Hulyo-Agosto 2018

Page 1

Mapagpalayang kaisipan sa malayang pahayagan

Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

New budget system stirs educ budget cut BALITA

LATHALAIN

KULTURA

Villagers to AFP: it’s best if you leave

O Baguio Haven for All People

Dear 2018-XXXXX

page 4

page 5

page 9

Para sa mga bagong Iskolar ng Bayan


2 EDITORYAL

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

HUWAD NA PAGBABAGO

S

a kabila ng paghihirap ng sambayanang Pilipino dahil sa pagtaas ng presyo ng mga bilihin at kakulangan sa pasahod, mas pinagtutuunan pa rin ng administrasyong Duterte ang pagsulong ng pederalismo. Itinuturing itong susi ng kasalukuyang administrasyon sa pagtupad nito ng mga pangakong pagyaman ng bansa at pagunlad ng mamamayan. Kasama ng pagpapatupad ng pederalismo ay ang pagkakaroon ng Charter Change --isang kwestionableng desisyon ng administrasyon. Mahahati ang pamamahala sa mga rehiyon o nagsasariling estado (federal governments) na sumasagot sa isang sentral na pamahalaan (central government), kung maipapatupad ang isinusulong na bagong porma ng gobyerno. Kahit bago pa maupo si Presidente Rodrigo Duterte sa pwesto, pilit na niyang sinusulong ang pederalismo upang itigil ang dinastiyang politikal sa bansa at lutasin ang kaguluhan sa Mindanao, dahil maibibigay na sa mga Moro ang matagal na nilang kahilingang magkaroon ng sariling estado sa pamamagitan ng Bangsamoro Basic Law (BBL). Tinitingnan niya rin itong sagot sa mga usaping pang-ekonomiya, kung saan magkakaroon ng mas maayos na distribusyon ng yaman sa bawat rehiyon sa bansa. Nakasaad sa Art. XV, Sec. 3d, 4d at 6 ng inihain na borador ng konstitusyon na magkakaroon ng kapangyarihan ang

“Kung tiitgnan, ang pederalismo ay isa lamang tabing, isang balatkayo, upang baguhin ang kasalukuyang konstitusyon. Hindi to usapin ng pagpapatupad.”

susunod na mga senador at kinatawan sa kongreso na bigyan ng karapatang magmay-ari ng lupa sa Pilipinas ang mga pribado at malalaking dayuhang korporasyon. Sa esensya, mas mapapadali ang malayang paggamit at pananamantala ng mga dayuhang bansa ang mga yaman at pagmamay-ari ng bansa–bagay na matagal na nilang ginagawa. Isa pang nakababahalang probisyon (Art. III, Sec. 14, at Art. VIII Sec. 18a, b, at f) ang kakayahan ng pangulo na magpatupad ng Batas Militar, o kahit anong aksyon, sa pagkakataong sumailalim ang bansa sa estado ng “lawless violence.” Ngunit dahil hindi naman nakasaad sa kahit saang parte ng borador kung ano ang sitwasyon na maituturing bilang ‘lawless violence,’ maaaring magpatawag ang pangulo ng Batas Militar kahit kailan man niya gustuhin. Mas lalo pang madadagdagan ang kapangyarihan ng presidente, sa ilalim ng proseso ng pagpapatupad ng pederalismo, dahil magkakaroon ng kakayahan ang presidente na tanggalin ang kahit na sinong opisyal ng gobyerno o kaya naman ay itigil ang operasyon ng isang ahensya ng gobyerno. Ibig sabihin, maaaring tanggalin ng pangulo ang mga taong posibleng maging hadlang sa pagpapatupad ng pederalismo at sa kanyang pamamahala. Bukod pa rito, ang pagkahati

Opisyal na Pahayagan ng mga Mag-aaral ng Unibersidad ng Pilipinas-Baguio mapagpalayang kaisipan sa malayang pahayagan

Patnugutan Punong Patnugot Daoden Kate Sarmiento Kawaksing Patnugot John Rey Dave Aquino, Quimberlyn Ranchez Tagapamahalang Patnugot Nicole Falcasantos Patnugot sa Kultura Kimberly Joy Alejo Patnugot sa Balita Jemimah Cresencia Patnugot sa Disenyo Maria Elaine Pamisaran Kawani Alexandria Ravago, Chelsea Serezo, Charlene Favis

ng pamamahala sa mga rehiyon o nagsasariling estado ay magbubunga ng pamamayagpag ng mga pamilyang may dinastiyang pinangangalagaan sa kanilang sari-sariling teritoryo. Sa ganitong lagay, mas lalaki ang posibilidad ng korapsyon at pananamantala sa mahihirap, batay sa kasalukuyang kalagayan ng Pilipinas. Kung tiitgnan, ang pederalismo ay isa lamang tabing, isang balatkayo, upang baguhin ang kasalukuyang konstitusyon. Hindi ito usapin ng pagpapatupad ng pederalismo kundi paraan upang dagdagan ang kapangyarihan ng pangulo at mga kaalyado nito. Dadagdag lamang sa problema ng korapsyon at kawalanghustisya ang pinaplanong pederalismo ng administrasyon. Kapangyarihan para sa iilan ang dulot ng pederalismo, hindi kaginhawaan para sa mas maraming naghihirap. Bilang mga estudyante tayo ay dapat maging kritikal sa mga polisiyang ipinapatupad ng estado na wala namang ginawa kundi pahirapan ang mga Pilipino. Huwag nating hayaan na habang nalalapit na ang pagpapatupad ng pederalismo sa bansa ay tatanggapin na lamang natin ang lahat ng ilalatag sa atin ng pamahalaan. Tayong mga estudyante ay may responsibilidad na pagsilbihan ang masa kaya simulan natin ito sa pamamagitan ng pagiging kritikal at mapanuri na walang takot at may layuning pasilbihan ang mamamayan. Miyembro ng College Editors Guild of the Philippines (CEGP) at Solidaridad, Alyansa ng mga Pahayagang Pangkampus sa UP Email: upboutcrop@gmail.com Facebook page: UP Baguio Outcrop Twitter account: @UPB_Outcrop Unang Palapag ng Alumni Center Building, UP Baguio, Gov. Pack Road, Baguio City


BALITA 3

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

RSS removed from Free Tuition Policy \\ Nicole Falcasantos

M

asakbayan and Kabataan Partylist motions to remove the Return Service System/Return Service Agreement (RSS/RSA) under the RA 10931 or the Universal Access to Quality Tertiary Education on July 30.

Rule 2, Section 4 of the RA 10931 Implementing Rules and Regulations (IRR) states the obligation of universities to formulate their own RSS/ RSA as an exchange to the free education system students are benefitting from. Under it is the opt-out mechanism which enables the students to pay or opt out of paying the corresponding Tuition and Other Fees Increase (TOFI) in his/her school. But if a student opts out of paying, he/she must fulfill specific obligations, like rendering hours of service to the university as a student assistant. In a press briefing of the Commission on Higher Education (CHED) on March 2018, Prospero De Vera III, officer-in-charge of said government agency, stated

that it is the responsibility of students under the RA 10931 to repay the government through a form of service while still in their universities. “Ayaw mo mag-return of service, eh di magbayad ka ng tuition, that is the provision of the law (If you don’t want to perform return of service, then pay the tuition, that is the provision of the law),” de Vera added. On September 20, CHED finally removed the RSS from the IRR. On July 30, Kabataan Party-list (KPL) Representative Sarah Elago and Representative Antonio Tinio of ACT Teachers Partylist motioned to hold CHED’s budget if it will not remove the RSS. For the KPL Cordillera, putting up and implementing the RSS has no legal basis

and just came out from a provision of the IRR earlier this year, making it a payment scheme for the supposed free education. Christian Dave Ruz, spokesperson of KPL Cordillera, said that even State Universities and Colleges (SUCs) and Local Universities Colleges (LUCs) got confused in how to implement the RSS. “In the Cordillera, during the enrollment A.Y. 2018-2019, no SUC has made clear guidelines on the implementation of RSS, except Benguet State University that provided a waiver having no details at all. However, it posed threat to thousands of Filipino youth especially that in some SUCs like Cagayan State University, the RSS turned out to equate

to almost 15 working hours per week, and if converted to wage, it costs almost P18,000 per semester,” said Ruz. According to reports from by the College Editors Guild of the Philippines- Cordillera (CEGPCordillera) on August 2018, several SUCs and LUCs in the region still require students to pay fees despite the implementation of RA 10931. The Kalinga State University (KSU), as per CEGP reports, still collected ‘minimal fees’ that range from P1000-P2000 which were named as ‘Testing Fee,’ ‘Related Learning Experience Fee’ (specific for Midwifery students), ‘Clinical Practicum Fee’ (specific to BSMID students),‘Equipment Modernization Fee,’ and ‘P.E. Uniforms.’

