HOUSE T U O P O R C
NE
O ADMIT
Dibuho ni Mayor Bibiko Sotto Disenyo ng Pahina ni Yorme Skrrt Moreno
NG I W O H S W NO e3 OWN pag
D N SHOW W O D K AN page 4 M CRAC W O H ATEST S TO page 5 E THE GRE P P U P ZING AY page 6 S DA AMEY N A L A K ING NG e7 KALANS REAT pag H T R O TRICK
PERYA NG SILANGANAN M
ula sa pinakamalaki at pinakamalawak na circus sa bansa… Inihahandog ng pamahalaang Duterte in partnership with the most corrupt, most dangerous, and most plunderous politicians of the country ang… STAR SHITTY! Itinatampok ang wantusawang bumper to bumper rides! Nakamamanghang pagtakas at pag-iwas sa kaso! True-to-life horror house na talaga nga namang nakakapangilabot at marami pang iba! Sama-sama tayong mamangha, matuwa, at maging tanga sa palabas, atraksiyon, at panloloko ng Perya ng Silanganan! Kaya’t ano pang hinihintay mo? Tara na sa Star Shitty! Mga ka-DDS, halina’t tunghayan ang pagtatanghal ng Greatest Showman of all time na walang iba kundi si Tatay Digong! Kasama ang mga batikang mandarambong, propesyonal na magnanakaw, sikat na mga mamamatay tao, at mga papet na ginagawang ilusyon, negosyo, at lokohan ang mga hinaing ng mamamayan. Walang-wala ang isyu ng lipunan dahil bidang-bida ang bawat kuda at pang-i-invalidate ng ating mga pulitiko sa tunay na kalagayan ng ating bansa. Corona Virus who? Taal Volcano eruption what? Okay lang yan! At least may statement sa pagkamatay ni Kobe, ‘di ba? Pero teka wait, don’t judge them they’re not a book ika nga. Kaya ano nga ba talaga ang sagot nila sa ibang isyu? Transport Crisis? No, it’s not real sabi ni Sal Panelo mula sa kanyang once in a lifetime ‘commuting experience.’ Illgotten wealth? Forget na natin ‘yan sabi ng pamilya Marcos dahil that’s so 70s nga naman. Human Rights Defenders? If we can’t join them, let’s kill them, ang tugon ng pamahalaang takot sa kritisismo at paglaban ng tao. Aba, wow
na wow nga naman talaga ang sagot ng mga pulitiko sa isyung panlipunan ano? Kulang na lang mawalan ng pake, nice one mga ka-DDS! Kung entrance fee ang problema, hindi na ‘yan kailangan problemahin pa dahil libreng libre lang ang entrance mga ka-DDS! Sa sobrang lupet ng mga rides and attraction siguradong hindi mo mamamalayang nasa perya ka pala! Pero ooopss teka, hindi porket libre ‘to wala nang kapalit ah? Ever wondered kung saan napupunta ang tax mo? Worry no more dahil bawat buwis na pinagtrabahuhan mo ay diretso landing sa bulsa ng mga pulitiko! Sa aming daily attraction ng pangungurakot at pamamasista, siguradong simot ang kaban ng bayan! Ano pang hinihintay mo? Ayain mo na ang iyong Nanay na lokang-loka na sa pagba-budget dahil sa Train Law, Tatay mong laging late dahil sa trapik, Ate mong nakikipagsiksikan sa LRT tuwing rush hour at Kuya mong sobrang laki ng tuition fee! Tara na sa Star Shitty kung saan lahat ng problema ng bayan ay sapilitan mong kakalimutan. Babaunin ninyo paglabas ang fake news, historical revisionism, malupitang jokes… pero at least masaya mong maisisigaw na ‘Mahal ka namin Tatay Digong’
“
Mga ka-DDS, halina’t tunghayan ang pagtatanghal ng Greatest Showman of all time na walang iba kundi si Tatay Digong!
