Mga Kwentong Kyot

Page 1

Mga Kwentong Kyot

Cropout House

Iginuhit ni Arnold Tristan Buenaflor


Adbentyurs ni Pina

Mga Kwentong Kyot

S

a isang malayong lugar ay may isang batang may angking kagandahan at kabutihan. Siya si Pina. Morena, maganda, at mahaba ang buhok ni Pina. Sabi ng kanyang Inang Mocha, sa sobrang haba ng kanyang buhok ay pinagaagawan siya ng ilang mga bansa noong bata pa raw siya. Pero hindi siya tulad ng ibang bata, nakatago ang totoong mundo sa kamalayan ni Pina. “Delikado, hindi ka dapat lumabas dito. Maraming dehlawan sa labas!” sabi ni Inang Mocha kay Pina. At siyempre, wala pa ring alam si Pina.

“PINA! Ano ito? Bakit may hilaw na isda sa bahay na ito? Paano siya nakaakyat dito?” biglang sigaw ni Inang Mocha. “I-ina… Nandito ka na pala.”

“duTErTe pAsIsTuHh,” wika ng ibon. Paulit-ulit niya itong sinasabi habang nakatayo sa bintana ni Pina. “duTErTe pAsIsTuHh,” –pang-isandaang sabi ng ibon.

“yAk pEyK neWsss! iSdA rAW!?” biglang sigaw ng ibon. Nagulat ang mag-ina sa pagsigaw ng ibon. Matalas ang naging tingin ni Inang Mocha sa ibon.

“Shh. Shut up ka na, bird friend. Baka biglang umarrive si Inang Mocha at ma-hear ka,” pagkasabi ni Pina nito ay tumahimik naman na ang ibon.

“Ay nako, Inang Mocha. Huwag mo nang pansinin si ibon. Wala lang siyang ibang magawa,” sabi ni Pina at ngumiti kay Inang Mocha.

Akala ni Pina ay tuluyan nang mananahimik ang ibon ngunit muli itong nagsalita at mas malakas pa ang boses nito kaysa noong nauna.

“O’sya. Sino ba ‘yang hilaw na isdang nakahandusay sa sahig, Pina?”

“inAnG MocHA, sInuNGaLinG kAaaaAAAAaaaaaaAAaaaAaAa.” “Owmaygas. Bird friend, you so maingay na. Hindi rin true mga sine-said mo,” ani ni Pina. Ngunit lalong lumalakas ang boses ng ibon nang biglang may ulo ng lalaki na sumulpot sa kanyang bintana. “Annyeong haseyo! Pwede rito mag-overnight? May mga humahabol kasi sa akin eh,” pagkasabi ng lalaki nito ay pumasok na siya sa bahay mula sa bintana. “Who you? Why you here? Ang taas-taas ng bahay na ‘to, paano mo na-climb?” tanong ni Pina. “May rock climbing skills kasi ako. Do you have wifi? Kailangan ko kasing mag-update sa Snapshit ko,” wika ng lalaki habang hawak ang isang parihabang bagay na may nakaukit na mansanas rito. “W-wifi? Hindi ko alam kung ano ‘yon, ang alam ko lang ay hindi ka dapat nandito!” Pagkasabi nito ay may isang kawaling humampas sa pagmumukha ng lalaking naghahanap ng wifi. Humandusay sa sahig ang lalaki. Duguan ang ulo nito pero humihinga pa naman. “pInaTaY mO siYA. yoU kiLlEd heeemm,” sabi ng ibon. “Huh? Hindi kaya. He’s still breading naman eh!” Tinignan ni Pina ang lalaki. Hinawakan niya ang makinis at maputla na mukha ng lalaki, hinimas-himas ang ilong nito, at pinisil-pisil ang pisngi nito.

1

“Anong natural resources down there? Wag ka bastos kaibigang ibon, enebe keshe very private naman ‘yun. Ahihihi.” Kakalandi ni Pina mag-isa, hindi niya namalayang dumating na pala ang kanyang Ina Mocha.

“Ka-kyot naman pala ng nilalang na ito, kaibigang ibon.” “aNonG kYoT? sAsaKupIn ka LaNg niYaN at siSipsIpIn ang nAtuRaL reSouRceS mo dOwn tHerE.”