In BSU, it was expressed in the deferred contract of their RSA that the University will still collect fees that were not indicated in the Sec.3 of the IRR of the Free Tuition Policy that defines the different forms of TOFI. Students in different state-funded universities and institutions in the country were reportedly being asked to choose whether to avail free tuition and render hours as a student assistant or opt out of the free tuition policy and pay the Tuition and Other School Fees (TOSF). In return, those who decided to opt out will be excluded from the RSS. Despite the suspension of the implementation of RSS/ RSA, reports claim that the collection of TOSF is still prevalent in some SUCs and LUCs.

Domogan: IPs not discriminated in Baguio City government deems IPMR unnecessary \\ Angela Dela Cruz

T

he Baguio City government rejected the call to let the indigenous people’s mandatory representative (IPMR) take a seat in the City Council despite calls from indigenous peoples’ (IP) organizations.

Despite being explicitly stated in the Indigenous Peoples Rights Act (IPRA) that an IPMR represents IPs in local government units, the city government refused to acknowldge this, saying that an IPMR is no longer needed in a place where majority are IPs. They also said that eight of the councilors are already IPs and will make it redundant to place an IPMR. Also, the City Council has approved the Php 2.056 billion annual budget for the city, allotting zero funding for the IPMR office. In a statement of the Cordillera Peoples AllianceTongtongan ti Umili (CPATTU), Mayor Mauricio Domogan and his associates assert that Baguio’s nonimplementation of the IPMR rule does not violate any of the indigenous people’s human rights. The Mayor stressed that IPMR should only be given to places where the IP are

the minority to avoid reverse discrimination. The alliance condemns the refusal to let the duly-chosen IPMR to take a seat in the council. They say that this only adds to the national oppression experienced by IPs in all its forms—government neglect, land grabbing, development aggression, non-recognition of indigenous socio-political structures and cultural bastardization. “It is saddening but it is not new,” Ned Tuguinay, spokesperson of the Progressive Igorots for Social Action (PIGSA), said. Even if almost half of the legislative body of Baguio are indigenous people, there is no assurance that their programs addressed problems of IPs in the city. There is always a need to appoint because there are problems that similarly need to be addressed, Tuguinay explained.

Tuguinay also said that, “The Igorots assert the power and authority in the legislative office of the current IPMR representative selected by the Ibaloys of Baguio, who were the original inhabitants of the area. There is always

a continuing call of different IP groups for a genuine representation and that one way of doing this is by selecting an IPMR representative.” In relation to these issues faced by the indigenous peoples of Cordillera, Igorots,

with other IPs, celebrated the World Indigenous Peoples Day on August 9 through protest actions and cultural parades to call for more intensified struggle for the defense of their life, land, and rights.

cORdiLLERA. PAGTA showcases the Cordillera culture to the freshmen with a cultural dance.

\\ Photo by Daoden Kate Sarmiento


4 BALITA

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

Villagers to AFP: it’s best if you leave \\ Alexandria Ravago

O

ccupying residential houses in Sitio Dandanac, Barangay Tamboan, Besao, Mt. Province since July, the 81st Infantry Battalion of the Philippine Army (IBPA) have frightened and restricted the villagers’ peaceful community.

Reports from a factfinding team, which is composed of members from Cordillera Human Rights Alliance (CHRA), Center for Development Programs in the Cordillera (CDPC), and the Mountain Province Human Rights Advocates (MPHRA), stated that the government army, led by 1st Lt. Jade Gavino, started to encamp in the villagers’ houses, after a 20-minute firefight on July 15. Lt. Gavino claimed that their encampment is simply

for implementing security measures and facilitating community program activities like medical missions and infrastructure projects. The villagers, on the other hand, expressed that the presence of the soldiers and guns caused fear and uneasiness. According to Sgt. Jose Villena, they asked permission from the homeowners before encamping in their households and some

Dandanac families took them in. Some Dandanac families, however, stated they were hesitant to turn the soldiers away because of the soldiers being in full battle gear. Resident and Cordillera People’s Alliance member Carol Bagyan, whose home was occupied by soldiers, said that the soldiers did not ask her permission to occupy her house and she asked the soldiers to leave. Moreover, Lt. Col. Charlie Castillo, the 81st

IBPA commanding officer of the 7th Infantry Division, issued safe conduct passes dated August 6 that contains the names of Dandanac and Tamboan residents. But, the villagers expressed that they do not feel that the passes guarantees their safety. Only when using the pass are the residents allowed to move around freely. Besao resident Roda Dalang, who works with CDPC, said that Dandanac is a CDPC area and a safe

conduct pass should not be a requirement for residents to be able to move around. MPHRA Chairperson Father Joseph Requino also expressed that the pass is for the soldiers, not the residents. He added that because the villagers know one another, they can identify outsiders, unlike the soldiers. He also asked the soldiers why the resident certificate is not enough to prove... continue to page 6

UPB Freshie Consol Night canceled, moved to a later date \\ Dayanella Jucutan & John Paul Taguinod

T

he University of the Philippines Baguio-University Student Council (UPB-USC) canceled the traditional consolidation night amid the “Freshie Week.”

As freshmen start their school year, the UPB community prepares activities for them. First of the many events lined up is their “Freshie Week” followed by the traditional Consolidation Night or Consol Night. Consol Night Gloom Unfortunately, the Consol Night on Friday, September 7, was canceled due to the inclement weather and insufficiency of facilities inside the university to accommodate more than 800 people, including freshmen and audience. Primarily, the event was supposed to be held at the UPB Parking Lot to freely accommodate all freshmen. Although each freshman bloc throughout colleges were very much prepared, the UPBUSC along with the UPB administration pushed for the event’s cancellation. According to the Director for Student Affairs, Prof. Erlinda Palaganas, the university could not risk the participants’ safety. The contingency venue for the event was the College of Science Courtyard, but due to the nature of the event, there are safety risks, like a stampede. “Sabi ko nga sa USC,

tanggapin na lahat ng batikos. Pero, kailangang i-cancel ang event,” Palaganas stated. The USC stated that they tried coming up with different solutions to accommodate all freshmen students. Odeza Urmatam, CAC Representative, stated in an interview that they tried to search for venues that can accommodate more than 800 people outside the school, but they failed to find one. “Naghanap talaga kami ng mga venue na may roof. Kaso nagkaroon kami ng difficulties dahil sa reservation namin sa Teacher’s Camp dahil meron nang nakareserve na event,” Urmatam explained. According to Urmatam, they tried looking for other venues like the Baguio City High, SLU Auditorium, UB Auditorium, and YMCA but none of these were available due to certain constraints. The USC’s last resort then, according to Urmatam, was the parking lot. But because of the inclement weather, it was not possible to hold the event in the parking lot; thus, the USC decided to cancel the event. “The cancellation of consol night doesn’t mean na ito na yung mga magiging future ng lahat ng susunod naming events, ito ay naging resulta lang ng unfortunate events na

naganap sa araw na yun,” Urmatam also said as she asked for the freshmen’s understanding. “Sa kasalukuyan, wala tayong demokratikong espasyong makaka accommodate ng 800 people,” she added. This is due to the numerous constructions of spaces that should have accommodated more than 800 students. The USC was highly apologetic for the unfortunate event and asks for the students’ understanding.

“Sana maintindihan nila na there are a lot of factors na pwedeng maka-apekto sa isang decision,” UPB-USC Finance Officer, Vernz Muñoz explained. He said that there was difficulty in processing their paper works due to a misunderstanding regarding the appointment of USC’s adviser. Regarding the venue, Muñoz stated that they requested a certain amount of money to accommodate all participants and audience of

the event. “For the Consol Night, nakapaglabas ang finance committee, nakapag-request ng Php20,000 para sa Consol Night. Mahirap siyang i-purchase request sa admin pero pinag-uusapan na yung plano for the venue,” he added. For freshman student Mikhaila Sarita, the cancellation of the Consol Night was disappointing for but she still looks forward to it. “Medyo disappointing ... continue to page 11

tHE NORTH REMEMBERS. University of the Philippines Baguio students lighted candles in commemoration of Kian Delos Santos’ death anniversary and all other victims of the Duterte administration’s war on drugs.

\\ Photo by Divine Peñaflor


BALITA 5

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

New budget system stirs educ budget cut \\ Nicole Falcasantos

W

ith the cash-based budgeting system the government is implementing, the Department of Education (DepEd) and the Commission on Higher Education (CHEd) will experience the possibility of a massive budget cut by 2019.

