigay aliw,” pahayag ni Fordan.
Mga Perspektibo ng Mga Pilipino Ukol naman sa mga opinyon ng mga Pilipino tungkol sa halalan at tungkol sa inaasahan nilang lider, nagpahayag sila ng iba’t ibang opinyon dito lalo na ang mga mag-aaral ng University of Nueva Caceres sa departamento ng Senior High School.
PAULA CREDO, ABM 11
Sinabi rin ilan na kailangan natin makapili ng angkop na pinuno na gagawa ng kanilang makakaya upang mangako sa kanilang mga pangako at sa mga mamamayan ng ating ipinagmamalaking bansa.
VICTORIA ALANO, STEM 12
Tulay Sa Gitna ng Pandemya AMINAH REYES AT RAMER ERLIN BREIS
Ang mga panig ng mga kandidato ay nalaman natin nang sagutin nila ang mga isyu kagaya ng same sex marriage na sinangayunan nina Lacson at Robredo kung ito raw ay civil union. Hindi naman sang-ayon ang lahat sa death penalty. Samantala, sumangayon ang lahat sa mandatory drug testing para sa mga kandidato upang malaman kung gumagamit ba sila ng droga o hindi. Sumang-ayon din sila na mayroong Extra Judicial Killings (EJK) na naganap noong ginawa ni Duterte ang laban kontra droga at ang pagsapubliko ng medical records ng hahalalin na presidente at ang pagsapubliko ng Statement of Assets, Liabilities and Networth (SALN) ng mga opisyal ng gobyerno. Samantala, si De Guzman naman ay hindi naimbitahan sa panayam kasama si Soho kung kaya’t ito ay nagkaroon ng kaniyang sariling Facebook live upang sagutin ang mga katanungan na ibinabato sa mga kandidatong imbitado. Ayon sa kanya, ang laban kontra droga ay dapat ituloy ngunit huwag sa marahas na paraan. Ito raw ay dapat na itratong isang health problem at hindi mga kriminal na basta-basta na lamang papatayin. Sinabi niya rin na kung mas maayos daw ang solusyon ng gobyerno, mas matatapos din natin ang COVID-19. Plano niya raw na magkaroon ng mass testing at hindi ang paulit-ulit na lockdown.
Ibinahagi rin niya ang magiging pokus ng kanilang gagawing bidyo para sa naturang klab.
MS. OXY FORDAN
Ilan sa mga ninanais ng Tiktok Club ay ang maghatid ng mga makabuluhang bidyo tungo sa kasiyahan ng mga manonood nang sa gayon ay bigyan sila ng inspirasyong magpatuloy sa buhay. Samantala, misyon naman ng Podcast Club ang makapagbahagi ng mga makahulugang karanasan na maaaring makatulong na mahubog ang kakayahan ng bawat miyembro ng organisasyon at
makapagbigay ng oportunidad sa mga magaaral ng UNC na maipamalas ang kanilang mga kaisipan at ideya na maaaring makatulong sa mas marami pang mag-aaral at tagapakinig. Ipinahahayag din ng Podcast Club ang kanilang bisyon na maging isang sentro at maging tanyag sa pagbabahagi ng impormasyon ang kanilang organisasyon sa loob at labas ng institusyon. Idagdag pa ang pagnanais nitong magkaroon ng mas marami pang miyembro upang mas maayos na maitatag ang organisasyon. Sa panayam ng Malaya kasama si Naj Francisco, bise presidente ng Podcast Club, ibinahagi ni Francisco ang importansya at kaginhawaang dala ng makabagong teknohiya sa kasalukkyan. Ayon sa mag-aaral na si Lexi Rust, mainam ang pagkakaroon ng mga bagong organisasyon upang maibahagi at mahubog pa ng mga magaaral ang kani-kanilang mga talento. Dagdag niya pa, ang mga organisasyon na ito ay nagsisilbing tulay sa gitna ng pandemya.
LEXI RUST, STEM 12
Nagiging tulay din ito dahil sa online platforms na maghahatid ng info o content ng video o podcasts kahit na nasa pandemya tayo. Sa tingin ko rin tulay ito sa gitna ng pandemya dahil sa pagkakataong maipakita ang anumang trending ideas hatid nito,” ani Rust. Sa kasalukuyan, ang pokus ng podcast club ay ang pagkakaroon ng pagsasanay at mga aktibidad para sa mga miyembro bilang paghahanda sa mga bagong proyekto. Inaasahan na sa mga susunod buwan ay magkakaroon ng panibagong aktibidad kung saan ay mag iimbita ang organisasyon ng mga taong maaaring magkapagbahgi ng mahahalagang impormasyon para sa mga estudyanteng tagapakinig.
BAGO. Nagtatag ng mga bagong organisasyon
ang UNC-SHS, ang TikTok Club at Podcast Club, noong Setyembre 30, 2021 upang hikayatin ang mga mag-aaral na ipamalas ang kanilang mga talento sa pagawa ng TikTok videos at paglalahad o pagkukwento.
05
/uncpantograph
Mag-aaral sa ika-12 baitang, wagi sa WFD 2021 Photo Contest
TAGUMPAY. Ipinanalo ng isang Unceana
ang isang patimpalak na inilunsad ng Food and Agriculture Organization (FAO) noong ika-14 ng Oktubre. Ang nasabing WFD 2021 Photo Contest ay binuksan sa publiko na nais lumahok.
SAMANTHA NICOLE IMPERIAL
Sa pagdiriwang ng World Food Day (WFD), panalo ang Grade 12 learner ng ABM - A na si Donita Alamer sa Food and Agriculture Organization (FAO) World Food Day 2021 Photo Contest noong Oktubre 14, 2021 na inanunsyo sa Facebook. Ang paligsahan ay ibinukas sa publiko noong Oktubre 1 ng mga namumuno sa FAO, na naglalaman ng tema ng ‘Our Actions are Our Future: Better Production, Better Nutrition, Better Environment, and Better Life.’ Ang temang ito ang nagsilbing mga kategorya sa paligsahan. Ayon sa post sa Facebook ng FAO, ang mga nanalong mga larawan ay ipinakita sa eksibit ng Department of Agriculture Philippines (DA) sa lobby ng DA Central Office noong Oktubre 15. Sa eksibit na ito ipinakita ang mga gawa ng mga nanalo kasama na ang gawa ni Alamer. Sa programang ginawa ng mga namumuno sa FAO, ipinakita ang mga
mensahe ng ilang mga kilalang tao kagaya ni Cynthia Villar, ang Chairperson Senate Committee sa Agriculture & Food, at Pangulong Rodrigo Duterte.
We, in government, should help them make farming and fishing more profitable, productive, sustainable, and globally competitive... We have to support them so that problems such as this pandemic do not threaten the food and nutrition of our people.” sabi ni Senator Cynthia Villar sa kaniyang speech para sa programang ginanap. Sinabi rin ni Pangulong Duterte na ang programang ito ay nagbibigay ng oportunidad sa mga tao na magbigay ng kaalaman at aksyon laban sa gutom at malnutrisyon. Titiyakin din ng programa ang seguridad sa pagkain at sapat na nutrisyon lalo na sa mga umuunlad na bansa. Habang tayo raw ay
sama-sama at nagkakaisa, makakamit ang isang bansa na walang nakakaranas ng gutom at walang kahirapan. Tungkol sa karanasan ni Alamer, sinabi niya na nakita niya ang paligsahan isang araw bago ito kailangan ipasa. Kahit na nagmamadali siya, nagawa niyang sumali sa paligsahan sa pamamagitan ng pagbilin sa kanyang ina na bumili ng mga bagay para sa kanya dahil papunta naman ito sa palengke at hiniling niya rin sa kanyang ama na anihin ang kanyang halaman. "I asked for help from my mother who is going to the market to buy goods and I asked her to buy some fruits... The fruits she bought were bananas and apples. I also asked my father to harvest his plant bitter gourd for me to take a picture of it," sabi ni Alamer sa isang panayam kasama ang MALAYA. Kinuha niya ang litrato sa loob ng kanyang kwarto at ginamit niya ang mga pinamiling prutas galing sa ina at ampalaya naman galing sa halaman ng kanyang ama. Habang pinaplano niya na kung ano ang magiging itsura ng larawan, napagtanto niya
na kulang ang paksa ng kanyang ipapasang larawan. Nang napagtanto ito ni Alamer, naisip niya ang ideya na dapat niyang gamitin ang mga pangunahing sangkap sa pagluluto tulad ng mga sibuyas ng bawang, sibuyas, lemon, at luya. Kinuha niya na lamang ang mga ito sa kanilang kusina at ginamit para sa larawan. Mahilig din umano siyang sumali sa mga paligsahan sa paggawa ng litrato at paggawa ng pelikula. Ang kanyang inspirasyon ay ang sarili at ang mga matututunan niya habang kinukuha niya ang mga larawan o mga bidyo na ipapasa sa mga paligsahan. Ayon kay Alamer, kung hindi ka nagtitiwala sa iyong sarili, kailangan mo lang magsanay at bigyan ng kaalaman ang sarili. Isang araw, ang iyong tahimik na pagsusumikap ay magdadala sa iyo sa tagumpay. Ang tagumpay na iyon ay magiging iyong ingay.
DONITA ALAMER
2 Miyembro ng Malaya, wagi sa UP Harong Acadfest 2021 UNC-SHS inuwi ang ika-2 puwesto sa iPeople Good Practice in Digital Education FRANCINE IVANNA GABAY AT JAYVEE FORTUNO
Wagi sa ikalawang puwesto sa ilalim ng kategoryang Student Wellness ang University of Nueva Caceres Senior High School Department para sa kauna-unahang iPeople Good Practice in Digital Education: Implementing Remote and Blended Learning Methodology noong ika-2 ng Disyembre, 2021. Ang departamento ay lumahok sa pamamagitan ng kanilang entry na Guidance Hour: An Online Kumustahan sa pamumuno ni Mr. Dante S. Malanyaon, MAEd-GC, isa sa mga Guidance Counselor ng Senior High School Department, na nagsilbing kinatawan ng unibersidad sa naturang patimpalak. Ang naturang kompetisyon ay bukas sa lahat ng mga miyembro ng pakultad, mga kawani ng departamento, at pinuno ng mga iPeople Schools. Labing-isang mga entries ang natanggap ng committee para sa naturang kategorya kasama ang Mapúa University, Malayan College, APEC Schools, at National Teacher’s College. Ayon kay Malanyaon, malaking oportunindad ang maging kinatawan ng unibersidad sa nabanggit na kompetisyon. “It’s really an honor to represent the university in the recently concluded healthy competition… As the chosen
representative of the school, Ang departamento ay inaasahang makatatanggap ng 10,000 pesos na premyo matapos mahusgahan batay sa kanilang planning and preparation, online class environment, instruction, at professional responsibility. Dagdag ni Malanyaon, ang nasabing premyo ay gagamitin ng Senior High School Department upang mas mapabuti at mas maging epektibo ang pagtuturo at pagkatuto ng mga estudyante. “The proceeds will go to the Senior High School Department. The amount that we have won may supplement the needs of the department in terms of materials to be used for the learning of our learners, in the delivery of lesson and instructions by our learning facilitators… In using media platforms, there’s a specific amount of subscription. I think a portion of the proceeds will go there where we could subscribe to a platform that will be beneficial to the acquisition of learning of our learners." saad ni Malanyaon Ang naturang patimpalak ay isinagawa upang masuri ang mga miyembro ng iPeople Schools na mayroong bukodtanging management respone upang protektahan ang kalusugan at kaligtasan ng mga mag-aaral at mga empleyado sa gitna ng pandemya.
MR. DANTE S. MALANYAON
JUSTINE MAE AGRAVANTE
Dalawang miyembro ng Malaya ang nakasungkit ng gantimpala sa ginanap na Academic Fest 2021 na inorganisa ng University of the Philippines Harong (UP Harong) noong Disyembre 11-21, 2021. Ang Editor-in-Chief ng Malaya na si Francine Ivanna C. Gabay, 18, at Graphic Artist na si Ma. Juline M. Jose, 17, ay parehong nakuha ang ikatlong parangal sa mga kanyakanya nilang sinalihang events. Si Gabay ay sumali sa 22nd Boses Kan Jovenes Public Speaking Contest kung saan niya nakamit ang ikatlong gantimpala. Ayon sa kanyang panayam sa Malaya, “I was planning to join the essay writing contest at first but then, I want to challenge myself and go back to my first love -- public speaking, that's why I joined it.”
Ayon sa Facebook post ng Acadfest, ang patimpalak ay may temang ‘Defying Systems: Youth at the Forefront of the Struggle for Freedom and Democracy’. Mayroong limang events na maaaring salihan: 12th Ladawan kan Kabikolan Photojournalism Contest, 22nd Boses Kan Jovenes Public Speaking Contest, 17th Sural Essay Writing Competition, 16th Gayon Bikolnon Poster-Making Contest, at 10th Istoryang Suanoy Storytelling Contest.
ORGULYO. Nasungkit ng dalawang mag-aaral ng UNC ang gantimpala sa ginanap na Academic Fest 2021 na inorganisa ng University of the Philippines Harong (UP Harong). Ang nasabing patimpalak ay ginanap noong ika-11 hanggang ika-12 ng Disyembre.
Ang graphic artist na si Jose naman ay ikatlo sa mga nanalo sa 16th Gayon Bikolnon Poster-Making Contest. Nang tinanong kung bakit siya sumali sa nasabing kompetisyon, “ I thought it would be fun to join another poster making contest since it has been a while when I've participated one. I also thought that joining this competition would add up more to my exprience.” Hindi rin maiiiwasan ang mga problema lalo pa’t ang nasabing
FRANCINE IVANNA GABAY
kompetisyon ay ginanap online at ang mga paksa sa bawat kompetisyon ay ibinigay at kinakailangang gawin sa parehong araw. “The topic was given on the same day so I really need to familiarize everything in my notes. Second, the noise outside is a bit distracting. Third, I recorded my speech in Google Meet but when I already checked it there were some parts or words skipped because of the slow internet connection.” sabi ni Gabay nang tanungin kung ano-ano ang mga pagsubok na napagdaanan niya sa pagsali sa kompetisyon. “...The slow internet connection is definitely one of the major problems. The distraction outside can also disrupt the fluency or flow of your speech… it would be embarrassing if you'll submit an entry wherein the noise is louder than your voice, right?” Ayon naman kay Jose, naging problema niya ang, “Time management and thinking of the concepts that involves the theme.” Bago magsimula ang kompetisyon, mayroong mga Academic Talks at Bootcamp, kung saan may mga panauhing tagapagsalita, na inihanda upang turuan ang mga kalahok. Ang awarding ceremony ng Acadfest ay dalawang beses na naiba. Mula sa orihinal na pagtatapos sa Disyebre 18 na naka-post sa Facebook page ng Acadfest (UP harong Academic Festival), ipinagpaliban ito sa Disyembre 20, na inilipat ulit noong Disyembre 21. Ang awarding ceremony ay mapapanood sa Acadfest Facebook page.
JULINE JOSE
07
MAL AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 D IBIS Y O N NG NA GA, R E H IY ON G BIC OL
Pantalks, inilunsad ng The Pantograph x Malaya LEXINE RUST AT JAY VHIE ABUNDA
Bilang tugon sa hiling ng mga mag-aaral ng senior high school na itampok ang karanasan ng mga mag-aaral sa panahon ng pandemya, inilunsad ang Pantalks, ang podcast ng The Pantograph x Malaya. Sa pangunguna nina Kyle Samuel Bautista at Ysha Lorraine Sergio bilang mga tagapagsalita ng nasabing podcast, inilabas ang unang bahagi noong ika-16 ng Oktubre sa opisyal na Facebook page ng Malaya at sa account ng nasabing publikasyon sa Spotify. "If there were only face to face classes again, ano? I'd make sure to spend every moment to the fullest," ayon sa tagapagsalita na si Sergio ng maging paksa sa unang bahagi ang tungkol sa face to face classes bago ang pandemya. Ipinakita naman ni Bautista ang kaniyang pananabik na maibalik na ang normal na paraan ng pag-
aaral. “Sana naman maibalik na ang face-to-face classes,” saad ni Bautista. Ang unang bahagi ng podcast ay hindi naging madali, hinarap ng mga kasapi ng publikasyon ang iba’t ibang problema para ito’y mailabas agad sa buwan ng Oktubre. “[Yung] Background Noise, like fans, entering and leaving the meet, messenger notif tapos medyo low quality pa yung mic na gamit namin,” sabi ni Kyle sa interbyu noong Nobyembre 24. Nakaranas naman ng problema si Sergio kung paano magsalita bilang host dahil hindi niya pa ito nagagawa noon.
YSHA SERGIO
SSG nagsagawa ng Teacher's Day
Celebration
Upang pahalagahan ang mga guro sa University of Nueva Caceres Senior High School Department (UNC-SHS), inilunsad ng Supreme Student Government ang Teacher’s Day Celebration na pinamagatang ‘Learning Facilitators: Students for a Day’. Sa pamamagitan ng Zoom, ipinagdiwang ang kalahating-araw na selebrasyon sa pamumuno ng Supreme Student Government (SSG) noong ika-4 ng Oktubre, 2021. “The planning was short because there was a problem with the Original plan for the celebration of teachers day, We finalized the program in 1 week,” saad ni SSG President Tishana Bertiz sa isang panayam kasama ang MALAYA noong Oktubre 12. Ang umano’y highlight ng selebrasyon ay ang larong pinamagatang ‘Who’s Most Likely To?’ kung saan mayroong binigay na mga deskripsyon at kailangang tukuyin ng mga Learning Facilitators (LF) kung sino ang maihahalintulad nila rito. Ayon kay , isang guro sa Science and Technology Department, ang inihandog na programa ay nagpaalala sa kanya ng kanyang kontribusyon sa buhay ng kanyang mga estudyante lalo na sa panahon ng pandemya.
MR. JUANCHO ROMERO
ayon kay Czarina Delos Reyes, isang mag aaral sa STEM at tagapakinig ng Pantalks sa isang pakikipanayam noong Nobyembre 24. Dagdag din ni Reyes na ang kabuuan ng podcast ay mahusay dahil ito ay naglalaman ng iba't ibang pananaw ng mga tao na may iba't ibang opinyon. Ginawa ang nasabing podcast sa pamamagitan ng paggamit ng online app tulad ng Google Meet. Sa kasalukuyan, mayroon pa lamang apat (4) episodyo ang nailabas ng Pantograph x Malaya. Inaasahan na ang podcast ay mayroong mahigit na 13 bahagi at magtatapos sa buwan ng Hunyo sa taong 2022.
CZARINA DELOS REYES
Kaso ng pagpapakamatay,
'Students for a Day':
DEXTER RICAFORT AT FRANCINE IVANNA GABAY
Sa kabila nito naniniwala ang mga tagapagsalita na kanilang nakamit at makakamit ang layuning matututo ang mga mag-aaral patungkol sa iba't-ibang isyung panlipunan o maiuugnay ang kanilang mga karanasan sa ibang mga kamag-aral ngayong may pandemya. “I think naachieve naman po since we were able to give entertainment naman and our insights sa listeners pero dahil first time nga po, may mga things na kailangan pang maimprove," dagdag ni Sergio Nakakalap naman ng positibong komento ang unang bahagi ng podcast.
tumaas ng 57% sa gitna ng pandemya JAYVEE FORTUNO
Wika naman ni Samantha Benosa ng Filipino Department, isa umano ito sa mga kahanga hangang kaganapan sa panahon ng pandemya. Ipinadama raw nito ang tamis ng pasasalamat gamit ang teknolohiya na may pareho sidhi nung mayroon pang aktwal na klase.
MS. SAMANTHA BENOSA
Bukod sa programang ito, ang ilang mga mag-aaral sa bawat seksyon ay palihim din na nag-plano kung paano susurpresahin ang kanilang mga guro. Samantala, ang virtual na kaganapan na ito ay ginawa upang makilala ang mga pagsisikap na ginagawa ng mga guro upang mapanatili ang bawat taon ng pagaaral sa kabila ng pandemya. REGALO. Nakatanggap ang mga Learning Facilitator ng mga regalo sa araw ng mga guro. Ito ay ipinagdiriwang noong nakaraang Oktubre 4, 2021 sa pagpapahalaga sa kanila at sa pagtanaw ng kanilang pagsisikap na turuan ang mga mag-aaral. Maaring makuha ang mga regalo sa University Parent Engagement Center (UPEC).
Ayon sa sanggunian ng Philippine Statistics Authority (PSA), tumaas ng 57 na porsyento ang kaso ng mga Pilipinong nagpakamatay noong taong 2020, kumpara noong taong 2019.
Samantala, nitong ika-5 ng Setyembre taong 2021, nakiisa rin ang The Pantograph x Malaya sa National Suicide Prevention Month kung saan ay nadinig ang kwento ng mga mag-aaral ng Senior High School mula sa iba’t ibang strands tungkol sa kanilang kalagayan ngayon lalo na sa nakakapanibagong pananatili lamang sa kanilang mga bahay. Karamihan sa kanila ay nakararanas ng pressure sa kanilang pag-aaral mula sa kanilang mga magulang o kamag-anak, maging ang pagkaranas ng anxiety at depresyon lalo na ngayong tila nakakulong umano sila sa kanilang mga tahanan at hindi umano naaayon sa kanila ang online set-up. Ayon sa Isang mag-aaral na itago natin sa pangalang "Mint", binigyang diin niya na hindi lahat ng umaakyat sa stage upang kumuha ng medalya ay masaya.
“Mas lumala pag o-overthink ko habang tumatagal ang quarantine. Usually iniisip ko kung may halaga pa ba ako, kung mabait ba akong kaibigan, minsan naman mga life choices ko, naa-anxious ako sa future ko lalo na I have a very low self esteem…
Tinatayang 4,420 ang bilang ng mga namatay dahil sa suicide na naging ika25 sa mga nangungunang dahilan ng pagkamatay noong 2020 sa ating bansa, kumpara noong taong 2019 kung saan ang dahilang ito ay ika-31 na may tinatayang 2,810 na kaso. MOCHI Ang naturang sanhi ng pagtaas ng kaso ay ang mga Ayon naman sa problemang hinaharap ng Commission on Human mga nasawi tulad ng kawalan Rights (CHR), kinakailangang ng trabaho, depresyon dahil pagtuonan din ng pansin sa pagbabago ng pamumuhay ng gobyerno ang usapin sa gitna ng pandemya, at tungkol sa nakakabahalang pagkaranas ng pang-aabuso pagtaas ng kaso ng mga sa kanilang mga tahanan. nagpapakamatay sa bansa. Ayon sa National Center Pinabulaanan naman for Mental Health (NCMH), ito ng Department of Health nagkaroon ng labis na pagtaas (DOH), kung saan ipinaalala sa bilang ng mga Pilipinong sa lahat na sa mga ganitong sumasangguni sa kanila pagkakataon, ay hindi sila upang humingi ng asistansya nag-iisa. patungkol sa kanilang "Okey lang na hindi ka okey. nararamdaman konektado sa Hindi ka nag-iisa. May pagpapakamatay. Tinatayang mga taong naandiyan para umaabot ng 4,000 sa suportahan ka," tugon ng bawat buwan, ang bilang DOH. ng mga tawag na kanilang Bukod pa riyan ay natatanggap sa kanilang mga pinagtuonan din ng pansin hotlines. ang 'brain breaks' o ang Ang karamihan umano sa importansya ng pakikipagmga sumasangguni ay mga usap sa mga kaibigan, estudyante, na nakararanas kamag-anak, at pamilya ng academic stress at burnMINT tungkol sa nararamdaman o outs. Ilang kaso na ng pinagdaraanang problema. pagpapakamatay ang naitala Bukod kay Mint, ay Maaari rin subukang magkaugnay ng mga estudyante binahagi rin ng estudyanteng ehersisyo o maglaan ng oras at isa nga rito ang kaso ng itago natin sa pangalang na gawin ang mga bagay na isang estudyante na nasa ika- “Mochi” ang kanyang personal mong hilig. 9 na baitang, na natagpuan kwento tungkol sa kanyang ng kanyang mga kaanak na nararamdaman habang nasa patay sa kanilang bahay, sa quarantine. Brgy. Fidel Surtida in Sto. Sa mga nais humingi ng suporta at Domingo, Albay, noong ika-16 asistansiya, maaaring sumangguni ng Hunyo, taong 2020. Bukod sa mga numero ng NCMH 0917dito, ilang parehong kaso rin 899-USAP (8727) or 899-USAP ang naitala sa iba pang bansa. (8727) o sa Mind Matters hotline: 09189424864.
08
/uncpantograph
UNLEASH THE TALENT
SSG, nag-organisa ng club fair para sa mga mag-aaral ng SHS AMINAH REYES AT JUSTINE AGRAVANTE
Makalipas ang dalawang magkasunod na pagpapaliban, ang UNC Supreme Student Government (SSG) ay nagsagawa ng isang club fair upang itaguyod ang mga organisasyong maaaring salihan ng mga mag-aaral noong Setyembre 30 mula 1 PM - 5PM sa pamamagitan ng Facebook Live at Discord. Ayon sa SSG President na si Tishana Maria Bertiz, ang nasabing pangyayari ay ginawa upang ilabas ang mga ‘greyhound’ sa puso ng mga estudyante, paunlarin ang kanilang mga kakayahan, at tuklasin ang mga bago nilang kasanayan. “The goal of this event is to help students find their own clubs that they are interested in,” sabi ni Bertiz. Sa kasalukuyan, mayroong labindalawang (12) organisasyon ang bukas para sa mga mag-aaral. Ngunit bago pa man magsimula ang fair sa paglulunsad ng mga club, may ilang mga estudyanteng naging kasapi na ng mga organisasyon. Kagaya na lamang ni Kaye Capillano ng Grade 11 STEM - P na sumali sa Dance Troupe dahil sa kanyang talento sa pagsayaw at pagasang makasali sa mga kompetisyon. Si Jayson Paul Saluta ng Grade 11 STEM - P, hindi tulad ni Capillano, ay may ibang hinahanap sa isang ‘perpektong’ samahan.
JAYSON PAUL SALUTA, STEM 11
Ang ilang mga pangulo at kinatawan ng club tulad nina Romar Josh Castro ng University Film Society (UFS) at Jay Vhie Abunda ng Lupon ng Makata ay nagpahayag din ng kanilang pasasalamat sa SSG sa pagsasagawa ng nasabing aktibidad dahil ang parehong mga nabanggit na organisasyon ay nahihirapan sa pagrekrut ng mga bagong miyembro. “I think helpful naman yung club fair since clubs [are] given a chance to present and promote the club's purpose and objectives...it will make the recruitment process faster and the students have a guide on what clubs they will choice since they all know it na,” sinabi ni Abunda sa panayam sa MALAYA noong Setyembre 30. Sa parehong panayam, sinabi ng TVL Representative na si Chris Tolosa at Treasurer Babylen Belen na ang SSG ay gumawa ng maraming paghahanda bago ang fair tulad ng pangangalap ng impormasyon tungkol sa bawat club. Gayunpaman, mayroon pa ring ilang mga problema tulad ng huli na pagsusumite ng mga video, mabagal na koneksyon sa internet, lockdown, at pagkagambala ng kuryente na naging sanhi ng ilang pagkaantala.
CLUB FAIR. Upang maipakilala sa mga mag-aaral ang iba’t ibang mga organisasyon sa SHS, pinasinayaan ng SHS SSG ang isang virtual club fair noong Setyembre 30, 2021 sa Discord.
TISHANA BERTIZ, SSG PRESIDENT
MULA PAHINA 03 Dagdag niya pa, isa ring pagsubok sa kanyang trabaho ang panganib na dala ng kanyang hanapbuhay bilang isang tekniko. Pagpapaliwanag niya, ang posibilidad na makuryente ay isang hamon na rin para sa kanya. "Doble ingat na lang sa trabaho tsaka sa ibang tao, iwasiwas na din tsaka palaging maghugas ng kamay [at] magalcohol," pahayag ni Diaz nang tanungin siya kung ano ang hakbang na kanyang ginagawa upang malutas ang mga pagsubok na kanyang hinaharap. Ganito rin ang pahayag ni Anthony Cornejo, head of security ng UNC, tungkol sa hirap na kanyang nararanasan sa kanyang trabaho ngayong nasa distance learning. "Mahirap kasi ito sa amin ngayon kasi marami kaming nakakasalamuhang mga tao, yung mga [galing] sa iba't ibang lugar, tapos uuwi kami sa pamilya namin," ani Cornejo. Ayon pa kay Cornejo, tinitiyak na lamang niya na sumusunod sila sa utos ng paaralan para sa kaligtasan ng lahat.