“Isda po? Uhh… Hindi ko rin po alam Inang Mocha eh. Bigla na lang po siyang sumulpot sa may bintana.” Sinuri nina Inang Mocha at Pina ang lalaki. Napagtanto ni Pina na hindi ganoon kagarbo ang suot na mga damit nito. Pero halos lahat ay may nakasulat na “Supreme.” “Kailangan mong palayasin ang nilalang na ito.” “B-bakit po?” “Dahil sabi ni Dikta Digong” “Dahu siya?” “Marami ka pang dapat malaman, Pina. Pero hindi ngayon.” “Ano ba naman ‘yan, Inang Mocha. Eh kailan?” “Kapag kasing haba na ng trapik sa Edsa ang iyong buhok.” “Trapik? Edsa? Ano ‘yun?” “Yung trapik, na medyo mahaba, pero hindi naman, pero trapik. Pero, basta! Pagkagising ng nilalang na iyan ay paalisin mo na siya agad. Ako ay makikipag-meet muna kay Rokelabs,” pagkasabi nito ay agad namang umalis na si Inang Mocha. Sa hinaba-haba ng oras na walang malay ang lalaki, malapitang nakatingin lang si Pina sa mukha ng lalaki. Hanggang sa bigla na lang dumilat ang mga mata ng lalaki. Ilang sentimetro lamang ang layo ng mukha ni Pina sa mukha ng lalaki.


Adbentyurs ni Pina

Mga Kwentong Kyot

“Oh! Gising na you!” masayang bigkas ni Pina.

ang buhok mo?!” malakas na sigaw ni Inang Mocha na nagmamatyag pala sa pintuan ng kanilang bahay.

“Yes, girl. I think kailangan mong magpakilay plus eyelash extensions,” komento agad ng lalaki.

“Ikaw si Inang Mocha? Inang Mocha has buns nga,” komento ng lalaki.

“Ano ‘yun?”

“Oo, ako nga! At hindi ko pinapayagang gupitin mo ang buhok ni Pina.”

“Basta. Para ‘yun sa mukha mo. Gosh, virgin pa pala ikaw sa mga ganyan,” biglang hinawakan ng lalaki ang kanyang ulo at sinabing “Ay grabe, ang bloody ng ulo ko ha.” “Oo, pasensya ka na. Hinampas kita. Napag-tripan ko lang.” “Eh paano kung napatay mo ako?” “Edi, deds ka na. Wala naman akong paki kung mapatay ka, ang mahalaga safe ako. Obosen is real!” “Anong obosen?” “Sabi ni Inang Mocha, ibig sabihin daw ng obosen ay patayin. And daz good.” “Sino ba ‘yang Inang Mocha na ‘yan napaka-relevant naman niya.” “Hehe, ina ko ‘yun! Maganda dibdib niya, sana makita mo siya. Pero, kailangan mo nang umalis eh!” “Ha? Ayoko sanang umalis nang hindi ko naaayos ang kilay mo at hindi ko nagugupitan ang buhok mo.” “wAg mO iPaGupiT anG buHoK mO. eXplOitaTiON ‘yAn,” biglang wika na naman ng ibon. Sa pagkakataong ito, sampung beses na naman niyang inulit ang mga salitang iyon. “Shh, shh, shh! Tama na. You’re so maingay na. For all we know, itong mahabang buhok niya ang dahilan ng kabobohan niya,” wika ng lalaki. “Anong kabobohan? Stupid ako? Dahil sa buhok ko?” “eXplOitAtiOn pa RiN ulOL. exPloiTatiON. expLOitATiON.” “I don’t get that exploitation thing, kaibigang ibon. All I know is that I has no kabobohan. Kung mapapatunayan kong I has no kabobohan by making gupit my buhok, I will do it.” “Yun naman pala eh!” agad na may hawak ng gunting ang lalaking duguan pa rin ang ulo. Umakma na itong gugupitin ang mahabang buhok ni Pina, nang... “Pinaaaaaa!!! Anong kalokohan ito? Bakit mo gugupitin

“Pero, karapatan niyang magupit ang kanyang buhok, if she wants!” sumbat ng lalaki. “Paraan mo lang ito para makuha ang buhok niya! Nakikita mo na naman bilang ginto ang buhok niya!” sagot naman ni Inang Mocha. “Hindi, gusto ko lang siyang tulungan at iligtas sa mga maling pagtuturo mo!” “eXplOitAtiON... peYk nEwS,” paulit-ulit namang wika ng ibon. Sa gitna ng sigawan at bangayan ng tatlo... Hindi nila namalayang wala na si Pina. Tumalon na pala pababa ng tore si Pina. May isang papel na lamang na nakadikit sa pader na nagsasaad ng mga katagang, “Goodbye. Ang tagal niyo mag-usap. Bumaba na ako gamit ang aking buhok. Napatunayan kong I has no kabobohan even with my long buhok. Inang Mocha, umalis na lang ako tutal sa tingin ko, I shall not always believe you. Alam kong marami pa akong dapat malaman sa lansangan, sa labas ng apat na sulok ng aking room.” Sa ibaba ng tore, makikita patungo sa hilagang direksyon ang kanyang mga naiwang yapak sa lupa.