CASH-BASED SYSTEM According to the Department of Budget and Management (DBM), government agencies will transition from obligation-based budgeting system to Annual Cash-Based Appropriations (ACBA) for the regulation of the upcoming 2019 national budget as included in this year’s Budget Reform Act. DBM Secretary Benjamin Diokno said during a report last July that the budget reform sought to modernize the budget system of the country for it to be one of the top 10 budget institutions in the world. From the obligation-based budgeting system that covered projects of government agencies for a certain span of time, short-term or long-term, the cash-based system will only accommodate one fiscal year of the government agencies including DepEd and CHEd that would only cover a portion of the academic year of schools. INSUFFICIENT FUNDS The budget of DepEd amounting to P580-billion from 2018 will reach the probable decrease of approximately 8.9% comparing it to its allotted 2019 budget which approximately amounts to P528-billion. In the statement released by DepEd, despite large funds allotted for educational sectors,

it will not be sufficient for the basic educational fund, learning tools and equipment fund, and computerization program, as well as the funding for new teachers of the agency. According to DepEd Undersecretary for Administrative Service Alain Del Pascua, the approved budget for building new classrooms amounts to only P10.2-billion from the proposed P116-billion, expecting only 4,089 classrooms instead of the agency’s proposed 46,415 new classrooms for 2019. Funds for textbooks and instructional materials are also affected, leaving only P1.8-billion, making it 40% lower from the previous year. The funding for new teachers amounts to only P2.2-billion, which is 90% lower from the 2018 budget as indicated in the National Expenditure Program (NEP) of DBM. “In the field, parati pong pinapaabot sa amin ng mga teacher, abonado pa sila, kasi nagpri-print out sila ng instructional materials, tapos pino-propose niyo ngayon 40 percent reduction in the budget,” ACT TEACHERS party-list Rep. Antonio Tinio said in a report.

budget allotted for student aid programs for college students would have a probable decrease of about P3-billion compared from last year’s student aid program budget based on the NEP. From this year’s P4.73-billion budget, only P1.7-billion is being proposed for the 2019 student financial aid program budget, which will limit the number of beneficiaries from higher education institutions (HEIs). CHEd Officer-in-Charge Prospero De Vera III stated in

LIMITED SCHOLARS Despite the increase of proposed funds for free tertiary education for 2019, the

alternative classroom. Marc Mendiola discusses the mental health and what it means to have a mental illness. The discussion deepens as he tackles the need for a better mental health care system in the Philippines.

a press conference in September that the CHEd’s budget cut would have less impact in students in public universities than in private ones because of the free tuition policy. “The impact would be less on scholars who are enrolled in public universities because tuition and miscellaneous are already free. But for those who are enrolled in private universities, they will have no more assistance from the government to offset their tuition costs. The ones who will be affected are really the scholars who are en-

rolled in private universities,” said De Vera. As an alternative, De Vera stated during CHEd’s budget hearing on September that the Free Tuition Policy has a Tertiary Education Subsidy (TES) that covers even private university scholars under the condition that the students enrolled in private universities are in areas where there are no state or local universities and colleges. However, there is only a limited amount of students who will be accommodated in TES.

\\ Photo by Nicole Falcasantos

85 kaso ng pag-atake sa mamamahayag, naitala \\ Kate Paulyne Tayco

U

mabot na sa 85 ang naitalang kaso ng pag-atake sa mga mamamahayag at paglabag sa press freedom o malayang pamamahayag sa bansa sa ilalim ng administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa datos ng Center for Media Freedom and Responsibility (CMFR), National Union of Journalists of the Philippines (NUJP), Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), at Philippine Press Institute (PPI) umaabot na sa 85 kaso ng pag-atake sa mamamahayag kung saan siyam na mamamahayag ang napatay samantalang 14 naman ang sinampahan ng kasong libel. Maliban sa kabikabilang kaso ng pagpatay at pagsasampa ng libel, nakararanas din ang mga

mamamahayag ng mga banta at tangkang pagpaslang. Anim na mamamahayag ang inatake, tinakot at inaresto ng pulisya sa naganap na marahas na pagbuwag sa mga manggagawa ng NutriAsia sa harap ng NutriAsia Factory sa Marilao, Bulacan. Kabilang sa mga biktima ang kasalukuyang deputy secretary general ng NUJP Nueva Ecija na si Rosemarie Alcaraz kung saan siya ay pinalo ng batuta habang kumukuha ng video footage ng nasabing pagbuwag. Samantala, inaresto naman sa nangyaring gulo ang mga

mamamahayag na sina Hiyas Saturay, Eric Tandoc, Avon Ang at Psalty Caluza ng AlterMidya, at Jon Angelo Bonifacio ng UP Diliman Scientia. Ayon kay Joseph Cuevas ng Kodao Productions, bagaman hindi siya naaresto, ay nakatanggap naman siya ng pananakot sa mga gwardya na sisirain ang kanyang kamera kung hindi niya ititigil ang pagkuha ng video footage sa nasabing pagbuwag. Batay sa ulat ng NUJP, ang lumalaking datos na ito ay patunay lamang ng dumaraming kaso ng paglabag

sa press freedom o malayang pamamahayag sa bansa. Laban para sa malayang pamamahayag Kaugnay nito, kinondena ni United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) Director-General Audrey Azoulay ang nangyaring pagbuwag at sinabing hindi dapat malaya ang mga taong gumagamit ng karahasan upang limitahan ang kalayaan ng pamamahayag. Binigyang-diin naman ni Melinda Quintos de

Jesus, CFMR Executive Director, na kahit kritikal ang kondisyon ng Pilipinas hinggil sa pamamahayag ay hindi ito nangangahulugang mananahimik na lamang ang mga mamamahayag sa bansa. Bagaman isang demokratikong bansa ang Pilipinas, sa kasalukuyan ay kinikilala itong pinakadelikadong bansa sa Asya para sa mga mamamahayag, batay sa ulat ng Reporters Without Borders noong Disyembre 2017.


6 BALITA

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

K-12 curriculum subject to review

\\ Jemimah Keziah Cresencia

A

s the first batch of K-12 enters college this academic year, improvements are suggested to be made to the current curriculum. Department of Education (DepEd) Secretary claimed that a review of the K-12 curriculum will be done two years after its implementation.

The said K-12 program is said to be a program that will prepare the students to be globally competitive and to even have the choice to work immediately after their last year in senior high school. However, according to a study conducted by the Philippine Business for Education (PBED) last April, only 20 percent of 70 of the country’s top companies are willing to hire K-12 graduates. Although DepEd insists on being confident that K-12 graduates are job-ready, another survey by JobStreet revealed that only 24 percent of employers using JobStreet are inclined to hire K-12 graduates. In a report, Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representatives Antonio Tinio and France Castro stated that K-12 program will just add up to the number of jobless citizens waiting for opportunities that is never available for them. Data from DepEd showed that dropouts increased by 11 percent since the implementation of K-12 in 2013. The dropouts in elementary increased from 431,000 in 2011 to 1.4 million in 2016 while dropouts in high schools numbered 3.4 million. DepEd Secretary Leonor Briones said that the K-to-

12 curriculum will be reviewed two years after its implementation. Briones said that the curriculum must be able to teach the students important life skills and how to adapt to changes. She pointed out how schools had focused on teaching good English for graduates to be employed by call centers. For Briones, robots will soon replace call center agents in other countries, so our nation should know how to build those. “We have to teach our children to be the ones to make the robots and this is why we are teaching robotics in the high schools,” Briones stated. In a report, Benjo Basas, Teachers’ Dignity Coalition National Chairperson, said that teaching values like patriotism and respect for human rights and the rule of law should be part of a reformed curriculum. He said that Philippine History should also be a focus in the curriculum. “For one, Philippine History is no longer taught in high school. It also affected the reduction of required Filipino and social science subjects in the tertiary level,” ACT Philippines Secretary General Raymond Basilio said in a report. ACT also said that DepEd should do “an honest evaluation of the whole K to

Kaliwang Sulok SPOLIARIUM SA ULAN \\ Kuha ni Divine Peñaflor

12 program and see that it is better abandoned altogether than be maintained or reformed.” A total of 50,913 senior high students enrolled last school year 2017-2018, with 21,370 enrolled in public

schools, 26,886 enrolled in private schools, and 2,657 enrolled in state universities and colleges (SUCs). In Cordillera, the program of Technical-VocationalLivelihood Track has the highest number of enrollees

last school year 20172018, with the Academic Track-Science, Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) being the second, according to data from DepEd.

IP DAY 2018. Amid rain, peoples of the Cordillera celebrated International Day of the World’s Indigenous Peoples Day with a cultural parade along Session Road, Baguio City. A cultural gathering followed after the parade at the People’s Park.

\\ Photo by Daoden Kate Sarmiento

Villagers to AFP: it’s best if you leave continued from page 4

... they are residents. Meanwhile, reports also stated that local farmers have been afraid to tend to their crops since the firefight because the fields are near to the two encounter areas. The soldiers also require farmers to present their passes before being allowed to go to their farms. “We have no choice but to comply because we have to tend to our farms and bring home our harvest or the rains would damage them. We have to eat,” a local farmer said. Farming is the main source of living in the village. Their rice harvest, which was supposed to feed them for a whole year, was reduced by half due to the military presence in their village and the earlier incidents. “We are not free to move around. It is best if they leave,” an elder in the village said.