MR.ANTHONY CORNEJO
Samantala, pabor naman para kay Jose Kilates, dyanitor sa UNC, ang ganitong klase ng sistema ng pag-aaral. Pahayag niya, mas magaan ang trabaho ngayong pandemya sapagkat walang mga estudyanteng kadalasang dahilan ng kalat sa paaralan. "Magaan ang trabaho ngayon kasi walang estudyante, kadikit an linigon," sabi ni Kilates. Matatandaang isang taon na nang magsimula ang distance learning at ngayong nasa ikalawang taon na ng pagpapatupad nito, hiling ng mga mag-aaral, magulang at mga bumubuo ng mga paaralan sa bansa ang ligtas na face-to-face classes.
LEXINE RUST
ANG
MARAMING NEGATIBONG pangyayari ang mayroon mula nang lupigin ng COVID-19 ang buong mundo noong mga unang buwan ng taong 2020. Nariyan na ang pagpapatupad ng mga Quarantine Lockdown, pagsasara ng mga eskwelahan, paglilimita sa mga pampasaherong sasakyan, at iba pa. Ang lahat na ito ay nagkaroon ng malaki at maraming negatibong epekto para sa mga mamamayan pero para rin ito sa kaligtasan ng mga tao sa lahat ng bansa. Pagbawas ng Polusyon: Ngunit, kahit pa tila madilim ang kapaligiran dahil sa pag sarado ng ilang mga establisyemento, mayroon ding mga positibong pangyayari sa kabila ng pandemiya at isa lamang ang malaking pagbawas ng polusyon dahil sa malaki at malawak na pagtigil sa paggamit ng mga sasakyan bunga ng pagkakaroon ng mga lockdown. Ang polusyon sa hangin ay matagal nang isa sa pinakamatinding anyo ng pinsala sa kapaligiran.
SA
ANDEMYA lalong umiinit ang kapaligiran.
Ayon sa World Health Organization (WHO), tinataya ang numero na ang polusyon sa hangin ay pumapatay ng pitong milyong tao sa buong mundo bawat taon at ito'y nakakaalarma dahil ipinakita rin ang data nito na 9 sa 10 katao ang humihinga ng hanging lampas sa limitasyon sa mataas na antas ng mga pollutant pero dahil sa paglilimita ng mga pampasaherong sasakyan, bumaba ng halos 50% ang mga aktibidad sa mga kalsada kumpara noong taong 2019 ayon sa International Energy Agency (IEA). Ang pagbaba ng polusyon ay isa sa maraming paraan upang matugunan din ang mga pangangailangang hakbang upang matiyak na hindi makapagbigay ng malubhang sanhi sa Global Warming dahil ang mga kemikal na nasa iilang usok mula sa mga sasakyan at mga pabrika ay sanhi kung bakit
Pa-Vaccine Na: Ayon naman sa statistics ng World Health Organization noong ika-29 ng Oktubre, nasa halos 246 milyon na ang confirmed cases ng mga nagpositibo sa COVID-19 at mayroong halos 5 milyon na namatay na sa nasabing virus. Habang 6.8 milyon na ang vaccines na ang pinangasiwaan. Sinasabing nasa 65-100% ang efficacy rate ng mga vaccines (Sinovac CoronaVac, Janssen, AstraZeneca COVID-19 Vaccine, Bharat BioTech, Gamaleya Sputnik V, Moderna, at Pfizer BioNTech) ayon sa Department of Health. Ang Pfizer BioNTech Vaccine ay pwede para sa mga labindalawang (12) taong gulang at pataas habang ang ibang vaccine naman ay kailangang nasa labingwalong (18) taong gulang at pataas. Ang Pfizer, Moderna, Sinovac, AstraZeneca, Gamaleya Sputnik V, at Bharat BioTech ay mayroong dalawang (2) dose shot habang ang Janssen naman ay may isang
17
09
MA L AY A • S E T Y EMB R E 2 0 2 1 - PE B R ER O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
Dahil sa 'partnership'
MALAYA lumahok sa webinar series ng AYES SHIARA MAE HOSMILLO
Dahil sa kasunduan ng pakikipagsosyo ng ASEAN Youth Engagement Summit (AYES) sa Malaya, publikasyon ng Senior High School kampus ng University of Nueva Caceres (UNC), na nangyari noong ika-30 ng Hunyo 2021, boluntaryong sumali ang mga kawani ng Malaya sa kanilang impormatibong mga webinars na tanging nagtuturo sa mga paraan ng pangangalakal at negosyo, at sa mga paraan ng pamumuno bilang isang batang lider. Ang AYES ay isang organisasyon na tumututok sa pagsasanay at pag-unlad para sa mga lider na estudyante, sa mga tagapamahala sa hinaharap, at sa mga negosyante na may layuning magsagawa ng “mga pinakanakakaenggayong mga pangliderato at pangnegosyanteng mga programa sa Asya”. Dahil sa kanilang depinisyon at layunin sa lipunan, nag-imbita sila ng iba’t ibang mga organisasyon o mga samahan ng mga kabataan kasama ang Malaya upang makibahagi sila sa kanilang tulong-aral na mga webinars na layong naghuhubog sa mga pangliderato at pangnegosyong mga kasanayan. Ang Malaya, gayundin ang ibang inimbitahang mga organisasyon, ay imbitadong sumali sa kanilang tatlong webinars na
nagngangalang: 1) ASEAN Youth Engagement Summit, isang webinar kung saan ginanap noong ika-16 hanggang ika-18 ng Hulyo 2021 at nagbigay ng mga e-certificates sa mga nakilahok; 2) AYES Asia Leaders Cohort 4, isang workshop kung saan ginanap noong ika-6 hanggang ika-8 at ika-13 hanggang ika15 ng Agosto 2021; 3) AYES Puhunan: A Basic Investing Workshop, isang workshop kung saan ginanap noong ika-11, 18, at 25 ng Setyembre. Sampung mga miyembro lamang ang hinihingi ng AYES sa kanilang mga inimbitahang mga pangkabataang organisasyon na makilahok sa mga webinars nito. Nagkaroon din ng kalayaan na pumili ng mga pakete ng pakikipagsosyo ang mga nasabing organisasyon, kung saan maaari nilang piliin ang ‘Co-Presenter Package’ o ang ‘Gold Partner Package’, kung saan ang bawat pakete ay may sariling mga palitan at mga kondisyon. Sa ilalim ng ‘Gold Partner Package’, naging parte ang Malaya pati ang mga 10 mga kawani nito na nakilahok, nakialam, at nakisali sa kanilang programa. Nang tanungin ang dahilan ng mga miyembro ng Malaya kung bakit sila sumali, mga panibagong kaalaman at pagkatuto ukol sa edukasyon at negosyo ang pangunahing mga dahilan ng mga kinakapanayam ng Malaya.
ALEX
Alex, hindi niya tunay na pangalan, isa sa mga sumali sa programa ng AYES bilang isa sa mga kawani ng Malaya. Kuntento din silang lahat sa sinalihang programa at nagkaroon din sila ng iba’t ibang karanasan sa nasabing programa gaya ng pakikipaglahok sa isang ‘business pitch’ ng isa sa mga kinapanayam ng Malaya na si Jayvee Fortuno. “Naranasan ko, kasama ang aking partner na magbahagi ng aming business idea kung saan lumikha kami ng business proposal at ito ay nabigyan ng magandang komento ng mga hurado at nakatanggap kami ng unang gantimpala o 3 stars na nangangahulugang maganda ang ideyang iyon. Pagkatapos noon ay tinulungan nila kami na macontact ang ibang negosyante kung sakaling kailangan namin ng tulong kung amin nang itatayo ang negosyo,” kwento ni Fortuno. Sa kabuuan, nakapag-ensayo na ang AYES ng higit sa 10,000 na mga kabataang lider sa pagtatapos ng 2019 at patuloy pa rin silang nang-aalok at nang-eensayo ng mga kabataan ngayon kahit man nasa kalagitnaan ng pandemya.
“Naging matagumpay naming naabot ang aming mga layunin. Sila ay natuto, nagalak at nahamon sa aming mga inihandang aktibiti at sa paraan ng pagsagawa nito,” saad niya. Pinatotohanan naman ito ng isang mag-aaral ng Senior High School (SHS) na si Francine Ivanna Gabay, ang nagkamit ng unang gantimpala sa patimpalak ng sanaysay. Naniniwala si Gabay na nakamit ng organisasyon ang kanilang adhikain.
Ibinandera ng Society of Junior Fellow (SJF) ang tema sa TINTA: Orgulyo na “Pagtangkilik at pagpapatatag ng Katutubong Wika sa Makabago at Mapaghamong Panahon” bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika. “Ito [TINTA] ay naglalayong mapaigting, mamulat, at magbigay ng inspirasyon na pagibayuhin ang ating paniniwala at kaalaman patungkol sa ating lokal, kultura, at wika sa pamamagitan ng pagpapamalas ng kanilang natatanging kakayahan sa mga patimpalak na isinagawa,” saad ni Jemerick Emaas, auditor ng SJF at ang isa sa pangulo ng proyekto kasama ni Arthur Malle, sa pakikipanayam noong Oktubre 6 sa hatirang pangmadla. Ang naturang proyekto ay binubuo ng anim (6) na patimpalak: Museo De Bikolano, Tigsik, Pagsulat ng Sanaysay, Gurit, Litratuhan, at Malikhaing Panulaan na siya namang dinaluhan ng 23 na kalahok na nagmumula sa departamento ng Junior High School (JHS) hanggang Kolehiyo. Ang proyekto ay nagsimula sa ika12 ng Agosto hanggang sa ika-28. Ang pangunahing paraan sa pakikipag-ugnayan at pagsusumite ng mga gawa ng kalahok ay ang hatirang pangmadla kagaya na lamang ng Gmail at Facebook. Hindi naging madali ang pagsasagawa ng nasabing proyekto, nagkaroon ng mga hamon upang maituloy ang TINTA: Orgulyo. “Naging mapanghamon ang proyektong ito dahil sa pagkakaiba ang araw ng pagbubukas na klase kaya nahirapan kaming maabot ang mga mag-aaral sa sekondarya hanggang sa kolehiyo,“ Naging hadlang din ang pangakademikong gawain ng mga kasapi ng nasabing organisasyon. Naniniwala naman si Emaas na sa kabila ng hamong ito ay naging matagumpay ang kanilang inihandang proyekto batay sa mga tugon na ibinigay ng mga kalahok sa evaluation form.
FRANCINE IVANNA GABAY
WAGI. Sa pagdiriwang ng buwan
ng wika ibinahagi ng Society of Junior Fellow (SJF) ang tema sa TINTA: Orgulyo na “Pagtangkilik at pagpapatatag ng Katutubong Wika sa Makabago at Mapaghamong Panahon”. Ang proyektong ito ay binubuo ng anim (6) na patimpalak ng nagsimula ng ika-12 hanggang sa ika-28 ng Agosto.
AYES Webinar sa pamamagitan ng Zoom session upang magkaroon ng dagdag kaalaman sa tamang paggastos ng pera noong Setyembre 2021.
22 naitalang namatay sa paghagupit ni Bagyong Jolina
TINTA:Orgulyo, hinikayat ang pagsagawa ng panitikan JAY VHIE ABUNDA
AYES. Lumahok ang mga miyembro ng Malaya sa
ngunit kung ikaw ay matatas din sa wikang Filipino isa rin itong edge at dapat pa rin ipagmalaki.” dagdag ni Gabay. Katulad ni Gabay, ito rin ang napansin ni Maria Theresa Masapol na nakasungkit ng unang gantimpala sa patimpalak na Malikhaing Panulaan at nakuha ang People’s Choice Award. Ayon kay Masapol, naging maganda ang karanasan niya dahil ito ang una niyang pagsali sa ganitong uri ng patimpalak. “Oo, pag-spread ng awareness sa pagtangkilik ng ating katutubong wika through social media is a great help. Dahil sa patimpalak ng Society of Junior Fellows parang narefresh ulit di lang sakin pati sa ibang kabataan na meron tayong katutubong wika na talaga namang kahanga-hanga,” saad niya sa interbyu noong Oktubre 12. Sa paglabas ng resulta, kasama nina Gabay at Masapol na nakasungkit ng unang gantimpala sina Karl David Bismonte sa Museo De Bikolano, Mary Jomalene Sombrero sa Tigsik at Christine Joy Morales sa larangan ng Litratuwaan. Ang kampyonato naman sa patimpalak na Gurit ay nakuha ni Ruel Dela Rosa. Ang proyekto ay magpapatuloy sa mga susunod na taon bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Wika sa Unibersidad ng Nueva Caceres (UNC).
KYLE SAMUEL BAUTISTA AT JAYVEE FORTUNO
Noong ika-8 ng Setyembre, hinagupit ng Tropical Storm Jolina (Conson) ang silangang bahagi ng Visayas na naminsala at nagdala ng baha sa halos 200 na lugar at nagkawsa ng pinsala na nagkakahalaga ng humigit-kumulang 1.3 bilyong piso. Ayon sa isang ulat ng CNN Philippines, 22 ang naitalang bilang ng mga namatay, at 24 ang sugatang mgra residente mula sa Eastern Visayas. Mahigit kumulang 81,000 na pamilya o mahigit 313,000 na mga indibidwal ang lubos na naapektuhan ng naturang bagyo.
HAGUPIT NG KALAMIDAD. Matindig pinsala ang dinala ng bagyong Jolina sa silangang bahagi ng Visayas noong ika-8 ng Setyembre. Ito ay nagdala ng mga pagbaha sa halos 200 na lugar na dinaanan ng bagyo.
Tinatayang 8,924 na mga kabahayan ang napinsala at 432 mula sa bilang na ito ang tuluyang nasira ng hagupit ng bagyo. Sinasabing limang (5) beses tumama sa lupa ng Eastern Visayas ang nasabing bagyo kung kaya naman ay hindi naging biro ang pinsalang naidulot nito. Sa kabuoan, Visayas ang pinakanapinsalang lugar kumpara sa timog na parte ng Luzon. Samantala, sa Bicol na nadaanan din ng naturang bagyo, partikular na sa lungsod ng Naga, hindi gaano naramdaman ng mga residente ang lakas ng bagyo. Ayon sa isang residente sa Naga City, sa kanilang lugar, para lamang ordinaryong ulan na may malakas na hangin, at halaman lang ang masyadong naapektuhan nito. “Our area was not that affected since for us it was really like an ordinary rain, but the wind was blowing to an extent that some of our plants were affected but we’re safe.” wika niya sa panayam sa Malaya. Ayon naman sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang naturang bagyo ay nagdala ng napakalaking pinsala sa ating bansa kung kaya tatanggalin na ang pangalan na “Jolina” sa mga listahan ng pangalan ng mga bagyo. Nangyayari itong kapag ang isang bagyo ay nagtala ng pinsala na mahigit 1 bilyong piso o kaya naman ay may namatay na 300 pataas na tao. Sa isang taon, humigit kumulang 20 na bagyo ang naitatala sa Philippine Area of Responsibility (PAR), at siyam (9)
13
10
/uncpantograph
Matapos ang Tumindig Movement,
Malaya, iba pang pahayagan lumahok sa protesta kontra anti-terror law FRANCINE IVANNA GABAY
Ang dapat sana’y isang obra upang anyayahan ang mga Pilipinong magparehistro at bumoto ng tama ay nauwi sa isang protesta ng iba’t ibang mga manlilika at iba’t ibang mga organisasyon sa buong Pilipinas, isa na riyan ang MALAYA. Matatandaang noong ika-17 ng Hulyo, 2021, ipinost ni Kevin Eric Raymundo o mas kilala sa tawag na ‘Tarantadong Kalbo’ ang isang iginuhit na kamao na nakatayo habang ang iba’y nanatiling nakayuko at animo’y sumasamba sa isang lider. Ayon kay Raymundo, ito ang kanyang naiisip na paraan upang punahin ang kasalukuyang administrasyon nang hindi inaatake ng mga trolls lalo pa’t umiiral ang kontrobersyal na Anti-Terror Law. Upang manindigan naman para sa mga kapwa nila pampaaralang mamamahayag na patuloy na kinokondena ng parehong administrasyon, nanindigan din ang MALAYA sa pamamagitan ng pagguhit ng isang kamaong nakatayo at nakasuot ng uniporme, isa para sa pahayagan, at isa naman para sa mga guro. “For some, the COVID-19 dilemma is the greatest enemy, but for campus journalists, their ultimate fear is to be silenced,” saad nila sa isang Facebook post noong ika-25 ng Hulyo. Ayon sa Facebook post, ginawa ang Republic
MULA PAHINA 02
Para Sa Eleksyon 2022...
Mga mag-aaral sa UNC SHS: ‘Mas importante na ang modyuls vs. Peñafrancia Festival’ JUSTINE MAE AGRAVANTE
Base sa datos mula sa sarbey na isinagawa, mayroong 19.4% ang nagsabing sila’y nakapagrehistro na sa darating na eleksyon, 24.3% naman ang hindi sigurado, habang 56.3% ang hindi pa dahil sa kwalipikasyon ng edad. ay nagsabing kailangan ito upang makaboto na ngunit mayroon pa ring hindi pa tulad ni ‘cj’, hindi totoong pangalan, mula sa Grade 12 - STEM C. “Madami nakapila baka mahawaan ng covid,” saad niya sa parehong sarbey na sinang-ayunan din ng mula sa STEM-L na si ‘Kurt’, hindi totoong pangalan. Samantala ang ilang mga nagparehistro ay hinihikayat na rin ang kanilang mga kamag-aral na magparehistro dahil karapatan natin ito at nararapat lamang na lumahok sa mga panlipunang isyu.
Kasunod ng pagdiriwang ng Peñafrancia Fiesta, ang University of Nueva Caceres (UNC) ay nagdeklara na ng mga petsa na walang pasok mula Setyembre 15-20. Kaugnay nito, ilang estudyante sa Senior High School (SHS) Department ang nagbahagi ng kanilang mga pinagkakaabalahan sa loob ng mga naturang araw. Matapos ang pag-anunsyo, ilan sa mga estudyante ang piniling gamitin ang ilang araw na nabanggit sa pagpapahinga, samantalang ang ilan naman ay sa paggawa ng mga gawain sa paaralan. Bukod sa mga nabanggit, may mga mag-aaral din ang inalala ang dati nilang paraan ng pagdiriwang. Isa si Bryann Francisco, mag-aaral mula sa Grade 11 STEM N, sa mga estudyante na ginugol ang mga araw na walang pasok sa paggawa ng mga gawain sa paaralan. Ayon sa kanya, itinuon niya ang kanyang pokus sa kanyang mga gawain subalit nasiyahan pa rin siya dito. "Somewhat, I mostly focused on my tasks but I still enjoyed it," pahayag ni Francisco. Inalala rin niya kung paano siya magdiwang ng pista ni Inang Peñafrancia noong wala pang pandemya. "Back then we would do things such as visit the Carnival, eat food outside, go to church to attend Mass, but now due to Covid-19 we don't have that luxury anymore," ani Francisco. “Back then it was more lively and fun. It really was the definition of what you can call ‘Fiesta’”. Nang tanungin kung napapahalagahan pa rin ng mga magaaral ang Penafrancia Festival ngayong panahon o masyado na bang nakatuon ang isipan sa online class, ito ang kanyang naging tugon: “Depende ito sa mag-aaral, maari silang magkaroon ng oras para sa relihiyon at paniniwala at maari namang gamitin nila ito sa iba pang mga bagay.” Sa pagdiriwang ng pista ni Inang Peñafrancia, Military at Civic Parade ang ilan sa mga inaabangan. Subalit dahil sa pandemya, hindi
HOLY, ABM 11
Kailangan naman umanong pag-aralan ang pinanggalingan at anong klaseng tao ang mga kandidato gaya ng sinabi ni ‘Er’ ng Grade 11 - ABM L. Paliwanag naman ni ‘Zen’, hindi totoong pangalan, ng Grade 11 - GAS K: “Sa pamamagitan ng pagsasaliksik sa mga batas na kanilang inapbrohan. Kung sila ba ay nadawit sa mga Hindi kaaya ayang gawain. Kung sila ay naka graduate ng college na related sa pagiging politician. At hahanapin ko ang SALN nya kung maari”. Nagtapos ang pagpaparehistro noong ika30 ng Oktubre matapos ang ilang beses na pag-extend nito. Samantala, sa nalalapit na ika-9 ng Mayo, 2022 naman ang Eleksyon.
Act 11440 o mas kilala sa tawag na National Campus Press Freedom Act upang protektahan ang karapatan maging malaya at maghayag ng saloobin nang hindi kinokondena, ngunit ang pangulong nagpatupad nito ay siya ring nagpairal ng Anti-Terror Law. “Campus publications started to be subjected to attacks and suppression, even by their own school administrators which were proven by the almost 1,000 violations recorded by the College Editors Guild of the Philippines (CEGP) against campus press freedom since 2010,” pagpapatuloy ng pahayagan. Ayon sa ulat ng Rappler, sinabi ng Tinig ng Plaridel, ang opisyal na pahayagan ng University of the Philippines College of Mass Communication (UP CMC) na nakatanggap sila ng mga death threats noong buwan ng Marso mula sa isang troll account na sinang-ayunan din ng Himati, ang pahayagan naman ng University of the Philippines Mindanao. “Campus journalists struggle to do critical reportage and normal campus publication operations...Even changing your official social media page’s profile picture without being red-tagged and attacked by trolls is impossible to have now,” paliwanag ng MALAYA. Kaya naman ay nananawagan ang MALAYA at iba pang mga pahayagan na suriin at ayusin ang Campus Journalism Act para sa malayang pamamahayag. Inanyayahan din nila ang kapwa nila mga kamag-aral na magparehistro at bumoto nang tama sa nalalapit na eleksyon.
VIVA LA VIRGEN. Masayang ipinagdiriwang ng Nagueño ang
Peñafrancia Fiesta sa gitna ng pandemya. Kasunod ng pagdiriwang sa pista ni Inang Peñafrancia, nagdeklara ng ilang araw na walang pasok ang University of Nueva Caceres mula ika-15 hanggang ika-20 ng Septyembre.
na ito pinahihintulutan ng pamahalaan. "I used to be in Centro to watch the parade," ayon kay Janette B. De Leon, Grade 12 ABM A. Ayon din kay De Leon, gaya ni Francisco ay modyuls lang din ang kanyang inasikaso.
JANETTE B. DE LEON, ABM 12
Samantala, isang estudyante naman na si Marjorie May A. Lumbria, mag-aaral mula sa Grade 12 ABM A, ang nagpokus lamang sa pagre-relax sa mga panahon na walang pasok. Ngunit katulad ng mga nauna, hindi rin naging tunay na masaya ang pagdiriwang ni Lumbria ng pista. Base sa ginawang panayam kay Lumbria, ibinahagi rin niya ang pagkakaiba ng pagdiriwang noon sa pagdiriwang ngayong may pandemya. "Mas masayang ipagdiwang ang penafrancia fiesta noong mga panahong wala pang pandemya ...dati maraming tao ang nagtitipon tipon para sa selebrasyon ng Peñafrancia fiesta," sabi ni Lumbria. Hindi na rin umano napapahalagahan ng mga kabataan ang tunay na diwa ng pagsasagawa ng Penafrancia Festival sapagkat masyado ng nakatuon ang isipan at oras ng mga mag-aaral sa online class. "May mga ibang cinecelebrate pa ito nang may kaunting handaan ngunit hindi na tulad ng dati na masaya at ramdam ang fiesta,” pagpapatuloy niya. Matatandaang pinaalalahanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga lokal na pamahalaan sa pagkalat ng virus dahil sa mga pagtitipon, gaya ng pista. Katulong ang World Health Organization (WHO), naglabas ng bagong pamantayan ang pamahalaan ukol sa pagkakaroon ng mga mass gatherings - pang-relihiyon man o hindi.
11
MA L AY A • S E T Y EMB R E 2 0 2 1 - PE B R ER O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
EDITORYAL
Bata Bata, Paano ka Gumawa Malinaw pa sa sikat ng araw na isang balakid sa pagkamit ng pagbabago kung parehong lider at nakatatandang henerasyon ang mga namumuno. Halos ilang dekada na ang nakararaan ngunit kaunti pa lamang ang bilang ng kabataan na nakakukuha ng posisyon sa politika. Parehong mga mukha pa rin ang makikita nating mga politiko sa darating na halalan. Kung tayo talaga ay natuto na, bakit parehong tao na may parehong solusyon pa rin ang nasa listahan ng kandidato kahit na alam natin na ang solusyong iyon ay hindi gumana? Minsan kailangan din nating palitan ng bagong kadena ang ating sinasakyan para mapabilis ang paglago ng ating bayan. Hindi lamang iniisip ng kabataan ang pagbabago, ginagawa nila ito. “Young people are the trailblazers of progress….they not only inspire change, they create it” saad ni Tijjani Muhammad-Bande, isang Nigerian Political Scientist sa International Youth Day 2020. Ang mga kabataan ay may kakayahang pamunuan ang bawat sektor ng ating bayan. Nasa bagong henerasyon na tayo, ang mga bagay noon ay hindi pareho ng mga bagay ngayon kung kaya’t nararapat lamang na magkaroon ng parte ang mga kabataan sa pamahalaan dahil mas nakaaalam ang mga ito sa kalakaran ng buhay sa henerasyong kanilang kinabibilangan. Nakalulungkot isipin na ang ating bansa ay nakakulong pa rin sa ideyang, ang mga matatanda ay may alam kaysa mga kabataan. Kung ating titingnan sa bilang ng populasyon, Ayon sa Unesco World Youth Report (2018), mayroong 1.2 bilyong kabataan sa buong mundo. Ang bilang na ito ay ating mapapakinabangan kung hahayaan ng mga nakatatandang henerasyon na magkaroon ng papel sa pagdedesisyon ang mga kabataan lalo na’t ang resulta ng mga desisyong gagawin ngayon ay ang hinaharap na lalakaran ng kasalukuyang henerasyon. Ayon sa Konstitusyon ng Republika ng Pilipinas Artikulo VII, ang mga dapat tumakbo sa posisyong Presidente at Bise-Presidente ay may edad na 40 sa araw ng eleksyon. Sa Artikulo VI naman nakalagay na ang edad para sa mga nais maging senador ay 35. Dito palang makikita na ang hindi pagbibigay ng parehong oportunidad sa mga Pilipinong kabilang sa henerasyong Millennial at Gen. Z. May mangilan ngilan namang kabataan ang nasa lokal na posisyon ngunit dapat ay magkaroon rin tayo ng puwang sa National. Hindi naman natin kailangan maging matanda para maging mabuti at magaling na lider. Ang magpapatunay nito ay ang sikat
GUSTO KONG MAGING pangulo ng Pilipinas... dahil bored ako.
na Mayor ng Pasig na si Vico Sotto, siya ang pinakabatang mayor sa loob ng Metro Manila. Sa panahon ng pandemya, siya’y nagpagawa ng sanitation tent at hinayaang bumiyahe ang mga tricycle sa kabila ng ‘Mass Public Transport Ban’ ngunit kaniya pa ring isinaisip ang kaligtasan ng mga tao sa kaniyang kinasasakupan. Naging tutok din siya sa pagdi-disinfect na hinangaan naman ng mga tao sa ating bansa. Kita rin ang pagiging ‘onhand’ niya sa pagsasagawa ng mga solusyon para hindi magutom ang tao hindi kagaya ng ilang lokal na matapos bigyan ng ayuda ang mamamayan ay tila wala ng pakialam kahit na ang ayudang iyon ay hindi aabot ng isang linggo. “When you think about it. Mayor Vico Sotto is doing what a public official should do. He’s doing the basic standard of what a public servant is obliged in doing, but since we’re all used to ineffective traditional politicians, we hold Vico’s leadership to a high standard,” saad ng isang ‘online user’. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita na kayang kaya ng mga kabataang makipagsabayan sa mga matatanda. Mayroon tayong abilidad na pantay o mas higit pa sa mga kasalukuyang namumuno. Maaaring ito dapat talaga ang gawin ng isang ‘public servant’ ngunit kung titingnan natin ngayon ang mga namumuno, minsa’y sila pa ang nagiging sanhi ng problema, kagaya na lamang ng pang-re-red tag sa iba’t ibang organisasyon.
Ang susunod na panggulo
Noong ako’y bata pa ay natatakot ako sa mga aso kaya naman sa murang edad ay ninais ko maging pangulo ng Pilipinas upang mabigyan ng nararapat na parusa ang mga amo nila lalong-lalo na ang mga pabayang may-ari. Ngunit, pinagsabihan ako ng aking kaibigan, “Hindi ka puwedeng maging pangulo kung iyan lang naman ang kaya mong gawin!” Kaya naman sa pagkakataong ito ay papatunayan ko na maaaring ako na ang susunod na pangulo sa mga susunod na halalan.
platform na nagngangalang TikTok, umaabot sa 438.7 milyong mga tao ang gumagamit ng #sandromarcos at nahuhumaling sa kanyang itsura. Makikita rin sa comment section ang pagsuporta ng mga first time voters sa kanyang ama na si Bongbong Marcos na tila’y nakakalimutan na isa siyang anak ng diktador at hanggang ngayon ay hindi pa rin mawari kung saan siya nagtapos ng kolehiyo.