Adbentyurs ni pina: The First

Kabanata ni Byundoodie Iginuhit ni Kimchi 2


Loko Ako ni Macoy

Mga Kwentong Kyot

Loko Ako ni Macoy (chika ni Krizz Aquiknows)

T

ni Boy Abungirl Iginuhit ni CHHaaaarrrAAaannn

here are so many kayamanan in the kaharian of Pilipinas and merong isang thief known as Macoy.

He is infamous because of his so-called “kabaitan” towards sa mga mamamayan despite being a thief at the same time, there are also people na ayaw sa kanya because nagnanakaw siya ng treasures ng kaharian. According to my sources, pinapatay niya yung mga people na pipigil sa intentions niya. Actually, maraming tao yung namatay noon, which includes my father na rin. One morning, while Macoy’s walking, naririnig niya yung mga chika nung mga tao about him. So, yumuko siya and tinago yung face niya using his hat. Kasi naman diba, para hindi siya makilala nung mga people sa market. Then, una niyang napansin yung dalawang tindera na nag-uusap kasi ang lakas ng voices nila tapos topic pa nila si Macoy. “Narinig kong nag nagnakaw muli si Macoy sa Banko de Pinoy noong nakaraan,” sabi ni tindera one kay tindera two. “Ano naman kaya ngayon iyong kinuha niya? Mga tanso? Alahas? O ginto?” question ni tindera two kay tindera one. “Hindi na iyon importante. Sa tingin ko, tama ang ginagawa niya. Nabigyan niya nga ng isang pirasong tanso iyong kapit-bahay kong gipit sa buhay noong isang araw,” said tindera one. Tindera two argued na hindi tama yung ginawa ni Macoy because more than 170.4 billion worth of treasures ang kinuha niya sa Banko de Pinoy pero isang tanso lang ang ni-gave niya. She also included that Macoy kills people. Like only evil people does that, ‘di ba? Naririnig naman ni Macoy yung mga sinasabi nung mga tindera kasi they were really loud. Pero parang, you know, he doesn’t care kaya he walked straight na lang like he didn’t hear anything. After a while, may lalaking nakabunggo sa shoulders ni Macoy pero hindi man lang nag-stop yung binata to apologize and diretso lang siya sa pagtakbo papunta sa Mom niya. Macoy thought to himself na, “Bastos ‘tong batang ‘to. Kung ito kaya isunod ko sa mga biktima?” Then, narinig niya na may tumawag kay guy, “O, Rodrigo! Saan ka ba nanggaling at kanina pa kita hinahanap?” “Nakipagkwentuhan ako saglit at narinig ko na may bagong kabutihang ginawa si Macoy, Inay Solimom” sabi naman nung kid. Macoy listened for a while kasi compliment na yun for him. Syempre sinong ayaw makarinig ng compliment from strangers, diba? Pero hindi natuwa si Solimom sa statement nung Rodrigo. She scolded him and said, “Masama ang ginagawa ni Macoy. Dapat parusahan ang lahat ng taong hindi lamang nagnanakaw kundi pumapatay rin ng mga tao.”

3

Then may sumingit na isang chismosa, “Tama ka riyan, teh. Balita ko na biglaan na lang nawawala yung mga tao kapag nakakakumbinsi sila ng mga nasa barangay nila na masama si Macoy. Hindi pa nga raw nahahanap yung mga nawawala,” ani nito.