Mga PML (Panginoong May Lampoon) Master Showman Mayor Bibiko Sotto Aliping Taga-loob Pilya Cayetano Aliping Taga-labas Imees-ed School Marcos Cult Leader Rock Hard Dela Rosa Fake News Queens Grace Poe-ser, Nonsense Binay Feature Teller Bong Go Glow Grow Passion Designer Yorme Skrrt Moreno Vandal Lord Tito Slowto Mga No0bz Salsalvador Panelhoe, Tatay DiGongCha, Stealsiya Villar, Imeldaming Nakaw Marcos, Mochang Suso 2 I STAR SHITTY
Bumper-to-bumper Crisis
T
\\ Salsalvador Panelhoe
ake a load off from walking and immerse yourself in a truly enjoyable experience in our bumper cars! Designed to mirror the transport situation in the Philippines, this new attraction is inspired by real-life events that have caused the Philippines, primarily Manila, to be a complete hell for commuters. Featuring broken LRT stations, all-day traffic, the LTFRB’s abuse of authority, and the people once again suffering from the government’s irresponsibility, this ride is one that you won’t soon forget! Fasten your seatbelts and witness the burning of the Light Rail Transit (LRT) Line 2 caused by a faulty transformer left unchecked by the Light Rail Transit Authority (LTRA), making three LRT stations inoperable! This, paired with the lack of action from the national government, caused the joyous transport crisis in Manila! Our bumper cars, which do not move until three or four hours, mirror what happens every day in Manila. But don’t worry, because while waiting for the traffic to ease, you are welcome to rip your hair out, repeatedly bump your head into your steering wheel, or lose hope that you will ever reach your destination on time. Because you won’t! This ride is sponsored and personally test-ridden by Expert Commuter Salvadumb Pahell-no who confidently took on Anakbayan’s challenge to commute to work on October 11. He arrived at Malacañang after four hours of travel, nearly an hour late for work! Don’t worry though, because he still smiled and stayed true to his denial of the transport crisis when he faced interviews afterwards. Kudos, Mr. Pa-hell no! You have once again held on to your hypocrisy and showed the Philippines the kind of insensitivity the current administration operates with! For those of you who want a more in-depth experience, we have a special New Year promo courtesy of the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) and Joyride! If you thought there was a chance you’d be able to somehow slip through traffic with a motorcycle, you’re sadly mistaken since the LTFRB is cutting down bikers of the motorcycle
r i d e -
hailing platform Angkas from 27,000 to 10,000! We encourage all riders to continue cheering for this fascist regime and support the new platform Joyride instead, despite it being the reason countless Angkas drivers are losing their livelihoods in 2020! We also apologize in advance for any inconvenience this ride may cause since it is still under maintenance and we have a strict No-Outside-Help policy, just like how the Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) seems to have a policy to hate those who try to ease the transport crisis. WARNING: You are advised to keep your entire body within the cars at all times while they are moving since we are not liable for any losses or damages, even those we caused in the first place. This way, we ensure the substandard quality of our service, much like how our government ensures that the transport crisis is not solved but worsened! Visit us again if you feel like revisiting our country’s transport crisis that bears more semblance to a cruddy bumper car ride than a nation with an adequate transport system available for all Filipinos! Enjoy!
CRACKDOWN SHOWDOWN:
DIGONG EDITION \\ Tatay DigongCha
I
t’s cruel… It’s corrupt… It’s criminal! That’s right! The old shooting game of the new decade is finally returning to your locality after forty-seven years! Hold on tight to your safety helmets and bullet-proof vests as we introduce the game which prides itself on its intense body count of the innocent, the forward, and the exploited… Crackdown Showdown: Digong Edition! For the next three years (hopefully not more!), you—yes, you—will get a chance to put yourself in the shoes of the highly praised, highly publicized, and highly petted Tatay Digong! (woof!) Be the man of the hour and the fascist of the term by experiencing the thrill of having your citizens displayed on a shooting range! And if dirtying your hands turns you off, you can always sit in the front row as you watch our competitive shooters put on their bloodied PNP and AFP badges. Watch them unlock their cold M16 rifles and empty their cartridges upon the hundreds of targets available! Crackdown Showdown offers a wide variety of special sectors, like farmers,
workers, youth, women, and national minorities! Also included in the line-up are those who dare try to question Tatay Digong himself! See them bomb and raid Gabriela Women’s party and Bayan Muna, both legal people’s organizations, for a mere hundred points! Farmers, workers, and peasants alike are driven to the corner of the shooting grounds as members of Kilusang Mayo Uno and Anakpawis are gunned down, all for a hundred more! Reynaldo Malaborbor, a former political prisoner from MAKABAYAN, will earn you as much as a thousand points! We also have Judge Anacleto Banez, a man who battled injustice in court, and Dindo Generoso, a broadcaster who spoke truth to power. Tatay Digong secures his innocence, reputation, and power by carefully handpicking the most outspoken targets possible. If shooting does not quench your thirst for violence, torture is also an option! Here we have senior citizen Paterno Caso and his son Dino, brutally tortured before they were killed. Crackdown Showdown rewards limitless points to those who practice the most bloodshed!
