17 minute read
OPINION
UPCAlidad na Edukasyon?
KUWENTONG FRESHIE
Advertisement
NI RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITER
Muntik ko nang hindi ituloy ang aplikasyon ko sa UP. Noong panahon na iyon kasi, laganap ang COVID-19 cases at ramdam na ng lahat ang negatibong epekto ng lockdown sa mental health ng mga Pilipino. Idagdag mo pang wala namang konkretong plano ang gobyerno at puro anunsiyo lang kung Alert Level 2 o Alert Level 1 ba ang lugar namin. Hindi ko alam kung gaano katagal akong makukulong sa bahay at kung kakayanin ko ang isa pang taon ng online class. Nakansela ko na rin ang aplikasyon ko sa mga scholarship program at iba pang unibersidad na nais kong pasukan. Naisip ko, huwag na lang muna akong mag-aral nang isang taon dahil nakakapagod at hindi naman sulit ang luhang nauubos ko sa online class. Baka TOTGA ko ang mag-kolehiyo ngayon at, ika nga ni Katy Perry, in another year (life) ay baka matanggap na ako sa isang unibersidad at I will be their girl.
Kaso hindi ako pwedeng huminto sa pag-aaral. Panganay ako. Kailangang makatapos kaagad para hindi naman kawawa ang mga magulang kong puspos sa pagkayod matustusan lang ang pag-aaral naming magkakapatid. Libre na rin naman ang tuition sa UP, kaya makaluluwag kami kahit papaano sa gastusin. Ang poproblemahin ko na lamang ay kung makapapasa ba ako, kaya pikit-mata kong ipinasa ang UPCA Form 2 at naghintay ng resulta na sa Hulyo pa raw ilalabas.
Inilabas na ang resulta at nakita kong nakapasa ako. Napa-post ako sa Twitter at Facebook sa kilig. Ngunit hindi pa tapos ang araw ay nanlumo na ang pakiramdam ko. Napaisip ako, kung wala kayang COVID-19 at natuloy ang UPCAT, makakapasa kaya ako? Pakiramdam ko kasi ay hindi. Pinaghirapan ko naman ang mga grado kong naging basehan ng UPCA at may tiwala naman ako sa sarili ko, ngunit hindi ko maiwasang isiping hindi ako karapat-dapat para sa kursong aking nakuha. Pinag-iisipan ko pa kasi kung tutuloy ako sa UP o sa iba na lang mag-aaral dahil may ibang kurso akong mas gusto. Ang lakas ng sampal sa akin ng pribilehiyong kaya ko pang isiping tanggihan ang Unibersidad ng Pilipinas kung makapapasa ako sa ibang paaralan. Kaya kong isiping tanggihan ang kursong nais at pangarap kunin ng iba.
Dismayado rin ako dahil hindi naman talaga pantay ang naging basehan. Ang daming hindi nakapasa na dapat namang nakapasa bunsod ng online ang ebalwasyon. Mahirap ding maialis sa isip na marami sa mga nakapasa, kahit noon pa man na may exam, ay iyong mga may kaya namang magbayad ng matrikula sa ibang mga unibersidad. Dagdag pa dito na mas pinahirap pa ng pandemyang patuloy na nararanasan ng mamamayan ang proseso para makapasok. Masama pa ang tingin sa aming mga pasado sapagkat walang naging pagsusulit, na para bang kasalanan naming palpak ang pandemic response ng gobyerno na nagdulot ng pagpapasara sa mga paaralan at pagbabawal ng pisikal na pagkakaroon ng klase at entrance exam.
Alas, lahat tayo ay biktima ng bulok na sistema ng edukasyon sa bansa, mahirap man o mayaman. Ang pinirmahang batas na dapat na naniniguradong may dekalidad, at accessible na edukasyon na matatanggap ang kung sino mang nais mag-aral ay hanggang sa papel na lamang yata mararamdaman. Kinailangan pa ngang makibaka ng mga estudyante para sa pagkakaroon ng libreng matrikula, kahit na batayang karapatan ang edukasyon para sa lahat. Sa mga prayoridad ng pamahalaan, tila hindi kasama sa pag-unlad ang sistema ng edukasyon.