“May mga kaparehong kwento akong narinig tungkol diyan. Sinabi ng mga nakulong at nakatakas kong kabarangay na si Macoy ang may pakana ng lahat,” sabi ni Solimom and they both chika na. Solimom told the tindera about sa protest actions that she led alongside with her friends and acquaintances. She told the tindera that they went to the government to complain pero nothing happened. It’s like the government is supporting Macoy daw kasi walang nangyayari. Rodrigo was listening and became angry kaya sinabi niya sa Mom niya na, “Inay, ‘wag kang magsalita ng ganyan tungkol sa kanya. Mabait siyang tao. Pero ‘pag narinig ka niya, patayin ka niya.” Rodrigo complained and gusto niyang makipagtalo sa Mom niya (which is bad kaya kids, don’t do that to your Moms, lalo ka na Bimb) pero sinuway naman siya ni Soledad and said, “Tigilan mo na yang pag-aalburoto mo. Umuwi na tayo. Kung makikipagtalo ka, dapat nakabatay sa katotohanan at sa mga wastong pagsusuri.” So Macoy witnessed all that mother-and-son drama from a corner. Pero noong umalis na yung dalawa, nagsimula na rin siyang umalis from his spot. He continued to walk hanggang makarating siya sa gates ng palace. At first, hinarang siya ng mga guards kasi, hello??? not anyone can enter the palace kaya. Pero nang tinanggal niya yung hat niya, nakilala naman siya and then, pinapasok na rin siya sa loob. Oh ‘di ba, bongga nung thief, madali niya lang na-enter yung palace. Pero he was shocked to see na maraming nagkalat na gold bars and jewelries doon sa living room. Then biglang lumitaw from the bundok of jewelries yung wife niya na si Imelda. Imelda welcomed her husband with open arms, “Macoy!” “Sabi ko sa’yo huwag mo akong tawagin sa ganyang pangalan tuwing narito tayo sa palasyo,” galit na said ni Macoy. Imelda remembered something then said, “Oo nga pala. Let’s take care para hindi ma-know ng people na Macoy and the king of the bansa is iisang tao lang. And remember to give Uncle Sam lots of money for lots of support from him, ha!” Macoy confidently said, “Ako na ang bahala. ‘Wag ka na ring magalala sa mga taong ayaw sa akin.Gumawa na ako ng paraan upang manahimik sila forever. Takot ang mga tao sa akin at hinahangaan ako ng kabataan. Ipagpatuloy lang natin ang ating sinimulan at hindi tayo magkakaproblema.” Imelda agreed and said, “I will trust you Macoy. Tutal susunod naman sa yapak mo ang mga anak mo. Mas maganda na damihan mo na rin yung mga kukunin mo mula sa Banko de Pinoy para hindi tayo maghirap kahit ilang decades pa ang lumipas.” Suddenly, tumunog ang alarm ng palace! People barged against the big gates of the palace! Galing nga eh, my mom was there hohoho, grabe Tito Bui. Nuns, studens, and a lot of tao were there demanding Ferdinand to get out of the palace! The couple panicked and started searching for their children sa mountains ng gold and jewelries because they were playing hideand-seek. Then they all flew away to the island of Haweigh. Then, it was my mom’s turn sa paghahasik ng lagim. Kidding. AHoHoHo. The people lived freeleigh (for awhile) Tito Bui. Love, love, love


Ang Huling Pitik ni Dikta Digong

Mga Kwentong Kyot

S

a isang malayong lupain, Pelepinas kung tawagin, kung saan tila payapa at may pagkakaisa ang bawat mamamayan, nagmula ang isang nilalang na kakaiba at kagila-gilalas na si Dikta Digong. May taglay siyang mga kapangyarihang tanging siya lamang ang nakagagawa. Dalawang araw pagkatapos masilayan ni Dikta Digong ang daigdaig, winika na niya ang, “Putangina!” At sa salita lang na ito, ang mga taong nakarinig ay lubhang namangha. “Ganito talaga ako,” sabi ni Dikta Digong. “Lalo na kapag mahal ko ang aking tinubuang lupa. Kaya putangina!” Tunay ngang natatangi ang batang ito! Salita lamang niya at nababago na niya ang takbo ng mundo. Kinabukasan, kumalat ang kahanga-hangang pangyayaring ito sa nayon at pinili ng mga kapitbahay ni Dikta Digong na bisitahin ang natatanging bata. Nasaksihan ni Dikta Digong ang pagkapal ng tao sa harapan ng kanyang tirahan at nainis siya. Ayaw niya kasing nagiging sentro ng atensyon, kaya pinaalis niya ang mga tao gamit ang kanyang bakal na kamao. “Putangina, lumayas kayo sa harapan ko.” Agad namang umalis ang mga tao. Sa halip na matuwa sa angking kagalingan ng anak, dinala si Dikta Digong ng kanyang ina sa isang propetang naninirahan malapit sa kanilang nayon.

Ang Huling Pitik ni Dikta Digong ni Elle Harriet Silver at Hiraya Lualhati Iginuhit ni Sakura Ajinomoto