But violence is not always the answer, and Tatay Digong understands that the most. When the shooting range features more elusive targets, Tatay Digong introduces the Redtag Scope! This allows players to upgrade their guns for maximum accuracy and damage! Finally, journalists and broadcasters like Cong Corrales and Froilan Gallardo can be put in their places (PNP watchlists, for example!) for the harmless act of reporting the truth of the masses. The National Council of Churches has also been branded as terrorists (one thousand points!), along with other service-oriented organizations. He cannot afford his dirty, murderous tricks to be exposed, so Tatay Digong instead puts these targets on Redtag posters for everyone to despise! The show is not over yet… even when everyone is silenced! Everyone is repressed! And everyone is dead! All that remains is the bloody, empty shooting range, but we are sure that Tatay Digong will always find more! Cruel, corrupt, and criminal. Once more, we present to you… Crackdown Showdown: Digong Edition! The targets will never run out! And whether you like it or not, you— yes, you—could be one of them! Dibuho nina Salsalvador Panelhoe at Mandarambong Revilla Disenyo ng Pahina ni Janet Lim-Napulis
STAR SHITTY I 3
THE
gREATEST
SHOWMAN \\ Baby Boy Locsin
N
i hao ma mga chekwa! Another day, another show para sa kabalbalan ng ating nag-iisang The Greatest Showman starring by no other than Tatay Digong!! Handa na ba kayong makakita ng mga taong unti-unting humahandusay sa lansangan? Eh ng buildings? And more buildings? Cheka! Mamaya na yan papalayasin pa raw ang mga kababayan nating Lumad at Aeta eh kaya makinig muna tayo sa mga aral ni Tatay Digong featuring rape jokes and mysoginistic remarks rawr! Lahat ng yan, dito lamang sa The Greatest Show of Tatay Digong! At ayan na nga po ano! Live na live tayo with all of our 16 million viewers na kapwa mga ka-DDS! Yes naman at nadamay pa nga po ang 100 million population ng bansang Pilipins. Whoaaa blockbuster! Kaya naman hapit na hapit at nagakaka-initan na dito sa ating venue na talaga nga namang sobrang excited makita ang live action ni Tatay Digong. Kaunting highlights lang mga ka-DDS, siyempre alam naman nating lahat na ang role ni Tatay Digong ay mag-head ng mga bloody attacks sa itinuturing niyang mga enemies ‘di ba? And wait there’s more! Sugarol din siya sa mga policies na sa tingin niya ay best sa atin, o ‘di ba saan ka pa? Pero alam niyo may pagka-komidyante din itong si Tatay Digong eh, biruin mo ‘yon gamit niya ang funny jokes about rape sa mga kababaihan napapatawa niya ang madla? Isn’t amazing? Eh sino ba namang hindi mahuhumaling sa inyo kung pati ang mga idol nating leader sa sirkus ay supportive din sa kaniyang actions. Talaga nga namang full force tayo mga ka-DDS! Whoaaa go Tatay Digong! Mahal na mahal ka po namin UwU! B-I-N-G-O, BINGO! One of the main highlights ni Tatay Digong sa kaniyang show ay ang bloody attacks nito sa mga drug users at drug pushers pati na rin sa mga critics nito. Ngayon ay nasasaksihan natin ang interactive Bingo game. I-ready na ba ang mga Bingo cards ninyo for this segment dahil kung atin namang makikita mukhang seryoso at agit na agit na ang announcer ng Bingo game natin for tonight! Katuwang niya siyempre ang pasista at tutang AFP at PNP sa pagbobola sa mga drug addicts at drug pushers na machuchugi. Sino kaya ang next victim nila? Ito na huwag na nating patagalin pa. Wala nang kukurap dahil sa ilang sandali lamang ay madadagdagan na naman ang 30,000 nating mga kabababayan na nachugi sa warla kontra mahihirap ay estse droga. Nagtatawag na nga si Tatay Digong ng pangalan at isa-isang naglalaho ang ating mga kababayan, makikitang nakahandusay sa lansangan habang may karatulang “adik ako, huwag tularan!” It’s more fun in the Pilipins talaga mga bro pare tsong!