Ayon sa datos na inilabas ng Rappler, isa sa mga problemang kinakaharap ng isang demokratikong bansa ang pagkakaroon ng ‘misinformed voters’. Ito ay dahil sa kakulangan sa edukasyon, pag-iral ng oligarkiya sa mainstream media, at ang kakulangan sa kaalaman sa makabagong teknolohiya. Ito ay hindi lamang mapapansin sa mga Pilipinong nasa laylayan ng lipunan ngunit pati na rin sa ilang mga bagong rehistrong indibidwal na masyado ng nakababad sa social media.
Tulad ng ama ni Sandro, maaari rin akong gumawa ng sarili kong YouTube channel sa oras na tumakbo ako sa pagka-pangulo upang makalikom ng 1.36 milyon na subscribers. Sisiguraduhin ko rin na sa oras ng sakuna tulad ng pananalasa ng bagyong Maring ay hinding-hindi ko uunahin ang pagtulong sa halip ay nais ko munang ma-upload ang aking reaction vlog. Maaari rin akong makipag-collab kasama ang mga sikat na artista at YouTuber kapag malapit na ang eleksiyon, maaari akong mag-farm tour prank o ground breaking kasama si Alex Gonzaga na sapat na upang makakuha ng halos 7.7 milyong manonood.
Kung ako ang magiging pangulo ng Pilipinas ay aking gagawin ang mga sumusunod na hakbang. Una, maaari akong magpaganda at gumamit ng iba’t ibang social media platforms upang makalikom ng mga taga-suporta. Hindi ako maaaring pagsabihan ng aking kaibigan sapagkat ito ay totoong nangyayari sa kasalukuyan. Sa isang social media
Bilang susunod na pangulo ng Pilipinas, alam kong hindi sapat ang isang plano lamang kaya’t sa pamamagitan ng iba’t ibang plataporma ay maaari kong maggamit ang aking mga natutunan sa Physical Education. Maaari akong kumanta o sumayaw ng mga trending choreography at Budots tulad na lamang ng nagdala kay Bong Revilla sa ika-11
LUPONG PATNUGUTAN
Sa kabila ng limitadong posisyon para sa kabataan, hindi natin makakaila ang potensyal at paninindigan ng mga ito na gawin ang tama, protektahan ang dapat atin, at mamuno para sa kaunlaran. Kagaya na lamang ni Ria Estevas, 20-taong-gulang na organizer ng organisasyong Sulong Ipagtanggol Karapatan Katutubo (SIKAPKA). Si Estevas ay nakipaglaban sa APECO o ang Aurora Pacific Economic Zone at Bagong Lumad Artists' Foundation Inc’s Siningbayan workshops, para mapanatili ang tradisyon ng mga katutubo sa kanilang nayon. Maliban sa kaniya, maraming kabataan rin ang may sariling adbokasiya para sa ikabubuti ng bansa. Isang kabataan din ang nakaisip ng pagsagawa ng ‘community pantry’ upang punan ang kakulangan ng gobyerno. Nakagagalak ding isipin na umuusbong ang pagtatama at pagbibigay kritisismo ng mga kabataan sa ginagawang mali ng pamahalan. Matapang na naisasaad ng mga kabataan ang kanilang saloobin sa hatirang madla at mayroon ring nakikiisa sa mga organisasyon kagaya na lamang ng National Union of Students of the Philippines (NUSP) at Millennials against Dictatorship kung saan pinapakita ng mga kabataan ang pagpapahalaga sa ating bayan. Ito ang patunay na kabataan pa rin ang pag-asa ng bayan. Higit na mahuhubog ang mga ito sa pamumuno kung pagbibigyan ng mga naunang henerasyon na kabataan naman ang mamuno. Magkaroon dapat ng boses ang kabataan na dapat pakinggan ng mga nakatatanda. Maglaan ng posisyon para sa kabataan sa senado. Magkaroon rin dapat ng batas na naglalayong makaupo sa pwesto, hindi lamang sa lokal pati na rin sa nasyonal ang mga kabataang nasa edad 15 pataas. Ang kanilang ginagawa ngayon ay ang kinabukasang ating gagalawan bukas. Hindi dapat hayaan na sila lamang ang magdidikta ng mga dapat gawin dahil lang sa rason na sila ang matanda, tandaan natin na ang kakayahang maging lider ay wala sa edad, ito’y nakabatay sa talino, diskarte, at kakayahang mailagay ang sarili sa posisyon ng iba. Dapat ding mas paigihin ng kabataan ang pagsali sa iba’t ibang organisasyon at pakikipag-isa sa mga usaping pampolitika. Ang mga pangyayari at hakbang na isinusulat ngayon ay ang bukas na ating babasahin na hindi na muling mababago. Sa pagbibisikleta patungo sa kinabukasan, dapat ay bagong kadena ang ginagamit natin para maiwasan ang labis na pagkasira at mapabilis ang byahe. Maaaring kulang pa ang karanasan ng mga kabataan, ngunit hindi ito rason para hindi bigyan ng boses at kahalagahan ang kanilang mga desisyon. Muli, ang kabataan ay hindi iniisip ang pagbabago, ginagawa nila ito.
2021 - 2022
Punong-Patnugot Francine Ivanna Gabay Kapatnugot Jayvee Fortuno Tagapamahalang Patnugot Samantha Nicole Imperial Patnugot sa Balita Sarah Carinan Patnugot sa Agham at Teknolohiya Kyle Samuel Bautista Patnugot sa Palakasan Curt Jairus Perez Patnugot sa Dibuho Rye Exodus Prilles Tagapamahala ng Serkulasyon Shiara Mae Hosmillo Patnugot sa Larawan Sharline Berjuega Mga Debuhista Romar Josh Castro John David Goyena John Murphy Bustamante Jenny Ven Mae Cordial Gilbert Laguardia Jr. Mga Tagakuha ng Larawan Ezra Borlagdatan Pauline Angela Velasco Mga Tagaguhit ng Kartun Victoria Casey Alano Maria Juline Josa Kia Mae Boitizon Mga Manunulat Jay Vhie Abunda Ramer Erlin Breis Aminah Reyes Anne Margarette Albai Justine Mae Agravante Ysha Lorraine Sergio Lexine Rust Dexter Ricafort Mark Christian Allyson Federio Lexine Rust Mark Christian Allyson Federio Tagapayong Teknikal Charlene Kris Borbe
Tanglaw sa Karimlan FRANCINE IVANNA GABAY
francineivanna.gabay@unc.edu.ph
na puwesto sa Senado. Bukod sa paggamit ng social media, maaari rin akong humingi ng suporta sa iba’t ibang mga institusyon. Sa isang artikulong isinulat ni Enrico Roces (2019), lumabas na isa sa mga nagpapasok kay Revilla sa Magic 12 ay ang pag-endorso sa kanya noong 2016 ng Iglesia ni Cristo (INC). Ang religious group na ito ang ikatlo sa pinakamalaking grupo sa bansa. Sa parehong taon din nanalo ang noo'y Davao City Mayor at ngayo'y Pangulo ng Pilipinas na si Rodrigo Duterte kasunod na rin ng pagtalaga niya kay INC Executive Minister Eduardo Manalo bilang President's Special Envoy for OFW Concerns noong 2018. Dinadaan ko lamang sa biro ang mga nangyayaring ito ngunit nakakalungkot isipin na napakadali pa ring maloko ng ilan sa atin.
Nakakalungkot din isipin na kakaunti pa rin ang mga proyektong maghahatid ng kaalaman sa publiko sapagkat ilan sa mga Pilipinong nabibilang sa laylayan ng lipunan ay iniisip
na lahat ng tumatakbo ay mga 'trapo' kaya't huwag na lamang bumoto. Ayon sa Official Gazette ng Executive Branch, kinakailangang maging isang natural born Filipino, rehistradong botante, nakakapagsulat at nakakapagbasa, nasa edad 40 pataas na, at nanirahan sa Pilipinas ng sampung taon bago ang eleksyon. Ito rin marahil ang dahilan kung bakit dumarami ang mga nuisance candidates at nagkakaroon ng lakas ng loob ang mga taong magnanakaw at gahaman na magkaroon ng puwesto sa senado. Ang pinakamainam na gawin ng mamamayan at gobyerno upang masolusyunan ang kasalatan sa voter's education ay ang pagkakaroon ng reporma sa electoral system. Ito ang mag-aalis sa mga trapo at dinastiya. Kailangang mapahigpit ang pagpapataw ng parusa sa mga lalabag sa campaign rules upang makapag-impluwensiya ng ibang mga tao. Mahirap magbigay ng opinyon tungkol sa institusyonal na reporma ngunit kailangang tandaan ng bawat Pilipino na ang isang tao ay may sariling boto kung kaya't huwag magpadala sa mga nakararami at mas malakas sa lipunan.
12
/uncpantograph
Pagtanaw sa Panahong Walang Tanglaw
Katotohanan? o Kapintasan? JAYVEE FORTUNO
jayvee.fortuno@unc.edu.ph
SA ISINAGAWANG PANAYAM ng bantog na Aktres at TV host na si Toni Gonzaga-Soriano kay Bongbong Marcos, na kilala sa tawag na “BBM”, na anak ni dating presidenteng si Ferdinand Marcos, ay natunghayan ng lahat kung ano-ano ang mga bagay na natutunan niya mula sa kanyang ama. Maliban pa riyan, napag-usapan sa interbyu ang mga bagay na ginawa ng dating presidente na buong pusong inilahad ni BBM sa kanyang mga sagot, na pumukaw sa atensyon ng mga taga-subaybay, lalo na ng mga netizens na may magkaibang pananaw ukol sa inupload na Youtube video. Ano nga ba ang saklaw ng magkabilang panig? Bago pa man maganap ang panayam ay marami na ang nagbibigay ng kani-kanilang opinyon tungkol sa pamilyang Marcos. Sabi nga ni BBM sa interbyu, “Nakasanayan na namin yan, nabuhay kami na puno ng opinyon mula sa ibang tao,” tugon niya kay Toni. Marahil, ito nga ay may katotohanan dahil sa ilalim ng pamumuno ng kanyang ama, na nagtagal ng dalawang termino ng pagkapangulo ng ating bansa o 14 na taon na pamumuno, ay marami nang batikos at banta ang natanggap ng kanilang pamilya, na dala nila magpahanggang ngayon. Ang pinakaugat nito ay ang Martial Law na idineklara ng kanyang ama sa buong bansa sa loob ng siyam na taon. Ayon sa Martial Law Museum, sa Martial Law, pinapalitan ang sibilyan na pamamahala ng gobyerno sa isang militar na pamamahala. Sa isang military rule, maaaring lumago ang curfew, paghatol ng mga korteng militar sa mga sibilyan, at suspensyon ng writ of habeas corpus. Ang pagdeklara ng Martial Law ay isa sa mga kapangyarihan ng Pangulo bilang
HINDI MAIAAHON ang bayang nahulog sa malalim na balon gamit ang limitadong pwersa. Sa pagpasok palang ng taong 2021 ay naging matunog na ang binabalak na pagkakaisa ng oposisyon para manalo sa darating na Halalan. “We have discussed this, again and again, and this is the understanding of everybody: That unless we are united, we cannot win in 2022,” saad ni Antonio Carpio noong ika-18 ng Marso. Kung hahayaan nating mahati-hati ang pwersa, imposibleng makalabas ang mahal nating bayang nanatili sa madilim na balon sa loob ng anim na taon. Sa administrasyong Duterte, maraming problema ang naganap gaya na lamang ng away sa isla sa kanlurang karagatan ng bansa at nabaon rin sa utang ang Pilipinas na umabot sa 11.64 trilyon ngunit sa kabila nito malakas pa rin ang pwersa ng mga taong kakampi ng pamilyang Duterte at Marcos. Ayon sa Pulse Asia’s Survey noong Setyembre 29, ang anak pa rin ni Pangulong Duterte na si Sarah Duterte ang nangunguna, sinusundan naman ito ni Bong Bong Marcos habang ang Bise Presidente ay nasa ikalimang pwesto. Kung magpapatuloy ang ganitong uri ng bilang, mauulit lamang ang mga trahedyang ating naranasan sa loob ng anim na taon.
Commander-in-Chief ng armed forces ng ating bansa, at ang kapangyarihang ito ay maaari lamang gamitin sa mga panahon ng krisis para sa seguridad ng mga tao at para mapabilis ang pamamahagi ng hustisya. Ang pagpapatupad ng martial law ni dating presidenteng Ferdinand Marcos ay pinagtibay ng kanyang paglagda ng Proklamasyon Blg. 1081 noong ika-21 ng Setyembre taong 1971, na nagsasabing ang buong bansa ay mapapasailalim sa martial law na kanyang inilathala sa buong bansa noong ika23 ng parehong buwan sa oras na 7:15 ng gabi, dalawang araw matapos ng kanyang paglalagda. Matapos ang siyam na taon, noong ika-17 ng Enero taong 1981, ay tinapos na ni Marcos ang pagpapatupad nito sa ilalim ng Proklamasyon Blg. 2045. Marami ang nagsasabi na sa mga taong napasailalim sa martial law ang Pilipinas, ay marami ang nagkaroon ng magandang pamumuhay. Tila ito rin ang binigyang diin ni BBM sa kanyang panayam na kung saan ay inilahad niya ang pamumuno ng kanyang ama at kung gaano ito hinahangaan ng lahat. Marami rin ang nagbibigay ng kani-kanilang mga opinyon na mas mabuti umano na ang bansa ay nasa ilalim ng martial law dahil ito raw ay susi sa pagyabong ng hustisya sa ating bansa. Sa kabilang dako, hindi maitatanggi na marami ang mga balita, lathalain, at dokumentaryo tungkol sa tunay na mga pangyayari noong mga taon ng martial law. Mga nasawing buhay, hindi patas na hustisya, pagpapahirap, pang-aabuso, at marami pang hindi kanais-nais na gawain ang patuloy na sumisigaw magpahanggang ngayon na nagmula sa mga taong puno ng pagpapakasakit sa mga Pilipino. Kung iyong papanoorin ang panayam, hindi man lamang nabanggit ni BBM ang tungkol sa martial law, o kung paano ito nakakaapekto sa buhay ng mga Pilipino sa mga taong ito ay ipinatupad. Kung titignan ng mabuti, hindi nabigyan ng pokus ang mga kapintasan sa kanyang ama, na tama namang nakadepende ito sa panayam na naganap subalit tila ito ay naging mitsa para
Maaaring hindi pa ito ang resultang magdedesisyon sa bagong pangulo ngunit ito’y maglalaro ng malaking parte sa pararating na eleksyon. Ang survey na ito ay maaaring makapaghikayat pa ng mga mamamayang Pilipino para iboto ang nasa kabilang panig dahil nakikita nila na mas marami ang suporta ng mga ito. Makikita rin naman natin ang mabagal na pag-unlad ng Pilipinas sa iba’t ibang larangan at nakakaapekto rito ang kakulangan sa pagkakaisa dahil hindi nakikinig ang kabilang panig sa suhestiyon ng kabila. Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), Tuloy-tuloy rin ang pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas sa first quarter ng 2021 dahil sa hindi maayos na kalakaran sa panahon ng pandemya, kung saan hinayaan munang dumami ang bilang ng kaso bago umaksyon. Paano maisusulong ang kapakanan ng mga Pilipino, na inaapi at pinagsasamantalahan, sa gitna ng tumitinding bangayan at pagmamaniobra ng mga politiko? Ang bilang ng oposisyon ay sapat na para hindi makapasok ang mga opisyal na dati nang nagpahirap sa ating bayan ngunit kung marami ang kakandidato sa parehong posisyon ay magdudulot ito ng pagkahati-hati ng boto. Kagaya nga ng sabi ni Carpio,
Patak ng Pawis RAMER ERLIN BREIS
ramererlin.breis@unc.edu.ph
SA BAWAT PAGPATAK ng ating pawis ay kasabay ang obligasyong naghihintay. Maitatanong na lamang natin sa ating mga sarili, ang obligasyon bang ito ay nararapat gampanan sa katiting na pilak na ating nakukuha? Kamakailan lamang ay naglabas ng memorandum ang Bureau of Internal Revenue na tumatalakay sa pagbubuwis sa mga social media influencers. Ang Memorandum No. 972021 na nilagdaan ni BIR Commissioner na si Caesar Dulay, ay nagpapakita ng obligasyon ng mga influencers sa pagbabayad ng buwis at sa maaaring mangyari kung hindi sila magbabayad nito. Marami nga sa mga influencers ang nangamba sa panukalang ito.Kasabay nga nito ang isyu sa biglaang pagbura sa youtube channel ng couple vlogger na sina Jayzam Manabat at Camille Trinidad o mas kilala bilang Jamill. Sinabi ng BIR na hindi magiging dahilan ng mga influencers ang pagbura ng kanilang Youtube channel upang sila ay makaligtas sa pagbabayad ng buwis. Naniniwala din ang BIR na ang dahilan
'San Daang Pwersa
magkaroon ng “whitewashing” sa isipan ng mga manonood at ng lahat. Marami rin ang bumatikos kay Toni, dahil hindi umaano nararapat na sa isang panig lamang nakatuon ang panayam, kung saan kapansin-pansin naman na sinubukan ni Toni na tanungin sa ibang pananaw si BBM, ngunit bilang tugon ay marami ang naghangad na sana ay mas naging matibay ang atake ng panayam para mabigyang linaw at katotohanan ang lahat. Bilang isang manunulat at instrumento na magtala ng purong katotohanang mga bagay at balita, para sa akin ay dapat hindi nawaksi ang sensitibong isyu tungkol sa martial law.
Marahil ang nais lamang ay magpabatid, ngunit hindi akma na ang lahat ng impormasyon ay umiikot lamang sa isang anggulo ng mga pangyayari. Dapat ay hindi tayo matakot na ilahad kung ano nga ba ang tunay na kaganapan, at kung gaano ito nakakaapekto sa ating kasaysayan. Iba-iba man ang opinyon ng bawat isa, nararapat lamang na manaig pa rin ang katotohanan na hindi basta basta matatakpan ng mga salita mula sa isang panayam. Buhay ng mga Pilipino, kalayaan, at pagkatao ang naitaya noong mga taong napasailalim sa madilim na mga taon ang buong bansa. Bilang mga Pilipino, nawa’y hindi tayo mabulag sa mga bagay na puno ng matitibay na ebidensya at higit sa lahat, nawa’y hindi tayo mabagabag na ipaglaban ang kung ano ang para sa atin, para sa mga kapwa nating mamayan, at sa bansa bilang isa.
Marami Ngunit Kaunti JAY VHIE ABUNDA
jayvhie.abunda@unc.edu.ph
Ang sitwasyong ito ay magbubukas lamang ng pintuan para manatili at muling makaupo ang nasa kabilang panig. Kung walang magpapaubaya at kung mahigit isang tao ang kakatawan sa oposisyon ay maaaring matalo at hindi man lamang makalapit sa bilang ng boto ang mga ito sa mga kalaban. Ang suporta ng mga kandidato sa pagkapangulo na nasa panig ng oposisyon ay hindi nagkakalayo, si Isko Moreno at Leni Robredo pa rin ang nangunguna ngunit kailangan bawiin ng isa ang kandidatura para
lumaki ang pagkakataong manalo. Dapat rin magkaisa ang mga taga suporta ng mga nasa oposisyon at mas pag-ibayuhin ang pagpapakalat ng mga totoong impormasyon tungkol sa mapagpanirang pekeng balita. Higit ring palakasin ang mga boses upang mailoklok sa pwesto ang taong magbubuhat palabas ng bayang nasa balong madilim sa mahabang panahon. Magkakaiba man ng partido ngunit pareho ang hangarin ng bawat nasa oposisyon. Ito ay maisaayos ang Pilipinas at makawala sa bakal na kamay ng gobyerno. Kailangan ng buo at malakas na pwersa upang muling maitulak ang bansang ito palabas sa balon. Kung hindi tayo magtutulungan, mamumulat, at magkakaisa, hindi natin maaabot ang nais nating makitang resulta.
Obligasyong Kakambal ng Kasikatan sa biglaang pagbura ng Youtube channel ng Jamill ay upang maiwasan nila ang responsibilidad sa pagbabayad ng buwis. Alam nating lahat na isang obligasyon ang pagbabayad ng buwis. Wala naman sanang masama kung papatawan sila ng buwis kung sila ay isa sa may malaking kinikita rito. Tulad na lamang ng tambalang Jamill, sinasabing sa loob ng dalawang taon ng kanilang pag vovlog ay halos kumita sila ng mahigit P50 hanggang P100 milyon. Marami sa mga influencers ang walang nakikitang problema tungkol sa pagpapataw ng buwis ngunit hindi maiiwasan na may iilan ding hindi sang-ayon dito. Hindi maipagkakaila na malaking porsyento din ang maaaring mawala sa kita ng mga influencers dahil sa buwis sa kanilang ibabayad. Ngunit, ano nga ba ang maaaring maitulong ng buwis na kanilang ibabayad lalong lalo na sa ekonomiya ng bansa?
Maraming mga nagsarang negosyo at iba’t ibang imprastraktura na nagbibigay trabaho sa mamamayang Pilipino. Dahil dito, marami ang nawalan ng trabaho at nagdulot ito ng matinding hirap na kung minsan ay nagdudulot ng pagkagutom sa iilan nating mga kababayan. Malaking porsyento ng pondo
ng pamahalaan ang nanggagaling sa buwis na ibinabayad ng mamamayan. Dito na papasok kung bakit mahalaga na magbayad ng buwis hindi lamang ang mga influencers kundi ang iba ring mga mamamayan. Ang buwis na kanilang ibabayad ay maaaring mapunta sa mga Pilipino na nakakaranas ng matinding hirap ngayon. Maaaring gamitin ang buwis na ito upang mabigyan sila ng kaunting tulong sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Magagamit din ito bilang pundo sa pagbili ng mga iba’t ibang pangangailangan ng mga mamamayan tulad na lamang ng pagkain, gamot, at iba pa na ipapamahagi sa kanila. Hindi lamang ito ang maaaring maitulong ng pagbabayad ng buwis. Malaki din ang maitutulong nito bilang pandagdag sa pondo para sa pagbili ng mga bakuna na kinakailangan natin ngayon. Isa ito sa mga importanteng bagay na maaaring mapunta at mapapakinabangan ang buwis na kanilang ibabayad. Maaaring din itong mapunta sa pagpapatayo ng mga imprastraktura tulad na lamang ng mga gusali, paliparan, tulay, at sa pagpapaunlad sa sistema ng edukasyon ng ating bansa.w Sa kabilang dako naman, kinakailangan na isaalangalang din ng BIR ang kalagayan ng mga influencers.Totoo na malaki ang maaaring maitulong ng ibabayad nilang buwis, ngunit paano naman ang iilan sa kanila? Gayong hindi naman lahat ng mga influencers ay malaki ang nakukuhang kita sa paggawa ng mga content online. Hindi din lahat sa kanila ay
13
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
MULA PAHINA 12
Obligasyong Kakambal ng Kasikatan galing sa mayamang pamilya at iilan din ang ginagamit ang paggawa ng content online upang makaraos sa pang-araw-araw nilang pamumuhay. Isa ito sa mga salik na nararapat bigyang pansin ng BIR sa kanilang panukalang pagpapataw ng buwis. Kung talagang papatawan ng buwis ang mga influencers ay nararapat na hindi naman gaanong malaking halaga. Isipin din sana ng BIR na may mga pangangailangan din sila at hindi naman nararapat na halos ang kanilang kikitain ay mapupunta lamang sa pagbabayad ng buwis. Ngayong nahaharap tayong lahat sa pagsubok na dala ng virus na ito, kinakailangan na mayroong pagkakaunawaan ang bawat isa. Sa panig ng BIR, kinakailangan ng mas masusing pag-aaral sa panukalang pagpapataw ng buwis. Nararapat na magkaroon sila ng konsiderasyon at pag-intindi sa mga influencers. Para naman sa mga influencers, kinakailangan na bukas ang kanilang mga isip at makiisa na lamang sila sa panukala na ipinalabas ng BIR upang maiwasan ang anumang gulo o hindi pagkakaunawaan. Sa buhay, kinakailangan natin ang pag-intindi sa sitwasyon ng bawat isa. Ito ay isa sa magiging susi sa pagbubuklod-buklod at pagkakasundo nating lahat.
MULA PAHINA 09
Sa mga bagyong ito... ang direktang tumatama sa Pilipinas. Ayon sa kanilang ulat, mataas ang tiyansa ng pamumuo ng bagyo na may bahagdan na 70% sa itinuturing nitong ‘peak season’ mula buwan ng Hulyo hanggang buwan ng Oktubre. Tuwing may daraan na bagyo, panatilihin nating maging handa kahit pa ang ating lugar ay Tropical Storm Warning Signal 1 o 2 lamang. Mainam din na may alam ang lahat sa mga emergency hotlines ng kanilang mga lugar, upang mas mapadali ang pagpapadala ng rescue sa oras ng pangangailangan. Bukod pa riyan, nararapat din na mas maging mapagmatyag ang lahat lalo na sa biglang pagbabago ng panahon o kaya naman ay ugaliing subaybayan ang mga ulat tungkol sa panahon at maging sa mga posibleng sakuna.