“Kaya niyang baguhin ang takbo ng ating hinaharap. Alagaan mo ang batang ito at mapapabuti ang lagay ng buong sangkatauhan,” wika ng propeta. Itinuring ni Dikta Digong bilang inspirasyon ang wika ng propeta. Tuluyan siyang nagpalakas nang nagpalakas hanggang naging bayani siya ng kanyang nayon. At bilang bayani, nadagdagan siya ng kapangyarihan at ginamit niya ito upang maging ligtas sa mga kriminal ang kanyang nayon lalo na sa mga drogista. Pumatay siya at pumatay at pumatay pa. Sa bawat pagpatay niya ay lumalakas siya nang lumalakas. Naituring na pinakaligtas at kahanga-hanga ang kanyang nayon sa kabila ng napakraming patayan. “Mabuhay si Dikta Digong!” sigaw ng ilang sumasamba sa kanya, habang hinahalikan nila ang lupang dinadaanan ni Dikta Digong. Isang araw, napagtanto niya na hindi siya dapat huminto roon. Naniniwala si Dikta Digong na kailangan siya ng buong bayan, lalo na sa pagpatay sa mga kriminal. Kaya naman, sinabi niyang siya ay isang superhero! “Putangina, I am a superhero. Putangina kayong lahat, may superhero na kayo.” Sa mga sumunod na buwan ay nagpamalas ng iba’t ibang talento si Dikta Digong. Siya ay macho, hitler, diktador, at tuta. “Putangina, ako dapat mauna tumikim sa tahong ni madam.” “Putangina, ang sarap mo naman i-kess sa national telebisyon babe.” “Putangina, patayin ko kayong lahat medya.”“Putangina, China is a prend.” “Putangina, I will shoot you in the pepe.” Nagkaroon din siya ng dalawang malapit at tapat na sidekick, si Stoney at si Roque Road na may mga angking lakas rin. Matagal nang magkaibigan sina Dikta Digong at si Bato, bago pa man tumakbo si Dikta Digong bilang superhero. Sa paglandi ni Dikta Digong kay Bato, naparami ang marahas na tropa ni Dikta Digong at inutusan silang lipulin ang drug addicts. “Kalimutan ang mga batas tungkol sa karapatang pantao. Kayong mga drogista, at tambay, dapat kayong umalis. Kasi papatayin ko kayo,” banta ni Dikta Digong. Sa inusal niya, milagrong nagsulputan ang sandamakmak na drug addicts sa

bawat kanto at eskinita, naliligo sa sarili nilang dugo. Ikinatuwa ni Dikta Digong ang mga pangyayari. “Grabe, napakaperpekto ni Dikta Digong. Naiiyak ako sa galing na kanyang ipinapamalas. Whooo-huhuhu!” ani ni Stoney bago siya humagulgol sa harap ng mga sumasamba kay Dikta Digong. Subalit may mangilan-ngilang tumutuligsa na kay Dikta Digong at sa kanyang pananalita. Malaki ang inis ni Dikta Digong dahil may mga nilalang na hindi naaapektuhan ng kanyang kapangyarihan. Kaya naman nariyan si RoqueRoad. “Napakagaling naman talaga ng ating panginoong si Dikta Digong. Napatay niya ang lahat ng drogista at ngayon ay nasa heben na sila! Sambahin!!!” mala-propetang sigaw ni Roque Road habang siya ay naglalakad sa Setion Road. Isang araw, nagising si Dikta Digong at napag-tripan niyang magdeklara ng Batas Militar. Feel niya kasi ang masaya mag-Batas Militar. Sa kanyang pagdeklara ng Batas Militar, nangamba at nag-alsa ang mga tao sapagkat ito ay pahamak, hindi proteksiyon! “Putangina, ako ang superhero dito! Wala kayong magagawa! Manahimik nga kayong mga putangina!” sigaw ni Dikta Digong. Naging isa ang Batas Militar sa nagpapalakas kay Dikta Digong upang matupad niya ang propesiya --na siya ang magliligtas sa sangkatauhan. “Ibagsak si panget na Dikta Digong, isa siyang diktador!” sigaw ng mamamayan habang nagjo-jogging sila sa Setion Road. “Oust Dikta Digong! Hindi ka makatao!” Pero kulang ang lakas ng sigaw ng mamamayan… Kulang ang pag-jogging nila. Kaya walang naramdamang galit si Dikta Digong sa mga salita ng mamamayan. Sa halip ay sinabi na lamang niya ang mga katagang, “Hmpft. Putangina.” At pinitik nalang niya ang kanyang mga daliri... At namatay silang lahat... si Dikta Digong ay namuhay happily ever after.

Putangina.