KULTURA 7

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

Sa Piling ng Hukbong Mapagpalaya \\ Daoden Kate Sarmiento

Nakakadiri. Nakakasuka. Dahil, sa bawat pagkaing nilalasap ko pala, sa bawat serbisyong natatamasa, may libo-libong manggagawang pinagkakaitan ng karapatan, may pagdanak ng dugo… Kulang ang mga salitang gagamitin ko sa artikulong ito para maipahayag ang aking karanasan sa loob ng iba’t ibang piketlayn. Pero, susubukan ko pa rin. Tulad ng mga manggagawang araw-araw sinusubukang makamit ang kanilang mga karapatan… susubukan ko. Hindi ko inakalang ang simpleng internship ko sa AlterMidya, isang alternatibong pahayagan sa Maynila, ay magbibigay sa akin ng hindi makalilimutang karanasan. Kung Saan Bida Ang Saya Nanunuot ang init sa may Bicutan. Malas pa dahil sobrang trapik sa dinaanan namin patungo sa unang welga ng mga manggagawa ng Jollibee Food Corporation o JFC. Sa harapan ng warehouse ng JFC, doon nagsasagawa ng programa ang mga manggagawa. Kitang-kita sa kanilang mga mukha ang pagtitiis sa katirikan ng araw para lamang maipahayag nila ang kanilang kalagayan. Biglaan ang pagtatanggal sa halos 400 na manggagawa, na may kontrata sa iba’t ibang ahensya tulad ng Toplis Solutions, Inc. Lahat sila ay may sinusuportahang mga pamilya. Ngayong nawalan sila ng trabaho, hindi na rin nila alam kung paano nila bubuhayin ang kani-kanilang mga pamilya. Pagkatapos ng programa nila, inanyayahan nila kami. Sakay ng kanilang mga motor, ihinatid nila kami sa bahay ng isang manggagawa na pwede naming makausap ukol sa mas malalim nilang kalagayan. Si Kuya Wilbert, 27 anyos, ay dating isang picker sa factory. Wala pa siyang isang taon sa JFC nang siya ay tanggalin. Sa kanilang bahay nakatira sila ng kanyang mag-ina. Apat na taong gulang pa lamang ang kaniyang unica hija at ang kanyang asawa naman ay hindi makapagtrabaho dahil sa isang maselan na sakit. Para kay Kuya Wilbert, sobrang hirap mamuhay nang walang trabaho, kahit pa iisa lamang ang kanilang anak. Kailangan nilang hatiin ang halos 13,000 niyang kinikita sa isang buwan, sa bayad para sa kanilang upa, pagkain, gastos sa gamot ng kanyang asawa, para sa pag-aaral ng kanyang anak, kuryente at tubig. Masaya kaming pinakitunguhan ng pamilya. Humingi pa sila ng dispensa dahil hindi man lang nila kami mabigyan ng pagkain. Sa totoo lamang ay nakakahiya na naisip pa nilang pakainin kami habang wala kaming maibigay na tulong sa kanila. Ngunit, habang kapanayam namin sila ay hindi napigilang umiyak ng asawa ni Kuya Wilbert, at ang tangi niyang nasabi sa amin ay “Ang hirap kasi. Sana maipalabas niyo ito sa marami at malaman nila na ganito ang lagay namin.” Matapos ang isang linggo ay bumalik kami sa harapan ng JFC. Nagtayo na ng piketlayn ang mga

“Sa bawat lata ng sardinas ng Unipak, may daan-daang kababaihan ang pinapaamoy ng formaline. Sa milyon-milyon nillang ibinabayad sa kanilang mga advertiser, ay kakarampot lamang nito ang ibinibigay nilang mga sahod at benepisyo sa mga manggagawa nila.” Iginuhit ni Mikhaila Sarita Disenyo ng pahina ni Maria Elaine Pamisaran BIYAHENG LANGIT Iba- iba ang konsepto ng bawat tao sa langit. Sa paglalakbay, maraming bagay ang nalalaman natin, mga kuwentong nililikha ng mga tao at lugar na nakikilala natin. Ito ang langit sa pagbibiyahe, bagong pagtuklas sa isang bagong mundo.

manggagawa ng JFC. Ika-28 ng Hunyo, nakita ko kung paanong sinubukang buwagin at sirain ang tinatayo nilang kubol (bahay ng piketlayn) ng mga guwardiya at pulis. Nakita ko kung paanong nagkaisa ang bawat isa upang protektahan ito. Noong araw na iyon, nabuo nila ang kanilang kubol at hanggang ngayon, sila doon ay nakasandal. Kung Saan Sardinas Ang Kababaihan Sa bawat lata ng sardinas ng Unipak, may daandaang kababaihan ang pinapaamoy ng formaline. Sa milyon-milyon nilang ibinabayad sa kanilang mga advertiser, ay kakarampot lamang nito ang ibinibigay nilang mga sahod at benepisyo sa mga manggagawa nila. Hindi makatao ang Unipak sa kanilang manggagawa. Ikinwento sa amin ni Ate Norminda, 27 years nang nagtatrabaho sa Unipak, na wala silang mga benepisyo tulad ng SSS at PhilHealth. Wala ring ibinibigay na tulong pinansya ang Unipak sa kanila kapag sila ay nagkakasakit. Sa tinagal-tagal nila sa Unipak, tiniis nila ang ganitong uri ng sistema, kaysa mawalan ng trabaho. Ngunit, ngayon, nagkaroon na sila ng lakas ng loob. Sa kasalukuyan, bunga ng hinaing at may naipasang batas na nagbibigay ng 100 araw na maternity leave para sa mga babaeng manggagawa. Isang batas na kumikilala sa ambag ng kababaihan sa pagsulong ng bansa. Isang batas na nagsusulong na kilalanin pa ang karapatan ng mga babae bilang mga babae. Sa sandaling pagsama ko sa kababaihan ng Unipak, nakita ko kung gaano sila kapursigido, kadedikado, sa pagsulong ng kanilang mga karapatan. At sa tingin ko ay napakaganda noon. Kung Saan Nagsimula Ang Lahat Sa harapan ng isang factory sa Marilao, Bulacan nagsimula ang lahat. Sa piketlayn ng mga manggagawa ng NutriAsia humugot ng lakas ng loob at paninindigan ang kasalukuyang welga. Sa piketlayn ng manggagawa ng NutriAsia, kagandahang-loob ang sumalubong sa amin ng mga kasama ko. Tatlong beses kaming binigyan ng pagkain. Malugod naming tinanggap ang mga hinanda nilang pagkain. Nakinig kami sa kanilang mga kwentong puno ng pagkakaisa at pagmamahal para sa bawat isa. “Pinagdiwang pa nga namin ang monthsary ng pagtatayo namin nitong piketlayn namin, may mga nag-birthday pa nga rito eh. Alam mo ‘yun, kahit na ganito kalagayan namin, pamilya kami rito,” sabi sa

akin ni Kuya Alvin, bise-presidente ng kanilang unyon habang nililibot niya ako sa paligid ng piketlayn. Ika-14 ng Hunyo nang bayolenteng idinisperse ng kapulisan kasama ang ilang security guards ng NutriAsia ang mga manggagawa ngunit naprotektahan ang hanay ng mga manggagawa. Ang nangyari ay nagpatibay sa diwa at paninindigan ng mga manggagawa. Ang tanging hiling ng mga manggagawa ng NutriAsia na nasa piketlayn ay marangal na sahod at empleyo lamang. Pero mga bayolenteng dispersal ang ibinibigay sa kanila ng NutriAsia at kapulisan. Kitang kita pa ang lakas ng loob ng NutriAsia sa ganitong gawain dahil walang may tapang na magbalita tungkol sa katotohanang bumabalot sa piketlayn kundi ang mga alternatibong pahayagan lamang. Sa pag-alis namin ay halos sumabog ang puso ko sa nag-uumapaw na mga damdamin—damdaming pinanghahawakan ko na sa bawat paggising ko. Hulyo 23, muli kong nakita ang lahat ng mga manggagawang nabanggit ko nang pumunta ako sa kanilang kampuhan sa Mendiola. Nginitian ako ni Ate Norminda. Kinumusta ako ng mga manggagawa ng JFC. Kinamayan at masayang nakipagkwentuhan pa sa aking muli si Kuya Alvin. Sobrang nakalalambot ng puso. Internship ang sinadya ko sa AlterMidya, pero malinaw na hindi ito internship na para sa akin, pero para sa mga manggagawa. Sa bawat piketlayn napapatanong ako, bakit ganito pa rin ang kalagayan nila? Sa bawat piketlayn, sa bawat araw, dumarami pa rin ang mga manggagawang tumitindig. Nadaragdagan ang mga welga sa bawat sulok ng bansa. Anong ginagawa natin para sa kanila?