Naipasa ko nga ang UPCA, bagsak naman ang sistema. Nakapasok nga ako sa UP, hindi naman nagbago ang sistemang nagdudulot sa kabataan na dumaan sa butas ng karayom makakuha lamang ng libre at dekalidad na edukasyon na dapat sana’y lahat ng magaaral sa bansa ay mayroong access. Ngayong nalalapit muli ang paglabas ng resulta ng UPCA, hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung ganito pa rin ba ang daranasin, iisipin, at itatanong ng mga nais tumuntong ng kolehiyo at nagpasa ng aplikasyon nila.
Hindi ko maiwasang itanong, ngayon kaya, dekalidad na ba ang edukasyon na ang ating matatamasa? Lalo na’t sa loob ng pamantasan, ibang hirap rin ang dinadanas ng mga isko’t iska. Nandyan ang kakulangan sa slots, agawan sa courses, ang bulok na SAIS [na malapit nang mapalitan sa wakas!] at hindi user-friendly na online classroom. Ito ba ang dadanasing hirap ng mga estudyante para sa dekalikad na edukasyon?
Serbisyo, Hindi Negosyo
NO FURY SO LOUD
NI JOHN MICHAEL MONTERON STAFF WRITER
May kasabihan sa ingles na “blood is thicker than water”. Sinasalamin nito ang katapatan at katatagan ng isang tao pagdating sa kanyang kadugo o kamag-anak. Subalit, inabuso naman ito ng mga taong sakim sa kapangyarihan at nanasya. Kaya naman patuloy na namamayagpag ang dinastiya ng iilang pamilya sa politika sa Pilipinas, sa lokal man o pambansang pamahalaan. Tila ba naging negosyo na ang pagtakbo sa politika.
Tatakbo sa kahit anong posisyon ang nanay o tatay ng isang dominanteng pamilya. Sa paglipas ng panahon, aangat sa mas mataas na posisyon ang mga nauna at papalit naman sa kanila ang mga anak. Dito nabubuo ang isang dinastiya. Hanggang sa masakop na nila ang malaking porsyento ng posisyon sa pamahalaan.
Dahil dito ang malaking bahagdan ng perang nakalaan dapat sa mga proyektong makakatulong sa taong bayan ay napupunta sa bulsa ng kanilang pamilya. Base sa pagsasaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), hindi bababa ng 70 mula sa 177 na mga party-list na akreditado ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2022 na eleksyon ang mayroong mga nominadong konektado sa mga angkan ng mga politiko. Gayong nakasaad sa konstitusyon na lubhang ipinagbabawal ang political dynasty. Kahit pa may apat na nakabinbing Anti Political Dynasty Bill sa 18th Congress, hindi pa rin umuusad ang pagsasabatas nito.
Dominante na sa politika ang mga naghaharing-uri. Sila ang pangkat ng tao na may pinakamataas na katayuang panlipunan; mga burgesya komprador kung tawagin—bunga ito ng pagsasabuwatan at pagturing sa pwesto sa pamahalaan bilang isang negosyo. Kaya’t mapapansin natin na marami sa mga naipatupad na batas sa mga nagdaang taon ay lalo lamang nagpalala sa sitwasyon ng minorya. Malinaw na mas prayoridad ng pamahalaan ang interes ng mga naghaharing-uri at hindi ang mga ordinaryong mamamayan.
Nasaan ang boses ng mga minorya? Nasaan ang kinatawan ng masa? Nasaan ang demokrasya? Maraming nagsulputan na partidong politikal na kinabibilangan ng mga political dynasty. Ilan sa mga halimbawa nito ang pamilya Pimentel. Ang asawa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na si Kathryna Yu-Pimentel, ang first nominee ng PDP Cares Foundation Inc., isang multisectoral na grupong konektado sa PDP-Laban; politikal na partidong tinaguyod ng yumaong ama ng senador. Kaya kabalintunaan kung maituturing ang kalagayan ng politikal na dinastiya. Madalas na naratibo ng kanilang kampanya ay para sila sa maralita dahil galing din sila sa hirap. Samantalang pansariling interes lang ang kanilang pakay.