4

Hindi kami Outcrap at lalong hindi ito lame move. Ginagawa lang namin trabaho namin, di kami oportunista no. #ServethePeopleOyeOye


Si Iska at Ang Gintong Tabako

Mga Kwentong Kyot

SI ISKA AT ANG GINTONG TABAKO ni Kimchi at Xu Ai Ling Iginuhit ni Xu Ai Ling

Ako si Iska mula sa malayong lupain ng Yakapkulugo. Pagsasaka ang pangunahing hanap-buhay sa aming nayon. Ako ang panganay sa aming apat na magkakapatid at simula pagkabata ay nakikita ko na pagsasaka na lamang ang gagawin ko hanggang sa pagtanda. Kailangan kasi ng katulungan nila Inay at Itay lalo na’t ang simpleng nakikita nila sa pagsasaka ay sakto lang para sa pang araw-araw naming pangangailangan. Hanggang sa isang araw ay nakatanggap ako ng sulat na nagsasabing… “Magandang araw pesante! Ikaw ay natanggap sa prestihiyosong Unibersidad ng Pilapinas bilang isang pintor. Magtungo na lamang sa paaralan para sa iba pang impormasyon. Bahala ka na sa buhay mo kung paano ka makakapunta doon, meron namang nakalagay na gabay sa sulat na ito. At wala ka nang babayaran na matrikula dahil may free education na.” Hindi ko inaasahang matatanggap ako sa UP. Pinakatatagotago ko kasing pangarap ang maging isang pintor balang araw. Lahat ng nagiging sikat na pintor sa kaharian ng Pilipinas ay nagtratrabaho sa loob ng palasyo at mataas ang sweldo na nakukuha nila. At sa wakas ay magiging isa na ako sa kanila pagkatapos ng aking pag-aaral. Kahit wala kaming pera, agaran na akong nagpaalam sa aking mga magulang upang magtungo na sa kalungsuran ng kaharian kung saan matatagpuan ang UP. May karampot naman akong ipon na pwede kong gamiting pamasahe papunta sa UP bahala na yung iba kong gagastusin hahanapan ko na lang ng paraan. Sa totoo lang, wala akong ideya kung ano mangyayari sa akin doon pero makikipagsapalaran pa rin ako para matupad ko ang pangarap ko. Hindi ko rin alam paano pumunta doon pero sumakay na lamang ako sa bus na nagsasabing LUNGSOD. “Paalam mga kasama! Ako na ang magiging kauna-unahang pintor galing dito sa Yakapkulugo uwu!” paalam ko sa iba pang mga magsasaka sa aming lugar. Habang nasa byahe ay natulog lamang ako at nagising na lamang sa sigaw ng konduktor. “Gising na mga ulol! Andito na sa Lungsod! Gising na mga ulol! Andito na tayo sa Lungsod, mga ulol!” Pagkababa ko sa bus ay napangiti na lamang ako sa dami ng tao. Hindi ako maliligaw dito dahil marami akong mapagtatanungan. Naglakad na ako hanggang sa may nakitaan akong lalaking kumakanta at sumasayaw sa isang gilid. Magtatanong na lamang ako ng direksyon sa kanya patungo sa unibersidad. “I-pepe. I-pepe. I-dede. I-dede…raa lis mooo,” kanta nung lalaki habang sumasayaw.

5

“Magandang araw po. Pwede ko po ba kayong maistorbo saglit? Paano po makapunta sa UP?” tanong ko. “Wow UP. Ang yabang mo, ha! Tsaka ka na lang magyabang kung may bank account ka na!” Nagulat na lamang ako sa biglang pagsigaw niya at umalis na lang ako. Ngunit sa hindi kalayuan ay nakita ko ang karatulang nagsasabing “Unibersidad ng Pilapinas” at yung malaking estatwa ng mamang hubad. Nagtungo na ako doon at napansin ang napakaraming estudyanteng nakahilera at may hawak na mga papel. Nilapitan ako ng isang babae at inabutan ng isa sa mga hawak niyang papel. “Hi! Do you want to make sali sa amiiing orrrrggg? We have a lot of perks, g0000ssshhh.” “Pasensya na po. Hindi po ako interesado ngayon.” Hindi kalauna’y may lumapit namang lalaki at inabutan din ako ng papel. “Nagsusulat ka ba? Naniniyot ka ba? Gusto mo bang sumali sa aming institusyon?” “Hindi na po muna sa ngayon. Sa susunod na lamang po” May kumpol ng taong patungo sa aking direksyon at nagulat na lamang ako nang may sumigaw galing sa kanilang direksyon. “Hindi pa ba kayo nagagalit!? Panahon na para pabagsakin ang diktaduryang--” Hindi ko na lamang pinatapos ang kanilang sinasabi at nagtungo na lamang ako sa isang opisinang nagsasabing REGISTRATION. Pagkapasok sa loob ay may isang malaking makinang ginagamit. Nagulat ako sa biglaan nitong pagsasalita, “Tumayo sa harapan. Hi. I’m Sumasablaylagi Ang Internet System or you can just call me SAIS. Your personal taga-enroll. What can I do for you?” “Ako po’y nakapasok upang mag-aral maging pintor,” sagot ko.