MAYROON LAMANG isang kilalang layunin sa bawat publikasyon; ito ay ang magsilbing lingkod sa mga kapwang inaapi at marginalisado laban sa kawalang-katarungan habang itinataguyod ang katotohanan. Sa kabilang banda, sa isang bansang tulad ng Pilipinas, isang pakikibaka na panatilihin ang sistema ng impormasyon kapag alam mong isang araw ay maaari kang mawalan ng buhay dahil sa mga taong binatikos mo sa iyong artikulo. Ang tungkuling ito ay hatol ng kamatayan sa mga mamamahayag dahil ang tanging pagpipilian mo ay lumikha ng mga kritikal na artikulo tungkol sa gobyerno ngunit makakatanggap ka ng mga pananakot o gamitin ito sa paglalabas ng mga balitang sumusuporta sa maling gawain ng mga makapangyarihan basta makaligtas lamang sa kamatayan. Ang Pilipinas ay walang ipinanukalang batas na pumipigil at nagbabawal sa mga mamamahayag sa paglalathala at paglalabas ng kani-kanilang opinyon. Lahat ng uri ng pagbatikos at artikulo ay pinahihintulutan, kung kaya itinuturing itong malaya sa lahat ng pagkakataon. Kaya't ang mga mamamahayag na Pilipino ay mayroong kalayaang maglabas ng kahit anong sulating naglalabas ng baho ng mga makasalanan basta ito’y makatotohanan. Taliwas dito, ang mga mamamahayag na Pilipino ay humarap sa ilang mga hamon, lalo na sa ilalim ng diktadura ni Ferdinand Marcos. Hindi mabilang ng daliri sa kamay ang nagbuwis ng kanilang buhay upang matiyak na ang pamamahayag ay nananatiling malaya. Ang pang-aapi sa campus journalism ay sumikat noong panahon ng Martial Law sa ilalim ng rehimen ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos. Alam na alam niya ang kahalagahan
Pagmulat ng Bulag SAMANTHA NICOLE IMPERIAL
samanthanicole.imperial@unc.edu.ph
KITANG-KITA sa araw na iyon ang hunyango na nagsisimulang palitan ang kaniyang kulay. Anghunyango na maganda at nakakatakot sa panlabas na anyo ay may itinatagong adyenda na kung saan ating makikita ang kanilang tunay na pakay sa ating bansa. Ang hunyango na ito ay madalas nating nakikita sa mga balita at mga bidyo sa social media na tumutulong ang mga ito sa taongbayan upang isukli ang kabutihan na binibigay sa kanila ng mga ito. Sila rin ay kalimitang nagbibidyo sa kanilang mga sarili at ipinopost ito upang makita ng madla. Ang aking tinutukoy ay ang mga dayuhan. Ilang buwan na ang nakalipas nang ibalita ang isyu ni Nuseir Yassin o mas kilala bilang Nas Daily. Ito ay dahil sa kaniyang website na Nas Academy kung saan ang mga content creator ay magbibigay ng serbisyo sa mga mamamayan kapalit ng pera. Isa sa mga nasa Nas Academy ay ang Filipino tattoo artist na si Whang-Od, 104 na taong gulang na tattoo artist na magbibigay daw ng sesyon sa mga tao ngunit ayon sa apo nito na si Grace Palicas, isa itong scam at hindi totoo na ang kaniyang lola ay nagkaroon ng sesyon sa mga bumili nito. Sa sinasabing 750 na halaga ng serbisyo na ibibigay daw ni Whang-Od sobra na marahil hindi naman talaga masyadong naintindihan ng matanda ang mga sinasabi ni Yassin at kaniyang team. Kung susuriin, dapat lamang na huwag na itong isali sa akademya upang bumawas na ito sa isipin ng matanda. Kailangan na ipagpahinga na lamang siya at ibigay ang lahat ng kaniyang oras sa kaniyang pamilya at paggawa ng mga bagay na gusto niya. Mayroon ding isa na pumasok sa eksena nang mailabas ang isyu na ito. Ang nagpost naman ngayon sa Facebook ay si Louise Mabulo, tagapagtatag ng The Cacao Project, na nagbahagi ng kanyang karanasan noong
Isang Pain? 2019 sa tagalikha ng nilalaman sa Facebook. Ipinaliwanag niya na dumating si Yassin sa kanyang bayan upang i-cover ang kanyang kuwento sa The Cacao Project at tinanggap siya ng kanyang pamilya bilang isang malugod na panauhin, kasama ang iba pang tagalikha ng nilalaman. Gayunpaman, inaangkin ni Mabulo na si Yassin ay ginaya at tinutuya ang lokal na tunog at wika, na binibigkas ang mga pantig na pariralang tumutunog sa Tagalog na nagsasabing ito ay tunog na hindi kaayaayang pakinggan. Sa nailahad na isyu kaugnay sa The Cacao Project, ang dayuhan ay tunay na hindi gumagalang sa kaniyang mga iniinterbyu. Siya na nga ang bumisita sa isang bansa, bakit hindi siya marunong rumespeto sa mga tao ng bansang ito? Siguro dahil akala niya kapag dayuhan o bisita, maaaring ayos lamang ito at ang mga Pilipino naman ay sabik sa mga dayuhan. Oo, may mga tao talaga na sabik at gusto na laging makihalubilo sa mga ito dahil ito ay maaari nilang maipagmalaki sa kanilang mga kaibigan na napansin sila ng dayuhan. Lalo na kapag may reaction video ang mga dayuhan na ito sa isang bidyo ng kanilang iniidolong artista. Itong mga dayuhan naman na ito ay mas magiging masaya, bakit? Dahil sa reaction video na ginawa nila, maraming Pilipino ang tumangkilik at napagkakitaan nila. Kaya naman uulit-ulitin nila ang paggawa ng mga bidyo na ito pati na rin ang pagpansin sa mga Pilipino at ang pag diin pa sa mga emosyon upang mas magmukha na sila ay namamangha sa ating bansa at sa mga tao dito. Tandaan natin na tayo ang nagbibigay ng sahod sa kanila. Kung walang nanonood, walang gumagawa ng bidyo at walang nagkakaroon ng pera. Maraming natauhan sa isyung ito kagaya na lamang ni Jessica Soho, isang mamamahayag sa GMA 7, na umatras na ipagpatuloy ang kursong Jessica Soho sa Nas
Tagapagpalayang Nakagapos ng pamamahayag sa komunidad kung kaya't ginamit niya ang lahat ng kanyang awtoridad para permanenteng patahimikin ang mga kritiko at magtatag ng kontroladong mapagkukunan ng midya. Nagawa niyang patahimikin ang pambabatikos ng publiko at mapanatili ang kontrol sa impormasyong magagamit ng publiko. Kinansela niya ang anumang prangkisa sa media at inaresto rin ang malayang mamamahayag tulad nina Joaquin Roces, Teodoro Locsin, Sr., Luis Mauricio, Amando Doronilla, at iba pang mga kilalang kritiko.
Tinatawag silang mga kriminal at komunista. Dahil dito ay kinilala na Pilipinas ang bansang madalas na nangunguna sa mundo pagdating sa pinakamaraming mamamahayag na napatay sa paglipas ng mga taon. Noon lamang 2019 nang nilagdaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang “National Campus Press Freedom Day Act” o Republic Act No. 11440 na ipinagdiriwang tuwing ika-25 ng Hulyo ng taon. Nilalaman nito ang pagbibigay nag karampatang proteksyon at pagtataguyod sa kalayaan ng mga publikasyong pangkampus sa bansa.
Academy. Pati si Catriona Gray ay umatras din sa pagtanggap ng mga bagong sasali para sa kanyang kurso sa pagkakaroon ng kumpiyansa sa sarili at pagharap sa mga kinakatakutan. Ayon sa Rappler, ang iba pang personalidad na may kasalukuyan o paparating na mga kurso sa Nas Academy ay sina Michael Cinco na isang fashion designer; Erwan Heusaff, James Deakin, Mavrick Bautista, at Carlo Ople na mga Youtubers; mang-aawit na si Moira dela Torre; photographer na si Jason Magbanua; at finance motivational speaker na si Chinkee Tan. Sa kabilang banda, marami rin kasi ang mga Pilipino na gusto makakuha ng atensyon galing sa isang dayuhan dahil maaari na mabigyan ng pera o matulungan nito. Halimbawa, ang nagtatanong na dayuhan sa isang Pilipino ay binibigyan kaagad ng sagot dahil sa isang sagot nito ay maaari mabigyan ito nang kahit kaunting dolyar o kaya pagkain kagaya ng burger.
Tayo ay maging mapagmatiyag sa mga kaganapan sa ating paligid at huwag magpabudol sa mga matatamis na mga salita ng mga taong ito sapagkat hindi natin alam ang tunay na kulay nila. Huwag ding maging hayok sa atensyon na ibibigay nila dahil ang atensyon na ito ay pwedeng magpahamak sa atin. Maaaring maayos ang intensyon ng iba ngunit may iba rin na ginagamit lang tayo para sa kanilang pansariling interes. Kung tayo ay susuporta pa ng mga gumagawa ng bidyo, mas mainam na suportahan na lamang natin ang mga lokal na gumagawa ng bidyo at ang tunay na may silbi ang sinasabi at ‘yung mga taong kaya natin pulutan ng aral.
Takipsilim AMINAH REYES
aminah.reyes@unc.edu.ph
Ang ipinagtataka ng marami ay dahil sa kapansin-pansing kabaligtaran ng nakasaad sa batas ang kasalukuyang nangyayari sa bansa. Makailang beses na nagsampa ng reklamo ang mga ahensiya ng pamahalaan laban sa mga publikasyong bumatikos sa kanila. Tulad na lamang ng naganap na isyu sa pagitan ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) laban sa Komisyon sa Mas Mataas na Edukasyon (CHED) at Komisyon ng Karapatang Pantao (CHR) dahil sa paglabag ng mga ito sa kalayaan ng kritikal na pamamahayag matapos silang idawit ng mga ito sa ilang insidente ng red-tagging. Ang masaklap pa ay bukod sa batas na naipanukala ng kasalukuyang pangulo, mayroon nang naitatag na kaparehong batas dalawang dekada na ang nakalilipas na pawang hindi rin nasunod, ang “Campus Journalism Act of 1991” o Republic Act No. 7079. Ito ay naglalayong itaguyod at protektahan ang kalayaan ng pamamahayag sa antas ng kampus at isulong ang pag-unlad at paglago ng campus journalism. Kung babalikan ang nakaraan, ang Miriam College, na lumagda sa Republic Act No. 7079, ay nagpatalsik at nagbigay ng kaukulang parusa sa sampung estudyante dahil sa pagsulat ng mga kritikal na sanaysay. Mula noong 1997, tatlong beses nang isinara ang pahayagan ng AMA University para sa paglalabas ng mga sulating itinuturing na paninirang-puri at sarkastiko laban sa institusyon. Isa pa sa sikat na nakararanas nito ay ang mga mamamahayag ng Rappler na nahaharap sa cyberattacks araw-araw. Kung saan ang ating presidente mismo ang siyang nangunguna sa pagbabanta sa kanila. Umabot pa ito sa pagkakataong pinagbawalan niyang papasukin
sa palasyo si Pia Ranada, isang manunulat ng publikasyon. Ang kalagayan ng Rappler ay sumasalamin sa mas malawakang komprontasyon laban sa administrasyong Duterte. Sa social media idinadaan ng tanggapan ng Pangulo ang pagpapakawala ng mga atake laban sa mga organisasyon at publikasyong bumabatikos sa kanila. Dahil sa iba’t ibang isyu patungkol sa opresyon laban sa mga publikasyon, untiunti nang nawawalan ng saysay at kalayaan ang mga mamamahayag na ibahagi ang mga mahahalagang impormasyon sa mga mambabasa sa buong bansa. Kung sino pa ang tumutupad sa tungkulin at ang siyang nagbibigay kalayaan sa mga Pilipino ay siya pang biktima ng paniniil. Nakalaya nga sana ang bansa sa pananakop ng mga dayuhan ngunit ganap pa ring nakakadena ang mga Pilipino dahil sa mga paniniil ng mga indibidwal na nasa taas ng piramide. Ang pagiging niyutral ay hindi nagdudulot ng pagbabago sa lipunan kundi ang konstruktibong pagpuna. Bilang mga responsableng mamamayan, prayoridad nating labanan ang sinuman o anumang bagay na humahadlang sa ating karapatan sa katotohanan at katarungan. Ang mga mamamahayag ng kampus ay naninindigan sa pamamagitan ng kalayaan sa pamamahayag upang buong pusong paglingkuran ang bansa laban sa hindi pagkakapantay-pantay at kasinungalingan. Dapat tumatak sa isipan ng bawat isa na ang pag-alam sa tunay at katotohanan ay isang karapatan tungo sa liberalidad, sa gayon, umuusbong ang kapangyarihan.
14
/uncpantograph
JAYVEE FORTUNO AT YSHA SERGIO
“We do the right things right. We uphold integrity in everything we do. We hold ourselves to high standards for accountability and character. We do things right.” Isa ito sa limang core values ng Unibersidad ng Nueva Caceres kung saan nag-aral ng abogasya noong 1990 - 1992 ang kasalukuyang bise presidente na si Leni Robredo. Bago pa man siya maging abogado at ngayon ay ang kasalukuyang bise-presidente ng Pilipinas, siya ay isang respetadong abogado na dedikado sa pagtulong sa mga mahihirap nating kababayan sa pamamagitan ng pagbibigay ng legal na payo at pagsiguro na nakakamtan ng mga kababayan natin ang kanilang mga karapatan. Kasama niya rin dito ang Naga Chapter of Sentro ng Alternatibong Lingap Pang Legal (Saligan) na nakatuon sa pagtulong sa mga kababayan nating magsasaka. Siya rin ang nagtatag ng Lakas ng Kababaihan ng Naga, Former President ng Naga City Council for Women, at miyembro ng Federacion Internacional de Abogados. Maliban dito, tagapaglingkod din siya sa iba pa nating kababayan sa pagsilbi sa Public Attorney’s Office Sa kanyang pag-aaral sa abogasya, isa sa mga naging kaklase niya ay si Armel B. Turado, 56, isang Provincial Board Member at negosyante, na inilarawan siya bilang isang magaaral na hindi pala imik at simple lamang. Dagdag niya rin na si Leni ay matalino at mapagkumbaba.
buhay at ang karunungan na aming nakamit ay dapat gamitin sa tama ng may katalinuhan at pagmamahal sa kapwa at sa ating minamahal na inang Bayan ang Bansang Pilipinas,” saad niya sa panayam sa Malaya. Tungkol naman sa pagtakbo ni Leni bilang pangulo ng bansa, naniniwala si Turado na ang kakayahan ng kanyang naging kaklase ang magiging isa sa mga sagot upang maayos ang kalagayaan ng bansa. “Absolutely in God's perfect time, her decision to run for the highest post, for me, is with divine intercession, because at this present time of crisis brought about by this pandemic and aggravated by the mismanagement of this present
governance in dealings with governmental operation or transactions to uplift the lives of our indigent Filipino people, Leni's style of Governance is the answer.
Kilala si Leni bilang isang opisyal na mataas ang pagpapahalaga sa transparency, integridad, at accountability. Sa loob ng tatlong magkasunod na taon, ang Office of the Vice President ay nakatanggap ng pinakamataas na audit rating mula sa Commision on Audit
(COA). Isa rin siya sa mga opisyal na aktibong tumutulong sa mga tao partikular na sa mga healthcare workers at mga estudyante, mula nang magsimula ang pandemya. Ang mga katangiang ito ang dahilan kung bakit maraming Pilipino ang humikayat sa kanya upang tumakbo sa pagka-presidente. Ang suportang ito ay lalong naipakita sa paglunsad ng Pink Day noong ika-pito ng Oktubre—ang araw kung kailan inanunsyo ni Leni na siya ay tatakbo bilang Presidente ng Pilipinas sa darating na eleksyon sa 2022. Siya ay tatakbo bilang isang independent candidate ngunit mananatiling chairperson ng Liberal Party. Marami ang nakilahok dito; mga kilalang artista, influencers, at mga ordinaryong Pilipino. Kanya kanya silang nag-post ng mga litrato nilang nakasuot ng pink na kasuotan sa pagsuporta nila sa bise-presidente. Nag-trending din ang mga hashtag na #LetLeniLead,#LabanLeni2022, at #LeniforPresident2022.
MARIA LEONOR "LENI" ROBREDO
Ang pahayag na ito ni Robredo ang nagpatibay ng kanyang kumpiyansa sa patuloy na paglingkod sa bayan sa mas malawak na sakop sa ating bansa. Ang kanyang dedikasyon sa paglingkod at pamumuno ang itinuturing na mga bagay na mas magbubuklod sa kanyang pamumuno at sa mga mamamayan kung siya man ang susunod na uupo bilang presidente ng ating bansa. Tiyak na gaano man kalayo ang narating niya sa aspektong politika, ang taglay niyang kakayahan na protektahan ang ating mga kababayan lalong lalo na ang ating mga karapatan bilang isang abogado ang isa rin sa mga bagay na dapat nating hangarin sa kanyang pamumuno. Isang masaganang bansa, sa kamay ng isang taong handang ipaglaban ang karapatan ng bansa, at ang karapatan ng kanyang nasasakupan.
ARMEL B. TURADO
Ayon din kay Turado, tiyak niyang nalinang ng UNC si Leni na maging isang dedikadong public servant. “Tinuruan kami ng UNC na maging masigasig sa pag aaral upang makamit ang mga minimithi at adhikain sa
Tunay nga talaga! SAMANTHA NICOLE IMPERIAL
Sa loob ng mahigit isang taon, ang COVID-19 ay patuloy na kumakalat sa ating bansa. Hindi pa rin nagkakaroon ng solusyon upang mabawasan ang mga nagkakasakit nito kung kaya’t pati na rin mga mag-aaral ay nakakaranas nito. Mayroon ding mga mga taong ang hindi naniniwala na ang sakit na ito ay totoo na isa pang dahilan kung kaya marami ang nakakaranas nito.
Naging kalmado rin siya sa pagharap nito dahil gusto niya agad gumaling at ginawa niya ang lahat ng kanyang makakaya niya upang gawin ang mga kailangan bilang isang mag-aaral at bilang tao na may sakit.
“I calmly face it and do what I can do as a student during the quarantine since I'm already asymptomatic during those days,”
Buksan natin ang ating isipan at maging maalam pagdating sa sakit na ito sa pamamagitan ng pag unawa sa mga nangyari sa mga estudyanteng sina Ashley, Ian, Anne, at si Bicol Code #32432, mga mag-aaral sa University of Nueva Caceres na nasa ikalabing-isa at ikalabindalawang baitang.
sabi ni CJ sa isang panayam kasama ang Malaya. Ang kaniyang payo sa mga taong nakakaranas nito ay huwag mawalan ng pag-asa at mag-ingat at alagaan nang maigi ang kalusugan.
Unang Nakaligtas: CJ Si CJ, hindi tunay na pangalan, ay isang magaaral ng Accountancy, Business and Management (ABM) na nasa ikalabindalawang baitang. Siya ay nahawa sa kanyang kapatid na babae na nagtatrabaho sa labas dahilan nang pagkakalantad ng mga ito sa COVID-19. Sa kanilang pamilya, siya at ang kanyang ate lamang ang nagkaroon ng sakit na ito noong Hunyo.
Pangalawang Nakaligtas: Ian Ang sunod na nagkaroon ng sakit na ito ay si Ian Joseph Geroy, isang mag-aaral sa flexi-kit modality ng Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) na nasa ikalabindalawang baitang. Siya ay nakaranas ng COVID-19 noong Agosto 27 hanggang Setyembre 15 kasama ng kanyang tiyuhin, kapatid, at tatlong pinsan. Siya ay nahawaan ng kanyang tiyuhin na frontliner na
Mga UNCeanong Nakaligtas sa COVID-19 humawak ng isang pasyenteng positibo sa COVID-19. Noong Agosto 27 ay nagpostibo ito sa sakit kaya't ang mga opisyal ay nagpataw ng house lockdown sa kanilang tahanan. “Later that night I was feeling a bit hot and my temperature was higher than normal… After my recovery from the fever, I noticed that I couldn't smell anything, even alcohol, bleach, etc. But my sense of taste was still there so I was glad. For the rest of the lockdown, we just stayed at home and did the same thing like before,” kwento ni Geroy sa Malaya. Hindi rin nahirapan si Geroy sa kanyang pag-aaral dahil siya ay mag-aaral sa modular modality
02
15
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
TICK TOCK:
YSHA SERGIO
TIKTOK
Isa sa mga sikat na app na ginagamit ng karamihan ngayon ang TikTok— isang video-sharing app kung saan maaari kang manood o kaya naman ay gumawa ng sarili mong bidyo. Iba’t iba ang haba ng bidyo dito; mula labinlimang segundo hanggang sa tatlong minuto. Napakalaganap nito na sa tuwing bubuksan mo ang iyong Facebook ay makakakita ka ng mga bidyo o kaya naman ay mga larawang kuha sa TikTok. Kahit sa stories ng iyong mga kaibigan ay makakakita ka ng mga TikTok bidyo; mga trending na sayaw, komedya, edits ng mga kilalang personalidad, o kaya naman ay tungkol sa sining.
+
+
Nagsimulang tangkilikin ang app na ito ng mga tao, bata man o matanda, noong 2020 sa kalagitnaan ng pandemya. Ayon sa quarantine at health protocols na ipinatupad ay limitado lang ang maaaring lumabas. Nagdulot ito sa kawalan ng libangan ng mga tao at pagkabagot nila. Dahil dito, naging patok ang TikTok sapagkat nagbibigay ito ng hindi lamang kaaliwan kundi pati na rin ng plataporma upang maipahayag nila ang kanilang mga saloobin at maipamalas ang kanilang talento sa anumang aspekto. Ang labis na pag-asenso ng app na ito ay napatunayan sa pag-anunsyo ng TikTok noong ika-27 ng Setyembre na umabot na sa isang bilyon ang gumagamit ng app buwan buwan. Nangyari ito limang taon lamang ang nakalipas mula ng launch nito noong 2016, ibig
Isang grade 12 na mag-aaral naman mula sa STEM C si Michael Jade Ani. Di tulad ni Rain at Kaye, nagsimula lamang siyang gumamit ng TikTok noong December 2020 at sa kasalukuyan ay pina-follow ng 137, 000 katao ang kanyang account. Ginagamit niya ang TikTok para sa katuwaan kaya naman ang kadalasang content ng kanyang mga bidyo ay nakakaaliw na skits. Para sa kanya, ang app na ito ay nakakatulong sa paghasa ng kanyang pagiging pagkamalikhain sa pamamagitan ng pag-iisip ng content at pag-edit ng mga bidyo. Ayon din sa kanya ay nakapagpapaalis ito ng kanyang pagkabagot at stress.
+
sabihin ay isa ito sa mga pinakagamit at pinakamabilis umunlad na social media platform. Mula sa isang bilyong users nito, ipinapakita sa statistics na binubuo ng Gen Z mula sa edad na 16-24 ang 60% ng mga ito. Pinakasikat ito sa kabataan dahil isa itong lugar kung saan sila ay naaaliw, natututo, at nakikipag-ugnayan sa iba’t ibang tao. Sa University of Nueva Caceres, maraming estudyante gumagamit ng app na ito. Isa na rito si Rain Reyes, isang magaaral mula sa 11 GAS K na sa kasalukuyan ay mayroong sampung libo at isang daang followers. Nagsimula siyang gumamit ng TikTok simula nang siya’y nasa ikapitong baitang pa lamang. Ayon sa kanya, ginagamit niya nito upang ibahagi ang kanyang talento sa pagsasayaw, matuto, at maaliw sa mga influencers na kanyang hinahangaan. Ang kontent ng kanyang mga bidyo ay dance trends at mga pangyayari sa kanyang buhay. Naging benepisyal sa kanya ang tinatawag na creator’s fund— pondong maaaring matanggap ng isang creator kapag sila’y nakakuha ng 10,000 followers. Si Kaye Angela Capillano ay isa ring grade 11 na tiktoker mula sa STEM P. Nagsimula siyang gumamit ng app noong 2018 at mayroon na siyang 5000 followers sa kasalukuyan. Tulad ni Rain, ang TikTok ay isang libangan at lugar kung saan naipapamalas niya ang kanyang talento sa pagsasayaw na siya ring madalas niyang kontent.
+
+
+
+
MICHAEL JADE ANI
Hindi man tayo maaaring magkita-kita ng personal kagaya ng dati, mayroon pa ring paraan upang tayo ay mag-ugnayan. Maaari pa rin nating maibahagi sa ibang tao ang mga bagay na nais nating ipakita; talento man yan, opinyon, katuwaan, o edukasyonal sa pamamagitan ng social media partikular na ang TikTok. Anumang lungkot, takot, at pangangamba ang mayroon ka, may lugar at boses ka sa loob ng parihabang selpon na hawak mo.
KAYE ANGELA CAPILLANO, STEM 11
JAYVEE FORTUNO
Sa pagbabago ng mode of learning ngayong ‘new normal’ kung saan ang mga magaaral ay nasa online class o modular learning, ang lahat ay patuloy pa ring nagsisikap na makipagsabayan sa mga deadlines, discussions, at mga proyektong kinakailangan nilang maisumite. Bukod dito, naging online na rin ang mga recognition at graduation ceremonies o mas kilala sa “Virtual Recognition Rites” at “Virtual Commencement Exercises”. Sa katunayan kung saan ang huling batch na nagsagawa ng virtual commencement exercises para sa kanilang huling taon bilang isang Senior High School, ngayon ay pormal nang tumungtong sa kolehiyo. Sa bagong yugto ng kanilang buhay, kumusta na nga ba sila mula nang sinalubong nila ang buhay kolehiyo? Ayon kay Jod, 19, isang estudyante mula sa Bachelor's of Arts (AB) in Political Science ng Unibersidad ng Nueva Caceres, noong napagtanto nila na gagawing virtual ang seremonya para sa kanilang pagtatapos ay lubos siyang nalungkot dahil kumpara sa face-to-face, ay tiyak mas magagalak siyang makita ang kanyang mga kaklase at kaibigan habang ibinabahagi ang galak dahil sa kanilang pagtatapos. “Hindi ko maikakaila na ako ay lubos na nalungkot nang malaman ko na ang graduation namin ay gaganapin online. Nakakalungkot dahil iba ang pakiramdam ng naglalakad at umaakyat sa entablado upang kunin ang aking diploma. Sa madaling sabi, yung kaligayahan na maaari kong maramdaman kung ito ay sa loob ng unibersidad ginanap ay hindi mapapantayan ng sa online graduation. Iba parin na makita naming personal ang bawat isa habang nakangiti at tumutulo ang luha dulot ng sobrang kaligayahan,” wika ni Jod. Ngayong siya ay pormal nang nasa kolehiyo, para sa kanya ay mas magiging maganda raw sana kung ang kanyang unang taon ay face-to-face sapagkat naniniwala siyang mas mataas ang porsyento ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa tuwing ito ay nasa aktwal na silid-aralan. Bukod pa riyan ay binigyang diin niya rin ang kahalagahan ng pagkakaroon ng aktwal na obserbasyon sa antas ng pagkatuto ng mga estudyante. Ayon sa kanya ay mas madaling magkaroon ng basehan ang mga guro sa kung ano ang mga ipapagawa nila sa kanilang mga estudyante. “Sa madaling sabi, mas masusubaybayan
ng aming propesor ang mga maaaring pagunlad sa aming kakayahan at mga parte na dapat pang matutukan,” sambit niya sa panyam sa Malaya. Samantala, sa tanong kung marapat ang natutunan niya sa kanilang mga asignatura sa mode of learning na online class, “May mga importanteng bagay din naman akong natutunan. Ngunit alam kong kulang ang mga ito,” wika ni Jod. Tulad ni Jod ay pareho rin ang nararamdaman
nakikita niyang posts sa social media, ay tila tunay na hindi epektibo ang online class dahil kulang ang mga natututunan ng mga estudyante at hindi umano epektibo ang pag-aaral sa loob ng bahay dahil maraming temptasyon, mga istorbo, at hindi buo ang pokus ng mga mag-aaral. Saklaw din ito ng kanyang pananaw pagdating sa tanong kung sapat ang natutunan niya sa kanilang asignatura. “HIndi, kung sinasabi nila na nasa estudyante yan kung gusto namin matuto,
S A B U H AY K O L E H I Y O
ni Bernadette Abainza, 18, na kasalukuyang nasa unang taon ng kanyang kolehiyo sa kursong Bachelor of Science in Nursing sa parehong unibersidad. Maging siya ang nakaramdam ng lungkot ang panghihinayang tungkol sa kanilang pagtatapos.
Para sa kanya ay mas mainam din ang pagkakaroon ng face-to-face classes, lalo na sa kursong kanyang pinapasukan kung saan nangangailangan ng actual na pagkatuto sa paaralan. “Bilang isang estudyanteng nars, kailangan namin matuto ng praktikal at hindi lamang pinapanood sa youtube o kung ano pa man na uri ng video ang ibigay sa amin. Mas maganda kung mayroon kaming hawak-hawak talagang mga materyales o kung ano pa mang kailangan sa partikular na asignatura,“ sambit ni Bernadette. Ibinahagi rin ni Bernadette na sa mga
karapat dapat lamang na sabihin namin na nasa guro din yan kung epektibo ba ang kanilang pagtuturo, kasi lahat kami naninibago sa aming tinatahak na kurso, kaya kami nagaral at nag-enrol sa isang unibersidad ay para matulungan, matuto sa kung ano man ang gusto naming tahakin sa buhay, at maging trabaho. Hindi lamang dapat "one sided" ang interaksyon sa klase, kundi dapat both sides ginagawa ang kanilang parte,” paninindigan ni Bernadette. Pareho rin ang naging sentimyento ng isang estudyante na tinatahak ang kursong Bachelor of Science in Accountancy na itago natin sa pangalang Mimi Gandanghari pagdating sa lebel ng pagkatuto sa online classes.
And feeling ko mas maabsorb ko yung lessons kapag face to face set up talaga. Lalo na on my part as a BS Accountancy student na GAS graduate, wala talaga akong deeper ideas or background knowledge sa accounting
theories and principles namin ngayon college and ang hirap matuto in online set up,” wika ni Mimi. Tulad ni Jude at Bernadette, lungkot din ang emosyong nangibabaw nang malaman niya na virtual ang kanilang sermenyo sa pagtatapos.
And ang pinaka nakakalungkot pa is yung hindi man lang kami nakapag celebrate together and nakapag bid ng goodbye with my friends and classmates before we part ways and open new chapters in our lives,” wika ni Mimi. Ayon sa kanya, hindi niya labis na inaasahan na magiging online class ang kanyang unang taon sa kolehiyo dahil ito ang isa sa mga bagay na labis niyang inabagan at naging rason sa kanyang pagpupursige sa pag-aaral. Inaasahan niya umano na magkaroon ng mga bagong kaibigan, masubukan ang iba’t ibang programa sa ilalim ng kanyang kurso at masusubukan ang iba’t ibang bagay bilang isang kolehiyo. Nanigdigan din siya na kung sakaling maging maayos na ang sitwasyon ay sana maibalik na sa face-toface ang pagpasok sa paaralan. “If the status of COVID 19 in the country is already safe to allow us to conduct face to face, why would we continue online classes? I think that the majority of the students are having mental problems and having a hard time learning and coping up with the changes in distance learning. That’s why I think we should already conduct face to face classes as soon as possible,” saad ni Mimi. Marahil karamihan sa mga estudyante ngayon ay pareho ang saloobin tungkol sa online class, dapat pa rin nating tandaan at isapuso ang kahalagahan ng pag-aaral. Malugod nating ipagpasalamat na sa gitna ng pandemya ay may kakayahan pa tayong makapasok sa paaralan, online class man o modular learning. Maliban diyan, sabay-sabay nating hangarin na maging maayos na ang sitwasyon upang paunti-unti nang bumalik sa mga nakagawian natin ang lahat. Sa gitna ng pandemya, ano man ang antas o kurso ang iyong tinatahak, nawa’y patuloy tayong makahanap ng rason upang magpatuloy para sa atin, at sa ating pangarap.