8 LATHALAIN

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

O Baguio Haven for all People \\ Gianne Alexandria Marinas

N

agmimistulang ilaw para sa pasko ang sandamakmak na ilaw na nagbibigay liwanag sa isang bundok paroon. Hinding hindi ko makakalimutan ang halos nakakahilong amoy ng sinasakyang bus, mga taong may kani – kaniyang malong pantalukbong dahil habang pataas sa daang binalot ng ulap, pababa nang pababa naman ang temperatura. Hindi ako nanginginig dahil sa lamig, kung hindi dahil sa tuwa na sa wakas matapos ang ilang buwan na pananatili sa magulong Maynila, uuwi na ako. Sa dalawang taon kong pamamalagi sa Maynila, tortyur ang magsalita nang walang kasunod na ngay sa bawat pangungusap. Sa Maynila ko napagtanto na sa Baguio lang pala maaaring ibaba ang bintana sa taxi at hindi nakukuha nang libre ang mga sayote. Higit sa lahat, kakaiba ang Baguio pagdating sa larangan ng sining; nandiyan ang Tam – awan Village, Ben Cab Museum at buwanang pagpapalit ng mga exhibit sa SM. Kaya hindi na katakataka nang mapili ang lungsod na isa sa animnapu’t apat na lungsod na nataguriang Creative City ng UNESCO noong 2017 sa larangan ng Crafts and Folk Art. Hindi rin nakakagulat na ginawang tema para sa selebrasyon ng Baguio Day 2018: “Celebrating and Moving Beyond 109 Through Culture of Creativity.” ANG BAG-IW Sabi ng guro ko noong elementarya, nang ipinapaliwanag niya kung bakit Summer Capital of the Philippines ang Baguio, na noong panahon ng mga Americano, ang lungsod ang paborito nilang tambayan hindi lang dahil malamig ang klima rito kung hindi dahil na rin sagana ang mga lupa sa ginto at iba pang mga mineral. Halatang halata naman sa mga pangalan ng mga sikat na pasyalan katulad ng Burnham Park at Camp Allen ang malawakang impluwesya ng mga Kano sa lungsod. Dahil rito, idineklara ng mga Kano na Chartered City ang Baguio noong ika-1 ng Setyembre 1901. Simula noon ay taun – taon nang ipinagdiriwang ang Baguio City Day, walang pasok sa lahat ng mga establisyemento, mayroong parade si mayor at may pa – chalk art sa Session Road.

“Hindi tayo matatapos kailanman sa paglinang ng kultura at sining, maging hudyat sana ito ng pagbubukas ng kamalayan ng bawat isa na pangalagaan lalo ang lupain at kultura ng lugar kung saan libre ang sayote, pinagkakaguluhan ang strawberry at malinis ang hangin para maging aircon sa taxi.”

MALIGAYANG KAARAWAN Katulad ng nakasanayan marami-rami rin ang dumalo para ipagdiwang ang Baguio Day, ngunit hindi kaila na marami din ang piniling manatili sa kani-kanilang mga bahay o hindi naman kaya ay gawin ang nakagawian tuwing Sabado. Nakapila ang mga sasakyan sa Harrison Road dahil sa pagdaan ng napakahabang parada, wala namang nagrereklamo sa kani-kaniyang labas sa mga sasakyan at nakinuod na lang, mayroon din namang mga kargador na nagmamadaling magakyat ng mga gulay sa Session Road bago pa makasalubong ang isang bulto ng cadet mula sa PMA. Sa madaling salita, naging reunion ng mga pampublikong opisyal at drum and lyre ang parade para sa Baguio Day at hindi nakisangkot ang karamihan ng taga – Baguio. Maaari itong makita bilang isa nanamang hakbang sa pagtataguyod ng turismo at hindi para bigyan ang lahat ng taga-Baguio ng pagkakataon upang maipahayag ang kasiyahan sa ika-109 na kaarawan ng lungsod. PAGTUNGTUNGAN KUMA Sumasabay sa globalisasyon ang Baguio, sa katunayan sikat na sikat ito ngayon pati na din sa mga internasyonal na mga turista. Palaging hinahanap-hanap ang strawberry taho at walis tambo kapag nagkataong mapadaan ng Baguio. Maraming nagtatanong kung nasaan ang BenCab Museum at Tam – awam Village o kung kakilala ko raw ba si Kidlat Tahimik. Maaaring nabigyan nga tamang rekognisyon ang Baguio dahil sa angking kayamanan nito sa kultura at sa larangan ng sining. Pero dito na nga lang ba nagtatapos ang lahat? Hindi ba nararapat lamang na kakambal ng pagkilala sa lungsod sa internasyonal na larangan, ay siya namang pagbibigay ng sapat na pansin at suporta sa mga lokal na manlilikha. Sila ang nagpinta at naghabi ng imahe at pangalan ng Baguio City sa makulay na mundo ng sining. ANGELS AMONG US Hindi sana tumigil ang lahat sa pagpapaskil ng “Baguio City, Philippines” sa listahan ng mga Creative City sa tanggapan ng UNESCO o pagiging tema ng ika-108 na pagdiriwang ng Baguio City Day. Hindi ito ang ‘save as pdf’ sa kwento, isa lamang tuldok sa dulo ng isang talata at hudyat ng panibagong pagyuyupi at pag-uumpisa ng kwento kung paano kinulayan ng lungsod ang hubad na larawan ng pagkilalang ito. Sa pakpak ng mga anghel na ito, sumakay tayo upang maidala sa tuktok, upang makilala at upang maipagdiwang ang kulturang Baguio. Hindi tayo matatapos kailanman sa paglinang ng kultura at sining, maging hudyat sana ito ng pagbubukas ng kamalayan ng bawat isa na pangalagaan lalo ang lupain at kultura ng lugar kung saan libre ang sayote, pinagkakaguluhan ang strawberry at malinis ang hangin para maging aircon sa taxi. Sa mga mamamayang Pilipinoo o lalaban tayo para sa nararapat na karapatan ng bayan?


KULTURA 9

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

Dear 2018-XXXXX Para sa mga bagong Iskolar ng Bayan \\ John Rey Dave Aquino

M

insan, tinanong ng kaibigan ko ang isang freshie kung kumusta ang unang linggo niya bilang estudyante ng University of the Philippines (UP). “Nakaka-culture shock,” sagot niya. Hindi na ako nagulat sa isinagot ng naturang freshie na iyon. Napagdaanan ko rin ang ganoong estado bilang bagong Isko tatlong taon na ang nakalipas, at alam kong marami rin sa batchmates ko ang nakaranas nito. Hindi naman kasi maikakailang naiiba ang UP kumpara sa ibang kolehiyo at unibersidad sa bansa. Iba ang kaugalia’t kultura sa UP, iba sa pinanggalingan nating mga high school o kahit sa sarili nating mga pamilya, na siyang pinagmumulan ng culture shock ng mga bagong Iskolar ng Bayan na pumapasok dito. Kaya naman, para sa mga bagong Iskolar ng Bayan, heto ang ilang paliwanag at paalala para sa inyong pagpasok sa UP. Para naman sa mga seniors at graduating na tulad ko, isa itong balik-tanaw sa halos apat na taon o higit pa ng ating pananatili sa mahal nating pamantasan. Kung bakit hubad si Oble Sa pagpasok pa lang natin sa gate ng UP Baguio (UPB), mapapansin na ang rebulto ng isang hubad na lalaking nakadipa at tila nakatingala sa langit—si Oble. Simbolo si Oble ng liberal na edukasyon sa UP na nagbibigay-kalayaan sa mga estudyante sa pagpapahayag ng kanilang sarili. Isa ito sa mga kakanyahan ng pamantasan na pinatu-

“Lumabas sa lansangan, lumabas sa pamantasan; ito ang tanging magbibigay ng sapat na karanasan upang pagsilbihan ang mamamayan.”

tunayan ng mga ginagawa at hindi ginagawa sa UP. Dito, hindi kailangang magsuot ng uniporme o ID, hindi na tumatayo sa klase tuwing magre-recite, hindi nire-require ang maikling buhok para sa mga lalaki o ang mahabang palda para sa mga babae. Mas malaya ring magbigay ng saloobin ang kahit sino sa mga talakayan sa klasrum, hindi lamang ang guro. Higit sa lahat, ang kalayaan sa UP ay nagbibigay daan sa pagiging bukas nito sa lahat ng kasarian, lahi, etnisidad, relihiyon, paniniwala o ideolohiya. Dito, hindi minamaliit ang kakayahan ng kababaihan at hindi kailangang magtago ng mga kabilang sa LGBT+ community. Hindi ikinakahiya ang pagiging katutubo at hindi kailangang ikaila ang kawalan ng relihiyon. Kaya nakadipa si Oble dahil bukas ang UP sa kahit anong uri ng estudyanteng pumapasok sa unibersidad. Inirerespeto sa UP ang pagkakaiba-iba ng bawat isa at ang karapatang maging kabilang sa isang komunidad. Patunay dito ang maraming organisasyon na taun-taong nagrerekluta at naglulunsad ng mga aktibidad batay sa kanilang oryentasyon at interes. Nagsisilbi ang mga organisasyong ito bilang pundasyon ng komunidad ng UP Baguio, mga organisasyong nakabatay sa pampulitikang paninindigan, relihiyon, kasarian, etnisidad o adbokasiya.