Mga Kwentong Kyot

“Beep-beep… Loading… Loading… SHUTTING DOWN! SHUTTING DOWN! Shutting doooown…” “Huh?! Wala ka pa ngang ginagawa! Hindi pa ako tapos! Huhu. Ito pala yung sinasabi nilang laging nag-dodown ang system.”

Si Iska at Ang Gintong Tabako

“Sa malayo ka ba nakatira? Sa Planet Mars ba? Magkano kinikita ng mga magulang mo sa isang taon? Mababa lang ba? Kung oo, aba! Pasok ka na rito sa UP BREHA. Kaso dapat tiisin mo ang mahina na Wifi, bawal magluto rito, bihira lang din ang tubig kaya kailangan mo magigib from ground floor to third floor para makaligo ka, at opkors buwis-buhay ang pagtawid papunta sa eskwelahan, kaya Welcome sa BREHA!!” sabi ng babaeng nagbabantay sa opisina ng BREHA.

Biglang may lumapit na namang isang robot sa aking tabi. “Meron ka bang gintong tabako?” “Opo, susubukan ko pa rin dito kasi mura lang. Hindi ko naman na po kayang magbayad ng mas mahal pang tirahan.” “Wala po. Ano po ba iyon?” “Iyon ay binibigay lamang sa mapalad na mga kabataan. Pero bilang isa kang hamak na pesante lamang, kailangan mo ng gintong tabako upang makapag-aral ka dito sa unibersidad. Magkakaroon ka lamang nito kung magiging tagahugaskangpinggantaga-labataga-luto tagahalongsementotaga-kuskosngkubetataga-linisngkukotagatawagngpasahero o taga-bantayngmgabatanangsabay-sabay habang ikaw ay nagaaral.”

Hanggang sa nagumpisa na ang semestre ko. Nag-exam, nagrecite, tumambling, tumakbo, kumain, nagtrabaho, nagkuskos ng pader, ng kuko, ng kubeta… Mahirap pala. Mahirap kumuha ng gintong tabako lalo na pagpinagsasabay sa pag-aaral. Wala akong inasahang baon mula sa pamilya ko sa Yakapkulugo kaya sariling kayod lang talaga ako.

Iba pala kapag mayroon kang gintong tabako agad. Hindi mo Hindi ko na naintindihan ang sinabi ng robot at hinanap na kakailanganing magkuskos ng kung ano-ano habang ikaw ko na lang yung gintong tabako para matapos ko na ‘tong ay nag-aaral. Hindi mo kakailanganing hatiin ang oras at enrollment ko. Nakita ko ang isang opisina na may nakalagay katawan mo upang makapag-aral lamang nang libre. na GINTONG TABAKO! Agad-agad akong pumila roon. Isang malaking karatula ang bumungad sa akin kaya binasa ko. Pero parang hindi naman libre… Kala ko ba karapatan dapat ang libreng edukasyon? Hayy ang hirap. “VERY VERY VERY IMPORTANT ANNOUNCEMENT: FREE EDUCATION FOR ALL. CHECK THE IMPLEMENTING RULES AND REGULATIONS (IRR) BESIDE THIS TO “Beep boop beep boop. Ito na ang grades mo this sem… tres, KNOW IF YOU ARE QUALIFIED. YOU CAN STILL PAY tres, tres, tres, tre-” THE GINTONG TABAKO IF YOU WANT AND IF YOU CAN VIA OPT OUT MECHANISM” Hala ang baba ng mga grado ko. Hindi kasi ako makapagpasa ng ibang requirements kasi wala akong pambili ng mga Nalito ako doon. Sabi “free education for all” pero bakit may kailangan kong materyales. Paano na ‘to? Hindi na ako mga kwalipikasyon pa rin? Bakit may pa-opt out pa rin? makukuha sa in-aplayan kong scholarship. Ano ba yun? Ang gulo. Kaya tinignan ko na lang muna yung sinasabing IRR at dahil freshie pa lang naman ako, pasok pa dapat ako sa free education. Nilapitan ako ng mismong robot na kumausap sa akin noong unang araw ko sa unibersidad. “Uwu. Uwu. Uwu. Mag-apply ka ng scholarship para may allowance ka. Uwu Uwu” sabi ng isang robot sa akin. Siyempre ako ay nag-apply, gintong tabako raw ang makukuha sa allowance.

“Meron ka bang gintong tabako?” “Wala po. Pupwede pa rin po ba akong makapag-aral sa susunod na semestre?”