Dibuho ni Tito Slowto Disenyo ng Pahina ni Yorme Skrrt Moreno
4 I STAR SHITTY
COIN TOSS Let’s move on to our next segment. Mukhang marami sa inyo ang excited ah! Ano bang gusto ninyong prize mga mars? Gusto ninyo ba ng basic services? Human rights? Or pangkabuhayan showcase? Isantabi muna natin yang mga luho ninyo. Ang goal kasi ni Tatay Digong sa game na ‘to ay makapagpatayo ng infrastructures under foreign investors and local business magnates na nakapaloob sa Build Build Build (BBB) program. Siyempre si Tatay Digong pa rin ang main player nito. I-welcome din pala natin ang mga economists natin from Department of Finance at NEDA. Bibigyan natin ng six years si Tatay Digong na ihagis ang coins o ang pondo na makukuha mula sa mga bulsa ninyo sa target niya na hindi naman appropriate sa bansa. Titigang mabuti kung paanong ini-insist ni Tatay Digong na ihagis ang coins sa target niyang pagkoconvert ng farm land at pagtatayo ng buildings kahit na agricultural country tayo. ‘Di ba gusto naman nating maging kagaya ng Singapore or Japan na maraming malalaking buildings? Say it’s misallocating funds, pero wapakels kasi Tatay Digong knows the best for all of us. Alam kong umaaray na kayo at this very moment, pero need niya ng cooperation natin. Simple lang naman, magtiis muna tayo sa matataas na presyo ng mga bilihin kasi recordbreaking ang 6.7% inflation rate noong September 2018. Ika nga ng mga economists natin dito sa likod ni Tatay Digong, pagkasiyahin muna natin ang P10,000.00 for a family of five every month. Para sa mga audience naman natin na nasa kanayunan na nakakapaglive stream ngayon, pasintabi pero let’s give way to this game muna. Short notice man pero doon din kasi ito-toss ni Tatay Digong ang coins para sa development aggression . FREAK SHOW Hep hep, hooray! Here comes Tatay Digong again to lighten up our day! Tinatawagang muli sa entablado ng Tawag ng Kalaswaan ang ating greatest showman para magperform ng kaniyang
misogynist remarks at rape jokes bilang punchline. Huwag sanang maba-butt hurt pero walang censorship na mangyayari dito mga mars! Ayan oh, bentang benta sa lahat ang punchline ni Tatay Digong sa attempt na pangrerape sa kanilang kasambahay. Ang kapal ng mukha, dinagdagan pa ng punchline sa pag-uutos na barilin sa pempem ang mga friends nating Red Fighters. Bato-bato sa langit, ang tamaan, kahit masakit, huwag sanang ma-agit! Hala sige tawa, normal na at branding na ng pinuno ng sirkus ang ganitong style kaya naman pinagpipiyestahan siya ngayon. At diyan na nga nagtatapos ang ating circus show. Ine-expect ko na mas marami pang pax ang tatangkilik sa show ni Tatay Digong sa mga susunod pang taon. Huwag na kayong magbalak na tumuligsa pa or else, dadagdag na naman ang milyonmilyong bilang ng mga biktima. Masaya at maginhawa naman ang buhay natin ‘di ba? Kahit medyo maraming sacrifices sa mga pakulo ng sirkus at ng ating greatest showman, tiyaga-tiyaga lang! See you for the next three hell years!
I
sa sa mga laruang kinalakhan natin ang puppet na magpahanggang ngayon ay patok na patok sa mga chikiting! Mayroong pinagagalaw gamit ang pisi, sinusuot sa kamay at braso at ipinapalabas sa madidilim na lugar bilang anino. Voila! Ang dating alaala lamang ng ating pagkabata ay nakarating na sa palasyo! How true? Very true. Ipinakikilala ang pinakamatalinong puppet sa buong sirkus, Salvador Puppetto. Mamangha sa kanyang natatanging kakayahan na mag-isip at iinterpret ang sinasabi ng kanyang amo! Abangan ang araw araw na