16
/uncpantograph
SAMANTHA NICOLE IMPERIAL
Tama nga na kulay ng bahaghari ang kulay ng watawat ng LGBTQ+ Community sapagkat tunay na makulay ang pagiging parte ng mga ito. Hindi lamang sa kulay ng kanilang watawat, dahil pati sila na mga miyembro ay may makukulay na ugali at talento na nagdadala ng saya at inspirasyon sa kapwa nila tao.
N
aghahari Bahaghari: ANG MGA
Ang Pagiging Makulay ng Binibining Pilipinas 2021 Isang araw din pagkatapos ng Binibining Pilipinas 2021, tuluyan na pumasok sa isipan na siya ang panalo. Mahirap raw paniwalaan ngunit kailangan na talaga niyang tanggapin na siya ang nanalo. Bilang parte ng LGBTQ+, sinabi niya na dapat ay gawin na itong normal dahil may maaaring matutunan ang mga tao sa kanila.
Kagaya na lamang ni Beatrice Luigi Gomez na nagdala ng kulay at sigla sa mga LGBTQ+ nang manalo siya sa Miss Universe Philippines (PH) 2021. Si Gomez ay kumakatawan sa kasabihang, ‘love wins’ nang ibukas niya sa publiko ang kaniyang relasyon sa isa ring babae na si Kate Jagdon. Halina’t alamin natin ang ilang karanasan ni Gomez bilang parte ng LGBTQ+ at ang kanyang paglalakbay upang makamit ang inaasam na korona. Pagiging parte ng LGBTQ+ Si Gomez, 26, na pambato ng Cebu ang unang kandidatong nanalo sa Miss Universe PH na naging bukas sa kaniyang kasarian kung kaya’t humanga ang ilan sa kaniya.
BEATRICE LUIGI GOMEZ
sabi niya sa bahaging Question and Answer. Humanga ang mga tao sa kanyang tapang at nagsabi na ito ay mabuting ehemplo upang imulat at turuan ng mga bagay ang mga tao ukol sa Gender Sensitivity at Awareness na isang kamalayan sa mga pagkakaiba sa mga tungkulin at relasyon sa pagitan ng babae at lalaki. Ayon sa post ng isang netizen sa Twitter, ito ay malaking panalo sa mga LGBTQ+. “The victory of Beatrice Gomez, an openly gay candidate, is a major win for the LGBTQIA Community! I hope this will finally open the door for our transgender women to join Miss Universe PH! After all, they are all women," sabi ng isang netizen. Si Gomez ay unang nagbukas ng kanyang totoong kulay noong 2020 nang manalo siya sa Binibining Cebu at hindi siya nagdalawang-isip na aminin noon na siya ay nasa isang mapagmahal na relasyon sa isa pang babae, si Jagdon. Si Jagdon, ang kasintahan ni Gomez sa loob ng anim na taon, ay ipinagmalaki siya sa isang Instagram post nang ito ay nanalo. Pinuri niya ito na naglakas-loob sa pinakaprestihiyosong pageant ngayong taon.
at patuloy na magbibigay inspirasyon sa iba sa pamamagitan ng pagbangon kapag may mga pagkakataon na nahihirapan siya bilang Ms. Universe Philippines. Siya ay lalaban para sa bansa sa 70th Miss Universe pageant sa Eilat, Israel sa Disyembre sa pag-asang maiuwi ang ikalimang korona ng Pilipinas.
Ayon kay Jagdon, mas pinatunayan daw ni Gomez na ito ay karapat-dapat sa mga biyaya na dumarating sa kaniya. Pinasalamatan din nito ang mga taong tumulong sa kandidata kabilang na ang coach, mga kaibigan, at pamilya nito. “You have proved once again @beatriceluigigmz that you’re worthy of all the big things in life,” sabi ni Jagdon. Laban upang makuha ang korona Tinalo ni Gomez ang 27 na iba pang kandidato para makuha ang inaasam-asam na korona. Ang nagpanalo sa kanya sa Binibining Pilipinas ay ang sagot niya na hindi siya susuko
sabi niya sa isang interbyu kasama si Mj Marfori, mamamahayag sa Philippine Star. Nanalo rin siya bilang Best in Evening Gown and Swimsuit. Ayon sa Philstar, siya ang magiging ambassadress para sa mga sponsor ng pageant, kabilang ang Lazada, Creamsilk at PLDT Home, pati na rin ang isang taon na supply ng mga tiket para sa dalawa mula sa Air Asia, at isang bagong MGZS na kotse; bukod sa iba pang monetary at corporate prizes na kasama sa kanyang prize package. Kinoronahan ng nanalo ng Miss Universe Philippines 2020 na si Rabiya Mateo si Gomez sa Henann Resort Convention Center sa Panglao, Bohol noong Setyembre 30. Nasiyahan din ang mga LGBTQ+ sa kaniyang pagkapanalo. Sabi ng isang netizen sa kaniyang Twitter post, si Gomez daw ay isang babaeng may kagandahan, katapatan, at katapangan. "Newly crowned Binibining Cebu 2020 Beatrice Luigi Gomez is a proud member of the #LGBTQ community. She shared onstage that she has had a girlfriend for 5 years. In this perfectionist world we live in where some people put on a facade, she's a beacon of beauty, honesty, & courage," sabi ng netizen. Ang pagkapanalo ni Gomez ay nagsisimbolo ng kalayaan na dapat matamo ng isang LGBTQ+. Sila ay dapat na mahalin at tanggapin ng mga tao upang mas mas maging bukas sila sa kanilang kasarian. Sila ang may kakayahan din na maging inspirasyon dahil sila ay may taglay na talentong mayroon ang ibang tao. Kaya ipagdiwang natin ang pag-ibig na may iba’t ibang anyo at ipagdiwang ang mga taong parte ng LGBTQ+!
ANNE MARGARETTE ALBAO AT JUSTINE MAE AGRAVANTE
Ngayong nalalapit na naman ang eleksyon, naglalabasan nanaman ang mga isyung nakakabit dito. Maingay ang lahat at marami ang mga maririnig na mga tanong kagaya ng “Sino ang iboboto mo?”, “Kanino ang boto mo?”, o di kaya ay “Boboto ka pa ba?”. Laganap rin sa mga panahong ito ang slogan na “Maging matalino sa pagboto”, ngunit ano nga ba ang gawaing ito at bakit ito mahalaga sa lipunan? Ang pagboto ay mahalaga sa isang demokratikong bansang kagaya ng Pilipinas. Ito ang prosesong nagpapakita ng kahalagahan at pagpapahalaga ng mga mamamayan sa kanilang bayan. Pagpapahalaga na makikita sa pagkilatis ng mga kandidato at pagpili ng sa tingin nila’y maglilingkod sa bayan. Ang botohan at eleksyon ay nagaganap lamang ng ilang buwan ngunit ang epekto ay nagtatagal ng maraming taon. Isang mag-aaral ng UNC Grade 11- ABM K na si Rochelle Irlanda, 17, ang nagparehistro na upang makaboto noong ika-29 ng Hunyo, 2021. Kahit hindi pa nakakaboto, alam na ni Irlanda ang kahalagahan ng kanyang boto sa darating na eleksyon. Ayon sa kanya, “Dahil malaking porsyento ng kabuuang boto ang nagmumula sa mga kabataang tulad ko at ang bawat boto na nagmumula sa amin ay malaki ang nagiging gampanin sa pagkamit ng pag-unlad at pagbabago.” sambit ni Irlanda. Ang pahayag na ito ni Irlanda ay nagpapakitang alam niyang hindi dapat balewalain ang boto ng mga kagaya niyang baguhang baguhan
pa lamang sa proseso. Ayon nga sa CNN noong Setyembre 11, 2021, sa gaganaping 2022 National Elections, limampu’t dalawang porsyento (52%) ng mga rehistradong botante ay mga kabataang nasa edad 18-40 na itinuturing na mga young voters. Ang eleksyon ay parang pagpili lamang ng isang bagay na gustong bilhin. Kailangang suriin at hindi maaari ang biglaang desisyon dahil ang botong ito ay makakaapekto sa sarili mo, sa mga tao sa paligid mo, at sa lipunan balang-araw. Kaya naman, sa panayam sa Malaya, ibinahagi rin ni Irlanda ang mga katangiang hinahanap niya sa mga kandidato. Katalinuhan, malasakit para sa lahat ng mamamayang Pilipino, kakayahang mamuno, malinis ang pangalan/walang record, at mga may nagawa na nagawa ang nasisiguro kong may magagawa pa para sa bayan,should appreciate it and learn from it,” ROCHELLE IRLINDA, ABM 11
Mayroong iba’t ibang pamantayan ang mga mamamayan na nagtutulak sa kanila upang piliin
DAAN SA PAGBABAGO ang sa tingin nila ay nararapat na kandidato. Iba-iba man ang pamantayan, iisa lang ang sigurado: Ang epekto nito ay mararanasan hindi lang ng mga kabataan, kundi ng lahat ng mamamayan sa susunod na mga taon. Si Franchesca Mae Buenaventura naman, bilang isang kabataan at estudyante, ay naniniwalang bawat boto ay mahalaga sapagkat maaari agad itong makabuo ng malaking epekto sa magiging resulta. Ngunit malinaw na hindi lahat ng mga PIlipino ay nakapag parehistro upang makaboto. Ayon sa rekord ng Commision on Elections (COMELEC) na ibinalita sa website ng Inquirer, mahigit tatlong milyong botante pa ang hindi rehistrado noong Setyembre. Isipin na lang natin na lahat ng Pilipino ay may pangangailangan, at responsibilidad silang matulungan ng gobyerno. Ngunit kung hindi nila gagampanan ang responsibilidad nilang pumili ng mga taong maglilingkod sa bayan, ano na lang ang mangyayari sa bansa? Ang mga batas na ipapatupad ay nakadepende sa mananalong kandidato na tiyak na makakaapekto sa sambayanan. Halimbawa na lamang ang 2016 Presidential Election. Ayon
,
sa website ng The Guardian, planong ipagpapatuloy ng presidential candidate noon na si Mar Roxas sa mga nasimulan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, pangakong pagpatay sa mga kriminal ng noo’y Davao City Mayor na si Rodrigo Duterte, at plano ni Grace Poe na liberalisahin ang mga foreign law investments. Dahil nanalo si Pangulong Duterte, makikitang ang pagresolba sa mga krimen at droga sa bansa ang mga unang hakbang niya matapos maupo sa pwesto. Ang mga mamamayang hindi bumoto sa panahong iyon ay, ayon nga sa website ng Defend Our Future, umaasa na lamang sa ibang mga mamamayang bumoto upang manalo ang gusto nilang kandidato. Idinagdag din ni Buenaventura na isang boto man ay maaaring mapaikot ang resulta na magbabago sa paghalal ng isang posisyon.
“Ang kinabukasan ng bansa mo —o sa madaling salita ay bansa natin, ay tunay na nakadepende sa atin. FRANCHESCA MAE BUENAVENTURA
17
17
MA L AY A • S E T Y EMB R E 2 0 2 1 - PE B R ER O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
JUSTINE MAE AGRAVANTE
diskriminasyon sa katawan at mukha ng mga kababaihan. Noong Agosto 10, 2021, isang patalastas ang ipinalabas ng Belo Medical Group na tinatawag na Pandemic Weight Ad. Nagpapakita ng isang babaeng may perpektong mukha at katawan. Ngunit nang habang tumatagal, unti-unti siyang lumulobo, humahaba ang mga buhok sa katawan, lumalaki ang mga eyebags at dumami ang mga tigyawat. Sa madaling sabi, isang itsura ng isang babaeng inaayawan ng lipunan. Ang nasabing ad, na inilabas ng Gigil ad agency, ay bahagi ng kampanyang #PandemicEffect na mayroong layuning ipakita ang mga nararanasan ng tao sa panahon ng pandemya. Bagama’t may mga positibong puna, kagaya ng pagpapasalamat sa belo dahil sa pagpapakita kung anong napapabayaan nila ngayong pandemya, marami pa rin ang mga netizens ang nabahala sa pagiging insensitibo ng ad. Ayon sa tweets ng ilan, ang patalastas daw ay nagpapakita ng body shaming na nararanasan ng lahat, lalong-lalo na ng mga kababaihan. Idagdag pa ang kawalan ng simpatya sa mga taong nawalan ng trabaho dulot ng pandemya. Nagtatapos ang ad sa tagline na “tough times call for beautiful measures”. Makalipas ang isang araw na pagbatikos sa Belo Group, tinanggal ang patalastas at humingi ng paumanhin ang kompanya. Sa isang Instagram post, Miyerkules ng gabi, sinabi nilang nakikita na nila ang kanilang nagawang pagkakamali.
May mga taong iiwas na lang kapag pinag-uusapan ang kagandahan. Mayroong mag-aastang parang walang pakialam. At mayroon din namang ngingiti nang may kumpyansa sa sarili. Tiyak na hindi sang-ayon ang nakararami kapag sinabing ang lahat ng tao ay maganda. Bakit? Dahil kapag sinabing “maganda”, isang larawan lang ang nakikita nila - walang kapintasan na mukha’t perpektong katawan. Ito ang madalas na nakikita at hinahanap ng mga tao kapag inilalarawan ang ganda kahit na meron namang iba’t-ibang uri, laki, at kulay ng ganda. Alam mo bang may karugtong pa ang sinabi ni Emme? Ito ay ang “...Our goal should be health and stamina.” Isang pariralang ilan lamang ang nakakaalam ngunit dapat malaman ng sambayanan. Masyado nang nahuhumaling ang lipunan sa mga babaeng may perpektong mukha at perpektong katawan. Hindi malusog, ngunit hindi rin naman sobrang payat.
Hindi rin maipagkakailang parte na ng kultura ng Pilipinas ang panghuhusga sa katawan, kapamilya man o hindi kakilala. Kalaunan, ang pangungutyang ito ay ginagawa na mismo ng tao sa kanyang sariling katawan. Sa panahon ng pandemya, dahil kinakailangang manatili lamang sa loob ng bahay, may mga taong inilabas ang pinakamabuting bersyon ng kanilang sarili o “glowup”. Iba’t ibang trends din ang lumaganap kagaya ng pagkakaroon ng pandemic bangs, pagtimpla ng dalgona coffee, at paggawa ng maraming TikTok dances. Ngunit hindi lahat may panahong makiuso. Hindi lahat may panahong magpahinga sa panahon ng quarantine. Maraming nawalan ng trabaho at nawalan ng negosyo kaya kinailangan nilang maghanap ng bagong mapagkukunan ng kita. Ngunit ano man ang uso o hindi. Palaging nandiyan ang
MULA PAHINA 16
Isang Boto, Daan sa Pagbabago Dahil wala namang.. may alam kung sino ang maihahalal, paano
pala kung isang boto na lang ang kailangan ng ninanais mong kandidato ngunit pinili mong huwag bumoto, eh 'di nasayang at nawala rin kaagad ang mga pagitain mo para sa iyong bansa?” wika ni Buenaventura Ang sitwasyong ginawang halimbawa ni Buenaventura ay medyo malapit sa pagkapanalo ng isang Minnesota senator na si Al Franken noong 2009, ayon sa The Best Colleges. Si Franken ay nanalo lamang ng 312 na boto sa kanyang mga kalaban na maituturing nang kaunting lamang sa politika. Ang pangyayaring ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng bawat boto ng mga mamamayan at ng kasabihang ‘every vote counts’. Nararapat lamang na maisip at maisabuhay ito ng mga mamamayang
MULA PAHINA 14
Tunay nga Talaga! At ang kanyang.. payo sa mga tao na lumalaban sa sakit na ito ay huwag mag-isip ng mga negatibong bagay at patuloy na magtiwala sa sarili at sa Diyos. Mag ehersisyo rin, kumain ng masustansyang pagkain, at uminom ng mga bitamina. Pangatlong Nakaligtas: Anne Si Anne Albao, isang mag-aaral sa ikalabing-isang baitang ng General Academic Strand (GAS) ang pangatlong nakaranas ng COVID-19. Nahawa naman siya ng kanyang ama noong Setyembre 17. Si Albao ay kasalukuyang nag-aaral online
“Beauty comes in all shapes and sizes” Emme
botante. Ano mang resulta ng eleksyon ay nakakaapekto sa buong bansa, kabilang na ang mga mag-aaral. Mahalaga para sa mga kabataan ang bumoto ng maaga sa oras na sila ay nakatungtong sa legal na edad, dahil may mga programang pang-edukasyong maisasabatas na tiyak na makakaapekto sa kanila. Sa isang balita sa CNBC, sinabing ilan sa mga isyung gustong matugunan ng mga estudyanteng botante ay ang usapin sa health care, student debt, at career outlook. Ang mga estudyante ay naghahanap ng mga lider na magkakaroon ng puso para tugunan ang gusto ng mga mag-aaral kaya importante talagang gampanan din ng mga estudyanteng botante ang kanilang tungkulin
nang nagkaroon siya ng sakit ngunit hindi naman siya masyadong nahirapan dahil banayad na sintomas lamang ang kanyang naranasan. Nakaupo lang din siya sa kanyang kama habang nakikinig sa kanyang guro na nagtuturo upang mabawasan ang kanyang masyadong pag-iisip kung ano ang mangyayari sa kaniya.
Pang-apat na Nakaligtas: Bicol Code #32432 Ang huling nakapanayam ng Malaya na nakaligtas sa COVID-19 ay si Bicol Code #32432. Siya ay mag-aaral sa Science, Technology, Engineering, and
Ayon sa The Philippine Star Life, ang body shaming ay naging normal na bagay na lamang sa Pilipinas. Ang mga iba’t ibang pananaw ng mga tao tungkol sa mga tigyawat, pagtubo ng mga buhok sa katawan, at pagkakaroon ng dagdag na timbang ay nagiging isang malaking kasalanan na ngayon sa lipunan. Idagdag pa ang mga patalastas na kagaya ng Pandemic Weight Ad. Ngunit tandaan na hindi opinyon niya, o opinyon nila ang mahalaga. Hindi ka dapat mahiya kung ilang kilo ang nadagdag sa timbang mo, o ilang tigyawat ang sa ngayo’y nariyan sa noo mo. Ikaw ay normal at ang mga bagay na ito, kaya’t bakit mo ikakahiya?
na bumoto. Walang ‘walang halagang’ boto. Basta’t galing ito sa isang mamamayan na rehistrado, nasa legal nang edad, at naghahangad ng kaunlaran para sa kanyang bayan, ang isang boto ay nakakapag dulot na ng malaking pagbabago. Hindi rin basehan kung matagal ka nang bumoboto o hindi dahil karapatan ito ng bawat mamamayan at ang mga bagong botante lalong lalo na ang mga kabataan ay masasanay ang kanilang kalayaan pagdating sa paglalahad ng kanilang mga saloobin. Ang isang boto ay maituturing nang isang malaking kawalan kaya’t magparehistro na at kilatising mabuti ang mga pipiliing kandidato. Tandaan, ang kinabukasan ng lahat ay nakasalalay sa mga kamay mo.
Mathematics (STEM) na nasa ika-labindalawang baitang at nakaranas ng sakit na ito noong Setyembre 19. Madalas siyang pumunta sa ospital na naging dahilan upang maexpose siya sa mga taong maaaring mayroong virus. Nakahiwalay din siya sa kanyang pamilya upang hindi sila mahawaan at ang tanging paraan lamang upang maibsan ang kanyang kalungkutan ay patuloy na pakipag-ugnayan sa kanyang pamilya at kaibigan. Isa rin siyang magaaral sa flexi-tech modality kung kaya’t ang ginawa niya upang makasali pa rin sa kanilang online class ay paghingi na lamang ng pahintulot sa pagsara ng kanyang camera dahil siya ay nahihirapan pa sa
pagpapagaling.
Ang mga kwentong nailahad sa itaas ay nagpapatunay na ang COVID-19 ay tunay at hindi biro. Maaaring matamaan ang kahit na sino, pati na rin ang mga mag-aaral kung kaya’t kailangan nating maging maingat at maging maalam din sa mga bagay na dapat gawin upang maiwasan ito.
MULA PAHINA 08
Ang 'P' sa Pandemya Dose shot lamang... Ang pagiging vaccinated ay hindi nangangahulugan na 100% hindi posibleng mahawaan ng virus. Nalilimita ang pagkalat ng virus kapag nakapag pa-vaccine ang mga tao. Katulad ng kahit anong vaccine, ang COVID-19 Vaccines ay pwedeng magkaroon ng mild, pang madaliang side effects tulad ng mababang lagnat, sakit, o pamumula sa tinurukan ng vaccine. Ang malalang side effects mula sa mga vaccine ay posible pero napaka-bihira. Magsaliksik, magsuot ng mask, at mag social distancing ay ilan sa mga dapat gawin bago magpa-vaccine. Asahan na magkakaroon ng minor side effects tulad lamang ng pamumula sa injected area, lagnat, pagkapagod, sakit ng ulo, at muscle pain pagkatapos magpa COVID-19 vaccine. Tulad lamang ng sinasabi ng mga mahal sa buhay, "tignan mo ang positibo sa kabila ng mga negatibo," nagkaroon man ng maraming negatibong epekto ang pandemya, huwag kalimutan na mayroon ding iilang positibo na epekto dahil ang lahat ng bagay ay mayroong rason kung bakit ito nangyayari dahil mahalaga ang pagkakaroon ng healthy mindset ngayong trials tulad ng pandemya. Importante rin na patuloy na sundin ang mga health protocols, magpavaccine, at maging tapat sa nararamdaman na mga sintomas upang maiwasan ang pagkalat ng COVID-19.
18
/uncpantograph
LEXINE RUST
PAGKATAPOS SAKUPIN ng Taliban ang kapital ng Afghanistan, ang Kabul, noong ika-15 ng Agosto taong 2021, maraming Afghan ang nais na umalis sa kanilang bansa dahil alam nilang ipapatupad ng Taliban ang kanilang mga paniniwala, na batay sa Deobandi fundamentalism at militanteng Islamismo, na siyang nakakaapekto ng lubos sa mga kababaihan at mga bata dahil ang iilan na ipinagbabawal ng Taliban ay ang pagpapaaral sa mga kababaihan na walong (8) taon at pataas at ang pag lalabas ng bahay nang walang suot na burqa. Mayroong humigit-kumulang 2.5 milyong mga refugee na nakarehistro sa United Nations High Commissioner for Refugees (UNHCR) mula sa Afghanistan sa buong mundo. Ang karamihan—2.2 milyon—ay nasa Iran at Pakistan. Binalaan din ng United Nations (UN) ang sitwasyon sa Afghanistan na "may mga palatandaan ng makataong sakuna," bago pa man ang paghuli ng Taliban sa kapital ng bansa. Nagkaroon din ng alalahanin tungkol sa epekto ng hindi pagkakasundo para sa mga kababaihan at mga bata, ang pagtaas ng bilang ng internally displaced na mga tao o ang pagpapalayas sa kanilang mga tirahan ngunit nasa loob pa rin ng borders ng kanilang bansa, at ang epekto ng COVID-19 at pagkabitin o kakulangan sa pagkain. Sinabi rin ng UN Development Program na
Ayon sa panayam ng The Washington Post sa isang binata na si Massiullah, nakatakas siya mula sa Afghanistan noong taong 2017 kasama ang tatlo pang nakababatang kapatid na mga babae at ang kanyang nanay. Nang mapanood ng pamilya ang pagsakop ng Taliban sa Kabul nito lang Agosto, laking takot nila para sa naiwan na ama. Hindi kasi nabigyan ng visa ang kanilang ama kung kaya ay hindi ito nakasama sa pagtakas sa Estados Unidos noong 2017 pero isa lamang siya sa mga swerte na nakatakas sa evacuation flight papuntang Qatar nitong
taong 2021 lamang. Mayroong 236 na mga pasahero sa Qatar Airways Plane na siyang ika-apat na Qatari flight para sa evacuation ng ilang mga mamamayan palabas ng bansa. Nagkaroon ng byaheng ito upang itakas palabas ng Afghanistan matapos ang pagsakop ng mga Taliban sa kapital ng bansa. Ang ilang mga mamamayan na nakasakay sa Qatari flight ay mamamayan ng Belgium, Ireland, Canada, France, Italy, Britain, Finland at ng Netherlands na nasa Afghanistan noong panahon bago pa mangyari ang ika-apat na flight evacuation ng Qatar Airways. Ayon sa A&E Television Networks, sinalakay ng Unyong Sobyet (Soviet Union) noong ika-24 ng Disyembre ng taong 1979 ang Afghanistan sa ilalim ng pagkukunwari ng pagtataguyod ng Kasunduan sa Pagkakaibigan ng Soviet-Afghan noong 1978 na sanhi ng pag usbong at paglala ng mga giyera sa Afghanistan. Nais sana ni Massiullah na mag aral siya ng Computer Science dahil sinabi ng kanyang ina na magaling at mahilig ito sa computers ngunit napagnilayan niyang gusto niya maging isang politiko upang ipaglaban at ilagay sa mabuting sitwasyon ang kanyang mga tao. Isa lamang si Massiullah sa milyongmilyon na mga Afghan refugees na nais lamang ng maayos na pamumuhay at ligtas na lugar para sa kanilang mga pamilya. Patuloy na tumutulong ang ilang mga bansa para sa mga Afghan refugees ngunit hindi maitatanggi na talagang madilim ang kanilang mga naranasan.
Sa walong US military installations sa Wisconsin, USA, nananatili muna pansamantala ang mahigit-kumulang 53,500 na Afghan evacuees. Kalahati nito ay mga bata. Ang ilan ay naroon nang ilang linggo at maaaring mapanatili roon nang ilang linggo pa ayon sa datos mula sa Department of Homeland Security. Ang operasyon na kasing laki at bilis ng Afghanistan evacuation ay nangangahulugang dapat din ma-adjust ang mga refugee camp base sa bansa. Nangangahulugan din na mas maraming Afghan food ang dapat na maibigay, tulad lamang ng curried meat at yogurt, at ilang pangangailangan tulad ng diapers para sa mga bata. Napakalaki ng tulong na kailangan kahit na mayroon ng mga organisasyon at donasyon na binibigay para makatulong. Kasing laki rin ng maliliit na mga cities ang katumbas ng mga populasyon na sinusubukan tulungang bigyan ng mga tamang pananamit ng mga grupong tumutulong sa refugee camp. Nilalaanan din ng pagkakataong makipag-ugnayan sa mga counseling services para sa mga tumakas sa trauma ng giyera. Ang paglikas sa Afghanistan noong Agosto ay isang pagkabigla sa US immigration at resettlement system, isang koleksyon ng mga pederal na programa at nonprofit na organisasyon na na-upended na ng administrasyong Trump. Ang mga Afghan evacuees ay nasa holding pattern para sa ilang mga screening at mga pamamaraan sa imigrasyon na kailangan gawin. Ang lahat ng ito ay nangyayari para sa libu-libong mga Afghan evacuees nang sabaysabay.
Ang pagbagsak ng gobyerno ng Afghanistan ay nangyari nang mas mabilis kaysa sa inaasahan ng administrasyon ni Pangulong Joe Biden. Umabot ng mahigit sa 124,000 na katao ang nai-airlift palabas ng bansa noong Agosto 30. Nangangahulugan din na nangyari ang bagay na kinatatakutan ng mga tagapagtaguyod ng imigrante at ilang mambabatas. Dapat na inasikaso ang pag takas ng mga kaalyado ng Afghan at ng mga panganib na Afghan ilang buwan bago pa ang pag evacuate ngunit pinabilis ito nang dalawang (2) linggo lamang. Mayroong ilang uri ng priority programs at isa lamang ang SIVs o ang Special Immigrant Visas. Noong administrasyong Trump, pinabagal nito ang proseso ng pag asikaso at sa administrasyong Biden naman ay sinubukan nilang pabilisin ang proseso ngunit nabigo ito sa vetting. Kailangang sumailalim muna sa mga medikal na pagsusuri (kabilang ang para sa COVID-19) at sumailalim ng quarantine ng labing-isang (21) araw ang mga evacuees. Sa kasalukuyang hamon sa sistema ng resettlement ay may malaking problema dahil pinutol ito ni Trump sa pamamagitan ng sadyang pagsara ng ilang proseso. Maliit din ang pondo ng gobyerno dahil doon. Mahigit sa 100 na mga lokal na tanggapan ng resettlement ang nagsara noong administrasyong Trump.