Nagfill-out ako ng forms dito, tapos doon, tapos dito ulit. Umakyat-panaog sa mga buildings. Tapos nagkwento ng talambuhay ng isang dukhang gaya ko para lang matanggap “Ayon sa data ay… Tres. Tres. WALANG GINTONG TABAKO. sa scholarship... Hanggang sa wakas, tapos ko na ang Walang scholarship. Walang magpapaaral. Wala. Wala… enrollment!! Nakuha ko rin yung scholarship, at nag-apply Pasensya na ngunit hindi ka na makakapagpatuloy.” din akong Student Assistant, sakto lang para sa allowance ko at pambayad ng matitirhan. Kaya umuwi na lang ako at hindi na muling umasang bumalik pa sa UP. Umuwi ako at piniling magsaka kasama ang aking Kaya dumeretso ako sa Bahay ng mga Residenteng pamilya. Umuwi akong bigo mula sa aking mga pangarap. Ewankokungnaliligoba at Hindi Atakumakainontime o BREHA, ang dormitoryo dito sa UP, upang mag-apply ng matitirhan. At saka, pinaalis naman na nila lahat ng mga Ngunit umuwi din ako ng may matibay na hangaring makapagdating nakatira doon kasi kaming freshie naman daw ang aral muli kapag hindi na gintong tabako ang nagpapadaloy ng priority kaya sigurado makukuha ako doon. edukasyon.

6


Patungkol sa Isyung Kyot Ang espesyal na isyu na ito ay para sa magkabilang dulo ng ispektrum. Para sa mga may paninindigan at para sa mga walang paninindigan. Para sa mga walang ideya at para sa mga nakakaalam ng katotohan. Lahat ay pawang katotohanan lamang at walang kinikilingan kundi ang aping mamamayan. Nagpapatuloy ang pagpapalakas ng kapangyarihan ni Dikta Digong. Malapit na muling mahanap ni Macoy ang kanyang daan patungo sa isang palasyo (marahil ay nahanap na nga niya). Hinahanap pa rin ni Mocha si Pina gamit ang kanyang mga desperadang pepe. At may mga paparating pang karakter sa kwentong ito. Pero hindi naman dapat tungkol sa kung ilang karakter pa ang madadagdag kung ilang batas pa ang ipapatupad ni Dikta Digong, o gaano kataas na tore pa ba ng itatayo ni Mocha... Mas tungkol ito sa kailan ba mailalagay ang tuldok sa lahat ng ito? Ang buhay sa Pilipinas ay katulad na lamang ng mga kwentong pambatang ito. Klasikong masasabi na ang mga atake laban sa mahihirap at hindi sa kahirapan. Klasikong masasabi na ang mga kawalan ng katarungan saan ka man lumingon. Klasikong masasabi na ang batas militar.

Masaklap na katotohanan na para bang mahal na mahal talaga atin ang mga klasiko at atin itong binabalik-balikan kahit anong sama ang dulot nito sa atin.

Kailan ba natin maisusulat ang huling tuldok sa mga klasikong ito gayong libolibong buhay na ng mga mamamayan ang natuldukan?

Inihahandog ng Cropout ang mga Kyot na Kuwentong sumasalamin sa realidad ng ating bansa. Mainam na ito’y basahin para ika’y maging kyot na rin.

Tagapagpalaganap ng Ka-kyotan: Punong Kyotditor: Quimberlyn “HaisxztKwimylatte uwu uwu” Ranchez Masungit na Kyotditor: John Rey “John Kino” Dave Aquino Kyotditor ng Ganap: Jemimah “Xu Ai Ling” Keziah Cresencia Kyotditor ng Ganern: Kimberly Joy “Kimchi” Alejo Kyot na taga-budget: Daoden “Byundoodie” Kate Sarmiento Kyotditor ng Grapix/ Layouterer: Divine “Ganda ka” Loraine Peñaflor

Normies: Nicole “Bui Abungirl” Falcasantos Elaine “Sakura Ajinomoto” Pamisaran Maria Catherine “Kyutipatootie” Isabel Garcia Semi-Normies: Alexandria Ma. Noelle “Elle Harriet Silver” Ravago Chelsea “Hiraya Lualhati” Serezo Charlene “CCHHaaaarrrAAaannn” Favis Self- proclaimed Tambay: Angela “Gelayace” Dela Cruz Salamatarigatoverymuch: Arnold Tristan “Mabaitsiyaday” Buenaflor

Cropout Publishing House “Kyot kapag binasa mo to”


Turn static files into dynamic content formats.

Create a flipbook
Issuu converts static files into: digital portfolios, online yearbooks, online catalogs, digital photo albums and more. Sign up and create your flipbook.