pagpapalit-palit ng magagarbong kasuotan ng puppet na ito. Mula sa mga scarf, amerikana, kurbata, pantalon at jacket na may bright colors at unusual design, (Fashion icon ka ghorl???) you are surely in for a show. Bilang spokesperson ni PDuts, siya’y naatasang humarap at sagutin ang mga nagbabagang katanungan ng midya patungkol sa mga ginagawang aksyon ng administrasyon. #ShowbizLife. Ngunit kung papansining mabuti, parang ventriloquist ang relasyon nilang dalawa. When Dugong speaks, na madalas ay walang kuwenta at relevance, Puppetto squeaks – nariyan si Puppetto upang ihayag ang kanyang sariling interpretasyon at pagkakaunawa sa kanyang petmalu na lodi. Syempre, hindi pwedeng pakyut lang ang puppet. Dapat magsalita at gumalaw galaw ang puppet, sirkus ang pamahalaan ano. Every day is a performance. Ilan sa acts ni Puppetto ay ang pagligtas kay Dugong noong Setyembre tungkol sa alitan ng teritoryo ng mga karagatan laban sa China. Umiling kasi ng very very hard ang ulo ni Senior Associate Justice Antonio Carpio dahil sa statement ni PDuts na isasantabi niya muna ang arbitral ruling para maipagpatuloy ang joint oil and gas exploration sa mga isla. To the rescue siyempre si Puppetto at tiniyak ang mahistrado na huwag magworry dahil never daw tatalikuran ng pangulo ang kanyang responsibilidad na ipagtanggol ang ating teritoryo laban sa mga nangaangking singkit. Business lang daw ito, weh?? Mama mo business. Isa lamang ito sa million times na iniligtas niya ang kanyang amo dahil sa katabilan ng bibig nito. Nang kanyang sabihin ang mismong salita na, “I will kill you,” agad na naglabas si Puppetto ng sariling interpretation na nagsasabing hindi literal na chuchugihin ang mga pusher at user ng droga, kundi tamang Temple Run lang naman daw hanggang nasa kulungan na sila. Kahit grabe ang putak ng mga bastos at kadiring komento mula sa bunganga ni Dugong, yakang-yaka baliktarin at pabanguhin ni Pupetto. Ipinayo niya sa mga sundalo ng
AFP na dapat barilin nila sa kipay ang mga babaeng rebelde, and opkors ano’ng sagot ni Puppetto dito? Jowk lang daw yooooon—wag seryosohin. Parang isang pandesal sa pugon, napag-initan din si Lord Doots ng simbahan dahil sa kataga niyang: “God is stupid;” at parang kwatro na naging tres, naikurba ni Puppetto ang diskusyon sa pagsabing ito ay opinyon lang daw—at hindi naman direktang insulto sa simbahang Katoliko. Ebas pa ni Puppetto, ipinakita pa nga daw ni Dugong ang pinakamataas na antas ng espiritchuwality dahil sa pagsisimula ng diskurso tungkol sa relihiyon—ameeeen. “I’m just the spokesman, but the president has spoken so I don’t even have to add anything to what he said, it’s very clear…” Charot ang statement na ito ni Puppetto. Kahit tagapagsalita lang siya, kanyang binabaliktad ang lahat ng statement ng pangulo. Ang puppet ay nagkaroon na ng sariling kamalayan at pagkabatid sa kung ano ang dapat at hindi dapat gawin. Ang dizzying system na ito ay pinuna maging ng bise presidente na nagsabing nagsasanhi ito ng pagkalito at kaguluhan. Sa kanyang radio show, ibinulalas ni mars ang obserbasyong ito—na minamanipula ni Puppetto ang mga controversial na ebas ni PDuts. Tunay na puno sa suliranin ang gobyerno. Kumbaga sa units, overload na! Mula sa mga walang katapusang korap na politiko hanggang sa walang kasanayan at eksperiensyang mga lingkod-bayan, hindi maitatanggi na ang pamahalaan ay isang katatawanan, isang sirko. Isang kongregasyon ng mga ganid na politikong walang malasakit sa kanilang dapat pinaglilingkuran. Isa si Puppetto sa mga atraksyon sa karnabal na pak na pak sa masa! But, we must never forget, kahit matalino ang puppet, mas matalino pa rin ang kumokontrol. Maaaring sinadya ito ni Dugong, ang greatest con man, upang gamitin ang wittiness at intelligence na taglay ni Puppetto at pabanguhin at itago ang masangsang na amoy na sumisingaw sa kanyang sirko.