Hindi naman na bago ang salitang dinastiya. Noon hanggang ngayon, ito na ang nagpapatakbo sa ating sistema. Isang halimbawa nito ang karumaldumal na sinapit ng Pilipinas sa kamay ng pamilya Marcos. Kaliwa’t kanang krimen ang kanilang ginawa; kinamkam ang pera ng mga mamamayan at kinitil ang buhay ng mga tumutuligsa sa kanila. Napatalsik man ang mga Marcos noon, walang pinagkaiba ang pumalit sa kanila, ang pamilya Aquino. Ang pangakong reporma sa lupa ni Cory, nauwi sa pagdanak ng dugo ng mga pesante noong Mendiola Massacre at ngayon naman, ang pamilya Duterte. Pinangako ni Duterte na supilin ang droga sa Pilipinas, ngunit, humantong lang ito sa extrajudicial killings. Mayroon silang iisang pagkakatulad, kapit din sila ng mga kapitalista at komprador — mga tuta ng imperyalistang US. Samakatuwid, nagiging sangkap lamang ang dinastiyang politikal upang manatili sa kapangyarihan ang mga salot sa lipunan—isang monopolyang pinapatakbo ng mga naghaharing-uri.
Hindi madali ang paglaban natin sa mga mapang-aping politiko sapagkat mahirap banggain ang mga naghaharing-uri na nagmamanipula sa takbo ng ating lipunan. Gayunpaman, ayaw na nating maulit ang bago na namang anim na taon ng pagpapahirap sa ilalim ng Marcos-Duterte. Walang magbabago sa Pilipinas kung sila ulit ang uupo sa pwesto; walang bago sa mga mukhang hinulma sa dugo at laman ng mga diktador na may iisang pag-iisip at iisang motibo. Ngayong darating na eleksyon, huwag na tayong magpaloko sa huwad na pagbabago. Kailangang maging kritikal at huwag agad maniwala sa mga sabi-sabi, lalo na ngayong talamak ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon. Kaya naman, iboto natin ang may pakialam sa masa. Ang pagsali sa politika ay isang gampanin upang paglingkuran ang masa, hindi upang pagkakitaan ang masa. Panahon na upang putulin ang henerasyon ng mga diktador, trapo, at dinastiya; iwaksi ang dekadekadang pagpapahirap; buwagin ang mga politikal na dinastiya.
Sa ngalan ng pamamasada
UNDER SCRUTINY
NI ALEXANDRA DELIS CONTRIBUTOR
Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Alexandra Delis kay Mario, taga-pangulo ng isang pila ng pampasaherong dyip sa rutang Tanauan-Calamba.
Ilang linggo nang nagtataas ang presyo ng krudo at gasolina, kumusta ang naging pasada n’yo? Kumusta ang kita ninyo sa pang araw-araw na pamamasada?
Wala nang halos kinikita dahil mababa ang pamasahe tapos ang taas ng diesel. Sa diesel lang napupunta lahat. Nagbo-boundary pa ang iba. Buti pa ang mga katulad namin na sarili ang sasakyan, okay lang na ang maiuuwi ay anim na daan e amin naman ang sasakyan. ‘Yung iba nag-uuwi lang ng 200 [pesos], magpapa-krudo pa sila. Ang natitira na lang ay 200 [pesos at] tsaka boundary. ‘Yun lang ang kinikita ng aking mga miyembro. Wala ng natitira.
Lahat apektado. Hindi lang naman kaming mga drayber pati mga pasahero namin. Kasi malaki ang impact sa amin niyan. Ang problema niyan, magrereklamo ang mga pasahero edi kami ang maaapektuhan. Papaano mababalanse ang bagay na iyon? Doon kami nahihirapan. Dati mayroon pang balanse, nagbibigayan ang bawat isa: para sa mga pasahero at para sa drayber. Ang problema ngayon, kami ang mas malaki ang nawawalan. Kasi kami, pagdating din sa mga gagamiting materyales ng sasakyan syempre nandiyan ang gulong, nandiyan ang langis, nandiyan ang krudo na mas mataas pa sa gasolina. Wala na sa piso ang pagtaas, wala na sa porsiyento.
Sana ay matugunan ang aming hinaing–kaming mga drayber. Sana ay tugunan ang aming hinaing na bumaba ang presyo ng krudo, kung ‘di lang din naman sila magtataas ng aming pamasahe. ‘Yung hinaing ng aking mga miyembro na itaas ‘yung pamasahe ay madagdagan naman sana.w
Nitong Marso, tinutulan po ng LTFRB ang Provisional 1 Peso na dagdag sa pamasahe, ano pong komento ninyo doon?
