14
OPINION
A P R I L- M A Y 2 02 2 | U P L B P E R S P EC T I V E .O R G
UPCAlidad na Edukasyon? KUWENTONG FRESHIE NI RAINIE EDZ DAMPITAN STAFF WRITER Muntik ko nang hindi ituloy ang aplikasyon ko sa UP. Noong panahon na iyon kasi, laganap ang COVID-19 cases at ramdam na ng lahat ang negatibong epekto ng lockdown sa mental health ng mga Pilipino. Idagdag mo pang wala namang konkretong plano ang gobyerno at puro anunsiyo lang kung Alert Level 2 o Alert Level 1 ba ang lugar namin. Hindi ko alam kung gaano katagal akong makukulong sa bahay at kung kakayanin ko ang isa pang taon ng online class. Nakansela ko na rin ang aplikasyon ko sa mga scholarship program at iba pang unibersidad na nais kong pasukan. Naisip ko, huwag na lang muna akong mag-aral nang isang taon dahil nakakapagod at hindi naman sulit ang luhang nauubos ko sa online class. Baka TOTGA ko ang mag-kolehiyo ngayon at, ika nga ni Katy Perry, in another year (life) ay baka matanggap na ako sa isang unibersidad at I will be their girl. Kaso hindi ako pwedeng huminto sa
pag-aaral. Panganay ako. Kailangang makatapos kaagad para hindi naman kawawa ang mga magulang kong puspos sa pagkayod matustusan lang ang pag-aaral naming magkakapatid. Libre na rin naman ang tuition sa UP, kaya makaluluwag kami kahit papaano sa gastusin. Ang poproblemahin ko na lamang ay kung makapapasa ba ako, kaya pikit-mata kong ipinasa ang UPCA Form 2 at naghintay ng resulta na sa Hulyo pa raw ilalabas. Inilabas na ang resulta at nakita kong nakapasa ako. Napa-post ako sa Twitter at Facebook sa kilig. Ngunit hindi pa tapos ang araw ay nanlumo na ang pakiramdam ko. Napaisip ako, kung wala kayang COVID-19 at natuloy ang UPCAT, makakapasa kaya ako? Pakiramdam ko kasi ay hindi. Pinaghirapan ko naman ang mga grado kong naging basehan ng UPCA at may tiwala naman ako sa sarili ko, ngunit hindi ko maiwasang isiping hindi ako karapat-dapat para sa kursong aking nakuha. Pinag-iisipan ko pa kasi kung tutuloy ako sa UP o sa iba na lang mag-aaral dahil may ibang kurso akong mas gusto. Ang lakas ng sampal sa akin ng pribilehiyong kaya ko pang isiping tanggihan ang Unibersidad ng Pilipinas kung makapapasa ako sa ibang paaralan. Kaya kong
isiping tanggihan ang kursong nais at pangarap kunin ng iba. Dismayado rin ako dahil hindi naman talaga pantay ang naging basehan. Ang daming hindi nakapasa na dapat namang nakapasa bunsod ng online ang ebalwasyon. Mahirap ding maialis sa isip na marami sa mga nakapasa, kahit noon pa man na may exam, ay iyong mga may kaya namang magbayad ng matrikula sa ibang mga unibersidad. Dagdag pa dito na mas pinahirap pa ng pandemyang patuloy na nararanasan ng mamamayan ang proseso para makapasok. Masama pa ang tingin sa aming mga pasado sapagkat walang naging pagsusulit, na para bang kasalanan naming palpak ang pandemic response ng gobyerno na nagdulot ng pagpapasara sa mga paaralan at pagbabawal ng pisikal na pagkakaroon ng klase at entrance exam. Alas, lahat tayo ay biktima ng bulok na sistema ng edukasyon sa bansa, mahirap man o mayaman. Ang pinirmahang batas na dapat na naniniguradong may dekalidad, at accessible na edukasyon na matatanggap ang kung sino mang nais mag-aral ay hanggang sa papel na lamang yata mararamdaman. Kinailangan pa ngang makibaka ng mga estudyante para sa
pagkakaroon ng libreng matrikula, kahit na batayang karapatan ang edukasyon para sa lahat. Sa mga prayoridad ng pamahalaan, tila hindi kasama sa pag-unlad ang sistema ng edukasyon. Naipasa ko nga ang UPCA, bagsak naman ang sistema. Nakapasok nga ako sa UP, hindi naman nagbago ang sistemang nagdudulot sa kabataan na dumaan sa butas ng karayom makakuha lamang ng libre at dekalidad na edukasyon na dapat sana’y lahat ng magaaral sa bansa ay mayroong access. Ngayong nalalapit muli ang paglabas ng resulta ng UPCA, hindi ko maiwasang itanong sa aking sarili kung ganito pa rin ba ang daranasin, iisipin, at itatanong ng mga nais tumuntong ng kolehiyo at nagpasa ng aplikasyon nila. Hindi ko maiwasang itanong, ngayon kaya, dekalidad na ba ang edukasyon na ang ating matatamasa? Lalo na’t sa loob ng pamantasan, ibang hirap rin ang dinadanas ng mga isko’t iska. Nandyan ang kakulangan sa slots, agawan sa courses, ang bulok na SAIS [na malapit nang mapalitan sa wakas!] at hindi user-friendly na online classroom. Ito ba ang dadanasing hirap ng mga estudyante para sa dekalikad na edukasyon?