JENNIFER QUIGLEY
, ang senior director ng mga gawain ng gobyerno sa Human Rights First. Ang mahirap din na resettlement system na iyon ay may kasabay na problema tulad lamang ng kakulangan ng abot-kayang pabahay. Mahirap ang paghahanap ng landlord upang makaupa ng pabahay dahil ilan sa mga naghahanap ng bahay ay mga evacuees na walang anumang credit history. Ilan lamang 'yan sa mga nararanasan ng mga Afghan refugees sa isa sa maraming mga bansang tumanggap sa kanila. Maaaring magkaroon ng magandang buhay ang mga ito kung susuportahan ng buo ang kanilang pangangailangan. Nawa'y hindi ipagkait na sila'y isama sa pagdarasal ng mga biyaya para sa ikabubuti ng lahat.
UNC WELCOME ARCH ILLUMINATES IN PINK. Several UNCeans urged the university to show its support for Vice President Leni Robredo in her presidential race. On Monday, November 22, 2021, the University of Nueva Caceres illuminated the iconic welcome arch and hallways with pink --a VP Robredo political color.
LEXINE RUST
Pasko ay idinidiriwang taun-taon at ito rin ay siyang inaabangan ng mga tao lalo pa't kung minsan ay nakatatanggap ng aguinaldo ang ilan. Ngunit, sa pangalawang beses, nananatiling bago o hindi pa sanay ang mga Filipino sa pagdiriwang ng Pasko habang may pandemiya. Ipinagdiriwang ang pasko bago pa ang pandemya sa pamamagitan ng pag salo-salo ng mga kamag-anak para sa noche buena, pangangaroling sa kapitbahay o mga barangay, pagtanggap o pagbibigay ng aguinaldo o regalo, at pagbati sa mga kilala at mahal sa buhay ng 'Maligayang Pasko' o 'Merry Christmas'. Subalit, ngayong may pandemya, limitado lamang ang ilang mga kinagawian upang masiguro ang kaligtasan ng bawat isa laban sa virus. Habang sa Unibersidad ng Nueva Caceres naman ay nagdiwang sila ng kapaskuhan sa pamamagitan ng pag sindi ng mga Christmas Lights noong ika-10 ng Disyembre nitong taon lamang. Si Phoebe Isabelle Albao, isang estudyante ng Grade 12 - STEM B, sa anim na taon niyang pag-aaral sa UNC, ibinahagi niya ang kanyang panayam sa Malaya. Ayon kay Isabelle, “UNC celebrates Christmas by lighting the trees around the campus and the buildings." Alam ng mga-aaral sa UNC na bawat taon ay may malaking pagdiriwang sa Unibersidad. Sisimulan ito ng banal na misa at kasunod nito ang in-granding parada kung saan ang mga magaaral kasama ang banda at majoret ng bawat departamento ng
Unibersidad ay naglilibot sa lungsod ng Naga upang i-handog ang magagandang awitin ng kapaskuhan. Isang mag-aaral naman ng UNC Grade 9 - Orion na si Rhanslyn Aven ay nag bahagi ng kanyang karanasan kung paano ginugunita ang pasko sa UNC. “UNC celebrates Christmas by displaying Christmas decorations throughout campus and providing all students and faculty with a holiday break,” sambit ni Rhanslyn
I was really glad when I knew that there will be a Christmas Lighting Celebration for 2021. It was a celebration that I always look forward to when I became a UNCean. ZENA CHAVEZ
Although it was quite sadder compared to the previous celebrations because of the pandemic still, UNC was able to pull it off. I can say that they really prepared for the performances shown in the event for the whole UNC community to feel the spirit of Christmas just like before. I hope that this 2022, we’ll be able to witness the celebration in real life with no worries," ayon kay Zena Chavez, mula sa ABM B na dating Junior High School Supreme Student Government (JHS SSG) President. Ang mga pahayag na ito ay nagpapakita na buhay na buhay ang kapaskuhan sa UNC. Bawat departamento sa UNC mula Elementarya hanggang Kolehiyo at maging ang mga admin ng paaralan ay gumagawa ng kani-kanilang dekorasyon na rumirepresenta ng kanilang departamento dahil ito'y isang paligsahan din.
Ngunit ano ba ang pagkakaiba ng nakaraang selebrasyon ngayong nasa pandemiya pa ang mga mag-aaral at empleyado ng UNC? "In Late 2019, the concept was 'salu-salo' in which everyone gathered and ate together after the main events of the Christmas Lighting celebration. JHS SSG prepared different kinds of kakanin that everyone enjoyed. It was fulfilling to see everyone happy with the food that we prepared," ayon kay Chavez Habang ang pasko naman sa panahon ng pandemya ay iba sa dating kinagawian. "Sa ngayon ay wala ng mga aktibidad na ikinakasa ng mga mag-aaral," ibinahagi ni Aljude Ledesma ng Grade 11 - GAS L. Ilang mga clubs tulad lamang ng Acts of Random Kindness Club (ARK Club) ay nagbahagi ng kanilang aktibidad ngayong Disyembre na tungkol sa 12 Days of Christmas na maaaring salihan at gawin ng ilang mga UNCeano dahil kukuhanan lamang ng litrato ang nasabing task sa bawat araw sa loob ng labindalawang araw. Ang pagdiriwang ng Pasko sa UNC nang wala pang pandemya ay masaya at maliwanag. Gayunpaman, ngayon na may pandemya, patuloy pa rin ang pagpapailaw sa buong unibersidad subalit ito ay mamamasdan na lamang ng iilang empleyado na nagtatrabaho ng on-site sa unibersidad. Sa kabila nito, masaya pa rin ang lahat dahil hindi pa rin nawawaksi ang nakasanayang tradisyon. Kaya naman ang kapaskuhan sa pandemya ay idaraos pa rin upang ang lahat ay maging masaya at ligtas sa kabila ng panibagong pamamaraan ng pagdiriwang.
18
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIB I S Y O N NG N AGA , RE H IY ON G B IC OL
JAYVEE FORTUNO AT YSHA SERGIO
Hindi na bago sa lahat ang mga kwento ng katatakutan sa mga unibersidad. Kadalasan, sinasabi pang ito ay dating sementeryo, o kaya naman ay isang lugar kung saan marami ang nasawi. Marami mang kuwento na papasa-pasa, hindi maitatanggi na mayroong ilan na tunay na nakaranas ng mga kababalaghan. Sabay sabay nating tuklasin kung ano nga ba ang ilan sa mga nakakakilabot na karanasang ito. Ayon sa isang Grade 11 na mag-aaral mula sa ABM na si “Tinapay”— hindi niya tunay na pangalan, narinig niya mula sa ibang UNCeans na mayroong mga ligaw na kaluluwa sa unibersidad lalo na sa “Black building”. Personal na rin daw siyang nakaranas ng nakakatakot na pangyayari noong siya’y nasa ika-walong baitang pa lamang.
na doon kami sa 3rd floor. Noong napagod kami, nag-break muna kami tapos yung iba bumaba para bumili ng inumin tapos pagkain. Super pagod ako noon so nagpasabay nalang ako sa kaibigan ko kaya ang natira nalang ako tapos dalawa pang dancers. Nakaupo sila sa ledge tapos ako naman sa may hagdan kasi gumagamit ako ng phone habang naka-charge. Nabigla ako noong bigla silang sumigaw at tumakbo papunta sa akin so nagtanong ako kung anong nangyari. Habang nakaupo daw sila sa ledge at nag-uusap, yung isang dancer daw may nakita sa dulo ng corridor doon sa may CR. Parang may sumilip daw na babae tapos biglang nawala kaya natakot sila. Dahil doon, nagstay nalang kami sa may hagdan hanggang sa bumalik yung iba,” pagsasalaysay ni chachiiG27. Ayon naman kay Jane Doughnut mula sa 12 STEM E, ang kwentong narinig niya tungkol sa mga katatakutan sa UNC ay tungkol sa palikuran ng mga babae sa gymnasium at isang gusali ng unibersidad. Ayon sa kanya,
JANE DOUGHNUT, STEM 12
TINAPAY, ABM 11
saad niya sa Malaya. Marami-rami ring kuwento ang maririnig patungkol sa “big door” lalo pa at ito ay ang nag-iisang silid sa isang palapag ng Jaime Hernandez (JH) Building, o kilala rin sa tawag na “black building” dahil dito ay marami-rami umano ang nagaganap na kababalaghan. Mayroon namang mga nakakakilabot na karanasan sa DHS building ang estudyanteng si “chachiiG27” na mula sa 11 STEM K. Ibinahagi niyang pati ang isa niyang kaibigan ay nagkwento sa kanya tungkol sa ikaapat na palapag ng nasabing gusali. Gabi na raw noon nang bigla na lamang daw bumukas ang mga faucet sa gitna ng corridor. Hindi lamang ito ang mga kwentong katatakutang narinig niya, marami daw kwento mula sa ibang UNCeans tungkol sa black building at sa may sports palace. “Noong grade 8 ako, mga taong 2018, madalas kaming mag-practice sa DHS building every after dismissal kasi kasali kami sa dance competition noong musicale night. Kadalasan sa 3rd and 4th floor kami. May isang particular practice kami
LEXINE RUST AT YSHA SERGIO
Lumaki tayong nakasentro lamang ang mga palabas sa mga heterosekswal na relasyon. Sa mga nagdaang panahon bago ang 1970, halos walang non-heterosexual na karakter ang nakikita sa telebisyon at nagpatuloy ito hanggang sa 1990s. Karamihan sa mga pelikula na inilabas ay nagpapakita ng romantikong ugnayan sa pagitan ng magkaibang kasarian. Mangilan-ngilan lamang ang mga pelikulang nagpapakita ng relasyon sa pagitan ng dalawang taong magkapareho ang kasarian, partikular na sa dalawang babae. Sa taong 2000 at 2001, ang bilang ng mga pelikulang mayroong homosekswal na mga karakter ay umabot sa 29 mula sa 16 noong 1997 at 1998. Ilang pelikula na ang napanood mong nakatutok sa pagmamahalan ng dalawang babae? Isa, dalawa, o baka wala? Ang girls love o ang yuri (sa salitang Hapon) ay isang terminong ginagamit upang ilarawan ang romantikong ugnayan sa pagitan ng dalawang babae— sekswal man o hindi. Ang pag-iral ng dyanra na ito ay naging prominente nang sumikat ang mga palabas na Boys’ Love (BL) noong 2020 sa kasagsagan ng pandemya. Ang pagsikat ng BL ay hindi lamang nagtulak sa mga manonood upang tangkilikin ang dyanrang GL kundi pati na rin ang mga movie maker upang gumawa ng mas maraming pelikulang nakasentro sa pagiibigan ng mga babae. Umani ng maraming positibong reaksyon ang pagsikat ng Girls Love, lalo na mula sa
mga taong nabibilang sa LGBTQ+ community. Ang pagkilalang nakukuha ng dyanrang ito ay hindi lamang sukat ng kasikatan, isa rin itong paraan ng representasyon at pagpapalaganap ng wastong impormasyon tungkol sa mga relasyong wlw (women loving women) — impormasyong hindi hango sa estereotipo kundi sa katotohanan at realidad. Noong 1930s, may naging unang lesbian love film na tungkol sa isang babae na ipinadala sa boarding school matapos mamatay ang kanyang ina. Siya ay si Manuela at nagkaroon siya ng pagkahumaling para sa kanyang batang guro na si Elizabeth von Bernburg. Naging iskandalo ito sa buong eskwelahan nang maging romantiko ang pagtingin ni Manuela para kay Elizabeth. Ito ay ang Mädchen in Uniform (1931). Hindi naging madali ang sitwasyon para kay Manuela at Elizabeth. Nang malaman ito ng headmistress, nagdesisyon siyang tanggalin sa pagkakatrabaho si Elizabeth upang mapalayo si Manuela rito. Nang paalis sana si Elizabeth, nagkaroon ng kaguluhan sa labas ng kwarto ng boarding school at napag alamang tatalon sana si Manuela sa kanyang kamatayan ngunit napigilan ito ng kanyang mga kamag-aral. Ang katapusan ay natulala na lamang sa pagkagulat ang headmistress. Ipinamahagi rin palabas ng Germany ang pelikula na iyon. Nakaabot din ito sa Hapon, England, Pranses, at Estados Unidos na kalauna'y ipinagbawal ito at malaking pagbawas ng mga eksena ang ginawa. Hindi lamang ang ibang bansa ang mas nagiging bukas sa dyanra na ito, kundi pati na
Ayon kay Jane, pagpasok nila ng kaibigan niya sa CR, ay isang babaeng estudyante rin ang pumasok at tumungo sa kabilang cubicle, habang siya naman ay tumungo sa isa pang cubicle. Pagkatapos niya gumamit ng CR ay nagdesisyon siyang mag-ayos muna sa harap ng salamin kasama ang kanyang kaibigan ngunit bigla niyang pinagtaka na tila maliban sa kanila ay parang walang ibang tao doon, na taliwas sa nangyayari dahil pareho nilang nakita na may pumasok sa kabilang cubicle at ayon sa kaibigan niya, ay wala pang lumalabas mula sa cubicle na iyon. Sinilip nila ang cubicle sa pamamagitan ng pagpasok sa bakanteng cubicle at laking gulat nila ng makitang walang tao sa loob, at wala na rin ang baldeng dala ng estudyante papasok doon. Dahil sa takot, nagdesisyon na lamang daw silang bumalik sa kanilang classroom at mula noon ay lagi na silang nagpapasama tuwing pupunta sa palikuran. Para sa kanila, ang mga kababalaghang ito ay maaaring mangyari pa rin kapag nagkaroon na ulit ng face-to-face classes. Isa sa mga rason ay maaari raw na mas nanatili sa mga pasilidad ng paaralan ang mga elementong ito at nagaabang lamang sa muling pagbabalik ng lahat. May karanasan man o wala sa mga sitwasyong tulad nito, kinakailangan pa rin nating siguraduhin na tayo ay maingat sa anumang oras at sa kahit anong bagay. Wala mang siyentipikong pagpapatunay, mas makabubuting maging handa at umiwas sa mga sitwasyon na maaaring maghatid sa atin sa mga bagay na maaari natin ikapamahak, o ikapahamak ng iba. Sa kabila ng lahat, desisyon pa rin natin kung paniniwalaan ba natin ang mga ito, o magpadala sa takot na hatid ng mga kaluluwa.
Pagmamahal na Nakagapos rin ang Pilipinas. Oktubre 2020 nang ipalabas ang Pinoy GL series na “Pearl Next Door”— isa sa pinakaunang GL series sa bansa. Umiikot ang seryeng ito ang paglalakbay ni Pearl upang mahanap ang kanyang true love. Ipinapakita rin ang love triangle sa pagitan niya, ni Karleen— ang matalik niyang kaibigan, at ni Alex— ang kanyang kababata. Isa itong seryeng nagpapamalas ng wastong representasyon ng mga babaeng queer. Kapupulutan din ito ng makabuluhang aral tungkol sa pag-ibig, pagkakaibigan, at sarili. Ang mga nabanggit ay ilan lamang sa maraming pelikula at seryeng tungkol sa girls love na siyang naglalarawan at nagpapakita ng pagmamahal na romantiko sa pagitan ng dalawang babae. Ang mga pelikula o seryeng GL ay mas magbibigay impormasyon para sa lahat ng tao, maging bukas man sila para dito o hindi, dahil umiikot sa maraming perspektibo ang mga GL na palabas. Sa pagkakaroon ng kaalaman sa nararanasan, naiisip, at nararamdaman ng mga nasa LGBTQ+, nabibigyan ng pagkakataong maunawaan at palakasin pa ang mga ito lalo na sa ngayong panahon dahil mas naging worldwide ang
pagkilala sa dyanra na GL o ang Girls Love. Maraming reaction videos sa mga GL na pelikula at serye na makikita sa Youtube. Maging sa twitter ay dumarami na ang mga accounts na dedikado sa dyanrang ito. Makikitang laganap ang suporta at pagtanggap ng karamihan sa ganitong klase ng pelikula. Ang pagdami ng kontent na tungkol sa GL sa iba’t ibang social media platforms ay magbibigay daan upang mas lalo pa itong makilala at tangkilikin ng publiko. Naibabahagi sa mas malawak na audience kung ano ang dyanrang ito, ang kahalagahan nito sa mga babaeng kasali sa LGBTQ+ community, at ang mga karanasan nila sa ganitong uri ng romantikong relasyon. Mahaba pa ang daan tungo sa buo at tunay na pagtanggap sa ganitong uri ng relasyon at dyanra ngunit gaano man ito katagal, ito ay magiging sulit. Ang GL ay patuloy na magtuturo at magre-representa sa relasyong wlw hanggang sa araw na maaari nang malayang magmahalan ang dalawang babae na walang nakukuhang panghuhusga o maduduming titig.
19
/uncpantograph
SHIARA MAE HOSMILLO
Maunlad na ginagamit ang mga bakunang may iniksyon sa mundo bilang panlaban sa COVID-19 at totoo namang epektibo ang mga ito pero ito ay may mga desbentaha rin. Isa na rito ang mahirap at magastos na pagpapadala, pagpreserba, paggamit, at pagbabahagi ng mga bakuna. Kaya naman mayroong mga pinag-aaralang makabagong pang-resbak laban sa nasabing virus ngunit
Ang isang pahumal na bakuna o nasal vaccine ay isang bakuna na ini-spray mismo sa loob ng isang butas ng ilong. Isa sa mga umaaral at sumusuri nito ay ang mga eksperto sa agham ng Washington University School of Medicine sa St. Louis. Kilala ang kanilang pre-clinical na bakuna base sa kemikal na formulation bilang ChAd-SARS-CoV-2-S. Ang bakunang ito ay nagpapadala ng isang hindi nakakapinsala at nagpaparaming ‘adenovirus’ sa loob ng ilong upang gumana ang ating immune response laban sa COVID-19 nang hindi nagkakasakit o nakakaramdam ng side effects. Nasuri at nasubok na ito sa mga daga, hamster, at mga
unggoy. Base sa mga resulta ng pagaaral, mas naiwasan ang impeksyon ng COVID-19 sa ilong at sa baga ng mga hayop. Nagpapahiwatig daw ito na hindi gaanong kumalat ang nasabing virus sa iba’t ibang parte ng katawan.
Inaasahan namang subukan at pag-aralan ito sa mga tao pagkatapos itong subukan sa mga unggoy. Ang oral o iniinom na bakuna naman, halos katulad lang ng mga tabletas at mga pang-medikal na mga droga, ay isang bakuna na iniinom at pinapadaan sa bibig. Marami nang mga pag-aaral ang gumagawa at sumusubok ng kani-kanilang oral na bakuna isa na rito ang mga eksperto sa agham ng kompanyang Pfrizer. Ang Paxlovid, ang tawag sa oral na bakuna ng Pfizer, ay isang kumbinasyon
ng antiviral at ng isang mababang dosis ng ritonavir, isang kemikal na medikasyon na madalas ginagamit para gamutin ang HIV (human immunodeficiency viruses). Ayon sa artikulo ng Pharmaceutical Technology, isang porsyento lamang ng mga pasyenteng sumubok nito ang napunta sa ospital kompara sa halos pitong porsyentong mga pasyenteng hindi sumubok ng nasabing droga. 10 namang mga pasyenteng hindi sumubok ang namatay habang wala namang namatay sa mga sumubok ng Paxlovid. Gayunpaman, nasasabing mabisa ang natukoy na medikal na droga dahil hinihinto nito ang pagpaparami ng COVID-19 virus, at madaling nagagamot ang may mga banayad at katamtamang mga kaso ng impeksyon. Mas madali rin daw itong ibahagi kesa sa bakunang may iniksyon dahil maaaring idala ito ng mga pasyente sa kanikanilang mga tahanan.
Ang isang skin patch ay isang maliit at parisukat na pandikit sa balat na tumutulong sa immune response ng isang katawan ng tao. Isa sa mga nag-aaral at sumusuri nito ay ang mga eksperto sa agham ng University of Texas. Tinatawag nila ang kanilang COVID-19 skin patch bilang HexaPro. Ang HexaPro ay isang skin patch na
may 5,000 na maliliit na mga spikes na pinahiran ng tuyong anyo ng bakuna. Dahil dito, hindi na nito kinakailangan ng malamig na temperatura upang maingat na imbakin at ipadala sa iba’t ibang lugar kompara sa likidong anyo na bakuna o bakunang may iniksyon. Mas matibay at mas matatag din ito dahil dinidikit lang ito sa balat, isang malaking parte ng ating katawan na puno ng immune cells na lumalaban sa mga masamang bacteria at virus.
Wala rin itong naramdaman na mga sakit kahit isang dosis lang ang ginamit. Ngunit, base sa isang artikulo ng NewScientist, kinakailangan pa raw ito ng mas maraming pag-aaral at inaasahan na aaralin nila ito sa mga tao sa susunod na taon. Base rin sa natukoy na artikulo, hindi rin ito masakit kung ididikit ito sa balat at may potensyal itong labanan ang mga bagong variant ng COVID-19 sa hinaharap dahil mas madali itong umangkop kesa sa ibang mga bakuna.
MULA PAHINA 01
BAK-UNCEANO
Isang Linggong Pag-ibig Paglindol Mga Dahilan ng Sunod-sunod na Paglindol sa Bikol
SHIARA MAE HOSMILLO
Lunes este- Huwebes ng ika-14 ng Oktubre 2021 nang siya’y nagpakilala, ang mga mundo natin ay sadyang muling nagambala. Biyernes ay ilang ulit siyang nagparamdam. Sabado ay puno ng pagbabahala at pagsapit ng linggo, tayo’y hindi na makatulog pa. Oh kay sadyang biglaan ang mga pangyayari, pagdating ng lindol ay sadyang kay biglaan din ngunit ano kaya ang mga dahilan? Halos lahat na nakatira sa Bikol, lalonglalo na sa Camarines Sur, ay nakaranas ng sunod-sunod na paglindol sa halos isang linggo. Ayon din sa nakapanayam ng Malaya na mga mag-aaral sa departamento ng na Senior High School (SHS) sa University of Nueva Caceres (UNC), 53 sa 64 na mga estudyante ang nakaranas nito samantalang 11 ang hindi. Sa paglindol, nagsanhi rin ito ng masamang sikolohikal na mga epekto sa mga mag-aaral.
ANN, STEM 11
. Sa kabilang dako, nagkaroon din ng maling impormasyon ukol sa sunodsunod na paglindol at halos kalahati lang nakapanayam ng Malaya ang bumase sa mapagkakatiwalaang pinagkukunan ng impormasyon.
Matatandaan din natin na ang Pilipinas ay nakaposisyon mismo sa tinatawag nating “Pacific Ring of Fire” na nakapaligid sa Pacific
Ocean na matatagpuan sa silangan bahagi ng bansa na kung saan aktibo ang mabagal na paggalaw ng lupa. Kaya naman ay aktibo rin ang halos lahat ng mga bulkan ng ating bansa at madalas tayong makaramdam ng mga lindol. Para sa mas espisipikong paliwanag, base sa pahayag ng Naga City Government, ang Philippine Fault Line, o isang bitak ng malaking lupa ng Pacific Plate kung saan pinagmumulan din ng halos lahat na paglindol ng Pilipinas, ay dumaan at nakaposisyon sa rehiyon ng Bikol, lalong-lalo na ng Camarines Sur. Ang rehiyon ding ito ay nakaposisyon din sa dulo ng dalawang malaking plaka ng lupa na tinatawag nating Eurasian Plate (na nasa hilaga ng Bicol) at Indo-Australian Plate (na nasa timog). Kaya kung papansinin ay nasa pinakasulok ng tatlong plaka ng lupa ang rehiyon ng Bicol kaya itinuturing ito bilang isa sa mga rehiyon na may aktibong paggalaw ng lupa. Base rin sa ulat nila ay ang “Swarm Earthquakes” na nangyari sa Bicol ay walang anumang koneksyon sa kahit anong aktibidad ng mga bulkan o bundok at sa mga solar flares.
Upang malinawan tayong lahat, itinuturing na “Swarm Earthquake” o “Earthquake Swarm” ang sunod-sunod na paglindol ayon sa ulat at datos ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS). Napansin nila sa kanilang rekord na ang mga nangyaring lindol noong ika-14 hanggang ika-18 ng Oktubre ay mababaw lamang na may lalim na halos sa apat na kilometro, hindi rin ito gaano kalakas kung kaya’y ang magnitude nito ay laging nasa pagitan ng 1.7 hanggang 4.3 na magnitude, at kahit na sunod-sunod ito ay wala naman daw sumunod na mas malaki at mas malakas na lindol dahil kung meron man
ay maituturing itong aftershock. Sa kabuuan, 27 na paglindol ang nabilang ng PHIVOLCS at halos lahat ng ito ay nagmula sa lugar ng Canaman, Camarines Sur. Ang sunod-sunod na lindol ding ito ay naramdaman sa mga kapitbahay na mga lugar ng Camarines Sur kagaya ng Camarines Norte at Albay at posible pa rin itong maramdaman sa mga susunod na linggo o buwan.
Ang lindol ay isa sa mga penomenang hinding-hindi natin kayang ikontrol o kayang mabatid ang pagdating. Buhat nito ay kailangan nating tandaan ang mga payo ng mga eksperto ukol sa paghahanda at pagiiwas ng mga pinsala habang lumilindol. Kaya bago pa man mangyari ang lindol ay dapat magpasiguro tayo ng ating bag na may nilalamang mahahalagang kagamitan at dapat magkaroon tayo ng sapat na impormasyon ukol sa lindol. Kung mangyari man ang lindol ay dapat sundin ang tuntunin na “duck, cover, and hold o DCH” upang makaiwas sa mga posibleng pinsala. Kapag tapos na ang paglindol, wag pa rin makapante at maghanda sa mga posibleng susunod na paglindol, at mag-evacuate kung kinakailangan. Sa halos isang linggo ng paglindol sa Camarines Sur, nakakabahala man sa ating isipan at buhay ngunit magsilbi sana itong babala sa atin na dapat lagi tayong maging handa sa kahit anumang sitwasyon lalonglalo na sa mga biglaang paglindol. Dapat ding huwag tayong maniwala sa mga sabisabi ngunit sa mga napatunayang datos lamang upang mas maiwasan natin ang takot at mga pinsalang lubos na nakakaapekto sa buhay ng lahat.
Inaanyayahan din... niya ang kapwa niya kamag-aral na makapagpapabakuna na upang tuluyan ng bumaba ang kaso ng COVID-19 at bumalik na sa normal ang lahat, ngunit ipinaliwanag ni David na ang desisyon para sa face-toface classes ay depende pa rin sa desisyon ng Commission on Higher Education (CHED).
CHRIZ TOLOSA, TVL 12
sagot ni Tolosa nang tanungin ang mga side effects na naramdaman niya. Noong ika-26 naman ng Nobyembre, nagsagawa ang paaralan ng isang pediatric vaccination drive para sa mga edad 12-17. “I’m so happy because I have now my first dose of vaccine…there’s now a protection against it [COVID-19]. I think I’m not yet ready for the face-to-face classes even if I’m already vaccinated because I was already used for the online setup”, saad ng isa sa mga nagpabakuna na si Michael Jade Ani ng Grade 12-STEM C. Samantala, nakapagpaturok na ng second dose noong ika-2 ng Disyembre ang mga empleyado ng UNC.
20
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
Maliliit na Maya sa Kalawakan KYLE SAMUEL BAUTISTA
Nakakita na ba kayong maya na lumilipad sa kalawakan o outer space? Ngayong taon, tatlong maya ang muling pinadala ng Pilipinas matapos ang unang pag padala nito noong ika29 ng Hunyo taong 2018. Ang maya na tinutukoy dito ay hindi ang ibon na alam nating lahat, kundi tumutukoy ito sa pangalan ng mga nanosatellites na gawa ng mga Pilipino at naipadala sa International Space Station (ISS). Sa kasalukuyan, mayroon nang apat na nanosatellites na naipadala ang Pilipinas papuntang ISS. Sinimulan ang paggawa ng nanosatellites na ito noong 2016. Ayon sa Acting Director ng Department of Science and Technology (DOST) - Advanced Science and Technology Institute na si Joel Joseph Marciano Jr. sa isang Twitter post,
JOEL JOSEPH MARCIANO JR.