Ngayon, wala naman kaming magagawa nang tanggihan ng LTRFB ang aming panawagan sa dagdag piso na pamasahe nitong Marso. Kahit anong daing naman namin, hindi naman [kami ang] nasusunod, [kundi] lagi naman sila ang nasusunod. Lagi na kaming talo–kaming mga drayber.
Kung iyong papansinin, ang drayber nasa kalagayang mahirap. No choice kami. Kapag dinesisyon nila na pababain ang pamasahe, wala kaming magagawa. Ngayon kung sila’y may puso talaga, pare-pareho lang kaming tao. Bagama’t ‘yung mga nanunungkulan, madali lang magdesisyon e. Dapat may puso sila. Sa totoo lang, kung sila ang nasa kalagayan namin baka sabihin nila unfair ‘yung mga bagay nila. Isipin mo pababain pa nila ang aming pamasahe, wala naman silang binibigay na taripa. Kitang kita naman nila na tumataas ang krudo
LARAWAN MULA KAY SONYA CASTILLO
at mas mataas pa sa gasolina. Kung pupwede lang ay gumawa sila ng tamang tugon. Bigyan nila kami ng taripa, mas mainam. Para lahat mababalanse. Pero dapat at least 12 pesos ang aming minimum [fare]. Pero sa dulo, bagsak talaga [ang kita namin]–napaka-unfair.
Itaas ang pamasahe, at kung maibababa rin sana nila ang produkto ng langis. Kasi tumaas ang langis at saka ‘yung krudo. Lahat naman ay tumaas e, pati bilihin tumaas. wDapat naman ay matugunan ang problemang ito. Dahil hindi lang kaming mga drayber apektado, pati mga mamamayan.
Si Mario ay taga-pangulo ng isang pila ng pampasaherong dyip sa rutang Tanauan-Calamba. Si Mario ay 51 na taong gulang na, at sampung taon nang namamasada.
Ang artikulong ito ay mga sipi mula sa panayam ni Alexandra Delis kay Mario.
The UPLB Perspective is accepting opinion articles that touch on relevant issues concerning news, politics, culture, and personal experiences. Send your articles or queries to opinion.uplbperspective@
gmail.com
Be a kakampi for the people
MUMBLINGS
BY SAMANTHA DELIS CONTRIBUTOR
Day by day, discussions regarding the upcoming 2022 elections continue to intensify. Every time I open my social media accounts, there isn’t a minute that I won’t bump into election-related posts. “Picking colors” has been the favorite (and the most hated) topic in all settings. May it be on social media platforms, at the dining table, in every inuman, or in my case, even in a relative’s funeral wake. At the end of the day, we engage in these discussions to exchange ideas and present factual information. We are all driven by the same hope: to escape from the ruins we were all buried in by our leaders the past few decades. This is our common ground.
But as the election day draws nearer, we need to ask ourselves; Does our purpose still drive us or are we pulling ourselves further apart?
Recently, the intention of our discussions has been misguided. Information and opinions reach us at an alarming rate, and persuasion becomes secondary. Instead of engaging in relevant discourse, we resort to insults, and condescending remarks to those with opposing views. Hence, the birth of a clapback called ‘elitista’.
I have seen many Facebook posts reflecting elitism. For instance, comparing ‘this supporters’ at Starbucks to ‘that supporters’ at 7-Eleven reeks of condescension, and elitism. What does being capable of going to expensive cafés prove anything, anyway? It is a nonsensical argument.
Furthermore, the bayaran-in-rallies narrative is rampant since national campaigns are at full swing. Various responses for accusing a bayaran in these campaign rallies have circulated as shared posts across social media outlets. I remember reading a shared post quoting, “Paano kami magiging bayaran, e may Montero kami? [How could you accuse us of being paid when we have our own Montero?]” and flaunting how a P500-peso rally bribe could not even make up a portion of their expenses for the rally alone.
If your mindset implies that “an insulting comment deserves an insulting response”, then you are not fighting for them, but you are just fighting to win a heated argument.
We should try looking at the context of the situation. In light of the disinformation and misinformation widespread during the current infodemic, many of us have been unwitting victims. Many have been brainwashed into believing a false history, presenting facts as manufactured propaganda, while presenting their own version, serving their purposes. We must take this into account to contextualize the political conversations we are having.