sangkap lamang ang dinastiyang politikal upang manatili sa kapangyarihan ang mga salot sa lipunan—isang monopolyang pinapatakbo ng mga naghaharing-uri. Hindi madali ang paglaban natin sa mga mapang-aping politiko sapagkat mahirap banggain ang mga naghaharing-uri na nagmamanipula sa takbo ng ating lipunan. Gayunpaman, ayaw na nating maulit ang bago na namang anim na taon ng pagpapahirap sa ilalim ng Marcos-Duterte. Walang magbabago sa Pilipinas kung sila ulit ang uupo sa pwesto; walang bago sa mga mukhang hinulma sa dugo at laman ng mga diktador na may iisang
pag-iisip at iisang motibo. Ngayong darating na eleksyon, huwag na tayong magpaloko sa huwad na pagbabago. Kailangang maging kritikal at huwag agad maniwala sa mga sabi-sabi, lalo na ngayong talamak ang pagpapakalat ng mga maling impormasyon. Kaya naman, iboto natin ang may pakialam sa masa. Ang pagsali sa politika ay isang gampanin upang paglingkuran ang masa, hindi upang pagkakitaan ang masa. Panahon na upang putulin ang henerasyon ng mga diktador, trapo, at dinastiya; iwaksi ang dekadekadang pagpapahirap; buwagin ang mga politikal na dinastiya.
Serbisyo, Hindi Negosyo N O F U RY SO LO U D NI JOHN MICHAEL MONTERON STAFF WRITER
May kasabihan sa ingles na “blood is thicker than water”. Sinasalamin nito ang katapatan at katatagan ng isang tao pagdating sa kanyang kadugo o kamag-anak. Subalit, inabuso naman ito ng mga taong sakim sa kapangyarihan at nanasya. Kaya naman patuloy na namamayagpag ang dinastiya ng iilang pamilya sa politika sa Pilipinas, sa lokal man o pambansang pamahalaan. Tila ba naging negosyo na ang pagtakbo sa politika. Tatakbo sa kahit anong posisyon ang nanay o tatay ng isang dominanteng pamilya. Sa paglipas ng panahon, aangat sa mas mataas na posisyon ang mga nauna at papalit naman sa kanila ang mga anak. Dito nabubuo ang isang dinastiya. Hanggang sa masakop na nila ang malaking porsyento ng posisyon sa pamahalaan. Dahil dito ang malaking bahagdan ng perang nakalaan dapat sa mga proyektong makakatulong sa taong bayan ay napupunta sa bulsa ng kanilang pamilya. Base sa pagsasaliksik ng Philippine Center for Investigative Journalism (PCIJ), hindi bababa ng 70 mula sa 177 na mga party-list na akreditado ng Commission on Elections (Comelec) para sa May 2022 na eleksyon ang mayroong mga nominadong konektado sa mga angkan ng mga politiko. Gayong nakasaad sa konstitusyon na lubhang ipinagbabawal ang political dynasty. Kahit pa may apat na nakabinbing Anti Political Dynasty Bill sa 18th Congress, hindi pa rin umuusad ang pagsasabatas nito. Dominante na sa politika ang mga naghaharing-uri. Sila ang pangkat ng tao na may pinakamataas na katayuang panlipunan; mga
burgesya komprador kung tawagin—bunga ito ng pagsasabuwatan at pagturing sa pwesto sa pamahalaan bilang isang negosyo. Kaya’t mapapansin natin na marami sa mga naipatupad na batas sa mga nagdaang taon ay lalo lamang nagpalala sa sitwasyon ng minorya. Malinaw na mas prayoridad ng pamahalaan ang interes ng mga naghaharing-uri at hindi ang mga ordinaryong mamamayan. Nasaan ang boses ng mga minorya? Nasaan ang kinatawan ng masa? Nasaan ang demokrasya? Maraming nagsulputan na partidong politikal na kinabibilangan ng mga political dynasty. Ilan sa mga halimbawa nito ang pamilya Pimentel. Ang asawa ni Senador Aquilino “Koko” Pimentel III na si Kathryna Yu-Pimentel, ang first nominee ng PDP Cares Foundation Inc., isang multisectoral na grupong konektado sa PDP-Laban; politikal na partidong tinaguyod ng yumaong ama ng senador. Kaya kabalintunaan kung maituturing ang kalagayan ng politikal na dinastiya. Madalas na naratibo ng kanilang kampanya ay para sila sa maralita dahil galing din sila sa hirap. Samantalang pansariling interes lang ang kanilang pakay. Hindi naman na bago ang salitang dinastiya. Noon hanggang ngayon, ito na ang nagpapatakbo sa ating sistema. Isang halimbawa nito ang karumaldumal na sinapit ng Pilipinas sa kamay ng pamilya Marcos. Kaliwa’t kanang krimen ang kanilang ginawa; kinamkam ang pera ng mga mamamayan at kinitil ang buhay ng mga tumutuligsa sa kanila. Napatalsik man ang mga Marcos noon, walang pinagkaiba ang pumalit sa kanila, ang pamilya Aquino. Ang pangakong reporma sa lupa ni Cory, nauwi sa pagdanak ng dugo ng mga pesante noong Mendiola Massacre at ngayon naman, ang pamilya Duterte. Pinangako ni Duterte na supilin ang droga sa Pilipinas, ngunit, humantong lang ito sa extrajudicial killings. Mayroon silang iisang pagkakatulad, kapit din sila ng mga kapitalista at komprador — mga tuta ng imperyalistang US. Samakatuwid, nagiging