g n i z y e m a Da puppettO \\ Daks Gordon
STAR SHITTY I 5
10
KULTURA
M
ga apologist este mga suki! May bagong papromo ang pinaka paborito nating pamilya ng mahikero. Grabe napaka-inspirational talaga ng pamilyang Marcos, kahit ano’ng batong kritisismo sa kanila, umaalingasaw ang baho ng budhi ng pamilyang ito. Amazing! Kaabang-abang ang kanilang pagdating sa barangay Peylipens para sa kanilang The Greatest Tricks of all time featuring lies and crimes. Siguradong madugo ito at lalong mabibilog ang utak niyo dahil sa kanilang angking galing. #Mindblowing! Hindi matalo-talo, makakapal pa rin ang pagmumukha’t walang kupas pa rin manlinlang gamit ang kanilang salamangka. Nga pala, nagbigay sila ng 0.0000005% na discount. O diba! Hindi ka na lugi sa halagang buhay mo ang kapalit. Kaya tara na! Nood na, ibang klaseng experience ito, at sure akong magbabago ang buhay niyo. Like super! The Sosyal Escape Artist Welcome sa ating audience! Ready na ba kayong maloko? I mean, mamangha?! Nako sigurado akong matutuwa kayo sa ating opening performance. Ang ating escape artist na si mommy Imelda! Yes naman, napakaraming kulungan ang nagkalat sa entablado. Makawala kaya siya sa mga ‘to? Nagsimula na nga ang trick at tinalian si mommy Imelda sa leeg gamit ang mga dyamante from the blood of the people. Gayundin, sa kamay ng over sa tibay na kadena, worth 200 milyong dolyar na pondo ng bayan, at saka pinasok sa kulungan. Worth seven counts of graft na kandado ang inilagay upang hindi na makawala sa kulungan si mommy pero wait, sa super magic skills ng lola niyo na mag-alibi, I mean gamitin ang kanyang ultimate power sa batas, nakalaya si mommy Imelda nang walang kahirap-hirap. Akalain niyo yun, yung kadenang worth seven counts of graft ay natapatan lamang ng senior citizen’s card, pero kapag yung ibang matatanda na nakagagawa ng krimen, agresibo ang pulis pangkalawakan na hulihin? Anyare, may ginto ba yung senior citizen’s card ni Imelda? The Peyk Hypnotists Palakpakan naman natin ang susunod na mga performer. Nako! Kaunting info lang ano, kilala ang magkapatid na ito sa super amazing nilang credentials. Si Bongbong may PhD bilang taga-hugas ng pwet ng kanyang father dear at si Imee naman ay walang degree kaya paliitan na lang daw ng utak. #Recordbreaking! Kaya naman, without further ado, let’s welcome the Hypnotist duo! Sinimulan nang magkapatid ang kanilang hypnotizationalizm sa audience gamit ang umiikot na roleta. Biglang naging itim ang mga mata ng mga ito hudyat na hawak na ng mga mahikero ang kanilang pag-iisip. Agad huminto ang roleta sa katagang, “Marcos is a hero,” at kusang naghiyawan ang mga tao! Pero wait paalala ko lang, thesis ang nire-revise gurl ha, hindi history. Kaloka! #FeelingGraduateKaGh0urL??? At eto pa! Apakatigas din ng pagmumukha para magpakita pa ulit sa public and then tamang takbo ulit sa posisyon. Move on na nga naman sa mga happenings noong Martial Law pero never as in ever silang magmomove-on sa pagkatalo sa VP elections!!! Ano ito selective amnesia? Kayo-kayo na lang magiging masaya, ganon?! Gusto favorite ni lorde? Ferdie the Chakang Illutionist Heto na ang pinakahihintay ng lahat #ComebackIsReal ika nga, nagmula pa sa dagat-dagatang apoy, umahon sa lupa, una ang mukha, let’s welcome, Ferdinand Marcos! Kilala bilang isang napakagaling na mahikero sa buong mundo sa kanyang ilusyon. Hana, dul, set! Kill democracy! Annyeonghaseyo, Marcos imnida! Agad nagsigawan ang mga fans. Ito na nga ang pinakakaabang-abang na palabas. Nilabas na ni papsi Ferdinand ang kabaong na naglalaman ng isang tao na nakatakip ang bibig, nakaposas ang kamay at paa at nagpupumiglas pa #FreshFromTheSeaOfTheExploited! Sinara na ang kabaong at tinusok na ng lolo niyo ang mga espada kasama ang kanyang alagad na pulis pangkalawakan
6 I STAR SHITTY
TRICK OR THREAT \\ Imeldaming Nakaw Marcos