sa kung ano mang nagaganap sa bansa. Maaari tayong tumunggali o sumang-ayon sa mga patakaran ng mga gobyerno ayon sa ating pagtingin, ayon sa kanilang epekto sa atin. Maaaring ayaw natin sa TRAIN dahil nagmamahal ang pagkain sa canteen. Maaari ring nais natin ng dagdag-badyet sa edukasyon para sa mas maayos na pasilidad at kagamitan sa pamantasan. Marami sa atin ang mayroong social media account. Marami rin sa atin ang #woke, mga kabataang may pakialam sa mga nagaganap. Isinusumpa natin sina Mocha Uson at Duterte habang minumura natin sina Harry Roque at General Bato—mga palatandaan ng ating diskontento sa kasalukuyang administrasyon. Maaari tayong magpost tungkol sa catcalling at sexual harrassment, sa diskriminasyon laban sa LGBT, sa pagtawag sa bahag bilang ‘costume’ ng mga Igorot. Subalit hindi social media ang lunsaran ng diskurso sa pulitika; isa lamang ito sa maraming venue ng malayang talakayan. Sa labas ng internet, sa totoong mundo, makikita ang tunggalian ng mga pwersa sa reyalidad. Hindi na sasapat ang subtweeting sa Twitter o pagpo-post sa Facebook—kinakailangan ang direktang pakikisangkot ng mga Isko at Iska sa mga nagaganap sa kasalukuyan. Lumabas sa lansangan, lumabas sa pamantasan: ito ang tanging magbibigay ng sapat na karanasan upang pagsilbihan ang mamamayan.

Kung bakit malaya kang magsalita Hinihikayat din sa pamantasan ang kritikal at mapanuring pag-iisip, hindi pinapatay at ikinakahiya. Binabasag ang kaisipang estudyante lamang tayo; tayo ay mga estudyanteng kayang mag-isip at magsuri sa mga aralin. Hindi gaya ng klase natin sa high school o elementarya, hindi lang guro ang maaaring magsalita sa klase. Dapat ngang magbahagi ng kanilang saloobin ang mga estudyante dahil dito lamang nagkakaroon ng malaya’t malamang talakayan na mas gusto ng mga propesor sa kahit aling kolehiyo. Ngunit bukod sa pagsasalita sa klasrum, kaya rin nating magsuri ng mga isyung panlipunan. Tayo ay mga kabataang may ‘say’

Kung bakit dapat pagsilbihan ang sambayanan Bilang isang liberal na institusyon, maraming ideyang nagtutunggali sa UP: mayroong maka-Kanan, mayroong maka-Kaliwa, mayroong pumapanig sa gobyerno, mayroong hindi sumasang-ayon sa mga patakaran nito. Mayroon ding nananatili sa gitna, sa erya na may palatandaang ‘neutral’ o kaya nama’y ‘apolitical’ kung saan hindi tayo maaaring manatili dahil sa panahon ng putukan, unang tatamaan ang mga nasa gitna. Ngunit hindi dahil bukas ang UP sa lahat ng ideya ay tama na ang lahat ng ito. Totoo, ang pamantasan ay isang ‘marketplace of ideas’ gaya ng sinabi ng isang pahayagan sa kanilang editoryal, ngunit hindi ito nangangahulugang wala tayong papanigan. Dapat maging malinaw ang patutunguhan ng ating pagiging Iskolar ng Bayan. Dapat nakabatay ang ating pagpanig sa kung alin ang magsisilbi sa interes ng mamamayan. Bahagi ng pagiging mapanuri, ng dangal at kagalingan, ang pagpanig sa mas nakararaming naghihirap sa bansa. Hindi lamang simbolo si Oble ng liberalismo sa ating pamantasan; kinakatawan din niya ang mga tunay na Iskolar ng Bayan, iyong mga kabataang kayang mag-alay ng kanilang sarili, lakas at talino, para sa ikauunlad ng bansa. Magiging karapat-dapat lamang tayo sa pangalang Iskolar ng Bayan kung makikialam tayo sa mga isyung panlipunan, kung magsisilbi tayo sa pinagmumulan ng ating matrikula. Iginuhit ni Maria Elaine Pamisaran at Dave Sarmiento Disenyo ng pahina ni Maria Elaine Pamisaran


10 OPINYON

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

Reunions, Insults, and Photo Albums \\ John Rey Dave Aquino

I

magine if your family stole billions from the Filipino people, ruled the Philippines for almost three decades, killed, tortured and kidnapped anyone who opposed your reign. Imagine that thirty years later, you have the audacity to deny all atrocities done during your rule. You claim that nothing bad happened during your rule and that you were too small you remember nothing during your father’s dictatorship. Imee Marcos can relate. “The millennials have moved on, and I think people at my age should move on as well.” I cannot fathom where Imee got the confidence to say these words. I wonder how Imee feels whenever she tells lies to the Filipino people. She said she remembered close to nothing about what happened in that period. ‘Ang liitliit ko pa noon,’ she had said before. Yet how many years has it been since my ‘ang liit-liit’ years, anyway? A long time has passed since, but I know how I looked because my parents took photos of my little self which my mother put in photo albums. Imee should also know how she looked like during Martial Law: how she held a position as the chairperson of the Kabataang Barangay (KB), how she kept quiet when her bodyguards tortured Archimedes Trajano who only asked her why she held that position. She should remember how her family looked as they fled from the country with the country’s treasury. She should recall that people went

“Aside from holding positions in government, the Marcos family campaign around the country— attending barangay and town events and activities, spreading propaganda in favor of their name, twisting history to serve their intents.”

missing and were tortured, that people fought with arms in the mountains, and thousands suffered under martial rule. There may be no photo albums, but accounts from Martial Law victims, news articles and factual statistics will show how stupid Imee’s ‘move on’ remark is. Thirty-seven years since “lifting” Martial Law during their term, the Marcos family (dictatorship) rides on their reputation and name. They try to change history, that is, to swing the pendulum of favor towards themselves, and they take steps to achieve this. Bongbong, Marcos’ unico hijo, continues to lobby for a recount of the vice-presidential votes in the previous elections; he is fighting to install himself as vice president. In addition, Imee eyes a position in the senate for the 2019 elections while the wife, Imelda, serves as Ilocos Norte 2nd district’s representative. Aside from holding positions in government, the Marcos family campaign around the country—attending barangay and town events and activities, spreading propaganda in favor of their name, twisting history to serve their intents. Obviously, they do this with the help of another dictator, Duterte, who resides in Malacañang. He encouraged their return to power and pronounced support for Bongbong’s vice-presidential bid. Most importantly, he admitted to idolizing the late dictator and approved his burial at the Libingan ng mga Bayani. Not only did Duterte form an alliance

with the Marcoses, he also consolidated power through allying with House Speaker Arroyo and the new Supreme Court Chief Justice de Castro—an alliance giving him control of the government’s three branches. Truly, it seems like a re/union of fascists and trapos. Recently, Imee held another reunion, this time with the Kabataang Barangay, forerunner of the Sangguniang Kabataan and breeding ground for trapos. She danced with her colleagues right inside the UP Diliman campus, bastion of the 1970s anti-dictatorship movement. Apparently, UP President Danilo Concepcion was her colleague in the KB. This reunion is an insult to the memory of UP scholars from Baguio to Mindanao who fought against oppressive rule, those who offered and spent their lives to liberate the people from regimes then and now—Lorena Barros, Antonio Tagamolila, Jennifer Cariño, James Balao, Lilette Fatima Raquel, Arnold Jaramillo, and many others. These people knew what freedom is worth and served the people. Duterte’s current administration and the Marcos’ power is a further insult to the masses who have suffered since Martial Law. As the Marcos family tries to modify our history, it is our duty to continue telling the truth. The youth, including Iskolar ng Bayan, must tell the truth and expose the deceitful attempts of historical revisionism. From this, the masses can decide what course to take because, ultimately, they have the power to change our history.