History books have been discredited, academic journals have been disproved, historians and journalists have been slandered. This predicament continues to dominate as
Voices must be amplified, not vilified. Persuade, not degrade. Optimize, not ostracize. Expand the picket line, and not divide.
random Tiktok videos and Facebook posts containing false and misleading information prevail and spread across social media platforms.If we trace the root cause of the infodemic, it all boils down to the inaccessibility to credible and digestible information. Many people do not share the same opportunities and privileges. And even if they do, they are still victims of this deceptive system.
The biggest fight lies in the welfare and interests of the masses. We all face a common battle, and we should understand that we are all victims of this corrupt system. The enemies are not the supporters wearing a different color. The real villain is sleeping soundly, planning carefully how to move the pawns. We must remember that narrowing down the issues and concrete conditions of the masses should be the essence of our political conversations, and not personality politics. Showing off one’s social status and intellectual ascendant does not speak well for us. We all share the same desire: good governance. In order to achieve that, it is imperative that we inform and convince them to side with the truth instead of alienating them.
Before speaking, try asking yourself first: “What and who am I really fighting for?”. Only then, you could realize that the goal is to fight for the masses–not to villainize them. Be a kakampi–an ally for the people and the people’s agenda, and not just for the color you are wearing. A kakampi for the people sounds better, after all.
Manindigan ngayong Mayo
EDITOR’S NOTE : This editorial was first published online at uplbperspective.com on May 1, 2022 entitled “Pagtindig ngayong Mayo Uno”.
Tuwing Mayo Uno ay pinagdiriwang ang Araw ng Manggagawa, kung saan libo-libong manggagawa ang nakikilahok sa protesta sa lansangan upang ipabatid ang mga problemang kinahaharap ng mga manggagawa. Ang unang pagkilos ay naganap noong Mayo 1, 1903, kung saan 100,000 na manggagawang kasapi ng Union Obrero Democratica de Filipinas ang nag protesta at sumigaw ng “ Ibagsak ang Imperyalismong Amerikano!,” sa harap ng Malacañang.
Matapos 119 na taon ay patuloy pa rin ang pagpapahirap sa uring manggagawa. Patuloy pa rin ang kontraktwalisasyon na syang pumapako sa minimum wage na nasa pagitan ng P274.44 hanggang P353.67 sa CALABARZON, walang habas na panggigipit at pambubudol ng gobyerno at ng mga kapitalista sa mga manggagawa, at ang patuloy na paglabag ng mga ahensya ng gobyerno, tulad ng NTF-ELCAC, TF UGNAY na pinangungunahan ng AFP at PNP, mga mapagsamantalang kapitalista na syang lumalabag sa karapatang pantao ng mga manggagawa.
Dagdag sa malakas na kilusang manggagawa, ipinapakita ng kasaysayan ang malakas na pagtindig ng kabataan sa laban ng mga manggagawa. Noong Oktubre 1964, nakiisa ang mga estudyante sa hanay ng manggagawa tutol sa parity rights at pagtatag ng mga base militar ng US, sa harap mismo ng embahada nito. Tumuloy ang maalab na pagkilos sa ika-25 ng Enero sa susunod na taon noong dumugtong sa kanilang hanay ang mga pesante laban sa imperyalistang US at sintomas ng pyudalismo sa lipunan.
Malinaw na kailangang ipagpatuloy at bigyang buhay ang palabang diwa ng mga kabataang nagkaisa sa manggagawa’t magsasaka. Hindi nalalayo ang panawagan ng mga sektor na ito, bilang madaming kabataan ngayon ay napipilitang magtrabaho nang maaga habang tuloy na tinutulak sa kahirapan ang masang Pilipino.
Ang tanging katangian ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte ay madugo ang kanilang kamay. Sa ilalim ng mga rehimen nila, lalong lumala ang pagbaon ng Pilipinas sa utang at ang unang nakikinabang sa mga produkto at likas-yaman ng bansa ay dayuhang kapitalista. Sa kabilang banda, tinitipid—at kung tutuusin, lantarang binubulsa—nila ang nararapat na mapunta sa mamamayan.