sa iba’t ibang parte nito. Ayan na nga mumshies, dahandahan nang binuksan ang kabaong, at ramdam kong sobrang pigil ang hininga ng ebriwan! At… at… we cannot believe it, nawala nga ang tao sa loob!! Hanep sa galing, finorce ni Marcos na mag-disappear yung tao! At heto na nga ang final act mga mare! Hindi natatapos sa tortures at disappearances ang show ni Marcos, nagnakaw pa nga ang lolo niyo! Tumataginting na… *drum rolls* 200 bilyong pesos! Bigyan ng justice yan kuya Will! Haneeeep! How sweet naman ni papsi Marcos na ibaon muna tayo sa utang bago siya mamahinga sa libingan ng mga bayani (aaawww). Kagigil naman dis hero, pasampal nga lodi kahit isa lang! Tapos isa pa! Tapos marami pang beses!! Kaya wala talaga kayo sa lolo ko, kung ang iba kayang magpabuhay ng patay, siya kayang kumuha ng buhay! Paalala lang mga peeps, pawang #DiktadorTutaMagnanakawMamamatayTao lamang ang nakakagawa nito ha? The Big Reveal Hep! Hindi pa tapos ang palabas, kaya wala munang uuwi! Siyempre sa lahat ng magic show, dapat nire-reveal ang mga pandadaya ng ating mga mahikero! Ano, ready
na ba kayooooo? Walang kukurap ha at lalo nang walang makakalimot. Nandiyan ang natatanging magic wand na kung tawagin ay martial law (Yahooooo!) na siyang pangunahing props ng pamilyang Marcos para magawa ang kanilang magic tricks at para na rin mapanatili ang kanilang show!!! Isang kumpas lang nito, natsugi na nila ang democracy! Ano pa’ng hinihintay niyo?! Manood na kayo ng magic show ng pamilyang Marcos, kung saan walang pakialam sa mga libo-libong pinatay at forced disappearances basta may infrastructures! Yahoo! Naks naman, buildings over buhay. You want more? Then this show will give you more tortures! Tapos more pang gawa-gawang kaso! Dito lang yan kung saan, ano nga ulit yung human rights? O kaya justice? Ah eh basta, may mahiwagang nutribun kami! Kaya kung gusto niyo ulit makakita ng isang show na puro kasinungalingan, please contact hell for more details! See you there daw sabi ng mga Marcos! Marami pa silang gagawing katarantaduhan, abangan!!!! Dibuho ni Francisco Dukwekkwek Mo Disenyo ng Pahina ni Janet Lim-Napulis
“
KALANSING NG
Napasok mo na lahat ng Horror House pero hindi man lang tumayo kahit isang hibla ng balahibo mo? Nagpabalik-balik ka na ng sakay sa Horror Train pero hindi man lang nanginig ni isang daliri mo? Kung naghahanap ka pa ng katatakutang tanging lehitimong demonyo lang ang makakagawa, ito na ang pinakahihintay mo! Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagsama ang tatlo sa mga pinakamalalagim at karumaldumal na pagpatay sa mga inosenteng indibiduwal, inihahandog sa inyo ng marahas at baluktot nating sistema. Huwag ka nang magpumiglas, pakinggang mabuti ang Kalansing ng mga Kalansay! Paalala: Bawal dito ang mga may sakit sa puso at mga walang puso na ang kayang gawin lang ay magsusumigaw at magkibit-balikat pagkatapos masaksihan ang kawalan ng katarungan.” Pagkatapos magsalita ng lalaking naka-costume sa harap, umusad na kami sa entrance. Habang iniaabot ang tiket sa tapat ng pinto ay nagsimula nang kumakarera ang aking paghinga, naglakbay mula sa’king paa patungo sa’king tenga ang nakapapasong lamig. Madilim. Ipinagdadamot ng siwang ng bintana ang liwanag. Umaalingawngaw ang sigawan at mga matitining na tili, ngunit, sa kabila ng ingay ay nangibabaw ang malamig na hanging dumampi sa’king tenga, tila may pabulong na humihikbi. Dumiretso ako sa isang silid. Hindi ako makagalaw nang tumambad sa’kin ang isang kabaong, sa laso nito ay nakasulat ang “Escalante, magsasaka.” Sa tabi nito’y may lalaking naka-salakot. Nanlilimahid sa dugo’t putik ang kaniyang kamiseta. Tumungo siya sa kalsada’t nagprotesta. Bumalot sa paligid ang makapal na usok mula sa tirgas. Nakita ko siyang nagpipigil ng hininga, bumabakat ang kanyang mga ugat sa ulo at leeg. Tumakbo siya patungo sa taniman ng mga tubo. Doon, sa wakas, nagpakawala siya ng malalim na buntong-hininga, ngunit matapos lamang ang ilang segundo… Nakahandusay na siya sa lupa, naliligo sa sarili niyang dugo. Pagkatalikod ko, bumungad sa’kin ang dalawampung kalansay. Ibinusal ko nang mahigpit ang aking palad sa’king bibig, pinipigil ang tinatangkang paghagulgol. Nagbukas ang panibagong pinto. May lalaking nakaberdeng t-shirt at kupas na pantalon nanakaupo sa nitso. Sumisirit ang dugo mula sa kanyang mukha. Nakasulat sa nitso: “In Loving Memory of Mendiola.” Lumakad ako sa