Ngayong 2021, nakamit nila ang layunin na yan matapos magpadala ng dalawang all Filipino-made nanosatellite papuntang ISS. Ang naturang nano-satellites ay pinangalanang Maya-3 at Maya-4. Sabay na pinadala ito noong ika-29 ng Agosto taong
2021. Ang bagong feature ng nanosatellite na ito ay mayroon na itong nadedeploy na mga antenna, Global Positioning System (GPS), lever switch, at mas malinaw na mga kamera. Ngunit ang kahanga-hanga sa dalawang nanosatellite na ito ay na ito ang kauna-unahang university-built satellite dito sa Pilipinas. Ang Maya-1 at Maya-2, ang hinalinhan ng Maya-3 at Maya-4, ay ginawa sa Kyushu Institute of Technology (Kyutech), isang unibersidad sa Japan. Tinulungan pa ng mga inhinyero sa Kyutech ang mga pinadalang graduate engineers galing sa UP upang mabuo ang dalawang nano-satellite na ito, samantalang ang Maya3 at Maya-4 naman ay ginawa ng mga estudyanteng Pilipino lamang sa Unibersidad ng Pilipinas (UP). Ang Maya-1 na pinadala noong ika-29 ng Hunyo taong 2018 ay mayroong tinatawag na Automatic Packet Radio Service Digipeater na nagsisilbing daan para makapagpadala at makatanggap ng mensahe mula sa satellite at sa nagkokontrol nito. Mayroon din itong cameras na kayang kumuha ng litrato at video para sa pananaliksik. Ang Maya-2 naman ay pinadala sa outer space noong ika-20 ng Pebrero taong 2021. Halos pareho lang ang karakteristiko nito sa Maya-1, ang pinagkaiba lamang nila ay mayroon ang Maya-2 ng bagong klase ng antenna at materyales na mas mabisa kaysa sa Maya-1. May kakayahan na din itong kumuha ng enerhiya galing sa sinag ng araw sa pamamagitan ng solar array panels.
Ang Maya-2 ay makakatulong sa pagkuha ng impormasyon tungkol sa kalagayan ng panahon. Mas mapapabilis nito ang pagpasa ng impormasyon at mas madali itong makakarating sa mga mamamayan. Noong buwan ng Disyembre taong 2020, nakapagpili na ng panibagong grupo na gagawa ng Maya-5 at Maya-6, dahil ayon sa Space Science and Technology Proliferation through University Partnerships (STeP-UP) Project Leader na si Professor Paul Jason Co, kailangan na ipagpatuloy ang pagpapaunlad ng space technology dito sa ating bansa dahil masasayang kung hahayaan na isang grupo lamang ang marunong at may alam dito. Ang tagumpay na natamo ng proyekto na ito at mga susunod pa ay nagpapakita kung gaano patuloy na humuhusay ang mga Pilipino sa larangan ng space technology.
kumpara sa mga normal na satellites, mas mura at mas madali itong gawin lalong lalo na sa mga nagsisimula pa lamang sa space technology na mga bansa. Bukod dito, mas madali itong ipaikot sa mundo, na kung saan nagbibigay daan sa mas mabilis na pagkalap ng impormasyon at mas malawak na lugar na mayroong internet. Ang pagtagumpay ng mga naturang nanosatellites ay nagpapakita na patuloy na humuhusay ang kakayahan ng mga Pilipino sa larangan ng teknolohiya. Ang patuloy na pag unlad na ito ay makakatulong at nakakapagbigay serbisyo sa ating bansa sa pamamagitan pagbibigay impormasyon tungkol sa kung ano ang kalagayan ng bansa. Nagsisilbi itong patunay na paunti-unti ng umuunlad ang Pilipinas at humahabol sa ibang mga karatig na bansa.
Ngunit kapag ang isa ay tinawag na nanosatellites, tumutukoy lamang ito sa mga man-made satellites na ang bigat ay hindi bababa ng isang (1) kilo at hindi din lalampas ng 10 kilo. Maliban dito, dahil maliit lamang sila
Delta at Omicron: Panibagong Banta Sa Kalusugan KYLE SAMUEL BAUTISTA
Magdadalawang taon na ng naitala ang unang kaso ng COVID-19 sa bansa, ngunit hanggang ngayon, ang virus na ito ay patuloy pa rin na pinapahirapan ang kalagayan nating mga Pilipino. Sa ngayon, mayroong dalawang variant na maiging tinututukan ng mga eksperto – and Delta at Omicron Variant. Ang unang kaso ng Omicron variant ay naitala noong Disyembre 15, 2021. Sa kasalukuyan, tatlong kaso na ang naitala at lahat ito galing sa ibang bansa, kaya wala pang lokal na mga kaso ng naturang variant. Ngunit hindi ito nangangahulugan na dapat ng maging pabaya. Ayon sa World Health Organization (WHO), ang Omicron ay isang “variant of concern” dahil mas mabilis ito makahawa kaysa sa ibang mga
variant, kasali na ang Delta. Sa ngayon, wala pang konkreto at sapat na ebidensya na nagpapatunay kung kaya ng mga vaccines natin na labanan ang variant na ito at kung ito ba ay may mas malalang epekto kaysa sa ibang mga variants, pero ipanapaalala sa atin ng WHO na patuloy na mag-ingat sa pamamagitan ng pagsuot ng face mask, social distancing, pag-iwas sa malaking pagtitipon, paghuhugas ng kamay, pagkakaroon ng maayos na bentilasyon, at pagpapa bakuna. Sa kabutihang palad, ang naitala na tatlong kaso ng Omicron variant ay agad na nagawan ng aksyon ng mga awtoridad at sila ay agad na dinala sa quarantine na mga pasilidad. Pagkatapos ng kanilang quaratine period, sila ay muling sinuri at lumabas na sila ay nag negatibo na sa COVID-19. Agad din nabakas ang mga naging close contact at sila rin ay nag home quarantine at lumabas na negatibo.
Unang nakapasok naman ang Delta variant sa Pilipinas noong Hulyo 16, 2021 at pagkatapos ng ilang buwan, nasaksihan natin ang fourth wave ng COVID-19 sa ating bansa. Noong ika-30 ng Agosto, dahil sa pagpasok ng Delta variant sa Pilipinas, nangyari ang biglaang pagtaas ng kaso ng COVID-19, na umabot ng 22,366. Pagsapit ng Setyembre 8, halos 19,000 na kaso na ang naitatala araw araw at noong Setyembre 11, naitala ang 26,303 na kaso ng COVID-19, ang pinakamataas na bilang na naitala sa loob lamang ng isang araw. Bilang pagtugon ng Pilipinas sa nasabing biglaang pagtaas ng mga kaso, noong Agosto 2021 ay muling nagpatupad ng (ECQ) sa National Capital Region (NCR). Patuloy din ang pagsasagawa ng vaccination drives at contact tracing para mapababa ang bilang ng mga may kaso ng COVID-19.
22
MAGAYON: Panlaban sa Cancer JUSTINE AGRAVANTE
Isa ang bulkang Mayon ng Albay sa mga pinakamagagandang tanawin na patuloy na binabalik-balikan ng mga turista. Mas tanyag ito dahil sa hugis nitong perfect cone. Maliban dito, lalong sumikat pa ang Mayon dahil sa natagpuan ditong isang uri ng bacteria na may posibilidad na makagamot ng mga malalang sakit o impeksyon. Natagpuan ito ng mga mananaliksik galing sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) sa lupa ng Mayon. Nadiskubre nila rito ang 30 na bacteria, kung saan isa rito ay nangibabaw at nakakuha ng kanilang atensyon dahil sa taglay nitong potensyal na labanan ang mga bacteria at cancer cells. Tinawag nila itong “Streptomyces sp. A1-08” at ayon sa mga eksperto, pag na kumpirma na bagong uri ito ng bacteria, papalitan ang pangalan nito ng “Streptomyces mayonensis A108” bilang pagbibigay
dangal sa ating bansa. Ang ekpedisyon na ito ay pinangunahan ni Kristel Mae Oliveros, isang assistant professor sa naturang paaralan. Ayon kay Oliveros, kailangan pa ng masusing pag-aaral para malaman kung kaya nga ba talaga ng naturang bacteria na gumawa ng compounds na kayang labanan ang cancer cells at kung pwede itong gamitin para sa chemoterapies.
KRISTEL MAE OLIVEROS
Sinuportahan din ito ng kanyang team member at adviser na si Dr. Asuncio Raymundo. Ayon sakanya, naging posible ito dahil naisip ni Oliveros na maglunsad ng kaunaunahang microbiological study sa isang bulkan Mayon. Nagbigay din ng pahayag ang unibersidad, “The first
study was notable on its own, but the discovery of the bacteria isolates makes it an even more significant contribution,” wika ng unibersidad. Bukod dito, 13 sa nakuhang bacteria ay napagalaman ding may kakayahan na labanan ang iba’t ibang sakit tulad ng salmonella, pneumonia, at candidiasis. Natuklasan din na kumokontra ito sa iba’t ibang bacteria na nagdudulot ng masama na epekto sa ating katawan, tulad ng Staphylococcus, Asperigillus niger, at mga Fusarium. Ayon sa katrabaho ni Oliveros, isang PhD student sa Canada, ang mga sakit na nabanggit ay konektado sa lista ng World Health Organization (WHO) bilang mga sakit na maaring magdala ng peligro sa ating mundo sa taong 2050. Ipinaliwanag niya na ito ay posible dahil sa tinatawag na antibiotic resistance, kung saan pwedeng lalong lumakas ang bacteria kapag hindi ito tuluyang namatay, at mapanganib dahil minsan nag-eevolve ito at umaabot sa punto na impossible na itong labanan. Sabi nga ni Oliveros, “Discovery is not the end.” Ayon sakanya, kahit parang jackpot ang na diskubre nila, pag-aaralan pa rin nila ito ng maigi at umaasa na maging epektibo ito bilang chemotherapy drug.
21
/uncpantograph
Sa Paghahanap
Ang Gusot Sa Paggamit at Pag-alis ng Faceshields
Saysay
SHIARA MAE HOSMILLO
Sa UNC lalong-lalo na sa departamento ng SHS, 37 sa 64 din ang sumasang-ayon sa mga nakapanayam ng Malaya sa pagpapaalis ng mandatoryang pagsuot ng face shields dahil para sa kanila ay walang maitutulong ito, hindi sila masyadong makahinga kapag may suot nito, hindi sila masyadong makakita lalo na kapag may salamin, at dagdag gastos pa ito sa mga mamamayan.
Noong kasagsagan ng pandemya, nagtatag ang pamahalaan ng Pilipinas ng sapilitang paggamit ng face shields, ayon sa inilahad na patakaran ng Tagapagsalita ng Pangulo at ng Inter-Agency Task Force for Emerging Infectious Diseases (IATF) na si Sekretarya Harry Roque. Ngunit, may ibang tumututol sa implementasyong ito dahil sa malabong importansya at paggamit nito. Dahil sa pagpapatupad ng mandatoryang pagsuot ng face shields, karamihan sa ating mga mamamayan gayundin ang mga estudyante ng University of Nueva Caceres (UNC) sa departamento ng Senior High School (SHS) ang sumunod sa nasabing implementasyon na may bilang na 42 sa 64 na nakapanayam ng Malaya ukol sa isyu. Ani naman ng ibang 15 mga estudyante ay minsan, may limang hindi, at may dalawang bihira lamang. Marami namang mga propesyonal, mga abogado at mga doktor ang kumontra sa implementasyon ng gobyerno kung saan tinutukoy ang pagpapatatag nito bilang “anti-poor” o kontra sa mga mahihirap. Sinabi rin ito ng Anakalusugan Representative Mike Defensor habang nasa ikatlong pandinig ng House Committee ukol sa diumanong red tape sa proseso ng Food and Drug Administration (FDA) at Department of Health (DOH).
Sabi rin ni Defensor, ang World Health Organization (WHO) at Centers for Disease Control and Prevention (CDC) mismo ay hindi suportado at hindi nirerekomenda ang paggamit ng face shields. Dahil ayon sa Rappler, sa palagay ng mga nasabing mga internasyonal na organisasyon ay mas epektibo pa ang face mask kesa sa mga naturang face shields. Base din sa artikulo ng Tony Blair Institute For Global Change, sumasang-ayon sila na may mataas na antas ng proteksyon ang face shields laban sa mga patak ng laway na
JAYVEE FORTUNO
Sa bilang ng mga bakuna na ginagamit para sa kaligtasan ng lahat ng tao sa mundo, patuloy pa rin ang pagsusuri sa mga ito lalo na ngayon na mas madali na ang pagkalat at pagbuo ng iba’t ibang sakit. Ngayong tayo ay nasa gitna ng pandemya, makikita na patuloy ang pagsasagawa ng mga vaccination drives ng pamahalaan kung saan binibigyang access ang taumbayan sa mga bakunang nasuri na ng Food and Drug Administration (FDA), o patuloy na nasa ilalim ng clinical trials na masusing sinusuri ng mga awtoridad upang masiguro na ito ay epektibo kontra sa hinaharap nating virus na COVID-19. Unang Turok: Anong meron? Sa kasalukuyan, sa ating bansa ay mayroon ng 10 na mga bakuna ang binigyan ng awtorisasyon na maibahagi sa mga Pilipino. Nangunguna rito ang Pfizer BioNTech, na aprubado na ng 103 na bansa, sunod dito ay ang Moderna, Gamaleya (Light), Gamaleya (V), Janssen, AstraZeneca, Bharat Covaxin, Sinopharm (Beijing), Sinopharm (Wuhan), at Sinovac. Ang mga nabanggit na bakuna ay kapwa nasa ilalim pa ng clinical trials subalit naipasa na ang pamamahagi nito dahil aprubado na ng ilang bansa at mga mananaliksik ang kakayahan nitong iwasan ang naturang virus. Ikalawang Turok: Antas ng Pagbabakuna Sa kabila ng dami ng bakuna, patuloy pa ring hinaharap ng ating bansa ang problema pagdating sa kakulangan ng mga ibabahaging bakuna.
nailalabas tuwing bumabahing o umuubo ang isang tao ngunit hinahayaan nito ang ilang mga partikulo na manatili sa shield. Kaya sa kanilang konklusyon ay hindi nila ito nasabing epektibo sa paghadlang ng panlabas na transmisyon ng mga partikulo. Sa isang banda, si Presidente Rodrigo Duterte din ay mismong lumalabag sa tuntuning ito nang pinayagan at hinayaan niyang umalis ng face shield si Pangulong Senador Vicente Sotto III sa Palasyo noong Hunyo 2021 at nang hikayatin niya ang mga mamamahayag noong Hulyo 2021 na itanggal ang kanilang face shields pati face masks upang samasama raw silang magkaroon ng COVID-19. Gayunpaman, dahil sa mga protesta at mga dahilan ng mga propesyonal ay naipasa ang pagpapaalis ng face shields base sa pagpayag ng gobyerno sa rekomendasyon ng Technical Advisory group na humihikayat na limitahan ang paggamit ng face shields ngunit hindi sa mga “pribado at mataong mga lugar” o sa tatlong Cs - closed, crowded, and close contact.
Agosto ngayong taong 2021, naitala ang mataas na bilang ng pagbabakuna sa mga Pilipino kumpara sa mga nagdaang buwan na umabot sa mahigit kalahating milyon na mga kababayan natin ang nakapagpabakuna. Subalit ngayong buwan ng Oktubre, muling naitala ang pagbagal sa pagtaas ng antas sa pagbabakuna dahil sa mayroong ilan na hindi sang-ayon magpabakuna, dala ng takot sa mga side effects, at sa kung paano tatanggapin ng kanilang resistensya ang sipa ng bakuna, dagdag pa ang problema pagdating sa pagsangguni ng ating mga mamayang nasa baryo upang magkaroon ng access dito. Sa patuloy na pagbagal ng usad at pagbaba ng bilang ng mga nabakunahan nating mamamayan, ayon kay Vaccine Czar Carlito Galvez Jr., magkakaroon ng problema pagdating sa pag-abot ng target na isinumite nila pagdating sa pagbabakuna sa mga Pilipino. Isa sa mga naiisip na solusyon sa ngayon ay ang mandatory vaccination lalo na sa mga frontline workers at sa mga priority groups. Sa kasalukuyan, pinapayagan na ang pagbabakuna sa mga edad 12-17 na nagsimula lamang ng buwan ng Nobyembre. Boosters: Paglinang sa Bakuna Ayon sa Department of Health (DOH), karamihan sa mga Pilipino ay fully vaccinated na magmula nang nagsimula ang pagpapabakuna sa ating bansa. Karamihan sa mga ito ay mga Pilipinong nabibilang sa mga priority groups, o ang mga indibidwal na kailangan ang agaran pagpapabakuna kontra sa naturang virus.
Isang anggulong tinitignan ng mga mananaliksik at health professionals sa ating bansa ay ang pagbibigay ng third dose ng bakuna, at pagpapaliban sa boosters na sinasabing important para sa immunity ng indibidwal sa bakuna at panangga laban sa virus. Maliban dito, sinasabing bukas din ang ating bansa sa posibilidad ng paghahalo ng mga bakuna, na magpahanggang ngayon ay patuloy pa ring pinag-aaralan ng mga eksperto at susuriin sa ilalim ng mga trials. Binigyang diin ni Health Undersecretary at DOH spokesperson Maria Rosario Vergeire na ang third dose, ay sinasabing para sa mga Pilipino na immunocompromised o ang mga indibidwal na kulang pa rin ang proteksyon laban sa virus kahit matapos mabigyan ng dalawang dose, ngunit hindi ito lahat ibabahagi sa mga Pilipinong fully vaccinated dahil sasailalim pa ang mga ito sa masusing konsiderasyon at hanggang ngayon ay naghihintay pa ang ating sektor pangkalusugan sa rekomendasyon ng World Health Organization (WHO) ukol dito. Sa patuloy na pagtaas ng mga kaso, panatilihin nating ligtas ang ating mga sarili, pamilya, at kapwa mamamayan kontra COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga health protocols, community quarantines, at pagpapabakuna kung naaayon na sa inyong edad, para sa isang ligtas na Pilipinas.
ani ni Princess, isang palayaw ng ika-11 na baitang na estudyante ng seksyong GAS-L na nakapanayam ng Malaya. Ngunit, hindi lahat ay may parehas na opinyon kagaya kay Princess, may 14 rin sa nakapanayam na hindi sigurado, may 10 hindi payag sa pagpapaalis ng face shields dahil sa pagkabahala ng pagtaas ng mga kaso at ng paghawa ng virus, at may tatlong niyutral. “May parte sa akin na nag-aalala dahil may mga tao na umuubo nang hindi nakatakip ang bibig at may parte din na okay lang na wala ng face shield dahil hindi na mahihirapan ang mga tao lalo na yung may mga suot na salamin,” bahagi ni Kaski, palayaw ng isang ika-11 na baitang na estudyante ng seksyong STEM-Q. Subalit, kahit na paalisin ang face shields sa karamihan na mga lugar sa komunidad, may ibang mga pribadong mga lugar na mandatoryang nagpapasuot ng face shields ngunit inaalis din naman ito sa loob o itinataas sa ulo. Halatang maoobserbahan at makikita ang gusot at problema sa paggamit ng face shields sa kung bakit ito kailangang ipaalis at limitahan ng gobyerno. Ngunit sa huli, hanapin man ang saysay ng paggamit nito o hindi, mas maigi pa ring tingnan kung ano ang ikabubuti ng mga mamamayan at ng karamihan lalong-lalo na sa mga panahon ngayon ng pandemya.
22
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
Sa Pagbawal at Pagbawi ng Booster Shots Mga Kadahilanan Sa Matagal na Pag-apruba ng COVID-19 Booster Shots sa Pilipinas SHIARA MAE HOSMILLO
Kunwari ikaw ay kumpleto na sa bakuna ngunit ilang buwan na ang nakalipas at madali nang mawala ang epekto at proteksyon nito. Nagpaplano ka sanang magpaturok ng COVID-19 Booster Shot upang umipekto ito muli pero ipinagbawal ito ng gobyerno. Ngunit, inaprubahan naman ito pagkatapos ng halos dalawang buwan. Medyo magulo ang naging sitwasyon ngunit bakit naman kaya? Depinisyon ng COVID-19 Booster shots Una muna nating bigyang kahulugan ang COVID-19 booster shots. Base sa kahulugan na ibinigay ng World Health Organization (WHO) sa kanilang pansamantalang ulat, ito raw ay pinapangasiwaan sa isang bakunadong
LEXINE RUST
Laganap pa rin ang Coronavirus Disease 2019 (COVID-19) hanggang ngayon saan man sa mundo. Anumang edad, kasarian, at estado sa buhay. Ayon naman sa Centers for Disease Control and Prevention (CDC) website, ang mga coronavirus ay isang malaking pamilya ng mga virus. Mayroong HKU1, HCoV-OC43, HCoV-229E, at HCoV-NL63 na mga mild respiratory illnesses lamang habang ang MERS-CoV ay makikita sa Middle East. Ang SARS-CoV naman ay severe acute respiratory syndrome, at ang SARS-CoV-2 na tinatawag ding COVID-19. Ngunit, tao lang ba talaga ang nahahawaan ng COVID-19? Ang COVID-19 ay isa sa mga uri ng coronavirus na nagdudulot ng iba't ibang uri ng sakit sa tao tulad ng lagnat, sipon, ubo, paninikip ng dibdib, at hirap sa paghinga. Ngunit ang ibang uri nito ay hindi nakakahawa sa tao, tulad ng canine at feline coronavirus na mga hayop lamang ang
populasyon na kung saan ay kumpleto na silang nabakunahan, o nabakunahan na nang isa o dalawang beses depende sa tatak ng bakuna, ngunit bumaba na ang epektibo at proteksyon ng bakuna dahil matagal nang nabakunahan ang nasabing populasyon. Tanging layunin nitong booster shots ay ibalik ang epektibo at proteksyon ng kanilang unang mga bakuna o primaryang serye ng pagbabakuna na itinuturing na hindi na sapat sa panlaban ng COVID-19 virus. Ayon sa Rappler, nirerekomenda ito ng DOH lalong-lalo na sa mga health workers at senior citizens. Salik na Kailangang Ikonsidera Sa kabilang dako, bago tumurok ng COVID-19 booster shot, palatandaang mabuti ang mga sumusunod na mga salik na dapat munang bigyang pansin: Humihihinang Resistensya. Maaari ka lamang makakuha ng booster shot kung matagal ka nang nakakuha ng primaryang serye ng pagbabakuna at nawawalan na ito ng bisa. Ang rason ay ayon sa mga eksperto at mga pagaaral, mayroong relasyon ang bisa ng bakuna at ang tagal ng panahon pagkatapos mo itong makuha dahil kapag matagal na panahon ka nang naturukan ng bakuna ay bababa rin ang bisa nito. Bisa ng Bakuna. Nakabase pa rin sa tatak ng bakuna kung ang isang tao ay may planong magpaturok ng booster shot dahil iba-iba ang epekto, at ang paraan ng proteksyon na binibigay ng bawat tatak ng mga bakuna. Global na suplay ng bakuna at ang global at nasyonal na ekwalidad. Base sa ulat ng WHO, ang mga pambansang gobyerno na pinag-iisipan dumagdag ng booster shot sa kanilang pambakunang programa ay dapat ikonsidera muna ang ebidensya ng pangangailangan ng Booster dosis, ang kaligtasan at ang bisa ng booster shots, at ang global na istak ng mga bakuna. Nangangailangan din na ang halos lahat ng tao sa isang bansa ay bakunado na ng primaryang serye ng pagbabakuna bago bumigay ng booster shots. Kung mamadaliin ang pamimigay ng booster shots, maaaring makapinsala ito sa global na pagpapagaan ng pandemya, at maaaring magdagdag pa ito sa kalusugang komplikasyon ng mga tao.
kayang mahawaan. Nagdudulot ito ng sakit sa mga ilang hayop tulad ng mga baka, kamelyo, at paniki. Makikita na ang mga ito ay nakakaranas ng lagnat, pagsuka, at panghihina. Ayon din sa CDC, ang pagkalat ng virus mula sa mga hayop papunta sa mga tao ay mababa lamang ang tsansa ngunit ang pagkalat ng virus galing sa tao papunta sa mga hayop ay posible. Karamihan sa mga hayop na malaki ang tsansa na pwedeng mahawaan ng taong nalalinan ng naturang virus ay ang mga kasamang hayop sa bahay, kabilang dito ang mga alagang pusa, aso, at ferret. Posibleng mahawaan din ang mga hayop sa zoo at santuwaryo tulad ng otter, mink, puting-buntot na mga usa at ibang uri ng mga malalaking pusa kapag naka-close contact nito ang taong infected sa virus. Batay sa resulta ng bagong pag aaral sa New England Journal of Medicine (2021), isa sa tatlong pares ng pusa ay nag transmite ng SARS-COV-2 sa kasamang pusa sa close contact
MULA PAHINA 20 Enhanced Community Quarantine... Nagpatuloy din ang pagbibigay tulong ng WHO sa ating bansa sa pamamagitan ng pagbibigay payo kung paano mas mapapalawak ang pagbibigay ng diagnostic tests at pagpapatibay ng mga healthcare system.
ngunit hindi masusukat ang tyansa na makapaghawa ang pusa sa ibang alagang hayop sa naturang sitwasyon sa isang bahay. Ipinapakita ng kamakailang eksperimental na pananaliksik sa CDC (2021) na maraming mammal na rin ang pwedeng mahawaan ng naturang virus, kabilang dito ang mga aso, baboy, bank vole, ferret, fruit bats, hamster, kuneho, mink, pusa, racoon dog, tree shrew, at white-tailed. Nabanggit din na ang mga pusa, ferret, fruit bat, hamster, racoon dog, at white-tailed deer ay maaari ding makahaw ng impeksyon sa ibang mga hayop ng parehong species sa mga laboratoryo. Sinasabi rin ng CDC na kinakailangan ng maraming pag-aaral upang mapatunayan at maunawaan kung paano nakakaapekto ang SARS-COV-2 sa iba't-ibang uri ng hayop sa mundo. Habang ang SARS-CoV-2 na nakakahawa sa mga hayop na maaaring kumalat sa mga tao ay napakababa, hindi pa rin ito zero chance. Ngunit maaaring maiwasan ang pagkalat ng COVID-19 kung susunod ang mga tao sa health protocols na
Mabuti na lang at noong ika-25 ng Oktubre taong 2021, ayon sa Department of Health (DOH), ang Pilipinas ay “lowrisk” na at bumaba na ang bilang ng mga kaso ng COVID-19. Ngunit ayon sa Health Undersecretary at Spokesperson ng DOH na si Dr. Maria Rosario S. Vergeire, kailangan pa ding magingat at sundin ang mga public health protocols.
Sa Pagbabawal ng COVID-19 Booster shots Dahil sa mga nasabing salik at mga kadahilanan, isinaad ng Tagapangulo ng Inter-Agency Task Force (IATF) laban sa COVID-19 at Sekretarya sa Kalusugan ng Department of Health (DOH) na si Francisco Duque III noong ika-9 ng Agosto 2021 na labag sa polisiya ng gobyerno ang pagkakaroon ng COVID-19 booster shots. Isa sa mga kadahilanan niya ay ang hindi pa pagrekomenda ng mga pambansang eksperto nito at ang hindi pa naaabot na porsyento ng mga nagpabakuna na kasali sa mga priority groups. Ngunit, walang malinaw na polisiya ang pagbabawal ng booster shots o malinaw na parusa o multa lamang at para sa sekretarya ay maaari din naman magkaroon ng karagdagang dosis ng bakuna kung ang isang indibidwal ay may seryosong komplikasyon sa katawan o may kasaysayan ng organ transplant surgery noon at kung may awtoridad ito ng isang propesyonal na doktor. Nakasaad din sa Philippine News Agency (PNA) na hindi rin sumasang-ayon si Pangulong Rodrigo Duterte sa pagkakaroon ng booster shots o maraming turok ng bakuna dahil ito raw ay “mapanganib”. Kaya naman sabi niya ay tama na ang dalawang Fturok ng bakuna. Sa Biglaang Pagpapaapruba Nito Subalit noong ika-12 ng Oktubre 2021, nirekomenda na ng WHO ang karagdagang bakuna at booster shots para sa mga may karamdaman at mga nakakatanda dahil para sa kanila ang mga bakunang may tatak Sinopharm at Sinovac ay hindi masyadong epektibo pagkatapos ng dalawang dosis. Pagkatapos ng halos isang buwan, naaprubahan din ito ng FDA gayundin ng DOH, ayon sa ulat ng Rappler noong ika22 ng Nobyembre. Gayunpaman, ang mga prayoridad na mga katauhan, gaya ng mga health workers, mga nakakatanda, at mga bakunado na, at ang mga katauhang may edad 18 pataas ay pinahintulutan nang magkaroon booster shots lalo na kung halos anim na buwan na silang naturukan ng primaryang dosis ng bakuna o tatlong buwan naman kung Janssen ang kanilang primaryang dosis. Maaari rin silang pumili ng kahit anong brand ng bakuna na hindi kapareho ng kanilang mga naunang bakuna. Kadalasan na tinatawag itong “mix-and-match” o “heterologous booster vaccination”. Pinayagan ito ng FDA at DOH dahil sa mga nasabing pang-medikal at pangkalusugang mga kadahilanan. Subalit, sabi sa isang pag-aaral na nakasulat sa ulat ng Manila Bulletin, malaki ang tsansang makaranas ng side effects ang nagkaroon ng “heterologous booster vaccination” kaysa sa nagkaroon ng “homologous booster vaccination” o pagpili ng booster dosis na pareho sa kanilang primaryang mga dosis. Sa kabuuan, makikita natin kung gaano kaingat ang gobyerno sa pagdedesisyon lalo na kung tungkol ito sa bakuna. Ngunit sa pagbawal at pagbawi ng booster shots, dito natin makikita kung gaano kinakailangan ang malinaw na pagpapaliwanag at pamamahagi ng mga plano at mga polisiya. Samakatuwid, sa halos dalawang taon ng pagkakaroon ng mga lockdown, magsilbi sana itong leksyon at repleksyon sa lahat upang mas mapabuti ang kondisyon ng bansa sa kalagitnaan ng pandemya.
ibinibigay ng Department of Health (DOH) at ng Local Government Sectors para mas bumaba ang tsansa na mahawaan ng virus. Maaaring huwag muna hawakan o lapitan ang mga alagang hayop ang taong positibo sa COVID-19. Maaari ring ipaalaga muna sa ibang tao ang alagang hayop sa bahay. Huwag punasan ang alaga gamit ang anumang pamunas na may alcohol. Huwag din lagyan ng masks ang mga alagang hayop. Magpa-vet clinic kapag magpapa-test kung ang alaga ay positibo ba sa virus o hindi. Maaaring maiwasan ang pagkalat ng virus kung patuloy na susunod sa protocols at iiwasang umalis ng bahay kung hindi naman kinakailangan dahil maaaring mahawaan ang alagang hayop na kasama sa bahay nang hindi namamalayan. Mahalagang maging alisto at impormatibo mapasaan man sa mundo.