Kung hindi man sa neoliberal na polisiyang ipinapatupad, mismong dahas ang tinututok sa mamamayang Pilipino. Hindi nalilimutan ng rehiyon ang pagpaslang sa mga aktibista at lider-manggagawa noong Bloody Sunday; at ang taktikang ito ay hindi rin bago noong namumuno sina Marcos at Arroyo. Kinikilala natin sa palapit na eleksyon ang pangangailangang harangin ang pagbabalik nina Marcos, Arroyo, at Duterte pati ang kanilang mga crony sa pwesto.
Habang pinapalawak ang hanay, matibay pa rin pinaninindigan ang panawagan para sa kabuhayan, karapatan at kalayaan. Napakahalagang panatilihin na nasa unahan ang laban ng manggagawa at ang masang Pilipino.
Hadlangan ang pananatili at panunumbalik ng pasistang paghahari ng alyansang Marcos-Arroyo-Duterte! Uring Manggagawa, Hukbong Mapagpalaya! [P]
SINCE 1973 • TAON 48, BILANG 3 Ang opisyal na pahayagan ng mga magaaral ng Unibersidad ng Pilipinas Los Baños Silid 11, 2nd Floor Student Union Building, Mariano M. Mondonedo Avenue, UPLB 4031 EDITORIAL perspective.uplb@up.edu.ph OPINION opinion.uplbperspective@gmail.com ORGWATCH orgwatch.uplbperspective@gmail.com
SONYA MARIELLA CASTILLO Punong Patnugot CLAIRE DENISE SIBUCAO Kapatnugot JUAN SEBASTIAN EVANGELISTA GIANCARLO KHALIL MORRONDOZ Mga Tagapamahalang Patnugot MARK ERNEST FAMATIGAN Tagapamahala ng Pinansya ROBERT ROY GALLARDO Recruitment and Training Officer ARON JAN MITCHELL SIERVA Patnugot ng Balita GABRIEL JOV DOLOT Patnugot ng Lathalain FELIPA CHENG Patnugot ng Kultura GLEN CHRISTIAN TACASA Patnugot ng Opinyon KYLE HENDRICK SIGAYA Patnugot ng Produksyon AUBREY BEATRICE CARNAJE Kapatnugot sa Grapiks JASE MICHAEL MANATAD Kapatnugot sa Grapiks, OIC JONEL REI MENDOZA Kapatnugot sa Litrato ARIANNE MER PAAS Kapatnugot sa Paglalapat KRYSTELLE LOUISE LACHICA Patnugot sa Online BEYONCÉ ANNE MARIE NAVA Tagapamahala ng Sirkulasyon MGA KAWANI
Johanne Gonzalez, Shane Agarao, Edan Aguillon, Michael Bartido, Mikko Bartolome, Axcel Beltran, Federick Biendima, Caleb Buenaluz, Josiah Bumahit, Allaisa Calserada, Ralph Caneos, Angelyn Castillo, Charleston Jr. Chang, Princess Curioso, Kyle Dalangin, Daniel Del Mundo, Toni Dimaano, Vince Dizon, Aira Domingo, Emerson Espejo, Mark Fabreag, Reignne Francisco, Justine Fuentes, Aynrand Galicia, Laeh Garcia, Pierre Hubo, Leojave Incon, Kyla Jimenez, Kyela Jose, Jemielyn Lacap, Taj Lagulao, EJ Lasanas, Philip Li, Ian Raphael Lopez, Reuben Martinez, Franklin Masangkay, James Masangya, Zahir Meditar, Frances Mendoza, Michael Monteron, Ethan Pahm, Jed Palo, Lindsay Peñaranda, Bianca Rabe, Vianne Redoblado, Jean Reyes, Reysielle Reyes, Dana Sandoval,Rosemarie Sollorano, Fiona Uyyangco, Dean Valmeo, Mac Arboleda, James Bajar, Paula Bautista, Paul Carson, Cyril Chan, Jandelle Cruz, Gerardo Jr. Laydia, Dayniele Loren, Kennlee Orola, Isabel Pangilinan, Aesha Sarrol, Jermaine Valerio,Jonas Atienza, Shane Del Rosario, Marl Ollave, Leda Samin, Joaquin Gonzalez IV, Honey Dela Paz, Khayil Sorima, Ron Babaran, Abel Genovaña, Rainie Dampitan, Reinne Espinosa, Josh Atayde DIBUHO NG PABALAT Jase Michael Manatad