KALANSAY sakahan kung saan siya tumungo. Nag-aani siya ng palay sa ilalim ng matinding init. Noong tanghalian, pinaghatihatian nila ang kakarampot na nakahain. Pinag-uusapan nila ang protesta para sa tamang hatian ng lupa, sapat na kita, at reporma. Ilang taon na raw nila ‘yong ipinaghihimutok, ngunit laging mga gahamang panginoon ang kinakampihan ng batas. Sinubukan kong sundan sila, ngunit naharang ako ng labing-tatlong kalansay na nakakalat, napatid ako sa isa sa mga ito, kaya nakadapa akong lumuluha sa may pasilyo. Sa pasilyo, nakarinig ako ng back hoe na nagbubungkal sa lupa, kumikiskis ang bakal sa mga bato. Lumitaw ang isang babaeng nababalot ng lupa’t tuyong damo. Umaagos ang dugo mula sa mga tama niya ng baril. May suot siyang I.D., kung saan nakasulat ang “Maguindanao, PRESS.” Sa taluktok ng bundok, nasaksihan ko kung paanong parang nagsasanay sa pagbaril ang tumira sa kanya, walang pakialam kung saang bahagi ng katawan niya lalapag ang bala. Paulit-ulit. Parang hayop na kinakaladkad patungo sa hukay. Umalingasaw ang amoy ng pinaghalong lupa, dugo, at kalawang habang niyuyupi ang mga sasakyan at nagkakalasog-lasog ang mga bangkay sa loob. Sa silid, may limampu’t pitong kalansay. Lahat ng kaba ko ay napalitan ng pagkasuklam at paghihinagpis. Ang mga mabibigat na patak ng luha ay naghahabulan sa pisngi ko, patuloy pang rumaragasa habang nakatitig ako kina Escalante at naiisip kong hanggang ngayon ay kabi-kabilaan pa rin ang pagpaslang sa mga magsasaka, at may bago pang armas laban sa kanila: mga batas na lalo lang nagsasadlak sa kanila sa kahirapan. Hindi man sila habulin ng nguso ng baril ay tiyak na mangangamatay sila sa gutom. Lumapit ako kay Maguindanao. Nakangiti akong lumuluha nang maaalala ko ang hatol sa kaso niya makalipas ang isang dekada. Subalit, sumagi rin sa’king isipang isa pa rin ang Pilipinas sa mga bansa kung saan hindi ligtas ang mga mamamahayag.
\\ Gloria Makapal-Arroyo Nasundan ang mga patayan. Hindi pa nga nahahanap ang ibang kata… Natigilan ako, “Si, si Reynaldo Momay, nakita mo ba?!” Pinipilit kong magkasalubong ang aming mga mata, ngunit nanlupaypay ako nang makumpirmang hindi nga niya talaga ako naririnig o nakikita. Biglang may pumasok na humahagalpak. Siya ba ang hustisya? Ngunit wala siyang suot na piring at nagbibilang siya ng salapi habang pinaglalaruan ang timbangan. “Akala mo nanalo na kayo no? Kulang ng isa? Hanapin mo ako! Hahahaha!” sigaw niya. Kumakalansing ang napakaraming kalansay sa loob. Ngayon ko lang napansin ang mga nakasulat sa dingding na: Escalante Massacre-Setyembre 20, 1985; Mendiola Massacre-Enero 22, 1987; Maguindanao Massacre-Nobyembre 23, 2009, at marami pang iba. Doon ko napagtanto na may mas nakakatakot pa kaysa sa anumang salitang kinakabitan ng “horror” sa umpisa. Mas nakagigimbal ang karahasang umiiral sa bansa, ang pilay na batas, ang katiwalian ng mga gahaman na namumuno, ang kahirapan, krimen, at mga sanga-sangang suliranin ng bansa, parang mga multong hindi natatahimik, parang mga bangungot na hindi natatapos. Naghanap ako ng pinto kung saan pwedeng lumabas, ngunit wala akong natagpuan. Ipinapaalala ng tunog ng kalansay na hindi na nga pala ako pwedeng lumabas, dahil ito, ang masalimuot at nakakatakot na lugar na ito ay ang tahanan ko, natin. Napasalampak ako sa sahig at napayakap sa’king tuhod. Napakahaba pa ng pasilyo, napakarami pang pinto ng mga silid ang mag-isang bumubukas-sara, may mga kabaong pang walang laman, may mga nitso pang walang pangalan. Makakalabas pa kaya tayo?
Dibuho ni Mochang Suso Disenyo ng Pahina ni Janet Lim-Napulis
STAR SHITTY I 7
everydaY
charot AN INTRODUCTION TO FORTUNE TELLING
UTER
MM THE CO
THE MADMAN
THE JO KER
R RME A F THE
THE
KIN GMA
KER
FROM THE GREAT PROPHET
Money Pakyut LEARN THE TRUE MEANING OF CHAROT CARDS AND THE SECRET WITHIN THESE MEANINGS!