“Hindi pa ho tapos ang laban. Hindi ho tayo puwede maging kampante. Puwede ho tayo lumabas pero kailangan natin mag-ingat.” saad ni Vergeire. Hindi lang dapat tayo umasa sa mga sinusuring lunas at mga solusyon para tuluyan nang mawala ang mga kaso ng COVID. Bilang mga responsableng mamamayan, dapat rin tayong makibahagi sa pakikipaglaban ng ating
COVID-19: Sa Tao Na, Sa Hayop Pa.
bansa sa COVID-19 sa pamamagitan ng pagsunod sa mga ipinapatupad na mga health protocols, pag suot ng face mask, pag iwas sa mga malalaking pagtitipon, at patuloy na pag-iingat na hindi mahawaan at makahawa. Kung tayong lahat ay sama-samang magtutulungan, ang buhay na malaya mula sa COVID-19 ay malapit ng matamasa.
23
/uncpantograph
Solusyon sa Ozone Hole, Sanhi ng Climate Change KYLE SAMUEL BAUTISTA
Matapos ang mahigit tatlumpung taon mula nang unang nadiskubre ang ozone hole sa Antarctica at naglunsad ng internasyonal na batas para maaksiyonan ito, sa wakas, unti-unti nang bumabalik sa dati ang ozone layer na pumoprotekta sa mundo. Ayon sa Youtube video ng National Geographic tungkol sa ‘Ozone Depletion’, binubuo ng anim na bahagi ang atmospera ng planeta. Sa anim, ang pangalawang pinakamalapit sa kalupaan ay tinatawag na ‘stratosphere’, kung saan matatagpuan ang tinatawag na ozone layer. Ito ang nagsisilbing hadlang ng planeta upang hindi makapasok ang maraming ultraviolet radiation na nagmumula sa araw. Sinasabing 98% ng UV rays ang nahaharangan ng hadlang na ito, bagay na nakabubuti para sa mga nilalang sa planeta. Ngunit paano na lamang kung ang hadlang ay magkaroon ng butas at untiunting mawala? Taong 1985 nang nadiskubre ng mga mananaliksik na sina Joe Farman, Brian Gardiner at Jonathan Shanklin ang ozone hole sa Antarctica, base sa isang artikulo sa website ng Understanding Science. Ayon sa website na ito, itinalang 40% na ng ozone layer sa bahaging iyon ay nawala. Alinsunod sa isang Youtube Video ng Vox, isang verified Youtube channel na may layuning tulungan ang mga normal na mamamayang intindihin ang mga nangyayari sa paligid ngayon, may
mga ekspertong sinuri ang dahilan ng pagkakaroon ng ozone hole sa planeta. Taong 1986, matapos ang pag-iimbestiga ng ilang siyentipiko na pinangungunahan ni Dr. Susan Solomon, napag-alaman na ang dahilan ng pagnipis ng ozone layer sa bahagi ng Antarctica ay ang chemical compound na Chlorofluorocarbons CFCs. Ang nakakasirang kemikal na ito ay gawa ng tao at kadalasang matatagpuan sa mga refrigerants, aerosols sprays, at mga produktong plastik. Ang ozone layer ay naglalaman ng mga molikulang tinatawag na ozone, batay sa bidyu na inilabas ng National Geographic. Ayon rin dito, ang mga ozone ay binubuo ng tatlong oxygen atom na matatagpuan lamang sa bawat 10 molecule ng hangin sa ozone layer. Kokonti man, napoprotektahan nito ang mga nilalang sa mundo. Sinasabing ang problema ay nagsisimula kapag ang CFCs ay napupunta sa parteng ito ng atmospera at nahahati ang mga ito sa chlorine, fluorine, at carbon. Dahil sa chlorine, nagkakahiwahiwalay ang tatlong oxygen atom sa isang ozone molecule. Binanggit din ng nasabing Youtube channel na ang pangyayaring ito ay paulitulit hanggang sa paunti-unting nawawala ang ozone molecules sa stratosphere. Kapag nagpatuloy ang pagkakaroon ng CFCs sa atmospera, tuluyan nang mawawala ang proteksiyon ng mundo sa UV rays na magdudulot ng maraming sakit sa balat at kawalan ng balanse sa ecosystem.
Bilang tugon, noong ika-1 ng Enero 1989, epektibong ipinatupad ang Montreal Protocol na nilagdaan ng 197 na bansa. Ayon sa Vox, sa batas na ito, nilimitahan ang paggamit ng mga produktong nakasisira sa ozone layer, hanggang sa natigil nang tuluyan ang paggamit ng mga produkto sa taong 1992. Gayunpaman, hindi pa masasabing natupad ang layuning matigil ang paglaki ng ozone hole sapagkat, ayon sa NASA, ang CFCs ay maaaring manatili sa atmospera nang 50-100 na taon. Noong 2000, ayon sa website ng Earth Observatory, naitala ang pinakamataas na bilang ng CFCs sa atmospera. Ngunit patuloy din naman itong bumababa ng humigit-kumulang 4% hanggang sa kasalukuyan. Ayon pa rin sa Youtube video ng Vox noong Nobyembre 4, 2021, ibinahagi na ang Montreal Protocol noong 1989 ay, sa wakas, nakamit na ang layuning bawasan ang paggamit ng CFCs upang maprotektahan ang proteksiyon ng mundo laban sa UV rays. Ayon sa bidyu, ang ozone hole sa Antarctica ay tumigil na sa paglaki, at unti-unti nang lumiliit. Gayunpaman, binigyang-diin din sa bidyu na hindi pa rin tayo nakakatakas sa banta ng climate change. Ang HFCs at Climate Change Ayon sa Vox, matapos ipagbawal ang paggamit ng CFCs dahil sa Montreal Protocol, ipinalit ang HFCs o hydrofluorocarbons na binubuo ng fluorine at hydrogen
atoms. Ang HFCs ay ang pangunahing ginagamit sa mga refrigerators, air-conditioners, at fire extinguishers. Hindi nagdudulot ng pagkakaroon ng ozone hole ang HFCs, ngunit nakakaambag ito sa palaki na ng palaking problema sa climate change dahil ang mga kemikal ay itinuturing na greenhouse gases at climate pollutants. Ibig sabihin, ang HFCs ay nagdudulot ng pag-init ng klima. Noong 2016, idinagdag sa nakasaad sa Montreal Protocol ang pagbabawal ng paggamit ng mga produktong gumagamit ng HFCs. Ayon sa Vox, unti-unti na rin namang bumababa ang paggamit ng HFCs ngunit wala pa ring kasiguraduhan kung kailan masusugpo ang problema ng mundo sa climate change, o kung makakaya pa bang solusyonan ang problemang ito. Ngunit, ayon sa World Resources Institute, may natitira pang pag-asa. Ayon sa kanila, sa pamamagitan ng paghinto ng paggamit ng mga produktong mayroong HFCs, maaari pang mapigilan ang malalang epekto ng climate change. Iminumungkahi rin ang paggamit ng mga climatefriendly refrigerants na hindi nakakaapekto sa pagbabago ng klima. May oras pa upang masugpo ang problema sa climate change. Ngunit, kinakailangang masugpo natin ito sa mabilis na paraan. Tandaan na ayon sa World Health Organization (WHO), mayroon na lamang tayong hanggang 2030 upang mapigilan ang mga malalang epekto ng climate change.
Abante, LGBTQ+: Maghanda Ka Na SAMANTHA NICOLE IMPERIAL AT LEXINE RUST
Ilang taon ang lumipas at naisipan ni Alex bisitahin ang kanyang kapatid na si Gabe sa Haven Community. Simple lamang ang lugar doon at mukhang mababait din ang mga tao. First time niya makapunta ngunit, kahit na maganda ang kumunidad, hindi maitatanggi ang katotohanang patay na ang kapatid ni Alex. Simula lamang iyan ng bagong laro na Life is Strange: True Colors na pinangungunahan ng isang biseksual na bida na si Alex. Ilang taon na mula nang maibida ang mga karakter na kabilang sa LGBTQ+ sa mga video games at halos lahat ng kumpanya na gumawa nito ay maliliit at independent lamang. Ngayong 2021, bukas na ang ilan kung ano ba ang LGBTQ+ at paano sila nakakatulong sa mundo. Mayroon ding naibalita na may mga LGBTQ+ na ang umaabante sa larangan ng sining at iba pa.
Ang bida sa aplikasyon na iyon ay may hawak ng isang misteryosong kapangyarihan na kung saan ay nakikita niya ang mga aura ng tao at nararamdaman niya rin ang emosyon ng taong nakakasalamuha niya. Ang bagong laro na ito ang pinakabago sa dumaraming hanay ng mga video game na nagbibigay ng ilaw sa mga miyembro ng LGBTQ+. Ito rin ang ika-apat na full-length na laro sa isang serye na pinuri dahil sa paglalarawan nito ng mga character sa buong LGBT spectrum. Tulad ng mga nauna nito sa serye na iniangkop sa isang palabas sa TV, nagtatampok ang laro ng isang folk-pop na soundtrack, malambot na pastel graphics at banayad na ritmo ng paglalaro. Ang pinakabagong laro ay sumusunod kay Alex Chen, isang batang AsianAmerican na babae na niyakap ang kanyang kapangyarihang madama ang emosyon ng ibang tao habang iniimbestigahan niya ang pagkamatay ng kanyang kapatid sa kabundukan ng Colorado. May 11 LGBTQ+ na karakter na matatagpuan sa buong laro ng Life is Strange. Ang pangunahing karakter ay si Alex Chen na may psychic empathy. Ang mga karakter na makikita sa laro ay sina Max Caulfield, Chloe Price, Rachel Amber, Sean Diaz, Finn McNamara, Jacob Hackerman, Arthur at Stanley Petersen, Penny, at Steph Gingrich. Si Max Caulfield ay isang karakter na maaaring laruin. Maaaring magkaroon ng romantikong damdamin si Max para sa dalawang magkaibang karakter. Maaari niyang ituloy ang isang bagay na romantiko kasama si Warren Graham, ang kanyang malapit na kaibigan na may gusto sa kanya, o ang kanyang childhood friend na si Chloe Price na bumihag sa puso ng maraming manlalaro bilang isa sa mga unang kilalang karakter ng LGBTQ+ nito. Siya rin ang puwedeng laruin na karakter sa prequel, Life is Strange: Before the Storm. Ang
ibang mga karakter ng LGBTQ+ ay makikita sa Life is Strange, at Life is Strange: Before the Storm. Ayon kay Aliff Marshall, manlalaro ng dalawang laro, magkaibang kumpanya ang gumawa ng Life is Strange at Life is Strange: Before the Storm kaya may mga pagkakataon na ito ay may mga malungkot at nakakaantig na sandali sa pagitan nina Chloe at Rachel. Ang Life is Strange binigyan ng rewind power si Max, kung saan maaari kang pumili ng isang opsyon, tingnan kung paano ito gagana at kung hindi mo gusto ang resulta, maaari mong i-rewind at piliin ang isa pa at ito ay wala sa Life is Strange: Before the Storm. Sa halip ay mayroon itong tinatawag na "Backtalk", na parang mga karagdagang opsyon sa pag-uusap na lalabas sa ilang partikular na punto. Gayunpaman, inaasam ng mga malalaking studio ang pagkakaroon ng mas malawak na dibersidad ng mga karakter upang mas maipakita ang mga sariling karanasan ng mga manlalaro habang milyon-milyong katao ginagawang libangan ang paglalaro ng video games. Ang laro na ito ay isang magandang kuwento, na may mahusay, magkakaibang mga character, at isang bagay na mahalagang sabihin. Sa madaling salita, ito ay kailangang laruin dahil ito ay para sa parehong masugid at kaswal na mga manlalaro. Dahil sa pagkakaroon ng mga karakter na parte ng LGBTQ+, nabibigyan ng pagkakataong maunawaan ng iba pang mga tao na hindi parte ng LGBTQ+ ang kalagayan ng mga ito habang nasa kanila ang posisyon at takbo ng kwento sa laro. Mas mapapalawak ng laro ang isip ng mga tao tungkol sa iba'tibang karanasan, kagustuhan, kahirapan, at pangarap ng mga LGBTQ+. Ito'y mahalaga dahil mabibigyan ng magandang pagkakataon na itrato nang tama ang mga tao sa mundong hindi perpekto.
Ikalawang Pares Ng Mga Mata: App Bilang Gabay Sa Mga Bulag SHIARA MAE HOSMILLO
May iba sa atin na hindi kayang gamitin ang mga mata dahil sa kanilang kapansanan, ito man ay ang pagkabulag o pagkalabo ng mga mata. Kung sa ibang tao ay madali lang ang pagtingin, pagsusuri, pagtanaw o pagbasa, tunay na mahirap naman ito para sa mga bulag. Kaya naman sa pagsibol ng teknolohiya, mas naging posible para sa mga bulag ang ‘makakita’ gamit ang “Be My Eyes” na aplikasyon. Ang “Be My Eyes” ay isang aplikasyon na tumutulong mismo sa mga bulag at sa mga taong may malabong paningin sa pamamagitan ng tulong ng mga volunteers, at mga kinatawan ng mga kaakibat at mga kasosyo nitong mga kompanya. Base sa website ng Be My Eyes, nakakatulong ang mga volunteers o mga helper sa paraang video call ngunit nangangailangan ito ng malakas na data o Internet upang mahusay at maayos na maisagawa ang tawag. Base sa artikulo ng Vision Aware, ang tao sa likod ng ideya ng malikhaing aplikasyon na ito ay isang 50 taong gulang na Danish na nagngangalang Hans Jorgen Wiberg. Isa siyang manggagawa ng muwebles na nagsimulang lumabo hanggang mawala ang paningin noong 25 taong gulang pa lang siya. Dahil sa naranasang maagang pagkabulag, hiniling niya na sana’y magkaroon ng isang aplikasyon na makakatulong sa mga bulag na kagaya niya upang mapadali ang kanilang mga buhay. Gayunpaman, dahil sa pagbuo ng “Be My Eyes” na aplikasyon, maaari nang temporaryong makakita ang mga may kapansanan sa mga mata sa pamamagitan ng mga mata ng mga helper at makagawa ng kanilang pang-araw-araw na gawain gaya ng paghahanap ng bagay sa isang kwarto, pagbabasa ng sulat-kamay sa papel, pagtutukoy ng expiration date sa isang kahon ng tableta, at iba pa. Bilang karagdagan, ang ibang helper o mga walang kapansanang tao ay maaari na ring magbigay ng tulong sa mga may kapansanan sa mga mata sa pamamagitan ng aplikasyon na ito habang maluwag ang kanilang oras. Simple lang at madali rin ang paggamit nito. Ayon sa artikulo ng Perkins: School For The Blind, una munang i-download ang aplikasyon sa Google App Store, kung Android ang operating system ng iyong gadyet, o sa Apple Store, kung iOS naman, at buksan ito. Pagkatapos ay pindutin ang tekstong may nakasabing “Call first available volunteer” o “Specialized Help” saka ay maghintay na makakonekta sa unang helper. Kapag ikaw ay nakakonekta at may sumagot na isang helper para sa tulungan ka sa pamamagitan ng video call, sabihin mo agad ang partikular na bagay na gusto mong hingin ng tulong habang dinederekta mo ang kamera ng iyong gadyet sa tinutukoy mong bagay. Kapag ikaw ay tapos na, pindutin agad ang “End Call” boton. Alalahaning mabuti na nirerespeto ng kompanya ang privacy ng helper at ng humihingi ng tulong na may kapansanan sa mga mata. Kaya naman kung gagamitin mo ang aplikasyon at ika’y humingi o nagbigay ng tulong, madalas hindi pinapakita nito ang mukha at ang background na impormasyon ng helper o ng humingi ng tulong. Kung sa gayon, palaging nananatiling maikli at anonymous ang tawag. Ngayong modernong panahon, nakikita natin kung paano pinapadali ng teknolohiya ang ating mga buhay lalong-lalo na ang buhay ng may mga kapansanan. Mas napadali pa ito dahil sa mga taong may malasakit sa kanila at dahil sa kapangyarihan ng teknolohiya na makabuo ng isang bagay na nakapagbibigay sa mga bulag ng ikalawang pares ng mga mata.
24
MA L AY A • S E T YE M B R E 2 0 2 1 - P EB R E R O 2022 DIBIS Y O N NG NA GA , RE H IY ON G B IC OL
CURT JAIRUS PEREZ
Ang 2021 US Open Women’s Singles ay napuno na mga hindi inaasahang pangyayari. Katulad ng hindi pagsali ni Serena Williams sa torneo at ang pagkabigo makamit ang kampeonato ng nakaraang kampyon na si Naomi Osaka. Sa gitna na mga kaganapan na ito, isang babaeng Filipino-Canadian ang yumanig sa tennis world na nagngangalang Leylah Fernandez. Tinalo ni Fernandez sa edad na 19 na taong gulang si Osaka, upang makapasok sa finals. Ngunit nabigo siyang kunin ang tropeyo dahil straightset na pagkatalo laban sa kapwa menor de edad na si Emma Raducanu, 18. Ang kanyang pagkatalo ay nagpapataas ng kilay sa mga kritiko at tagahanga hinggil sa kanyang performance at tinatawag na 'swerte'. Ang artikulong ito ay ayaw na basagin ang bad vibes, ngunit si Laylah Fernandez ay hindi magiging isang 'one-hit wonder'. Sa 19 na taong gulang, ipinapakita ni Leylah Fernandez kung bakit siya espesyal sa pamamagitan ng pagtalo sa dalawang (2) top five seeded na manlalaro sa 2021 US Open. Ang una ay Elina Svitolina na tinalo niya sa laban: 6-3, 3-6, 7-6. Nagtala rin Fernandez ng anim (6) na service aces, 4/7 na
breakpoints, at 68% win rate sa unang serve. Sa laban niya kay Osaka, top 3, pinakita niya ang kanyang alas na malakas na forehand at deadly accuracy. Sa huli, nagwagi ang dalagita sa set na 5-7, 7-6, 6-4. Kumana ng anim (6) na service ace, 2/5 breakpoints, at 78% win rate sa unang service si Fernandez sa laro. Ang pagkapanalo niya ay nagtatag kung bakit siya isang espesyal na manlalaro. Sa pagkapanalo, binasag ni Fernandez ang record ni Serena Williams na natutulog ng mahigit 22 years. Si Fernandez at Williams ang dalawang babae sa kasaysayan ng tennis. Tandaan, nasa pangalawang taon pa lamang si Fernandez ng kanyang pro-stage ngunit wumawasak na siya ng mga higante giant slayer. Bata pa si Fernandez at marami pa siyang kailangan ayusin sa kanyang laro katulad na lasmang ng kanyang service at ang bilis nito. Pumapalo lamang sa 145-160 km/hr ang kanyang serve, mababa sa average speed 170-180 km/hr ng mga manlalaro na babae. Menor na problema ang bilis ng service ni Fernandez. Ngunit kung hindi niya ito maayos, tiyak na malaking problema ito ni Leylah pagdating sa mga gitgitan na laro na hahantong sa isang
Dalawang estudyanteng atleta, nagtamo ng medalya sa isang Global Taekwondo Championship MARK CHRISTIAN ALLYSON FEDERIO
Laban ng mga atleta ng Taekwondo sa buong mundo, dalawang estudyante mula sa Departamento ng Senior High School ng University of Nueva Caceres, ang sumali at nakakuha ng mga medalya sa katatapos na kompetisyon, ang 2021 Smart/MVP Sports Global Taekwondo Championship, na ginawa noong Setyembre 25-26, 2021. Sa 40 bansang lumahok sa nasabing tournament kasama na ang Pilipinas, 15 na atleta mula sa UNC ang sumali. Dalawa rito ay mga mag-aaral mula sa SHS na nag-uwi ng mga medalya. Si Janiela Erica Antonio mula sa Grade 12 ng GAS A ay nanalo ng Gold medal, at si Giuseppe Guevara naman ng Grade 12 ABM B ay nanalo ng Bronze medal. Parehong lumahok ang mga atleta sa Speed Kicking Category. Si Antonio sa Featherweight Division (Junior), at si Guevara naman sa Bantamweight Division (Senior). Dahil sa mahigpit na pagpapatupad ng quarantine protocols sa siyudad ng Naga , napilitang magsanay ang mga atleta sa kanikanilang mga tahanan sa pamamagitan ng video call.
GUISEPPE GUEVARRA, ABM 12
ayon kay Guevarra mula sa isang online interbyu kasama ang Malaya.
Bukod sa abalang iskedyul nila,, nagkaroon din ng kaunting problema pagdating sa pageensayo ng mga atleta. Kahit hirap na magensayo sa kani-kanilang bahay, binabantayan pa rin sila ng kanilang mga tagasanay. Ang UNC Taekwondo team ay pinangangasiwaan ng mga tagasanay na sina Rolly Bayola, Head Coach, Warner Langitan, isang guro sa UNC, at si Roel “Bing” Rosales, ports Coordinator ng unibersidad. Si Antonio ay tuwang-tuwa nang malaman niyang nanalo siya ng gintong medalya na hindi niya inaasahan.
JANIELA ERICA ANTONIO, GAS 12
Sinabi rin ni Antonio na nagdulot ito ng labis na kaligayahan sa kanya nang marinig ang kanyang pangalan na inanunsyo bilang gold medalist sa kanyang kategorya. “I am also happy because all of my hard work paid off, my family and friends were so proud and happy for me that's why I really pushed myself to win...I would like to thank god for guiding me and giving me this kind of passion, to my parents who always support me and especially to coach roll and coach warner, thank you so much I wouldn't be able to do all of this without their support,” dagdag pa niya. Maliban sa dalawang magiting na atleta sa SHS, pito pang taekwondo players ang nakakuha ng kani-kanilang medalya mula ginto hanggang tanso, at anim na manlalaro naman ay inilagay din sa pagitan ng mga ranggo 5-8 para sa Speed Kicking Category.
COLUMN: Hindi Tsamba Pagsali ni Laylah Fernandez sa 2021 US Open
TnT Tropang Giga ang bagong hari, Mikey Williams finals MVP CURT JAIRUS PEREZ
Sa pamumuno ng batikan na coach na si Chot Reyes, binaon sa hukay ng Talk-n-Text Tropang Giga ang Magnolia Hotshots. Tinalo ng TnT ang magnolia sa limang laban na serye, 1-4. Ang pagkapanalo ay nagtanghal sa kanila bilang kampeon sa 2021 PBA Philippine Cup. Ang Philippine Cup ay ang pinakaprestisyoso sa tatlong kumperensya ng Philippine Basketball Association. Ang mga sumasabak sa torneyong ito ay mga manlalarong Pilipino lamang. Ginanap ang 2021 Philippine Cup sa Don Honorio Ventura State University, Pampanga, na mayroong 11 laro. Iginawad sa rookie guard na si Mikey Williams ang inaasam na PBA Philippine Cup Finals MVP. Nagtala and finals mvp ng 27.6 points, 5.2 rebound, at 4.8 assist sa buong kumperensiya. Bukod dito, napasama rin sa listahan si ng mga pwedeng manalo ang MVP ng kumperensya. Kung manalo si Williams, siya at si Benjie Paras lang ang dalawang
manlalaro sa kasaysayan ng manalo ng MVP habang rookie pa lamang. “I feel like, this is just a surreal moment for all of us.We definitely put the work in, we definitely put the time in, it's been a long season, it's been real challenging for everybody. I think we're all just really blessed to be in this moment and I think we're just going to enjoy it,” ayon sa on court interview kay Williams. Samantalang sinaluduhan naman ng head coach ng TnT na si Reyes si Williams sa kanyang work ethic.
Samantalang dahil si injury na natamo ni Johy “Poy” Erram, sentro ng TnT, nung semifinals kontra San Miguel Beermen ay hinigpitan ang kanyang laro. Natamo ni Erram ang kanyang injury isang looseball play sa 8:29 ng second quarter, kung saan nadaganan at nasiko siya sa mukha ni Moala Tautuaa. Ang PBA Governor’s Cup ay inaasahang magsisimula sa pangatlo o pang-apat na linggo ng Nobyembre. Ang Governor’s Cup ay isang kumperensya na papayagan kumuha ang team ng isang foreign player o “import”. Ang dalawang inaabangan na import na sasabak ay ang magbabalik na si Justin Brownlee at dating NBA Player Shabazz Muhammad.
PVL, ‘Bubble’ training Setups nagbalik MARK ALLYSON FEDERIO
Nang dahil sa CoronaVirus Disease 2019 (COVID-19), Ang Premier Volleyball League (PVL) ay naghahangad ng magandang simula sa pagbalik nito sa Volleyball sa isang ‘Bubble’ Setup. Ayon kay Sports Vision president na si Ricky Palou, hinahangad niyang ma-finalize ang deal sa venue sa tatanggap ng kanilang badyet na P20 milyon. “We’re looking at two possible venues- one is the INSPIRE Sports Academy of NU and the other one is Trace Colleges, both in Laguna,” sabi ni Palou nung weekly Philippine Sportswriters Association (PSA) forum last year November 17. Ang PVL ay kabilang sa mga league events at aktibidad na nakabinbin matapos muling ideklara ang karatig lalawigan sa buong Maynila na sumailalim sa Enhanced Community Quarantine (ECQ) dahil sa mataas na bilang ng mga kaso ng COVID-19. “Of course nothing’s final yet, we’re still negotiating with them and for this, we’ll be looking for a sponsor to help us with this bubble tournament”, dagdag ni Palou. Idinagdag ng Palou na ang PVL ay tumutuon sa pagtatanghal ng una nitong kumperensya sa bubble set up sa loob ng anim na linggo bago gumawa ng mga pagsasaayos para sa mga susunod na kumperensya.
RICKY PALOU
Ang liga ay optimistiko na ang IATF ay magbibigay ng berdeng ilaw para sa pagsasanay sa pagtatapos ng Nobyembre 2020. "We’re working that out with the Games and Amusements Board (GAB). Hopefully by the end of the month, we’ll be able to get the teams to work out together...Initially, they’ll probably have groups of 4 or 6, but eventually, we feel that the IATF, through the GAB, will allow the teams to start working together. We’re hoping for that and we feel that this is necessary for the teams to prepare for our competition," dagdag niya. Ang PVL ay inaprubahan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) para simulan ang team practices na susundan ng opisyal na sisimula ng 2021 season. Idinaos ang kauna-unahang laro ng Season 21 ng PVL sa Centennial Arena sa Laoag, Ilocos Norte. Ilang araw bago ang tournament, ang Laoag ay isinailalim sa
Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ), pansamantalang inilipat ng mga club ang venue sa PCT Socio- Civic and Cultural Center sa Bacarra, Ilocos Norte. Nagsimula ang kumperensya noong Hulyo 17, 2021, tumanggap ng 12 na koponan ang Bubble. Sa isang lihim mula sa koponan Creamline at Choco Mucho, hinihiling nila sa GAB ang ‘bubble’ na pagsasanay bilang bahagi ng paghahanda sa kanilang pagpasok sa PVL ang unang propesyonal na indoor volleyball league ng bansa. Bukod sa 2 koponan, may 10 pang koponan na pumasok din sa ‘bubble’ training sa iba’t ibang lugar sa bansa, mula Baguio hanggan Cainta, Rizal.