Sa Mata ng Bagong Salta \\ Kate Paulyne Tayco

T

atlong taon bago pa man ako kumuha ng UPCAT, alam ko na sa sarili ko na gusto kong mag-aral sa UP at maging iskolar ng bayan. Simula pa lang, pamilyar na ako sa mga ‘social activities’ ng UP, at hindi naman ito naging daan para mag-alinlangan akong tumuloy. Pero iba pala talaga kapag nandoon ka na sa mismong eksena. Maraming nagsasabi sa akin na ang UP daw ay paaralan ng mga kabataang aktibista at sa katunayan ay wala akong balak na mapabilang sa nosyon na iyon. Kaya naman ‘first day’ palang at nang nalaman kong may protest action tungkol sa paglaban sa kontraktwalisasyon ay hindi ko na alam ang mararamdaman ko. Natatakot ako pero kasabay nito ay nasasabik akong makakita ng isang protesta sa personal. Pagpasok pa lang namin ng mga bago kong kaibigan sa loob ng kantina ng unibersidad ay nabalot na kami ng kaba. Ang protestang akala ko ay pagtayo lamang habang may hawak na karatula ay ibang-iba sa aking nasaksihan. Nakita ko kung paano ipaglaban ng senior students ng UP Baguio ang libo-libong Pilipinong manggagawa na walang benepisyo, maliit ang sahod at kahit ilang taon na sa serbisyo ay nananatili pa ring kontraktwal. Sa katunayan, ayon sa mga ulat, nalaman kong may 25 milyon na kontraktwal sa bansa. Kasama rin pala sa binigyang-diin nila sa kilos-protesta ang nangyaring violent

dispersal sa pagitan ng mga nag-rarally na manggagawa ng NutriAsia at mga pulis sa Marilao, Bulacan kung saan marami ang nasugatan, naaresto at nawala. Biglang pumasok sa isip ko ang mga pagkakataong laging sinasabi sa akin ni Mama na “Huwag kang sasali sa rally.” Mas lalo akong kinabahan. Paano na lang kung makuhanan ako ng litrato sa harap ng mga protesta at akalain ng mga magulang ko na isa na akong aktibista? Tiyak, papauwiin nila ako ng wala sa oras sa probinsyang pinanggalingan ko na halos walong oras ang layo sa Baguio. Bilang bagong mag-aaral ng UP na nagmula sa isang Christian school, kung saan lahat ng mga kaklase ko at mga guro, maging ang buong administrasyon nito ay konserbatibo, hindi ko alam kung paano ko ibabagay ang aking sarili sa isang unibersidad na tulad ng UP Baguio. Paano ako masasanay sa isang lugar na puno ng mga matatapang na kabataang handang ipaglaban ang bayan, kung nagmula ako sa isang paaralang pinapatalsik ang mga estudyante dahil lang sa pag-nguya ng bubble gum? Paano nalang ako sa aking buhay kolehiyo? Hindi ko pa maintindihan kung bakit may protesta at rally sa UP samantalang ito ang pambansang unibersidad ng Pilipinas. Ang akala ko pa nga nang una ay ang gobyerno ang nagpapaaral sa akin pero ang totoo ay iskolar tayo ng bayan at hindi ng gobyerno.

“Alam kong baguhan pa ako sa UP pero alam ko rin na dapat ay mas kilalanin ko pa ang unibersidad na aking pinapasukan.”

Alam kong baguhan pa ako sa UP pero alam ko rin na dapat ay mas kilalanin ko pa ang unibersidad na aking pinapasukan. Nakasulat sa Section 5 ng RA 9500 o UP Charter of 2008 na ang UP ay may karapatan at kalayaang magpahayag ng Academic Freedom. Ito ay nangangahulugan ng pagiging malaya ng mga mag-aaral na sumang-ayon o pumili ng mga paniniwala na hindi maaaring hadlangan ng mga guro, ng mismong paaralan at maging ng mga opisyal ng gobyerno. Isang halimbawa ng karapatang ito ay ang nangyaring kilos-protesta para ipaglaban ang mga manggagawang biktima ng kontraktwalisasyon. Mayroon mang mga negatibong pagtingin sa pagra-rally, ang pagmartsa sa kalsada ay isang paraan upang ipahayag sa nakararami at mapansin ng gobyerno ang mga tunay na problema ng bansa, na hindi naman ito labag sa batas dahil ito ay isang kaparatan na dapat ay hindi nahahadlangan. Maaaring unang taon ko palang sa kolehiyo kaya naninibago pa lamang ako sa mga aktibidad na kinasasangkutan ng karamihan sa mag-aaral nito. Ngunit hindi dahil nagmula ako sa isang Christian school, kung saan konserbatibo ang lahat ng tao, at wala akong alam sa mga protesta at rally, ay hindi na ako pwedeng gumawa ng hakbang upang mamulat sa totoong kalagayan ng lipunan at upang patunayang isa akong iskolar na lumalaban para sa masa.


KULTURA 11

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

YUPIANG YUPI

Pa-shades ni Sis not be able to make rekrut sa orgs niyo... Pero, to you dear freshies, don’t make harang the daan kasi your seniors sometimes make gising late kaya they have to make madali to get to class. (Pero crush keri lang if you make harang my daanan para I can follow you anywhere hart hart kileg kileg). Also, friendly reminder lang to ebriwan, there’s nothing wrong sa pagiging Marxist, atheist, LGBT+ o whatever pa na you think is bad in YuPi. We are always bukas to many ideas in this Pamantasan, so be open-minded and respeto naman people ‘noh? Ang wrong lang is when we make hati hati of the university like sa istudent kawnsil where may division of the house na nahear ako. Apparently, may oust campaign laban sa upuang tao ng highest representative body of YuPiBi students. Taray, dinaig ang #OustDuterte! Boyz and gurlz, nakaka-shookedt, ‘noh? Sobrang beautiful welcome naman for the freshpeople this tea, mas nakakaculture shock compared sa nakedness ni Oble. So much politics talaga in YuPiBi. Hay, we still remember your promises sa miting de avance, ha?, incumbent council memberz, so instead of making hati the estudyante eh help them na lang to achieve their panaginips and forward their karapatans, ‘noh? Alright, that’s the milktea for now. Make sure to make hintay for me sa next issues (ng Cropout)! Also #BoycottJFCandNutriAsia.

the press kaya! Tsaka Cropout is not Crapout, ‘di sila nag-make lathala ng fake news ever like that gurl Mochang Ina and that itlog Harry Rocky Road. Besides, mas oportunista kaya yung mga nagdidivide sa studentry and sa people... Oops, alam na! Nyweiz, tama na pa-shade. So much has happened in Yupi pala since I was last here? Teh, may fresh meat naaaaaaaaaa! Welcome sa YuPiBi freshpeople! May mga na-sight din akong pogi sa new feces ha, uy, follow niyo naman me sa Twitter, Instagram, Snapchat, Tinder, Grindr, Facebook at Google Plus: @SingleSiEstherKArat@ up.edu.ph. Congratulations sa pagpasok sa Bagyo campus ng wan and onli primiyer isteyt yunibersiti na walang space for student activities. Cincuenta años na rin kasing ginagawa ang auditorium, like, pumasok akong freshperson at gagraduate na (yata) ako pero ‘di pa rin siya finished. There tuloy, daming tea during events lalo na yang sa consol night. And speaking of freshpeople, bakit parang may nagaganap na Captain America Civil War between the gurangs and the children? Hmmm. Andaming parinig these senpais becoz the freshpeople make harang their daanan daw, made ulat the UPcats daw in campus, and make suot na their ID sa campus. Grabe, excess naman you gurangs, galit much? Understand the freshpeople, ‘noh, and teach them your ways. Teach them kaya about YuPi culture, instead of making parinig sa tweeter. Tsaka, bahala kayo, you will

buwanang dalaw Space between you & me \\ Iginuhit ni Charlene Favis

START HERE...

Hit you with that ddu-du-ddu-du! Turun tun tururururururun tun tun! Uy make amin, hindi mo ma-sing ‘noh? Annyeonghaseyo! My name is Sis Esther K. Arat from a very gender-sensitive community dyan sa tabi-tabi. Yes, first name ko is Sis. Ako ang inyong new freakish but pretty columnist dito sa very old na istudent pablikeyshon ng YuPiBi. Very long na kasing no yuPiAnG yUpI daw here and may empty space, like, here sa page na ito, kaya I took the opportunity to make sulat because I am not incompetent ‘noh? Though I’m not like my tita, Madame Futura who’s a seer and deads na as well, and I kennat foresee things, like, wala me foresight, pero I’m competent naman. I don’t think nare-remember niyo pa si Madame Futura, right? Well, siya is dating writer here pero deads na nga kasi siya, ‘di ba? She still visits me sa panaginips ko, like, scary ‘noh? Actually, siya nag-push sa’kin na, like, mag-write for Cropout kasi raw I’m smart, duh, I know that naman ‘noh? Btw, someone said on twits na no one reads Cropout anymore, that irrelevant na raw this newspaper? And oportunista raw because Cropout made pamigay ng diyaryo sa mga fresh meat noong enrollment nila? Di ko knows kung who, what, when, where, why, how naging opportunist ang ginawa ng opishal istudent pablikeyshon na naggive lang naman ng newspaper sa target readers nila. Like, duh, newspapers are meant to be read, cyst, and freedom of

UPB Freshie Consol Night canceled, moved to a later date continued from page 4

pero meron namang reason why, reason bakit siya nangyari, so okay lang,” Sarita said. According to UPB-USC Chairperson Sherwyne Sanchez, the tentative date for the Consol Night is September 19, Wednesday because student council is still securing a venue. Freshie Week Highlights With the theme “Tumindig, Lumaban, Magtagumpay, Iskolar ng Bayan, Tignay!” the activity calls for freshmen to stand up for a free society despite different forms of discrimination. UPB-USC Councilor Anne Serrano stated in an interview that the student council’s goal is to instigate social awareness to the freshies. “Ine-encourage din namin kayo [bilang freshies] para tumindig sa mga issue,” she added. Freshmen joined activities such as the gender photography contest for “Pride is Protest”, a videomaking contest featuring how to “Stand for Climate Justice”, a quiz show on current issues faced by the students and the people entitled “Ooopps…Issue!”, a batch-song making competition, an Amazing Freshie Race, and a book sale in the cafeteria. Despite the short preparation time, balancing both academic responsibilities and organizations, the students participated vigorously in the competitions. Alternative Classroom Learning Experiences (ACLEs) which tackled different social problems in and outside the university were also held. Some of the topics were mental health issues, free education in the country and the struggles of the indigenous peoples (IPs) in the Cordillera. According to Samantha Seno, a Management Economics freshman who joined the ACLE, she was able to come up with realizations which she previously did not know. Since she is still coping with the new academic environment, the ACLE was really an eye-opener for her. “I liked the mode of discussion because everyone had a chance to participate, ask and share any sentiment they have. It was my first time to attend such kind of event in the campus and indeed, it was a fruitful one. However, I was not able to attend other discussions which I also found interesting because the talks were held simultaneously,” Samantha explained.


12 LATHALAIN

Outcrop Tomo 45 Isyu 1 Hulyo-Agosto 2018

Phil mo ba, Sys?

National ID bilang instrumento ng pagmamatiyag ng gobyerno \\ Alexandria Ravago & Chelsea Serezo

M

aginhawa nga ang proseso, seguridad ko naman ang nasa peligro. Sa sunud-sunod na lantarang panggigipit ng gobyerno sa akin, kahina-hinala nga ang biglaang pagsulpot ng Philippine Identification System Act of 2018 o PhilSys ngayong taon. May lihim mang plano o wala ang gobyerno, isa lang ang sigurado: seguridad ang nakataya sa hakbanging ito.

Paniniktik at pers sight Luma na ang gimik ng gobyernong pagpapanukala ng identification card upang higit pa akong kilalanin, si Juan Dela Cruz. Sa katunayan, ilang administrasyon na ang nagbalak ipatupad ang pagkakaroon ng National ID upang maiwasan diumano ang mga maaanomalyang transaksyon, ngunit walang kumakagat sa kanilang mga panukala at nababalot pa ito ng kontrobersya. Nagsimula ang National ID noong binata pa ako, sa ilalim ng rehimeng Marcos. Isang taon sa Batas Militar, pinirmahan ni Marcos ang batas na nagsasaad ng paggawa ng “national reference card system.” Walang mga detalye ang binigay tungkol sa paano kukunin at magiging confidential ang impormasyon. Sa panahon ni Fidel Ramos ay pansamantalang nahinto ang hakbangin. Sa pagtanda ko sa administrasyong Arroyo, nabuo ang “Unified Multi-Purpose ID system” o UMID kung saan kasulukuyang ginagamit ito ng mas mababa sa 20% ng populasyon. Ngunit, may ilang grupo tulad ng Kilusang Mayo Uno na nagpetisyon sa Korte Suprema dahil sa “unconstitutionality” nito. Bagamat malakas ang paninindigan ng oposisyon laban sa panukala ng administrasyong Arroyo, tila mas malakas ang pwersa ng administrasyon dahil pinanigan sila ng Korte Suprema. Ang impormasyong kinukuha rin ng UMID ay hindi nalalayo sa madalas na kinukuha sa mga nakaraang government IDs. Sa administrasyong Duterte naman, prominente ang pagpapatupad ng mga nakakagulantang na mga hakbangin, kagaya na lamang ng pagpapatupad ng “War on Drugs” na binigyang prayoridad ng pangulo sa paniniwalang nag-uugat sa paggamit ng droga ang mga krimen sa bansa. Libu-libong mga pinaghihinalaang nagtutulak at gumagamit ng droga ang naging biktima ng mahigit dalawang taong programa ng administrasyon. Sa halip na bigyan ng wastong proseso ang mga napaghinalaan, ilang mga miyembro ng pulisya ang inilalagay ang batas sa sarili nilang mga kamay. Dahil sa mga hakbanging ito

ng administrasyon, hindi na malayong mawalan ng tiwala ang mga Pilipino sa pagkakaroon ng National I D na maaaring maging balakid sa seguridad ng bawat indibidwal. Stalking skillz Bukod sa bagong-bago sa bokabularyo ko ang pagkakaroon ng isang ID na tutukoy sa aking identidad, naglalaman din ito ng aking personal na impormasyon na ngayon lamang magiging bahagi ng ID. Maliban sa buong pangalan, kasarian, lugar at petsa ng kapanganakan, blood type, address, at larawan, kinakailangan ding kunin ang biometrics ko: buong set ng fingerprints, iris scan, at iba pang mga identifiable feature. Dagdag pa, mayroon ding “record history” na magsisilbing taga-subaybay ng mga gagawin kong transakyon gamit ang PhilSys, ayon kay Sol Aragones, isa sa mga may-akda ng batas. Ibinahagi rin ni Commissioner Raymund Liboro ng National Privacy Commission na para daw sa transparency ko at kung paano naproproseso ang aking impormasyon ang record history. Pag-enroll sa isang eskwelahan, pag-aplay sa trabaho, pagbukas ng bank account, mga transakyon, may kinalaman sa buwis, at iba pa, ang matatala at makokoleta na para bang nasa loob ako sa isang spy movie, kung saan ako ang taya, at sila ang may hawak ng mechanics ng laro. Sa halip na labanan ang korapsyon at bantayan ang kilos ng bawat isa, iaasa sa isang ID ang pagbabantay sa akin. Tila isa ring “wonder ID” ang PhilSys dahil hindi lamang ito magsisilbing tanda ng pagkakakilanlan, kundi may misteryoso rin itong epekto sa transaksyon ng gobyerno. Maliban kasi sa pagpapanipis ng pitaka, mapapahinto diumano nito ang mga iligal na aktibidad ng mga nasa pwesto. Gagawin din nitong “instant” ang mga transaksyon kasi one for all na ang ID na ito. Subalit sa pagkolekta ng aking personal na impormasyon, napapaisip talaga ako kung isa ba ito sa mga spy movie na napanood ko tulad ng Charlie’s Angels kung saan nangolekta ng iris scan at buong set ng fingerprints ang mga bida, at ginamit ang mga impormasyong ito para makakuha ng mga top secret information. Bagamat sinisigurado ng administrasyon na magiging confidential ang aking impormasyon, hindi

pa rin maisasantabi ang aking pangamba dahil na rin sa nangyaring pag-hack sa sistema ng Commission on Elections o COMELEC noong 2016. Talaga nga namang magkakaroon na ako ng trust issues kung “simpleng” site lang ng COMELEC, na naglalaman lang naman ng personal na impormasyon ng mga botante. Isang pagkakataon lamang ito sa iba pang nangyaring pag-hack sa mga sistema ng ating gobyerno. Hindi rin malayong gamitin ang PhilSys upang bantayan ang kilos ng mga oposisyon na lantaran ding inihayag ni Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate. Dahil kusang ibinigay ng bawat indibidwal ang mahahahalagang impormasyon sa kanilang pagkatao, mapapadali ang trabaho ng gobyerno para masupil ang mga tutol sa administrasyon. Hahaba at tiyak na higit na magiging detalyado ang listahan ng mga nasa wanted list ng administrasyon. Phil what I phil, PH? Siguradong lahat ng mamamayan maaapektuhan sa sistemang ito, hindi man nakikita ng iba ang direktang dulot nitong panganib sa ating mga seguridad. Bukod pa dito, ilang pangako na ba ang napako sa ilalim ng administrasyon? Ngunit, halos laging bumabaluktot ang mga sinasabi at mga pinapangako ng gobyerno, kaya mahirap talagang paniwalaan na aalagaan nila ang ating mahahalagang impormasyon kahit man sabihin ni Sen. Franklin Drilon na ang Data Privacy Act ay magproprotekta ng confidential information ng mamamayan. Hindi binanggit ni minsan kung paano nila pangangalagaan ang mga makukuhang impormasyong malayo mula sa mga hacker o sa mga opisyal na may maitim na balak. Sa madaling salita, walang malinaw at konkretong plano ang administrasyon kung paano nila pangangalagaan ang makokolektang mga impormasyon. Sabihin na nating hindi administrasyon ang ating makakalaban, paano ‘yung mga indibidwal na may masamang balak sa makokolektang impormasyon? May malinaw bang hakbangin ang mga nagpasa nito kung paano nila poprotektahan ang maiipon na impormasyon? May mga hayagang mabuting dulot man ang National ID, posibleng magamit ang ID bilang “double-edged sword” sa mga kritiko ng administrasyon. Sa pagsuko kasi natin ng bawat personal na detalye, magiging naka-sentro ang pagtatago ng mga impormasyon sa administrasyon. Karapatan ng bawat mamamayan ang magkaroon ng seguridad sa kanilang kakanyahan o identidad, at bilang isang karapatan, nararapat lamang na ipaglaban at protektahan ito. Ngunit, kung pati ang karapatang mabuhay nga ay nilalapastangan ng gobyerno, hindi malayong abusuhin din nila ang ating karapatang mabuhay nang mapayapa.


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.